Sunday Service

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 91

JESUS SAVES PENTECOSTAL CHURCH - POOK, PILA

SUNDAY
SERVICE
July 23, 2023
SALAMAT,
SALAMAT
Kung aking mamasdan
ang kalawakan
Hindi ko maunawaan
Ang iyong dahilan
kung bakit ako'y
Pinili mo't inalagaan
Di ko kayang isipin
ni hindi ko kayang
sukatin
Ang pag-ibig mo
Hesus na iyong
binigay sa akin
Salamat salamat oh
Hesus sa pag-ibig mo
Walang ibang
nagmahal sa akin
ng katulad mo
Salamat salamat oh
Hesus sa pag-ibig mo
Ako'y magsasaya
sa piling mo
Kung may pagsubok
man o kagipitan
Ako ay may lalapitan
Ikaw Hesus ang
aking sandigan
Hindi Mo ako
pababayaan
Di ko kayang isipin
ni hindi ko kayang
sukatin
Ang pag-ibig mo
Hesus na iyong
binigay sa akin
Salamat salamat oh
Hesus sa pag-ibig mo
Walang ibang
nagmahal sa akin
ng katulad mo
Salamat salamat oh
Hesus sa pag-ibig mo
Ako'y magsasaya
sa piling mo
Buhay ko na
ang purihin Ka
Buhay ko na ang
Sa ‘Yo’y sumamba
Wala ng ibang
nanaisin pa
Kundi pasalamatan Ka
JESUS SAVES PENTECOSTAL CHURCH - POOK, PILA

SUNDAY
SERVICE
July 23, 2023
SAPAT NA AT
HIGIT PA
'Di mangangamba
sa kawalan
Pagpapala mo'y
laging laan
'Di matatakot
sa panganib
'Pagkat naririyan
ka palagi
'Di matitinag
sa pagsubok
Ang pagsama mo'y
tiyak at lubos
'Di mapipigil sa
pag-awit
'Pagkat ikaw
ay mabuti
'Pagkat ikaw
ay mabuti
Ikaw ang aking pastol
hindi magkukulang
Sapat na at higit pa
Biyaya mo'y sagana
at umaapaw
Sapat na at higit pa
Sapat na sa lahat kong
pangangailangan
Higit pa sa lahat
kong inaasahan
Wala na ngang
mahihiling pa
'Pagkat ika'y sapat na
Ika'y sapat na
at higit pa
JESUS SAVES PENTECOSTAL CHURCH - POOK, PILA

SUNDAY
SERVICE
July 23, 2023
KABUTIHAN
NG DIYOS
Mahal kita, walang
hanggan ang
iyong biyaya
Buong buhay, hawak
Mo sa 'Yong kamay
Mula sa aking
pagmulat Hanggang 
sa paghimbing
Aawitin ko, ang
kabutihan ng Diyos
Ikay, tapat sa
habambuhay
Ikay mabuti
magpakailanman
Hangga't ako ay
nabubuhay
Aawitin ko, ang
kabutihan ng Diyos
Ang tinig Mo, siyang
gabay sa kasakitan
At nariyan ka sa gitna
ng kadiliman
Ika'y aking kaibigan
O, Diyos aking Ama
At akoy buhay, sa
kabutihan ng Diyos
Ikay, tapat sa
habambuhay
Ikay mabuti
magpakailanman
Hangga't ako ay
nabubuhay
Aawitin ko, ang
kabutihan ng Diyos
Kailanma'y hindi
magbabago ang
kabutihan Mo
Buong buhay ko,
iaalay ko lahat
para sa'yo
Kailanma'y hindi
magbabago ang
kabutihan Mo
JESUS SAVES PENTECOSTAL CHURCH - POOK, PILA

SUNDAY
SERVICE
July 23, 2023
DIYOS KA
SA AMIN
O Diyos, Ikaw ang
tunay na dakila sa
mundo
Ikaw ang Haring
nagmahal ng tulad ko
Ginawa mo'ng lahat
Pag-ibig Mo ay
tapat at wagas
O Diyos, walang
papantay sa
kabutihan Mo
Ang ngalan mo'y
itataas sa buhay ko
Sundin ang loob Mo
Iparinig ang nais Mo
Sa lahat ng panahon,
Diyos ka sa amin
Sa lahat ng oras,
nariyan para samin
Panginoong Hesus,
purihin ka!
Dakilain Ka sa
buhay ko
Aming Ama
O Diyos, Ikaw ang
tunay na dakila sa
mundo
Ikaw ang Haring
nagmahal ng tulad ko
Sundin ang loob Mo
Iparinig ang nais Mo
Sa lahat ng panahon,
Diyos ka sa amin
Sa lahat ng oras,
nariyan para samin
Panginoong Hesus,
purihin ka!
Dakilain Ka sa
buhay ko
Di nagbabago,
Diyos ka sa amin
Tanging sandigan,
nariyan para samin
Panginoong Hesus,
maghari Ka
Magliwanag ka sa
buhay ko
JESUS SAVES PENTECOSTAL CHURCH - POOK, PILA

SUNDAY
SERVICE
July 23, 2023
HALINA'T
SAMA-SAMA
Halina’t sama-sama
Purihin natin Siya
Halina’t sama-sama
Awitan natin Siya
Ipalakpak ang
inyong kamay
Itaas at ikaway
Lahat ay magsabing
Diyos ay buhay
JESUS SAVES PENTECOSTAL CHURCH - POOK, PILA

SUNDAY
SERVICE
July 23, 2023
ANNOUNCEMENTS
Tuesday
Prayer Meeting/
Home Bible Study
7PM
Friday
Youth Fellowship
7PM
Any day
Cell group
Saturday
PNW Practice
Sunday
Sunday Service
9AM
August 21
Women's Fellowship
@JSPC Nagcarlan
8AM
appy Birthday
H !

Sis.JulyAby
10
JESUS SAVES PENTECOSTAL CHURCH - POOK, PILA

SUNDAY
SERVICE
July 23, 2023
ALALAHANIN
ANG TIPAN NG
PANGINOON
“Mangagingat nga kayo,
baka inyong malimutan
ang tipan ng Panginoon
ninyong Dios, na
kaniyang pinagtibay sa
inyo, at kayo'y gumawa
ng larawang inanyuan
na kahawig ng anomang
bagay na ipinagbawal sa
iyo ng Panginoon mong
Dios.” ‭
DEUTERONOMIO‬‭4‬:‭23‬
"Magingat ka lamang sa
iyong sarili, at ingatan
mo ang iyong kaluluwa
ng buong sikap, baka
iyong malimutan ang
mga bagay na nakita ng
iyong mga mata,
at baka mangahiwalay sa
iyong puso ang lahat ng
araw ng iyong buhay;
kundi iyong ipakilala sa
iyong mga anak at sa mga
anak ng iyong mga anak;”‭‭
DEUTERONOMIO‬‭4‬:‭9
PANIMULA
Ito'y paalaala sa bayan ng Dios
patungo sa lupa ng pangako, na
wag kalimutan ang mga
mahahalagang habilin,upang wag
nilang kalimutan, pagdating ng
panahon, upang wag silang
mahiwalay sa ma panuntunan ng
Dios , para lubos na sila'y pagpalain
ng Dios.
MGA HABILIN
AT PAALAALA
1.MAG-INGAT KAYO AT SA
INYONG SARILI
“Ingatan nga ninyong mabuti
ang inyong sarili; sapagka't
wala kayong nakitang anomang
anyo nang araw na magsalita
ang Panginoon sa inyo sa
Horeb mula sa gitna ng apoy:
1.MAG-INGAT KAYO AT SA
INYONG SARILI
Baka kayo'y mangagpakasama,
at kayo'y gumawa sa inyo ng
isang larawang inanyuan na
kawangis ng alin mang
larawan, na kahawig ng lalake
o babae,” ‭
DEUTERONOMIO‬‭4‬:‭15‬-‭16
A) BAKA KAYO
MAGPAKASAMA
“Nguni't pagka ang matuwid ay
humiwalay sa kaniyang
katuwiran, at gumagawa ng
kasamaan, at gumagawa ng ayon
sa lahat na kasuklamsuklam na
ginagawa ng masamang tao,
mabubuhay baga siya?
A) BAKA KAYO
MAGPAKASAMA
Walang aalalahanin sa kaniyang
mga matuwid na gawa na kaniyang
ginawa: sa kaniyang pagsalangsang
na kaniyang isinalangsang, at sa
kaniyang kasalanan na kaniyang
ipinagkasala, sa mga yaon
mamamatay siya.”
‭EZEKIEL‬‭18‬:‭24‬
B) MAG SIYASAT SA SARILI
“Siyasatin ninyo ang inyong sarili,
kung kayo'y nangasa
pananampalataya; subukin ninyo
ang inyong sarili. Hindi baga ninyo
nalalaman sa ganang inyong sarili,
na si Jesucristo ay nasa inyo?
maliban na nga kung kayo'y
itinakuwil na.” ‭
II MGA TAGA CORINTO‬‭13‬:‭5‬‭
2.WAG KALIMUTAN ANG
TIPAN NG DIOS
Ano ang Tipan?
Ang tipan ay mga salita ng Dios
ipinagkasundo nya sa tao,mga
pangako na kanyang gagawin.
2.WAG KALIMUTAN ANG
TIPAN NG DIOS
“At aalalahanin ko ang aking
tipan, na inilagda ko sa akin at sa
inyo, at sa bawa't kinapal na may
buhay sa lahat ng laman; at ang
tubig ay hindi na magiging bahang
lilipol ng lahat ng laman. At ang
bahaghari ay pasa sa alapaap,
2.WAG KALIMUTAN ANG
TIPAN NG DIOS
at aking mamasdan, upang aking
maalaala, ang walang hanggang
tipan ng Dios at ng bawa't
kinapal na may buhay sa lahat ng
lamang nasa ibabaw ng lupa.”
‭GENESIS‬‭9‬:‭15‬-‭16
2.WAG KALIMUTAN ANG
TIPAN NG DIOS
at aking mamasdan, upang aking
maalaala, ang walang hanggang
tipan ng Dios at ng bawa't
kinapal na may buhay sa lahat ng
lamang nasa ibabaw ng lupa.”
‭GENESIS‬‭9‬:‭15‬-‭16
ANG
PAKIPAGTIPAN
NG DIOS
A) ANG TIPAN NG DIOS KAY
ABRAHAM
“At nangyari pagkaraan ng
maraming araw na ang hari sa
Egipto ay namatay; at ang mga anak
ni Israel ay nagbuntong hininga
dahil sa pagkaalipin, at sila'y
dumaing at ang kanilang daing ay
umabot sa Dios dahil sa pagkaalipin.
A) ANG TIPAN NG DIOS KAY
ABRAHAM
At dininig ng Dios ang kanilang
hibik, at naalaala ng Dios ang
kaniyang tipan kay Abraham, kay
Isaac, at kay Jacob, At nilingap ng
Dios ang mga anak ni Israel, at sila'y
kinilala ng Dios.”
‭EXODO‬‭2‬:‭23‬-‭25
B) ANG KABAN NG TIPAN
“Na may isang gintong dambana ng
kamangyan at kaban ng tipan, at
ang paligid ay nakakalupkupan ng
ginto, na siyang kinaroroonan ng
sisidlang-ginto na may lamang
mana, at tungkod ni Aaron na
namulaklak, at mga tapyas na bato
ng tipan;” ‭
MGA HEBREO‬‭9‬:‭4
C) TIPAN NG DIOS PARA
ATING KALIGTASAN
“Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo,
na sa pamamagitan ng Espiritu na
walang hanggan ay inihandog ang
kaniyang sarili na walang dungis sa
Dios, ay maglilinis ng inyong budhi
sa mga gawang patay upang
magsipaglingkod sa Dios na buhay?
C) TIPAN NG DIOS PARA
ATING KALIGTASAN
At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng
isang bagong tipan, upang sa
pamamagitan ng isang kamatayan na
ukol sa ikatutubos ng mga
pagsalangsang na nasa ilalim ng unang
tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap
ng pangako na manang walang
hanggan.”
MGA HEBREO‬‭9‬:‭14‬-‭15‬‭
PAGTATAPOS
Kaya 'wag nating limutin ang mga
napatanim sa mga puso at buhay
natin. 'Wag nating kalimutan ang
lahat ng ito habang tayo nabubuhay
at ating ituro maging sa ating mga
anak, para wag sila mahiwalay sa
mga pangako ng ating Dios.
Purihin ang Panginoon.
JESUS SAVES PENTECOSTAL CHURCH - POOK, PILA

SUNDAY
SERVICE
July 23, 2023

You might also like