Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Paniqui North District
YSIDRA E. COJUANGCO ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2021– 2022

Name: _______________________________________________

Grade& Section:______________________________________
LEARNING ACTIVITY SHEET – ARALING PANLIPUNAN VI
Ikalawang Markahan Unang Linggo

SCORE: ______________ Parent’s Signature:_________________

MELC Grade 6 Competency 1 Quarter 2


Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng mga Amerikano

REMINDER: The learner may need the help or assistance of someone in the family (parent/guardian or
older siblings) who may read, explain, illustrate the instructions and explain the discussions in each
activity. If the instructions have been made clear, the learner should work independently on the
activities.

I. Panimulang Gawain/Balik - Aral

Sanhi ng pananakop ng mga Amerikano, marami sa mga


Pilipino ang tumangkilik sa mga imported na bagay. Sa
kasalukuyan, isa sa kinakaharap na problema ng ating bansa ay
ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng colonial mentality.
Pag-aralan ang larawan na nasa ibaba. Ano ang maibibigay mong
pansariling pang-unawa tungkol dito?

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
____________________________________________________________
2. Ano kaya ang papel na ginagampanan nito sa ating
komunidad?
____________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang edukasyon?
____________________________________________________________
II. Ating Alamin

Mga Dapat Tandaan

Sa panahon ng mga Amerikano, nabigyan ng pagkakataong makapag-


aral ang mga Pilipino, mayaman man o mahirap. Naitatag ang mga
pampublikong paaralan na nagbigay ng libreng edukasyon para sa lahat ng
mga Pilipino. Nagpatayo ang mga Amerikano ng mga paaralang elementarya
at sekundarya na nagturo ng mga asignatura tulad ng pagbasa, pagsulat,
aritmetika, agham panlipunan, musika, pagguhit, sining, industriya,
karunungang pangkarakter, at edukasyong pangkalusugan at pisikal.
Ang kurso ng elementarya ay nagtatapos sa loob lamang ng pitong taon at apat
na taon naman sa sekundarya. Nabuksan din ang mga paaralang normal,
bokasyonal, pansakahan, at pangangalakal. Maraming mga kolehiyo at
pamantasan ang nabuksan sa panahong ito tulad ng:
1. Philippine Normal School 1901
2. Siliman University 1901
3. Centro Escolar University 1907
4. Unibersidad ng Pilipinas 1908
5. Unibersidad ng Maynila 1913
6. Philippine Women's University 1919
7. Far Eastern University 1928
Ingles ang ginamit na panturo sa mga paaralan at binigyang diin ang
kulturang Amerikano sa mga leksyon. Thomasites ang mga unang naging guro na
ipinadala ng Estados Unidos sa Pilipinas. Sila’ y dumating noong Agosto 23, 1901
sakay ng barkong S.S. Thomas. 600 ang mga Thomasites na dumating at
nagsilbing guro ng mga Pilipino.
Ipinagpatuloy rin ang mga pribadong paaralang sinimulan sa panahon ng mga
Espayol. Ang mga matatalinong mag-aaral na Pilipino ay ipinadala sa Estados
Unidos upang makapag-aral ng libre.
Pensiyonado o iskolar ang tawag sa mga matatalinong mag-aaral na Pilipino ay
ipinadala sa Estados Unidos upang makapag-aral ng libre na karaniwan ay
naging lider sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay sa bansa. Ang ilan sa mga
naging pensiyonado ay sina Hukom Jose Abad Santos, Francisco Benitez isang
kilalang guro, Dr. Jorge Bacobo na naging presidente ng UP, at Dr. Francisco
Delgado, isang dating senador at ambassador.

III. Subukin Natin

Piliin sa Kolum B ang ideyang tumatalakay sa mga grupo ng mga


salita na nasa Kolum A. Isulat ang sagot sa patlang.
A
_____1. Bilang ng taon para matapos ang elementarya
_____2. Bilang ng taon para matapos ang sekundarya
_____3. Unang naging guro na pinadala mula Estados Unidos
_____4. Barkong sinakyan ng mga unang naging guro ng
mga Pilipino
_____5. Wikang ginagamit na panturo sa mga Pilipino noong
panahon ng mga Amerikano
B
a. Thomasites
b. Ingles
c. Pitong taon
d. Apat na taon
e. S. S. Thomas
f. Pensiyonados

IV. Pagyamanin

a. Gawain I
Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa tamang pagkasunod-sunod na
pagkatatag ng ibat’ ibang mga pamantasan sa bansa.
________1. Far Eastern University
________2. Unibersidad ng Maynila
________3. Philippine Normal School
________4. Siliman University
________5. Centro Escolar University
Gawain 2
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon upang mabuo ang talata.
Isulat ang sagot sa patlang.

Dr. Francisco Benitez Dr. Jorge Bacobo Francisco


Benitez Ilustrado Jose Abad Santos
Pensiyonado

Ang mga matatalinong mag-aaral na Pilipino ay ipinadala sa


Estados Unidos upang mag-aral ng libre ay tinatawag na (1)
__________________. Ang ilan sa mga ito ay sina Hukom (2)
__________________, kasama si (3) __________________ na kilalang
guro, pati na rin ang naging presidente ng UPna si (4)
__________________ at ang dating senador at ambasasador na si
(5) __________________.
V. Tayahin
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino-sino ang mga unang naging guro ng mga Pilipino na


ipinadala mula sa Estados Unidos?
A. Ilustrado
B. Lider
C. Pensiyonado
D. Thomasites
2. Anong pangalan ng sasakyang pandagat na sinakyan ng mga
unang guro ng mga Pilipino?
A. S. S. Americas
B. S. S. Filipinas
C. S.S. Gracias
D. S. S. Thomas
3. Ano ang tawag sa mga matatalinong Pilipino na ipinapadala sa
Estados Unidos upang mag-aral ng libre?
A. Ilustrado
B. Lider
C. Pensiyonado
D. Thomasites
4. Sino ang naging pensiyonado na dating isang hukom?
A. Dr. Francisco Delgado
B. Dr. Jorge Bagobo
C. Francisco Benitez
D. Jose Abad Santos
5.Anong wika ang itinakdang panturo sa mga paaralan noong
panahon ng mga Amerikano?
A. Espanyol
B. Filipino
C. Ingles
D. Kapampangan
6. Bakit mahalaga ang edukasyon sa tao?
A. Dahil ito ang susi sa pag-unlad
B. Dahil ito ang daan sa mga pupuntahan
C. Dahil ito ang gagamitin natin upang lumayo
D. Dahil ito ang tutulong sa ating mga gagawin
7. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa edukasyon?
A. Palaging mag-aral ng leksyon
B. Palaging makikipagkwentuhan
C. Palaging maglalaro
D. Palaging matutulog
8. Ano ang naging bunga ng pagiging matagumpay ng edukasyon
noong panahon ng mga Amerikano?
A. Nagkaroon ng pagkakataon na lumabas ang mga tao
B. Nagsakripisyo ang mga tao at nahikayat na mag-aral
C. Natuto ng mga gawaing bahay ang mga kababaihan
D. Naging masisipag ang mga mamamayan
9. Ano ang iyong magagawa upang hindi mahinto ang iyong
pagkatuto sa mga ganitong panahon ng pandemya?
A. aalis ng bahay
B. makikipaglaro sa mga kaibigan
C. mag-iisip ng paraan kung paano matututo
D. gagawa ng dahilan upang makapunta sa mga pinsan
10. Paano mo maibabahagi ang iyong mga kaalaman sa ganitong
panahon ng pandemya?
A. Maglilinis ako ng bahay araw-araw
B. Tutulungan kong maghanapbuhay si inay
C. Susundin ko ang utos ng aking mga magulang
D. Tuturuan kong bumasa at sumulat ang aking kapatid

Prepared by:

MYCEL E. CABUSLAY
Teacher

Noted:

JULIETA C. REGACHO
Principal
Key to Correction:
Balikan:
Depende sa sagot ng bata
Subukin Natin
1. C
2. D
3. A
4. E
5. B
Pagyamanin
Gawain I
1. 5
2. 4
3. 1
4. 2
5. 3
Gawain 2
1. Pensiyonado
2. Jose Abad Santos
3. Francisco Benitez
4. Dr. Jorge Bagobo
5. Dr. Francisco Delgado
Tayahin
1. D
2. D
3. C
4. A
5. C
6. A
7. A
8. B
9. C
10. D

You might also like