Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MATAB-ANG NATIONAL HIGH SCHOOL

Matab-ang, Toledo City

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Module 2: Mga Hadlang at Paglabag sa Katarungang Panlipunan
(Kwarter 3, Linggo 3-4)

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

• Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at


mamamayan;
• Naunawaan ang mga hadlang sa katarungang panlipunan;
• Nahinuha ang mga paglabag sa katarungang panlipunan; at naisagawa ang mga paraan upang
itaguyod ang katarungang panlipunan.

MAIKLING ARALIN
Ano ang mga hadlang sa katarungang panlipunan? Tulad nang natutunan natin, sa Modyul 1, ang
katarungang panlipunan ay ang pagbibigay nang nararapat sa ating kapwa batay sa kanyang dignidad
bilang isang tao. Ngunit ang mga sumusunod na katangian ay hadlang kung bakit hindi natin makakamit
ang katarungang panlipunan:
1. Pagiging Makasarili – Kapag hindi tayo malaya mula sa pagkiling natin sa sariling interes,
hindi kailanman matutupad ang katarungang panlipunan
2. Pagiging Sakim- Ito ay may kaugnayan din sa pagiging makasarili ngunit mas malala ito
sapagkat ito ay may pagnanasa na maangkin at makuha ang mga bagay-bagay kahit hindi na nya
kailangan o kahit hindi na para sa kanya.
3. Pagiging Mangmang – Ang kawalan ng tunay na kaalaman sa halaga ng tao at mga bagay
sa kanyang paligid ay nagiging dahilan para hindi maibigay ang tamang pagpapahalaga rito.
4. Pagiging Mayabang – Ito ang pinagsama-samang katangian ng mga naunang tatlong
hadlang. Ang taong mayabang ay nagnanais na unahin ang kanyang sarili.

Paano nalalabag ng mga tao ang katarungang panlipunan? Ang mga hadlang na nabanggit ay
nagbubunga ng paglabag sa katarungang panlipunan. Halimbawa, ang paglabag ng mga nasa
pamahalaan o may kapangyarihan ay katiwalian o kurapsyon.

Anu-ano ang mga paraan upang maitaguyod ang katarungang panlipunan?


Kailangang mapagtagumapayan ang mga hadlang na ito at maiwasan ang paglabag sa katarungang
panlipunan. Ito ang mga sumusunod na paraan upang mataguyod natin nang sama-sama ang
katarungang panlipunan:
1. Pagkiling sa Likas na Batas Moral. Tayo ay binigyan ng Diyos ng kakayanang maunawaan
ang mabuti sa masama. Gamit ang ating isip, puso, kilos-loob at konsensya, piliin natin palagi
kung ano ang moral - ang pagawa ng mabuti at tama.
2. Paghahanap sa Katotohanan. Upang malabanan natin ang kamangmangan, kailangan
natin ng edukasyon. Huwag tayong mag-aral para sa grado lamang, kundi mag-aral tayo para
makamit ang katotohanan.
3. Pagpapasya na Maging Tapat sa Isip, Salita at Gawa. Sabi nga, “Kakambal ng sinungaling
ang magnanakaw.” Hindi naibibigay ang nararapat sa kapwa kapag may nagsisinungaling at
nagnanakaw. Kaya “Honesty is still the best policy”.
4. Paggalang at Kababaang-loob. Upang maiwasan ang diskriminasyon, kailangan
matutunan nating igalang ang iba’t ibang tao. Ito ay pagkilala ng ating pagkakapantay-pantay sa
dignidad. Kailangang labanan sa sarili ang pagmamataas sa kapwa.
5. Pagmamahal sa Kapwa. Ito ang pinakamahalagang paraan na dapat nating gawin upang
maitaguyod ang katarungang panlipunan. Dahil kapag tayo ay nagmamahal sa kapwa, laging ang
kapakanan ng iba ang inuuna natin at pansamantala nating sinasakripisyo ang sarili nating
interes sapagkat nagiging masaya tayo na makitang napabuti ang ibang tao.
Katarungan - Pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr, ito ay isang
uri ng pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Ano naman ang nararapat sa kapwa? Ito ay ang
pagpapahalaga sa kanyang hindi malalabag na espasyo ng kanyang pagka-indibidwal- ang kanyang
dignidad bilang tao. Ang pagkatao ng tao ay isang katotohanang angangailangan ng ating pagkilala at
paggalang.

Lipunan - Binubuo ng tao ang lipunan. Binubuo ng lipunan ang tao. Nagkakaroon ang tao ng
pagkakataong ipakita ang pagmamalasakit, pagtulong sa panahon ng pangangailangan. Nagpapakita ang
tao sa lipunan ng malasakit at pagdamay sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit. Ito ay may
samasamang pagkilos tungo sa iisang mithiin.

Gawain 1: PAK NA PAK O PALPAK?

Panuto: Isulat ang salitang PAK NA PAK kung ang pangungusap ay tama at isulat naman ang PALPAK
kung mali ang pangungusap.

1. Kapag hindi tayo malaya mula sa pagkiling natin sa sariling interes, hindi kailanman matutupad ang
katarungang panlipunan.
2. Ang taong sakim ay wala siyang pakialam kung ang kanyang sarili ay mawalan basta siya ay
makapagbigay lamang sa kapwa.
3. Ang kawalan ng tunay na kaalaman sa halaga ng tao ay nagiging dahilan para hindi maibigay ang
tamang pagpapahalaga rito.
4. Upang malabanan natin ang kamangmangan, kailangan natin ng ang makabagong teknolohiya.
5. Kapag tayo ay nagmamahal sa kapwa, laging ang kapakanan ng iba ang inuuna natin at pansamantala
nating sinasakripisyo ang sarili nating interes.
__________________________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA

Gawain 2
Performance Task #2 :

Panuto: Sa long size bondpaper. Bumuo ng diyalogo sa iyong buhay bilang isang kabataan gamit ang
paksang ito:

PAKSA: “PAANO MO MAIPAPAKITA SA IYONG PARAAN ANG PAGTATAGUYOD SA


KATARUNGANG PANLIPUNAN BILANG ISANG MAG-AARAL”

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


9 8 7 6
Nilalaman Kumpleto at Kumpleto ang May ilang kakulangan Maraming kulang ang
komprehensibo ang nilalaman ng sulat. sa nilalamang sulat. nabuong sulat.
nilalaman ng sulat. Gumamit ng teksto May ialng Gumamit lamang ng
Wasto ang lahat ng hanggang limang impormasyon na isang sanggunian at
impormasyon. sanggunian. nabanggit. maraming mali sa
impormasyon na
nakapaloob sa sulat.
Presentasyon Malikhaing nailahad Maayos na nailahad Hindi gaanong Hindi maayos na
ang nialalaman ng ang sulat. maayos na nailahad nailahad ang sulat.
sulat. ang sulat bagamat Mahina ang tinig at
malakas ang tinig, hingi naunawaan ang
hindi gaanong nilalaman ng sulat.
naunawaan ang
nilalaman.
Organisasyon Organisado, malinaw, Malinaw at maayos Maayos ang Hindi maayos ang
simple at may tamang ang presentasyon ng presentasyon ng mga presentasyon ng mga
pagkakasunod-sunod mga ideya sa sulat. pangyayri at ideya. ideya.
ang presentasyon, ng
mga ideya ng sulat.

You might also like