Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

“ABIDE IN ME” - JESUS

October 3, 2010 | By Derick Parfan | Scripture: John 15:1-17


“I am the true vine, and my Father is the vinedresser. 2Every branch of mine that does not bear fruit
he takes away, and every branch that does bear fruit he prunes, that it may bear more fruit.
3
Already you are clean because of the word that I have spoken to you. 4Abide in me, and I in you.
As the branch cannot bear fruit by itself, unless it abides in the vine, neither can you, unless you
abide in me. 5I am the vine; you are the branches. Whoever abides in me and I in him, he it is that
bears much fruit, for apart from me you can do nothing. 6If anyone does not abide in me he is
thrown away like a branch and withers; and the branches are gathered, thrown into the fire, and
burned. 7If you abide in me, and my words abide in you, ask whatever you wish, and it will be done
for you. 8By this my Father is glorified, that you bear much fruit and so prove to be my disciples.
9
As the Father has loved me, so have I loved you. Abide in my love. 10If you keep my
commandments, you will abide in my love, just as I have kept my Father‟s commandments and
abide in his love. 11These things I have spoken to you, that my joy may be in you, and that your joy
may be full. 12This is my commandment, that you love one another as I have loved you. 13Greater
love has no one than this, that someone lays down his life for his friends.14You are my friends if you
do what I command you.15No longer do I call you servants, for the servant does not know what his
master is doing; but I have called you friends, for all that I have heard from my Father I have made
known to you. 16You did not choose me, but I chose you and appointed you that you should go and
bear fruit and that your fruit should abide, so that whatever you ask the Father in my name, he may
give it to you. 17These things I command you, so that you will love one another.1

FRUITLESS CHRISTIANS?
May nagregalo sa amin noon ng isang halaman. Inilagay namin sa loob ng bahay, sa may tabi ng
bintana para kahit paano ay naaarawaan. Inalagaan ng asawa ko. Dinidiligan, kinakausap, tawag pa
nga ay Plantsy. Noong una, berdeng-berde at maraming dahon. Noong lumaon, nababawasan ng
dahon kasi natutuyo yung iba. Bago kami lumipat ng bahay, isang dahon na lang ang natitira. Pero
buhay pa, berde pa rin. Pero ngayon, lanta na. Wala nang pag-asa. Milagro na lang kung mabubuhay
pa. Ang naging problema – hindi naalagaan mabuti, hindi naging tama ang pag-aalaga, hindi tama
ang environment, hindi nasisikatan ng araw. Kaya nawalan ng buhay.

Para tayong mga halaman na ang Diyos ang nagtanim. Ang nais ng Diyos ay lumago. Madiligan at
siya ang magpapalago (1 Cor. 3:6-7). At habang lumalago ay namumunga tulad ng isang puno.
Ngunit hindi parang mangga na napapanahon ang bunga, kundi parang saging na kahit anong
panahon ay may bunga, at dumarami ang bunga. Ngunit maraming tao na nagsasabing Cristiano sila
1
Unless otherwise indicated, Scripture quotations are from the English Standard Version (Wheaton, IL:
Crossway, 2001) and Ang Biblia (Philippine Bible Society, 2001). Scripture quotations marked by MBB are from
Magandang Balita Biblia (Philippine Bible Society, 2005).

1
ay “fruitless.” If you think you are a Christian, and you sense that you are fruitless – na parang
walang pinagkaiba noong ikaw ay hindi pa Cristiano – then there is a problem, a very big problem.
There is no fruit because there is no growth. There is no growth because there is no life. Maaari
naman tiyak mo na Cristiano ka kasi may nakikita kang bunga, pero ilang taon na ang nakakaraan
parang wala kang nakikitang dagdag na bunga. You have less fruit because you have less growth.
You have less growth because you are undernourished. You may have life, but you are not well fed.
That is also a big problem.

Alam ng Panginoong Jesus „yan. Malapit na siyang mamatay, katatapos lang nilang maghuling
hapunan ng kanyang mga alagad. Physically, iiwanan na ni Jesus ang kanyang mga alagad ngunit
binigyan niya ng katiyakan sa John chapters 14-16 na makakasama pa rin nila si Jesus sa
pamamagitan ng Banal na Espiritu kaya dapat palagi silang magtiwala sa kanya at huwag bibitiw
anuman ang mangyari. Si Judas bumitiw na, umalis at naghandang ipagkanulo si Jesus. Dito sa John
15:1-17 ipapakita ni Jesus kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng bunga sa buhay Cristiano at
paano mangyayari ito. Noong una, nag-uusap sila sa kuwarto kung saan sila naghapunan, pero sa
14:31 sabi ni Jesus, “Tumindig tayo at umalis na tayo rito.” Lumabas sila at habang naglalakad ay
may nadaanan silang puno ng ubas, karaniwan sa lugar na iyon, at sinamantala ito ng Panginoon
upang turuan sila tungkol sa paano magkakaroon ng bunga, ng maraming bunga ang kanilang buhay.

THE VINE, THE VINEDRESSER AND THE BRANCHES


Maaaring sabihin ng iba sa inyo, “Anong pakialam ko diyan? Basta tinanggap ko na si Cristo,
umaattend ako sa church. Mapupunta naman ako sa langit may bunga man o wala!” Kung iyan ang
pagkaintindi mo, makinig kang mabuti. Kung ikaw naman ay isang Cristianong kuntento na sa iyong
espirituwal na kalagayan at sinasabi mong, “OK na ko dito. Masaya naman ang buhay Cristiano ko.
E ano naman kung kaunti lang ang bunga ko? Hindi naman ako pastor!” Kung ganyan din ang
saloobin mo, makinig kang mabuti. So, why is fruitfulness important in the Christian life? I will give
three reasons.

Reason 1: The credibility of Christ as the “true vine” is at stake. Sa Lumang Tipan, larawan ng isang puno
ng ubas ang Israel na nais ng Diyos na mamunga at maging instrumento niya para sa ibang mga
bansa. But they failed. In contrast to Israel‟s failure, Jesus said, I am the true vine” (v. 1). Paano
maniniwala ang mga tao na “tunay” si Cristo at hindi gawa-gawa lang ng imahinasyon ng mga
relihiyosong tao, kung ang relasyon ninyong mag-asawa ay pareho din ng sa kanila? “I am the vine,
and you are the branches” (v. 5). Ano ang sasabihin nila kay Cristo kung hindi nila nakikita ang
bunga ng malapit mong ugnayan sa kanya, tulad ng isang sanga na nakakabit sa puno? Paano sila
maniniwala na karapat-dapat sundin bilang Panginoon si Cristo kung hindi natutupad sa buhay mo
ang layunin kung bakit ka niya pinili? “You did not choose me, but I chose you and appointed you

2
that you should go and bear fruit and that your fruit should abide” (v. 16). Anong sasabihin nila
tungkol kay Cristo kung ang buhay mo ay tuyot at parang nalalantang dahon?

Reason 2: The glory of God as “the vinedresser” is at stake. “I am the true vine, and my Father is the
vinedresser (NIV “gardener”). Every branch of mine that does not bear fruit he takes away, and
every branch that does bear fruit he prunes, that it may bear more fruit” (vv. 1-2). Bilang
tagapangalaga, nais ng Diyos na mamunga nang mamunga ang kanyang inaalagaan. Kapag may nag-
aya ba sa iyo sa isang manggahan na ang mga puno ay tatlong taon nang walang bunga, sasabihin mo
ba sa may-ari, “Ang galing-galing mo naman! Kakaiba ka! Kahanga-hanga!” If you don‟t bear fruit,
God is not glorified. If you do, he is. But if you bear more fruit, he is more glorified. “By this my
Father is glorified, that you bear much fruit…” (v. 8). Bakit? Dahil siya ang nag-aalaga at nagpapatubo
at nagpapabunga. Sa kanya ang papuri! Kung wala kang pakialam sa karangalan ni Cristo at ng
Diyos, hindi mo iintindihin kung may bunga ba ang iyong buhay Cristiano o wala.

Reason 3: Our assurance as true followers of Christ (“the branches”) is at stake. “By this my Father is
glorified, that you bear much fruit and so prove to be my disciples (NIV, “and show yourself to be
disciples”)” (v. 8). Hindi ba‟t sa mga panahong hitik na hitik ang bunga natin mas masasabi nating
tunay nga tayong nakay Cristo? Hindi ba‟t sa mga panahong parang lanta ang buhay espiritwal natin
nagtataka tayo kung tunay nga bang buhay si Cristo sa atin? “Every branch of mine that does not
bear fruit he takes away (NIV, “cuts off”), and every branch that does bear fruit he prunes (or,
“cleans”), that it may bear more fruit” (v. 2). Those who do not bear fruit are not true disciples.
They just seem like disciples, but they are not. Like Judas, they are destined for judgment and are
“thrown away like a branch and withers; and the branches are gathered, thrown into the fire, and
burned” (v. 6). Pero ang mga totoong mga tagasunod ni Cristo, bagamat dumaan sa pagkakasala, ay
patuloy na nililinis ng Diyos upang mamunga nang marami. Tulad ni Pedro, bagamat nadisiplina sa
pagkakaila na kilala niya si Cristo, ay nang lumaon ay namunga nang marami at mapatutunayang
tunay na Cristiano. Tandaan natin, nagtatanong ang maraming tao: “Totoo ba si Cristo? Dakila ba‟t
makapangyarihan ang Diyos? Tunay ka kaya?” They are looking at the fruit of our faith.

“ABIDE IN ME”
Fruitfulness is absolutely important – for the sake of Christ, for the glory of God, and for your own
good. Kung hindi ka pa kumbinsido at kuntento ka na sa klase ng buhay mo ngayon at ayaw mong
maranasan ang buhay na nais ng Diyos para sa iyo, puwede mo nang takpan ang tenga mo at huwag
nang makinig. Pero kung sinasabi mo ngayon sa sarili mo, “I want to experience a fruitful Christian
life. How can I be more fruitful?” Heto ang sagot ni Cristo, “Abide in me.” Anong ibig sabihin nito?
Let me say three observations about abiding in Christ so that it will be clearer to us.

Abiding in Christ is absolutely necessary. It is not optional. There will be no fruitfulness if there is no
abiding in Christ. “Abide in me, and I in you. As the branch cannot bear fruit by itself, unless it abides
3
in the vine, neither can you, unless you abide in me. I am the vine; you are the branches. Whoever
abides in me and I in him, he it is that bears much fruit, for apart from me you can do nothing” (vv. 4-
5). He is the source of life. We get nourished by being connected to him. What does “abiding”
mean? Sa NIV, “Remain in me.” Continue, stay, don‟t move, don‟t go away, don‟t stop, persevere,
be faithful. Ang tunay na pananampalataya kay Cristo ay hindi minsanan lang kundi nagpapatuloy
hanggang wakas. Tulad ng nanay na nagbilin sa anak na huwag aalis ng bahay, “Diyan ka lang.” Tulad
ng asawang nagsabi sa kanyang asawa, “Huwag mo kong ipagpapalit sa iba. Kahit isang araw ay
huwag kang matutulog sa iba! Stay with me.” Jesus is saying, “Abide in me.” Wala nang ibang paraan
upang maranasan natin ang makabuluhang buhay. Faithfulness to Christ leads to fruitfulness
in the Christian life. The more faithful you are to Christ, the more fruitful you become. So what
does abiding in Christ involve?

Abiding in Christ is abiding in his words. “Already you are clean because of the word that I have spoken
to you” (v. 3). Nilinis na tayo dahil sa Salita ng Diyos na tinanggap natin at pinaniwalaan. Pero
patuloy pa rin tayong nililinis upang magkaroon ng mas maraming bunga sa pamamagitan din ng
pananatili natin sa Salita ng Diyos. Walang Cristiano na makapagsasabi na nananatili siya kay Cristo
kung hindi naman siya palagiang nakikinig sa mga sinasabi niya. “If you abide in me, and my words
abide in you…” (v. 7). “Jesus said to the Jews who had believed in him, „If you abide in my word,
you are truly my disciples‟” (8:31). Puwede ba namang kinakausap ka ng asawa mo tapos
nagpapanggap kang nakikinig habang nagtetext ka naman tapos sasabihin mo, “Ano nga ulit „yung
sinabi mo kanina?” O kung nakikinig man pero hindi naman iniintinding mabuti tulad ng bilin ng
nanay mong bumili ka ng suka sa kanto para sa adobo, pagbalik mo pagkatapos ng isang oras sabi
mo, “Heto na po ang catsup. Pasensiya na po medyo mahaba ang pila sa Hypermaket.” We abide in
Christ if we continually listen to his words and make efforts to understand it and make it a
significant part of our lives.

Abiding in Christ is abiding in his love. “As the Father has loved me, so have I loved you. Abide in my
love” (v. 9). Ang panawagan na manatili sa kanya ay panawagan na pag-alabin ang mainit na relasyon
sa kanya. Relasyon ang pinag-uusapan natin dito. Hindi lang tulad ng isang asawa na palaging nasa
bahay nga pero hindi man lamang nahahawakan ang kamay ng asawa, hindi man lang kinakausap,
hindi man lang nahahalikan. He is not saying, “Remain in the church. Remain in Sunday School.
Remain in your Kaagapay Group.” He is saying, “Remain in me.” Mas interesado si Cristo hindi sa
kung nasaan ka o kung ano ang ginagawa mo kundi sa kung anong klaseng relasyon mayroon ka sa
kanya.

Faithfulness to Christ leads to fruitfulness in the Christian life. Kung mapapansin ninyo sa
nakaraang mga sermons, lahat halos ay may kinalaman sa relasyon natin kay Cristo. Itong huli ay
may kinalaman sa pagpapatuloy sa ganoong klaseng relasyon. “You must be born again – continue
living the new life you now have in Christ.” “Repent – continue repenting and submitting your life

4
to Christ.” “Continually come to me.” “Continue believing in me.” “Continue listening to me.”
“Continue loving me.” “Continue following me.”

“THAT YOU BEAR MUCH FRUIT”


Inuna nating pagtuunan ng pansin ang pagpapatibay ng relasyon natin kay Cristo dahil dito
nakasalalay ang magiging bunga ng ating buhay Cristiano. Ang bunga ng isang malapit, mainit, at
nagpapatuloy na relasyon kay Cristo ay magkakaroon ng bunga sa klase ng relasyon natin sa Diyos,
sa pakikilaban natin sa nalalabing kasalanan sa atin, sa relasyon natin sa ibang Cristiano, sa pamilya
natin, sa mga hindi pa Cristiano. Dito sa talatang pinag-aaralan natin, mayroon ding ilang bungang
makikita tayo. Kung gusto nating ganito ang maging bunga ng ating buhay, make sure that you abide
in Christ, make sure that you remain faithful to him. Anu-ano ito?

1. Developing Christ-like qualities. Kaya nga “my disciples” (v. 8) ang tawag ni Cristo sa mga taong
nakikita ang bunga, nakikita na sila ay nagiging katulad ni Cristo. “Whoever says he abides in him
ought to walk in the same way in which he walked” (1 John 2:6). There is also Christ-like joy, “These
things I have spoken to you, that my joy may be in you, and that your joy may be full” (John 15:11).

2. Experiencing God in prayer. “If you abide in me, and my words abide in you, ask whatever you
wish, and it will be done for you” (v. 7). “…so that whatever you ask the Father in my name, he
may give it to you” (v. 16). Nararanasan mo ang sagot sa dalangin dahil natuto ka kung paano
manalangin ayon sa kalooban ng Diyos kung malapit ang ugnayan mo kay Cristo. You know his
desires, you know his heart. That is why you bear fruit in prayers.

3. Living a life of obedience to God’s will. “If you keep my commandments, you will abide in my love”
(v. 10). Marami sa atin ay may struggles. Hindi mo mapagtatagumpayan ang struggle mo sa Internet
pornography o lustful thoughts kung hindi ka palaging mananangan kay Cristo. Abiding in Christ
results in the fruit of living a life of obedience.

4. Loving one another. “This is my commandment, that you love one another as I have loved you” (v.
12). “These things I command you, so that you will love one another” (v. 17). Bunga ng malapit at
mainit na ugnayan kay Cristo ang isang pusong umiibig sa iba na tulad ng pag-ibig ni Cristo. Siguro
nahihirapan kang mahalin o patawarin ang isang kapatid na hanggang ngayon ay kinaiinisan mo. Sabi
ni Cristo, “If you want the fruit of love, abide in me.”

5. Reaching others for Christ. “I chose you and appointed you that you should go and bear fruit” (v.
16). Ang mabungang Cristiano, humahayo at ipinamamalita na tunay si Cristo na bumabago at
nagbibigay kahulugan sa buhay ng isang tao. Inihahanda natin ang sarili natin, pinagyayaman ang
relasyon kay Cristo, at ang bunga nito ay isang puso na palagiang nananalangin para sa ibang tao na
makakilala kay Cristo, sinisikap na ituro sa kanila ang ebanghelyo, at nakikilahok sa The Harvest.

5
Tandaan nating ang nais ng Diyos para sa atin ay hindi lang isa o dalawa sa mga bungang ito, kundi
maraming bunga, “that you bear much fruit.” Pagdating sa pera, we want more. Pagdating sa
regalo, we want more. Bakit sa bungang Cristiano, ayos lang kahit kaunting bunga? There is
something wrong here. Sana masabi natin, “I want to be more fruitful! I will be more faithful to
Christ!”

“I WANT MORE!”
Faithfulness to Christ leads to fruitfulness in the Christian life. Ano ang maaari nating
gawin para mas maging malapit ang relasyon natin kay Cristo, para matiyak na nananatili tayo sa
kanya, nang sa gayon ay maranasan natin ang mabungang buhay Cristiano? I will suggest two which I
found to be helpful personally. Kung nakikita ninyong ang pastor ninyo na may bunga, nakikita
kong ginagamit ng Espiritu ang mga ito:

Have a regular “date” with Christ. Kaming mag-asawa, may regular na date dapat. Napagkasunduan
namin ngayon na Thursday night, kaya walang puwedeng umistorbo sa amin. Kaya noong Huwebes,
nag-aya si Jodi na mag-bibingka date. Galing ako noon sa ospital at may nag-invite sa akin na doon
magdinner sa kanila. Sabi ko saka na lang kasi may lakad na kami ng asawa ko. Dahil mas mahalaga
sa akin ang relasyon ko sa asawa ko at nais kong mas maging malapit kami, mas mahalaga sa dinalaw
sa ospital, mas mahalaga sa nag-anyaya sa dinner. Ganoon din sa relasyon kay Cristo. Kung gusto
kong manatili sa kanya at maging mabunga, tinitiyak ko na mayroon akong araw-araw na oras na
nakalaan na walang iistorbo sa amin. Ikaw, paano mo pinahahalagahan ang relasyong mayroon ka
ngayon kay Cristo? Baka hindi mo nararanasan ang fruitfulness sa buhay mo dahil sinisingit mo lang
ang Quiet Time with God kung hindi ka na busy. Paano lalago ang relasyon kung hindi nagkikita,
hindi nag-uusap, hindi nagkakatabi?

During that date, feast on the words of Christ. Siyempre kapag may “date” karaniwan may kakainin.
Noong Huwebes – bibingka, puto bumbong, tsaa, at siomai! Kumain ako hindi lang para mabusog,
kundi dahil may “date” kami. I also try to feast on the words of Christ daily. Iniwan niya sa atin ang
Bible para kainin, nguyain, at ma-enjoy. We abide in Christ when we read the Bible as part of our
date with him. Ngayon, bilang bahagi ng Bible Reading Plan, may binabasa ako sa Ecclesiastes, sa
Jeremiah, sa John, at sa James. Natuwa ako noong isang member natin na nasa London ay nag-
message kay Jodi sa Facebook na nakikinig siya ng mga sermons natin sa website ko at sinabi niyang
hindi pa niya tapos ang Bible reading plan na bigay ko last year pa ata. Kahit unti-unti, basta tuluy-
tuloy. Wala pa akong nakikitang “fruitful” na Cristiano na hindi “faithful” sa pagbabasa ng Bibliya.

Faithfulness to Christ leads to fruitfulness in the Christian life. If you are fruitless, you
are not a Christian, you don‟t have a life connection to Christ. Are you a Christian? Yes! Then you
are fruitful? Yes! Do you want to be more fruitful? Yes! Then you stay faithful, more faithful to
Christ each day because Jesus said, “Abide in me.”
6

You might also like