Red Ang Luha Ni Michael

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

RED ANG LUHA NI MICHAEL

Ni: Jimmy Alcantara

Michael and I were meant to be together.


Tumira sa iisang komunidad sa Butuan, magkaeskuwela mula prep school
hanggang kolehiyo, lumaki na pareho ang barkada, nagsosyo sa bawat stick ng yosi at
sa bawat piraso ng french bread, pan de sal at pan de coo, at kung minsan sa bawat
bilog, lapad at cuatro cantos. Kaya walang nagulat nang isang mahalumigmig at
makulimlim na agosto, magkasama kaming "lumaya" sa Agusan del Norte. Limang
libo, transcript of records at sense of adventure ang bulsa-bulsa namin papuntang
Maynila.
Pagkatapos ng anim na taon ng iba't ibang komedya, trahedya at melodrama,
magkasama pa rin kami. Sa isang sulok ng quezon City kami umupa ng apartment-
dalawang kuwarto, three-five. Hati na naman kami sa lahat: renta, pagkain, bayad sa
tubig, ilaw, telepono. Aking ang sala set, kanya ang kama; akin ang TV, kanya ang ref;
akin ito, kanya 'yun. At pag naghiwalay kami, siyempre naman, kanya-kanyang hula
ng gamit. Malabo ang relasyon namin-magkaibigan, mag-asawa, magsyota,
magkakilala. Kaya siguro di kami nagpakasal at di rin kami nag-anak. Pero di kami
apektado kung di man ma-define ang relasyon namin.
Yuppy ang gimik ni mike. Nagtatrabaho siya sa personnel department ng isang
ad agency sa Vito Cruz. Wala akong trabaho. Hindi, nawalan ako ng trabaho. Huwag
na anting pag-usapan ang nangyari sa CCP. Di raw nila kailangan ang "nahihibang" na
production designer. Masisira raw ang mga dula at musikal nila. Gago raw ang mga
kulay at konsepto ko. Kapag ganitong wala akong trabaho, solo ko siyempre ang mga
gawaing bahay. Linis, luto, laba, plantsa. Isang makulit at mainit na Lunes ng umaga, sa
harap ng pinagbuhusan ko ng atensiyon at pawis na omelet at bagong pigang orange
juice, nagbubuntung-hininga si Mike at, "sa init ngayon, natutusta ang utak ko at
maalala ko, kinakalawang na ang ref, pag may bisita tayo, gusto kong magtago sa
aparador." Napangiti ako. Ito na ang pagkakataon para soorpresahin si Mike. No, di
ako bibili ng bagong ref. Babaguhin ko lang ang kulay! Marumihin ang puti, vile naman
ang brown. Pula! Tama, scarlet red. Magugustuhan niya. Madrama ang pula, may
landi. Minsan morbid pero kadalasan, romantic. Masisiyahan siya. Ako na rin ang
magpipinta. Gagawin kong isang obra-maestra ang ref.
Sa isang tindahan sa Cubao bumili ako ng malaking lata ng Scarlet aluminum
paint. Di ko alam kung pwede 'yun sa ref, pero kinuha ko na rin. At isinama ko na rin
ang isang brush na katamtaman ang laki para kontrolado ang pagpahid. Kaya
pagpasok ni Mike sa trabaho ng Biyernes na iyon, hinarap ko na ang ref. Binakbak ko
ang lumang balat nito. Binuksan ko ang lata ng pintura at hinalo ang parang likido
ayon sa direksyon. At binanatan ko na. Ang ganda ng kinalabsan. Perfect ang first
coating. Bagay na bagay ang kulay. At natakpan ang dumi at iba pang lumang
pinturang di natanggal sa ref. Naaliw ako ng husto sa ginawa ko, kaya di ko na
hinintay na matuyo ang unang coating bago pahiran uli. At para makasiguro na di
mababakbak ang pintura, pinahiran ko pa ng isa. At ngayon ko na-realize na dry ang
itsura ng kusina, walang dating. Suinimulan kong pasadahan ang mga cupboards. Kaya
lang, natuluan ang lababo, itinuloy ko na rin ang pagpinta rito. Ilang pahiran lang,
bagung-bago na ang mukha ng kusina-intense. Di na ako nakapagpigil. Nang mapuno
ang sahig ng kusina ng mga pulang polka dots, napagpasiyahan kong gawing maliliit
na puso ang mga ito. To relieve the monotonous squareness of the tiles kung baga.
Tutal narumihan na ang kamay ko at bukas na ang lata, naggalugad ako sa loob ng
bahay ng puwede pang mapinturahan. dali-dali kong hinarap ang nangungupas na
lampshade, ang miniature na modelo ng eiffel Tower, ang frame ng isang pekeng
Monet, ang mga paso at dahon ng palmera, airpot, pati na ang tsinelas ni Mike sa loob
ng bahay. Naa-addict na ako sa ginagawa ko. pero nang makita ko ang itsure ng pinto
ng bahay, di ko napaglabanan ang tukso. Kulay dilaw na brown na puti ang kulay ng
pinto. Ilang pahiran lang at nawala ang ambiguity nito. Pagkatapos ng pinto, naisip ko:
"Ayoko na, tama na." Pero di siguro magandang tingnan na isang picture frame lang ng
bahay ang kulay pala, kaya pinintahan ko ang lahat. Ilang minuto ako sa ceiling fan.
And dutsa sa kubeta at ang mga gripo, nag-improve mula sa walang kalatuy-latoy sa
silver. Habang pinapasadahan ko ang gilid ng TV, nahulog ang brush sa saliwang
sapatos long de-goma. Itinuloy ko na rin ang pagpipinta sa sapatos-sa isang paa lnag.
Parang si Tom Hanks sa Man with one red shoe. Pagkatapos ng konting pahiran sa
radyo, determinado akong huminto-sa sandaling lagyan ng glamour ang mga thor
pillows. Kaya lang, natilamsikan ang rug. I'm sure, masisiyahan kayong malaman na
maganda ang pagkaka-absorb ng rug sa pintura. Di ko alam kng iyon ay dahil sa
kalidad ng pintura o ng rug. Pumanhik ako sa kuwarto at hinarap ang mga aparador.
Binuksan ang isa. Pinasadahan ko ang mga bag at sinturon ni Mike at ilan sa mga attché
cases ko. Bumaba ako at lumabas sa garden at piniturahan ko ang mga paso, ang mga
dahon ng san francisco at gumawa ng kauna-unahang pulang sampaguita. Nasa
kalagitnaan ako ng pagpipinta sa telepono nang may kumatok. Si Mike! Binuksan ko
ang pinto. Di si Mike. "Sulat galing sa Butuan. Sino si Mike Fernan? galing sa isang
joan." Inabot ko ang sulat. Maputla ang kulay ng kartero, kulang sa buhay. Pinahiran ko
ang mukha niya ng konting pintura para di naman siya mukhang anemic. Di yata
naintindihan ng mama ang gusto kong palabasin at nagtatakbo itong humihiyaw.
Habang pinipintahan ko ang dingding ng sala para ibaay sa bagong personalidad ng
bahay, bumukas ang pinto ng bumulaga si Mike. "Ipagpaumanhin ninyo," sabi niya,
"nagkamali ako. Akala ko'y ito ang bahay ko at ikaw ang Ricky ko." Hinawakan niya
ang pulang doorknob at lalabas na sana nang pigilan ko siya. "Mike, ako ang Ricky mo.
Di ka ba nasorpresa, ref mo'y iba na?" Di lang siya nasorpresa, nagulantang pa siya.
Doon na raw muna siya sa kaibigan niya sa Fairview. Iiwan na raw niya sa akin
ang ref niya, ang kama niya, ang ito niya, ang iyon niya. aalis na raw siya at di sigurado
kug babalik-pero di pa siya makaalis kasi'y basa pa ng pintura ang mga maleta niya. Di
malaman ang gagawin, bumigay ang tear ducts niya. "Totoo ngang nababaliw ka na.
Sabi mo'y matino ka na. Ibabalik uli kita sa basement. Sana'y gumaling ka na. Ayoko
kasing mag-isa." Wala akong nasabi at sa isang mahinay na unday, pinitahan ko ang
mga luha niya ng pula. naubos ang laman ng lata.

You might also like