Love Came Down

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LOVE CAME DOWN (BUMABA ANG PAG-IBIG)

1 John 4:7-10

Introduction
Sabi nga sa awit, “Pasko na naman, o kay tulin ng araw.” Excited tayo na dumating ang araw na ito
dahil lahat ng tao masaya, lalo na ang mga bata. Excited ang ilan na isuot ang mga naorder sa online shop or
mga na-mine na kasuotan.
Makikita din natin sa mga TV o social media ang ilan sa mga story na kaugnay sa kapanganakan ng
ating Panginoon Hesus. At kung babalikan natin ang ating narinig noong nakaraang lingo, tinalakay natin
ang Mabuting Balita na para sa lahat ng tao, na makapagbibigay sa atin ng lubos na kagalakan. May ilan
pang story na may kaugnayan sa kwento ng unang pasko. Andyan ang pagdalaw ng mga pantas sa sanggol
na si Jesus (Mateo 2:1-12).
Masasabi talaga natin na ang kwento ng pasko ay isang napakagandang kwento na puno ng
kagalakan at pag-asa. Ngunit ito ay hindi lang basta kwento, ito ay totoong kwento. Hindi lang ito pang-
nakaraan, kundi ito ay kwento pa rin ng kasalukuyan. Isang totoong kwento na may kwenta. Ito ay istorya
ng pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan sa pamamagitan ni Cristo. It is the story of when love came down in
the person of Jesus Christ.
Atin pong tingnan ang katotohanang ito sa Banal na Kasulatan.
1 Juan 4:7-10
7 Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng
Diyos at kumikilala sa Diyos. 8 Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-
ibig. 9 Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang
Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. 10 Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang
Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para
mapatawad ang ating mga kasalanan.
At sa kwento ng pasko, tingnan natin paano nga ba bumaba ang pag-ibig ng Diyos sa atin?
1. Ang Pag-ibig ay mula sa Diyos (v.7-8)
“Love is the most beautiful thing in the world.” Ang pag-ibig ang pinakmagandang bagay sa buong
mundo. Pero saan nga ba nagmula ang pag-ibig na ito. At ang Bible ay may sagot sa tanong na ito. Ang pag-
ibig ay mula sa Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig.
7 Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng
Diyos at kumikilala sa Diyos. 8 Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-
ibig.
Ibig sabihin, mula pa noong creation, ang pag-ibig ay nandoon na din dahil nandoon na din ang
Diyos.

Efeso 1:4-5
4 Bago pa likhain ang sanlibutan ay pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating
pakikipag-isa kay Cristo at upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-
ibig ng Diyos, 5 pinili niya tayo upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ayon sa kanyang
layunin at kalooban.
Dahil sa pag-ibig tayo ay naging anak ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.
2. Ang Pag-ibig ay Bumaba sa Lupa (v.9)
9 Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak
upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya.
Tayo ay nilikha ng Diyos dahil mahal niya tayo at upang magkaroon tayo ng malapit na relasyon sa
Kanya. Ngunit dahil sa ating mga kasalanan, nawala o naputol ang malapit na relasyong ito. Pero hindi nito
tinapos ang pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig mula sa langit ay bumaba sa lupa noong unang pasko. God
sent his one and only Son into the world that we might live through him.
Juan 1:1-2, 14
Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. 2 Sa
pasimula ay kasama na ng Diyos ang Salita.
14 Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya
bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.
Iniwan ni Jesus ang karangalan sa kalangitan at isinilang bilang tao dito sa lupa. Ganoon tayo
kamahal ng Diyos. Naranasan ni Jesus ang pagiging tao. Namuhay siya bilang tao. Mula sa pinakamababang
uri ng kapanganakan hanggang sa kanyang kamatayan. Nasaktan, iniwan, pinagtawanan, ginawa ang lahat
dahil mahal Niya tayo.
3. Ang Pag-ibig ay Bumaba sa Krus (v.10)
Mahal na mahal tayo ng Diyos kaya hindi lang niya ipinadala si Hesus sa lupa. Ipinadala niya siya sa
krus sa Kalbaryo. Tiniis niya ang lahat ng paghihirap at sugat para madala ang pag-ibig Niya sa atin sa krus.
Filipos 2:6-8
6 Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. 7 Sa
halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak
siya bilang tao. At nang siya'y maging tao, 8 nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang
kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.
Mula pa noong una, ito ay kasama na sa magandang plano ng Diyos. At lahat ng ito ay parte ng
kwento ng pasko. Mula ng kausapin ng anghel si Jose at si Maria hanggang sa kamatayan sa krus. Lahat ng
ito ay kwento ng pasko, kwento ng pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Mula sa tala na nakita ng mga pantas
hanggang sa krus na nakita ng mga apostol at ng napakaraming tao. Walang Jesus na ipinako sa krus, kung
walang Jesus na isinilang sa sabsaban. Walang tutubos sa kasalanan ng sanlibutan, kung walang Jesus na
isinilang sa sabsaban. At tulad nga ng sabi ng mga anghel sa mga pastol , 11 Isinilang sa inyo ngayon sa
bayan ni David ang Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon., si Hesus ang ating Tagapaglitas at
Panginoon. Siya ang tunay na regalo ng pasko. Ang pag-ibig ng Diyos ang regalo ng pasko.
Conclusion:
Ang pasko ay tungkol lahat sa pag-ibig. Pag-ibig na mula sa Diyos, pag-ibig na bumaba sa lupa sa
pamamagitan ni Jesus at pag-ibig na ipinadama sa atin noong mamatay si Jesus para sa ating mga kasalanan.
Gusto ba natin matanggap ang pinakamagandang regalo mula sa Diyos? Kilalanin natin si Jesus sa
ating buhay bilang Tagapagligtas at Panginoon.
Gusto din ba natin ibahagi ang regaling ito sa iba, upang ang paskong ito ay magdulot ng lalong
kasiyahan, ibahagi natin si Jesus.

You might also like