Professional Documents
Culture Documents
Narrative Report - Pinedabsame1-2 - Animalsicence
Narrative Report - Pinedabsame1-2 - Animalsicence
Animal Science
Kenz James B. Pineda
BSAME 1-2
Taliwas sa lumalaking pangamba ng ating mga kababayan hinggil sa African Swine Fever
(ASF), ang virus, na nakamamatay at mabilis kumalat sa mga baboy ay hindi naman nakapipinsala
sa kalusugan ng tao. Ito ang pagtitiyak mula sa iba’t ibang sangay ng pamhalaan gaya ng
Department of Health (DOH), Department of Science and Technology-Philippine Council for
Health Research and Development (DOST-PCHRD), Department of Agriculture (DA), World
Organization for Animal Health, at iba pang ahensyang may kinalaman sa kalusugan maging ng
hayop at tao. “The African Swine Fever virus is a contagious viral disease impacting only pigs,
not people, so it is not a public health threat or food safety concern,” halos pare-pareho sila nang
sinasabi. Ayon naman sa World Health Organization, ang African Swine Fever ay nakahahawang
sakit sa mga baboy at hindi man ito direktang nakahahawa sa mga tao, posible naman itong
maisalin ng tao sa baboy ang virus kapag nakakain o nakahawak ito ng kontaminadong karne (J.P
2019).
Araw ng Lunes, ika-19 ng Abril 2021 ay agaran kaming pumunta sa Munisipyo ng bayan
ng Lopez, Quezon. Bandang alastres ng hapon ay umakyat kami sa Opisinang pang Agrikultura
upang maglatag ng panayam sa mga nakakataas sa loob ng Opisinang pang Agrikultura.
Nagkaroon kami nang pakikipanayam, mahalaga ang aming gawain sapagkat ito ay ang aming
takdang aralin para sa aming asignaturang Introduction to Animal Science. Agad kaming
pinaunlakan ng mga tauhan sa opisinang ito at agad naming nakapanayam si Gng. Venus Villaver
isa sa mga namamahala sa Opisinang pang Agrikultura, agad kaming nag tanong ng aking kasama
na may kahalong pagkakaba sapagkat bibihira kaming makipanayam sa mga ganitong tao. Isa sa
aming mga katanungan “Tama pa ang antas ng pagsusupply ng karne ng baboy at pag-aalaga ng
baboy sa ating bayan sa kabila ng kinahahaharap na krisis o virus (ASF) sa pag-aalaga ng baboy,
agad sinagot ni Gng. Villaver na “lubos na nagkulang ang suppky ng karne ng baboy sa ating
bayan, lalong lalo na sa mga farmers na may piggery at sa mga maliliit na mamamayan na nag
aalaga ng baboy”. Pangalawa sa aking tanong “Ano po ba ang epekto nito sa ating lipunan lalong
lalo na sa mga mamamayan ng bayan ng lopez?” ani ni Gng. Villaver “dahil kulang ang supply
nito, nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng baboy, dahil nag aangkat tayo sa ibang bayan ng mga
karneng baboy sapagkat bumagsak ang antas ng supply ng karne ng baboy sa ating bayan, lubos
na naapektuhan nito ang bawat mamamayan sa ating bayan, maraming nag reklamo sa taas ng
presyo, ngunit wala tayong magagawa sapagkat nagkaroon ng paglilinis at pagaalis sa mga baoy
na maaaring nagdadala ng sakit na ASF”. Pagkatapos ng aming pakikipanayam kay Gng. Villaver
ay lubos na tumatak sa aking isipan ang kaniyang sagot, sapagkat sa aking nakikita at nararanasan
ay nagkaroon ng malaking pagkolekta sa mga alagang baboy sa ating bayan noong mga nakaraan
buwan sapagkat isa ito sa paraan upang masugpo ang pagkalat ng ASF sa ating lugar, maraming
pinatay na baboy, sa kabila naman nito ay nagkaroon ng pangako ang LGU o Local Government
Units o ang ating mga Brgy. Na babayaran naman ito pag dating ng tamang panahon, sapagkat ano
na nga ba ang sasapitin ng bawat mamayan na nagpakahirap sa pag-aalaga ng mga baboy sa ating
bayan. Bukod dito ay sumasalamin din sa aking karanasan sa pagkain sapagkat paborito ko ang
karne ng baboy, sa isang lingo ay isang beses nalamang kami nakakabili ng karne o minsan pa nga
ay wala sapagkat lubos na may kamahalan it dati ay 240 lamang at nababa pa sa 200 noong wala
pang ASF na kumakalat sa ating bansa, ngayon ay tumaas na sa 300 ang kada kilo ng karne sa
ating bayan, lalo na sa ating bansa. Datapawat sa ibang karatig bayan ay mura pa ang karne
sapagkat wala pang nababalita o hindi pa mataas ang antas ng pagkakaroon ng ASF sa kanilang
bayan. Sa kabila ng masusing pananaliksik sa mahabang panahon para makahanap ng bakuna para
rito, wala pa ring opisyal na nadiskubreng vaccine na napatunayan na kayang puksain ang naturang
virus. Nararapat na tayo ay tumulong din sa pagpuksa nito kagaya ng paglilinis at tamang pakain
at bitamina sa mga mga alagang baboy upang magkaroon sila ng matibay na resistensya upang
maiwasan makakuha ng ganitong sakit, sapagkat kung atin silang iingatan ay hindi tayo
maghihirap sa ganitong sitwasyon, lalong lalo na at sumabay pa ang Covid 19 pandemic sa ating
bansa, marapat na ingatan natin ang isa’t isa upang malayo sa kung anong paghihirap na
maihahatid nito sa atin.