SOSLIT

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Akda

KALUPI
ni Benjamin Pascual

Tungkol saan ang akda

Ang akda ay patungkol sa pang huhusga at pagbibintang. Si Aling Marta ay pumunta sa palengke
upang bumili ng ulam, ngunit habang ito’y naglalakad may isang batang palaboy ang bumangga
sakanya. Sa kasalukuyang magbabayad ito sa tindera nang kanyang pinamili, ay napansin nitong
wala ang kanyang kalupi. Naalala nyang may bumangga sakanya, at ito ay ibinintang sa bata na
sya daw ang kumuha nang kanyang kalupi. Pilit itinanggi ng bata na wala sakanya ito, at ito ay
tumakbo at nabundol ng sasakyan na kinalaunan ay namatay. Pauwi na si Aling Marta nang
makita nya ang kanyang anak at asawa, na nagtataka ang mga ito kung saan galing ang perang
pinambili ng mga ulam. Sapagkat alam ng mag-ama na nakalimutan ni Aling Marta ang kanyang
kalupi.
Paano ito naiugnay sa sarili mong karanasan
Ang akdang ito ay aking mahahalintulad sa aking sarili, sapangkat may mga oras na ako’y
nanghuhusga ng ibang tao katulad na lamang ni Aling Marta. Sa tuwing ako’y nawawalan nang
gamit sa aming bahay, ay kung kani-kanino ko na lamang ito ibinibintang.
Aral na napulot sa karanasan
Ang aral na napulot ko sa karanasan na ito ay dapat huwang manghusga ng kapwa. Hindi karapat-
dapat magbintang ng kung sino man, kung wala itong pruwebang pinanghahawakan. Mahirap
idiin nang isang tao sa kung wala naman talaga itong kinalaman, sapagkat maninira ka ng tao sa
paraang hindi naman dapat.

You might also like