Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF CITY OF SAN JOSE DEL MONTE
BAGONG BUHAY B INTEGRATED SCHOOL
Masipag St., Bagong Buhay 1, Sapang Palay, CSJDM, Bulacan

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


(Pamaraang 4 A’s)
Grade 10
Ikaapat na Markahan

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a.) Nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uri.


b.) Naiuugnay ang pangyayari sa napanood sa kasalukuyang panahon.
c.) Malaman ang kahalagahan ng tamang paggamit ng pang-uri.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Filipino: Ikaapat na Markahan – Modyul 7: El Filibusterismo


⚫ Kabanata 39: Ang Katapusan
⚫ Pang-Uri

Mga kagamitang panturo: Mga panturong biswal, Mga larawan, TV


Sanggunian: Filipino: Ikaapat na Markahan – Modyul 7: El Filibusterismo
Pamamaraan: 4 A’s (Activity, Analysis, Abstraction, Application)

PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


I. A
Araw-araw na Gawain
a. Magsitayo ang lahat at tayo ay (Ang tinawag na mag-aaral ay pupunta
panalangin manalangin. (Magtatawag ng isang mag- sa harap at pangungunahan ang
aaral ang guro para pangunahan ang panalangin.)
panalangin.)

b. Pagbati Magandang hapon 10-Archimedes! Magandang hapon din po Bb. Grace!


Bago kayo magsiupo nais ko munang (Pupulutin ng mga mag-aaral ang bawat
pulutin ninyo ang lahat ng kalat na basurang kanilang makikita at itatapon
makikita ninyo sa inyong kapaligiran at ito sa basurahan.)
maayos na itapon ito sa tamang
basurahan.
c. Pagtatala ng liban sa Mayroon bang lumiban sa klase ngayong Wala pong lumiban sa klase ngayong
klase araw? araw.
d. Pagbabalik-Aral Ating balikan ang ating pinag aralin.

1. Ano ang nagtulak kay Dr. Jose Rizal Ang tatlong Paring Martir
para isulat ang nobelang El
Filibusterismo?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang Upang maunawaan ang dahilan at
kasaysayan ng isang nobela? pinagmulan ng isang pangyayari o bagay.
e. Pagganyak
Ano ang kabuuang kaisipan sa mga
ipinakikitang larawan

Ang ikalawang larawan ay nagpapakita ng


kayamanan.

Ang unang larawan ay nagpapakita ng


Pagtakas.

Ang pinakikitang pong mga larawan ay


lason, pagpapakamatay.

Kayamanan, pagtakas at pagkakamatay,


Bilang isang mag-aaral o kabataan, Ano Sa panahon po ngayon, kamatayan ang
ang inyong naiisip sa mga salita na iyan? nagiging solusyon ng tao upang
makatakas sa proiblema.

II. Pagtalakay sa aralin


A. Mga Gawain Ngayon, ay ating tatalakayin
(Activity) ang mga salitang inyong nabanggit sa
ating aralin sa Nobelang El
Filibusterismo.Kabanata 39.

Kayo ay aking papangkatin sa


apat.

Bawat pangkat ay makatatanggap


ng mga Manila Paper, Pentel Pen at iba’t
ibang katanungan.
Walang magsisimula hanggang hindi ko
sinasabi.

Bibigyan ko kayo ng pagkakataon upang


panuorin ang Kabanata 39: Ang
Katapusan ng Nobelang El
Filibusterismo.

Sabay sabay ninyong sisimulan sagutan


ang mga katanungan na
nakalaan sa bawat pangkat. Isulat ang
inyong mga sagot sa Manila Paper.

Unang Pangkat

1. Sino si Padre Florentino?


2. Bakit naiwang malungkot si
Padre Florentino sa pagsisimula
ng kwento?
3. Ano ang dahilan ng pag-alis ni
Don Tiburcio? Ipaliwanag.

Ikalawang Pangkat

1. Sino ang taong kinupkop ni


Padre Florentino sa simbahan?
Bakit naging kahina-hinala ang
taong ito?
2. Ano ang bagay na natanggap ni
Padre Florentino ng araw na iyon
at ano ang nakasaad rito?
Ipaliwanag.
3. Ano-anong mga bagay ang
nilimot ni Padre Florentino na
ginawa ni Simoun?

Ikatlong Pangkat

1. Ano ang natuklasan ni Padre


Florentino pagpasok nya ng silid
na kinaroroonan ni Simoun?
2. Anong mga lihim ang
ipinagtapat ni Simoun kay Padre
Florentino?
3. Paano nagkakilala si Kapitan
Henearl at Simoun? Ano ang
(Ang bawat pangkat ay magsisimulang
naging silbi ni Kapitan Heneral sa gawin ang kani-kanilang gawain.)
buhay ni Simoun? Ipaliwanag.

Ikaapat na Pangkat

1. Ano ang isinagot ni Padre


Florentino kay Simoun sa
kanyang tanong na “Anong klase
ng Diyos ang nagbibigay ng
pasakit?”
2. Ano ang huling ginawa at
huling narinig ni Padre Florentino
mula kay Simoun?
3. Ano ang ginawa ni Padre
Florentino sa bakal na maleta nap
ag mamay-ari ni Simoun?

B. Pagsusuri Matapos niyong gawin ang inyong mga


(Analysis) gawain, atin itong suriin.

Magsimula tayo sa unang pangkat. (Ang unang pangkat ay tatayo at


ipaliliwanag ang kanilang gawa.)

Unang Pangkat:
Magaling! (Ang ikalawang pangkat ay tatayo at
Dumako tayo sa ikalawang pangkat. ipaliliwanag ang kanilang gawa.)

Ikalawang Pangkat:

Mahusay!
Dumako tayo sa ikatlong pangkat.
(Ang ikatlong pangkat ay tatayo at
ipaliliwanag ang kanilang gawa.)

Ikatlong Pangkat:

Magaling! .

Dumako tayo sa huling pangkat.

(Ang ika-apat na pangkat ay tatayo at


ipaliliwanag ang kanilang gawa.)

Napakahuhusay! Lahat kayo ay nakakuha Ika-apat na Pangkat:


ng tamang mga kasagutan. Palakpakan
ang bawat isa.

Sa inyong palagay, ano ang kahalagahan


ng kwento ng Kabanata 39: Ang
katapusan?
C. Paghahalaw Magbigay ng mga tauhan sa El 1. Simoun
(Abstraction) Filibusterismo.
2. Padre Florentino.

Ilarawan ang mga tauhan na inyong Si Simoun ay matipuno.


ibinigay. Si Padre Florentino ay mabait.

Mga Pang-uring Umaakit sa Imahinasyon


at Pandama

Ang pang-uri ay bahagi ng


pananalita na nagbibigay deskripsyon o
turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa.
Kadalasan, ginagamit ito upang mas
bigyang linaw ang isang pangngalan.

Ginagamit ang pang-uri upang lalong


mailarawan at maiparanas ang
konseptong nais iparating at ipakita.

Halimbawa:
A. Ang maysakit ay malungkot na ngumiti.
B. May dalawang gwardya sibil sa labas.
C. Ang kakanin ay matamis.
D. Paglalapat Panuto: Salungguhitan sa loob ng pahayag
(Application) ang mga pang-uring ginamit dito. (Ang mga mag-aaral ay mayroong iba’t
ibang kasagutan.)
1. Mainit pa ang ulam sa mesa ng
dumating si Padre Florentino.
2. Malayo ang bahay ni Kapitan Tiyago
3. May tatlong paru-paro sa halaman.
4. Mataas ang puno ng manga na
pinagtaguan ni Simoun.
5. Si tata selo ay mapagmahal sa amin.
6. Malamig ang simoy ng hangin ng araw
ng pasko.
7. May dala anim na tinapay si Huli para
kay Basilio.
8. Madumi ang silid ni Simoun ng
pumasok si Basilio.
9. Malungkot si Isagani ng makita si
Juanita Palaez.
10. Mabilis takbo ng kabayo sa pagtugis
kay Simoun.

III. PAGTATAYA
Panuto: Tukuyin at isulat sa iyong sagutang papel ang letra na kukumpleto sa
pangungusap.
1. Kilala si Padre Florentino bilang isang paring _______________.
A. mapagbigay B. maramot C. matapang D. tamad
2. Kakaiba sa lahat ng pare si Padre Florentino na ipinakilala sa El Fili dahil
siya‟y isang _____________.
A. Amerikano B. Arabo C. Indiyo D. Kastila
3. Si Padre Florentino ay naging ganap na pari sa edad na ______.
A. 24 B. 25 C. 29 D. 35
Panuto: Piliin ang pang-uri sa bawat pangungurap.
4. Iginuhit ng makulay ni Maria Clara ang Larawan?
A. Iginuhit B. Makulay C. Maria Clara D. Larawan
5. Masarap ang pagkain na inihain ni Padre Florentino kay Simoun.
A. masarap B. pagkain C. Inihain D. Simoun

IV. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Sumulat ng maikling talata na nagpapatunay na ang paghihiganti ay walang maidudulot na mabuti.
Patunayan ito gamit ang pangyayaring naganap kay Simoun sa huling bahagi ng kabanata.

Pamantayan (Rubrik) Nilalaman - 3 Organisasyon - 3 Kaangkupan sa Paksa - 2 Kalinisan - 2 Kabuoan - 10

Inihanda ni: Bb. Marie Grace G. Saluta


Guro I

Iniwasto ni: G.CRISPINO DELA CRUZ


Master Teacher I

Ipinasa kay: DR. FLORDELIZA LIMON


Principal IV

You might also like