Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BUENSALIDA KRISHA NICOLE O.

BEED- 3

MASUSING BANGHAY ARALIN

SA ARALING PANLIPUNAN 4

I. Layunin

Pagkatapos ng talakayan at ilang gawain, ang mga mag- aaral sa ika- apat na baitang
ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na may 75% o higit pang antas ng
kawaatuhan;

a. naisa- isa ang mga isyung pangkapaligiran ng bansa

b. natalakay ang mga isyung maaaring makaapekto sa ating kapaligiran

c. Napahalagahan ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran sa bansa.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga isyung pangkapaligiran ng Banda

Mga kagamitan: Manila paper, Printed pictures,Mystery Box

Sanggunian: Araling Panlipunan- ikaapat na baitang, kagamitan ng mag- aaral Unang


Edisyon 2015

Metodolohiya: detaied lesson plan

III.

Gawain ng Guro Gawain ng mag- aaral

Panimulang Gawain

Panalangin:

Kent pwedi mo bang pangunahan ang ating Kent: nananalangin


panalangin?

Pagbati:
Magandang araw ma’am
Magandang araw mga bata
Pagtala ng liban:

BATO, CERNAL, CAINONG, COLIPANO,


HOMERES

Balik- Aral

Kahapon tinalakay natin ang mga


pangunahing Angyong Lupa at Anyong tubig
sa bansa Tama? Opo

Sino ang makapagbibigay ng mga Ang mga pangunahing anyong tubig ay


pangunahing anyong lupa. Rosemarie? Bundok, Kapatagan, at burol

Magaling, ano naman ang mga Ma’am. Ang mga anyong tubig ay
pangunahing anyong tubig? John john? Karagatan, Look, at Golpo

Mahusay, inaasahan ko na marami ang


inyong natutunan sa ating aralin kahapon.

Pagganyak

Bago natin simulan ang ating talakayan


ngayong araw, may ipapakita muna akong
mga larawan at tukuyin ninyo kung ano ang
ipinapakita nito, at ang sanhi nito,
naintindihan ba? Glena? Opo ma’am

Mga taong nagpuputol ng puno para


Ano ang inyong napapansin sa unang gumawa ng mga estraktura.
larawan? Mga bata?

Ang epekto ng patuloy ng pagputol ng


puno ay Magkakaroon ng baha

Ano ang epekto ng patuloy na pagpuputol ng


mga puno?
ma’am Nagtatapon ng basura sa ilog

Magaling, tama, ano naman ang napapansin


ninyo sa pangalawang larawan? Kent?

Ano naman ang epekto ng pagtatapon ma’am Polusyon


ng basura sa ilog? Mga bata?

Mahusay, tama ang inyong mga


kasagutan. Batay sa inyong mga Nakita sa
mga larawan, ano kaya ang tatalakayin natin Mga isyung pangkapaligiran
ngayon?

Magaling mga Bata

2. Paglalahad ng paksa

Ang tatalakayin natin ngayon ay ang


mga isyung pangkapaligiran sa ating bansa.

Layunin

a. naisa- Isa ang mga isyung


pangkapaligiran ng bansa.

b. natalakay ang mga isyung maaaring


makaapekto sa ating kapaligiran.

3. napahalagahan ang pagpapanatili ng


malinis na kagapaligiran sa Bansa.
Gawain (indibiduwal na Gawain)

Magtala ng tatlong mga gawain ng tao


na nakakasira sa ating kapaligiran, isulat ang
epekto nito at ang posibleng solusyon dito.
(sasagutan ng mga bata)

Analysis

Batay sa inyong gawain, anu- ano ang


mga sanhi ng mga hindi tamang gawain ng
tao sa ating kapaligiran.
Nagkakaroon ng pagbaha, Global warming
at polusyon.
Tama, sa pagbabago at pag- unlad ng
isang bansa ay may kaakibat na epekto sa
kapaligiran. Maaaring Ito ay mabuti o
masama ayon sa kinalalagyan ng mga
pagbabago.

Isa sa mga pagbabagong Ito ay ang


industriyalisasyon. Ito ay ang malakihang
pagpapatayo ng mga industriya, pagtatag ng
kalakalan, at iba pang mga gawaing pang-
ekonomiya. Ito ay may mabuti at masamang
epekto sa kalikasan. Ang mabuting epekto
nito ay dahil sa pag- unlad industriya,
nagkakaroon ng pondo para sa proyekting
reforestation I muling pagtatanim at ang
pagkakaroon ng sapat na lakas- Tao na
nakakatulong sa mga proyekto para sa
kalikasan.

Gayunpaman, may kaakibat ding


masamang epekto ang industriyalisasyon.
Kasama rito ang Global warming, pagbaha,
pagguho ng lupa at polusyon.

Global Warming
Ito ay ang pagtaas ng temperatura ng
atmospera ng mundo sanhi ng mga
chlorofluorocarbons na nanggagaling sa mga
industriya at maging sa kabahayan.

Pagbaha at pagguho ng lupa

Ito ay bunga ng walang habas na


pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa
kabundukan at kagubatan.

Polusyon

Nakakaapekto hindi lamang sa kalusugan


ng tao kundi maging sa likas na yaman. Ang
usok at langis mula sa mga pagawaan at
sasakyan ay nakadurumi sa hangin at
katubigan na maaaring maging sanhi ng
pagkakasakit ng mamamayan.

Abstraksyon

1. Anu- anong isyu pangkapaligiran ng


bansa ang mga nabanggit sa iyong bansa? Global warming

Pagbaha at pagguho ng luha

Polusyon

2. Paano nagkakaroon ng global warming?


Ano- ano ang epekto nito sa kapaligiran?
Dahil sa chlorofluorocarbons na
nanggagaling sa mga industriya at
kabahayan. Nakakapaekto Ito sa
kalusugan at mga pananim.

3. Paano maiiwasan ang mga kalagayang


nakakaapekto sa ating kapaligiran? Paano Ito
matutugunan? Pagkakaroon Ng disiplina sa paggamit
ng likas na yaman.
Aplikasyon(group activity)

Ngayon magkakaroon tayo ng


pangkatang gawain. Sa loob ng mystery box
na Ito ay mga papel na may tatlong kulay.
Kapag ang nakuha mo ay Pula, ikaw ay
nabibilang sa unang grupo, yellow sa
pangalawang grupo, at blue sa pangatlong
grupo.

Sa bawat grupo ay may nakatalaga na


isyung pangkapaligiran, ang gagawin ninyo ay
isadula kung paano Ito maiiwasan. Opo ma’am
Naintindihan?

Kung ganun, ang bawat grupo ay may


dalawampung minuto para sa inyong gawain.
Narito ang rubrics para sa Gawain ninyo. (Gagawin ng mag aaral ang gawain)

5 3 2

Mahusay na Nasadula Hindi


pagsasadula ng ang malinaw
mga konsepto konsepto ang
konsepto

May Hindi Higit sa


kooperasyon lahat tatlo ang
sumali sa hindi
gawain sumali

Husay sa 1- 2 ang Higit sa


pagprepresenta mali tatlo ang
mali

Natapos ng Natapos Natapos


higit sa sa nang
itinakdang oras itinakdang lagpas sa
oras ibinigay
na oras.

IV. Pagtataya

Direksiyon: Sa sagutang papel isulat ang titik ng tamang sagot na naaayun sa dahilan ng
mga isyung mababanggit.

A. Walang habas na pagpuputol ng mga puno

B. kaingin

C. Kawalan ng punong sisipsip sa tubig- ulan

D. Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan

E. Labis na pagbubuga ng usok at chlorofluorocarbons

1. Pagdudumi ng tubig at pagkamatay ng mga yamang tubig

2. Pagkaubos ng mga halamanan at mga hayop sa kagubatan

3. Pagbaha at pagguho ng lupa

4. Pag- init ng atmospera na maaaring sumira sa ozone layer o global warming

5. Pagkasira ng mga pananim sa kapatagan

V. Takdang Aralin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong, isulat sa sagutang papel

1. Bilang mag- aaral sa ikaapat na baitang, paano ka makakatulong sa pagbawas o pagpigil


sa mga epekto ng global warming?

2. Paano mo ibabahagi sa iba ang tungkol sa mga isyung pangkapaligiran at pagtugun sa


mga isyung Ito?

You might also like