Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

“MA, PA, BAKIT?


TW: CHILD NEGLECT AND ABUSE

Written by: Karla Llagas, Videlyn Tee, and Reign Dela Calzada
Language Used: English, Tagalog, and Bisaya
Date Started: March 17, 2023

———————————————————————————————————————

NARRATOR (Helen): “Perfect family.” Halos ganyan ang naririnig ni Maria Dizon sa mga
taong nakapaligid sa kanya. Na para bang ipinapahiwatig na wala silang problema sa isa’t-isa at
mahal na mahal siya ng kanyang pamilya. Subalit, ang hindi alam ng iba ay may tinatagong
madilim na aura sa likuran ng isang magandang larawan ng pamilya. Hindi man inaasahan,
ngunit sa bawat ngiti at masayang mukha ng kanyang magulang sa labas ng haligi ay
kabaliktaran naman kapag wala ng taong nakapaligid sa kanila.

Maria Dizon, isang 18 na taong gulang bata na nag-aaral sa isang RVM School - Lourdes
College. Siya ay pinagpala sa maganda nitong kutis at mukha. Bukod sa maganda siya ay
nagtataglay din ito ng katalinuhan. Beauty and Brain kumbaga ang tawag ng iba sa kanya. Mula
sa pagsisimula ng kanilang semester ay hindi na siya kailanman pa naalis sa pwesto niya sa
pagiging Rank 1. Matindi man ang pressure, ngunit nakaya naman niyang hinarap yon gamit ang
pagiging masipag niya sa pag-aaral.

CLASSMATE 1 (Leanne): UY BALITA KO YUNG BAGO NATING KAKLASE SI ZOE,


MATALINO DIN

CLASSMATE 2 (Karla): ABA’Y MUKHANG MAY NAAMOY AKONG KOMPETENSYA


AH

CLASSMATE 3 (Videlyn): HUY WAG KAYONG GANYAN, PAMILYA TAYO DITO DIBA?
WALANG MAGSISIRAAN. ALAM NYO NAMANG DI GANYAN SI MARIE.

(Mutanaw ra si Maria ani sa iyang tulo ka cmate then iyang expression kay unbothered)

(NISULOD ANG TEACHER)


TEACHER (Alexandra): OKAY CLASS PLEASE SETTLE DOWN. KINDLY ARRANGE
YOUR CHAIRS DAHIL MAGSISIMULA NA TAYO SA READING OF HONORS.
NARRATOR (Helen): Kung nagtataka kayo, ilang buwan na ang nakalipas nang nagsimula ang
2nd semester. Bukod sa iba na naman ang sets of subjects at teachers, may mga bagong
mag-aaral na rin ang naka-enroll sa Lourdes College. Siya ay si Zoe Winclark. Usap-usapan ng
iba ay matalino rin daw siya, ngunit hindi naman napepressure sa kanya si Maria Dizon. Dahil
hindi naman siya nag-aaral para makipag-kompetensya sa mga kaklase niya.

Mabilis ang takbo ng oras, agad ng hinayag ang Top 10 sa bagong semester. Kalmado man ang
itsura sa labas ng anyo ni Maria Dizon, ngunit hindi rin niya maiiwasan na makaramdam siya ng
kaba. Iniiwasan man niya ito sa kanyang isip, pero aminado siyang magaling si Zoe Winclark sa
klase nila. O ang mas matindi, mas magaling pa nga ito sa kanya.

CLASSMATE 2 (Karla): WOOOOHHHHH KABADO BENTE. MA’AM KASALI PO BA


AKO SA HONOR?

TEACHER (Alexandra): SHHHH WAG MAG INGAY.

CLASSMATE 1 (Leanne): SINO KAYA ANG MAGIGING TOP 1 NGAYON? DALAWA NA


KASI SILA MATALINO

MARIA (Eiannah):: HUY DI NAMAN AKO NAKIKIPAG KOMPETENSYA. (sabay tawa)

TEACHER (Alexandra): OH SIYA, NAPAKA ATAT NIYO NAMAN LAHAT KAYA HETO
NA, AT ANG TOP ONE NATIN AY SI…ZOE!!! AT ANG TOP 2 NAMAN AY SI MARIA.
MAARI BA KAYONG TUMAYO AT KUHANIN ANG SERTIPIKO SA HARAPAN UPANG
MAKAPAG PIKSYUR TAYO.

NARRATOR (Helen): Agad na tumigil ang kanyang mundo nang makita niya ang resulta. Si Zoe
Winclark na ang bagong Rank 1 sa klase nila.

(TINDOG SI MARIA OG ZOE SA EACH OTHER THEN HAWID SA CERTIFICATE UBAN


SI TEACHER)

Zoe Winclark (Videlyn): WAAAH MARIE! CONGRATULATIONS SAYO!

MARIA (Eiannah): Congratulations sa ating dalawa, Zoe! (Faking a smile because of


nervousness)
NARRATOR (Helen): Rank 2 pa rin naman siya, ngunit hindi niya alam ang kanyang
nararamdaman habang hawak na hawak niya ang kanyang sertipiko. Kay bilis man ang balita,
alam na kaagad ng kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya.
(BALIK SA CHAIR)

TEACHER (Alexandra): OH SIYA, HANGGANG DITO NA LAMANG TAYO. CONGRATS


ULET SA MGA NAKA TANGGAP NG GANTIMPALA!!!

(TULALA SI MARIA)
(DUOL SI CM 1 KAY MARIA)

CLASSMATE 1 (Leanne): MARIE OKAY KA LANG?

MARIA (Eiannah): HA? EH…OO, OKAY LANG AKO.

CLASSMATE 1 (Leanne): SURE KA HA?

MARIA (Eiannah): OO NAMAN AKO PA (FAINT SMILE)

(HUG ANG DUHA)

CLASSMATE 1 (Leanne):: OH SIYA MAUNA NA KAMI AH. KITA NALANG TAYO


BUKAS.

(WAVE EACH OTHER GOODBYE)


(TINDOG THEN KUHA SA BAG, NAAY MAG KUHA SA BANGKO NA GI INGKURAN
NIYA THEN MAG BAKLAY NGA HINAY)

NARRATOR (Helen): Tulala at kabadong naglakad pauwi si Maria, naisip at nasagi na naman
niya ang kahihinatnan sa kamay ng kanyang magulang noong hindi niya natupad ang inaasam ng
kanyang mga magulang para sa kanya.

(IMAGINE NGA MU SULOD SA BALAY)

MARIA (EIANNAH): MA, PA nandito na po ako

(MAGPREPARE UG 3 CHAIRS WHILE GA SULOD SI EIANNAH)

Mr. Dizon (Angelou): alam niyo bang nanalo ng award ang anak ni kumpare sa isang math
competition sa japan? Sigurado ako na sobrang proud sila sa anak nila.

Mrs. Dizon (Reign): Nako, talaga ba? nakakatuwa naman. (WITH ENTHUSIASM)
NARRATOR (Helen): Hanggang sa dumating na ang oras na kanyang kinakatakutan

Mr. Dizon: Oh anak, balita koy nag anunsyo na kayo ng mga top sa klase. Aba’y sa tingin ko
naman di ka nalaglag sa pagiging top 1.

Maria (Eiannah): Nay, Tay huwag sana kayong magalit sa sasabihin ko

Mrs. Dizon (Reign): Ano ba iyan, anak?

Maria (Eiannah): Hindi ho ako ang nangunguna sa ranking sa ikalawang semestre.

Nabalot ng katahimikan ang hapag kainan. Mabilis ang mga pangyayari. Dumapo ang kamay ni
Mr. Dizon sa pisngi ni Maria. Dito na rin siya nag umpisang humagulgol at humingi ng tawad
habang ang kanyang ina na si Ms. Dizon ay parang walang pake sa nangyayari. (THIS SCENE
SHOULDN’T BE NARRATED. DAPAT ACTIONS LANG NI SIYA)

(At first hilom sa mo una. Not until mutindog si Angelou and sagpaon si Maria. Hinay ra ha
hahahaha. Then matumba dapat sa floor si Eiannah ug maghilak.)

Maria (Eiannah): paumanhin po tay (while ga hilak) hindi ko naman rin ginustong hindi mag top
1 sa klase sadyang mas magaling lang po talaga yung kaklase ko.

Mr. Dizon (Angelou): iyan na nga lang hindi mo pa magawa?? napaka walang kwenta mong
anak! Inutil!

Maria: TAY TAMA NA PO!!! TAY DIKO NA PO UULITIN. ITAY TAMA NA PO!!!
NASASAKTAN NA PO AKO!!! TAY!!!

Mr Dizon: (WHILE STILL GINA SAGPA SI EIANNAH) WAG KANG MAG MAKAAWA!!!
WALA KANG KARAPATAN!!! BINUHAY KA NAMIN PARA MAGING MAAYOS KA,
MAKA KUHA NG MATAAS NA MARKA AT MAY IPAGMAMALAKI KAMI SA IBA.
NGUNIT ANO TO? KAHIHIYAN KA!!!

Maria: tay… (GA HILAK TAS GINA BLOCK TANAN SAGPA)

Mr Dizon: INUTIL NA BATA INUTIL!!! SANA DI KA NALANG PALA NABUHAY SA


MUNDONG TO!!!

(WHILE GINA SAGPA NI ANGELOU SI EIANNAH SI REIGN DAPAT NAKA CROSS


LANG ANG HAND WHILE WATCHING THEM THEN NAKA TINDOG THEN AYHA RA
MU LIHOK PAG MAG PLAY NA ANG PHONE)

(KUHAON ANG PHONE PERO STILL, GA RING JAPO)


Mrs. Dizon: Tama na yan at may tumatawag sa akin. Maria tumayo ka diyan at pumunta ka na sa
kwarto mo.

(wala japun nitindog si eiannah)

Mrs. Dizon: Bilisan mo! (gigil na tono)

(TINDOG SI EIANNAH ADTO EXIT PARA MA MAKE-UPAN, EXIT SI ANGELOU


TUBAGON NI REIGN ANG CP)

(STOP ANG RINGING)

Mrs. Dizon: Hello… (PALAYO HINAY HINAY SINCE SIYA RAMAN ISA ANG NAA SA
SCENE KAY MAKE-UPAN SI EIANNAH)

(WHILE GA BAKLAY HINAY HINAY I ARRANGE ANG CHAIRS PARA CLASSROOM


SETTING PERO SA RIGHT SIDE HA DAPIT SA PURTAHAN)

(CLASSROOM)

NARRATOR (Helen): Kinaumagahan pumasok siya sa paaralan na parang walang nangyari. Ang
kaniyang pinaka matalik na kaibigan na si Niña Legaspi, kahit na hindi sabihin ni Maria ang
kanyang sinapit, alam na niya ang pagmamalupit ni Mr. Dizon sa kanyang kaibigan kaya’t
humingi na siya ng tulong kay Ms. Aquino, ang kanilang classroom adviser.

Marie (Eiannah): (SULOD) HI NIN MAGANDANG UMAGA (SMILEY FACE)

Niña (Leanne): (worried look) nangyari na naman ba?

Maria (Eiannah): (nodded), pero di naman masyadong masakit compared noon. (EMPTY
LAUGH)

Niña (Leanne): Walang nakakatawa marie. (TINDOG), Punta lang ako kay ma’am.

(ADTO SA LEFT SIDE NAA SI ALEX DADTO SA TABLE SA FRONT THEN MUADTO SI
LEANNE)

Niña (Leanne): Ms. Aquino, pwede ko po kayong makausap?

Ms. Aquino (Alexandra): Oo naman, tungkol saan ba yan?

NARRATOR (Helen): Nang malaman ito ng kanilang adviser ay agad siyang kumilos at nag
excuse kay Maria sa klase na kausapin siya ng private.

Ms. Aquino (Alexandra): Ms Dizon, pwede ka bang makausap saglit?


NARRATOR (Helen): Nang makita ni Ms. Aquino ang mga band aid sa katawan ni Maria ay
alam niya na instant na ito ay isang seryosong sitwasyon, siya ay nag-aalala at sinubukan niyang
tanungin ang kanyang mag-aaral kung ano ang nangyari sa kanya, ngunit siya ay paulit-ulit na
nagsasabi ng mga excuses.

Ms. Aquino (Alexandra): Maria pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari ba’t may mga
pasa sa katawan mo?

Maria (Eiannah): wala lang ho ito ma’am. Nahulog po ako sa hagdanan kagabi.

Ms. Aquino (Alexandra): Iha...

Ms. Aquino (Alexandra): Hindi ko alam kung anong pinagdadaanan mo pero nandito lang ako
para tulungan ka, okay? Huwag kang mag dalawang isip na humingi ng tulong.

Maria (Eiannah): (naghilak)

NARRATOR (Helen): Sa huli ay nagtiwala si Maria sa kanyang guro, at mula doon ay isiniwalat
niya ang lahat ng nangyari hanggang ngayon, bawat sampal sa mukha na kanyang natatanggap,
bawat suntok na natatanggap niya at hindi niya na mabilang ang lahat ng mga benda na
tumatakip sa kanyang katawan dahil sa mga galos na natamo niya sa kanyang ama.

Ms. Aquino (Alexandra): i’m sorry kung ngayon ko lang nalaman ang mga paghihirap mo.
(naluoy na face) Wag kang mag-alala. (gunit sa hands) Makakamit mo rin ang hustisya mo.

NARRATOR (Helen): Ilang buwan ang nakalipas, pursigidong mag sampa ng reklamo si Ms.
AQUINO laban sa magulang ng kanyang mag-aaral. mahabang proseso sa pangangalap ng mga
ebidensya at paghahanda ng mga papeles, paghahanap ng mga tao para sa suporta at upang
matulungan sila financially at maraming pagsisikap upang hikayatin ang kanyang mag-aaral na
huwag matakot na harapin ang kanyang problema.

(while ga narrate, busy dayon sa pag ready sa papers and everything)

NARRATOR (Helen): And when everything was ready, they sued Mr. Dizon, and they went to
court.

(ni enter dayon si maria pati na ang uban victims and ms. aquino)

(ni enter dayon sunod si mr dizon along with his wife na naka angry face)

NARRATOR (Helen): Present ang mga taong naging biktima ng kanyang political misdeed at
gayundin si Maria na magpapatunay sa lahat ng pinagdaanan niya sa kanila. Sa pagsisimula ng
paglilitis ay medyo nag-aalala sila at hindi sigurado sa kahihinatnan, ngunit sa patnubay ng
Diyos ay nakuha ng mga biktima ang hustisya ng nararapat sa kanila, nanalo sila sa paglilitis
(Sa courtroom)

(While ga narrate si helen, mag action dapat sa background na naay lalis nahitabo)

JUDGE (Karla): “The defendant is guilty as charged in the incident”

NARRATOR (Helen): Nagka patong-patong ang mga kaso ni Mr. Dizon at siya’y nawalan ng
posisyon sa politiko. Siya rin ay nakulong ng ilang taon.

LAST SCENE:

( ani nga time kauban niya ang mga friends niya then iyang teacher)

NARRATOR (Helen): Sa wakas ay nakalaya na si Maria mula sa masakit na karanasang dulot ng


kanyang mga magulang. Tinanggap siya ng lahat at tiniyak na ligtas siya sa piling nila. laking
pasasalamat niya sa kanyang guro na kung hindi dahil sa kanya ay hindi niya matatamo ang
kalayaang kaniyang inaasam.

Maria (Eiannah): Maraming salamat po Ms. Aquino ( sabay hug). utang ko sa iyo ang aking
buhay.

Ms. Aquino (Alexandra): Walang anuman, iha. Gusto ko lamang iligtas ang mga estudyante ko
sa kapahamakan. (smile)

NARRATOR (Helen): Ang hustisya ay isang continuum na kinabibilangan ng pananagutan,


pagbabago tungo sa pagpigil sa higit pang kawalang-katarungan, at estratehikong pag-asa. Ang
hustisya bilang pinakamahusay nito ay pag-ibig na itutuwid ang lahat ng bagay na lumalaban sa
pag-ibig.

Props:

● Chairs (8 classroom chairs)


● Band aid (Done)
● Lip stick (para sa mg sugat ehehe) (Done)
● Plates and other utensils
● Certificate (Done)

Costume:

● long sleeve polo (Mr. Dizon)


● Pampabahay na daster (Ms. Dizon)

You might also like