Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

DAKILANG INA

Pagsusuri ng Tula

LAYUNIN
Pagkilala sa kahulugan ng Tula
Natutukoy ang mga mensaheng nais ipabatid sa tulang “Dakilang
Ina”
Nalalaman ang kahulugan ng bawat elemento ng
tula:Sukat,Saknong,Tugma,Kariktan,Talinhaga

PAKSANG ARALIN
“Dakilang Ina”

Pinagmulan:
https://proudpinoy.ph/tula/tula-tungkol-sa-ina-dakilang-ina/

III.KAGAMITAN:
Cellphone
Laptop

IV.PAMAMARAAN (Pamaraang Pabuod)

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAGAARAL

A.Paghahanda
1.Panalangin
Bb.Jessa:Mga bata bago tayo
magsimula ng ating tatalakayin tayo
muna ay manalangin. Bb. Layra: Panginoon po naming
Pangunahan mona Bb.Layra ang Diyos, Salamat po ng napakarami,
ating panalangin. Dahil ligtas mo po kaming tinipon
sa dakong ito Upang makapag-aral
po kami ngayon. Sana linisin mo po
anuman ang nakita mong hindi
mabuti sa aming mga puso.
Patawarin mo po kami sa aming
mga kasalanan. Ihanda mo ang
aming pag-iisip sa pagtanggap ng
mga karunungan Upang lalo
naming maunawaan ang ituturo sa
amin ngayon Lalo mo pong
tulungan ang aming mahal na guro
Pagpalain mo po siya sa kanyang
2.Pagbati walang sawang pagmamalasakit sa
amin Magiging masaya nawa siya
Bb.Jessa:Magandang araw mga
sa kanyang pagtuturo At kami
bata.Bago tayo magsimula sa ating
naman ay handang makinig sa
klase,gusto ko lamang tanungin
kanyang ituturo Ingatan mo po
kayo kung kumusta baa ng araw
kaming lahat sa buong panahon ng
ninyo ngayon?
pag-aaral Sa inyo po lahat ng
kapurihan Hinihingi po namin ang
Bb. Jessa :Mabuti kung ganon.
lahat ng ito Sa pangalan ni Hesus
3.Pagkuha ng Atendans na aming Dakilang Tapapagligtas.
Bb. Jessa : Ako’y magrerecord Amen...
muna ng inyong atendans upang
malaman natin kung sino ang wala LAHAT: Mabuti naman po Binibini
sainyo.

4.Balik-aral
Bb. Jessa: Bago tayo magsimula
sa ating bagong aralin, balikan
muna natin ang ating pinag-aralan
kahapon.

Tungkol saan nga ang ating pinag-


aralan kahapon?
Tama! Bb.Maria:Tungkol po sa Maikling
kwento
Tungkol saan ang binasa ninyong
Maikling kwento?

Ginoong Juan:Tungkol po sa
Anong pamagat ng kwento?
Isang babae na ang pangalan ay
Maria,tinawag siyang mariang
mapangarapin,dahil palagi siyang
Anong aral ang inyong natutuhan
tulala at palaging nangangarap.
mula sa kwento?
Bb.Josephina: Ang pamagat po ay
“Si Mariang mapangarapin”.
Magaling Maria
Ngayon ay nabatid kong nunawaan
Bb.Maria :Hindi masama ang
ninyo ang ating aralin
mangarap.Ngunit mas mabuti kung
kahapon.Ngayon ay dadako na
bigyang pansin ang kasalukuyan at
tayo sa panibagong aralin.
mag-pokus upang makamit ang
pangarap na ninanais.
Pagganyak
Bb.jessa:magkakaroon po muna
tayo ng maikling sagutan
Handa na po ba kayo?

Ang gagawin lang po ninyo ay


Lahat:opo maam
kokompletuhin ninyo ang
ibibigay kong mga letra.
Jose:ilaw po Bb.
_L_W
Maria:puno po Bb
Tama ka jose
Juan:puting rosas po
_U_O
Pedro:aklat po Bb.
Tama ka maria
Anna:tahanan po
P_T_N_ R_S_S
(lahat ay masasalita sa unahan)
Magaling juan
_K_A_
Mahusay pedro
T_H_N_N
tama

V.PAGLALAHAD
Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay
isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito
ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga
taludtud. Ito rin ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita
sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay
tinatawag na taludturan o saknong.
Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, gamit ng marikit na salita.Ang
tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog,
paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa
mga pangungusap at mga talata, ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na
tinatawag na taludtod at saknong.
May iba’t ibang elemento ang Tula?
Ilan sa mga ito ang sumusunod:
Sukat,Saknong,Tugma,Kariktan,Talinhaga
Anyo,Tono/Indayog,Persona

Ano ang mga kahulugan nito?


SUKAT-Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng
pagbasa.

Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya (taludtod).
Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan.
Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng
bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa
pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o
indayog.
Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.

Tayutay
Ito ay ang paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang
paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo
Ito ay ang porma ng tula
Tono/Indayog
Ito ay ang diwa ng tula.

Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan.

GURO:Ngayon ang ating tatalakayin sa araw na ito ay tungkol sa tula.


Basahin at unawain ang ibibigay kong halimbawang isang tula.

DAKILANG INA
Salamat kay Nanay
Lagi lang nakaalalay
Mula pagkabata’y
Hawak mo aking mga kamay

Idolo kita
Pagkat ika’y dakila
Hindi ka man perpekto
Busilak naman ang puso mo

Sa mga panahong nagagalit ka


Ako’y sobrang nakokonsensya
Gustong-gusto kitang yakapin
Pero alam mong ako’y sobrang mahiyain

Sugat na aking natatamo


Malaki man, o maliit ito
Agad mong ginagamot
Sa mukha mo’y di nakikita ang yamot

Pawis na tumatagaktak sa noo mo,


Siguradong iyong sinasalo
Ng hawak-hawak mong bimpo
Imbis na punasan ang sariling pawis mo

Gatas na iyong tinitimpla


Pagtulog at paggising sa umaga
Ito’y hindi nakakasawa
Dahil ikaw ang may gawa

Mga damit kong puno ng mantsa


Katapat ay iyong paglalaba
Mukha mo’y parin ay masaya
Kahit mga kamay mo’y napapasma na

Habang ako’y nagdadalaga


Laging nariyan ka
Kahit minsan ay pasaway ako
Salamat Nay sa pagtitiis mo
Yung mga oras na nagalit ako sayo
Sobra-sobra ang pagsisi ko
Pagkat alam kong ako ay mali
Hindi daapat ikaw ang sinisisi

Tuwing luho ay hinihingi


Ikaw ay laging tumatanggi
Ngunit pag meron ng pera
Agad ay bumabawi

Noo’y hindi ka nakapunta sa graduation ko


Sobrang lungkot ang nadama ko
Pero alam kong kailangan na kailangan mo
Ang pag-intindi kong ito

Nung nalaman mong may gusto ako


Parati ako’y iyong tinutukso
Puso ko nama’y lumulundag ng husto
Pagkat kitang-kita ko ang suporta mo

Kapag sumasali ako sa mga paligsahan


O mga aktibidad sa paaralan
Ang suporta iyong inilalaan
Higit na aking pinasasalamatan

Sa tuwing sasapit ang gabi


Lagi akong nagmumuni
At Sinasabi sa sariling
“Salamat at natupad ang aking hiling.”

Ang hiling na ito


Ay ikaw mismo
Salamat Nanay ko
Nag-iisa ka sa aking puso

Hindi ako kumpleto


Kung mawawala ka sa buhay ko
At kapag nangyari ang pagkakataong ito
Dadalhin ko ang mga aral na pamana mo

Kahalagahan ng mga ina


Ang mga ina/nanay/inay ang nagsisilbing "ilaw ng tahanan" na magiging
tagapag-alaga at taga-aruga sa mga anak, siya ang responsable sa mga
gawaing bahay. Napakalaking bahagi ang ginagampanan ng ating mga ina
sa ating buhay. Sila ang nagdala sa atin ng siyam na buwan sa kanilang
sinapupunan at nagluwal sa atin upang maging isang ganap na tao. Siya
din ang dahilan kung bakit mo nasilayan ang kagandahan ng mundo.
Utang na loob natin sa ating mga ina ang ating buhay dahil sila ang
kumalinga, nag-arunga at nag-alaga sa atin habang tayo ay lumalaki at
handang ibigay at tugunan ang lahat ng ating mga pangangailangan
hanggang sa makakaya nila.

Mga bagay na sumisibolo sa ina


ilaw - simbolo ng kanilang patuloy na pagtanglaw at pagbibigay liwanag sa
mga madidiim nating karanasan sa buhay
puno - sumisimbolo sa kanilang katatagan sa mga hamon at pagsubok na
hinaharap sa buhay
puting rosas - sumisimbolo sa kalinisan ng kanilang kalooban at dalisay na
pagmamahal para sa mga anak at pamilya
aklat - sumisimbolo sa lahat ng mga turo at aral na ibinibigay at itinuturo
nila sa atin upang maging isang mabuting tao
tahanan - sumisimbolo sa kanilang pagbibigay proteksyon at seguridad sa
atin araw-araw

VI.PANGKALAHATAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAGAARAL
Bb.Jessa:Ngayong tapos na natin
talakayin ang paksang
tula.magkakaroon tayo ng maikling
LAHAT: Opo Binibini
sagutan para malaman ko kung
ano ang naintindihan ninyo sa tula
na ating tinalakay. LAHAT:Opo Binibini
Handa na ba kayo?
Bb.Jessa:Kung ganoon
JOEL:Tungkol po ito sa
magbibigay ako sainyo ng mga
kahalagahan ng isang ina.
katanungan at inyo itong sasagutin.
MGA KATANUNGAN:
Tungkol saan nga ang binasa Jose :tugma po Bb
nating tula?
Tama JOEL!
Isa itong katangian ng tula na hindi
Lahat:opo Bb.
angkin ng mga akda sa
tuluyan.Saang elemento ito
naangkop?
Magaling Jose!
Ngayon magkakaroon kayo ng
maikling pagsusulit tungkol sa ating
tinalakay ngayon.
VII.EBALWASYON
Panuto:kumuha ng isang buong papel at gumawa ng isang liham para sa
inyong ina at lagyan ito ng mga kaunting dekorasyon.

Rubriks sa pagtataya ng Talata/Sulatin


Malinaw na sulat -20%
Magandang dekorasyon-20%
Malinis-10%
May aral_50%

ISINIGAWA NI:
Jessa R. Romero
Bsed Fil 2A

You might also like