Pamahalaang Panlalawigan - Lecture

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Ang gusaling panlalawigan ay kilala rin sa tawag na kapitolyo,Dito nag-oopisina ang mga
halal na pinuno ng lalawigan
Balangkas Ng Pamahalaang Panlalawigan
Gobernador -pinunong tagapagpapaganap ng pamahalaang panlalawigan
Tungkulin at Pananagutan ng GOBERNADOR
1.Namamahala at namumuno sa lahat ng programa,proyekto, serbisyo,at mga gawain ng
pamahalaang panlalawigan
2.Nagpapatupad sa lahat ng mga batas at ordinansang kaugnay ng pamamahala sa
lalawigan,nagpapatupad sa lahat ng aprubadong polisiya,programa,proyekto,serbisyo,at mga
gawain sa lalawigan
3.Nagpapasimula ng mga gawaing makapagdaragdag sa pondo ng lalawigan mula sa iba’t
ibang mapagkukunan tulad ng buwis lalo na ang mga magpapalago sa agri- industrial at
makatutulong sa pag- unlad ng buong bansa.
4. Sumisigurong maihahatid ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan para sa mga
mamamayan katulad ng impraestruktura, kalusugan edukasyon, turismo agrikultura ,
pangkabuhayan, at iba pa.
5. Nagsasagawa ng iba pang kapangyarihan at katungkulan nang naayon sa batas at ordinansa

Bise-Gobernador-katuwang o katulong ng gobernador sa pamamahala sa lalawigan. Ang ilan


sa kanyang tungkulin ayon sa seksyon 466 ng RA 7160 ay ang sumusunod:
Tungkulin at Pananagutan ng BISE GOBERNADOR
1. Nagsisilbi bilang presiding officer ng sangguniang panlalawigan at pumipirma sa lahat ng
dokumentong nalalaman sa mga nagastos para sa pagpapatakbo ng mga sangguniang
panlalawigan.
2. Nagtatalaga ng mga opisyal at empleyado ng sangguniang panlalawigan nang naaayon sa
batas ng serbisyo pulitiko.
3. Magsisilbi ng natitirang termino ng gobernadora kung sakaling ang posisyong ito ay
mabakante nang permanente.
4. Magsisilbi at gagawa ng mga tungkulin ng isang gobernador kapag pansamantala itong hindi
nakatupad sa tungkulin.
5.Magsagawa ng iba pang katungkulang naaayon sa batas o ordinansa
Lupon ng Bokal o Board Members
Puwedeng maghalal ng walo hanggang sampung lupon ng kagawad
Silang lahat ay nagiging kabilang sa sangguniang panlalawigan na ang pangunahing tungkulin
ay bumuo ng mga batas at ordinansa.
Sangguniang Panlalawigan
1.Mag-apruba sa lahat ng batas o ordinansa at magpasa ng resolusyon para sa epektibong
pamamalakad ng pamahalaang panlalawigan.
2. Magpasimula ng mga gawaing makapagdaragdag sa pondo at magamit ito nang maayos para
sa mga programang makakabuti sa lalawigan.
3. Magbigay ng permiso at lisensya, bumuo ng batas para sa pangongolekta ng mga bayarin sa
kondisyon makabubuti ito sa nakararami ng mga pangunahing serbisyo para sa mga
mamamayan

Paraan Ng Pagpili Ng Pinuno Ng Mga Lalawigan


1.Labingwalong (18) taong gulang o higit pa sa araw ng eleksiyon o halalan.
2. Mamamayang Pilipino nanirahan sa Pilipinas ng isang taon man lang at anim na buwan
naman sa lugar kung saan siya nagparehistro bilang botante.
3. Hindi siya inalisan ng karapatan ng batas para bumoto.

Ang gobernador,bise gobernadora,at lupon ng kagawad o board members ay inihahalal ng mga


tao sa panahon ng eleksyon.

Ang eleksiyon o halalan ay isang espesyal na araw

Ang eleksiyon para sa mga lokal na opisyal ay isinasagawa tuwing ikalawang Lunes ng
Mayo,kada ikatlong taon.

Ang bawat nahahalal na lokal na opisyal ay may tatlong taong termino.Pagkatapos ng kanilang
termino ay maaari pa sila uling kumandidato at maiboto sa parehong posisyon nang hanggang
tatlong termino.

You might also like