Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

UNANG ARAW NG MAYO

PAGGUNITA KAY SAN JOSE, MANGGAGAWA

P: Manalangin tayo.
P: Ama naming Makapangyarihan, ikaw ang Maygawa sa
tanang umiiral at ang nagtakda sa batas ng paggawa para
sa sangkatauhan. Ipagkaloob mo, pakundangan sa
P: Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo. pagkauliran at pagdalangin ni San Jose, na maganap
B: Amen namin ang mga gawaing inyong iniatas at makamtan
P: Sumainyo ang Panginoon. namin ang gantimpala na iyong ipinangako sa
B: At sumaiyo rin. pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
P: Mga kapatid, sa araw na ito ng Paggawa, ginugunita magpasawalang hanggan.
natin si San Jose, esposo ni Birheng Maria, bilang B: Amen.
manggagawa. Sa paggunitang ito, itinutugma ang ating
Inang Simbahan sa diwa ng Aral ni Kristo ang kapakanan
ng mga manggagawa at inihahabilin sila sa pagkalinga ni
San Jose, ang ulirang manggagawa na taga-Nazaret.
Upang maging marapat tayo sa banal na pagdiriwang,
aminin natin at pagsisihan ang ating mga nagawang Unang Pagbasa
kasalanan. Ang Salita ng Diyos mula sa aklat ng Genesis

Pari: Inaamin ko sa Makapangyarihang Diyos, Sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang tao.
at Bayan: at sa inyo mga kapatid, na lubha akong Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang
nagkasala sa isip, sa salita, at sa gawa at sa aking mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop,
pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng maging maamo o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng
Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Lumalang siya
mga kapatid na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala. Wika
Diyos. niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling
P: Kaawan tayo ng Makapangyarihang Diyos, patawarin ang buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo
tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa ng kapangyarihan sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat
buhay na walang hanggan. ng maiilap na hayop, maging malalaki o maliliit. Bibigyan
B: Amen. ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga bungangkahoy
na inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay
P: Panginoon, kaawaan Mo kami. ibibigay ko naman sa maiilap na hayop, malaki man o
B: Panginoon, kaawaan Mo kami. maliit, at sa lahat ng mga ibon.” At ito nga ang nangyari.
P: Kristo, kaawaan Mo kami. Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos
B: Kristo, kaawaan Mo kami. siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang
P: Panginoon, kaawaan Mo kami. umaga – ito ang ika-anim na araw.
B: Panginoon, kaawaan Mo kami.
Gayon nilikha ng Diyos ang lupa, ang langit at Mabuting Balita
lahat ng bagay na naroroon. Sa loob ng anim na araw,
tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siya’y P: Sumainyo ang Panginoon
nagpahinga sa ikapitong araw. Pinagpala niya ang B: At sumaiyo rin
ikapitong araw at itinangi, sapagkat sa araw na ito siya P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San
nagpahinga matapos likhain ang lahat. Mateo
B: Papuri sa Iyo, Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
B: Salamat sa Diyos. Noong panahong iyon, umuwi si Hesus sa
kanyang bayan at nagturo sa kanilang sinagoga. Nagtaka
Salmong Tugunan: ang mga nakarinig sa kanya. Sabi nila, “Saan kumuha ng
karunungan ang taong ito? Paano siya nakagagawa ng
Poon kami’y pagpalain at iyong pagtagumpayin. kababalaghan? Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi
ba si Maria ang kanyang ina, at sina Santiago, Jose,
Wala pa ang mga bundok, hindi mo pa nilalalang Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid na lalaki? At
hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan, dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi
ikaw noon ay Diyos na, pagkat ika’y walang hanggan. (B) ba? Saan niya natutunan ang lahat ng ito?” At ayaw nilang
kilanlin siya. Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Ang
Yaong taong nilikha mo’y bumabalik sa alabok, propeta’y iginagalang kahit saan, liban sa kanyang sariling
sa lupa ay nagbabalik kapag iyong iniutos. bayan at sa kanyang sariling sambahayan.” At dahil sa di
Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw, nila pagsampalataya, hindi siya gumawa roon ng
sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang; maraming kababalaghan.
isang saglit sa magdamag na ito ay dumaraan. (B)
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Yamang itong buhay nami’y maikli lang na panahon. B: Pinupuri Ka namin, Panginoong Hesukristo.
Itanim sa isip namin upang kami ay dumunong.
Hanggang kailan pa ba, Poon, titiisin yaring lagay HOMILYA
nitong iyong mga lingkod, sa gitna ng kahirapan? (B)
PANALANGIN NG BAYAN
Kung umaga’y ipadama yaong wagas mong pag-ibig, P: Manalangin tayo mga kapatid sa ating Panginoon sa
at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit, pamamagitan ni San Jose para sa lahat ng ating mga
ipakita sa lingkod mo ang dakila mong gawain, pangangailangan.
at sa sunod naming lahi, ipadama ay gayun din. (B)
PARAMIHIN MO ANG BUNGA NG AMING MGA
Aleluya: GAWA, PANGINOON.

Aleluya! Aleluya! 1. Ang Simbahan nawa’y magpatuloy sa pagpapahayag


Manunubos naming mahal, ng mga kahalagahan ng katarungan bilang susi sa
salamat sa ‘yong patnubay ating kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon:
at paglingap araw-araw. (B)
Aleluya! Aleluya!
2. Ang mga pinuno ng pamahalaan at mga ekonomista
nawa’y magsikap para sa makatarungang
pamamahagi ng mga yaman at magtaguyod ng
dangal ng lahat ng tao, manalangin tayo sa
Panginoon: (B)

3. Ang mga negosyante nawa’y gamitin ang kanilang


mga pangkabuhayang interes para sa paglilingkod sa
lahat, manalangin tayo sa Panginoon: (B)
4. Ang mga dukha at mga walang hanapbuhay nawa’y P: Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat
makatagpo ng marangal na paraan ng ikabubuhay, na ikaw ay aming pasalamatan ngayong ginugunita namin
manalangin tayo sa Panginoon: (B) si San Jose. Niloob mong pakasal kay Mariang Birheng
Mahal si San Joseng maaasahan sa pananagutan upang
5. Ang mga yumaong naghirap sa paggawa noong sila may amang lumingap sa angkang kinabibilangan ng iyong
ay nabubuhay pa rito sa lupa nawa’y makatanggap Anak. Sa kapangyarihan ng Espiritung Banal, isinilang ni
ng kanilang gantimpala sa kabilang buhay, Maria ang Anak mong minamahal at para sa kanila si San
manalangin tayo sa Panginoon: (B) Jose’y naghanap-buhay. Kaya kaisa ng mga anghel na
nagsisiawit ng papuri sa iyo ng walang humpay sa
P: Ama ng aming Manunubos, sa pagsasama ng aming kalangitan, kami'y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
mga panalangin at sa pamamagitan ni San Jose, tulungan
mo kaming makita sa aming mga pagkilos ang dangal sa SANTO
paggawa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo
na aming Panginoon. B: Santo, Santo, Santo, Panginoong Diyos ng mga
hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan
B: Amen mo! Osana sa kaitaasan! Pinagpala ang naparirito sa
ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan!

PAGBUBUNYI

P: Ipagbunyi natin ang Misteryo ng Pananampalataya.


P: Manalangin kayo mga kapatid upang ang paghahain
natin ay kalugdan ng Diyos Amang Makapangyarihan. B: Aming ipinahahayag na namatay ang ‘Yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas at magbabalik sa wakas para
B: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa mahayag sa lahat.
Iyong kamay, sa kapurihan Niya at karangalan, sa
ating kapakinabangan at sa buong sambayanan P: Ama, ginagawa namin...
Niyang banal. B: AMEN

P: Ama naming Lumikha, ikaw ang pinagmulan ng tanang


kagandahang-loob. Tunghayan mo ang aming mga alay
na inihahain ngayong si San Jose ay ginugunita namin.
Para mo nang awang pagbigyan ang aming kahilingang
kami nawa’y itaguyod at tulungan ng mga handog na P: Sa tagubilin...
aming inialay kasama ng Espiritu Santo magpasawalang B: AMA NAMIN
hanggan.
B: Amen P: Hinihiling namin...
B: Sapagkat Iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan,
PANALANGIN NG PAGPUPURI AT at ang kapurihan, magpakailanman! Amen.
PAGPAPASALAMAT
P: Panginoong Hesukristo...
P: Sumainyo ang Panginoon B: Amen
B: At sumaiyo rin
P: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo
P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa B: At sumaiyo rin
B: Itinaas na namin sa Panginoon
P: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
P: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B: Marapat na Siya ay ating pasalamatan.
PAGHAHATI-HATI SA TINAPAY PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
P: Ama naming mapagmahal, kaming iyong pinapagsalo
B: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan sa banal na pakikinabang ay tumanggap nawang lubusan
ng sanlibutan, maawa ka sa amin. ng bungang walang maliw na kapayapaan sa pagtatahlay
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng namin ng katibayan ng iyong pag-ibig sa aming kalooban
ayon sa halimbawa ni San Jose sa pamamagitan ni
sanlibutan, maawa ka sa amin.
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng hanggan.
sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin angkapayapaan. B: Amen

PAANYAYA SA PAKIKINABANG

P: Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga


kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga
inaanyayahan sa Kanyang piging. P: Sumainyo ang Panginoon
B: At sumaiyo rin
B: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy
sa Iyo ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling P: Pagpalain nawa kayo ng Makapangyarihang Diyos,
na ako. Ama at Anak at Espiritu Santo
B: Amen
KOMUNYON
P: Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang
Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
B: Salamat sa Diyos

PANALANGIN KAY SAN JOSE


(mula sa "Patris Corde" ni Papa Francisco)

Aba, Tagapangalaga ng Tagapagligtas, kabiyak ng Mahal na Birheng Maria


Sa iyo ipinagkatiwala ng Diyos ang kaisa-isa niyang Anak;
sa iyo nagtiwala si Maria; sa piling mo, si Kristo ay naging tao.
Maging ama ka rin sa amin, Pinagpalang Jose, at gabayan mo kami sa landas ng buhay.
Ihingi mo kami ng biyaya, awa at tapang, at ipagtanggol kami sa lahat ng masama. Amen.
San Jose, ipanalangin mo kami!

You might also like