Parable #6 The Sower

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

The Sower

Parables of Jesus Christ, #6

PARABLE #6: THE SOWER

Mateo 13:3-9, 18-23


3
At nagsalita siya sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga, na
sinasabi: “Makinig kayo! Isang manghahasik ang humayo upang maghasik.

4
Habang siya'y naghahasik, may mga binhing nahulog sa tabing daan; at dumating ang mga
ibon at kinain nila ang mga ito.

5
Ang iba nama'y nahulog sa batuhan na doo'y kakaunti lamang ang lupa; at kaagad silang
sumibol yamang hindi malalim ang lupa.

6
Kaya't pagsikat ng araw, ang mga iyon ay natuyo at dahil sa walang ugat ang mga iyon ay
tuluyang nalanta.

7
Ang iba ay nahulog sa mga tinikan. Lumaki ang mga tinik at sinakal ang mga iyon.

8
Ang iba ay nahulog sa mabuting lupa, at namunga. Ang iba ay tig-iisang daan, ang iba ay
animnapu, ang iba ay tatlumpu.

9
Ang mga may pandinig ay makinig.”

18
“Pakinggan ninyo ang talinghaga ng manghahasik.

19
Kung ang sinuman ay nakikinig ng salita ng kaharian, at hindi niya ito inuunawa, darating
ang masama at aagawin ang naihasik sa kanyang puso. Ito ang naihasik sa tabing daan.

20
Ang napahasik sa mga batuhan ay iyong nakikinig ng salita, at agad niyang tinatanggap ito
na may kagalakan.

21
Gayunma'y hindi siya nagkaugat kundi sandali lamang tumatagal; at kapag dumating ang
kapighatian o pag-uusig dahil sa salita ay kaagad siyang natitisod.

22
Ang napahasik sa mga tinikan ay iyong nakikinig ng salita; ngunit ang kabalisahan ng
sanlibutan at ang daya ng mga kayamanan ay sumasakal sa salita at iyon ay nagiging walang
bunga.

1
23
Ang napahasik naman sa mabuting lupa, ay iyong nakikinig ng salita at inuunawa ito, na
siyang talagang namumunga. Ang isa ay isandaan, ang iba ay animnapu, at ang iba ay
tatlumpu.”

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

A. Tanong: Sa aling mga bagay maihahalintulad ang iba-ibang uri ng mga tagapakinig ng
Salita ng Diyos?
B. Tandaan: Sa talinghaga, ipinapakita ang kapangyarihan ng binhi, ang Salita ng Diyos, at
ang kakayahan nitong lumago at mamunga depende sa uri ng lupa na kung saan ito
naihasik.

C. Representasyon/Maikling Paliwanag

1. Manghahasik (sower) – si Cristo, at ang Kaniyang mga alagad na naghahasik ng Salita


ng Diyos (Juan 12:46-48, Marcos 16:15-16).

2. Binhi (seed) – ang Salita ng Diyos (Roma 1:16-17, 10:17)

3. Ang binhi ay nahulog:


a. sa tabi ng daan (verse 4).
b. sa mga batuhan o mabatong daan (verse 5).
c. sa dawagan o sa lupang may matitinik na damo (verse 7).
d. sa mabuting lupa (verse 8).
4. Binigyan ng diin sa talinghaga ang mga tagapakinig (hearer/receiver) ng Salita ng Diyos:

a. ANG TABI NG DAAN. Sila ang mga tagapakinig ng Salita, ngunit hindi nila ito
naunawaan sapagkat wala silang tiyaga (2 Peter 3:16). At dahil hindi nila naunawaan,
madaling naagaw ng masama ang Salita na itinanim sa kanilang puso (Mateo 13:19).

-- Maikukumpara dito ang mga taong masisipag sa paghahanapbuhay, mga


negosyante o empleyado, mga estudyanteng abala sa kanilang pag-aaral o sa tawag ng
barkada, mga taong may katungkulan sa komunidad o sa gobyerno, mga kilalang
personalidad, atbp. Sila na may kani-kaniyang prayoridad sa buhay at sa kanila’y mas
nangingibabaw ang mga pang-araw-araw na gawain kaysa ang pakikinig at pag-aaral ng Salita
ng Diyos ay may mga pusong maikukumpara sa dakong nasa "tabi ng daan". (Mateo 13:19)
(Pansinin: Tabi ng daan = maaaring kumakatawan sa abalang pamumuhay o
pagiging abala sa maraming bagay, sumusunod at nakikiayon sa nakararami at sa
napapanahon, at may higit na pagpapahalaga sa pansariling kapakinabangan at kagustuhan.)

-- Upang maunawaan ang "salita ng kaharian", kailangang maituwid ang mga


prayoridad sa buhay. Nasa top priority mo ba ang pag-aaral ng Salita ng Diyos? (Mateo 6:33)

b. ANG MABATONG LUGAR. Sila ang mga tagapakinig ng Salita na masayang


tinanggap ito ngunit nang dumating ang kahirapan o pag-uusig dahil sa Salita na kanilang
tinanggap, agad silang tumalikod sa kanilang pananampalataya (Mateo 13:20-21).

2
-- Maikukumpara dito ang mga taong may kakayahan sa buhay kahit papaano,
mga kumportable na sa kasalukuyang pamumuhay, walang iniindang sakit, mga pasakit o
problema sa buhay, masasabing "successful" naman, at may natutulungan pa ngang iba.
(Pansinin: Mabatong lugar o batuhan = maaaring kumakatawan sa karangyaan,
salungat sa "putik o putikan" o kahirapan sa buhay.)
Sila ay nakarinig at tumanggap ng Salita at maaaring umaasa na magpapatuloy
ang kasaganahang kanilang tinatamasa nang dahil sa kanilang pananampalataya. Ngunit,
nang subukin, nang dumanas ng pagsubok sa buhay, kapighatian, pag-uusig, kahirapan at
kakapusan sa buhay ay kaagad na tumatalikod sa pananampalataya. (Mateo 13:20-21)

-- Dapat na maunawaan na ang "salita ng kaharian" ay hindi isang garantiya


ng kasaganahan sa pinansiyal at materyal na mga bagay at hindi rin magbibigay ng
kumportableng pamumuhay dito sa lupa. Bagkus, ang sinumang nagnanais na sumunod sa
Panginoon ay kailangang tumalikod sa pansariling interes, magtiis sa mga pagsubok na
maaaring kaharapin, at sumunod nang may katapatan sa kalooban ng Diyos. (Lucas 9:23-26)

c. ANG LUPANG MAY MATITINIK NA DAMO. Sila ang mga tagapakinig ng Salita,
ngunit dahil sa mga alalahanin sa mundo at sa panlilinlang ng mga kayamanan o ng
kasaganahanang alok ng sanlibutan, nakalimutan nila ang Salita ng Diyos (Mateo 13:22).

-- Maikukumpara dito ang mga taong may pinagdaraanan sa buhay gaya ng mga
alalahanin o problema sa buhay at sa paghahanapbuhay, alalahanin sa pag-aaral, kalungkutan
sa buhay, kahirapang pinansyal o kakulangan sa materyal na mga bagay, may inaalalang
sakit, may masamang karanasan, may panghihinayang sa nakaraan, hindi magandang
reputasyon sa komunidad, at iba pang mga "tinik" sa buhay. Sila ay nakarinig at tumanggap
ng Salita at maaaring umaasa na mawawala na ang kanilang paghihirap sa buhay, mga
problemang pinansiyal at materyal, na hindi na makakaranas ng sakit, ng pag-aalipusta at ng
pag-uusig nang dahil sa sila’y sumampalataya na. Ngunit, dahil sa kabalisahan at sa
magandang oportunidad na iniaalok ng sanlibutang ito na siya namang makapagpapalayo sa
kanila sa pagtupad sa kalooban ng Diyos, ay hindi sila namunga at nawala sa kanila ang
pananampalataya.(Mateo13:22)

-- Dapat na maunawaan na ang "salita ng kaharian" ay may di masukat na mga


biyayang galing sa Diyos. Ito'y higit pa sa pang-pisikal na pangangailangan ng tao. Ito'y mga
pang-espirituwal na pagpapala galing sa Diyos. Ang mga espirituwal na pagpapala na ito ay
ang kapatawaran ng mga kasalanan (Efeso 1:7-8), kaligtasan mula sa kapahamakan
dulot ng kasalanan (Efeso 2:1-10), buhay na walang hanggan na kasama ang Diyos
(Roma 6:23), bagong pagkakakilanlan (1 Pedro 2:9-10), at bagong ugnayan o relasyon sa
Diyos(1Juan3:1).

d. ANG MABUTING LUPA. Sila ang mga tagapakinig ng Salita at nakaunawa nito, kung
kaya lumago ang binhi at namunga ito sa kanilang buhay (Mateo 13:23).

-- Maikukumpara dito ang mga taong mas bukas ang isipan (o mas mararangal)
na nakikinig at tumatanggap ng Salita nang buong pagsisikap, nagsisiyasat sa araw-
araw ng Banal na Kasulatan upang alamin ang katotohanang itinuturo sa kanila
ng tagapangaral, at matapos na malaman ang katotohanan ay hindi nagmatigas
ang kanilang puso bagkus sila'y nagsisampalataya sa Salita ng Diyos (Gawa 17:11-12).
Sila ang mga taong tinatawag ng Bibliya na mga mapapalad (Pahayag 1:3).

3
-- Maikukumpara rin dito ang mga taong abala sa kanilang pamumuhay, pag-
aaral, buhay-pamilyado, mga may posisyon sa lipunan o mga sikat na personalidad na
pagkatapos na makarinig at tumanggap sa Salita ay sinubok ang katatagan,
NGUNIT pinili nilang ilagay sa prayoridad ang kalooban ng Diyos nang higit pa sa
anumang hangarin, pangarap, pagsisikap o alinmang gawain nila sa buhay.

-- Maikukumpara rin dito ang mga taong may kumportableng pamumuhay,


walang gaanong alalahanin sa buhay at may kakayahan pang tumulong sa iba, na pagkatapos
na makarinig at tumanggap sa Salita ay dumanas ng pagsubok, inagaw ang kasaganahan sa
buhay, dumanas ng problemang pinansyal, naghirap, inusig, NGUNIT sila'y nagtiis,
nagtiwala at nanatiling tapat sa pananampalataya at sa pag-ibig sa Diyos.

-- Maikukumpara rin dito ang mga taong dumaranas ng mga "tinik" sa buhay, na
pagkatapos makarinig at tumanggap sa Salita ay sinubok pa ng pagkakataon
NGUNIT nanatiling tapat sa pananampalataya at nagtitiwala sa mga pangako ng Diyos
nang may pagsunod at pagpapasakop sa kalooban ng Diyos na nasa langit.

D. Mga Mahahalagang Aral Mula sa Talinghaga

1. Mayroong kapangyarihan sa Salita ng Diyos (Hebreo 4:12-13). May kakayahan itong


saktan, baguhin at hatulan ang puso at kaisipan ng bawat tao.

2. Ang puso ng tao ay kailangang mabantayan (Kawikaan 4:23, Jeremias 17:9).

3. Ang isang mananampalataya ay maaaring mahulog mula sa biyayang kaloob ng Diyos (1


Corinto 10:12, Juan 15:1-6).

4. Ang isang mananampalataya ay may kakayahang pagmatigasin ang kaniyang puso


(Hebreo 4:7, Hebreo 3:12-13).

5. Tayo ay malaya sa pagdidesisyon at sa paggawa ng mabuti (Lucas 9:23). Ang pagsunod


kay Cristo ay hindi sapilitan, ngunit tiyak na may pagpapala sa lahat ng tumutugon sa
kaniyang paanyaya.

6. Maaaring mawala ang Salita sa ating buhay nang dahil sa mga alalahanin sa mundong ito,
mga kayamanan at kasiyahan o kalayawan sa buhay na ito. (Mateo 10:37-39).

7. Kailangang unahin ang Diyos sa ating pamumuhay (Mateo 6:33).

8. Bukod sa Salita ng Diyos ay walang kaligtasan (Marcos 16:15-16).

9. Nais ng Diyos na ang lahat ay makarinig at makaalam ng evangelio ng kaligtasan (1


Timoteo 2:3-4).

10. Ang isang alagad ay mapaparusahan dahil sa hindi paglago at pamumunga (Juan 15:5-6,
Mateo 7:21, Mateo 25:30).

11. Matuto tayong tumanggi sa masama (Santiago 4:7).

4
12. Kailangan nating iwasan ang mga bitag ng materyalismo (Colosas 3:1-3).

13. Maging tagatupad ng Salita, at hindi tagapakinig lamang (Santiago 1:22).

14. Kasama sa pananampalatayang Cristiano ang pagsasakripisyo (Lucas 9:23, Lucas


14:25-33).

15. Igagawad ng Panginoon ang “korona ng buhay” sa kaniyang mga alagad na mananatiling
tapat hanggang sa kamatayan (Pahayag 2:10b).

E. Repleksyon

Ang talinghagang ito ay nagpapakita ng mga bagay na maaaring maging tugon ng mga
tagapakinig o mga nag-aaral ng Salita ng Diyos. Na ang bawat tumatanggap ng Salita ay
nakararanas ng mga pagsubok sa buhay na dapat nilang pagtiisan at lampasan sa
pamamagitan ng kanilang pananalig sa Diyos na sila’y hindi pababayaan.

Ipinakita sa talinghaga ang tatlong uri ng lupa na naglalarawan sa mga tagapakinig ng


Salita at tumanggap dito, ngunit nang subukin na ay agad tumalikod at iniwan ang
pananampalataya. Samantala, may isang uri ng lupa, ang mabuting lupa o ang mga
tagapakinig ng Salita na sa kabila ng kahirapan at pag-uusig ay nanatiling tapat sa Panginoon.

Ang talinghaga ay nagpapakita rin ng katotohanan na ang isang mananampalataya ay


maaaring tumalikod sa pananampalatayang kaniyang tinanggap (Lucas 8:13, Mateo 13:22), at
dahil dito, ang kaniyang kalagayan ay mas masama kaysa nang una (2Pedro 2:20-22).

Sumaiyo ang pagpapala ng Diyos na nasa langit.

“PAKABANALIN MO SILA SA KATOTOHANAN:


ANG SALITA MO’Y KATOTOHANAN.”

MGA PANIMULANG ARALIN NG SALITA NG DIYOS


Disciple’s Notebook, Philippines
disciplesnotebook@gmail.com

You might also like