KOMUNIKASYON GELo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Angelo S.

Macapuno BSIT 1-1 Filipinolohiya


Mga Kahulugan ng Wika Ayon sa Iba’t-ibang Manunulat:

Ayon Kay Aristotle ang komunikasyon ay isang siklong binubuo ng tatlong elemento:
a. Sender o nagbibigay ng mensahe
b. Mensahe
c. Resiber o tagatanggap ng mensahe

 Ayon sa paliwanag ni Aristiotle, ibinigay niya ang bawat elemento ng komunikasyon para malaman
natin kung saan at paano ang daloy nito. Halimbawa may nais kang sabihin sa taong sasabihan mo.
Ikaw ang magsisilbing Sender o tagabigay ng mensahe sa kanya na tinatawag na resiber na kung saan
at tatanggap o uunawain niya ang mensaheng nanggaling sayo.

Ayon naman kay Dance, ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy, at transakyunal.

 Ayon sa paliwanag ni Dance, ang komunikasyon ay nagbabago sa istruktura at nilalaman nito, tuloy-
tuloy at mananatiling buhay na parang isang wika. At ito rin ay ginagamit upang maibahagi at
makakuha ng impormasyon sa ibang tao.

Ayon naman kay Buenuseso, ang komunikasyon ay pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pasalita o


pasulat na nagpahayag ng iniisip sa isang mabisang paraan at kalugod-lugod.

 Ayon sa kahulugan ni Buenuseso, ang pagsusulat at pagsasalita ay paraan para ipahayag ang nais
iparating ng isang tao sa kanyang naiisip at damdamin. Ito ang paraan upang maging kalugod-lugod
ang transakyunal sa pakikipagusap.

Iminungkahi ni Gottfried Leibniz noong 1600 na magkaroon ng isang universal language, minodelo sa
matematika na siyang kakatawan sa lahat ng katotohanan upang maiparating ito sa iba.

 Sinabi ni Gottfried Leibiniz na dapat ang komunikasyon ay may iisang linggwahe para ang lahat ay
magkaintindihan sa pag bibigay ng impomasyon. Halimbawa nito ay Ingles.

Noong 1800, sinabi ng pilosopo na si Charles Pierce na ang komunikasyon ay dapat na maunawaan dahil sa
mga elementong nakapaloob dito ang epekto nito.

 Ayon kay Charles Pierce, hindi mo lang basta pag-aaralan ang kahulugan ng komunikasyon sa halip ay
dapat pa itong unawain. Nagkakaroon ng pagbabago sa pagbibigay ng impormasyon at kadalasan ay
nagkakaroon ng hindi pagkakaunawa dahil sa mga element nito.

Ayon kay Lorenzo, ito ay paraan ng paghatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan
ng magkakambal na proseso: 1. Pagsasalita 2. Pakikinig 3. Pag-unawa.

 Galing kay Lorenzo, ang pagkakaroon ng matagumpay na proseso ng komunikasyon ay pagsasalita,


pakikinig, at pagunawa. Ang mga ito at nakakatulong upang maiwasan ang hindi pagkakaintindhan ng
mga tao.

Ayon kay Semorlan ang komunikasyon ay ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap.

 Mula kay Semorian, nagkakaroon ito ng transakyunal sa pagbibigay ng bawat mensaheng nais pag-
usapan. Hindi magiging maayos ang pag-uusap kung iisang tao lamang ang magsasalita o maghahatid
ng mensahe, nararapat na magbigay rin ng “feedback” upang malaman kung malinaw ba ang ibinigay
niyang ideya.
Ayon kay Rubin, kailanman ang tao’y hindi makatatagal na mamuhay nang sa ganang sarili lamang niya. Ang
tao ay palaging nangangailangan ng kanyang kapwa.

 Ayon kay Rubin, ang komunikasyon ay paraan upang magkaroon ng pagkakaintindihan sa iyong
kapwa. Nakakatulong ito upang punan ang iyong pangangailangan.

Ayon din kina Espina at Borja ang komunikasyon ay isa ring makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng
bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama.

 Ang komunikasyon ay nakakatulong upang maging malinaw ang paghahatid ng nais mong sabihin at
nais mong iparating sa iyong kausap maging ang damdamin nito at pagiisip.

Ayon kina Sauco at Atienza ang komunikasyon ay isang paraan ng pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa,
isang bagay na kailangan sa pakikisalamuha niya sa isang lipunang kanyang ginagalawan, isang paraan ng
pakikibagay ng tao sa kanyang kapaligiran.

 Ginagamit ang komunikasyon para makisama at makisalamuha sa kanyang lipunan. Ang pagbibigay
ng kanyang mga kagustuhan at mga bagay na maaaring taglay rin ng ibang tao. Dahil sa
komunikasyon ay nagkakaroon ng maayos na samahan sa loob ng kapaligiran.

You might also like