Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Si Malakas at Si Maganda

Bago nagsimula ang panahon, ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na


kalawakan. Naging malungkot ang Diyos sapagkat wala Siyang makita o marinig.
Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto, at ang langit ay napapalamutian
ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang
kumukutikutitap ang libo-libong mga bituin. Inaangat ng Diyos ang Kanyang kamay at
ito’y itinurong pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga lunting
kahuyán ay sumibol, pati mga damo. Namukadkad at humahalimuyak ang mga
bulaklak. Ang mga dagat ay umalon, at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang
mga ibon sa himpapawid at nag-awitan.Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang
ginintuan at mahiwagang paraiso.

Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin.
Pagkatapos ikinampay ang matipunong mga pakpak at paimbulog na pababa sa
kahuyán. Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod
sa mahinhing paspas ng hangin.Kanyang binilisan ang paglipad pababa. Siya’y
dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga.

”Tok! Tok! Tok!”

Nadama niya ang maririing katok na


nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig siyang
narinig!

“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng


mga ibon!” ang hinaing. “Tuktukin ng iyong tuka
ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako
makahinga. Para itong karsel!”

“Baka ito’y patibong!” ang isip ng ibon.


Mayamaya’y may butiking gumapang na paitaas
sa kawayan. Ang ibon palibhasa’y gutom, ito’y
tinuka ngunit hindi nahuli.

Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.Nabiyak ang kawayan.


Isang makisig na lalaki ang lumabas.

“Salamat sa iyo, dakilang hari ng mga ibon! Ako’y si Malakas. Tuktukin mong muli
ang kawayan. Iyong palabasin ang aking kasama!”

Tinuktok ng hari ng mga ibon ang isa pang kawayan. Isang mahinhin at
magandang babae ang lumabas. “Ito’y si Maganda, ang aking asawa. Pinalaya mo
kami, dakilang ibon. Ikaw ay magiging kasama namin habambuhay!”

“Hindi maaari. Maraming salamat,” sagot ng ibon. “Ako ay ibon at ang tahanan ko ay
malawak na papawirin. Ako’y naglalayag sa hangin. Ang aking bagwis ay sinadya sa
paglipad. Subalit umasa kayong lagi ko kayong aawitan. Pag ako’y wala na, ang
maliliit kong supling ang aawit sa inyo. Aawitin din nila ang mga awit na inawit ko!”

“Hali kayo! Sumakay kayo sa aking bagwis. Kayo’y dadalhin ko at ipakikita sa inyo
ang Lupang Hinirang. Doon kayo maninirahan!”

Sina Malakas at Maganda ay dinala sa mga pulong luntian at kumikinang sa


sikat ng araw. Ang mga ito’y tulad ng tinuhog na kuwintas na isang mahalagang
hiyas! Dito sa mga pulong ito, Perlas ng Dagat Silangan, nagsimulang namuhay ang
mag-asawang Malakas at Maganda — ama’t inang pinagmulan ng lahing
kayumanggi.
Alamat Ni Bernardo Carpio

Noong unang panahon may magasawang hirap sa kanilang buhayang


naninirahan sa bundok ng San Mateo Rizal. Sila ay biniyayaan ngisang
sanggol na lalaki,ito ay malusog at malaki. Ang bata ay pinangalanan nilang
Bernardo Carpio. Siya ang naging tanging kayamanan ng mag-asawa.

Ngunit may napansinang kanyang mga magulang nakakaiba sa


kanilang anak. Ang bata ay mayroong di-pangkaraniwang lakas na
taglay.Kanyang nasisira ang mga bagay nakanyang nahahawakan hanggang
sa paglaki ng ni Bernardo Carpio taglay niya ang di-pangkaraniwang lakas na
ito. Lumaki siya na isang makisig at malakas na lalaki. Kung kaya ang lahat
ng mga kalalakihan ay umurong kay Bernardo Carpio. Ngunit si Bernardo
Carpio ay hindi katulad ng karaniwang lalaki na mahilig sa mga kasiyahan
siya ay masaya na makipaglaro sa mga hayop sa kagubatan. Nakarating sa
kaalaman ng isang Engkantong mainggitin ang di-pngkaraniwang lakas ni
Bernardo Carpio kung kaya isang araw ay inabangan niya ito at hinamon.

Nagtagisan at nagpaligsahan ng lakas ngunit ang Engkanto ay hindi


man lang nanalo kay Bernardo Carpio. Kung kaya ito ay naka-isip ng
masamang balak. Inaya niya ito sa pook kung saan mayroong naglalakihang
bato ang magkaagapay. Sinabi niya dito nadoon ang kanyang tahanan.
Dinala ng Engkanto si Bernardio Carpio sa lugar na iyon.

Nang nasa pagitan na ng dalawang bato si Bernardo Carpio ang


engkanto ay nawala at naglaho. Naiwan si Bernardo carpio sa pagitan ng
dalawang malaking bato. Biglang ang bato ay gumalaw at magdidikit. Ginamit
ni Bernardo Carpio ang kanyang lakas upang siya ay hindi maipit dito. Kung
kaya ayon sa matatanda si Bernardo Carpio ay andun pa din sa pagitan ng
dalawang bato. Na kapag lumilindol sinasabing si Bernardo Carpio ay
kumikilos upang siya ay makawala sa pagitan ng dalawang bato.
Alamat Ni Mariang Sinukuan

Sa kalagitnaan Luzon ay may


kaisa-isangbundok, ito ay ang bundok
ng Arayat. Mala-maharlika ang tindig ng
bundok naito. Dito nagmula ang
magandangalamat ni Mariang Sinukuan.
Noong unang panahon, sagana
sabungang kahoy at malulusog na
hayopang bundok ng Arayat. Sa paligid
nito ay mayabong ang mga halaman
atmasagana ang ani.Ang may-ari ng
bundok na ito ay si Maria. Siya ay ubod
ng ganda,kayumanggi, mahaba ang
buhok,matangos ang ilong ngunit
mahiwagang babae.

Paminsan-minsan, makikita ang mga taga arayat at akaratig pook na


namamasyal kung hatinggabi. Madalas, kapag may kinakapos ng
pagkain,nagigisnan na lang nila ito sa kanilang punong hagdan.Isang araw,
may mga sakim at mga tamad na tao ang nangahas namanguha ng prutas at
manghuli ng hayop sa bundok ni Maria. Malalaking supot at sako ang
kanilang dala. Kumain sila ng maraming prutas, Dumating si Maria at
nagwikang “Sige, kumain kayo ng magugustuhan ninyo, nguni’thuwag kayong
mag-uuwi.”Pagkaraan ng isang oras, akala ng masasamang-loob ay umalis
na si Maria .Nanghuli sila ng mga hayop at pinuno nila ng prutas ang mga
supot. May natakot na baka magalit sa kanila si Maria nguni’t dala ng
kasamaan ay nakisama na rin sa pangungulimbat. Hindi nagtagal at napuno
na ang kanilang mga lalagyan at dali-daling lumisan sa pook na iyon. Ni hindi
nila pinansin si Maria na noon ay dumarating bagkus ay binilisan pa nila ang
kanilang mga hakbang.Hindi nila namamalayan na pabigat nang pabigat ang
kanilang mga dalahin at nang ito ay kanilang buksan, wala silang makita kung
di mga bato.

Nakita sila ng isang matanda, “Aanuhin ninyo ang mga batong iyan?”
Napag-alaman niya na galing sila sa bundok. “Uli-uli huwag kayong kukuha
ng hindi sa inyo at lalong masama kung walang pahintulot. Kung sabagay
mabait si Maria, hindi nga kayo sasaktan. Igalang naman sana natin siya.
Marami nasiyang nagawang kabutihan sa atin.”Marami pa ang sumunod na
nagtangkang magnakaw kay Maria. Dahil dito,nagtampo at nagalit na si Maria.
Dumating ang panahon na hindi na siya nakikita ng mga tao. Hindi na rin siya
tumutulong sa mga tao. Unti-unting humina ang mga hayop, ang mga
halaman ay nalalanta. Ang mga tao ay kinapos at nagutom. Nagtipun-tipon
ang lahat at napagkaisahan nilang sumuko na kay Maria.Kailangan nilang
humingi ng tawad sa mabait na mahiwagang babae. Nguni’tang lahat ng
kanilang pagsisikap na makahingi ng tawad kay Maria ay balewala nang lahat
pagka’t ang kanilang sinukuan ay hindi na nagbalik pa. Kaya, kinailangan na
nilang magpatulo ng maraming pawis upang sila ay mabuhay.

You might also like