BAITANG AT PANGKAT: ________________________________________ISKOR: ________________ I. PANUTO: Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang. _____1. Ito ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa. A. Tulang Awit B. Maikling Kuwento C. Sanaysay D. Tulang Romansa _____2. Sa bansang ito nanggaling ang tulang romansa A. Alemanya B. Inglatera C. Gresya D. Europa _____3. Dalawang anyo ng tulang romansa A. Epiko at balad B. dalit at soneto C. oda at elehiya D. awit at korido _____4. Ang “Ibong Adarna ay isang uri ng _______________. A. Dalit B. Duplo C. Soneto D. Korido _____5. Bilang ng pantig sa bawat taludtod sa Korido. A. 12 B. 11 C. 9 D. 8 _____6. Siya ang pinagpalagay na nagsulat ng Ibong Adarna A. Juan Dela Cruz B. Cardo Dela Cruz C. Jose Manalo D. Jose Dela Cruz _____7. Ito ay isang uri ng punong kahoy kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna A. Pedras Platas B. Priedras Platas C. Platas Piedras D. Piedras Platas _____8. Siya ang anak ni Haring Salermo at nakaisang-dibdib ni Don Juan A. Donya Isabel B. Donya Leonora C. Donya Juana D. Donya Maria _____9. Pangalan ng bundok kung saan naglakbay ang tatlong prinsepe upang hanapin ang mahiwagang ibon A. Tabuk B. Tabok C. Tabon D. Tabor _____10. Siya ang kagalang-galang na hari sa kaharian ng Berbanya. A. Haring Salermo B. Haring Adolfo C. Haring Florante D. Haring Fernando _____11. Siya ang kabiyak ni Don Fernando at ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan A. Donya Isabel B. Donya Juana C. Donya Valerie D. Donya Valeriana _____12. Siya ang bunso at mapagmahal na anak ni Don Fernando A. Don Jose B. Don Pedro C. Don Diego D. Don Juan _____13. Bakit nagkasakit si Haring Fernando? A. May Epidemya sa kaharian C. Siya ay may masamang panaginip B. May lumason sa kanya D. Siya ay sinumpa _____14. Ano ang lunas sa sakit ni Haring Fernando? A. Balahibo ng Ibong Adarna C. Karne ng Ibong Adarna B. Awit ng mahiwagang ibon D. Awit ng Ibong Adarna _____15. Ilang beses umaawit ang Ibong Adarna? A. 4 B. 5 C. 6 D. 7 _____16. Nabigo si Don Pedro na hulihin ang Ibong Adarna nang gabing iyon sapagkat ___________. A. siya ay umalis sa burol C. siya ay nahulog sa bangin B. siya ay nakatulog D. siya ay naging bato _____17. Ano ang ibinigay ni Don Juan sa matandang ketongin nang nakasalubong niya ito? A. salapi B. tubig C. prutas D. tinapay _____18. Ano ang mga ginamit ni Don Juan para mahuli ang ibon? A. pana at sako C. pagkain ng ibon B. kutsilyo at hawla D. dayap, kutsilyo, gintong lubid _____19. Ito ang nangyayari sa mga taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna. A. namamatay B. nakakatulog C. naglalaho D. nagiging bato _____20. Malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay Prinsesa Leonora. A. Lobo B. Agila C. Higante D. Serpiyente _____21. Nagapi at napatay ni Don Juan na siyang nagbabantay kay Donya Juana A. Higante B. Agila C. Lobo D. Serpiyente _____22. Siya ang tumulong sa paglalakbay ni Don Juan. A. Ermitanyo B. Lobo C. Diwata D. Matanda _____23. Si Don Pedro ay naglakbay ng 3 buwan upang hanapin ang Ibong Adarna, ilang buwan naman ang paglalakbay na ginawa ni Don Diego? A. 5 B. 4 C. 3 D. 1 _____24. Siya ang haring immortal ng Reyno de los Cristales na ama ni Maria Blanca. A. Haring Salermo B. Haring Adolfo C. Haring Florante D. Haring Salermo _____25. Ano ang ipinahihiwatig ng mga prinisipe noong humarap sila sa panganib para sa ama? A. Wagas ang pagmamahal nila sa kanilang magulang B. Naghahangad sila ng malaking mana mula sa hari C. Isang kahihiyan kung hindi sila kikilos para sa hari D. Kayabangan nila sa angking lakas at kakisigan. _____26. Ano ang mensaheng taglay noong tumulong si Don Juan sa matanda? A. Likas siyang maawain at mapagkawanggawa B. Alam niyang may maitutulong ang matanda kaya ginawa niya ito. C. Nais ni Don Juan ng gabay sa kanyang misyon D. Maka-Diyos at madasalin si Don Juan. _____27. Ano ang ginawa ni Don Pedro at Don Diego para makuha ang ibon kay Don Juan? A. binugbog B. itinali C. nilunod D. binitag _____28. Siya ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan A. Donya Leonora B. Donya Juana C. Donya Isabel D. Donya Maria _____29. Ang mga ito ay naiwan ni Donya Leonora at binalikan ni Don Juan sa ilalim ng balon. A. singsing C. Lobo at singsing na dyamante B. Alahas at lobo D. lobo at singsing na may perlas _____30. Sa anong bundok matatagpuan ang kaharian sa ilalim ng mahiwagang balon? A. Armenya B. Arayat C. Everest D. Tabor _____31. Ilang taon ang hiniling ni Donya Leonora upang pansamantalang makulong sa isang lihim na silid bago magpakasal kay Don Pedro? A. 4 b. 5 c. 6 d. 7 _____32. Ito ang kapangyarihang taglay ni Donya Maria na tumulong kay Don Juan upang matupad lahat ng kahilingan ng Haring Salermo A. mahika-negra B. mahikang itim C. mahika-blanka D. mahikang puti _____33. Sila ang mga tauhan sa ikalawang pagsubok ni Haring Salermo, sila ang isisilid sa prasko. A. 3 Negrito B. 3 Prinsepe C. 12 Prinsepe D. 12 Negrito _____34. Nagyari sa mga manliligaw ni Donya Maria na kagagawan ng kanyang amang si Haring Salermo. A. Naging larawang palamuti sa palasyo C. Naging kalapating palamuti sa palasyo B. Naging gintong palamuti sa palasyo D. Naging batong palamuti sa palasyo _____35. Ano ang ikalimang kahilingan ni Haring Salermo? A. patagin ang bundok B. hanapin ang singsing na dyamante sa pusod ng dagat C. paamuhin ang mailap na kabayo D. buwagin ang kastilyo _____36. Nang nagkapira-piraso ang katawan ni Donya Maria ay tumalsik ang isa sa kanyang mga daliri. Anong daliri ang nawala sa Prinsesa? A. hinlalaki B. palasingsingan C. hinliliit D. hintuturo _____37. Bakit hinatulan ng hari sina Don Pedro at Don Diego? A. Dahil inangkin ng mga ito ang ibon B. Dahil pinagtulungan nila si Don Juan C. Dahil sinabi nila na hindi nila alam kung nasaan si Don Juan D. Lahat ng nabanggit _____38. Paano pinatunayan ni Don Juan ang pagmamahal sa mga kapatid niya? A. Ipinauwi niya ang ibon kay Don Pedro at Don Diego B. Hiniling niya na patawarin ng hari ang mga kapatid C. Hindi nalang niya sinabi ang katotohanan sa hari D. Lahat ng nabanggit _____39. Si Donya Maria ay isang suwail na anak. Ang salitang “suwail” ay nangangahulugang ? A. mabuting anak B. madamot anak C. malambing na anak D. masamang anak ______ 40. Alin sa mga pahayag ang ibig sabihin ng “Sa sumpa’y naging saksi, ang magtaksil ay maputi.” A. Kamatayan ang kapalit ng pagtataksil sa sumpaan. B. Makakatikim ng sumpa ang sinumang magtataksil. C. Mahirap tumupad sa sinumpaang pangako. D. Ang sumpa ay dapat tuparin hanggang kamatayan.