Banaag at Sikat

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 604

NYPL RESEARCH LIBRARIES

3 3433 01340591 9
VISION
Part
* ORI

Santos
.de Chicago.
Al Prof. Frederick Stan Se la Univ

A
Lope K. Santos
T
A
A
N
K
-44141413

T
3050 144

A I
4+42

T
B A S

MAYNILA, S. P. , 1906
++

+++
ge s
Malay langua - Pralect
подавед
Alle


Wala nag karapat -dapat paghandugán ng iság katutuboğ buga
ng aki'g isip at kalooban, kundi ağ mga pinagkakautağan ko ng
lalòğ mabibisàg patabâ na nakapagpalusóg niyaríg mga likás at
sarilig pananalig, na, ağ tunay na kabayanihan ay hindi nagága
náp kundi sa karurukan lamağ ng Baya'g Marálitâ . ****

Tangapín ninyó, mga Kawal ng Dálitâ, itóğ aki'ğ bayad-utağ.


Hagád ko sa paghahandog ag ito'y inyóg mátutuha'g pakinabagan .
Guni't kug hindi kayó mátututo, ipinalálagáy ko na gayón pa ,
na wala ako'g nagawâg anomán, kundi nagarap gâ lamağ sa
pamamanaag at pagsikat ng Araw ng inyóğ Katúbusan.

25 DISYEMBRE, 1906. Lope K. Santos

**
NOBELAG TAGALOG

BANAAG AT SIKAT

KATHA NI

LOPE K. SANTOS

UNAG PAGkápalimbÁG

MAYNILA, S. P.

1906
THE NEW YORK
PUBLIC LIBRARY

883901A
ASTOR , LENOX AND
TILDEN FOUNDATIONS
A 1937 L

TAGLAY NG MAYKATHA NITÓ AG


MGA KARAPATAG UKOL SA KANYA

QUEN

Ağ NOBELAG ito ay ipinagbibili sa lahat ng LIBRERÍA sa Maynilà,


at sa mga sadyâğ kátiwalà sa mga lalawigan.
Sa pásulatán ng MULIG PAGSILAĞ at EL RENACIMIENTO,
(Elizondo 79, Kiyapò) ay nagbibili rin ng tig at pakyawan ağ May
kathâ. 7
Al buen amerikano partidario de la emanci

pación inmediata de mi Pais , Mr. Frederick Starr.

Manila, 5 de Julio , 1908.

Support
a daunty

PAUNAWA

INDI lihim sa kaibigan kong Lope K. Santos , na ako'y di lubhang


sang-ayon sa nilalayon ó ináadhikâ ng BANAAG AT SIKAT . Mula
5 pa nang mapuná ko ang pakikipagtalo ni Delfín at ni Felipe kay
Don Ramón, sa Batis ng Antipulo" ; ay akin nang nasabi sa iláng
kamánunulat sa wikàng tagalog, na, sa ganáng, akin, ay totoong napaka
sulong ó totoong napakaaga ang " pamamanaag at pagsikat" ng nakákapa-
song init ng "Araw ng Sosyalismo" dito sa mga bayang silanganan. Ang
lahát ng ito ay pawàng talastás ng aking kaibigan.
Dátapwâ't ¡ isáng kataká-taká ! walâng nápilì, walâng nápitang hingán
ng kaunting pagod , upáng málagdâán ng Paunawa ang kanyang BANAAG
AT SIKAT, máliban na sa akin. Dahil dito'y sumilíd sa gunam-gunam ko na
walâ ngâng makakapangahás sumulat ng BANAAG AT SIKAT kung dî si G.
Lope K. Santos. Karaniwang ugali ng mga mánunulat ang pumilì ng isáng
bunyî at lantád na ginoó upang lagyan ang isang katha ng isá namang pau
nawang ipagkakapuri ng kumathâ. Si G. Lope K. Santos ay lumihis sa dati
ó lumà nang tuntuning iyán, at siya'y lumihís, marahil, sapagka't ang
BANAAG AT SIKAT ay ibang ibá sa “ mĝa aral at sulit, mulâ pa sa utus
ni Moisés", kung dito rin lamang sa Sangkapulûáng Pilipinas . At dahil
dito namin, nang malubús ang kabaguhan ng palakad , pinili niya't
pinakiusapang magbigay paunawà, akong maramut magkaloob ng walâng
wastong papuri.
Tútupdín ko ang pangakò, pangakòng matibay na isiwalat ang boông
katotohanan, sa sarili kong pagmumuni-munì — na mápupuná sa BANAAG
AT SIKAT.
Nápansin ko agad ang pangalan ng kathâ . Pagkábasa ko na ng una
pang lathalà ó labís sa páhayagáng Muling Pagsilang, ay naalaala ko ang
maraming banság na kathâ namán sa Europa, katulad ng Aurora Social,
Aurora Roja, Trabajo atb. , sa makatwid , ay ipinalagay kong may
inihahayag na ritong "salitâng-kathâ” ó novela , na bagong -bago ó di
pa kilalang gawin sa kapilipinuhan : ¡Novela Socialista!
Dî ako nagkamali. Ang BANAAG AT SIKAT ay isang pagbubukang
liwayway ng "Araw ng Sosyalismo " , dito sa Pilipinas. Ang anománg aklát
ay isang pagkain ng pag-iisip at damdamin, na iniháhandóg sa mangbabasa,
at palibhasa'y bagong pagkain ang BANAAG AT SIKAT, akin munang pinag
malas-malas , sakâ tinikmán , tuloy nilasa at pinakirandamán sa aking sarili
at sa ibáng mangbabasa, kung nakákabusóg at di namán nakakasirà . Ang
kawikàán ko baga'y dî ganóon ganoón lamang ang maghayág ó kumatha

CHI BK 19NOV36
IV

ng isáng sálaysaying sosyalista. Kinakailanga'y bihasa at matalinong pilésopo,


masurì at mawilihín sa Istorya, at lalò pa sa lahát ng bagay na itó , kailangang
ang kumakatha'y maykabatiráng ukol sa pasulok-sulok ng buhay, pag
uugali at pangangailangan, una una , ng sangkatauhan, ikalawa't higit pa,
ng bayang kináaaniban ng mánunulat. —¿ Ang lahát na hiyás na itó ng pag
iisip, ay mapapanood kayâ natin sa BANAAG AT SIKAT? Kayó , mğa mang
babasa, ang bahalàng magmasid at magkurò-kurò . Walâ akong ipahahayag
kung di ang sarili kong palagáy, palagay na imbí sapagka't bunga ng kaunti
kong kaya.
Mahusay at maliwanag ang pagkakalathalà ng mga buhay-buhay at
sálitâín sa bawà't bahagi ng kathâ ; dalisay ang mga pangungusap ; maayus
ang pagkakapanig ng mga tugmâng ukol sa mga personahe. Bawà't bahagi
ay nasáзabugan ng masasamyông bulaklák, ng maaayus na pananalitâ, at
nahíhiyasán ng mahahalagang pagkukurò at pagninilay-nilay. Sa akalà ko ,
ito'y isang halimbawàng ipinakita ng kumathâ, at dapat tularan. Ang
BANAAG AT SIKAT ay hindi masásabing isang pagkakátagni- tagnî lamang
ng sari-saring sálaysayin ; hindî ngâ , ang bawa't bahagi niya ay
isang pamukaw ng damdamin at paliwanag sa isip, kayâ nğâ't dî nag
kásiya ang kumathâ na pawilihin lamang ang mga mangbabasa sa mari
rikít na pananalitâ , ó sa pagsasalaysay ng mga maligayang udyók ó handóg
ng buhay, kundî naman iniháhanay ang mga mahalagang súliraníng dapat
litisin at bigyang pasiyá upang maging palátuntunang dapat sundín sa
ikapagtátamó ng lalòng maginhawa, kung dî man ng maligayang pamu
muhay.
Isang bagay, sa akala ko , ang nakalingatán ng kumathâ. Wari'y sa
pagkawili niya ng labis sa mga bago at maririkít na damít at hiyás niná
Delfín, Felipe at Meni, ay dî pinakabuti ang pagbanháy sa kaní-kanilang
pagkatao at katáyûan. Nakákaligayang malasin ang karangalan ng ugali
at kadakilàan ng mga damdami't pangangatwiran ni Delfín at ni Felipe ,
dátapwâ't di ipinaliwanag na mabuti sa atin ang kanilang inugalì pagkabatà
na't magkaroon ng pag-iisip , hindî ibinalità sa atin ang katutubong hingíl
ng kaniláng mga nasà , ang kanilang pinag-aralan at ang mga iba't ibáng
pagkakasigá-sigalót ng buhay ng isang tao upang mapanibulus at matutong
gumawî ng di karaniwang mámalas sa mga kinákasama . Dahil dito'y pag
katapus purihin ko, sa aking loób man lamang, ang pagmamatwid ni Delfín
kay Don Ramón at kay abogado Madlâng-layon , ay di ko maabút isipin kung
anóng kababalaghán ang nangyari , at ang isang dukhâ-bagama't
periodista at nag-aaral ng Derecho at bagong-taong nakakáibig sa isáng
bathalà na ng dilág (si Meni) , ay makapangahás magsalita sa isang kagalang
galang na ginoó , mayamang amá ng kasi at sintá, ng balá-balaking matata
pang at matutulis na pangangatwiran , katulad bagá ng sabihing :
"-Hindî pô akó-anyá -ang una-una lamang nakapagsabi ng ganyán ,
"kundi ang pantás na si Goethe, nang isulat niya ang sagutan ng isáng
"maestro at isang alumno , tungkol sa boông pinagmulán at kasaysayan ng
"yaman ó pag-aarì.
"Itinanóng, daw, ng nagtúturò :-
'Turan mo, ¿ saán galing ang kaya
"manan ng iyong amá?-Sa amá pô ng aking amá' , itinugón daw ng nag
“áaral.-' At ang sa amá ng iyong amá?-Sa amá ng amá ng aking amá.—
" ""
"At ang sa amá ng amá ng iyong amá?-Ninákaw pô ..
Ganoon din namán , si Felipe ay námulat sa kaginhawahan at kabun
yiáng handog ng kayamanan ; nğunì't nahigitán pa niyá si Delfín sa paglalat
halà ng nilalayon ng Sosyalismo ; si Felipe, na anák ng mayaman , ay siyáng
mahigpit na kaaway ng kayamanan ...
Nároón na rin ako sa katwiran na ang nobela ay nagsásalasáy ng
isáng kabuhayan na dî man nangyari ó nangyayari , ay dî namán maliwag
mangyari ; nguni't katungkulan ng nobelista ang kathâín yaóng mğa pagka
kátaón na nagiging sanhîng malakí ng ikapangyayari ng kinákathâng buhay.
Bagama't , kung sa tayô ng araw, ang buhay ko'y untî-untî nang lúlubóg
at lilisanin ang masayáng hálamanán ng pakikipagsintahan, ang puso ko,
wari ay napúpukaw ng mapanintáng mga sálitâan ni Meni at ni Delfín ,
noóng gabing palarin siláng tulungan sa gloryeta ng DILIM, upang magkábuhól
ang kanilang kapalaran na dî namalas ng balawís na paningin ni Don Ramón.
Nguni't labis sa galák ng aking pusò ang pagsurì ng aking mapansining baít ;
kayâ't dî malirip kung anóng dahilá't si Meni , na may hiyás ng kagandahan ,
kayamanan , katalinuhan, karangalan ; si Meni, na sukat mákita sa kasing-urì
ang pagka-Adonis ó pagka-Narciso ng isang periodistang pilipino, lakí sa
hirap, ay... mátutong maging Julieta ng isang Romeong nagkatawang-tao
at pinanganláng Delfín ……. Oo na nga't ang pagsintá'y bulág, nguni't kai
langang ipakita ang pagkabulag at ipatantô ang ikinabulag ni Meni. Bukód
sa rito , kung si Delfín ay likas na sosyalista , bago niyá mákilala, bago pag
nasàang pintuhùin ang isang Meni ay háhanapin na muna ang kapalaran sa
kinálalagyan ng isáng Tentay, na kasi at sintá ni Felipe .
Ang ibig kong sabihin , ay malabò ang pagkakápintá sa mga personaheng
Delfín at Felipe, at dapat magkáganitó , sapagka't ito'y dalawáng tipong
hindi pa natin nakikilala sa Pilipinas. Saksíng pagkatotoo ng palagay kong
itó, ang mahusay at ganap na pagkáyari sa mga personaheng Don Ramón,
Madlang-layon, Don Filemón at Ñora Loleng, sapagka't ang mga tipong ito'y
talagang mga buháy sa kapisanang pilipino, na, sa aking pagkápuná , ay
totoong pinagmasdán at inusig ng kumathâ ng BANAAG At Sikat.
Sinabi ko na. Ang ipinagkaganitó ni G. Lope K. Santos ay sa pagka
hilig ng kanyáng loób sa mga bagong munakalà. Bukód sa rito, dapat
nating isipin na ang BANAAG AT SIKAT ay isáng (tendencia) nilalayon , munì
muni 6 panagimpán ng isang anák-bayang uháw sa kalayaan at katwiran,
na bábahagyang ganapin sa mga sinupil ng yaman at puhunan .
Hangang dito ang masasabi ko sa biglâng pagmamalas sa bagong bunga
na iniháhandóg ng kumathâ : marikít , mabangó at wari'y ikabúbusóg .
Maaaring ikabusóg , maáarì namang ikamatay . Palibhasa'y di pa
bihasa ang ating bayan sa Sosyalismo , kailangang huwág bíbiglâín ang
pagkain ng lamán ng BANAAG AT SIKAT. At dapat kilanlín , limihin at pag
VI

aralang kanin, sapagka't katulad ng sabi ni Felipe'y : " saán man mày mámu
"muhunán at mangagawà , may maylupà at magsasaka , panginoón at alilà,
'mayaman at dukhâ, ang mga aral ng Sosyalismo ay kailangan ; sapagka't
"diyán kailan man namúmugad ang pagkaapí ng mahihinà at pagpapasasà
"ng filán sa dugo ng karamihan ...... ”
Ang pinaka-ubod ng BANAAG AT SIKAT... ¡ ah ! totoong mapaklá, hindî
wari bagay sa ating nğalá-ngalá. Sa dakong hulí ay sinasabi ni Felipe :
"¡ah! sapagka't sa tibay ay lakás lamang ang makapag-gúguhô . Sa kapang
"yarihan ay kamatayan lamang ang makasúsupi!. Kaya ang mga harì ,
"ang mga pangulo , ang mga punò ay sinúsunód ng buô-buông bayan, ay
"sapagka't mayhawak siláng lakás ng kapangyarihan: makapagpaparusa
44
' sa sumúsuway. Kayâ makunat baguhin ang masamâng samahán ngayón
❝ng Sangbá-sangbayanán , ay dahil sa pagmamatigás ng mga pámunùán .... "
Sa aking sarili , ang mga aral at pangungusap na itó ni Felipe ay dapat
ipahatid sa Rusia. Sukat na ang balità sa atin, subalì pa ngâ't ang sabáy
at huling pasiyá ni Delfín at ni Felipe ay " iwan nati't palipasin ang Dilim
ng Gabi".
Palipasin ang dilim ng gabi! Ito ay isang malaking katotohanan
at mahalagang katwiran. Sayang ang tayo'y maglakád , kung dahil sa
kadiliman ng gabi, ay di natin mátutuhan ang landás. Tayo muna'y
mag-isip-isip bago ikilos ang kamay at paá. Ang anománg malalaking bagay
na nangyari óʻginawa ng isang bayan ay nagbuhat muna sa isang pagmu
munakalà . Bago dumating ó magkatawang-tao si Hesukristo ay.... ginanap
muna ang paglalathalà ng mga propeta. Bago natin mákamtán ang mga
iláng biyaya ng kalayàan, ay pinukaw muna ang ating damdamin at binuksán
ang ating pag-iisip ng mga mahalagang lathalà ni Rizal!
Sang-ayon akó sa palagay ni Delfín na “ ang Sosyalismo .... ay isáng
“daán ó landás lamang na lalòng maaliwalas at matwid , kaysa kasalukuyan
"nating nilálandás." Sakali man na ang Sosyalismo ay matwíd at maali
walas na landás, humimpíl muna tayo : kailangan muna ang maliwanag
na ilaw ng ating pag-iisip at kailangan din naman ang sariling lakás , upang
makatagal sa paglakad. Ang ilaw na lubhang kailangan nati'y ang pagkilala
sa tunay na katwilan. Ang pag-iisá, pagdadamayán , pagtitinginan at pag
iíbigan, ang siyáng tunay na lakás. Yamang malimit bangitín ng kumathân
si Juan Grave, mangyayari namáng ilagay sa bibig ng matimpîng loob ni
Delfín, ang isang pananagót sa mapusók na si Felipe. Ganitó : "Siyá na
ang kapangyarihan ng karunungan , siyá na rin naman ang dahás ng kalá
kasan. Ang taong marunong ay may kautangan sa kapisanan. Ang taong
marunong (ganoón din ang mayaman) ay dî dapat humigit ng pangangaila
ngan, kaysa mahirap." At dugtungán pa natin ng ganitong sabi : “ Lahát
ay maykatwirang humanap ng ikagíginhawa , lahat ay bahagi lamang ng
kapisanan: ang malakás ay tumulong sa mahinà, ang marunong ay mag-:
turò sa mangmáng, nang ang lahat ay tumamó ng kaginhawahan. Kapág
ang karunungan at kayamana'y ipinagkaít ó ipinagmalakí ng íiláng mapa
palad, libo-libong mahirap ang manghihimagsik."
VII

Mğa anák-bayan, mğa mangagawà , basahin ninyo ang BANAag at Sikat


at malasin kung tapát na sa inyong loob ang bagong landás na kanyáng
itinúturò sa inyó. Kung sakalì at minámagalíng, hanapin ninyó at gamitin
ang liwanag ng katwiran.
Mğa marurunong, mğa mayayama't may-impók na pag-aarì, basahin
din naman ninyo ang BANAAG AT SIKAT: dito ninyó mápapakingán ang
kalunos-lunos na daíng ng mahihirap . Kung kayo ang dahil ng kanilang
makamandag na damdamin , huwág ipagkaít , madaling igawad ang kaunting
unas na taglay ng labis-labis ninyong kaginhawahan.
Huwag katwiranin, nino pa man, na walâ pa sa panahón ang pananím
ng BANAAG AT SIKAT. Sinásabi sa Florante na:
"Kung maliligò ka'y agád nang áagap
nang di ka abutin ng tabsíng ng dagat."
Noóng taong 1902 , nang binábalak pa lamang ang pagtatatag ng Kapi
sanan ng mga mangagawà , ako'y nápapamaáng at sinasabi ko rin na dî pa
panahón ; nguni't nákikita na natin ang mga nangyayari . Náragdagan na ang
upa as mğa mangagawà, marunong na siláng magsitutol, malimit na ang
aklasan, may kapisanan na silang maayus.
Ang mundo'y lumálakad, ang sabi ng isang pahám. Dahil dito'y dî
mápapawaglit ang Pilipinas sa kilos at paglakad ng Sangkatauhan. Kailan
ma't inilathala ang mga pangaral, walâng sala at sísibúl ang mga damdamin .
Ang mga manunulat ay di na nasisiyahan sa pagsasalaysay ng mga palá
sintahan lamang. Ngayón, bawa't kathâ ay may nilalayon ó tinútungo
na mahahalagang bagay. Lumipas na ang panahón ng Mil y una noches;
di na lubhang pansín siná Escrich, Dumas, atb. Ngayo'y kapanahunan niná
Zola, Tolstoy, Baroja, Kropotkine, Grave, Marx, Reclus, Antich, Malato,
Bakounine ......

Namámanaag na ang Sosyalismo. Kung kailán itó lálaganap sa kapili


pinuhan, ay di pa natin masásabi, at dî namán itó sukat pagtalunan.
Ang di natin maipagkákailâ ay totoong kumákapál ang bilang ng mga dukhâ,
at saan ma'y itinátatág ang kanilang kapisanan ng mga mangagawà.
May nagsasabi- parte interesada— na ang BANAAG AT SIKAT ay parang
isáng lasong inihalò sa pulót , upang marapating lasapín at lunukín ng mga
anak-bayan. ¿ At sa anóng dahil?—Anyá'y ikagúguló ng bayan , ikapáparam.
ng kapayapaan. Ito'y maling akalà at pagpapalagay na walang wastô.
Dapat ipabatid sa mga mangagawà ang lahát ng bagay at pangaral na nasá
saklaw sa Sosyalismo. Ang masama'y papanatilihin ang mga taong-bayan
sa kamangmangán, sapagka't kung magkáganitó , ay padádalá sa mga tam
palasang udyók ng mga mapagpangáp na mánunubús. Ang mga taong
bayan, sa ganang sarili nilá , ay maibigín sa kapayapaan . Ibig nilang mabihis
sa kahirapan ; nguni't hangáng makaíilag , ay lumálayô sa sígalutan.
Sa madaling sabi : ang BANAAG AT SIKAT ay maaaring huwarán ng mga
mánunulat ng nobelang tagalog, tungkol sa maayus at magaáng pagsasalay
sáy, ganoon din sa pagkakatníg ng punò at dulo ng salita. Ang mga baha
VIII

ging " Sa batis ng Antipulo" at " Sa isáng Pásulatán" , ay mapagkukunang


halimbawa ng mabuting pagsasalaysay, bagama't maminsan-minsa'y may
mápupunang salitang anaki'y lagdâng kastilà, katulad ng sinasabi sa bilang
65, bahaging ika V, na ganitó : " Huwag kang matakot : higit kailán ma'y
"ngayón máipakikita sa akin ang tunay mong pagdamay sa dináramdám
"ko." Marahil akó ang námamalî ; nguni't ang karaniwang bigkás natin ay
ganitó : “ Ñgayón ko lamang mákikita ang iyong pagdamay at tunay na
pagdaramdám." Ganoón man , ang mğa kabiglaáng ito'y maipalálagay na
dahon ng maririkít at mababangóng bulaklák .
Dapat ding tularan ang adhikâ ni G. Lope K. Santos na hiyasán ang
bawa't bahagi ng mga pagkukurò at pagpapalagáy , upáng máwatasan
ang tinútungo ng salitâ. Walâng pakikinabangin sa isáng sálaysaying
walâng ibinabalità kung dî ang mga nangyari : dapat bigyán ng kahulugán
ang nangyari , ihanay ang katwiran kung bakit nangyayari at ipahalumatyág
ang mangyayari. Kung payák na palásintahan lamang ang mapupuná ;
kung wala nang gagawin kung di magsalaysay ng buhay na katuwâ-tuwâ,
6 dilì kayâ'y kágulat-gulat, ang katulad nati'y naghéhele lamang sa isáng
sangól.
May palagay akó na sa ibáng OBRA ay ipakíkilala pa ni G. Lope K. Santos
na siya'y mabuting retratista ng kanyang mga personahe. Tila mandín
kailangang tularan niya ang ginagawa ng mga dakilang Maestro na gaya
ni Zola : siyasatin at panooring mabuti ang buhay, bago isulat ang ibúbuhay.
Ang BANAAG AT SIKAT ay panganay na anák ng nobelista. Magandáng
tindíg, at matalino. Kulang pa lamang ng pagkilala sa lakad ng panahon
at tinútungo ng Sangkatauhan . At ang lalòng mabuti sana'y isilíd sa puso't
pag-iisip ni Delfín at ni Felipe ang tunay na damdamin ng Ináng-Bayan :
ang maging nasyong malayà't maykasarinlán.

Macario Adriatico.
Maynila, Disyembre , 1906.
I

Sa Batis ng Antipulo

517
-Kailan man pông nagpakárami-rami ang taong umahon
dito ay di gaya ngayón - anáng isáng taga-Antipulo sa iláng
taga-Maynilang nanunuluyan sa kanyang bahay. - Palibhasà
pô, bukod sa pagkakasunog na nangyari, itóng aming baya'y
nasalantâng totoo at nagpakadáli-dálitâ , sanhî sa mga nagdaáng
guló sa kastilà at lalò na sa amerikano. Awà na pô sa amin ng
Milagrosa Nuestra Señora de la Paz y Buenviaje ang pagkaka
pistá sa taong itó ng lubhâng masaya ! Nguni't ang lalò pông
matao ngayon ay ang mga páliguáng batis ....
Humigít kumulang sa katotohanan, ang ganitong sabi ng
taga-Antipulo ay siyá rin namáng nápuná at násasabi-sabi ng
maraming nagsiparoón , mulâ nang mga una pang araw ng Mayo
hangang nang mga huli ng Hunyo ng 1904.
Pagsampalataya man ó pagkaigaya lamang ang nakapag
úudyók sa halos boông Maynilà at sa mga kun tagá-tagasaáng
lalawigan, na magsiahon doon, ay dî maikákaít na waring may
mahiwagang bató-balanì, na, tubò at tanyág sa kagulurang
yaón , ay nagiging kabighá-bighanì at masidhing panghalina sa
lalong malalamig na pusò at sa lalong malalalim na supot .
Bagaman ang pananampalataya sa mabisà at mapaghima
lâng tubig-Antipulo ang siyáng dî maitátakwil na unang umakit
sa mga maysakít na ibig gumaling sa pagpaligò ; dátapwâ, ngayón
ay malamang na ang idinádayo dahil sa lamíg at linaw na lamang
ng tubig at sa kasaganàan ng mga ligayang doo'y natítipong
parati, kay sa dahil yao'y mga tubig na "pinaghihimalaán ng
Inang Birhen." Hindi na ngayón kagalang-galang na gaano
ang mga batis ; hindî na pinakaáaring lunas ng mga kálulwáng
nakákamandagán ng sala ... Mahanga'y madalás na lamang
maging saksi ng mga kalihiman ng pusò ng isang dalaga, ng
mga kapangahasan ng matá ng isang binatà at ng kaparanga
lanán ng mga hiyás ng katawán at damdamin ng loob ng isa't-isá.
"Maligò sa batis " ay dî na kasabiháng gaano sa Antipulo
kun ibig ipahayag ang nasàng "magpagaling ng sakit," kundi
ang "manood ng mga bitùing palaboy ng langit . " Anopa't
gaya na rin ng paggamit ngayóng karaniwan sa salitang " mag
1-47064
2 LOPE K. SANTOS

simbá," upang masabi ang " manood ng lalòng magagaràng


bikas at bihis .'
Sayang at ang nakátuklás ó nakapagpabisà sa mga tubig
na yaón, ay dî yatà nakátanáw muna sa dakong Kanluran ,
sana'y nahiwatigan man lamang niya, mulâ-mulâ pa , na katulad
ng araw, ay lúlubóg din ang kanyang pag-asa na habang pana
ho'y pakikinabangan ang gayong pagpapasampalatayá, at disi'y
naiwasan hangá't mangyayari , na ang mga batis ay maging
páupahán na lamang ng bálana, upang gawing halimuyakán
ng pag-ibig, tagpuan ng mga anak ni Eba sa pagpitás ng
mansanas, dayuhan ng mga ganyák na loób at pánooran ng mga
matáng ... makasalanan.
-Nataasan ang panaginip ko ! -ang patingalâ sa langit
ay dî sásalang masasabi ng tinurang nagpanukalà, kung buháy
pa at nakikita ang mga inúugaling itó ngayón sa mapaghimalâ
niyáng tubig.

Hindi íisá ang batis sa Antipulo. Dátapwâ, sa karamihan


ng mga binúbukaláng yaón ng dalá-dalawá, apat-apat, waló
walóng kuwarta ó sikolo, ay may isáng nátatanging parati sa
walâng hulaw na tao at sa pagka-maaliwalas.
Pag-ahon na sa hagdanang lupà, ay isang palikaw-líkaw
na landás ang nagháhatíd ; sa pinto ng malawak na bakurang
nakalilibid ay may pangbungad na salitâng BATIS , na yarì sa
biyak-biyák, kinayas at pinag-ugpóng-ugpóng na mga siít ng
sariwang kawayan, ay napapakò magkábilâng dulo ng bawa't
titik sa dalawang punò ng bulak, na para namáng kusàng itina
ním na magkasiping, taáng pang-anyaya sa mga dayuhang
maliligò.
Sa unang pagbungad ay di malayòng máguní- guní ng isáng 1
maalalahanin 6 masisindaking bagong-ahon sa Antipulo, na
tila siya'y nakapasok na sa isang libingang katulad ng loobang
yaón . Ang nagdukláy na sangáng masasangsáng ng mga puno
ng tampóy, ang naghihitikan sa bungang mga punò ng kasóy,
ang malalagong siko, ang malulusóg na saging, mabulo, duhat,
makupa at bulak ; ang ilang pangbakod na punò ng kalyós ,
kahoy na umano'y siyáng "lunas na kinákagatán ng mga dagâ
kung nakikipag-away sa mga ahas " ... lahát ng halamang yaón
sa pagkakálagáy, lago at kasariwàan, ay madídili-diling diwa'y
pinatátabâ ng mga bangkay na doo'y nálilibíng. Ang puntód
puntód na lupà , ang malalambang damó at makahiyâng nála
latag saan mang dako , ay nagpapatibay pang warì ngâng yaó’y
báunan ng mga binawian na ng buhay. At yaóng na sa dakó
BANAAG A T SIKAT 3

dakóng dulo ng looban , ga-isáng kamalig ó sagubáng na may


pakpák , sa malayòng tanáw, ay siyáng tila pinaka-kapilya .
Sa kaliwa't kanan , dakong likurán ng kamalig, tig-isang may
panambil na barong-barong ang nangátatayô , lampás-tao ang
taás , na sa ilalim ó lilim nila'y anyông may itinátagòng mga
butó ó kalansáy ng nangasiràng " pari-kura ," "kápitán " ó ibá
pang "mahál na tao " sa bayan . *
Ang lahat ng ito'y sukat na dising magtibay sa gunitâ ng
masisindaking bagong-pasok, kun sa paghanap ng kanyang
mğa matá sa ibabaw ó harapán ng kapilya ng isá man lamang
munting krús, karaniwang tanda ng mga líbingan , ay dî niyá
mátaunán ang isang umagang sari-saring kulay ng damit ng
mga babayi ang sa loob ng kamalig ay natatanaw, na nag-galáw
at nagsalimbáy, samantalang may mga nagtayo at nag-upô
mandíng mga lalaki namán . Mapuputi ang suot ng ibá , iba'y
puláng-murà , puláng-apóy, at isá yaóng kulay dahong sariwà.
Naglilibing kayâ ? ... Sana'y luksa ang mga damít nilá.
Batà kaya ang inililibíng ? ... Nálalapít-nálalapít ang may
sindák na nánasok, ay mapag- úulinig ang isang alingaw-nğáw
ng sálitâang hindî lungkot ang higing, kundi isang malakás
na kátwâan . At sa agwát na mag-kákilalang mukhâ na , ay
mababawing lubos ang pagguguní-guníng yao'y libingan , sa
pagkátanaw sa isáng langkáy ng mga limá ó anim na babaying
naggagandahan, patakbóng nagsisilabás sa pinagkákatipunang
loob ng tila kapilya , at unaháng nagpapásukang tuwang-tuwâ
at nagtatawanan ng mabibining halakhák sa loob ng isá sa mga
bahay-bahayang nag-anyông taguán ng mga mahal na butó.
Hindi líbingan . Sa nayon ng mga bangkáy ay dî pagka
kaingay at kasayahan ang harì. Ang kulabà sa matá ng nasok
na matatakutín ay mahahawing lubós sa mga gayóng námamalas
at náririnig. Yaóng sangsáng ng tampóy at paghitik ng kasóy,
yaóng lagô at kasariwàan ng mga iba pang halaman , yaóng lambâ
ng mga damó sa puntód-puntód na lupà, na nang unang pag
pasok ay naging tandâ ng kulay at amoy ng kapanglawan ,
ngayo'y naghihiwatig na ng saya at kasiglahán , ngayo'y nag
áanyaya hindi na ng pagluhà at pagdalangin sa mga patáy,
kundi ng pananagano at pakikilugód sa mga dinatnáng kapwà
taong buháy.
Isang batis . Yaón ang isá sa mga páliguáng ipinagpa
rangalan ng maybahay na taga - Antipulo .
*
Sa maputlâng kulay ng umaga, ay ga-gasinulid mandíng
sumásabát ang mga paták ng isang paambón-ambóng ulán .
4 LOPE
E K. SANTOS

Araw niyón ng lingó, lingó ng ikalawang siyám ng pistá ; anopa't


ang Mayo ay nagtátapós namán .
Kamalig na kugong may apat na sulok na parisukát ; gadi
páng pasibi sa kaliwâng panig at gatatlóng dangkál na panambíl
namán sa tatló pang bálisbisan ; balag sa harapáng pulós na
dahong tuyo ang nandadalang na habong ; isáng pagá-pagahang
halos dikít na sa bubungán ng kamalig , táhanan ng may-arì
ó bantay-batis , at kinásasandigán ng isang mahabang hagdanang
kawayan ; sa gitnâ-gitna ng silong ng paga, isang lamesang kiná
papatungan ng ilang boteng may sari-saring kulay at lakí, na
marahil ang mga lamáng alak ay dî na namán lálabis pa sa tatló
ó apat na lasa ; ilang garapinyerang maylulang mga biskotso,
karmelo at iba pang matamís, tatlóng lata ng sardinas na nag
kakapatong-patong sa ibabaw ng isá namáng lata rin ng manti
kilya; isáng bila-bilauhan ng tinapay na pag nagkátao'y máti
tigás pa sa ulo ng may tindáng lalaking úbuhin at natútuvô ;
isáng tabong makinis, dalawáng kahón ng tabakong isa'y tabako
ngâ ang lamán at isa'y lágayan ng mga nápagbibilhán ; sa ilalim
ng pasibi, manapát-napát sa bálisbisan, isáng papag namang
gáwâan ng bálana ng isang matandâng babaying ang ulo'y
kasingkinis na ng tagungóng, maypusód warì ng abaká sa tuktók ,
na ga-gaipot ng manók ; sa silong ng balág-balagan ay isáng
babaying may kalong-kalong at pinas úsusong sangól sa haráp
ng kalang pinaglúlutùan niyá ng mga butsé at maruyà ... ang
lahát na ito ang tangì sanang mangáraratnán doón ng malili
gòng bálana , kundî nápakyaw ni Don Ramón Miranda ang lahát
ng pansól sa umagang iyon . Walâng ibang taong makapaliligò
hangang ang kawang akay-akay ni Don Ramón ay di natatapos .
Sa pagkakapakyawa'y hindi lamang ang lahát ng uupán, ang
mga panindá , kasangkapan , ang boô nang batis , ang nasasali ,
kundi tila patí ng úbuhing lalaki't matandang babaying bantay
batis , ayon sa pamumupo at mga pagsagot niláng ubos-galang
sa anománg usisàin ó hingín ng tinurang Don.
* *
Tatlóng automobil at isang karwahe ang sa kawang itó nina .
Don Ramón ay naghatid sa Antipulo nang sábado ng hapong
nagdaan . Ang talagang kawan ay binubuo niyá at ng dalawáng
anák na dalaga : si Talia at si Meni ; ng di náiwawalay sa alin
mang lakarang mag-anak ni Don Filemón Borja , si Nora Loleng
at ang bugtong na dalagang si Isiang ; ng magkapatid na Honorio
at Turing Madlang-layon, at saká ng ilan pang mga kasamahín
ng isa't isá sa gayong malalayò at ílanang araw na paglalakbay.
Para-parang taga-Santa Cruz, mátangi ang magkapatid ng abogado
Madlang-layon na taga-Tundó namán .
BANA AGAT SIKAT 5

Sa Antipulo, ay íisáng bahay ang kaniláng tinútuluyan ,


bahay na sa taón-tao'y talagang laán kay Don Ramón, kun
dumáratíng ang mga gayong araw. Ang bahay ay tablá't
pawid , malakí, lumâ-lumâ na't walâng pintá at nasa sa isá sa
mğa daáng hinaharap ng simbahan .
} Sa pagsisimbá nilá nang umagang-umaga , maraming mga
katagá- Maynilàng kakilala at kaibigan ang sa kanila'y nakakita .
Si Don Ramón at si Don Filemón ay kapwà mayaman, si Honorio
ay abogado, para-para siláng may akay na dalaga, magigiliw
nama't masasayáng tao ; saán di paglabás na ng simbaha'y
mags úsunuran ang mga bagong kitang kaibigan ; saan di ang
mga binatang Maynilà ay parang kinúkurók ng paghabol sa
gayóng kagandáng úhay ng palay. Sumahangáng bahay pa
ang nagsihabol at nagsipaghatid. Mulâ rito, pagkapagbihisan,
pagkaagahan at pagkapahingáng ilang sandali lamang, ay
batis naman ang tinungo . Apat sa mga susunod-sunod na
binatà ang hangáng batis ma'y di na humiwalay. Dalawá sa
kanila'y kaibigan ni Isiang : si Bentus at si Pepito, kapwà makisig
na binatang anák-mayaman din sa Santa Cruz at sa Troso , at
isa'y di kaibigan lamang, kundî ang parmaseútiko nang si Martín
Morales, pang-guló ng isip ng tinurang Isiang . Ang isa pang
binata'y kakilala naman ni Turíng, at aywán kung kakilala
lamang, ayon sa pagtititigán nilang laging panakaw-nakáw.
Anopa't lalong lumaki ang kawan .
Ipinasya ni Don Ramón na ang mga babayi'y magpisan
ng paliligo sa dalawáng pansól ng batis na nasa dakong kanan .
At sa nasa dakong kaliwâ namán maghálinhinan ang mga lalaki.
Nag-utos din sa mga alilà , na ang litsón , ang nilagàng manók
at iba pang pananghalian , ay sa bahay na paglulutuin at sa batis
ay lutong hakutin na lamang. Talagang pangatawanan ang
gagawing pamamatis ...
Si Don Ramón at si Don Filemón ang siyang unang nag
sipasok sa páliguán . Samantalang silá marahil ay nagtátapós
na, ang mga babayi ay bago pa lamang nangagbúbulâ ng gugò
sa kabila. Dalawa pa mandín ang lumabás muna ulî : si Meni
at si Isiang.
-Hangang hindî ninyó nabúbulâ ang gugò , kamí'y háhanap
ng tanglád 6 katmón-anáng dalawá sa ibang kasama.
-Saán pa kayó háhanap ? -ani ñora Loleng - bákit nárito
si Petra ay dî siyang pahanapin at kayo'y mangagbihis na ng
pangpaligò?
Si Petra ay bataan nina ñora Loleng. Ang dalawang pinag
sabihan ay nagwalâng bahalà . Nagbúbulungang lumapit sa
6 LOPE K. SANTOS

isáng puno ng duhat na mabunga , at nang nangangawit na yatà


ang kanilang liíg sa kátitingalâ at kátuturò ng mga hinóg, at
nanglálabnáw na ang laway na walâ namáng mangyari, ay kina
wayán ng Isiang ang mga binatà . Patí ng abogadong bao ,
si Madlang-layon , ay nakayag din sa pangduduhat
-Kumuha kayó ng sungkit !--ani Meni .
-Aakyát na akó ! -ang magilas na paghandóg ni Morales.
-Huwág ! -ang saway namang magiliw ni Isiang- Naka
sapatos ka , madulás at marupók ang puno ng duhat!
-Ohú! hindi ganyán lamang ang ináakyát namin sa labás ,
nang panahon ng labanán , kapag aming tinátanáw ang mga
kaaway.
-Wala kang sapatos noón.
-Mayroón din, at wala pang kasangá-sangáng di gaya
nitó sa punò .
-Ikaw ang bahalà !-ang ayon na ni Isiang-pagdating
mo sa itaas ay iyóng luglugín , ¿ha ?...
Hindi si Morales lamang ang nakyát : umadyó rin si Bentus.
Anaki sa gigilas ng pangungunyapít sa punò, ay dalawang ulu
Nasa sa
káng mang-aakyát sa mga halige ng telegrapo.
kahiyaan at ang pangangalóg ng mga tuhod ay dî súkat ma
ramdamán. Na narúrumhán ang damít ? At kailán pa itó
parúrumhán !
Sa unang pagluglóg sa itaás ay tilî na agad ang sa lupà'y
naging katugunan . Si Isiang ang unang parang nakitlán ng
lalamunan sa pag-ulán sa tapát niyá ng malalakí, mğa hiláw
at hinóg na duhat .
Si Meni na inúusisà ng abogado tungkol sa kanyang kapatid
na si Talia , ay napasigaw rin namán . Agawáng nagsipamulot.
-Habang kami'y namumulot , huwag kayóng lúluglóg !
ang hingî ni Pepito, sa pag-aalaalang ang pantalón niyang putî,
ang amerikanang lanang abó-abó , ó ang sambalilong "panamá,"
na "tupî ang haráp, tabas mautang," ay máhalikan ng gayóng
kaiitím na paták ng ulán...
Sa gayong ingayan, patí ng nangasa sa loob na ng batis ay
naligalig. Násilip niláng duhat ang pinagkákaguluhán . Duhat !
Nguni't wala nang mangyari . Si Talia at si Turíng ay kapwà
nakadamít pangpaligò na. Si ñora Loleng nama'y basâ na
ri't ginuguguan ni Petra . Nakasigaw na lamang ang dalawáng
pinanúnuluan ng laway:
-Bigyán ninyó kamí, matatakaw ! ...
BANAAG AT SIKAT 7

Sa dakong tárangkahan ng looban, ay may dalawang lalaking


humáhangos sa pagdating. Kapwà naka-amerikana't panta
lóng puti. Ang isa'y naka-buntál at ang isa'y naka-sabután.
Halos magkasingtaás ; kung bagama'y mahiláb-hiláb lamang
ng kauntî ang angát at pangangatawan ng naka-sabután sa isá.
May kaputián itó at kayumangí iyón . Sa anyô ng pagmumukhâ
ay kapwa nagtátampák sa malayò pang tingín , ng isang
kagulangang higit ng kung titig-anim na taón lamang sa kanilang
tinátagláy. Sa tabas ng mga pananamít, ay hindi sukat kápu
nahán ng anománg hangád ng pagpapalalò, máliban sa isáng
pilit pa at bahagya nang pakikibagay sa mga paggayák na
umíiral niyón . Sa hugis ng mga tindíg, ay hindî mga payát at
dî namán matatabâ . Lalò na ang isá, ang kayumangí, ay may
matipunong pangangatawán , na kung makabúbulas -bulás pa
ng kauntî at inabot na dising gayon ng Napoleón pilipino ,
noong kasalsalan ng Paghihimagsik, marahil nápus ùan siyáng
magíng isá sa mga kawal niyang pangbungad . Sa pagkakáakbáy
sa paglakad, anaki'y kambál na magkapatid ; nguni't ang kulay
at tabas ng kanilang mukhâ, ang pagkakáibá ng mga matá,
-ang sa maputi'y malalalim na mapungay at ang sa isa'y luwâ
luwâ ng kauntî at buháy na buháy -ay siyáng sumásagót agád
ng hindi, kundi magkatotong matalik lamang.
Ang paningin ng dalawá, malayò pa , ay nangapapakò na
sa nagsisipanğuha ng duhat . Nangakangiting lumalapit . At
nang ang agwat nila'y hindi pa halos makapagsiyáng mukhâ
na , si Meni'y parang dinagukan sa dibdib nang mátamà ang
matá sa nagsisiratíng.
-Siná Felipe itó !-ang sa sarili'y kumutób .
Si Felipe ang kayumangí at naka-buntál.
-Sino iyón ? -ang usisà ni Madlang-layon , pagkapansín
kay Meni na natitigilan .
Si Meni ay di nakaimík .
-Hindi ba sina Delfin itóng dumáratíng?-ang anás ni
Isiang sa kaibigan.
Si Delfín ang maputî at naka-sabután .
-Silá ngâ !-ani Meni, na unti-unti nang lumayo sa dala
wáng lalaking kapámulután, at nag-anhín-anhín sa tayô , kunwa'y
di gaanong nálalahók sa gayong pagkukúhanan ng duhat.
-Nakú, ngayón ka ! -ang panakot nang Isiang. -Pánibug
hûin ba si Delfín ?
-Aywán ko ;-ang iwas ng Meni-nguni't anó sa akin kung
manibughô man sivá?
--Ohów!
8 LOPE K. SANTOS

-Abá ! ... walâ pa namán siyáng kapangyarihang magká


gayón.
-Ehém!
-Ayaw kang maniwalà ! ...
Samantala ang pabulóng na tudyuhang itó, ang dalawang
pinag-uusapa'y may sálitâan namáng ganang kanilá tungkol sa
mga nilalapitan . Sa ilang hakbang pa'y nagkáabot -sabi na .
-Anó ang inyong ginagawâ riyán?-ang tanong ni Felipe.
-Nangduduhat -ang sambót ni Madlang-layon.
-Matamís pô ba , aling Isiang ?-ang tanong na una ni
Delfín.
-Sa akin po'y matamís , ¿sa iyó ba , Meni , matamís dín?
-Mapaít !
-Duhat na mapaít !-ang saló ni Felipe, na násundán ng
munting tawanan ng lahát , liban si Meni .
-Mainit yatà ang ulo !-ibinulóng ni Delfín sa kanyang
kasama .
Si Felipe naman ay lumapit kay Meni, at umanás din :
-¡Nagagalit ka ba sa amin?
Isáng ngiti ang naging tugón , at pagkuwa'y nagsalitâ na ng
magiliw na paris ng dati :
-Bákit ngayon lamang kayo ? anong oras nang kayo'y
malís sa Maynilà?
-Madilím-dilím pa ;-ang tugón ni Felipe - saán nároón silá?
-Sina tatay? nároo't nagsisipaligò .
-Kayó, hindî pa ba maliligò , aling Isiang? -ang usisà ng
Delfín pagkasulyáp ng isá kay Meni .
-Maliligò na pô -anáng tinanong pagkahagis ng tingin kay
Meni rin , na anaki baga'y ibig nitong sabihing :
-Patungkol sa iyó ang sinabi nitó .
Ang mga pásaringa'y naputol sa biglâng bagsakan ng mga
duhat . Sa isang tingalâ ni Delfin sa itaás ay nakilala niyáng
ang nagsisiluglóg ay ang parmaseútiko Morales at si Bentus ,
isáng magilas na binatang nakilala niyá sa "Secondary School"
sa Sampalok.
--Kayó palá !
-Oo , -anáng dalawá sa itaás -pagdating mo rito'y laging
sa ibaba ang iyong tingín, kayâ di mo kamí nákita agád -ang
pasulót-sabi ni Morales.
-Hindi naman! Siyá, luglóg na kayó at patí ako'y mangí
nginain .
BANAAG AT SIKAT 9

Sa bawa't sangáng málipatan ng dalawa ay luglóg na walâng


awà ang ginagawa. Malamáng pa ang bigláw at bubót na
nahuhulog kay sa mga hinóg. "Mistuláng bálang itong mga
taga- Maynilà, kung mamutpót ng mga halaman, " ang sukat
na ngâng másabi ng mga taga- bukid .
Si Felipe'y nagpatuloy sa batis na pinaliligùan ng kanyáng
amáng-kumpíl na si Don Ramón . Si Isiang, si Madlang-layon
at si Pepitong kilalá ma'y dî kabatián ni Delfín, ay parang mğa
inúutusang unti-untîng nálayô sa dalawang nagsasarili ng usap .
Anopá't si Delfín at si Meni , habang ang tatlo'y nagpapaking
pakingan sa pamumulot , ay nápaisá at nániíg kapwà sa pag
kakátayo at pagsasalitaan :
-Magandá ba ang labás kagabí sa "Zorrilla ?" -ang pangi
ting usisà ni Meni .
-Aywán ko kung ano ang pinalabás -anáng Delfín namán .
-Pshé ! aywán . . . . . .
-Abá, anó ang malay ko'y hindi man lamang akó nápa
pasagid sa pintô ng kahi't alíng dulàan kagabí !
-Oo nğâ, kaya ngayong umaga lamang kayó nakaparito ;
naháhalatâ pa sa inyong matáng mapupulá na hindî ngâ kayó
napuyat ...
-Mapulá ba ang matá ko?
-Hindî ... maitím ... Pshé! ang magsisipangakong itong
hindi makatitiís ng isang gabing di makipagkita ... Inúuna
pa ang teatro...
-Si Meni namán ! alinmáng salitâ ko'y nápakahirap mong
paniwalaan!
-Mangyari , ang sabi ni Felipe , pagkasahod niyáng pagka
sahod sa Limbagan, kahapon ng hapon, ay súsunód na rin kayó
sa amin. Ah! hindî ngâ sa teatro kayó naparoón , kundî sa
sinematograpo. May bago bang "película ?"
-Ni sa sinematograpo , Meni !
-Kung hindi'y sa katapusán ng Krús sa Timbugan. Bago
kamí nápaalis kahapon ay nábalità kong magandá raw magandá
ang Santa Elena at Reina Sentenciada.
-Hindi rin kamí napáparoón .
-Kay babaít !
-Mánunuyâ !
Ang mga matá ng dalawa'y sandalî munang nag-usap.
-Aaah ! .. marahil nang kayo'y matulog ni Felipe ay orasyon
pa , kaya hindi na nakapanood ng anomán.
10 LOPE Ꮶ . SANTOS
1
-Kay lalayo ng hulà mo sa lahát ng nangyayari sa akin !
Isá ma'y walang tamà sa katotohanan. Kagabi ay may pulong
na dinaluhán kamí...
-Pulong !...
Kaylán mo kaya akó paniniwalaan , Meni?
-Abá, sino ang di naniniwalà sa iyó? hindi ngâ ba't nag
pulong kayó sa... kanilang bahay?
Ang binata'y nagulumihanang biglâ sa náriníg . "Sa
kanilang bahay !" Kanginong bahay? Hindi niyá inaasahang
máriníg sa bibig ni Meni ang gayóng maylamáng pangungusap.
Sa walang ilang kisáp-matá ay nabuklát ang sariling alaála
at isá-isáng nágunitâ ang mga bahay na kanyang pinagpapa
panhík sa Maynilà. Marami ; nguni't walâng gaya ng kina
Meni. Nagi sa isip sa sandaling iyón na ang tinutukoy ng
kausap ay di sasalang ang bahay nina Inés, nagtuturò ó teacher
ng inglés . Aywán kung makálawá nang sa pagsabay niyá kina
Meni, kun gabing lumálabás sa "Night School," ay náiulók
siyang ang sabaya'y ang tinurang maestra at huwag siyáng
discípula lamang. "Kapwà kayó marunong,'
marunong," ang sabi pa ni
Mening umúukilkíl sa kanyang alaala.
Sa ganitong pagdalumat , si Meni ay napangitî at nagmukhâ
ng lalong kaayaaya . Ang dalawang matáng nátititig sa kausap
ay parang nagsasabi ng: "Anó kaya ang isasagót nitó sa akin?"
-Kanginong bahay ?—ang sa wakas ay nabigkás ng binatà .
-Talós mo namang maraming kapisanan akóng kinásasapìan ,
kayâ araw-araw halos ay may pulong na dinádaluhán .
-Eh anó sa akin kung marami at maypulong kayó araw
araw? Nanindíg ba ang balahibo ko ?...
-Abá ... !
Tanging salitâ itóng namulás sa bibig ni Delfín . Kangina'y
mga salitang maylamáng panibughô at pag-asa ; ngayo'y mga
salitang panglibák at pang-iwà. Ano ang ibig sabihin ni Meni ?.
Ang dalawa'y waring námalikmatà . Ang dilà ng isa't isa'y
parang kapwà nápatdá ; iláng sandaling walâng umimík. Kapwà
manding may iniisip na talinhagà. Anopa't sa mğa san
dalîng yao'y ni dî man nápansíng nalúlubós ang kanilang pag
iisá sa lilim na kinátatayuán. Nakalayo't nakalipat sa isang
mataas na punò ng kasóy ang mga nangduduhat, maging ang
mga taga-akyát at patí ng mga taga-pulot , na sa dalawa'y parang
walang anomán . Kay Meni ay bahagya nang nakapagpapihit
ng mukha ang sigaw ni Isiang na: "Hutukin mo ang sangáng
iyán !" Násagilahan ng tanáw niyá ang paghutok ni Morales
ng isang sangá ng kasóy na lugayák sa dami ng bunga , at ang
BANA AG A T SIKAT 11

pag-aagawán nina Isiang at Pepito sa pag-abót ng sangáng


hinúhutok. Yaón na lamang at walâ na . Patuloy ang pag
titimpîan ng dalawáng naiwan , upang isa't isa'y huwag siyáng
máunang magsalitâ . Nguni't si Meni ang náuna :
-Ako'y maliligò na . Matatapos na marahil ang tatay ko .
-Hintáy ka !-anáng Delfín . -Huwag mong gawin ang
masayang sa akin ang mga sandaling itó ! Pagsungaw ko na
roón sa tárangkahan , at pagkámukhâ sa iyó rito , ang loób ko'y
nabihisan ng di gágaanong galák ! Nákawikaán ang kaybuting
pagkakataon it óng dating namin ! Nabitiwan kong biglâ ang
pagod sa pagkátanáw sa iyó ! Anino man ng lungkót ay wala
akóng nakasalubong habang daán , kundi nang malapitan ka
lamang na walâng kibô-kibô at magsalitâ-dilì, kun sa bagay
di mo namán ugali iyán. Nang tayo'y mapag-isa na rito , ¿ anó
pa ang sa dibdib ko'y sísilíd kundi ang boông kaligayahan?...
Meni, kumintál sa gunitâ ko ang anyô ng isáng tagumpay ! Ang
malaon ko nang pangá-pangarap, ang dî na míminsang hingî
niyaring pusò na hanga ngayo'y iyong pinapag-áagam-agam ,
náakala kong dito na mákakamtán sa bibíg mo. At kailán pa?
May kasing-ligaya pa ba ang paris nang, sa Antipulo, ang looban
at batis na ito, ang punò ng duhat na iyán , ang mga halamang
itó, ang mga damóng iyán, ang umagang itong wala nang ambón
at lamlám, ay siyáng maging saksi ng pagtatamó ko ng hanga
ngayo'y ipinagkákaít mong kasagutan ? ... Sa iyong mga salitâ ,
sa mga sulat sa akin, ako'y wala pang matibay mong sagót na
mapagbabatayan ng aking palad ! Paglibák at paglingap ay
hálinhinan kun sa aki'y iyong ipahiwatig. Hindi ko matantô
ang sukat mápanghawakan. Magsabi ka , hálina , Meni, ¿ anó
pa ang kailangan kong gawin upang ang lubos na pag-asa sa iyo'y
mákamtán? ¿ anó pa ? …..
-Walâ.
-Walâ na raw! Ay bakit ? ¿ bákit mo akó natitiís na hanga
ngayo'y walang kalinawan ?
-Tignán mo , Delfín : ¿ hindî ba't nag-aaral pa tayo ?
-Anó ang kailangan!
-Batà pa kitá, maáantáy muna natin ang pagkatapos
ng iyong pag-aaral. Saká ang tatay ko'y iyó nang kilalá kun
sino. Matútuwâ ba iyón kung málamang tayo ay may sálitâan
na? Ang dulo'y di na akó papasukin sa "Night School," ni
ikáw nama'y di na makapagpapanhík sa amin . Lalòng nápa
hamak ang iyong nasà. Bukód sa rito , sa iyo'y di na kailâ
na ang kakâ, bago magpaskó , ay mag- aasawa na kay Yoyong,
¿di akóng akó na lamang ang mátitirá sa aking tatay?..
12 LOPE Ꮶ . SANTOS


-Iyán na namán ang dinahilán mo sa akin ! Sa akalà
yatà ni Meni, ang ako'y linawin ay makababawas sa pagma
mahál sa kanyang magulang ! Nábangít mo ang pag-aaral ko ,
¿kulang ka bang tiwalà sa akin , pagka't walâ pa akóng título
ng pagka-abogado? Sukat na ngâng makaluwág ng panhík
doón sa inyó ang mga kilala kong titulado!
-Tignan mo siyá, kun saán dinádalá ang sálitâan ! ...
Ang binata'y nagmasayáng mukhâ, ngumitî't bakâ ang
kausap ay mabigatán sa kanyang kasasabi pa lamang .
-Ang sinasabi ko-ipinatuloy ng binibini - ay baká maguló
ang iyong pag-aaral. Akó , ang pag-aaral ko ay ano pa ! Nguni't
ikáw !.. Kaya sa mga sulat mo'y di na ako nagsásasagot ay
nang wala kang mapagkabalamán .
-Gayón palá ang dahil ! Sa ganáng iyó ay mabuti palá
ang di akó pagsasagutín . Babayi ka ngâ ! Hindi mo sukat
málaman na kaming mga lalaki hanga't di ninyó sinásagót sa
bawa't sulat , ay walâng ibang lamán sa ulo kundi pangarap ,
walâng hari sa loob kundî laging pag-aantáy, at bawa't makitang
papel, akala'y iyón na ang inyong liham.
-Hambóg !
-Siyáng totoo !
-Kun dî kayó pinagsásasagót , titigil kayó ng kasusulat , at
makapag-aaral kayong mabuti.
-Sinungaling ! mahangà pa'y ...
-Ay anó? kun dî kamí sumúsulat na mga babayi, walâ
kayóng mábabasang mga lalaki : ang ibabasa ninyó sa sagót
namin, máibabasa na sa mga libróng pinag-aaralan .
-Malayò ka , Meni ! Lalò mo akong ayaw papag-aralin
niyán ! Sa akalà mo ba , si Delfín ay magpapakasikap sa kan
yang pag-aaral, kung walâng Mening anák ni Don Ramón Miran
dang kinahihiyán?
-¡ Nakú?...
Sukat ang nakung itong nasabi niyá . Mápapatawa'y
pinigil . Nágunitâng maykahalong isáng kimpál na kabu
laanan ang gayóng karirinig pang salita . Sapagka't nang
magkakilala silá, si Delfín ay balità nang masipag sa pag-aaral .
Nguni, ni kabulaanan ni kapalalùa'y di niyá máipangalan sa
gayóng sabi. Sa kaibuturan ng puso ay may isáng damdamin
siyang parating naghaharì, kapag si Delfín ang nakakausap .
Ang lasáp niyá sa anománg mapaít na galing sa bibig ni Delfín ,
ay maytamis ; anománg sabihin , sukdáng di totoó, ay dilì ang
hindi mangyayari .
BANAAG AT SIKAT 13

Nang mamasdán ni Delfín ang pagkakapakò sa kanyang


mukha ng mga matang pagkáamò- amò ng kausap, ay lalòng
nasiglahán ang loob sa pagpapatibay ng sinabi :
--Magkátaón - anyá-na ang mabuká sa iyong bibig ay di
ko pag -asa sa kaligayahan , kundî sa kamatayan, pag di agad
agád mong nátangáp na abó ang lahát ng aklát kong pinag-aaralan .
-Anó? at sa bagay palá , kayóng mga lalaki , kayâ lamang
nangag-aaral ay dahil sa may kinahihiyáng babayi?
-Ang mga lalaki lamang marunong umibig na paris ko.
-Súss !
-Abá : kung kamí-kamí lang mga lalaki, maáarì nang
mabuhay kahi't papaano sa lupà. Nguni't dahil sa inyóng mğa
babayi kaya may pag-ibig, at dahil namán sa pag-ibig na itó ,
kami'y napípilitang dumuláng sa oras-oras ng bálanang mataás
na kapalarang sa inyong mga paá'y maiháhandóg. At kayó
bang mga babayi'y hindi gayón din?
-Kamí? Hindi : kami'y nag-aaral para sa amin din, at
dî dahil sa inyong mga lalaki .
--- Bulaán !... Kung magsasabi kayó, kaming mga lalaki
lamang ang marunong magsinungaling ... Kung kayó-kayó
lang mga babayi ang laman ng lupà, hindi pag-aaral ang inyong
háharapín, kundî...
-Anó, pagpapagandá ba?
-Hindi : áanhin ninyó ang ganda'y walâ na kayóng ma
pagmámagandahán .
-Ay anó ?
Walâ.
-Anó, lang eh?
-Walâ, sabi.
-Ah !... diyán ka na , kung ayaw mong sabihin!
At umakmâng íiwan ngâ ang kausap . Hinawakan ni Delfín
sa mangás ng barò, at sa boông giliw anya'y:
-Hintáy ka , sásabihin ko na ; nguni't paupô kitáng mag
usap !
Nayag naman ang pinigil. Nalimot ang sivá'y tátanghallin
sa paliligò . Umanyông lumupagì sa damó habang umúupô
ng paningkayád si Delfín , katang at unát ang dalawang bisig
sa ibabaw ng dalawang tuhod. Nguni't nang máhipò at mákitang
basâ ng hamóg ang damóng lúlupagìan , ay hindi nátulóy. Umu
rong sa dakong likód , at doón , sa isang laylay at pantay-alák
alakáng sangá ng bayabas, ay naupo si Meni ng bahagyâ at
14 LOPE K. SANTOS

patimbang-timbang sa pagkahutok at pag-indayog ng sangá .


Si Delfín ay paharáp sa kanyang tumayo namán ; nakapigil
ang kanang kamay sa isáng ga-hinlalaking sangá rin ng bayabas
na yaón, na nátatapát sa kanyang ulo ; isinilíd ang kaliwâng kamay
sa bulsa ng amerikana , at umanyông magsalita ng boông giliw:
-Talastasin mo, Meni , na hindî pára-para ang isip ng
nangag-aaral. May sa pagliligaw ay nasisirà sa pag-aaral, at
may lalò namáng nagsisikap habang napapabuti sa nililigawan .
Dito sa mga hulí akó nábibilang ... Kaya huwag kang mag
alaala . Ang "oo" mo ay pangdubdób sa aking pag-aaral. Ipag
kákaít mo pa?
-Abá !, abá !, Delfín !, ¿ iyán ba ang hinihingi kong sabihin mo ?
Sásagót pa sana ang binatà, nguni't náunahan siyá ng ibang
sigaw na umalingaw-ngáw mulâ sa may pintuan ng batis .
-Hoy, mga bata kayó ! siyá na iyán ! tanghalì na ang pali
ligò !...
Ang mga salitâng ito ay kay ñora Loleng . Ang siniga
wa'y pawang nagitlá, at anaki'y mğa binugabog na kalapating
nagliparan sa kanilang bahay ; sunod-sunód nang nagpásukan
sa kamalig. Ang nagkakabutihang dalawa ay hindi maaaring
paiwan. Sayang na sayang man ang punò ng bayabas , ay
nangápakilipád din sa di oras . Noón namán sina Don Ramón
at Don Filemón ay kapwà kalálabás pa lamang sa batis . Nanga
kapaligò na. Sínoman sa mga binatang sunod ay ayaw maligò .
Ang abogado Yoyong at si Felipe ang siyáng humalili sa dalawang
pansól na naiwan ng dalawang matandâ. Si Delfín, tinátamád
na rìn.
Ang nangakapaligò na't ang ayaw magsipaligò ay siyáng
nagkaharap-harap sa loob ng kamalig-tindahan .

Fu
SIKA
AT
" ANAA
B
"
.-
Santo
K.
Lope sT G

4
1

tsiyá
sa
. ang
]y
...
Ang
"m
-aay
pag
mo átanghaliin
alimot
paliligo
o ..-
o
o
Ipangdubdób
[Naral pagkákaít
?.aking
pa
000000000 20732322277364
DOROT ලලල00

II

Sino si Don Ramón?

Sa mga tungkol din lamang taál na taga-Maynila ay bihirà


na ang dî nakákikilala sa mukhâng habâ, mahagway at putî,
larawang mistulà ng isang kastilàng amá, ni Don Ramón Miranda,
masalapî, mapáupaháng bahay at isá sa mga matutunóg na taga
Santa Cruz. Mahihirang na ang sulok ng Maynilàng dî pa
nakaáamóy sa kanyáng masangsáng, mausok at mahagunót
na automobil. Ang karwahe niyáng "de goma," hila kung
minsan ng isang tambál na kabayong Batangan, kapwà bala
hibong malamatsíng, at kung minsa'y ng isang alasáng mula,
ay kilala na ng lahát malayò pa , dahil sa balatay na pintáng
malarugo sa likod at magkábilâng tagiliran ng kaha . Palad
ang hapong hindî nagígirìan niyá ó niláng mag-aamá ang boông
Luneta . Sugasóg na ring panay ang mga pasyalang Santanà,
ang Pandakan, Santamesa , Gagalangin, lalò na ang Singalong
at Pasay na dayuhín ng kanyáng mga anák na dalaga sa pag
bili ng mga bulaklak at pasangá ng maririkít na hálamanín sa
bahay .
Sa mga dúlàan, sa mga patakbuhan ng kabayo , sa mğa
pistahan ng bayan, sa mga pígingan ng "matataas na tao" si
Don Ramón ay di mapagkuláng.
Sa mga pahayagan ang ngalan niya'y madalás din namáng
mátanghál . Nahulugan , sa halimbawà, ng isáng botones na
maybató, nawalán ng isang magandáng aso, pinagtananan ng
isáng alilà, nagtangkilik ng palabás-dulàan sa kapakinabangán
ng binibining si S ..., ng artistang si M ... ó ibá pa , nagpanalo ó
natalunan ng isá ó dalawáng kabayo, sapagka't may tatló siyáng
talagang pangpátakbuhan , nakasagasà ng isang matandang
babayi ang kanyáng sasakyán sa pagpapasyál, ... ang mga nang
yayaring itó , kundî kusang máibalità ng ilán niyáng kaibigang
mánunulat sa pahayagan, ay siyá na sa mga pásulatán ang ma
dalás ay nagsasadyâ at sukdáng iupa'y walâng kailangan , má
lagdâ lamang ang nangyari, kasama ang kanyang pangalan .
Sa pulong-pulong ng mga kapisanan niyang kinaáaniban,
magíng hingil sa pangangalakal, magíng hingil sa pamamayan,
at gaya sa samahan ng mga may-arì at sa iba pa , si Don Ramón
ay isá riyán sa ating mga prohombreng ma-pido-la-palabra ...
2
16 LOPE K. SANTOS

Hindi pa namán kátandâan : lilimangpû't limahín lamang.


Buhat ng mamatay ang kanyang asawang si aling Tanasia , balità
sa kabutihan ng ugalì, nguni't mag-aalahás, ay may mga tatló
nang taón hanga ngayón ang nakaráraán. Hindi pa sukat
malimot sa Maynilà ang pagkamatay nitó . Labing-dalawáng
kabayo ng "Funeraria Paz " ang humila sa karo ng kanyang
bangkáy. Nábalità pang sapagka't siya'y mag-aalahás , at sa
pagpapakilala ni Don Ramón ng kanyáng lihim na pagmamahál
sa asawa, si aling Tanasia ay pinabaunan, daw, ng dalawáng
singsíng na lantáy na gintô at yarì pa sa una at ng isang kuwintás
na tamburéng gintô ring panáy, patí ng relikaryo. Kung ito'y
totoó, hindi malayòng sa pagsungaw niyá sa pintô ng Langit
ay maitátanóng ni tandâng Pedro , kun ang mga alahas niyáng
baon ay máipupustá sa kanyáng manók na sasabungin. Aywán
namán kun ang ipinabaong ito'y nabalità rin ng mga tanod sa
Libingan . Kung hindî, ay talagang sayang. Yaón man lamang
sana'y nábahagi sa kanya ng mahihirap sa katakot -takot na
tinubò sa alahas .
Isáng dalagang taga-San Miguel, ang mulâ nang mamatay
si aling Tanasia ay nakipagmatalik nang kaibigan sa magkapatid
na dalagang anak ni Don Ramón . Anáng mahahabàng dilà ,
ay sulsól na talaga ng iná ng tinurang dalaga ang maglalapít
sa putî ng bulsá ng bagong kabábao , nagbabakasakalíng siyá
ang mátamaan ng hintuturò sa pinihit-pihit ng palad . Ang
puti ng bulsá ng kinabibighanìan pang Don, ay mangabot-ngabot
na sa buhok . Ito'y maiúupa na marahil sa mga apó upang mabu
nutan ng úban sa halagáng sampû sangkuwarta . Dátapwâ't ang
mğa ubang ito'y pilak din sa tingin ng mag-inang taga-San Miguel .
Ang masamâ lamang, ay kung bakit pag nátaunán si ñora Loleng
sa pagdalaw sa bahay ni Don Ramón , ay ipinandúdurâ siláng
mag-ina ng tinurang Nora. Nagkakapansinan silá , at nagka
káparinigan. Bakít galit sa kanilá si ñora Loleng, ay ito'y
may-asawa namán ? ... Sa minsang biyernes na nagkita sa pag
sisimbá sa Kiyapò, ay muntík nang gumawa ng basag-ulo ang
tatló . Lumálabás ang asawa ni D. Filemón , si ñora Loleng
na ngâ, ay sápapasok namán ang mag-inang taga - San Miguel .
Sa pandudurâ ng Nora ay nasagiran ng kalaghalâ ang mangás
ng dalaga . "Anó ba namáng babayi itó ?," ang nasabing biglâ
ng dalaga. "Bakit ?" anáng iná. "Pshé !" at isang írap ang buông
katúgunan ni ñora Loleng. Mapapalad at nagkáramihan ang
taong nanasok, kaya't naputol sa gayón ang bantâ ng sunog.
Paano ma'y nakapagsaksakan din ng matá at sa loob man lamang
ang isa't isa'y nakapagsabing : "May araw ka rin !" ó "Mahú
hulog ka rin sa kamay ko ... babayi ka !"...
BANAAG AT SIKAT 17

Ibig mong kulilìin ang iyóng taynga ? Makipag-usap ka


kay Don Ramón.
Magkamali kang mábangít mo ang alinmán sa mga lalawigan
ng Silangan, Tayabas, Kamarines, Batangan , Tangwáy, Ka
pampangan, Kailokohan , at siyá, may sálitâan na kayóng para
sa kalahating araw.
-Másabi mo iyáng Batangan (ang wíwikàin na sa iyó , sakaling
Batangan ang nábangít sa kanyá) , diyán ay hindi na dádala
wangpû ang kabayo kong nabíbilí, at halos lahat ay aking ipina
nalo sa karera . Nang panahón ni kápitáng Berto sa Lipá, ay ...
Sásaysayan ka na ng mulâ sa A hangáng Z ng kanyáng
nagíng búhay sa pagka-harì na ng mga mángangaliskís ng kabayo ,
at apò namán ng pagka-mánanaló saan mang "Hipódromo"
sa Maynilà, nang panahón man ni Kastilà at ni Amerikano .
Mábangít mo kayâng nagkasunog sa Tundó ó sa Sampalok,
at pag hindî iyóng narinig na sa Tundó'y may tatló siyáng bahay
na páupahán, sa Sampalok (aywán kun sa daáng Balik-balík)
ay dalawa, sa Binundók ay dalawá rin at sa Santa Cruz ay tatló
pa ; anopa't sampûng lahat , na kumikita buwán-buwán ng
may mga apat na libong piso . Siyá raw ay nagsisisi at dî pa
dalawang mahahabàng bahay na may mga pusisión ang ná
ipatayô, nang huling pagkakapagawa sa Tundó ; disin , anyá,
kung magkasunog sa kapawiran ay sigurong sigurong sa mga
pusisión mapipilit ang mga walâng máipagpagawâng nasunugan .
Magsalí-salitâ ka namán ng tungkol sa kasayahan ng mga
buhay-binatà at buhay-dalaga, at ilálabás sa iyong ang mğa
bagong-tao ngayon ay malayòng-malayò na sa kapanahunan niya.
Sa bawa't lalawigang narating ay nagíng amá siyá ng isá ó dalawá ,
na kung ngayón mangákikita , marahil dî na mapagkikilala ang
marami, sapagka't iba'y mga binatà na't dalaga , iba'y
may-asawa na't magugulang, búkod ang nangamatay.
Másasabi pa sa iyó ang mga katalasan ng kukó at hirap na
pinuhunan niya nang, noóng binatà pa , pagkagaling sa Europa
at nang mápatirá sa bayan ng M, sa Kapampangan, ay naging
kaagawáng mahigpit ng Kura , sa pagpitás kay Conchitang
anák na bugtong ng kasalukuyan doóng kápitán.
Máibubuhay na sa iyó sampû ng sa lahat ay matagal niyáng
pakikipag-usapin sa ulo ng yaman sa isang bayan ng Batangan,
dahil na dahil lamang sa isang pinagkáagawán niláng magaling
na kabayo.
Matátalós mo rin na kayâ nákilala ng mga taga-Silangan ,
na kung salubungin siyá roó'y parang isáng apò na nang bayan ,
ay sapagka't may ginawa sa kanilang bagay na kailán má'y
2-47064
18 LOPE Ꮶ . SANTOS

dapat kilalanin sa kanyang utang na loob . Ang nangyari, noóng


1899, panahón pa ng pakikibaka sa mga amerikano , ay siya ang
nakápakiharáp at nakasansalà sa mga tinurang kaaway, nang
makapasok na roón at magtangkâng sunugin ang mga bahay,
pintungan ng pálay at sampû ng simbahan . Sa nangagtágùang
babayi sa mga kayungíb-yungiban ng loob at labás ng bayan ,
gawa ng takot sa balitàng pagka-tampalasan ng nangagsipasok,
ay siya ang naging anghel na tagapamagitan, upang huwag nang
paggagahisín ang kanilang pagkababayi . Siya rin ang nakipag
ibigang mabuti sa Koronel amerikano, upang pagpapawalán
na ang mga lalaking dinakip sa bintáng na kawal ng Bayan.
May mga iba pang kahanga-hangang pagdaranas na sa
iyo'y iúukilkíl na pakingán . Gaya ng kanyang pagkakapag
"Bachiller en artes " sa "San Juan de Letrán" nang taong 1872,
at ng pagkakapag-aral sa Espanya upang makapagpatuloy sa
pagmemédiko , nguni't dî nakatapos sa pagkasira ng ulo niyá
sa mga babaying doo'y parang nakúkurók kung maglápitan .
Nakarating sa París, sa Berlín , at kauntî nang nakaabót hangang
sa Roma, at nakapagsiyám pa sana sa simbahan ng Vaticano ,
kundi kinapós na lamang ng baon at ayaw nang padalhán ng
salapi ng nangáriritong magulang . Sa gayo'y napilitan na
siyáng muwî sa sariling lupà ; at bagamán kahi't sa anóng " carrera
superior" ay hindi nakapagtamó ng kákalahatì man lamang
"titulo," na anopa't di nakatapos ng pagmemédikong ipinag
ibayong dagat, ay walâ na namáng ipagtátanóng pa kun tung
kól din lamang sa mga lagáy, ugali at kabuhayan ng boông
Europa . "Boông Europa " na ang pamarali niyáng nákilala ,
bagamán walâng naabót kundî Espanya , Pransiya at Alemanya
lamang, at ang Italya násilip ma'y hindi pa man.
Sabihin pa ba , isáng Madrid lamang na marating, ay di
may sukat nang maipaglakô sa mga kababayang walâng nári
riníg na malakás-lakás na batingaw sa boông búhay nilá, kundî
ang dating kampanà sa San Pedro .
*
Málilimutan palá natin . Si Don Ramón Miranda ay isá sa
matatabâng kasapì ó kasamá sa isang malaking pagawaan ng
tabako sa Maynilà. Ang ngalan ng pagawàa'y El Progreso.
May apat na pung libong piso ang kanyáng naáanib na salapî.
Mula nang mabangon ang pagawàang itó at hanga ngayon ,
ay wala pang ibang nagkakahalinhinan sa pamamahalà kundî
siyá at si Don Filemón Borja.
Si Don Filemón , ayon sa kauntîng nálalaman sa kanyáng
pagkatao, ang sabi ay ipinaglihí ng iná sa isáng "mahabàng barò"
na nag-kura sa Santa Cruz nang panahon ng kastilà . Na sa
BANAAG AT SIKAT 19

pagkatuwa ng tinurang Among dahil sa kamukhâng-kamukhâ


niyá, bago namatay, ay pinamanahan ang nasabing Filemón
ng may dalawang libong piso at ilang lagáy na lupà sa sakóp
din ng Santa Cruz . Nang pamanahang iyon ay magbíbinatâ na .
Upáng huwág matuluyang maubos, nang nangángalahatì
na ang dalawang libo, ay nagkáisip ang mag-iná na ipagbukás
ng isáng Agamá ó pásanlâan ang natitirá. Kinaawaan naman ng
Diyós . Dádalawá pang taón ang Agamá, ay hindî na itó lamang
ang nagpápanhík sa kanilá ng kuwarta , kundî mga ibá pang
limpakan . Sa mga mag-iisdâ sa Dibisorya at sa mga mánği
ngisda sa Bankusáy ay nakapagpalabas ng mga salaping pátu
buán . Sa sikapat , sampiseta ó kahatì sa piso , kun totoong
gipitan, ay lumakás ng lumakas ang kúhanan at lumakí namán
ng lumaki ang puhunan . Nakapagbigay ng sa palaisdaan
sa Malabón , ng sa palay sa ilang magsasaká sa Kalookan , hangang
náuwî sa pásanlàan ng lupà at sa wakas ay nahulog na sa kani 1
láng kamay.
Ang Agamá ay napabayaan na.
Marahil may mga dalawangpûng taón na si Filemón nang
sila'y makapagpagawa at makabilí ng ilang bahay na hanga
ngayo'y pina úupahan . Siyáng pag-aasawa kay ñora Loleng ,
taga-Troso, na ang sabihan namán ng makakatíng dilà ay naging
kaisáng sukláy ng isang magbabalát na insík, na nuwî at namatay
na sa Sungsóng. Aywán kung katotohanan itó ; nguni't ang di
maikákailâ , ay ang pagka-ayaw na ayaw sa kanya ng iná ni
Filemón, hangang ang ikinamatay na raw tulóy noóng 1885 ay
samâ rin ng loob sa manugang . +
J
Si Filemón ay di nag-aral na gaya ni Don Ramón ; nguni't
nagtinintí-mayor daw yatà sa Santa Cruz, at tila ang katungku
lang itó, at ang malakí nang kayamanan ay siyáng nagbigay
sa kanya ng Don.
Si Don Filemón man ay matabâ ring kasapi sa El Progreso.
May nagsasabing malakí pa ang kanyang puhunang sapì sa kay
Don Ramón, at may nagsasabi namang malaking di palák ang
dito . Nguni't walâng kailangang ang bagay pang ito'y matiyák .
Ang di na maipagtátanóng ay ang pagka-Director gerente ni
Don Ramón sa págawàan, at ang pagka- Administrador ni Don
Filemón, nang mga araw na itong isinásaysáy natin .
*
* *

Sa gayong pagkakaharap-harapan sa loob ng kamalig,


ang unang napag-usapa'y ang pagsisisi ni Don Filemón at dî
nakapagdalá roón ng orkesta, kundi man iláng tao ng "Orkesta
20 LOPE Ꮶ . SANTOS

Rizal, " ay kahi't man lamang isang samahán ng mga Ban


durristang Troso ó Dulumbayan . Gaano na ang maiúupa at
maipakákain. Sana'y nalubós ang kasayahan sa batis at sa
boóng pagtirá sa Antipulo .
-Hindi mo ba máipasundô ang orkesta ng "Gran Compañía?"
-ani Don Ramón sa kaibigan .
-Abá, siyá ngâ : nákita ko mandín sina Marianito kagabí,
at may narinig akong tugtugan sa kabilâng daán ng ating bahay.
Hindi sásalang silá na ngâ.
-"Orkesta-Reyes" ngâ pô ang narito ang sabád ng par
maseútiko Morales . -Paris-paris pa pô ang mga damit -tagalog
nilá. Nguni't marahil ay hindî makapáparito ngayón, sapagka't
nárinig ko kanginang umaga sa patio ang sáli-sálit âang pagka
tapos na pakatapos ng misa, ay may sayawan siláng áatupagin .
-Sayang ! -ani Don Ramón - masaráp na lalò sana ang
ating lechonada rito , kung may tugtugan !
Nang walang mangyari sa ganitong nais , ang sálitâa'y
nagkásuót-suót kun saán-saán . Nápag-usapan na roón ang
magandáng tátayô sa tablá si San Miguel, nápakata mís ang tinig
ni Carpena, gayón din ang mga katuwâ-tuwâng kilos ni Alianza,
ang kahalá-halakhák na si Molina , at lahát na halos ng artista
ng "Gran Compañía ." Sina Korang Basilio , Titay Molina ,
Tagaroma, López, Ilagan , Carvajal, Ratia at iba pang bantóg
na artista sa ibang samahán, ay nagkásaliw-saliw din namán .
sa bibig ng nangag- uusap na pawang lalaki . Anopa't ang
kapulungan ay naging mahigit pa marahil sa isang upahang
Jurado ó Taga-hatol . Nang másambít na ang nagsisilabás , ay
nápag-usapan namán patí ang lalòng magagaling na dulàng pina
lálabás sa Maynilà, gayón din ang ngalan ng mga mangangat
hâng Reyes, López, Mariano , Remigio, at kung síno-sino pa .
Ang magandáng binibining si P ... sa Kiyapò ay bumilí
ng isang palabas at napatátangkilik kay Don Ramón sa kanyáng
kapakinabangán . Tinangihán nitó at ang dinahila'y ang nag
kátaóng sigalót sa pagawaan nang mga araw na yaón , na iláng
daáng mangagawà ng tabako, babayi't lalaki, ay nagsi-aklás .
Dito nápauwî ang salitaan.
-Ngayon pa ba akó makapag-padrino! -ani Don Ramón.
Ang mga tabakero at tabakera ko ay kasalukuyang nag-lolokó.
May isang lingó nang nangag-welga.
-Anó pô nama't nangag-welga ?-ang mapusók na usisà
ni Morales .
Si Don Filemón na ang sumambót ng sagót .
BANA AGAT SIKAT 21

-Ano't nag-welga ? ... Itanóng mo kina Delfín at Felipe.


Silá ang mga sukat makaalám kung mabubuti nang tao ngayón
ang ating mga "obrero ;" sapagka't siláng dalawá, sa balità ko , ay
kabilang sa mga nangangatawan at taga-tangól ng "Unión del
Trabajo. "
Ang matá ng lahát na magkakaulóng ay nabuntón kay
Delfín . Ito'y náuupô sa dalawang biyák na kawayang talî sa
mğa haligi ng kamalig, pinaka-bangkô na sa gayong mga bukid .
Si Felipe, isá pang nábangít ni Don Filemón , ay walâ roó't nali
ligò pa . Nang maramdaman ni Delfín na siyá ang napagti
tinginanan, ay lalòng nabaklá ang loob sa pasundót na salitâ
ng amá ni Isiang, kaya't nakapagsalitâ :
-Hindî pô akó ang sukat matanóng sa aklasang iyán sa
págawaan ninyó ; sapagka't bagamán ako'y naáanib ngâ rin sa
"Kapisanan ng Pag-gawâ sa Pilipinas," nguni'y ibá ang aming
Balangay at ibá namán ang sa mga Tabakero .
-Aaah, hindî mo palá nálalaman ! -ang patuyâng sambót
ni Don Filemón . -Akalà ko, kayâ totoóng mahahangas ang
mğa tabakero namin, nang magsabing hindi silá makapapasok
hangang hindî tinátaasán ang bayad sa kanilang bitola, ay sa
pagka't magaling na magaling na ang inyong Unión , punô na
ng salapi ang inyong kaha, at kayóng lahat na násasapì, taba
kero at hindî, ay nag-aambag-ambagan , upang mapasukò kamíng
mğa mámumuhunán ...
Náramdaman ni Delfín ang iwà. Masakít na totoó . Hindi
na ang mga tabakero ni siyá lamang ang iniiwàan, kundî ang
buô nang Kapisanan . Kailangan nang tumupád sa katung
kulang pagtatangól. Nguni't ang dalawang matandâng kausap
ay kapwa kinaáalang-alanganan . Si Don Ramón ay amá ni
Meni ... Si Meni ay kanyáng búhay ... Nang nag- úulik siyá,
si Don Ramón na ang nagsaysay :
-Tignán na ang pagkawalâng kasaysayan ng inyong siná
sabing Unión! Tignán ninyó ang mga kabutihang náituturô
niyán sa mga mangagawàng pilipino ! Mulâ nang makilala rito
ang Unión Obrera ay dumalás na ng dumalás ang mga welga .
Munting makagalít at dî silá pabayaan ng aming mga pinaka
maestro na mag-aaksayá ó magnakaw ng mga kapa at sigaro ,
nangagsumbong-sumbóng na at nangaghingi-hingîng palitán
ang maestrong kinagagalitan . Kapag sumumpóng sa kaniláng
ulo ang pataasán ang upa sa gayo't ganitong bitola, siya nang
igígiít sa iyó, kahi't na alám nilang mahinà ang mga "pedido ."
Kung hindi mo másunód ang kanilang mga " capricho, " wala nang
pangahas kundi ang welga. Sa amin nama'y anó kun sila'y
mangag-welga? Sino ang mawawalán? Ang mga dating nána
22 LOPE Ꮶ . SANTOS

sok sa El Progreso ay may mga isáng libo't limang daán katao ,


babayi't lalaki, batà't matatandâ, sa lahat-lahát na gagawín ;
may tatlong daán lamang naman ang ayaw magsipasok na iyán,
isáng daáng babayi at dalawáng daáng lalaki ; ¿ gasíno na siláng
makikipagtígasan sa " casa?" Kásakdalang magdamay-damay na
siláng lahát , kamí bang mga "capitalista " ang magbabahág ng
salawál ? kamí ba ang magúgutom ? May salapî kamí : kákain
hindi man gumawâ ni magpagawâ. Tubò lamang ng salapî,
kahi't dî kumilos sa hihigán, ay búbuhay na sa amin habang
panahón . Silá ?
-Sugál naman ang háharapín ; kung walâng máisugál,
magnakaw ...
Itó ang mga isinambót pang salitâ ni Don Filemón , na
nakapagpalatang pa sa paglalamíg-lamigan ng binatàng naá
alang-alang.
-Malakí nang totoo ang niwáwakwák niláng sugat sa akin!
-ang nawikà sa sarili. -Ako'y hindî nilá dapat pagparingán
ng ganitó !-anyá pa.
At pagkakuwa'y iniunat ang ulo at tinugón na ng salág
iwà ang dalawang matandâng walang patumangâ sa mga mará
litâng tao .
-Don Ramón at Don Filemón , -ang sinabing may kahalong
ngiting pilit nagkakamalî pô kayó ng paglaít sa "Kapisanan
ng Pag-gawâ," dahil lamang sa nagsiaklás sa inyong gawàan !
Maáarì pông hindî loob ng Pámunuán namin ang kanilang ginawâ,
ó kaya'y hindi nálalaman nang magkágayón na . Sa ganitong
paraa'y nagkulang sila sa Alituntunin ; dátapwâ sa maypagawâ
ó ginagawán ay maaaring may katwiran siláng huwág mag
sipasok, málaman ó hindî ng aming Pangulo .
-At ano ang kanilang kákatwiranin ? Anó pa ang ibig
sa amin? Yaóng bitolang dating ibinabayad sa kanilá ng piso,
ngayo'y piso't isang peseta na ; yaóng dating tatatlóng-salapiín
ngayo'y dadalawahín na ó dalawa't labing anim pa ; ang noong
araw ay apat na piso , sampû, labing-isá ang sang-millar, ngayo'y
mang-limá na , labing-dalawá at labing-tatló't kalahatì. Mahigit
pa sa diez por ciento ang dagdag namin ! Samantalang sa " Ger
minal" ay hustóng diez por ciento ngâ lamang sa lahát ng bitola ;
sa "La Flor de la Isabela " (Compañía Tabacalera) ay may dinag
daga't may hindî, hindî pa patas ang bayad sa gawâ ng babayi
at gawa ng lalaki ; sa "La Insular," "Alhambra" at iba pa ay
nangagdagdag ng gayón din namán. Anopa't lumabás pumasok
sa diez por ciento ang itinaas ngayón ng upahán. Ano pa ang
ibig? Ciento por ciento ba?
BANA AG AT SIKAT 23

-Don Ramón , -ang tugón ng binatà- ang damdám ko


pô sa inyo ay malaking malakí nang sabihin ang sampû sa sang
daán (10 por 100) na ngayo'y naging karagdagan sa mga taba
kero. Labing anim na kuwarta sa piso ! Lálabing anim pô
ba lamang kaya ang itinaás ng bawa't pisong halaga ng anománg
kákanin ? Ibayo po at dalawang ibayo pa ang halaga ngayón
ng mga pagkain , pananamít , pamamahay at iba pang kailangan
ng mga mangagawà. Dingin ninyó't itó lamang ay mapagpá
patakaran na natin ng nagíging búhay nilá sa panahóng itó .
-Ah, hindi na kailangan !... ang putol ni D. Filemón .
-Hintáy pô silá't ang sálitâan nati'y hindî namán máda
lian ! Ang pagkain : bigás na dating labing-anim ó sikapat
sangsalóp, ngayo'y sangpiseta , kahatì ó kahatì't waló na , sa
makatwid, nag-ibayo at mahigit pa . Iyáng kábabâ-babàang
pang-ulam na tinapá, tuyô at mga gulay : ang dating tinapá't
tuyông dalawá sangkuwarta ó limá ang dalawá, ngayo'y mabuti
nang di magtigalawa ó tatló ang apat ; ang mga gulay na dating
nápanghihingî lamang ó sa pagbili ng sangkuwarta'y may sukat
nang ipagpunô sa ulam ng mahihirap , ngayo'y pulós nang biní
bilí ng mahál . Ang kamahalan ng mga kahoy na pangatong,
ang kasalatán ng tubig, ang halaga ng mga kasangkapan sa pag
lulutò at pagkain, ay makáipat na nag-ibayo . Ang pananamít
namán : kayong babarùin at sasalawalín na dating nákukuha
sa halagang sikolo ó labing-anim na kuwarta sang-bara, ngayo'y
hindi na mabibilí ng mamiseta ó mangahatì : anopa't isáng
kasúutan lamang, hindi na amerikana't pantalón , ay ipinangá
ngailangan na ng anim na sikapat ó pisong pangbilí . Isama
pa rito ang pag-iibayo ng bayad sa mánanahì . At ang sambalilo ,
sapatos ó sinelas at iba pang pangbihis sa katawan na hindî
maáaring walâ sa pangingilag sa sakít . Tungkol namán sa
pamamahay : may-sarili ó umúupa ang mangagawà. Kung
may-sarili , ¿ di ba't sa maliít mang tahanan ngayo'y di pa
máipagpagawa ang halagang limangpû ó sangdaang piso ?
Nasisiraan at ipinakúkumpuní ; nasúsunog at nagpapagawâng
muli't muli ; nágigibâ at ipinatátayô , ibinabayad ang bahay ó ang
lupàng kinátitirikan ng kung ano-anóng buwís ; nápapanganib na
parati sa pagluluwáng ng mga lansangan, sa mga atang at paghi
higpit ng Sanidad , at sa iba pang mga atas ng pámunuáng-bayan ;
palibhasa'y maliliit na bahay, kaya siyang tabóy-tábuyan at pabu
hat-buhat hangáng málayô sa mga kabayanan at sa poók ng mga
tahanan ng mayayaman . Kung umúupa namán , ay halos isá ng
ikatlóng bahagi ng kaniláng sinásahod ang náibabayad sa mga
táhanang anaki'y lungâ lamang ng hayop. Ang lahat nang itó , Don
Ramón, Don Filemón , ay masasabing haláw pa lamang sa mga
bagaybagay ngayóng kinapag-gúgugulan ng nakikita ng mga
24 LOPE K. SANTOS

mangagawà ; anino lamang ng talagang katotohanan . Ngunì , sukat


na namang makapagpahakà sa inyó , kun ang diez por cientong
dagdag ay katamtaman na sa pagkakátaás ng halaga ng lahát
na kailangan ng mga tabakero. Ang nasabi ko sa mga tabakero
ay siyá ring nangyayari sa mga iba pang magpapaupáng mahirap.
At saka bilíng-bilingín man ang buhay ng mangagawà, ay
walâ ring kinauuwian kundi ang puhunan. Nagpápaupá sa
puhunan at ang napagpaupahán ay ibinabayad sa puhunan din!
Ang dalawáng mámumuhunáng kausap sa boông ipinahayag
na itó ni Delfín ay nangatuyán halos ng laway. Ang mga ibá
pang kaulong ay napapakagát-labì . Si Don Ramón, nang
mákitang nangigitil ang kanyang kasamáng Don Filemón , ay
nagpaunang sumagot ng may kalamigán at pagkapayapà pa :
Dami mong nasabi sa pagkabuhay ng mga mangagawà!
Dátapwâ't hindi mo naalaala ang pagsasabong nilá lingó-lingó ,
ang maghá-maghapon ó puyatáng pagpapanginge ng mga asá
asawa nilá , ang kahambugán nilang mahigit pa sa gaya naming
mayayaman , magíng sa pagkain ng masaráp, magíng sa pag
bibihis ng marikít. Marami akóng nákikita riyáng mga mag
aaráw ó kawaníng sumásahod ng labinglimá ó dalawangpû't
limáng piso sangbuwán, na kung magsikain ay talo pa yatà akó,
at kung magsigayák ng mahál na damít ay parang daíg pa si
kápitáng Luis sa yaman . Hála , sabihin mo sa akin ngayón
ang kamahalan ng pagkain , ng damit at ng pamamahay, at ang
kauntián ng kaniláng sinásahod ! ... Nálalaman mong walâ
kang kita kundi sangsalapî, ¿anó't gúgugol ka ng piso ? Walâ
kang salapi sa Bangko, ¿ anó't dádalhin sa sabong ang pinaghá
hanapan lingó-lingó ? Wala kang almasén ng damit , anó't
magbibihis ng mahál at maririkít ? Hindi ba makálilibong
hambóg pa ang mahihirap kay sa mayayaman ? ... At kung wa
lâng maipagsusunod sa ganitong kahambugán, sásabihing mali
liit ang upa sa kanilá ng pinápasukan ! ...
Halos mapapalakpák si Don Filemón , nang marinig ang
ganitong mga winikà ng kasapì, at sa galák ay nasabing :
-Iyán, iyán ngâ ang palabasán ninyó ng katwiran, mga
taga-"Kapisanan ng Pag-gawâ !"
Ang pagtatalo ay nakurò ni Delfíng lumúlubhâ. Tila ang
pagpapakundangan ay dapat na ngâ munang isa isáng tabí.
Hindi niyá náakalàng sa pagparoón , ay mapapasuóng sa gayón .
Sa isang hagis ng matá sa nangagkákalipon, ay walang unang
nakapanglaw sa loób, kundi ang isá man doo'y wala siyáng
kilalang makakawatas ng kanyang mga kákatwiranin. Da
lawáng matandang walâng nakikilalang diyós kundi ang mukhâ
ng Salapî : si Morales na walâng pinag-aralan kundi ang pag
BANAAG AT SIKAT 25

timpla ng gamót : si Bentus at si Pepito na walâ namang nalá


lakasán máliban sa pagpilì at pagsusuot ng mahuhusay at pangi
las na damít : ang isa pang binatàng kilalá ni Turíng , nguni't
di kilala natin : ang mga taong-batis , dalawang maghahamaká
at ilán pang taong nagdating-dátingan , na , nang di mangaká
paligò, ay nawili na lamang sa pakikinig sa nangagtatalo . Ano
pa't para-parang mga lego kung bagá sa lamán ng misál ...
Nguni't kahiyaan na itó . Hindi maáarì ang dî manangaláng.
-Ang takaw sa sabong, sa panginge at iba pang sugál na
inyóng sinabi , -ang sa gayo'y isinagót -sampû ng kapalalùan
sa pagkain at pagbibihis ng mga mangagawà, ay dî ko pô pinú
puwing. May pagka-totoó rin ngâ pô. Dapwà't huwag niyóng
akalaing ang lahát na iya'y ináaring mabuti ng aming Alitun
tunin at Kapisanan . Sa aming mga papulong at pahayagan
ang mga hidwâng asal na iya'y inúusig at ipinakikilalang ma
samâ. Danga't di namán mangyaring mawalâ sa isang walís
lamang ng Kapisanan , sapagka't ang nakakasalungát na nami'y
ang mga pámunuáng-bayan din : nagbabawal kun turan , bago'y
nagpapalayaw. Sa lahát ng malalaking kalayàang nakita ko
na itinawíd dito sa atin ng bagong-panahón, ay walâng nagá
ganap na masakit , kundi ang kalayaan sa pagsampalataya at
sa pagsusugál. Ang kalabisán ng samâ nitóng hulí, ay pagka't
tinútulungan pa ng pagbabawal, pagbabawal na lalòng nagpá
pasabík sa matatakaw sa sugál ...
Nğunì , mga ginoó , tapatín na natin ang sálitâan. Ang
mga inisá-isá ninyóng samâ, ay dahon at bunga na lamang
ng sawing pamumuhay ng mga mangagawà. Iya'y mga sakít
na dî mapabubuti , kundî muna gamutín ang mga ugat na pinag
múmulán. Ang ugát ng lahát na iyán ay ang kanilá ring pagka
marálita. At ang pinaka-patabâ namán ay ang masasamâng
halimbawa na sa kanila'y ipinakikita ng Sosyedad.
Paanong hindi maipagsasápalarán sa sugál ang isá ó iláng
pisong naáagaw ng mangagawà sa kanyang bibig, sa siya'y
wala nang kaásaasang guminhawa kun sa kauntîng sahod lamang
mag-áantáy? Paanong hindi ipagbabakásakaling manalo ang
munting puhunan sa sugál , ay nakapag- úudyók sa kanya ang
lagím sa dami ng mga pangangailangan ng sariling buhay, ng
kanyang pagka-amá sa bahay at ng pagka-taong-bayan , mğa
kailangang patong-patong at di maiiwasan, nguni't dî namán
makayang sapatán ng munting napapagpaupahán? Paanong
hindî sa guní-guní man lamang ng pananalo ay nánasàin niyang
malunasang bigla ang kasawiang palad, sa pamamagitan ng
isáng biglâ ring dating ng kapalaran? At ano ang hindî ilálagô
ng mga bisyong iyán sa gitnâ ng mga nagsalimbáy nating ugalì ,
26 LOPE Ꮶ . SANTOS

na pagtakpán ang mga dálitâ ó lungkót ng buhay ng mga dingal


ng pagsasayá, ng mga parayà ng limot , sa ang sugál ay ipinalá
lagay na libangan ó pang-aliw?
Tungkol sa pagbibihis ng maringal , ¿ bákit hindî gagawì
ng ganito ang mahihirap man, sa hanga ngayo'y kagawian pa
nating ayos at pananamit ang siyáng tingnan sa tao , upang maki
lala kung mapagtitiwalàan ó hindî at kung mapagpapakun
danganan? Míminsan ba tayong nakakakita riyán ng
mga taong lilimá-limahîd na siyáng madalás pagkámalán ng
mğa pulés , ó kung magsipasok at magmakaawà man sa mğa
págawàan ó sa mga bahay-kalakal, ay ni dî ibig harapin ng nilá
lapitan, mahangà'y pinagsásalooban pa ng : "Ito'y hampás- lupà , ”
"ito'y patay-gutom, " "ito'y mukhang magnanakaw," "ito'y
hindi mapagtitiwalaan," "itó'y dapat sa Bilibid" at ng kung
anó-anó pang mga kaupasalàan ? Turan ninyó ngayón , ¿ hindî
pô ba pag-uudyók ang mga palagay na ganyán upang ang isáng
dukhâng nag-aagaw búhay saan man, ay mapilitan at magawî
na hangan sa kapalaluan ng pagbibihis ?
Bagay naman sa pagkain ng masaráp-saráp na aninyo'y
alangán sa mga mangagawà, ¿diyatà't magiging sala ang gayón
ay sa siyang kinakailangan ng na úubos niláng lakás sa pag
gawa? Ang hakà ninyo'y isa pang nagpápalinaw ng pagka
maramot at pagka-malupit ng salapi . Sa ganáng mámumu
hunan ang pagkain ay dapat isunód sa salapi ng kakain , at dî
sa pangangailangan niyáng mabuhay at sa pagsasaulî ng nawa
walâng lakás sa pag-gawâ. Anopa't kun sino ang mga walâng
gawa kundi magbilang ng salapî, ay siyáng nagkákaín pa ng
mabubuting pagkain, at ang mga oras-oras ay hapô at pawisán,
ay siya namang napaglilipasán ng gútom, siyáng bagay na lamang
magkain ng gúlay. Itó ang pátakarán ng mga himagál (salario)
sa pag-upa ng maypuhunan sa mangagawà : ang halaga ng upa
ang bagayan ng buhay ng mangagawà , at hindi ang ikabubuhay
nitó ang bagayan ng upa . Karumal-dumal na kabuhayan
ng tao!...
III

00000 000000

Salapi at Pawis
04✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪✪

Si Don Ramón ay mabugnót-bugnót na ring paris ni Don


Filemón . Nguni't ang kabugnután ay dî mápanibulos , pa
libhasà, sa mga pangangatwiran ni Delfín , ay may naáaninag
din ang kanyang isip na iláng liwayway ng katotohanan. Ma
lakí man ang ikinúkulabàng dilím sa kanyáng matá ng pagka
mayaman, ang pinag-aralan niyáng dunong ay napapakina
bangan din sa mga úsapang iyón . Ang walâng kalatís na mğa
ulos ni Delfín ay nakasúsugat na sa kanya. Dátapwâ't kahiyâ
hiya namang totoo ang magtaas ng pulók sa mga pagtatalong
gágayón lamang. Gasino na si Delfín sa nápag-aralan niyá
sa mga tinatawag na cuestión económica at cuestión social? Si
Don Ramóng nakarating sa Europa ang mapagdáramihan ng
salitâ ng isang musmós na sa likód man yatà ng Maribeles ay dî
pa nakapaglalayág? Siyáng nakapanood sa Barselona at sa
iláng lalawigan ng Pransiya ng lalong malalaking welga , na ang
pagmamatigas ng mga mangagawà ay napapauwi lamang sa wala .
ó sa bibitayán? Siyá, na nakapagbasa ng mga Economía política
nina Adam Smith , Ricardo , Neumann, Bastiat , at ng kayang
kaya niyang kay P. Liberatore, ang makapagtútulot mataasán
ng panaginip ng isang estudiante de Derecho lamang?
Oh ! hindi ngâ lamang nakapag-médiko , ni abogado, nguni't
marami siyang aklát sa bahay, na , kung ibig, ay mat útunghán
tungkol sa mga pag-upa, sa mangagawà at sa mga karapatán
ng Puhunan sa pakikisama sa Pag-gawâ. Aywán lang kun sa
pag-iingat ng kanyáng aklatan (biblioteca) , ay nálalaman ni
Don Ramón na iba ang magkaroon ng maraming libró sa bahay
at iba ang magkaroón sa isip ng karunungan, gaya ng pagka
káibá ng mapunô ng sari-saring pagkain ang pámingalan at ng
kumain ng taláb sa katawán ...
Ang mga katwiran sa kanyá ni Delfín ay dî na mga salitâ
lamang ng isang mangagawàng bálana . Nagpapakilalang nag
bábasá itó ng mga aklát na naglalathalà ng dilang bagay ng Sosyo
lohiya. Sa sariling loób ni Don Ramón ay tinungayaw at nilaít
ang kalayaan ngayon ng pagpapasok sa Pilipinas ng mga aklát
na nasabi . At náibulóng: "Ah, sayang ang panahon ng kastilà!
28 LOPE Ꮶ . SANTOS

Kung noón, sa dagat pa'y sinunog na disin ang mga kung anó
anóng libróng nápagkikitá ko ngayón sa Librería de Colón, sa
Agencia Editorial, sa Manila Filatélico, sa kay V. Castillo atb ."
Sa wakás, ay hindî na nakatiís na dî punahín at sumangín
ang gayong mga natututuhang paghahakà ni Delfín . Hindî
na ang tungkol sa nagsiaklás sa págawàan nilá ni Don Filemón
ang inungkát, kundi ang anya'y masasamang hingil ng batang
katalo, mga hingíl na kundî mas úsugpô agád, ay inaakalà niyáng
siyang magpapabuwáy sa mga kapanatagán ngayón ng pamu
muhunan sa Pilipinas.
-Delfín, Delfín ! -ang may pagka- " salitâng-amá" na gina
mit ni Don Ramón . -Magdahan-dahan ka , madulás at matiník
ang tinutungo mong iyán ! Ang mga mangagawà nati'y mala
yòng-malayò pa sa lagay ng mga mangagawà sa ibáng lupaing
ginígitawan na ng mga sosyalista at anarkista . Ang pasahod
at palagay sa mga magpapaupáng pilipino, ay makápupông
mabuti kay sa upahán at pálagayan sa Alemanya man . Hindi
apí rito ang mga mangagawa, kung nakita mo lamang ang kala
gayan ng mga mangagawàng kastilà, ruso at iba pa . Siláng
yaón ang maáaring aralan ng mga doctrinas socialistas at anar
quistas. Nguni't tignan mo naman ang nagíging bunga sa kanilá
ng nangásabing aral. Masasakláp na bunga , Delfín , mapapaít !
at lason sa mga mangagawà rin ! Magsabi ang mga pátayan
kung may welga silá, ang mga nakawán, lásingan , panga gagá
sa mga babayi at pagkakamatay sa gútom . Huwag niyong
ipahamak ang ating bayang totoong mapaniwalaín , hangál pa
at napakákaladkád saan man dalhin ng malakás-lakás na agos
6 hihip ng hangin ! Pag ang iyong mga paghahakàng iyán
ang napagdirinig ng mga mangagawà, ay lalò mong inud
yukán ang kanilang likás na katamaran ...
-Nálalaman pô ba ninyo kung bakit nasasabing tamád
ang mga mangagawà natin? -ang ipinatláng na mga salitâ ni
Delfín .
-Hintáy ka , hintay ka ! Ang mga bagay na ito'y hindî
makukuha sa kapusukán ninyong mga bata. Saán ninyó
dádalhin ang bayan kung kayong mga batà ang paíiyahan ?...
Ang mga mangagawà nati'y hihingi ng hihingi ng mga karapatán
at di na makaáalaala sa kanilang mga katungkulan. Marami pang
bagay ang hindî nilá nálalaman . Marami riyáng magsubo na
lamang ng kanin ay di pa marurunong , ¡ túturùan na ninyó ng
mga ganyang kapalaluan , ng mga ganyang panaginip ng Sosya
lismo ! Ano ang muwáng ng mga mangagawàng pilipino sa
tinatawag na Sosyalismo?
-Kailangan ngâ pông ipakilala sa kanilá ......
BANA AG A T SIKAT 29

Hindi man halos pinuná si Delfín , at kay Don Filemón


humaráp , saká ipinatuloy ang pagsasalitâ :
-Akala nitong mga batà lahát ng makinang ay gintô !
Ha , ha, ha ! ... Anóng buti ng náisipan ng Gobierno Americano
na nagpadala ng mga batà sa Amérika , upang doo'y makapagkitá
silá ng mga katotohanan ng buhay! Sayang ngâ, Delfín , at dî
ka pa nápapa sa París ó Barselona man lamang . Nákita mo
sana ang mga naghitik na bungang mapapaít saán mang dako
ng Sosyalismo . Sa abâ ng mga mangagawàng pilipino ! ... Sa
igi-iging dito'y wala pang mga patáy-gutom, ay ipípilit na ninyong
ipasok ang mga aral na iyán . Iyán ba ang natututuhan ninyong
pag-ibig sa tinubùang bayan at pag-ibig sa kapwà tao?

Námulá-mulagát ang matá ni Delfín sa tungkós-tungkós


na salitang pinalabás sa bibíg ng matandâng kaságutan . Halos
hindi na matiyák kung alin ang tútugunín .
Si Felipe namán sa batis, ay kátaón nang lumálabás nang
pintô . Sa pagmamadali'y sa labas na natapos ang pagsusuót
ng amerikana , iniwan na ang abogado Yoyong at anyông humá
habol ng sálit âan. Anopa't bago nakasagót si Delfín ay na
kalapit muna siyá at nakapagbulóng dito ng : "Patátalo ka ba?"
Samantala namán, ang mga ibang nakikinig ay nag-asám
asám sa maisása gót ni Delfín . Kung manók-manók lamang
ang nangagtatalo, disin ay pinagkikíg na nilá sa buntót at ipinag
áruhan , upang mapanood ang tunay na manlulupâ at ang tunay
na manlilipád . Ang kanilang akalà yao'y páligsahan lamang
na gaya ng karaniwang pagtatalo ng mga mánanabóng kapag
nagkakaharap-harap sa káhigan .
Dapwa't sa ganáng kay Delfín ay malayò nang totoó sa
biruán ó sa páligsahan lamang ang pag-uusap na iyón . Naku
kurò niyáng yao'y mga sandaling dapat nang ipagluwál ng
kanyang mga paghahakà tungkol sa Sosyalismo sa Pilipinas.
Ang dalawang katalo ay kapwà mámumuhunán at ang ilang
nakikinig ay kapwà niyá binatà ; anopa't nakuròng málao't
mádali ay may pagkakaroonán din sa kaniláng gunitâ ang kan
yáng masasabing mga katwiran . Dahil dito'y tikís nang nilimot
na si Don Ramón ay kanyáng pinan únuyùan, na si Don Ramón
ay amá ni Meni ...
-Napasasalamat pô akó -ang malumanay na pasimulâ ng
tugón na magkaroon ng mga katalong gaya ninyó : matatandâ,
marami nang araw na náranasan , lupàng nátuntungán at bagay
30 LOPE Ꮶ . SANTOS

na nápagkitá. Abót ko rin namang ang aking kákauntî pang


nálalaman ay hindî súsukat upang sa inyo'y makapagpabagong
akalà .
Dalawang panahón pô tayo : kayó ang kahapon , at kamí
ang búkas: dito sa ngayón tayo nagkátagpô, kaya ang nakita
at nakikita na lamang ang mapagpapatakaran ng mga paghahakà
natin, at ang hindi pa nákikita, ay hindî. Ang kahapo'y inyong
inyó, ang ngayo'y inyó pa rin, at kung bagamán may bahagi
kamí sa ngayón, ay muntî lamang marahil . Nguni't inyó na
sanang ipagparaya sa mga batà ang paghahanda ng búkas na
hindi na inyó kundî amin.
Masasabi ngâ ninyong ang bayang mangagawà natin ay
hindi pa binabagayan ng mga aral ng Sosyalismo , dahil sa maka
liligalig lamang sa kanilá, kun sa bagay ay may makápupông
buti sa kalagayan ng mangagawàng alemán , pransés, kastilà
at iba pa . Ngunì, ¿kailán pa iháhandâ ang pilipino upang
maylakás na máisagupà sa nagbabalà sa kanyang bagong-panahón
ng malalaking págawàan ó gran industria? Antayin pa ba
naming mátatág na muna rito sa Pilipinas ang mga puhunang
dayo, matibág na ang mga bundók-bundók na mina at mapa
sukan ng mga makina ang lahat ng mga pag-gawa niyang iki
nabubuhay ngayón ? Talagang hindi pa nga nálalaman ng
mangagawang pilipino kung ano ang tinatawag na Sosyalismo ;
kaya naman itinúturò namin . Kami'y may mga sadyâng
papulong na idináraos at dinádaluhán ng ilang mga mangagawàng
hirang lamang. Ang katuturan ng Sosyalismo ay di namin
kinakain ni ipinakákain ng buô, kundî unti-untî. Ang aming
pagsasapì-sapì ay hindi nagt úturò sa mangagawà ng katamaran,
kundi ng pag-usig ng kanyang karapatán sa nagagawâ.
Hindi kailangan sa amin ang bumabâ pa ang halaga ng
mga upahán ng pagpapagawâ, kun gaya man lamang sa Bél
hika , sa Inglaterra, sa Alemanya , sa Amérika, ay may mga kalu
wagán sanang napapakinabang sa bayan ang mangagawà . May
roón man lamang sana ritong mga sadyâng kautusáng nagtá
tangól at nagkákalingà sa kanilá kung naáapí't nápapahamak ;
mga utos na nagbabawal ng masagwâng pagtataas ng halagá
ng mga unang kailangan ng mahirap, at iba pa . Gayón din
kun dito disi'y may mga sadyâng dágisunan ang mahihirap
na mga tindahan at táhanang mura , aklatang-bayan, araláng
hanap-buhay, págamutang maluwág at iba pang mga kabu
hayang mura at libangang walâng bayad ni kátalunán .
Dito , na halos ang lahát na iya'y walâ, ¿ anó ang ikapagsá
sabi ninyong magaáng magaán na ang buhay ng mangagawàng
pilipino kay sa ibá?
BANA AGAT SIKAT 31

Saán man may mámumuhunán at mangagawà, maylupà


at magsasaka, panginoón at alilà, mayaman at dukhâ, ang mğa
aral ng Sosyalismo ay kailangan ; sapagka't diyán kailán man
namúmugad ang pagkaapí ng mahihinà at pagpapasasà ng íilan
sa dugo ng karamihan. Dito kayâ sa ati'y wala ng mga
itó?...
-At anó?-ang saló ni Don Filemón na totoong dî na
makabatá sa mga napagdirinig niyáng pag-upasalà sa mayaman
¿ ang lagay baga'y kayó ang babago sa talagang lakad ng pana
hón, sa talagang tadhana ng Diyos sa mga nilikhâ? Sapúl pa
nang ang mundo'y mundó, ang pagkakáibá ng mga buhay ng
tao ay talagang ganyán na , gaya ng kaibhán ng pulá sa putî,
ng itím sa diláw. Ibig ba ninyong mga sosyalista na lahát ng
tao'y maging mayaman na't panginoón?
Si Felipe, na bagong kahahalò pa sa lupon , ay dî rin naka
batá sa sálitâan . Ang kanyang kaibiga'y nag-íisá at dalawang
makulit na matandâ ang katalo . Sa loob pa ng batis , kaya
nakapagdali-dali na ng paliligò, ay napagdiriníg din niyá ang
gayóng mga pag-upasalà sa mangagawà ng amáng-kumpil at
ng kasamang si Don Filemón . Siya'y isang mangagawà rin :
manlilimbag sa pahayagang Bagong Araw: kaanib din sa "Kapi
sanan ng Pag-gawa" na tinútuyâ-tuyâ ng dalawá : masipag at
malulong na kasá-kasama ni Delfín sa mga papulong ng SOCIO
LOGÍA nilang idináraos . Sa mga magkakasamang ito'y siyá
ang pinaka may mapusók at mainit na kalooban . Pagkáriníg
ng mga katatapos na salitâ ni Don Filemón , dalá ng kainitang
itó , ay inagaw kay Delfín ang sagót , at sivá ang nagsalitâ ng
walang maraming pasú pasubali :
-Hindi pô ganyán , Don Filemón , ang nais ng mga sosyalista ,
kundi isang bayang ni mayaman ni mahirap, ni panginoón ni
busabos ay walâ : lahát ay mámumuhunán at lahát ay manga
gawà: lahat ng lupà, lahát ng ani, lahát ng gawâ, ay di arì ng
íilán lamang, kundi arì ng lahát . Hindi paris ngayóng ang
kayamanan at dilang ginhawa ay natatangi sa kamay ng ilán
lamang; samantalang ang karamiha'y siyáng nálulugamì sa
karálitâan . Ngayon ang sa mayama'y sa mayaman na at ang
sa mahirap ay sa mayaman pa . Ito pô ang inúusig ng mga
tinatawag na sosyalista. Ang inúusig namán ng mga anarkista
ay hindi lamang iyán, kundî patí ng mga GOBIERNO ; ayaw sila ng
taong maykapangyarihan 6 punò sa kapwà tao . Bákit po
sásama ang mga layong iyán, ay siyáng talagáng naáayon sa mğa
katutubong matwid ng lahat ng tao?
Nápatarak na lalong-lalò ang matá ni Don Ramón sa kanyáng
ináanák sa kumpíl. Sa sarili'y náwikà ang : "Sa pakikipag

3
32 LOPE K. SANTOS

samá ng batang itó kay Delfín , ay isá pang mapapalungi, isá


pang magiging kampón itó ng mga kaululán ng Sosyalismo ."
At nang di magkasya sa sarili, ay pinagsabihan din si Felipe :
---Diyatà? patí na ba ikáw, Felipe , ay náhahawa sa sakít
na iyán?
Hinarap ang mga ibáng kausap :
-Ahá ! ... Don Filemón, mga ginoó, kayóng lahát , dapat
ninyong matalastás na ako'y may ináanák nang sosyalista
anarkista, taga-pamanság ng bagong-buhay! Oh, bagong buhay
na walâ nang mayaman at mahirap ! ...
Sakâ sinundán ng isang pantuyâng halakhák, na ginayahan
ng isá pang matandâ, patí namán nina Morales , Bentus at
iba pa , máliban si Pepito na alangáng mápangiti at alangáng
mápangangá sa pagkakamalas sa nagsisipangunót na noó nina
Felipe at Delfín.
Si Felipe'y namutlâ , tinalbán agád ng paiwâng mga salitâ
ng kanyang amáng-kumpíl. Ibig pa sanang sumagót , nguni't
nápangunahan na ni Delfín , na , upang magamót ang gayóng
masaklap na sandali sa dalawáng mag-ináamá, ay siyáng nag
sauli sa naputol niyáng pagsasalitâ :
-Naáalaala ko, Don Ramón , ang isá pang winikà niyó,
na, sa igi-igi't dito sa ati'y wala pang mga patay- gutom , ay
imúmulat na ang mga mangagawà sa mga adhikâ ng Sosyalismo ...
-Siyáng totoó ! -ang maypatango pang saló ng matandâ
Igiít ninyó rito iyán , at nang makita nating madali sa Pilipinas
ang mga napagkitá kong kahabág-habág na buhay ng mga Į
mangagawà sa ibang lupain ! ;
-Aywán ko pô , Don Ramón , kun ang ibig ninyong tukuyin
sa tawag na patay-gutom ay iyán na lamang mga nawawalâng
bigla ng hiningá sa dî pagkain .

1 Dátapwâ't ibigay natin sa salitâng iyán ang tunay na ka


hulugán .
Patay-gutom din pô ang dapat itawag doon sa mga inang
sa kakulangan ng alagà, sa pagtirá sa mga dampâ, sa mga inís
at gula- gulanít na táhanan, sa kasalatán sa mga pagkain, gamót ,
kasangkapan at iba pa, ay naghihirap, nangángayayat at untî
untî ó biglang namamatay sa pagsisilang ó pag- aandukha ng
bunga ng kanilang pag- ibig.
Patay-gutom iyáng mga sangól, na sa pagka-gising sa baníg
ng dilang kasalatán , ay siyám na pû sa isang daan nila ang di
man nangakaíiláng araw, buwán ó taón , at napípitás sa ináng
kandungan .
BANAAG AT SIKAT 33

Patay-gutom ang yutà-yutàng batang anak ng mga marálitâ,


na nagsisilakí, nangagiging bagong-tao't dalaga , nangagkáka
asawa't tumátandâ nang di man nakábanaag ng mga ilaw ng
dunong sa kasalatán ng buhay ; sapagka't sa mga "anák ng Diyós"
na ito, kundi man masasabing lubhâ na gutóm ang kaniláng
katawán ó tiyán , ay gutóm namán ang pagkatao , palibhasa'y
salát sa buhay at lakás ng pag-iisip, na totoong kinákailangan ,
hindî na upang makáulól, kundî nang huwág máulól man lamang
ng mga tusong naglisaw sa bayan at huwag nang masipsip ng
mga lintang walang habas sa dugô ng mahirap!
Ang dapat itawag ay patay-gutom din diyán sa mga libo
libong nabibilangô at pinapagdúrusa ng mabibigát , hindî sa bigát
ng sala , kundi sapagka't walâng mangáiupa sa abogadong sa
kanila'y makapagtátangól, gaya ng pagtatangól at madalás
na pananalo sa mga usapin ng mayayaman .
At di pô ba patay-gutom din iyáng mga taong-bayang
binibigkís ng mga hukbó at ipinapain ng mga pámunuán sa
mga punlô ng kamatayang isinasabog ng alinmáng digmâ ? Ang
mga pag-aarì at kapangyarihan ng íilán lamang, ang kailan ma'y
siyáng kauna-unahang sanhîng ikinabubudlóng sa digmaan ng
mga hukbóng buô ng mahihirap na taong-bayan . Gaano
na ang iniúupa sa mga kawal upang pumatay at mápatáy ng
kapwa tao at kapwà mahirap na kalaban? Sa tawag ó alingaw
ngaw ng mga pakakak ng patriotismo ó pag-ibig sa sariling bayan ,
ay marami na ang nangagkukusàng masok sa hukbo kahi't
kákaunti ang upang iyán : dapwà't di pangpatay-gutom ang
kanilang nakakamtán , kundi ang tunay nang kamatayan .
Hindi mapangánganlán ng iba pa iyáng mga lalaki ó amáng
naglálako at nagdúduro ng lakás at ng mga taong itátagál nğ
buhay, upang makagawâ at máupahan ng kaunting halagáng
maipagtatawid sa sarili , sa asawa at kaánakan .
Patay-gutom din pô, G. Miranda, iyáng mga magbubukid na
sa ilag mábaón sa utang sa mga kasamáng maylupà, ay nangag
títiís nang magkaín na lamang ng mga bulaklak ng marurumíng
lupà at bulók na kahoy, at nagsisitirá sa mga sulok ng gubat
at parang upáng málayô sa mga kabayanan na kinákikitaan
ng maraming bibilhin ay wala namang maibíbilí.
Ang lahat na iyán , Don Ramón , ay pawang patay-gutom
na matatawag, na dito sa atin , gaya sa mga ibáng lupà, kahapon
at ngayón, ay saganà at siyáng karamihan .
* *
Habang ang pagsasaysay na ito ay tinátapos ni Delfín , ang
abogado Madlâng-layon at si ñora Loleng ay nagkápanabáy
pa mandín ng paglabás sa kani-kaniláng batis na páligûán .
3-47064
34 LOPE K. SANTOS

Náuna-uná ng kaunti ang paglapit ng abogado sa nangalulupon.


Ang buhok na gupít-pándisál ó alponsino, ay kinúkuskós-kuskós
pa ng isang tualyang putî upang matuyo at mahating muli. Pag
kalingón sa kanya ng bibiyananíng si Don Ramón, na noo'y
nagpapagiwang-giwang sa kináuupáng silyang yantók -parang
kalumbibít na lulutang-lutang sa tubig, walâng maawàng suma
gip ay tinignan siyá ng tinging may ibig sabihin waring: "Pa
rito ka't tulungan mo ako sa pagsugpo sa mga sosyalistang itó ! "
Si ñora Loleng, na anaki'y isang sasakyang pangdimâ ng
mğa amerikano, kung walâng laban , balót ó blindado ang mulâ sa
batok hangáng bintî ng isang makapál at maputîng kumot , nag
úusok sa bungangà ang isáng tabako na anaki'y sadyâng páusukán
(chimenea), ay súsukláy-sukláy sa maiklî, may pagkakulót at basân
niyáng buhók, na lumapit din sa nangaglílimpî . Isáng tinging
pamulang ulo hangáng paá ang sa kanya'y ipinasalubong ni Don
Ramón. At isáng tingin din namang may kahulugan ang kan
yáng itinugón. Waring nagkáwatasan na silá sa ibig sabihing :
"Nakú, bagong paligò ka !" at "Oo , sayang at náritó si Filemón !"
Nang málinğunán siyá ni Don Filemón, na walang kamalák
malák sa may kahulugáng tínginan ng dalawá : ni Don Ramón
at ni ñora Loleng, ay kinawayán at tinanóng ng marahan :
-Ang mga batà, nalíligò pa ba?
-Nakú, ang mga batang iyán ! Nagkákaingáy kayó rito ,
ang ngísihan namán at dî paliligò ang ginagawa nilá roón . Ka
ilán mangatátapos iyón agád : ngayon lamang nangaghihíluran ...
At pagkuwa'y naghagis ng isáng mainit na tingin kina Delfín
at Felipe, sakâ nagtanóng sa asawa :
-Anó ba ang pinagsásasabí sa inyó ng mga musmós na iyán?
Batá na kayong makipagtalo sa mga maygatas pa ang bibig!
Saka binunot sa bibig ang halos upós nang tabako at
waring nanlurâ pa muna, bago nasok sa isang silid-siliran ng
kamalig, upang makapagbihis .
Sa gayon, ay nakahumá pa rin si Don Ramón, at ang pag
ngingitngit sa nangyayaring siyá ang naráramihan ng salitâ
at di siyang makarami, ay pinaraán muna sa pagsisindí ng isáng
imperiales, saka nag-wikà:
-Ang mga kahirapang iyáng pinagsabi mo ay hindî káka
hapon ni ngángayón lamáng, kundî mápa-bukas at kailán man .
Kung kailangan ang magkamayaman at magka-salapi dito sa
lupà, sapagka't pag ang salapi ang nawala ang tao'y walâng
magagawang anomán, ay kailangan din naman ang magkaroon
ng mahihirap na sa pag-gawa ay máuupahan ng salapîng iyán.
Nguni't hindi inúupahan ang dî gumagawâ. Ang ibig mabuhay
BANAAG A T SIKAT 35

ay kailangang kumilos . Ang ayaw mamatay ng gutom ay


huwag magtamád-tamaran . Ang kayamanan ay bunga ng
kasipagan . Ang puhunan ay galing sa pagtitipíd . Ang pag
gawa naman ay katungkulan ng tao, palibhasà'y parusa sa kanyá
ng Diyós mulâng magkásala si Eba't si Adán . Ang hangád
ninyo'y huwag magíng mahirap ang pag-gawâ, ¿ may parusa
bagáng ginhawa?
-Ang ibig ng mga sosyalista -ang sabád ni Don Filemón
ay mábalík ang panahón ni Moisés : mabuhay sa nahúhulog
na mand . Wala na pông maná ngayón !...
At sinundán ng isang tawang makagalit -dili , na nakapag
pasagót agád-agád kay Delfín nang :
-Laking pagkakamalî ninyó ! Bagamán ang mga tunay
mang sosyólogo ay di lubos na nangagkakaayon sa paghahakà
tungkol sa Sosyalismo; dátapwâ, ang lahat ay nagkakáisá kun
sa bagay na iyán : ang lahat ay walâng sagisag kundî ang kada
kilaan ng Pag-gawa . Talagá pô namang ang pag-gawâ lamang
ang yumayarì at nakapagtatakip ng madlâng kailangan. Huwág
niyóng sabihin , Don Filemón , ang maná. Kásakdalang mag
nais man ng ganyán ang mga mangagawà, ay hindî alangán ;
pagka't silá, mulâ pa sa tiyán ng iná hangán sa kanin ng lupà ,
ay walang ibang baníg, walâng ibáng sunong, pasán , kipkíp ,
bit bít , hila , sulong at iba pang gawâ, kundi kahirapan! Kara
pat-dapat din namang makapaghangad ng hindi maná lamang,
kundî ng higit pang ginhawa sa pagpapahingaláy. Dátapwâ't
hindi naman ito ang nangyayari ! Inúusig ng mga sosyalista
ang nangabúbuhay ng di gumagawa: nagpapasasà at nagpá
paginhawa ng sarili sa pawis ng iba . Sa pagkasawî ng Sangka
tauhan , ay marami ang nahihirapang iyán sa pagbibigay ng
buhay na maginhawa sa íilán lamang. Ipinaáaninaw ng mga
sosyalista na dapat nang tigilan ang pagbuhay sa mga dapo:
ang gumagawa'y siyáng mabuhay at ang hindi ay mamatay.
-Oo, sa inyo'y ang pag-gawa na lamang ! -ang patuyâng
wika ni Don Ramón.
-At ang puhunan? -isinambót agád ni Don Filemón.
-Ang puhunan pô'y hindi gumagawâ, kundi siyáng nag
pápagawâ, anopa't tanda ngayon ng kapangyarihan ng isáng
tao sa kapwà tao . Ang puhunan , gaya rin naman ng lupà,
ay di dapat arìin ng sínomán na parang sariling-sarili , kundî
papakinabangan sa lahát na nangangailangan , sapagka't katulad
ng hangin, ng dagat , ng liwanag, ang lupà at ang puhunan ay
dî maáangkín ng sino pa man : ang lahat ng bagay na iya'y para
parang sa lahat ng tao. Paglitaw ng tao sa ibabaw ng lupà
36 LOPE K. SANTOS

ay maykarapatán nang mabuhay. Anománg kailangan niya't


náririto rin lamang sa lupà, ay di dapat pagkasalatán . Ang
Kalikasán ó Naturaleza ay mayamang-mayamang hindi sukat
magkulang sa pagbuhay sa lahát ng tao. Ang umangkín ng
alinmang bahagi ó arì ng Kalikasan, ay pagnanakaw. Ang
mag-arì ó sumarili ng anománg bagay na labis na sa kailangan
ng kanyang buhay, at kakulangan ng sa ibá, ay pangangamkám
at pagpatay sa kapwà. Ang lupà at ang puhunan, ay siyáng
lalong-lalo nang hindî maaaring sabihing akin, ni iyó, ni kanyá,
kundi atin: sapagka't ang una'y pinaka-punlaan ng mga binhî
ng buhay na panglahát, at ang ikalawa'y pinaka-kasangkapan
sa pagbuhay ng mga itinátaním ng pag-gawa ng lahát .
Ayon sa sabi niyó, ang pag-gawâ ay parusa, at ang kayama
na'y ginhawa . Bákit may mátatanging guminhawa ay ang
parusa'y sa kalahatán ? Nanghahawak kayó sa iniatas ng
Maykapál sa tao, na ang iyong kakanin, sa pawis mo mangagaling,
¿ ang salapi baga'y nagpapawis kung pinúpuhunan ?...
Si Felipe ay mapapatawá ng pabulalás , nguni't pinakápigil
pigil, at upang huwág mápag-itingang lubhâ ng kanyáng tiní
tirháng amáng-kumpíl, ay lumayo sa lupon, at nagkunwâng
pumitás ng ilang bunga ng kasóy na di nálalayo sa kamalig.
Nguni't ang iba'y nagkábulung-bulungan din .
-Magpawis ang salapi ! -anáng ilán.
-Nagpapawis din ngâ ang mga pinápasán namin sa hamaka,
nguni't hindi paris ng aming pawis na gangabutil ng maís , bago
makakita ng anim na sikapat ! -anyá sa sarili ng isáng hubád
na maghahamakáng nakikinig.
Iba naman ang sabi ni Madlâng-layon . Sa isang malamíg
na ngitî, ay nakapagbirò ng mga salitâng:
-Iyan ang mainam na sálit âan ! Salapî at pawis : isáng
matamís at isang maalat . Hindi ngâ magkabagay ang dalawang
iyán, máliban na kun gágamitin sa lumpiya ...
Si Don Ramón ay nakapagbigay-loob ng isáng ha -ha -há ,
sa ganitong pahambalang na salita ng kanyang abogado . At
nagsabi :
-Oo nga, ang salapî kong pinúpuhunan ay hindî nagpapawis ,
nguni't pinagpawisan kayâ naging akin at pinagpapawisan ko
pa kaya nakikinabang !
-Hindi ko pô tin útukoy, Don Ramón , ang ganang salapî
ng isáng sínomán : ang kalahatan ang ating pinag-uusapan .
-Ang ginawa't ginagawa ko ay siyá rin namang nangyayari
sa tanang may salaping pinúpuhunan.
BANAAG A T SIKAT 37

-At ang aking mga pag-aarì -ang saló ni Don Filemón


ay hindi ko ninakaw, kundî minanang malinis sa aking mga
magulang, at ngayo'y malinis kong pinangángasiwàan , ¿ alangán
ba akong makinabang?
-Pinagpawisan at minana ! Iisa-isahin ko kayóng sagutín .
D. Ramón, samantalang ang pakikinabang ay di lumálampás
sa karampatang halaga ng pawis na nagugol, álalaóng baga'y
ng pag-gawa ng nakikinabang, ay di pa mabábalino ang Sosya
lismo . Dátapwâ, kailán ma't salapi na ang pinagagawâ, at
lakás na ó pawis ng iba ang inúupahan, ay narito na ang panganib
ng pagtatamasa ng fisá ó íiláng katao sa gawa ng marami , at
nárito na rin ang maraming nagtítiís ng pananalát sa kanilang
ginawa. Hindi inianák ang sínomán upang mabuhay sa pag
gawa ng iba, kundî sa pag-gawâ niyá rin. Ang nakagagawa ng
sampû ay dapat managano sa sampû, nguni't huwag nang mag
hangád na magkadalawangpû , kun ang sampû pang labis na itó
ay mangagaling na sa kamay ng ibang gumagawa at nangánga
ilangan din . Mapagt útulong-tulong ang marami 6 ang lahát
ng lakás ó pawis sa pag-gawa ng isang bagay na pakikinabangan ;
dapwa't ang marami ó ang lahát na iyán ang maykarapatang
makinabang sa bagay na pinagtulungan . Anopá't kailan ma'y
dî matwid na managano ang kahi't sino sa pawis ng may pawis .
-Pawis ng may pawis na binabayaran !-ang panabáy
ng dalawá ..
-Kung inúupahan man pô ang pawis ng isang mangaga wà,
ay di masasabing lubos na natútumbasán na ng upa ang kanyang
mğa nárarapat pakinabangin sa ginawâ. Ang salapi ay di
maaaring makatumbás ng pag-gawâ saán mang gáwâang ang
naghahari'y takaw ng mámumuhunán sa malaking pakinabang.
At gaano na ang mga kasalukuyang upahán ? Násasabing nag
ibayo at nag-makáipat pa ang inilakí ng mga upahán sa panahóng
itó ng amerikano , kaysa panahón ng kastilà ; nguni't parang wa
lâng kabuluhan na sa nangagsasabing iyán ang pagkakásampûng
ibayo naman ng halaga ng mga ikinabubuhay 6 kailangan ng
nagpapaupá.
Karaniwan na ngayon ang piso maghapon. Sa halagáng
piso ang boông kalayaan at karapatán ng isang tao ay nabíbilí
na araw-araw ng isáng maysalapî . Piso lamang araw-araw
ang halaga ng buhay ng isáng mag-anak ! Sa pisong iyán man
gagaling ang kákanin ng isang asawa , ng mga anák na marahil
ay hindi iisa lamang, kundî tatló, apat, limá, at may waló-waló
pang nag-aabot sa kaliliitán at di pa maasahang gaano
ng pagtulong. Diyán mangagaling ang mga dadamtín niláng
lahát . Diyán din ang bahay at dilang kasangkapan sa pama
38 LOPE K. SANTOS

mahay. Diyán ang mga buwís , ang panglíbangan at lahát na .


Sa pisong iyán ang isang asawa'y nálalayô ng maghá-maghapo't
magdá-magdamag sa pagmamahál ng kabyák ng pusò , natítipíd
sa paghalík sa mga bunga ng kanyang pag-giliw, at dî bíbihirang
hindi man makadaló sa isáng magulang, sa isang kapatid ó ibá
pang pinakafirog ng buhay na naghihingalô ó dináratnán ng
anopamáng kapahamakán . Ah, ang nagagawa ng upang
iyán ! Ang kapangyarihan ng salapî ! Saán dî habang dumá
rami ang salapi at ang masalapî ay nag-iiba-ibayo namán ang
pagkapal ng mga taong nawawalan ng lalòng mahal niláng kara
patán sa buhay : ang kalayaan at pag-ibig. Tumbás na kayâ
ang piso sa maghá-maghapong ganitó? Sapát na kaya ang
upang iyán sa hirap at mga pangangailangan ng isang manga
gawà, ng isang taong-bayan, ng isang mag-anak? Mabuti pa ng
mabuti kung laging may napapasukan ; ¿ at kung walâ na siyáng
madalás at karamihan ? .... Talaga, talagá pông malinaw na
ang salapi'y tandâ lamang ng kapangyarihan ng tao sa kapwà
tao, at di kailan man ng pag-gawâ!
Habang sinasalitâ itó ni Delfín ay títigók-tigók ang laway
ng dalawang matandâ , na minsan pang magkapangagaw ng
pag-úunahán sa pagsabát sa mánunulat ; dátapwâ't nápapauntól,
dahil sa ito'y patuloy ng patuloy na dî napapipigil sa kanilá .
Si Morales namán at si Pepíng, ay walâng náririnig halos sa mga
pagkakániigang iyón ng sálitâan . Ang kinániniigán ng kaniláng
mga mata ay ang panakáw-nakáw na pagtanáw, mulâ roón , sa
mga siwang ng salá-saláng bakod ng mga páligûán, na kinási
silipan ng mga kilos at pananamít ng mga dalagang nagsisipaligò .
Ang ibang nakikinig ay maykaní-kanyáng búlungan namán at
pasya sa mga pinagtatalunang bagay.
-Bukód pa sa rito-idinugtóng ni Delfín -sinasabi lamang
na tayo'y nahangò na sa pagkaalipin , salamat sa mga dugông
náibubô ng ating mga dakilang bayani ; dátapwâ't marami sa
mga maysalapi ang dî nakatátalós ng kung ano ang kahulugáng
lubós ng salitang pag-alipin . Ngayo'y nagagalit ang mayayaman
1
kung walâ siláng mapagkuháng alilà ó utusán sa bahay na gaya
ng dati . Naging palalò raw ang mga "taong-parang" at ang
mahihirap , na marami na ang nangagtitiis ng gutom, huwág
lamang maturang napaalilà . O kung mga alilà na'y naging
mararamdamin daw pagsalitán . Dátapwâ't ¿ gaano na ang hangá
ngayo'y pinaíiral pang kabayarán sa mga sawing palad na nána
sok sa ganyang karumal-dumal na hanap-buhay? ¿at anó-anó ang
ipinagagawa sa kanila ? Libo-libo ang maíisá nating mayayaman ,
na ang ipinagkasalapi ay ang pag-aalilà. Dalawá, apat ó ilán ni
to'y kanilang kinukuha kun saán-saán , madalás ay alók na kusà
BANA AG AT SIKAT 39

ng mga tunay na ring magulang upang maglingkód at bayaran


ng apat, anim , waló ó labing dalawáng piso isáng taón, habang
hindi natátapusan ang dalawangpû, limangpû ó isáng daáng
pisong inutang. Madalás na ang paninilbihang ganito ay pinag
hahálinhinan pa't pinagmamaná-manahan ng magkakapatid ,
magmamagulang ó ng boông mag-anak. Ang sampung pisong
utanğin, lumálagong parang kalabasang-pulá at habang naka
bábasag ng kahi't anóng kasangkapan ang alilà, habang natátakot
ó nakalilimot ang magulang na pinautang, ay nagkákabuhay
ng sa pitong-kuba namán ang tinurang halaga.
Ipinangangako ng panginoong paráramtán ang alilà, hindî
sapagka't hinahakà niyang ang lahat ng tao'y di dapat maghubad
ó manglimahid , kundî sapagka't ibig na huwág marumí ó pangit
sa pagsisilbí sa kanyá . At salamat kung itó man lamang ay
ipagkátatló ng bihisan ng mga alipin . Kákasundûín sa munting
upa , sa pangakòng may pakain , at kung minsan pa'y patúturùan ;
nguni't ¡ anóng pakain , at anóng pagtuturò!
-At anó ba ang ibig mo - ipinatláng ni Don Filemóng dî na
totoong makatiís -kastilain ba ang alilà?
-Hintáy ka , Delfín-ang pigil namán ni Don Ramón.
Nag-aral ka ba ng Istorya? .... Nabasa mo ba kung paano
ang pag-aalipin sa bayang romano, na iná ng lahát ng sibili
sasyón? ....

-Oo ngâ pô't malaki ang kagaanán ng alipin dito sa
Pilipinas , kaysa mga busabus sa matandang Roma . Lubhâ pa sa
pagkain, ay natatangì ang mga panginoóng pilipino, pagka't
marami ang mga nagtútulot na mákasalo nilá at kumain ng
kanilá ring kinakain , (kahi't labí na ang karaniwan) ang mga
alilà. Dátapwâ't akalain namán nating pag sinabing alilà sa
bahay, dito'y ugali nang maging utusán siyá ng lahát na taong
bahay : amá, iná, anák, kapatíd , pinsan , matandâ, batà at iba
pang nabibilang na kamag-anak ng maybahay. At walâ siyáng
tadhanang isá ó dalawang gagawin lamang ; kundî lahát ay ka
tungkulang gawín : mamilí, maglutò , umigíb, mangahoy, mag
linis ng bahay, maglabá, mag-alagà ng batà, maglatag at mag
lulón ng baníg at iba't iba pa . Sa lahat ng mga taong itó, at sa
lahát ng mga gagawing bahay na iyán, ang alipin ay nakaká
tangáp ng pag-alimura , mga tungayaw, palò at bugbóg . Hindî
pa gáganitó ang kinákaya nilá, kundî ang mga alilà nang iyán
ay pinapaghahanap ó kinákatulong pa sa paghahanap-buhay
6 pamumuhunan ng mayaman , at ang nakikita'y buông isin ú
sulit dito't ibinibigáy. Anopa't sukat ang may mga dalawangpû
hangáng isáng daáng pisong maipa úutang ang sínomán , upáng
magkaroon na ng alipin at katulong sa pagpapaginghawa at
40 LOPE Ꮶ . SANTOS

pagpapayaman ng kanyang buhay. Maikákaít bagang ang


kayamanang nátamó sa mga paraáng ganitó , ay siyáng karani
wang nangyayari rito sa Maynilà at lubhâ pa sa mga lalawigan?
Ang yamang iya'y hindî ba bunga ng sa ibang pawis ?
Si Madlâng-layon ay ibíg-ibig nang magsalitâ ng pangputol
sa pananalaysay ni Delfín . Nákikita niyang mapupulá nang
totoo ang taynga ng dalawáng matandâ, lalò na si Don Ramón,
na ayaw lamang magpahalata'y yamót nang yamót sa naka
híhigit sa kanyang magtatabíl na isáng paslít na mánunulat
lamang. Dátapwâ't nápalulong nang totoó si Delfín, at bakit
náuulinig pa niya ang mga bulúng-búlungan sa dakong likód
na mga paunlák, pag-ayon at sulsól sa kanya ng maraming na
kíkiníg, na sa anyo'y halos pawàng mga marálitâ ; kayâ patuloy
rin ng patuloy, at pinangatawanán na ang pagbabagsák sa mğa
katalo . Anyá pa :
-Mayroón pang karumal-dumal na pag-uugalì rito sa atin ,
na kailangang maliwaywayán ng mga aral ng Sosyalismo .
Anó ang palakad ng mga maysalapi sa ating mga lalawigang
hilig sa paglulupà ó pagsasaka ? May impók sa halimbawàng
mga sangdaáng piso . Ipamámayani, ó ipagágawâ kayâ sa
alilà kung mayroon ang paghawan ng gayo't ganitong parang,
gubat ó bundók na masukal at mabató. Pagkahawan ay ihá
hanap ng makasamá sa pagsasaka . Kun ang mákita'y walâ
pang kalabaw at kasangkapan, ay ibíbilí , nguni't pautang na
itó sa nákitang kasamá . Saká ipagágawâ at patátamnán ng
kung tubo ay tubó, kung niyóg ay niyóg, abaká , kapé, tabako
ó palay. Nguni't bangitín na lamang natin ang sa palay. Bí
'
bigyan ang kasama ng binhi, sa halimbawa'y isang kabán. Ang
mga nagugol sa pagpapataním na paluwál ng maylupà, ay itiná
talâ. Karaniwang ang isang kabáng binhî ay naiúupa sa taním
at sa iba pang mga gagawin sa pag-aalagà ng halagang anim ó
sampung piso. Pagkataním ay kasamá na ang bahalà sa hala
man hangáng sumapit ang pag-aani. Labás-masok sa tatlong
pûng kaban ang katamtamang ani sa isang kabáng binhî ; bawás
na ang ikapulô ng mangagapas ó mang-aanihan . Pagkatapos
máitalumpók ng kasama ang mga hayà, pagkamandalâ at hangáng
magiík na, ay kaugalian pang ipahakot ng maylupà ang lahát
sa kanyang bangán.
Nguni't bilangin natin kun gaano na lamang ang nauuwî
sa isang kasamá. Sa 30 kabáng naani, bábawasing una-una
ang isang kabáng binhî, sauli sa maypuhunan . Aawasín ang
nagugol sa pagpapataním at iba pang gagawing iniupa sa abáng
tao : kung mamiso isáng kabán ang halagahan ng palay, ay anim
na piso (halimbawàng anim na lamang) ang náiupa , sa makatwid,

1
BANAAG A T SIKAT 41

ay anim na kabán ang maáawás ; ito'y hulog din sa nagpaluwál


na mámumuhunán . Kúkunin pa ang tinatawag na sa buwis
ng lupà, na isá sa bawa't sampûng kabán ang kábabàan ; anopa't
sa tatlongpû ay tatló pa ang áalisíng itó . Gaanong lahat ang
bábawasin muna sa 30 kabán?
Binhî : 1 kabán ; gugol sa pataním at ibá pang iniupa : 6 na
kabán ; buwis ng lupà : 3 kabán . Kabuoán : 10 kabán . Sa
makatwíd : sa 30 naani ay 20 na lamang ang natitirá . Saká
ngayón itó pagháhatìin : 10 kabán sa maypuhunan at 10 kabán
sa kasamá.
At palibhasa'y kalakarán nang hindî nagkakásiyang kanin
itó ng tinurang kasamá, lubhâ pa't may-asawa't anák ó iba
pang pákainín , at hindi rin kásakdalang magíng dalawá ó limá
pa mang kabáng binhî ang kanyang kayahin , kaya ang nangya
yari ay ang di maiwasang pangungutang ng palay ó salapî sa
maylupà. Kung palay, ay dalawa ang takalán : pagpapalabás sa
bangán ay maliit ang kabán , at pag papasók ó bayad-utang ay
malakí. Salásalamat kung mapabuti ang ani at kung hindi ay
siyá nang pagkábaón sa utang ng kasamáng mahirap .
Marami pa ang maypuhunang umáangkát ng mga alahas
at damít na marahil ay hilá-hilakô na , at halos isuót sa ilóng
ng asawa't mğa anák ng kasamá, sa halagang ang tubo ay dî
íibayo lamang. Ito'y kusàng ipina úutang, at pagkaani'y pinabá
bayaran ng palay. Anopá't patong-patong ang pakinabang
ng mayaman sa mahirap :
At ang mag-anak ng mga kasamáng iyán ay mana-manahan
pa sa utang at pagsasaka ng lupàng kinátatalian . Ang mag
uwî ng mga kahoy na pangatong at iba pang mga gulay at bu
ngang halaman sa bukid, mğa manók, itlóg at iba pa , lalo't may
pistáng idáraos sa bayan ang maylupà, ay katungkulan din
namáng nákaugalian na ng nan únuyong kasamá sa bukid .
Ang mga kasamáng iya'y namúmura at napagbubuhatan din
ng kamay ng mga panginoón .
Mahigit pa rito ang nangyayari sa mga pagsasamá sa kapé ,
sa tubó at sa niyóg . Nguni't hindi na kailangang isaysáy ko
pa ngayon, upang makilala ang totoong marawal na buhay
ng mga dukhâ rito sa atin .
Sa mga bagay na iyán , Don Ramón , Don Filemón , na
kumulang humigít ay siyáng talagang nangyayari, ¿ matúturól
pô kayâ natin ng walang pangambáng málisyâ ang kun síno
síno sa ating mga maysalapi ang yumaman sa mabuting ka
paraanán?
42 LOPE K. SANTOS

Kailangan pô , kailangan pông dito'y umiral ang mga aral


ng Sosyalismo, na kundi man siyáng matupad ng ganap sa
ating mga gáwâan , pag-aalilà, pagsasaka at pamamayan, ay
makapagturò man lamang sa mga marálitâ, sa mga habang
panahó'y apí at amís , ng kanilang mga karapatán at matwíd
at ng pagsisikháy ng isang maginhá-ginhawáng bagong-buhay,
kaysa kasalukuyang itóng totoong karumal-dumal. Panahón
na pông dapat mábagsák ang mga dapong nabubuhay sa dagtâ
ng ibá : iyáng mga lintang nagpapasasà sa dugô ng maydugô !...
-Ang mga gayón ay gayón , -ang papigsí ni Don Ramón
nğunì't akó ... !
-Ang yaman ko'y may mga katibayang ante-Notario,
pagka malinis na mana sa aking mga magulang ! -ang sabád
ni Don Filemón .
-Naniniwalà pô akóng kayóng dalawa ay tangì sa kara
mihan . Nguni't ang hindi ko lamang masabi , G. Filemón , ay
kun ang mga pinagmanahan ninyong magulang, ay dî gumawâ
ng mga gayón ding kaparaanán .
Ang dalawang matandâ ay napagitil at nagulumihanan ;
lalò na si Don Filemón , ay nahuhumindíg sa pagkakaupô . Sa
pagkakatingin kay Delfín , ay kasingmatáng-kasingmatá ni
Malko nang tabakín sa taynga ni Pedro. Nguni't upang mapatay
ni Delfín ang pagkapoót na sa kanya ng dalawá, ay isinabibig
ni Goethe ang pagsasalitâ.
-Hindi pô akó-anyá-ang una-una lamang nakapagsabi ng
ganyán, kundi ang pantás na si Goethe, nang isulat niyá ang }
ságutan ng isang maestro at isáng alumno, tungkol sa boông pinag
mulán at kasaysayan ng yaman ó pag-aarì.
Itinanóng, daw, ng NAGTUTURÒ : -" Turan mo , ¿ saán galing""
ang kayamanan ng iyong amá?" - "Sa amá pô ng aking amá,'
itinugón daw naman ng NAG-AARAL.-"At ang sa amá ng iyong
amá?" -"Sa amá ng amá ng aking amá. " -" At ang sa amá nğ
amá ng iyong amá?" -"Ninakaw pô" .
-At anó't nábangít mo iyán? ang isinambót na agád
ni Don Filemón . -Ibig mo bang sabihing hindî hanap sa mabuti
ang pinagmaná- manahan namin ? Na magnanakaw ba ang
aming mga nunò at kánunô-nun ùan ?
Sinalitâ itó ni G. Filemón , sabáy tindíg na nangángatál sa
galit. Nanglisik pang lalò ang mga matá. Imura na sa kanya ang
lahát , huwág lamang laitin pa ang mga namatay nang magulang!
Samantala , si Don Ramón ay nagngangalit na natítigilan : ala
ngáng duhapangin na at alangáng hagisin ng tabako si Delfín .
-Sayang ng pinag-aralan mo ! : ..
1
BANAAG A T SIKAT 43

-Huwag po kayong mangagalit , sapagka't...


Hindi na natapos ang gagawin pa sanang paghihináw- dilà
ng binatà, upang huwág lumubhâ ang sálitâan . Sampûng si
Don Ramón ay nagbubusá na sa poót din. Nagkátamà ang
mğa matá ng magkaibigang matandang kapwà galít : sa tíngina'y
waring nagkáwawâán na silá ng ibig sabihin ng isa't isá :
-Iyán, iyán ang lumíligaw sa anák mo!
-Itóng anarkistang ito?
Si Madlâng-layon ay namagitnâ na ng lubusan .
-Don Ramón, Don Filemón , -anyá -huwag kayong ma
kitukól kay Delfín na kilalá ninyong may kabataan pa ! Ugali
na pô iyán ng kapusukán ng loób : pabiglâ-biglâ kung mangat
wiran . Kayó ang nakaáabót ng lalòng matwíd ! ...
At násabi sa sarili :
-Itó ang karaniwang hangá ng mga pagtatalo ng matandâ
at batà!
Samantala'y náibulóng ni Felipe kay Delfín :
-Nákikinitá kong masásarhán ka ng pintô mulâ ngayón .
Biniglâ mo nang totoo ang gatong ! ...
-Tila ngâ ! -anáng isá .--Nguni't anó ang kailangan ?
May pagkakahiyâán na ang matitigás niláng loób sa mga ma
rálitâ !

Ang nangasa loob ng batis ay pawàng naligalig sa gayóng


pagkakabálitaktakan. Una-unang lumabás si Talia , na sa
akalàng kanyang amá at si Delfín ang mag-aaway, ay sa labás
na nakapagsuót ng isáng mangás ng barò niyáng manipis at
kulay-dagat. Kasunód si Turíng, ang kapatid na dalagang
matandâ ng abogado Madlâng-layon , at hangós nang humabol
kay Taliang híhipagin , tinulungan pa mandín itó sa pagsusuót
ng isa pang mangás na nálalayláy sa kaliwâng balikat. Gumibík
din si Isiang, na sa kabiglâana'y di na nakapagbarò at sukat ang
isáng tualyang pulá't putî na náibalabal sa batok niyá't liíg na
kasingputî halos ng suót na kamisón . At saká si Meni, kasalu
kuyang nagsasaya na, at sa loób pa ng batis ay nagtítitilî, hangáng
makarating sa kanyáng amá, ó sa kanyang sintáng pinandí
dilata't din úduhapang ni Don Filemón .
Ang mga ibang taong nároón ay dinatnán na nilang katulong
ng abogado Yoyong sa pagpayapà at pag-awat.
Ang sa lahat ay parang palasô ng pagdaló, bagamán náhulí
na, at parang kampanà ng pagsigáw malayò pa , ay si ñora Loleng,
na . pagkapagbihis ay di pa muna nakapakihalò sa púlungan ,
44 LOPE Ꮶ . SANTOS

kundi naparoón at tinawag ng aywán kung anó sa isáng likód


ng puno ng mangá, tabíng-bakod sa may duluhan. Doón siyá
nagmulâ na kumákaraykáy , at pagkatapos máiwaksí ang malaking
tabako sa bibíg, na tumamà sa babà ng alilàng babaying susunod
sunód sa kanyá, ay tumanóng sa nangagkákaguló ng sunod
sunód namáng " bákit?"
-Walâng anomán , walâng anomán !-ang, pagka- mayaw ng
kaunti ay sinabi ng abogado.
Kundangan kayo'y anó ba't nakikitungo sa mga may
gatas pa ang bibig na iyán?-ang pagkuwa'y isinisi ni ñora
Loleng sa kanyang asawa . -Sinásabi ko na nga kangina pa at
kaululán lamang iyáng inyong pagtatalo !
Nilapitan ni Madlâng-layon si Delfín : binulungan ng ilang
salitâ, at si Felipe ay kinindatán na ibig sabihi'y yayàin nang
lumayô siláng dalawang magkaibigan . Sa mga matá ni Delfín
ang unang tumamà, habang sila'y nagbúbulungan ni Madlâng
layon, ay ang pairáp na tingin ni Isiang. Sa boông panahóng
ikinákilala niya sa mga dalagang iyón, ay yaón lamang ang
kauna-unahang pagtangáp ng isáng subyáng na bigkás ng matá
at pusò ng isang magandáng dalaga . Kasunód noón ang wari'y
pairáp din ni Meni, nguni't may kahalòng magiliw at malumbay
na tangô ng ulo, na kinahalatán ni Delfíng siya'y itinátabóy
rin at pinalalayo na sa amáng nagagalit at kay Don Filemóng
kapwà nagbububusá sa paglait sa kanyáng kabataan, pinag
áaralan at dî kilalang pagkatao .
Mapilit sanang makapagpakumbabâ si Delfín sa dalawang
nasaktan sa kanyang pangangatwiran . Inibig lumapit kay
Don Ramón upang maipaliwanag, na , ang pagsasalita niya'y
dî udyók ng nasàng makasugat sa kanilang pusò at kamáhalan ,
kundi nang matuto lamang at makápulot sa mga nálalama't
nápagkitá ng matatandâ, ugali na ng isang batang nag-aaral.
Nguni't wala nang mangyari. Nagkásunod-sunod ang pag
hahagis sa kanya ng masasamâng tingin ni ñora Loleng, na tigás
na kápapanlurâ at kápaparinig sa kanyang pagkabinatà at
pagka-mángingibig sa anák pa namán ni Don Ramón .
Bagamán si Felipe'y maingat na maglalapít sa kaibigang
napagbubuntuhán ng galit, upang huwag siyang mapagwikàan
ng iginagalang at pinagkákautangan ng loob na Don Ramón , ay
napilitan na ring kinalabít sa may tagiliran si Delfín at niyayàng
lumabás doó't lisanin ang batis .
Yumaong magkaakbay ang dalawáng mainit na banaag
ng Bagong- Araw. Iniwan sa pagngangalit ang dalawang ma
itím na anino ng Hapong tinatawag na sa pagtatakíp-silim .
SIKAT
B." ANAAG'AT
.Santos
K.
Lope
BANAAG AT SIKAT 45

Si Madlâng-layon, malamíg na lagì , parang makunat na kawayang


sumúsunód at napahúhutok saán man gumawiî ang hangin ng
kabuhayan, ay nátirá sa pagtukod sa nangáhahapay na haligi
ng Lumang-Bayan . Si ñora Loleng ay tumupád sa kanyang
nálalamang katungkulan . Ang asawa'y asawa at ang kaya
mana'y kayamanan ni Don Ramóng bao, na málaó't mádalî ay
kapwa niya pag-asa, kapwà niyá ligayang pinagtátamuhán
ng balang ibig na layaw at kaginhawahan . Kaya ano pa ang
málalamang gawin sa dalawang yaóng magkakambál sa pag
aakalà , sa pangangatwiran , sa pamumuhay , at kung pípilit
pilitin pa'y magkaanib sa kanyang pagka-ñora Loleng, -kundi
ang magpalalâ pa : palalaín sa sulsól at sa galit din ang dinatnáng
galit ng dalawâ niyáng accionista. At yaóng limang binhîan
ng pag-asa sa isang kaayaayang Bukas, yaóng mayuyuming
sutlâ na nagkákabít nang Panahong palipás sa Panahóng hiná
haráp at tanging nangaghahawak ng buhól ng Panahóng kasa
lukuyan, ay nangátirá sa paghinuhod sa kapangyarihan ng mga
magulang; bagamán ang kanilang samyô , ang kanilang liwayway,
ang kanilang pag-ibig, ay patagô ring náipabaon sa nangagsialís
upang maging paraluman at pag-asa ng dalawáng itó sa tinú
tungong Bagong- Bayan.
Sayang at dadalá-dalawá pa ang mga napakikitang banaag.
ng Bagong-Araw, kayâ hanga ngayón sila'y tanda pa lamang
nğ Kahinàan !

Re
IV

Sa isang Pásulatán

I
"Cuarto poder" ang naging katawagán na sa mga páma
hayagán : ikaapat na kapangyarihan : anopa't ang mga mag
lalathalâ (periodista ) ay gumaganap na pang-apat sa katung
kulang pagtataguyod ng bayan . Samantalang ani Ernesto
Bark, ang mga "periodista" ay siyáng una-unang mangatátawag
na "proletarios de levita :" mga kapak na ang lamán ng tiyán
ay bulak (hindi namán burak) . Busóg sa káiisip, pámingalan
ng lalong masasarap na salitâ, alaala saán mang anyayahan,
pinangingilagang-kinasásabikán ng madlâ, samantalang parating
hungkág ang bulsá, mahapding lagi ang tiyán at ang isang paa'y
nakaumang tuwî na sa pintô ng Bilibid : itó ang mga manunulat ,
itó ang mga maglalathalâ.
Dito pa ba kayâ sa Pilipinas , na ang hilig at layà sa pag
basa ay bago lamang nag- úugát, hindi mangaging marálitâ
ang mga taong iyáng kung mamuhunan sa buhay ay pawis na
iginígitî ng kamay, noó at pusò , at kung magkabisalà pa'y ng
buhay na rin nila at kapalaran !
Batang-bata pa ang mga pahayagang pilipino , kun sa bagay ;
dátapwa't marami na rin ang mánunulat na nagdaranas ng
ganitong alangán at tiwalîng pamumuhay.
Sa isang bayang walâng sariling kasangkapang gamit sa
paglilimbag, na ang papel, tintá, letra, mákina at patí ng káliit
liitang patalim ng naglalathalâ ay ináangkát na lahát sa ibáng
lupà at ipinagbabayad na pawà ng matataás sa Adwana, at ang
halaga ng pahayagán sa sangbuwan ay hindî namán mang
yaring mapataás sa kináugalian nang piso mulâ-mulâ pa , kundî
mahanga'y lalong kailangang babàan, dahil sa kung pagtú
tuusín , ay ipinan únuyò mo pa ang basahin ka lamang ; sa bayang
ganyán, paano mang nasàin; ay dî mátatamóng magkaroon
ng maginhá-ginhawáng buhay ang isáng mánunulat ó magla
lathalâ , lalo na't kun sa paglalathalà ng kanyang mga hakà at
salaysay ay naghahari sa loob ang adhikâng mátuto at kátu
tuhan, at mapanganib na ang sarili makapagsangaláng lamang
ng ibá, gaya ng hangad ng mga nangangahás sumagip sa isang
kaawa-awang nalulunod.
BANAAG AT SIKAT 47

"Buhay alamáng " ang sa mga pahayagán dito , kayâ "ku


main dili" namán ang karaniwang buhay ng mga sa pagka
mánunulát na lamang umáasa .
Aywán kung anó't ang mag- " periodista" pa ang pinakapiling
sabihin ni Mabini, nang tanungin siyá, pagkagaling sa Guam,
kun tátangáp ng katungkulan sa Pámunuáng nátatatág. Sa
gayóng kahirapan ng kanyang lagáy, ay ang pagka-mánunulat
pa ang námabuti at inarìng lalòng mahál na tungkol sa pama
mayan!
Hanap-buhayin ang panunulat ! ...
"Hindi kágaanan ang gawâng itó , ni di sukat makaya ng
marami ;-anáng isang pantás at kasalukuyang pilipino tungkol
sa buhay ng mga maglalathala -nangangailangan ng mga pusong
sadya sa anománg pakikitungalì sa hirap, ng katiyagâáng walâng
sawa at ng kasiglaháng walang bahid-takot. Ang gagawing itó
ay napakatigás , mahigít pa sa bakal : ó ang pamukpók ang sumú
sukò, ó ang palihán , nguni't hindi ang pin úpukpók . Hindi
sukat matatap ng mga walâng muwáng ang mga lungkot at
pagál nang gipít na búhay sa isáng Pásulatán ; hindi sukat makurò
kun gaano ang mga pagtitiís , kun gaano ang náipapawis sa
araw-araw, samantalang gaano na lamang namán ang nátata
móng gantí, pagkahamak-hamak, pagkámura-mura .
"Saán dî ilán-ilán na ngâ lamang ang mapapahilig sa ganitong
paghahanap-buhay, na kapatid ng di kawasàng mga dálitâ ,
gayóng nangápakarukhâng ligaya lamang ang napapalâ : kiná
kailangan nila ang pagka-tangì ng mga banál at bayani : álalaóng
baga'y maging katutubò na't sadya sa ganyang pamumuhay.
Mabuhay ng di sa sarili kundî para sa ibá, magsunog ng kilay ,
maghugos ng lakás at magtunaw ng utak, hindî upang yumaman
ni mag-utos sa isang bayan, kundî upang makaliwanag sa nanga
úulapang isip, makahawi ng mga dilím, at kamálîan , ó maka
sugpo ng masasamang asal ... ¡ anóng inam na katungkulan !
nguni't ¡ anóng damot namán ! Títipirín ninyo ang mga sariling
ginhawa upang maibigay lamang sa ibá ; mátututo kayóng
magpawalâng halaga sa sariling palad , upang ibá ó ang kalahatan
ang makitang mapalad ; itátabí ninyong madalás ang pag-asa
sa maligayang bukas , ang pag-aaral , lahát na , upang kayó lamang
ay mápain sa walâng puknát na pakikibaka, laban sa mğa malîng
hinagap at kadiwaràan ng mga tao, pagbabakang madalás pang
kayó ang matalo kaysa manalo, at kung magkábisalà pa kayo'y
kakutyâán at maging bagsakan ng sisi at poót ."
Nguni't ito'y hindi sukat pakapagtakhán .
Hindi ang Pilipinas lamang ang natatanging tumuntóng
sa ganitong guhit ng kabuhayan . Hangá't may bayan at may
48 LOPE K. SANTOS

pámunuán, hanga't ang pahayaga'y bibíg at tangulan ng bayan


at ang pámunuá'y kamay at kapangyarihan ng lakás , ang pati
walîng palad na iyán saan man ng mga pahayagán at ng mğa
maglalathala (prensa at periodista) ay hindi magmámaliw ni
mababawasan. "Ang maging marálitâ ang bayan at maging
makapangyarihan, ay balintunàng mangyari," ani Tocqueville.
O gaya ng naging kasabihan ng isáng matandâng tagalog,
pagka-hulaw ng mga himagsikan sa kastilà at sa amerikano :
"Kailan man ang pinunò ay makapuno, kailán man ang
pinagpúpunùa'y makakulang."
Ang tinatawag na bayan , hanga ngayon ay dilì ibá kundî
mğa sabóg na lakás , anopa't tandâ pa lamang ng kahinaan .
Ang manghimasok na sa kanya'y umakay at tumipon upang ma
gawâng isang talagang bigkís ng kalákasan, ay sápilitáng máka
kapangagaw at makakalaban ng pamunuang pinakakatawán
namán ng lakás na sa baya'y nagtátangan at nabubuhay.
Wala nang matakaw sa ikabúbuhay ng sarili gaya ng mğa
pámunuán . Kayâ sínománg makapagsúsulsól sa mga bayang
sa kanila'y tanging nagbibigay ng gayóng buhay, ay dî nilá
matítingnan ng mabuting tingin , kundi ng isang pagtingin sa
lalong mahigpit na kaaway. Kumampí sa bayan, ay para kang
nangabay sa isang murà at marupók na kawayan . Makipagtalo
sa pámunuán ay pag-away sa lakás . Ang lakás ay kapangya
riha't kasaganaan . Ang kapangyarihan ay katwiran . Ang
kasaganaan ay ginhawa . Anopá't hangáng hindi nabábago ang
pagka ang baya'y tanda ng kahinaan, ang ginhawa'y hindi
mápapakanyá , sapagka't hindî niyá hawak ang lakás ; at sa bagay
na ito , ang mga pahayagán at mánunulat , kapag talagang sasa
bayan din lamang, ay mapapalayô nang walâng sala sa ginhawa
ng kasaganaan .
Danga't marami nang bayani ng Sangkatauhan ang naka
pagpakilala sa pamamagitan ng pahayagán na hindî kailangan
ang sariling ginhawa , na walang gaanong kasaysayan ang isáng
buhay, ang isang dunong, tapang at kamag-anakan, hanga't
may bayang napaparoól sa pagkakatiwá-tiwalág at pagkaka
gupiling, disin wala nang katakot-takot at pinakaiwas-iwasang
hanap-buhay ang maraming tulad ng mag- periodista ó mag
lathala ng makapagpapamulat at makapagpapalakás sa nasa
bing bayan.
Marami rin ang sumúsuóng. Hindi ipinangíngimì ang
magsa gamó-gamóng núnugbá sa ningas . Sila'y katulad niyáng
BANAAG AT SIKAT 49

mğa uód na nagpápakamatay na sa punò ng kahoy na kinakanan ,


upang maging patabâ sa lupà at pangpalagô sa mga dahon at
bunga ng halaman .

Ang kaya ng isang bayan ay nas úsukat sa buhay ng kanyáng


mga pahayagán . Kung nakikita kong sa isang bayan ang mga
pahayaga'y mamatay-mabuhay, mapapalad nang magkaroon
ng isang libo't limáng daáng nagpapadala , ang nagkákautang
ay mahigit pa sa kalahatì, ang mga papel ay parang basahan ,
ang mga titik ay parati nang wangis sa mga ulo ng pakò, ang
mğa pásulatá't pangasiwaán ay bahagya nang magka-dalawá
ó tatlóng lamesang sulatán, at nakadádalawá ó iláng buwán
pa muna bago makapagtapós ng bayad sa mga manunulat , sa
mğa kawaní at sa mga manlilimbág .... kung nakikita ko ang
lahát na iyán , hindi na kailangan pang magpakáisip-isip upang
mapagkilala at masabi na ang bayang iya'y bago pa ngâ lamang
naníningalâng pugad , kung bagá sa isang binatàng nagsisimulâng
makákilala ng kalupàán.
Sina Delfín na ang magsabi. Silá ang makabibilang nang
kung makáilán niláng máriníg ang mga daíng at pabaláng na
mga pangungusap ng Nangangasiwà ó may-arì ng pahayagán
niláng sinúsulatan, tugóng madalás sa kanilang paglapit, kapag
tapós na ang buwán at nagtátanóng silá :
-Mayroón no pô ba tayo riyán?
-Ah!...- kasunód na ang mga tatát, kamot sa ulo at
kuskós sa taynga ng tinátanóng na Nangangasiwà . -Marahil
hangáng isang buwán na lamang ang buhay natin ! Siyá na
ang pahayagang itó ! Mábabaón lamang ako sa kápapaluwál .
Tignan niyó ang sulat sa akin ng "corresponsal" sa K... Noong
araw, hindi pa raw nag-aani . Nang makaani, ay bahagyâ na
raw ang naputol na tubó, sapagka't inubos ng balang. Nang
maasukal na , ay murang-mura namán ang pilón . Itóng "cor
responsal" sa B ... Ayaw namán díkonóng magbayad ang mga
dinádalhán doón , dahil sa mabuti nang makatangap sa "Correo"
ng sampung bilang sangbuwán, at madalás pa'y mínsanang
apat ó limá kun dumating sa kanilá . Itó pang isa ay nagsabi
na ng totoong nasirà niyá ang may apat na raáng piso, sanhî sa
kanyang pagkakapagkasakit , palibhasà noóng mga panahón
ng "cuarentenas" ay dî máipadalá , umanó , sa akin ang untî
untî niyáng násisingíl. Walóng daáng pisong matunóg ang
nasa kanyang pananagót ! ... Saán tayo súsuót? Ang sa S.
limangdaáng piso ang utang. Ang sa I ...., pitó . Ang sa .
kuwán, ay ... ¡ nakú, nakasásakit ng ulo ! Dito naman sa May
4-47064
50 LOPE K. SANTOS

nilà , ¿ay maníniwalà ba kayóng patí nang mayamang si Don


Florencio sa Binundók ay humingi na tuloy ng baha dahil lamang
násabi sa kanya ng mániningil natin, na konant na ang ibabayad
pagkatapos ng buwán? Sús ! Kun saán na namán akó háha
gilap ng maibibilí ng papel ó ng máuutangan ... Walâ akóng
magagawa sa inyó ! Kunin na muna kahi't itongitóng .. ilimáng
piso ! ....
Ang Mánunulat sa ganitóng buwíg ng mga dahilan ng Na
ngangasiwà, at sa pag-aalaalang lalòng mahirap ang walâng
mamukol sa kaniláng bulsá kahi't pípiso, ay mapipilitan nang
tangapin ng pápalá-palaták at búbuntó-buntóng hiningá, ang
ibinibigay na limáng piso, na para pang ipinagkakautang ng
loób. Lílimáng piso ang uwî, ay mangángalahatì na namán
ang buwáng kasunod ng di pa nabábayaran ! ...
Bago napa sa Antipulo si Delfín ay nakáriníg muna sa
Nangangasiwa ng Bagong Araw ng ganyang mga salita. Siya'y
isá sa mga manunulat ng tinurang pahayagán . Sa paghingi
at pag-alis na iyón , siya'y pinalad na dî ang karaniwang limáng
piso lamang ang nakuha, kundi mahigít-higít pa : anim na piso ,
ukol pa sa buwáng tinalikdán . Ito ang boông baon sa Antipulo
ng isáng mánunulat , ng isang binatàng sumunod sa anak ng
isáng Don Ramón Miranda pa namán ! ..
Nakabuti ang kanilang pagkakasumangan nina Don Filemón
sa batis , at nakapag-udyók sa kanyáng máunang umuwî at huwág
nang antabayanan sina Meni. Kundi'y náwili sana, at sa pag
káwili disi'y inabot siyá ng pamaligtarán ng bulsá at kalagután
nğ pisè .
Sa sálitâang ibabalità ni Felipe ang anománg magiging
sábi-sabihan tungkol sa kanya ng nangaiwan sa Antipulo, si
Delfín ay lumuwás nang hapon ding yaón .

Mulâ sa sigalót sa batis , ay apat na umaga na ang naka


ráraán . Si Felipe ay di pa pumapasok sa Limbagan ng Bagong
Araw. Siyá sa pahayagang ito ay manlilimbag namán .
Ang nag-isang umuwi sa Maynilà ay parang naraanán
na ng apat na buwán. Sa kanyáng guní-guní ay walâng oras
na di naghahálinhinan ó sabay-sabay na lumiligalig ang mga
sukat mahakàng nangyayari sa Antipulo nang mga araw na
yaón . Nálimutan na kaya nilá ang poót sa isang nakatalong
kampón ng Sosyalismo? Marahil . Ang Antipulo ay talagang
áliwan . Sinásadyâ upang makapagpalimot sa mga kapinsalàan
ng buhay. Hindi isang gaya lamang ni Delfín ang makapipigil
BANAAG AT SIKAT 51

sa mga típanan nina Don Ramón at Don Filemón at ng orkesta


ng "Gran Compañía de Zarzuela " na noo'y siyáng pinakamasipag
na alingaw-ngaw na nagpápaindák sa mga paá at katawan ng
madlâng nahihigingang marunong ó maibigíng sumayaw. Hindi
siyam na araw na magsisimbá lamang . Hindi siyám na umaga.
lamang na maliligò . Siyám na araw at siyám na gabí rin namang
magsasayawan at magsasayahan ng ubos-kaya . Kung hindî,
¿ay ano ang kapararakan ng balitàng Antipulo?
Ang pag-gugunitâ ng lahat na ito ay siyá pang nagpapalalâ
sa pagkainip ni Delfín sa di pagtangáp ng anománg balità sa
kanyang kaibigan . Tuwing umaga , araw-araw at oras-oras ,
pagdating na sa Pásulatán , ay walâng ipinagtátatanóng sa mğa
manlilimbag kun di ang kung pumasok na si Felipe . Hindi
ng hindi pa !
Ikaapat na araw na ngâ, walâ pa rin .
Sa loob ng lilimahíng dipáng parisukát na kuwartong yaón ,
Pásulatán ng Bagong Araw, ay nagtataguyod ang isáng kata
himikang tulad ng sa mga líbingan . Máliban sa násasabit na
relós na walâng tahán sa tangì niyáng nálalamang salitâng tik-tak,
at sa banayad na lagaslás ng mga panulat sa ibabaw ng maga
gaspang na papel- pahayagán , sa loob na yaón ay wala nang
iba pang alingaw-ngaw na bumubukál . Ang mákina sa lupa'y
hindi kumikilos dahil maaga pa . Maminsan-minsang ang mga
álingaw-ngaw ng tuksuhan at sutsutan sa ibabâ ng mga kahista ,
ay umaabot at bumúbulahaw sa gayóng katahimikan sa itaás ;
dátapwâ ang pinto ng Pásulatá'y laging nakatikom : ang mga
álingaw-ngawang ito'y hindi lubhang nakapípinsalà sa anim
na magkakasamang kawal ng panulat , na mámayâng mangá
patingala, mámayâng mangagkátinginan, kung minsa'y mangag
kátanungan , madalás na mangakipag-usap sa papel din niláng
sinúsulatan , sampûng mga kamay ay nápapakumpás na parang
nagtatalumpatì , nguni'y mga walâ ring likat sa kanilang pag
sulat, gaya ng mga kawal ng hukbóng hiratí na sa pagdiníg
ng mğa pútukan .
Paayón sa isang panig at sulok ay nag-iisáng tungóng
tungó sa kanyáng sulatán ang Namámahalà, ng pahayagán .
Sa gitnâ-gitna'y dalawang magkarugtong na lamesang kiná
hahanaya't kinapaghaharap-hárapan ng limá pang kasama .
-Ilagay ba natin ang balitàng itó ? -ang tanong ng isáng
lumingón sa sulatán ng Namámahalà .
-Anóng balità iyán? -ang usisà namán ng tinanong.
-Nárito sa Manila Times na ang abogado Pereyra ay
pinigil sa kanyang katungkulan ng Corte Suprema , sa kasa
lanang pagdarayà sa ilang nagkatiwalà sa kanyá ng usapín .
52 LOPE K. SANTOS

-Si Pereyra'y hinatulan na ? Nápahamak ! ... Hintáy,


huwag niyó munang ilagay, antayin natin kung ilalagay iyán
ng ibang kapahayagan !
-Itó namáng isá? Ang asawa raw ni Dr. Barbosa ay na
tutóp kahapon ng hapon sa bahay ni Dr. Kaligaya , at kauntî
nang magkamatayan . Kay inam na balità nitó !
-¡Ohó?-ang sáluhan, hindî ng Namámahalà lamang, kundî
ng halos lahát na mánunulat .
-Sabi ko na't may maráratíng din ! -ang saló ng isá.
--At bákit , dati mo bang nálalaman iyán?
-Nakú! Sa silong na rin ng Corte Suprema, isáng araw,
ay narinig kong pinag-uusapan iyán nina abogado Verzosa at
Pámintuan. May isáng buwán na ngayón , at noón pa raw ay
nagsangunì na kay Pámintûan si Dr. Barbosa , kung ano ang
mabuting gawin niyá upang matutóp, at kung matutóp na .
-Kay ganda ngâ namán ng asawa ni Dr. Barbosa ! -ang
náihimutók ng Namámahalà. - Ay anó, totoó ngâ kayâng na
tutóp na?
-Siyang sabi nitóng El Progreso.
-Huwág. huwág at ... puri iyán ! Kaawà-awà namáng
málathalà ang isáng bantóg na Doctor na maysuñgay. Kung
bagama'y sambít lamang at huwág ilagay ang kanilang mga
pangalan .
-Bakit ba huwág? -ang paklí ni Delfín.
-Pagbigyan natin ang masasabog na kahihiyán nilá !--
ang payo ng isang kasama at katapát sa uupán ni Delfín .
-Pagbigyán ! -anitó-¿ dahil ba sa yaóng isáng magdarayà
ay abogadong bantóg at itong nangagkátutupáng ito'y mğa
banság namáng doktor at doktora? Hindi ko málamang gawâ
ang atin ! Bakit sa munting may málaman tayong isáng taong
mahirap na nakapanubà sa isáng tindahan ó ng isang alilàng
nakapagnakaw ng isáng relós ó kaunting salapi sa kanyang
panginoón, ó kaya'y kung may nababalità tayong isáng dala
gang natitirá sa gayóng dampâ na ginagá ng isang amerikano ,
ó isang babaying asawa ng isang anluwage na náhuli sa pakikiapíd
sa ibang lalaki, bakit madali at walang pakú-pakundangan ang
mga pahayagan sa paglalagdâ ng boông nangyari, na marahil
dagdagan pa't palabukan ng mga pangutyáng salitâ, sampûng
mga buô nilang pangalan, gulang, kamag-anakan at kabuha
ya'y inilalagay?
BANA AGAT SIKAT 53

-Nárito na namán ang abogado ng mahihirap ! —ang tuyâ


niyón ding katapát . -Kaibigan , lo cortés no quita lo valiente!
-Ah, siyá ngâ !
-Kayâ rin lamang dî ka mákasundô ng iyóng bíbiyananín ,
ay diyán din sa di mo pagka-marunong magbigay at magpa
kundangan sa mga dapat pagpakundanganan .
-Siyá na nga kayo ! Talagáng ganyán na ang nakaugalian
ng mga "periodista :" dalá pa natin yaóng sa mga pahayagáng
kastila. Patí paghakbang, paghihikáb, pagbabahín , kaunting
lagnát , malakás na pagkain ng isang harì , isáng makapangyarihan
ó ng isang mayaman , ay inilalathalà na ng malalaking titik. Pag
mataas-taas na ang tungkól ó mayamán-yamán ang nahulihan
ng yutà-yutà mang pisong hindî kanyá, ay inilalagay na
hindi nakaw, kundi napagkámalán lamang. Kapag-nápataás
pa sa tungkol ang isang pinunò , na nakagawa ng isang mabutí
buting gawâ, kun sa bagay katungkulan niyá itó , sapagka't
binábayaran siyá ng dî birô-birông salapi, sivá, sígawan na ang
mga pahayagán, at ipamámanság pa ang tinurang punò ng gaya
ng pamamanság ng mga busabus sa ipagkákapuri ng kanilang
panginoong pinan únuyùan. Kay halay!.. Bakit hindi ang
masamâ'y masamaín , at ang mabuti'y mabutihin , saán mang bikas
mákita? Ano't pagtátakpán ang masamang gawa ng mga abo
gado, doktor at doktorang iyán , dahil lamang sa may-tungkól ó
may-yaman ?...
Ang mga salitâng ito'y hindi na narugtungán ni Delfín ,
ni hindi na rin natugón ng ibá, sapagka't siyang pagsungaw
sa pintô ni Felipe . Sa isáng hudyat kay Delfín ay dali-daling
nagtindíg itó, biglâng nakalimot sa pinagtatalunan niláng magka
kasamahán, at sinayahán ng mukhâ, katulad ng isang nabunutan.
ng pakò sa dibdib .
-Ayán na ang balitàng mailálagáy natin ! -ang patuksóng
salita ng isang kamanunulat na nároó't nakákaalám ng lahat
lahát na mga láguyùan nina Delfín at Felipe tungkol kay Meni ,
at nakatátalastás ding ito'y naiwan sa Antipulo .
Pagkakindát sa kanya ni Delfín , na sinundán ng isáng
kagát-labì, ay nagpatuloy na sa labás , na halos niyapós ang
kaibigang bagong- dating.

-Anó, anó ang balità ? Nárito ka na palá ! Ngayon ba


lamang umaga? Silá? Naáalaala pa ba akó nina Don Filemón?
Sa isang piling na mga tanóng na itó ng sabík na dinatnán
ay mínsanang isinaló ni Felipe ang :
-Oo , nárito't may sulat sa iyó !-at may iniáabót .
54 LOPE K. SANTOS

--Sulat ! ...
At siya?
-Doón pa sa Antipulo iyán ginawâ kagabí , nang mapag
káyarián kahapong kami'y úuwî na ngayón .
-Walâ pa kayóng siyám na araw.
-Walâ pa ; nguni't inabot na silá ng iníp , dahil sa káuulán
sapúl pa kamakalawá.
Hindi magkantututo halos kun saán púpunitin ang "sobre ."
Hindi niyá ugaling iwalat ang tungkól nangagaling kay Meni :
sampung mga balot ay iníingatan niyang malilinis . Madalás
na kundi babarin sa laway ó sa tubig ang pagkakádikít ng búkasan,
ay ginúgunting pa mandín ng boông ingat ang pinakaibabaw
na gilid upang madukot na buô ang lamán at buô rin sampûng
balutan . Buhat ng makasulatan si Meni ay iyón pa lamang
ang ikaapat niyáng nátatangáp na liham , bagamán ang náipa
dádalá nang ganang sulat niyá namán , ay marahil higít pa sa V
sampû, bukód ang mga ginupit na tulâ ó salaysay sa pahayagán
na kay Meni ay kanyáng ipinatútungkól at palihím na ipinadádalá ,
kábukasan ng pagkálathalà . Si Meni ay maramot na talagá
sa pagsagót . Sa mulâ-mulâ pa'y nakatatló munang sulat siyá ,
bago pinapagtamó ng unang kasagutan. Kailán ma'y hindi
nagkusàng sumulat kay Delfín, na paris ngayón . Sa kato
tohana'y wala pa namáng sukat na ipaging katungkulan na
niyá ang magkusà.
Pagkabukás ng balot, ay nag-unahán halos sa pagtunghay
ang mga mata ng dalawá . Binasa ni Delfín at ganitó ang ná
sasaysay :

“MINÁMAHÁL KONG KAIBIGAN :

"Nálaman ko agad kay Felipe na noón ding lingó ng hapon,


ikaw ay umuwi na sa Maynilà . Nang gabí ring iyon ay nálaman
ng tatay ko, ang nagsabi nama'y si Talia, sapagka't aking
násabi sa kanyá pagkaalám ko .
"Hanga ngayo'y totoong mabigat ang loob sa iyó ng aking
tatay, at gayón din ang mag-asawa ni Don Filemón .
"Másasabi ko at huwag mo namang pakaramdamín , na si
ñora Loleng ay nagsasalitâ sa aking ikaw raw ay hindi ko na dapat
tangapín sa bahay, pagka't isáng binatàng ... (di ko na sasabihin
.
dito at bakâ magalit kang totoó) ; nguni't sinalá siyá sa pagsa
salitâ ng kanyá ring anák na si Isiang, na siyá mong nagíng
taga-tangól sa aming pag-uusap .
"Hindi pa nagkásiya sa akin si ñora Loleng , sa paghaha
punan noong martés ng gabi, ay náungkát ka na namán , at sa
BANAAG AT SIKAT 55

tatay, sa harap- hárapan namin , sinabing ikaw ay alangáng


magpapanhík sa aming bahay . Nagkákatusak na raw ngayón
ang periodista at abogado; kayâ patí si Yoyong ay nasaktan.
"Sinulat ko itó dito pa , nang pagdating namin diyán sa
Maynilà, ay karaka-rakang máibigay sa iyó ni Felipe, at nang
huwag ka namang magkámaling pumanhík sa amin ngayong
mga araw na itó .
"Ang tatay ko ay nadádalá ng sulsól at napagsabihan
na akóng huwag niyáng mákikitang makipag-usap sa gaya
mong anarkista ... Hindi raw malayòng ikaw rin balang araw
ang magsúsukáb sa kanyáng búhay. Bakit ka ba tinawag na
anarkista? ¿tunay ngâ bang anarkista ka?.
"Hangán dito , at inúulit kong huwág ka na munang sása
lubong sa aming pagdating ; anománg ibig mong sabihin sa akin
ay ipasabi na lamang kay Felipe ó isulat agád , tulóy pag-utusan
ng makakaya itong iyong kaibigan .
MENI. "

Alanğáng mápangiti, alanğáng mápahimutók si Delfín sa


nábasang sulat . Nagtamà sa isáng kisáp ang mga matá ng
dalawang magkaibigan , na tila bagá sa noó ng isa't isa'y may
ibig siláng basahin.
-Anarkista akó !-ang pagulumihanang nasabi makasandali .
-Tignan mo ang iyóng ninong kung nálalaman ang kanyang
sinásabi!
-Anó ang muwáng niyón sa kaibhán ng Anarkismo sa
Sosyalismo! -ang náwikàng papshé ni Felipe.
--Hindi raw malayòng akó ang magsukáb sa kaniláng
buhay ! Ito'y paratang na may maangháng na lamán . Ibig ni
láng ilarawan akó sa kapahatán ni Meni , na isang taong kakilá
kilabot , karumal-dumal, walâng kálulwá at mámamatay.
Ganito ang akalà nilá sa huwág dî másabing anarkista!.
-Oo nga! -ang dugtong ni Felipe -ang Anarkismo sa
kanila ay pagpatay na nang tao. Hindi nilá nabábatíd na dî
lahát ng anarkista ay gumagawa nang ganitó . At tangì- tangì
lamang ang mga ginagapas na búhay. Natátakot sa isang bagay
na bunga rin ng kanilang kabuhayan . Nagsisigawa ng multó
at silá ang unang nangatatakot . Tila bagá magkakaroon ng
poót ang mahihirap kung walâng lupit ang mayayaman. Tila
magkaka-magnanakaw, kung walang kanyá-kanyahan ng pag
aarì. Mákikila-kilalá mo ang mga taong maykasalanan , sa
anino nilá rin ay nangíngilabot ! ...
56 LOPE K. SANTOS

-Iyán ang lakás ng gunam-gunam ! -ipinayo ni Delfín-


Nguni, kaibigan , diyatà't ¡ anarkista na akó ngayón ? ... Ha , ha ,
ha! Kay dadaling magpalakad ng araw. Patí panahon ay ibig
nilang mapagharìan ... Si Meni, ¿ anó namán ang sabi-sabi
sa iyo sa lahat ng iyán ? ¿ nagagalit din kayâ sa akin ? ¿ walâ na bang
ibáng bilin?
-Noóng lingó rin ng gabing umuwi ka na rito, kami'y
nagkausap sa bahay nina Bautista doón sa Antipulo .
-Bautistang ...
-Mğa taga- Santa Cruz. Nagkásayawan doón hangáng
hating gabi. Kaming dalawa ni Meni ang sa makálawáng ri
gudón ay magkaakbáy. Ang isá raw niyón ay patungkol sa iyó ...
Bihirà ring hindi kami ang di magkalibad sa mga valse at two
steps . Pag kinuha ng ibá , ay itinúturò akóng parating nápa
ngakuan na niya . Waring narinig ko tuloy na búlungan ng anak
na bagong-tao ni Bautista at nina Bentus , na tila raw ako'y kung
papaano na kay Meni.
-Baká ngâ namán kung ano na ang ginagawa mo sa akin !
ibinirò ng manunulat.
Nagkatawanan ng malakás-lakás ang dalawá , na náriníg
hangáng loob at ikinapagtikiman pa ng pariníg din.
-Huwag ka ba sanang mapanibughûing totoó.
--Hindi siyá sumayaw minsan man sa ibá?
-Maminsan-minsan at sandá-sandali ring náisayaw ng
ibá: anopa't bigay-loób lamang. Paanong di gayo'y mayroon
kaming matalik na pinag- uusapan : ikaw na ngâ.
-Diyatà?
-Maniwalà ka . Iyán ding mga nasa sulat ang noón pa'y
ipinakakatagubilin na sa akin, máliban iyáng mga pinagsabí
ni ñora Loleng na ngayon ko lamang natalastás ... Nakú!
nákita mo sana ang dî kaugaliang mímika roón ni ñora Loleng,
nang sumayaw sila ng amáng-kumpil ko . Kay ... kiríng ma
tandâ !... Pagkaalam ni Meni na noón di'y umalis ka , ako'y
sinisi kung bakit daw hindî kitá sinamahan. Kaawàawà ka raw
namán! Nang tayo ay lumálabás na sa batis , siyá ay mapapa
iyák sa habag sa iyó, kaya't madaling nasok sa páliguán . Ibig
niyang kabukasan ay sundán na kitá, pinapagdadahilan akó
kay tío Ramón , na maraming gawa sa Limbagan . Malungkót
na malungkot ka raw sa pag-uwing mag- isá !
-Bákit di ka ngâ namán umuwî pa?
-Unang-una napuyat kami nang gabing yaón, ikalawá
ay may nakayayaán akong umahon kamí noóng martés ng
umaga sa Talbág. Sakâ nakabuti namin ang di ko pagkáuwî
BANAAG A T SIKAT 57

agád, sapagka't disin hindi ko nápagdirinig ang mga sálitâan


nilá tungkol sa iyó . Pag ako'y náhaharáp, ay di ka lubhâng
pinag-uusapan nina Don Filemón , ñora Loleng, tío Ramón ,
Madlâng-layon at iba pa.
-Mğa sukáb!
-Pakingán mo ang sálitâan nila sa iyó.
-Bayaan mo na iyán at sakâ natin pag-usapan . Ang
sabihin mo ngayo'y anó-anó pa ang bilin ni Meni , bago ka pu
marito .

-Doón pa sa Antipulo, kanginang papalakád na kamí ,


ibinigay sa akin ang sulat na iyán . Nang kami'y nasa sa daán
na, sila'y sa automóbil at ako'y sa kalesa , ay ikinindát sa akin at
inihudyat na baká ko málimutan ang pagbibigay sa iyó . Nang
nasa bahay na silá at ako'y nasa lupà pa't pinakikialamán ang
pagpapababa sa karitela ng mga dala-dalahan namin , ay dingín
mo ang sigaw sa akin mulâ sa bintanà : "Felipe, anyá , iwan mo
na iyán sa kanilá at totoóng tanghali ka na sa pagpasok!" Sakâ
sinundán akó ng isáng tinging may kahulugán . Anó pang
tandâ ng pag-ibig ang nais mo , kasama ?
Anaki'y iniáakyát sa langit si Delfín sa paglangáp ng gayong
masasamyông balità . Nguni , katulad ng isang maysakít
na hinahainan ng mga pagkaing sari-sari at masasarap na halos
itulò ng laway, dátapwa'y pawàng dî rin nakasisiyáng loob at
tila may hinahanap pang isáng tanging lutò na walâ sa mğa
iniháhain , si Delfín ay napapailíng dî't nápapalabì , na anopa't di
man nagsasalitâ'y nahalatâ ni Felipeng may ibig sabihing :
"Oo nga, nguni't !
''
--Anó pang oo ang hanap mo ? -ang sa ganito'y náipag
patuloy ng nagbabalitàng kaibigan. -Ang pag-ibig ng isang
babayi ay hindî lamang sa sagót na oo napagkikilala . Maraming
oo ang naging bulâ lamang at asó . Hindi parating kailangan
na sabihing lantáran ng babayi ang "Tinátangap ko ang pag
ibig mo" ó kaya'y ang "Oo , umasa ka na ," upang mapagkilala
ng isáng gaya natin kun tayo'y may pag-asa na . Lalò na sa
mga dalagang tagalog, ang tunay na pag-ibig ay di karaniwang
sa dulo ng dilà nákikita ng buong-buô, kundi sa matá, sa pag
daramdam ng ating mga karamdaman at sa pagpapakaingat
na sila'y mabiglâ sa pag- irog.
---Oo nga, kasama , nguni't hindi mo maiáalís sa akin ang
hanga't hindi akó nakapagtatago sa pusò ng isá niyang malinis
na sagót, maging sa sálitâan at lalong magaling sana kun sa sulat ,
sagót na hubád na sa mga balot ng alapaap, sagót na kasing
ningning ng busílak , na muntî ma'y walang bahid ng paglilihim
58 LOPE Ꮶ . SANTOS

sagót na sa paglasáp ng buhay ko ay walâng mánanamnám na


iba pa liban sa dalisay na tamis ng pag-asa , ... anománg sabihin
mo, ay tila hindi makapagpapapanatag at makasísiyá sa mithî
niyaring loób. Pagkuru-kurùin mo ang aking buhay at lagáy
at ang buhay at lagay naman ni Meni. Gaanong agwát ! Isama
mo pa riyán ang pagkakamábigatan namin ng kanyáng ámá,
na, sa akala ko , kailán ma'y di ko mabábagayan, sapagka't
habang siya'y tumátandâ, ay lalòng nag-úubán ang kanyang
pagyakap sa buhay-mayaman , at habang ako nama'y gumú
gulang, ay lalong nagtitibay ang pananalig ko sa Sosyalismo ,
at mapagkikilala mo ang aking pinanghahawakang matwíd,
kayâ ganito na sa pag-aagam-agam sa Mening iyán .
-
-Aywán ko sa iyó : ikaw ang bahalà sa iyong pag-aalin
langan .... Dátapwâ, kaibigan , nápag-usapan natin ng gani
tóng katagál si Meni mo lamang , ¿ hindi mo na ba namán akó
tátanungin kun anó ang aking maibabalità sa iyó tungkól kina
Tentay, na nákita ko rin sa Antipulo?
-Ohó? Anó, anó ba ang nangyari sa inyó?
-Noóng lunes ...
-"Original ! original !" -ang sigawan ng dalawáng kahis
tang umaakyat sa hagdanan . -Mang Delfín , á las diez y media
na pô, ay walâ pa tayong "artículo de fondo !" -Felipe, ngayón ka
lamang dumating ay pang-aabala na sa mga "redactor" at sa
amin ang ginagawâ mo! -ang tuksó pa ng isang bagong panhík.
A las diez y media na palá!-ang panabáy na nabigkás ng
dalawang nag-uusap, na kapwà nakapaghagis ng tingin sa nása
sabit na relós .
-Mámayâ na natin pag-usapan iyán .
-Mámayâ na - ang ayon ni Felipe.
At saka pa lamang nagkahiwalay ang magkatoto : isá'y
nasok sa Pásulatán, na pinagtanunganan ng mga kasama , kun
ano ang balità, at ang isa'y nanaog namán sa Limbagan , na
pinagtuks úhanan ng mga kasamang kahista , tungkol sa dî
na lihim sa kanilang pagka-taga-hatid balità kay Delfín.

Ki
I HES H

39999:

Magnanakaw . . !
}€€€€€€€€€€€€€€€€€€、€€€€€

-Diyán ka tumayô, sa tapát ng dungawáng iyán ! Du


mahák ka ó kaya'y mag-ubú-ubuhan, yaóng ang tinig mo'y
huwág bagáng mákilala ng ibá , nguni't mákilala niyá. Siya'y
súsungaw ; kung mapagsiyá ka na , ay asahan mo't pápanaog
dito sa pintúan, magkakausap kayó . Ganitó ang aming pinag
kásalitaan kangina .
-Dito na ba ? at ngayong oras nang itó?
-Oo: mag-ingat ka lamang sa nangagdáraáng tao , lalò na
sa pulés.
-Kundî akó máramdamán ó mátanáw?
-Máraramdamán . Nakahapon na kamí. Lahát silá halos
ay na sa salas, patí ng mga panauhin . Siyá lamang ang walâng
salang nasakuwarto na't nag-áantáyng anománg kaluskós ó hudyát
sa may bintanà . Mag-íikawalóng oras na't kalahatì. Sa anó't
anó ma'y akó ang bahalà sa itaás .
—Makapanaog kayâng mag-isá sa ganitong oras?
-Hindi ngángayón lamang siyá nanánaog.
-At sino ang ibá pa niyáng pinápanaog?
Nápatawa ng impít ang isá. Sa tanóng na ito'y napag
kilala pa niya ang talagang pagka-mapánibughûin ng kausap .
-Huwag kang mag-alaala : walâng anopamán . Sa lahát
ng nakikita kong gumigiri-girì kay Meni , ay walang nakapangá
ngahás nitong magagawâ mo ngayón. Kilalanin mo't hindi
ang iyong ipagkákapalad ngayóng gabí, ay utang mo sa akin .
-Ay bákit siyá , wikà mo , madalás ditong nanánaog kahi't
gabí?
--Bihiràng dî maykasama . Karaniwa'y pagkagaling nilá
sa Night School ay napáparito sa hálamanán at nangunguha
ng sampagita: pag di nakagawa ng kuwintas sa hapon , ay gumá
gawa bago matulog, at naglálagáy pa sa ilalim ng unan , lalò na
noóng tag-init na dî raw silá mápagkatulóg .
60 LOPE K. SANTOS

-Hindi kaya siyá samahan ng alilà?


-Siya ang mas úsunód . Yao'y makabábabâ sa silong :
makapagyayao't dito sa pintuan , at makalálabás pa riyán sa
daán kahi't mag-isá .
---Síno-sino ang tao sa salas ?
-Nároón ang mag-inang taga- San Miguel at si abogado
Madlâng-layon . Dito nagsihapon , at nag- uusap sila-silá nina
tio Ramón at ni Talia . Hindi mo ba náuuliníg ang tawanan ?
-Oo, ngâ, kangina pa . At ang mag-asawa ng kapatid
na lalaki nina Meni?.
-Na sa "comedor :" ang kaniláng anák ang nilalarô .
-Kun gayón ay paano?
-Iiwan na kitá rito : ako'y doón lálagáy sa hagdanan:
siyáng makikiramdám sa itaas at kung anó't anó ay akó ang
masásabing kasama 6 kausap niyá sa pangunguha ng mga bu
laklák.
Tuloy-tuloy na pumasok ang nagpaalám hangán sa nawalâ
sa silong ng bahay. Ang pinagpaalamá'y naiwan sa pagka
kátayô, na natitigilan pa mandín sa pagsisimula ng isang iná
akalang gawin .
Ang dalawang nag-usap na iyo'y dilì iba't ang magkaibigang
si Felipe at si Delfín . Sa kanilang mga pinag-usapan , sa kaniláng
mga ánasan at sa pakublí-kublíng pagtayo sa madilím , ay ma
paghuhulò nang ang tíyapan niláng yaón , ay súsundán pa ng
isáng tíyapan ding lalòng maligaya ...

Hindi pa nag-iibang araw. Noo'y kagabihán din nang


pagdating nina Don Ramón mulâ sa Antipulo . Nang umaga
rin niyón nátangáp ni Delfín ang sulat ni Meni . Nang tanghaling
muwî si Felipe sa bahay upang kumain , ay inihatid nitó ang
pasabi ng katotong sinulatan , na hindî sa sulat ibig ipahayag
ang kanyang sagót , kundi sa isáng niíg na sálitâan . Ang sálitâang
ito'y tinanguán ni Meni pagkábalità , at nagkayarî siláng ikawaló't
kalahati ng gabi manánaog sa hálamanán , pagkáramdám sa ubó
ni Delfín, upang sa mga rehas ng bakod sa daán , ay mangyari
ang kanilang pag-uusap. Ang lahat ay napagkayarián sa
mabuting papagparaán ni Felipe.
Makálawá, makáitlóng nakapagpabalik-balik si Delfín , pa
rang masiyasip na sinúsukat sa hakbang ang kahabaang yaón
ng banketa ng bahay ni Don Ramón. Ubóng mahinà, malakás
lakás . dahák na iláng sunód ubó at dahák nang
BANAAG AT SIKAT 61

makasaíd-laway, ... ang inaabatang sumungaw, ay di pa rin


námamataan. Bakit ? Ano ang nangyayari? Pinaglaruan kayâ
siyá ng kaibigan ? ...
Tumigil sa may bungad ng pintô ... Lumingon sa likod
at bakâ may pulés ó ibáng taong sa kanyang pag-abat ay umá
abat namán. Sumilip hangáng káloob-looban ng silong na
abot-matá. Ni anino ni Meni, ni anino ni Felipe, maanong
nábanaagan .
Samantala ay diníg niyá hangáng doón ang mga alingaw
ngaw ng sálitâa't táwanan sa itaas ng bahay ... Ang tinig ni
Meni ay waring náuulinigan din sa pakikitawa.
Iniwan ang pintuan ; isáng yao't dito pa at tumayo na sa
pinakalikô ng daán , na sulok din namán at likô ng bakod na
pader at rehas ng halamanán. Mulâ roó'y ipinasakóp na buô
sa kanyang matá ang gayóng kalaking bahay na kanyáng tiná
tapatán . Kung nagtatampó man ang buwan sa gabing yaón ,
sa itaas at silong, sa loob at labás ng bahay ay mailaw namán.
Hindi si Don Ramón ang makapagtitipid sa luseléktrika. Kun
ang sa pintuang malaki ay hindi násindihan ng gabing yaón ,
ay sapagka't si Felipe ang may kagagawán . Disin si Delfín ay
di makalálayà roón ng pag-aabáng.
Hindi malapit na dî namán malayò sa daán ang tayô ng
násabing bahay. Bakod ngâ lamang at isáng hálamanáng
makitid, nguni't mahabà at paligid, ang sa harap ay nakapá
pagitan. Dalawá ang pinakamukha ng bahay, tig- isa't paayón
sa dalawang panig ng lansangang paliko at makipot . Ang bahay
ay bagong-bago, kundî sa yarì ay sa pintá man lamang. Malakí
nguni't di namán mákakasinglakí na ng lalòng pinaka-maha
halagang bahay niyáng páupahán . Siím, kahoy, bató, gaya
ng karaniwang bahay sa Maynilà nang nangangalahati ang
siglong nagdaan . Kun sa gandá at kisig, ang tahanan ni Don
Ramón ay walâng gaanong katangian .
Sa boông pagkátayô ni Delfín , bagamán sa guní-guní niya'y
ísá-isá halos na sumagì ang anyô ng lahát nang kuwarto at ká
suluk-sulukan , ang loob at labás, ang salas, ang mga hihigán,
ang mga uupán, ang lahat ng lugal at lamán ng bahay, ang tanang
taong doo'y nátitirá at ang mga dalaw, alilà at panginoón , ..
anopa't ang lahát nang ináakalà niyáng sa mga sandaling yao'y
sukat károonán ni Mening di na pumaná-panaog ; dátapwâ,
ang lalong napag-iitingang pagharian ng kanyáng mga matá,
ay ang boông harapán ng bahay, ang mulâ sa silong na pinasukan
ni Felipe hangáng sa pintuan sa daán , ang mula sa itaás na
bintanàng pangakòng súsungawan, hangáng sa katapát na hála
manán at sa lahát ng siwang ng mga rehas na bakal. Dito ,
62 LOPE Ꮶ . SANTOS

ang anino man yatà ng káliit-liitang lamók, ay di nakaligtás


sa kanyang matang nakalílimot na halos sa pagkisáp .
Si Felipe, saán nároón ? anó't hindî nabábalisa sa gayóng
katagal na ng pag-aantayan ?
Parang náulinig ang ganitong mga tanong sa sariling loob,
si Felipe ay kátaón namán at walang anó-anó ngâ'y sa súsulpót .
-Hintáy ka , kaibigan , huwag kang mainíp , at siya'y hindî
nakaraan sa salas dahil sa mga tao roón . Mulâ sa gitna ng
hagdanan siya'y tinátanáw ko nang papalabás na sa kuwarto
at paumat-umat na ibig magdaán ; nguni't nápataón sa isáng
táwanan ni Taila at ni Yoyong na patí siya'y nátawag at napag
sabihan ng dahil ng pagkakatawanan .
-Hindi pa dumúrungaw-ang paklí ni Delfín .
-Hindi pa? ... Nguni't náramdamán ka na niyón : sa
tingin ko'y talaga siyáng papanaóg na , napigil ngâ lamang.
Sandali pa !
At muling nasok si Felipe, at ang isa'y iniwan na namán .

-Tila nanánaog na ! -ang sa sarili'y náwikà ni Delfín nang


makasandali . May narinig na yabág sa hagdanan .
Hindi nagkabulà ang kanyáng "tila ." Parang kabilugan
ng buwang nakapulás sa makapál na alapaap , si Meni ay unti
unting namanaag sa may hagdanan . Buông ningníng, buông
gandá, buông luwalhatì ng áasam-asám na matá at pusò ni Delfín !
Ang sikat ni Benus sa dibdib ni Kupido ! Ang paták ng ulán
sa uhaw na lupà! Ang lunas ng pag-asa sa lason ng pagkainíp ! ...
-Ipéng, Ipéng ! ...
Si Meni ang tumatawag sa silong. Luminğap-lingap, at
pagkahagis ng isang tanáw sa maypintuang malakí, ay lumapit
sa pintô namán ng isang anaki'y yungíb sa ilalim ng hagdanan .
Ang tila yungíb na ito ay siyáng tahanan ng mag-asawang kotsero
ni Don Ramón .
-Ciriacoo ... !
-Walâ pô rito - ang tugón ng nasa loob na isang babaying
nagpapatulog ng pásusuhin niyang sangól . Ang babaying
ito'y siyang asawa ng kotsero.
-Nasa kabalyerisa pô at nagpapakain ng palay-ang idinug
tóng pa ng babayi, na ang kanyang tinig, bagamán marahan
lamang, ay umalingáw-ngaw sa loob ng gayóng lungá ng tao,
katulad ng alingaw-ngaw ng mga himutók ng isang napipiít
sa kalaboso.
BANA AG A T SIKAT 63

-Si Felipe ? náriyán ba ó náritó sa kanyáng kuwarto?


-Narito akó -ang paanás na tugón ni Felipe.
Itó ngâ'y nasa sa loób din ng lungâng yaón ; kaíiwan pa ni
Ciriaco at talagang ang pinag- uusapan nila'y ang mangyayari
sa gabing iyon sa dalawang magkasintahan . Sa mag-asawang
kotsero ay di na kaila ang lahát at lahát . Mapa kay Delfín at
mapa kay Meni, ay di na míminsáng silá ma'y nakakapagdalá
ng mga iniúutos sa kaniláng sulat .
-Ipéng, samahan mo akong manguha ng sampagita.
-Oo , kun iyán lamang .
Ang dalawa'y lumabas sa silong ; napatungong nangunguna
sa pintuan si Felipe, at si Meni ay lumihis sa dakong kaliwa ng
hálamanán.
¡ Bakâ pumasok pa siyá ? -ang bilin muna ng dalaga.
--Ay anó?-ani Felipe .
-Huwág ! dito akó sa loób at siya'y sa labás na lamang :
sa mga siwang ng rehas kamí mag- uusap, kung anomán ang
ibig niyang sabihin .
Tumikím si Felipe . Ang nasa labás ay sumagid namán
sa may pintô at tinungo ang tapát ng bakod na kinároroonán
ni Meni.
-Diyán ka na ; -ang ibinulóng muna ni Felipe sa dalaga
napasama ka sa akin dito at wikà mo ikaw'y nag-lisá , ngayóng
may kasama ka na , ako'y áalis namán.
At yumaon na ngâng sa sarili ay ibin úbulóng:
-Hindi na sampagita lamang ang makukuha mo riyán ! ....

-¡ Meni?
-Delfín !
-Asa ko'y títiisín mo na akóng magdamagín dito !
-Paano , hindî akó makapaná-panaog, maraming tao sa
salas . Kangina ka pa ba ?
-Oh!... kagabi pa !
-Palalò ! Nátanáw ngâ kitá mulâ sa bintanàng iyón ! ...
-Dî na katá nákita !
-Malabò ang matá mo ! ... Anó iyón? ¿ mayroon ka ngâ
bang sasabihin ?
-Ay Meni ! ... mayroón, marami, mahahalagá, malu
lungkót kung iyong palúlungkutín , masasayá kung iyong pasá
sayahin !
64 LOPE K. SANTOS

-Anó iyón? sabi nang madali at bakâ ...!


-Pápasok muna akó riyán !
-Abá, huwág !
-Lumabás ka sa maypintuan .
-Ah, ayoko!
-Masamang lalò itóng anyô natin ! Bakâ may tao ó may
pulés na máparaán dito ...
-Kaya madali ka .
-Mahabà ang aking sasabihin.
-Abá !....
-Papaano, Meni, anó ang malay ko , kung ngayón na lamang
katá mákakapulong !
-Hindî ....
-Ah, pápasok ako riyán. Mabuti riyán sa hálamanán
niyó at makakaupô tayo.
At pagkasabi nito'y hindî na nag-antáy ng halí ó huwág
pa ni Meni, at tuloy-tuloy na itinulak ang pintuang bakal na
bukás ng gagadangkál lamang. Nasok, at ang dalagang nang
lálamíg sa sindák ay nilapitan ng boông giliw.
Ang langit namán noo'y walâng ipinakikitang alíw sa sungit
ng lupà, kundi ang ilang nag-andáp-andáp na mga bituin . Ang
buwán , na dapat sanang pakitang gasukláy na , ay patuloy pa
rin sa pagtatampó : nagpapabayà nang ang malamíg na simoy
ng hangin at ang mapanglaw na itím ng gabi ay siyang magwagi
sa kalupàán. Sa lansangang yaón ng Santa Cruz ay walâng
luseléktrika, nguni't may mga dulong-liwayway na umaabot
sa tapat ng bahay ni Don Ramón , galing sa kabilang daán .
ang ilang punò ng koles, ilang-ilang, sampaka, gumamela , kamu
neng, niyog na nagtatáasan , bukód ang malalagong mga baging
ng granadina na nag-gapang at nagpulupot sa halos boông mga
rehas , ay siyang lalò pang nagpápakublí at nagpapalamlám sa
kaunting liwanag ng ilaw na buhat sa ilang bukás na bintanà
at sa may hagdanan sa silong, ay lumiliwaywáy ng bahagyâ sa
hálamanán . Dito'y may mga sadyâng ilaw rin , nguni't pawà
noong mga patay.
-Nakú, si Delfín ! ...¡ sukat kang pumasok!-ang nanginginig
na sabi ng binibini - Bakâ may makákita sa iyó rito ! ...
-Dito'y mayroón akóng mapangúnğublihán , dî gaya sa
labás na dáanan ; dito ako'y lalòng mapalad , kaysa kun sa ati'y
may mga rehas na pag-itan ; dito ko masúsubok ng totohanan
kun si Meni ay talaga ko nang maaasahan ó hindî pa ; dito , ¡ oh
Meni ! dito ko ibig máriníg ang isang salitâ mo, isáng salitâ lamang
BANAAG AT SIKAT 65

na katumbás na ng aking buhay ...! Kun ang batis na yaón


sa Antipulo ay di pa nagíng dapat na sumaksí at magpatamó
ng lubós kong kaligayahan, itó nang hálamanán mo rín ang akin
ngayong inaasahan ... !
-Delfín, alalahanin mo ang galit sa iyó ng aking tatay!
-Naáalaala ko . Hindi ko malílimot kailán man, gaya ng
dî pagkalimot sa iyó. Sa pag-aalaala ko niyón, kayâ námithî
ang ikaw'y dito kausapin .
-Si Delfín nama'y parang di nakatátalós na malaking
kapangahasan na itong ginawa ko sa mga ganitong oras ! Pu
masok ka pa !... Nanlalamig akó ! ...
-Huwag kang matakot : higít kailán ma'y ngayón máipa
kikita sa akin ang tunay mong pagdamay sa dináramdám ko !
--Hála ; .... pagsabi na , ¿ anó ang ibig mong sabihin sa
akin?
-Ang ibig kong sabihin ? ... Di mo pa ba nahúhulàan ?
-Akó ba'y manghuhulà?
Sa lamán lamang ng aking pusò manghuhulà ka …………….. !
Madilím ngâ ang gabí. Ang hálamaná'y kublí pa at malilim .
Dátapwâ, sukat sa isá niláng tinginang sumunod sa gayóng
tanóng ni Delfín , ang mga balintatáw nila'y labis pang naging
tanglaw upang magkábasahán sa mukha ng kapwà pag-irog
na walang kamatayan .
-Oo ! ... ang sagót na bahagya nang namulás sa matamís
na labì ng binibini.
-¡Anóng oo? —ang masigláng habol ng binatà. —¡ Iyán na ba
ang sagót mong hinihingî ko ?
-Oo ... .!
-Meni ko!
Sa kasasalán ng tibók ng pusò , sa kasidhîan ng samyô ng
gayong walang kasingtamís na sagót, ay nahawakang biglâ ni
Delfín, ang kanang kamay ng kanyáng irog . Pinisíl , inakmaáng
hagkán ang palad ; nğunì't biglâng ipinitlág ng dalaga .
Huwág ! —anyá-¿ anó ang gagawin mo ?
-Lálagdâán ko ng pasasalamat !-ang sa boông giliw ay
tugón ng binatà .
-Ang kamay ko ?
-Ah ... ang pisngí mo ! -at umakmâng tupdín ang siná
salita. Nguni't di nangyari . Naagapang palisín ni Meni ang
kamáy niyang isinapupo sa garing nitong babà at pisngi.
5-47064
66 LOPE K. SANTOS

-Huwag kang malikót sana ! —ang samò .


-Pabayaan mo, ¡ oh Meni ko ! na aking ibulong sa iyong
pisngi at mga labì ang mataós kong pasasalamat ... !
-Sa ibang araw na .
-Si Meni namán ! -at sa isáng kisáp-matá'y tinupád ang
kanyáng nápauntól na akmâ.
i
-Magnanakaw!
T
!
-Hindi kailangan : hindi ko namán loob iyán ! Magnana
kaw ka !
-Meni !
-Bákit ka mapangahás na totoó ?
-Si Meni !
-Anó sa akin : nakaw lamang sa pagkakálingát ko!
Ang binata'y natigilan sa ganitong pagpapawalâng halaga .
Siya nga namán ! Anó ang kasaysayang nasamyô man ang
gayóng bangó, kung patay na loob ang sinamyuán ? Nagsisi .
Nguni't sayang na mga sandalî iyón .. . !
-Oh, búhay ko ! ¿ diyatà't pinápalibhasà mo ang isáng
ginawa ko dahil sa pag-ibig natin lamang?
-Mangyari'y hindi ko loób .
-Kun gayo'y antáy ko ang iyong kalooban !
-Anó pa ang kailangan, Delfín ?
-Bah! parang ikátutulóg ko ang másabí-sabí mong, kundî
pa panakaw ay dî ...
-Hindi na ; hindi ko na iyán sásabihin, kailán man ! -ang
isinambót na matamis ng dalaga .
-Ah, ayoko namán ! Ang ibig ko ngayon ay isá mong
tunay na kalooban .
-Sa ibang araw na !
-Nğayón na rin !
-Papaano?
--Ibubulong ko riyán ng matunóg, nguni't pipi ang aking
pasasalamat ; at ang oo mo'y isulat namán dini ng iyong mga
labi , katunayan ng iisá tang puso't kálulwá .
Una muna ang mga matá , bago mga labi't pisngî ng isa't
isá ang nag-usap. Anóng tamis na pag-uusap !...
-Anó pang pag-asa ang iyong ibig?-ang pagkasandalf'y
namutawi sa bibig ng binibini.
BANAAG AT SIKAT 67

-Mayroon pa : lalòng mahalagá : kailangang málaman


ko ang pasya mo . Sásabihin ko sa iyó ngayón dín , nguni't huwág
dito: tayna roón sa luklukan ng glorieta at nang ang mga anino
nati'y hindi mábadhâ sa mga sinag ng ilaw dito .

Ang hálamanáng yao'y hindî pítasan lamang ng mababangó


at magagandáng bulaklák , kundî páraanán din naman ng mğa
kaayaayang sandalî . Sa gitnâ-gitnâ , tukól sa isang sulok ng
bahay, ay may isáng marikít na glorieta , kaugalian na sa mara
ming halamanán sa Pilipinas ; yaring pulós na kawayan : mğa
patpát na pinagsabát-sabát at binalantók ; sinadyaán sa iláng
haligi at hubog ng mga kaluskós at sari-saring palamuti ; pinin
tahán pa ng kulay-dahon, sakâ pinatungan ng mga salá-saláng
kawad , mula sa ibabâ hangáng sa taluktók na tila taklób-bubóng
ng sabungán ; bago pinagapangan sa malalagông baging ng
aurora. Sa silong ng glorieta na may apat na pintông lágusan ,
katugón sa itaás ng apat na balag namang pahubóg din at giná
gapangan ng tinurang mga baging at ng mga kasalít na rosas
de pasión, ay may apat na luklukang nakapaligid sa isáng lame
sang marmol sa gitnâ, at ang nangásabing bangko ay anyông
silyang kahoy na maysandalan .
Nilisan ng dalawang magkasi ang lugál na kinátatayuán.
Sapupo ng kanang kamay ni Delfín ang baywáng-hantík ng
binibini, at pigil ng kaliwâ ang kaliwâ ring palad nitó, na parang
sutlâ sa lambót at kakinisan , samantalang ang kanang kamay
niyáng hindî pigil, ang nagíging taga-tangól ng hiyâ at kahin
hinán sa mapupusók na akmâ at mapagpanganib na kilos ni
Delfín ... Silá sa gayón, ay dalawáng artista mandíng nangaga
ling sa loob ó likod ng tabing at magkaakbáy na lumálabás sa
tanghalan ng dúlàan .
May mga punò ng sampagita at kampupot na kinábabala
kirán ; may mga sangá ng kamuneng na niyúyukuán sa paglakad ,
may dama de nocheng humahalimuyak ng masangsáng, may
mga pasô ng alfonso, conde de París, rosas de té, de naranja, de
libra, margarita , pitiminí, malva-rosa, at kung ano-anó pang
halamang-Singalong, na may sari-saring pangalang binyág ng
mğa maghahalamán , ... ang lahát ng itó, na sa magkábilâng
panig ng landás ay nangátataním at naghahálimuyakan , ay
waring mga kawal na náhahanay doón at nagpapágaraán ng
ayos habang ang mga harì nila'y nagdáraán .
Nguni't, ang mga kabanguhang yaón sumagì ma'y ano pa
sa pangamóy at gunitâ ng magkasintahan . May isáng dî kara
68 LOPE Ꮶ . SANTOS

niwang bangó siláng sinásamyô at ináasám na mápupog ng


wala nang bitíw hangáng kamatayan : ang bangó ng Pag- ibig ,
ang tamis ng Sumpâan ...
Pagdating sa hanay ng mga bangko ay nupô ang dalawá na
anaki'y namamalikmatà kapwà . Parang walâ nang ibang tao
sa lupà kundî silá lamang!
-Nğayón , -ang mabining mungkahì ng dalaga - sabi na
kung ano pa ang iyóng sásabihin !
—Oh , aking langit ! ibig kong ikaw'y aking máilipád ngayón
sa impapawid : doón tayo magbahay at nang masarili natin ang
ligaya !
-Sa impapawíd? ...
-Ibig kong tayo na lamang ang mátirá sa ibabaw ng lupà,
ng walâng makaabala sa ating kapanatagán .
-Sana nğâ !...
-Ibig kong mamatay na akó ngayón din sa kandungan mo,
nang dî na abutin niyaríng buhay ang ipagbabago ng iyóng loob
sa akin.
-Kung ano-anó ang sinasabi nitó ...!
-Náguguní-guní ko , Meni , ang iyong paglimot .
-Paglimot ko? akó ?
-Ah ...! náiisip ko ang layò ng agwát ng ating buhay:
ako'y dukhâ , ikaw ay mayaman .
-Salát ka man sa salapî, sa magandáng loób nama'y saganà.
-Ang pulós na kagandahan ng loob ay di naipakikisamang
mabuti sa yaman.
-Mayaman ka pa sa isip, bukód diyán .
-Itó pa nga ang lalòng bumábaklá sa loób ko na ikapó
poót niyo sa akin balang araw.
-At bákit , Delfin , bákit namán?
-Ang amá mo lamang sa tanóng na iyán ang makasásagót .
-Sa akala ko namán, kung ikaw'y maging abogado, hindî
mo na máikahihiya ang hingin ang kamay ko sa aking tatay.
-Sa makatwid , hangáng hindi akó abogado ...
-Alám ko na ang sasabihin mo !-ang isinambót ng dalaga
Kun sa akin ang título ay walang kabagayán. Sukat ang maging
si Delfín kang walang maliw, upang masiyahan na ang loob ko
ng lubos na lubós hangán sa mamatay. Tikís na ngâ lamang
I
ang tatay ko ! Nguni't anó ang magagawâ niyá kun talagá
Lope K. Santos.-"BANAAG AT SIKAT"

Nilisan ng dalawang magkasi ang lugal na kinátatayuan . Sapupo ng kanang kamay ni Delfin
1
BANAAG AT SIKAT 69

ko nang ibig? Ngayón lamang, nároroón silá at ako'y náriritó


sa iyó : ikaw namán ang aking tatay .... ang aking panginoón...
ang aking...
-Anó ?
-Ang aking ... Delfín !
Isáng piping salitâ , nguni't matunóg at pasulát sa mayuming
babà ni Meni , ang tanging náitugón ng binatà .
-Hála , magsamantala ka , Delfín ! -ang nabigkás ng boông
giliw ng binibini . - Dátapwâ ... naáalaala mo ang pagkalimot ko
sa iyó, at ang pagtalikód mo sa akin , ¿ hindî?
....
-¡ ... ?
-Oh, Delfín !
-Meni , níniyák ka ba ? Hindî dapat ihalò sa mga sandaling
itó ang luhà.
-Nágugunitâ ko namán na bakâ ang kadilimáng itó ng
gabí na sa ati'y nagbábantáy, ay siyáng maging kapanglawan
ko bukas, ó mámayâ ring ako'y iyó nang malisan ! ...
-Sa aki'y di magbubuhat ang kapanglawang iyán , ¡ sumpâ ko !
-Sa akin ma'y hindî, ¡ sumpâ ko rin !
Kun gayón ay huwag mong sayangin ang luhàng iyán :
gamitin mo kung nàbuburol na ang bangkáy ko .
Ang mabangóng panyô ni Delfín ay siyáng nagpatuloy na
kumaú-kausap at umamò-amò sa mga matá at pisngi ng kan
yáng irog. Nápakababang luhà ! Sa bisà ng galák ó sa paít
ng gunam-gunam, ang mga luhàng yaó'y maaaring iukol. Hindi
ang lungkót lamang ang ikináiiyák : ang kagalakan man kung
minsan .
Samantala, ang pagkalimot nilá sa mga ibá pang bagay na
sukat pag-usapan -gaya ng mga nangyari sa Antipulo at ng
mga nangyari sa Maynilà, nang sina Meni'y maiwan doón at si
Delfín ay muwî rito ay maanong napukaw ng isá man lamang
salita sa gayong katamis na pag-uulayaw.
Ang dilim ng gabi ang unang may kasalanan ....

May isang karwaheng tumigil sa tapát ng pintuan .


Isáng lalaki't isang babayi ang nabâ .
Ang sinag ng dalawang ilaw na de-aceiteleno, sa biglâng pag
tigil, ay parang nagsabi kina Delfín ng pangulat na : "Ano kayó
riyán?"
70 LOPE K. SANTOS

Ang kaniigán ng kanilang pusò ay parang tinangáy ng


limbás sa gayong pagbulagâ ng ilaw. Kun sila'y dî títinag sa
lagay na yaón sa úpûan, bagamán nasa silong ng glorieta, ay
walang salang maáaninag ng dalawang nabâ kung masok na sa
pintuan.
Nagkubli kapwà sa isang panig na masukal ng glorieta:
lumigtás sa tamà ng mga liwayway. Mulâ roón , katulad ng
mga moro sa Magindanáw kung nangagkúkublí sa kabaka , ay
sinilip at pinakábalalayan ang gawi ng lakad ng dalawáng nána
sok sampû ng mga pagwasiwas ng ilaw.
-Síno iyón? síno silá ? -ang ánasan ng dalawang nagtátagò .
Si Meni ang unang nakakilala .
-Ah ...! si Don Filemón -anyá- at si ñora Loleng!
-Sa ganitong oras, mahigit nang ikasiyám ng gabi?-ani
Delfíng nagtátaká.
-Madalás siláng pumarito ng ganyáng oras . Sakâ marahil
galing silá sa fábrica at ang tatay ko'y bábalitàan . Tila raw
ang welga kangina'y napayapà na .
Ang mag-asawang nasok ay nangagtuloy sa hagdanan ,
na walang pangí-pangiming para rin ng sa sariling bahay.
-Walang salang ako'y háhanapin sa itaás -ang náwikà
ni Meni.
-Hindi, hintay ka! bayaan natin silang magtawág, kunwâ
ikaw ay nasa kuwarto na't natútulog.
—Abá , kita akó nilá nang manaog ! At ang pagpanhík ko ?
-Kun gayón ay manguha muna tayo ng ilang sampagita,
at nang mádahilán mo sa pag-akyát .
Siyá ngang ginawâ ng dalawa . Ang mga panganib sa sinag
ng ilaw ng karwahe ay inalumana , makakuha lamang ng kaunting
bulaklak na madádahilán .
-Paano ang paglabás mo ? -ang samantala'y nasabi ng
dalaga.
-Bahala na , kung pasásamahan mo akó sa iyong alaala .
At pagkakuwán, ang dalawáng dibdib nilang walâng kabú
sugán sa pagbibigayan at tangapan ng ligaya, ay pinapag-isáng
tibók muna bago nagkahiwalay.

Datnán ni ñora Loleng sa gayong oras ng gabi at sa bahay


ni Don Ramón ang mag-inang taga-San Miguel, itó ang tiná
tawag ng mga kastilàng el jacabóse!, itó ang ¡oras mo na! sa bantóg
na prayleng si P. Mariano Gil , nag-kura sa Tundó .
BANA AG AT SIKAT 71

-Abáaah ! —ang pagkapanhík sa hagdán at pagkábungad


sa salas ay nasabi ng ñora- Marami palá kayóng bisita, Ramón ,
Talia ..
Parang nátamaan ng kidlát ang mag- iná, pagkákita at pag
káriníg sa dumating. Ibig nang sumagót ng dalagang taga
San Miguel, si Julita ang kanyang palayaw- na : "Oo ngâ ,
kamí ang bisita, ¿ anó mayroón sa iyó?;" nguni't napigil nang
mákitang may ibáng taong kasunód , na nákilala nilang si Don
Filemón.
Si Don Ramón ay natitigilan , at nápamatà na lamang kay
ñora Loleng. Ang naunang nakapagsabi ng : "Magtuloy kayo !"
ay si Talia, sakâ nagtindigan silá ni Yoyong, upang makikamáy
sa mag-asawa.
-Anó , Filemón ? -Ang pagkakuwa'y usisà ni Don Ramón
sa kanyang kaibigan . Kangina pa kitá ináantáy, at ibig kong
bago mag-umaga ay málaman ang pinangyarihan ng inyong
usap ng mga nagwelga . Umupo kayong mag-asawa .
Nakiumpók si Don Filemón sa pagkakabukód ng kanyáng
kasamá at ng mag-iná ni Julita sa isang panig ng salas , tabing
dúrungawan , at si ñora Loleng na halos na'y maduling sa káiirap
sa mag- iná at kahahagis ng masamang tingin kay Don Ramón ,
ay hindi roón nakiumpók, kundi ang nilapita'y ang nálalayông
dalawá, si Talia at si Yoyong, sa kabilâng dako namán ng salas .
Sa paglapit na ang matá'y kung násaán, ay nasagasà tuloy ang
isáng lúrâang losa , kayâ't sa hindî oras ay pinapaglinis ang mğa
alilà sa bahay ng mga násabog na karumhán sa tablá.
-Puéh! ... puéh! -ang mapabintanà at mápasalikód ng
uupán ay madalás ipagpahalatâ ni ñora Loleng ng kanyáng
suklám .
Hindi pa nag-iinit ang likód ni Don Filemón sa sandalan ,
ang mag-iná ay nagtindigan at nagpaalám na kapwà.
-Kami'y áalís na ; -ang salitâ nang iná ni Julita -kayâ
di kamí mápanapanaog, ay sa pag-aantáy ngâ ng makakahalili
sa amin ; ngayong mayroon na kamíng kahalili , kamí'y magpá
paalam na namán ...
-Aalís na ba kayo ? -ang tanungan ng isa't isá, máliban
si ñora Loleng na tumalikod pa mandí't sumungaw sa bintanà,
bago nanlurâ ng isang pagkálakás-lakás , na anopa't ang pagka
tulingág lamang ng isáng Don Filemón ang di sukat makahala
tâng yao'y may malubhâ nang kahulugán .
Si Talia at ang kasintahang abogado, sa pagkakálapít ay
nakapagkálabitang, ibig mandín niláng sabihing: "Pag nag
kátao'y nagkaroón dito ng combate dahil sa tatay!"
72 LOPE K. SANTOS

Kay Talia ay hindi na kailâng si ñora Loleng ay maykapang


yarihan, nguni't lihim lamang, na manibughô sa kanyang amá.
Sa abogado Honorio ay gayón din namán . Anopa't si Don
Filemón lamang ang tátangá-tangá roón , at walâng kamalák
malák , na sa ulo'y nalálaglagán ng dahon ng kawayan .
Sa sarili naman ni ñora Loleng , ay totoong hindî niyá mada
lumat na maging ang mag-iná pang yaón ang pumanhik ng
ligaw sa dî niyá máibibigay na Don Ramón. Ang sinabi ni Talia
na kaya nagsiparoón ang nasabing mag-iná , nang gabing yaón,
ay salubong lamang sa kanilang pangagaling sa Antipulo, ay di
nakapayapà muntî man sa ngitngit ng asawa ni Don Filemón .
-Sabihin na lamang niyó kay Meni-ang nang papanaóg
na sa hagdán ay bilin ni Julita-na kami'y umalis nang natutulog
na siya .
-Si Meni-ang wikà ni Don Ramón -ay hindi pa natutulog,
nákita kong nanaog sa lupà. At sinundán ng dalawáng tawag
ang anák na walâ.
-Pô ! Nárini akó , tatay , kausap ko sina Berang ! -ang
mulâ sa lupa'y itinugón ni Meni.
Si Berang ay siyáng asawa ng kotsero.
Nánanhík si Mening may balutan ng sampagita sa kamay
at nananaog namán ang mag-iná, nang sila'y magkasalubong
sa hagdanan .
-Aalís na ba kayo?
-Oo, Meni : mayroón na rin lamang kaming kahaliling isáng
reina-reinahan -anáng iná ni Julita .
Si Meni'y napatawá na lamang.
-May-araw ring mapapasaing sa amin ang tía mong iyan !—
ani Julita .
-Abá ! -ang pagitláng náisagót ni Meni -bakâ kayó máriníg
ni Don Filemón !
-Eh kung máriníg ba ? ...
Sa pag-aalaala ni Mening bakâ lumubhâ pa ang mga pag
papariníg, ay siyá na ang kusàng nag-abót ng kamay sa nag
sisipanaóg. Sa gayón , ay natuluyan na ang pag-alis ng mag- iná .

Ren
mmm mm በጠበጠ

VI
Si Felipe.

Anák ng isang mayamang ginoó sa Lalaguna , ni kápitáng


Loloy, ay kung anó't nagtítiís sa pagkamanlilimbág lamang sa
Maynilà. Iniluwás ng magulang nang may mga labingwaló
nang taón, pagkapawing pagkapawì ng mga bagabag sa Silangan ,
upáng makapag-aral sa "Ateneo de Manila " ng Comercio. Nang
""
una'y itinirá at ibinayad sa loob ng Colegio, sa pagka-“ interno .
Dapwa't makaanim na buwan lamang ay hiningîng pilit sa
amá ang siya'y sa labás na patirahín , nang di magtuloy ang
pangangayayat. Inilabás namán ni kápitáng Loloy at sa bahay
ng kaibigan at kumparing Ramón itinuloy.
Hindi pa nakatátatlóng taón ay pinasukan na ng lamíg at
tabáng ang loob sa pinag-aaralang dunong. Ang salitâng
comercio ay kun anó't pumaít at sukat sa pusò at nagíng maitím
na kaaway ng kanyang budhi . Siyá man sa mga sariling pagbu
bulay-bulay, ay di lubos na makasayod ng kung bakit nawalán
ng muntî mang kasiglahán at pag-ibig sa pinapag-aaralan ng
mga magulang, gayóng ang taón na lamang na iyon at makatáta
pos na. Ilán sa mga aklát na pinakapagngitngitán at madalás
ipakipagtalo at ikagalit sa kanya ng Nagtúturò ay ang
Economía Política at ang Derecho Mercantil . Sa pusò niya'y
waring may mga bumúbukál na tibók laban sa maraming saád
ng mga tinurang aklát , tuwing matutunghán , lubhâ pa yaóng
mga banghay na nagsásaysáy ng tungkol sa mga tinátawag na
valor, propiedad at capital, at ang bahaging nagsasabi na ang
karálitâa'y hindi mawawala sa Sangkatauhan, sapagka't ang
magkaroon nang mayaman at mahirap ay talagang katutubo
na sa sociedad ó katipunan ng mga tao , na anopa't upang magamót
ang karálitâan ng marami, ay walâ nang ibáng paraán kundî
ang caridad ó pagkakawàng-gawâ na lamang ng mga nanánaganà .
Sa budhi ni Felipe, kung pinag-aaralan ang mga bangháy
na ito ng Economía Política, gayón din sa Derecho Mercantil,
ay may mga sinag mandín ng isang tanging ilaw na parating
sumásagila, at ang ipinaliliwanag ay hindi ang mga katwiran ng
maygawa ng aklát , ni ang mga paliwanag pang idináragdag ng
Nagtúturò, kundi ang mga kamalian at kabulàanang kimpál
kimpál na doo'y nátatalâ .
74 LOPE Ꮶ . SANTOS

Nang di mapagsusuóng sa yamót ng Nagtúturò , ay napili


tang makigaya riyán sa mga mapaglimayóng nag-aaral. Hindî
míminsang ang mga bató sa pampáng ng dagat, sa boông baybayin
ng Luneta , hangán sa may káduluhan ng dating lansangan ng
"María Cristina," na ngayo'y pinamámagatán nang "Avenida
Rizal , " ay siyá niyáng napagbíbibiláng, at ang lilim ng mga
punò ng niyóg doón ay madalás na siyáng naging himpilan ,
habang ang oras ng pagtatapós ng klase sa Ateneo ay ináanta
bayanang marinig sa gayong pagkukuwatsa.
Gumayón nang gumayón ang mga araw, at sa ikalawang
"exámen" nang ikatlóng taón, ay kalabasang kalabasa lamang
ang nakuha nivá. Ang mga nagtúturò man at ang mga kasa
mahán ay nagtátaká . Hindi namán máiukol sa isang kapurulán
ng ulo, sapagka't subók na nilang si Felipe, kapag talagang
nag- aaral ay may tinagò rin namáng talas at katalinuhan. Nguni't
nátirá ang pagsasapantahà ng ilang kasama , -sapantahàng uma
bot hangán sa taynga ng mga nagtúturò , -na dî sásalang ang
ikinasísirà niyá sa pag-aaral, ay ang pagtahán sa bahay ni Don
Ramón, na si Talia, ang anak na dalagang matandâ pa namán
ng amáng-kumpíl, ay siyáng hingíl at nákakawilihan.
Kun ang hinalàng ito'y nápasa dalagang batà, kay Meni ,
kaypalà pa'y di lubhang kataka-taká.
Nasayang ang mga pangaral at galit ng tinátahanang parang
magulang. Walâng nangyari sa balà at pagmura ng amá at sampû
ng inang si kapitana Toyang, maging sa pamamagitan ng mga
sulat na sagot sa mga kasusumbong ni Don Ramón , at magíng
sa mga pagluwás nila at pagdalaw.
Ayaw namang muwi na sa Silangan .
Sa sakit at pagpapasakit- loób yatà ni kápitáng Loloy, ay
náisipang iluwás na rin sa Maynilà ang kanyáng isá pang anak na
bagong nagdadalagá.
-Ang kapatid mong si Marcela ang itítirá ko naman at pa
pag-aaralin sa Concordia, -anyá kay Felipe, isáng araw na nag
kausap siláng mag-amá-upáng makita ng tao na may anák pa
rin naman akong nakakakilala ng kahihiyán . Hindi niyó akó
masisisi . Ikaw na lalaki ang una kong pinagkagugulan . Yamang
ayaw ka nang mag-aral, ang babayi namán. Dapwà't mulâ sa
mga araw na itó , itagâ mo sa iyóng noó , ay huwag ka nang umasa
sa muntî mang pag-alaala ko : ang nátataán sa iyó ngayón at ang
máuukol pa kung ako'y mamatay, ay iúubos kong gugulin sa
pag-aaral ni Marcela . Ibig mo ang ganyán , mabuhay kang
mag- isá mo ! ..
BANAAG AT SIKAT 75

Iniluwás nga't ipinasok si Marcela sa páaralán ng "La


Purísima Concepción" sa may Santanà, noóng buwan ng Hunyo
ng 1903 .
*

Anó ang mangyayari sa isáng anák na lalaking pinagkaitán


na ng abuloy at pamana ng magulang?
Sa mga pagkahiya sa magulang at sa tinítirahán , ay di
míminsang nasok sa kanyáng budhi ang balak na mahanga'y
magbalik nang muli sa pag-aaral ng Comercio, yamang ito'y
siyang ibig ng kanyáng amá , palibhasa'y siyáng nábabagay sa
kabuhayan nila . Dapwà't ang pagbabalik-loob na ganitó , minsan
ma'y di na muling maatím ng lubusan.
Náakalàng mabuti'y mag-aral na kaya ng ibang dunong
ó hanap-buhay : pag-mamaestro, sa halimbawà ; nguni't ¡ mag-aral
pa ng inglés ! .. Mag-tagasulat man lamang sa isáng Notaría ó
Bufete ng abogado ... , nğunì , " makatagál kayâ, anyá, akó sa
ugaling pagmemeritorio , at talaga ba namang sa hanap-buhay na
itó ang aking hilig?" Hindi rin ang tugón ng kanyang budhî.
Kung kumuha na kaya ng kahit pagka-escribiente sa Servicio
civil? Malaong nag-alinlangan sa balak na itó : makáiláng
naganyák ng ilang kaibigang nanánagano na sa ganitong mga
tungkól ; dátapwâ't makáilán din namáng gumiít sa kanyang
gunita ang mga paghahakàng "mahirap na ang maglingkód
sa Pámunuán . "
Anó ang makikita niyáng hanap-buhay ó dunong na dî
paghihirapan? Nguni't hindi sa ayaw siyang magtiís ng hirap ,
ayon sa kanyá ring wikà. Sínomán namáng nakakakilala sa
kanyá, ay makapagsasabing siya'y may likás at kusàng sipag sa
balang gagawing naaayon sa loob.
Sa mga gabing paghigâ na ikinapagdídili-dili sa marawal
niyang buhay, ay naitátanóng sa sarili :
-Anó ang naging sala ko sa aking magulang at pinakapag
tampuhán na ng ganitó ? Ang hindi pagkásunod sa ipinipilit
nilang pag-aralan?.. Sa hindi ko talagang hilig ang gayón ,
¡ bákit kaya bagá't mapilit siláng talimwangin ang katalagahan ng
isa't isá ! ... Akala ng ilang magulang, lahát na ng anak ay
maaaring magparì, bagay na sa pag-aabogado , pagmemédiko ,
at gaya ng kay amá, ay sa pag-aaral ng Comercio! Ito'y hindî
ko máialís sa kanilá. Ang nais ding mátanghál na dakilà ang
mğa anák, ang siyang nakapag- úudyók sa mga magulang ng
gayón. Dátapwâ't hindi na ba maaaring dumakilà ang tao kundî
sa pagtatamó ng matataás na katungkulang iyán? ¿diyán na ba
lamang kumakapit ang pangalang dunong? .. Ah! sanhi sa mğa
6
76 LOPE K. SANTOS

ganitong paghahakà , kayâ saán ma'y ipinalálagáy na hamak at


mababa ang ngalan , palad at pagkatao ng mga mangagawà,
niyáng mga kundî man nakapagsasauló ng lamán ng maraming
aklát , ay siyá namáng nangagpawis , nagpuyát at nagkágutom
gutom sa pag-uugnay- ugnay ng mga titik, sa pag-wawastô ng
mga mali , sa pagpihit ng malalaking makina , sa pagtahî , pagputol ,
pagbabalát at iba pang mga gagawing kinakailangan ng isang
aklát upang mabuo at magamit ! Alangán na kayâng totoo
ang uri ng hirap ng isang naglimbág at tumahî ng aklát sa pag
katao ng umisip , sumulat at nag-aral ng doo'y nangálalamán ?...
"Oo't malaki at malayò ang naáabót ng isip , nguni't sa buhay
na ito, ¿ anó ang mangyayari sa pulós na pag-iisip kundî bábagaya't
púpunán ng mga kamay na malilipák , bisig na matitigás at balikat
na nagpapawis ? Anó ang mapapalâ ng isang arkitekto ó inhen
yero na magguguhit sa papel ng mga lalòng kárikít-dikitang
balangkás ó talatag ng isang bahay, kung walang mga katawáng
yáyapós sa mga kahoy ó bakal na isásangkáp, kung walâ niyáng
mga sinasabing hamak ó murang buhay na magsasapalarán sa
mga panganib ng pagkahulog, pagkáragán , at kung magkábisalà
pa'y sa panunubà ng isang walâng kálulwáng nagpapagawâ?
"Pinapag-aaral akó ni amá ng Comercio, ¿ anó ang Comercio?
Anila'y nang matuto akóng mangasiwà sa aming mga lupà , na
yaón bagáng mğa naáaning niyóg, bunga , tubó , kakáw, kapé, lan
sones , palay at iba pa, ay pakinabangan namin din ng lalò at lalò ,
sa paraang huwag nang ipagbilí sa maliliit na mang-aangkát doón,
kundi sa malalaking mámamakyáw dito sa Maynilà ; at gayón
din namán , hangád niyáng kung ako'y tumalino sa pakaliwâ't
pakanan ng mga pagbili at pagbibilí, ay kamí na ang makáhago
ng tanang kalibkíb , langís at iba pang doón sa lalawigan nami'y
naáani, at nang maipapakyaw namán . Katakot-takot na
hangád, kayâ akó pinapag-áaral ! Yaóng mga kaawa-awàng
kasama namin , na kálulwá't katawa'y nababaón na sa utang
nang aking iwan , ay maragdagan pa ang hangád ni amá , kung
lumakí nang lumaki ang aming mga lupain ! Yaman at yaman
pa rin ang ibig ! Dahil, dikonó , sa aming magkapatid ni Sela ,
na pamamanahan . Mápapasaán ang hiyâ ko kung papag
manahin ng di kawasàng kayamanan , sa ako'y walâ namáng
pinuhunan kundi ang pagkakapag-aral lamang ng Comercio
ó ibá pa mang karunungang nasa aklát, at sa boông pagkatao'y
inianák din namán akóng hubád at kákanin ng lupà kung mama
táy, katulad ng lalòng kárukhâ-rukhâang anak ng ibang ma
gulang? ...
"Hindi ! dili nárarapat lubusín ni amá ang panghihinabáng
sa akin! Hindî namán pagliligaw, ni kusàng pag-ayaw na má
BANAAG AT SIKAT 77

tuto ang di ko ikasunod sa kanilang nais . Hindî akó nagsúsugál,


ni gumagawâ ng anopamáng makasísirà sa aming ngalan ....
Dátapwâ't paáno akó ngayón !? Náraramdamán kong si Don
Ramón man , sa aki'y tinátabangán na . Mahalay na ako'y
pasanín pa nila sa pagkain . Hindi nararapat ang walâ akóng
hanap-buhay !" .
Dito'y naghahagilap na sa gunitâ ng lalòng tagmâ sa loob
niya't hilig na pagkakakitaan .

Sa mga kaibigan ay may nakapagsama sa kanyá sa isáng


limbagan. Tinurùan siyá roón ng mga pawaták-waták na butas
na kinálalagyan ng mga letra, ng pagkilala, pag-uugnay-ugnay
at pagbasa ng pabaligtad . Nang nakadádalás na ng pagkilala
sa mga kaha at letra , ay pinapagpilî na siya ng nagkakahalò- halò
at pinagwalisáng mga titik na sari-sarì. Atupag na niyá araw
araw ang pagdakót sa isang mamunô- munông sisidlán ng pastel
ó halò-halò, na isáng tila salóp na kahoy ang anyô, nguni't ma
lakí rito't malalim kung mámakaitló lamang ; bawa't dakót ay
inilalagay ng pakalát sa isáng malapad na galera, palanas na tab
láng pinagtútumpók-tumpukán ng mga titik na magkakaisáng
katawán (cuerpo) at guhit (crán) . Nang maubós-ubós na ng
nangángapál niyáng mga daliri at palad sa dumí at alikabók ang
gayong karaming pipilfín, ay tinuruan na siyá ng pagsasabog
ng mga titik na napagbukód-bukód at ng mga titik na pinag-ugnay
at nagamit na sa paglilimbag.
Makáilan siyáng pagtuks úhanan ng mga kasama kapag
sa pagdampót ng mga sampû ó labínglimáng hanay (línea)
ng mga titik na sasabugín, ay hindi magkantututo ! Ang mga
daliri'y nanínigás at ang mga titik ay madalás pa sa paták nğ
ulán kung umuhô sa pitak ng espacio ó nang a ó nang t na siyáng
nangátatapát sa kanyang kaliwâng kamay na mayhawak.
Maliliit na batang marurunong na ay bumíbirò sa kanyá . Hindî
míminsang siya'y nabubulyawán ng nagsisigawâ sa mga pitak
niváng nápagsasabugan, dahil sa kayamót-yamót na pagha
halo-halo ng mga titik.
Sa pitak ng a kung minsa'y may mádampót siláng sunod
sunód na o , s , n, g, i at iba't iba pang nabíbitiwan at sukat ng dî
pa sanay na mga daliri ni Felipe. Sa pitak ng q ay madalás na
maraming b, at sa b ay q namán . Sa p ay maraming d, at dito'y
iyón.
May isáng birò pang masamâ sa mga limbagan . Ang
pinaka-kabisilya, pag naisipang manuksó , ó pag sa masakít na
birò ibig paraanín ang parusa sa kanyang mga tinúturùang
78 LOPE K. SANTOS

námalî, walâng anó-anó'y lumálapit sa iyó at bigla kang bigyán


ng isang lagapák nang suntók 6 tampál sa batok ó likód, na
sinúsundán ng salitang "cariño ko lamang sa iyó iyón !" Nğunì,
salamat sa pagka dî magasláw ni Felipe, at sa kanyang pagka
binatà na , ay hindi siyá nágamitan ng kabisilya ng gani
tóng mga birò.
Sa mga limbagan ay huwag mong maiiwan ang iyong sinelas,
kung nag-iingat kang huwág málagyán ng beha, mag-asóng
parang bapor at kapasùan ng talampakan sa walâng malay na
pagsusuót ; kundî beha ang ilagáy, ay kola ó anománg malagkít .
Huwag ka ring magkakamaling padalá sa antók, na yumupyóp
baga sa kaha , ó sa mga ilalim ay magsumandaling matulog,
sapagka't kundi ka mágising sa mga panikník, ay sa kalabóg
ng mga bagsakan ó sa paták ng mga letra at regleta na kun saan
saáng dako nangagaling.
Si Felipe ay dî na magtátanóng ng mga kaugaliang itó :
pawà niyá halos dinanasan . At kung nakatagál pa hangán sa
siya'y matuto nang humawak ng kumpunidor ó 6 ugnayan ng mga
titik , at makadalás- dalás na ng pagkukumpuní, ay dahil sa mğa
himok at pagpapayo ng kaibigang sa kanya'y nagdalá roón , na
huwag magpupuná at mapagbubugnót sa gayóng mğa biròng
naging kaugalian na saán mang limbagan . Anopá't mğa da
lawáng buwán lamang, ay dagí na si Felipe sa mga tuksuhan at
masasakit na birò.

Isang araw ay pinagmuntikanang nátuloy ang binanta


bantâ niyang pag-alís at pagtigil.
Sa pagdampót ng isang gakalahating dangkál jna taás ng
sabugín, ay nagiba ang molde ng isang anuncio sa planang
dinárampután .
Isá sa mga kasamang nakakita sa gayón , ay dî nag-imík
imík. Pagkalipas ng mga inakuhan ng maraming nakakita
rin , at ng mga salitâng: "Ipê, kung dumádabog ka'y huwág
kang gumawâ, umuwi ka na kung ikaw ay nag-áantók!," ang
ginawa ng isang iyón , ay tinawag siyá , pinakuha ng isáng pilas
na papel na pang-prueba at pinasunód . Pagkalampás sa kiná
roroonan ng makina, siya'y pinapaghintay. May isang sigarilyo
na ang oras na nakaráraán, ang inaantay niya'y di pa lumálabás.
Habang naíiníp sa gayón , ay siyang pagtawag sa kanya ng
napaáantáy. Lumapit naman at ang papel na dalá-dalá ay
hiningi ng isa at ginamit sa dî nivá ináasahang paggamitan .
-Ganyán na lamang ang bagay sa iyong hanap-buhay :
ang sabi kay Felipe -taga-pagdalá ng pang- iwang ! ...

A
BANA AG A T SIKAT 79

Biglâng pinagdimlán ng isip si Felipe . Nasok sa gunitâ


niyang ang gayóng birò'y labis nang alintanahin pa ng kanyang
pagkalalaki . Anhín na lamang kung isáng kabisilya ang gumawâ
ng gayong pag-alipustâ. Hindî at isáng dî pa namán gasinong
mabuti na sa mga inabot niyá roóng magkakasamahán .
Sa pag-gunitâ ng ganitó at sa pagdaluhong, sa nakaupô pang
sa kanya'y bumirò , ay higit na kisáp-matá lamang ang naging
patláng. Sinungabán sa dalawang paypay at ipinakáriín sa
pagkakaupô na anopa't ang nakábirò ay nápahiyaw .
-Anó't ako'y hinangál mo, taong alibughâ ? —ang nasabi
ni Felipe Síno kang bíbirò sa akin ng ganitó?
Ang nágantihán , pagkatindíg sa pagkálugmók at pagkapag
ayos ng damit sa katawán , ay nag-anyông lumaban , nguni't
walâ nang nangyari at napag-áwatanan ng mga dî nálalayông
taga-makina .
Káhapunan din noón , ang dalawa'y muling napapagká
sundô ng mga kasamahán , bagamán kapwà silá ipinag-fihít
nang tawa ng bálana, tuwing maáalaala ang pagkakádalá ng
isá ng pang-iwang at ang pagkakálupagì namán ng isá sa lugál
na pinang-iwangan .
Lumalâ-dumalang ang mga tuksó sa kanya ay lumalakad
ang araw. Siyá ma'y nakakátuksó na rin kung minsán . Nátuto
nang makipaglaban .
May anim na buwán na marahil , nang magkapalad
makáriníg sa bibig ng kabisilya na siya'y pasásahurin ng
apat na piso isáng buwán ! Nang maka -siyám na buwán , naging
anim ; naging pitó , at nagíng waló pa nang makahustó nang sang
taóng singkád . Siyá namá'y nákakatulong na sa mga gagawing
mahihirap at mádalian .
-Salamat at may walóng piso ka na , sa íisang taón lamang
na pag-aaral ! -ang isáng sábado ng hapon ay isinumbát ng kabi
silya , nang siya'y nagmamakaamòng dagdág-dagdagán, sapagka't
ang walong piso'y kulang pang pananghalian sa sangbuwán . -Nang
panahóng kami'y paris mo pa lamang, itanóng mo sa mata
tandâng iyáng kasama natin : -ang dugtong pa sa kanyá-nagtá
tatló at naglílimá kamíng taóng taga-lutò at taga-kuha lamang ng
pagkain ng aming mga "maestro" at taga-bilí ng sigarilyo , mabuti
nang kami'y mábigyán sa sangbuwán ó tuwing Paskó at Mahál
na Araw ng pangbili ng sapín at sambalilo man lamang.
May nakapagsama sa kanyá sa isang bagong bukás na pá
hayagán. Nangangailangan namán itó ng mga manlilimbág
na murá-murá . Doo'y nákuha siyá sa sampûng piso . Doón
din naging labingdalawá at labinglimá ang sahod sa loob ng
80 LOPE K. SANTOS

may anim na buwán . Káhulí-hulihan , sa pagbabawas doón ng


tao, nálipat sa limbagan ng Bagong Araw. Isáng buwán lamang
na nagsa labinglimá ring piso sa nálipatang itó, at nang sila'y
magíng magkaibigan ni Delfín , ay dalawangpû na ang sinásahod .
Salamat sa pag-iibigan nilang dalawá, kaya sa bahay ni Don
Ramón ay unti-unting nakapakilala si Delfín , na noo'y malaon
nang áasam-asám at áabat- abat kay Meni, nguni't walâ namáng
pangyarihan ...
*

Mula sa gabing yaóng kátamis-tamisan sa ganáng kay


Delfín at kay Meni , at kápait- paitan sa ganáng kay ñora Loleng
at sa mag-iná ni Julita , ay may kuláng-kuláng nang dalawang
lingó ang nakaráraán . Anopá't nangángalahati na ang Hunyo :
araw ng lingó ng umaga.
Si Felipe at si Delfín din.
-Kasama , may maibabalità akó sa iyó ngayón na isáng
mahalagang bagay.
-Anó iyón?
-Kahapon ng hapon ay dumating ang aking ina at kapatíd
na dalaga . Hindi nakasama si tatay, pagka't di mapabayaan
ang pagpapakainğín ngayón sa bundók : sakâ malakas daw
ang pagpapakalibkíb .
-Salamat ! ...... Matanda na ba ang iyong iná?
-Hindi pa namán gaano : mahigit na apat na pû lamang,
-Hindi ba galít din sa iyó?
-Kaunti , nguni't nadádalá lamang ni tatay. Ang tatay
ko'y may ugaling harì sa bawa't ibigin . Tuwing páparito si
nanay, ako'y pina úuwi na sa amin , nguni't kung málaman ni
tatay ay kinagagalitan siyá . Ang takot sa kanyá ni nanay ay
dî takot sa Diyós . Sa pagpapadalá lamang sa akin ng salapî
ó anomán ni nanay, ay di birò-birò ang paglilihim at pag-iingat
na ginagawâ. Ngayón daw lamang sa pagluwás nilá, ay kábi
lín-bilinan ni tatay na huwag akong pakikialamán .
-Ay anó ang sabi sa iyó ng nanay mo?
-Pagdating ko na sa bahay kahapon ng hapon , at hangáng
sa pagtulog, ay tigás na káiiyák at kápapangaral sa akin . Ka
míng mag- iina'y nagkáiyakang matagál ...
Si Felipe sa pagsasalita nito'y nápaluhà . Sa sandaling
iyo'y parang bumugsô sa gunitâ niyá ang lalòng mapapangláw
na larawan ng palad na dináranasan . Ang luha'y inaka
làng ipaglihim sa pamamagitan ng isang panyông kinuyóm
sa kamay. Nguni't hulí na : hindi lamang si Delfíng kausap
BANAAG AT SIKAT 81

ang nakahalatâ , kundî sampû ng dalawang lalaki pang nálalapít


sa kanila . Sila'y nangátatayo sa mayharáp ng pintô ng dúlàang
"Libertad ." Bukód sa pitó ó waló kataong nagkákanyá-kanya
hang usap sa harapáng yaón , kabilang na patí ng dalawang mag
katoto , sa loob ng dúlàan ay may limá pang taong nangáluluklók :
tatló sa kanang panig ng mga butaka , dalawá sa kabilâng panig
ng mga palko, at may isá pang nasa sa esenaryo , na naghahanay
ng ilang luklukan namán at isáng lamesang susulatán sa gitnâ.
Sa pagmamalas sa gayong mga lagay at kilos , ay mapagkukuròng
may idáraos doóng isáng pulong, at sínománg nakakakilala sa
taong naghahandâ sa itaás ng sulatá't mga luklukan, ay kaáala
mang paanyayà ng Kapisanan ng Pag-gawa sa Pilipinas ang
pagkakatipong gaganapín .
Ang mga matá man namán ni Delfín ay tila náhahawahan
nang luhà. Kung kasabiháng "ang sakit ng kálingkingan , ay
damdám ng boông katawán ," ang magkatotong ito'y dapat na
ngâng magdamdaman sa talik ng kanilang pagsasama , na anopa't
sila'y masasabing hindi na kakálingkingan at katawán , kundî
halos íisáng katawán na lamang. Sa ayá ng anománg gabinlíd
na lamán ng pusò ng isá na di natátantô ng isá! Kailán na

lamang sila nagkákilala ! Dátapwâ't sa wala pa halos sang
taong iyán, ay napanibulos ng di sapalà ang kanilang pagma
máhalan , nagkásiliran silá agád ng loob , na anopa't ang pag
kakáibá ng kanilang mga magulang at bayan : isáng taga-Laguna
at isáng taga-Maynilà, ang pagkakáibá sa urì ng kanilang pag
aaral at hanap-buhay: isáng mag-áabogado at isang manlilimbag ,
-pagkakalamangang sana'y sukat ipagkálayô niláng dalawá,
ayon sa mga ugaling pag-iíringan ng isang nakarúrunóng-dunóng
sa isang hindî -ay siyá pa mandíng nagpapatibay na lalò sa ka
nilang pag-iibigan.
Natátalastás na lahát ni Delfín ang lalòng natatagòng
sugat sa kaibuturan ng pusò ni Felipe , kayâ sa gayóng dalamhatì
nitó, sa paggugunitâ ng kanyang sinasapit na buhay, ay nag
dáramdám siyang para ring sa sarili nangyayari .

-Ay anó? -ang makasandaling pangungusap ng kanilang


matatamlay na matá, ay naging tanong ni Delfín - ¿anó ang sabi
sa iyo ng nanay mo?
-Pina úuwî akóng pilit , magmakaamò raw akó kay tatay ;
at nang aking másabing ako'y pabayaan na muna rito , yamang
may kaunti nang pinagkakakitaan, ay sumamâng lalò ang loób ;
nágunitâng akó , na dapat daw sanang nahíhigâ sa banig ng
kaginhawahan doón sa amin , ay náritong manlilimbag lamang
6-47064
82 LOPE K. SANTOS

na nagpapaupá sa halagang dalawangpûng piso at sa ibang tao


nanánahanan. Umiyak nang umiyák ; kagalitan ako't kaawàán ,
sisihin ako't pangaralan . Kaya lamang humupâ-hupâ sa gayón
ay nang masabi kong ako'y nag-áakalàng mag-aral ng wikang
inglés sa gabi-gabí, at mahirap din namang walâ akó rito sa May
nilà na sukat makatingin-tingin kay Marcela sa pagkátirá sa
Colegio . Sasabihin daw niya ang ganitó kay tatay, at umaasang
magbabawa na ang kagalitan sa akin .
-Kayâ?
-Oo , at siyá raw ang bahalà
-Salamat ! Hárinangâng kayong mag-amá'y másaulî sa
dating pagmamáhalan . Bagamán sa minsan kong pagkakita,
sa iyong amá nang huling luwás niyóng Disyembreng nagdaán ,
ay napagsurì ko ngâng totoo ang lahát mong balità sa kanyang
pag-uugalì , na may kiyás , kilos at pangungusap ng isang pusakál
na kasike; dátapwâ, kailán man , katoto ko , ang magulang ay
magulang. Nálalayô ka man sa kanya at náwiwili rito , ay huwág
mong kalíligtâán ang paggawa at pagsisimpán ng anománg
bagay na sa kanyáng loob ay makasísiyá at sa kanyáng galit
ay makapagpapalubág na untî- untî . Anó ngâ't di mo pa
pangatawanan kahit ang pag-aaral ng inglés ? Sa gabi-gabing
paghahatid kina Talia at Meni , kung ikaw patí'y nánasok na ,
¿di inglés man lamang kung nakapagsasalitâ ka na , ay mábalità
at ikalugód ng iyong amá?
-Oh, Delfín, hindi mo pa kilalang mabuti si tatay! Huwag
nang inglés ang mátutuhan ko , kundî patí man griego , latín ,
pransés, alemán, ruso, hapón , insík ó ang lahát na ng wikà sa
ibabaw ng lupà , ¿ akalà mo ba, alinmán dito'y makasísiyá sa
loób niya at makatátakíp sa unang náibigan ? Sinalitâ niyáng
Comercio ang pag-aralan ko , Comercio lamang ang kailán ma'y
makasísiyáng loób sa kanyá !
-Paano't paano man, sa pag-aaral ng inglés ay may pag
kakátutuhan ka rin sa mga bagay na sa iyo'y pinapag -aaralan .
--Ang hatol mo ! ... Pag-aralan ko ang inglés dahil bagá
sa iya'y wika ng lalòng malalakás na nasyon? dahil ba sa iyán
ang gamit ng mga bagong pinópoón natin ? dahil kayâ namán
sa ang inglés ay sinasabing siyang lalong malaganap na wikà
sa mga pangangalakal ng Sansinukob? ...
-Huwag na riyán , kundî dahil na lamang sa kasabihan
ng mga kastilà, na ang dunong ay di nakasisikip.
-Oooh! ¿ at ang kasabihan namang ang panahon ay ginto?
Itó na munang mga unang kailangan ng aking pagkatao ang
dapat kong pag-aksayahán ng panahón ó pag-aralan , bago iyáng

1
BANAAG AT SIKAT 83

kailangan ng malaking bayang pumapataw sa maliít na lupà


natin . Hindi kaila sa iyó , Delfín : alinmán ang wikà ng mga
pámunùán ay di matátahô ng mga tunay na taong-bayan ó ng
karamihan . Sa pagsasalin ng mga kahulugán, ang malálama
ngang lagi ay ang hangál at mahirap . Iyáng mga tinatawag na
"lenguaje oficial, " saá't-saán ma'y pakanâ na lamang ng mga
harì at pámunùán , upáng silá ang unawàin ng bayan at dî silá
ang sa baya'y umunawà. Ikaw na rin ang kináringáng ko sa
isá mong pagsasaysay, na sa boông Istorya ng Sangkatauhan , mulâ
sa matandang panahón hangá ngayón , ang pagpipilit ng wikà ng
isáng bayan ó lahì sa ibá , ay ugali lamang ng mga bayan ó
lahing kumákanyá sa mga nakakayanang sakupin . Kaya ang
maliliít 6 mahihinàng bayan, tuwing magkákabagong panginoón,
ay nagbábalík sa abece ng sibilisasyón : násasauli sa pagka-batàng
bago lamang nag-aaral ng salitâ , at ¡ sa abâ pa nilá kun sa kasa
lukuyang pagkátuto na , ay sakâ may dumating na isá pang lahing
lalòng malakás mangaagaw at may ibá namang wikàng ipipilit ! . . .
Kun dahil diyán ang sinabi mong ang dunong ay di nakasisikip ..
hámo't mag- aaral na ngâ akó ng inglés , ng hapón , ruso, alemán ,
ó insík upang kun alinman sa mga ito ang máhaliling panginoón
natin , ay kanawanawa na akóng maalam ng mga wikàng mai
paglilingkód ! ...
-Nátuyâ mo pa mandín akó ! -ang patawang isinagót
ni Delfín . Nguni't kun ang ibig mo'y Anarkiya , na walâng
punò at pinagpúpunùan , íisáng-íisá lamang ang Patria ng lahát
ng tao, walang maitím , ni madiláw , ni maputing lahì , walâng
pátayan dahil pagsasarilinán ng mga tinubuang lupà,
walâng mga adwana sa dáungan ng alinmáng bayan , walâng
dagat ó baybáy , walâng mga bundók ó anománg mga kutàng
hangahan ng isa't isáng kaharián ó lupaín , kundî ang alemán
ay taga-Amérika rin kun na sa Amérika , ang taga-Italya ay
hapón kung na sa Hapón , ang insík ay taga-Europa kung na sa
Europa , ang aprikano at indiyo ay taga- Rusya , Suesya , Austriya ,
Espanya ó Inglaterra kung nangasa sa lupaing itó silá , anopa't
ang pilipino ay mápalagay na kababayan ng mga insík, ameri
kano, aprikano at europeo , kung máparoón sa mga lupàng yaón ,
gaya rin naman nang kun sila'y mangáparito ...¿hindi mo ba
ináakalà , katoto , na kailangan naman ang maging isá na lamang
ang Wikang gagamitin sa pagsasama at pagyayao't - dítuhan ng
lahát ng tao ó lahát ng lahì ?
Nápamatá ang manlilimbag sa mánunulat na kausap ; pag
kasandali'y pangiting nagsabi :
-Hárinanğâ ! Sa araw na may umiral na isang wikàng
masásalitâ at matátatap ng lahat ng bayan at lahì , ay sakâ lamang
84 LOPE Ꮶ . SANTOS

natin masasabi ang tunay na sikat ng bagong araw sa lupà:


sakâ mangyayari iyáng pagkakakilalanáng magkakapatid ng
lahát ng tao , ¿ hindî ba?
-Marahil ngâ ! -ang náitangóng salitâ ni Delfín . -Sa akalà
ko, iya'y hindi ang hindi mangyayari ; nğunì alinmán sa mga
wikàng buháy ngayón, ay di nárarapat na siyáng gamitin ng
Sangkatauhan , sapagka't ang lahìng may-arì ng wikàng iyán ,
ay dî sásalang magpapalalò at magháhangád na siya'y mataasín
ó panginoonín ng iba. Itó ang gagawin ng mga lahing inglés
kun ang inglés ang siyáng mátirá, ng mga kastilà kun ang kastilà,
ng alemán kun ang alemán, at gayón din ng iba pa.
-Ang Latín kayâ?
-Ang wikàng latín ! ... Siyáng pagpapalalò namán ng
isáng Relihyong gumagamit na talaga ng wikang iyán ! ... Hindî
ko maalaala ang ngalan ng nagpanukala ng Volapük, isáng
wikang hangò sa Sahón at Latín na siyáng pinakaugát ó iná ng
tanáng gamit na wikà sa mga lupain ng sibilisasyon , sa Europa
at Amérika ; dátapwâ't tila walang nangyari sa kanyá ; anopa't
hindi nakalaganap ng gaano sa iba't ibang lupain, upang untî
untî na sanang masalita ng lahat ng bayan . May isang bago
at dî pa nalálaong minunakalà ng isáng ruso namán, si Zamenhoff.
Ang pangalan ng wikàng itó ay Esperanto, hangò rin sa dalawáng
ugát na iyón , nguni't may kagaanán at kalinawang dî múmuntî
sa Volapük. Ang Esperanto ay itinúturò nang sadya sa maraming
páaralan sa Europa , sa Amérika man at sa Hapón : málaman pa
natin kung ito na ang lalaganap at mananatili sa Sangkalahìan .
-Hindî akó umáasa sa matayog na panukalang iyán !-ang
pailing na sinalitâ ni Felipe.--Aywán ko rin . Nguni't gaya ng
alín pa mang bagay na munakala at yaring-tao (artificial) upang
máihalili sa mga talagang katutubò (natural) , maging ang Volapük
maging ang Esperanto at alín pa mang wikàng makákathâ, ay
magdáraán muna ó háhangá sa kapakinabangán ng mga maya
yaman at maykapangyarihan. Ang unang magsisigamit niván ,
kun sakali't pumalasak, ay ang mga bahay-kalakal at pámunùán ,
at hindi ang mga bayang talaga. Paris dito sa Pilipinas , na ang
ating mga wika'y may ibá at sariling iná , hindi ang Sahón ni ang
Latín , kundi ang Malayo at Sanskrito, kailan pa tayo áabutan
ng paglaganap ng Esperanto upang makawátasan ng mga ibáng
bahagi ng Sangsinukob? ... Samantala ang mga pinunò at
mángangalakal, ay mag-uusap at magsúsulatán ng nasabing wikà,
sa harap nating hindi marurunong , na anopá't bíbilugin na lamang
nilang parati ang ating mga ulo .
Nagkatawanan na namán ang dalawang magkatoto .
BANA AGAT SIKAT 85

-Kayâ ngâ namán -ang makasandalî'y inungkát ni Delfín


-ang sabi ko sa iyo'y mag-aral ka na ng inglés at nang huwág
máulól ng mga maykapangyarihan .
-Inglés na namán ! Ikáw, Delfín , bákit hindî katá na
kikitang mag-aral ng wikàng iyán?
---Akó? Parang di mo alám na ako'y nakayeyes-yés na
at veri-vériwell sengkyu!
-Kun iyán lamang, akó man , kahi't dî pa nag-aaral ! Hindî
mo ba naáalaala ang nasabi ko kay maestra Inés, niyóng máka
sabay natin nina Meni sa paglabás sa páaralán , nang ang "vaca
ción general" ay malapit na ? di ba't napagbigyán ko na siyá
ng: Gut-nay, mis Inés, ai laik yu berimats, oh yang-ledi!
Isáng pabulalás na hálakhakan ang nabitiwan kapwà ng
dalawang magkausap.
-At saán mo nátutuhan ang inglés na iyán? -ang náitanóng
ni Delfín , pagkahigláw ng tawanan .
-Náipagtanong mo pa ang titser ko !
-Maanong sinabi mo na kay Inés na : Ai laik yu matrimoni,
bamus proboste óramesmo!
-At mutso-loko namán sana ang kanyang isinagót !
-Ay , ay Ipê !...
-Kung mag-aaral ka , ay pápasok din akó -ang hamon
ng Felipe
-Hindi ko na makákaya kung ngayón . Aral sa umaga,
páhayagán sa tanghali , aral na namán sa hapon , at magsása
gabí pa? Siyáng pagka ... bao agád ni Meni !...
-Papaano , kung mag-abogado ka , sa 1906 ay inglés na
raw ang ipagágamit sa mga húkuman ?
-Bahala na isa-inglés nila ang pangangatwiran kong
wikàng kastilà, gaya ng pagsasa-kastilà ngayón ng kanilang
inglés . Nguni't samantala , ay natututo na namán akó marahil .
Lubhâ pa't kamí ni Meni ay ... mátulóy na , siyá na lamang ang
makapagt úturò sa akin .
-At túturùan mo namán siyá nang Derecho , ¿ hindî ba ?
---Mangyari pa !
-Siyá, magaling na kayong mag-asawa! Mabuti kung
kayo'y papayapàin ni tio-Ramón at dî hagád-hagarin patí ng
anino ninyong dalawá ... Nguni , hintay ka, Delfín; ako'y
may naalaalang itanóng sa iyó, yamang nápag- uusapan na rin
lamang ang pag-aabogado mo. Bakit ba't iyán ang iyong
náisipang pag- aralan ? Hindi mo nákikita't wala nang katung
kulang kalaban ng Sosyalismo na paris ng abogasyá?
86 LOPE K. SANTOS

Nápakunót ang noó ng tinátanóng, at sa pagpapatuloy


ng salitâ ay náisuót ni Felipe ang dalawang dalirì ng kanang
kamáy sa siwang ng dalawáng botones sa dibdib ng kanyang
amerikana .
-Iyáng mga abogado ang masusugíd na taga-tangól ng
mayayaman ;-idinugtóng-silá ang lalòng mapag-usig ng mğa
pag-aarì ó propiedad. Alám mo na kun ano ang sabi ni Proudhon
sa "propiedad :" es un robo , isáng nakaw ; silá ang pinakahaligi
at suhay ng mga malalaking puhunan sa pagpapagawa at pa
ngangalakal. Talós mo na kun saán-saáng dilím pinaghahangô
ng mga mámumuhunán at mángangalakal ang kanilang kiná
katwiran upang ipagsangaláng ng mga pámunùán laban sa pag
mamatigas ng mga laging apíng mangagawà at ng mga mamimiling
laging dinárayà . Dito sa atin, ay tignan mo kung ano-anó
ang katwirang pinagtuntunán upang ang malalawak na lupàín
ng Pilipinas ay mapatibayang arì ng mga katipunan ng prayle,
niyang nagsiparito upang magturò ng pagpapakalinis, pagpa
pakababa at pagpaparukhâ , dapwà't silá ang sa kung paápaanong
paraan ay nagkaroon ng mga ganyang kayamanan . Sino ang
nagtatangól sa kanila? Mga abogado . Ipinananalo nilá ang
pakikipag-usapín sa mga humáhabol na bayan , dahil lamang
sa katwiran ng tuso sa mga hangál at mapaniwalaín . Sa ki
náhahandog sa Simbahan at sa kinálilimós sa mga kinatawán
ng Diyos sa Pilipinas at dahil din sa pagkatakot na ang mayama'y
maghihirap ng pagpasok sa pintô ng langit na gaya ng paghihirap
ng isang kalabaw sa butas ng karayom, ang mga ninunò nati't
magulang ay di na nangagpupuná kun sa pinapípirmahán sa
kanilang kasulatan ay nasasaád na , ang pakinabang sa bukas ay
pag-asa lamang ng mga pinagbigyán at di na ng nangagbigay ó
ng mangagsisisunód na kaánakan . Ang katungkulang iyán
ang iyong iniibig? Sa bayan bang ginígitawan na ng mga "doc
trinas socialistas " na gaya ng ináadhikâ mo, ay kákailanganin
pa ang mga abogado ? Ano kayâng mga usapin ang ipagtátangól
ninyó ! ...
-Si Felipe ! hindi mo ba talós na alin , máng barò ay may
karyagán ay may kabaligtarán? Kung abogado ang nagtá
tangól sa umúusapín , ¿ dî ba't abogado rin ang nagsásangaláng
sa inúusapin namán?
-Oo nga, at náriyán ang lalòng saráp . Pag ang magka
laban ay kapwà may abogado, karaniwang natátapos ang usap
ay nangangalahati namán ang halaga ng pinag-uusapán . Ma
nalo, matalo ó magtablá, ang sa abogado ay siguro. Ang ka
tungkulang iyán ay hindi gaanong náiibá sa isang mang-aangkát
ó mángangalakal , na talas ng isip at lakás ng loob ang una-unang
BANAAG AT SIKAT 87

pinúpuhunan . Hindi siyá ang nagtátaním , ni umáani at hindî


rin siyá bíbilí ni gágamit , dapwà't nakikinabang ng malaki sa
pamamagitnâ sa bilihan. Habang mabasag-ulo at mausapín
ang abogado ay lalòng kinákailangan , at habang maabogado
naman ay lalòng mausapín . Gaya rin ng mğa médiko : habang
masalot at masakít ay lalong nagsisiyaman .
-Kalahati niyáng sinasabi mo, Felipe, ay totoó , nguni't kala
hati lamang, at ang...
-Ohú !
-Hindi mo nálalaman, kaibigan, ang tinútungo ko sa pag
aaral na ito. Sa pag-aaral ng abogasyá ay hindi pagtatangól
usap ang natututuhan na lamang ! Tayo , na náhihilig sa pag
aaral ng Sosyolohyá, ay kailangang matuto muna ng Derecho
Natural, ng Derecho Constitucional, ng Derecho Internacional ,
ng Derecho Civil , Penal , Administrativo , Mercantil at iba pa .
-Kasama na ba sa ibúng iyán ang Economía Política ?
-Oo , at isá iyán sa mğa ...
-Ipag-adyá mo pô kamí ! Ang Economía Políticang
isinumpâ ko sa Ateneó ! ...
-Kakatwa ka palá! Paano ang pagiging mabuti mong
sosyalista kun dî pag-aaralan ang lahát na iyán? Ano ang
kadalasang ipagtagumpay ng isang maliit na hukbo sa isáng
malaking kalaban , dî ba ang pagkabatid ng boông " táctica "
ó paraan ng nasabing kaaway?
-Oo nga, Delfín, dátapwâ't upáng mákilala ang mga kasa
mâán ng pagkakátatág ngayón ng Sangkatauhan, upáng má
ramdaman ng taós sa kálulwá ang mga kahirapang tinítiís ng
marami sa ilalim ng kapangyarihan ng íilán , upang masukat ang
nilaki-laki ng mga kabulaanang malaon nang panahong nagha
hari sa lahát ng bayan , lalòng-lalò na riyán sa mga tinatawag
na sibilisado,...ay hindi na kailangang ang isang tao'y maging
abogado pa , hindi na kailangang mag-aral pa ng mga sinambit
mong sari-saring "Derecho," na kahi't dî ko pa nangábubuklát ,
ay para ko nang nakikitang pawà rin lamang mga kutàng nag
sásangalang at kumúkupkóp sa mga kabulàanan ng sibilisasyon ,
na tinatawag ni Max Nordau na "Mentiras convencionales de la
civilización " ...
-Nábasa mo na palá si Max Nordau ! -ang nápangiting
sabi ni Delfín . - Nğayón , ang masasabi ko sa iyó , katoto , ang
lahát na iyang sinambít mo , ay siyang sakít at sugat ng Sosyedad,
¿hindî ba?... Húli katá riván ! Ang sakit at sugat ay nakikita
at nararamdamang sakít at sugat ng kahi't. sangól na tao pa
lamang ; dátapwâ, hindî bálana ay nakagígamót . Nárito
88 LOPE .K . SANTOS

ang pagkakailangang pag-aralan munang masuri ang lahat na


iván , at sakâ ang pagsisiyasat ng lalòng mákakatapát na ka
gámutan .
-Hála ang kagamutan mong iyán ! ... Nguni't sa pag
tatalo nating ito ay tila ikáw ngayón ang naging si Don Ramón
at akó ang naging si Delfín sa batis ...
-Hindi kailangan : ibig ko lamang maipakilala sa iyó , Felipe,
na alinmang pasukan ko'y mátututuhang labasán.
-Ay siyá, paano tayo , kaibigan ; náwili katá sa pagtatalo
rito , ang pulong?
Dinukot ni Delfín ang kanyang relós .
-A las diez y media na!

Sa malakás na pagkakásabi nitó , ay naglapít-lápitan ang


may limá kataong dî nálalayo sa kanilá.
-Hindî na ngâ pô mátutulóy , marahil, ang pulong natin
ngayón ! ang sabi nang isáng nápatatát pa at nápailíng.
-Nárito na pô ba ang Pangulo? -ang tanong ni Felipe.
-Karáratíng pô lamang, nároón na sa loób patí Kalihim.
Sa kabilang pintô silá nagdaán.
-Ang hindi ikátulóy ay kulang ng tao -anáng isá sa mga
lumapit .-Ilán na lamang tayo : pitó rito sa labás at may sampû
lamang yata yaóng nangásaloob-at idinukwáng ang katawán
at ulo sa pagtanáw sa dakong loob ng dúlàan.
-May pistá kayâ ngayón ? -ang tanong ni Delfín .
-Tila pô walâ sa boông Maynilà , kundî sa Kalookan , sa
Pasay, sa Sampiro at sa Mandaluyong. Lingó pô ngayón :
pistá ni San Manók ...
Isáng matandang lalaki ang maysabi ng ganitong pabirông
katotohanan , na ikinápagtawanan ng lahát .
-Hindi ko málaman dito sa mga kababayan natin at kapwà
mahihirap ang patuloy ng matandâ . - Sa maminsan-minsang
maabala silá sa diversión , hangáng tanghali lamang, ay di pa
makapagtiís . Ah , hindî nilá kasí natátalós na ¡ en la unión está
la fuerza! Akó pô , mga kapatid, ay sugaról din namán . Mag
pahangá ngayón : mámayâ lamang nasa sabungán na rin ako.
Nguni't ako'y cumplido muna sa mga ganitong obligación . Ibig
natin ng kalayàan , walâ tayóng pagkakaisa . Ibíbigáy ba ng
Amérika ang ating Independencia kun tayo'y parating nasa
sa loob ng sabungán? ...
BANA AG AT SIKAT 89

Sa násalitâng itó ng matandâ, ay nagkákalabitan ng lihim


at nagkápisilang matagál ng dalirì ang dalawang magkatoto .
Ibig sabihin nila warì, na:
-At sasabihin lamang ng mga amerikano na ang Indepen
dencia ay walâ na ngayon sa loob ng mga pilipino : nárito't pati
sa di lamang pagkátuloy ng isang pulong ng mga mangagawà,
ay Kasarinlán na ng Pilipinas ang napag- uusapan !
--Siyá ngâ pô -ang payo ng isa sa mga kausap . - Ang
mabuti yata'y sa hapon gawin ang mga pulong na itó.
-Mámayâ pông hapon ay may karera namán .
-Kay kahiya-hiyâ natin sa matá ng mga taga-ibang nasyón!
Pahinagpis itong ipinahayag ng matandâ. Aywán kung
bakit sa hinagap at pag-iingat na mápintasán ng mga taga-ibang
bayan , karaniwang hinahangò ng maraming pilipino ang pag
papakabuti sa kanilang mga ginagawa. Para bagáng kung
walâ nang taga-ibang lupaing makakakita ay maáarì na ang kahi't
papaanong gawâ at pamumuhay. At tila namán kun gaano
nang lilinis at bubuti ng mga matang pinangíngilagan . Ang
pilipino , sa paghahawak sa ganitong hagap, ay nagpapakilalang
magpahanga ngayo'y di pa bumíbitíw sa kinaugaliang arling
pawang hamak ang sarili, at pawàng magaling ang sa taga- ibang
lupà . Nakikitulad sa isang tao na nagbibihis ng malinis na damít
hindi dahil sa ang katawán niya'y nang máilag sa duming nag
bibigay sakít , kundî dahil sa nahíhiyâng mákita ng ibang tao sa
panglilimahid . Ang maling akalàng ito'y sa mga babaying
pilipina lalong malaganap. Sa pagkadalaga, ang kahinubo
nilang gandá ay alagàng-alagà sa linis at hinhín ng pagbibihis .
Kung may-asawa na at mábatì mo sa pagbabago ng mga kivás
ng kanyang pananamít , isásagót sa iyóng : "Ano pa't ako'y
magbibihis, ay di na namán nagpápaibíg?" Isáng kamáhalang
asal ang sa kanila'y nag- úudyók ng ganitong sabi . Ibig niláng
ipakilala sa gayón , na ang isang babaying may-asawa , ay dapat
umastâ ng di na bagá kabighanian ng iba pang lalaki ; at palib
hasà ang tunay na asawa ay ipinalalagay na kaisá na niyáng
katawán , kaya ang pagbighanì pa rito ng pagbibihis ay di na ,
anyá , kailangan . Madalumat mo ang paghahakàng itó ! Anaki
ngâ baga'y kayâ nagbibihis ang babayi ay upang makaakit na
lamang ng lalaki ; at ang kásing asawa ay wala nang karapatang
mákita siyáng kaigáigaya ri't kaibig-ibig at laging sariwàng
paris ng dalaga pa . Hindî namán sa mga babaying mahirap at
dî nag-aral nakikita lamang ang ugaling itó, kundî diyán pa man
sa mga natuturang mayayaman at nangag-aral na kun tawagi'y
ilustrada na. Kun mangagkaanák na'y lalò pa . Huwag ka
nama't ang lalòng kakutyâ-kutyâ, ay marami ang mga lalaking
90 LOPE Ꮶ . SANTOS

sa pagka mapaníbughûing labis , ay siyáng ayaw makakakitang


magmalinís na parati ang asá-asawa nilá . At ang babaying
pilipinang napakamagiliw at mas únurin sa kabyák ng kanyang
dibdib, gising man at nagdalagá sa kagaràan , ay nat útuluyan nang
magbago ng ayos mákasundô lamang ng mapag-hinalang asawa....
Hangán sa mga kasulukang ito ay umabot ang pag-gugu
nam-gunam ni Delfín , na ibinunga ng mga huling sinabi ng
matandâ.
Isá sa mga kapulong ay nagdukot ng kanyang orasán .
-Menos cuarto!-ang sinabi pagkákita .
-Tayná kayâ , tayná ! --ang naging badyahan ng lahát .
-Hintay kayo ! -ang pigil ng matandâ pápasok akó't itá
tanóng sa Kalihim, kung mátutulóy rin ang pulong.
Nasok ngâ, at makailang sandali ay kabilang na namán
sa lipong nag-áantáy.
-Itinanong ko sa Kalihim. Nag-usap silá ng Pangulo .
Napagkaisahan niláng dalawá at ng ibá pa roón na huwag nang
ituloy ngayon at walâ ngâng tao . Sa isang pulong-kalahatan
ng Kapisanan ng Paggawa sa Pilipinas, ay may labingpitó
lamang ang dumaló ! Sakâ na raw ipaúunawà sa mga pahaya
yagán kung kailán .
Sa balitang ito'y isá-isáng nagkámayan ang pitó at nag
yáuhan nang sunod-sunod .
-Hintay ka kayâ , -ani Delfín sa kaibigan ng papalakád
na rin sila- at antabayanan natin ang labás ng Pangulo. Ipag
papáuná ko na sa kanya ang balak kong ipahayag sana sa pulong,
na tungkol sa Balañgay ng mga Kawani namin.
Hinila na rin ni Felipe, at ipinaunawàng ang kanyang ina'y
di sasalang naíinip na..
-Hindi kitá máisama ngayon sa bahay -anyá -at nang
ikaw ay máipakilala ko sa aking iná at kapatid na dalaga dahil
sa sila'y nasa sa itaás , mákikita ka ni amá-Ramón . Ngunì
humandâ ka , kaibigan . Mámayâng hapon ay iháhatíd namin
ang kapatid ko sa Concordia .
-Mámayâ na?
-Oo ; hindi sásalang sasama ang mag-kapatid nina Meni .
-Totoó ? papano ?
-Magpáuná ka na sa may Pakò , at abangán mo kamí.
Doón kitá yáyayàin .
-Anong oras?
Mğa á las cuatro.
Salamat , kaibigan : ikaw na ang bahalà ; huwág ang hindi
niyó silá isama : lalong magaling sana'y si Meni lamang.
-Bahalà na !
—Hanging mamayal
**

VII

Sa Concordia

Hindi na nakuha ni Delfín ang matulog ng tanghali . Nakay


sa isang karitela at napahatíd hangán sa tuláy ng Pakò . Sa
pagkalimot na máitanóng kay Felipe, kun sa San Marcelino ó sa
Looban sila dáraán , ay napilitang tumayô-tayo sa pinaka-likô
ng Looban at Nozaleda ; mulâ roo'y maminsan-minsang idunghál
ang ulo, ó pagitnâ kayâ sa dalawáng daán , upang tanawin ang
pangágalingan ng mga hinihintay .
Ikaapat na't kalahating oras , walâ pa ! Mag-íikalimá na ,
wala parin ! Walâ pa kayâng ikaapat nang sila'y magdaán?
-Kundangan , -ang sisi sa sarili gayón na ang pagma
madalî ko, ay natugtugán pa rin ng ikaapat sa bahay ! At nápa
sakay pa ako sa isang kabayong tinapay ! ...
Nag-alinlangan ang kanyáng loob sa kung mahanga'y mag
tuloy na sa Concordia, ó mag-antay pa ng hangáng ikalimá.
-Limáng minuto pa, -anyá -pag walâ rin , lakád na akóng
patútungo sa Concordia : ó sa daán na nilá akó abutin , ó silá ang
abutin ko na roón.
At nagliíg gansâ na namán sa pagdunghál sa magkábilâng
daán . Sa Nozaleda ay may isáng karwahe at isáng kiles na
dumáratíng. Inakala niyang iyón na . Sina Meni , bukód sa
automobil, ay may kiles at may karwahe. Dátapwâ't ang
nátatanaw na mga kabayo ay maliliít at lúluksó-luksó . Walâng
mğa gayón si Don Ramón .
Sa ilang igláp , ay magkilalang-tao na ang layò sa kanyá
ng mga sasakyán .
-Nalugi ang batà ! -ang dî sásalang náihilat sa kanya ng
isáng batang noo'y nasa tindahan ng insík, kung nálalaman ang
gayong pag-asám niyáng nabigô .
Ang lamán ng karwahe ay dalawáng insík, taás pa ang paá
ng isá sa uupán at lugáy namán ang buhok ng isá , na kalahatì'y
pinápaspás ng hangin sa likurán ng karwahe. Hindi sásalang
magsisiparoón at mag-áanito sa Santanà . Ang lamán ng kiles
ay tatlóng mánanabóng : dalawang lalaking isa'y naka-ameri
kana't may hawak na manók na lasak, isa'y nakabaròng-insík
na putî, may talìng panyô sa liíg, at isang babaying nagkákang
7
92 LOPE K. SANTOS

nginğiwî ang mukhâ sa pagpapatiwali ng isang malaking tabako


sa bibig. Lumikô sa patungong Pasay, marahil magsisihabol
ng alaberde, ó magsisibalík upang ibawì ang daláng manók sa
natalo nang umaga, kahit sa huling mga sultada 6 bitíw man
lamang sa hapon.
Katawan at ulo ni Delfín ay parang sinísilihan sa pawis .
Iilíng-ilíng at pápalá-palaták na hinarap ang dakong Santanà.
Makailang hakbang pa lamang , ay parang manglalakóng nabiga
tán ng sunong na inalís ang sambalilo at nagkamót ng ulo, tandâ
na ng yamót at pagngingitngit .
Lakad , lakad ...., lingón , hintô , tanáw ....
May isang karwaheng dumáratíng , nagpapáuná sa isáng
karitela . Dalawáng kabayong maitim ang humihila . Hindî
sásala : karwahe na iyón nina Meni . Siyá noo'y papalabás na sa
nayon ng Mangahan, hindî na lubhâng nálalayo sa Concordia.
-Silá na ngâ ! -ang náwikà pagkapagsiyáng mabuti sa
dumáratíng.
Nagpatuloy na walâng bahalà sa paglakad ; tungóng-tungóng
anaki'y may tinútuntóng guhit sa panabí ng daán .
-Delfín ! Delfín ! -ang sa dakong likód niya'y náriníg na
tawag.
Lumingón ng isang lingóng pinag-aralan . Sina Meni , Felipe,
ang ina at kapatid nitó ! ... Ang karwahe'y ipinatigil ni Felipe .
-Saán kayó páparoón ? -ang tanong ni Delfín na may
sabay na kalahating kindát sa kaibigan.
-Sa Colegio, -ani Felipe -iháhatíd namin itóng kapatid ko .
Si Meni ay nápalabì ng impít kay Felipe, ibig mandíng
sabihing: "Kay inam niyóng magsabwatan !"
-Sino iyán ? -ang paanás na tanóng kay Meni ng kasiping
sa uupán, na kapatid ni Felipe .
-Kaibigang matalik iyán ng kapatid mo -ang bulóng ng
tinanóng.
Ang mga matá ni Delfín , paglapit sa karwahe , ay dî mála
man kun sa mga sulyáp ni Meni dapat ititig ó sa maaliwalas na
mukha ng isang bagong larawan ng langit na kailán ma'y
dî nakikita-kita kundi niyón lamang. Ang katotohana'y
walang itulak-kabigin ang paningin niya sa dalawá . Si Felipe
at ang ina ay siyang magkasiping sa bangkito, at ang
dalawa namang magkaibigan , si Meni at si Marcela, ang siyang
na sa pinaka-loób.
-Saán kayó páparoón ?-ang pabalát-bungang usisà ni Meni.
-Sa Santanà pô .
BANAAG AT SIKAT 93

-Naglalakád kayó sa init pang iyán?


-Ayaw na pô akong ituloy ng karitela kundî hangáng
sa Pakò lamang, pagka't may kasakay akóng napatungo sa
sabungan ng Pasay.
-Malayò pa bagá rito ang Santanà?-ang usisà ng matandâ
na may puntóng Silangan .
-Diyán pô lamang sa makababâ ng tuláy na iyán -anáng
anák na lalaki .
-Tayná pô kayó sa Santanà ; -ang anyaya namán ni Delfín
-magpasyál muna kayó roón at kawili-wili ang panonood sa
baybay ng Ilog- Pasig.
-Ikaw ang sumama sa amin ! -ang hamon ni Felipe.
At dî na naantay ang pakunwarîng pag-ayaw ng niyayayà,
ay pinaupo ang kanyang iná sa gitna ng dalawang dalaga , at
pilit na pinasakay sa siping niyá si Delfín.
Sa ilang "huwag na ," "sulong na kayó" at "tayná," ay nag
kálimá ang lulan ng karwahe ...
Ang mga mata ni Meni ay nangungusap . Ang kay Delfín
ay nag- aalinlangan . Náhaharáp siyá sa sinumpâáng mag
áarì ng buô niyang pagtingín . Alín pa mang ibang bató-balanì
ay sala nang pagkabighanian ng mga balintatáw ng kanyang
matá ! Kun tunay na matalas ang mga matá ni Meni , marahil
ay nabasa sa budhi ng bagong sakay sa karwahe ang mga salitâng :
"Kaygandá-gandá palá ng kapatid nitóng aking kaibigan !" ...
Si Felipe at si Delfín ay may lihim na kálabitan sa likod at síkîan
ng siko.
-Síno sa dalawa ang magandá?-ang tanong na gumígiyagis
sa budhî ng ating mánunulat .

Ang ganda ni Meni ay gandáng kilalá na . Hindi na ka


ilangang pagkaabalahán pa ng mga mata niyá upáng mulîng
máipasok sa alaalaala't guní-guní ang gayóng hubog ng mukhâ,
kasingliwanag ng buwáng kabilugan ; ang gayóng itím at lagô
ng buhók; pusód na hirám na sa bagong panahón : hayáp sa may
harapán hangáng tuktók at lawít ang buhól ó pusód sa may
batok: ipít at ayós ng tatlong peynetang karéy; walâng hikaw,
sapagka't sa mga nakikibago sa panahong ito ng wikàng inglés ,
ay marami na ang nakalilimot na maghiyás sa taynga ; kilay na
maitím at malago ; matáng buháy na buháy, nguni't pisnging
haponesa : namamalipundók at namumulá-muláng anaki'y mu
ràng sagà, na nakikipag-agáw-kulay pa sa putî. Sa may pilík
matáng kaliwâ, ibabâng talukap-matá, ay may gadulong-palay
94 LOPE Ꮶ . SANTOS

na taling, namúmulá-mulá ring nangingitím-ngitím , na anila'y


tandâ ng pagka-magmámabauhín ; ilóng na di matangos , dî
pipís , alanğáng sa tagalog, alangáng sa kastilà, nguni't labis
nang magpatlig na siya'y may mga ninunòng taga-Espanya ;
mga labing madalás ngumiti kaysa mangagát- labì, parating
masaya at kaakit-akit , huwád sa dalawáng makitid na talulót
ng bagong bukáng alejandría.
"Ang babà lamang ang di bumagay," anáng ilang naká
pagmamalas kay Meni, sapagka't may kalantikán daw ang
hubog ; dátapwa't sa matang umiibig ay itó pa ang lalòng
kapupunán ng mapanghalina niyáng mukhâ.
Hindi matabâ, hindî payát : lumálagáy na kabanghán ang
pangangatawán ; bagamán násasabing madalás ni Don Ramón , na
mulâ nang pumasok sa "Night School" ay may pinagkayayatan
na rin ang bunsô niyáng itó .
Ang gayong mukhâ ni Mening kapilas ng langit, ang
kabanghanáng yaóng dinamtán ng barò't panyông mapuláng
murà, sinayahan ng kasingkayo at kasingkulay, na para-parang
habing Ilo -ilo ; walang tapis , walâng mga alahas , liban ang
isáng maliit na tanikalâng gintô sa liíg, ang isáng galáng na gintô
rin sa kamay at isang singsing na maybatóng marahil ay wawa
lóng-daanín lamang ang halagá ... ang anyông yaón ni Meni,
sa pagkakaupo at pagkakásandál sa unang sutla ng karwahe ,
ay buwán ngâ mandín sa umaga na nátatamaan na ng mga
unang liwaywáy ng araw sa pamimiták ...
Nguni , ang katutubong hingil namán ng tao na humanğà
sa bawa't bago, ay siyáng nagpapusyaw ng mga gayóng tingkád
ng dikit sa mga matá ng kaírugan . Kapag ang bagay na bagong
kita , bukod sa bago ay magandá pa , hindî na ang matá lamang
ang náhahanğà, kundi patí ng pusò . Si Delfín ay may pusòng
gaya ng lahat ng tao . At pusong kasariwàan , manipís , mararan
damin , wala pang habas sa pag- irog, walâng tibók na dî nasà ,
babád sa dugo'y uháw sa buhay; isáng pusong alipin ng guní
guní, mapagmithî ng suób at mapanuób sa nagbibigay ; sa biglâng
sabi : isang pusò ng poeta na walang pangarap kundî musa, at
ang bawa't kabaguhan , bawa't gandá, bawa't dangál, samyo at
kalwalhatian , dî anhín na lamang ay mapag-alayan ng mğa
lalòng mahal na tibók at mapagsukuan ng gintô niyang panulat
at matatamis na tulâ ...
Si Marcela ay talagang kahanga-hangà sa dilág. Kun ang
mğa mangagawà natin ng awit at "corrido" ang papagpápasya
hín sa kanyang gandá , hindî malayòng máibilang na si Sela
diyán sa mga prinsesa ó pastora na anila'y " patay ang di umi
big !" ... Danga't sa Katagalugan ay wala na niyáng mğa
BANAAG AT SIKAT 95

prinsé-prinsesa at pastó-pastora , kundi dalagang-bayan kun


taga-bayan, at dalagang-bukid kun taga-bukid, anák-mahál
ó mayaman, at anák-timawà ó mahirap , disin akó man ay naká
gamit ng tawag na iyán , prinsesa , upang sa isang salitâ ay masabi
na't mailarawan ang buông kaanyûan ni Marcela . Kun sa bagay
siya'y dî anák-harì , pagka't dito'y walâng harì ngayón ; nğunì
si kápitáng Loloy na kanyáng amá, ay hari-harian na sa kanilang
bayan . Ang likás na urì ni Sela ay kumíkináng pa sa gayong
kapangyarihan ng amá. Mulang magkaisip at hangáng
masok sa pagdadalagá, walâ siyáng nasàng di natupád sa magu
lang, liban ang siya'y máturang ligawan ng sínománg "anák
ng Diyos . " Iisá pang taóng nánasok siyá sa ganitong kaaya
ayang panahon ng babayi, sa makatwid ay sa pagkadalaga.
Batang-batà pa . Sa kangino ma'y naipagkákapuring sabí
sabihin ng mag-asawa , na ang anak na ito'y noón na lamang
ipasok sa Colegio nag-alis ng kamisola. Sa Concordia ay
ikalawang Hunyo na iyón nang pagtirá. At si Sela namán ,
ay sa Colegio na lamang nakáramdám na siyá palá'y dalaga na !...
Sapúl noo'y nagsimulâ na ang kanyang pakikiayos sa bagong
lagáy. Sa mga kilos , sa mga pananalitâ, sa pag-iisip, sa pag
uugali at patí sa pagbibihis , pagtulog , paghakbang at pag-upô,
ay unti-unti nang pinarisan ang mga kasama niyang dalaga sa
páaralán . Ang mga dating kaibigan at kalarô- larông kapwà
batà ay untî-untî na ring nápaglalayûán , at mğa dalaga namáng
napagtatanungán at . nakapagt úturò ng mga dapat gawin ng
isáng nakakaramdám nang pagkadalaga , ang siyang napag
lapitáng lagi . Anopá't nagbago patí ng mga dapat kaibiganin .
Bumilís na totoo ang kanyang pag-gaya sa mga ugaling
dalaga . Ang mga palakad at dami ng úliranín sa loob ng Cole
gio ay siyáng una-unang nakapagpabilis . Kun sa piling ó sa
bahay pa ng mga magulang inabot ng gayóng panahón , malayò
ang matalós niyá na ang kahulugan nito ay hindî na siya batà.
Aywán kun sa iná málaman. Sapagka't sa pinangá-pangaral
ng mga iná, sa iningat-ingat na masagwâ at sa minura-mura
kung minsang nangagagalit , ay lalòng nágigising sa kalupàán
ang pahát na isip ng kanilang mga anak. Nğunì, kay kápitáng
Loloy ay talagang walâ siyáng kapag-á-pag-asa . Walâng ibig
itó, kundi ang : ó si Marcela ay lumagì na sa pagkabatà, ó ang
lumuksó na agad sa pagkamatandâ. Iyáng magka-anák ng
dalaga, na púputá-putaktihín at gígirî-girìan ng mga binatà roón
sa kanilang bayan , mğa binatàng kilala niyáng saganà sa vicio,
kulang sa beneficio, "saganà sa postura, walâng nálalaman ,"
kay kápitáng Loloy ay totoong napakapaít na mangyari. Kun
dî ngâ lamang nagpakasirà sa pag-aaral si Felipe, kailán nivá
96 LOPE K. SANTOS

maatím na máwalay sa matá ang anák na babayi at itirá sa loob


ng isáng Colegio, na ayon sa balità niya'y mapanganib pa kay
sa labás pag nagkátaón .
Sa isang taong iyán sa Colegio sampû ng amá ay nabaguhan
na kay Marcela , nang ito'y umuwî habang "vacación general,"
mulâ nang Abril, hangáng Hunyo . Hindi na yaóng mukhang
musmós na dati- dating sumúsungaw ng hangáng baywáng halos
sa kanilang bintanà kung may kabirùán sa lupà ; hindi na
yaóng padaros-daros at patakbó-takbóng katawan kung naki
kipaglaro sa mga alilàng babayi sa itaás ó harapán ng bahay.
Ngayo'y bahá-bahagyâ nang nábabakasán siya ng mga gayóng
anyo at kilos-batà.
Isáng pagmumukhâ at pangungulay na ganap na tagalog ;
palibhasa ang mga magulang niyá at hangáng kánunô-nunùan
ay pawang tagalog na dalisay, dî gaya niná Don Ramón Miranda .
Ang lagay lamang ng ipinagkakaibá ni Marcela sa mga karani
wang dalagang tagalog, ay ang siyá, kung bagá sa likás na gintô,
ay tubò sa magaling na lupà at sadya sa sapó na itinátaás ng
kanyang urì . Ang pagkatunay niyáng lahing tagalog, ay náki
kita sa kaitimán ng buhók, sa kalaguán ng kilay at sa itím ng
dalawang balintatáw ng matá . Bilád na noó , mahagwáy na
ilóng; mga pisnging sa munting mángitî ay nagkákabutas, bibíg
na huwág di mábuká'y parang tumútugón na ng paggiliw;
mga ngiping makikináng na parang garing.
Ang liíg ay mabilog at may dalawáng gilít , na madalás
iparis ng mga manang sa liíg ng Mater Dolorosa. Ang tubo ng
dibdib at ng mga balikat na nanganganinag sa agwát ng liíg ng
baròng manipis at ng liíg ng kamisóng maputî na may uhé-uhetes,
ay buông-buo at makinis na makinis . Ang batok na litáw sa
bilog ng barò, kung nálalantad sa pagliyád ng panyo sa liíg,
ay isang batok na kung inabot ng mga pare-kura natin noóng
araw, ay di malayong ikapag-kur ús niláng makáilán at ikápag
bulong ng dasál na : "Ipag-adyá mo po kamí sa tuksó!" Talagá ,
talagang talagang si Sela, kahi't nakatalikód ay may gandáng
sukat makasira ng ulo sa isá mang magpáparè. Magsabi na ang
kanyáng iná , na sa mga oras na nákakatwâán si Marcela , noón
pa mang muntî't hangáng nang lumakí, ay madalás makapag
tagurî ng: "Nakú , ang anák ko : batok lang ay mapakákasalán
na ng isang prinsipe!" ...
Si Sela ay hindi totoong maputing paris ni Meni : ang
kulay niya'y mahilab namán sa kayumangíng-kaligatan , kulay
tagalog na kasabiháng habang nagiging iná ay lalòng gumagandá
at tumítingkád. Bagamán batà kaysa kay Meni, ang katawán
niya'y mabulas din .
BANA AG AT SIKAT 97

Nguni't ¿ itó na kaya ang mga gandáng-prinsesa na násabi


sa una? ... Kundi pa man kaprinsesahan ang mga gandáng
iyán, ay sa mga hiyás ng kanyáng ulo, katawán at dalirì maka
pagpupunô ng kakulangan . Gayón din sa kabuhayan niyá sa
sariling bahay na sa dakong hulí matátalós
Ang mga babaying tagalog ay totoóng maibigín din namán
sa mga pahiyás na sari-sari at mahahalagá . Magpakáhirap
hirap, kun nğalang isáng hikaw, isáng peyneta , isáng kuwintás,
singsíng ó iba pang alahas na gintô , tumbaga ó pilak, ay dî nawá
walán ng impók at gamit . Ang kawalán ng hikaw ng isang
babaying dukhâ , ó isáng dating nakikitaang mayroón at saka
karingat-dingat ay mawalán , ipinagháhakà ng marami na ang
babaying iya'y totoó nang naghihirap, sumásayad sa buhay
at marahil, anilá, sa kawalan ng sukat máipagtawíd-buhay,
ay náisanlâ ó náipagbilí tuloy ang tinurang alahas . At itó ang
kadalasang talaga . Anopá't ang nangyayari, sa pamamagitan
ng mga taglay na alahas ay napagtátakpán na ang isáng lubós
na kahirapan at pananalát.
Kun ang kahit mga lalòng dukhâ ay nag- uugali ng ganitó ,
pinatátakpán sa alahas ang kanilang pagdarálitâ , ¿ ang mga
mayaman kaya ay di lalò na? ¿ silá pa na walang karukhâáng
pagtatakpán , kundi kayamanang maitátanghál at maipagpá
palalò ?"
Oh, ang halaga ng mga hiyás ni Sela ! ...
Sa isang peynetang makapál at lantáy na gintô, mayhanay
sa paalón-alóng gilid na mga batóng makináng, na ang laki'y
ga-gapaták ng luhà ng isáng dukhâng walâng máipakain sa kan
yáng mğa anák, ay sukat nang mabuhay na maginhawa sa
boông sangtaón, kun sásalapîín ang tinurang peyneta, kahit
sampung mag-anak na nábabaón sa utang sa pakikisamá kay
kápitáng Loloy.
Sa tatlóng aguhilyang gintô ri't bató, ay tig-isang mag- anak
na ang sukat makatawid sa gutom na sangtaón .
Sa magkatimbang na hikaw sa dalawáng taynga , hindî lamang
ang waló kataong naglilingkód at alipin sa kanilang bahay ang
sukat matubós sa mga utang kay kápitáng Loloy, kundî may
ikabúbuhay pa siláng mga ilang buwán sa paglayà .
Sa isáng gargantilyang (buklód-lalamunan , ayon sa tawag
ng isáng matandâ) panáy na gintô rin , ga-kalahating dali ang
kapál , hungkág ang loob at kinátatamnán ang boông paligid
ng mga nagkisáp-kisáp na bató , anaki'y mga puwit ng alitaptáp
kung matagilid sa liwanag, marahil ay may labis nang magugol,
kung pípilakin , sa pagpapatayô ng isang sadya at malaking
páaralán sa bayan ni kápitáng Loloy.
7-47064
98 LOPE K. SANTOS

Ang alpiler sa panyông alampáy, na tabas paró-paró , ang


apat na pakpák ay buká, gágaláw-galáw sa munting kumilos
ang maysuót, anaki'y ibig lumipád at buháy, samantalang ang
mğa taním na ga-gabinlíd na batóng sari-saring kulay, putî,
dilaw, sinagà at bughaw ay nagpapáringalan ng kisáp . Ang
hiyás na ito ay may halagang isang libong piso!
At ang pulseras ó galáng? Kaurì ng pangliíg ; isang panday
pilak na taga- Santa Cruz ang naghalaga rito ng dalawang libo't
limáng daán .
May tatlóng singsing, dalawá sa kaliwa at isá sa kanan .
Mğa gintô rin , isa'y may tampók na tatlóng perlas, isa'y de com
promiso at ang isa'y may isáng bató lamang, nguni't batóng
gaga-apulid na halos , at parang bituin sa ningning kung
mápailaw.
Masagwâ namang totoó ? Hindi akó ang masagwâ, kundî
ang katotohanan . At kundî ang sagwâng itó , disin namán
noón pa'y napatid na ang pagkakátali ng dalawang pusò sa
hálamanán : si Meni at si Delfín .

Sa tingin, sa gunam-gunam at sa loob ni Delfín, ang pag


kahimala ng gandá ni Marcela , at ang kasagwâán sa mga hiyás
at gayón din sa pananamít , ay naglikha ng isáng dî maulatang
damdamin. "Sayang na babayi itó, -ang naibúbulóng sa
sarili napaáalipin sa kapalaluan!" Sa dalawá ó tatlóng malas
niyang nagawa sa kiyás ng kaharapang Marcela , ay parang
hanging nagdaán lamang sa guní-guní ang dilág ng mukhâ na
agád-agad niyáng náhangaan. Humalili ang isang matigagal
na pagnunuynóy sa gayóng ugali ng maraming mayayaman at
ng mga dalagang anak-mayaman , na sa hiyás at pananamít
lamang ay katakot-takot nang salapî , libo-libo , laksâ- laksâ at
yutà-yutàng piso ang pinatútulog ; samantalang sa silong at sa
labás ng bahay na tinútulugan ng mga alahas na iyán , ay daming
mga taong naghúhubád, nagsisihiga halos sa sahig at sa lupà .
nangamamatay-gutom at nálilibing sa utang sa panginoón nilá ,
dahil sa kauntián ng iniúupa sa kanilang pagkaalipin !
Anó ang napapalâ ng isáng tunay mang may-ari sa mğa
ganyang tulog na kayamanan , kundi ang isang pagpapalalò ?
Sa mga sandaling yaó'y nágunitâ rin ni Delfín na si Sela'y
anak ni kápitáng Loloy, isáng máginoóng nangápitan na sa
panahon ng kastilà at kasalukuyang Presidente municipal pa sa
kanilang bayan . Diyós lamang ang makapagsasabi ng kun sa
paá-paanong paraán at sa kun alín-alíng lalamunan ng mahirap
BANAAG AT SIKAT 99

inagaw ni kápitáng Loloy ang kanyang mga unang yaman, noóng


panahóng "actual" pa siyá ! ... At ito'y hindi paratang ni
sapantahà lamang, si Felipe nang anák din ang nagsasabi ng
lahát na iyon.
Anopa't ang mánunulat ay natigilang dî sapalà sa kanyáng
nákikitang mga parangyá at talinghagà ng buhay, samantalang
ang kanilang karwahe ay nánasok na sa pintuan ng Concordia .
Nagsibabâ siláng lahát sa harap ng hagdanan , na si Meni ay
walâng binibitiwang isá mang salitâ.
-Maíiwan ka na ba rito patí, Meni?-ang nang sila'y nag
sísiakyát na'y pabulóng na ibinirò ni Delfín sa kanyang irog.
Maanong isá mang "aywán" siya'y sinagót .
Ang magkapatid, na sa pag-akyát ay siyáng nagkakásabáy,
náhuhuli ng ilang baytang sa dalawang magsing-irog, ay nagká
bulungan din ng ilang salitâ .
-Síno bang lalaki iyáng isinama mo sa atin? -ang mapusók
na usisà ni Sela.
-Iya'y isá kong matalik na kaibigan dito sa Maynilà ; para
kamí niyang tunay na magkapatid .
-Ohó? kakilala rin ni Meni ? -at sa pagbangít ng ngalang
itó ay panakaw na náiturò ng daliri ang kaibigang dalagang
náuuna .
Nápataón ang pagdaliri sa paglingón ni Meni . Anyông
tumigil pa sa maykalahatian ng hagdán, at tangkâng áantaba
yanan ang mga náhuhulí. Gatila nabíbigatán siyáng makipag
usap kay Delfín. "Anó't akó yatà ang pinag- uusapan ng dala
wáng magkapatid na itó?" ang sa sarili'y náibulóng, nang mama
tàan ang pagturò . Ang dibdib niya'y lalò nang binagyó
ng kutób . Hindî na nátuloy ang pag-aantabáy . Si Delfíng
ayaw sagutín at nápapamangha sa kanyang mukhang tila galít ,
ay mulîng hinarap at pairáp na sinisi ng marahan .
-Sumama-sama pa itó rito ! ...
-Abá, si Meni ! -ang pagulumihanang náitugón ni Delfín ---
Kung nalaman kong ayaw ka , hindî na sana akó sumakay sa
inyóng karwahe.
-Pshé !
-Nğayón pa man : hindî na akó pápanhík sa itaas . Aalís
na akó, ¿ ha ? Dádahilanín kong tútulóy akó sa Santanà . ...
Isáng mariíng irap at ungol ni Meni ang tanging naging
kat úgunan .

883901A
100 LOPE K. SANTOS

Ang mag- iiná, lalo na ang magkapatid, ay nakaramdám


sa tila malungkót na sálitâan ng dalawáng náuuna . Bukód
sa sariling pagkahalatâ ni Sela , ay sinabi pa ni Felipe na ang
dalawang yaó'y nagkakaibigan ngâng talaga.
-Diyatà? totoó ngâ ba ? -ang mapilíng usisà ng kapatid
ni Felipe, na di na nasagót nitó, sapagka't siyang pag-alingaw
ngaw ng mga pasalubong na salitâ ng Madre portera pagkátanáw
at pagkakilala sa nagsisipanhík.
-Hola , Marcelita, bienvenida seas! -ang mga unang salitâ
ng Madre, at . sumunód nang sumalubong patí nang isáng tanod
pintô ring sirvienta na isáng dalagang matandâ.
Si Meni ay kilalá na rin sa Colegiong iyón , sapagka't nang
ang gulang niya'y may mga labingtatlóng taón pa lamang,
siláng magkapatid ni Talia ay nátirá ring may walóng buwán
sa Concordia. Kaya't sa sálubungán patí na siya'y binatì at
bumatì sa mga kakilalang dati .
Di masayod na kasayahan ! Ang ugaling "señora ," na
magsálubungan ang mga labì't pisngí, sa gayong pagdating ng
dalawang kolehyala, ay ginanap ng mga dating magkakaibigan .
Tánungan tungkol sa kabuhayan sa labás at tungkol sa kabu
hayan sa loob ng Colegio, ang dî magkámayaw na umalingaw
ngaw sa boông salón de visitas . May iláng Madre pang nakilahók ,
at ang mga dinatnáng kolehyala sa salas na may dalaw, ay para
parang nakiligalig sa mga bagong- datíng, iba'y sa pananaghilì sa
dalawang kagandahang itó , iba'y sa kahanga-hangang mga hiyás
ni Marcela at iba'y sa udyók ng tuwâ ng dating pagkamag
kaibigan.
Samantala ang dalawang kasamang binatà ng mga bagong
dating, ay kusàng nakibukód sa gayong magulóng sálubungán ,
at ang kanilang mga mata'y pinagalà-galà na lamang sa boông
lagay at lamán ng salón.

Ang tangapang itó sa mga dalaw, ay maylakí ng kung mğa


tatlóngpûng hakbang lamang sa habà at mahigit na sampû sa
luwáng . Sa pagkakalagay ay sukat na ngâng sa mga liwayway
ng araw at saboy ng hangin ay sumalát ; anopa't pag hapón
hapón na'y nag-áanaki'y yungib sa dilim at kainitan . Salamat
sa dalawang hagdáng magkalagós , isa'y ang malaking panhikan
ng madlâ sa harapán, at isa'y ang sa pagpanaog sa kalookan
ng Colegio , at salamat pa rin sa tatlong mayrehas na bintanà sa
magkabilang dako ng hagdán sa haráp , kayâ may mga sinag ng
araw at simoy ng hangin na sa dalawang yaón ay nagpapaaliwalas
ng kauntî, na dî na sukat ikainís ng sínomán .
BANA AGAT SIKAT 101

Pagkapanhík na pagkapanhík sa hagdanang malaki, ang


unang nabubulwagán ng matá ay pintô sa hagdanang katapát .
Sa itaas ng pintông itó, ang natitingalâa'y larawang lumà ni
Doña Margarita Roxas, ginígitna ng dalawang larawan namán
ng Puso ni Jesús at Puso ni María . Isáng mataás na relós sa
kaliwang dako, at isáng nakasabit na kalendaryo sa kanan .
Sunod-sunod na mga kuwadro , salít-salít at tugón-túgunang mga
larawan ng iláng Madre, iláng Pareng nangagbanál sa buhay
nilá at sari-saring himalâ ng Iná ni Kristo, ang sa kahabaan ng
panig na iyon ng hagdanan sa loób, ay nangáhahanay at nangá
sasabit ng matataás.
Sa dulong kanan ng salón , ang una-unang nápatatanyág
ay isang kahoy at di túpìing bayubo (cancel) , na sa pagtakip sa
pintuang nasa likód , ay parang nagbábabaláng sa loob niyo'y
may ikinúkublí sa tanáw ng bálana . Sa itaas ng pintông itó
ay may isang Santo-Kristo . Sa dakong kaliwa ng bayubo ay
malaking larawang kahoy ni San José, nasa sa loob ng isáng
marikít na urna, sa ibabaw ng isang patungáng sadyâ. Sa
kanan ay isang marikít na urna pa rin , kinálalagyan nang buông
larawan ng isá ring santó, maydamít na puláng-pulá, aywán
kun ano ang ngalan .
Sa dulong kaliwâ ay malalaking kuwadro namán ang nanga
kasabit . Sa gitnâ at itaás , larawang malaki at magandá ng
La Purísima Concepción; sa gawing kanan ay San Vicente de
Paul na maraming kasamang batà, at sa gawing kaliwa'y San
José pa, nguni't pintá lamang. Sa haráp, ibabâ ng kuwadro ng
La Purísima, at sa ibabaw ng isáng lamesa ay may náuurnang
Santo Niño.
Anopa't sa magkábi-kabilâng dulo at sa magkábi- kabilâng
panig ng tangapan , ay pawàng kuwadro, mga santó at santá ,
mga himalâ at pintakasi ang nagpapátaasan doón ng urì at
kapangyarihan , na sa isang baguhang dalaw, sa isang pikít
manampalataya sa kaharian ng langit sa ibabaw ng lupà, ay
labis nang makapagpaakalà na siya'y nápapagitnâ na sa isáng
pitak ng langit na iyán , na sukat nang katakutan at dî mapanga
hasáng pasukin ng mga dimonyong maysungay at maybuntót
sa dami ng mga nagtátanod na patay na santó at mga buhay na
madre. Tikís na nga lamang ang mga dimonyong binatà na
nakapan únuksó pa rin sa loób na yaón at nakapaglálarô sa
higpit ng mga Madreng harì na ng pagka-maiingat ...
Hindi mga larawan lamang ang palamuti ng salón . Sa
boông panabí halos at mga sulok, ay may mga pedestal na mari
rikít, patungan ng mga pasô ng sari-saring halamang pangbahay.
Doón sa maytapát ng maaliwalas na larawan ng La Purísima,
102 LOPE K. SANTOS

ay may isang hanay at isáng poók ng mga luklukhan , na kun dî


lamang mapagháhalatâ ng mga Madre, ay marahil yaón ang
lugál na pípilìing parati ng mga magsing-irog na nagdádalawán,
upáng paluhód na mapatibayang lalò sa harap ng gayón dam
banà ang linis ng kani-kanilang pusò at tibay ng kani-kaniláng
sumpâ.
Sa dakó-dakóng pintông papasók sa pinaka- almaséng bílihan
ng mga kolehyala ng mga gamit nila at kasangkapan sa pagbi
bihis , na dî nábilí ó máipabilí sa labás , at natútuluyang kiná
kagát nilá sa mataás mang halagá, ay may isang nakatayông
sabitán ng mga sambalilo ; gaya rin naman ng isa pang nasa kabilâng
dako , sa maypintuang patungo sa koro ng simbahan . Anopá't
ang mga sabitáng yaón ng mga sambalilo ay nagpapakilala nang
hindî mga babayi lamang ang doo'y nakapápanhík at nakadá
dalaw, kundî sampû ng mga lalaki . Nguni't hangán doón na
lamang naman ang sukat maabót ng mga lalaking mánunuksó .
Sa kanang panig ng pag-akyát ay may isá roóng malakíng
aparador na kinátatanghalán ng maririkít na kayong binur
dahán at tinahi ng mga kolehyala, karamiha'y mga pangayák
sa altá at sa mga santó at pangpalamuti sa bahay.
Nasa kaliwang panig ang mahabang hanay at ilang umpók
ng mğa úpûan, laáng talaga sa mga dumádalaw at dinadalaw
na nag- uusap . Oh, sino ang makabibilang ng mga lihim ng
kálulwá na doo'y nápapalwál, ng mga bulaklák ng pusò na doo'y
náhahalimuyak, ng mga paít ng luhà na doo'y nátitigis at nála
lasáp sa pagpapaalaman ng mag-iiná, ng magkakapatid, magka
kaibigan, at magpipinsan! ... Maging ang mga Madre mang
ayaw maniwalà sa pagdalaw ng mga pinsan-pinsan at kabá
kababayan, ay di makapagsasabi nitó! ...
Sa panig na itó bumuo ng isáng umpók sina Meni , Delfín
at mag-iiná ni Sela , pagkatapos ng mga unang batìán at sálu
bungan ng mga dating magkakakilala .
Anó ang pag- uusapan pa nilá kundî ang inihatid na maí
iwan doón? ...
*

Bagamán kaumpók din si Delfín at si Felipe , siláng dalawa'y


nálalayô-layo at may pagsaglít -saglít na sálitâang bukód
sa úsapan ng mga babayi. Pinagmamalas niláng isá-isá ang
mğa kuwadro, at ang ibá pang mga larawang sa kábi-kabila'y
nátitingalâ .
Nang mapatamà ang mga matá sa lumàng larawan ni Doña
Margarita Roxas, ang mayamang babaying itó ang kaniláng
nápag-usapan. Náungkát ang mga dahil na ikinátatanyág
BANAAG AT SIKAT 103

doón ng larawang nasabi. Si Delfín ang nakaáalam at siyáng


nagpatalós kay Felipe. Si Doña Margarita Roxas ay siyáng
tunay na may-ari ng bahay na yaón ng Concordia . Lahat ng
mga bahagi ng bahay na maybubong na tisà, ay siyáng matanda
niyang pag-aarì. Lahát ng mga maybubóng na siím at iba pang
mğa kanugnóg, gaya ng simbahan , mga tulugán at aralán, ay
mga pagawa na lamang na bago at dagdag sa pinag-abutan .
Ipinagkaloob ni Margarita ang bahay na yaón sa mga Hermanas
de la Caridad, na noóng mahigit nang kalahati ang nagdaáng
siglo ay nagsiparito sa Maynilà upang mangag-alagà sa Págali
ngang-sakit ng San Juan de Dios. Ang katipunan ng mga
pinagkaloobang Madre ay sa bahay nang yaón nagsitirá, tuloy
nangagbukás, udyók ng katungkulan nilá, ng paaralan sa mğa
batang babaying anák-dukhâ. Sa pagka-kampón ng pagkaka
wàng-gawa, ang mga Madreng yaó'y nagsimula ng boông siglá
sa kanilang pagtuturò na ipinamintakasi sa La Purísima Con
cepción at kay San Vicente de Paul. Ang mga ginugol sa unang
pagpapaaral ay kaloób din ng nagbigay ng bahay. Káuna
unahang namahalà sa páaraláng itóng kilalá ng lahát sa ngalang
Concordia, ay si Sor Tiburcia Ayans , na dî pa lubhang nalálaong
namatay. Siya ang lalòng nagpakasikap sa ikalálakí ng Cole
gio at ikapagkákaroón ng buhay na sarili . Sa nagsisunód sa
kanya'y nangábangít din namang mabubuting magsipamahalà
sina Sor Josefa Adserías at Sor Catalina Carreras. Anopá't
sa sikháy ng mga Madreng itó at sa pagpapalà at abuloy ng
mğa angkán ng Roxas at Ayala , kayâ umabot ang Concordia sa
mğa kasalukuyang lagáy at buhay.
-At síno bang Margarita Roxas iyán?-ang sa hangán
ditong pag-uulat ni Delfín ay inusisà ng kaibigan.
-Hindî ba naisásaysáy sa iyó ng matatandâ, nang ikaw'y
batà pa , -ani Delfín -ang pangalan at buhay ng Doña Mar
garita Roxas na iyán ?
-Doón sa amin ay hindi.
-Dito sa Maynilà, noóng kami'y mumunti pa , kung ayaw
kaming papaglarûín ng aming mga magulang , lubhâ pa ng
matatandâ, ay walâng panakot sa amin kundi ang "Hayán
na ang minero!," mga salitang ni hindî namin ikapanaog sa hagdán
ó ikapaglaro sa mga lansangan at dî bíbihiràng hindî pa ikátulóg .
Kung aming itanóng sa kanilá kung ano ang minero, ang sabi
nilá ay mga tao raw maliliksí, parang limbás na nangunguha
ng batà, mğa upahan ni Doña Margarita Roxas , upang ang mga
batang nakukuha ay mápatáy at makunan ng dugông máipandí
dilíg sa isang halaman ng nasabing Doña Margarita . Ang
halamang iyon ay pulós daw gintô : ugát , punò , mga sangá , dahon
104 LOPE K. SANTOS

at bulaklak ay gintông pawà, at ang mga ibinúbunga'y tunay


na mga salapi nang gintô rin, dadalawahin , aapatin, lilimahin,
sasampùin, lalabing-animin at dadalawangpûing piso .. Balitàng
balità noóng si Doña Margarita Roxas ang ulo ng yaman dito,
gaya ng pagka-balità nina kápitáng Andong sa Lipá, na , dikonó ,
noong araw, ay nagbibilád na rin ng salapi . Saán kaya naroón
ang mga salaping iyán ngayón ! ...
Pahimutók na náipahayag ni Delfín ang mga huling sali
tâng itó, samantalang sa pagkakániigan nilá ni Felipe sa sálitâng
bukód, ay may nagngíngitngit na kalooban sa dakong kaliwâ
niyá : ang loob ni Meni.
-Anó ang kanilang pinag- uusapan ?-ang sa lalamunan nito'y
nagsisikíp na mga salita.
Makálawá nang tumikím ; sa tágubilinán ng mag-iná ni
Marcela ay minsan na niyáng kusàin ang pagsagót ng malakás ;
dátapwâ, si Delfín ay hindi pa nakakapansín sa gayong pagnği
ngitngit . Nálalamang nang papanhík ay sinisi pa siyá sa pag
kakásama , at nang áalis nama'y inirapa't inunğulan ; náramda
mán agad sa hagdán pa, na tila siya'y ipinaghihinalàng nabig
hani sa kagandahan ni Sela ; kayâ namán, siya'y hindi na naki
lahók sa sálitâan niláng mga babayi, kundî pinilit na silá ni
Felipe'y mapabukód ng úsapan , upáng huwág ikapagwikà ni
Mening ibig na ibig ngâ niya ang makiharáp sa bagong kakilala .
Nguni't ang masama nama'y kung bakit madalás pa kay Meni
ang pagtatapon ng tingin ni Sela sa dalawáng nábubukód . At
mga tinging may lahók na pagkalibáng, kaya't sa pagkausap
ng iná, ay makáiláng kung ano-anó ang naisásagót . Ang bukò
ng loob ni Meni ay parang pinaúugatáng kusà ! ...
* *
Tumugtog ang orasyón . Isá sa tatló ó apat na Madreng
yáo't-dito, na ang mga paá'y walang kalatís magsilakad, mali
limit ang hakbang, anaki'y mga langaw na pasagid-sagid sa mga
umpukang tila nag-áalingasaw ng baho ng mga búlungan , at
anaki'y mga lawin sa tatalas ng matá kung magsipaghagis ng
tingin sa bálanang kumilos ng masamâ-samâng kilos at umanyô
ng masamâ-samâng anyô sa mga umpukan ng salón , ... ang
siyang namunò sa dasál, na ang lahat ay nagsitindíg sa pagkáupô,
iba'y nagsiluhód at iba'y nagsitayo na lamang, hangáng
matapos ang mga kaugaliang panalangin , mangakapaghálikan
ng kamay at makapag-mágandahang-gabí.
Muling nagsiluklók ang isa't isa sa mga uupáng dati, máliban
ang dalawang magkatoto, na pagkatapos mangakidasál , ay nag
siupô na ng harapan sa tatlong babaying kasama . Noón na
lamang nilá nápansín ang talagang gabí na ngâ palá .
BANAAG AT SIKAT 105

-Anó tayo ?-ang náwikà ni Felipe , pagkatapos ng ilán


pang mga sinalitâ sa kapatid tungkol sa kun síno-síno
ang mga kolehyalang sa dakó-dakó roón ay nangagkakáumpók
din at maydalaw-Tayo na pô , nanay : tila nagdídilím ang
langit, úulán marahil.
-Siyá ngâ namán , Sela -anáng iná-kami'y yáyaon na .
Ikaw sana, anák ko'y magpapakabaít dito ...!
Sakâ sinundán ng sama ng mukhâ, nápahikbi : umíiyák .
Si Sela'y pinangaligirán din ng luhà, nguni't dî na nagtuloy ang
iyák na paris ng unang dalhin doón .
-Hala, ang pabirông udyók ni Felipe -mag-iyakan na
kayó rito at baká dî na magkitang mulî ... Ipapasok ninyo't
sakâ ngayo'y kayó ang íiyák ! -ang idinugtóng sa kanyáng iná .
Si Meni ay napatawá sa birò . Nasabing nang siyá man
daw ay ipasok doón sa Concordia, kun sa bagay ay nasa Maynilà
ang mga magulang, ay nápaluhà ring di kawasà at iláng
araw pang di nakakain .
-Kailan kayó lúluwás uli , nanay?-ang tanong ni Sela .
-Sa isang buwán : makalúluwás na. patí amá mo.
-Dalhán ninyó akó ng murà ; dalhán ninyó akó ng kalamay,
langis na mabangó at saka ...¿ hindî pa kaya mahinóg hangáng
sa isang buwan ang nápaaga nating lansones sa likód-bahay?
Magdalá sana kayó , nanay, at nang makátikím na agád itóng
siná Meni.
-Lansones na'y Hulyo pa lamang !-ang náisaló ni Meni .
-Mayroong bumubunga nang maaga ; -ang sambót ni Felipe
-Nğunì , Sela, anóng dami ng bilin mo , makákain mo ba rito
ang lahát na iyon?
-Bákit hindî ? Bigyán mo lamang ang mga Madre : silá
ma'y matatakaw din ng lansones at murà .
-Buko pô ang tawag dito sa amin ng mura -ang kun anó
namá't náisabád-sabád ni Delfín .
Isáng mariíng tingin at gitil ng ngipin ang kay Meni'y tinamó
niyáng gantí, dahil sa pagkakásabád na iyón . Si Delfín sa
gayóng nakita ay parang pinutlán ng dilà na dî na nakaimík .
Walâng nakapansíng ibá kundî si Sela . Noón nalubós na tuloy
ang paniniwalà na ang kaibigan niyá at ang kaibigan ng kanyang
kapatid, ay talagang mapanganib nang pamagitanan pa ng ibang
pag-ibig. Sumagót na lamang ng :
-Siya ngâ pô, buko ang tawag ng mga tagarito .
Si Meni, sa nangyayaring iyón , nagpapakita lamang ng
ngipin ay ano pa . Nagsisisi sa sarili , kung bakit pa't siya'y
106 LOPE K. SANTOS

nakásama sa paghahatid. Ni siyá ma'y hindî makadalumat


sa mga sandaling yaón ng kung anó't nagkakágayón na ang
kanyang ngitngit kay Delfín . Nagsisi rin ng kung bakit pa
nákilala si Marcela . Nguni't anó ang gagawin sa paghahárapang
yaón . Ang mga nagawa niyang pagpapahalatâ ng galit ay toto
óng malabis na . Gágaspáng na namáng totoo ang kanyáng
pinag-aralan , kun sa mga lagáy na yao'y magpahalatâ at gumawâ
ng higit pa . May ibang oras at araw na dáratíng. Itó ang
nakapagpahupâ sa pusók ng kanyáng ngitngít .
Madali't salita'y nátulóy na ang pagpapaalaman . Para
parang nagsitindíg at unti-unting nápalapít sa pintô. Nang
mákita ang gayón ng dalawáng Madre ay nagsilapit namán.
Gayón din ang ginawa ng ilang mga kolehyalang kakilala ni Sela
at ni Meni. Luhà, pag-alíw, tawa , bilinán , kámayan , hálikan
ng kamay ng mag-iná at hálikan sa pisngi ng magkakaibigang
maghihiwalay , itó ang mga nagsunod-sunód na umalingaw-ngáw
sa páalamang yaón.
-Sela , ang nang papaalís na'y ibinulóng ni Felipe
ipanuyò mo akó roón sa matabâng yaóng humalík sa iyó kanği
nang tayo'y bagong-dating.
-Síno? doón ba ? -at itinurò ng pailalim ang isá sa mğa
kolehyalang kausap na ng mga Madre.
-Oo.
-Taga- Kamarines iyón , si Felisa . Hamo't akó ang bahalà.
Sakâ sinundán ng dalawáng magkapatid ng isang sarili
niláng táwanan .
Itinanong ni Meni kung ano ang ipinagbúlungan nilá . Nag
kásabay pa ang magkapatid ng pagsagót na :
-Walâ!-bago idinugtóng ni Felipeng -Sakâ mo na má
lalaman.
Anopa't sa ganáng kay Meni, ang lahat ng nangyari ng
hapong iyon , ay pawang pangpalubhâ sa dináramdám . Nguni't
may isá pa : káhuli-hulihan sa harap ni Sela.
Ang mabuting pinag-aralan ay natupád na niláng mğa
babayi sa pagpapaalamang iyón . Si Felipe man ay gayón
din. Nakápakikamáy sa ibang koleyhala, at kaunti pang patí
sa dalawang Madre, kundi pagdakang malapitan niya ang pina
kabata at nang akmâng pakíkikamayán, ay ipinakálayô-layô,
hindi ang kamay lamang, kundî patí ng katawán. Anó ang malay
natin kundi nakapagbulóng pa ang Madreng iyón ng : "Mánu
nuksó ang lalaking itó !" Ang iná ni Sela ay nakikamáy na sa
mğa Madre unang-una . Si Meni , sa lahát . Nguni't si Delfín
BANAAG AT SIKAT 107

lamang ang tila nápapalagay na walâng pinag-aralan . Natí


tigilan , úutô-utô warì, nag-áalanganing makikamáy kahi't ka
nğino. At lalò pa kay Marcela !
Dátapwâ't inakala niyáng yaó'y di na mámasamaín ni Meni.
Ang magpaalám ng mahusay ay tungkól na ng pinag-aralan at
dî ng pangingibig lamang, kun sakali . Umanyô siyáng lumapit
kay Sela, samantalang ang mag-iná ni Felipe ay nakabábabâ
na ng ilang baytang , at si Meni ay kaakbáy pa't kaú-kausap ng
pagpapaalamán . Nang maramdaman ni Meni ang gayóng
hangád, ang kamay ni Sela , kunwâ'y walâ sa loób na dî na bini
tiwan, hangáng mákitang nanaog si Delfín na isá mang salitâ'y
dî na nakapagbitíw.
Kundî nápakatiwalà ang loób ni Felipe, marahil sukat nang
nahalatâ ang tunay na dahilan ng mga gayóng tíkisan ng dalawáng
magsing-irog.
Nang mamalas namán ni Meni ang pagkakápanaog ni Delfín ,
na yukông-yukô, animo'y nakátukâng ahas , ang pusò niya'y
sinagian ng habág. Nguni't hindi siyá lamang ang naawà:
si Sela man . Kapagka palá namán gayón na ang naging anyô
ng isang binatang mapagsuko sa pag-ibig, gaano mang panibughô
ng kasintaha'y nagbabawa, at gaano mang pag- iingat ng pinag
pápanibughua'y naháhalatâ ! Anopá't nang si Meni'y má
pangiti , ngiting itinakíp niyá sa galit, si Sela namá'y nápa
buntong-hininga , buntóng-hiningang iniukol niyá kunwâ sa
umáalís nang iná at kapatíd.
-Felipe, —ang ipinahabol na salitâ ni Sela , nang si Meni
ay papanaóg na rin -¿ kailán uli kayó páparito?
-Itanóng mo kay Meni .
-Ah , si Meni ! hindî na iyán dádalaw sa akin ...
-Bákit hindî? Sa isang lingó , tignán mo ! -ang pangako
ng tinukoy.
-Maraming salamat sa inyó, Adyós, nanay!
Ang inang inadyusán ay dî na nakasagót : lumúluhà , nagsisisi
kung bakit patí anák na babayi'y napapag-aral pa . Sana'y
dî nangyayari ang gayóng mga pagkalayo sa matá nilang mag
asawa.
Nagsákayan na sa karwahe , samantalang si Sela sa itaás ,
ang dalawang Madre, ang matandang tanod-pintô at ilán pang
mğa kolehyala , ay nangakatanáw sa kanilang apat. Sumaloób
at magkapiling ang iná ni Sela at si Meni , at sa bangkito nama'y
nagkáratig si Delfín at si Felipe .
Paglabas sa daáng Santanà, ipinatigil ni Delfín ang karwahe.
-Bákit ?-ani Felipe .

8
108 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Ako'y tútuloy sa Santanà.


-Bukas na, kaibigan ; tila úulanín ka.
Si Delfín ay ayaw papigil . Bagamán nákikita niyáng si
Meni , na walâng kasalí-salitâ hangá noón, ay nagpahalatâ . sa
iláng ungol ng pagka-ayaw siyang palakarin , at bagamán nágunitâ
ang baka makáramdám si Felipe ng mga dahil ng kaniláng
sámâan ng loób ; dátapwâ'y nagpilit ding umibís, at dikono'y
may napangakuan siyáng isáng kasama sa pag-aaral , na kahi't
gabì na'y dádalawin din .
-Itó namang si Felipe : -ang sabád ni Meni sa kinákapatíd
na pumipigil sa pápanaóg -pabayaan mo ang taong maylála
karin .... !
-Hindi't gabí na.
-Gabí na ngâ namán, -ang payo ng matandang babayi
sakâ tila umáambón .
-Kun gabihín pô silá -ang sabád ni Meni -at abutin ng
ulán , ay dî hanyong magdaán at dito makisilong sa Concordia ...
Isáng tínginang kapwà paulós ng dalawá , na sa gayóng dilim
ay parang dalawáng sandatang kumisláp sa pagkakápingki , at
pagkatapos .... si Delfí'y yumao na rin.
Anóng paít na paghihiwalay !
*** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** . *.
***** * ***** * ***** * **
******* ************* ******* ***
***** * ***** * ******
* *** *** *** *** *** ** *** *** *** *** :

VIII

MGA SULAT

ANG NAG-USAP

(Padalá ni Delfín kay Meni) .


"MENI : "13 Hunyo, 1904.
"Aantayin ko sanang ikaw ang sumulat sa akin . Ikaw ang
maykatungkulang magpaliwanag ng di ko madalú-dalumat
na mğa sanhî ng pagkagalit mong yaón kahapon.
"Dátapwâ't hindî na akó makatagál. Hindi ko totoong
mabatá na makapaglipat araw sa paggugunitâ ng noó mong
nanğúngunót , ng mga tingin mong nakas úsugat , ng mga salitâng
nakahihirín at ng nagdádalamhatì ó nagngíngitngit mong pusò
dahil kay Delfín ...
"Maniwala ka , Meni, na di ko ikináhimbíng iyán kagabing
magdamag.
"Sapagka't ¿ bákit ? ¿ anó ang nakita mo sa aking kapoót
poót na gawâ? Panibughô kaya ang dahil ? ... Minasamâ
mo ba ang pagkakasama ko sa inyó nang dî muna kitá nagkaká
usap? Dapat mong matalastás na si Felipe ang may yayà sa
akin kahapon ng umaga . Siya ang maysabing ikaw ay sásamang
maghatid sa kanyáng kapatid sa Concordia . At ipinasabi ko
namán sa iyong ako'y sásama rin . Pinagkasálitâan pa namin
na doón ko kayó áantayín sa Pakò .. Hindi ba niyá sinasabi
sa iyo? Kung hindî ay walâ akóng kasalanan . Patawarin
ni Meni si Delfín ! Kailán ma'y di ko inibig ang gumawa ng
mga pangangahás na gayón, nang di mo nálalaman.
"Kung paghihinalà namán ang dahil, ¡ oh, aking ligaya ! ¡ ang
langit nati'y huwag mong ipanganib na maglalahò sa gayón
gayón lamang ! Sa ati'y wala nang alapaap na nakatatabing!
Hawak mo na ang kapalaran natin ! At ang palad na iya'y
hindi na maaagaw nínomán, kundi kung sadyâ mo na lamang
ipaagaw .....
110 LOPE K. SANTOS

"Akó ? Ako'y lalaki : hindi ko iniáalis na ako'y lalaki . Ma


áaring magkáligáw-ligaw sa mga gubat at magkásuót-suót sa
mga katinikán ng buhay ; nguni't mayloób akóng maika
bábalík sa landás na pinangalingan ! Ako'y maylakás na mai
pakikitungali sa madlang panganib na mákakasalubong !
"Ikáw! Ikaw ay babayi : hindi mo maiáalís ang iyong
pagkababayi ! Sa aki'y dî lihim na ang kinágisnán mong baníg
ay di ko mapapalitán . At sa bahay mo ay may nagsisilapit na
mga anyaya ng lalong matataas na kapalaran. Dátapwâ,
hindi ko naiisipan hangá ngayon ang pagmalián kang sapantahà.
Hindi! Nanánalig akó na ang sumpâ mo'y siyáng ipasásapot
sa akin kung ako'y mamatáy, at ang sumpâ ko ay siyá mong
úunanin kung mamatay ka namán. Anopá't ang sumpâan
nati'y kasama sa hukay na itátagò ng panahón !
"At sino siya kay Meni? Anó na ang gandá niyá sa sumpâ.
mo? Ang sampû bang Concordia nilá ay maitútumbás sa isáng
glorieta natin? ...
"Unti-unti nang iyong pag-aralan ang mga ugali ko , tulad
sa aking pag-aaral namán sa mga ugali mo ; upáng nang kun sa
gayón-gayón lamang mga kilos , mga tingin at mga pagbirò , na
maminsan-minsan mong nakikita sa akin , ay hindi ka karaka
rakang napadádalá't sukat sa malîng pananapantahà. Inúulit
ko na kung ako'y mapaghihinalaan mo ng paglililo , sa iyo'y
makápupông higit na makapaghihinalà akó. Ngunì ... ¡ nápa
kaaga ! ... Anáng isáng mánunulat ay: "Wala nang mabagsík
na lason ang pag-ibig na gaya ng panibughô : tulad sa mumunting
hayop na gumágalà sa katawán ng isang taong maysakit , kundi
man makamatay na biglâ, ay nakamámatáy na unti-untî."
"Nálaman mo na , Meni : lason at microbio ang kinikimkím
ng iyong loob ngayón . Kung ibig nating mabuhay si Pag-ibig,
iwaksí iyang si Panibughô.
"Hindi ba?
"Ang iyong-iyó lamang na si
DELFIN."

(Sagot ni Meni kay Delfín) .


"KAY DELFÍN :

"Ang sulat mo kahapon ay nábasa ko na : makáitló at maká


limá pa. Hindi akó ang unang maykatungkulang sumulat,
kundi ikaw, sapagka't talastás mo nang ako ay nagagalit , dapat
na iyong pag-usigin kung ano ang dahil. Bukód sa rito'y nála
laman ko namang hindi ka makabábatá ... ¿ hindî ba totoo?
BANAAG A T SIKAT 111

"Ipinatátalastás ko sa iyong hindi na ako nagagalit ngayón ;


nguni't huwág kong mábabalitàan sana na ikaw ay nakisama pa
kay Felipe sa pagdalaw-dalaw niyá sa Concordia . Kung ibig
mong magalit na akó ng totohanan , ay pumaroón kayó ulî : saka
mo mákikilala kun síno ang iyong kabisa ...
"Mabuti ngâ sa iyó kung hindi ka nákatulog kagabing mag
damág ! Ako ay nákatulog ng ... mahimbing na mahimbing.
Nálaman mo kung bakit ? Dahil sa pagguguní-guní ko ng
pagkagandá-gandáng mukhâ ni Marcela, at kung akó lamang ay
náturùan mo na ng mabuting pagtulâ, paris ng matagál nang
iyong pangako sa akin , marahil ay may nábasa na siyá bukas sa
Bagong Araw na isáng tulâ kong patungkol sa kanya ... Ako'y
nanaginip kagabí sa kahimbingán : akó raw ay isang lalaki, ang
pangalan ko'y Delfín; kamakalawá raw ay may inihatid akó sa
isáng Colegio na isáng dalagang walâng kasing-gandá sa ibabaw
ng lupà. Hindi ko na lamang maalaala ngayón kung Marcela
ang pangalan niyá. Habang kamí raw ay nasa karwahe, ay tila
akó náeenkanto at parang walâ nang nakikitang tao kundi ang
Marcela lamang na iyón . Mulâng ulo hangáng paá ay siyá ko na
raw lamang napagmamasdán, na halos nagkákangpupunğay
ang aking mga matá sa pagtitig sa kanyá . Siyá raw naman ay
gayón din sa akin : kahi't kausapin ng ibang mga kasakay namin
ay hindi makuhang sumagót . Pagdating daw sa Colegio ay lalò
na ang aming mga tinginan at ngitian . Nápuná raw kami ng
Madre : ako'y pinapanaog at hindi man nakákamáy kay Mar
cela ... ( Hiiilat : nápahiyâ ang batà !)
"Itó ang napanaginip ko . Ikáw ba , hindi ka nanaginip ng
katulad nitó?
"Hangán dito na lamang, Delfín , at ang mga sinasabi mo
tungkol sa paninibugho ay hindî totoó : ang "celos ay pag-ibig. "
Tignan mo sa Diccionario kung hindî, at kung ayaw kang mani
wala ay saka ko na ipaliliwanag sa iyó .
"Ang corcordiana mong si
MENI ."
"Habol: Ipakigawa mo na kaya akó ng isang tulâ para
máipatungkol kay Sela, ¿ ha?
Kalangkáp ."

(Si Meni kay Delfín) .


"20 Hunyo.
"DELFÍN kong minámahál :
"Walang anománg nangyari , kayâ huwag kang mag-alaala .
Ang nakáramdám lamang sa iyo ay ang kotsero namin , nguni't
112 LOPE K: SANTOS

ang tatay ko'y hindi. Totoóng totoó ngâ akóng nawalan ng


loob sa pagkakásigáw na iyón ng tatay na : 'Bákit walâng
ilaw sa pintong malaki?' Ang akala ko'y náramdamá n tayo
at pápasok siyá sa hálamanán . Kayâ nápuná ang ilaw ay
lingóng- lingó ngâ namán , at sakâ kun sinong amerikano at si
Don Filemon ang mga kasakay niyá sa karwahe. Buhat nang
paroón nang tanghali pa sa karera, ay hindi umuwî ang tatay
kundi kagabi na lamang. May kainitan nga ang ulo , pagka't
natalo.
"Akó nama'y hindî nahalatâ ni kamuntî man . Sa hagdán
sa kusina akó nagdaán , at kunwari'y galing lamang sa labás
nang pumasok.
"Ikáw, takót na takót ka ba?
"Si Felipe ay tanungin mo't walâ raw siyáng málamang
gawin kagabí , nang dî pa ako umaakyát.
"Hindi ko masabi kung matutuloy pa kamí ó hindî na sa
pagpasok sa Night School. Si Talia ay ayaw nang papasukin
ni Yoyong. Kung ibig daw naming matuto ng inglés, ay umupa
nang paris ng dati sa isang maestra amerikana , na makapáparito
sa bahay . Ikáw ba, anó namán ang pasyá mo?
"Tangapín mo ang isáng sulat na kalangkáp nitó : ivá'y
padalá na namán sa akin ni Pepito Serrallo sa Troso, na hindî
ko na tuloy náibigay sa iyó kagabí. Basahin mo't kung ano
anóng mga kaululán ang náriyán . Wikàng kastilà pa kung
sumulat ay hindi namán marunong ang hiló. Nangyari sa
poesía ay hindi ko mawawàan . Tignan mo iyá't baka maáarì
nang kuning mánunulat siyá sa inyong pahayagán
"Wala na sa ngayón . Isang .... matunóg kay Delfín ....
MENI."

"Habol: -Huwág ka na munang pumarito sa loob ng lingóng


itó . Baka ka masuyà agád sa kaligayahan ng ating glorieta.
Sa isang lingó na , ¿ há?
Kalangkáp ."

(Hulog sa tagalog ng sulat ni Pepito) .


"SA MGA KAMAY NG AKING PAG-ASA.
(A las manos de mi esperanza.)
"Walang kaparis na Judit filipina:
"Ikáitló na itong paghawak ko sa aking plumang walâng
"umáagos na tintá kundî tintá ng pag-ibig, upang maihalimuyak
"ko na namán sa iyong walâng katulad na karíkitan , —dikít ng
BANAAG A T SIKAT 113

"mğa úngeles at serafines -ang bangó ng aking pag-ibig, pag-ibig


"na hindi pa ninyó tinútugón hangá ngayón ng ináantáy kong
"pag-asa diyán sa mga labì niyóng marfil.
"Hindî pô maáaring mabuhay sa ibabaw ng mundong itó ,
"ang hindi magtaglay ng mataós na pag-ibig sa inyóng dakilang
"gandá, na tinangì ng Diyos na magíng Reina de las Flores ng
"Extremo Oriente, at ideal ng mga bayaning Pilipino, gaya nina
"Burgos, Rizal, Mabini at iba pa.
"Huwag mo pô akóng pagkaitán ng ilang salitang makapag
"pápatigháw sa mga tumitibók na damdamin dini sa aking
"pusòng uhaw sa pag- ibig.
"Mulâ pa roón sa batis ng Antipulo, na ang inyong ingat
"na ganda'y aking mapanood sa paliligò, ako'y hindi na nakapag
"pigil sa agos ng pag-ibig na itinúturò sa akin ng maligayang
"panahon ng pagkabinatà . Habang tayo'y nangunguha roón
"ng duhat , ay hindi ko málaman ang gawin upáng noón pa'y
"makaluhód na sa inyóng kámahal-mahalang harapán ; dá
"tapwa't may isá namáng taksil na loób na walâng anó-ano'y
"dumating at umagaw sa mga sandaling yaong walang kasing
"tamís . Nákilala ko na kun sino iyón , nguni't kung siya'y
"tunay mang mapalad na sa pag-asa sa marfil niyóng kamay,
"ako'y hindî namán natátakot magpain ng aking buhay kun
"ang makaháhadláng sa hangád kong bumúbukál sa pusò ay
"gaya lamang niyá. Gasino na siyá! ...
"Sa mga bakás ng inyó pông nilálakaran , ¡ oh dakilang talà
"sa Silangan !, ako'y humáhalík , at ipinag-áantáy ko ng sagót
"niyóng kátamis-tamisan ang aking mga banál na pagnanasà !
"Adiós, oh lira de mis ilusiones!
PEPING SERRALLO , "

(Si Delfín kay Meni) .


"MENI KO :
"Salamat kung walâng anománg nangyari ! Nálaman
kun saán ako nagdaán ? Hindi na sa pintô , kundî umakyát
na ako sa rehas . Kung nagkátaóng may pulés , marahil ako'y
sa kalabús nákatulog kagabí . Dátapwâ't walâ ring paris niyóng
unang gabing ako'y iwan mo sa glorieta na magsiratíng sina ñora
Loleng.
"Ang lagay palá'y maybantâ pa sa akin ang Serrallong iyán,
há? Kaawa-awà namán !. Kung ako ikaw ay sásagutín
ko na . Ayon sa sulat ni Peping ay "ikáitló nang paghawak
ng pluma" itó, ¿ saán nároón ang dalawang una ? Marahil may
lulang contrabando, kayâ hindî máipakita sa akin . Paglililo ? ..
8-47064
114 LOPE K. SANTOS

"Nagkausap kamí kanğina ng bábayawin mong abogado .


Násabi rin sa akin iyáng tungkol sa inyong pagpasok sa Araláng
Gabí . Tila ngâ namán mabuti pa ang magsabahay na lamang
kayó . Nğunì , ay bakit dî ka pa sa Normal School lumipat ay
maáarì na namán? Kasalukuyan pa ngayón ng pagkukuhanan
ng matrikula.
"May ibabalità akó sa iyó tungkol kay Felipe . Pag- ingatan
mong malaman niyang ang may sabi'y akó , sapagka't ayaw
ipamalay kangino man . Hindi mo ba nápansín siyá , kung
anó't kagabí, lingóng-lingó , ay hindi umalís diyán sa bahay?
Hindi mo naháhalatâng parati nang malungkót ngayón ? ...
Ako'y naáawà namán : buhat kanginang umaga, tuwing áakyát
sa akin, ay marami pa ang buntóng-hininga kaysa salitâ . Ga
yóng kataás ng luhà niyá, ay mangiyák-ngiyák na namán sa akin.
Meni , mapag-aaralan natin ang nangyayari sa kanyá , sapagka't
may malaking kabuluhan .
"Nákilala mo na ba si TENTAY na pináparunán niyáng ma
dalás sa San Lázaro ( Santa Cruz) ? Nang kayo'y na sa Antipulo ,
siná Tentay ay nároón din : aywán kung nagkákita kayó ó náipa
kilala sa iyo ni Felipe . Nguni't sa akala ko'y hindi, sapagka't
nápakamalihim ang taong iyán , na maging sa akin ay bahá
bahagya nang magsabi ng mga nangyayari sa kanyang pag
panhík doón. Minsan man ay hindi akó isinama : sakâ na
ng sakâ na raw.
"Si Tentay ay may kung ilang kapatid , at may ama't iná pa :
isáng mag-anak siláng, ayon sa sabi rin ni Felipe, ay nabubuhay
na nábabaón hangáng liíg sa kahirapan . Ang ama'y maysakit ;
ang ina'y maypásusuhín pa, at ang isang kapatid na lalaki , ang
sinundán ni Tentay, ay may anim nang taong walâ, hindî mála
man kun saán na naparoón , mulâ nang umalís dito sa Pilipinas
nang taong 1898. Umano'y naging kasamang alilà ng isang
kastilang taong bapor. Aywán kung paano ang pagkaka
pangyari nitó .
"Ang inabot na lagáy ni Felipe sa mag-anak na iyón , ay ma
butí-butí rin namán . Bagamán hindi ko masabi ang siya'y naka
pápantay na sa lagáy ni Delfín kay Meni ; dátapwâ, malaki ang
pagkáramdám kong sivá'y mayroon na ring kalinawan, kundi
man lubós ay kaigihan man lamang . Ang amá ang siyang
una-una niyang kasundô, at sa lilim ng Kapisanan ng Pag-gawa
silá nagkakilala . Ang iná ang tila hindi makápusò sa kanya.
At si Tentay, na mahál sa amá kaysa iná , at takót sa iná kaysa
amá, ay siyang nasa álanganin pa rin kung magpalagay kay
Felipe. Hindi naman sa pagka-álanganing itó, ay walângwalâ
pa siyang pag-asa sa ganang kay Tentay. Mayroon ng kaunti ;
BANA AG AT SIKAT 115

at kung wala'y disin hindi na siyá nagpakaabot sa magsásang


taón na ngayong panunuyò. Ang nakapangyayari kay Tentay
ay itó: may mga araw na panhík ó pagkikita nilá, na si Tentay
ay buông pag-ibig, buông giliw, buông pangakò at tunay na
kalwalhatian ni Felipe, marahil kung mga araw na ang sariling
pusò niya at ang mga hatol ng amá ang nasunód ; at may mğa
araw namang ilaw na áandap-andáp, nagmámalabò , madalás
makabitíw ng mga salitang pangpabuwáy sa isang panatag
na pag-asa (paris din ni Meni noong araw) , at kung magkabisalà'y
nápapaluha pa sa pagtatapát na maanong si Felipe'y lumimot
na sa kanya, nang di napagkákagalitáng parati ng iná . At sa
mğa ayos at salitâng itó , ay hindî míminsang si Felipe'y nanánaog
sa bahay nang walâng uwi kundi sakláp sa dilà, agam-agam sa
pusò at lungkot sa gunam-gunam ! ... Oh, tikís na ngâ lamang
kayóng mga babayi na mapaglikha sa aming buhay ng mga
ganitong damdamin ! ...
"Nguni't hindi pa itó ang kasalukuyang ipinagdádalamhatì
ni Felipe. Kun ganitó lamang ay matitiís pa sa sarili. Ang
hindi na totoó niyáng maatím , na ipinagtapát na tuloy sa
aking buông-buô kangina , ay ang may isáng lingó na raw ngayong
pagpaít ng mga pagsuyò niyá kay Tentay. Si Tentay, ang
kung baga sa ating dalawá , ay nagíng Delfín , at si Felipe ang Meni.
"Kapagkaraka'y kilalá na ng amá ni Tentay ang pamumuhay
sa sariling bayan ni Felipe. Talós niyáng mayamang-mayaman ,
at kung kaya lamang nagtítiís dito sa Maynilà sa isáng marálitâng
hanap-buhay, ay sanhî sa nákagalitan ng amá sa dî pag-aaral .
Ang amá ni Tentay ay isáng mangagawàng matandâ na , may
sakít na paglurâ ng dugô , palubha na ng palubhâ , at ngayo'y
wala nang lakás na mápakinabangan . Sa pagkakilala niyá
sa magandang ugali ni Felipe at sa pagtakám marahil sa isáng
maginhawang-buhay na málaó't mádalî'y mátatamó ng kanyang
asawa't mğa anák, kung mangaiwan na sa pagdarálitâ, at maging
kaisáng- palad ni Felipe si Tentay, ang nasabing amá ay nag
karoón na mulâ mulâ pa ng isang tanging pagmamahal kay
Felipe, na anopa't sa pagnanais sa kanyang dalagang anák, ay
siyá na halos ang maykapararakan .
"Nguni't ang mag-iná ay walâng malay sa ganitong panahà
ó tungo ng maysakit na mangagawà. Ni hindi sapagka't sa
pagkakita nila'y dukhâ rin si Felipe, kayâ dî mápusuan ng iná,
ni hindî rin namán sapagka't siya'y mahirap ay hindi na naka
kákita ng mga sinag ng pag-asa kay Tentay.
"Oo , ang pagkakilala ng mag-iná kay Felipe ay isang hamak
na mangagawà rin . Hindi namán násasabi ng amá ang ganáng
kanyang natátalós . Marahil may isang ugali ang asawa't anák
116 LOPE Ꮶ . SANTOS

na di ibig suunğín , kaya ang pagka-anák-mayaman ni Felipe ay


hindi ninais ipamalay agad sa kanila. Ang ginagawing asal
marálitâ ni Felipe at ang kalayuan ng kanyáng loob sa mğa
panghalina ng kayamanan , ay sivá namáng nakapangyayari, kayâ
ni minsan , ni dungít man, ay di nakapagbitaw sa kanyáng dilà
ng mga kaparangyahan ng sarili at ng mga kaginhawahang
tinátalikdán . Násasabi niyáng taga- Silangan siyá, buháy ang
mga magulang, may isá pang kapatid na dalaga , at hangáng dito
na lamang . Mahangà ay nakapagsisinungaling pa : dikonó , sa
pinaghahanap-buhayan niya'y nakapagpapadala pa sa mğa
magulang at kapatid upang makatulong sa ikinabubuhay nilá.
"Sa ganáng kay Tentay namán , ang pagkarukhâng itó ni
Felipe ay isa sa mga unang bagay na ikinapúpukaw ng sarili
niyang pag-giliw. Marahil ay sapagka't nakúkurò niyáng
walang makabábatíd , walâng makasúsukat at walâng mákakaag
páng ang mahirap , kundi kahirapan din . ( Katulad ng kayama
nan, walâng hanap at ibáng kasiyahang-loób kundî yaman din ,
hindî pô ba, aling Meni?) Marahil náiisip ni Tentay na malaon
na siyang anak at alipin ng karálitâan, ay bakâ kundi sa kapwà
mahirap umirog, ay busabusin pa ng kayamanan ...... Kun
sa bagay, siyá namán ay maymukhang sukat panikluhurán din ng
salapi at dunong ; dátapwa'y walang nasasabing parati kay
Felipe sa mga sandaling ipinagkakániíg nilá ng sálitâan , kundî
ang: "Oh , Ipéng, pinakikiharapán kitá ng higit sa mga ibá
pang dito'y pumápanhík, sapagka't ikaw ang mahirap at di
mapagmakisig sa kanilang lahat !" .....
"Mahúhulò mo na , Meni , kun dî ang mga pananalitâng ganitó
ng isáng dalaga , ay sukat na ó labis pang makapagpapanatili
sa isang paris ni Felipe sa gawâng paghihirap-hirapan.
"Nguni't ang sakit ng amá ni Tentay ay may isang buwán
na ngayong nagbabalà sa mag-anak ng isáng di na malayòng
pag-uúlilahán . Anománg hirap ay tumupád silá sa isang pangako
sa Antipulo, kaya náparoón ; nguni't diwà'y nabinat sa pag
kaká-ahon-lusong nilang ginawâ. Kundî malakás ang loób , at
kung naging sakít na ibá man lamang sa paglurâ ng dugô at
pagkatuyô, disin lubós nang náratay siyá sa mga araw na itó.
Sa bahay daw ay nakapagmámanhík-manaog pa . Nguni't walâ
nang talaga makáilán nang nasabi kay Felipe ng lihim , na
kanyá nang naririnig ang laging umúukilkil sa tayngang pagtawag
ni Kamatayan ...
Noóng sábado ng gabi si Felipe'y naparoón . Dinatnán
niyang ang bahay ay kasinglungkot ng isang libingan . Ang
mga bata'y nagsisihikbî ; ang mag- iná ng dalaga ay nauupông
magkaratig sa isang bangkô , at waring nagbubulungan ng may
BANA AGAT SIKAT 117

kahalong paták ng luhà at sikíp ng hiningá. Kun sa pagbulwág


sa hagdán ay hindî nátamàan agád ng matá ang amáng maysakít
na nakasandíg sa isang malandáy na silyáng kawayan , at kátaón
pang lumurâ sa isáng tutukán ng manók na may-abó , sadyâ
niyáng lúrâan , disin ang kapagdaka'y sumahagap ni Felipe
noón, ay ang namatay na marahil ang maysakít na pinan únuyùan .
Matagal daw siyáng dî nakapanhík at nag-antáy muna , hangán
sa nang mámatàan ng amá, ay itó pa ang kumawáy sa kanyá
at nagpatuloy.
"Ang kapanglawang inabot ni Felipe ay nagpangáp na walâng
anomán sa mukha ng mag-iná . Ang mga batà na lamang ang
sukat kahalatán . Siyá namán ay nagwalâng-bahalà kunwâ.
Nguni't dî nagluwát ay nakindatán ni Tentay, upang umupô
sa siping nitó , samantalang ang iná ay nápabukód na sa pag
papasuso sa sangól na halos nagkantutulog sa sahig.
"Oh, Meni ! kung ikaw ang napagsabihan ni Felipe ng mga
pinag-usapan nilá ni Tentay noón, marahil natigmák sa luhà
ang iyong mga pisnğí ! Akóng yarí ay dî nakapagtipíd habang
sinásaysay sa akin !
"Hindi ko na iúulat sa iyóng lahát . Sukat mo na lamang
matalós na sa sálitâang yao'y pinakahingî-hingî ni Tentay na
patawarin na siyá ni Felipe ; na mangyaring hangáng buhay ang
kanyang amá siya'y magpahayag nang hindi nangingibig kundî
nakikikapatid na lamang. Kinausap daw pala ang mag-iná
ng maysakit . Sinabing kayâ niyá nápipili si Felipe na máipag
tagubilin kay Tentay, ay sapagka't kanyáng kilalang may
mabuting kabuhayan, na sukat makabihis sa pagdarálitâ ng
mğa maúulilang anak. Ipinahayag daw ng amá ang lahát niyang
natátalós tungkol sa kayamanan nina Felipe . Ang iná , nang
matalós iyón , ay alangáng kumiling at alanğáng tumangí sa
himok ng asawa . Nguni't si Tentay ang tunay na tumutol.
Sa pagkáriníg ng mga balità at hikayat ng amá, ay biglâng
mawalâ sa pusò ang pag-ibig na parang hinugasang kusà . Nag
umiyák sa mga magulang ; nagsabi ng tapát na siya'y hindî
kailangang maghirap sa pagkaulila kun ang paghihirapan niya'y
ang maglingkód sa iná at sa mumunting kapatid at kun ang
pakikisamahan ay kaurì at kapwà marálitâ na dî na niya pag
áaralan pang pakibagayan. Nágunitâ na raw lahát ni Tentay at
minatwid sa kanyang amá ang mga kapanganibán ng palad niláng
mag-iiná sakaling mayayaman ang mangagíng biyanán . Ano
pá't ang himukán at tutulán nila ay umabot sa mga kasaklapán
ng luhà, na sampûng maysakít ay nagtampó at ang mga bata'y
nakahalatâ sa kalungkutan , tuloy nangakiiyák.
118 LOPE Ꮶ . SANTOS

"Ipinahayag ni Tentay ang lahat ng itó kay Felipe , at ano


mán daw paliwanag , anománg pangakò ang kanyang ginawâ,
ang kaawa-awàng dalaga ay di niyá nátamóng mapapagbalík
sa dating pag-irog at dating pananalig.
"Si Felipe'y umuwi noón na taglay ang lalòng itím ng
lungkot sa kanyáng gunam-gunam.
"Tignan mo ang katimpîán ni Felipe : ngayon lamang umagang
itó násabi sa akin , at kahapong magkasá-kasama kami ay hindi.
Kundi ako ang pumansín sa lumbáy niyá ay hindi pa magsasabi.
"Napalawig akóng totoó , Meni , sa pagbabalità sa iyo ng
mga ipinaglilihim pa namán ng isang kasambahay mo. Para na
akóng sumulat ng Kasaysayan ng isang buhay. Dapwa't hindî
kailangan kung para sa iyó : sakâ mabuting ito'y matalós mo
bago makalipas . Ikaw at ako ay maymátututuhan sa mga
ganitong nangyayari . Hindi ba ?...
"Hangán dito .
DELFÍN ."
"Habol: -Anóng pagkasuyà ang sinasabi mo ? Sino ? akó ?.
Oh , Meni ! .. Dátapwa't pinaloloóban kitá. Sa isáng lingó
kun sa isang lingó.
Kasama ."

(Si Meni kay Delfín .)


"MINAMAHAL KO :
"Diwa'y wala ka nang ginawâng ibá kahapon kundi ang
sumulat sa akin . Isáng nobela na ! ... Mánunulat ka ngâ ! ... Sa
pagka't mahabà ang sulat mo, maikli namán ang isásagót ko.
"Sa makalawá, huwebes , ay may labás sa Zorrilla . Ang makí
kinabang na artista ay nagpadalá na rito sa amin ng isáng palko;
nguni't ako'y hindi sásama . Makapáparito ka ba?
"Anó ang sinasabi mong contrabando sa dalawang sulat ni
Pepito? Náririto pô't itinátagò ko , talagang ibig ko lamang
masubok kun totoo ngâng "lason at microbio ang paninibughô !”
Nákita mo na kung kamí lamang mga babayi ang marunong
magtanong ng paglililo? ...
"Ang tungkol sa Normal School ay sakâ na natin pag-usapan .
"Bagay kay Felipe, ay gayón din : sakâ na . Kaawa-awà
namán ...!
"Nguni't ano ang sinasabi mong matututuhan natin sa nang
yayari sa kaniláng dalawá ni Tentay ? Ang sapagka ba't ikaw
ay mahirap ay ibig mong katwiranan namán akó ng mga minatwíd
ni Tentay? .... Magbabayad ka pagparito mo ! ...
MENI."
IX
^^^^^^^^^^^^^^^
PAAAAA..AAAAAAAR
^^^^^^^^^^'

wwwwwwwwwwwww
Kayamanan nang Mahirap

Isang araw noón nang magtátapós na ang Agosto ng 1904 rin .


Kasalukuyang nanananghalì na ang mga manlilimbag sa piná
pasukan ni Felipe nang málinğunán nitóng lumálapit sa kanyá
si Lucio, isáng kapatid ni Tentay na lalabingdalawahín nang
taon ang gulang. Ang matá'y namumugtô at sa pagkakita sa
kanyá, ay pinang-aligiráng biglâ ng luhà . Sa dibdib ni Felipe
ay naging isang marahás na suntók ang dating na iyón . Kai
kailan ma'y hindi nakapápasok doón si Lucio, ni dî niyá
inakalang yao'y mátutuhan . Nabitiwang bigla ang kipíl nang
kaning is úsubò at sinalubong ang batà.
Iniabót nitó ng isá mang salitâ'y walâ, ang isang munting
tiklóp na papel . Pagkabuklát at pagkabasa , ay nakapagtanóng
si Felipe sa boông pagkagulumihanan :
-At saán nároón ang ate mo?
-Nároón pô sa labás, kayo'y ináantáy .
Hindi na náalaala ang siya'y bago pa lamang ka úupô sa
pagkain . Ni dî rin nakuhang maghugas pa ng kamáy : nuha
lamang ng kapirasong papel na nátagpûán sa paglingón at
siyang pinagpahiran ng kamay niyáng nanglálagkít sa kanin .
Tinungo sa sabitán ang kanyang amerikana at sambalilo , at
isinuót na dali-dali. Kundi ang mga kasalo ang nakápuná , ay
marahil nawala na sa loób na siya'y may maíiwang pagkain
at gagawin .
-Bákit ? nápaano ka , Felipe ? saán ang lakad mo ? -ang
sunod-sunod na naging tanungan sa kanya .
-Walâ !... ang bahagya nang náisagót -Mayroón lamang
akóng páparunán sandalî-ang náidugtong pa .
-Oy, sino kang bata ka?-ang birò ng isá sa mga kasamahán
ni Felipe .
Ang bata'y hindî tumugón . Si Felipe ang tinitignan sa pag
bibihis .
120 LOPE K. SANTOS

-Ah , iyán ang bayaw natin! -ang tuksó ng isá pang tila
nakakakilala na sa batà.
Ni ang bata ni si Felipe, ay hindî nakitungo sa gayóng mğa
salita. Sabáy siláng lumálabás na parang may hinahabol.
-Kayó ba lamang dalawa ang naparito ? siyá ba ang nagturò
sa iyo ng pintûang itó ? -ang inusisà ni Felipe , nang sila'y
makalabás na .
-Opò : nároón si ate sa kabilâng daán .
-At ano ang lagay ng tatay mo?
Ang bata'y walâng náitugón kundî isáng tingín , saka tumu
ngó nang mapapaluhà. Sa gayo'y nakapag-isáng akalà na lamang
si Felipe : hindi sásalang ang amá ni Tentay ay namatay na.
Sa ilang salitâ ng sulat ni Tentay ay walâng nasasabi kundî ang,
para nang awà sa kanila'y magpaalám na muna siyá sa Limbagan,
¡huwag ang hindî ! sapagka't may malakíng dahilán .
-Namatay na ba ang tatay mo?-ang, sa dî pagkakásiyang
loób, ay itinanóng pa rin kay Lucio .
-Hindî pa pô nang kamí ni ate'y umalís : kayó ang
hinahanap mayâ't mayâ.
-Akó ! ? ...
Sukat itong nasalitâ niya at siyang pagkátanaw na kay
Tentay, tátayô-tayo sa may likô ng isáng dáanan. Hindi pamu
mugtô lamang ng matá ang nakita sa kanya ni Felipe, kundi
luha at luhà rin , at pagkakálapít nilá'y iláng buhól ng hininga
ang malakás na gumaralgál sa lalamunan ng kahabág-habág
na dalaga.
-Ay, Felipe, marahil di mo na abutin ang tatay ko!
Sakâ sinundan ng magkapatid ng isáng timpîng iyák na
danga't na sa lansangan, sana'y naging malalakás na hagulhól .
Si Felipe'y kauntî nang máparamay sa íyakan . Ang kahambál
hambál na anyo ng minámahál na magkapatid, sa mğa
sandaling yao'y sukat nang mapagdamayan ng buhay man at
di lamang ng luhà . Nguni't nagpakita siyá ng isáng pilit na
husay ng loob at mukha . Inakalang ang luhà niyá kung mái
pakita, ay magiging kahoy pa , kung bagá sa apóy, na pangdubdób
na lalò sa nag-aalab na. Sa daán nama'y walâ nang maraming
taong lumalakad . May isá ó dalawang marahil ay nakapansín
din sa kanilá .
-Kun gayon ay tumawag tayo ng kalesa at nang madali
-ani Felipe.
Nagpalingón-lingón silá at nagpadunghál- dunghál sa mag
kábi-kabilâng lansangan ; nguni't kung ilang sandali na'y walâ
pang makita .
BANA AG A T SIKAT 121

-Maglakád na tayo ! -ang hamon ni Tentay.


Mainit na mainit , ate , ang araw- ang sambót ni Lucio.
Tinignán ng isang irap ni Tentay ang kapatid , warìng ibig
sabihing: " hindi ka ba nahihiyâ ?" Dátapwâ't siyang pagkákita
sa isang karitela , at dito'y nakasakay na ang tatló . Si Tentay
at si Felipe ang nagkápiling sa uupán sa loob, at ang bata ay nag
isá sa isa pang uupáng malapit sa kotsero .
Nakarating silá nang daáng Bilibid at muntî mang sálitâan
ay walâ . Sa loob ni Tentay ang bumábaklá ay ang lagáy ng
amáng iniwan . Ang pagkakásiping nilá at pag-iisá sa upô ni
Felipe, na kaí-kailán ma'y noón lamang nangyari sa isang sasak
yán, ay ikinapagkaroón din sa budhî ng iláng gitî ng kahihiyán .
Nágugunitâ niya ang wíwikàin ng mga taong makakakita sa
kanilang dalawá : lalò na ng mga kakilala .
-Si Lucio na lamang sana ang aming papáparunín sa iyó ;
-ang, sa paghuhugas-hiyâ ni Tentay, ay náisipang ipahiwatig kay
Felipe nguni't hindi niyá nálalaman ang pinapasukan mo .
-At ikaw, bákit mo nálaman ?-anáng manlilimbag.
-Hindi mo ba naáalaala isáng hapon , na kamí ng nanay
ko ay mangaling sa San Miguel, sa pagdaraán sa tapát ng inyong
pintuan ay kátaón ka namáng lumálabás , tinawag mo pa kamí?
-Ah, siyá ngâ palá ! ... Nguni't ¿nálalaman ba ng nanay
mo na ikaw ay sa akin páparoón ?
-Siya ang nagpasama sa akin kay Lucio.
-Ang tatay mo, alám din ba ?
-Hindi : hinihiglawán na ng sinók at tila ibig máidlíp nang
kami'y umalís . Makáilán kang itanóng, sinabi naming ipinata
wag ka na . Hindî nálalamang kamí ni Lucio ang lumakad ,
sapagka't walâng ibang taong máutusan sa iyó.
-Ay anó ang lagáy, nákakausap pa ba?
-Kung hindî sinísinók ay mabuti , nákakausap ng malinaw :
Pagtigil nga lamang ng sinók ay hingal namáng katakot-takot
kayâ dî mákausap agád.
Samantala , ang karitela'y dumáratíng na sa tapát ng landás
na patungo sa páparunáng bahay. Ang bahay na ito'y nasa
sa isa sa mga loobang katapát ng Hospital ng San Lázaro.
* *

Nang mga dalawá ó tatlóng dipá na lamang ang layò nilá


sa bahay, ay siyáng pagkáriníg ng isang kakilá-kilabot na hiyáw
ng iná ni Tentay :
-Inakú! Andoy, Alejandro ... huwag mong kalilimutan ang
ngalang Jesús, María y Josép! ...
122 LOPE K. SANTOS

Ang hiyaw na itó at ang hagulhól na "Tatay ko !" ng dalawáng


magkapatid sa lupà , na halos nagsiluksó sa mababàng hagdanan ,
ay kulang na lamang na nag-abot sa loób din ng bahay . Ang
tílian ng mga batà ay nagsisunód . Si Felipe, na biglâng pinang
lakhán ng ulo at halos náwalatan ng dibdib sa pighatî, ay naka
pagsaloób pa ng: "Diwà'y hindi ko na inabutan !"
-Alejandro , asawa ko , Alejandro : Jesús, María y Joseeép! ...
-ang muling pangaral ng iná -Sa loób man lamang ay huwág
mong áalisin si Jesús, María y Josép! ...
Ang mga hagulhól ni Tentay ay siyáng sinansalà ni Felipe .
Nákita niyáng doo'y walâng loób-lalaki kundi siyá . Magpamalas
pa ng hinà rin ng loob ay hindî nábabagay.
-Tentay, ang ibinulóng sa pagkakapanikluhód nitó sa
siping ng papag na hiníhigán ng maysakít -lumayô ka riyán
at lalong masama ang ginagawa mo . Ang iyong mga kapatid
na bata ang siyá mong harapín , ilayô silá kung mangyayari at
nang di na makaragdag sa hirap ng iyong tatay. Hála na ,
Tentay! Bayaan mo kamí rito ng iyong nanay; kunin mo ang
batang pásusuhín at ipanaog ó dalhín sa kapit-bahay. Sulong
na sana : dalî na !...
-Felipe ! bayaan mo na kaming mamatay ditong lahat !
-ang nakapanúnuót sa butó na isinagót ng binibini - Ibig kong
mákita ang huling pagpipikít ng matá ng aking magulang ! ...
-Aling Teresa, -ang bulóng namán ni Felipe sa iná
bayaan mo pô't akó na ang magpapa-hesús sa kanilá ! ...
-Oo nga, anák ko, ikaw na : masamâ akó't ako'y asawa !
Nakú, Felipe ! ...
Sakâ nakapagbuntó ng isang malalim na malalim na hiningá,
na magiging bulalás sana ng iyák, kundi napagtiím ang mga
ngipin at labi . Lumabas sa tabing na kumot at hinila sa mangás
ng barò si Tentay. Si Felipe at ang maysakit ang nag-isá na
lamang sa loob ng tabing . Bago lumayo si aling Teresa at kina
long ang nag-iiiyak na pásusuhín , na nakagulong halos sa sahig,
ay nagbilin muna kay Felipe:
-Ipéng, pahéhesusán mo sana , huwag mo bang pabayaan !
Maawà ka sa kálulwá ng aking asawa ! ...
Si Felipe sa gayón ay napukaw ng ilang matataimtím na
gunam-gunam. Ang kadakilaan ng kamatayan, ang buhay
ng isang tao, ang paghihingalô ng isang amá, ang baníg ng isang
marálitâ, ang palad ng isang asawang mabábao at ilang anak
na maúulila, ang mga pang-aliw ng pananampalataya , ang parusa
BANAAG AT SIKAT 123

ó palà sa kabilang buhay, ang katawang habang panahong mala


kás , na iginugol sa paglilingkod sa ibang tao at ngayo'y pápanaw
na , mábabaón at mat útunaw ... ang lahát na ito ay nagpatong
patong, nagsaliw-saliw sa guní-guní ni Felipe, samantalang
minámalas niyá ang mukhang makahulugan ng naghihingalô .
Anaki'y may humíhila sa dakong ilalim ng papag sa isáng
sinulid na nakatali sa buhay ng maysakít na itó . Biglâng huma
bol ng hininga na kung filáng sandalî'y di mabawi. Ang lalamu
nang gumágaralgál sa sagasà ng munting hanging nakalálagós , ay
minsang mapataás na parang tin útukuran sa likod ng liíg. Ang
mata'y lagi nang pikít . Kayâ mádilát ay kung itítirik lamang
sa hirap ng paghingá . Kung mátirik na ganito'y halos pawàng
puti na lamang ang lumilitaw at ang itím ng balintatáw ay baba
hagya na . Sa ganitó, di man sadyâín ni Felipe ay kusàng na
múmutawi sa kanyang bibig ang ugali nang pangaral na :
"Jesús, María y José!” .
May mga sandaling ipinag-aalinlangan niya ang pagtawag
sa ngalan ng bibiyananíng maysakít . Ang tawag na Alejandro
ay tila pinangíngimlang di pangunahan ng pamitagang mang.
Dátapwa't sa mga oras na gayon ng pagpapáhesusan , ang tandâ't
kabataan ó ang pagmamágulangán ay hindî siyáng nakapang
yayari, ayon sa mga sin úsunód na ugali at sa mga tagubilin ng
sinásampalatayanan . Kun ang asawa ni ang anak ay di maaring
makapagpahes ús sa isang naghihingalô , ay dahil sa kapinsalàan
ngâ ng pagtawag. Kinakailangang tawagin sa tunay na ngalang
ibininyág ang pinangangaralan at huwag pagpahalatán ng pag
kakamag-anak upáng dî makasamâ sa loob ng maysakít . Ang
mga kaugaliang itó at ang pananampalataya ng mamámatáy
ay siyang iginalang ni Felipe
-Alejandro , Alejandro, sa loob man lamang ay huwág
mong kalilimutan ang kátamis-tamisang ngalan nina Jesús
María at José! ... Alejandro , Jesuuús, María y Joseeéf! ...
Itó at mga ibá pang panalanging turò sa maysakit ang
ipinangangaral niya . Diwà'y náulinig nang naghihingalô na
tinig-lalaki na ang nangangaral sa kanya, at isáng tinig na
kakilala pa , kaya sa isang pagluluwág ng hininga ang mata'y
náimulat : ipinakòng ilang sandalî sa mukhâ ni Felipe , at pagka
kuwa'y nagsalita nang may pagkapaós na :
-Felipe ... at hinila't itinaas ang kanang kamay, sakâ
inianyô sa bibig ang siya'y painumín nang kaunti - ako'y
naúuhaw !—anyá .
Sa tabing ay isinungaw ang ulo ni Felipe at sinutsutáng
marahan si Tentay na náuupô sa bangkô, kausap at ináaliw na
paanás-anás ng isang babaying bagong- daló't kapit-bahay.
9
124 LOPE K. SANTOS

Si Tentay ay lumapit , at nang makita ng iná ang anyô ni Felipe,


mulâ sa pagkakálupagì sa may hagdanan , nagpapasuso ng batà
at may kaú-kausap na isang babaying matandâ , gibík din, ay
nagsapantahàng may malaking bagay na sásabihin tungkol sa
maysakít , kayâ dali-daling lumapit din sa dalawang nagbúbu
lungan.
-Dumáraíng ng uhaw!-ang bulóng ni Felipe - ¿ mayroon
ba kayong sabaw ng karné, upang makalakás- lakás sa katawán ?
Ang mag-iná ay parang pinagtiyáp sa pagkakatinginan ,
nang marinig ang tanong na itó, at si Tentay ay bahagyâ nang
nakailíng na waring ibig magsabi ng isang masaklap na ¡ wala! ..
-Kahit na am ó sabáw ng nilugaw.
Si Tentay ay pahagibis halos na napatungo sa labás , at
tinignan ang palayók ng nilugaw na sa kalán ay parating iníinitan
ng ilang baga . Nguni't ¡ samang palad! ang nilugaw ay may
pagkapanís na , paano'y kagabí pa inilutò , at buhat sa madaling
araw ay hindi na namán humingi ni naaring makalagók ang may
sakít , dahil sa pagsisinók na ngayong tanghali na lamang humupâ.
Samantalang nasa labás si Tentay, si Felipe ay sinutsután
ng maysakit at paós itóng nagsabi na huwag siyáng bigyan ng
sabaw ni am , kundi sukat ang tubig.
-Kaytalas-talas ng taynga ! -ang nasabi ng iná sa pagsa
lubong kay Tentay. -Nárinig ang ating ánasan, náramda mán
yatang wala na tayo ni sabáw ni am, kayâ ipinaliwanag kay
Felipe na tubig ang kailangan niyáng máinóm ! ...
Ang mag-ina'y mapapahagulhól na namán sana ng ubos
lakás , dapwa't napigil ng pag-aalaala sa maysakit . Gagahaman
nang kumuha ang dalaga ng isang basong tubig at isáng silók
ó kutsarang losa, at siya ang sa amá'y tuloy-tuloy na lumapit ,
inihandóg ang kanyang dalá .
-Tatay, nárito pô ang tubig ! -náiagaw ni Tentay ang
mga salitang ito sa mga pulás ng himutók sa dibdib- Kúkutsara
han ko kayó, ¿ ayaw ba kayó ng sabáw?
Ang maysakit ay umiling, saká ibinuká ang bibig, nag
áantáy ng hinihingi . Kinutsarahan ng anak na nanginginig ang
mga daliri.
-Hamo , Tentay, at akó na ! -ang inianás ni Felipe nang
mákita ang gayong panginginig .
-Bayaan mo na ang anak ! -ang paanás na payuhan ng
dalawang babaying gumibík na doo'y nakasilip na kapwà.
Isá, dalawá, tatló, at hangáng apat na kutsara ang nalagók,
ang ikalimang ipinipilit pa sana ni Tentay ay inilingán na .
Makasandalî'y náringán nilá ng malinaw na salitâ ang maysakít .
BANAAG AT SIKAT 125

-Salamat sa Diyós ! -anyá, at pagkailáng sandali pa ay


idinugtong :-Felipe, ¿ si Teresa ? ...
Isa't isa'y tumawag kay aling Teresa na dî namán lubhâng
nálalayô roón , naliligid ng dalawá pang kapatid na bunsô ni
Lucio, bukód , sa kalong na pásusuhín . Ang tinawag ay lumapit
nang boông pagkatilihan .
-Asawa ko ! , - anáng maysakít pagkákita kay aling Teresa
-¿ang mga batà?
-Náriritó, Andoy, náriritó , mabubuti , walâng anomán ,
huwag mo sanang pag-alalahanín silá, ang kálulwá mo ang iyóng
alagatâíng máiligtás , at kamí'y malalakás pa sa awà ng Diyós ! ...
Sunód-sunod na itong sinaysay ng pilit sa dibdib ni aling
Teresa , sa hangád maaliw ang asawang naghihirap .
-Huwag mo siláng .... pabábayàan, asawa ko!
-Hindî, Andoy, isinúsumpâ ko sa iyó !-at si aling Teresa,
pagkasabi ng ganitó, ay muntik nang mapabulalás ng himutók,
kundi nakalabít na bigla ng isang babayi pang nasa likód , at sakâ
násundán namán ng pagsasalitâ pa ng nararatay:
-Ako'y matútulog sandalî, -anyá kay Felipe -huwag kang
áalís .... ikaw na ang bahalà . .. . sa mag-iináng iyán!
Si Felipe'y hindi nakasagót isáng salitâ man . Sukat ang
pagkakapasagid ng tingin sa mukha ng lahát na nakaagapay
sa papag, na siyá namán ang nìyaó'y pinagtitinginanan .
Ikiniling na ng maysakit ang ulo sa palárindingang nasa
dakong kaliwâ, sakâ ang matá'y ipinikít . Sa gayo'y nag-anás
ánasan na ang madlâ , at isa-isáng nagsilabás ó nagsibitíw sa
pagkakakapit sa tabing ; málibang naiwan si Tentay at si Felipe
sa pagtatanod.

Si aling Teresa at siná aling Marta at matandâng Toyang,


ay umumpók na para -parang palupagî sa labás na mayhagdanan .
Pinag-usapan nilá roón ang natutulog.
-Bákit wala paláng kasantó-santo-kristo kahi't muntî ang
inyong pinahéhesusán? -ang tanong na mapili ni aling Marta .
-Mayroón pô kamakapat, hinirám namin sa Santa Cruz,
at malaki pa , nguni't nang humigláw-higláw ang hingal ni
Andoy, ay kinuha uli ng may-ari kahapon , sapagka't gagamitin
daw naman sa isang naghihingalô rin sa Kiyapò .
-Kangino bang Santo-Kristo iyón?
-Kiná hermana Baráng.
126 LOPE K. SANTOS

-Ohó , kiná hermana Baráng ? Nakú , magalíng ngâ iyón !


sayang!
-Hindi ; mayroón akóng nálalamang isáng Santo-Kristo,
magaling din, ang sabád ng matandâng Toyang - nguni't
sa Timbugan nároroón at aywán kun sino ang mapahíhirám
natin .
-Sino ngâ pô ba ang ating mapahíhirám! -ang hinagpis
ni aling Teresa -Dito pô sa lagáy namin , apat-apat kong anák
ang pawàng musmós pa, si Tentay namán ay hindi ko mapag
utusán kun saán-saán.
-Si Felipe, ¿ bákit dî siyáng inutusan?
-Ngayóng pô lamang tanghalì iyán dumating, at sakâ
mabuti kung alám ó kilalá ang kúkunan niyón .
-Tawagin mo.
Si Felipe nga'y tinawag ; nguni't sa katotohanan ay anó
ang magiging kamwangán nitó sa mga lugál na iyón . Kaya't
ang nangyari ay si matandâng Toyang din ang nangakòng
hahanap kundî man iyón ang makuha.
-Felipe, -anáng aling Marta -huwag mong bayàan sa
dakong kaliwâ ipag-gagawî ni Andoy ang ulo . Masamâ iyón ! ....
Na sa kaliwâ ang dimonyo, at sa kanan ang anghél na katutubò ...
Si Felipe, ay nagtayngang kawali na lamang sa gayong
pamahiín , at nagbalík sa maysakit .
-At sakâ ......—ani impóng Toyang-maalaala ko palá ,
¿ may agua bendita ba kayó rito ?
-Walâ ngâ pô eh !. .....ang sagot ng asawa ng maysakit .
-Mğa tao kayó! Patawarin kayó ng Diyós !. Hindi
ba nangumpisál na si Andóy ? -anáng matandâ .
-Opô, noong isang lingó , dito sa bahay.
-Oo ngâ palá !. . . . . . Nguni't nakinabang na ?
-Hindi pa pô, sapagka't ang ibig niya ay sa simbahan na
makapakinabang, pag nakalakád -lakád , yamang malayò pa raw
naman ang kanyang pagkamatáy .
-Patawarin siya ng Diyós ! Ngayon ay may kahirapan na
siyáng masubùan! Wala kayóng hinayang sa kálulwá ng
isang tao !
-Marahil iyán ang ipinaghihirap niyán -ang sabi ni aling
Marta- at kayâ parating sa kaliwa ng sa kaliwa ang kiling ng
ulo!
BANAAG AT SIKAT 127

-Hindî pô namán -anáng asawa -ngayon lamang kumiling


sa dakong kaliwâ, parati pông dito sa gawî natin ang tingin niyá
at sa nakasabit sa may paanáng estampa ni Jesús María y Josép.
-Salamat kun gayón ! Ipinag-áadyá pa sa tuksó ng
diablo! —ang padasál na salitâ ni impóng Toyang.
Udyók marahil ng pananabík sa mukha ng asawang náiidlíp ,
si aling Teresa'y nagtindíg at sumilip sa tabing ng hihigán .
-Nákakatulog ba ? -ang paanás na tanóng sa dalawáng
nagtátanod, kapwà náuupô sa isáng bangkông karatig ng papag.
Tango ni Tentay at opò ni Felipe ang nagkásabáy na tugón sa
kanyá . Pagkabuntóng-hiningang may kasunód na salitâng :
"Salamat pô, Mag-inang mahal na Birhen !," nilisang muli ni
aling Teresa ang maysakít , at ang anak na kalong-kalong ay
ibinabang marahan sa isang tabí, upáng huwág mapukaw sa
pagkakatulog.
Si tandâng Toyang, pagkanganğà , ay nagpaalám : lalakarin
daw ang Santo-Kristo sa Timbugan, at pasa sa simbahan pa
upang makakuha ng bendita. Naiwan si aling Marta na kaú
kausap ni aling Teresa.

Si aling Marta ay bao , na isá mang anák ay walâ. Ang


hiningá ni mang Andoy ay fisáng higit na lamang. Anopá't
si aling Teresa ay halos máibibilang nang bao rin . Saán dî sa
pag-uusap ng dalawang babaying isa'y wala nang asawa at isa'y
mawawalán na ring dî sásala , ay ang kabuhayan ng mabao ang
siyáng matalik na mápagpúpulungan .
Ibinuhay ni aling Marta ang pagkamatay ng kanyang
nasiràng asawa na isá mang patay na beles sa bahay sila'y walâ,
kun sa bagay ay di namán nag-isang buwan ang pagkakasakit na
gaya ng may isáng taón nang mahigit na pagkatuyo ng asawa
ni aling Teresa . Ang sarap ng may-asawa , kung nagkakásundô
at nagsus únuran. Ang sámâan ng loob kung natátalo at di
paapulà sa sugál ang lalaki . Ang pagkakaroon nilá ng íisá
isáng anák ay namatay pa nang kasinungalingan na . Ang mulâ
na noo'y pagkátuto niyáng ngumangà, magsigarilyo at magpan
ginge, hangáng nakapagsamá na tuloy sa asawa sa pagsasabong.
-Eto -anyá -ang buhay naming mag-asawa : para kamíng
pusàng hindî ibinilang : ni sariling bahay ay walâ : ang biyanán
kong may kuwá-kuartá ngâ ay galít na namán sa amin . Pasa
lamat ka , Teresa , mabábao ka man ay maraming kayamanang
máipamamana sa iyó ang asawa mo. Iláng lahát ang anák
ninyo?
128 LOPE K. SANTOS

--Labing-isáng lahát , patí isáng nalaglág, nguni't áanim


ang buhay, aywán kung buhay pa ang isáng.
-Náriyán sa anim na iyán ang kayamanan mo. Ang yaman
ng mahirap ay mga anák. Birò ka ba ng anim na anák ! ...
-Kayamanan kung magsilabás na mabubuti at kung
páraparang mapapakinabangan ; nguni't kung paris nang anák
kong si Ruperto na hindi málaman kun saáng dagat na
nálibíng jay ! ....
Hindi nápatuloy ang pagsasalitâ. Isáng maragasâng himu
tók na may kasamang agos ng luhà ang umagaw ng sasabihin .
Nápahagulgól ng malakás na di na nágunitâ ang makapúpukaw
sa maysakit.
-Ay ! ang anak ko ! may anim na taón na ngayong hindi
nákikita ng kanyang amá at kun dumating pa rito ay wala na
siyáng dáratnán !. Nakú, Marta , si Rupertong anák
kooó ! ...
At sinundán pa ng panangis na ikinálabás tuloy ni Tentay.
Itó naman sana'y siyáng dapat sumawáy sa kanyáng iná, pakun
dangan sa nákakatulog ; nguni't ang nangyari, pagkáulinig sa
ngalang Ruperto at pagkákita sa luhà ng iná, ay nakipanangis pa.
Ang isa pang batà, si Amando , -na mulâ kanğina'y hindi
natin nababangít , paano, sa mga nangyayaring iyo'y hindi naki
kiiyák ng malakás , nagkakásiya sa sariling pamimighatî sa mata
imtím at timpîng pagkalunos , walâng salí-salitâ, úupô-upô sa mga
tabí, sísilip-silip sa tabing ng kanyang amá, anaki'y isang matan
dâng may-isip at sa ganang kanya'y may panalanging mataós na
idináramay sa kálulwá ng naghihingalô -ang batang iyón , na
bábahagya pang tumútuntóng sa anim na taong gulang, ay hindi
na nakatiis sa ugali niyang pagmamalas-malas lamang at pagsa
sarili ng kalumbayan : nang makita ang gayóng pánangisán , ay
yumapós namán sa kanyáng iná at sumigaw nang sunod-sunod
na Nanay! Nanay! Nanay ko! ....
At yaóng isá pa , si Victor, na siyáng sumunod kay Lucio sa
agwát na tatlóng taón, ay natigilan lamang sa panonood sa
dakong ulunán ng amá . Itó , sa mga anak ni aling Teresa , ang
di gaanong nabábaklá ng kalungkutan at pagdadalamhati ,
bagay na ikináiibá niyá sa ugali ng mga kapatid na pawàng
mararamdamin .
Anim na anák ! Nabawasan pa ng isá ay dî málaman kun
saán na ipinadpád ng kapalaran ! ... Isáng dalagang lalabing
waluhing taón , isáng Luciong lalabing-dalawahín , isáng Victor
na sisiyamín , isáng Amandong aanimin at isáng Juliang bunsô
at pásusuhín , .. itó ang sinasabing mga kayamanang maíiwan
BANAA G AT SIKAT 129

kay aling Teresa ng pápanaw nang asawa ! Oh mğa anák na


kayamanan ng mahirap ! ...... Magdarayang pang-aliw ng
Sosyedad sa mga sawing palad na alipin ng karálitâan ! Sam
pûng kamataya'y ipinaáaring buhay ....!

Ang panangisang iyón sa labás , ay di nakayang payapàin


ni aling Marta . Nákailangan pa si Felipe, na , pagkatantông
ang anak na walâ at may anim nang taóng dî nákikita , ang sanhî
ng gayón , ay ipinakilala ng paamò-amò sa mag-iiná ang pagka
di marapat ungkatín ni alalahanin sa mga sandaling iyón ang mga
bagay na di makagíginghawa sa maysakít ni sa kanilang mag
anak.
-Bakit pô -anyá-talós na nating matalas na totoo ang
pakinig ng naghihingalô, kung máulinig pa ang ngalang Ruperto
at sakâ ang inyong mga pagtangis , ¿ di parang kayó na ang luma
gót nang muntî niláng buhay na nátitirá?
-Ang iyong alalahanin -anáng Marta namán kay aling
Teresa ay iyáng anák mong maliliit na nárito, at hindi yaóng
malaki nang walâ rito . Lalaki iyón , saán man mápatungo'y
mabubuhay at makakauwî sa magulang.
Unti-unting napayapâ ang mag-iiná, at sa isang kaluskós
sa likod ng tabing na tila náriníg ni Felipe, itó ay nagbalík na
dali-dali sa maysakít . Ikinilos lamang ni mang Andoy ang
isáng kamay, nguni't nákakatulog din .
Si Tentay, nang makitang walâng anomán ang kumaluskós ,
ay nagsabi:
-Ipéng, maupô ka muna samantalang nakakatulog ang
tatay! Nanínigás nang dî sásala ang mga binti mo sa pagkaka
tayo rito mulâ pa kangina!
-Hindî, bayaan mo na , Tentay : datihan ako sa pagtayông
maghápunan . At sakâ náupô na akóng sandalî sa silyáng iyán .
-Oo nga, nguni't halika rini sa bangkô at mayroón lamang
akóng sásabihin sa iyó.
Ang bangkông inialók kay Felipe, ay bahagyâ nang nálalayô
ng may apat na hakbáng sa ulunán ng maysakit . Nasa gawi ng
bintanàng nakasará at paharáp sa tárangkahan at daáng-malakí .
Mulâ namân sa may hagdanan , na kináuumpukán nina aling
Marta at mag-iiná, ay natatanaw ang bangkông iyón . Sapag
ka't ¡gaano na ang laki ng bahay na itó ! Isáng kabahayán
lamang na gadangkál mang silid noón ay walâ : parisukát na
marahil di pa magkaroon ng tigatlóng dipá sa luwáng at sa
habà. Isang palapag sa pagbulwág ng hagdán , na kaypalà'y
9-47064
130 LOPE Ꮶ . SANTOS

magkákaisáng dipa't kalahatì sa luwáng at kasinghabà na ng


kabahayán ; mayhabong na isáng mapapáng pasibi, nugnóg sa
malaking balangkás . Sakâ isáng bataláng walâng habong, na
ga-dipá at parisukát sa dakong dulo ng pasibi .
Walâ na kundî itó lamang ang boông táhanan ng mag-anak
ni mang Andoy . Anopá't sa isang silip sa hagdán , ang boông
bahay ay tanáw na . Dati-dati sanang maysilíd, gaya ng mga
kaugaliang bahay-tagalog, lalò na't may dalagang namamahay ;
nguni't ang silid na iyo'y inalís na, mulâ nang maglubhâ ang.
pagkatuyô , pagsuka ng dugô at pagkáratay ni mang Andoy.
Ipinaalis na ang halang na sawali upang lumuwág-luwág at
umaliwalas ang bahay sa paglalagay ng kanyang papag na
híhigán .
Doón sa bangkông iyón dating núnupô ang dalawá, kailan
ma't pumápanhík si Felipe. Pagkáluklók kapwà, ay ganitó ang
mungkahi ng dalaga:
-Ako'y totoóng hiyâng-hiyâ sa iyó, nang pagkásundô
namin kangina . Wiwikàin na lamang ng taong nakakita sa atin ,
na dî nakatátantô ng sanhî, na kung anó na tayo . At sakâ ...
anó ang sabí-sabí ng mga kasamahan mo nang ikaw ay umalís ?
may nakakita ba sa akin ? kilalá ba roón si Lucio?
Sa mga tanong na ito'y náhiwatig ni Felipe na ang kanyáng
irog ay mababawasan niyá ng lungkót sa pag-uusap na iyón ,
kung matututo ng pagsagót at paninimbáng. Sa ngiting pilít
na maykahalòng hiyâ ni Tentay, samantalang ang mga mata'y
kasingpupulá na halos ng sagà at ang boông mukhang anyo nang
larawan ng isang tag-araw na inúulán , ng isang dating masayang
nalulungkot , ay nabasa ng binatà ang isáng matingkád na urì
ng kamahalang-asal ng isang babayi , ng isang anák na may
minámahál na magulang at isang dalagang may minámahál na
sing-ibig. Náisip niya ang kanyang tungkól namán sa gayón :
ang magpahayag ng lalòng pagtatapát at ng lalòng magiliw na
kalooban.
-Huwag kang mabahalà sa gayong pagsundô mo sa akin !
ang náisagot ni Felipe - Sa ganang akin ay wala kang sukat
alalahanin . Sa mga kasamahan ko'y walâ isá mang nakakita
ni nakámalay sa iyó. Ang mga ibá pang tao ay anó? Ang
mawiwikà nila sa ati'y walâng halaga, sapagka't hindi nila
natátalós ang kataimtiman ng ating buhay. Bukód sa rito , ang
lahát ay bakit di natin gagawin kung dahil sa iyong amá?
-Dahil sa aking amá !-ang isinambót na salitâ ng dalaga ,
saka matagal na di nakaimík.
-At anó, hindi ba ?-ang, nang makita ang di pag-imík,
ay nasabi ng bagong- tao .
."
Sant
K.
Lope

A
( nim na
.!aná
.....k kayamanan
mahirap
ng
).....
!.Oh
na
anák
manga
BANAAG AT SIKAT 131

-Oo nğâ, Ipéng, siyáng totoó : talagang dahil sa aking amá


ay tinítiís na namin ang lahát , at ginagawâ ko na sampû ng dî
dapat gawin ! ..
-At anó ang ginawâ mong hindi dapat gawin ?
-Iláng lingó ka nang hindî napáparito ... nagalit ka sa
akin ó sa aming mag-iná... sakâ ngayón , akó pa ang nagsadyâ
sa iyó! ...
Sa pagsasalitâ nito'y parang na úupós na kandilà si Tentay.
Ang mga mata'y itinungó , sapagka't tila náhihilaman . Kahin
hinán ng puso ng dalagang tagalog ! ...
-Nagsadya ka sa akin ay di sa anopamán ! -ang ipinatáy
na salitâ ni Felipe-Hindî ba't sinabi mo na kanģina sa karitela ,
na ako ang laging itinátanóng ng iyong amá? Akó ba nama'y
pagkásama-samâ nang kahihiyâán mo at dî súsundûín , sukdáng
masirà ang isang hingi ng amá mong mamámatay na lamang ? ...
Maano, Tentay, na huwag nang ang pagkásundô mo sa akin ang
ating pag-usapan ! Ang ibig kong málaman sa iyó, ay kung
anó ang sinasabi ng matandâ tungkol sa akin , at kung bakit
akó hinahanap .
-Oh, Ipéng ! .. Mamámatay ang tatay ko , .. na . .!
Ang pagsasalitâ'y hindî mátulóy sa paghalang sa dibdib
ng mga panibagong salakay ng pighati . Sa gunam-gunam ni
Tentay ang nagháharì ay ang pagsisisi sa katigasán ng kanyang
loób na náipakita sa amá, tuwing masasabi ang bagay kay Felipe.
Kaya lamang siyá napahinuhod at nakápangako na súsundín
ang biling paglingap sa binatàng itó, ay nang makitang malubhâ
na lamang : walâ na sa panahóng sukat ikasiyá ng loob ng isang
humihiling na magulang.
-Hindi katá sinísisi !-ang paliwanag ng binatà, nang maha
latâng natítimpî ang dilà ng kausap , bagamán ang sasabihi'y
nahúhulaan na niyá . -Noóng mula-mulâ pa man namán ako'y dî
bibihirang makáramdám sa iyó ng mga paglalamíg-lamigan sa
akin . Hindi pa man nasasabi sa iyó ng tatay mo ang pamumuhay
ng mga magulang ko sa aming bayan, ay talaga ka nang dahóp
sa isáng lubós na pagmamahal sa akin . Ang dating lamíg mo
ay naging suklám pa ng iyong mapagtalastás na ako'y anák sa
baníg na mayaman . Náipaunawà ko na sa iyó at náisumpâng dî
míminsan na hindi ang yaman ang dito'y aking ipinápanhík,
sapagka't ang kayamanang yaó'y hindi akin kundi sa mga magu
lang ko, at kailan pa ma'y hindi ko namán áangkinín ni tátanga
pín. Di man dapat sa iyo'y ipinagtapát ko na yaríng mga
sariling paghahakà tungkol sa pagkakayaman at pag-uugali ni
tatay . Náhiwatigan mo na ang mga dahil at mga layong iná
adhika ko sa pakikipagdálitâ rito sa Maynilà . Bukód ang sabi
132 LOPE K. SANTOS

ko, bukód ang sabi ng iyong amá. Hindi ka másasama sa aking


magulang. Hindi ka mahihiwalay sa iná mo't mga kapatid .
Dito rin tayo magbábahay. Magt útulong katá sa ikabúbuhay.
Lahát ng ibig mo sa loób din ng isang buhay na marálitâ ! ...
Dátapwâ .. dapwà, Tentay, nagpatuloy ang pagkukulang tiwalà
mo sa akin ; nakaragdag pa ang lagay ko sa mga kahapisan ng
buhay ninyó! Yaóng ibá, habang nakikilala ang káubud-uburan
ng palad ng isang kasing-ibig, ay lalòng pinag-úululan ng pag
ibig ; nguni't ikaw nama'y hindi : nang matuntón mo ang mga
magulang ko, sakâ ka ... tinabangán ! Sa akala ko, ay walâ ka
namáng nakitang gaano na sukat nang ikapagmaliw ng iyong
kalooban . Ang iyong iná ay ngayón ko lamang nakikitaan ng
loob sa akin . Gayón man ay nagkátampuhan pa kayóng mag
amá. Makáitló ko yatàng parito noong magtatapos ang Hulyo
at nang mga unang araw nitóng Agosto, ang di mo man akó
binatì, at kung nakipag-usap ka'y bahagyâ na ! Ngayón, Tentay,
ikaw ang lumagay sa lagay ko. Napakahapdî sa puso ko ang
makadalawá ó tatlong lingóng di madalaw ang iyong amáng
maysakit! Oh , Tentay .. hindi mo nakúkurò kun gaanong
mga tiník sa buhay ang nagpapahirap sa akin , tuwing magugunitâ
ang ako'y may isáng Tentay na dating sinásadyâ sa isáng kaligá
ligayang sulok ng Maynilà, at sakâ walâng anó-anó'y hindî na
mákikita ! ... Dátapwâ ¡ anó ang aking gagawin ! Hindi ko na
ngâ ibig ang makaragdagpa sa mga kalungkutan mo. Ikinaalíw ko
na lamang ang pag-asang marahil ay magbabagong loob ka rin !...
Habang nagsasaysay nitó si Felipe, ang dalaga'y bahá
bahagya nang umimik . Tungóng parati ang mga matá, baga
mán maminsan-minsang nakakatitig sa kausap at nakakáhuni ng
maynğiti, parang ibig magsabi ng: "Hú, nápakamatuntunin ka
namán !" ... Danga't noón sa kanila'y may naghaharing dalamhatì,
danga't ang kamay ni Kamatayan ay nababadhâ na saán mang
sulok ng bahay ; disin ang mga oras na yao'y sukat nang ikiná
pagbukás ni Tentay ng kanyang dibdib, upang pusò na at di
bibig lamang ang magsalitâ, ang magpakilala kay Felipe, na
wala na itong sukat ipagpighatî at ipaghinanakít ; na siyá ay boô
nang pag-ibig noón , lubós nang paniniwalà, ganap nang ligaya ,
tapát nang pag-asa , tunay nang tamís, bangó , alíw, liwanag,
langit at kalwalhatian : hindi na paglalamíg-lamigan , hindi na
dilím ni pag-aalinlangan , hindî na pagkasuklám ni pangingilag.
Mga hiwaga ng pag-ibig!..
-Samantala ngâ ako'y mag-áantáy!-ang ipinagpatuloy ni
Felipe, nang maramdamang makahulugan pa ang gayóng dî
pag-imík ng kausap , kaysa pagsasalitâ-At ngayon , alang-alang
sa kalumbayang lumilipós sa atin, -anya pa -alang-alang sa

"
BANA AGAT SIKAT 133

iyóng amáng nag-áantáy na lamang ng oras na ikalílisan sa atin ,


íinisín ko na muna sa aking dibdib ang mga bagay na iyán!
Sukat na lamang ang mga náihingá ko ngayón, na kayâ nasabi
ay sa pagkakáungkát mo rin...!
Walâ ring máisagót si Tentay. Nanatili sa isang anyông
kaawa-awà : mistulang larawan ng isang batang pinangangaralan
ng iná at pinagbibilinang huwag nang úuli pa sa isáng kasalanang
nagawâ. Kinikilala niya ang kanyáng sala at pagkukulang . Isáng
hingi at hatol ng amá ang náipatalo sa sariling agam-agam! Isáng
tapát na pag-ibig ni Felipe ang inaring hamak at ipinagtaním pa !
Para bagang ang isáng amáng mamámatay na lamang halos , ay
makapagnanais pa ng masamang palad sa isáng minámahál
na anák na paris niyá , kaparis niyang mulâ nang dî na makapag
hanap-buhay ang amá, ay siyáng una -unang inaasahan ng tuwî
na'y máisusubong kanin nitó at ng asawang hindi rin gaanong
makagawâ sanhî sa pásusuhín , saka ng mga anák na maliliít ,
patí ni Luciong malakí-lakí na at nápapakinabangan ma'y anó
pa ! At tila bagá namáng si Felipe, sa may sangtaón nang
pagpanhík sa kanila -na walâng ibang inasal kundi boông
pitagan at panunuyò sa amá niyá't iná, pagmamahal sa mga
kapatid, at sa kanya'y parating paglangit , laging pagdadangan
at kapakumbabâán, minsan ma'y di nag-akalà ng isang pasukáb
na pag-aakalà , di nagmalaki ng isang pagmamalaking mapalalò,
dî natutong magbanság ng sariling katáasan , bagkús tapát
makibagay sa karálitâán ng pinápanhík -ay totoong alangáng
alangán na sa kanyang pag-ibig sa sarili at sa pag-ibig sa ina't
mga kapatid , na siyáng pinakaáalaala kung magkátaóng siya'y
maging kaisáng-palad ng isang anak ng mga masalapî at matatarík
na tao .

FLAB
X

"Huling Pati"
ng isang Amá

Ang mga anino ng lahát na mga nangyari at nangyayaring


yaón ay sabay-sabay at sunod-sunod na sa mga tinurang sandalî'y
sumagila at nátanyág sa gunam-gunam ni Tentay. Siyá, sa
sarili'y nakapag-uwi-uwi ng mga bagay na timbangin ng kanyang
palad . Nguni't sa lahát ngâ , ang lalòng nagpápalungkot sa
kanyá at di mapayì-payì sa gunitâ , ay ang bakâ ang pagkakátigás
loob sa hatol ng amá, ay isá pa sa mga sanhîng nakapagpapa
lubhâ sa sakít nitó. Sínománg maybaít na anák, sa nangyaring
ito'y sukat nang magbuntó sa sarili ng pagsisi at paghihinagpís .
Laging umúukilkíl sa kanyáng taynga ang mga salitâ ng amá , na
di pa nakadádalawáng gabí, nang gibikán nilang mag-iiná sa
-
isáng masidhing pag-uubó, na halos di na magpasauling hininga :
-"Asawa ko , mga anak ko , -anáng maysakit pagkahiglaw ng
násabing ubó -tila ako'y hindi na úumagahin !. Pa
"tawarin mo akó, aking asawa , kung nagkulang sa pagmamahál
"sa ivó!" . Naaalaala ni Tentay ang pagkakahagul
hól nilang mag- iiná ; ang pagkakayakap na ginawa ng kanyang
nanay sa kanyang tatay, sa biglang bugsô ng hinagpis . Hindi
rin nalilimot ang nasabi namán sa kanyá noón din: "Tentay,
"magpapakabait ka sana sa pagkadalaga mo , alang-alang diyán
"sa iyong mga kapatid . Kun tunay na si Felipe ay hindi masok
"sa iyong loób, sapagka't ang inaalaala mo'y ang bakâ dî mag
"kátotoo ang mga inaasahan kong magiging kapalaran ninyó,
"sanhi sa mga magulang niya at sanhi sa sivá'y bakâ mag-asal
"mayaman din at umalipustâ sa inyong karukhâan , pag náisipang
"muwi na sa sarili, ikaw, anák ko , ang bahalà . Ako'y mamá
"matay na , at hindî akó ang magtitiis kun sakalì . Dátapwâ't
"kun sa mga binatà rin lamang na napáparito sa atin , ako'y
"talagang kay Felipe na . Ang kabáitan niyá ay ináakala kong
"labis na maipaíibabaw sa kapangyarihan ng yaman nilá . Hindi
"naman ang yaman ang ikinaiibig ko sa kanyá , kundî ang bait .
BANAAG AT SIKAT 135

"Nguni't di siyáng salamat kung bukód sa kanyáng sinásahod


"sa Limbagan, ay may mákukunan pa siyang magulang ng sa la ping
"maikatútuwáng sa inyóng hirap . Alín na ngâ sa máparis sa
"akin , na mulâ sa pagkabatà, hangáng mag-asawa sa inyong iná,
"mulâ noón hangán sa kayo'y magsilalakí nang ganyán, ay ulacd
"na ako sa paghahanap-buhay araw-gabí, kahi't maysakit ,
"nguni't madalás din tayong sumala sa oras , at ngayo'y mamá
"matay na walâng maíiwan sa inyó kundî hirap lamang at mga
"utang. Kung ayaw ka rin lamang kay Felipe , ay huwag ka
"nang mag-asawa muna , anák ko , hangáng hindî pa nagbába
"gongtaó si Lucio , ó hangáng hindî nábabalík dito , kung buháy
"pa , si Ruperto ! ..... Ay si Ruperto ! ......" Sariwàng-sariwà
pa sa damdám ni Tentay ang mga paták ng luhà na sa pisngí
niláng mag-aamá ay tumagistís nang maalaala ang ngalang itó!
Sa gayong mga pagninilay-nilay, mátutuhan baga kayâ
niya ang maisása gót sa mga hinanakít ni Felipe ?..
Dátapwâ, yamang ang maysakít na tinátanáw- tanáw ay
nákakatulog pa , at ang kanyang ina't si aling Marta ay nag
úusap pa ring tila ang pinag- uusapa'y siláng dalawá ni Felipe,
ang náisip ni Tentay ay samantalahin na ang mga sandaling iyon,
na ipagsabi sa kausap ng gayong mga pangaral . Katulong sa
pagsasaysay ang walâng tipíd na luhà. Sinabi na sampû
ng kanyang mga isinagót sa amá : kalunos -lunos din nguni't
kagiliw-giliw at pagkátibay-tibay nang mga pangakò . Náwikà
niya nang gabing yaón ang : "Tatay ko , huwag niyó nang
"ikabalisa ang bagay na iyán ! Akó pô'y súsunód ng lubós sa
"mga tagubilin niyó tungkol kay Felipe . Huwag niyó akóng
"iwan , tatay, na may hinanakit kayó sa akin !. Kayâ
"pô lamang ako nag-alinlangan sa kanyá, ay dahil din sa aming
"buhay na mag-iiná at magkakapatid . Ibig ko'y huwag na
"niyong ipagdalamhatì pa sa kabilâng buhaykungmakitang kami'y
"mangaging sawing palad dito sa lupà. Dátapwâ't kung siyá
"ang tunay na inaasahan niyóng bagay kong kapalarin , akó pô
"ngayo'y naniniwalà nang sivá ngâ ; oo pô,"" tatay ko , maniwalà
"kayo't ako'y nalilinawan na ngayon ! ..
-Oo , Ipéng, ang, pagkasaysay ng mga sálitâan niláng
mag-amá, ay ipinagpatuloy sa kausap- itanóng mo sa nanay
kundi gayon ang aking mga ipinangako sa harap nilang mag
asawa . Nákita ko noong nasayá-sayahan ang mukha ng tatay!
Náipagbilin tuloy na kung makikita ka namin ay sabihing ibig
ka nilang makausap . Nguni't ¡ sino ang kíkita sa iyo! Walâ
kaming mapagbilinan . Akó nama'y totoó ngâng nahahalay;
136 LOPE Ꮶ . SANTOS

kundî kanğina na ngâ lamang na ikaw ay náitanóng na namán nğ


tatay, sakâ natuluyan na akóng sundûín ka naming magka
patid ! ....
-At anó raw ang sasabihin sa akin ?
Aywán ko ; nguni't alín pa , kundi ang tungkol sa akin
at sa aming mag-iiná.
-Eh , tunay ngâ kayâng bukál na sa iyong pusò ang ipina
ngako mo sa tatay at pangangatawanán mo naman?
-Hangáng harap ng Diyos !
-At kung hindi?
-Patayin mo na akó ! ......
Hindi inaasahan ni Felipe na mabúbuksán sa kanyá noón
ang langit . Walâ siyáng kaaká-akalà na sa mga oras na yaóng
mapanglaw at pawàng itím na halos ang tingin sa lahát , ay biglâng
biglang mahawì ang makakapál na panganorin ng kanyang palad
sa bisa ng ilang salitâ lamang ni Tentay. Náramdamán sa kan
yáng kálulwá yaóng dinamdám ng isáng mánunulâng, pagkatan
gáp ng "oo" sa kanyang paraluman , ay nakapagsaysay ng ganitó :

"Oo, ¡anóğ tamís ! salitâg pumahid


sa kabuhayan ko ng lahat ng paít .
Oo, umasa ka-¡ katumbás ng lagit
na nabâ sa lupà't sa pisğí ko'y nalík !

"Ako'y umáasa at inaasahan !


¡umiibig ako't iníibig naman!
nárito ağ buôğ tuntunin ng buhay,
itó ağ gayón ko, bukas at kaylanmán.

"Ireg ko ! ¿ bákit ba ağ inyóg pag-giliw


ganyán nağ katamis kuğ inyóğ katasín ?
bakit pag sa bibig ng babayi galing
ağ salitag óo ay lagit na mandín?

"Napaóoo rin ağ mga lalaki ,


sa palásintaha'y may oo rin kamí;
dátapwâ't sa iság oo ng babayi
sağlibo ng ami'y di pa máigantí.

"Ako'y nananalig na ag iyog oo


kaylanmán ay hindi tútulad sa asó ,
at hindi rin namán oog maglililo
ni paglililuhan ng inoohan mo ."
BANA AGAT SIKAT 137

Hindî namán sukat maging kalapastanganan sa magulang


na maysakit , ang gayong pagkakásanlâan nilá ng pusò . Ang
mga sumpâng namutawi sa bibig ni Tentay ay anák din ng isang
pusong umiibig at nagdádalamhati sa amá , likhâ rin ng
isáng banál na hangád na bago maiwan ng pápanaw na magulang
ay makatupád muna ng lubós na lubós sa isáng hiling nitó na
kanyáng náipangakò at pinagsisisihang dî náipangakò agád.
"Mamámatay din akó , kapag si tatay ay namatay nang mayhina
nakít pa sa akin !" ang kanyáng násasabi sa sarili . At ito ang
nakapag-udyók pang lalò , kung kayâ halos siyá na ang namung
kahi noón kay Felipe sa pagtatapát ng kanyang kusàng pagpapa
kababa at ng ináadhikâ na niyáng bagong matamis na damdamin .

Siyáng paglapit kay Tentay ng pinakamabaít na kapatid :


si Amando . Kumapit sa may baywang niya at sa isáng tinging
malungkot na ipinakita ng batà, ay nahalatâ ni Tentay na may
ibig sabihing tila dî masabi ng malakás . Tinungó niyá at ini
lapit ang taynga sa bibig ng bata, kasabay ang paanás na tanóng
na "Anó iyón?" .. Si Amando'y may ibinulóng na ikinagulu
mihanan ng dalaga . Nápatanáw sa dakong labás ; nápapakò
ang matá sa ináng nasa may hagdanan ; nguni't isang salitâ
ma'y walâ. Ang bata'y hindi lumayo kundi napagsabihan ng
"Oo , hintáy muna ." Nahalatâ ni Felipe na ang kanyang
kausap ay may dináramdám na isang bagong dagok ng pighatî.
Hindi sásalang ang ibinulóng ng bata'y malaking bagay. Hindî
nakatiís at nag-usisà :
-Anó iyón ? anó ang sinabi sa iyó ni Amando?
Wala ... ang bahagya nang nasabi ng dalaga na ang
tinítigna'y ang kapatid na lumálapit sa iná , nang walâng kaimík
imík.
-Anóng walâ?-ang mapilíng tanong ni Felipe .
Si Tentay ay di na nakakuhang sumagót . Nagsabi na lamang
ng "Hintay ka ngâ sandalî, Felipe ," at pagkakuwa'y nagtindíg
at napatungo sa labás. Anóng pagtataká ng mátanawán niyá
mulâ sa pintô ng kabahayán na nag-áapóy sa kalán si Lucio!
Anó ang inilulutò ? Sinaing ? .. Sa tinginan niláng mag- iná,
ay waring nagkáwatasan agád ng nangyayari. Itinurò ng iná
ng ngusò at matá si aling Marta , na ang kahuluga'y tila warìng :
"Itó na naman ang nahabág sa atin !" Nagtuloy si Tentay sa
kalán ; inangát ang tuntóng ng palayók na násasalang. Sinaing
na ngâ! Oh, maáwàíng aling Marta !..
Si aling Marta , bagamán pangingerang pusakál, ay totoong
mahábagin sa walâ . Kung mayroon din lamang siyá ay dî

10
138 LOPE K. SANTOS

napagdadalawaháng salitâ. Lalò na't nátatamàang ginagaling


at nagpapanalô sa entreseis , na kung minsa'y nagdádalawá pang
sombra, at malakás pa ang loob sa bíbitayin kung maghihingi ng
pantoche; lalo na't sa kanyang bahay nakakapagpalarô at malakás
ang sa politana, ¡ oh, ang dalawang palad niya'y bukás na bukás sa
sínománg mangutang ó dumaíng ! ... Sa kanya'y hindî na bago pa
ang pagsayad oras-oras ng mag-anak ni aling Teresa . Talós at
labis niyang nakákalapâ ang kabuhayan ng isang mag-anak na pi
nagkakasaktán pa't maraming anak na pákainín . Sa pagpupulong
nilang dalawá sa palapág, ay marahil nábangít ang dî pa pana
nanghali ng mag-iiná sa mga oras na iyón . Marahil may mga
ikatlong oras na't kalahati ng hapon . Anhín mang paglilihim
ni aling Teresa , dalá ng totoó nang kahihiyán kay aling Marta ,
ay náramdamán din nitó ang dahil ng niligid- ligid ng mga batà ,
binulóng-bulóng at iningít-ingít sa iná.
Saán pa háhagilap na kamay ng Diyós , sa ang lahat ng mga
kapit-bahay ay sawâ na sa káririnig ng kanilang daíng at pag
didilihensiya! Si aling Teresa ngâ'y may isáng kapatid na nasa
Tundó, babayi rin , nğunì't ang asawa nama'y harì ng pagka
marakulyo, nápakalupit at mapánibughûing gayón na lamang,
na kapag sínomán sa kanila ang náparoón at nakábulóng-bulóng
ng kauntî, ay ipinag-aaway na pagkaalís , at sinasabi ng lalaking
diumano'y mga bugaw at utusán ng ibang lalaki ...
May dalawang buwan nang hindi nánasok si Tentay sa
gawaan ng tabakong El Oriente, dalá ng kahinaan ng nakikita
sa lingó-lingó . Salamat nang makadalawáng piso , na sa baon
lamang at sa damít na pamasok araw-araw ay halos dahóp pa
kung pagt útuusín . Bukód sa rito , sapúl nang maglubhâ na't
máratay ang kanyang amá, ay naisipan nilang mag-iná ang mabuti
pa'y tumangáp na lamang ng mga patahî ó yanuhin . May
mangilán-ngilán namang natatangap na tahî, mga barò , kamisón,
saya at iba pang damít-babayi, mga salawál at baròng-insík
ng lalaki , mga kamisola ng batà at iba pang kaya niláng tahín
sa kamay, ó maipakíkiraán sa makina sa kabilang bahay ng isang
dalaga ring kaibigan ni Tentay. Dátapwâ't ilán sa mga táhîing
dî pa natátapos at may tatlong araw nang dî máhawak-ha wakan
sa pagkagulo ng kanilang isip, ay nangásingil na at nakain ó
náibili ng pahimakás na gamót sa maysakít . May isáng asawa
ng amerikanong nánasok sa Morgue, na nagpatahi sa kanilá ng
dalawang sayang kulay makapoót-baka, at marahil noo'y mag-sá
sangbuwan na. Hindi makuha-kuha ng nagpagawa at umano'y
hindi pa sumásahod ang kanyang asawa. Ang nangyari'y kinuha
ang isa, walâ munang bayad, ipinangakong pagkuha na ng isáng
nátitirá pa sakâ bábayaran kapwà ; nguni't pagkabigay ng isáng
BANAAG AT SIKAT 139

saya ay di naglipat-lingó at di na nákita roón ang babayi ni ang


amerikanong sinasabing asawa. Aanhin ang isang sayang
nálabí? Makáilan nang pag-isipan ni aling Teresa na isanlâ ó
ipagbili, dapwà't hindî maamin ng budhî ni Tentay ang gayón .
Lagót na lagót na siláng malaon , walâ nang totoong mapagkunan ;
gayón man ay hindî mápatú-patuloy ang pagduduro ng saya .
Danga't ang mga batà at ang maysakít , kun silá lamang dalawáng
mag-iná, ay makapagbábatá na dising ilang araw mang di sumim
sím ng kanin , huwág lamang máturang nagbili ng damit ng may
damít . Sa wakas ay natuluyan ding náialók, nang nagdaáng
umaga , sa dalagang kapit-bahay; nguni't ayaw namang bilhín
nitó , sapagka't napakasagwâ raw totoo ang pulá ng saya at ang
tabas ng pagkakápayarì , na sukat na ngâ lamang bumagay sa mğa
babaying paris ng nagpagawâ ... Ang ginawa na lamang ng dala
gang yaón , sa awà kay aling Teresang nagdúduro , ay binigyan itó
ng dalawang piseta , halagang nagtawid sa kanilá nang boông
araw na nagdaán at hangang sa agahan pa . Gaano na ang
dalawang piseta sa anim katao, liban pa ang maysakít na dî
na ginagamót ni kumákain !...
Si Lucio, janó na ang náitutulong nitó ! .. Kasá-kasama
sa El Oriente ni Tentay, mulâ nang mátigil sa pag-aaral, dahil sa
dî na makapagtatagal sa gawa ang kanyang amá. Nag-aral
doon sa pag-gawa ng tabako, at sa paghahakót at pagbububô
sa mákina ng mga tabakong duróg, ginawa siyáng utusán ng
maestro, nguni't utusán lamang na may kalahating taong walâng
upa kundi ang mamukol na parati ang ulo sa kutós ng maestrong
tinuran . Ni mápakain ay hindî pa , bagamán oras-oras ay taga-kuha
siya ng pagkain , taga -ligpít at taga-linis , gaya ng karaniwang pala
kad sa mga gáwâan ng tabako. Nakadalawá vatàng buwáng tu
mangáp ng tatló-tatlóng piso, nguni't itó kaya ang pagtatagalán
pa roón hangáng nang dî na pumasok ang kanyáng ati Tentay?
Nalís din ngâ, at sa kayag ng mga kapwà batà, ay nápahilig sa
isáng hanap-buhay na palaboy at kahamak-hamakan sa palad
ng isang batang katulad niyá : dilì iba't ang magpaupá sa
pagbubuhat ng mga balutan ó ibá pang dadalhin ng nagsisisakáy
at umáahon sa mga bapor sa Eskolta , umaga't hapon . Anó ang
mapagpapaupahán doón ? Ang apat, waló , sikolo ó labing-anim
na kuwarta ay araw araw na parang manik niyáng iníipon . Maka
isáng piseta ó kahatì , ay salamat na. At itó kaya'y náisusulit na
buô sa magulang? Magpakábaít-baít na batà, kung gayóng mga
buo
musmós di't mga pusakál sa paglaboy at pagtatanga ang karami
han ng kanyang kasama araw-araw, paano ma'y mátututong
magsabi sa iná, kung natalo ang napagpaupahán , na walâ siyáng
nákita sa bapor. At anó ang malay natin , kun si Lucio man ay
140 LOPE Ꮶ . SANTOS

sanay na sanay nang gaya ng ibang kasama sa pang-uumít sa


anománg kalakal na lulan ng bapor ó sa pagkawalâ't sukat sa
daungan, pagkapagbigay sa kanyá ng mga balutang ang may-arì
ay nakalílingát ....
Ang hanap-buhay na ito ay pinatigilan ni aling Teresa ,
upang ang nababalitàng mğa kalikután ng kanyang anák sa
pagkalayo sa bahay, ay huwag nang makaragdag pa sa mga
pagpipighatî nilá sa maysakít .
At si Victor na may siyám nang taón ? Oh , si Victor ! ..
Musmós pa'y dalamhati na ng magulang ! Nápakalayás , napaka
tigás ang ulo, nápakamalikót , gulóng-guló sa laro at walâng
karamdám-damdám sa anománg mga dálitâng sa kanilang buhay
ay nangyayari. Mulâ nang máhigâ ang amá , ay palad na ang
máapuhap na isáng oras sa bahay. Pagkáumaga na'y sa may
Troso ang tungo , at doon , sa isáng Livery Stable ay nagpapaupá
sa pagpapaligò ng mga kabayo sa dagat ó sa ilog. Makáilán
nang mamatay-matay sa pagkahulog ó mádalá ng pulés dahil sa
madalás niyang pagpapatakbo sa mga daán ! Ang napagpá
paupahang waló-walóng kuwarta , ay kulang pa sa mga kakanín...
Wala, walang mangyari sa mga parusang-iná, mga parusang
kinákatabayan pa't ipinaglilihim sa maysakít, upáng dî na
makaragdag sa kalubhâán .
! 1
Anopá't panganyayâng panganyayâ, abâng abâ at marawal
na marawal ang noo'y kasalukuyang buhay ng mag-anak na itó .
Maykatwiran si mang Andoy magpilit, na , bago siyá mamatáy,
ay máipili na muna nang makakahaliling buklód ang kanyáng mğa
ulila ! ... Marahil itó ang ipinagtatagál pa ng kanyang hininga ;
marahil kaya nákatulog nang mga sandaling ivón, ay upang
makabawì ng kaunting lakás pa't buhay na maikapagpapahi
makás kay Felipe ng mga huling kalooban , yamang ang
binatang itó namán ang kanyáng náhihirang na maging tangulan
at bagong bigkís nang maiiwang mag-anak.

Halos hindi na naalaala ni Felipe, na , nang siya'y umalis sa


Limbagan , ay di man nakapagpaalam sa kabisilya . Nákikita
man ang kanyang pag-alis ng mga ibang kasama , ay hindî nála
lamang di na sivá bábalík hangáng hapon . Nguni't walâng
gaanong kabagayán itó . Ang pagtingin kay mang Andoy na
mamámatay na lamang, ang pagkálasáp sa pusò ng hamóg na
dalisay at matamís na pinakatátakám-takám tumigis sa bibíg
ng kanyang giliw, ang pagkalunos sa mag-iináng nagíng tikís
nang matiisin sa pagkadayukdók dalá nang pagdarálitâ't kahi
hiyán, at ang pag-asám máriníg ang kung anong mga sasabihin
BANAAG AT SIKAT 141

sa kanya ng isang mangagawà at bíbiyananíng naghihingalô ...


ang mga bagay na itó, ay makápupông mahalaga at kailangan
sa ganang kay Felipe, kay sa umalaala ng pagkagalit ng piná
pasukan .
Talaga ngâ namáng nápaka-kalunos-lunos ang pananalát
sa pagkain ng pinanúnuyùang mag-anak ! Ang luhà ni Felipeng
pinakátipíd-tipíd sa harap ng mga luhà ng kanyáng irog, iyáng
luhàng mataas ng isang lalaking may matigás na loób, ay nama
lisbís din, nang mapanood ang tatlong batà na masayang nagsá
sakulan sa pagkain at ang inang s úsubò-subò ng maipas úsuso mara
hil sa kanyang sangól na dî pa makakain ng kanin . Sa mukhâ ng
mğa bata at sa gagagap ng kanilang mga pagsubò , ay mababasa nğ
sínománg mataós magmalas ang isang makahulugan nğunì't ka
hambál-hambál na pagkagalák : ang galák nila'y sapagka't kanin
ang kinákain, ¡ hindi na nilugaw na malaon nang pang-araw
araw !.. Ang maykapararakan noo'y si Lucio , na kahi't ibi
nulóng ng iná, nang iabót nitó ang isáng pisetang bigay ni aling
Marta, upang máibilí ng bigás na máilulugaw, ay di panglugaw
lamang ang binilí, kundî hinustóng kagitnâ at isinaing ng biglaan .
Anó pa ang ikíkibô ni aling Teresa sa pagsuway na iyón, sa siyá
man nama'y naíilay na rin sukat sa amoy ng nilugaw. Sinisi
na lamang kunwà at nag-gunitâng sa pisetang dulot ng awà ni
aling Marta , ay wala nang sukling pangmámayâ kundî wáwalóng
kuwarta ! ....

Si Tentay, ayaw kumain. Anománg pagyayàng ginawa ng


mga kapatid at ng iná, ay hindî rin napaupô sa dulang . "Ako'y
busóg, hindi pa ako nagugutom, " ang isinásagót . At sa katoto
hanan ngâ nama'y walâ siyáng náraramdamáng gutom . Bantád
na sa pagtitiís at sa pagpaparayâ sa mga kapatid. Si Felipe
ang, sa laking hiyâ ni Tentay na mápanoód ang kahalay-halay
na pagsasaklutan ng mga batà sa labás, ay siyá niyáng inala
gatâng malibáng sa pag-uusap sa loób. Nguni't si Felipe ma'y
nagt útulak sa kanyá sa pagkain . Sa ganáng binatà, ay napa
ngatawanan naman ang sabing siya'y nakakain na nang duma
tíng si Lucio sa Limbagan.
Si aling Marta noón ay wala't nakapagpaalam na .
Paanhín mang pagtatakip ang ginagawa ng mag-iná sa mga
buhól na iyon ng kanilang pananalát , ay náramdamán ding lahát
ng binatà. Sa pag-uusap sa loob ay si Tentay ang sinisi. Ipi
nahayag ang mga taglay na hinanakit sa gayong paglilihim sa
kanyá.
-Akó -ang wikà -ay talagang hindi pa ninyó ipinalálagáy
na kaisáng-loób, kaisáng-damdamin , at kaisáng-bituka !... Ay
anó kung málaman ko ang kayo'y walâng-wala nang máipag
142 LOPE K. SANTOS

tawíd-tanghalian? Hindi mo ba namán , Tentay, ináarìng magi


ging kahalay-halay ang lagáy kong náriritó, sa ganáng kina
aling Marta? Bakit pa akó náriritó kundi siyáng una-unang
dapat dumamay sa inyó?
-Huwag mo akóng sisihin ! -ang malumanay na sabi ng
dalaga -Akó ba ang tumangáp kay aling Marta ? ... At sakâ
ang nanay ko ay dî ba naman naháhalay magpahalatâ sa iyó ?
-Oo, Tentay, maykatwiran kayó, at ngayo'y napag- iisip
kong ako ang maykasalanan ...
Natigilang sandali ng pagsasalitâ, at sa sarili'y waring may
pinakikingáng sisi ng gunam-gunam .
-Hindî na sukat mákailâ sa akin ang gabinlíd man ng
inyóng buhay ;-ipinagpatuloy-kayâ dapat ngâng akó ang
kusàng humalatâ ng lahát at lahát ...
Hindi na nagkákibûan ang dalawá. Si Tentay ay nag
álanganing magsalita. Si Felipe nama'y lalò pa . Ang mğa
sisi ng gunam-gunam ang siyang kinausap na lamang. Sa isang
dako ay nádidili- dili ang diwà'y kaya mahinà ang kanyang paki
ramdám sa kilos ng di nagsisikain at mabagal ang kalooban sa
pagkukusàng magbigay ng abuloy, ay sapagka't siya'y gising
ngâ sa banig ng kayamanan at dilang ginhawa . Oh ! ... kun
sumahagap itó ni Tentay, na kagyát na ayaw sa mayaman ! ...
Sa isang dako ay nagunita ang sagwâ ng pagkamalihim ni Tentay,
na para bagang sa kanya'y iba pa rin at dî kátiwalà nang pag
papalagay. Nguni't paano ang di ipangyayari nitó , ay noón
lamang silá tunay, masásabing ganáp, na nagkásanlâan ng pusò
at kapalaran ?.
Naputol ang paggugúnitâán ng dalawá, sa walâng anó
anóng pagbalikwás ng natútulog . Akalà nila'y títindíg ; nguni't
hindi kundi tumihaya lamang ng pabiglâ, parang may hinabol
na hininga. Ang dalawa'y napagibík din ng biglaan. Humí
hingal ang maysakít nang mamasdán nilá : anaki'y hapông-hapô
sa isang nilakad na malayò, malayòng-malayò . Maging si Tentay
at maging si Felipe, ay nawalan ng loób : ilang sandaling kapwà
dî mátuto ng gagawin.
-Tatay! bakit pô, tatay? nápapaano kayo? -ang pag
kuwa'y sunod-sunód na nasabi ni Tentay.
Mulâ sa labás ay parang palasông pumasok si aling Teresa :
"Andoy, nakú Andoy !" ang pahagulhól nang sigaw nang luma
pit . Ang mga batang katátapos pa lamang sa káinan ay gitláng
gitlá ring nagsidaló . Sampung pásusuhing natutulog sa isáng
tabi ay napukaw. Si Felipe ang tanging nakapayapà sa lahát :
-Huwag kayong maingay ! -ang hatol- Ganyán na ngâ
lamang at bagong- gising.
BANA AGAT SIKAT 143

Siyang totoo. Unti-unting huminà ang paghingal ng may


sakít . Iminulagat nang túluyan ang mga matá, at isa-isáng
pinatamaan ng tingin ang mag-iiná at si Felipeng nakabábakod
sa may ulunán, sa paanán at kanang panig ng hihigáng papag.
Natauhan mandín sa isáng malalim na alimpungat . Pagkakuwa'y
minasdán si Felipe at anyông tinangûang patawág. Inilapit nitó
ang taynga at dininíg ang ibig sabihin . Hindî gaanong kahinà:
náririnig din ni Tentay at ni aling Teresa ang mga salitâ ng may
sakít . Ipinasásabi sa mag-iiná na huwag siyáng ikalungkot at
iluhà. Ang mga batà ang ipinaháharáp kay aling Teresa at kay
Tentay. Pinatátahimik muna silá, at may sásabihin lamang
kay Felipe.
Nagsilayô namán at napakabila sa tabing ang mag-iiná,
at ang dalawang mag-uusap ang naiwan.
-Anóng oras na , Felipe? -ang makasandalî'y itinanóng
ng maysakit .
Malinaw ang pangungusap, bagamán may pagkapaós , mada
lang at paagáw-agaw sa paghingá.
-Marahil pô ay mahigít nang á las cuatro y media -ang
banayad din namang tugón ng binatà .
-Haaay ! .... maaga pa palá ! .... nakalimot akó ! ....
-Kayó pô ba'y nakakáramdám ng ginhawa ngayón ?
-Ay, anák ko ! .. kauntî : ganitó na lamang : walâ na :
tapós na ... ang aking lakás ....
-Ibig pô ba ninyong kumain ng nilugaw?
Umilíng, iniangát ang kamay at ang lalamuna'y itinurò , na
ayon sa papaós na sinasabi , ay hindi na magdáraán doón ang
anomang pagkain.
Bago pa lamang nawawarì ni Felipe ang piping sagot na itó ,
ay sálalapit na si Tentay, maydaláng tasa ng am at isang kutsara .
Pagkáulinig palá sa tanóng na nilugaw, ang mag-iina'y takbó
na agad na kinuha sa labas ang am na sadyâng binawas ni Lucio
sa sinaing. Mala-hininga : kaigihan na sa maysakit . May inihá
habol na kalahating karmelo si Lucio, pabigay ng iná. Nang
ialók ni Tentay ang dalá niláng magkapatid ay nápatatát , marahil
ay dî tatát ng pagkagalit kundî ng paghihinagpis na siya'y walâ
nang kanamnám-namnám na máilasáp sa anománg pagkain .
Gayón man ay napilit din niná Felipe ang pagsasahod ng bibig
sa mga kutsara ng kinarmeluhang am. Anóng ligaya ng nangag
painóm! Ang kalahating tasa ay naubos. Magdamag at mag
hapong di sumísimsím ng kahi't anó , maliban sa ininóm
na tubig, sakâ makaubos ng kalahating tasang am, ¡ gaanong
144 LOPE K. SANTOS

paginhawa ito sa loob ng nangag-aalagà ! Isa't isa sa sarili'y


nakapagpasalamat sa Panginoong Diyós ! "Diwa'y gágalíng
din !," anilá .
Pagkatapos ng gayón , nagsilabas na namáng lahát sa tabing ;
naiwan din si Felipe . Pagkapatahán sa iyák at pagsuso ni Hulêng ,
ay iniabót itó ni aling Teresa kay Tentay, at siya'y dahan- dahang
nupô sa may tabing, hindi sásalang nang máulinig ang mga
pag- uusapan ng dalawá sa loob .
Masakít pa pô ba ang inyong dibdib? -ang makailang
sandalî ay inusisà ni Felipe .
-Ay, oo ! putók na : lanság na ....
Hindi muna kumibô ang binatà. Sandaling náipakò ang
matá sa may dibdib, at sa sarili'y nakapag-gunitâng ang iná
alagaan niya ay talagang natutuntóng na sa huling guhit ng
buhay. Hindi nagluwát at nagpatuloy ng pagpapahayag si
mang Andoy.
-Felipe , -anyá-salamat at náriritó ka ...... Sinundô ka
ba nilá?
-Oo pô.
-Ibig ko ngâng .... mákausap kitá .... bago ako mamatay.
May sasabihin sa iyó sina Terê ... na pinagkausapan na
namin. Ay ! ... ikaw na sana .... ang bahalà sa kanilá : kahabag
habág na totoo ang mag-iináng iyán .... kung maiwan ko .... nang
walang mapaghabilinang paris mo. Akó ay walâ na : magsá
sangtaón akong nagkasakít . Nagamót-gamót din namán ng
maraming bagay .... Talagang itó ring sakít na itó ang tadhanà
sa akin .. Habang ako'y nagtatagál, lalong nahihirapan .
Mabuti pa ang ako'y namatay agad ... ." dî na lálalâ pa ang
aming hirap ... dî na sana ako pinaghihirapan pa ng aking asawa't
mğa anák ... Katakot-takot ...... na dálitâ itó , Felipe !.
Nápabuntó rito ang pagsasalita ng maysakít . Ang pagál
ng dibdib at dilà ay ipinagpahingaláy na sandali.
-Bakâ pô mabuti-ani Felipe ay tumahimik na muna kayó
at saka na tayo mag-usap pag ginhá-ginhawá ng inyong hiningá.
-Hindi na -ang sagót na may kasabay na ilíng -pag
dilím, ako'y tútugpá na : pagtahimik ko túluyan na Felipe,
ikáw ba'y kaanib pa .... sa ating Kapisanan ng Pag-gawa?
-Oo pô.
-Maayos na ba ngayon ?
Si Felipe ay sandaling nag-alinlangan sa isásagót : kung
marapat sabihin ang totoó, ó kung hindî : nğunì ¿bákit pa pagká
kailâán ang maysakit ?
-Hindî pa pô ! -ang winikà.
BANA AG AT SIKAT 145

-Haaay !..... hindi ko rin inabot ang kagalingan ng


Kapisanang iyán ! .... Hindî na silá nagkáayos-ayos . Ganyán
ba ang maaasahan ng isang kasaping paris ko, kung magkasakít
na ganitó? ... Kung kailáng buwán noón, makáitló kong
inutusan sa Centro si Teresa : walâ raw ináabutan doóng
kagawad , .... minsang may inabot, aywán kun sino, ang sabi
raw .... walâng magága wâ sa amin,. walâng kasalá-salapî
ang Kapisanan ,. at mautang pa . Kung ako'y ma
matáy ngayon , ang mga ulila ko walâ paláng maáasahang
kahi't papaano .. Sayang na Kapisanan ! Sumama rin
akó kahi't mahinà na , noóng Pistá ng Pag-gawâ, akalà ko , sa
dami ng taong iyón , ay mabúbuhay na ang Kapisanan ; bago
pala'y walâ man lamang kuwartang máilimós . ... sa isang mamá
matay nang paris ko ......
Tumigil na pamuli sa pagsasaysay ang maysakít . Si Felipe'y
parang nat útubigan sa náririníg. Hindî sumásagót at sa sarili'y
nápagmumuni-munì ang mga katwiran ng mangagawàng kausap .
Ang Kapisanang dapat mgíng tangulan ng mga kawal ng Pawis
na nápaparoól , ay walâ pa ngâ namáng lakás , walâ pang kaya,
wala pang dagtâ ng kabuhayan hangá ngayón . "Kailán pa ?,
ang nágugunitâ niyá sa sarili, kailán pang ang kasiglahán ng
mga pilipino sa mga pagpipistá at ang pag-kawalâng-hinayang sa
mga salapîng nagúgugol sa pagsasayá, ay siyang magiging siglá
rin namán at dî panghihinayang sa pagsasapì-sapì at pag-aabu
luyán sa hirap ? .... At kailán din mákikilala rito na ang ginhawa
ng isa't isa ay dapat mábatay sa ginhawa ng kalahatan , at ang
buhay at lakás ng isang kapisanan ay na sa buhay at lakás na
ibinibigay ng mabubuting kasapì? Kailán mapagtátalós ng gána
pan , na , sa kapangyarihan ng salapî ng nagpapagawâ, ay kapang
yarihan din ng salapi ng mangagawà, ang una-unang panglaban ,
at ang salapi ng mangagawà ay dî nátatamó kundî sa isang
matapát na pag-aambagan? Kailan pa mapag-wáwari na ang
pagkatubós at ginhawa ng mga marálitâ ay na sa mga máralitâ
ring kamay? Kailán maghihingalô ang isang mangagawà na dî
na máluluha sa pag-gugunitâ
"" ng karálitâang maiiwan sa kan
yáng mga ulila ?.
Mápapalulong pa sana ang pagnunuynóy ni Felipe sa mga
bagay na itó, kundi nagambalà ng bagong pagsasalita ni mang
Andoy.
-Tignán mo na itong buhay ng tao !-anyá-Apat na
pung taon na akó ngayón .... Upang makilala mo ang buhay
na pinagdanasan ng mga magulang ni Tentay ..... na iyong
10-47064
146 LOPE Ꮶ . SANTOS

magiging kaisángpalad , .... sásaysayín ko sa iyó nang madalî :


saka mo pag-isip-isipin at pag-aralan ..... bakâ ganitó rin ang
itulot na buhay sa inyó ng Diyos ....
Dalang-dalang ngâng sinaysay ang lalòng malalaking
likaw ng kanyang palad. Patigil-tigil at pahabol-habol sa hingal ;
nguni't sa pamamahayag niya'y naháhalatâ ang isang pagpupu
milit na maipakilala kay Felipe ang buhay na kalunos-lunos niláng
mag-anak, parang isáng bíbitaying wala nang ibang inaasahang
ginhawa ng loob, kundî ang magunitâ nang pahimakás ang boô
niyáng pagkatao . Sa mga sinabi ngayon at sa mga ilán pang
bagay na dati nang nálalaman ni Felipe sa bibíg ni Tentay, ay
napag-uwî-uwî ng binatà ang kasaysayang sumúsunód :
Na, si mang Alejandro ay anák ng isáng nakaríriwasâ rin sa
Ibà , Sambales ; naulilang lubós musmós pa ; ang kaunting pamumu
hay ng mga magulang, nang magkaisip na siyá, ay di málaman
kun saán náparoón .
Na, sa walóng taong gulang ay naging bataan ng kura sa
bayang iyón ; nang málipat sa Maynilà ang panginoong parè ,
siya'y ipinagsama sa convento rito ng Corporación.
Na, sa mga pagbugbóg at hagkís ng látiko ng mga parè,
siya'y nayamót sa gayóng lagáy ; nagtanan at nápasama sa
isáng taga-Maynilang mang-aangkát ng bigás , sangkaka at ibá
pang mga ani sa Baliwag, Malulos at Kalumpít.
Na, sa Baliwag siyá náwili ; nagpaiwán na sa isáng bígasan
doón, hangáng inabot ng pagbibinatâ ; nakápangasawa sa anák
ng isang may muntîng bígasan : ang anak na ito'y si aling Teresa
na ngâ ; dî sapalàng hirap ang tiniís bago itó nagíng asawa ; ang
ina rin ang ayaw sa kanyá, nguni't ang amá ang sa wakas ay
nagpakasakit ; namatay ang amáng itó, nang may isáng taón pa
lamang siláng kasál ni aling Tarê, anák na si Ruperto .
Na , sa pakikisama sa biyanáng babayi ay halos náiubos
na ang boông kaya sa paninimbang at pagbabatá ; siya'y isáng
padpád doón , at di nábabagay pagpatumangâán ng isáng biya
náng may mga bukid na áraruhín : nag- áararo ngâ , gumagawâ
sa lupà nang walang pakundangan ng biyanáng mapagmurá.
Na , sa gayon ng gayón , ay napunô ang kanyang dibdib ,
nakapagsasagot na sa mga paglait , at dahil dito'y pumaít siyá
sa asawa at sa isang kapatid nitóng dalaga ; mulâ noo'y náram
damán nang totoo ang bigát ng makisama sa isang biyanáng
maykuwarta ; nag-isip na magsarilí na siláng mag-asawa, nguni't
si aling Teresa'y ayaw, at ang tigás ng pag-ayaw ay dî míminsáng
ipinag-away pa nila ng mabigát .
BANAAG A T SIKAT 147

Na , sa wakás , nang totoong hindî na siyá makatiís , ay nag


tanang mag-isá sa bahay na iyong pinakapagdumugan man ng
boông paglilingkód at panunuyò, ay hindi rin nakasundô ; kabun
tisán noón ni aling Teresa kay Tentay ; walâng nakaáalám ng
kanyang paglayas at páparunán .
Na, sa Maynilà siyá tumungo, taglay ang tangkâng kung
makákita rito ng mabutí-butíng hanap-buhay at makatipón
tipón, ay susulatan ang mag-iiná upáng lumuwás at sa Maynilà
na silá tumirá.
Na , may dalawáng taón siyang nagpagiwang-giwang sa
pagpapaupá, minsan sa pag-aabang ng mga pásanin sa Eskolta ,
San Jacinto at ibang lugál na pámilihan ng mga kasangkapan ,
minsan sa pagbubuhát ng hinahangòng mga bastâ ng bálanang
kalakal sa muelle at sa mga bapor sa gitna ng dagat ; pinagsasak
tán ng dibdib at malaong náhigâ, nguni't nang makagaling
galíng ay napasok na kotsero sa isang kastilà sa loob ng Maynilà ;
nang pagsasaktán na namán ng dibdib, ay ginawâ na lamang
siyá roóng alilà sa bahay.
Na, nang may isáng taón na sa gayón , isáng tanghaling
tapát, ay may tumugtóg sa pintô ng bahay ; nang buksán ng
kátiwalang-pintô, ay isang babaying luksâng-luksâ at may dala
wáng batang akay, ang nagtátanóng sa ngalang Alejandro ;
nang másilip niyá mulâ sa kusina ang babaying na sa pintô , ay
nag-akala siyang pakailâ, nguni't nang mátanáw na ang mga
anák na malalakí, ay hindi nakatiís at halos nápalipád sa pag
salubong.
Na, noón nálamang ang kanyáng hipag ay maydalawang
taon nang nag-asawa, isáng taga-Tundó nga ang lalaki, naging
mánununaw sa sugál ng boông kayamanan nilá sa Baliwag ;
hangáng, sa samâ ng loob ng iná, ay namatáy tulóy , na may
apat nang buwán noón.
Na , sa dî rin pagkakasundo ng magbayaw, ay napilitang
lumuwás ang mag-iiná sa Maynilà, at nagsapalarán nang pag
hanapin ang asawa , yamang dito nábabalità.
Na, sa pagkikita nilang iyon ay nagsama na namán ; dî
nalao't nalís sa pagkaalilà, at nagkaykay- tukâ na sa bálanang
paghahanap-buhay : nagíng pandáy, anluwage, tabakero at káta
pús-tapusang abutin na nga ng sakít, ay bumbero sa mga lan
sangan.
Na, si Rupertong panganay, walâng-walâ pa kundî sásam
pûng taón , ay náisanlâ nang alilà sa halagáng tatlóngpûng piso,
dalá ng isang totoong pangangailangan ; ang pinagsanlâá'y isá
rin namang kastilà ; nguni't ipinagsama nitó sa pinápasukang
148 LOPE K. SANTOS

bapor, at makaisáng taóng kásasama , ay di na nákita ang batà


sapúl noong 1898 , hangáng sa mga araw na yaón : kun saán na
dinalá ng panginoóng kastilà .
Ito ang kabuûán ng palad ng mag-anak ni mang Andoy,
na napisan sa pagkaalám ni Felipe. Palad na sa mulâ't sa wakás
ay kayapós- yapós na parati ng mga anino ng lungkót at dálitâ .
Aywán kung ito'y tiyak na mawíwikàng kapalaran ! Makáiláng
sa pagsasalitâ ay sinawáy muna ni Felipe, pagka't nakikita ang
pagpapakahirap nang magbigkás ng dilà, at madalas na naipag
papáuná tuloy ang mga salitang "Nasabi na pô iyán sa akin ni
Tentay," upang huwag na lamang isaysay pa ang anománg bagay
na alám nang dati. Hindi nilá ináasahang si mang Andoy,
sa gayóng lagay na pinahéhesusán na lamang, ay makapagsalitâ
pa ng mahabà. Ikinatútuwâng ikinalulungkót niná aling Teresa
ang bagay na iyón. Tuwâ, sa pag-aakalàng diwà'y gumágaán
ang maysakít ; lungkót sa pag-aalaalang baka yao'y pahimakás
nang tunay.
Ang sakit na tisis at itika ay talagang gayón : mamatay
mabuhay ang dapùan . "Iyán ay sakit ng mayaman," kasabihan
natin, marahil hindi sapagka't ang mapasmá, lumurâ ng dugô
at matuyô, ay mga sakít na tangì ng mga taong hindî nagpapawis
sa pagod at nabábasâ, hindi nagdádadalá ng mabibigát at hindî
salát sa mga pagkain at alíw na pangpasariwà, kundi sapagka't
ang tisis ay parang bagsik ng anay na unti-untî kung mag-gibâ ,
matagal bago umutás, totoóng álagàín at takaw-gamót, mğa
bagay na sa isang mahirap na di na makagawâ ó makapaghanap
buhay, ay harì na ng bigát at kasawîán . "Ang dapùan ng tisis
ó ítika, kasabihan na rin, ay parating mainit ang ulo ; malinaw
ang isip kung mamatay. Nguni't nápakasukáb ang nasabing
sakít : ngayón-ngayón mo lamang kausap ang maydamdám,
ikíkiling sa kabila ang mukhâ, ipípikit ang matá, at ... patáy
na" ...

Si mang Andoy namán ay inabot pa nang hating- gabí ně


araw ding yaón . Makadalawá ó tatlong oras nang kanilang
pagpupulong ni Felipe, ay nagbalisá nang di kawasà . Mámayâng
hingin ang siya'y iupô, mámayâng pasandál ; ni ayaw pakumot ,
ni di mapalagay ang ulo sa unan : totoó raw maalinsangan. Piná
pawisan, nguni't pawis na malamíg ang gumígiti sa noong
nangingitím . Ang dila'y na úutál, hangáng bawa't sabihi'y dî
na mapagwatas niná Felipe , kundi sa paghuhulò na lamang.
Napabubuhat na pilit sa luklukang kawayan ; nang ayaw
ayaw pa sila ay umakmâng bábalikwás ; nguni't sa ganito'y
binuhat na ng binatà sa karatig na silyang maysandalan.
BANAAG AT SIKAT 149

Ang tubig na benditang kinuha sa simbahan ni impóng


Toyang, makatakíp-silim lamang ay dumating na , at ang matanda
ring itó ang siyang nag-wiwisík sa may ulunán at paanán , sa mag
kábilâng panig at ilalim ng papag, noóng si mang Andoy ay nag
bábalisá na. Ang pinarunáng Santo-Kristo sa Timbugan ay dî
nákuha, kaya't ang Santo-Kristong muntî na lamang, na nasa
dulo ng kanyang kuwintás, ay siyáng ipinagpapahalík at ipina
ngaral sa naghihingalô.
Kasalukuyan na ngâng hating-gabí, nang pumanaw na pa
rang walang anomán ang hulíng hiningá ni mang Andoy. Yu
mao't sukat sa walâng hangáng buhay ang isa pang anák ni
Dálitâ, isang bayani ng hukbó ni Pagtitiís ! Yumao upang dî
na magbalík , upang makapagpahingá na ng lubusan : ang kama
tayan ng mga bayani ay pagpapahingaláy lamang . Bayani rin
namán ang mga magulang na nakapagpapalakí ng maraming anák
sa pamamagitan ng katutubong pawis ! ....
Samantala, ang mag-anak na ulila , ang mga naiwang mag
hahabol sa kanyá tuwî na ng luhà, mğa himutók at panalangin ...
¡gaanong pananaghilì sa kabilâng buhay ! ¡ gaanong pagmimithî
na mangáburol na noón din !...
Kahabág-habág na mga anák ng anák ng Kahirapan ! ...
Hindi kakaunting aral ang sukat mápalâ ni Felipe sa
kamatayang itó !...

Bay
***** *****

€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€€ €€€€

XI

Si Talia at si Yoyong

Apat na pahayagan muna ang sabay na nagbalità : dalawang


kastilà, isáng pilipinong-kastilà, at isáng amerikano, bago kábu
kasá'y nagsisunód na ang mga ibá pang lumálabás sa Maynilà,
patí ng mga dahong tagalog. Hindi man silá nagkásabay-sabay
sa íisang araw, at bagamán ilán sa nagsisunód ay naháhalatâán
ng ilang mga pangungusap ó salitang hangò at sipì na lamang
sa nangáunang balità ; ngunì ay para-parang tumangáp ng titig
isang paanyaya ni Don Ramón Miranda.
Ang ipinag-áanyaya'y anó?
Si Natalia Miranda at si Honorio Madlâng-layon ay mag
fisáng dibdib na sa hapon ng sábadong dáratíng. Sa Catedral
gaganapín, kayâ't mulâ roón hangán sa bahay ni Don Ramón
ang paanyaya .
Noo'y kalahatìan na ng buwan ng Nobyembre .]
Ang pagka-ulukán at mang-uulók ng mga pámahayagán,
noo'y napatibayan na namán . Bukód sa parang kidlát na
tarjeta de invitación ni G. Miranda, sa mga pahayagán ay may
tangi pang inilangkáp na titig-isang liham, labis ng dulás at
mapalabok. Oo nga't sa ibabâ ng paanyaya ay may paunawàng
hindi magagamit ng ibá, anopa't ang mga Namámahalà
lamang ang tangì sanang makadádaló ; dátapwâ, sa kalang
káp na sulat ay nasasabi namang sa tungkól periodista ay bukás
na bukás ang pintô hangáng káloób-looban ng bahay, anopa't
hindi na kailangang magkaroón silá ng titig-isa pang tarheta.
Tugón at gantí sa nápakatamís na paanyayang itó, ang mga
pahayagang tumangáp ay naghikáp namán sa kanilang alaala ,
at may sumangunì pa mandín sa Diccionario ng lalòng mabu
bulâng salitâ, pangkapit sa mga karapatán ni Don Ramón Miranda
at ng dalawang ikakasál.
Para kay Don Ramón ay pinagpilian nila ang mga salitang :
mayaman at mapag-aarì, ang matalinong mámumuhunán , ang
BANA AG AT SIKAT 151

sangunìán ng puhunang pilipino, ang masayá, ang marangál,


ang mahadlikâ, ang matandang-binatà, ang di marunong mapa
god na Director gerente ng pagawâang El Progreso atb. , atb .
Para kay Talia : ang magandá, ang masamyông bulaklák,
ang mahinhin , ang dakilà, ang talà, ang pinakamatandâ sa dala
wáng bituin ng mga Miranda sa Sta Cruz ...
Para kay Yoyong ; ang makisig na baong-batà, ang bantóg
na mánunulat at masiyasip na jurisconsulto, ang masining at
kasibulang político , ang mapag-waging abogado, ang matalinong
profesor ng derecho, na isáng "matalik na kaibigan namin ... ”
Anopa't ang mga pahayagán sa Maynilà ay nakapagpasingaw
rin ng mga pangbanság niláng de-kahón , sa pagbabalità ng gani
tóng pakasál ni Don Ramón Miranda , anaki'y mga upahan silá
sa pagpapatunóg ng bombo at pompiyang kung may ibinabalitàng
isáng di karaniwang palabás sa mga dúlàan .
Ang mag-áanák na lalaki, ay isá rin namang maynğalan at
katungkulang mahugong: ang Comisionado W... ang
babayi, ay hirang na hirang din : ang Bao ni Lafuente. Si ñora
Loleng sana ang ibig ni Don Ramóng mag-anák , nguni't si Talia
ang ayaw.
Sa pásulatán man niná Delfín ay nakalingál ding di sapalà
ang paanyaya at balità ni Don Ramón. Isa't isa'y nagsábihang
"ako'y páparoón , " "ako'y sásama sa Director," "akó ang gagawâ
ng balità ." Ilán sa magkakasama ang pamulî't- mulîng bumasa
ng tarheta at hindi ngalang Natalia at Honorio ang binabasa ,
kundi ang kay Meni (Filomena) at kay Delfín , pariníg sa isáng
kasamang inaarì niláng sukat matuksó at managhili sa gayóng
pag-aasawa ng isang anak ni Don Ramón ..
Sa pagbasang ganito ay tigás na hálakhakan ng magkaka
sama . Ang lahat ng tingin ay nápabuntón sa pagkakaupô ng
nagwawalâng imík na si Delfín, at isa't isa'y naghagis ng kani
kanyang pasaríng at tuksó .
-Kay Delfín akó sásama ! —anáng isá-Pag itó ang kasama
ko roo'y walâng tigatig na kamí.
-May anyaya rin ba sa iyó? -anáng Namámahalà kay
Delfín.
-Sa akin ? ...kundî tadyák ang másalubong ko kay Don
Ramón.
-At bakit ? -ang tutol ng isá pa -páparoón kang perio
dista, paris naming lahát . Nguni't kun ang gagawin mo ngâ,
pagkátalingid ni Don Ramón, ay kúkurutín ng kúkurutín si
Meni, pagkikita niyó roón , mangyaring dî háhagarin ka ngâ ng
sipà ng biyanán mo .
152 LOPE K. SANTOS

-Sits !-ang pabirông sawáy ng Namámahalà, sa pagka


kátawanan-Ang kúrutan ay hindi kasali sa sálitâan dito .
Hála á trabajar!
Isáng hindi makatiís ay sumalansáng ng ganitó :
-Abá, hintáy muna kayó, máginoong Director: ating linawin
kun síno-síno ang magsisidaló sa kasál.
-Akó, akó lamang !-ang biròng-harì ng Namámahalà .
-Eh, eh, eh, hindî maáarì : tayong lahát !
-Páparoóng walâng sala sina Seang at sina Reynoso !
ang magalák na sabi ng isá.
-At ang aking mga taga- Sampalok ? -anáng isá pa
Oh, walâng bitíw na isásayaw ko ang alinman sa magkapatid ! ...
-Taga-Sampalok ? ... at sinundán ng nagtanóng ng isang
tawa at tinging patuksó sa nagsalitâ, parang ibig bagá niyáng
wikàing : "Taga-Lardizabal ba?"
Ang ibig sabihing ito ay nahulàan din ng lahát , kayâ't nag
bunga ng isang malakás na tawanan .
-Páparoón ding walâng sala sina Julita , si maestra Inés
at ang mag-anak ni Makapugay ...
-Siya ngâ : ah, si Julita na ang kapareha ko .
-Akó, si maestra Inés .
-Siyá na na ang Inés mo at nakaíinís ! -anáng isá.
-Ang isasayaw ko'y si Meni ! -anáng Namámahalà.
-Ey! si Meni ay akin !-ang agaw ng isá.
-Akó , akó ang kúkuha kay Meni sa two-steps -ang sabád
ng isá.
--Akó ang sa valse.
-Akó ang sa rigodón de honor, sa valse at sa two-steps!
ang pakyaw ng Namámahalà.
Umabot ang pagsasabaran sa parang sálitâan ng mga insík.
Gayóng áanim-anim silá, ay dinaíg pa ng kanilang guló ang
"aliw na abaká." Hindi na mangagkámayaw sa pag-aagawán
kay Meni, ay gayóng tatlong araw pa muna bago dumating ang
sábado , ang kasál at sáyawan .
-At si Delfín , -ang patangól na sabi ng isá -kun si Meni
ay atin pang áagawin sa kanyá?
-Si Delfín ay komunista! -ang habol ng Namáma halà.
nang makitang ngíngitî-ngiti lamang at nag-wawalâng kibô
rin ang pinatátamàang kasama - Hindi iyán tútutol kung maging
sa komunidad man natin si .... !
BANA AGAT SIKAT 153

-Ey! ey ! ... hindi na naáabot iyán ng komunismo ko ! -ang


sambót nang dî natiís ni Delfín-Ang babaying tao, ay dî maáa
ring maging babaying manók, na bálana'y makapúpupog.
—At bákit hindî? -ang paklí ng isá pa --ang tunay na komu
nismo ay dapat maganap sa lahát : hindi pakalá-kalahati lamang
at may tangi-tangi pa . Sa pag-aarì, sa salapî, sa dunong, sa
nililigawan , at patí na sa asawa ..
-Oy, oy, samláng ! -ang hadláng na namán ng Namáma
halà.-Ang asawa ay hindi na kasama sa sálitâang itó . Ang
komunismong iyán ay sa mga bárbaro lamang ; nguni't hindi
sa mga sibilisadong gaya naming dalawá ni Delfín , ¿ hindî ba ,
Delfín? ¿ hindi ba tayo lamang dalawa ang bagay sumayaw kay
Meni ? ...
-Hindi maáarì ! -ang paklihan ng apat -Sa lahát, sa ating
lahát !
-Oy, magtigil na kayo !—ang malakás na saway ni Delfin
Nagsisikip na ang ilóng ko ... Hindî pa ninyó nálalaman kung
kayo'y makakatuloy ng walâng tarheta, ay namímilì na nğ
maisásayaw ...
-Siyá, siyá na ngâ ! -ang pagitna ng Namáma halà-Hála :
á trabajar! sakâ na pag-usapan iyán : tanghalì na , walâ pang
nasúsulat tayo . Bayàan niyó't akó ang gagawa ng balità ....
Sukat itong nakapagpatahimik ng unti-unti sa guló ng
Pásulatán . Mistulang mga panday-bakal na nagsidampót na
namáng sunod-sunód ng kani-kanilang pamukpók at pandayin ,
at saka nagsitungó sa dating palihán . Ang alingawngaw na
saglít ng pagkakatwâ, ay nahalinhá't sukat ng piping lagislís
ng mga panulat sa ibabaw ng papel. Biglâng magkaingáy,
biglang magsibulóng , minsang magtatalo, minsang manga pipi.
Sa munting bagay ay nangagpapakaligalig na, samantalang
ang munting tulis ng kanilang panulat ay labis pang makapag
pabangon sa isang bayang nágugupiling, labis na makapagpa
guhô sa isang mabigát na pámunûán at labis ding makatigatig
kahima't sa sangsinukob . Ganyán ang halagá, mápamahál,
mápamura , ng mga oras na natátapos araw-araw sa mga Pá
sulatán ...
* *
Lumálapit, lumálapit ang araw ng sábado.
Ang balità sa bihis na mga dalagang Santa Cruz, anaki'y
para-parang ikákasál din sa paghahandâ at pagpili ng kani
kanilang pangsuót sa baile. Ayaw ng mga yarì na . "Ang
sayang ito'y mahal ngâ't marikít , nğunì't nágamit ko na noong
Santo Rosario. Ang barò't panyông ito'y nakita na ng mga
11
154 LOPE K. SANTOS

tao noóng Nuestra Señora del Pilar . Ang kulay na ito'y palasak
na ; ang kulay na iyán ay hindi bagay sa mga boda: ang kulay na
iyon ay pangit sa gabí. Ang is úsuót sa simbahan ng ikákasál
ay putî, sa bahay ay bughaw na mura, sa sayawan ay derosas:
kayâ hindî nárarapat parisan. Kinakailangan ang ibang kulay,
ibáng ayos , ibâng gayák namán , na huwág maging alangán sa
kinasál ni sa iba pa mang magsísidaló ..." Itó ang mga pag
kukuròng pumúpunô sa ulo at guni-guni ng mga dalagang kai
bigan ni Talia sa Santa Cruz, gayón din sa mga taga-Kiyapò ,
Troso at Binundók na nagsitangáp ng balità at paanyaya. Ano
pá't ang mga makapál-kapál ay nagsipamilí pa ng bago ; at ang
mga walang magawa ay nangagpunô-punô na lamang ng mga
kulang sa paglalagay ng bagong palamuti, bagong panutóp,
palawit at iba pang kabaguhang ayos sa matá ng mga títingín :
Bílihan , táhîan, bílaran at súkatan ngâng di kawasà ang
nakaguló na namán , nang mga apat ó ilang araw na yaón , sa
bahay ng mga dalagang makikipagkásalan .
Nguni't sa lahát , ay si Isiang ang dî mahapayang gatang sa
paghahanda ng dáramtín . Siya ang áabay kay Talia sa pag
dedesposada sa sábado ng hapon, at siyá ring maglálagáy ng belo,
kábukasan ng umaga . Ang áabay kay Yoyong ay si Martín
Morales , ang parmaseútiko ni Isiang, ang matapang umakyát
at malakás lumuglóg ng duhat sa batis ng Antipulo. Kay inam .
na pagkakapili ! Pakanâ ng isa't isa. Talagang nilakad ni Isiang
na siyá na ang maging abay ni Talia , at ni Morales namán upang
siyá ang maging kay Yoyong . Pinagkáwikàán niláng pag nag
belo ay má-bebelohan...
Si Isiang sa gayón, ay maykatwiran na ngâng makapag
palakí sa ulo ng kanyang inang si ñora Loleng. Nagalà na niláng
mag-iná at napamilìan ang París- Manila , ang Islas Filipinas,
Ricart y Soler, La Bella Filipina, Nuevo Siglo, Siglo XX
at patí na ng Almacén ni Velasco, pagdating sa bahay at nang
ginagawa na ang mga nábilíng damit , ay tila hindî pa rin nasí
siyaháng loób. Tatló ring kasúutan ang kanyang ipinagawâ
anaki'y nagnanais pang mapagkámalán sa sábado na siya ang
ikinasál. Anopá't kun gulóng-guló ang magkapatid ni Talia
at ang mga mánanahì at nagpípintá sa mga kagayakan nitó,
ay guló rin naman ang mag-iná ni ñora Loleng sa pananahî at
pagpapatahî ng kanilang pang-abay at pangásalan .
At ang mga lalaki ? Ang mga lalaki ay naghahandâan din,
nguni't anó pa : may bagong sapatos at bagong kurbata lamang
ay naipangdádayà na ang traheng itím kahi't íisá, lalò na't sa
gabing paris ng dádaluhán .
BANA AG AT SIKAT 155

Sumasábado'y nag-úulól ang pagkagahól ng mga pinaá


anyayaha't nagpapaanyaya . Patí sa Catedral ang pagkabaga
bag, nang tanghali pa lamang ng sábado, ay nakaabót na . Tila
mangyayari ang pangakò ni Miguel kay Julia sa ¡Waláng Sugat!
na " sísindiháng lahát ang simbahan , " at marahil pa'y "pípihitin
ang kampanaryo” ...

Dalawampu't apat na lalaking mangagawà sa El Progreso


ang biyernes pa'y sadyâng ipinatawag na ni Don Ramón : ang
ibá upang makatulong sa paglilinis ng bahay at sa pagpapalamuti
hangáng sa hálamanán, at ang iba'y upáng mákawaní ng mga
taga-lutong makáw, at makapag-alagà sa pagkain. Anim namáng
hirang na dalaga , nánasok din sa pagawâan, ang pinatulong
sa pag-gagayák ng mga sari-saring damasco, cortina, flecos, al
fombra at nang dilang bagay na panabing sa mga pintô , palawít
sa mga bintanà at pangbalot at panapín sa mga tuntungan at
luklukan ng madlâng panauhin . Dalawang araw ang nawa
lâng itó sa kanilá, biyernes at sábado . Apat lamang ang maáa
sahan nilang sahurin kálunisan pa, sapagka't hindî náisipan ni
Don Ramóng pasahurin nang biyernes ng hapon , ang mahigít
na sanglibo kataong binabayaran ng linguhan, tuwing sábado ;
mahanga'y ipinagbilin kay Don Filemóng sa lunes na ngâng
lahát. "Magtiis ka muna tiyán sa araw ng lingóng itó !," ang
marahil ay nasasabi na lamang sa sarili ng mga tabakero at taba
kera, pagkáriníg ng gayóng atas ng Nangangasiwà sa págawâan .
Ang araw ng sábado ay walang pasok, pangingilin sa pagkakasál
ng anak ng kanilang patrono. Kayâ dalawang araw rin namang
nagkamót ng tiyán sa bahay ang mga mangagagawàng hindi
nápilì ni Don Ramón na maglingkod sa paghahandâ ng kásalan .
Ang mga harì ó mahadlikâ (anák ó likhâng-mahál) kung
nangag-aasawa, ay nagpápasinayà ng anománg kawang-gawâ
ó kaloób na mapapakinabangan ng nangasásakop ; dátapwâ't
ang kasál na ito ng anák ng isang maypágawâan , ng isáng Don
Ramón, ay siyá pang pinagpasinayaan ng mga mangagawà,
siyá pang inambagán ng dalawang araw na himagál (salario)
ng nangáhirang na pagurin sa paglilingkód , at isáng araw ng
di nangáhirang at di pinapasok nang sábado .
Salamat sa dalawampu't apat na lalaki at sa anim na
dalagang yaón, bukód sa ibá pang mga pinagdatnán , ang bahay
ni Don Ramón sa labás at sa loób, sa tanáw sa malayò at sa
tanaw sa malapit, sábado pa lamang ng tanghali, ay mistulà nang
"palacio sa Albaniang reino," kun ating paniniwalàan ang mga
moro-morista. Hindî alangan sa isáng palasyo , sapagka't malakí
156 LOPE K. SANTOS

at marikít namáng talagá. May hálamanán ngâ sa haráp at mag


""
kábilang tagiliran , gaya ng balitàng "jardín" ng mga " princesa'
Walâng "torre" ngâ lamang na may pitóng " grado," sapagka't
sa Sangkapulûáng ito'y totoóng madalás ang lindól ....
Sa boông bakod na bakal at bató ay mga paról-hapón ang
nangagpapágaràán ng kulay sa pag-ganyák at pagbabalità sa mğa
tao, malayò pa , na sa lugál na yao'y may isang malaking kasá
yahang idináraos . Mga paról-hapón sa boông hálamanán,
mulâ sa pintô , hangán sa silong, sa lahát ng bintanà at hangáng
likod ng bahay. Sa paról na paról lamang, kung mga iláng
daáng piso ay may náitapon ang kasalang itó. Hindi rin namán
birò-biròng ginhawa sana ng karálitâan ng pilipino , kun ang
mga ganyang paról na pinagkakasalapîán sa Pilipinas ng mga
hapón at insík sa bawa't pagpipistahan , ay dito na magíng yarì .
Disin ang salapî'y dito na rin náuuwî at nápapakinabangan ! ...
Nguni't kailan ba máisip itó ng mga paris ni Don Ramón ! ..
Ang mga suking maghahalamán sa Singalong at sa Pasay,
karamihan sa kanila'y may mga kamag-anak na pumapasok
din sa El Progreso, ay may kaní-kanyáng handóg na mga
sari-saring bulaklak at punò ng mga halaman , mga dahon ng
bunga , niyóg, anahaw, papwá, balitì, at ibá pang karaniwang
pangayák sa mga bahay na maypistá . Marami ang handóg
lamang kaysa bilí. Talagang pag sa panunuyò at sa pag
reregalo, ang pilipinong mahirap ay maipápara mo sa lalòng
mayayamang dî nag-aalaala ng gutom! ...
Umulán-ulán nang hapon . Nangabasâ-basâ ang mga paról
at ibang kagayakan sa labás ng bahay. Nguni't ito'y hindi
gaanong nakabawas sa kasiglahán ng pistá. Ang dalawáng
mag-iisang dibdib, ang mga magulang, ang mga saksí at abay
at ang maraming pinaanyayahang dumating nang wala pang
ikalimang oras ng hapon, ay doón na inabot ng ulan sa Catedral
ng San Pedro, upang sa ikalimá't kalahati ay maganap doón ang
mga kaugalia't atas-simbahan sa kasál ng mga masalapî. May sa
simbahan na nangag-antáy, at may di na nagsipanoód , kundî
sa bahay na lamang nangagtuloy.
Sabihin pa ang mga gagawin sa simbahan . Salapî ang nag
úutos . Ang mga dating ugaling pakuláng-kuláng ay dinaragdagán,
at ang maluluwát ay pinadádali . Nguni , paano't paano man ay
iyón at gayón din ang kinauuwián : tatlóng parè, mga sakristán ,
siryales, mğa kandelero at kandilà , lusélektrika , ilaw na walâng
hinayang, mga kurtina , bulaklak na kayo at sariwà na mğa
palamuti at nagsabog sa harapán ng dambanà, alpombra , kuhén,
usok ng kamanyáng, kililéng , kampanà, órgano, orkesta , kantá,
dasál, bendita, pagbasbás, at iba't iba pang mga kuskós-balungos
BANAAG AT SIKAT 157

ng isang kagalang-galang at mayamang pagdiriwang na paris


niyón..."Ikaw babayi, tinátangáp mo ba siyang magíng asawa?"
-"Opò, tinátangáp ko. " -"Ikaw namán, lalaki, tinátangáp mo
ba rin siyang maging asawa?” —“Opò , tinatángáp ko. "- " Lalaki ,
kasama ang ibinibigay ko sa iyó at hindî alipin . " -" Babayi,
hinugot katá sa tadyáng nitóng lalaki , íibigin mo siyá at súsun
dín ng boông pagtatapát" ... "Magsama kayóng mahinusay ..,"
at iba't iba pang mga kuntil-butil na sáwikàíng latín at kastilà,
ng nagkákasál at ikinákasál ang doón at noón ay natupad ng
boông karingalan .
Nangunguna sa pag-uwi ang karwahe ng bagong-kasál, na
anaki'y galing at kabábabâ pa lamang sa alapaap, inilílipád ng
dalawang kabayong mula , kapwà itó kulay mala-uling at waring
nangungusap na mga harì kung itaas ang mga paá at iunat ang
ulo sa paghakbáng.
Kasunod ang sasakyán ng mag-iná ni ñora Loleng at ni
Isiang ; isáng rockaway na parang salamíng nagniningning, at
isáng mula ring balahibong usá ang humihila.
Saká ang karwahe ng ninong, ang Comisionado W, kiná
kanan ni Don Filemón .
Sumusunod ang karwahe ni Don Ramón , kinákanan ng
ninang na Bao ni Lafuente, pagkakasamang halos ipagputók
ng butsé ni ñora Loleng tuwing málilingunán . Dangan ngâ
lamang at si Isiang ang ayaw lumayo sa likod ng dalawang
bagong-kasál, ang ibig ni ñora Loleng ay ipagpáhulí ang rocka
way nila at ibalalay sa sinásakyán ni Don Ramón, upang ito'y
mámatàan kung ano ang mga kilos sa kasamang madrina ....
Parang "hilóng talilong" namán ang karumatang sinusô ng
parmaseútiko Morales at ni Celso Bentus : mápauná, mápahulí,
mápasabáy, mápasalisí sa mga sinúsundáng karwahe, sa pag
habol kiná Isiang na lingón din naman ng lingóng gaya ng kanyang
iná ; nguni't walâng masapit, hindî silá makagiít sa unahán ,
sapagka't pawàng kagalang-galang na mga karwahe at tao ang
gígiitán.
Sunód-sunod na rito ang may mga labing-limá pang sasak
yáng halo-halò na : mğa karwahe, kiles, karumata at dalawá pang
automóbil : lulan ang mga panauhing nagsisama ó nangag-antáy
na lamang sa Catedral : mga babayi't lalaki, kadalagaha't kabi
nataan, para-parang máginoó ó anák-mahál, ilán sa mga ginoó'y
kagawad ng Pámunûán, at ang ila'y mga mangangalakal ó may
págawâan, mga pulós na kaibigan ni Don Ramón ó ng dalawang
ikinasál.
158 LOPE K. SANTOS

Mula sa Catedral hangán sa bahay sa Santa Cruz, ang pag


kakásunod-sunod ng mga sasakyáng yaón , sa biglang masíd, ay
sukat maipagkamali sa paghahatid ng isang bangkay sa líbingan ,
nguni't libing ng isang mayaman . Kaya lamang di mapapani
bulos ang ganitong pagkakamali, ay sa pagkákita sa dalawáng
lulan ng kaunaunahang karwahe at sa gagarà ng damit, lalò na ng
mga babayi, na isá mang luksâ ó may anyông lungkót ay wala.
Habang lumálakad silá, si Talia at si Yoyong ay walâng
kamatayang naáalaala : walâng lungkót, walâng panganorin ng
langit na nákikita : walâng luhà, walang paít, walang hirap ,
walâng tiník ng buhay na nágugunitâ . Lahát ay nakangitî,
lahát ay sariwà, lahát ay masamyô, aliwalas at kaayaya . Si
Honorio, na dapat na sanang di mabaguhan sa gayong pagsasa
kanan ng isang nahulog na bitùin sa langit , ng isang kabyák nğ
palad at sugò ng kalwalhatian , pagkápalibhasà, siya'y may
dinanas nang gayón ding panahón sa kinabauhan ; dátapwâ,
ngayón , anaki'y isang pahát na pahát pa , isáng sabík na sabík
at baguhang baguhan sa pag-giliw; halos di magkantututo ng
sásabihin kay Talia ; ang tingin sa mga tumitingin sa kanilang
dalawa, habang nálalapít sa bahay ang karwahe, ay parang mga
ga-uód lamang, samantalang ang damdám sa sarili siya'y isang
lalaking mapalad pa't makálilibong malwalhati sa lalòng kápa
lad-palaran.
Si Talia ang lalò pa . Bawa't dalaga niyáng mátingnán at
sa kanya'y makatingin namán , ay waring nahuhulàan nang
walang ibang taglay sa loób , kundî pananaghilì sa kanyá . Diná
ramdám niya ang mga damdamin sa pusò ng sínománg nananalig
sa bisà ng mga biyayà ng isang Sacramentong katátangáp pa
lamang ng boông pananampalataya . Busilak na kálulwá ,
amihang panimdím , apóy na pag-ibig, batóng-buháy na pag-asa,
bakal na dibdib , tubig na kalooban , sutlâ sa pagsunód, bangó
sa pagsamyô, giliw sa pag-giliw ... lahát ay kay Yoyong, kay
Yoyong ang lahát ... ¡ ang lahát ! ...
* *
Bago pa lamang nánasok sa pintô ang unang karwahe , ay
umalingaw-ngaw nang biglâng-bigla ang isang kalugód-lugód na
tugtuging pasalubong ng Orkesta Rizal na nag-áantabáy na
talaga sa may hagdanan . Mulâ sa mga bintanà, sa silong pa ,
sa hagdán at sa itaás na ng bahay, ang mga kaibigan ni Talia ,
ang mga kaibigan ni Yoyong, at ang bálanang dinatnán doóng
panauhin ay nagsalú-salubong, kumamáy na pawà at nangag
handóg ng kani-kanilang matamis na bati at malulugód na
paunlák sa dalawang bagong bigkís ng isang palad . Gaanong
sayá, gaanong ingay, gaanong buntón ng ligaya at kagandahan !...
BANAAG AT SIKAT 159

Ilán sa mga babaying nároroón , pagkasalubong ng pahangà


kay Talia , ay nagbulúng-búlungan . Minasdán-masdán , pinigsí
pigsihán at ipinagtawanan pa ng lihim ang pananamít ni Talia .
-Hindî, anilá, bagay sa kanyá ; sukat magsuot ng traje á
la española: kahi't na sutlâng lahát ang kanyáng vestido, mabuti
na ring makápupô ang traje de boda ng pilipina!
-Abá, mestisa namáng talagá si Talia ! ...—ang ayò ng isá .
-Eh kung mestisa ? Siya'y apó lamang ng kastilà, ako'y
anák na talagá ; nguni't magandang lalò sa mga mestisa ang suót
pilipina: pag akó ang ikinasal ay hindi akó makapags úsuót
niyán.
Sa isáng dako namán , mga babayi rin , nguni't kináhahalùan.
na ni ñora Loleng na bagong upô , ay pinúpuri ang gandá ni Talia :
bagay na bagay daw ang vestido, ang suót- señora, dahil sa maputî
siyá, mataás at dî kátabàan, sakâ matangos namán ang ilóng,
malago ang kilay at pusód-española.
Sa isa pang umpók, mga babayi rin, ay pinagtátalunan
namán kun ang mga nagkinang-kinang na hiyás at ibá pang
alahas na suót sa mga dalirì, bisig, dibdib , liíg at buhók ni Talia
ay pawang sa Estrella del Norte binilí ó kay Félix Ullman at sa
Zafiro ang ibá, at kung alín-alín ang handóg lamang ni Yoyong.
Sa poók ng mga lalaki, ang búlunga'y tungkól namán sa
pagka-abogado ni Honorio , tungkol sa ugalì nitó at ni Talia ,
tungkol sa násasa loob ng mga bagong-kasál sa gitna ng maraming
panauhin . May lumálapit na kusà sa pagkakaupô ni Yoyong at
nagbubulong ng aywán kung ano-anóng mga salitâ, nguni't
nagbubunga ng malakás na pagtawa ng nagbulong at binulungán ,
sampû ng mga karatig na nakakahalatâ. Dî sásalang mga
karaniwang tuksó sa mga bagong-kasál ....
Sa gayong walâng mayaw na sálitâan at táwanan , ang
alingaw-ngaw ng orkesta ay walâng tigil namang nakikisaliw.
Ang mga panauhi'y lumabás pumasok sa loob ng salón , mangá
upô't mangátayô, anaki'y mga hináhalòng kalamay . Marami
pa ang kasalukuyan lamang nagsisiratíng, bagamán noo'y may
mğa ikaanim at kalahating oras na marahil .
Samantala , si Taliang naliliyó-liyó na sa init, ay luminğíd
muna sa matá ng madlâ at nasok sa kuwarto niyáng bihisán .
Si Turíng, ang bagong hipag, ang magulang nang kapatid na da
laga ni Yoyong, ay siyang kaakbáy-akbay sa pagpaypay sa kanyá
at katú-katulong sa pagbibihis .
Nguni't, ¿ saán nároón si Meni ? ¿ násaán ang kapatid na
bunso na sa mga oras na iyón , higít kailán man, ay dapat sanang
mákita , máhagkán , máyakap ng isang pahimakás at wagás na
160 LOPE K. SANTOS

yakap ng isang kapatid na puspos ng ligaya sa bagong palad na


katátangáp pa lamang? ¿ saán nároón si Mening katú-katulong
pa niya sa pananahî ng mga damít na ipagkákasál at sa pag
bibihis nang hapong papalakád na sa simbahan , ay kawaní-waning
masayá, palabirô pa at dî míminsang nakapagsabi sa kanyá nğ :
"Talia , baka kung akó namán ang mag-asawa, ay di mo
tútulungan?.. . . . " Nahan siyá?. Hindi na sumama sa
simbahan, hindi pa sumalubong sa pagdating ; matagal nang
walâ ni sa salas , ni sa mga kuwarto. Sa kalooban namán ni
Talia ang gayóng pagkawalâ, ay walâ rin . Hindi niyá agád
nápansín , diwà'y sa pagkalangó sa samyô ng mga paunlakan
kábi-kabilâ. At nang siya'y bihisan na ni Turíng, ay itó pa ang
nakapagsabi : "Ayaw, anyáng, pumasok si Meni , nároón sa
labás at nag-fiiyák."
Parang sinuntók sa dibdib si Talia . Naalaala , noón na
lamang, na siya'y may kapatíd pa ngâ paláng dalaga . Dapwà't
¿sino ang maykatwirang magtampó't lumuhà? ¿siyáng nakalimot
at nalibáng pagka't may-asawa na, ó si Mening hindi kusàng
sumalubong at nakigalák sa kanilá, yamang kásudûan namán
niláng mag-aamá at magkakapatid ang pag-aasawa kay Yoyong?...
Sa timbangan ng gunam-gunam, ang sala niyá rin ang nakitang
mabigát. Nagsisi . Inaligirán ng luhà sa matá. Ang pag
aalís ng maraming mga akibat , sabit at kung ano-anóng mga
palamuti sa labás ng damít, ay ipinadali-dalì kay Turíng. Pag
katapos , nang natitirá na lamang sa katawan ang tanging vestido,
walâ na ng mga kapinsalàang iyón , ay naglagós sa mga pintuan ng
dalawang kuwartong magkasunód , na hindî nagdáraán sa salas ,
at tuloy-tuloy sa kusinà ng bahay. Hinanap doón ang kapatid
na minámahál . Walâ, hindî mákita . May naghimatóng nasa
loob ng páligùán. Doón pinasok at doón nákita ...
Náuupo sa pinaka-labìng putîng baldosa ng tangké, tuntóng
ang mga paá sa isá sa mga tatlóng baytang na baldosa rin ng
tinurang páligùán ; payukô at paharáp sa pintông nakatupî,
sa pagkakapangalumpisngí, katang ang siko sa isáng hità, ang
mga mata'y siyáng tanging nangungusap na mag-isá, nguni't
lungkot at hinagpis ang sinasabi : nagtítigis ng luhà , hindî ng
luhàng násalát ng mga labi ni Delfín noong unang gabi sa glorieta,
kundî luha ng pag-ibig sa isang kapatid na mulâ ngayo'y di na
mákakapiling at makakaisáng kumot sa fisáng baníg ! ... Si
Meni ay may naiisip na isáng malalim na palaisipán ng kanyang
buhay ; may nagugunam-gunam na isáng hinaharap na palad
na tiwalî sa pinanána ganuhan sa mga oras na yaón ng kanyáng
BANA AGAT SIKAT 161

kapatid na si Talia . Nanánaghilì kayâ? nagsisisi ? nag-áagam


agam? nanganganib? ... Saán kayâ naroón si Delfín ng mga
sandaling iyón ! ...
-Meni !? -ang pagsungaw ng ulo ni Talia sa pintông itinulak
niyá ng marahan, ay magiliw, nguni't malungkót at may halòng
pagtatakang itinawag sa nátagpûáng hinahanap .
Ang tinawag ay napagitlá. Iniunat ang ulo . Si Talia ! ....
Daluhong na ang pagkayakap kay Meni , kasabay ang mga salitâng :
-Kapatid ko ! ..... ¿ bákit ka náriritó ? ¡ bákin ka nalúlum
báy sa aking pagdating?.
Si Meni ay hindi nakapagsalita ng malinaw . Sukat ang
isáng garalgal ng hininga sa lalamunan na isinabáy niyá sa pag
yapós din kay Talia ng boông pagkabaklá ng pusò .
-Anó ang isinásamâ ng loób mo? -ang patuloy ni Talia
Hindi ba ibig nating lahát si Yoyong? hindi ba ikaw pa ang
madalás magsabi sa akin na siya'y nápakabaít na tao , mákaka
sundo ko kung maging asawa na , mákakasundô mo , mákakasundô
ng tatay at ng kapatid nating lalaki , anopa't nating lahát ...... ?
-Oo nga, nguni't ... ang pagsasalita'y natapos sa malabò
at pahikbi-hikbing bukáng-bibíg. Ipinahiwatig sa gayón
na ang kanyang puso'y hindî makaiwas sa lingkís ng dalamhatì.
Mahál din ngâ sa kanyá si Yoyong ; nguni't si Talia ay kaputol
ng kanyang pusod ; si Yoyong ang siyáng áagaw sa kanyang
kasá-kasama gabi't araw .
-Kung nálalaman ko -ang sa bisà ng pighatî rin ni Talia
ay nasabi - na sa wakas ay di mo mámabutihin ang pag-aasawa
ko kay Yoyong, paano man ang ginawâng pagtitiyaga sa akin ,
disin ako'y hindi nagbitiw sa kanyá kailán man ng pangakò .
-Paano ako ngayón , Talia : dî mag-íisá na lamang dito !?
-Hindi kamí áalís dito : huwag kang mag-alaala .
-Aalís din kayó pag nalaon : maybahay sina Yoyong na
sarili.
-Eh anó ? Aalís kami kung makapag-asawa ka na rin .
-Tinútuyâ mo akó ! -ang pahinanakít na sabi ni Meni.
Ngayon pa ba akó luwagán ng tatay!
-At anó kung dumáratíng na ang iyong oras ?
-Oh ! ... malayòng dumating! Sinásabí-sabí ng tatay na
páparoón kamí sa Hapón, kung makapag-asawa ka na .
-Eh anó ? bábalík din kayó rito : kundî makasunod sa inyó
si Delfín, hamo at akó ang bahalàng magmalas-malas sa kanyá,
sa akin mo palálagpakín ang iyong mga sulat at akó ang sa kanya'y
magbibigay ... .
11-47064
162 LOPE K. SANTOS

Kai-kailan ma'y hindî náriringán ni Meni ang kanyáng


kapatid ng mga ganitong pangungusap at pangangakò . Natá
talós ni Talia na si Delfín ay nangingibig ng pangatawanan kay
Meni . Nakábabasa na siya ng ilang sulat ni Delfín , nguni't
iyón lamang mga hindî pa amóy-glorieta. Gayón man ay dî
lihim sa kanyá, ang pagkakaibigan ng dalawa. Ang galit ni
Don Ramón ay dî rin kailâ kay Talia ; at itó ang marahil una sa
mğa sanhi ng katamlayán ng ganáng kanyáng loób sa pag-ibig
ng kapatid niyá kay Delfín . Nguni't kapwà silá dalaga , mag
kapatid at magkasundo sa boóng pagsasama . Kayâ si Talia,
hindî man lubós na nakápupusò sa pagnanais ng mánunulat ni
Meni , ay nagbibigay sa kanyang kapatid , gaya ng pagkakapag
bigáy rin naman sa kanyá nitó. Nguni't noón , nang mga sanda
ling iyon nang kanyang pagmamalas at pagkayakap sa pagdada
lamhatì ni Meni, ang loób niya'y nakayag ng pagkukusà at pag
tatapát, nahulàan ang lalòng mabisàng lunas na maigágamót
sa samâ ng loob at kalungkutan ng kapatid na maíiwan na ngâ
namán sa pagkadalaga . Kaya't si Meni ay nag-agam-agam
nang una, nguni't sa wakas ay naniwalang siya'y pinangángakùan
ngâ ng tapát na pagtulong ng kanyang kapatid .
Pagdapò ng kaaliwan sa kanilang pusò, ay nápataón ang
pagdarátingan niná Yoyong, Turíng, Isiang at iba pa , na , nğ
makámalay sa mga nangyayari ay sumunód kay Talia sa
labás . Doo'y nagkáabot-abot silá, at si Mening pinamúmuk
tûán pa ng mga matá, ay siyá niláng pinagtulung-tulungang
inalíw at ipinasok sa loob nang halos pinápasán.

Ang pagkaka-tampuhan ó íyakan ng magkapatid ay parang


hanging lumaganap na mabilis sa boông bahay. At sa mğa
panauhing na sa malaking salón ay nagkaroon ng mga katugóng
bulúng-bulungan at pátilanduyan ng mga salitâng may mababaw
at malalim na kahulugán. Nguni't di nagluwát ay nakalipas
din. Si Meni , nang lumabás sa salón ay masayá na . Sa liwanag
ng ilaw ay kauntî na lamang ang mga bakás ng lungkót na naáani
naw sa kanyang mga matá. Isa't isa sa mga nároón , ay naka
pagbulong sa sarili ó sa mga kalapít na malaking di palák ang
gandá ni Meni kaysa kay Talia . At siyáng totoó namán. Aywán
kung ano't pawang suót-señora ang mga ipinagawa ni Taliang .
traje de boda. Hindi lamang ang ginamit sa pagkakasál, kundî
patí pa palá ng mga pangbahay. Diumanó, ang may panukalà
at mayturò ng ganito ay si ñora Loleng at si Don Ramón. Ang
nangyari, sa kanyang pagsusuót ay hindi nakaragdág kundî
nakabawas pa sa talaga niyáng kagandahan . Samantalang si
Meni ay nanatili sa damit-tagalog : makápupông kaaya-aya sa
BANAAG AT SIKAT 163

tingín at akmâ ó bagay sa tabas at kulay ng kanyang mukhâ


at mga kilos , na maging sa pagka -kastilà ó pagka-mestisa ay
álanganin na't náiibá. Sa kiyás at pananamít na yaón ng dala
wáng magkapatid , sukat nang may pinagkátutuhan ang mga
babaying tagalog na doo'y náhaharáp , anopá bagá't nápagmalas
nila't nahulò kun gaano ang pagkakatawa-tawa at kapangitan
ng gayong panghihirám ng damit at kun gaano naman ang
pagkakaigá-igaya at karíkitan ng damit na sarili. Napag-isip
na nilá roón marahil na hindî ngâ palá lahát ng mangaling sa
Europa ó sa Amérika ay maganda at dapat nang parisan ng
Kapilipinuhan . Na ang dapat lamang hiramín ó gayahan sa kanilá,
magíng sa pananamít at maging sa pag-uugalì, ay yaóng mğa
magaling na hindî mákakatiwali ng talagang magaling natin,
ng katutubong bagay sa ating lahì at lupà: sa malinaw na sabi,
yaóng dî makabábago , dî makasísirà ni makarúrunĝis sa kálulwá
ng Katagalugan ...
Kinamayán halos ng lahat ng mga lalaki at kinamayán 6
hinagkán ng mga kapwà babayi si Meni, na anaki'y siya ang
ikinasál sa pagkalugód ng madlang panauhin , na mulâng magsi
ratíng, ay noón lamang nakámalas sa kaalíw-alíw at kaibig-ibig
niyáng mukhâ .
Si Pepíng Serrallo ay nárorcón , at sa pakikiumpók sa kanyáng
mga kaibigang siná Morales , Bentus at ilán pa , ay parang náma
malikmatà sa pagkakamasid kay Meni , hangáng nápitík tuloy
ni Bentus sa taynga :
-Hoy?-anitó -bakâ mátamaan ng masamang hangin
ang iyong matá , ay magtuloy ang pagkaduling mo!
Ang iwà ng salitâ ay hindî náramdaman ni Pepíng . Hinipò
na lamang ang tayngang pinitík, at hindî rin humiglaw sa pagka
kátitig sa Mening iyón , na makáilán na niyáng sulatan, sumagót pa
ay isang patapós , at walâ na . Walâng anó-anó , nang si Meni ay
mápangitî sa isang pabulóng na salitâ ng bagong bayaw na
kapiling, siyá nama'y napapalaták at anyá kay Bentus :
-Chico, mira mi adorada tormenta: es una verdadera angel
caida del Edén. ( ! ) . . . ..
At pumalaták na namán, samantalang si Bentus at si Morales
na nakáriníg , ay kaunti nang mangápaihít ng tawa.
-Walâ ka nang magagawâ, bigan, at si Meni ay adorada
tormenta na ng isang periodista ang marahang birò ni Morales .
-Quién? Delfín?.
At tumawa ng isang tawang palibák , na waring ibig
sabihing siya'y nakalálamáng kay Delfín sa lagay kay
Meni.
164 LOPE K. SANTOS

Samantalang sa labás ay kumákalatóg ang mga pingán at


tumátagintíng ang mga kubyertos na inihahandâng panghapunan ,
sa loob ng salón ang serbesa at iba pang mga ínumin at pamatíd
uhaw ay lumilibot namán, alinsunod sa bagong ugaling pumá
palasak nang totoo ngayon sa mga pilipino, hindi lamang sa maya
yaman kundi sa mahihirap man, na ang serbesa, sorbetes at mga
pastas ay hindi nawawalâ sa mga pistaha't paghaharáp-hárapan .
Oh, serbesang tawid ng bagong panahón ! ....
Si Don Ramón, na pagdating sa bahay ay di na lumayô
muntî man sa siping ng kumpareng Comisionado, na ginígitnâ
nilá ni Don Filemón, kaharap ang kumareng Bao ni Lafuente,
patí si ñora Loleng na kapakíkiumpók pa lamang sa kanilá ,
ay siyáng una-unang nagyayâ sa madlâ, lalo na sa mga kakilalang
mámamahayag upang magsitungo sa poók ó kuwarto ng kan
yáng Aklatan na siyá rin namang kinátatanghalán ng mga
sari-saring handóg ng mga kaibigan sa bagong kasál. Ang ka
ramiha'y nangagsitinag sa upô upáng máhangaan ang mga kaya
manang ambag pa sa kayamanan na.
Malaki ang kuwartong iyón . Násususì at si Meni ang may
hawak at nagbukás . May tatlong estanteng maririkít ; kasing
tataás at mahigit pa ng isáng tao , at ga-isáng dipa't kalahati ang
hahabà ; punô ng mga sari-saring aklát na iba'y minana pa ni
Don Ramón sa kanyang amáng kastilà, na dito sa Maynilà nama
táy, iba'y siyá niyang pinag-aralan sa San Juan de Letrán at sa
isáng Universidad sa España , noong panahong nagnanais pa sanang
maging Doctor en Medicina, iba'y mğa nábili na lamang sa pag
gagalâ sa Europa at nang náritó na uli sa Maynilà , na karamiha'y
mğa novela verde, sapagka't dito , nang kabataan pa at nang
tumandâ man namán, totoó siyang nag-mawilihín , at ang iba'y
nápakyaw sa isang nalanság na Club , gawâ ng pagkakagá-kagalít
ng mga kaanib, na ang mga aklát tulóy ay naipagbilí. Sa gitnâ
ay may nahahanay na dalawang lamesang mahabà at sa dakong
bintana ng kuwarto ay may dalawá ring lamesang bilóg namán ,
para-parang nasásapnán sa ibabaw ng mga sadyâng panaping
sutla at kayong putî.
Kun si ñora Loleng ang ating paniniwalàan sa kurò niyáng
halaga ng lahat-lahát na mga handóg na yaón , ay magugulát
tayo. Isáng daang libong piso! ... Nguni't kung paghatiin
natin ang paniniwalà, ang limangpûng libo ay marahil namáng
hindî na salitâng Loleng lamang, kundi salitâ na ng humigít
kumulang na katotohanan.
Sino-sino ang nangag-alay niyón ? Hindi na kailangang
isá-isahín . Sukat ang máulit ditong si Don Ramón ay si Don
Ramón, at ang kayamana'y kayamanan : marami ang mga kaibi
BANAAG AT SIKAT 165

gan niya, at malakás kmayag ng salapî ang salapî, ng ambág


ang ambág. Si Don Ramón ay mapautang at mapagpasinayà rin
namán sa mga pagpipistá ng maraming kaibigan sa boôg May
nilà ; si Yoyong at si Talia ay gayón dín ; kayâ maykarapatán
ding magtamó silá ng gantí, kun dináratnán namán ng mga
gayong araw ng pagsasaya at pag-gugugol. At hirangin pa ba
kayang maging ináamá ang isáng Comisionado at iníiná ang
isáng Bao ni Lafuente, kun siláy magmáma -kunat din lamang sa
pagbibigay ng regalo sa mga áanakín ! ....
Nápanood ng madlâ sa boông ingat at paghangà, ang
lahát ng mga handóg na yaón . May nakapag-gunitâ kayâ
sa kanilá isá man lamang, na ang kuwartong pinasok, sa mga
sandaling yaón ay walang kahalá-halagá kundi isang lalagyan
lamang ng mga kayamanang natutulog at ipinag-áalo ng isang
mapalalong ugali ng mayayaman ?.
* * *
Sa palátuntunan ni Don Ramón , bago maghapunan ay gága
wín muna ang rigodón de honor. Sa isang hudyát niya, ang
orkesta ay tumugtóg namán ng pahiwatig. Hitsura ng sinigíd
ng surot sa likod at sa pigî ang mga lalaki , at hitsura ng mga uód
sa balaw-balaw, nang magkíyawan na sa kani-kanilang uupán
at magsilapit na sa mga babayi ! .... Yaóng mga maaagap
na kangina pa'y may kani-kanilá nang Dulcinea sa mga
dalagang nároroón , ay hindî na gaanong nagsitinag sa
pagkakáluklók. Sukat ang mga tingin nila at mga tingin
sa kanila ng mga hinirang na kákaakbayín , at sakâ sa
iláng kindatan, ay nagkáalám-alaman na sa: "Humandâ ka't
tayo'y mapapalaban na !" Nguni't yaóng mga tútulóg- tulóg
at wala pang handâ, pagkáriníg sa babalá ng orkesta , ay nangag
hagis na ng matá sa kabi-kabilâng panig, at sa karamihan ng ma
gagandá ay marami rin sa kanila ang nakapamihikan pa sa
pagpilì ; may nagsitayo sa gitna ng salón , at mulâ roo'y parang
mga punong-kawal ng isang lumúlusob na hukbó , na nagmá
malasmás ng mga daáng málulusután sa pagbaka ; at may sa
paglapit ay anaki'y mga bubuyog sa binulóng-bulóng nang
pakikiusap , hayin ng iba ang kanilang kanang bisig na kung
ayunan ng dalaga'y kinákapitan at kung hindi'y dináraán sa
kung ano-anóng mga dahilán . Gumaspáng ng gayón ang pag
kukúhanan ng mga káakbayin , kundanga'y nálimutan ni Don
Ramón ang pagpapagamit ng karnét sa kanyáng mga panauhin
gayón din lamang palá't magkákasayawan.
Malakíng totoo ang salón . Ang mga lamesang bilóg na nasa
gitnâ, kinápapatungan ng mga pumpón ng mababangóng bulak
lák, ng maninipís at makikinang na concha, kabibe at sari-saring
susóng-dagat at ng mga album , ay pawàng ipinagtatabí upang
166 LOPE K. SANTOS

lumuwág ang pag-rírigudunán. Sa luwáng ay naaring nakapag


dalawang pangkát ; nguni't ang isang kinabibilangan ng dala
wáng kinasal ay siyáng lalò nating sukat mákilala . Walóng
akbay ang bumubuo nitó. Sa pánğuluhán ay nanğúngurukutók
na dî birô-birô si Don Ramón kaakbáy niyá ang namúmuták
muták namang si Señora Lafuente ; katapát nilá si Meni na
siyáng nápili-piling kaakbayín ng magilas na Comisionado. Ang
dalawa pang akbay na kahanay sa pánğuluhán ay si Yoyong at
si Talia , katapát siná Turíng at Simeón (ang kakilala ni Turíng
na dî natin nakilala sa batis ng Antipulo) . Sa tagiliran , ay mag
kakaakbay namán siná Dr. Alejo Bravo at si Julita (ang dala
gang taga- San Miguel) , katapát ng mestisang si Generosa de
Vera at ng abogadong si Bárbaro San Benito (kasamahán ni
Yoyong sa bufete); at sakâ ang teacher na si Mr. Morgue at si
Miss Inés , katapát ng mag-asawa ni ñora Loleng.
Málagay sa tagiliran si ñora Loleng ... tumingín-tingín
kay ñora Delafuenteng iyón , na tawa ng tawa sa karwahe pa ,
pagkagaling sa Catedral ... mákitang nároroón din patí ng baba
ying taga-San Miguel na malaon nang pinaglúlungatîán niyáng
mápamukhâán at mákalaban nang totohanan .... mákatapát
pa naman ang isang mister na parang tikléng ang habà ng liíg, at
isáng miss filipina na ayaw nang magsalita ng tagalog, ni kastilà,
kundî inglés ... mákaakbáy niya ang asawa ring tumandâ ná sa
kahangalang mag-rigudón ... ¡ñgit-ñgit ng Diyos! ... at hindi itó
lamang marahil ang mga salitang sukat magpuyos sa dibdib at
lalamunan noón ni ñora Loleng, kundi ang kun siya ay naging isáng
reina sana ng moro-moro , ay kulang pa ring náwikà ang : "Abá, mga
lañgit! ¿bákit pa binuhay —sa sangmaliwanag ang abá kong lagáy?
gano't di minsaning ngayo'y mañgamatay- itong mga taksil, kuhila't
súkaban!" Pagkáramdám sa lahát na itó ni ñora Loleng, sa
pagsisimula pa lamang nang rigudón , ay nagpabaláng-baláng na
ng paglakad, at sa ikalawang bahagi, ay saglít na tinawag ang
kanyang anák, si Isiang, na dî nagsasayaw at siyáng pinaháhalili .
Si Isiang ay ayaw, dikonó'y masakit ang kanyang paá sa sikíp
ng bagong botitos. Napilitan din si ñora Loleng na magtapós
at hangang nakaguló nang nangángalahati na ang kadena. Na
tapos tuloy sa hindi pa oras at naging riguló ang rigudón.
Upang si ñora Loleng ay huwag na totoóng mábuyó sa mğa
ipinagsisikíp ng kanyáng loób, pagkahulaw ng nasiràng rigudón,
ay nasok sa kuwartong pinagbibihisan ng mga babayi : hinanap
uli ang kanyang anak. Dapwà't ito'y walâ roón . May nagsabing
lumabás daw at may gagawin lamang sandalî : doón naglagós
sa mga pintuan ng kuwartong dinaanán kangina ni Talia sa pag
hanap kay Meni . Ngunì, anó pa't dádayo sa labás , ay may
BANAAG A T SIKAT 167

roón naman sa loob ng kuwarto na mga handa sa dalawang


pangangailangan ng mga babayi ? ... Nagdaán si ñora Loleng sa
pinaglagusán. Kinúkutubán siyáng ang kanyang dalaga ay
may isáng ginagawâng dî mabuti sa labás. Naalaala si Morales .
Nagbalík muna sa isang pintô at sinilip sa salón kung itó ay
kasali ó hindi sa isang pangkát ng rigudón na hindi pa natátapos .
Walâ rin , ni sa alinmáng luklukan . Mğa lilo ! Saán sila náro
roón ? Kailan mang nangalisag ang mga balahibo at buhok
ni ñora Loleng, ay hindi paris ng mga sandaling iyón . May
nálalaman na siyáng mga dating mapanganib na kilusán at titigán
ng dalawa. Hindi na míminsan niyáng nákakagalitan ang anak
sa tuwî-tuwî nang makikitàan ng anyô at pagpapalagay na ma
sagwâ na sa mángingibig na parmaseútiko. Talós niyáng nag
kakaibigan , at sa bahay namán nilá ay tinátangáp na mabuti
si Morales . Dátapwâ't ang magkágayóng sa ibang bahay pa
magdala ng mga asal na kabastusán : iwan baga ang dami ng
tao sa loob at walâng sabí-sabíng magsilabás , itó'y gawâ nang dî
máitutulot ng gaano mang pagpalayaw sa isang anak na bugtong.
Ang mga kutób ng loob ng iná ay hindî nagkabulà sa anák .
Walâ sa páligùáng pinagtagùan ni Meni, na siyáng unang hininalà
niyá at una-unang tinungo . Sa suteá, papanaóg ng hagdanan sa
kusinà, ay doón náulinig ang isáng ánasang nakapagpasulák ng
kanyáng dugô . Doon ay madilim at bahagya nang mayliwanag.
Ang mga buntót-liwaywáy ng ilaw sa kakalanán at sa loob ng páli
gùán ay siyáng lumúlusót sa mga pintô at nakapúpusyaw sa dilím
ng nasabing suteá at hagdanang bató. Doo'y may iláng nátiráng
pasô pang may mga punò ng malbarosa at ibáng halamang hindi
nadalá ó nabuhat sa pag-gagayák sa hagdanang malaki at sa loob
ng bahay. Anopá't may sukat doóng mátahì na pinúpupól na
mga bulaklak ó mababangóng dahon ang sínománg sa mga lagáy
na yao'y máabutan ng isang naghihinalà.
-Isiang ? ... Isiang ? -ang pakatál na tawag ng inang naká
ramdám at sumísinág .
Walâng sumásagót . Nguni't ang matandâ'y nakáanag-ág
ng biglang pag-ibag ng isang tao.
-Dionisia ? ... Dionisia ?. . .
-Pô.
Sa pong ito ay sugod nang lumapit si ñora Loleng, at nápa
hiyáw halos sa galit at higpít ng loob.
-Anó kayó rito ? anó ang ginagawâ mo rito , babayi ka ?
Dinukot ng kurót sa singit ang kanyáng anák, na isá mang
humá ay di nakadaíng sa hiyâ at pagkagulat. Nagpapakáliít-lift
sa sulok at likód ng mga maseterang nakakúkutà sa kanyá ;
168 LOPE Ꮶ . SANTOS

dátapwâ't ang ginawa ng iná ay dinuhapang na siya ng totohanan .


Si Isiang ay sa buhók náhagilap , at sa pag-aalaalang masirà ang
sinadya niya at pinaghirapang halos kalahating araw na pusód,
ay dali-daling tumindig, at sa biglâng pagtayo'y nábungô tulóy
ang isang pasô ng malbarosa, na kalabóg nang lumagpák sa
kinatatapatang balón , na maytakíp na tablá at dî na giná
gamit, alinsunod sa isáng utos ng Sanidad, pagka't di umanó
yao'y matalik na pungalan ng mga microbio.
Si Morales , ay di mangyaring makapusót , at dî niyá namán
ibig ang iwan nang mag-isá si Isiang sa poót ng iná. Nag-akalàng
umawat at magpahayag sa matandâ. Dátapwâ, pagkaunat
ni ñora Loleng, at pagka -paklí ni Isiang na : "Akó pô lamang
namán ay napasama sa kanyang mamitás ng ilang malbarosa!,"
ay ang lalaki namán ang hinaráp :
-Lalaking walâng hiyâ ! -ang malakás nang náitungayaw.
—¡ . . . . . ..!
-Sayang ng mga pinag-aralan niyó !
-Huwag na pô kayóng maingay, nanay ! -ang pasamòng
saway ni Isiang.
-Há? ngayon ba niyó nákilala ang kahihiyán ?
-Ñora Loleng, ang marahang sabi ni Morales , —akó pô
ang tunay na maykasalanan , sapagka't sinundán ko siyá rito
nang di niyá nálalaman : huwág pô lamang dito , doón na sa
inyóng bahay akó parusahan at patayin man ... !
-Mayhiyâ ka pang magsabi niyán ? há? ...
Si ñora Loleng, sa pagsasalitâ, ay parang walâng inaalaalang
makakarinig na ibang tao .
-Ang nanay namán !-ang maamò pa rin at paiyák nang
sabi ni Isiang.
-Hé! walang hiyâ ka, babayi ka !-at biglâng inunatan ng
tampál, lagapák na sa punòng-taynga ng anák ; bago hinaráp
si Morales at siyá namáng pinalagapakán din ng walang pakun
dangang sampilóng na dî rin nailagan . Si Isiang ay halos nápa
sungabang sa baldosa.
Ang mga tungayaw at mga kalaswâáng lumabás noón sa
bibig ni ñora Loleng, ay sukat makáhirín kundi man makáduwál
sa panulat ng sínománg mánanalaysáy. Bagay ó di bagay sa
pagkadalaga ng kanyang anák , ay walang walâng patumangâng
nangároó't nabitiwan na . Sa ingay ng kanyang bibig at sa laga
pák ng mga sampál, ang mga taong yao't dito sa kusinà, sampû
ng dalawang makáw na naglulutò, ay nangagsígibík sa suteá,
at aywán kun sino ang nakatakbó agád sa loob at nakapagbulóng
kay Don Ramón at kay Talia ng mga gayóng bagabag sa labás.
SIKAT
"AT
B"
.-
Santos
K.ANAAG
Lope

12
-Isiang
?. Isiang
?. i
tao
isang
ng
]biglang
ábag
pag g
matanda'y
nakáanag
sumasagot
-ang
.N
[Wguni't
alang
10.a:
wb.1
BANAAG AT SIKAT 169

Inabot-abot pa ni Don Ramón ang mga salitâng itó ni ñora


Loleng :
-Iyán ba ang gantí mo sa aming pakitang-loób , walâng
hiyâ kang lalaki ? Parmase útiko ka pa namán !
-Anó iyán, anó iyán , Loleng ? —ang malayô-layô pa'y usisà
na ni Don Ramón.
-Huwag kang makialám dito ! -anyá. -Ang mga kapareha
mo roón ang iyong asikasuhin at bayàan kamí rito .
Salita ng isang panauhin lamang sa tunay na maybahay!
Nguni't anopá iyón : si ñora Loleng ay dating ipinalalagay ng mğa
alilàng nakakáriníg na taga-roón na rin ...
Gayón man ay napayapà ni Don Ramón . Si Isiang, pag
kahiwatig ng nangyaring mulâ ng kalingalán, ay pinapasok, at
si Martín Morales , ay pinagsalitán ng mabibigát , sinumbatán ng
pagka-walâng turing at walâng pítagan sa bahay ng isáng may
paanyaya pa namán sa kanyá, sakâ itinabóy na manaog nang
anaki'y isang totoo nang hamak na tao , sa hagdanan ding yaón
ng kusina.
Nanaog namán si Morales ; sambalilo ma'y dî naalaalang walâ
siyá; parang nakátukâng ahas ay tuloy-tuloy nang bumabâ sa
pinakaloók ng bahay, hangáng naglusót sa silong, at napatungo
sa pintông malakí sa daán .
Habang gayón, sa itaás namán , lalò na sa mga taong nagsí
sigawa sa labás, ay naging parang pulót na't gatâ sa kanilang bibig
ang pag-uusap tungkol sa nápanoód na pagkakádakipan ng mag
iná. Nang sina Meni , Don Filemón , Yoyong at ilán pa , ay
magsisunód kay Don Ramón at kay Talia , ay papasók na
siná Isiang , at si Morales nama'y ilang sandalî nang nakapanaog.
Nangyari kaya ang nálihim? Málihim sa gayóng dami ng taong
nakáriníg at nakakita ! Masásarhán ang ilog, nguni't hindi masú
sugpo ang balong . Malakás ang bulong sa hiyáw. At sa ganitó ,
ang mga bulúng-búlungan sa labás at ang mga kunót na noó
ng ilang nagsipasok, bagamán si Isiang ay kasama na ni Mening
sa kuwarto nagtulóy, ay nakapanuót din sa taynga at pag
kaalám ng maraming panauhin . Suteá rini, suteá roón , ang
halos tangi na lamang namitin sa dilà ng madlâng panauhin sa
kanilang mga bulúng-búlungan.
-Kay agang himagas sa hapunan ! -ang nasabi ng ilán .
-Después de todo, son jóvenes! -ang sábihan namán ng mga
kastilalóy.
Si Don Filemón, nang matalós ang gayón , ay parang sinak
yán ni Mandarañgan sa batok. Nanaog na gagahaman at hina
170 LOPE Ꮶ . SANTOS

bol sa lupà si Morales . Nguni't saán pa áabutan . Walâ't naka


labás na parang ibong tulíg ay walâng hantóng na nápatungo
sa isang sulok na sadsaran .
Alinmang saya't lungkót ay lumilipas, lalò na't sa gayóng
mga pagpipistahang ang lahát halos ay bago, isa't isá ay may
kaní-kanyáng hangád na mátangì at siyá bagáng maging abala
ng matá at kalooban ng ibá . Sakâ ang hapuna'y na sa oras na :
marami nang tiyán ang kumákalám at dilà ang tumátakám .
Ang tungkol kay Isiang at kay Morales , ay nalimutan din ngâ
ng marami, bagamán mayroón pang iláng, sa boông pagkain ,
ay wala nang ibang búlungan at ipinagtatawanan , kundi ang
bagay na iyon at iyón din.
Ni si ñora Loleng ni si Isiang ay di na nakakuhang kumain
pa . Dî anhín na lamang sila'y makauwi sa bahay na sarili .
Nang nagsisihapon na ngà sa komedor ang karamihan ng mga
panauhin, ang mag-ina'y nag-walâng bahalà na sa pagpigil ni
Meni at ni Turíng. Pagkakuwa'y nanaog ang dalawá at nuwing
wala nang paápaalam ni kay Don Filemóng kasalo na sa lamesa.

Nangyari at nangyayari ang lahát na itó, si Felipe natin


ay tila nawawalâ roón, gayóng kasangbahay pa namáng nátu
turan ....
Nguni't hindi nawawalâ. Inutusan ni Don Ramóng kunin
sa Concordia si Marcela , nang hapon ding iyón . Si Sela'y hindî
nakasama , may isang kasalukuyang damdám ; bukód sa rito'y
hindi marunong ng baile, bakâ kung na sa sayawan na'y may
yumayà, ¡ laking kahihiyán lamang kun tumangí ! ....
Niyaya ni Felipe ang kanyang kaibigang manunulat sa
pagsundo sa kapatid ; nguni't dî nayag si Delfín. Malakí na ang
takot nitóng mámalayan ang gayón ng mahigpit niyáng kabisa .....
Ang pagkakátangí ni Delfín , ay tanging pangatawanan . Hindî
na kaila kay Felipe na si Sela ay naging batis ng ilang mga
panibughô ni Meni. At si Felipe namán, sa ganáng kanyá, ay
nakapagsabi na rin ng tapát kay Delfín : "Kun sa akin , anyá,
ay di siyáng salamat na ikaw ang maging kapalaran at maging
palad mo naman ang aking kapatid ; dátapwâ't kahabag-habág
namán si Meni kun sa ngayón mo pa pabábayaan !" Si Felipe ,
sa pagyayà, ay nagbibigay-loób lamang sa kaibigan . Si Delfín,
sa di pagsama, hindi niyón lamang kundi kailan pa ma't siya'y
yayain, ay nangingilag namáng mápabuyó pa sa gayóng kabigha
bighaning dikit at waring pagkukusàng loob ng kabataan ni
Marcela .
BANA AGAT SIKAT 171

Pagkagaling sa Concordia ay nagdaán pang mulî at naki


pagkita kay Delfín . Napag-usapan nila ang dî pagsama ng
kinaón . Gayón din ang dî pagkaaring lumuwás sa mga araw na
iyón ng sínomán sa amá't iná niyá ; sukat ang nangagpadalá
na lamang ng sari-saring ambag at alay sa kinasál, tandâ ng
mahalagang pakikiramay mulâ man sa malayò. Hinimok
himok ni Felipe na makipagkásalan din ang kanyang kaibigan ,
at ang pangingilag kay Don Ramón ay huwag nang alalahanin ,
yamang ang dami ng tao ay di kawasà at ang ilang mga kasama
sa Pásulatán ay magsisiparoón din , anopa't malayò nang siya'y
mápagpapansín. Nguni't si Delfín ay talagang ayaw. Nang
una'y náisulat na rin sa kanyá ni Meni na makapáparoón ; dátap
wa't nang araw na sinundán ng pagkakasál, ay sumulat na
namán sa kanya at sinabing huwág na, huwag nang magtuloy,
sapagka't sa isang pag-uusap niná Don Ramón at Don Filemón ,
tungkol sa mga paanyayang ipinadalá sa mga pahayagán , ay
násambít nitong huli ng paupasalâng pagsambít, ang ngalan ni
Delfíng isá sa mga manunulat sa Bagong Araw. Si Delfín , sa ganitó ,
ay nagbatá na ngâ lamang. Natirá siyá sa mga ulayaw
ng guní-guní tungkol sa kasayahan ng kasál, tungkol sa mga
palad na sutlâ ni Meni na ikakapit sa bisig ó sa balikat ng ibang
binatang makakasayaw ... Kaunting ingít, kaunting panibughô !
At sasabihin ngâ namán niyang ang mga babayi ay siyá lamang
madaling pasupil sa mga damdaming itó ...!
Si Felipe ay nuwî ring nag-íisá sa bahay. Gabí na't ang
mğa kinasál ay nároroón na , nang siya'y dumating . Pagkapag
bigay-alám kay Don Ramón ng mga dahil na di ikinasama ng
sinundông "concordiana ," pagkápanoód na may kalahating oras
sa mga kakisigang nalilimpî sa boông salón , pagkákita sa mğa
buntón at hanay ng mga handóg , pagka -pakikamáy sa iláng
kakilalang nároroón, -ilán at kakilala lamang, sapagka't ang
gaya ni Felipeng isáng hamak na manlilimbag ay di sukat magka
roon ng maraming kakilala ó magka-kaibigan sa mga gayóng
urì ng tao, sa mga gayóng mahál na lipon , -pagkatapos ng ilang
labás-masok sa bahay at manhík-manaog sa silong, ay nanahimik
sa kanyang entre-suelo, nang kasalukuyang nagsisihapon na
sa itaas ang mga kinasál at panauhin. Doón ay wala kundî
siyá lamang. Ang dalawáng alilàng kasá-kasamang matulog, ay
kapwà naglilingkod sa itaás , na pag nagkátao'y hindi man lamang
makapagpikít ng matá sa boông magdamag na yaón. Iláng
araw na pagód at ilang gabing puyát, na di karaniwang pagod at
puyat, sa isang kasál lamang ng panginoón !
Nupô muna, nang una , sa isang silyang yantók na sadyâng
luklukan niyá sa táhanang iyón. Mápamayâ-mayâ'y naglatag sa
172 LOPE K. SANTOS

tablá ng hihigáng baníg at humilig. Sa pagkakahigâ, anaki siya'y


kinúkubabaw ng balisa . Nagbangong mulî at umupô sa baníg din.
Náisipang isará ang pintuan upang malubós ang pag-iisá at
katahimikan . Patayin pa kaya ang ilaw? Hindî na ; siya'y
walang kaantók-antók. At sa liwanag ng ilaw na yaón ng isáng
lumà nang kingkéng panglamesa , ay may nábabasa waring isáng
malaking aral ng buhay, isáng masayáng ngitî ng palad na kina
sásabikán, isáng anyaya sa kanya upang ibaling ang gunitâ sa
mataimtím na pagnunuynóy ng mga nangyayaring sayá sa itaás
at ng pagkakálagáy niyá roón sa silong, ng mga sanhî ng gayón
niyáng buhay, ng mga agwát ng kanyang ugali at paghahakà
sa mga kaugalian at pagsasayang walâng tuós at walang hina
yang sa gugol na ginagawâ sa itaás .
Hindî niyá maatím ang mga nangyayari. Hindi madalumat
kung ano at sa mga kasál ng mayayaman ay gayón na ang mga
libo-libong pisong natútunaw at lumilipád, at sa paghihingalô
ng mahihirap ay gayón na ang pananalát sa halagang piseta man
lamang .
Pumasok na sa kanyáng gunita ang mga kahambál-hambál
na anyo ng mag-anak ni Tentay, lubhâ pa noong mga oras na
naghihingalô si mang Andoy. Umukilkíl sa dili-dili yaóng ayos ,
yaóng hugis , yaóng gawa ng mga batang kapatid ni Tentay,
nang nag-aagawan sa dinulang ng kanin ; yaóng tinumpík-tumpík
sa pagsubò ni aling Teresa na hindi ang buhay na sarili ang iniá
agáw, kundî ang sa kanyang pásusuhín ; yaóng pagtagistís ng
luhà ni Tentay nang walang maipainóm na sabaw ng karné ni
am sa nauuhaw na amá ; ang lahat nang yaón ay parang tuhog
tuhog ng malulungkót na bulaklak na sa kanyang dili- dili'y
sumagì at nagpalangáp ng amóy-bangkáy ng isang tao , ng isang
bahay, ng isang palad na sawî at marálitâ ...
Samantala, sa itaas ng bahay na kinátitirhán nivá, nang
mga oras na yao'y walâng dinulang ng kaning pinag-aagawán,
walâng Teresang nags úsubò ng ikapag-aagaw-buhay ng isáng
sangól, walâng Tentay na naghihinagpis sa kakulangan ng
maipagpapaginhawa sa amáng naghihingalô, walâng lungkót ,
walang tiník ng buhay ... ¡ lahat ay pagpapasasà , lahát ay kali
gayahan, patí lungkót at kágalitán ay ligaya pa rin, lahát ng
pagkai'y masaráp, lahát ng palamuti'y magandá, anopa't pawàng
kasaganaan at sayá lamang ! .... Gawâng lahat ng Salapî !......
Nguni't , ¿bákit ? ¿ anó ang pinagbubuhatan ng gayong pagka
káibá ng pamumuhay ng isa't isa , ay para-parang mga tao rin
lamang namang maykarapatang mabuhay na maginhawa?
Lumulóng-lulong pa ang pagbubulay ni Felipe . Inakalàng
suysuyín ng kanyang isip ang mga mulâ at dahil ng pagkakáibá
BANAAG AT SIKAT 173

ibá ng kabuhayan ng mga tao : may mayaman at may mahirap,


may makapangyarihan at may hindî, may nag- úutos at inúutu
san, may panginoón at may alipin , mahadlikâ at timawà, ma
ginhawa at marálitâ ..... Nagbalík na namán sa kanyang
alaala ang mga katwiranáng ipinagkagalít niná Don Ramón
at ni Delfín sa Antipulo . Lalòng nagtibay at dumubdób sa
kalooban ang mga matwíd na náriníg sa kanyang kaibigan sa
pagtatalong yaón . Ang kalinawan ng mga sabi ni Delfín , ang
patibay ng mga nápagbabasá niyáng aklát tungkol sa buhay ng
mğa maralitâ at mayaman sa ibang bayan, at ang mga katoto
hanang napagkikitá sa mga nangyayari sa buhay na sarili at sa
buhay ng mga mangagawàng gaya ng mga anák ni mang Andoy
at sa buhay ng mga masalaping paris niná Don Ramón , Don
Filemón at kápitáng Loloy, na kanyang amá, ang mga bagay na
ito'y nagtulong-tulong sa kanyang budhi na lumaláng ng lalò
pang poót sa kasalukuyang lagáy ng Sangkatauhan, at sa mga
kasalukuyang palakad ng kapamayanan sa Pilipinas .
Si Felipe ay dî gaya ni Delfíng nakapagbábanay-banay pa
sa pagkukurò . Sa ganáng kanya'y hindi na kailangang paká
suriin ang káibú-ibuturang mulâ ng isang sakit ng bayan. Sa
ganang kanya'y hindi na kailangang lisâín pa ang káliít-liitang
sanhi ng mga sugat na tinítiís sa buhay ng mga marálitâ . Sukat
ang pagkakita saá't saán man , ang pagkádamá oras -oras , ang
pangyayaring hindi rito lamang sa Pilipinas idináraíng ang mga
ganyán ding sakít at sugat , kundî sa iba't ibá pa ó sa lahát na ng
ibáng lupàín, sukat ang pagkatalastás ng mga bagay na itó,
upang ipag-isip na ng isang nagdáramdám, ng isang nagtitiis
din, ng isang naháhabág, niyáng mga paraán ó lunas na makagá
gamót at makabábahaw sa lalong madaling panahón . At ang
mga paraan at lunas na itó , sa mapusók na pagkukurò ni Felipe,
ay dî dapat gamitin ng pasapyáw-sapyaw lamang at patumpík
tumpík, kundinglubusan at ágaran : putulin bagá sa punò ó sa ugát
ang lahat ng mga halamang masamâ ; inisín na't sugpûín ang
mga labóng ng kalupitán sa pagsupling at pagtubò ; itiwalág na
sa pagsasama ng mga tao iyáng mga liping mapalalò at mapang
lupig sa kapwà, upang hindî na makahawa at pagmana-manahan ;
igiba ang matataás , upang mawalâ na ang kataasan , at mátirá
na lamang ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa urì at
pagkakápatas-patas sa pamumuhay. Hindi namán bagá kung
ano ang isipan , kung ano ang damdamin , kung ano ang kalooban,
at kung ano ang gawa ng isá, ay siyá ring ibig niváng taglayín
ng ibá, ó ng lahat na. Hindi ang kahulugang nakikilala niyá
sa mga salitang pagkakapantay-pantay sa urì at pagkakápatas
patas sa pamumuhay, ay ganap nang pagkakáparis at pagkaka
174 LOPE Ꮶ . SANTOS

isá sa lahát ng bagay ; hindi . Naáabót ni Felipeng ang ganito'y


dî sukat mangyari, na ito'y tunay na balintunà sa katalagahán
ng tao at ng alinmang bagay sa ibabaw ng lupà. Alám niyáng
may mga taong iniáanák sa kabundukan , may sa kaparangan,
may sa kabayanan at may sa karagatan , at bawa't isa sa mga
ito'y may kani-kaniláng katangian ng kulay, lakí at anyô . Dá
tapwa't ang mga katangiang ito'y hindî nakababawas sa pagkatao
ng isa't isa. Ang maging maitím ó magíng maputî, ang maging
malakí ó maging maliít, ang maging magandá ó magíng pangit,
ay hindî mğa sanhîng nakapagpapakáibá-ibá sa pagkatao niláng
lahát , hindî nakapagbibigay kangínomán sa kanilá ng isang
tanging karapatán upang makapangyari at makapaglupit na sa
ibá, ng tanging kapangyarihan upang makinabang sa kalayaan
at pinagpagalán ng ibá, ng tanging urì upang maging mahál
kaysa ibá, ng tanging lagay upang makapagpasasà ng labis at
labis sa pinananalatán ng ibá at mabuhay ang kákaunti sa ka
matayan ng marami ... Nahúhulò na nivá , salamat sa masikap
na pag-aaral sa mga aklát at sa mga nakikita saán man ibaling
ang matá, na ang ganitong pagkakásalungat ng palad ng isa't
isá, ay hindî likás sa tao , hindî kakambál sa pagsilang sa mali
wanag nínomán ; kundî likhâ na lamang ng mga tao rin, bunga
na lamang ng mga palakad at utos ng mga pámunùán at kapa
mayanán. Síno ang inianák na hindi hubo't hubád? .. Síno
ang sumilang sa maliwanag na maysingsing nang kumíkináng
sa daliri? Síno ang maykasama nang salapi, kapangyarihan,
alipin, lupà, bahay, at iba pang pag-aarì? ... Walâ, isá ma'y
walâ ! Nagkakaroon na lamang ng mga bagay na itó ang ilang tao
kung nabubuhay na . Nguni't paápaano ang paraáng ipinagkaka
roón nilá? .. Náritó ang mga talingha gà at kabulukán ngSosyedad,
mga kabulukáng naglílikhâ ng mga lalòng kabulukán pa ring ná
bububô sa ulo ng mga marálitâ at mahihinà , at umaalingasaw
namán sa boô nang bahò ngayon at sa boông Sangsinukob ; kaya't
ang mga Sosyalista , at lalò na ang mga Anarkista , ay hindi namán
nangaglilikát na sa pag-isip at pagsisikháy ng isang pagsasama ng
mga taong lalong malinis , lalong maayos , lalong timbang at mata
tág, sa pamamagitan ng pag-gamót pa sa bulók, ayon sa mga Sos
yalista at sa pagtatapon na ng bulók, ayon sa mga Anarkista ....
Sa ganang kay Felipe, ay pagtatapon na ó pag-utás ang magaling,
at dî paggamot pa lamang, sapagka't anyá, ang kabulukán,
magamót man, ay bulók at masamâ na rin : balang araw ay maka
kahawa at magdáramay ng hinà at bahò sa mga di bulók
na iba pa.

Nápaliklik ng nápaliklik ang kanyang pagmumuni-munì . Isá


isáng humanay sa alaala ang matitigás na salaysay tungkol sa mğa
ganyang palaisipán ni Kropotkine sa mga aklat nitong kanyáng
BANAAG A T SIKAT 175

nápagbasa, lalòng-lalò na ang La Conquista del Pan; gayón din


ang kiná Juan Grave sa La Sociedad futura at La Sociedad mori
bunda, Sebastián Faure sa El Dolor Universal, J. Proudhon sa
La Propiedad es un robo, Carlos Marx sa El Capital, Eliseo Reclus sa
Evolución y Revolución, Bakounine sa Dios y el Estado, Tolstoy
sa Resurrección at mga iba pang anarkistang maysinulat na
mga aklát tungkol sa mga kabulukán ng Sosyedad ngayón , na
nákikita sa mga pámunùán, kautusán, puhunan, pag-gawâ,
pagmamana , pag-aarì, digmâ at sa lahát na ng mga bagay na
pinagtatamasahan ng filáng tao lamang sa karamihang tao
Sa mga oras na iyón, higít kailán man, ay napakinaba
ngan niya't naalaala ang napagbabasá sa mga tinurang aklát ,
na kahì't anóng hirap ay naiáagaw niyang pagbibilhín sa kaunting
nápaghahanapan .
Nárito ang kanyang alab sa pagkukurò . Lahat ng dakong
mainit lamang ang kanyáng nádadamá sa lagáy ng Katauhan .
Samantalang si Delfín , ay nakadádamá rin ng gayóng mğa
kabulukán at init sa isang dako, at sa isá pa'y hindi niya pinag
lilikatán ang pagdamá namán ng mga kabutihan at lamíg na dapat
iligtás, na anopa't sa pagkakátabayán ng magkábilâng dako , ay
mátamó ang pagbulas at pagbunga ng panukalà sa talagang
kapanahunan, at ayon sa lakad ng katalaga hán ng mga nangyayari.
Lunód na lunód si Felipe sa gayong mga paghahakà. Ano
máng mga nangyayari sa itaas ng bahay, ay unti-unti nang hindî
niyá nápansín. Parang nauwi sa panaginip ang kanyang mga
pagninilay. Natapos ang paghahapunan sa labás . Nagsipasok
na muli sa salón ang mga panauhin at sinagasà na ang pang- mag
damág na sayawan. Walâng patláng halos ang alingaw-nĝáw
ng orkesta at piyano at ang tinig ng ilang mga kantahan. May
nagsipanaog nang ilang panauhing marahil ay hindi makalaban
sa puyat.... Ang lahat na yao'y nangyari't nangyayari, na
di man nakagambalà sa agos ng kanyáng mga paggugunitâ,
hangáng, sa wakás , ay nakalimot .... nákatulog ... nápahim
bíng ... nápangarap ang kanyang buhay na dináranas , at nang
mágising, ay umaga na , angát na ang araw sa Silanganan .
Sa itaás nama'y tahimik na tahimik. Parang noón lamang
ang gabí. Alingaw-ngaw man ng mga tugtuga't pag-awit, at
kaluskós man ng mga paá at halakhák ng kasayahan , ay walâ
na. Tapós na ang pistá. Náhihimbing na nang himbing-pagkít
ang dalawang kinasál ..
XII

Poót ni kapitáng Loloy


ARAMAR

Tanghali ng miyérkoles , ikapitó ng Disyembre, sinúsundáng


araw ng "Kálinís -linisang Paglilihi" (La Purísima Concepción),
pintakasing dakilà taón-taón sa Concordia , nang si kápitáng
Loloy ay lumuwás at dumating sa Maynilà, sa dating tuluyáng
bahay ng kumparing Ramón . Walang kasama kundî dalawáng
bataan, isáng lalaki't isang babayi.
Paris din ng dati kun siya'y lumúluwás : hindî si Felipe
ang agád kinikita , kundî sukat na ang pakibalitàan lamang
sa kinátitirháng amáng-kumpíl, kung anó na ang ginagawâng
pamumuhay ng nasabing anak na matigas ang ulo, suwail at sa
pag-uugali ay nagíng pinaka-galó, kung bagá sa maputîng bigás ,
sa kanilang boông lipì. At sukat na rin ang siláng mag-amá,
kung nagkikita , ay magkásandalian ng usap, at salamat pa kun
ang napag-uusapa'y hindi pagmura rin at mga pagsisi, na pawàng
nilálakom ni Felipe sa loob ng boông kapáitan sa tuwî-tuwî na .
Hangá noón, talagang si kápitáng Loloy ay hindî pa nagmámaliw
sa pagkagalit at paghihinagpis kay Felipe. Isáng anák na
lalaking pinakaáasá-asahan pa namang magiging katulong niyá
at kahalili sa pamamahalà ng kanilang mga kayamanan, ay
náriritó sa Maynila't nagpapakakusà sa kapalungîán ! .... ¿ may
kahiyâ-hiyâ pang bagay na paris nitó, sa ganáng puri ng isáng
amáng gaya niya?
Si Don Ramón ay dî sukat datnán sa bahay sa mga oras na
gayón . Walâng tuós nang pinanananghalìan at tinútulugan ng
tanghali. Minsang sa págawâan ; madalás sa bahay ni Don File
món , lubhâ pa't ito'y hindi umúuwî at siyang naiiwan sa El
Progreso; minsa'y sa bahay ng dalagang taga-San Miguel, at
kung minsan ay sa mga Hotel, kapag may nákakayayàáng
kaibigan . Nang araw na iyon ay walâ ngâ, hindi pa
umúuwî sapúl sa umagang umalís . Máliban kay Meni at kay
Talia , na kapwà na nagpapahinga ng tanghali , si kápitáng Loloy
ay walang dinatnáng taong kápulungín sa bahay na yaón . Ang
BANAAG AT SIKAT 177

abogado Madlâng-layon , na kanyang kaibigan, sapagka't siyá


ring suking taga-tangól ng marami niyáng naging usapín, ay
wala rin noón , nagkátaóng nalís nang umaga at napa sa Kapam
pangan, doo'y may isáng dádaluhán namáng paglilitis at may
ipagtátangól sa húkumang-lalawigan, na usap ng isang mayaman
laban sa isang mayaman din.
Si Talia , na sa pagkakahiga ay pinasok ng isang batang
babaying alilà at binalitàang may panauhing taga- Silangan , ay
dali-daling nagsuot ng kimono (damít- hapón) , bago isinungaw
ang ulo sa muntîng puwáng ng pintô . Nákilala si kápitáng Loloy
na náuupô na sa salas , nagpápaypay sa dibdib ng isang pamaypay
hapón ding dinatnán sa ibabaw ng lamesang make.
-Kayó palá !—ang sa pagkakásungaw ay náibatì ni Talia .
-Abá, Talia ! -ang sa paglingón ni kápitáng Loloy ay
násabi namán-¿ ang tatay?
-Walâ pô, hindi rito nananghali.
—Aláh ! ...... at si Yoyong?
-Na sa Kapampangan pô namán.
-Kun gayo'y magpatuloy ka na sa pagpapahingá-anáng
kápitán .
-Kayó nama'y magpahingá na rin muna, at pagód na
pagód marahil ; ¿ nananghali na ba kayo?
-Oo, sa bapor.
Sumigaw si Talia, tumawag ng isang alilàng lalaki, at ipi
nagtagubiling ipaghandâ ng mapagpapahinga hán sa isang kuwarto
si kápitáng Loloy, at pagkatapos ng ilang mga magigiliw pang
pahayag ng isang maybahay sa isáng mánunuluyán , ay lumubog
at sukat sa likod ng pintô ang kaayaayang mukha ng bagong
kasál.
Samantala noón , si Meni ay natútulog sa isang kuwarto
pang karatig ng kay Talia.
Hindi na nágisnán nilá, nang hapon , si kápitáng Loloy.
Nag-iwang sabi na lamang sa isang alilà sa bahay na kung itáta
nóng siya, ay sabihing napa sa Concordia , at sa isá niyáng bataan,
na kung dáratíng si Felipe, siyá ay ipahintáy.

Si Felipe, ay madalás na , pangagaling sa Limbagan , dî muna


umúuwi sa bahay ; nagtútulóy na sa San Lázaro, sakali't walâng
pulong na dádaluhán silá ni Delfín. Nang hapong yaón siyá
ay nuwî, nguni't parang sumagid lamang sa tahanang entre
12-47064
178 LOPE K. SANTOS

suelo at may kinuha . Palibhasa'y walang nakápansín sa kanyang


pagpasok sa silong, ni tao sa itaas ni tao sa lupà, nang lumabás
ay wala ring nakapagsabing dumating ang kanyang amá.
Nagbalík sa lansangan , tinungo na namang walang kakutób
kutób sa loob ang bahay na kanyang alíw, langit at waksihan ng
dilang kapáitan ng palad.
Hapon nang bago pa lamang nagtátakíp-silim . Yaón ang
karaniwan niyang idatíng sa San Lázaro. Aywán kun sa anóng
mga pagkakataón , nálalapít siyá sa bahay, ay may náuulinig na
sálitaan ng mag-iná, sálitâang nakikialingaw-ngaw sa piping
kalugkóg ng mákináng panahî ni Tentay, mákináng sarili na nilá
at bili ni Felipe, salamat namán sa kaunting kuwartang, nang
nagdaan buwán, ay padaláng lihim ng kanyáng iná. Ang ngalan
niyáng Felipe ay siyáng náriníg-diníg, nang natatapát na sa may
bintanà. Hindi sásalang siya ang pinag- uusapan ... Anó
kayâ ? .....
Ang kalugkóg ng mákiná ay nápatigil, at isang pangungusap
ni Tentay ang humalili.
-Kun sa pakitang-loób ngâ pô ay tila wala na tayong
mahahanap pa sa kanya. Ináakalà kong tunay ngâng hindî
sapagka't siya'y anák-mayaman , kayâ lamang náibig ng tatay.
-At kasundông-kasundô namán ng mga kapatid mo , sa
pagkásubok ko -ang payo ni aling Terê. -Ang masasabi ko
lamang sa iyó , anák ko , ay ang huwag kang magkúkulang sa
pag-iingat sa katawan mo . Anó mang gawin kong pag-iingat sa
iyó, at ikaw sa sarili ang magkukulang, walâ ring mangyayari
sa akin . Walâ tayong kayamanang maisásalubong sa kanya,
kundi ang ating puri. Pag "náuna na ang damó sa palay," ang
ugali ng lalaki , magpakábaít-baít, ay karaniwang nagbabago na.
At kung mabago'y wala na tayong magawâ : hindi na tayo ang
kanilang pinópoón, kundî silá namán.
-Sa bagay pông iyán, si Felipe'y hindi ko namán náriringán
pang magsalitâ kahi't minsán .
-Huwag kang pátiwalà : ang lalaki'y lalaki , at tayong babayi
ay babayi kailán man ; may mga oras na ang lalòng tigás ng loob
natin ay nagiging singlambót lamang ng basahan sa bisà ng
pag-ibig, at anománg pag-ayáw ay nalálamuyot ng pangakò .
Umulit ang kalugkóg ng mákiná.
Ang nakikinig sa lupà, ay nag-alaalang bakâ siya'y máram
damán sa bahay. Nguni may kumutób sa kanyáng loób na isáng
agam-agam , isang hinalà. Diyatà at siyá pa ang pag-uusapan
sa mga oras na iyong kadalasang idating niyá, pag-uusap na sa
pagkahiwatig ay parang hindi ipinag-iingat marinig nínomán ,
BANAAG A T SIKAT 179

at diwà pa'y talagang sa kanyá ipinaríriníg pagkátanáw na siya'y


dumáratíng? .... Nagpalingón-lingón at tumingalâ sa may pan
táy sang-umunat na bintanà. Wala namán kahi't isang taong
bahay na sa kanya'y sukat makámalas . Sa malayò pa kayâ
nátanáw? Tila hindî rin . Sa pagkahiwatig sa sálitâan , si Tentay
ay nakalupagì sa sahig at siyang pumípihít sa mákináng naka
patong sa isang kahón ng gas na walang lamán , at si aling Terê
ay nakaupô namang pasandál sa palárindingang sawalì, tabing
pintuan , at sa gayo'y may isáng tahîng ináalisán marahil ng
hilbana, ayon sa ilang saglít na salitang kanyang narinig. Nag
alangan siyáng tumulóy ó mamalagì sa anyông panunubok .
Nguni't hinayang namang lisanin ang gayóng sálitaang sukat
kabatayan ng kanyang dapat gawing pakikisama sa mag- iiná .
Tumigil na muli ang mákiná. Ang pagsasalitâ ng ina'y
umulit.
-Ang mga lalaki , pag nakuha sa babayi ang ganang kanilá,
ay madali nang humanap ng mga dahiláng maikabíbitíw sa atin.
Makátingín ka nang masama-samâng tingin sa ibang lalaki , máki
taan ka ng masama-samâng kilos , máhulihan ka ng isang sulat
ng ibá, kahì't walâ namáng lamáng masamâ , ng isang panyông
munting náiibá -ibá ó anopamáng bagay at kasangkapan, na kung
minsa'y wala namang kahalá-halagá , siyá , may sásabihin na ,
at mayâ't-maya'y siyá nang ibábangay sa iyó , hangáng kayo'y
magkagalít at ang ganito'y maging tahì na ó dahilan ng pag
papabayà sa babayi . Karamiha'y binabaligtad lamang tayo,
kapag sila'y may ibá nang kináhihimalingan . Dito sa lagáy
na itó, anák ko , at hindi mo áalalahanin ang lahát ng panganib
na iyán , sa pakikisama sa atin ni Felipe, ay wala nang kaabâ
abang mag-anak na paris natin. Pag ganyan ang nangyari
sa inyong dalawá , hindi pa man , ay masasabi kong mabuti pa nga'y
tikís nang pinagmatigasán mo ang bilin ng iyong amá tungkol
sa kanya, sapagka't kung makikita ni Andoy mula sa kabilang
buhay ang lagay nating kahabág-habág at puring dungís-dungi
sán , ay marahil maging sanhi pa tayo ng matagal niyang pag
hihirap doón . .. .
Huminto na ang pangungusap : sandaling walâng ímikan :
ni si Tentay ni si aling Terê ay dî kináringán ng isá mang salitâ :
anaki'y mga mandarasal na pagkatapos ng isang nasasaulo at
malakás na panalangin , ay sakâ sinundán ng isang mataimtím na
pagninilay.
Makasandali'y nagsalitâ si Tentay :
-Kun sa mga bagay pông iyán , nanay, ay talagang walang
wala akong masasabing gawâ , ni mungkahì sa akin si Felipe.
Kundangan ngâ lamang at buhay pa ang kanyang mga magulang
180 LOPE K. SANTOS

sa pagkakita ko sa kanyang mga ugali, tayong lahát na mag


iiná ay mahinusay niyang pakikisamahan hangáng mamatay.
Ang balità ko pô'y talagang harì ng tatarík ang kanyang ama't
iná, at ang kapatid na dalagang na sa Colegio, ay labis din daw ng
pagka laki sa layaw ; itó pô , nanay , ang di ko maubos-ubos lunukín
sa tuwing maiisip ang pagsunod sa bilin ng tatay. Pag si Felipe'y
náriritó at napag-uusapan namin ang sálitâan nating pagdaraos
maka-anim na buwan man lamang ang ating pagluluksâ, sa maka
twíd, ay bago mag-kurismá, ó makamahál na araw na , ay hindi ko
málaman kung bakit siyá nang siyáng gumígiít sa aking dili-dili ang
bagay sa mga magulang nivá. Kung minsán , akó tulóy ay
natitigilan ; nágugunitâ ko kayó at ang aking mga kapatid, at
matay ko mang papaniwalàin ang loob ko sa mga pangakò
tuwî-tuwî na ni Felipe , ay tila hindî rin akó mápanibulos : náka
kawikaan kong ang santól ay hindi mamúmunga ng mabulo,
at ang gising sa yaman ay sa yaman din makíkiasal .
-Hú! anó't masásabi mo na iya'y hindi pa naman natin
nákikilala ang sínomán sa kanilá !
-May nakapaghiwatig pô sa akin : isáng napagsabihan ng
isáng kasamahán din ni Felipe sa pinápasukan .
-Na anó?
-Na iyán ngâ pô : mga taong palibhasa'y ulo ng yaman
sa bayan nila, ay walâng tinátao kundî tanging ang kanilang mga
kaurì ... Oh !, kung malaman kayâ nilang isáng gaya ko lamang
ang magiging kapalaran ni Felipe !. . . . . .
Nangapiping muli . Nilay-nilay na namán .
Habang gayón , si Felipe sa lupà ay nag-isang akalà na
lamang na siya'y bumalik uli sa daan, tumikím ó umubó mulâ
pa roón, at magparamdám ó magkunwâng noón lamang sivá
dumáratíng. Siyá na ngâng ginawâ, at náramdamán namán
kaagad sa bahay.
Pagkapagbigay-galang kay aling Terê, ay nagsalita ng ganitó
ang bagong panhík :
-Dinídilím namán kayó ngayón ng pananahî.
Mangyari'y ipinadádalî ng may-arì, ang barò't panyông
itó-ani aling Teresa .
-Luciooo ! ...... ang pagkuwa'y tinawag. -Walâ ba siná
Lucio sa lupà? -idinugtong pang tanong sa mámanugangin .
-Walâ pô.
Nagkátinginan ang mag-iná ; waring ang ibig sabihin ng
isá sa isá ay : "Kay bubuting gawingbantay ang mga batangiyán !"
sapagka't si Lucio at si Victor ay talagang pinapaglalaro nilá
sa harapán, upang masabi ngâ kun sakali't si Felipe'y dumáratíng.
BANAA G A T SIKAT 181

-Marahil-ani Tentay -ay na sa ple-bol na namán ang mğa


batang iyán .
Tinútukoy niyá ang bagong kilalang larô na tawíd dito ng
mğa amerikano at kun tawagi'y play-ball.
-Walang kasawà-sawà sa larô ! -ang pabuntóng hiningáng
násabi ng iná .
Si Felipe ay ga-úuntól-untól na sa pagtutuloy sa loob ng
bahay.
-Abá , mupô ka , Felipe ! -ang wikà ng iná .
-Gabí na ngâ namán ! —ani Tentay.
At sa gayon ay nagtulong-tulong na silá sa pagliligpít , ha
bang nilalaro namán sa isáng dako ni Amando ang kapatid
na muntî, si Hulêng.
Ang araw nama'y lubóg nang talagá, at halos patí buntót
ng kanyang mga liwayway ay nalulón na ng dagat sa likod ng
mga bundók-kanluran .

Sa mga pag-uusap , si Tentay at si Felipe ay walâ na ngayong


mga pánğimìan ó álang-alanganáng gaano , paris ng bago pang
nagliligawán . Sa bangkô sa loob, sa paglulutò sa labás, sa
hagdanan ó sa iba pa mang lugál na hayág, silá kung magpála
gayan ay parang fisáng katawán na lamang. Kayâ di nagkulang
sa mga taong nakakapagmalas ng ilang naghihinagap na siláng
dalawa'y talagang íisá na at kulang na lamang, anilá , ang masu
kuban ng belo sa simbahan. Wala nang mahigpít humukóm
na paris ng mga matá ng tao ....
Nang gabing iyón , siláng dalawa'y nakapagpulong din ng
niíg sa loob ng bahay, hangáng inabot pa ng paghahapunan
ng mag-iiná, na si Tentay at si Felipe ay nagpáhulí.
-Anó't tila ka nalulungkót ?-ang patalimwáng na tanóng
ni Felipe.
-Nalulungkót akó ? ¡ ikáw nga ang aking napapansín .... !
Sinalitâ itó ni Tentay na maykasabay na ngiting magiliw:
ibig niyang matakpán ng gayón sa kanyang mukha ang anománg
tandâ ng kapanglawang sukat mahalatâ ng sing-irog.
-Naáalaala mo na namán ba ang pilít na pagsunod sa bilin
ng iyong tatay ? —ang patuloy na usisà ng binatà, na parang hindî
man pinuná ang kasasabi ng kausap.
Daíg pa ni Tentay ang inulós ng sundáng sa pusò . Bákit
nagsalita ng gayón si Felipe ? Ano't siyáng nagkusà at tikís
nagpaalaala ng pinakamasaklap at mahapdî pa namáng damda
182 LOPE Ꮶ . SANTOS

min? Matagal nang ang bagay na yao'y hindi nilá náuungkát .


Masasabing isinama na niláng patabunan sa hukay ng nasiràng
amá .. Gumagawa na ba kayâ ng daán si Felipe upang mag
mulâ ang pagkakamápaitan nilá? Natútupád na kaya ang
kasásabi pa lamang ng kanyáng iná, na ang mga lalaki , pag ibig
nang tumangál, ay madaling humanap ng daán , at kahì't munting
bagay ay tináta hì ? ... Sa sarili'y náisip , na walâ pa nama't
hindî nangyayari sa kanila ang " pagkáuna ng damó sa palay,"
na sinasabi ng iná...
-Bakit ganyan ang tanong mo , Ipéng? -ang pamanghâng
násalitâ, nang di na makatiís -Hindi mo ba nálalama't mapaít
na totoo sa akin ang pag-alaala ng bagay na iyán ?
Nang maramdaman ni Felipeng mabigát ngâ ang kanyang
usisà, at nang maakalang ang lalòng magaling ay huwág mag
pahalata ng kanyáng nálalaman , bagkús na lamang ang maki
ramdám na parati, ay pinatay sa ngiti rin at kathâ-kathâng
paliwanag ang nápabigla at paulós niyáng tanong.
--Biníbirò lamang kitá, Entang ! Patawarin mo akó kun
ang sugat na iyán ang násaláng ko ! Hindi ko ngâ lamang mata
rók kung bakit di pa lubós málimút-limutan iyán : maminsan
minsáng sumásagì rin sa aking gunitâ ..
-Sa akin man ba'y hindî? ...... Nguni't kailán pa ma'y
hindi ko mauungkát sa iyóng harapán, gaya ng pag-ungkát mo,
alang-alang sa isinumpâ ko na sa aking amá at sa iyó ! ...
Humintô ng pagsasalitâ. At sa kaayawang pumaít ang
kaniláng sálitâan, at sa hangád máipalasáp kay Felipe ang lalòng
katámisan ng kanyáng loob at pag-giliw, makasandalî'y ganirí
ang winikà:
-Uulitin mo pa bang ungkatín iyán?
-Hindi na ! -ang pangako ng binatà.
-Totoong hindi na?
-Totoóng totoo !
Dinaíg pa ng kanilang lugód ang ligaya ng mga iniáakyát
sa langit ...
-Anóng oras nang ikaw ay lumabas sa Limbagan ? -ang
makasandalî'y itinanóng ng binibini .
-Maka-alás-cinco .
-Bakit ka gabí na nang dumating dito?
-Mangyari'y nagdaán pa ako sa bahay .
-Sa bahay!..
—Abá ! …… . at saán pa ?
BANAAG AT SIKAT 183

Isáng titig na makahulugan ang kay Tentay, at isang ngiting


pamanga ang kay Felipe
-Totoo nga bang hindî mo nákita siná Lucio, nang ikaw
ay pumasok sa tárangkahan?
-Hindî ngâ . Bákit, pinaáabangán mo ba ako?
-Oo , bakâ nagdáraán ka pa riyán sa aming kapit-bahay na
magandáng dalaga ......
Ang malalambót nguni't matutulis na pásaringang ito ng
dalawá, ay tumagál hangáng magpasukan na si aling Terê at ang
mğa anák, pagkatapos ng káinan .
Ugali nilá gabi-gabíng nápaparoón si Felipe ang maglarô
ng trisiete ó rebisino. Nang gabing yaón ay naglarô rin sila . Si
Lucio ay marunong na at mapagdayâ pa . Siyá ang kasangá-sangá
ng iná, at si Tentay ang kay Felipe namán .
Ang gutom sa dalawáng dî pa humáhapon ay parang walâng
anomán. Gayón na lamang ang libangan nilang nakakaya sa
bahay, hangáng sa kung minsa'y hinahating gabí pa sa pagkakáwili.
Noón ay talagang hinatìng-gabí silá , palibhasa'y hindî iná
alaala ang bukas na pistá't walâng pasok.
Nang umuwi si Felipe sa kanyáng tahanan , ang pintông
malaki'y nakasará na . Tulóg na tulóg na sa bahay. Gaya ng
dating gawâ, ay sa mga rehas na lamang siyá umakyát at pu
masok.
Ang buhay ng bagong-tao ! ... .

Pagkakiskís ng ápuyan sa pagpasok sa entre-suelo , ay náki


tang tatló katao ang doo'y naghihílikan . Ang isáng tihayâng
tihayâ pa namán , na siyáng lalòng malakás maghilík, hindi sa
baníg náhihigâ kundî sa tablá lamang, ay námukhâán niyá kaagád :
si Gudyô, isáng alilà nilá sa lalawigan.
-At anó? náriritó ba silá? síno ang kasama ni Gudyô ?-ang
sunod-sunod na nasabi sa sarili ng boông pagkagulumihanan.
Natupok na ang unang palito, nagkiskís pa ulf at sinin
dihán na ng túluyan ang kingke.
Ang dalawa pang natutulog ay nakilala niyáng iyón ding
dating mga alilàng kasama roón gabi-gabí. Isá lamang ang
nábabago. Matagál siyáng natigilan sa gayón di inaasahang
pangyayari . Ibig gisingin si Gudyô ; nguni't nagunitâng di
sásalang pagód na pagód, kaya gayón na ang pagkágulapay
at hilík. Gayón man ay hindi rin nabatá ; pinukaw ng marahang
tawag at ugâ sa balikat. Nang mámulat si Gudyô ay hindi siyá
agád nákilala .

13
184 LOPE K. SANTOS

-Náritó ka palá ! -ang agád ay nasabi ni Felipe -¿ síno ang


kasama mo , Gudyô?
-Felipe !-ang papungas-punĝas na wikà ng bagong
gising, sabay tindíg na tila naáalimpungatan.
-Síno ang kasama mo ? -ang ulit ng gumising.
-Si kápitán .
-Ang tatay?
-Oo , at sakâ si Andáng .
-Dalawa ba kayóng batàang kasama ?
-Oo , paano ba'y kákaunín na raw ngayón si Sela, at
hindi na sa Paskó.
--At si nanay?
Siyáng naiwan namán doón.
-Kailan pa kayó dumating?
...Sa bapor kanginang tanghali.
-Kangina pang tanghali ! ? .... Hindi ko na kayó nákita
kanginang hapon dito.
-Marahil kami'y na sa itaás Tumungo sa Colegio si kápitán ,
at ipinagbilin ka ngâ sa aking abangán, sa iyong pagdating,
upáng silá raw ay antayin mo . Dito na akó tulóy nápahimbing.
-Kasama na ba rito si Sela ?
-Eh , hindi pa ! Bukas ay La Purísima sa Colegio . Bantâ
ko'y sa sábado na ang aming subà.
-Eh anó ang sabi-sabi ng tatay nang walâ akó?
---Ináh ! ...... ay tanong ng tanong kung dumating ka na .
Nagagalit . Nákatulugan ko na ang malakás niláng sálitâan
ni Don Ramón sa itaas. Bantâ ko'y sinabi sa kápitán na ikaw,
kayâ dî dumáratíng, ay may pinangliligaw sa Dulumbayan .
-Náriníg mo ?
-Oo , sa paghahapunan . Wikà ni Don Ramón ay pulube
pa naman daw ang pinangíngibig mo ; kayâ galít ang iyong itáng .
Tila kung ano-anó pa ang ipinagsusumbóng bagay sa iyó.
-Pulube!-ang sa sariling loob ni Felipe ay náwikà, at
sandaling di muna nakaimík.
Sa sandaling ito'y parang nánuynóy niyá ang kahulugáng
masakit ng gayóng salitâ kapag sa bibig ng isang mayaman
lumálabás at sa taynga ng isang mayaman din pumapasok.
Ang salitang itong hango sa kastilàng pobre, ay nagtataglay ng
isáng katuturang ibá na sa pinaghangùan . Malubhâ na sa
hangál, higit na sa dukha, labis na sa kaawa-awa, at ang lubhâ,
BANAAG AT SIKAT 185

higít at kalabisáng itó, ay hindî bagá nagiging pandagdag pa sa


mga karapatang sana'y sukat ikahabág, ilingap at ipagpakun
dangan sa kanya ng mga nanánaganà at ng mga nimíminunò sa
bayan, kundî bagkús pang nakapagpapapangit na lalò sa kanyang
gulá-gulanít nang bihis, nakapagpapabahò sa talaga na niyáng
karumihán at nakapagpapababà pa sa kagyát nang kaabâán ;
anopa't sa tawag na pulube, ang salitâng limós lamang ang
nábabagay, kun saká-sakaling mayamang mayloób ang makakita ,
at salitang tamádó nakasúsuklám , kun sakali't mayamang
masipag at madidirihín ang malapitan ,
-Diyatà't pulube ang sinabi ni Don Ramón ? —ang dî natiís
na usisàin sa alilà. -Diyatà !
-Oo , patawa-tawá pa si Don Ramón, at si kápitán nama'y
nápapagitil halos sa galit .
-Ah ! -ang pahikahós na násabi ni Felipe -kinúkutyâ ang
mga pulube, hindî nilá náiisip na ang kahulugan ng salitâng
pulube ay pinagnakawan, inagawan, at ang salitang nagpapalimós
ay hubád at wagás na karangalan . . . . . . !
Si Gudyô ay napapamangha sa mga náririnig na itó . Kaham
hambál-hambál na pag-iisip-alipin ! Anó ang muwáng niya sa
katuturan ng mga salitang iyón? Sukat ang kanyang natátantô
na siya'y muntî pa nang mápatirá kay kápitáng Loloy, kahalili
ng isáng kapatid na namatay, may-utang na dalawáng-daáng
piso ; sukat ang pagka-alaalang ang kanyáng amá't iná'y nabú
buhay pa , nguni't matatandâ na at siyang nagkautang ng gayón
dahil sa pakikisamá sa iláng kabáng palay, na makálawáng
nawalan ng kalabaw at ang halagá ng dalawang ito ay nakaragdag
pa sa utang nilá ; sukat ang siya'y umaasa na sa utang
at paglilingkód na yao'y kamatayan lamang niláng mag-anak
ang makatútubós .. at walâ na , walâ na siyang nakikilalang
ibá
pang kulay ng palad at anó pa mang ibang katuturan ng
salitang dukhâ, alipin at pulube. Akalà ni Gudyo siya'y inianák
ng kanyang mga magulang, na taán nang talaga kay kápitáng
Loloy, at kun siya'y mamámatáy, kahì't matandâ na'y mag-áanák
pa uli ang iná niyá ng maiháhalili ......
Dili ang hindi sumásaisip din ni Felipe ang mga kalagayang
yaón ni Gudyô sa kanyang amá, at sa sarili'y náwikà :
—Oh, anák ng alipin sa pagkaalipin ! Kailán ko kayâ maisá
sauli sa iyo ang mga kapalaran mong ináangkín at pinagpapa
sasaan ng aking amá ! ....
Patuloy ang di pag-imík ni Gudyô.
-Anó raw ang ibig ni tatay at ako'y pinababantayan sa iyó
kangina?
186 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Aywán ko .
Iláng mga sálitâan pa , at ang dalawa'y nagkayayàán
na sa pagtulog. Si Gudyô ay nábalík na madalî sa dating him
bíng, at si Felipe ay ipinaghele pa muna ng ilang mapapangláw
na bulong ng gunam-gunam at sikdó ng pusò tungkol sa pag
dating ng kanyang amá, bago nakalimot na ng túluyan hangáng
umaga .

Si kápitáng Loloy ay maagang mágising, sa sarili at sa ibá


pa mang bahay. Di paris ng mag-anak niná Don Ramón na dî
mo mangátanóng ng kung ano ang mukhâ at kulay ng araw,
kapag namímiták. Kapag nangágising nang maaga, ay mabibigát
ang katawán.
Pagkagising ni kápitáng Loloy, ay lumabás sa salas at doo'y
nag-upû-upûan , samantalang may inúubos na isang sigarilyo
sa bibig. Pagkatapos ay nanaog na sa silong, tangkâng málaman
kung nároón na ang suwaíl na anák . Ang pagkakápinid pa ng
pinto ng entre-suelo, ay itinulak. Si Felipe'y nároón, gising na,
nakaupo at sumúsulat sa kanyáng lamesa . Ang nagtulak ng
pinto ay hindî nákikita ng sumúsulat, pagka't siya'y nakatalikod .
Si Gudyo lamang ang nároroón, nag-finín pa sa higâ. Marahil
nagsásamantalá, at anyá'y yayamang na sa ibang bahay na
maraming alilà rin , ay minsan namáng makátikím siyá ng baníg
ó tablá hangáng mataas-taás na ang araw. Ang dalawang alilà
sa bahay ay kapwà nangasa itaás na , nagpúpunas ang isá sa
tablá at naghahandâ ang isá ng panghilamos at kasúutan ni Don
Ramón.
-Felipe ! .... halika ! ....
Ang tinawag ay pagitláng nápalingón . Amá na niyá !.
Lumapit nang gaya nang pagdulóg sa harap ng hukóm ng isang
násasakdál .
-Anóng oras nang dumating ka rito kagabí ? —ang tanong
ng amá, na alangáng pagalít at alangáng malubáy .
-Marahil pô ay mga alas once na .
-At saán ka nagpúpuyát ?
Namili muna sa budhi ng isásagót. Hindi niyá ibig ang
magsinungaling. Nguni't kanyá namáng náramdamán na,
hindî pa man , ang magiging hapdî sa pusò niyá , kun sabihing
siya'y sa pagliligaw galing , pagka't di sasalang pípistâán at pá
palibhasain ang kanyang sintáng marálitâ. Sa pag-ilag sa bagay
na ito, na lalòng mabigát sa kanyang damdamin , nápilì na ang
magkailâ.
BANAAG AT SIKAT 187

-Akó pô'y nawili -anyá -sa pakikipag-trisiete sa bahay ng


isáng kaibigan.
-Isáng kaibigan ! ...
Sinabi itó ni kápitáng Loloy nang hawíg hindî maniwalà, at
sa sarili'y waring may sinasabing : "Ikaw ang bahalà ! Nála
laman ko na ang ginagawa mo at nálalaman ko na rin ang gaga
wín ko sa iyó ."
-At bakit ?-ipinagpatuloy na usisà ng amá -hindî ka na
ba nánasok sa inglés ? hindi ba ang sabi mo sa iyong iná, ikaw ay
.....
mag-aaral sa gabi-gabí ? ...
Anó ang isásagót ni Felipe sa mga gayóng katanungan ?
Kailan siya nagka-ibig mag-aral ng inglés ? Sabihin na kayâng
nag-aaral ngâ? sabihin na kayâng hindi nátuloy ang kanyang
ipinangako sa iná? Ipahayag na kayâng ibáng karunungan ang
kinahihiligan niya, hindî ang makapagpalusóg sa mga kayamanan
at kapangyarihan ng amáng masugíd sa lahát ng ikátatanghal ng
sarili , kundi bagk ús ng makapagpapaaninawsa tinurang amá,
na ang pinagtátamasahang mga lupàín, halaman, hayupan ,
págawaan at ibá pa , ay nararapat litising magaling at ipagsa
sauli sa mga tunay na may-arì, na nangamatay na ó kasalukuyang
nangagdarálitâ sa pagka-alilà , pagka-kasamá at pagka-may
utang?.... Anóng bigát na mga sandali iyón!
Nahalatâ ng amá ang pag-uulik-ulik sa isásagót .
-Kaybuti mo na ! -ang idinulong salitâ sa pagkakitang
dî makatugón ang tinátanóng. Pinangangatawanán mo nang
totoo ang pagkapisik na walang hiyâ, at hinahangal mo pa kami.
Sa akin, mabuti pa ang ikaw ay namámatáy na , upang walâ
nang nakapagbibigay kahihiyán sa ating angkán . Matay na
kitáng itatwâ sa aking loób , ay kung bakit ikaw ay naipag
tátatanong pa sa akin ng mga ibang tao . Sasabihin kong ikaw'y
namatay na rito sa Maynilà, alibughâng anák ! .... Sulong!
hala ! mag-asawa ka , mahaling ka sa isang babaying anak ng
pulube; iyán ang sabihin mo sa ating bayan na nátutuhan dito sa
tatlóng taón ; isáng lumamon-dili ang iyong iuwî sa atin, bilang
pakinabang mo sa pag-aaral ! ...
Ang minúmura'y hindî humúhumá ga-putók man . Tiná
tangáp ng mapakumbabâ ang gavóng ulán sa kálulwa ng mga
bugál-bugál na paglait ng isang natuturang tunay na magulang.
-Hindi ka na nahalay sa kinátitirhán mo ! -anyá pa
Balang araw ay mapipilitan din akong isakamáy kitá ng justicia:
yamang di masunod ang pagkamagulang ko , nang ako'y hindi
másisi ng Diyos at ng sino pa mang tao, ay mabuti pa ngâ'y
mápasakamáy ka na ng maykapangyarihan !...
188 LOPE K. SANTOS

Anó ang maisásagót ni Felipe ? Walâ rin . Bagamán


gayón na ang kapusukán ng kanyáng loob sa mga pagkukurò at
pakikipagtalo kay Delfín tungkol sa mga bagay na pinag
áaralan nilang dalawá ; dátapwâ, tagláy rin niyá noón ang
katutubong pag-galang sa magulang, ang námulatan niyáng
turò sa mga anák na mababaít . Hindi na tumutol ni nangatwi
ran. Ang nágunitâ na lamang ay ang katabilán ng bibig ni
Don Ramón at ang kung bakit ó kangino nitó nábalità na isáng
pulube ó anák ng pulube ang kanyang kinagúguluhán . Bukód
sa rito , sa sarili'y hindi rin namán maatím ang gayón nang pag
papalagay sa mag-anak niná Tentay. Hindi pa namán totoo
nang pulube silá, gaya ng kasagwâán ni Don Ramón at ng kanyang
amá. Nangungutang ngâ at halos nakakapagpalimós na madalás
ng kinakain , dapwà't hindî sapagka't mğa tamád , hindî sa anyông
nakas úsuklám , kundî sa pilit ng mga dî maíiwasang kailangan
at pananalát , at sa boo namang karangalan at pagkalihim,
hindi kaparis ng mga pámukhâan, lantaran at gáhasàán nang
pagpapasasà ng mga mámumuhunán, panginoón ó maylupà sa
gitnâ at ibabaw ng pananalát ng mga mangagawà , alipin at ka
samá. Nguni't ang mga bagay na ito'y ¿ paano niyang masasabi
sa isang iginagalang na amá ? ....
-Humanap ka ng isang anák na paris mo sa boông kalu
pàán ! —ang sa dî pagkibô ni Felipe, ay patuloy na mura ni ká
pitáng Loloy, na ang malakí niyáng tinig ay nangángatál at ang
madilat na matá'y nanglilisik . -At anó , sabihin mo ngâ sa akin,
anó na ang talaga mong nasa sa loob sa pamumuhay na iyán? ...
-Walâ pô ! -ang bahagyâ nang náitugón ni Felipe sa maga
hasàng amá .
-Anóng walâ? magdúdumito ka na ba lamang habang
buhay mo ? ... Panginoón kong Diyós , bákit kayâ bagá binig
yán pa ako ng isang anak na walâng kahiyâ-hiyâ ! ....
Si Felipe ay nagtika na sa dî pagsagót ng marami : lúlunukín
nang buo ang lahát na kaalimurahán . Ang ganitong tika ay
nakabuti namán. Ang dating kagaanán ng kamay ni kápitáng
Loloy ay di nápatikmán sa kanyá noón . Ang nilakí-lakíng
lalaki ng tinurang amá, ay nagdalang lunos din namán sa náki
tang pagpapakaliít ng anák . Anó pa ang magagawâ : nároroón
na ang lahat na iyón : anák na si Felipe : hindi na maisásaulî sa
tiyán ng iná. Wala nang gamót kundi pag-isipin ang lalòng
magaling na paraán , upang si Felipe'y málayô sa mga lugál na
kinapapanganyayàan. Natátalós nang malaon ni kápitáng
Loloy , ayon sa mga balí-balità rin ng kumparing Don Ramón,
na ang kanyang anák ay náwiwili sa pakikipagsamá sa isá ó
iláng kaibigang nakapagtúturò ng kung ano-anóng kaululán
BANA AG A T SIKAT 189

niyáng tinatawag na Sosyalismo at Anarkismo . Nguni't kay


kápitáng Loloy ay walâng kabuluhan ang ibig sabihin ng mga
salitang itong nagtátapós ng ismo. Kay Don Ramón lamang
niyá iyón náriníg. Ang salitâng Anarkista , na tila náhahawíg
na sa Anarkismo, nagtátapós ngâ lamang ng ista at dî ng ismo,
(malapít-lapít na sa isdá at sa ikmó) ay naáalaala pa mandín
niyáng náriníg noong araw, na ang Presidente McKinley sa Amé
rika ay patayín, at isáng anarkista ang natáy. Kaya sa hakà
hakà niyá, dî sásalang ang Anarkismo ay malapít-lapít sa kahu
lugáng patayin ang isang Presidente. Pumatay ! Itó rin ang
naáabót na kahulugán niná Don Filemón . Si kápitáng Loloy
ay nagbubukò- bukò sa guní-guní ng gayóng kakila-kilabot na
kasalanan , na sa pakikipagsamá sa masasamang kaibigan ay
sukat kálulungan ni Felipe, at nag-alaala pang bakâ magkátotoó
ngâng isang anak ng pulube ang nakakahimalingan dito sa May
nilà ng kaisá-isáng anák na lalaki ...... Nagbunga sa kanyang
isip at loób ang balak na mabuti'y iuwî na ngâ sa Silangan , upang
doón, kung laging nasa kanyáng matá, ay mapapagbalík-loób
sa mababaít na asal, sa pagsisikháy sa buhay at hangáng
mapapag-asawa sa isang tagaroón ding kapwà anák sa yaman
at dilang ginhawa .
Ang balak na itó ni kápitáng Loloy, ay sinarili niláng dala
wáng magkumpare. Hindi ipinamalay muntík man sa kinagá
galitang anak . Inakalà niyáng masama ang makáramdám agád
si Felipe . Matalós nitó kung lalakad na lamang. Kailangang
ni sa pinangliligaw ni sa mga kaibigan, ay huwag nang magka
panahón pang makapagbalità at makapagpaalam.
Sa gayón , si kápitáng Loloy ay nagkusàng- hinahon sa
pagmumurá.
-Hala , ang winikà, pagka-iláng sandalîng dî pagkíkibûan—
páparoón tayo ngayóng umaga sa Colegio, pagkakain ng agahan ;
at mámayâng hapon ay manónoód doón din ng prusisión ng
La Purísima. Si Marcela'y gágayakán daw mabuti. Tignán
mo ang iyong kapatid na babayi , kundî makápupông ipinagká
kapuri ng magulang na dî gaya mo .
Ang pagkakálubáy na yaón ng pangungusap , ay ikinabaklá
baklá rin ng loób ni Felipe. Ang amá niyá, kung magalit , ay
hindî dating pumapayapà ng pagayón-gayón lamang at biglâ
biglaan . Nguni't anó pa ang maisásagót kundî “opò . ”

*
Nang umaga rin ngâng iyón, silá'y dumalaw sa Concordia .
Nguni't si Sela'y hindi gaanong nakaulayaw, gawa ng di
maaaring pakábalamin sa paghahanda ng mga igágayák sa gabí.
190 LOPE K. SANTOS

Náhirang ng mga Madre na siya'y magsuót-anghél at isá sa mğa


magagandáng kolehyalang mangúnğuna sa andás ng Mahál- na
Birhen. Nang makita siyá ni kápitáng Loloy, ni Felipe at ni
Andáng, ang alilàng babayi, ay may talukbóng na isang malaking
panyông sutlâ sa ulo . Ang buhok ay may mga tali-taling papel
hapón . Anopá't lálabás na anghél na kulót ang buhók , sapagka't
hindî maáarì, hindî nábabagay ang hindi kulót : ang mga anghél
sa langit na ginagayahan , ay pawàng mga anak ng kastilà : walâ
roóng maitím, walâng pangit, walang hindi maganda ang buhok ,
at walang anak ng tagalog . Marahil may mga anak ng insík,
sapagka't ang mga anghél mang lalaki ay maybuhók. Nguni't
aywán lamang kung may nagiging anghél na anak ng amerikano...
Hindi ngâ nakapagluwát ang mğa dalaw.
Káhapunan ang mag-amá'y náparoón na namán . Dapwà't
hindi silá lamang. Patí ng magkapatid ni Talia ay nakasama,
sa nasàng manoód din ng prusisión.
Si Sela ay bahagyâ rin niláng nakausap . Sukat na kaniláng
nápanood sa prusisión , na totoóng kaigá-igaya , ibayo sa rati ang
kagandahan, binagayan ng bagay na bagay ng kulót , ng mğa
pakpák, ng puting damít, bigkís na bughaw at sakâ ng mga
nagkisláp-kisláp na mga alahas at hiyás sa ulo , sa dibdib, bisig
at mga daliri. Mistulàng anghel ngâ namán ! Ang pagka
kayumangí, na dî kulay ng mga anghel sa langit, ay nagamót sa
iláng patong na apog.
Gaanong pasasalamat ni Meni at si Delfín ay walâ roón !.
Si kápitáng Loloy namán ay halos kulanìan na ng liíg sa
kádudunghál sa kanyáng anák, lubhâ pa nang, sa pagsunod sa
prusisión, ay doon silá mápatayo sa may ikaapat na baytáng ng
hagdáng malakí, at nang itigil at kantahan ng mga kolehyala ang
larawan ng La Purísima sa isáng marikít na kuból na doo'y
sinadyâ. Sa tingin at damdám niyá ay magandá sa lahát ng
anghel ang kanyáng anák. Ganoón na lamang ang lugód ng isang
may-anák na taga langit!
Ang pagdiriwang sa taong iyon ay hindî kásayahang gaano ;
hindi lubhang marami ang nagsipanoód, paris bagá nang
dati-dati , na kung maka -prusisión na , ay may mga paputók at
kastilyo pa.
Nang magsiuwî sila ay ika -walóng oras na .
Sa gabing yaón at hangáng kabukasan pa , ay walâng maha
lagang bagay na nangyari . Walâ kundi ang pagkápanaginip
tuloy ni Felipe ng mga wiwikàin niná Tentay sa dî nivá pagparoón
nang maghapong iyón , pistang -pistá pa namán .
BANAAG AT SIKAT 191

Káumagahan ay nakapasok din sa Limbagan. Wala siyang


taglay na bilin ng amá kundi ang huwág dî umuwî nang tanghali ,
at ipagpaalam na muna sa pinápasukan ang hapon, sapagka't
siyá y kákasamahin sa pamimili ng mga ilang bagay na maiúuwî.
Si Sela ay kákaunín na't ilálabás sa hapon ding iyon at káuma
gaha'y kasama nang is úsubà , hindî na áantayin ang talagang
mga araw ng pagliliwalíw kung Paskó . Nakaluwás na rin lamang
ay mabuti na ang siya'y ipagsama . Sakâ na sa maka -Tatlóng
Hari muling ilusong.
Ang lahat na ito ay naglilikha sa loob ni Felipe ng dî mğa
karaniwang kutób at kabá . Nguni't sagì ma'y hindî dumáraán
sa kanyang gunitâ ang talagang panihalà ng amá.
Pagdating sa Limbagan at pagkikita nila ni Delfín , ang
dilang nangyari ay pawà niyang ibinalità .
Lahát na'y napag-usapan , at bagay sa pagtataká at kabá
ng dibdib ni Felipe, ay itó ang náwikà ni Delfín :
-Bakâ kung anó na iyán ! —anyá- Nğunì't marahil namán
ay nakapag-iisip- isip na ang tatay mo , na anó pa ang mangyayari
magpakagalit man siyá sa iyó.
-Sa akala ko ngâ, -ang payo ni Felipe - nğunì't aywán
din ....
-Bakâ kayâ namán isásama ka na sa pag-uwî ? —ang kung
ano'y lumabas sa bibig ni Delfín.
-Isama akó !
-Anóng malay mo ! .... Kung ikaw ay máuwî na sa inyó ,
paano na akó , paano kamí ritong mga kaibigan mo , paano si
Entang? ... Bákit di ka magpaalám na muna sa mag-iiná,
at nang may pagkaalám na silá mápauwî ka man?
-Oh, Delfín, huwag mong sabihin iyáng pag-uwi! Hindi
na kailangan akóng magpatalós nitó kiná Tentay, at alám mo na
ang bigat ng loob nilá kay tatay . Sakâ ¿ anó nama't ako'y sásama ?
Ah, paghihirapan akó ni tatay bago mapilit muwî ! At .... ¡ nakú !
malayòng máisipan niya ang gayón : talós niyáng ako'y makatú
tuyô lamang ng kanilang dugô , kapag nápauwî na naman sa amin .
-Hindi mo masásabi!
-Sa anó't anó man, kung maipagpaparayâ mo na sa akin ,
bukas ng umagang oras na ng pagtulak ng bapor sa "Pasaje de
Pérez ," ay patungo ka roón ; kundî man akó mápapasama , ay
iháhatíd kong walang sala si tatay, na mabutí-butí na sa akin
ngayón, at si Sela na súsubà na rin : magkikita pa kayó ng kapa
tíd ko , at sabáy na tayo kun sakali sa pagpasok.
Sa ganitó nagkalutás ang dalawang ulirán ng magkatoto.
Isa't isa'y humaráp na sa kani-kanyáng gagawin sa pahayagán.
192 LOPE K. SANTOS

Nagpaalám ngâ si Felipe at lumabás nang tanghali sa Lim


bagan. Namilí silá ng sari-saring dadalhín , pananamít, pagkain ,
kasangkapan at ilán pang bagay na noo'y kinákailangang
máiuwî. Káhapuna'y kinaón niláng mag-amá si Marcela . Gabí
na nang mangápauwi, at si Sela nama'y kasama na . Ang
pagsubà kábukasan ay wala nang kaudlót-udlót .
Si Felipe , muntík ma'y hindî nakalayô sa boông gabing
yaón . Sa ganáng kanyá, siyá nama'y di nagpahalatâ ng muntî
mang balisa ng loob sa dî pag-alís . Nagpakita sa amá ng lalòng
mahihinhing kilos . Nakitulong- tulong sa pagbabastâ ng lahát
na mğa dadalhin ng amá at ng kapatid . Sa mga tugtugan ng
piyano , kantahan , hapunan at dilang kagálakang ginawâ sa itaás,
handóg sa kaibigang kolehyala , si Felipe ay kasalá-salamuhà.
Máliban ang ilang mga panakaw na búlungan nilang dalawá ni
Meni, tungkol sa nápag-usapan namán nilá ni Delfín , siyá ay
katawanan, kausap-usap at kaharáp-hárapan niná Don Ramón ,
ng kanyang amá at ng mag-iná ni ñora Loleng, pagka't nang
gabing yao'y sadyâng ipinasundô niná Talia si Isiang, upáng
makipagkita rin sa isang kaibigang bagong-labás sa Concordia at
iúuwi na sa Silangan.
Nagkaroon pa ng kaunting sayawan silá-silá. Si Marcela
ay náturû-turùan pa ni Meni ng ilang pagpihit sa valse, at baga
mán ayaw nang baí-baile si kápitáng Loloy, ay hindi na kumibô
noo't nagpasinayà na marahil sa kanyang anák at sa mga may
bahay.
Maghahating gabí na nang sila'y maghiwá-hiwalay at mag
situlog. Si Felipe , sa dalawáng gabing sunód ng pagkapuyat,
ay parang patay na agád pagkáhigâ.
Amá na ang sa kanya'y gumising madilím-dilím pa . Dî
pa halos nakapaghúhunos- dilì sa pagkágisíng , ang náriníg niyang
mga salita ng amá , ay mga salitâ nang makapangyarihan , mğa
salitang nag-uutos , pumípilit, nagbabalà, nagpapamadali, ayaw
nang magpatutol, may kasama pang mga yambâ ng kamay
nang tinatangihán niyá,. ¡wala nang mangyayari sa pag
ayaw at pagmama tigás ! ¡ sásama siyá at sásamang sápilitán !..
Nasayang ang mga pagtahì ni Felipe sa kanyang pinapa
sukan na hindi maaaring lisanin ng biglâ-biglâan, sapagka't
magawa pa namán noón ; hindî nagkahalaga ang kanyáng mğa
pamanhík at pangakong sa ibá nang araw ó sa maka-Paskó
súsubà ; nabigo ang lahat- lahát na mga pasubali sa pag-uwî :
na ang mga damit niya'y na sa naglálabá pa , na gayón palá't
isásama ay di muna nakapamilí sana ng ilang pananamít at
BANAAG A T SIKAT 193

kasangkapan, na may pautang at utang siyá sa iláng tindahan


ng mga aklát , pagkain , at sa ilang kaibigan , na ..... kung anó
anó pa .
Ang dating pananalitâng-harì ng kanyang amá ay hindî
nagmaliw. Natuluyang sumigaw-sigáw pa , hangáng nakapukaw
kay Don Ramón at ikinápanaog sa kanilá. Si Don Ramón ay
isá pang pumayo-payo sa yayà ng kumpare. Anopá't kay
Felipe ay walâ nang nátiráng landás kundi ang sa pagsama .
-Oh, kun ang amá lamang ay nalálabanan ! -ang pabaláng
na nasabi sa sarili, nang siya'y wala nang totoong magawa sa ka
gahasaan ni kápitáng Loloy - Bákit ang isang anák na ayaw
sumama sa di kasundông amá ay napípilit? Anó't kákailanga
nin pa ang ako'y magkaroon ng dalawampu't tatlóng taón bago
makapangyari sa sariling loób , sa ngayón namán , kun tútuusín,
ay magaling pa ang pag-iisip ko kaysa aking amá : nákikilala
kong matwid ang huwag magmana ng kanyang mga ugalì at arì
arian, nguni't siya'y hindî nakákikilala ?
-Sásama ka ba ó hindi?-ang patapós nang tanong ng
amá .
Si Felipe'y nag-álanganin pa ring sumagót , at kátaón namáng
siyang pagbabâ rin ni Marcela , na umamò-amò sa kanyang
pumayag na muna at sakâ magbalík siláng dalawá, pagka
Tatlóng- Harì.
Si Sela na ang nagbukás ng sa kapatid na isáng baúl ; siyá
nang nagbalót ng mga damít , ng mga aklát at ibá pang kasang
kapang sukat dalhin ni Felipe, upang magamit samantala man
lamang nasa lalawigan .
Ni kumain ng agahan ay hindi na nakuha ng magsísialís :
máhuhulí na sa bapor pag nagpaumat-umat. Inihatid silá
ng isáng kiles ni Don Ramón .
Kay lungkot na páalaman ! ...
Si Delfín ay hindi nagkulang sa oras na tadhana. Malayò
pa ang kiles niná Felipe , ang mukhâ nitó't anyo'y nábanaagan
na niya ng lungkót . Walâng ímikan ang mga lulan ng kiles .
Patí si Selang dating larawan ng sayá, noo'y nagmistulà ring
bulaklak ng pangláw .
Ang tulay ng bapor ay halos áalisín na lamang nang sila'y
magsiratíng. Gayón na lamang ang pagkagahól nilá, na , si Felipe,
sa kaibigan niyáng dinatnán na roón, ay walâng walâ mang
nasabi kundî :
-Diván ka na kaibigan! Kasama ngâ akó . Oh , kundan
ngan at ito'y amá ko ! .... Ikaw na ang bahalà sa Limbagan ;
13-47064
194 LOPE Ꮶ . SANTOS

ikaw na ang bahalà ¡ ay! sa aking mag-iiná sa San Lázaro ....


Súsulat ako sa iyó agád .... kaibigan ....!
Sabay sa pananalita ang pagtagistís ng mga paták ng luhà
sa matá ng nagpapaalam. Oh ! yaón lamang ang ikalawang
pagkakita ni Delfín sa luhà ng kanyang katoto ; kayâ, siyá man
nama'y nápaluhà rin ! At hindi silá lamang : si Marcela man.
Aywán kun sa pagkákita sa kalunos-lunos na anyô ng magkatoto ,
ó sa biglang pagkákitang muli kay Delfín, sa mga oras pa namáng
lilisanin , siya'y walâ ni isáng salitâng nasambít , ni dî man
nakapag-abót ng kamay sa pagbatì ng isang taong malaon nang
dî nakikita ; sukat ang pangungusap na lamang ng mga matang
náhihilaman ng hapis .
Si kápitáng Loloy na siyang nangangasiwà sa pagpapahakot
sa dalawang alilà ng mga ilúlulan sa bapor, sa tatlo ay nag-walâng
bahalà, bago niyá inapuráng sumakay ang magkapatid , nang ang
lahát nang dala'y nalululan.
Wala na kundi mga titig ni Sela , walâ na kundi mga tingin
ni Felipe ang sa kati ay nangagpúpumilit maiwan , at sa wakás,
ang mga huling wasiwas ng panyo at sambalilo , nang ang bapor
ay napapakublí na sa bagong tulay ng Santa Cruz.

Tumangáp ngâ si Delfín , makalimáng araw, ng isang sulat


ng katotong nuwi sa Silangan. Násasaysay doon ang mga
kapanglawang sa kanilang mag-aamá'y umalá-alakbay sa boông
paglalayág. Ang di man pagkakuhang kumain ng agahan ,
at pati pa sana ng panananghalì, kundî si Sela na ang umamò
amò sa kanya. Ang pagdating na malwalhatì nguni't malung
kót sa bayan at bahay na sarili . Ang mayluhàng galák ng iná ,
pagkakita sa kanyá : katulad ng isang kayamanang malaon
nang nawawaglít, hangáng náipalagay na sa walâ, siya ang unang
sinalubong at paduhapáng nang niyakap ng tinurang iná,
kasabay ang mga pahayag ng pasasalamat sa Diyós , alang-alang
sa anya'y pagbabagong-loób na ng kaisá-isáng anák na lalaki .
Sa liham ay nasasabi rin ang ilang mga tagubilin para kay
Tentay. Si Delfín ay pinapáparoón, upang ibalità ang dî iná
asahang pagkakauwi at sukat ; nguni't pakaingatang huwág
matalós ang anománg nangyari sa kanilang mag-amá sa pagpi
pilitang umuwi, na , sukat bagang makalubhâ sa mga hinuhà
nang dati ni Tentay. Na sabihing siya'y bábalík din maka
Paskó , walâng sala , at sa súsunód na sulat, kung masagot na ni
Delfín, ay maglalangkáp siyá ng kuwaltang papel upang máibigay
sa mag-iiná. Na sa anó't anománg mga pangpanatag- loob at
pangangailangan nilá, ay si Delfín na ang bahalà .
BANAAG AT SIKAT 195

Sa wakas, ay inilarawan ni Felipe ang mga kalagayang dinat


nán sa sariling bahay at sa sariling bayan . Paris din ó malubhâ
pa sa rati . Ang kanyang amá na siyáng kasalukuyang Presi
dente municipal ng bayan, ay patuloy rin sa dating pagka-harî
harian, at hindi nabábawasan ng isá mang bagwís. Sampû
sampû rin ang mga alilà, babayi't lalaki, iba'y mga datihan na
nang dî pa siyá náluluwás, at iba'y mga bago lamang ; nguni't
halos pawang may-utang, isáng batang babaying magsasampûng
taón lamang ang walâ, sapagka't ito'y ináanák sa kumpíl ni Sela ,
at sa gayo'y kusà nang ibinigay ng magulang na tagabukid at
sakâ isáng lalaki , na palibhasa'y walâ nang amá't iná , at minsang
nagkabasag-ulo pa , na ikinápasok sa bílangûang-bayan, ay hina
ngo na roón ni kápitáng Loloy, at ginawâng katú-katulong sa
pagaalaga ng mga kabayo ng kanyáng kotsero, bilang bayad
sa paglayà.
Ang lahat ng bilin para kay Tentay ay tinupád namán ni
Delfín, ayon sa pagtupad ng isang kaibigang-kapatid . Siyá
nama'y kilala na ng mag-iiná . Makálawá nang náipagsama
roón ni Felipe , at siya'y talagang ipinakilala nitó na isáng
tunay na kaloob at kaibigang parang tunay na kaputol ng
pusod.
Si Tentay, bagamán pinakakábalot ni Delfín ng mga salitang
bulak at pulót ang pagbabalità, ay parang isáng kandilàng na úupós
sa pagkakaupô , habang tinatangáp ang gayong mga nakapanglúlu
móng nakapópoót na balità . Dî ibig maniwalà nang una. Hindi
maatím sa pusò ang si Felipe ay makaalis nang sa papaano ma'y
dî nakapakita ó nakapagpasabi sa kanila. Iniukol ang gayón
sa isang pakanâ lamang, na marahil ay hindî nuwi, kundî
náritó rin sa Maynilà at sadyâng umíilag na sa kanilang mag-iiná ,
pagka't isang tunay ngâ namang mabigát na pásanin. Hu
manap sa gunam-gunam ng mga iba pang sanhîng sukat ikapag
asal ng gayón ng kanyang sing-irog. Nang walang madalumat
ay tinawag na ang ina sa pag-uusap nilá ni Delfín, at magkasabáy
ang matá, dilà at dibdib na pinapagpahayag ng mga kásakláp
saklapang balità. Si aling Teresa ay biglâng napipilan din sa
náriníg. Yaón ang kauna-unahang pagkakáriníg niyá ng isáng
balitang gumawâ't sukat si Felipe ng isang malaking bagay sa
sarili lamang at di nilá talós . Hindi rin maamin ang mga
paliwanag at pawalâng sala ni Delfín , sa pagkakábiglaan ng
pagkuha noóng biyernes nang hapon kay Sela at sa pagkaka
subà kábukasan. Nagdaán ang huwebes na pistá pa namán,
¿anó't dî na siyá nakasaglít man lamang doón? at kung noong
miyérkolés pa dumating ang kanyang amá, ¿ anó't di na násabi
sa kanilá nang mivérkolés ng gabi na, anyá pa , siya'y nagdaan .
196 LOPE Ꮶ . SANTOS

muna sa tinátahanán ? kundî man nakasaglít, ¿ anó't nakatiís


na pasabi man lamang agád-agád ó kaya'y kahì't isang sulat na
maiksî, ay dî nagpahatíd sa kanilá , gayóng sábadó pa namán
ng umaga nang magsisakay sa bapor ? .... Sayang at hindî
na nagpapaupá roón si Lucio !
Ang mag-ina'y nagbúlungang kapwà may umaaligíd na gitî
ng pighati sa mga matá.
-Náriníg kaya ang ating sálitâan noóng hapon?-ang
bulóng ng iná .
Nápadaóp ang kamay ni Tentay. Nápakagát-labì at nati
gilan . Ang nasok sa gunita'y marahil ngâ ! marahil nga'y
náulinig ni Felipe ang mga sálitâan sa pananahî, sapagka't si
Luciong nagbabantay noó'y walâ. Nguni't ¿ anó ang masamâ
niláng nápag- usapan ? ..... Alaala , alaala ...... , ay nánilay
ni aling Teresa na bakâ ang minasamâ'y ang kanyang mga hatol
sa anák na pagpapakaingat sa mga patibóng ng mga lalaki . Ani
Tentay naman, ang mga gayóng hatol ay hindî niyá ináakalàng
damdamin ni Felipe ; mahangà, kung bagamán , ay ang kanyang
mga sinabi tungkol sa katarikán ng mga magulang, sa balitang
pagka-malayaw ng kapatid, at sa dî pagkápanibulos ng kanyáng
loób, anománg kabáitang nakikita kay Felipe, na dangan ngâ
lamang at pagsunod sa tagubilin ng isang nasirang amá, disin ay
namantungan na sivá sa paniniwalang ang santól ay hindi namú
munga ng mabulo .
-Iyán ngâ marahil ! -ang pahinagpís na násabi ni aling
Teresa . Kundangan tayo !. . . .
Ang pagsisising ito ay náriníg na halos ni Delfín . Nahala tâ
nitó ang pagka-walâng mangyayari sa kanyang mga pagta
takíp . Nakita ang malubhâng sugat na iniwasák noón ng
kanyang balità sa pusò ng kahambál-hambal na mag-iná .
Noón niyá natarók ng lubusan ang talagang pagkamahál
na ni Felipe sa bahay na iyón. Dapwà't ¿ paáno ? ¿sabihin na
ba kaya ang totoo na si Felipe ay pinaglalangán ng amá , pinaka
mura -mura at sápilitáng ipinagsama , dahil sa nábalitàng pagli
ligaw sa isang anak ng pulube? Lalòng sugat , lalong pangwaray
ng dibdib ang ganitong katotohanan !. Iyón na ngâ
ang sinasabi-sabi ni Tentay!
Hinaráp siyang muli ng mag-iná, at pinakapamá-pamanhi
káng maanong ipagtapát na kun saáng tunay nároroón si
Felipe , at kung ano ang dahil at nagkagayón. Panalig na pana
lig ang mag-iná, lalò na si Tentay, na si Felipe'y hindi umuwî,
kundî náritó rin sa Maynilà.
BANAA G A T SIKAT 197

Nang walang magawâ si Delfín sa pilí ng pamamanhik, ay


ipinakita na ang sulat na tinangáp . Si Tentay nama'y nakabá
basa . Tinunghán, masiyasip na tinalós ang boông lamán ng
sulat , patí ng ayaw pa sanang ipabasa ni Delfín na dakong hulí......
Sulat ngâ yaón ni Felipe ; nguni't maáaring dito rin sa Maynilà
ginawa..... Ipinakita ni Delfín sampû ng sobreng may sello at
patí ng taták ng Postmaster sa Lalaguna . Nguni't anó ang
muwáng ni Tentay sa mga palakad sa Correo !
Nátirá ang mag-iná sa agam-agam, nálagak sa mapapait
na paghihinuhà. Si Delfín ay walâ ring naiwan doón kundî
bago pang binhi ng kadalamhatian.

Nang gabí ring iyón , si Delfín ay gumawâ ng sagót sa kato


tong nasa lalawigan. Bukód sa mga iba't ibang bagay na ukol
sa kabuhayan niláng dalawá , isinaysay sa sulat ang lahat ng mga
nangyari at nákita sa pagkakáparoón kiná Tentay. Inilara
wan ng buhay na buhay ang lagáy, pananalát at dalamhatì ng
mag-iiná , nang mátangáp ang mapapaít niyang balità . Ipinag
bilin din kay Felipe na huwág dî sumulat ng sadyâ sa mag
iiná, at kung magpapadalá man ng kuwalta ay ilangkáp sa
sulat sa kanya, at siyá na , si Delfín , ang magdádalá roón.
Kábukasan din ng umaga ay idinaán sa Correo ang sulat,
at nang araw ring yaón , sa dakong tanghali na , ay may nakita
si Delfíng hindî nágunitâ man lamang na máiisipang gawin
ni Tentay.
Pagkatapos ng mahabà niyáng sinúsulat na isang pang
lathalà sa pahayagán, gaya ng kagawian na , siya'y sumu
ngaw sa isang bintanàng nanúnungó sa daán ng bahay-páhaya
gáng yaón. Palibot-libot ang matá, at bawà't mátamaang bagay
ó anyô sa lupà ó sa itaás , na sukat makáhangà ó makaakit-loob,
ay pinagpapakuan ng kanyáng tingín .
Mataas ang bahay-pahayagán, at ang daáng pinan únunga
wan ay matwíd at sa kaiksîá'y saklaw ng mga mata niyá
mulâ sa bintanà ang magkábilang dulo. Sa dulong kanan ,
ang mga matá niya'y parang sinipsip ng bató-balanì. Isáng
babaying nakapamindóng ng isang panyuletang lumà at kulay
burok ng itlóg, kaakbay ang kaliwâng kamay sa balikat ng isang
batang lalaking mababà, lumílikô at lumálakad nang marahan
sa Limbagan ang tungo , yaón ang unang nátamàan ni Delfín sa
panunungaw. Nálalapít, nálalapít , ay námumukhâán niyá ang
batang lalaki, nguni't ang babayi'y hindi pa, bagamán napag
húhulò sa kiyás at paglakad na dî sásalang dalaga . Ang pagká
mukhâ sa batà ay hindî lúbusan . Naáalaala niyang nakakita
198 LOPE K. SANTOS

na ng gayong mukhâ, nguni't hindî pa mawarì kun saán at kung


kangino. Ang lakad ng dalawa'y tumigil. Nag-usap. Maka
sandali'y naiwan ang babayi, at ang batà na lamang ang nagtuloy.
Nguni't bago naghiwalay silá at bago tumalikod ang babayi na
patungo sa likô ng daán , upang maghintáy roón, marahil, ay
nápatingalâ muna at tumanaw sa dakong itaas ng bahay-limbagan.
Sa mahigit na gadamák na puwáng sa mukhân ng pindóng niyang
panyuleta, na pigil ng kanang kamay ang pagkakádaóp ng dala
wáng dulo sa babà, ay nakapagtapon ng tingin sa lalaking nanú
nungaw, at sukat sa gayón sila'y kapwà nagkámukhâan ..
Si mang Delfín at si aling Tentay ! Kagila-gilalás na pag
kakátaón ! ... Kulang na lamang noón ang si Tentay ay naging
asawa ni Lot ng Biblia . Sa isáng tingin ni Delfíng mulâng ulo
hangáng paá, ay nanlamíg siyáng biglâ sa hiyâng dî anó lamang.
Sa sariling damdám ay parang hubo't hubad siyang pinagmamas
dán ng isang lalaki. Ang buông lihim ng kanyang kálulwá,
ay pinara na noóng náaninag ni Delfín mula sa bintanà .
Kay Delfín namán ang unang lumipós ay ang pagkaká
manghâ. Nagitlahanang ilang sandalî na dî man náisip
batiin 6 kawayán ang irog ng kanyáng kaibigan ni ang
manaog at habulin , upáng máusisà ang dahil na ikinapatungo
roón nilang magkapatid sa gayong mga oras na alangán .
Sa anyô ni Tentay at sa pagkakátungóng-tungó nang mag
balík sa pinangalingang dako, na di man nilingón pa ni si Delfín
sa itaás, ni si Luciong nánasok na sa pinto ng Limbagan, ay na
pagkurò ng manunulat na hindî siyá ang talagang sadya ng mag
kapatid . Sapagka't kun gayón, sana siya'y kinawayán ó tina
nğûán man lamang ni Tentay yamang nakita na , ó tinawag disin ,
uli si Lucio at itinurò sa itaas ang háhanapin . Kumutób sa
loób ni Delfín , na , marahil si Tentay, sa dî paniniwalàng nalís
ngâ't umuwî si Felipe , ay nanúnubok sa Limbagan, at pinatí
tignan kay Lucio , kun tunay ngâng si Felipe'y walâ.
Sinalunò ni Delfín hangán silong ang batang pumasok.
Nang abuti'y kausap ng isang batà ring manlilimbag, at si
Felipe nga ang itinátanóng . Pagkákita sa kanya ni Lucio ay
nagkulay suka. Ang bilin ni Tentay na huwág pakikita ni pamá
malay kay mang Delfín, ay hindi na mangyayari ! ...
-Anó, Lucio ? -ang pagkuwa'y batì ng manunulat sa
batang nakilala na -¿bákit ka naparito?
Hindi magkantututo ng isásagót ang batà . Gayón man ,
ang dati niyang pagkahiratí sa mga katabilán at likót sa paglaboy,
ay malaong sandali rin bago nakabahagyâ ng tugóng :
-Walâ pô -anyá.
BANA AGAT SIKAT 199

-Hindi ba akó ang hanap mo?


-Hindî pô.
-At sino ? si Felipe ?
-Hindî pô.
-Saán mo iniwan ang ati mo?
–Walâ pô . . . . . .
Ang bata sa káwawalâ at kahihindi pô , ay tila dî na
nakatagál . Nagpakákimî-kimî sa harap ni Delfín , at pagkuwa'y
hindi na nag-antáy ng mga ibá pang tanóng, kundî ang inalagatâ
na'y makaalís . Isáng "diyán na pô kayo" lamang ang sinabi
at tumalikod nang tinungo ang pintuan.
Sa pagkáramdám ni Delfín na tila naging mabigát sa tala
gáng pakay ng magkapatid ang pagkakakita niya, hindi na
namán nag-usisà pa at tinanáw na lamang ang bata sa paglabás .
Kanyang sinundán ng silip sa pintô, nang inaakala nang malayò
ang batà ; nátanáw na parang hinahabol si Lucio nang paglikô
sa daán, at doon sa kubli di sásalang nagkita ang magkapatid at
pinag-usapan ang pagkabigô ng kanilang pakay.
Hindi nagkakamali ang hinuhà ni Delfín na sa di paniniwalà
at sa panunubok ang ipinaroón ni Tentay. Si Tentay ay kasama
ng kanyang kapatid na mamimili ng ulam sa talipapâ ng Santa
Cruz ; nguni't sa daán pa ay náisipan na ang doón muna magtuloy
sa pinapasukan ni Felipe, sapagka't tunay na hindi niya mada
lumat ang mga nangyaring ibinalità ni Delfín nang nagdaáng
hapon . Sábado nang sumubà si Felipe ; kálunisan , nang iníp
na iníp at takáng-taká na siláng mag-iiná, ay inutusan si Lucio,
upang ang dî dumáratíng ay pakibalitàa't tignán sa Limbagan :
bakâ nagkakaroon ng anománg sakunâ ó sakít . Si Luciong
inutusan ay umuwing walâng masabi kahi't anóng balità tungkol
sa hinanap , kundî ang wikà raw sa kanyá sa Limbagan na walâ't
hindi na roón pumapasok. Nagdalawáng loób si aling Terê at
si Tentay : ó si Felipe'y nagtatagong talaga sa kanilá, ó si Lucio'y
hindî napáparoón , gaya nang karaniwang gawâ, pag náuutusan sa
malayò. Sakâ dumating ang mga balità ni Delfín na dî rin
nilá mapaniwalaan . Kaya ang námarapat ngâ ni Tentay ay
siyá ang pumasa Limbagang kasama ni Lucio, hangáng pinto man
lamang. Nguni't anóng samâ ngâng pagkakátaón kay mang
Delfín !
Sinalakay ang budhî niyá ng bagong sapantahà , pagkáriníg
ng mga sabi ni Lucio tungkol sa di pagkákita kay Felipe, kundi
kay mang Delfíng nanaog at nagtátanóng . Ang násapantahà ay
dî sásalang sa pagkátanaw sa kanilá ng mánunulat, mulâ sa
bintanà, ay napapagtagò si Felipe . Hindi maliwag gawin
14
200 LOPE K. SANTOS

ang gayon ng isang magkaibigan . Habang lumálakad ang mag


kapatid, tungo na sa pamilihan at pag-uwi, ay nagbábangay sa
dibdib ni Tentay ang sari-saring kutób at panimdím. Nálait
tuloy sa sarili ang sukáb na ugali ng mga lalaki , at ang pagtatá
kipan ng magkakaibigan . Kun si Delfín lamang ay mapag
babalikan at malálait , disi'y ginawâ nivá upang maibulalás ang
gayóng mga samâ ng loob at máipamukha ang pagkalilo niláng
magkaibigan . "Bákit akó gináganitó na , hindî pa man ?," ang
nawiwikà sa sarili . "Oh , kundangan ang tatay ko !," anyá pa .
"Kun ang kalooban ko lamang ang nasunód, hindi ko sásapitin
ang mga ganitong pighati at kahihiyán !" .
Kahapunan nang araw ding yaón, si Delfín ay hindi naka
batáng di magsadya sa San Lázaro . Yamang nakita na ang
kagyát na di paniniwalà ng mag-iiná, ay inakalàng patibayan pa
ang mga unang balità, upang sila'y mahangò sa mga maling
paghihinuhà . Tinaglay niyá patí borrador ng liham na ipinadalá
kay Felipe .
Si Tentay ay wala sa bahay nang siya'y dumating. Anáng
iná ay naparoón sa isang ali sa Tundó. Si Lucio'y na sa bahay
sampû ng mga iba pang anak ni aling Terê, ¿ si Tentay bagá
kaya'y lumakad na mag-isá? .... Si Delfín namán ang nag
akala na siya'y pinagtátagùan lamang. At ang akalàng ito'y
nag-ulol pa sa wari'y pagkáramdám niyáng may taong kumí
kilos sa silíd , -na noo'y muling nálalagay na - at sa kahiná
hinala't magagasláw na pagpapasukan ni Victor at ni Amando , na ,
lubhâ pa itong hulí, bago pumasok sa silíd , ay napapatingin
muna sa kanya at napapatingin sa loob.
Hindi nagpamalay si Delfín na nakakáramdám sa gayón .
Ni di naman niyá binangít ang pagkakakita nang tanghali sa
magkapatid . Dátapwâ't mulâ sa pagpanhík hangán sa mag
paalam , nang nagtátakíp-silim na , ang pagkakátangáp sa kanyá
ni aling Terê ay totoong malamíg at tangáp pagbibigay-loob
lamang. Hindi niyá akalaing malaking kalabasa ang maiú
uwî nang hapong iyón . Nátika tuloy sa sarili ang di na ulî
bábalík doón , hangáng hindi taglay ang mga padalá ni Felipe
ayon sa kanyáng bilin.
Kámartisan ng lingóng sumunód, ika 20 ng Disyembre rin , ay
tumangáp na si Delfín ng bagong sulat ng kaibigan. May kalang
káp na papel na dalawámpûng piso ang halaga . Walâng mara
ming lulan ang sulat kundi lalong mapipiling bilin kay Delfín
na gawin nito ang boông kaya sa ikapagpapapaniwalà kiná Tentay
sa mga paraan ng kanyang pagkáalís , nguni't pagtakpán
ang tunay na sanhî. Sa kalagayan niyá roón sa lalawigan, ay
walâng masabi kundi lungkót , salamat na lamang at may kapatid
BANAAG A T SIKAT 201

na dalagang nakatútugtóg-tugtóg na ng piyano , at ito'y siyáng


nakalílibáng-libáng sa kanyá . Siyá raw ay hindi naglálagî
sa loob ng bayan , kundî ahon ng ahon halos araw-araw at mag
hápunan sa mga bukid . Ang kanyang amá ay hindî nagpapa
pansín ; pinalalayaw siya ng gayón na lamang. Násasabi rin ni
Felipe na siya'y may liham na kasabay kiná Tentay.
Dinalá ni Delfín , kábukasan pa ng hapon , ang dalawám
pûng piso. Bagong hanap ng kalabasa! ... Dinatnán ngâ niyá
ang mag-iiná, patí si Tentay. Nátangáp na ng mga ito ang sulat
na sadya ni Felipe . Naníniwá-niwala na sa itó ngâ'y nápa
uwî at walâ sa Maynilà. Nguni't sabihing hindî niyá kalooban
ang pagkakasubà, mangyari ang gayón nang di man magpaalám
sa kanilá, makaraan ang halos dalawang lingó na hindi silá
sulatan, kundi magbilin na lamang sa isang kaibigang sukat
mákasabwát, ..... ang lahát na ito'y mga panganorin pang hindi
naháhawì sa gunam -gunam ni Tentay. "Hindî sásala , anilá ,
na may isang malaking bagay na nagsanhi ng gayón : kundi
ang talagang paglililo sa sumpâan, ay ang pagkuha sa kanya ng
magulang upang huwag nang magbalík sa Maynilà ."
Sa sulat kay Tentay ay nasasabing may tátangaping kaunting
halaga kay Delfín , at ipinagbibilin itong parahing siyá rin saman
talang hindi pa nakaluluwás , na dî sásalang makapaskó lamang.
Humihingi ng tawad sa mga pagkukulang nang mápaalís . At
may mga hatol pa tungkol sa dapat pamuhayin ng mag-iiná ,
upáng dî gaanong matalo ng kasalatán .
Ang lahat ng yaón ay mabuti. Ang pagpapadala ng kuwalta
ay mabuti rin sana , kun siláng mag-iiná disin ay hindî marunong
magdamdám at magtampó . "Kami ba'y mga batà -anilá - na
pagkatapos mapasakitan , ay maáabután na ng puto ? ... Ma
búbuhay rin kamí kahì't anóng hirap , sa awà ng Diyos !" .
At sa mga sulák na ito ng pusò niláng mararamdamin , gaya
ng talagang pagka-maramdamin ng mga pusong marálita at
pilipino , ay walâ na namang nangyari kay Delfín ; natuyûán
siya ng laway sa kápapamanhík na tangapin ang dalawám
pung pisong pabigay ni Felipe . Ni ang mamisong iníiwan niyá
sa mga bata man lamang ay maanong nagtamó ng paglingap .
Sa isang kindát at kagát-labì ni Tentay, ang mga kapatid ay
para-parang nagtangihan at nagsipagtagò hangán sa silid .
Anopá't nanaog na uli si Delfín nang walang taglay
kundi ... kalabasa na namán .


$55
BBB

XIII

Tinik ng Bulaklak

Sariwang bulaklák na unti-unting núnungó sa mga tudlâ


ng init ng araw ; uhay ng palay na dahan-dahang bumíbigát at
humúhutok sa paghitik ng mga naglálamáng pipís na butil ;
ilaw-silangang utáy-utáy na dumáraán sa guhit ng katang
halian , pahilig at pahimláy nang walâng kalatís sa likod ng mğa
bundók-kalunuran ; matáng mapamihag na banay-banay sa pag
lamlám at laging imina malik-matà ng antók ; kulay na matingkád
na parang kundimang kayo na sa paták ng tubig ay unti-unting
nahúhulog, pum úpusyáw, kumúkupas, namúmutlâ ; katawáng
dating magaán na bumíbigát, dating masiglá na tumátamláy,
dating lantád na tumátagò ; kálulwáng nagiging maibigín na sa
pag-iisa at pagkapipi , sa paglasáp ng luhà at sariling pagsisisi ;
pusong umiibig na natátakot , dibdib na nasásabík sa init ng
paggiliw, nguni't kákabá-kabá at títibók-tibók ; anyô , lagáy, at
kilos na nagbabago , napapápansín na yatàng kusà, tumátalagá
na warì sa anománg pagdurusa , gaya ng pagtalaga sa parusa ng
isáng maysala , na wala nang magawang paglilihim ng kanyang
kasalanan .. . si Meni , ay ilán nang lingó ó buwáng ganyán at
nagkakáganyán.
Ang susón-susóng dilím sa glorieta, ay tila tátalunin na ng
umaga at matútuluyang sikatan ng araw .... . . ..
Ang mga pakiramdám ni Talia , ang matá ng mapagmahál
na kaputol ng pusod, ang siyang unang nakápansín sa nabá
bagong anyo at kilos ni Meni. Hangá noón, sa pagsasama
nilang magkapatid , na kundi man sa fisáng baníg na ay sa
fisáng bahay din, ay wala pang nababawas ni lumálamíg na
pagmamahalan. Ang ipinangako ni Talia , na dî paglayô , dî pag
papabayà at dî pagmamaliw sa dating kaloobang-kapatid ,
kapatid sa ligaya at sa hirap, sukdáng siya'y may-asawa na, ay
hindi nagkákabulà ; mahanga'y nag-úulol pa sa ganáng kanyá,
at bagamán kahi't anóng sabihin, ang kasarapán ng kanyáng
BANAAG AT SIKAT 203

loób ay sukat nang magkáhatì sa asawa at sa kapatíd ; dátapwâ


si Meni ay walâ pang masasabing pagkukulang ni Talia sa gayóng
mga pangakò .
Sila'y kapwà babayi , at higít sa isa pang kapatid na lalaki
at maging sa asawa nitóng hipag nilá, at maging sa tunay mang
amá, si Talia ay siyáng sukat makádamá agád-agád é makápuná
ng anománg nababago sa lagáy ng kanyáng bunsô.
Hindi pa silá kasál ni Yoyong, sa pagbibigay ng mga damít
na marumí sa labandera, ay may dalawá na ó ilang buwáng nakaka
pansín si Talia ng pagkawalâ ó dî pagkákita sa ilang kaugaliang
damit ni Meni na pinalálabhán . Nguni't ang pagkápansíng
ito'y hindî nápanibulos hangáng matatap baga ang kung totoó
ngâng walâ at kung ano ang kabagayán . Palibhasa'y hindî
siyá, kundî si Meni ang nakikialam sa pagbibigáy , paglilistá at
pagtangap sa babaying naglálabá ng mga tinurang damít ; kayâ
sakali mang sumaisip niyá ang magtanóng ng kun tunay ngâng
wala at kung bakit, si Meni ay dî sásalang sásagót ng ..
"walâng anomán. "
Lumálakad ang araw, ang lingó , ang buwan ay hindî na
iyón lamang ang napapansín ni Talia . At si Yoyong man,
isáng gabing makahapon na siláng sabay-sabay ng magkakapatid
niná Meni , walâ si Don Ramón, ay nakápamungkahì na rin
kay Talia , sa pag-uusap niláng dalawa lamang sa tabíng bintanà
ng hingil sa gayong pag-iibáng anyô at kilos ng hipag.
-Masamâ rin ngâ ang pakiramdám ko -anyá.
-Sa akala mo kaya'y totoó ? -ang mapilí at malungkót
na tanong namán ni Talia sa asawa .
-Sásala ang sandók sa palayók, nguni't hindî ang aking
sapantahà ! --ani Madlâng-layon .
Si Talia ay parang dinára ganán ng bundók sa pagkakáupô .
Tumanaw ng panakaw sa dakong kuwarto ni Meni, at ito'y
hinanap ng matá , pagka't bagong kapápasok pa lamang. Anino
lamang sa may pinto ang kanyáng námamataan .
-At sa akala mo nama'y sino ? -ang sa gayo'y nasabi.
-Akó ang tinanóng mo !-ang iwas ni Yoyong . -Ikaw ang
oras-oras ay kasama-sama , ikaw ang kasiping-siping maghapon ,
at ikaw ang nakakakita ng lahát niyáng kilos at gawâ ...
dapat mong malaman kun sino sa mga pumápanhík dito ang
kanyáng kinániniigán.
Sa katotohana'y si Talia ngâ namán ang unang nakapansín ,
ang unang nagkahinalà. Si Yoyong ay hindi noón lamang
nakakaramdam ng nangyayari sa hipag . Matagal na ; hindî
pa silá kasál ni Talia , at alám pa niyá kun sino ang sukat
204 LOPE K. SANTOS

pagkágayunán . Siya'y lalaki rin , at magulang na . Ang mğa


kilos ni Meni at ang mga kilos man ng kaírugang tunay ni Meni ,
sa kanya'y dî sukat mápalihim ng gaano . Si Delfín ay isang
binatàng hayág din naman at kilala sa mga pulong-pulong at
lugál na karaniwang daluhán ng mga abogado. Ang peryodista
Delfín at ang abogado Honorio Madlâng-layon , hindî ngâ lamang
tahás na magkaibigan, dapwà'y madalás na magkáabutan din
ng kamay at magkábatlán ng matalik. Sa ilang mga pagpu
pulong tungkol sa mga sari-saring palaisipán , panukalà at kapi
sanang itinátatág sa Maynilà , siláng dalawa'y hindî míminsáng
nagkakaságutan pa sa pagpapasyá , nagkakáayon ó nagkaká
salungat pa pag nagkátaón . At tungkol sa pagnanais ni Delfín
kay Meni, si Yoyong ay hindi musmós ni pakíng . Kun dî man
niyá tarók ang lalòng kaibuturan ng mga nangyayari sa dalawá ,
nguni'y talós na ang pagkakaibigan. Doón sa batis ng Antipulo ,
ay hindi magkakágayón ang kanyang pamamagitnâ sa pagtatalo
niná Don Ramón at ni Delfín , kundî noón pa'y mayroón na siyáng
nálalaman . Di kayâ lalong magdagdag ang kanyang pagkatalós
nang manga tawán na't mapabuti sa bahay niná Talia , hangán
sa mápakasál ? Makáilán niyáng binirò-birò si Meni sa ngalang
Delfín, at makáilán namáng si Meni ay sumagót-sagót ng mga
paimbabaw na pagtutol at pasapyaw na pagkakailâ !
Gayón man ang mga natátalastás ni Yoyong, siya'y hindî
nakaisip kahi't kailan ng kusàng pagsasabi sa asawa ng lahát na
náraramdamán . Nakikibagay sivá kay Talia . Talós din ngâ
nitó ang pag-ibig ni Meni kay Delfín ; nguni't ang palagay ay
isáng pag-ibig na walang pangyayarihan at hindi namán ka
pangá-pangambá ayon sa pag-aváw ng kanilang amá , at sa
pag-iingat namá't takot ni Meni na málaman ni Don Ramóng
siya'y nililigawan pa ng binatàng nákagalít sa Batis .
Yaón ang lagay ng pagkatatap nilang mag-asawa sa pagsi
sintahan ni Meni at ni Delfín, kayâ gayón pa ang hawig ng
kanilang pag-uusap nitóng gabing sinásaysay natin .
-Sa nagsisipanhík dito -ang winikà ni Talia -ay walâ
mandín akong masasabi. Ni iyóng si Pepíng, ni si Bautista ,
ni si Dr. Limpoko na siyáng mga nagpápaparitó, ay hindi ko
nákikitaan kahl't minsan ng mga kilos bagáng sukat kong máika
paghinagap ng sinasabi mo. Si Pepíng ngâ lamang ang sa di
naros-daros , ay madalás makabitíw sa tulos kung magsalitâ :
kung minsan divá'y tila totoóng-totoo nang sila'y nagkakaibigan ;
dátapwâ't hindi namán : ginagawâ lamang siyáng larûán ni
Meni.
-Nálaman mo ba ! -ang pakli ni Yoyong .
-Talagang hindî nğâ !
BANAAG AT SIKAT 205

-At walâ na bang ibáng lumíligaw sa kanya?


Sandaling nag-isip-isip si Talia ; nguni't ang pag-isip na ito'y
pasumalá na lamang . Sa gunitâ niya'y hindî humihiwalay ang
ngalan ni Delfín na siyáng lubos na pinagsásapantahàan ng gayóng
hiwagà. Dátapwâ't aywán kung bakit sa harap ng asawa
ay nagpúpumilit siyáng lumimot. sa gayong pangalan .
Hindi ibig mábangít si Delfín . Diwa'y ipinagmamaka
hiyâng malaman ni Yoyong, na paano't paano ma'y ibáng
tao rin, ang maging si Delfín ang maysala , si Delfíng hindi pumá
panhík ni napagkikitang sumama man lamang sa mga pagpapas
yál nilang magkapatid .
Anopa't maging si Talia at magíng si Yoyong, ay parang
nagtiyáp sa pagwawalâng bahalà at kusàng dî pagtukoy kay
Delfín. Dátapwâ't, sa wakás, ay napilitan din ang babayi na
papulasín sa dibdib ang ngalang itong ikináhihirín niyá kung
bakin.
-Mayroón pa :-ang nasabi -si . Delfín . !
-Eh, diyán ba , anó ang kutób ng loob mo?
Si Talia ay hindî makasagót. Anaki'y nábibinlaukan sa
lalamunan ng isang buhól ng hinagpís . Noo'y poót na kay
Delfín ang sa kanya'y umáali . Ang náipangakò kay Meni ,
nang gabing siya'y ikasál at ito'y nag-iiivák sa loob ng páligùán ,
na siya ang bahalà sa galit at higpit ng kanilang amá, sakaling
mátulóy man ang pagpa sa Hapón, ay pinagsisihan sa sariling
budhî. Náipangakò ang gayón sa awà na lamang at bugsô
ng pagmamahal sa kapatid. Kung may nálalaman na noón
pa , disin ay natiís niyá ang umiyak-iyák man si Meni , at maha
ngà'y lalò pa sanang minura at pinag-wikàan.
Sa gayong dî pagtugón , ay nahalatâ ni Yoyong ang pagsisikíp
ng dibdib ng kanyang asawa. Náhipò sa kamay na nanglálamíg.
Ang mga mata'y namúmungay ng malungkót at paluhâ .
Alám niyang pag gayón na ang nangyayari kay Talia , ang
sama ng loob ay totoo nang masidhî . Malapít-lapít nang manigás
at maghimatay . Kaya karaka-raka'y pinayapà at ang salita'y
ibinaling sa ibáng hingíl .
-Tignán mo :-anyá- walâng magaling, yamang hindi pa
namán natin masabi kun totoó ngâ , kundi ang pakiramdamáng
mabuti at kausapin muna si Meni . Lihimin mo siyá at ...
-Oh !-ang náiputol ni Taliang ang tinig ay nangángatál
papatayin ko siyá pag nagkátaón ! ipapápatáy ko siyá sa tatay !
--Huwag namán ! -ang sawáy na pabirô na ni Yoyong
Sisiw ba lamang iyón na mapípisíl sa liíg?
206 LOPE Ꮶ . SANTOS

---Eh anó , gaano na siya?


-Huwág, ... kung magkátotoó man, di siyang salamat,
náuna pa silá sa atin . ...
-Magpahinga ka ngâ, Yoyong ! ¿ há?
-Eh anó? ayaw ka ba nitóng magkákapamangkin ka ng
mánunulat at magkákaapó namán ang tatay sa anák na babayi ?
Ang mga biròng ito ay hindi nakasapà sa pagkagalit at
dalamhati ng asawa . Mahangà, ito ay bigla pang napatindíg , at
umakmâ nang pápasukin sa kuwarto si Meni .
-Hintay ka !-ang pigil ni Yoyong na hinawakan siyá sa
kamáy huwag ngayón : sa mga oras na tahimik at kayo'y nag
íisá lamang, sakâ mo sivá kausapin . At ...... huwag mo agád
kagalitan
-At anó? katwâán ko ba?
-Hindi naman sa katwâán: ang pagpanuntán mo na lamang
ay naging dalaga ka rin.
-Sa akin ay hindi nangyari ang ganyán!
-Ohú! mangyari ay pinatawad na lamang kitá .... tila
kung ikaw ay aking inantíg na mabuti noón , ay .....
-Ay anó? anó ang sasabihin mo?
Tawa nang malakás ang isinagót ni Yoyong. Talagá niyáng
dinádalá sa gayon ang sálitâan , upang ang sama ng loob ng
asawa ay mapalubay at malibáng. Si Talia ay naglubág-lubág
din. Muling nupô at nakinig sa mga turò ng asawa . At nagkáisá
siláng sa gabí ring iyón , paghigâ ni Meni , ay sakâ kákausapin , at
si Yoyong, sa anó't anománg matátantô ni Talia sa pag-uusisà ,
ay siya namáng kákausap kay Delfín .

Nguni't ano pang paghigâ!


Lumabas lamang si Yoyong at napatungo sa kanyáng
sulatán at basahán, si Taliang inaáasahang payapà na at
pumasok pa sa kuwarto niláng mag-asawa , ay nakasalisí na ring
naglagós sa kapanig na kuwarto ng kapatid .
Dinatnan itong nanúnungaw sa may gadangkál na puwáng
ng bintanà, patayong nakakatang ang tiyán sa palábabahán at
kapit ang kanang kamay sa dakóng itaas ng pinakatukod ó
patindíg sa gitna ng bintanà ; ang ulo'y walang kakilos-kilos ,
anyông nakatungó at patanáw sa mga balag ng halamanán .
Nilapitan ni Talia ng dahan-dahan . Sinubukan pa warì
kung ano ang tinátanáw sa lupà , sa gayong pag-aagaw ng dilím
at liwanag ng buwáng inúulap. Sa loob ng kuwarto ay may ilaw
BANAAG AT SIKAT 207

namán ; nguni't sa hálamaná'y walâ. Sa pagdunghál ni Taliang


dahan-dahan sa likod na walâng kamalay-malay si Meni, ay
násangî niya ang mangás ng barò nitó, at sa biglang lingón ay
nápagulat, salamat at hindi nagkáuntugan.
-Akó !-ang pagkuwa'y ipinatay ni Talia sa gulat ng kapatid .
Isáng akong makapangyarihan ; isáng pananalitâng walâng
kasamang ngiti.
-Ang isip ko'y kun sino ! --ang náwikà ni Meni nang alangáng
mápangitî at alangáng pangunután ng noó ; nguni't ang dibdib
ay tinutóp sa lakás ng mga sikdó.
-Anó ang tinitignan mo riyán?
-Walâ ; nagpaparaán lamang ako ng oras bago matulog,
sapagka't pagkakain nati'y mabigát na ang aking katawán
ako'y ináantók-antók na .
Mabigat ang katawán! Nagiging antukin !. Mğa
sagót pa itong walâ sa loób ni Meni , ay nakapagpápa tabâ sa mğa
sapantaha ng kapatid.
--At anó ang sakít mo? anó't ibig mong matulog agád?
ang may pagkamainit nang tanong ni Talia .
Ang tinatanong ay hindî nakaimík na sandalî. Nabaguhan
siyá sa hawig ng mga pangungusap na náriníg. Si Talia ay
bihirang-bihirang magpakita ng gayóng kunót at madilím na
mukhâ. Bákin? May násubukan kayâ sa kanyang pagkaká
sungaw noón ?. Sa paghahapunan , sila'y masayang masayá
pa . Anó't makailang sandali lamang ay gayón na ang mga
pangungusap sa kanya?
Samantala ay halos sinúsukat ni Talia sa tingin ang mulâng
ulo hangáng paá ng kapatid . Ang matá niya'y nábalatóng sa
tapát ng bagay na hinihinalà . Pagkakuwa'y sa dibdib .
sa mukhâ ... Oh ! kailan man niyáng nákitang ibáng-ibá at
bagong-bago na sa rati si Meni , ay dî paris niyaón ! Nakitulong
sa katotohanan ang mga sulsól ng guní-guní. Anopá't kun sa
masíd niyá noón ang kasalanan ni Meni ay gágadangkál, ito'y
pinahahabà pa't pinalúlubhâ ng dugô niyáng sumúsubó sa galit
at sa pighatî.
Si Meni , sa ganáng kanyá, ay mistulang nanglíliít, anaki'y
natútunaw na asín sa pagkákatayô. Maanong ang mata'y
náitunghay pa sa mukha ng kapatid, pagkáramdám na ang di
karaniwang mga pagsasalitang yaón ni Talia , ay hindi na sanhi
sa iba pa , kundi sa dalá niyáng .... kasalanan . Nagpatuloy
ng di pag-imík ni ga-putók. Ipinaubayà sa kapatid na matandâ
ang lahat ng ibig sabihin at gawin sa kanyá. Sa pagkakátungó
208 LOPE Ꮶ . SANTOS

ng ulo , anaki'y nagsasabi na ng : "Kapatid ko , ako'y patawa


rin mo , ako'y payag na, patayin mo man ngayón !"
-Divatà, Meni ! -ang tanging náwikà ni Talia , at yaóng
gahasa ng kanyang galit ay nápauwî na lamang sa iyák na parang
batà, sabay-yapós sa kapatid na sana'y kagagalitan , dapwà't
kung bakit parang náhibasbasán ang kanyáng loób at tinalo
ng pagkahabag.
Si Meni ay hindi man makapagpakunwâ ng isang kamang
hâán sa gayón . Hindi na niyá máipasumalá ang tanong na
"anó ang ipinagkakáganyán mo, Talia?," sapagka't ang kanyang
ipaglilihim ay masasabing nádadamá na ng pagpapasumalahán .
—Talia , totoó ka bang dáramay sa akin ? -ang sa gayo'y
táhasan nang náwikà, sa boông kababaan ng pangungusap .
-Bákit ka nagkáganyán ! —ani Taliang sa bugsô ng dalam
hati ay di nakasagót ng túwiran .
-Wala akong inaasahang maáawà sa akin , kundî ikáw !
-Totoo na nga ba ? totoóng-totoó ngâ ba !....
Tanóng itó ni Talia , na sa pagkakayupyóp ng ulo sa balikat
ni Meni, ay paagaw na sinabi sa pagsisikíp ng hiningá .
Ang gayóng ánasan , hikbîan at sálitâang mapalakás-mápa
hinà , ay dili ang dî umalingasngás ng abót sa kinálalagyan ni
Yoyong. Naramdaman nitong nag- uusap na't nagsisinghalan
ang dalawá sa loób. Dahan-dahang lumapit hangán sa may
pintuan ng kuwarto, at mulâ roón, pagkatanáw sa kabi-kábilâ
na walâng sínománg taong-bahay na makakápansín sa anyô
niyang nanúnubok, ay pinanaingahang mabuti ang mga salitâ
at galaw ng magkapatid .
Ang dalawa nama'y nagsiluklók pa kapwà sa kama ni
Meni, sa pagyayà nitó upang magkapahayagan nang totoo at niíg,
tungkol sa sanhi ng kanilang mga dalamhati . Hindi pasing
halan ang sálitâan , kundî ámukîán sa pagsasabi ng totoo at sa
pangangako ng lubós na pagtulong. Anopá't ni dî nakuha ni
Meni ang tumatwâ, ni dî nakuha ni Talia ang magalit .
Ilang sandaling tinig ni Meni ang umaalingasngás na bana
yad at payugtô-yugtô , nguni't ang mga salita'y hindi sukat
umabot sa taynga ng nanúnubok. Walâng anó-anó'y pumá
patlang ang tinig naman ni Talia , na ang higing ay mapilí sa
pagtatanong, nguni't bahagyâ na ring máulinig ng nasa likod
ng pintô. May mga sandaling si Talia ay di makatiís na dî mag
pahalata ng kanyang pagkakapatid na matandâ, kapatid na
nakapagpaparusa rin, at makapags úsumbóng agad-agad sa
kanilang amá, kung ibig. Nguni't sa mga kahapis-hapis na
pahayag ni Meni , na yamang nagkágayón na'y áarìin niyáng
BANAAG AT SIKAT 209

kaaliwan ang siya'y kásakdalang patayín , ang kapatid na ma


tandâ ay nababagbág at mulî't muling nakayag ng isang pagka
awà.
At sa katunaya'y ¿ anó pa ngâ ang mangyayari ? Si Talia
baga kayâ ay hindi na mátututong kumalapâ sa sarili , siyá
namán ay nagdaán din sa hinà ng loob ng pagkadalaga , pag
náhaharap na sa mga anyaya ng pag-ibig?...
Nálaman niyang lahát noón ang sapúl sa mula-mulâ pa ng
pagkahulog ni Meni sa kamáy ng kapahamakán . Napagtibay
niyá kun sino : si Delfín ngâ ! ... Napagtalós ding, noóng si
Meni'y hanapin at mákita sa páligùán, ay hindi dahil lamang
sa pag-aasawa ng minámahál na kapatid kayâ umíiyák , kundî
dahil din namán sa nágugunitâng kasaliwâán ng palad na sa
kanya'y nababalà na . Ang kapatid ay náraos nang mahusayán
at malwalhatì , nguni't siyá, ¡ anóng dilím, anóng paít ng palad
ng kanyang inaasahan ! ... Noón pa sana'y magsasabi na ng
totoo kay Talia ; nguni't tapang ng loob ang sa kanya'y nagkulang.
-Meni , Meni !-ang pagkatapos ng matagal nang ánasan ,
ay náibuntong hiningá ng kapatid -Papaano ka niyán sa tatay ?....
Pápatayín ka , kulang ka pang patayín , Panginoón kong Diyós ! ....
.!
-Ngayon ako'y nagsisisi , kung bakit hindî pa agád naká
pag-asawa, at nang nakaalís na rito sa bahay na itó!
-Talia ! anó namá't ganyán na ang sabi mo ? -ani Meni .
-Hindî na sana akó másisisi ng tatay. Akó ay pápatayín
din niyón , sapagka't wíwikàing ikaw ay aking pinabayâ-bayàan ....
-Sásarilinin ko ang lahát ng kasalanan at parusa!
-Hindi maáarì iyán sa tatay!
-Kun gayón palá, ako'y talagang hindi mo mararamayan!
Itó na lamang ang sinabi ni Meni, at luhà na , panangis nang
kundi infimpít ay marahil sukat igibík ng boông taong-bahay.
Náramdaman ni Talia ang hinanakit ng kapatid. Nguni't
papaano namán : hindî gayóng kabigát na sala ang ipinangakò
niyang pakikiramayan.
-Wala kang katwirang maghinanakit sa akin !-anyá—
Hindi gágaanong kahihiyán , hindi sásandaling bagabag ang
ipinasok mo rito sa ating bahay. Niwalán mo niyán ng ulo ang
ating magulang at kamíng iyong mga kapatid ..
Malaong si Talia ay parang nagsasalita sa walâ. Daloy ng
luhà, hikbî, pagsisikíp ng hiningá , kung bagamán, ang tangi
niyáng kasagutan .
14-47064
210 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Papaano ang ibig mong gawin ko pa ?-ang ipinagpatuloy


sa gayong anyô ng pinangúnğusapan .
-Walâ na akóng mahíhingî pa sa iyó , kapatid ko ! Ni
hindi kitá pinaghihinanaktán -ang mapakumbabâng itinugón
ni Meni . Náiisip ko na ngâ ngayong ako'y karapat- dapat ninyong
patayin ! Nguni, ¡ bákit ko pa áantaying kayó ang puma
tây sa akin . .. ?
-At anó ? -ang pamangang sambót ng isá.
.! Huwag ka nang magsisi , Talia , sa dî
mo pagkakapag-asawa agád at pagkáalís dito . Upáng huwág
kang maparamay sa pakikisama at pagpaparusa sa akin, ... hamo't
ako'y .... hindî mo na .... . mágigisnán dito bukas.
Saka niyakap at hinagkán ng isáng mariíng halík si Talia,
na ang pisngi nito'y halos naglawà sa luhà.
-Patawarin mo akó, Talia !-ang winikà nang kalunos -lunos
-Parahin nang ako'y náparusahan mo ng ganáng iyó .... !
-Meni ! ...... ¿anó't ......?
-Oh, kapatid ko , huwág ka nang mag-alaala sa akin ! ... .
Yamang ito'y isang bagay na aking inibig, anománg sakláp ng
buhay ay akin nang títiisín . Matulog ka na ; tumahimik ka na ,
Talia . Kung bukas ako'y hindi na ninyó mágisnán .
-Magtigil ka !.
at ako'y háhanapin ng tatay, ay makihanap ka na rin :
kunwa'y hindi mo nálalaman ang aking pag-alís , ni ang dahil ng
aking pag-alís . . . .
At yumupyóp halos na parang sabík na sabík sa kandungan
ni Talia ; samantalang, sa bugsô rin naman ng kapighatian , ay
payungyong nang hinagkán nitó ang buhok ng náyuyupyóp na
kapatid . Sa paít ng kasalanan ay tamis ng pagmamahal-kapatíd
ang namaibabaw!....
-Bákit ka pa áalís , kapatid ko ! -ang náwikà ni Talia .

-At saán ka páparoón?


-Bayaan mo na akó! -ang pahikahós na nabigkás ni Meni.
-Hindî maglúluwát at tayong dalawa'y magkikita rin !
-Mabuti kung ikaw ay pagtapatán at kalingàin ni Delfín .
-Si Delfín ! oh ! .... kung nakikilala mo lamang mabuti
ang kaloob-looban ng pusò ni Delfín, bantâ ko'y hindi mo makú
kuha ang ako'y pakásisihin sa ganitong nangyayari.
-Hindî ngâ ba't alám kong siya'y totoong mabuti? Nguni't
ano ang kahahanganán ngâ namán ng pamumuhay mong lumakí
BANA AG AT SIKAT 211

sa ganitong kalagayan natin , kung magkapalad ng isang paris


niyá na walang inaasahan yatà, kundî tatló ó apat na pûng
piso lamang sangbuwán?
-Ayoko namang talaga sa mayaman : sinabi ko na sa iyó,
Talia.
-Oo nga, nguni't masásabi mo ba ang ikaw ay matítiís
namin kung makita nang sásalát-salát sa kabuhayan ? ....
Sandalîng hindi umimík si Meni , na dî umáalís sa pagkaka
pakándóng ng ulo sa kapatid . Nguni't pagkakuwa'y nagsabi :
-Hulí na , Talia , ang iyong mga pagsisi. Nárapâ na akó
kay Delfín, sa kanyá na rin akó magbábangon ! ...
-At anó ba ang sálitâan ninyo?
-Akó ang pinaíiyahán . Kailán ma't fibigin ko ang aming
pagkáraos sa magaling ay masúsunód . Dapwà't paano ang
pagkáraos namin kung hangá ngayón ay ganyán din ang pag
ayaw ninyó sa kanyáng kahirapan?
-Hindi ko inaayawán siyá pagka't mahirap, kundî ikáw rin
ang aking inaalaala kung nároroón na. At sakâ ..... joh,
ang tatay ! ¡ ang kapatid pa nating lalaki ! ....
-Kayâ hindî na nilá akó mákikita mulâ ngayón .
-Shé ! ....
-Ikaw namán ay magtiís na . Hamo't ikalawang araw
lamang ay isusulat ko na sa iyó kun saán akó nároroón at kung
ano ang lagay ko.
-Maano ka'y. kung ano-anó ang iyóng sinasabi !
ang maamong paklí ni Talia.
-Hamo na , kapatid ko !-ang giít din ni Meni - Sulong na ,
tumahimik ka na at bakâ ikaw ay hinahanap ni Yoyong ....
Sa pagkábangít sa ngalang ito ay naalaala ni Talia ang kan
yang asawa. Iniwan muna si Meni at lumabás sa salas .

Si Yoyong na matyagâng manúnubok, pagkáramdám sa


paglabas ng asawa , ay hagibis nang napatumpá sa kuwarto
niláng tulugán. Kaya't nang parunán ni Talia sa sulatán, ay
walâ na. Nang datnán sa loób ay nakaupo sa kama , pamalay
láy ang dalawang paá , na kunwarì'y híhikáb-hikáb at ayók nang
hihigâ.
Paanás na kinausap ni Talia . Sinabi nitó sa mádalian ang
mga pinagkausapan niláng magkapatid ; sampû ng kalumbáy
lumbáy na pagpapaalam sa kanyá. Sa wakás , ay ipinamanhik
212 LOPE K. SANTOS

kay Yoyong na kung ibig ay pabayaan na siyáng doón matulog


sa kuwarto ng kapatid , upang huwag mangyari ang bantâng
pagtatanan.
Si Yoyong ay walang di sa pagpayag. Nákikita ang luhà
at pighatî ng asawa , at nakakalapâ namán niya ang pagmamahal
ng isang kapatid , sapagka't siyá man ay may kapatid na babayi
at dalaga rin. Sa panunuyò ni Talia ay hindî umalís agád sa
kanyang siping , kundi nang siya'y nakakatulog na ; bago naglagós
ulî sa kuwarto ng kapatid , na dinatnang hindi pa nahíhigâ, nguni't
sa pagkakásandál ng paupô sa salansán ng tatlóng unan sa ulunán
ng kama, ay inabot ng pagkakáidlíp , palungayngáy na ang ulo
at ang mga mata't pisngi'y dî pa natútuyán ng nagkisláp- kisláp
na butil ng luhà sa tamà ng maliwanag na ilaw.
Oh, kay kalunos-lunos na anyô ! Lalong sinidlán ng habág
sa pusò ang kapatid na nagmamalas . Nagtalo ang loob niyá
kung pukawin pa ó huwag na . Dahan-dahang nupô sa gilid ng
kama . Pinagmasdáng matagal ang mukhâng yaóng kapilas ng
langit na nalulungkót, gaya ng pagmamasid ng isang kabyák
ng dibdib sa mukhâng tulog at mapanglaw ng kanyang asawang
hináhabág ó pinagtitigasán ng loob sa isang hamak na páni
bughûan .....
Malaong gayón. Ni si Meni'y hindi nágigising , ni si Talia'y
hindi naman nakakaisip matulog at magbago sa pagkakaupo.
Ang gunam -gunam nitó ay pagód at maytangkâng maglamay sa
pagdili-dili ng mga gayóng kasakunâán ng kapatid . Walâng
anó-anó ay marahang-marahang inilapit ang taynga sa dibdib
at sa tiyán ng nakakatulog, anaki'y may kung anong pinakí
kingán. Inangát na muli ang ulo, at muling pinagmalas ang
kalunos-lunos na pagmumukhâ. Inibig lagdâán ng isang halik sa
pisnğí, ó isáng pupog ng halík sa tiván ; nguni't inalaalang mapu
kaw . Kun doon sa páligùán ay naging makásanglibo ang
kanyang awà at pagmamahal kay Meni, ngayón ay tunay na
walang bilang.
Ang gabí namán noo'y hindi pa kálaliman : katútugtóg
lamang ng relós ng iká sampû't kalahating oras. Ang mag
asawa ni Rogaciano (kapatid na lalaki) , na totoong mawilihín
sa larông dominó at sungki ay bábago pang nagpapahingaláy
sa lamesang kinákanan sa labás, at marahil bábahagyâ pa noong
náiidlíp sa kanilang kuwartong na sa dakong labás din . Si Don
Ramón naman ay walâ pa . Ang palálibót na matandâ ay may
nákayayàán sa dúlàan, sapagka't noo'y sábado, kátaóng may
palabas na magandá sa Zorrilla . Si Meni at sina Talia, hapon
pa'y tinanong na ng matandâ kung ibig magsipasok, nguni't
si Meni ang una-unang ayaw.
BANAAG AT SIKAT 213

Si Talia ay inabot pa sa gayóng anyô at pagbubulay-bulay


ng pagpanhík ni D. Ramón . At nang huwag na siláng magka
patíd másilip pa roón , ay inilapat ang pintô ng kuwarto , at
ang kulambo ni Meni'y hinilang pakubli sa may paanán ng
kama, dakong pintuan .
Pagód na guní-guní, bigát ng katawan at pamumugtô ng mga
matá, ang kay Meni ay parang nag-áalo sa pasandál na pagká
tulóg. Isá man sa mga kilos ng naglalamay na kapatid ay hindî
námalayan ni ikinapukaw. Inakmâán ni Talia sa pagkakálu
ngayngáy, upang di mangawit ang liíg, na angating marahan ang
ulo at ibaba sa unan. Dapwà't nápaudlót din sa pangingilag
na mágising pa , at kung mágisíng ay máungkát na naman ang
sálitâan nilang mapaít.
Ang nangyari ay nagtika na si Taliang bayàan sa gayong
lagay ang kapatid . Minabuti ang siya'y huwag nang matulog
ng túluyan sa boông magdamág, kundi ang humilig na lamang sa
isáng peresosang nasa sa pinakalágusan sa tabíng bintanà ng
kuwartong yaón , kublí kay Meni. Inilapat munang dahan
dahan ang dating maypuwang na bintanà, bago pagkahagis ng
iláng tingin sa ilaw na ibig sanang patayín na , nguni't dî nátulóy,
ay humilig na ngâ sa peresosa at doo'y nakipagtuksuhan sa antók.
Matalo siya't manalo sa gayóng tuksuhan ; nguni't sa tuwî
nang mámumulat, ay sinísilip ang kapatid na kaawà-awà. Ha
ngád niyá sa gayón na másubukan kung ano ang gagawin ni
Meni pagkagising at bago umumaga , at handâ namang pipigilin,
kagagalitan ó áamùin at pangángakuan ng boông pagtulong,
sakaling tútulóy ngâ sa pag-alís .
Nang kalaliman nang totoo ng gabi, si Talia ay hindî nápa
idlíp lamang, kundî talagáng nápahimbing na . Ang mga matá
niya'y hindi nagíng saksí ng pagkagising ni Meni at ng malaong
pagpapalingap-lingap sa magkabilang panig ng kuwarto : gaya
ng isang bagong nagkákadiwà na púpungas-pungas at háhanap
hanap sa anino ng isang kinatatakutan . Hindî niyá rin nákita
ang makailang pag-ilíng na mag-isá ng kapatid, ang pagpahid ng
sariling luhà, ang pagbulóng na parang nakikipag-usap sa kanyá
ring kálulwá, ang pagtindíg at malaong pagkátigagal, ang pag
bubukás ng mga aparador at iba pang lalagyan ng mga damít
at alahas Anopa't nagawâ ni Meni ang lahát na yaón at
nakayari ng isáng kaigihan niyáng dalhing balutan ng damit at
isáng kahwela ng alahas , na si Talia ay walâng kamalay-malay
at hindi namán nápapansín man lamang ng kapatid na nágising
at nagbábalót.
Tumugtog noón ang relós ng ikalawang oras ng gabi, tugtóg
na nakapagpasamâ sa loób ni Meni, sapagka't ang kahulugán
214 LOPE K. SANTOS

sa kanya niyon ay matagál pa ang madaling-araw. Napilitang


magpaumat-umat pa muna sa loob ng kuwarto . Sinikangan
ang mga matá ng pagtitiís upáng huwag na muli pang makatulog.
Sa kinaroroonán ng himbing na bantáy , ay hindi namán
niyá náiisipan ang lumapit. Walâ siyáng kakutób-kutób. Na
alaala at hinanap, dilì ang hindî, ang kapatid na kanğí-kangina
lamang ay kaú - kaulóng at kalásapan sa sakláp ng luhà .
Nguni't sinapantahàng si Talia ay dî na nakalayo sa siping ng
bayaw, kayâ dî na nagbalík. Nabaklá ang kanyang puso ng isá
pang damdamin . Dahil ba lamang kaya sa asawa , siya'y pi
nabábayaan nang tumanan ni Talia ?. Sa isáng dako ,
ay di siyáng salamat . Ang pag-alís ay wala nang malaking
gambalàng áalalahanin.
Nupông muli sa gilid ng kama . Dalawa pang oras ang
kanyang ipag-áantáy upang ang paglakad ng isang babayi sa mga
lansangan ay di lubhang maging púnahin. Sa ikaapat na oras
ng madaling-araw ay máarì nang lumabás sa daan nang walâng
gaanong panganib. Araw pa naman ng lingó. Noo'y ikatló
nang umaga ng misa de gallo sa mga simbahan . Sa Sta . Cruz
ang pagsimba sa mga misang ganitó, ay totoong pangatawanan
at masigla sa mga kabinatàa't kadalagahan. Kung manaog
man si Meni at may makápuná, gayón din sa pagbubukás ng
pintô, ay madadahilán na niya ang pagsisimbá. Nguni't ¿ mag
isá? Hindi kailangan : hindî man niyá kaugalian ang manaog at
maglakad sa mga gayóng oras , dátapwâ'y bahalà na sa paraán.
Kun ang sínománg alilà sa lupà, gaya ng kotsero at sota ang
makakakita sa kanyá , na dî sásalang gising na't nangagpapakain
ng kabayo , ay mapagsasabihang kasama niyá si Talia : na sa itaás
at súsunód na , may ginagawâ pa lamang. Ang totoong kaila
nğan ay makalabás lamang sa pintông malakí. Si Don Ramón
ay di sukat makáramdám sa gayón . Ang kanyáng kuwarto
ay nálilingíd sa isang dulo ng salas , at sa salas ay walâng kailaw
ilaw ; tangì sa dî sásalang himbing na himbíng sa puyat.
Ang lahat na ito'y sumapaghahakà-hakà ni Meni . Gugól
na gugól ang kanyáng gunitâ, paris ng sa isang punòng-hukbó ,
na naghahanap sa isip at nagkúkurò-kurò sa kinálalagyán , upang
matantô kun saán magaling lusután ang mga kutà ng kaaway.
Ang madlâng tudlâ ó hadláng ng panganib , ay pawà niyáng
inakalang hamak, hindi tátaláb sa kanyá ni makapipigil sa
tikang pag-alís .
Dapwa't saán patútungo ? May sálitâan na ba kayâ silá ni
6.
Delfíng ito'y mag-áantáy sa labás ?.
Kun sa madaling-araw na yaón ay walâ. Noong hapon pa
ay nakita si Delfín na nagdaán sa tapát ng bahay. Maluwág
BANAAG AT SIKAT 215

sanang náipahabol ó nápaha bulan ng isang sulat sa pamamagitan


ng utusáng kotsero , yamang si Felipeng dati ay wala na . Nğu
ni't ang gayon ay hindi ginawâ ni Meni. Ang ngalang magtanan,
ay makáilán na niláng pagkáyarîán ni Delfín na siyáng gága
wín ; nguni't kun sakali lamang na wala nang totoong maga
wâng paraang ikapagtátamó sa mabuting landás ng pagpayag ni
Don Ramón . Anopá't ang ikinapangatawán na lamang niyá
sa gabing yaón , ay ang pagkakáhalatâan nilang magkapatid .
Nang una, ay hinahángád pa sana ang pagdamay at pamamagi
tan ni Talia . Nang makitang tila walâ ring mangyayari, at sakâ
gayóng warì na ngâ siya'y pinabábayàan , sa kanyang puso'y wa
lâng nálabí kundî isáng adhikâ na lamang : ang pangatawanán na
ang pagtatanan, ang huwag na siyáng paabot sa umaga , at sa
bahay ng isang kaibigang dalaga rin sa Kiyapò magtuloy. Ang da
lagang ito'y walâng kasama kundî iná at isáng kapatid na muntî.
Mag-iináng marálitâ at nakaáalám ng kanilang pagsisintahan ni
Delfín . Kung nároroón na , anyá, ay sakâ magpasabi rito .
"Oh, si Delfín ay hindî makaáatím na magdaán ang isáng sandalî
man, na dî pumaroón sa akin , pag nálaman !" Ang pag-asa ni
Meni sa ganitó, ay kasinglakí ng pag-asa niyáng sa gabi ay araw
ang sumúsunód , kasingningas ng paniniwalà na may lupà at may
langit, may hirap at may ginhawa sa alinmáng kabuhayan ng
tao . Kung pumaroón na si Delfín , sakâ na gawin ang lalòng
nárarapat na ikápapanibulos nilá sa palad at ikapagsasamang
maligaya hangán sa kamatayan . Sakâ na isipin kun saán lalòng
mabuting magtagò , kung maáarì nang mákasál silá ng walâ mang
pahintulot ng amá, kung kinakailangan ang magpakálayô-layô
na sa Maynilà, upáng máligtás sa bugsô ng kapootán ng kanyáng
amá at sa matatalas na matá namán ng maraming mga kakilala .
Ang damit niyáng dádalhin ay kákauntî ngâ, palibhasa'y hindî
namán maaaring makapagdalá ng balutang malakí ; nguni't
sa alahas ay saganà : taglay halos ang lahát sa loob ng kahwela,
mga alahas na sarili niyá, at ang halaga, kung pagdádanganan ,
ay sukat nang ikabuhay nila ni Delfín sa lalong mahabang pana
hón.
Yaring-yari na sa kanyang gunam-gunam at loób ang mga
dî pa nangyayaring itó . Sukát na sukát na niya ang mga hak
báng at asal na gagawín, pagkatakas sa kapangyarihan ng amá
at mga kapatid. Anopá't walâ na ngâng kailangan kundi ang
dumating na lamang ang inaantay na oras .
Si Meni habang umúumaga ay lalòng naíiníp . Nang tumindíg
sa pagkakáluklók at lumapit sa aparador na anyông may kú
kunin pa, ay napagindá ang matá sa may peresosang nákukublí.
15
216 LOPE Ꮶ . SANTOS

Tac ! ... Si Talia .... Si Talia na pagkaraka'y lumapit kay


Mening natitilihan.
Sa pagka-gulumihanan ay biglâng nágunitâ ni Meni ang di
sásalang nasubukang lahat ang kanyang mga ginawâ ; at sa pag
kabiglâ namán ng gising ay nagunitâ ni Taliang tinótotoo na
nga yata ng kanyang kapatid ang pag-alís . Oh, tumanan si
Meni nang talós niyá rin lamang ....!
-Anó ka ? ano ang ginagawa mo ?- ang tanong ng bagong
gising.
-Walâ !-ang kailâng mababaw ni Meni . -Bákit ka nári
riyán ? Si Yoyong?
-Si Yoyong ay natútulog . Ako'y talagang dumito dahil
sa iyó .
-At kung hanapin ka niya?
-Hamo siyang maghanáp !
-Hindi ka ba nálalamang náritó?
-Nálalaman.
-Ha ? at anó? sinabi mo ba . ... ?
-Bago ako ang nakáramdám sa iyó, ay si Yoyong na muna .
Si Meni ay namutlâ . Hindî niyá akalain ang magkágayón.
-Bakâ ikaw ang nagsabi ? -ang nang di makabatá sa
sikdó ng dibdib ay náitanóng.
--Hindi.
-Anó-anó ang nálalaman niya?
-Lahát-lahát.
-Anó ang sabi mo ! ....
--Abá, ayaw kang maniwalà!
Sandali na namáng natigilan si Meni . Hindi takot ang
ináalaala sa pagkaalám ng bayaw, kundî hiyâ. Nguni't maka
sandali ay si Talia ang nagtanóng , pagkápuná sa isang balutang
nátamaan ng matá sa ibabaw ng kama .
-Anóng balutan itó? -anyá, na tinungo at hinawakan.
Tútuloy ka nga ba?
Si Meni ay hindi tumugón ng isang salitâ man. Nguni't sa
kanyang mukha, sa kanyang malamlám na matá at natítimpîng
bibíg, nábasa na ng kapatid ang talaga na ngâng tútulóy .
-Magpahinga ka sana , kung ibig mong huwag na akóng
muling magalit ! -ang saway na paamuki ng matandang kapatid.
Si Talia namán!. Bayaan mo akóng lumakad
ngayón, upang huwag nang abutin pa ng galit ng tatay.
mo kung yao'y magalit. Ibig mo na nga bang ako'y mapatay?..
BANAAG AT SIKAT 217

Hindi pa sana oras ng paglakad , ay nagkáagawán na ang


magkapatid sa balutan. Pinangatawanán ni Meni ang noón
di'y makaalís. At pinangatawanán namán ni Talia ang mapigil .
Nang una, ang pigilán nilá ay walâng íyakan ; dátapwâ't nang
totoo nang masasál ang pagpupumilit ni Meni, hindi lamang
ang mga salitâ ang napapalakás , kundî may náhalò nang luhà,
himutók at pánangisán .
Si Yoyong, sa kabilâng kuwarto , palibhasa'y natutulog man,
maya't maya'y nakikiramdám namán sa magkapatid, ay siyáng
nabulahaw na tangi sa alingawngaw ng gayóng pigilán . Nag
isip na dumaló, nguni't sumilip na lamang sa lágusang pintô , at
mulâ roo'y kanyáng námasdán ang ginagawa ng dalawá . Náwikà
sa sarili ang di siya marapat makialam.
Mámayâng mápasa kamay ni Talia ang balutan, mámayâng
mapasa kay Meni ; minsáng magkátigilán sa pagkakahawak
kapwà, at minsáng magkapáraanán ng salitâ at mabitiwang kusà
ang balutan sa kama , na kayâ pag-agawang muli ay kung akmâ
na namáng búbuhatin ng áalís .
Sa kinágagayón , ang kahwela'y nahulog : kalabóg na nang
lumagpák sa tablá, na palibhasa'y isang sulok ang tumamà at
ang susìán ay mahinà, kaya ang maraming lamáng alahas ay
nanambulat hangán sa ilalim ng kama . Kapwà nawalan ng
loob sa gayong ingay at pagkásabog .
-Kundangan ka namán ! -anáng isá .
-Ikaw ang maykasalanan !-anáng isá pa .
At samantala ang pagsisisiháng itó, ay tulong silá sa pag
pulot ng nangásabog na mahahalagang hiyás . Sa mga natú
tulog sa ibang kuwarto , mabuti namá't walâng iba pang napukaw
ni gumibík sa gayóng alingawngaw.
Tinanong na pilit ni Talia kun saán tútuloy ang kapatid
sa pag-alis na yaón. Si Meni ay ayaw magtapát , kundi sakâ
ng saka na málalaman. Nárcóng magpakita na ng tunay na
galit si Talia ; at nároóng magpakita ng tunay rin namang
pagmamahal.
Sa wakas ay nátiwá-tiwasáy silá sa matibay na pangangako
ni Talia na ito ang bahalà sa kanilang amá, at pati si Yoyong
ay kákatulungin , sampû ni Siano'y dáraanín sa salitâ, upang
ang nangyayari'y maipagtapát na sa magulang at sa ganito'y
tulutan siyang makapag-asawa kay Delfín sa mahusayán at
wala nang ingay- ingay.
-Malayòng mátamó natin iván! -ang paklí ni Meni.
-Hayaan mo't kamí ang bahalà !-ang giít ng isá.
218 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Nakú !. . . . . . si Siano lamang at makaáalám nitó , ay sukat


nang pumatay sa akin!
-Si Yoyong ang sa kanya'y aking papagsasalitâín . Alám
mo na naman ang pagbibigay nila kay Yoyong.
-Halimbawà ko nang mapalubág niyó ang galit ni Siano ,
ang sa tatay ay hindî na , ¡ hindîng hindî na !
-Sinabi ko na sa iyong kamí ang bahalà , kamí ang bahalà !
Gágawa ka ng kasalanan at kahinà ng loób mo !. . . . . .
Bagamán áandáp-andáp pa rin ang pananalig ni Meni sa
mga pangako ng kapatid ; dátapwa'y nakapag-isip ding walâ na
siyáng mamímithî pang pagtingin ni Talia , na siyang namamanhik
pa halos kung pumigil. Ang simbuyó sa pag-alis ng kanyáng
loob ay humigláw na unti-untî. Nagkápisan-pisan ang pag
kukurò sa mangyayari kung makapamag-itan sa amá ang mag
asawa ni Talia at si Siano , at sa kalabuan ng sasapitin , sakaling
mátulóy naman ang pagtatanan , nang hindi pa lubos na katí
yapan si Delfín.

-At kung hindi rin mayag ang tatay na mákasál kamí? —


ang naging katanungan.
-Sakâ mo gawin ang magtanan : katulong mo na akó sa
pag-alis ; at matútuluyang patí na kamí ni Yoyong ay lálayas
dito, pag hindi rin lamang didingin ang pamamanhik namin.
-Kailán niyó pag- uusapan iyán ni Yoyong at ni Siano?
-Bukas din.
-At kailán niyó sásabihin sa tatay?
-Bahalà na ; dapwà't pípilìin namin ang oras na ang tatay
ay masaya, walang kagalit-galit at tayo-tayo lamang dito sa
bahay .

Náuwi rin sa paghinuhod si Meni. Sa masigabóng udyók


ng galak at kagiliwan sa kapatid , ay gagahaman halos na ito'y
kanyang niyakap ng boông higpít, at anyá'y :
-Oh , kapatid ko, salamat sa iyó! Ngayón ko nákita at
nasubok ang tunay mong pagmamahal sa akin!
At si Talia, sa tuwâ rin namán , nguni't tuwâng may gitî
ng luhà sa matá , ay yumakap din at humalík sa pisnğí, sa noó,
sa buhok ng kahabag-habág na bunsô.
Ni hindi na nakuha niláng dalawa ang matulog pa ; ni hindî
na rin ang magsimbá nang umaga , gaya ng dating ugali kung
lingó , walâ pa mang misa de aguinaldo.
BANA AG AT SIKAT 219

At si Yoyong? Si Yoyong, nang másilip na ang gayóng


pagkakasundo , at pagkáulinig na ang pag-alis ay tunay
nang máuurong, ay muling humigâ sa kanyáng katre, at sa
inisip-isip at ginuní-gunitâ sa harap ng pagmamahalan ng dala
wáng magkaputol ng pusod na yaóng asawa niyá at hipag, ay
nakalimot na namán , nápaidlíp na mulî ; kayâ lamang nágising
ay nang mádampî sa kanyang pisngi ang malamíg na labì ni
Talia, kasunod ang pisíl sa kanyang ilóng ng mga daliring nan
lálamíg din.
Noón namán ang araw ay namímiták na .
St

XIV

Pagkatao ni Delfin

হ্যাতে

Nakaupô: nagsúsulát : tungóng-tungó sa kanyang sulatán .


Minsáng mapabulóng : ang bulong ay sinasabayan sa bawa't
bigkás ng bilang sa mga daliri : walâng anó-anó'y nápapatingalâ :
walâng ano-ano'y napapapakò ang mga matá sa isang larawang
sakdál dikít na kaharap-haráp : larawan ni Meni : sadyâng
tunghayan sa pagsulat : paraluman sa lalong maririkít na
túlâin ....
Nang hapong yaón ay di nakuha ni Delfín ang manaog sa
sariling bahay. Nákahimalingan ang pagtapos ng isang makatás
na tulâ para kay Meni : patungkol sa dinádalá ni Meni ....
Sa kanyang puso'y apaw na apaw na ang magkahalong tuwâ
at lunos : tuwâ sa pag-asám ng panahóng darating na ipagiging
hayag na niyang amá, at lunos sa pagdidili- dili ng, bago duma
tíng ang gayóng panahón , ay marami munang dawag ng dusa
ang kanilang pagdáraanán , lalong-lalò na ng sing- irog .
Balisáng-balisá araw-araw, gabi-gabí. Di anhín na lamang
sa oras-oras ay mákita at mákaulóng si Meni . Nguni't dalá
ng pagkamatimpî ng kanyang ugali at pagkamalihim sa mga
kilos at pananalitâ, sínomán sa mga kasambahay niyá, at sínomán
sa mga kasama sa pásulatán , ay hindi nakakamalay sa lubhâ
na ng mga nangyayari. Walang nakaáalám kundi si Felipe ;
nguni't ang pagkaalám pa nito'y sa damdám lamang ; sapagka't
ni si Meni ni si Delfín, gayón man ang pagtatapatang loób niláng
tatló, ay hindi nakapamungkahing magsabi sa kanya ng hangáng
sa kasulukang yaón ng kanilang palad.
Sa ganang sarili ni Delfín , siya'y handâ sa anománg mang
yayari . Kásakdalang buhay man ay hindi niya kahihinayangang
ibayad sa gayong pagwawagi.
Sapúl ng ito'y ipamalay sa kanyá ni Meni- kailán na lamang:
kasál na si Talia -ay halos walâ na siláng napag-uusapan , maging
BANAAG AT SIKAT 221

sa mga maminsan-minsang pagkakániíg niláng dalawá at maging


sa mga pagsusulatán , kundî ang mga bagay na gagawin sa gayong
lumúlubhâ niláng kalagayan . Ang pagtatanan ay makáilán
nang balakin , nguni't si Meni ang di makapayag-payag. Sa mğa
"saka na " at "bahalà na " ni Meni, ay natútuluyan niyáng ipa
hinuhod ang pusók ng hangád sa pagtatanan . Nákikita niya't
náguguní-guní ang mga kadalamhatìang sukat magharì sa ála
nganing buhay ng isang babaying nasa sa gayóng lagáy. At
yamang di pa mahimok sa maagang pag-ilag sa mga dawag
na yaóng nakabábakod sa kanyá, si Delfín ay nag-alagatâ na
lamang na papagtibayin tuwî-tuwî na ang pusò ni Meni sa pag
titiwala sa kanyá, at sa mga sulat ó sa mga tulang maminsan
minsáng inilála thalà sa Bagong Araw, sa isáng dî bunyág na
pamagát, na si Meni lamang ang nakakakilala , ay nakukuha
niya ang maaliw-alíw at mapatiwá-tiwasay ang singliyág.
Nang hapon ngâng yao'y isang tulâ ang kanyang niyayarì,
tulâng naglalarawan ng lalòng matataós niyáng damdamin , at
tulang kay Meni ay sukat maging gitî pa ng paniniwalang siya'y
hindi nag-íisá sa pagpapasán ng mga pighatî at agam-agam :

Sa lyó :

Lupag hinirağ ko na mápaghasikán


ng binhî ng aki'ğ iság buhay lamağ,
binhîg sa lagay mo ay hindî nasayağ
bagkús gayo'y ati'g tunay nag halaman ;
tignan mo at ako'y
walâ nag iba pag inaasam-asám
kundi ağ máani sa halama'ğ iyán
ağ buga ng ati'g pinagpisa'g buhay.
*

Sampagağ nagtago ng samyô ko't katás


sa ubod mog tikóm na parağ busilak,
ubod na sa aki'y tuwiğ mamúmukad
bağó mo't bağó ko'y humáhalimuyak ,
masdan mo at ako'y
parati ri'g sabík at walâ nağ hağád
kundî makuha ka , ¡ oh , aki'ğ bulaklák !
magíg sa hayagan, magíg sa pagarap .
222 LOPE Ꮶ . SANTOS

Salamíg makinis na pinagkintalán


ng sa aki'ğ mukhâ at pusòg larawan ,
mukhâ't pusòg iyog nagíğ kasumpâa'ğ
hindi mağúğupas sa tiğkád ng kulay;
tantûín mog ako'y
di natatahimik, at di masiyahan
haggáğ nátatagò't di ko nátatağhál
ağ araw ng ati'g pinagpapaguran .
*

Pusog sa puso ko ay buôğ tumağgáp


ng patagog dugtóğ ng buhay kog iğat ,
dugtog na nagtalì sa kanitáğ palad
na dî malálagót ni gayón ni bukas ;
náririto akóğ
sa kulay mo'y handâg magsawli ng tigkád ;
gawin mog tağgula't talaga sa lahát :
sásalo sa iyo sa piggán ng hirap .
*
Ngala'g sa galan ko ay buôğ násanlâ
buôğ narahuyò at nagkátiwalà ,
huwag kag maluğkót, huwág mabahalà
ağ tayga mo'y takpán sa bulóg ng pulà ;
náriritó akóğ
sa iyo'y nagbitiw ng dakilàg sumpâ,
sumpâğ kailán ma'y hindî mawawalâ
at mababaon mo sa tiyán ng lupà.
*
Sa mga sandalig ikaw'y nagtítiís ,
kuğ awitin yaríğ parati kog awit :
"Infibig kitáğ gaya ng pag-ibig
"ng araw sa lupà't ng lupà sa lagit !"
at ağ itapos mo'y :
"Pag napagtiisán ağ durò ng tiník,
"nakagíginhawa't di nakasásakít,"
ağ kahirapan mo'y kagyát mapápahid.
BANAAG AT SIKAT 223

Ilang tugmâ na sana lamang ang kailangan at matátapos


na ang kathang itó , nang sátatawag sa may hagdanan ang isang
tao : ang dating kotsero ni Don Ramón , maydaláng sulat ni
Meni ..
-Ipinahihintay na pô sa akin ang sagót-anáng utusán .
-At saán pô siyá nároroón ? hindî ba kayó nagpasyal nga
yóng hapon ? -ani Delfín , samantalang binúbuksan ang sulat .
-Hindî pô : akó ngâ'y nagtátaká ngayón : nisi señorita Talia
ay hindi nakaisip manaog ; gamót na gamót pô ang lingóng itó .
Sa ganang akin , muntîng buti ng hindî ngâ, hindî na akó mag
lilinis pa ng karwahe bukas .
-Si Don Ramón pô ?
-Hindî pô sa bahay nananghali kangina . Ipinagbilin
na lamang bago nalís na huwág dî dalhin ang tatlong kabayo sa
San Lázaro : tila pô si moro ni señorito Yoyong ay inilaban ngayón .
Nároroón pa ang magbiyanán sa karera at madilím na iyon
kung mangagsiuwî ....
Nagsasalitâ pa ang kotsero , ay binábasa na ni Delfín ang
liham . Ang kotsero ay naka halatâ agád sa pangungunót ng
noó at pagkagulumihanan mandín ng bumábasa , habang naka
tungo sa sulat. Hindi nagkásiya sa pagbasa nang patayo ; pina
luklók muna ang utusán sa isang silya, at siya'y nagbalík na
nupô rin sa sulatán ; nápatukod sa noó ang mga daliri ng kanang
kamáy, patong sa lamesa ang siko : sa pinanúnunguháng sulat ay
mistulang may malubhang bagay ó malaking sakunâng pinag
núnuynóy.
Ang lamán ng liham ay kilalá na nating mga sakunâ ngâ,
nğunì't ngayón pa lamang mába balitâ ni Delfín . Gayarí :

"18 Disyembre, 1904 .


"DELFIN :
"Kung ikaw ay nátatahimik pa, ay mabalisa ka na sa mğa
nangyayari sa akin ngayón, at pag nagkátaón ay itó na ang
mga araw na sinasabi-sabi ko sa iyong aking sasapitin , bilang
kahanganan na ng aking buhay.
"Kagabing magdamag at ngayong maghapon ¡ ay Delfín !
kung natátantô mo lamang ang mga kahihiyán ko at dusang
binábatá ! ... . . .
"Ang kalagayan ko, Delfín , ay nápansín na kagabing maka
kain kami ni Talia , at hindî ni Talia lamang kundî patí ni Yoyong.
Manganí-nğaní akóng pinatay ng kapatid kong itó , dangan na
lamang at ako'y natutong magpakumbabâ sa kanyá nang totoó
nang nagagalit.
224 LOPE K. SANTOS

"Oh, kung akó kaya'y nátulóy kanginang madaling-araw


sa pagtatanan , anó ang gagawin mo ?, at gaano kayâ namán ang
gulóng mangyayari rito sa amin? .... Ay! ang lahat na ito'y
dahilán sa iyó, Delfín ! Pag nagkátaóng ako'y iyóng pina
bayaan sa mga lagáy na itó , sanglibo ko mang buhay ay dî mo
na mákikita , kahi't anino!
"Balót na ang aking mga damít na dádalhín ; talagá ngâ
sanang hindi na akó paáabot sa umaga, nguni't ako'y sinusubu
kan palá namán at binábantayáng magdamag ni Talia , at nang
handâng-handâ na sa pag-alís , ay biglâng napakita sa akin , at
tigás na naming íyakan. Pinigilan akó at siyá na raw bahalà
sa tatay. Kákatulungin daw niya ang bayaw ko , patí ng aking
kapatid na lalaki sa pagmamakaamò sa tatay na ako'y patawarin
na at pahintulutang mábangon sa iyó . Nálalaman na ng mag
asawang ikaw , sapagka't maipagkákaila ko pa ba ? ....
"Si Talia rin ang maypasulat nitó sa akin upang sabihin ko
raw sa iyó, bago nila kausapin si Rogaciano at ang tatay, na
ikáw muna ay mákausap nilang mag-asawa sa bahay ni Yoyong
sa Tundó, bukas , lunes ng hapon . Huwag na hindi ka sana
pumaroón , ¿ ha ? Magpakababà ka na sa kanilá, kung ikaw ay
múmurahin man ng kapatid ko . Uusisàin ka nila at pakikiram
damán kung ano ang nasa sa loob mo . Ikaw ang bahalà !. . . . .
Kapag ako'y di mo nilingón sa ganitong kahihiyán , kung mátu
tuto akong magpakamatay , ay mag-aaral din namang pumatay !
Itaga mo ito sa bató !.
"Hangán dito , Delfín , at lubós na lubós ang aking pag-asa
na makikipagkita ka at makikipag-usap nang mahusay sa kanilá,
kayâ pag-utusan mo naman ng akalàng kaya itóng sintá mong
sa oras-oras ngayo'y lumálasap ng luhà dahil din sa pag-irog
sa iyó.
MENI ."

Ang sulat na ito'y hindi mamakálawáng binasa ng binatà.


Paulit-ulit pa roón sa mga bahaging ang pananalitâ ni Meni ay
tumítimòng parang busog sa kanyang dibdib . Kun dî sa pag
aalaalang gagabihin ang tagahatíd, marahil ay di pa nakuhang
gumawâ noón din ng sagót.
Tinugón ng isang sulat din . Tigíb ng mga pahayag
na nagpapatibay pang lalòng-lalò kay Meni ng kanyáng íisáng
pusong sa anomang mangyari'y nakikiramay , sunud-sunuran
at hindî sukat pag-alap-apán muntî man at kahì't kailán . Ka
tunayang hindî nawawalâ sa gunitâ niyá oras-oras ang bagay
BANAAG A T SIKAT 225

na itó , ipinadaláng kalangkáp ang mga tulâng dî pa natátapos na


inabutan na ng sulat. Ipinangakò rin ang di pagkukulang sa
bahay ni Yoyong sa mga oras na tadhanà.

Kábukasan ngâ ng hapon ay halos panunód lamang nang


dumating ang mag-asawa at si Delfín sa tadhanang bahay sa
Tundó .
Doón, pagkakaulóng nilá, nang una ay nagkamábigatan muna
ng pangungusap, sanhi sa mga karakaraka'y paiwâng pagtata
nóng at pagsagót ni Talia . Walâng sa di pangyayari ng gayón :
ang kapatid ay kapatid . Mákaharap ang isang naglilo sa kaniláng
bahay, kaulungin ang isáng nangahás sa kaputol ng kanyang
pusod, mágunitâ ang kabigatán ng gayóng sala at ang bigát ng
parusang sukat tamuhín ni Meni sa magulang, ang mga bagay
na ito'y nagkátulong-tulong sa budhi ni Talia , kaya hindi na
kuhang magpakalamíg agad-agad sa pagkausap kay Delfín .
Nguni't itó nama'y walang ayók ni hawig na makipag
mábigatan. Ganap na pagpapakumbaba ang tikís na isinaló
sa tanang matitigás na pangungusap ni Talia . Ang mga murang
walang kahihiyán, di nakakakilala ng puri, at ang mga balàng
may araw ding magkikita-kita, magbabayad din ang mga nanukab
sa aming bahay, ay para-parang nilagók ni Delfín nang walâng
kasagal-sagal sa kalooban . Yao'y mga iwàng inaasahan na niyang
talagáng mátatangáp . Nğunì't si Talia , sa harap ng gayóng
kababaang nakikita , ay nagsahangáng doón na lamang namán.
Nilisan na si Yoyong sa mag-isáng pakikipaglinaw sa binatà , at
siya'y lumabas na dalá ng paghuhunos - dilì .
Si Yoyong ay hindî talagang mainit na tao . Nğunì, siyá
ma'y natuturang isang bayaw lamang ng hipag na nápapangan
yayà, yayamang ang asawa na ang nangangatawán, gumamit
din ng isang anyô at mga pangungusap na makapangyariha’t
kaalang-alang, at si Delfín , sa gayón, ay dili ang hindi namán
nakibagay .
Noo'y nalubos ang pagkakilala ni Yoyong sa pagkatao at
pamumuhay ni Delfín . Natalastás niyang ang binatang ito'y
tubò rin sa Maynilà, bugtong na anák ng isang pag-asawaháng
nakaríriwá-riwasâ rin naman sana sa buhay, kundi inabot ng
kaní-kanyáng sakit at kamatayang ikinahughóg ng buû nilang
pamumuhay at ikinapag- isá ni Delfíng sasampung- taunín pa
lamang sa laot ng isang walang pampanging dagat ng pag-aagaw
buhay. Sa lubós na pagkaulila ay bahagya nang nagkaroón
ng isang buhay pang ali , kapatid ng nasiràng iná . Ang aling
itó at dalawa pang anak sa kinabauhan ang kasá-kasama niyá
226 LOPE K. SANTOS

sa bahay. Walâng pag-asa ang mag-iináng ulila, kundi ang


pamangkín , kayâ hindî lamang anák din siyáng ipinalálagáy ,
kundî halos magulang pang pinagkákautangan ng ikinabubuhay.
Ang sinásahod ni Delfín sa pahayagán ay áapat na pûng piso :
makasapát-dili sa mga una niláng kailangan . Ang pag- aaral
ng Derecho ay nagkakaaba-abala tuloy sa kakulangan ng máisa
pát sa mga ukol na bayad sa páaralán at sa pagbili ng mga kaila
ngang pag-aralan . Ang apat na pûng piso sa katamtamang
pamumuhay ng isáng mánunulat , nag-aaral, kaanib-anib at
kasali-sali pa kun sa alín-alíng kapisanan at panukalà, pinaka
magulang pa sa pamamahay, ay lubós na masasabing pulutan
lamang ng mga walâng habas na panahóng itó .
-Náriyán pô -ani Yoyong, pagkapagtapát ni Delfín ng
lahát na karukhâáng itó --ang ikapagiging mapaít niyó kailán
pa man sa amá at mga kapatid ni Meni . Hindî ko na mama
kápupông násusubok ang kanilang pag-uugali . Akó nang yarí,
kun sa bagay ay hindî namán barò't salawál lamang na pumanhik
sa kanila, nğunì, palibhasa'y walâ siláng natátalós na salapî
kong maipapatas sa salapî ni Talia , ang pagpapalagay sa akin ay
maminsan-minsan ding pairíng . Danga't bago pa lamang yatà
kamíng kasál, at sakâ paano't paano ma'y may alang-alang na
silá sa aking título, at kung hindî, kaypalà ay nagkahála tâan
na rin kaming magbibiyanán sa kaunting panahong itó ng
pag-kakásakayan namin sa bangkâ. Si Don Ramón ay
palabitíw ng mga padaplís na salitâ, at sa kadalasang ito'y
napaghahangò ko ang talagang siya'y sa salaping-salapi lamang
tumítingín . Násabi ko ito sa inyó -ang dugtong pa ni Yoyong -at
kayó na ang makapagháhakà ng kun gaanong sakláp ang
kákamandag sa kalooban ni Don Ramón, pagka nálamang
kayó ang may kagagawan ng pagkálugsô ng kaisá-isá na't tangì
niyáng dalagang nalalabí. Hindi pa nálalaman , gaputók man,
ang kalagayan ni Meni ; ngunì , pasásaá't dî málalaman. Kung
magkátaón, aywán ko kung ano ang sa inyong dalawa ni Meni'y
mangyayari. Itó ang dahil ng kinailangan muna namin kayong
mákausap na mabuti. Hangád naming mag-asawa na mata
lastás ang ganang inyong nasa sa loob sa mga bagay na iyán.
..... ang náwikàng ma
--Oh , ginoóng Madlâng-layon ! ....
panglaw ni Delfín-yamang ako'y inyong pinagbuksán ng dibdib
sa pagsasalita ng lahát at lahát, akó nama'y tápatang magsasabi
sa inyó na walâ akó, kundî isá, fisáng loób lamang sa bagay na
iyán : ang ibangon ko ang kapurihán ni Meni sukdáng talím man
ng kamatayan ang ihadláng sa akin . Napasásalamat akó sa
inyong mapayapang pamamagitan sa amin . Huwag kayóng
mahinayang sa pagod na maipaúutang sa katiwasayán namin
BANAAG AT SIKAT 227

ni Meni . Ako'y tunay ngâ't isáng marálitâ, walâ pang matibay


na título sa anománg mataás na dunong ó malaking kayamanan ;
dátapwâ't sabihin niyó kay aling Talia , na ang kanilang kapatid
ay hindi namán mápapalungi nang totoo sa pakikisama sa akin .
-Kun sa kay Talia -saló ng abogado - ay madali ang
bagay na iyán. Ang sinasabi ko sa inyo'y ang kaniláng amá.
Malayò pa sa agwát ng langit at lupà ang siya'y mapahinuhod
natin . Magdáraán kayó kapwà ni Meni sa butas ng karayom .
Oh, si Don Ramón !...
-Sa akala ko ang lumayô kamí sa kanyá ay siyáng magaling.
-Ganyán ngâ ang ináakalà ni Meni ; nguni't pasásaán
kayóng lupalop at dî mátatagpûán din ? At sakâ , anó ? íiwan
pa niyo ang pinagkakakitaang pahayagán?
-Bahalà na pô.
-Isip-batà iyán , ginoóng Delfín ! At si Talia namán , nga
yóng talastas na ang lahát at lahát, ay hindî makaáatím na umalís
pa ang kanyang kapatid . Ipinangakò kay Meni na siya ang
bahalàng magmámakaamò sa kanilang amá . Dapwà't ang ibig
munang matatap ay kung anó ngâ ang inyóng loób-loób : baka
kung mapapayag na si Don Ramón, ay kayóng lalaki ang hindî
mangángatawan . Sa ganitó, marahil mabuti pa'y magpatiwakál
na kayong para- para !
-Sinabi ko na pô sa inyó , ginoóng Madlâng-layon : ang
kálulwá ko't buhay ay taán sa bagay na iyán .
-Kun gayo'y tátawagin ko na si Talia .... Nguni't ....
¡maalaala ko palá ! .... bago natin siyá kaulungín , akó muna'y
may sásabihin sa inyó.
-Anó pô iyón? -ang agád ay usisà ni Delfíng wari'y natú
tuwâ-tuwâ na .
-Kayo'y may isáng malaking bagay na nagiging kasiràáng
totoó kay Don Ramón. Higit sa pagka mahirap niyó, ay ang
bagay na ito ang lalong hindi ikapapayag niyá, sukdáng patí
pilík- matá ni Meni ay mag-anak .
-Alín pô?
-Naaalaala pa ba niyó ang inyóng álitan sa Batis ng
Antipulo?
-Hindi ko pô iyón malílimot : iyón ang dahil ng magpa
hangá ngayo'y hindî na akó mulî pang nakaakyát sa bahay nilá ,
gaya baga noong araw na nakapápanhík akóng maminsan-minsan ,
pag kasama ni Felipe .
-Kayó at si Felipe, mulâ na ngâ noón , ay siyang nasasabí
sabí sa akin ni Don Ramón na naging parang apdó na sa kanyang
228 LOPE Ꮶ . SANTOS

loób . Kayo'y tunay na hindî magkakásundô . Ang mga "doc


trinas socialistas" na inyong ipinagsasaysay sa kanila ay hindi
maaasahan ng ibang bunga kundi ng ganyán na ngâ. Pinaka
dikdik niyó noón ang katwiran at pag-aarì ng mayayaman .
Maáarì ba tayo ngayong magturò na ngâ namán sa ating bayan
na sila'y huwag magpakayaman , samantalang oras-oras ay
itinúturò natin ang pagpapakasipag at sa oras-oras ay ipinag
dáramdám ang kakulangan ng salapî at kayamanan kayâ di
mápanibulos ang pag-ginhawa nitong Sangkapulûán ?
-Abá ! -ang pamangang náisagót ni Delfín-Hindi ko ibig
sabihin noon ang huwág yumaman tayong mga pilipino ; kundi
ang huwag matulog at manganák sa kamay ng filán lamang
ang mga kayamanang iyang kinakailangang pakinabangan ng
marami ó ng lahát . Ibig kong sabihin noo'y marami ang yu
máyaman sa atin , hindi sa bunga ng sarili nilang pagod at
hindi sa mararangál na paraán , kundî sa pagsipsip sa dugô ng
mga nag-agay-agay na taong marálitâ, sa pagkamkám sa pinag
paguran ng iba , dahil lamang sa pagkátalì sa isang munting upa
ó sa isang hamak na utang . Ibig kong sabihin noo'y marami sa
mayayaman natin ang nag-aakalang pagka't sila'y masalapî
na, ang salapîng ito'y maaaring tunawin sa anománg ibig, kásak
dalang sa mga kaparangyahán lamang, sa mga kasagwâán ng
pamamahay, pananamít, pamumuhay at iba pa ; samantalang
sa magkábi-kabilang dako ay daing ng mga marálitâ at paghi
hikahós ng karamihan ang umaalingawngaw at nakikita .
-At mababago ba natin iván kung ngángayón la
mang? Ako'y hindi sang-ayong lubós kay Don Ramón ; nguni't
ang masasabi ko sa inyó , ay iyán ang lalòng malalim at mahigpit
sa lahat ng mga palaisipang pinagkukurò ng mga bayang lalong
bihasa , at pagkúkurùin pa sa dî kákaunting panahón lamang.
Hindi pa dumáratíng dito sa atin ang panahóng dapat nang
ipag-abalá ng ating marurunong sa palaisipang iyán.
-Ganyang ganyán din po ang mga katwiran sa akin ni Don
Ramón -ang sambót ni Delfín
-Ganitó rin ngâ, nguni't siyáng totoó - ang amin ni Madlang
layon. - Noon ay talagang hindi na lamang akó nakisagót upáng
huwag lumalâ ang inyong pagtatalo . Nguni't matagal ko nang
ninanais , sapúl pa niyaón, na kayo'y mákaniíg, upang sa mala
míg na pag-uusap ay maipaaninaw ko sa inyong si Don Ramón
ay may matwid na maglatang at masaktán , lalò na si Don Filemón ,
sa mga pinagsasabi niyó sa kanila. Ang inyong mga teorías
revolucionarias sobre la propiedad (palagay na patapós sa mga
pagmamay-arî) , na náuuwî sa Comunismo (lahát ay sa lahát) ,
ay hindî pa ngâ marapat ihasík na sa kasalukuyang lagáy ng
BANAAG AT SIKAT 229

ating bayan ó sa kasalukuyang pag-uugali ng ating mga manga


gawà. Maiinit nga lamang ang subó ng dalawang matandâng
yaón , kayâ hindî kayó napagmatwiran ng magaling. Para
maniwala kayó sa pagka dî marapat mákilala sa atin ang mga
aral ng Socialismo, alinsunod sa mga pangahás na pagkukurò ng
Filosofía ng siglo XVIII at siglo XIX, ay suysuyín na lamang
natin ang kanilang mga inúusig na layon. Anó ang hangád
ng mga sosyalista sa iba't ibáng lupàíng bihasa na at nagsásarilí?
Ang mapisan sa kamay ng Estado ang lahát ng mga lupà ,
lahát ng mga binhi at ani, lahát ng mga kasangkapan sa pag
gawâ, lahát ng puhunan , pag-aarì at pamamahalà , upang ang
násabing Estado ó kaya'y ang katipunang tagapangasiwà at taga
ganap ng loob at kapangyarihan ng boông bayan , ay siyáng
mamahagi at mag-ayaw-ayaw ng lahát ng mga bagay na kináka
ilangan sa sariling buhay at sa pakikibuhay sa ibang mga ka
samang kapwà tao . Sa ganitó, anilá, ay mawawalâ na ang
pagkakalamangan ng mga tao : wala nang yayaman ni maghihirap,
walâng mang-áalipin ni mamámanginoón , walâ nang sínománg
makapag- aangkín ng anomán , sapagka't ang lahat ay sa lahát
na. Utopía pura! ... . Panaginip lamang: hangád na dî sukat
mangyari ! ....
-Walâ pông dî sa pangyayari ! -ang ipinatláng ni Delfín-
Subalì , sa paraán mang bay-baytang, ay dapat nang ngayo'y ....
Hindî na nadugtungan ang pagpapasubalì, at si Madlâng
layon ay nagpatuloy.
-Upáng mátamó ang ganyáng mga hangád, ang pinaka
pagsisikapan saán-saán man ng mga sosyalista ay ang magka
roón at makarami silá ng mga kinatawan at boto sa mga Parla
mento, Cámara, Congreso, Asamblea ó ibá pang Kapulungang
bayan, at nang sa ganito'y sumakamáy nila ang pamamahalà ,
paris sa Pélhika . Nguni't, ¿ anó ang nangyayari ? Gayón din.
Pagkaupo ng mga sosyalista sa kapangyarihan ay silá naman ang
humáhaliling napapápanginoón sa bayan . At sa hangá ngayo'y
anó na ang mga nagawa ng Sosyalismo?
-Bákit pô walâ?
--At máitutulad ba natin, pikít-matá man, ang kaginhawa
han ng mga bayang sosyalista , ang sa Bélhika ó ang sa Alemanya ,
halimbawà, sa kaginhawahan ng isang bayang paris ng Amérika,
na hindi nagpapakalulong sa mga palakad na iyán ?
-Ang ibig pô ba niyóng sabihin ay sa Amérika'y walâng
Sosyalismo?
-Mayroon ngâ ; nguni't ang ibig kong turan ay hindî ang mğa
panukala ng Partido Sosyalista ang nagbibigay sa Estados
230 LOPE K. SANTOS

Unidos ng buhay ngayóng masaganà, na siyáng nangúnğulo sa


madlâng bayan ng Sangsinukob.
-Kaibigang Madlâng-layon , sa Amérika ay hindi ngâ ang
Partido Sosyalista ang namámaibabaw ngayón ; dátapwâ't
akalain niyóng, higít sa mga ibá pa mang bayang sadyang sosya
lista na , ang Pángasiwàán ng Estados Unidos ay nababatay na
buông-buô halos sa mga pátakarán ng Sosyalismo . Ang mğa
panihalà ni Henry George na maykathâ ng Progreso y Miseria
(Pagkásulong at Pagdarálitâ) , ay parang mga halamang malalakí,
na , bukód sa paglaganap ng mga ugát na walang kakalá-kalatís sa
ilalim ng lupà, ay yumáyabong namán sa dakong itaás , hangán
siyá na ngayóng nakalililim halos sa mga bahay-pángasiwàán
ng mga Estado . Ang Constitución Americana ay batbát ng adhikâ
ng mga sosyalista . Ang Partido Obrero Sosyalista roón ay
palaki ng palakí : tuwing darating ang mga paghahálalan , ay
ibayo ng ibayo ang nararagdag na mga kaanib at kaayon sa
Palátuntunan niya. Ang Partido Demókrata ay nag-akalà
na tuloy makipisan sa mga sosyalista , anopa't dî malayong mga
ilán pang panahon ay silá na ang mag-wagí sa kasalukuyang ma
tibay na Partido Republikano . Ang partido mang itó, kung
pagsusuriin ay nadádalá na rin ng mga kabutihan ng isang
pamamahalang sosyalista sa loob ng bayán- bayán. Ang pag
kuha sa pagkakandili ng Estado sa mga daáng-bakal, ang pag
aadhikâ ng mga sariling págawâan ng mga bagay na kinákaila
ngan ng madlang taong-bayan , ang pagpapagawa ng mga bagay
na panglahát na walâng táhanan , gaya ng mga marálitâng manga
gawà, ang pamamahagi sa mga tao ng mga lupàng mátatamnán ,
katulad ng Homestead dito sa Pilipinas , ang pagbubukás ng mga
páaraláng-bayan, ang pagpapalaganap ng tubig sa mga loób
ng bayan, (paris ng tubig ni Carriedo rito, bagaman ngayo'y
totoo nang tiwali ang pangangasiwàng ginagawâ) , ang pag
bubukás ng mga aklatang-pangmadlâ, bahay-libangan, bahay
gámutan, bahay- ampunang para -parang pangmadlâ . Ang
lahát na ito ay mga tandâ na at banaag ng pagsikat ng bagong
araw na ibinababalá ng Sosyalismo , mga bagay na sa Estados
Unidos ngayón , ay lumálaganap na at tumátatág sa boông
kasyahan ng loob ng madlâ....
-Dapat niyong talastasín , kaibigang Delfín -ang paklí
ng abogado - na sa Amérika ngayón kun ang kapangyarihan
man ng Estado ay siyá nang nakagígitaw at mabilis na smúsulong
sa pangangabay sa mga tuntuning sosyalista , ay mayroón namáng
isáng lalòng lakás na sa kanya'y sumasalubong at masasabing
nakaráraíg : ang lakás ng mga Trust at Sindikato. Ang Capi
talismo roón ó paghahari ng puhunan , ay hindi maikákaít na
BANAAG A T SIKAT 231

namámaibabaw sa ulo ng Estado Sosyalista . Habang ang


mga mangagawa ay nagtitibay sa pagsasapì-sapì, nakapag
fimpók ng malalaking salapî na naipakíkipagtungalì nila't ipag
matigás sa mga ginagawán, ang mga mámumuhunán namán ay
naglalakip-lakíp din , tulong-tulong sa pagtikís sa mga nag
sísiaklás na mangagawà, ayon-ayon sa pag-gipít sa mga mamimili
ng kanilang mga kalakal, damay-damay sa pagsuhol at pag-upát
sa mga kinatawán at pámunùán ng bayan, sabwát-sabwát sa
paghingi ng mga utos na nákakampí sa kanilang puhunan at
kalakal, pisan-pisan sa paghago ng mga ani , yarì at iba pang
kálakalín, upang mahigpitán sa panahon ng pangangailangan ang
madla. Anopá't hangáng nagtitibay ang Estado Sosyalista ,
ay nagtitibay namán ang malalaking mámumuhunán ó Trusts.
-Sa isáng dako pô , ginoóng Honorio, ay hindi nakasásamâ
iyán, kundî lalòng nakabúbuti pa sa mga adhikâ ng Sosyalismo .
-At bakit? -ang pagilalás na usisà ng abogado.
-Sapagka't ang kayamana'y napípisan sa kauntîng kamay
na lamang : kayâ kákauntî na rin ang háharaping kaaway ng
mğa sosyalista , pagdating ng totohanan at laganap nang Revo
lución social.
--Kaunting marami, kaibigang Delfín ! Hindi ba niyó
alám na ang tinatawag na Trust ay kapisanan ng mga kapisanan
ng iba't ibang mámumuhunán? Ang kahulugan nito'y mğa
lakás nang pinagbigkís pa upang lalòng tumibay, upang maging
kálakás-lakasan . Anománg paghihimagsik ng mga sosyalista ,
magíng patí na ng ibinabalà niná Reklús at ng madlâng anarkista ,
na isáng marahás na pag-gigibâ sa mga kasalukuyang lagáy na
itó ng kapamayanán , upang mapalitán, anilá, ng isang bagong
pagsasamahan ng mga tao na walang tangi-tangì sa kabuhayan
at walâ na ng mga karumal- dumal na palakad ngayon ng mga
pámunùán, .... anomán iyán , kaibigang Delfín, ay huwag niyong
akalaing makababago ng gaano sa mga likás na lakad ng kapaná
hunan. Ang mga Trusts, kung masamâ man, ay masamâng
nakabubuti ; sapagka't salamat sa kaniláng susóng-susóng puhu
nan , ay nakakayang tuklasin at pakinabangan ang lalòng
malalalim , malalayò at mahahalagang kayamanang itinátagò
ng Naturaleza ....
-Lalò pông malaki ang magagawa ng mga puhunang iván
ang putol ni Delfín-kung mapa sa kamay ng Estado , sa ngalan
ng lahát ; sapagka't ang lahát ng taong baya'y panáy na mangag
mámalasakit, alang-alang sa silá rin ang magsisipakinabang.
Samantalang kung na sa kamay ng mga Trusts ang puhunan ,
ay silá ang masúsunód na hari ng bayan at dî ang kaloobang
bayan ; silá ang pópoonín ng mga pámunùán , bilang pagbibigay
16
232 LOPE K. SANTOS

ng isang mahinà sa isang malakás na sa kanya'y nagpapakain .


Itó ang nangyayari ngayón sa Estados Unidos . Kaya ko nása
bing nakabubuti rin sa Sosyalismo ang mga Trusts , ay hindi
sapagka't mabuti ngâ sa ganáng kanilá ang mga kapisanang
iyán, kundi ang pagka't sila'y isang tandâ pang malinaw na
maaaring kayahin ng Estado ang minsanang pangangasiwà sa
boông ikabubuhay ng sangbayanán . Sapagka't kun ang mga
pawatak-watak na kapisanan lamang (sociedades privadas) ay naka
pagsisikap at nakapagsísimpán ng gayong malalaking kalakal na
kinakailangan ng yutà-yutang tao at daán-daáng bayang umá
asa sa mga Trusts , anó't di lalong makákaya iyán ng isang
Estado Sosyalista , na dilì iba't siyá na ring kapisanan ng sang
bayanang nangangailangan at makikinabang? ....
Si Honorio Madlâng-layon ay natigilan. Nasok sa loob
niyáng tila ngâ siláng dalawa ni Delfín ay magkakániigan sa
pagtatalo. Naalaala si Taliang bakâ nayayamót na sa paghi
hintay ng mapagkákausapan nilá tungkol sa lagay ni Meni .
Nápataón naman ang pagpapasok ni Turing ng dalawáng baso
ng serbesa na ipinatong sa ibabaw ng munting lamesang yantók
na nakagígitnâ sa pagkakaupô ng dalawang nag-uusap. Nguni't
si Talia'y hindi nayáyamót ; siláng dalawa ng hipag naman ay
nasa sa kabilang salas na bulwagan ng hagdán. Hangán doo'y
náririnig niláng buô ang mga pagsaságutan ng dalawang lalaki ,
tungkol sa mga kung ano-anóng bagay na hindi náwawawàan ng
kanilang pagkababayi . Ang nawiwikà na lamang nila ay :
"Iyáng mga lalaking marurunong, kapag nagkakausap, ay kun
saán-saán náliliklík ang sálitâan. " Gayón man ay nawiwili rin
siláng makinig.
Nag-álukan muna ng serbesa ang dalawá sa loob. Si Yoyong
ay uminón na napapangalahati ang baso . Si Delfín ay halos
sumimsím lamang, dalá ng dî ugaling pag-inom ng alak. Pag
kapahid ng abogado ng isáng serbilyeta sa kanyang ngusò at
misay (bigote) na kinapitan ng mga bulâ, ay sinundán ng tugón
ang mga huling sinabi ni Delfín.
-Tignan niyó : -anyá-ako'y hindi kaayon ng alinmán
sa dalawang paraan ng pagsasamahan ng mga taong-bayan , na
pinamamagatang "Sistema individualista " at "Sistema socialista ."
Sa una, ay sapagka't iya'y isang pagbibigáy sa tao ng isang
masagwâng halaga at lakás na di niyá taglay at kaya . Ipina
lálagay ng mga Indibidwalista ó maka- tao na ang tao ay dapat mana
gano sa isang ganap na kalayaan, huwag paghimasukan 6 pilitin ng
ibáng kapwà ó ng sínománg pinunò upang gumawa ng isang bagay
na dî niyá ibig gawin . Anopá't paiyahan ang katutubòng kilos , loób,
hingil at panihalà ng isa't isá ; palibhasà, anilá, yamang ang tao
BANA AG AT SIKAT 233

(individuo) ay isang bagay na maylikás na nais na magpakagaling


(ser ético) , ang taong iyán málaó't madalî ay patútungo rin sa iká
tatamó ng likás niyáng layon : ang kagalingan na ngâ , sukdáng
hindî man siyá pag-utusan . Sa ikalawá namán , hindî rin akó
makapaniniwalà ; diyán mandín nábibilang ang inyong mga pag
hahakà, ayon sa aking nahúhulò . Ang mga Sosyalista ó maka
katipunan ay nag-áakalàng ang " individuo" ay para sa " sociedad ,"
ang tao ay dapat gumawa ng ayon sa kagalingan ng samaháng kiná
bibilangan niyá : ang " interés social " ó ikagagaling ng sangbayanán,
ay pinapanginoón ng "interés individual" 6 ikagagaling ng bawa't
taong-bayan. Ibinábatay nila ang mga paghahakàng itó sa isang
katutubò ring karapatán ng madlang tao , na dilì iba't ang pagka
social ng lahat at bawa't isá, na álalaóng baga'y ang pagka - likás na
kailangan ng makisama sa kapwà tao : hindi maáarì ang mabuhay sa
pag-iisá: ang lalòng káhamak-hamakang bagay na ating kinákain ,
ginágamit at pinakikinabangan ay hindi masasabing sariling
gawa natin kundi sápilitang kinákikitaan ng pagtulong ng
ibá : ang likás na kahinaan ng tao ay nangangailangan ng tulong ng
ibá, upang makagawa ng malalaking bagay na makagagaling
sa kanya at sa ibá : ang pagtulong ng isá sa isá , ay karampatang
gantihan din naman nito ng tulong : anopa't natútupád ang kasa
bihán nating tagalog na : "ganti-gantí katwiran , magbayad ang
may-utang" Sa panghahawak sa mga kabagayáng itó ,
ang Estado, na siyang pagkakasapi ng sangbayanán , ay binibigyán
ng mga sosyalista ng isang kátaas-taasang uri at halagá ; siyáng
pinapamámanihalàng lubós at pinagpagsisikháy ng madlâng
kailangan ng ikabúbuhay at ikásusulong ng tanang taong-bayan:
ang Estado ang mamúmuhunan , magpapagawâ, magpapaani at
mag-áayaw-ayaw ng mga nayáyarì at naáani , sa madlâng nasá
saklawang tao : ang mga tao ay magsisigawâ, mangag-aaral at
mangagsisikap ng tulong-tulong sa paghahandog sa Kapisanan
ó Estado ng kani-kanilang kaya sa iba't ibang paraáng nálalaman
at sa ukol-ukol na panahóng kinakailangan ng isang gagawing
makabubuti sa lahát at sa bawà't isá .. Itó , sa pahaláw na pag
sasabi , ang mga pátakaráng pinagbábatayan ng mga sosyalista
sa kanilang pagsusumikap ngayong makapaibabaw sa paghahá
lalan ng mga kinatawang-bayan upang makapangasiwà ng
sang-bayanán.
Maging ang INDIVIDUALISMO at maging ang SOCIALISMO
ipinagpatuloy ni Madlâng-layon -sa ganang akin, ay kapwà
maykasagwâán. Sa mga maka-tao, ang pagpapahalaga sa tao
(individuo) ay halos diyos na rin, at sa mga maka -katipunan
namán, ang kapisanan (sociedad) ay siyáng pinaka-lahát na.
Ang ibig ng una ay pabayaan ang tao sa pagsisikháy at pag
234 LOPE K. SANTOS

hahanap ng kani-kanyáng kailangan, at ang ibig namán ng huli


ay papamaibabawin ang kapisanan sa pagsisikháy na iyán.
Alinmán sa dalawa ay malabò at maipalálagáy na pangarap ngâ
lamang. Sapagka't kun ang tao (Individuo) ay talaga mang
kasanib sa sangbayanán (Estado) ó sangkatauhan (Sociedad
humana) , na anopá't sápilitán siyang mabubuhay sa pakikisama
sa mga kapwà ; dapwa'y hindî namán dapat hangahán ng kapisa
nan ang sari-sariling hilig ng madlâng taong kasapì . Kung
hindi marapat itó, ay hindî rin naman ang paiyahan bawà't tao
sa kanyang maibigan.
Kailangan, kaibigang Delfín , ang tayo'y kumapit sa isáng
sistema ó pamalakad na namamagitnâ sa dalawang iyán : ni hindi
ang lubos na pagpapahalaga sa karapatán at kaya ng isang tao,
ni hindi ang lubós na pagpapahalaga sa karapatán at kaya nğ
kapisanan . Kapwà silá pahalagahá't igalang, nguni't huwág
pakásagwâín ang pagkiling ó pagsupil sa isa't isa. Ang isáng
palakad na ito'y bagong tuklás pa lamang ng mga Ekonomista:
siyáng tinatawag na INTERVENCIONISMO . Ang Estado sa paraáng
itó, kung minsan ay Sosyalista at kung minsa'y Indibidwalista,
ayon sa mga kabagayán. Pinatúturùan ang lahat ng taong
bayan ng mga una at katampatang dunong, at pagkatapos ay
pinababayaan nang magpatuloy sa ganáng ibig niyáng mátutu
hang dunong ó hanap-buhay ; at sa pag-iisá nang ito ng tao , ay
binábalalayan din ng Estado at pinalúluwagán hangá't maaarì
sa ikápapanibulos ng magaling niyáng nilalayon . Nagsísimpán
ang Estado ng madlâng lupà , kalakal, gáwâan, bahay, sasakyán
at iba pang bagay na dapat pakinabangan ng madlâng taong
bayan, at di ng ilán-iláng tao lamang ; nguni't pinabábayàan
naman ang arì ng isa't isang tao , ng isa't isang samahán sa loób
ng Estado, upang magsigawa ng kani-kanyáng ibig gawín, huwág
lamang itong makasásamâ sa sangbayanán . Ginágawa ng
Estado, ayon kay Leber, ang hindî magawâng mag-isa ng tao,
ang hindi dapat gawing mag-isá at ang ayaw niyáng (ng Estado)
ipagawang mag- isá . Anopa't ang Estado sa " sistema interven
cionista ," ay hindi siyáng sangbayanán nang talaga, gaya ng
hináhakàng Estado ng mga sosyalista, kundi isáng sadyâng
katipunan lamang ng mga tao at mga kagawaráng tagapanğa
siwà, tagapag-ayos , tagapag-usig sa maysala , tagapanimbang
sa kalagayan ng madlâng nasásakop ng sangbayanán. Itó ang
Estadong walang kasagwâán ; mahanga'y natatatag sa ibabaw
hindi ng mga panaginip lamang, kundi ng talagang mga nangyá
yari at sukat mangyari sa kabuhayan ng tao at ng pagsasamahán
ng madlâ ....
BANAAG AT SIKAT 235

Ang mahabang salaysay na ito ng abogado Madlâng- layon , ay


mataimtím na pinanaingahan ng binatàng mánunulat, gaya ng
pananainga ng sínománg nániniíg at nabíbighani sa isang talum
pating malamán . Naáabot ni Delfín ang mga kagálingang
iniúulat ng kausap tungkol sa Interbensiyonismo ó pama
magitna ng Estado sa mga hingil ng bawà't tao at sa
nığa hingil ng boông sangbayanán . Siya'y ayon ¿ bákit
hindi ? sa mga gayóng kabutihan . Siyá, batbát man ng kapu
sukán ng pagkabatà, ay nag-aaral din namán , hindî lamang sa
mga aklát , kundi sa mga talagang nangyayari. Dátapwâ't sa
kanyáng loob ay hindi pa matatag ang alinmáng lubós na pani
niwalà. Ang mga alapaap ng karunungan (ciencia) , ay hindî
pa nahahawì ng lubós sa kanyang pag-iisip . Libíd pa siyá at
lipós ng maraming agam-agam. Yaong pinaniniwalaan ngayón,
mámayâ'y pinag-aalinglanganan ; yaóng kangina'y magaling na ,
ngayo'y nagiging álanganin pa , at pag nagkátao'y nakikilalang
masamâ ó malî. Ito ang nangyayari sa kanyang isip kapag ang
mga kasaysayan at mátwiran tungkol sa mga bagay na itó, na
kanyang napagbábasá at natututuban sa mga aklát at sa pá
aralán, ay naiáakmá ó naibábaling sa mga larawang buháy ó
katotohanan ng mga nangyayari. Napaghúhulò niyá sa halim
bawàng magaling ang Sosyalismo , dátapwâ't nakikita namáng
ang pag-iral ng bagay na itó sa mga bayan , ay hindi maaaring
maitatag ng gayón-gayón lamang: kinakailangan din namang
tignan kung ang kagalingang nahuhulò sa Sosyalismo ay maipa
pápalít ng walang bawas sa kasamán ng kasalukuyang pag
kakátatág ng Sangkatauhan , at lalòng lalò na ng Sangbayanang
pilipino. At siyáng totoo. Maraming bagay na sa paghahakà
hakà ay magaling, nguni't kung ginagawa na'y sumasamâ rin .
Gayón man, sa budhî niyá ay hindi natítinag ni nagmámaliw
ang isang matibay na pananalig na siyáng pumápatnubay sa
boông paghahakà at sa tuwî nang pag-aagam-agam . Ang pina
nánaligang ito'y dilì iba't ang "pagka-masamâ at karumal-dumal
na mga palakad ngayon ng mga pámunùán at ng mga kapama
yanán, na siyáng nagbibigay ng daan upang ang mahihinang
tao ay maging kakanín lamang ng malalakás, ang mahihirap ay
magdagdag ng magdagdag pa habang tumátaás ang pagkasulong
(progreso) , ang mayayaman at marurunong ay siyáng pangí
panginoonín ng karamihan ...." ito'y mga katotohanang buháy
at hayag na nangyayari sa kabuhayan ng mga bayan at mga tao.
Lunas ang kailangan . Mga bagong palakad na makagágamót
ang hanap sa mga pag-aaral ni Delfín . Alinming parang
náhihingil sa hangád na ito ay magaling, sapagka't magaling ang
nilalayon . Kun ang Interbensiyonismo ni G. Honorio ay kiná
236 LOPE K. SANTOS

tatamuhán ng gayóng lunas , ang isip at kalooban ni Delfín ay


¿anó't dî pahihinuhod ? Dátapwâ't hindî siyang nangyayari ang
ganitó saán mang lupaing bihasa at sinasabing maginhawa
ibaling ang kanyáng gunitâ. Sa Estados Unidos man . ó sa
Inglaterra , Pransiya at iba pang nangungulo sa yaman ng mga
bayan ng Sangsinukob, ang pagdarálitâ at pagkaamís ng marami
at ang pagpapasasà at pang-aamís ug filán, ay siyáng dináram
dám at laganap na dumáranas sa harap at ilalim ng mga pámu
nùáng gumagamit, kun sa bagay, ng "sistema intervencionista ."
Anopá't lahat ng kabutihan nitong itinatagurî ni Madlâng-layon,
ay walâ ring nasásapit at nápapalâ sa ikalúlunas ng gayóng mğa
dálitâ at pagkaamís ng karamihan .
Sa salí-salimuót na mga pagmumuni-muning yaón, ¿ anó
pa ang isasagot ni Delfín, sa abogadong katalo ng mahusayan ,
at hindi na gaya ng nangákatalong matatandâ sa Antipulo ?
-Ginoong Honorio, -ang sa gayo'y nasabi-ang palakad na
pamamagitnâ lamang ng Estado oficial 6 Gobierno sa mga taong
bayan at sa sangbayanán, ay subók na sa maraming lupàín ; nguni't
ang kaginhawahan ng madlâ na minímithî ng mga bayan , ay hindî
nátatamó hangá ngayón, at walâng daáng mátamó, mahanga'y
lalòng nasásaliwa ang lakad ng panahon . Paanong dî ganitó,
ang pagpapaanód ng Estado, (sa salitâng ito'y pámunùán , go
bierno, ang ngayo'y ibig kong sabihin ) , ay lumúlulong ng lumú
lulong ang pamamaibabaw ng puhunan , dunong at katungkulan ,
sa mangagawà, sa hindi marunong at sa mga taong karaniwan .
Bigyan mo ng kalayaan ang isang mayaman na makagawâ ng
bawa't ibig gawin sa kanyang kayamanan , gaya ng kalayaang
ibinibigay sa isang mahirap sa ibig gawín ó ihalaga sa kanyang
pawis , itó ang kinauuwîán ng pamamagitna ng Estado, sa kara
patán ng isa't isang taong bayan, alinsunod sa "sistema inter
vencionista ." Ang kahulugan nito'y bayàan sa paglangóy sa
dagat ang dalawang tao, isa'y hapô sa gutom at isa'y hindî
upang mag-unahang makalapit sa pampáng ng kabuhayan.
Ano ang mangyayari ? ..... At sakâ ipangangalandakan
ngayon ng pamunùán , pag nalunod ang mahinà, na siya'y walâng
sala , sapagka't iginagalang nivá ang sari-sariling kaya at kala
yaan sa paglangóy ng dalawang taong nag- úunahán . . . . . .
-Námamalî kayó ng hakà , kaibigang Delfín , hindî gagawâ
ng ganyang pagpapabayà ang tunay na Estado ayon sa mga
paraang sinabi ko . Binabalalayan at ipinagtátangól ang mahi
nàng talagá ..
-Hindi pô iván ang nangyayari-iginiít ng mánunulat.
Ang mga pámunùán ngayón , na siyang nagtataguyod ng Estado
ó sangbayanán , ay labis ng pagkamagdarayà. Nagpápangáp
BANA AG A T SIKAT 237

siláng hindi na hari , kundi tagaganap at tagapamagitnâ lamang


sa kalooban at matwíd ng mga taong bayan . Nguni't kun sila'y
manğagkámali, ay walâng lakás na sa kanila'y makapag- usig.
Kapag ang mamamayán (ciudadano) ay nagkásala , pinarúrusa
hang dali-dali ng pámunùán (gobierno) , sa ngalan daw ng Estado:
nguni't kun ang pámunùán ang magkásala , na dapat sanang
magíng lalong mabigat ang pananagót at parusa , sapagka't
binubuo ng mga taong pili sa dunong at kamáhalan at sapagka't
silá ang pinaglálagakan ng tiwala ng sangbayanán, -ay walâ,
hindi malaman kung nasa kanginong kamay ang kapangyarihang
sa kanyá nama'y makapagpáparusa .
-Mayroón, —ang putol ng abogado - ang pasya ng bayan .
-At síno ang nagsasabi ng pasya ng bayan?
-Ang mga pahayagán.
-Ang mga pahayagán pô ba at mánunulat na nasa ilalim
din ng kapangyarihan at bigát ng mga utos na inilálagdâ ng mga
pinunong kalaban at nagkásala? ang mga pahayagáng hindi
maaring hindi magpakundangan sa mga nagpapalathalang
mángangalakal, maysalapi at makapangyarihan ?
-Nguni -ang giít ni Madlâng-layon-hindi maikákaít na
ang mga pahayagán, pag siyang nagpakilala na ng mga kamalian
at sala ng mga pinunò , ay nagiging parang mga santóng putik
na lamang ang mga itó sa bayan, at unti-unti, kundi man big
lâang nangaúugnás at gumúguhô.
-At sukat na pô ba iyán sa makápupông bigát ng kanilang
sala ? At sakâ, mabuti kun ang pámunùá'y duminíg sa mga
páhayagán, at kung hindi, gaya ng karaniwan, bagkús ang
pámahayaga'y siyá pang pag-usigin?
Ang abogado Honorio ay nag-isip-isip muna bago nakasagót,
at anyá'y :
-Tignán nivó, kaibigang Delfín , yamang kayo'y magla
lathala (periodista) , ay mabuti rin naman ang iya'y mapag-usapan
natin . Pag ang mga pahayagá'y (prensa) nagsasabi ng tunay na
kalooban ng bayan (opinión pública) , asahan niyóng anománg
tatag ng pámunùán ay natítinag ; at kung hindi pa rin itó tuminag,
ang bayang ipinagpahayag ó ipinagtangól ay siyang maykatung
kulang mangatawán, upang ang kalooban niya'y siyang maganáp
at di ang sa mga upahang pinunò lamang. Dito sukat mapagki
lala ang kaibhán ng Estado at ng Gobierno: ang una'y siyáng
sangbayanang tunay na makapangyayari, at ang ikalawa'y
kalupunan lamang ng mga tao at kagawarán sa pangangasiwà
ng loobín ng una.
238 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Akó pô ang magsásabi namán sa inyó, kaibigang Madlâng


layon, na iyán ay pangarap din . Ang tunay na bayan ó sang
bayanán (Estado) alinsunod sa mğa kasalukuyang lagáy ngayón
ng mga nasyon, ay walâ ó nasa guní-guní lamang. Ang tunay
na kapangyarihan ng bayan ay nakikita lamang kapag may
Paghihimagsik (Revolución) , na ang pamunua'y siyáng kináka
laban at igin úhuhô . Hindî mákikilala ang tunay na bayang
pransés kundi sa kanyang pagkakapaghimagsík noóng 1789.
Hindi mátatanyág ang bayang amerikano, kundi sa kanyang
paghihimagsik noóng 1774. Hindi rin ang bayang pilipino, kundi
nang taong 1896 na magbangon at humiwalay sa Espanya . At
ngayong mga panahóng itó , ang tunay na kapangyarihan ng
bayang ruso, ay hindi pa mákikilalang lubós ng Sangsinukob,
kundi sa paghihimagsik ng kanyáng mga tunay na taong-bayan
(Revolución social) . Sa mga panahón ng kapayapaan, walâng
nátatanyág na una-una kundi ang mga pámunùán . Ang ka
pangyarihan ng bayan sa Estado intervencionista ay hangin
lamang. Hawak ng Gobierno ang lahat ng lakás : ang hukbó,
ang mga kutà, ang mga kasangkapang pangdigmâ, ang yaman ,
ang mga utos, ang mga húkuman at párusahán . Hindi maka
pagpagawa ng isang bagay sa bayan, nang di maykasamang balà.
Ang pámunùán sa Estado niyóng nápipilì, ay nagpapangáp
lamang sa pagsasabing itinatangól niya ang mga derechos
individuales 6 kahinubong karapatan ng isa't isang tao, at isá
sa mga katunayan daw nito'y ang pagpapalagay sa lahát na
patas-patas sa harap ng kabatasán. Sinungaling !. Patibóng
sa mga hangál at mahihirap na siyáng karamihan ! .. Pag
patasin sa harap ng hukuman ang palagay sa isang mayaman
at sa isang dukhâng magkalaban , oo nga't ito'y masásabi nang
magaling sa biglâng pagkukurò ; nguni't kung fisiping ang maya
man ay may naibábayad sa abogadong lalong magagaling (kagá
lingang nakikilalang madalás doón sa mga usaping, talagang
talo na at walâng matwíd, ay naipanánalo pa sa pálikwaran
ng dilà at ayon sa upa) , at kung sa isáng dako'y títignán ang
mahirap na nag-íisá , ( walâng kasama sa dakong likód kundî mga
luhà ng isang asawa at mga anak na sinásalagimsimán ng mukhâ
ng Gutom, sakâ marahil ay nagsanlâ pa ó nagbili ng kaunting
arì, upang may mabaon sa mga paglalakád ng dî alám ang tinú
tungo) ; kung nakikita na natin ang dalawang iyán sa harap ng
hukóm, ¿ anóng pagkakápatas ang ating maáasahan ? Wikà
ba ninyo'y kung makilalang maysala ang mayaman ay mag
dúrusa ring paris ng mahirap?
-Mangyari ! -ang payo ng abogado .
BANAAG AT SIKAT 239

-At paano ang pagpapakilala ng sala , ayon sa mga palakad


sa húkuman ? -ang tuloy ni Delfín .--Ang salí-saliwâín ba ng
tanóng ang hangál ó dukhâ ng abogado ng mayaman , upang
máihulog sa pagsasalaysay?
-Dito sa atin , -ang tugón ni Madlâng-layon ay may
tinatawag na mga abogados de oficio, na walang bayad at siyáng
tinátadhanàan ng mğa húkuman upang magtangól sa mahihirap
na walâng máiupa sa sariling abogado .
-Ang mga abogados de oficio! -ang náwikàng pangitî ni
Delfín. -Abogadong gratis! ...
Hindi na ipinatuloy ng binatà ang iba pang ibig sabihin,
sapagka't naalaala niyang abogado ang kausap ay bakâ masak
tán. Sa salitang jabogadong gratis! ay parang nasabi na niyá
ang lahát ... . At upang huwág mahalatâ ni Madlâng-layon
ang puntó ng kanyang pananalitâ ay nag-wikà na lamang ng :
-Di siyáng salamat kun ang mga abogadong bigay ng
húkuman, ay hindi karaniwang mga baguhan pa lamang, at yaóng
mga datihan nama'y walâng maraming gagawín , upang maipag
tangól ang dukhâ ng pángatawanan .. Dátapwa't ibalík
natin ang sálitâan sa pagkakapatas ng lahat sa harap ng kabatasán,
ó pagkakάpatas ng matwid sa lahát (“equal right for all") Wikà ko
sa inyong ito'y sa sabi lamang at sa biglâng tingin nagáganáp .
At hindi sa Pilipinas tangì akóng tumútukoy, kundî saán pa
mang bayang umiiral ang "sistema intervencionista . " May
mğa sadyâng utos na nagbábawal at nagpáparusa sa mga taong
walang hanap-buhay at hampás-lupà, sa mga taong ayaw mag
sigawa sa talaga niláng pinápasukan, (nangagsísiaklás) , may mğa
nagpapahuli sa mga nagpapalimós sa daán ó naglálakô ng
mumunting kalakal na walâng licencia; nguni't walâ isá mang
utos na nagbabawal bagá sa mga mayaman ng pagsahod nilá
ng iba-ibayong tubò sa mga salaping hindi nilá pinagpapaguran
(renta sin trabajo ); walâ isá mang utos na nagbabawal bagá ng
pag-upa ng hamak at alanğán sa mga alilà , at ng paapíng paki
kipagsama ng maylupà at puhunan sa mga magsasakang mahirap .
-Bawal naman ang pang-aalipin (esclavismo) -ani Yoyong.
-Bawal ! ...... Nguni't walâ pa akó hangá ngayóng
nálalaman na isang panginoong pinarusahan na dahil sa pagbusa
bus sa kanyang mga alilà : mğa alilàng may-upang-walâ , nag
mámana-manahan sa pagbabayad ng utang na wikà ngâ'y parang
ahas , habang nababati'y lumálakí, pakaning ano pá, paramtán
dili , buntunan ng lahát ng utos , pagmura , bintang at lupit ng mag
anak ng panginoón : mga alilàng inuupahan ng hamak, at salamat
pa kundi bayad-utang lamang, nguni'y kinákatulong sa mga
240 LOPE K. SANTOS

paghahanap-buhay ng panginoón at ang pinaghanapa'y dito


náuuwî ...... ¿ hindî pô ba't dito sa ati'y marami niyán , nguni't
mayroón na ba kayóng nákitang pag-uusig ng pámunùán ? Ga
yón din ang maitátanóng ko sa mga pagsasamá sa bukid.
--Paanong mag-uusig ay walâng nagsásakdál ? Kun ang
mğa alilàng iyáng naáapí ay siyáng hindi nagsisidulóg sa may
kapangyarihan, anó ang ipanghihimasok ng isang pámunùán
sa kanila?
-Iyán ! iyán na nga ang palakad ! -ani Delfín --Antayín
pang magsakdál ang talagang kita at kilala nang mahinà, ang
talós nang takót at walâng muwáng sa gagawin laban sa
kanyang panginoóng mayaman , malupit at marahil pinunong
bayan din ó kaibigan ng isang may mataás na kapangyarihan !
-Walâ tayong magagawâ-ang paanód na salitâ ni Ma
dlâng-layon-hangá't mga hangál at duwág ang mga alilàng
iyán, ay dapat siláng magtiís ; kaya kailangan ang mag-aral at
nang matuto ng mga karapatán at katungkulan nila sa pagkaalilà .
-Oh , G. Honorio ! Kailangan ang mag-aral ! .... mag-aral
ang mga sa pagkabusabus ay námulat, halili sa nangamatay
na magulang na may utang sa panginoón at handâ nang manga
matay na rin sa pagbabayad .. At ilán na kaya ang mga
panginoong nakapagpapaaral sa kanilang mga alilà ? Kundî
sana palasak iyáng kasabihan ng mga panginoón : "Inúupahan
kitá upang magsilbí sa akin , hindi upang mag-estudiante rito
at siya kong panginoonín !" "Kung ibig mong huwag kang
mahirapan, mabuhay ka na parang kastila, magbayad ka
ng utang!" Saán kúkuha ng ibabayad, kundi ipagbili na
namán sa ibang panginoón din ang katawá't kálulwá nilá ?
Kailangan ang mag-aral ! Nguni't paano ang gagawing
pagpapaaral ng mga anak ng isang magulang, na , ipag-umubos
man ang bôong kaya sa paghahanap-buhay, ay mabuti nang
makakita nang maipakákain at maipagpapalakí sa mga tinurang
anak ; kaya ang nangyayari, maliliit pang bata ay napípilitan
nang papaghanáp-buhayin, upang maagang makatulong sa
ikapagtatawid nilang mag-anák?
-Walâ tayong magagawâ, kaibigang Delfín , hindi namán
maaaring maging panginoón na tayong lahát at walâ nang ma
ging alipin ; maging mayamang pawà at walâ nang maging
mahirap .
-Nguni , maáarì pông mátamó ng Sosyalismo ang mawalâ
na ang panginoón at alipin , at kung bagamán, ang lahat ay
maging alipi't panginoón nang mínsanan . Ang lahat ay gagawâ
BANA AG A T SIKAT 241

ng dî na pag- úutusang paris ng mga pag-uutos ngayón , mawá


wala na iyang marami ang nagpapakamatay sa hirap at ká
kauntî ang binúbuhay sa ginhawa.
-At anó, -ang pasaríng ng abogado -magsasaka na ba
tayong lahat? mangingisdâ? pápasok sa mga gawâan? at walâ
nang paris kong abogado ni mag-aaral pa ng pag-aabogadong
paris niyo?
-Marahil ngâ pô'y hindi na kailanganin ang abogado,
ang pangiting sagot ng binatà -sapagka't walâ nang usapín sa
lupà, ni pag-aarì ó mğa basag-ulong pag- uusapán ; palibhasà
ang paghatol sa mga maysala ay hindi na gagawing katulad
ng mga palakad ngayón sa mga húkuman . Ang sukat mang
yari'y ang pag-iral ng mğa Jurado ó lupon ng mababaít na taong
bayan, gaya ng tumátatág na ngayón sa Austriya , sa Suisa , sa
Estados Unidos at iba pa .
-Iya'y maáarì lamang sa mga bayang laganap na ang
dunong .
-Kayâ pô namán sa Estado Sosyalista, ang lahat ay mag
áaral at gagawa ng bagay-bagay na ayon sa kanyáng hilig at
sa pangangailangan ng Sangbayanán . Wala nang mátutu
tong magnakaw, sapagka't wala namang pag-aarì ng ibang
nánakawin ang lahat ay sa lahát na . Wala nang magtá
taksíl sa pámunùán, sapagka't walâng pámunùáng kagagalitan .
Ang lahat ng mga sigalót na mangyari , mga sigalót na máiibá na
at magbabawas sa mga kasalukuyan, ay háhatula't pápayapàin
ng mga lupong sadyâ ng Sangbayanán . Ang kágalitán ng mga
bayan at lahì ay mawawalâ rin , sapagka't wala na ang kasakimán,
at kun sakaling magkaroon ay masásapà ng isang Kapulungan
ng Sangdaigdig (Junta Internacional.)
---Pangarap ! .... panaganip ! ... Utopía! -ang sambót ng
abogado -Nguni't sa akalà ba ninyó, ay iván nang Estado
Sosyalista ang pinaka-tierra de promisión (lupang pangakò) ?
Kágaling-galingan na pô ba iyáng tunay na diya'y wala nang
manánalát?
-Hindî pô namán hangán diyán lamang ang galing-ipinali
wanag ng manunulat-Maáarì kayóng makaisip at magsaád ng ibá
pang lalong magaling kaysa hinahakàng bayan ng mga Sosyalista ;
nguni't ang masasabi ko sa inyo'y dapat máibá sa mga kasalu
kuyang palakad ngayón ng madlâng lupàíng tanyág na nákikilala
natin , sapagka't alinmán ay hindi pa nakapagbibigay ng lunas sa
dináramdám na dálitâ at pagkaapí ng maraming taong-bayan
saá't-saán man . Sa Estado Sosyalista ay dili ang hindi magká
karoon ng pananalát, nguni't ang pananalát na ito'y magkaká
16-47064
242 LOPE Ꮶ . SANTOS

ayaw-ayaw sa lahát , at hindi na paris ngayóng, habang sa mğa


lansangan ay may mga nag-agay-agay na larawan ng gutom
at dálitâ, ay may nakakasalubong namáng hagibis ng panana
ganà at kaginhawahan . Talagang ang panahón , kung minsa'y
nagdudulot ng kasalatán at kung minsa'y ng kasaganàan.
Dátapwa't katulad ng ginawâ raw ni Faraón nang siyáy mana
ginip na nakakita ng pitong bakang matataba at pitong bakang payát,
na hinulaan ni Joséng pitong taong pananagana muna ng kaharìán ,
saka súsundán ng pitong taong pananalát namán , ang Estado
Sosyalista ay makapagsisikháy ding lalò ng mga pagkabuhay nğ
bayan habang nagdáraán ang panahóng saganà, at kung dumating
na ang panahóng salát ay nang may kanawanawangmaipagtatakip
sa mga kailangan . Ang Estado ang siyáng marapat gumawa ng
ganitó, at hindî paris ngayóng ang mga mámumuhunáng sindikato
at trust ay siyang nakapagpapasalát sa mga bayan pag kanilang
ibig. Hináhago nila ang mga yarì at aning kálakalín at unang
kailangan ng madlâ, gaya ng trigo , bigás , karné at iba pa , habang
mura at masaganà ; infimbák sa mga pintungan at ipinang-áabat
ng mga araw ng lalòng pananalát at pangangailangan , saka inilá
labás , anopa't sa pagkagipít ng madlâ, ay napakákapit na tuloy
kahi't sa patalím ó sa gaano mang halagang hingín ng mánğa
ngalakal . Ang mga pagtatamasang ito ng íiláng masalapi lamang
ay mawawalâ, kun ang Estado na ang siyáng humáhago ng mga
kálakalíng iyán ....
-Mainam na lahát iyán, -ang patawáng sabi ng abogado
nğunì't ...... kayó ang bahalà, kung ayaw kayóng makinig
sa akin na iyán ay mga panaginip lamang.
-Panaginip ngâ pô lamang ngayón na bukas ay ating
mágigisnán. Ang mga nátuklás na dunong ng tao sa loob ng
huling siglo, ay hindi man marahil nápangarap ni náguní-guní
ng mga tao sa una ó ng mga tao sa siglong sinundán ; dapwà't
tingnan ninyo ngayo't nakikita nating nangyayari't pinakikinaba
ngan, gaya ng VAPOR, IMPRENTA, ELECTRICIDAD at iba pa . Ang
kapangyarihang diyós ng mga harì noóng araw, ngayon ay untî
untî nang naháhalinhán ng tunay na kapangyarihan ng
bayan ; ang kapangyarihan ng filán ay nagiging sa marami na ,
at ito'y walang di sa paghangán sa lahát balang araw. Itó na
nga ang araw na ináantáy ng Sosyalismo.
-Ay anó, sa akala niyó, bagay na ba ang lahát na iyáng
mangyari sa kasalukuyang lagáy ng Sangkapulûáng Pilipinas
na ating bayan?
Si Delfín sa tanóng na itó, ay nápamatá ng matagál sa
kausap, bago tumugón ng may kadalangang mga pananalitâ.
BANA AG A T SIKAT 243

-Náitanóng niyó sa akin iyán -anyá-ay siyá ko rin


namáng ibig ulit-uliting ipaliwanag sa inyó. Sa aking pagtatan
gól ng mga panihalàng sosyalista , ay hindi namán ibig kong
sabihing ngayon na rin iyán mangyari sa ating lupà ng ganap na
ganap. Ako'y nagsabi nang sang-ayon din sa inyó sa pagkilala ng
mga kagalingan ng "sistema intervencionista" nan gayo'y umíiral
sa mga lupàíng malayà . Lubhâ pa sa kasalukuyang lagay at
pagkakatatag ng pámahalàán at pamamayan sa Pilipinas , ay
tunay na alangán pa nga ang maraming hakà at balak ng Sosya
lismo . Alám ko ring lubós na kun ang mga mangagawàng
pilipino, ang mga alipin at mga kasama ay nangasa lagay na kaawà
awà at amís, at pinagtátamasahan ng di kawasàng pakina
bang ng mga maypuhunan , panginoón at maylupà ; dátapwâ,
ay mayroon din namáng mga samâ ng asal na dapat gamutín
at mapabuti . Akin ding tantô na ang pagsubok at pagkaganap
ng mga "doctrinas socialistas " ay doón lamang sukat makairal
sa mga bayang nagsásarilí na , at ang nangangasiwà ay mğa anák
nilá rin at hindi mga taga- ibáng lupà .. Hindi rin lingid sa aking
pagkukurò na ang paghahari rito ng puhunan sa mga pag-upa
at pagpapagawâ, ay hindî pa man kálingkingan ng mga nangyá
yari sa Pransiya, sa Espanya, sa Estados Unidos atb . Ni ang
hirap ng pag-gawâ rito ay maanong maging ikalimá man lamang
ng hirap sa mga ibáng lupàín , na ang mangagawà ay nasusubò
oras-oras sa bunganga ng kamatayan, kung nag-áahon- lusong
at gumagawa sa mga yungíb at ilalim ng lupang pinag
míminahan. Tinátangáp ko pông lahát, G. Madlâng-layon,
ang kagaanán at kakulangan ng lagáy ng bayang mangagawà
sa Pilipinas . Dátapwâ't sa akala ko , ay maáarì na at marapat
namáng magpasok na tayo rito ng mga banaag man lamang ng
bagong-buhay na ukol pag-usigin ng mga mangaga wàng nasabi.
Kailangan nang tuligsâín ang ilang samâ at lupít na sa ngayo'y
ipinapataw dito sa mga alilà, kasama't mag-aaráw, at ihandâ
namán silá sa nábaba là na sa kanilang dagsâ ng mğa
puhunang dayo na makikitulong pa sa mga pagdáratnán sa
pagsasangkáp at pag-amís sa pag-gawâ. Pasásaán itóng lupà
natin na dî magkákaroón din ng mga pagawâang malalakí, ng
mğa mákináng magagaling na aagaw sa mga mangaga wàng
pilipino ng kanilang pagkakakitaan ; ngayón pa má'y mayroon
na, nagsisimulâ na , at ang mga una -unang mababangít natin
ay ang mga manlilimbag na unti-unti nang nátatabí, sa pag
datál dito ng mga mákináng
· pang-ugnay ng mga titik na kung
tawagi'y "linotype" at "monotype" at iba't iba pang ukol sa
"mecánica" at "electricidad ." Pasásaán ang pagsasarili ng bayan
natin at ang paghiwalay sa pamumunò ng mga dayuhan, bagay
itóng hindi man kusàng ibigáy ó ipapitás sa pilipino, ay kusà
244 LOPE K. SANTOS

ring malúlugas sa tangkáy, kung bagá sa bungang kahoy, pag


dating ng pagkahinóg at kapanahunan . Ang liksí ay daíg ng
agap . Hangád kong ang mga mangagawà natin ay huwág
nang abutin pang tulog at mahinà ng paghaharing lubós ni Puhu
nan. Kailangan nang magpanahà na silá ng lakás at lakás na
maipakikipagbunô sa sakím na haring iyán . Marapat din namang
mámulat na siláng ang buhay ng tao at ang buhay ng mga bayan,
ay hindi sa ganitó at hangán dito na lamang. Na ang Pilipinas
ay dáratnán din ng pitong bakang matatabá at pitóng bakang
payát, at kundi agád mahúhulàa'y hindi sásalang ang tabâ ng
pitóng una ay sa walâng habas na bibig ng puhunan mapapasubò ,
at ang mga butó ng pitóng huli ay sa balikat ng pag-gawâ mápa
pataw. Ngayón pa'y bagay nang matalós ng mga marálità.
na ang pagdarálitâ nila'y hindi talagang kasalanan nilá , ni ng
Diyós ó nang Naturaleza ni ng pagkakulang palad nilá-gaya
ng sinasabi ng maraming nalálabùan -kundî ng masamang pama
mahalà ng mga pinunò at ng mga utos , na paimbabaw na
nag-áampón sa lahat, bago'y walang tinútulungan kundi ang mga
tuso at mga malakás nang talaga. Na sa mga tao'y hindî sukat
maganap ang tuntuning : "kailán man ang hinà ay talo ng lakás "
(ley del fuerte sobre el débil) , sapagka't ang tao'y may budhî
(conciencia) , na sukat ikatabay sa anománg hilig na sa iba'y
makapipinsalà. Kailangan ding matantô ng mga mangagawà
na ang puhuna'y hindî dapat makinabang ng higít sa pag-gawâ,
ni ng hatî, ni ng labis pa sa halaga ng mga kasangkapan
at gamit sa pagpapagawâ. Na ang dapat lamang pakina
bangin ng maypuhunan ay ang halaga ng kanyang pag
gawa rin, at hindi ang tubò at tubò sa mga himagál (salario)
ng mga nagpapaupá . Na hindi lahát ng yaman ng tao ay galing
sa mabuting paraán , ó bunga ng sariling pawis , ni parating
anak ng pagsisipag at pag-iimpók : marami ang mana lamang
na hindi kilalá kun saán kinuha ng nagpamana : marami ang
sa tulong ng mga alilà natipon : marami ang sa pagkahangál ng
mga kasamá nasamsám : marami ang sa pagsasamantalá sa ipi
nagdúdurong pawis ng marálitâ , nátubò ...... Ang lahat ng
paraang ito'y hindi bawal sa utos ng mga pámunùán . Para
parang ipinagtatangól ng mga hukuman ang kalayaan at kara
patán ng isang nagmana, ng isang panginoón , ng isáng maylupà,
ng isáng mámumuhunán . Na ngayon ang pagdarayà sa mga
pangangalakal ay parang larûán na lamang, marahil pa'y biní
bigyan ng ganting-palà sa mga Tanghalan . Na ang malinaw
na maysala , kayâ lumálalâ ng lumálalâ ang samâ ng isa't isá ,
ay dilì ngâ iba't ang masamang pagkakátatág ng mga pámunùán ,
at ng mga pamamayan ...... Kun ang lahát ng ito ay mátu
tuhan ng bayan natin ngayón pa , ¿ anóng di pagkabagay ang ating
BANAAG A T SIKAT 245

masásabi, sa para-para nang kailangan iyán ngayón din ....?


Iyán pô, sa akalà ko, ang mga unang hakbang ng Sosyalismo
na dito sa Pilipinas ay dapat nang ipasok at palaganapin . Hindî
ko naman tangkâ ang ngayón ding mga araw na ito ay magíng
Estado Sosyalista na ang ating bayan, kundî ang magdaán
muna sa mga baytang (leyes de la evolución) na dapat pagdaanáng
talaga ng alinmáng bagay ó gawa ng tao. Sa ganang akin, ang
mga init ng Sosyalismo ay siyá ngayong magaling na pangpalatang
sa mákiná ó bapór na nagpapalakad sa buhay ng mga tao at ng
mga bayan , upang mapadalî ng lalo't lalò sa sinasalungang
bundók ng pagpapakagaling. Ang Sosyalismo naman ay hindî
ko inaaring siyáng hangá na ó taluktók na tanging dapat pag
sadyâín ng lahát , kundî isáng daán ó landás lamang na lalòng
maaliwalas at matwíd, kaysa kasalukuyan nating nilálandás ;
at siyá kong hangád na unti-unti nang suysuyín, upang kung
dumating ang talagang panahón , ay handâng-handâ na ang
lahát.
Habang isinásaysáy itó ng mánunulat, ang abogado ay
mápatawá, mápailíng. Nagpaubayà na ng pagsagót, sapagka't
mulâ sa dakong labás ay natatanaw niya ang mga kindát, kagát
labi at pangungunót ng noó ni Talia, na sa dî kawasa'y nayamót
din sa pag-aantabáy .
Siláng dalawa ni Turíng ay nápawili rin namán sa sálitâan.
Nagkaroon pa silá ng mga gítîan ng luhà, nang ang kalagayan
ni Meni ay tahás nang ipatalastás ni Talia , sa kanyáng hipag,
na bukód sa dating kaibigan at kalíhimang-loób, ay para na
ngayong tunay na kapatid din. Nguni't natapos at lahat ang
kanilang mga búlungan at sariling pag-uusap sa labás , na ang
dalawá sa loob, ay hindi pa nagkákalutás sa kung anó-anóng
pinagtatalunan.
Nang mahalatâ na ni Yoyong ang totoong pagkainíp ng
asawa, ay ibinalík na ang sálitâan sa talagang pakay ng pag
kikita nilá roón . Nákilala niyá ang tigás ng batang-loob ni
Delfín ; tigás na, matáy mang kalapâín , ay hindi maaaring maka
sundô ni Don Ramón, kun sakali't lakarin niláng mag- asawa
ang pagkábangon ni Meni sa mabuti at mapayapang para án .
---Kun ganyán kayó, -ang winikà -ay malayòng má
kasundo natin ang aking biyanán .
-Abáh !-ang pagulumihanang nasabi ng binatà . -Itó na
máng mga pasyá kong sinaysay sa inyó ay sa atin lamang : ugalì
na pô't napag- uusapan . Nguni't sa harap ni Don Ramón , hindî
ko namán tangkâ na ang makipagtalo sa anopamán.
-Kun gayon ay paano?
246 LOPE K SANTOS

-Walâ pô akóng inaasahan , G. Honorio, kundî ang tulong


niyó. Ngayón ma't buhay ko ang kákailanganin sa ikatítindíg
ng puri ni Meni at ni Don Ramón, ako'y payag at aking ipagká
kaloob sa inyó . . .
-Anó ba? dito na ba tayo magpápagabí? -ang paanğíl na
tanóng ni Talia , na noo'y napilitan nang masok.
-Oo , hija, sandali na lamang ! -- ang magiliw na tugón ni
Yoyong.
At sa sandaling yao'y napagkáyarîán ang kákausapin na
niláng mag-asawa ng tahás si Don Ramón tungkol sa kalagayan
ni Meni, at kung anó't-anó ma'y sakâ na ipatátawag si Delfín .
Si Yoyong ay kátiwalàng mak úkuha niyá sa salitâ at paman
hík ang biyanán at bayáw, sa laki ng alang-alang ng mga itó
sa kanya.
At noon pa lamang silá nagkapáalaman, na ang hapo'y
halos magtakíp -silim na.
Si Turíng ay nakasama tuloy ng mag-asawa sa pag-uwî.
***********************************************

Dig Di Gogg
***********************************************

XV

Your zwurmmrm

Ang puri ng mayaman

ལཎསཨཽ ཡ

Magpahangán saá'y mapagkikilalang ang puring tináta wag


sa mga panahong itó, ay karaniwang katha na lamang ng sosyedad
ó pagsasama ng mga tao, at bagay-bagay na lamang ang pinapag
kákaroón .
Pag-wikaan mo ng ¡walang-hiyá! ang isang taong marálitâ
at walâng kapisanang magdaramdam ng gaano , máliban sa sarili
at piping pagdaramdam ng pinag-wikàan . Nguni't pagkámalán
mong pagparingán ng ganyáng salitâ rin ang isang mayaman ,
ang isang taong mahadlikâ ó máginoó sa bayan, at kasama ng
taong iyáng masásaktán at magbábangong puri ang boông kagi
noohan, sapagka't ¡ oh, gaanong bigát na paglapastangan , at
pagkapahiya ang kaniláng nágugunam-gunam !
Kumamkám ó máhulihan ang isang mayaman ó máginoó
sa kanyang looban , bahay ó katawan ng lalò mang mahalagang
pag-aarì ng ibá, at ang ginawâng iya'y bíbihiràin mong tawa
ging nakaw, at kung malubós ang pagkátutóp at mapagkilalang
nakaw ngâ, ay bíbihiràin mo namang iya'y hindî mapagtakpán
takpán at mapawalà-walà. Kayâ umingay ng lubha ang pang
yayari, ay kung kapwà mayama't máginoó ang nagnakaw at
pinagnakawan. Dapwà't isang mahirap, isáng hamak na tao,
isáng taga-bukid ó mangagawà ang mákitàan ng isáng dalá
dalahan ó impók na bagay na alangán sa pagkarukhâ, at asahan
mong bálana'y maghihinalà sa kanya ng masamâ, bálana'y
dádaliri sa kanya kapag nag-uusigán at bálana'y tátawag ng
malikot ang kamáy, magnanakaw .
Makaisá ó makailán ka mang bunga sa isang dalagang anak
sa pagkarukhâ, na dinaán sa pasukáb ó pangahás na kaparaanán ,
ay tátawanan na lamang at kúkutyâín pa ng madla ang babaying
násabi . Ang mágagá ng isang lapastangan ang isang babaying
anák sa dampâ, ay napapalagay na karaniwan sa mga páma
hayagan ng buo ang ngalan ng nangahás at pinanga hasán.
17
248 LOPE K. SANTOS

Nguni't ipalagay mong isang anák-mayaman , isáng lakí sa bahay


na bató ang babaying iyán, isáng anák ni Don Ramón , sa halim
bawà, at makikita mong pag napabanság ang nangyari, ay hindi
si Meni lamang ang mabubunyag na kadustâ-dustâ at nasísiràan
ng puri, kundi sampû ng kanyang mga magulang na maraming
ikinahihiya at maraming kinahíhiyán ; mákikita mo namán na
upáng huwág mábanság ang nangyari ay di múmunting pag
tatakip ang sa kanya'y ginagawa ng madlâ, at tangì na lamang
sa mğa húkuman ang nakakámalay at nakapagbúbukáng- bibíg.
Mğa kabulàanan ng pagsasamaháng itó!
Kun si Meni sana ay naging Tentay-tentay lamang, at si
Don Ramón ay naging ang nasiràng Andoy, marahil ang sálitâan
ay hindi na natin áakalaing magpápa kalubha at magpapakaliklík
sa kung ano-anóng pakuskús-balungos na pámagitanán at pag
katakot. Wiwikain natin : "Pshé, anó ba ang aalalahanin
mo sa mag-anak na iyóng kumain-dill ! Maabután lamang silá
ng salaping maipagtátawíd-buhay, huwag nang isá, dalawá
ó apat ang maging bunga mo sa Tentay na iyán, kundi sukdáng
magkásampû man, at ang lahat ay makaráraos ng walâng ano
mán !" Talagang ang karukhâá'y siyáng karaniwang mátahin ng
marami. Paano'y kákauntî ang nangakapagk úkuròng ang lalòng
busilak na puri, ang lalòng dalisay na dugo, ang lalong marangál at
malinis na pusò, ay na sa mga taong dukhâ, na sa mga tansông
iyán na tansô ma'y wagás, at walâ sa mga nagkináng-kináng na
gintô, na kayâ lamang makinang ay sa paimbabaw na sapó , at
kaya nagkákaurì at nagkáka halaga ng mahigít, ay sanhi sa mga
kabulàanan ng tinatawag na sibilisasyon.
Anopa't isang Mening anak ng isáng Don Ramón ang mapa
palungi , ang mapúpugayan ng puri, at isáng kumain-diling
mánunulat ang makapúpugay ; kaya ang bisà at tuntunin ng
pag-ibig ay walang kasaysayan at di siyâng makapangyayari.
Hindi maaari ritong katwiranin ni Meni na siya'y walang sinú
sunod na hari sa pag-ibig kundi ang mga talagang tibók ng sariling
pusò ; hindî niyá madádahilán ang kasabiháng : "ang pag-ibig
ay bulág: walang kinikilalang karukhâán ó kapangitan." Ang
ipápatay sa kanyá ng amá ay hindi na ang pagkakáirog at pag
kakárapâ sa isáng kinagagalitang binatà, kundî ang kahihiyâng
tátamuhín sa sosyedad, ang kasirȧán ng puring mabubunyág
sa mga kaibigang mahál na tao at mga máginoó.
At gasino na ang mag-asawa ni Madlâng-layon na maka
pagpapabago ó makapagtátakíp sa ganitong kahihiyân ng familia
Miranda? Si Don Ramón at mulâ pa sa kanyang kastilàng
amá, ay oo nga't nangápabantóg din namán kun sa ngalang
pagka-Tenorio . Marami na rin silang náilugsông puri at ibáng
BANAAG AT SIKAT 249

kapalarang napasukan ng kanilang panahón . Magpahangá


ngayo'y may ñora Loleng, isáng taga San Miguel at ibá
pang babaying makasásaksí. Dátapwa't ang máturang may
makapag-Tenorio sa loob ng kanyáng bahay, may di mamí
tagan ó makapaglaro sa saklaw ng kanyang kapangyarihan ,
ay walâng-walâ pang nakapangánga hás, walâng-wala pang maka
pagsúsurot sa kanyang mukha ng papaano man . Kaya bagá't
noóng gabing ang kalapastanganan ng parmaseútiko Morales
ay kanyáng mádaluhán sa suteá ay nagbunga disin ng isáng
malaking basag-ulo, kundî sana nápataón sa isang masamâng
oras, na tigíb ng saya at ng maraming tao ang loob ng bahay.
Kun sa bagay, si Isiang ay di pa tunay na anák, at ang pinang
yariha'y sa suteá lamang ...
Si Talia at si Yoyong ay tumupád namán sa kaniláng ipi
nangako kay Meni at kay Delfín . Si Sianong kapatid na lalaki
ay di pinagluwatáng kinausap . Talagang ito'y may ugaling
hindi maluwát kausapin, sukdâng bituka man yatà niyá ang
baligtarín . Si Talia namán ay hindî mangángahás na mangunang
magsabi ng lahát at lahát, kundi pa sana nákikilala ng lubós
na lubos ang hanganan ng galit ng kanyang kapatid na iyon.
Anopa't nagkátatló na silá at nagkáapat pa, dahil sa asawa ni
Siano, na pagkahapunan ng gabi ring yaón ay bumilog at nag
tulong-tulong sa pagpapasayá, nang una, kay Don Ramón , na
noón nama'y umuwi nang talagang may kahusayan ang loob, at
nang mawili-wilí na sa kanilang paghaharapan , ay nagpahiwatig
nang untî-untî ang manugang na abogado ...

Sila'y doón na lamang nagkálipon sa salas na may pag-akyát


ng hagdan, samantalang si Meni, na bahagyâ nang nakahapon,
pagkatindíg sa káinan, ay tuloy-tuloy na nasok sa kuwarto,
palibhasa'y ibinulóng agád sa kanyá ni Taliang noón na rin
kákausapin ang matandâ . Mulâ roo'y nakiramdám na lamang
sa anó't anó mang mangyayari. Ang agwat ng kuwarto ay
malayo sa pinag- úumpukán. Alingawngaw na lamang ng
mga salitang kung minsa'y paanás at kung minsa'y pabulalás ,
ang kanyáng náuulinig. Sa di pagkakásiya ng loob sa gayón ,
ay nagmaminsan -minsang sumilip sa may pinto ng malaking
salas , upang mulâ roo'y mátanáw ang anyo ng nangagpúpulong
at lubha pa ang anyo ng mabalasik na amá. Sa ikalawáng
silip ay inabot-abot ng kanyang matá na si Don Ramón ay pinag
aáwatanang makapasok upang mahanap ang ipinakikiusap na
anák. Galít na galít, ang bunganga'y nagbububusá at mapilit
ang pagpupumiglás sa pagpigil at paghadláng niná Yoyong.
250 LOPE K • SANTOS

-Mga walang hiyâ kayó ! -ang palahát nang mura ng


matandâ. -Pápatayin ko ang batang iyán !-anyá pa .
Sa pagkásilip at pagkáriníg ng gayón ni Meni , ang boông
katawan niya'y nangatál at nanglamíg. Nágunitâ na patí ng
oras na huli ng kanyang buhay.
-Meni! Meni! parito ka !-ang nang di makagapi sa nagsi
sipigil ay náitawag ni Don Ramón - Halika!
Si Meni'y anó't sásagót sa tawag ng kamatayan ! .... Ina
lagata ang makaligtas sa gayong poót ng amá. Napaloób na muli
sa kuwarto at naglusót sa kabilâ , nguni't hangán doón na
lamang: kun tútulóy pa , sápilitán na siyáng lálabás ó sásagid
sa salas ng umpukan : sa gayo'y mákikita ng amá. Nagsisi at
naghinagpis na kung bakit pa nagawa ang gayong pagpapasabi
kay Don Ramón . Mabuti pa dising makápupo ang tumanan
na sivá kapagdaka, bago malaman, at sakâ silá maghabol kung
nároroón na . Sa mga sandaling yao'y náguní-guníng ang alin
máng bintana ng kanilang bahay ay makukuha sa isáng luksó
lamang. "Sa ako'y patayin ng tatay, mabuti pa ang huwág
nang paabot dito , ó sa pagtalón na sa bintanà akó mamatay." Itó
ang umuki-ukilkíl na paghahakà sa kanyang isipan . Ah !.
kung may isang mabagsik na lason lamang na sa loob ng kuwarto
ay mahahagilap noón , at máiinóm .... ! Makáiláng náidaóp sa
tiyán ang dalawang kamay at sakâ nápapabuntong hiningá,
kaparis baga ng pagsapó sa taglay na supot ng salapî ng isang
naglalakád, pagkátanáw sa isáng sumásabát na manghaharang.
-Kayó ang pagpapapatayin ko ! -anáng matandâ, nang
wala siyang magawa rin sa pagkakayapós ni Yoyong at ng anak
na lalaki. -Ikaw, Talia , hindi mangyayari iyán kundi ka talagang
kaalám!
-Tatay, hinding hindi ngâ pô ! -ang maamòng sagót.
--Paparituhin ninyo siyá! Ibig kong makita!
Sandaling sínoma'y walang nakatugón. Paharapin si Meni
sa mga oras na iyón !.
Ang matandâ'y nanginginig sa galit. Nagkabulà sa kanyá
ang mga unang pag-asa niná Yoyong na makukuha sa salitâ at
sa pagmamakaawà niláng lahát ; kun sa bagay ay hindi namán .
sila nagpabiglâ-bigla sa pagpapahiwatig ng mga nangyari. Si
Talia ay nangalasag ng luhà, si Yoyong at si Siano ay nanan
data ng mga pagpapayo.
-Mahalay pông lalò, tatay, ang iya'y atin pang ipagma
kaingay !-anáng manugang na abogado , nang muling mapaluklók
ang biyanán.
-Anóng mahalay ! .... tawagin mo siyá, Talia !-ang utos
na mapilit, makapangyarihan at padarag.
BANAA G A T SIKAT 251

Ang inúutusa'y nag-alinlangan sa pagsunód . Nguni't sa


isá pang "Tawagin mo !, " si Talia ay hindî na nakapagpaumat
umat. Tumindíg ng pailás sa yambâ ng amá , na siya'y dúdu
hapangin ng tampál. Máharáp si Meni sa poót na iyón ! ..
Ang ganito'y hindi maatím ni Talia , lubhâ pa nang pasundán
siya ni Yoyong ng isáng kindát na "huwág!" Dapwà't dilì ang
hindi siyá kíkilos . Nagtuloy sa kuwarto na halos walang urilat
sa ulo , at parang dî tumútuntóng ng tablá sa sindák. Kilalá
niyang si Don Ramón ay talagang katakot-takot magalit : galit
harì ; mapagpalayaw pag mabuti ang loób, nguni't mapagparusa
ng walang patumangâ kapág pinagsísiklabán na ang isip.
Si Meni , pagkáramdám ng gayong pagpasok ng kapatid ,
ay kusà nang sumalubong. Ang unang nag-usap ay ang dala
wáng dibdib nilá sa biglâng yakapán . Pisngî't luhà ng isa't isa'y
nagpahayagan muna ng mga kapighatiang tinatagláy. Sakâ
nagkásisihan ng ilang salitâ.
-Kundangan, kayo'y nagsabi pa ! -ani Meni .
--Ikaw ang maysala ng lahát na itó !-ang sisi naman ng isá.
--Ay Talia !
--Meni !
At ang magkapatid ay kaunti na lamang nápalugmók sa
tablá, sa pangangaykáy ng kaniláng mğa tuhod at sa dagsâ ng
kahapisan . Anó ang gagawin sa mga lagay na yaón?.
Ang alingawngaw ng muling pagtawag ni Don Ramón ay
biglang nakatangál sa pagkakahawakan nilang dalawa .
-Magtago ka na ! sásabihin kong wala ka na rito ! -ang
pagkasagot ni Talia ng isáng malakás na "Pô ; náriyán na pô !, " ay
iniudyók sa kapatid .
-Saán akó magtatagò?
-Diyán sa ilalim ng kama !. doón kaya sa itaas ng
kísame! .... magdaán ka sa bintanà . .. maglusót ka na kayâ
riyán sa kabilang kuwarto .
Nguni't pawàng walang kasaysayang paraan ang mğa
itinúturò niya. Si Don Ramón ay hindi parang batà lamang
na mapagtataguan sa mga likód-likód ng pintô. Nátalì isa di
sapalang pag-aalinlangan ang kalooban ng dalawá , na dî maisip
kung mabuti na ang lumabás ó kung doón na silá paabot at
papatay kapwà sa poót ng amá. Isá pang sigaw, at isá pang
"Náriyán na pô, tatay!" Si Siano ay nabalisa nang tumungo rin
sa kuwarto at tumingin sa dalawáng dî na lumabás-labás . Su
munód din ang kanyang asawa .
Patí si Yoyong ay kinabá-kabahán na ng dibdib .
252 LOPE K. SANTOS

Nang di pa rin lumálabás ang tinatawag, si Don Ramón ay


nakatalilís sa mga panglibáng na salitâ at pagpigil ni Yoyong,
at nakapasok nang parang palasô sa kuwarto .
-Tatay! tatay!-ang sabay-sabay na pumulás sa bibíg
ng mga inabot sa loob.
-Saán nároón ang walâng-hiyâng iyán?
Si Meni'y nálulupaging ligíd ng dalawang kapatid at ng
hipag. Pinipilit na sanang tumindig, nguni't hindi makatindíg.
Sa gayong pagkabiglâ, sila'y para -parang nagulumihanan .
Guní-guní ó katotohanan , sa biglâng masíd ni Don Ramón ,
ay nakita niyang ibang ibá na ang anyô ni Meni : anyô ng isang
taksil na anák, anyông buông-buô ng lalòng kápangit-pangitang
kasalanan . Lubós na lubós ang pagkágunitâ noón din na si
Meni'y alangan pang gabukín , sa ikabábawì ng puri niyáng
nálugsô.
Di pa nakapaghúhunos -dilì ang sínomán sa kanilá, at dî pa
nakagígít ang panunód na dating ni Yoyong, ay nabigyán na ni
Don Ramón ng isang malakás na tampál ang mukhâ ni Meni.
Nasundán pa ng isang sipà sa may tagiliran, at sakâ lamang
nagapì ng nagsisiawat.
Si Meni , ¡ oh si Meni ! ay walâng náisalág na wikà kundî isáng
mariíng ¡Inakú! .... Nagkágulong-gulong sa tablá at ....
naghabol ng hiningá, pinanawan ng diwà.....

Pangláw- líbingan ang ilang sandaling naghari sa loob ng


kuwarto . Ni isá sa kanila'y walâng nakahumá ga-putók mang
salitâ. Si Don Ramón ay nagngangalit, nanglilisik ang mga ma
táng náluluhâ-luhâ, nangángaykay at kuyóm ang kanang kamay
na anaki'y may kinakalaban ng suntukan . Ngunì, sukat sa mga
unang bulalás na iyón ng poót at salamat sa mga pag
awat na pipi at yápusan halos ng magbayaw ni Siano , siya'y
hindi na umulit pa ng pagtampál ni pagtadyák . Natilihan
din naman pagkatapos at nang makita ang pagkakágulong
gulong at pagkakahandusay ng kanyang anák na kaawà-awà .
Sa takot, alinmán sa maghipag ay hindi kapagdakang naka
lapit kay Meni. Nguni't nang mamalas sa pagkakahandusay na
patagilid at paungaong sa dibdib ang ulo , hindi nagbabagong
kilos ni dumáraíng, si Talia ang una-unang nápahagulhól at
pasaklolong náparisan din naman ng hipag at sampû ni Siano ,
na iniwan na ang kanyang amáng humihingal din, upang mapag
yaman ang walâng diwà at nawalan ng pagka-taong si Meni.
BANAAG A T SIKAT 253

Ang pusò ng matandâ ay sinagian ng habag sa gayóng


sakloloháng nakikita . Dapwà't ang poót niya'y malayong
máisukò sa gayóng damdamin .
-Hindi kailangang ako'y mamatayán ng isang anák, kung
anák na makapúpugay ng aking korona! -ang winikàng diníg
ng lahat, at sakâ búbulóng-bulóng na sumama na kay Yoyong
sa pagyayà nitó sa labás ng kuwarto, upang huwag nang makita
ang kinagagalitan .
Si Meni ay pinagsaulán namán agád ng pagka- tao , salamat
sa éter, sa tubig, sa mga bantíl at kagát sa hinlalaking pinag
tulong-tulong, hindî ng magkakapatid lamang , kundî ng mga
alilà pang pinagtawag nila't nakámalay sa mga nangyari.
Pagkahibasbás at pagkabawìng- diwà, ay binuhat ng boông
ingat at karahanan sa kamang nálalapít . Ang parang basahang
katawan ay kanilang pinagpalà-palà , kinumutang mabuti, pinaka
kupkóp sa anománg saboy at sumpit ng hangin . Si Talia ang
saglít ma'y hindî lun:álayô : halí-halilí ang mga panyông sutlâng
idinádampî niyá sa malamíg na gagamungóng pawis na gumígitî
sa noó at sa boông mukha ng maysakít. Walâ siláng higláw
ng pag-aliw, at walang tilà ng pagkakalinga sa bawa't máriníg
na hinagpís at daíng. Pagkámulat ng matá at pagkapag
hunos-dili sa mga ginawa sa kanya ng amá, ay wala nang ipinakita
kundî pagluhà, luhàng nakikipagságanàán sa mga gitî ng pawis ,
at wala nang ipinarinig kun dî mga jay! ng kanyang palad , mğa
himutók ng kabuhayan, mga pananaíng halos ng isáng mamá
matay na lamang ...
Idinaíng na ang isang pisnging nangingitím at pasâ, ang
tayngang namímingí, na siyáng tinamaan ng tampál at
siyáng ikinatulíg at ikinásubsób. Idinaing na ang tagilirang
masakit na masakít, tinamaan ng tadyák na walâng pakundangan .
Ipinahipò kay Talia ang dibdib na nagsisikíp at tumátahíp
tahíp . Ang ulong mabigát at naliyó ; ang katawáng latâng
latâ ; ang mga kamay na namáma nhíd at paáng nangíngimay, •
lalò na ang hinlalaki ng paáng kinagát ng asawa ni Siano , nang
di pa nagbabalik ang kanyang buhay. Ang lahat na yao'y
inindá at ipinaglambing sa kapatid at sa hipag .
Isang bagay ang sa harap ng mga gayóng damdamin,
ay ipinag-ulik-ulik ng mga nag-aalagà : ang kung nararapat
tawagin si Dr. Borja na siyáng sadyang mangagamot sa
bahay. Hindi kaya kahivâ-hivâng matantô ng médiko ang mga
mulâ ng gayóng sakuna? Hindi kaya kahalay-halay na matuntón
ng ibang tao ang káugit-ugatang nag-unlad ng gayóng mga
karamdaman ni Meni? Si Dr. Borja, bagamán isá na sa mga taong
katapatang loob at matalik na kaibigan sa bahay na yaón , ay
254 LOPE K. SANTOS

may isang pamangkíng binatà na nag-aká-akalà rin at hangá


noo'y hindi pa nagtitigil sa pagnanais kay Meni. Malaking
kahihiyán kun ang gayo'y matatap. Hindi kulang ng mga ibá
pang mangagamot na matatawag sa boông Maynilà , lubhâ pa
sa Sta Cruz, na siyáng bayang kágunguhan ng mga médiko .
Nguni't halos siláng lahat ay panay na kaibigan na ni Don Ramón.
Makatatawag nga sana ng kahi't médikong amerikano, yamang
ang salapi'y walang pinápanginoón ; nguni't sa amerikano'y
walang tiwalang loób ni si Don Ramón , ni ang mga anák. Ano
pa't natuluyan nang pinaraán nila ang gabing yaón , sa pagta
takíp ng kahihiyáng mátatamó ng bahay sa matá at kaalamán
ng ibang tao.
Si Meni ay pinagpuyatán ng maghipag. At si Don Ramón
ay hindi hiniglawán ng magbayaw, hangáng di napatahimik
at nágupiling sa kuwartong tulugán .
Malalim nang totoo ang gabí nang patí ni Taliang nagtá
tanod, ay abutin ng antók at pagkátulóg sa isang silyong kapiling
ng kama. Siláng dalawa'y napag - iwan doón. At si Meni'y napag
isú na sa pagkagising. Dapat sanang nápahimbing din , pag
katapos ng gayong kapágalan ng kanyang lakás at hiningá . Nguni't
hindi ito ang nangyari. Pukáw ang loób niyá at pukáw ang
guní-guní, bagamán pikit ang mga matá. Sa pag-iisá ay hindî
na mga sakit ng katawan ang naramdamán sa sarili, kundi mğa
bulóng ng pusò at hatol ng gunam-gunam . Hindi panaginip ,
kundi talagang siyá niyáng nágugunita ang pangalan ni Delfín ,
ang kápapangyarihan ng kanyang buhay kung mapasama kay
Delfín, ang gagawin ni Delfín kung matalastás ang nangyari
sa kanya, kung mámalas ang kanyang lagáy na kaawa-awà. Ang
galit ng amáng nagparusa ay hindi gaanong bumábaklá sa loob,
yamang nangyari na . Siya'y handâ pang magtiís ng higit sa
gayóng mga kahirapan kun ang galit ng amá ay háhangán din
• sa paghinuhod sa kanyang nais na mábangon kay Delfín . Isáng
tampál at isang sipà ay isáng paták lamang ng paít sa isáng
karagatan ng tamis ng ligayang kanyáng tátamuhín , kun si
Delfín ay tangapín na sa bahay. At isang kamatayan man,
kun sakali, ay mámasarapín din , mákita lamang muna sa mali
wanag ang bagay na yaóng kanyang tinatagláy-taglay na mutyâ
ni Delfín at poót ng kanyang magulang. Muntî ma'y hindî
pinagsisihan ang gayong pagkakásala sa kapurihán ng amá.
Naghari sa loob ang katámisan ng isang pag-irog at di
dî ang kapáitan
.
ng isang parusa .
Nákatulog din , nguni't nang mag-úumaga na . Siyá namán
ang nágisnáng náhihimbing pa ng mga kapatid. Gaanong
BANAAG AT SIKAT 255

tuwâ ng isa't isá ! Ang pagkátulóg na yaón ay tandâ, anilá ,


ng maginhawa nang lagay ng maysakit. LII
Si Don Ramón ang dî na nilá nágisnán . Madilím-dilím
pa , ayon sa isang alilàng nakakita , ay nanaog na at lakád na
lumabás sa daán , nakabihis ng karaniwang damit. Ang nag
dáramdám na amá ay tunay na dî mápakalí at makatirá sa haráp
ng kapoót-poót na sakunâng yaóng pumugay sa kanyang puri.
Bahagya nang nagluwát sa pagkákatulog nang iwan sa kuwarto
ni Yoyong. Magdamag na sinalakay ng lalòng maiitím na
anino ng poót at kahihiyán . Ang kanyang mga matá, kahì't
ipinakápikít, ay walâng námamatàan kundi larawan niyá
ring walâng ulo , at sa dakong malayò ay natatanaw ang ulo
niyáng pugót na bitbít-bitbít sa dalawáng taynga ng tig- isang
kamáy ni Delfín at ni Meni . Sa magkábilâng panig, at sa likod
at harapán , ay mga mukhâ ng sari-saring tao ang namamalas na
sa kanya'y nakatingin at nagtatawanan. May mga mukhâ
ng matatalik na kaibigan , na hindî namán nangagtátawá
kundi nagsisiiyák; at mayroon pang mga nagagalit. Ano
pá't sa masid niya, siya'y wala nang kahalá-halaga sa ibabaw
ng lupa, wala nang kapuri-puri sa pagtirá sa lupàng Santa Cruz ,
sa lupàng Maynilà, sa lupàng Pilipinas . Lahát na sa kanya'y
naglalarô, lumílibák, naáawà at sumísisi . Patí si ñora Loleng
na datihan nang makatarók ng mga lalòng lihim ng kanyang
buhay, ay nawarì mandín , nang gabing yaón , na nag-ibang
mukha na sa kanyá : alangáng galít, alangáng nakatawa . Nagá
galit kayâ, sapagka't naghahabol pa si Don Ramón, at naghí
hinagpis sa isang paglililong ginagawa niláng dalawá? Natútuwâ
kaya, sapagka't inaakalang kung magkágayón at mápalayas
na roón si Meni, ay walâ nang anák na dalaga si Don Ramón
na madádahilán sa di pagdalaw ó sa pagkukulang sa mga hingî
nivá? * #1
Kalahati'y panaginip at kalahati'y hindî, na sumalagimsím
kay Don Ramón , sa pag-iisá sa hihigán , ang mga balábalaking
itóng náyayambâ at nakalilibid sa kanyang buhay.
Nang siya'y pasukin ni Yoyong at ni Talia sa kay Sianong
kuwarto ay talagang walâ na ngâ. Si Don Ramón ay hindî
datihang nananaog sa bahay at napasa sa lansangan ng lakád
sa mga gayong oras ; máliban kung nakaisip magsimbá, sapagka't
siyá, paano't paano man ay katoliko rin, kun di nakalilimot.
*

Si Meni, nang magising ay mataás-taás na ang araw. Ang


pagál at puyat ay nabayaran sa umaga . Nguni't ang hindi , ang
lalo pa mandíng lumubhâ, ay ang mga sugat ng kanyang
256 LOPE K. SANTOS

panimdím, ang mga damdamin ng kanyáng pusò at ang pag


aagam-agam sa kung ano ang kapangyayarihan ng kanilang
palad ni Delfín , na marahil walang kamalák-malák sa gayong
mga hirap at parusang ibinuntó sa kanyá ng amáng poót na
poót.
Ibig bumangon ay hindi makakayang gaano : latâng latâ
pa ang katawán , bagamán napaginhawa na ng pagkátulóg.
Gayón ma'y nakaupô rin , upáng mátangáp ang ipinipilit na
pagkain ng maghipag ni Talia. Nguni't ang pagkain ay ayaw
masok sa lalamunan. Ang loób na siyang nagbibigay sa kapatíd
ay siyá lamang tumátangáp , dapwa't ang panglasáp ay hindî.
Ang lalamunan at dibdib, anaki'y kusàng nagsisipangipot sa pag
tangí sa kabuhayan . Ang mga matá, sa káaamò ng kapatid
upáng tumikím ng kaunti man lamang sa inihahandog na
pagkain, ay siyáng una-unang sumásagót ng luhà , luha at
luhà.
-Hindi ka ba nagagalit din sa akin , Talia ?-ang náitanóng.
-Bákit pa akó magágalit sa iyó ? -anáng tinanóng - hála ,
kain na !--ang muling amukî ni Talia .
Sumimsím na namán, nguni't anó pa .
--Anó ang sabi-sabi sa inyó ng tatay ngayong umaga ?
-Walâ rito ang tatay.
-Walâ.
--Oo, hindî na namin nágisnán.
-At saán naparoón?
-Marahil kun saán lamang yaón nagpáparaán ng samâ
ng loób.
Si Meni ay nápabuntóng hininga .
-Ikaw, Talia , pabábayaan mo rin ba ako?
--Pabábayaan ! Pagpapabayà pa ba ang ginagawâ ko
sa ivó?
-Oh, kapatid ko !--ang pasimbuyó at malambing na násabi
ni Meni, kasabay ng yakap ng isang kamay sa balikat ng kapatid .
-Nag-aalaala akong bakâ ikaw ay magbagong palagay na sa
akin , dahil sa mga kahihiyáng tátamuhín ng ating bahay kung
málantád na ang kasalanan kong itó ...
Si Talia ay sandaling hindi nakaimík . Parang dinagukan
ang dibdib ng gayóng maririíng pananalitâ :
-Bákin ganyan ang sabi mo ?-ang náitanóng- kun sa
bagay nga ba ang iyong ginawa ay mabuti, nguni't may nakita
ka na bang pagkukulang ko sa pagdamay sa iyó?
BANA AG Ꭺ Ꭲ SIKAT 257

-Totoó ngâng walâ ; nguni't ...


-Anó pang katunayan ang ibig mo?
Si Meni namán ang dî nakakibông sandali. Nagkátitigán
muna ang magkapatid , at palibhasa'y napataón ang pagpasok
ng hipag, kaya ang sálitâa'y náiba sa talagang ibig ipagpatuloy
ni Meni. Ang tinurang hipag ay dilì ang hindi nakaáalám na
sa lahát ; nguni't ang naipagtitiwalàng ipariníg ni Meni kay
Talia , ay hindi pa gaanong nababagay sa isáng hipag na asawa
pa naman ng kapatid na lalaking, magpakábaít-baít man sa
kapatid, ay lalaki rin .
Ang hipag ang naglabás ng mga di naubos na agahan,
kaya't naiwan na naman ang dalawáng magkapatid.
-Akó , Talia - ang winikà ni Meni-ay may ipamámanhík
sa iyó, ¿maáarì ba ?
-Anó iyón?
--Bakâ hindi maáarì rin lamang ...
-Oo maáarì, kahì't anó.
-Ang tatay kaya ay hindi umuwi agád?
-Ngayón pa ba iyón umuwî agád ! Aywán ko rin , pagka't
hinanap ni Siano .
-Kun gayo'y walâ rito patí si Siano ?
-Walâ, at pinaráraán ko tuloy kay Dr. Gatdula .
-Doktor!-ang pagilalás na náisambót ni Meni-¿ at ipagá
gamót ba ninyó ako'y wala namang sakit?
--Iyáng mukhâ mo'y namámagâ at nangingitím pa rin ;
wikà mo'y masakit ang iyong tagiliran , at sakâ ang siníkdó-sikdó
ng iyong pusò, ay bakâ ...
--Matitiis kong lahát itó , Talia ; ang ibig ko lamang na
iyóng gawín , habang wala ang tatay at si Siano, ay ipatawag
mo si ...... siyá.
-Síno ? si Delfín?
Isáng tango ang naging katúgunan .
-At kung datnán dito ng tatay?
Si Meni'y nag-isip na sandalî , at pagkakuwa'y nagpasiyá :
-Papagtagùin natin . Ibig kong makausap siya ngayón
din; ibig kong makita niyá ang lagáy kong itó. Ikaw na sana
ang bahalang gumawa ng paraán !
-Nguni't huwag dito kayó mag-usap! --ang paklí ng isa .
-At saún pa ! Ako'y hindi makapápanaog.
-Isulat na lamang natin sa kanya ang mga nangyari.
17-47064
258 LOPE K. SANTOS

-Huwág : ibig ko sana'y magkausap kamí ; mákita mo na


mán kun anó ang gagawin niya.
Si Talia ay tumutol-tutol pa ; nguni't si Meni'y malambing
na sumiamò-saniò, hangáng, sa wakás, ay napapayag ang kapatid
na magpadala ng isáng tarheta kay Delfín , na sinulatan ng ilang
salitang siya'y ináantay sa bahay sa mga oras ding yaón, tuloy
huwag mag-alaala sa anománg panganib sa bahay, sapagka't
walâ roón ang matandâ.
*
Hindi minabuti ni Madlâng-layon ang ganitong pagpapa
sundô . Nálaman sa bibig ni Talia rin , na sa kanyang pagbabasá
ng mga pahayagán sa salas , ay lumapit at nagbulóng ng gayón .
Ipinahabol ang bataang magdádalá ng tarheta , at mabuti
nama't inabot pa sa daán .
Ipinaaninaw ni Yoyong na ang pagtuntóng ni Delfín sa
bahay at sa mga araw na yaón, ay hindi pa nábabagay. Kun
sa isang pagkakátaón ay abutan ng matandâ, ó kaya'y may
makapagbalità rito ng pagparoón , hindî lamang si Delfín ang
mápapanganib, kundî sampûng siláng lahát, lalong lalò na siyá,
si Yoyong, na kasalukuyang nagmámabutí pa namán at naní
nimbang sa biyanán , upang dingin lamang ang ipinamá
manhík. Bukód sa rito , kung makita ni Siano si Delfín sa
bahay, paano mang lamíg ng loob at gaano mang paghinuhod
ng isang nagmámahál na kapatid na lalaki , ay hindî maliwag na
maglatang at pagdimlán ng isip sa haráp ng isang mapangahás
na taong lumapastangan at umagaw pa sa katangì-tangì na lamang
na kapatid niyáng dalaga .
Ang ganitong pagsansalà ay saán dî bíbigát sa pusò ni Meni .
Dapwa't sa mga katwirang ipinahayag ng bayaw, sa pagkáki
lalang lalong mahirap ngâ namán ang mápanganyayà si Delfín
kung abutan ng amá ó ng kapatid na lalaki, at saka alang-alang
sa mga pangakong mahigpit ni Yoyong na bayàa't siyá na ang
makikipag-usap kay Delfín, páparunán itó noón din sa pásulatán
at ibábalità ang lahat na mga nangyari, sampû ng anománg mğa
máipasasabi ni Meni , ito ay nayag na't di nagpilit mákita pa
sa bahay ang sing-irog na unang maylikha ng mga gayóng
kináratnán .
Samantala , si Siano ay saráratíng, kasunod ang tinawag na
médiko : si Dr. Gatdula .
Pagkatapos mapulsuhán , mapagmalas ang mukhâ , matignán
ang pasâ, gayón din ang masakít sa tagilirang kaliwâ, at nang
malubos na yatà ang pagkakilala ng médiko sa tunay na diná
ramdám ng maysakít, hindi ang pag-rescta agad ang ginawâ,
BANAAG AT SIKAT 259

kundi ang pagtatanong kay Talia , at sa mag-asawa ni Sianong


kaharap doón , kung ano-anó silá ng maykaramdaman .
Si Dr. Gatdula ay isáng médikong taga-lalawigang bagong
lipat sa Maynilà , at noo'y kasalukuyan pa lamang nábabanság
sa pangagamót dito ; walâ pang maraming kakilala at suking
mayayamang paris bagá ni Don Ramón . Anopá't yaón lamang
ang kauna-unahang panhík niyá roón .
Ang talinghagà ng sakit , ang tunay na dahil na ipinagkaroón
ni Meni ng gayóng pasâ sa mukhâ at munting pamamagâ sa tagi
liran , bagamán di gaanong kalulubhâ, ay nahulàan nang talagá
ng matalinong médiko . Sínomán sa mga taong-bahay ay hindî
nagtátapát ; máliban sa sabing nakagalitan lamang sa isang bagay
at hangáng nátampál ngâ at násipà sa galit ng kaniláng amá.
-Mayroón pa , mayroon pa pông isáng karamdaman iyán !
anang mangagamot na ngingiti- ngiti, at anyông nakikiramdám
sa mga kaharáp kung nakatátalós nang talaga, ó kung hindî
pa'y maaaring makatalós sa isá pang damdám na lihim ni Meni.
Si Talia ay nagmámangámangahan namán.
-Pag-iingatan pô ninyo siyá―ang dugtóng ng médiko
at bakâ ang pagsanhi ng masakít na tagiliran at ang mga di
pagkain, sakâ ang pagsasál ng mga tibók at sikdó ng pusò sa samâ
ó lungkót ng loob, ay makapagdamay ng iba pang sakít na ma
panganib.
Rumeseta ng pangamót sa nangingitím na pisngi at
pasang pilipisan at sa namúmulá-mulá pa ring tamà ng sapatilya
ni Don Ramón sa may tadyáng; gayón din ng isang inuming
pangpapanatag sa pusong tátahíp-tahíp at dibdib na laging
sumísikdó at nagsisikíp . Sakâ, parang isang paring nagpapa
kumpisál ay inilapit ang bibig sa may taynga ni Meni , noóng
kátaóng binabasa ng iba ang reseta, bago nagbulóng ng ilang
salitâng, ayon sa mga buká ng kanyang bibig at sa pagkátigagal ni
Meni, ay mapaghuhulò nang nagtatagubilin dito ng ilang pag
iingat na dapat gawin sa sarili , upang huwág mápanganyayà
ang kanyang lagay. Makatútugón kayâ si Meni ng "Hindi pô!"
"walâ po!" ... Nagpipí-pipihan na lamang, at ang mga salitâng
yaón ng médiko, bagamán hindi pa rin tálampakan, ay parang
niga busog na lumagós sa kanyang taynga at tumimò hangáng
sa kaibuturan ng pusò at nagdaloy sa mga ugát , lalò na sa mukhâ ,
ng dagtâ at kulay na maputla ng kahihiyán . Nguni't ano pa
ang gagawin? Médiko yaón, ay hindi na maaaring pagkálihiman
ng gayong bagay. Sa loob ay sinisi na lamang sina Siano, kung
bakit pa nagpatawag ng médiko. Ang kubutihan nama'y hindî
pa kakilala nilá ang tinurang médiko , sakâ walâ noón sa bahay
si Don Ramón .
260 LOPE K. SANTOS

Nang áalís na ang mangagamot ay nagsabing hindi na kai


langang siya'y bumalík pa roón , tupdín lamang lahat ang mga
tagubilin at hatol. Kun saká-sakalì, bago na siyá tawagin.
Si Yoyong, ay hindi nalao't sumunod namang nanaog.
Yumao sa pagtupád ng náipangakò sa kinaáawàáng hipag.
Sa Pásulatán ay nagkita namán silá ni Delfín , at doón, sa isang
lingíd na tabí, ay patayô na siláng nagpulong.
Natantô ni Delfín ang lahát at lahát, patí ng pagpapasun
dông sinansalà at ang pagpapatingin kay Dr. Gatdula. Unós
mandín ng dalamhati ang sumalantâ sa mararamdaming kálulwá
ng mánunulat . Ang mapusók na loob ng pagkabatà ay san
daling nag-apóy sa galit din namán . sa pagka-malupit ni
Don Ramón. Kundi ang pangkatabay na mga pangungusap
ni Madlâng-layon , si Delfín marahil ay napailanláng noón din
sa impapawid ng mga bantâng paghihigantí sa amá man ng
kanyang pinópoón . Kundi ang mga paaninaw ni Madlâng
layon, marahil nadalá siyá ng mga unang sulák ng mainit na
paghahakà sa ugalì ni Don Ramón , ugaling umíiríng sa mahirap
na paris nivá. Umali sa kanyáng gunitâ ang pag-aakalang
kung isang anak ng mayaman din at mahadlikâng angkán ang
pinagkágayunán ni Meni, kaypalà si Don Ramón ay di lubhâng
magkakagayon sa poót at panghihinayang sa anak. Dapwà't
si Yoyong ay mayroon mandíng pangayuma ng pagsugpo sa ano
máng mga mabulusok na akalà at bantâ ni Delfín . Náipaaninaw
niyang magpakásamâ-samâ si Don Ramón, ang ginawâ niláng
ivón ni Meni ay hindi maipalálagáy na dî pagtataksil sa magulang
at kasalanang naglúlugsô ng puri ng isang mag-anak.
-Oo ngâ pô ; -ang ipinakli ni Delfín -dátapwâ't magka
kágayón ba kami kun dî dahil din sa paghihigpít at pag-alipustâ
niyá sa akin?
--Nang kayo'y higpitán- ang wikà ni Yoyong -ay sapúl
na lamang noóng magkátaltalan kayó sa Batis ; nguni't noong
mga unang araw, ay nakapápanhík din namán kayó sa kanilá.
-Hindî pô panhík-ligaw, kundi sama-sama lamang kay
Felipe .
-Nguni't nálalaman na ni Don Ramón na kayó noo'y
nangliligaw sa isá niyáng anak .
--Sa anó't anó man pô, -ang paanód na sagot ni Delfín
¿hindi ba namán silá nagdaán din sa pagkabinatà, at hangá
ngayo'y siyá pa niláng ginagawâ iyán?
Nápatawá si Madlâng-layon , bago nagsalitâ :
"Gawin mo ang sinasabi ko at huwag ang ginagawa ko ,"
¿ naaalaala ba ninyó ang katwirang itó ?
BANAAG AT SIKAT 261

Patí si Delfín ay napangiti .


--Ang masásabi ko sa inyó- idinugtóng ni Yoyong -ay
tumiwasay kayó at malamíg nating pagkurùin ang bagay na
iyán . Sa akalà ko ay mátatamó rin namin ang pag-ayon ng
matanda. Paraanín natin ang mga unang bugsô ng galit ng
isáng nasásakitang amá. Kung anó't anó'y ipabábalità ko sa
inyó ang mga nangyayari. Mag-iingat lamang kayó sa matá
ni Don Ramón , at mahirap na ang mapataón sa kanyang kaga
litan . Si Meni ay huwag niyong alalahanin , marahil hangán
doón na lamang ang hirap niyáng títiisín ...
Si Delfín ay parang napapagkít sa mga ganitong himok at
malingap na pamamagitnâ ni Yoyong. Sa mga oras na yao'y
biyaya mandíng hulog ng langit ang tingin niyá sa taong itó.
Anó pang gandáng loób ang manána is sa isang kaibigan ?
Kulang na lamang ang halikán niyá ng kamáy si Yoyong sa
pagpapasalamat . At nang maghihiwalay na'y hindi rin naka
tiís na dî magpabaon ng isang yakap sa dakilàng kaibigang iyón .

Key
NanananananananaIJIJIJIJIJIJIJ

XVI

Si Nora Loleng
]€€€€€€€€€€€€€€«

Nakaraa't nakaraán ang kasabiháng tatlong araw ng Paskó,


na parang walâng anomán sa ating mga sinásaysay na tao . Ang
panganganak sa Mesías sa isang labangán ng Belén , na dating
ipinagsasaya sa bahay ni Don Ramón , ay dî man yatà pumasok
na muli sa gunitâ ng sínomán sa kanilá. Sino pa ang Mening
masipag at matwâíng mag-gagayák ng belén-belenan? Si Talia
pa kaya ang makaatupag ng gagawing iyon?
Bawa't batà ó matandâng mamaskó nang mga araw na yaón
sa bahay, ay kákamot-kamot sa ulo at búbulóng-bulóng kung
mákita mong magsilabás sa pintuan . Si Don Ramón ay hindi
datnán-datnán kahì't sa anong oras ng araw parunán . Ang
labis at loob ng bahay ay mapanglaw na parang libingan at
walang kaayos-ayos na parang gubat, dî bagá katulad ng mga
Paskong nagdaan . Ang mga dungawa'y halos pawàng nakasará ,
anaki'y walang mga tao sa loób. Sínománg kaibigang dumalaw
ay pinagkakailâán ng mga alilà ; sa pintô pa lamang ay isinása
lubong nang walang tao roón , at díkonó'y nangaanyayahan
at nagsipamaskó namán sa ibang lugál.
Bálana'y napapataká sa biglang pagkabago sa bahay na
yaón ng isang katutubò nang ugali . Nguni't bakit hindi mabá
bago, ay nabago na si Talia , nabago na si Meni , nabago na patí
si Don Ramóng noo'y wala nang kaanák-anák na dalaga , at
sampû ng bilang ng tao sa tinurang bahay ay nahaluan ng iba pa
at nabago na rin . Dati- dati, si Don Ramón ay walâng náki
kilalang Delfín kundi isá lamang ; ngayón , pag nagkátaón, ay
may isa pang muntî, na siyang ipinaglilihim at ikinahihiyâ ! ....
Patuloy pa nga ang pagsusumipót-dili sa bahay ni Don
Ramón . Nagkaroón sivá ng lalong malaking dahilán sa kasa
máng Filemón , upang madalás makápakitulog at makapag
paraan ng mga oras ng pagkain at pagpapahingá sa bahay nitó.
Lalòng nagparaya naman ang kasama . Sa limit ng dî pagda
BANAAG AT SIKAT 263

law na maghá-maghapon ni Don Ramón sa pagawâang El Pro


greso, ay siyá na ang nakikialam sa madlâng gagawin nitó ,
habang nagpaparaán pa lamang ng mga sama ng loób. Ang
dahil ng mga samâng itó ng kalooban ay hindî na kailâ sa mag
asawa at mag-anak ni ñora Loleng. Sa kanila'y walâng nálilihim
na anomang nangyayari sa bahay niná Don Ramón . Si ñora Loleng
ay ayaw na ayaw ng paglilihiman at hindi namán maáaring
mapaglihiman . Si Don Ramón ay paniwalàng-paniwalà sa mga
pagdamay niyá, at wilíng-wilí sa mga paglibáng na tuwî-tuwi
na'y ipinasásalubong ng mag-iná ni Isiang . Sa bahay na yao'y
may piyano rin , at si Isiang ay mabuti na ring tumugtóg, gaya
niná Meni , bakit may nálalaman pang ilang kantahin , na baga
mán nawawalan ng lasa sa lakí ng kanyáng tinig , ay nakaáalíw
din namán , lubhâ pa't habang siya'y tumútugtóg at umaawit,
ay náluluklók namang magkaharáp si Don Ramón at si ñora
Loleng sa mga silyang na sa dakong likód .
Doón at sa gayon nagparaán si Don Ramón nang mga araw
at mga gabi ng Paskó . Kun si Don Filemón ay walâ, siyá ang
Filemón sa bahay ; kung nároroón , siláng dalawa ang Filemón .
Sa ganáng kay Isiang ang lahát na ito'y walang kailangan .
Hindî múmuntî ang utang na loób niyá sa iná at kay Don Ramón ,
na habang nawiwili sa pag-uusap sa loób ó sa salas ng bahay,
silá namang dalawá ng parmaseútiko Morales ay nagkakáwilihan
din sa labás ó sa loób namán sa lalong matamis na pag-uulayaw.
Napagpupulungan, sa halimbawà, ni ñora Loleng at ni Don
Ramón sa isang salas ang mga nangyayari sa El Progreso na
pinangangasiwàan at pinagsasamahán nilá ni Don Filemón ;
nagtutugtugan naman ng piyano at nag-aawitan sa kabilâng salas
si Isiang at si Morales.... Napag-uusapan kaya ng dalawang
iyón ang malungkót at kasakit-sakit na naging kalagayan ng
bahay niná Don Ramón ; nápagpapanayamán naman ng dalawáng
itó ang mga kaligayahan sa langit at ang mga kabánğuhan ng
bulaklak kung humáhalimuyak na .... Nagkákatuwâ, sakalì , na
parang nangakabuwis na ang dalawang matandâ sa itaás ; naglá
larô namán sa silong na parang batà, ang dalawáng kasibulan ....
Si Morales ay hindi na kinagagalitan niyón ng kahì't sino sa
tatlóng matandâ . Matagal nang napayapà at napag-gamót
gamót ang mga sigalót at hínalàán sa suteá.
-Nanaog na namán yatà ang anák ko -ang di míminsang
násasabi ni fora Loleng, pag sa pag-uulayaw nilá ni Don Ramón ,
ay naaalaala at napapansín si Isiang na tila hindi na tumútugtóg
ng piyano sa salas, ni náuulinig ang pagsasalitâ ni Morales ,
kung nároroón .
18
264 LOPE K. SANTOS

-Hámo silá, at nagkakaibigan ! -ang madalás na panaway


namán ng matandang lalaki .
Anopa't ang pag-iingat ng iná, ay madalás na sa tawanan
na lamang nauuwi. At sa gayon, ang mga oras ay nakaráraáng
malwalhati sa iná at sa anák.

Dalawa, tatló at hangáng apat na araw ó gabing hindi isipót


ni Don Ramón sa kanyáng kulasise sa San Miguel, ay hindî pa
púnahing lubhâ . Nguni't magíng isang lingó at magkádalawá
pa halos, sakâ sa mga araw pa namáng yaóng kasabik-sabík
ipagpasyal nang gabi sa mga perya sa Kiapò ó sa Luneta ó sa
mga ibang sulok ng Maynilàng dating libután nang panga
ngarwahe nilá ni Julita, ang ganito'y hindi na "karaniwang
ugali" ni Don Ramón, ang ganito'y kataká- taká na , kagalit
galit at kahiná-hinalà .
Sa kápapasabi'y nayamót na si Julita . Sa kaáantay niyóng
Simbáng- Gabí, nang Paskó at nang ilan pang araw na sunód ,
ay walang nangyari. Ni patay na beles , ni bulók na kalesa ay
hindi siya pinadádalhán ni Don Ramón . Ni sa pagawâan , ni
sa bahay ay hindî itó mátagpûán, kung may inúutusan siyá, at
magíng kun silá man namang mag-iná ang pumaparoón .
-Baka maysakít-ang nasabi tuloy ng iná.
-Anó pô ba ang sasakitín ng matandâng kalabaw na iyón !
-ani Julita sa yamót na't pagkapoot .
-Eh saán namán iyón mápaparoón ?
-Naglúlubalób pô , saán pa, kundî doón sa malditang ma
tandâ nivá sa Sta. Cruz!
Ang lalòng ngitngit ni Julita ay ang nakaraán at nagdáraán
ang mga gayong araw nang salát na salát silá. Ang tungkól
kay ñora Loleng , bukód sa talagang sa kanya'y dî na kailâ , ay
hindi naman lubhâ nang pinagpapapansín . Nagkáka wikàáng
siya nama'y talagang hulí, at saka huwág ba lamang
pababayaang manalát siláng mag-iná at maghikahós sa mad
lâng kailangan ng buhay, ay anó ang kailangang magkádalawá
pa ang ñora Loleng niyang kaagawán. Nguni't ngayon ay ibá
na ang salitaan . Malakí nang totoo ang pagkukulang sa kani
láng mag-iná . Ang mga balità'y abot-abot, na, si Don Ramón
ay halos hindî nanánaog na sa bahay ng Loleng na iyón , at kada
lasán pa'y doón na natútulóg nang tanghali at gabí.
Ipinagtaká ni Julita ang pagkakaganitó. Ang di iuwi sa
bahay ang mga tanghali , ay talós niyáng hindi na pinúpuná
ng mga anak ni Don Ramón ; nguni't ang maging ilán-iláng gabí
BANAAG AT SIKAT 265

ay tila naman hindi na maáarì sa mga tinurang anak, na paano't


paano ma'y nagmamalasakit at magháhanáp din sa amáng
hindi umúuwî.
Hindi niyá nálalaman ang mga sigalót na sa bahay niná
Meni ay nangyari . Sapúl nang mag-asawa si Talia , siya'y
hindi na nagpapanhík doón . Anopá't walâng kamalay-malay
si Julita sa mga bugbugan at tampuhan ng mag-aamá. Ká
gabihan ng araw ng mga Sangol na pinapugutan ni Herodes, ang
mag-inang taga- San Miguel ay hindi na nakatiís na dî dumalaw
nang pasubók sa tinurang bahay. Sinong Ramón ang doo'y
kanilang aabutan, ay tigás na hánğalan ó inosentehan pa namán
nang gabing yaón sa bahay ni Don Filemón .
Ang sumalubong sa mag-iná ay si Talia lamang na magsalitâ
dili pa . Walâ na mandíng ibáng katao-tao roón . Ni si Mening
dating masayá kun sa kanila'y tumangáp noóng araw, ay ma
anong napasilip man lamang sa pagdalaw na ito. Dî umano'y
natutulog na ay gayóng kaaga at walâ pa mang ikawalóng oras
ng gabi. Si Don Ramón, nang itanóng, ay sinabi sa kanila ni
Taliang : "Aywán pô : marahil iyon ay nákiná ñora Loleng."
Sinadya ó hindî ni Talia ang pagsasabi ng ganitó, ang totoo'y
nakapagpatabâ pa sa hinalà na ni Julita at nakapagpapuyos
na lalò sa nagngíngitngit niyáng loób. Nákiná ñora Loleng! ...
Nanhík na pasubók at nanaog na malamíg sa anyô at mainit
sa dibdib ang mag-iná . Nápabitbitán pa silá ng mga kalung
kutan ng bahay. Hindi nagsitulóy sa pag-uwi, kundi sumagid
muna sa daan at tapát nang bahay niná ñora Loleng. Inabot pa
nilá at náulinig ang alingawngaw ng mga hálakhakan sa itaas
ng bahay. Ang mahugong na tinig ni Don Ramón ay nakilala
agád ni Julita na kasaliw ng matataliktík na tinig-babayi, tinig na
parang tikís na ibinabalibol sa kanyang mga taynga . Patí ni
Don Filemón ay narinig din niláng malakás tátawa .
-Lalaking sungayán ! --ang náwikà sa sarili ni Julita .
Gayón man ang pagngingítngít ng mag-iná , ay anó ang
mangyayari sa kanilá mulâ sa lupà. Hindi namán makapá
panhík . Kung maáarì lamang ingusò at ibulóng sa pulés ang
mga nagkakatwâng iyón sa bahay, ay ginawa na sana ng iná,
na siyang lalong galít na galit at walang málamang gawing pag
hihiganti kay ñora Loleng. Si ñora Loleng at si Don Filemón
ang pinakakábuntuhán ng kanilang poót, at di na gaano si Don
Ramón . Talinghagà ng paninibughô!
Anaki'y kapwà natalo sa sugál na umuwing lungkót na
lungkot at híhiná-hinagpís ang mag-iná. Habang daa'y walâng
pinag- uusapan kun dî kung ano-anó ang magaling na paraáng
266 LOPE K. SANTOS

dapat gawin upang makagantí sa pagpapabayà ni Don Ramón , at


upang maputol na ang pagkasirà pa ng ulo ng matandâng itó sa
matandâ na ring Loleng na yaón . Hindi maubos daluma tin
ni Julita ang kung anó't siyáng batà pa namán at dalaga ang
pinababayaan, at ang matandâ nang yaó't may-asawa, dalahirà
at parating namúmusalgá sa itsó at sa tabako ang bungangà,
ay siyang napaglúlumabihán . Sa gandá namán ay hindi masa
bing siya'y nalálalùan . Hindi siyá sana náibigan ng isang
mayamang Don Ramón, kung pangit. Ang kaibhán ngâ lamang
sa kanya ni ñora Loleng, ay ang pagka-mestisa nitó ; nguni't
¿anó kung mestisa ? ¿sámestisahán baga ang kabutihan at gandá
ng isang babayi ? Si ñora Loleng ay nakilala na muna ng kun
sino-sinong insík sa Troso , at ng kung sino-sinong lalaki pa sa
Sta . Cruz, bago nagíng asawa ng alehong si Don Filemón, at
ano ang malay nilá ngayón , kung bukód kay Don Ramón ay
mayroon pang ibá ; dátapwâ't siyá, siyáng kaya na ngâ lamang
nagkagayon, ay dahil sa mga udyók ng kanyá ring ináng siláw
na silaw sa kuwalta , ay hindi mapagsasabihan ng mga pinag
daanáng gayón . Nasok sa budhî ni Julita na marahil ang ipi
nagpapabayà sa kanya at dî inilílingap ng gaano ni Don Ramón ,
ay ang kanyang pagkamahirap . Ang yaman , anyá, ay sa
kapwa yaman lamang nasisiyahan. Naalaala ang madalás
ipangako ni Don Ramón , na makapag-asawa lamang si Talia
at pagkaraan ng mga apat na buwán, ay siyá namán ang paká
kasalán . Nguni't ¿ saán, kailán, at paano matútupád ang ganitó,
kung gayong hindî pa man ay pinababayaan na siya?.
Nagsisi sa sariling palad . Sinisi ang iná at anyá'y : “Kun
dangan, kayó, nanay, ang maykasalanan nitó !" Ang ina'y
hindi umíimík , at nang makaiwas sa pagsisi , ay pinilit na libáng
libangín sa ibang sálitâan ang kanyang anák.
Sila'y lakád mula sa Santa Cruz , at ikasampûng oras na
halos nang dumating sa sariling bahay .

May ugali sa bahay niná ñora Loleng, na pagtugtóg ng


ikalabíngdalawa't kalahating oras ng araw, sa dumating at sa
hindi si Don Filemón ó si Don Ramón , siláng mag-iiná'y dî na
naghihintay ng panananghali. Si Don Filemón , nang mga araw
na yao'y hindi nag-úuuwî, at sa pagawaan na nagkákaín , dahil
nga sa ang kasamang naglálagalág, ay hindi pa mahiling maka
halinhinang paris ng dati. Nang tanghaling yaón ay walâng
kakutób-kutób ang mag-iná na si Don Filemón ang dáratíng , kundî
si Don Ramón . Nguni't itó man , oras na ng panananghali , ay
di pa rin dumáratíng. Ang, ikasampû pa lamang ng umaga'y
BANAAG AT SIKAT 267

nároón na , ay si Morales. Sa taglay niyá kay Isiang na isáng


bagong tugtuging two-steps , na di umano'y padalá sa kanyá
ng isang kaibigang nasa Amérika , siláng dalawa ay inabot, ó
nagpaabot nang kusà ng tanghalian sa pag-aaral ng piyano.
Yamang si Don Filemó'y dî úuwî, ni si Don Ramón ay dî pa
dumáratíng, hindi na pinaalís ni ñora Loleng si Morales , at itó
ang naging lalaking kasalo namán nilá sa tanghaling iyón .
Nang nagkakainan na ang tatlo ay may dumating na pasabi
si Don Ramóng huwag siyang antayín at sa sariling bahay na
kákain . Nguni't ¡ anóng sa sariling bahay ! Sa San Miguel
sivá nároroón , sapagka't sa inabat-abat sa kanyá na may ilang
araw na nang mag-iná ni Julita , na ayaw magsipaniwalà sa mga
pasabing kaya di makaparoó'y maraming gagawín , ay nasalú
salubong ang matandâ sa liwasan ng Sta. Cruz. Kátaóng sása
kay na ang mag-iná sa isang karumata at padádalá sana sa
Sto. Cristo , ay siyáng pagkátanáw ng matalas na matá ni Julita
sa naglalakád at bábastón-bastóng si Don Ramón , nangágaling
sa daáng Enrile at patungo sa gawî nilá.
Kinalabít ni Julita ang iná at itinurò sa malayò pa ang
matandang ináabatan . Hindi na nagsisakay sa karumata at
hindî na inantay pang si Don Ramón ang mapalapít, kundî silá
nang sadya ang sumalubong. Si Julita ay isá riyán sa mğa
babaying pag nagagalit at nakita ang kinagagalitan, ay "hindi
mahapayang gatang." Ang ugaling ito'y lumálalâ pa sa kiná
tutultól ng iná. Anopá't may katutubo na at may namamana
pa . At marahil kun sa palagay at matá ng madla ay hindî
dalaga pa ang kanyang kalagayan , álalaóng baga'y kun ang
pagka-binibini niya'y hindi sana pinaniniwalaan pa ng maraming
binatang naglalapít-lapít din, disin ang katapangan , ang kata
rasan at ang pag-astá ng ayos may-asawa na , ay walâng kimì
kiming ginawa na , at ipinagparangalan sana sa matá ng madlâ
yamang si Don Ramón , matandâ man , ay bao namán , maysalapî
at di kahiyâ-hiyâng máturang siyáng sa kanya'y naghahawak.
Gayón man, ay may mga bugsô rin siyá ng galit na dî mapag
labanan kung minsan, kahi't sa harap ng maraming tao, paris
nang tanghaling yaón.
Si Don Ramón, na walang taga Sta . Cruz na dî nakakakilala ,
sa kabi-kabila ng liwasang iyon ay mámatà-matà at tútugón
tugón ng pugay sa bawa't sa kanya'y bumati . Nguni't
nang makilala na ang makakasalubong na mag-iná, ang kaibi
gang abogado Villaruel, na nangángalesín at nagpugay sa kanya ,
pagka't kataong naglalagós doón, ay di na nakuhang tugunín.
-Nápahamak akó ! -ang sa sarili'y náwikà - Nahulog din
akó sa kamay ng mag-inang guardia civil! -anyá pa .
268 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Anó kayó , matandâng haragán?


May mga tatló pang dipá ang agwát, nang ang tanong na
ito'y isagupang pabulalás ni Julita . Si Don Ramón , ay parati
niyang napag- áalanganán kung pupûín ó huwág, nguni't naging
malamang na ang pagpupô, sapagka't sa sarili mandi'y nahá
halay siyang ikaw-ikawín pa ang gayóng katandâ nang tao,
katulad ng isang kumákaing nangánganí-nganíng kumagát sa
isáng matigás ó la ós nang pagkain . Kun siláng dalawá lamang
ang nagkakániíg, ó nasa sariling bahay, sakâ si Julita hindi na
múmupô, palibhasà , sa sálitâan ng mga pusò ang pupô ay di
pag-ibig, sa lambingan ng magsing- irog ang pitagan ay pagtuyâ.
Gayón man, ay may mga dating sa kahiyâ-hiyâ na dî niyá ipi
nagpapatumangâ : sa mga pagpupô , ay ugalì ring magsingit ng
pagasó-gasóng mga salitâ, pabirô, pagalít ó pauyám , katulad ng
matandang haragán na kanyang ibinatì agád .
Si Don Ramón , sa gayong pabulas na tanong. ay hindî
naingli ng gaano, gaya ng di pagkagulat ng isáng máninisid
ng isdâ na nahirati na sa mga hagukgók at angil ng tibùáng
kandule . Ang kulay ng mukhâ ay hindî man pumusyaw ng
kahi't kaunti. Ngumiti pa at nápáabá ng isang abang aral na
aral.
-Abá ! -anyá - ¿ saán kayó magsísitungo , Juléng?
-Saán magsisitungo ! -ang sambót ng dalaga . - Kun saán
ngâ eh ! ....
Ang matandang iná ay hindî sumásagót ; mahanga'y lumayô
layo pa at kunwa'y ngingiti-ngiti at kíkindát-kindát kay Don
Ramón , na pinababayàang si Julita na lamang ang maningil
ng pautang ....
-At kayó , saán na namán kayó lálarga? -ang idinugtóng
ni Julita .
-Galing ako sa bahay at patungo sa fábrica .
—Sa fabrica ! Saáng fúbrica ? ....
Sinasabi itó ni Julita na ang tinig ay kinaháhala tán na ng
kaunting pangangatál. Ang mga mata niya'y nag-áaligíd
mandín ng luhà, nguni't yao'y luhàng pilít na lamang, marahil ,
at di bukál, palibhasà, kung pagtútuusín , si Julita'y walâ namáng
bukál na pag-ibig sa matandang iyon .
Si Don Ramón , ay parang tandáng na bagong naníninga
lâng pugad sa pagkakátitig kay Julita . Sa masid niyá noo'y
tila lalong gumanda pa sa rati, gayong wala pa namáng dalawang
lingóng hindi nadadalaw.
BANAAG A T SIKAT 269

-Huwag ka nang magalit, hija,-ang winikàng magiliw


hindi mo lamang natátalastás ang mga kasígalutang kinásusu
után ng buhay ko ngayón, kaya ka nakapagsasabi sa aking
ikaw ay binabayaan ko na . Hindi hija!.. . . Tayná na;
¿saán ninyó ibig pumaroón?
-Anó ang masakit sa inyó kun saán namin ibig pumaroón?
-ang sagót na palibák ni Julita . -Hániyó't doón kamí púpuntá
sa inyong pináparunáng matandá, na tin útulugan at ....
-Na namán ! .... maanong tayná : ¿ saán ninyó ibig ? hindî
na akó magtútulóy sa fábrica.
Ang matandang iná ang sumagót :
-Sa Dibisorya sanang talaga kamí páparoón .
--Tayná sa Dibisorya , ¿ anó ang inyong pamímilhín ?
-Ah ! —ang tangí ni Julita siyá na ngâ ang Dibisoryang
iyán!
-At saán tayo patútungo ? --ang tanong ng matandang
babayi.
-Sa infiernong lumà ! ....
Si Don Ramón ay napatawá, bago nagsabi ng parinig na :
--Nagbabaga pô ang ulo namin ngayón .... ! Hala , kahi't
na sa infiernong lumà ó sa infiernong bago, sásama akó sa inyó!
--Pshé! sásama pa ! huwag na pô : maglumabí na lamang
kayó roón sa inyóng ......!
Hindi nalutas ang sasabihin , sapagka't natutóp ni Don
Ramón ang bibíg, kasabay ang mga malamyós na salitâng :
---Huwag ka nang maingay, hija: náriritó tayo sa lansangan :
doón ka na magalit sa San Miguel : sásama akó roón !
Madali't sabi'y napihit ang kanilang lakad . Nakáy sa
isáng páupaháng kiles at nagsipatungo sa San Miguel ang tatló.
Ang matalas na pakiranidám ni Don Ramón , habang nangasa
sa daán pa silá, ay nakábatyág sa mag-iná ng makáiláng kindatan
at ánasang maykahulugan . May mga ngitian pang lihim. Dî
naka tiís na di nag-usisà ; nguni't nangagpawalà-walà namán
ang dalawá.
Sa bahay niná Julita ipinaghandâ ng tanghalian ang ma
tandâng Tenorio, at doón ngâ nananghali , doón pa nagpahingá at
noón na pinatigháw at nilunasan ang mga galit, ang mga hinalà,
ang mga kailangan ni Julita . Sa tanghaling yaón ang lahat ay
nagsauli sa dati : ang pag-ibig ng salapi at ang pag-ibig sa salapî
ay nakatulog na namán sa fisáng baníg lamang....
* *
270 LOPE K. SANTOS

Nguni't hindi pahingahan sa tanghali ang nangyari, nang


araw na yaón, sa bahay niná Isiang.
Si Don Filemón ay umuwî nang katanghaliang tapát . Wa
lâng kakalá-kalatís na pumanhík sa hagdanan, di gaya nang
dating nasa malayò pa ay tumatawag na ng "Loleeeng!" ó
"Isiaaang !," tawag na tuwî-tuwî na'y siyáng dî nivá iabot sa ano
máng himalâng idinára os sa itaas ng kanyang mga taong-bahay
at panauhin . Hindi itinulak agad ang nakatupîng pintô sa pag
akyát ng hagdanan , kundî nanainga muna sa alingawngaw
ng mga salitaan at táwanang maminsan-minsa'y nakikisaliw sa
kalansing ng mga kubyertos , sa kalantóg ng mga pingán at sa
yabág ng mga alilàng naglilingkód na maliliksí sa nagsisikain .
Isá-isá niyáng inulinig ang mga tinig na umáalingawngaw.
Ang tinig-lalaki'y kay Morales , at ang mga tinig-babayi'y sa kan
yang asawa't anák. Wala nang iba pang mapagsiya, kundi
ang sa maminsan-minsang pagtugón ng mga lingkód kung hiní
hingán 6 inúutusan . Ang malaki at mahugong na tinig ng
kanyang kasamáng si Ramón , ay walâ : hindî minsán man umá
alingawngaw. Matáy niyáng pagsiyahín sa mga náririnig ang
nawawalang itó, katulad ng pag-asám at paghanap ng isang
nanónoód sa dúlàan sa isang taong ayon sa palátuntuna'y may
malaking tungkol sa palabás , ay wala rin at hindî máulinigan ,
May dinukot sa bulsáng kaliwâ ng amerikana na isang sulat ;
binasang animo'y isá ngâng nasa "entrada general" ng dúlàan,
na sa pagkainíp at dî pagkáriníg na mabuti sa malayòng nagsí
silabás , ay sa palátuntunang limbag na lamang nililisâng isa-isá
ang ngalan ng mga pinanónoód . Pagkabasa'y nanaingang
muli ; pagkapanainga'y tiniklóp ang sulat at sakâ mulî ring
isinabulsá. Ang relós namán ang dinukot : isáng pingki lamang
at matatapos na ang pagkain , ayon sa kaugalian niyáng nálala
man : anopa't mag-aala- una na. "Bakit si Ramón ay wala?,"
ang náwikà sa sarili, "nasa sa loob kayâ at nakakain na ?" Iti
nulak ng kauntî ang pintô at sa munting puwang ay sumilip sa
dakong loob ng bahay. Walâ ngâ mandín : wala rin siyang
máramdamán . "Bulàán marahil ang sulat na itó !" ang naibu
lóng na namán ng pahimutók. Dátapwâ't hindi rin maubos
madalumat ang gayong pagkakataong walâ si Don Ramón.
Sa kanya'y hindi kailâng ito'y madalás ngâng doón mananghalì
at kasaluhin ng asawa't anák, kahì't walâ siyá. At nang uma
gang yaón ay nagdaán pa sa pagawâan at nagtanóng nang bakâ
ibig niyang umuwî nang tanghalì , ay dára án siyá sa alas-doce, pag
kagaling sa isang parúrunán . Sumagót pa siyá ng hindi na úuwî
at sa pagawaan na manánanghali ; sa makatwíd, si Don Ramón
ay dapat maging kasalong mag- isa nang tanghaling yaón sa bahay.
BANAAG A T SIKAT 271

"Sa sariling bahay kayâ kumain?" Hindî niyá maatím ang


magkaganitó ; sapagka't nang umaga ring yaón na magda án sa
El Progreso, ay napag-usapan na naman nila ang paglubhâ
araw-araw ng samâ ng kanyáng loób at ang pagkainíp na sa buhay,
dahil sa anák na maysakít at di ibig papag-asawahin kay Delfín .
Si Don Filemón ay nagtagál din sa gayong pagkakátayô at
panunubok. Nang di niyá mapag-warì ang tinig ng taong
hinahanap , ay ang parmaseútiko Morales namán ang umali
sa kanyang budhi . "Anó namá't patí ng Morales na ito'y ináabot
pa nang tanghalian at pinapanánanghalì na rito?" ang náitanóng
sa sarili. "Dalawá na nga ba siláng mag-inang bumíbilog
sa aking ulo ?" ....
Kátaóng nagtindigan na sa pagkain ang tatló sa labás . Si
ñora Loleng ay sa kusinà nagtulóy , aywán kung ano ang gagawín ,
at ang dalawa ay sa loób , aywán din kun tútugtog ng piyano ó
magsisiupô at magsásarilí na ng usap . Samantala'y pinakíki
ramdamán silá ng matandâng nasa likod ng pintô . Ang náriníg
diníg ni Don Filemón sa dalawang pumapasok, pagkátapát sa
may hagdanan , ay ang mga pabiròng salitâ ni Morales na : "Agrab
yado ang nanay mo, walâ ang kanyang kapareha!" Isáng "Sal
bahe ka !" ang sagót na patawá ni Isiang, at tuloy-tuloy na sa loob
ang dalawang halos nagkakákawil ang mga kamay at nagsiupô
kapwà sa mga luklukan sa salas .
Isáng alilà ang buhat sa dakong kusinà ay pahangós , nguni't
mga dulo lamang ng paá ang itinútuntóng sa. tablá, sa paghabol
sa dalawang kapápasok pa sa salas . Malayò pa'y kinumpasán
na at inanás-anasán siná Isiáng, may inginúnğusò sa likod ng
pinto ng hagdanan . Ang alilàng ito'y siyang nakábatyág kay
Don Filemón mulâ sa isang bintanà sa labás na pinagtapunan
niyá ng mga mumo , pispís at iba pang dumí sa lamesang
pinagkanan . Sa pagwawaksí at pagsungaw sa bintanàng yaón,
ay natanaw ang pagkakátayô, anyông pasilip-silip at nanúnubok
sa nangásaloób. Ang mga unang kumpás at hudyát ng alilà
ay hindi nawawàan ng dalawá ; nguni't sukat nang nagpasikdó
sa kanilang loob at ikinátingin sa dakong pintông itinúturò .
Ang pinto ay maypuwáng na gadamák, na sa hagis ng tingin
ni Isiang ay kinámatàan at kinápagsivahán sa mukhâ ng
kanyang amá . Hindî kinúkusà'y biglâng nápaibag sa piling
ni Morales ; ang kamay nitong pípigil-pigil sa kanyang makinis
na bisig, ay biglâng náiwaksí. "Ang tatay ko !" ang pahika
hós na náibulóng sa parmaseútiko , na halos namán nawalán
ng urilat sa gayóng kabiglâanan.
Si Don Filemón ay hindi na nakapag-antáy ng mga ibá
pang mangyayari. Itinulak na ng bigla ang isang dahon ng
272 LOPE K. SANTOS

pinto at parang mabalasik na palasông umigkás sa loób . Ang


akala ng dalawa'y huling araw na , nguni't si Don Filemón ay hindî
kagaya ng kaibigan niyang namúmuhunan na ng suntók, tampál at
sipà sa gayón-gayón lamang. Mapagtungayaw, oo , at parang nag
tátadtád ng buro kung magsunod-sunod ng masasamang salitâ
sa kinagagalitan . Hindi si Morales ang tinungo kundi ang anak.
Hindi namán itó sinaktán kundî sinwatán lamang.
-Saán nároón ang iná mo ? -ang pagalít na tanong agád.
Sa ágarang tanong na itó , ay di nakasagót ng ágaran din
ang tinanóng. Ni si Morales man lamang ay maanong nakahumá.
Kun sa bagay, siya'y isáng binatàng maybikas matipunò rin
namán at lalaking maybalahibo ang pusò , ayon sa pinatútunayan
ng kanyang lakás ng loób noóng gabí sa suteá, nguni'y natubigan
din at napapakò ang mga talampakan sa pagkakátavô ng pailág.
Wala nga namang matapang na lalaki, pag sa masamang lagay
náhuli, ó gaya ng isang kasabiháng-bukid , ay "walâng magaling
na aswáng, pag natutóp sa pag-gapang."
-Ang iná mo , ¡ walâng hiyâ ! saán nároón ? -ang muling
tanóng na padarag ni Don Filemón .
Nanglílisik ang mga matá, nangigiti ang mga pangá at
ngipin , kuyóm ang dalawang kamay na tuwing kikilos ng pa
angát, ay ikinapapailás ni Isiang at ang akala'y húhukumán na
siyá. Gayón ma'y nakasagót na rin :
-Nasa labás pa pô ! —anyá .
-Loleng !-ang malakás na tawag ni Don Filemón .
Si ñora Loleng namán ay maybalità nang talaga sa labás
pa, na nároroón ang kanyang asawa . Nasa loob siyá ng páliku
ran, nang tumugtog ng sunod-sunod sa pintuan ang alilà at sa
bihin nito ang pagdating na pasubók at ang pagkagalit ni Don
Filemón . Hindi magkantututo sa pagdaló . Sa budhî niya'y
sumagì na agad ang hinagap na dî sásalang kayâ galit ang kanyang
asawa ay sa pagkakaabot kay Morales .
Pagkakita sa kanyá ni Don Filemón ay pinasalubungan na
ng abot-abot na mura at paglait. Si ñora Loleng na datihang
hindi namán napalúlulón ng buô sa asawa ó sa kangínomán ,
• ay nagsasagót din ng lait sa lait, tungayaw sa tungayaw, darag
sa ambâ at talák sa sigáw. Sa anomá'y nagpumilit siyáng
makapaibabaw kay Don Filemón . Nguni't si Don Filemón
ay hindî na paris ng dating nagpapakundangan sa kanya . Ang
pingkian ng kanilang mga sagutan at láitan - si Don Filemón
ay sa pag-uusisà ng kung bakit pinabábayàan ang anák at nag
tútulot ng mga kalapastanganan ni Morales , at si ñora Loleng
ay sa pagsasangaláng ng di sivá nagpápabayà ni walâ namán
BANA AGAT SIKAT 273

kahit anong masamang bagay na nangyayari sa maminsan


minsang pagparoón ni Morales , -ay lalòng nagpaalab sa galit
ni Don Filemón . Sa pagdidilím na ng kanyáng isip ay nakásun
gáb ng isang silyá at inihagis kay ñora Loleng na nápahiyaw
sa sindák at nápalugmók sa pag-ilag. Sa may hità lamang
namán nahagip ng paá ng silya . Pagpihit ni Don Filemón ,
at sa kabiglaanan ng pagkakámasíd kay Morales na malapit
na sa kanya at may-akmâ warìng áawat ó lálaban, ay patak
bóng pumasok sa kanyang kuwarto at sa "rifle" nivá roóng
nákakaluban at sa "revolver" na nápapatong lamang sa
ibabaw ng isang munting lamesa , ay itó nang rebolber ang
sinungabán . Parang palasông binalikán sa labás si Morales ;
nguni't sa pinto ng kuwarto ay si Isiang na ang kanyáng násagupà .
Tútulungan sana ni Isiang ang iná upang makabangon sa
pagkakasungabang sa tablá , ngunì'y siyáng pagkálingón sa pag
pasok sa loob ng amá, na nahulàan niyáng armás ang kúkunin .
Bahagya pang nakukumpasáng tumakbo si Morales , ay nakabu
ngad na si Don Filemón sa salas at ang rebolber ay umang na't
kákalabitín na lamang. Niyapós ni Isiang ang amá ; ginagap ng
boông lakás ng pagkababayi ang kamay na mayhawak na rebolber ;
nguni't nang di maabót ay pinaglambitinan sa liíg, na ang na
tandâ'y halos hindi makaunat at makahakbáng. Biglâng
pumitlág, at sa isang ubos-lakás na sigaw na : "Ikaw ang pá
patayin ko !," ay nápahagis si Isiang sa may paá ng lamesang
kinapapatungan ng isang malaking salamín .
Nang makagitaw si Don Filemón ay wala't nakatakas na si
Morales . Si ñora Loleng ay hindi magkantututo kun saán
súsuót. Nang akmâng tátalilís sa labás , ay siyáng pagkálingón
sa asawang nag-úumang na sa kanya ng rebolber. Aywán
kung tótotohanin ngâ ó tátakutin lamang; nguni't ang hangán
sa hagdana't lupa'y kinaabalahán ng tingin ni Don Filemón,
ay ang wala nang manliligaw . Kung ito'y inabot pa , hindî
sásalang nagkabangkay nang di oras sa salas na yaón.
Si Isiang, pagkatindíg uli ay hindi rin humihiwalay sa likód
ng amá. Pagkabalík nitó, at pag-uunat ng kamay at pag-aakmâ
ng rebolber sa ináng nagtútumili ng "Filemón ! Filemón !" , ay
hinawakan niya't binalták ang kanang bisig ng amá, na muntî
nang ikinabitíw sa hawak .
-Halika !-ang makapangyarihang tawag ni Don Filemón
sa asawa - lumapit ka , kung ibig mong huwag kang mautás
ngayón ! .... Pumarito ka ! ....
Si ñora Loleng ay álinlangang lumapit ó tumakbo sa hag
danan. Si Isiang ang nanikluhód sa harapán ng amá at
18-47064
274 LOPE K SANTOS

inihihingi ng tawad ang kanyang nanay ; nguni't isang patabíg


na namang iwas ni Don Filemón ang nagpalayo sa kanya ng
may ga-dipáng agwát.
-Ayaw ka bang lumapit? -ang galit na galit nang sigáw
sa tinatawag.
-Oo -ang banayad at mapakumbabâng tugon ni ñora
Loleng, nguni't hindi pa rin makalapit-lapit . -Bitiwan mo iyán
-ang dugtong na kapamanhikan .
-Saán nároón ang lalaking iyán? saún mo pinapagtagò ?.
Ang mga pagtatanóng na itó ni Don Filemón ay galing sa
isáng bibig na nagbúbubusá ng marami pang mga tungayaw
at paglait na sukat makabutas ng papel kung isusulat .
-Nagtatakbo na sa lupà-ang sagot ni ñora Loleng, na
tumúturò nang paibág din sa dakong hagdanan .
Buông-buo ang akalà ni ñora Loleng na si Morales nga ang
ikinagagalit ng kanyang asawa . Hininagap na , marahil , nang
siya'y nasa sa labás , ay may náabutang masamang anyô ó lagáy
ng dalawang nasok sa loób . Nag-akalàng lumapit kay Isiang
at usisàin kung ano ang nakita sa kanilá. Nguni't hindi na naarì
ang gayón, sapagka't sa dî niyá paglapit ng kusà sa asawang tumá
tawag, ay itó na ang siyáng dumaluhong sa kanyá, daluhong
na násabayán halos ng isang mariíng tili ng anak . Ang akalà
nito'y sinibasib na't pinaputukán ó hinambalos ng rebolber
ang kanyang iná . Si ñora Loleng ay tumakbo ng pasangaláng ;
nguni't inabot din at náhawakan sa isang bisig na ikináwalat
at halos ikinatangál ng isang mangás ng manipis na barò.
Ang mga alilà , patí ng kotsero sa silong ay pawàng nag
sigibík. May nagdaan at galing sa kusinà at may umakyát sa
hagdanan. Dátapwa't nang makita silá ni Don Filemón ay
pinagsisigawáng lahát at pinalayas na para-para, bago ipinag
sasará ang lahat ng mga pintông malúlusután .
Nang silá na lamang tatló ang mapag-iwang kulong sa salas ,
ay nagpanibagong sigasig sa pag-uusisà si Don Filemón . Tina
wag at pinalapit ng boông kapangyarihan ang mag-iná. Pagka
sabing: "Sa mga oras na ito'y ibilang na ninyó sa walâ ang inyong
mga buhay !," ay may dinukot sa bulsáng isang sulat. Ang
sulat din kanginang binabasa sa panunubok sa hagdanan . Ibini
gay ng lahad kay ñora Loleng.
-Basahin mo iyán ! -anyá.
Nanginginig ang kamay na inabót ni ñora Loleng.
Aandáp-andap ang mga matá sa hilam ng luhà.
Lope
BANAAG
.-
Santos
K.
"
SIKAT
AT

.ang
]kamay
g rebolber
mayhawak
na
;ng
pagkababayi
lakás
boong
inagap
amá
Isiang
ni
Niyapós
..
[..
2
BANA AG A T SIKAT 275

-Ilakás mo ang basa at nang marinig ng walang hiyâ mo.


ring anák ! —ang utos pa ni Don Filemón , na maykasabay na
kilos ng rebolber na paumáng na parati.
Ang sulat ay isang kalahating tiklóp ng papel-katalán : mğa
letrang makinilya. Ang mga nakalula'y ganitó :

"Oh, kaawa-awang Don Filemón Dalawang-Suñgay!


"Kung ibig mong malaman kung bakit DALAWANG SUNGAY
ang iniapellido namin sa iyó , ay manubok ka araw-araw sa iyóng
bahay, at may maáabutan ka roóng dalawáng sungay, na giná
gawa ang isá ng iyong asawa at ang isá ng iyong anák, at
kung umuuwî ka nang hapon ó gabí, ay siyáng ipinápatong sa
ulo mo nang wala kang kamalay-malay at pakiramdám .
"Nálaman mo ba kun síno-síno ang katulong ng mag-iná
sa pagsusungay sa iyó? Ang ka-socio mong si Don Ramón
Miranda , at ang manugang mo na'y hindî pa man , na si Martín
Morales .
"Nálaman mo ba kung ano-anóng oras madalás kang igawâ
nilá ng sungay? Pag-alís mo na sa umaga, at ang kasalsala'y
kung mga tanghaling hindi ka um úuwî.
"Umuwi ka ngayóng tanghali ó bukas at sakâ mo máwiwi
kang may-utang na loob ka sa akin sa pagbabalità sa iyo ng
katotohanan .
ISANG NAHÁHABÁG."

-Anó? ano ang nabasa mo ? -ang paghihiwalay ni ñora


Loleng ng kanyang mga matá sa sulat, ay itinanóng na maga hasà
ng asawa.
-Eh , anó, naniniwalà ka ba riyán?-ang pabangong-puring
sagót ni ñora Loleng.
Isáng tampál sa mukhâ nitó ang itinugón ni Don Filemón ,
at isáng tampál pa rin ang isinunód sa kanyang anák, na nasa sa
dakong kaliwa at nakapakiníg din ng binasa .
-Anó't hindi ko pa paniniwalàan iyán, -anyá-ay talagang
malaon ko na kayóng nararamdamán at ináabatan ? At anó
pang katibayan ang naabutan ko ngayón?.
Katál na katál ang katawán at dilà ng matandâng lalaki sa
pagpapahayag. Nguni't napagkikilala sa kanyang anyo ang
isáng ibig na ayaw makamatay, ang isang poót na mayhinayang
sa kinapópootán ; kaya ang rebolber na hawak-hawak ay dî
mátuloy-tuloy na gamitin .
-At saán mo nákuha ang sulat na iyán?
276 LOPE K. SANTOS

-Hindi mo na kailangang matalós : ang kailangan kong


sagutin mo ay ang kun saán nároón si Ramón .
-Abá, aywán ko! Sásala bang hindi iyón nasa kanyang
babayi sa San Miguel?
Kinusà ni ñora Loleng ang pagsasabi ng ganitó , sa pasulót
na nasàng máipaalaala kay Don Filemón na ang kasamang pinag
hihinalaan, ay talós niyang may kinahihiligang ibang babayi,
at itó , sa akala niya'y sukat nang ikamatay ng sa kanilang dalawá
ni Don Ramón ay pagsasapantahà .
---Nagpasabi bang hindi rito kákain?
-Hindi : ¿nálaman mo bang yao'y pinag-áasahán dito?
Di kun dumating siya'y dumating, kung hindi ay hindi !
-Magtahán ka!
Isáng yambâ ng rebolber ang isinabáy ni Don Filemón sa
ganitong salitâ, nguni't nakailag namán agad ang inakmâán , at
nápasigaw pa ng pahagulhól na :
-Bákit mo ba kamí gináganitong mag-iná?....
At humagulhól na ng pátuluyan . Patí si Isiang ay naki
panangis , na anopa't naging parang mag-inang namatayán
ang dalawa. Sa mga panangis ni ñora Loleng ay namúmukód
ang mga pahayag na ngayón pa ba namán siyang matandâ
na at may-anák nang dalaga, sukat pagkulangang tiwalà ng
isáng asawa. Nagparungit pa ng ilang salitang bumabaligtad
ng buô kay Don Filemón . Anya'y ganyán na nga ang mga lalaki :
kapag nangbábabayi ay natututong magmalupit sa asawa , at ang
babaying tahimik sa bahay ay siya pang pinápanhikán ng mga
kata-katà, tuloy ipinanínibughô kahi't kanĝino , upang matapkán
lamang ang kanilang mga kagagawán. Sa mga salitang itó ay
si Don Filemón pa ang napalagay na nagpapanhík sa bahay ng
mğa dahon ng kawayang ipinúputong sa ulo ni ñora Loleng ...
Si Don Filemón ay natigíl-tigilan . Siya'y di datihang ma
kákita ng gayóng kapapangláw na mukha at makáramdám
ng gayong kasasakít na pangungusap . Hindi nasok sa kanyáng
gunita ang siya'y bakâ tinátalimwang lamang. Hindi na pinag
kuròng ang gayo'y paratang lamang sa kanyang pagka
lalaki, na kung bagamán ' may pagka-palabirô ngâ sa mga babayi,
ay totoóng-totoóng hindi siya nakagagawa ng anopamáng
paglililong talaga. Ang naalaala niya'y yaóng isáng hapong
ipinaroón niná ñora Loleng sa El Progreso , na inabot-abot siyáng
nakikipag-usap at nakikipagbirùán sa ilang tabakerang maga
gandá, na pagdating sa bahay ay ipinags úmangan nilang mag
asawa . Marahil ay itó pa ang bumubukò sa loób ni ñora Loleng,
kaya nakapagsalita ng gayón sa pananambitan.
BANAAG Ꭺ Ꭲ SIKAT 277

Awà na at paglingap ang sa budhî ni Don Filemón ay naka


pangyari. Humupâng unti-unti ang mga tibók na masasál ng
galit sa kanyang loób. Gayón ma'y hindi nagpahalatâ : idinaos
din ang kanyang pagkalalaki at pagka-ulo sa bahay.
-Ibig ko'y ipatawag mo ngayón din si Ramón ! -ang sinabi
ng boông kapangyarihan .
Si ñora Loleng ay nag-álanganin sa isásagót.
--Hala , sulatan mong pumarito, -anyá pa -at ibig kong
kamí ang magkausap !
-Eh bákit akó pa ang pasúsulatin mo, at dî ikaw?
Si Isiang, na dati-dating matabíl sa kanyang ama at ngayo'y
hindi makapagsasagot sa laki ng kahihiyán, ay títingín- tingín
na lamang at pápaki-pakinig sa anyô at sálitâan ng kanyang ama't
iná. Paano ma'y tiwá-tiwasay na ang mga ali ng kasindakang
sa kanyang katawa't kalulwa'y naghari mulâ pa nang mga unang
sandaling masilip ang amá sa siwang ng pintô.
-Iniúutos kong ikaw ang magpatawag !-ang giít ni Don
Filemóng nanglilisik ang matá .
Sa pag-aagaw pa sa loob ni ñora Loleng ng takot at agam
agam , ay tinawag na si Teban, isáng alilà nilá, at siyang inutusang
hanapin si Don Ramón sa bahay na sarili ó sa San Miguel, at
madaling paparunín sa kanyáng ngalan .
-Hindî ko pô alám kun saán silá háhanapin sa San Miguel .
-Doón sa daáng Novaliches , ipagtanóng mo ang bahay
ng Julita ....
Ang alila'y lumakad namán noón din , na , parang may isang
mag-abot-diling is úsundô ng mangagamot ó parè .
Samantala'y nátahí-tahimik ang mga singhalan sa loob ng
salas . Si Don Filemón ay nagpalakad-lakad ng dî biníbitiwan
ang kanyang sandatang hawak; kung minsa'y ipatong sa isáng
lamesa ó silya , at kung minsa'y bitbitín . Sa sariling isip ay
maraming totoó ang mga bagay na sinísiklót-siklót at di maku
hang kahimalingan ng loob . Si ñora Loleng ay nagsisi pagkaalís
ng alilà. Náisip niya ang kung bakit náipasundô si Don Ramón ,
nang di man nápagbilinan ng lihim ang pinasundô. Ang anyo
at kilos ng kanyang asawa ay pinanimdím na bakâ magbunga.
ng pagkakamatayan ng dalawá. Silang mag- ina'y hindi maka
paglapít at makapag-usap ng bukód, sa malaking takot na kaí
kailan ma'y hindî nilá náta taglay kay Don Filemón . Sukat.
silá sa mga panakáw na tínginan . Sa tingin ni ñora Loleng, ay
waring sinísinghál ang anák tungkol sa kung ano ang anyô nilá
ni Morales, nang abutan ng amá. At sa tingin namán ni Isiang,

19
278 LOPE Ꮶ . SANTOS

na nakawáwatas mandín sa ibig itanóng ng iná, ay napag-wáwarì


ang pagpapakilala ng walâ namán siyáng gaanong kalaking kasa
lanan na sukat bagáng ipagkágayón na ng kanyáng tatay . Sa isáng
pagkátalikód at pagkálayô ni Don Filemón , ay nakapaghagisán
din ng isang tanong at isang sagót : "Sino kaya ang maysulat
niyón?," ani Isiang. "Aywán !" anáng iná namán.
Kun ang sulat na iyon ang bumábaklá sa budhî ng mag-iná,
ay siyá rin namang sanhî ng mga nagbabakang akalà sa isipan ni
Don Filemón. Hangán sa mga oras na yao'y hindi niyá mada
lumat at mapag-warì kung kangino at sino ang maypahulog
ng nátangáp na walang pamagát na liham. Alangáng kilalanan
ng utang na loób, at alangáng paghigantihán, dahil sa gayong
mga bagabag na nilikha sa buhay nilang mag-anak. Nguni't
nátirá siyá ng tanghaling yaón sa pag-aantay sa ipinatawag, at
anya'y sa mga kilos at salitâ ni Don Ramón mapagkikilala
ang katotohanan ó kasinungalingan ng sulat . Noón ay talagang
handâ siya sa kamatayan ó sa kabuhayan, alinmán dito ang
mangyari sa pagdating ng taong ináantáy.
* *
Dumating si Don Ramón . Iniwan si Julitang masukal ang
loób . Ang alám nito'y sa sariling bahay maysigalót at doón úuwî
ang matandâ ; sapagka't ang alilàng sumundo ay hindi niyá
kilalang kiná ñora Loleng.
Dinatnan ang bahay na kasinglungkót ng isang libingan .
Ang tatlong mag-anak na hiwá-hiwalay pa sa loob ng salas , at
ang isa't isa'y nakapangalumba bà at natitigilan, ay walâng
pinag-ibhán sa isáng iná, isáng amá at isáng kapatid na dumá
dalaw at nagpípighati sa harap ng pinagbaunán sa isá namáng
pinakasísintáng anák ó kamag-anak. Aywán kung ano ang
naging kahalintulad ni Don Ramón sa pagpasok na yaón : kung
anghel 6 diabló; kung tao ó hayop. Ang katotohana'y parang pinag
siklabán ng lalong galit si Don Filemón , nang makita ang kasa
má: ang kanyáng námalas sa dating kagalang-galang at kalugód
lugód na pagmumukhâ at bikas ni Don Ramón , ay isang kaaway
na tumanda na at nagkákauban sa pagsusukáb sa kanyá. Sa
dibdib ni ñora Loleng ay nag-agaw ang mga sikdó ng lalong kata
kutan at ng alangang galit alangáng kasyaháng-loób ; sapagka't
ikinapangalisag ng mga balahibo niya't buhók ang pagkakapain
ni Don Ramón sa gayong mga kainitan ng tunay niyang asawa ,
at álinlangan namang ikagalit ang pagbubulay-bulay ng doón
pa sa San Miguel sinundô , at ikaaliw ang pangyayaring sa gayong
pagkakaalitan nilang mag-anak, ay salamat at may isá pang tao
na paano't paano ma'y makasásapà, makapamámag-itan at
makapagsásangaláng sa kanilang mag-iná.
BANAAG AT SIKAT 279

Si Don Ramón ay walâng málamang lapitan at tanungin


sa tatló, na kapwà niyáng nátangapán ng titig-isang mariíng
tingín , tinging malulungkot at may kani-kanyáng kahulugán .
Sínomán sa tatló'y hindi makapangunang mangusap, nang mga
unang sandali . Ang rebolber ay hindi na hawak ni Don
Filemón . Walâ sa loob ay nabitiwan muna sa isáng silyang
nasa dako niyang likód. Gayón man ay námatàan din ng bagong
dating, at siyang ikinabuô ng paniniwalà sa sinabi ng alilàng
sumundo, na doo'y magpapatayan kundi siyá dáratíng agád.
Sa wakás , ay si Don Ramón ang unang namungkahi :
--Bákit , anóng bagay ang inyong ipinagkakáganyán ?—ang
itinanóng sa tatló na pinagalàang para-para ng paningin, anaki'y
kun sinong amá-amahan sa harap ng mga anak lamang.
Wala pa ring nakasagót, hangáng umulit siya ng tanong :
--Filemón , bákit?
Ang naging buông kasagutan ng inusisà ay dinukot na
namán ang sulat, sakâ inilahad at ipinabasa sa matandâng kasamá
na nagsalamín muna, bago tumungháy. Sa una pang pagbasa
ay nápabulóng na sa sarili : "Dalawang-Sungay!" Nagsimulâ
na sa dibdib ang pagbayó ng masasamang kutób . Bumábasa
pa'y umíisip na ng sasabihin at áasalin. Sa anó't anomán ay
hindi nálilingát ang kanyang pakiramdám sa rebolber na
nasa dakong likód ng kaharáp. Pagkabasa ay inalís agad ang
salamín at ang mga matang nagkúkulí-kulimlim pa , ay ipinakò
ng pamanga kay Don Filemón .
---Nábasa mo na ba ?-ang unang tanong nitó na mayhawig
pauyám .
--Oo ; dátapwâ't .... eh anó, batà ka bagáng padádalá
agád sa ganyán ? ....
-Ramón : cuando el río suena , agua ó piedras lleva!. -ang
nanginginig na isinagót ng tinanóng.
-Maniwala ka naman diyán , ay para ka nang walâng sa
riling-baít-ang patay ng isá.
-Ah, hindi, Ramón ! Kung walang nakikita ang gumawâ
ng sulat na iyán , ay hindî makakaisip ng ganyán .
-Abá, eh kung ang nakikita na lamang natin ang pagpá
patakaran ng mga nangyayari, katakot-takot na kamalian
ang kasusuungan natin. Ngayon ay hindi na panahon ng ¿qué
cosa es fé? -creer lo que no vimos , kundi ng katwiran ng apostol
Santo Tomás : maniwala kung nadámá na.
-May nakita na akó at nádadamá, Ramón ; dangan na
nga lamang at tinítimpî-timpî kong ang mga bagay na iyán ay
280 LOPE K. SANTOS

mábunyág pa sa pagkaalám ng ibá , disin sa mula-mulâ pa ay


nagkakila-kilala na tayo .. Nguni't ngayong ibá nang
tao ang pumukaw sa akin , ngayong ang pagtitimpî ko ay kilala
na at inihihiya sa akin ng dî ko nákikilalang kun sinong tao ó
mga tao, panahón na itong ipagbayad ng mga may-utang, pana
hón na itong dapat kong isinğil at igantí sa asawa, anák at mga
kaibigang nags úsukáb sa akin .... Ngayo'y náritó akóng
lalaki, náritó si Filemón na tumátalagá sa lahát ng bagay ! ....
Sinásalitâ itó nang dumádagok sa dibdib. Si Don Ramón
namán sa sarili ay napapatawáng naáawà dahil sa gayóng katun
gakán ng kausap, na, kun sa bagay, siyáng dapat mangunang
gumawa ng gagawin , dátapwâ'y nagsasabing tumátalagá ó para
pang nag-áantáy na siyáng pangunahan ng kinagagalitan .
-Filemón , huwag kang magsabi sa akin ng ganyán :--ang
may katigasán din namang salitâ ni Don Ramón -akalain mong
kita'y kapwa lalaking nagsasalitâan ; dátapwa't ako'y walâng
hangad na sa iyo'y makipagkáinitán ng walang puno't dulo ..
-Walang puno't dulo ! -ang sambót ni Don Filemón .
---Kaya ko nasabing walâng puno't dulo, ay dingin mo.
Akó? akó ang pagkakasalanan mo na hindi namán tayo ngayón
lamang nagkakakilala , at hindî na namán kailâ sa iyó kun saán
saán at paá-paano ang mga likaw ng aking buhay at ang mğa
hilig ng aking kalikután ? ¿lihim pa ba sa iyó kun síno-síno ....?
Diyata't ngayo'y dito mo pa akó ipag- áakalà ng malayòng-malayò
sa gunita ko man lamang? ... Hindi ko máialís sa iyó ang
iyóng hinalà , lubhâ pa't sa paris na ngâ ng ating mga pagsasa
mahan at pálagayan ; dátapwa't isip-isipin mo ang mangyayari
kung ikaw ay padádalá at sukat sa mga kata-katà ng duwág
na sulat na iván . Kung biglâng-biglâ tayong magkagalít at
maglayô, magiging tanúng-tanungan ng tao ang kung bakit.
At kung malamang ang ipinagkáganyán mo lamang ay isáng
imbí at hamak na sulat, gawa ng isang duwág, kathâ ng isang
may masamang loob sa iyó, sa akin ó sa asawa mo't anák , ¿ hindî
ka kaya lalòng tawán-tawanan at pagbulúng-búlunganan ng
mga taong iyang maygawa na hindi nating lahát nákikilala ?
-Anhín ko pang makilala kun sino siláng maysulat, -ang
pangitngit na sagót ni Don Filemón -ay sa , mga mata ko na
rin ang nakakamalas ng kanilang mga sinasabi ? .... Hangál
ba ang pagkátingín niyó sa akin ?
-Walâng nagpapalagay sa iyong hangál ka , Filemón !
-Mangyari'y ngayón lamang tanghaling itóng dumating
akó rito, ay naabut-abutan ko na ang isá sa inyong dalawang
tinútukoy ng sulat?
BANAAG AT SIKAT 281

-Sinong isá? si Morales ?


-Oo, ¿ at sino pa'y inabot-abot ko siláng dalawa nitong
anák kong mabait dito sa loob ....?
-Ah, eh kung iyán namán ang sasabihin mo, makapaghí
hinala ka na ngâ patí sa akin . Dátapwâ't aywán ko ngâ rin
sa mga batang iyán. Ang masasabi ko sa iyo'y nagdaán din
naman tayo sa pagkabatang paris nilá. Kun tayo'y magsikilos
noón sa piling ng mga kasintahan natin , kahi't birò-birò pa , ay
tila totoóng-totoo na. At sakâ, akó nama'y madalás ngâ rito sa
inyó, námamasdán ko siláng dalawá riyán : nag- úusap , nagká
katwa, nagtutugtugan at kantahan , ang kanilang mga anyô,
kilos at sálitâan, ay halatâ kong sa talagang nagkakaibigan,
bagay na hindî na namán kailâ sa inyong mag-asawa ; dátapwâ't
wala akong masabing anománg bagay na sukat bagáng ipagká
totoo ng nasa sulat mong tinangáp . Bantâ ko nama'y hindî
akó makapagpapabayà, kung sakali't may násusubukan sa kanila.
Kung minsan nga'y nakakapananghalì rito si Morales ; nguni't
tuwî na'y sa kaibigan ko rin at anyaya, sapagka't nakakawilihan
namin ang kanyang pagtugtog ng piyano habang nagkákantá si
Isiang. Ikáw man namán kung náriritó ka ...
Si Don Filemón ay tila hindî rin nasyahan sa mga pahayag
na ito ng pinaghihinalaang kaibigan. Habang nakikinig ay
filíng-iling at nagpapahiwatig ng di paniniwalà . Sa gunam
gunam niya ang umáali ay ang pagkahiya sa taong mayhulog
ng sulat, na dî nákikilala kun sino, at sa bagay na itó , bawa't
taong sa kanya'y makátinğín , ay parang yaón na ang maygawâ
at nakaáalám ng mga kalihiman ng asawa niya't anák.
-Ramón , Ramón , -anyá-matandâ na kitá kapwà , baga
mán may pagkabatà akó sa iyó, kayâ't mahalay na sa atin ang
tayo'y magtaksilan at magbilugán pa ng ulo . Walâ akóng
masasabi kundî ang mulâ ngayon dito sa bahay ko, ay di ko na
ibig makita pa ang sínománg taong aking pinaghihinalaan . Ayaw
ko ! At kung may mangánga hás ó magmámatigás ay pamú
muhunanan ko ng pagkalalaki .
Malakás at pariín ang pagkakásalitâ nitó, na maykasunód
lingón sa kanyáng rebolber sa silya . Si Don Ramón , na
hindi gawing magmalamíg sa mainit, ni matagal sa gawâng
magparayâ, lubhâ pa't sa gayong mga oras na dî dapat ipag
pasinag ng muntî mang pagpapakababà, na makapagpápalusog pa
sa sapantahà ng kausap, ay nag-anyô rin namang walang gulat,
at sa salitang bató ni Don Filemón ay salitâng bakal ang itinugón :
-At anó't nagsalitâ ka ng ganyán ? Ang akalà mo ba'y
nakakálalaki ka sa kausap mo?
282 LOPE K. SANTOS

Si ñora Loleng, nang máriníg ang ganitong mga ságutan ,


ay nag-akalang lumapit sa dalawá at mamagitnâ. Nguni't sa
pagkakita ng nanglílisik na matá ng kanyang asawa, ay hindî
nakapangahas at waring binalták sa likod nang pagkáudlót .
Maging si Isiang ay tumingin-tingin na lamang at nag-ibayo
ng pakiramdám at pagbatyág sa mga kilos at sálitâan ng dalawá.
-Ang sukat mong isipin- idinugtóng ni Don Ramón-ay
hindi akó tútuntóng ngayon dito sa pamamahay mo , kung hindî
ninyó akó ipinasundô?
-Ako'y hindî nagpapasundô sa iyó : si Loleng-ani Don File
móng umurong ng isáng hakbang sa dakong likód .
Si Don Ramón ay nápalingón nang dî sinásadyâ kay ñora
Loleng, at itó namán ay napatingin din sa kanya ng pagilalás
at maykahalò mandíng hagis ng irap at ngusò sa asawa, na ang
ibig sabihi'y : "Hindi akó ang nagpasundo, kundî ang .... Alejo
ring iyán !" Ang pag-irap at pagngungusòng panakaw, ay salamat
at dî nátamaan ng matá ni Don Filemón .
-Kung hindi ikaw ang maypasundo sa akin , hindi ko
kailangan ang mamalagì pa rito ng sandali man ;-ani Don Ra
món-kung may kailangan kang gamitin mo sa akin ang iyong
pagkalalaki, ay huwág dito sa bahay mo , akó ang iyong parunán
sa amin, ó saán man, huwág dito!
Isá mang salitâ si Don Filemón ay hindi na nagbitíw. Na
paghahalatâ sa kanyang mga pisngi ang pangigitil ng mga ngipin.
Si Don Ramón nama'y hindi na nag-antay pa . Halos patalikód
na tinungo ang hagdanan , pagka't nangángambá rin siyang
sukabín ng kagalit . Nakapanaog ng walang nangyari . Naiwan
si Don Filemón sa pagngingitngit na natitigilan . At ang yumao
ay nakalabás hangáng lansangan .
Hindî na sa San Miguel nagbalík , kundi sa sariling bahay.
Sa lurok na yaón ng katanghaliang dumádapit na sa hapon ,
ay naglakad ang matandâ ng parang walang nararamdamang
init at pawis . Sa habang daá'y hindi niyá madalumat ang mga
nangyari : hindî máhuli ng hakà kun sino ang taong maykaga
gawan ng sulat na yaóng naglikha ng mga pagkahalatâ 6 hinalà
at pag-aasal na hindi niyá ináasahang mákita kay Don Filemóng
sa kanya'y dating magalang, masunurin at masasabing siláw.
Sa kahihikap ng gunitâ, ay nahinuhà ang bakâ si Julita ang
maypahulog, bunga ng pagkagalit sa kanyang di pagsipót na
malaon sa San Miguel, at bilang paghihigantí na kay ñora
Loleng, na dî namán kaila kay Julitang kanyang kinahihiligan .
Ang hinuha niya'y hindî ngâ námali. Kung naalaala pa
sana ang pagbubúlungan , ánasan at kindatan ng mag-iná ni
BANAAG AT SIKAT 283

Julita , habang siláng tatlo'y magkasama sa kiles nang papauwi


na sa San Miguel , marahil ay nabuo ang kanyang paghihinagap
na yao'y gawâ ngâ ng tinurang mag-iná. Nang umaga pa ng
araw na nagdaán , ay inihulog na sa Correo ni Julita ang sulat
na tinangáp ni Don Filemón . Sa totoó nang kagalitan kay
Don Ramón at kay ñora Loleng, ay yaón ang kaniláng náisi
pang paraán . Sa ánasan ng mag-iná ay sukat dising náuli
nig ni Don Ramón ang tanong ng matandâng babayi: "Pa
paano ang sulat mong inihulog sa Correo?" at ang sagot ng anák
na : "Siyá ngâ palá : na sa kamay na natin ang matandâng itó !
Nguni, mabuti ngâ ; bahalà na siláng mag-asawang magpahinóg" ....

F
GGGG GGGG

XVII

Daig pa ang nagtipán

Bago naman nagpaskó, at nang si Delfín ay hindî pa piná


payagan ng mag-asawa ni Taliang makapanhík sa bahay, ay
nakátangáp siyá ng isang mahabàng liham ni Felipe, liham na
nagbabalità ng maraming bagay na mahahalagá, ng maraming
sakunâ at dalamhatì at nang di na malalaong pagluwás ng tinu
rang katoto sa Maynilà.
"Nálaman mo ba , kaibigan , -ang saád ni Felipe sa may
pasimula ng kanyáng sulat -kung ano ang lalòng ikinagalit
sa akin ni tatay? .... Sa káaahon ko sa bukid na ílanang araw,
kun minsa'y upang mangaso, at kung minsa'y upang magparaán
na lamang ng panahón sa pakikipag-úsapan sa mga kasamá,
ako'y pinagbawalan . Ni ayaw nang ako'y ipagsama kun siyá
man ang umáahon. Kayâ palá ay may nakapagsumbong na
isáng kasamá rin na may itinúturò akó sa kanilang mga kung
anó-anóng matwid sa paglilingkód nilá sa mga maypuhunan at
maylupà. Siyá ngâng katotohanan . Sa mga pakikipagpulong
ko sa kahambál-hambál at apíng-apíng mga taong itó, na nanga
búbuhay na lamang upang mamatay pagdating ng oras , ay
nagpúpunlâ akó tuwî-tuwî na ng mga binhi ng Komunismo.
Hindi lamang naman ang mga kasamá ni tatay ang nangawi
wiling makinig sa akin, kundi pati mga karatig-nayon , na mğa
kasama ng ibá namáng maylupà . Pinag-usisâ ko muna ang
mulâ't sapúl ng pangyayaring kung bakit sila'y nangagíng
kasamá at lingkód ng mga mayayaman sa bayang itó. Bihirà
ang nakapagsasabi sa akin ng hindi "aywán," sapagka't nagisnán
na sa kanilang mga nasiràng magulang ang gayóng lagay at
námana na rin patí mga utang na sa mga panahong ito'y hindi
nababayaran, kundî lalong naráragdagán. Walang hindi may
utang. Kaya naipaáaninaw kong ang mga utang na itó, kundî
pag-iisipan ng mga paraang ibá sa nangágisnán nilá, ay hindî
na mawawalâ, kailán man at mámanahin pa hangáng ng
BANA AG A. T SIKAT 285

kanilang káapú-apuhan . Marami ang tinurùan kong huwág


nang magbayad ng mga kautangán, sapagka't labis at labis
na ang panahóng kaniláng náipaglingkód, bukód sa ang
mga halagang ipinaúutang sa kanila ay karaniwang balót ng
mğa talinghagà, karaniwang likha na lamang ng masasakím at
mángangamkám niláng pinaglilingkurán . Kung may mga burgués
na sa aki'y nakakárinig ng mga ganitong pagtuturò, ay hindî
sásala , Delfíng, pag-wíwikaan ako ng demagogo , isá sa mga karani
wang tawag nilá sa nangag-áakay sa ating mga aping mangagawà.
Sásabihin na namán nilang ang itin úturò ko na'y mga karapatán
(derechos) at hindi muna mga katungkulan (deberes) . 'Ang
'mga mangagawà natin, -anáng mga pantás na iyán, -ay nag
' kákautang sa kanilá ring kasalanan : gágawa ng kauntî
'at úutang ng malakí : gumúgugol ng mahigit sa nákikita : tamád
'ay mánunugal : dukhâ ay mapagpistá : walang makain ay " walâng
'kusàng palò : hangál at walâng sariling panihalà ... Ano
pa't lahát na ng samâ ay sa mga marálitâng itó . Ang mga
mapagsabi ng ganyán ay kailan pa kayâ mangalíliwanagan
ng matá sa harap ng salamín, upang makita naman ang sa mga
mukha nila'y naglawít na agiw?. Sa mga magsasaka 6
kasamang ito ay itinúturò ko ngâ ang matuto siláng gumamit at
umusig ng kanilang mga karapatán ; sapagka't kita kong likás at
bukál na sa kanilang pagkatao at sa kanilang mga kilos ang hilig
sa katungkulan , nguni't malalayò at bulág sa harap ng kaniláng
karapatán. Turùan mo pa ngayon ng bago at bagong katung
kulan, ng lalò at lalong gagawin ang mga taong itó, ay para kang
nag-akay ng ilang kawang-bulág sa langaman. Sa mga pagka
kálagáy nilá, at ayon sa mga kasalukuyang palakad ng pagsasamá
rito , habang kumikilos ang mga araro sa lupàng pinagsasamahán ,
ay lalòng nababaón sa putik : habang isinisisid ng pikít-matá sa
pag-gawa ang ulo ng mga marálitâng kasamá, ay lalong nag
pápalaki ng tibay, lakás at kapangyarihan ng kanilang pinakí
kisamahang panginoón . Ang kahalintulad ng yaman ng isang
maylupà at maypuhunan dito , habang sinusunong ng boông
sipag ng mga kasamang mahirap, ay bakal na pinápandáy :
tumítigás habang pinúpukpók : bumíbigát habang tumítigás .
Pinamúmulatan ko na nga ang mga kahabág-habág na kasamáng
itó ng mga lalong mababaw na adhikâ at matwid ng isáng "Socie
dad Comunista" ó pagsasamahan ng lahát sa lahát at ng pama
mayang walang haring sin úsunód ó punòng nag- úutos kundî
ang sariling budhî at ang loob ng kalahatan. Na ang lupà,
katulad ng hangin, araw at karagatan ay hindî nilikhâ upang
paghati-hatian ni kaní-kanyahing arì ng mga tao, kundî upang
pakinabangan ng lahát na nangangailangan . Na, sa makatwid,
ang mga lupà man ng amá ko na kaniláng ginagawán at
286 LOPE K. SANTOS

pinagkakautangan, kung pagtútuusín, ay hindi sarili lamang.


ng amá ko , kundî arì nilang magkakasamá, na dapat pakina
bangang mahigit ng isáng gumagawa kaysa isáng namúmu
hunan , sapagka't ang pag-gawa ay sarili nila at ang puhuna'y
bunga ng kanilang pag-gawâ rin : anopa't ang pakinabang na
pumápanhík sa maylupà ay hindi tunay at lubós na nangágaling
sa puhunan niláng inilalagáy, kundî sa pag-gawâ rin ng mga
taong nagbibili ng lakás kahì't paano sa katakutang magutom ;
sapagkat ang tinurang puhunan málaó't mádali at sa papaano
man, ay bunga rin ng pag-gawâ. Na , alang-alang sa katwiran ,
akó ma'y anak ng kanilang panginoóng si kápitáng Loloy, ay hindî
natútuwâ ni ibig makinabang sa gayóng mga paraán ; at sa
katunaya'y kita na nila ang in úugalì ko ....
"Kung akó namá'y nátitirá sa bayan ó sinásamahan kayâ
ng alinman sa mga alilà ni amá sa mga pag-ahon sa bukid ó sa
mga paliligò at paglilibót, ay napagpápaaninawan ko rin ang mga
tinurang alilà ng mga aral na hingíl sa kaniláng matwíd , álalaóng
baga'y huwag lubhang pabusabus , dahil lamang sa pagkakautang,
at sa hamak na upa ó sa takot sa lupít at kapangyarihan ng
kanilang panginoón . Náituturò kong silá ay maykarapatáng
humingi ng mataás at katampatang upa , at huwag mangagsil
bíng-kain, silbíng-utang at silbíng-takot lamang. Na marapat
niláng hinging sila'y huwág ipalagay na hayop at busabus na
madalás ; bagkús pagdangana't kapwà-tao, bigyan ng ukol at
katumbás na katungkulan ang sa kanila'y iniúupa, at huwág sa
bawa't gagawing ibig pahawakan sa kanilá ay nagsisisunód,
sukdáng ikapagkakasakit, ikawawala ng puri at ikamámatáy.
Na silá, may mga utang man at násasanlâ , ay hindî manga
pipilit kung ayaw nang paalipin, tangì sa ngayo'y sadyâng bawal
na naman ang pagbibilí ó pagsasanlâ ng mga tao upang alipinin
ng ibang tao ....
"Dahil sa mga pasaglít-saglít na pagtuturò kong ito ay isá
na ang kasama ni tatay na nakipagságutan sa kanyá isáng araw
na minúmura at háhagkisín ng yantók na karaniwang dala-dalá
sa pag-ahon sa mga bukid, sanhî lamang sa di pagkatapos sa
maghapon ng ilang lagáy ng niyóg na bábàin. Dalawá na ang
alilàng nagtanan , isá si Gudyô na kasá-kasama kong parati at
ang tangkâ sa paglayas ay ipagsama ko na riyán sa Maynilà,
pag ako'y lumuwás.
"Ang lahat ng mga nangyaring itó at ang kasalukuyan
nang pag-iibang ugali unti-unti ng mga alilà at kasamá ni tatay
ay buông-buông iniúukol sa akin. Sa wala pang kalahating
buwáng ikinátitirá ko rito, ay hindi na máma kaipat akóng naka
kagalitan niya ng mahigpít . Si nanay ay madalás na lamang
BANAAG AT SIKAT 287

nápapaiyák sa akin , kung ako'y nakikitang lipós na lipós na ng


mga pagmura ni tatay. Ako'y di míminsang nagdídili-dili sa
sarili . Nguni't ¿paano ? ¿paano ang aking marapat gawin?
Unahin ko pa bang pulaan at bakahin ang samâ ng ibang tao ,
kaysa aking tunay na magulang ? Ilayô ko pa ba ang aking pani
nğín, samantalang sa mga talukap ng matá ko na lamang halos
ay nagdikít na ang maraming bagay na dapat kong tignán at
aninawin? .... Ah, katotong Delfín ! Iyán ang kamalian ng
maraming pantás at ng maraming taong nakakakilala ng matwíd!
Ang paghikap ng magaling at ang pag-usig sa samâ ay hindî
sa sarili muna at sa malapit sa kanilá gawín , bago manghimasok at
kumaya sa ibá at sa malayò. Kamálîan din nilá ang pagka
mabubuting magtúturò , nguni't masasamang manúnupád . Kung
lahát ng nakakakita ng liwanag ng araw ay hindi nagpápaumat
umat at nagpípikíp-pikitan, disin lahát na'y hindi makakakilala
ng dilím . Nákikilala kong ito ang magalíng, sa sarili ko muna
at sa mga magulang ko rin ginagawâ : sakâ namán sa ibá, kung
kami'y mabuti na at mapagkukunang halimbawà .

"Ako'y hindi na maglúluwát dini : sadyâng isin úsuka at


itinátabóy na akó ni tatay . Dáratíng akó riyán sa bago mag
Bagong-Taón .
"Ibalità mo kiná Tentay ang pagdating kong itó . Gayón
din kiná Meni.
""

Itó at mga ibá pa ang lamán ng sulat ng di karaniwang


binatang iyón, na sinagót namán agád ni Delfín .
Kákaunti, sa mga ibinabalità ni Felipe tungkol sa mga
pagtuturò nitó sa mga kasamá at alilà ni kápitáng Loloy, ang
mğa sagót na náipagbigay-loób ni Delfín . Sinulatan ng ilang
mga paliwanag at pangaral, upang ang mapusók at mainit na
katoto ay kumatá-katabay sa mga kabiglaanang ginagawâ, alang
alang man lamang sa mga luhà ng isáng iná.
Ang boông gunitâ ni Delfín , nang mga araw na iyón, ay
gugól na gugól sa pagdalumat ng mga kasigalutang dumáranas
namán sa kanilá ni Meni. Ang mga nangyaring itó at sampû ng
mğa inaakala pang mangyayari, hindi man kusàin ay siyáng
bumábalong sa kanyang panulat . Ang pabalità kiná Tentay ay
ipinangakòng tútupdín, hindi lamang masabi sa sarili kung
kailán matútupad . Sapagka't magmulâ ng hapong siya'y hiyâín
at di tangapán ng dalawámpûng pisong pabigay ni Felipe
ay napaghihiya nang manhik sa bahay ng mag-iiná. Nakápa
roón, dili ang hindî, nang makálawá pa , alang-alang sa pag
288 LOPE K. SANTOS

tupád sa tungkól ng pag-iibigan nilá ni Felipe ; nguni't makála


wáng dalaw na malamíg, tinátangáp siyá ng bigáy-loób lamang,
at ang minsan pa'y hindî na náiakyát, sapagka't nang pataupô
at dungawin ni Tentay, ay naipagpáuná nitong walâ roón ang
kanyáng iná.
Sa wakas ng liham ay ipinagtagubiling kun si Felipe'y
lúluwás, ay huwag na kiná Don Ramón magtuloy kundi sa kan
yáng bahay .

Buhat nang araw na si Delfín ay pagsadyâín ni Madlâng


layon sa Pásulatán at balitàa't hatulan ng mga nangyaring sakunâ
kay Meni at ng marapat gawing pag-iingat ng isa't-isá, ay walâ
nang pinakapanuyùan siyá kundî ang tinurang abogado , at
wala nang araw na hindî niyá idináraán sa bufete nitó sa Eskolta .
Nakíkibalità at nagbibilin. Napaháhatol at namámanhík na
maanong siya'y gawán na ng paraán , upang makita lamang
at mákapulong kahi't sásandali ang maysakit na sing- irog.
Si Meni namán, sa ganáng kanyá, ay walâ ring inilúluhog
sa mga kapatid kundî ang ganitó. Sa isáng sulat na nátangáp
ay natalastas niyang si Delfín ma'y labis din ng paglulungati,
sukdáng ikápain ng buhay ang pagpanhík ; dapwà't paglulunga
tîng walang masapit, dahil sa tuwî na'y pag-ayaw ni Madlâng
layon, na kapwà nilá pinagpípitaganan .
Sa malas ni Talia , ang inilálalâ ng mga dalamhatì at karam
daman ng kanyang kapatid, ay ang pag-iyák na oras-oras . Ang
kanilang pag-aalagà at pag-iingat ay nakitang hindi na nakaá
alíw. Si Meni ay hindi na sa nagparusang amá lamang may
hinampó, kundî patí kay Talia , kay Yoyong at sa hipag. Ayaw
na ni pagamót ni magkaín : tuwing darating si Dr. Gatdula , ay
nagdádahilan ng kung ano-anó, upang siya'y huwag na lamang
pasukin sa kuwarto : tuwing váyayàin sa pagkain ay pinaghihirapan ,
ayaw ng ayaw at busóg pa ng busóg ang isinásagót : tuwîng
pápasukan naman sa loob ng pagkain , kun anó at gaanong pag
kain ang ipinasok ng mga alilà, ay siyá ring inilálabás na maanong
natítinagan ng kahi't kauntî.
Ang mapagmahál na si Talia, ay mámayâng magalit na't má
mayâng mahabág. Ang kalambingan ng kapatid ay nauuwî
na sa tigas ng ulo . Makáiláng náipangakò niyá tuloy na ipa
súsundô si Delfín , nguni't hindi na dumating-dating. Kung
maáarì lamang makapanaog si Meni at máipagsama sa paglakad ,
disin ay dinalá na niyá sa bahay ni Yoyong sa Tundó , at doón
pinapagkita, huwag na lamang sa sariling bahay, na pag nagká
tao'y kasása wîán niláng lahát. Sa guní-guní ng mag-asawa
BANAAG A T SIKAT 289

ni Talia, ay naguguhit na maliwanag ang walâng kabulà-bulàng


sakunâng mangyayari, sa minsang si Delfí'y abutin ni Don
Ramón sa bahay, ó sa mábalità man lamang na nakaparcón.
Sa dami ng kanilang alilà ay hindî malayòng may isá ó iláng
Hudas na lálabás .
Habang ganitó ang kanilang pag-aagam-agam , ang pinag
íingatan nama'y patuloy sa pagmamaktól : at mabuti kun sa
maktól lamang, at dî sa tunay nang pagpapatiwakál. Parusahan
namán siya sa gayón, murá-murahin pa't tikisín ng isang katangì
tanging kapatid na napaglalambingán, ay kalupitán na at tikís na
pag-utás .
Isáng tanghaling ayaw luma bás ay ipinapasok ni Talia
ang mga pagkain . Si Yoyong ay walâ sa bahay, nagpasabing
dî úuwî at sa isáng anyayaháng- kaibigan manánanghali.
Ang tangkâ ni Talia sa pagpapapasok ng mga pagkain, ay doon
na sa loob siláng magkapatid magsalo. Nguni't kung sampû
kangina ang pag-ayaw, ngayon ay sangdaán na . Amò-amò,
pilit-pilit , pahila-hila sa kamay at sa isáng pabirông salitâ , ay
isinabáy ni Talia ang pagsusubò ng isáng kutsarang sopas sa
bibig ng hindi mapilit na kapatid . Dapwà't ang pagtangí'y
sumásagwâ.
Si Talia sa gayon ay parang pinagsiklabán ng baít. Ang
giliw ng pag-aalók ay biglang naging galit at kayamután . Ang
kutsarang maylamán ay siyáng nápag-itingang inihagis sa tablá
kasunod ang biglâng tindíg na halos ikinátagilid ng lamesang
yantók na kinápapatungan ng mga pagkain . Umakmâng
papalabás , at bago nagtulóy, ay lumingón muna sa nawalán
ng loób na si Meni, at nagsabi :
-Magpakamatay ka kung ibig mo ; walâ akóng kinálaman
sa iyó! ... Mientras ka pinagpápasensiyahan , lalòng lumálalâ
ang loko mo ! ....
Ang mga salitang ito ay paulós na tumimò, hindî sa pakinig
lamang ng pinagsabihan, kundi hangán sa kaibuturan ng pusò.
Ginapangan mandín ng mabalasik na kamandag ang kanyáng
mga ugát at litid, na anopa't bábahagyâ lamang nakalálabás
sa pintuan ng kuwarto si Talia , ay kalabóg na ng silyang nabuwál
at kalampág ng mga pingán at kubyertos na nalagunlón at ná
bagsák sa tablá, ang kanyáng náriníg sa loób. Nápabalík si
Talia ; ginibkán ng dalawang alilàng nag-áantáy-utos sa salas ,
sa akalàng nag-aaway ang magkapatid. At si Talia, na sa ná
kitang pagkakahandusay ng kapatid sa ilalim halos ng silya'y
nápaluksó ng pagdaluhong, ay maanong nakapagbigkás man
lamang ng kahi't isang salita. Ang isísigaw niyá't itítili ay
nakuyóm sa dibdib na kulang na lamang pumutók.
19-47064
290 LOPE Ꮶ . SANTOS

Si Meni ay nanínigás ! At di nanínigás lamang, kundi


naglalahò pa sa dugo ang ulo, tigmák ang may kalahati ng
buhok na nalugay, gawa ng isang malakás na pagkábagók sa
tablá, kundi man ng pagkáhampás sa isang sulok na matigás
ng nakádagáng silya . Si Meni ay di humihinğá!
Ang mga alilà ay siyáng nakapagpagibík sa labás , at sa
iláng sandalî lamang ay naliligid na ang nanínigás, at ipinag
agaw-buhay ng maghipag, ni Siano at ng ilán pang utusáng
nakámalay.
Ipinatawag na nemán ni Siano si Dr. Gatdula , at nang
ito'y dumating, si Meni ay natátauhan na, nabuhat na sa
hihigán at napagyaman-yaman ang paghingá, sampû ng sugat
na tinítigisan ng dugô sa ulo , salamat sa mga ilang gamót na
talagang handâ na sa bahay.
Námulagat ang matá sa kandungan ng kapatid na
nagalit. Hindî na mukhâng nagagalit ang kanyáng námu
latan, kundi mğa matá at pisnging binábatisan ng luhà. Sa
unang pagtatamà ng mga tingin niláng magkapatid, ay hindi
nakapagpapulas ng kahi't isáng salita ang alinmán sa dalawa.
Nagkaalanganan at halos nagkátikisan pa , katulad ng dalawáng
magkasintahang nagkagalit at malaong di nagkita , sakâ bilgâng
nagkása gupà sa likô ng isáng daán.
Si Dr. Gatdula , palibhasà sa sumundô pa'y alám na niya ang
nangyaring titingnán, ay tátatát-tatát at filing-ilíng nang nasok
sa kuwarto , na agad ay kinahala tâán ng magkapatid ng isang
loób na nagdáramdám at maysukal .
-Kayó ang bahalà ; -ang unang sinabi, paglapit at pag
hawak sa pulsó ni Meni -ayaw kayong makinig sa mga ipinagbí
bilin kong pag-iingat. -Bákit ayaw kayóng kumain?-ang isinu
nód pagkapulsó .
Si Talia ay napatingin sa médiko : ang pagtukoy sa dahiláng
ipinagkasamaan ng loob nilang magkapatid, ay kanyáng
kinámanghâán. Nguni't sa sandaling pagkahinuhà, na ang
gayo'y di sasalang sinabi nang talaga ng sínománg tao sa bahay,
ay tumango na lamang kay Dr. Gatdula , at sakâ ibinabâ ang
tingin sa kapatid, anaki baga'y isinúsumbóng namán niyáng
talaga at sinisisi .
Si Dr. Gatdula , na sa makáilán nang pagpanhík doo'y
tumátalik-talik na sa pakikipagkilala sa mga maybahay, pag
ka-reseta at bago nalís , ay may ipinagbilin muna kay Talia ng
lihim . Napagkilala ng doktor na hindî ang mga gamót niyáng
ipinabíbili ang tunay na mákakatapát at makasúsugpo sa mga
karamdaman ng malambing na dalagang iyón. Ang tangi
BANA AG A T SIKAT 291

niyang magagawâ , sa pagka-mangagamot, ay hatulan si Meni ng


ikáiilag sa anománg sakít na makakapahamak sa katawán ; nguni't
mapatiwasay ang loob at malunasan ang isang damdaming
nanúnuón na sa kálulwá at katawán, ay hindi gamót na
nasa kanyang kamay, kundi nasa maykatawán din ó nasa
pagka-ganap ng mga dahil ng gayong pagtatampuhan ng
magkakapatid. Sa biglâng sabi, ay hindi na kaila sa médiko
ang lahat ng mga talinghagà sa dinádalaw na bahay. Kaya't
kay Talia , ay ipinagtapát niyáng kun talagá rin lamang hindî
maáarì at pinangánga tawanán nilá ang dî pagpapasama kay
Meni sa kung sínománg kasintahan , mahanga ay ialís na
sa Maynilà, at dalhin sa isang malayòng lugil, na may ibang
alíw at kabuhayang makakahimalingan ng loób, hangán sa
málimutan na at makaraos ng walâng ligalig ang mga dahil
ng gayóng karamdaman.
Sa dalawang tagubiling itó ni Dr. Gatdula , ay nag-álin
langan ang loob ni Talia , sampû ng mag-asawa ni Siano .

Pagdating ng gamót na noón di'y ipinakuha sa botika, ay


si Talia na namán ang nag-alók na inumín .
-Bakit pa ninyó akó ginágamót?-ang marahan at malubáy
na winikà ni Meni, sabay ang paghawing banayad sa kutsara
ng gamót na iniuúndót sa kanyang bibig.
-Hala , inumín mo na sana !-ang muling amò na namán
ng nagpápainóm.
-Ang kapatid ko namán ! -ang pahimutók na násabi -ibig
ko nang ako'y mamatáy : sayang lamang ang iyong pagod ! ....
Ang kalunos-lunos at may pagka-pasaríng na mga salitâng
ito'y nanuót hangán sa kálulwá ng maghipag ni Talia . Si
Siano ay wala't kalálabás pa lamang. Ang batang umíiyák sa
pagkagising na dî mapatahán sa alo at kalong ng taga - alagà ,
ay siyang pinarunán .
Si Talia at ang hipag ay nagkákindatan , at bunga ng kin
datang ito'y ang hipag namán ang humawak sa kutsara at
siyang umamú-amukî ng pagpapainóm , samantalang si Talia'y
walang kasalí-salitâng umupo sa isáng nálalayô-layông silya ,
at doo'y nangalumbabà, ipinakò ang tingin sa tablá, anaki'y
isáng mabait at butihing anák na pinagsásalitán ng nagagalit
na iná.
Nguni't ang hipag pa kaya ang makapagpainóm ! Si Meni
sa pagtangí ay hindî dalá ng katigasán ng ulo . Kung paamò
amò ang sa kanya'y pag-aalók, pasamò-samò rin naman ang kan
292 LOPE K. SANTOS

yang pag-ayaw. Kalambingán sa mga kapatid, ó talaga nang


pagmatamís sa kamatayan, alinmán dito, kaypalà, ang sa kan
ya'y nagpapaasal ng gayón.
Sa pagkakásandál sa salansán ng dalawang unan sa ulunán
ng kama ay umupo at kinawayán si Talia . Ang tinawag ay káka
bá-kabáng lumapit .
-Hipùin mo ang dibdib ko , -anyá -tumáta híp mandín ,
at nagsisikip ang aking hiningá.
Sabay sa pagsasalitang hinawakan ang kamay ni Talia at
inilagay sa kanyang dibdib. Maytibók ngang hindi karaniwan ,
nguni't marahil nama'y hindi mga balità na ng kamatayang
paris ng sabi niyá. Dilì ang hindi'y napaghalatâ ng maghipag
na si Meni'y naglalambing na lamang, ó kung bagamán anila'y
ináalihan ng sakít na sindák : ninénerbiyos.
-Náramdamán mo ba ? -ang tanong sa dumamá .
-Oo, nguni't tibók lamang ng pusò iyán, paris ko rin :
tignán mo.
At hinawakan namán ang kamay ni Meni, sakâ idinampî sa
kanyang dibdib .
-Hindi kasinglakás at kasingdalás ng sa dibdib ko - ang
paibayong sabi ng maysakít -talagang malapit na akóng ma
matay ... Į
-Kung ano-anó ang sinasabi mo ! -ang nagkásabay na
paklí ng maghipag.
-Inumín mo na iyán, at ...... ipatátawag ko ngayón din
siya.... ang walang kamalák-malák ay namitíw sa bibig ni Talia .
-Sinong siya? -ang isinambót ng hipag na nápapamanga.
Ang mukhâ man ni Meni, sa pagkáriníg ng siyáng itó, ay
nag-anyo ng pamangha sa kapatid, waring ibig magsabi ng:
"Diyatà?"
-Oo , -ang itinapos ni Talia -inumín mo lamang ito at
ngayón di'y dáratíng si Delfín sa haráp mo.
At siyá na namán ang nagdulot ng ipinaíinóm .
Sa lagay ni Meni ay nábadhâ at sukat. ang ilang liwayway
ng galak, bagamán mayka halò pa ring pag-aagam-agam, palib
hasa'y hindi na míminsáng narinig niya ang gayóng pangakò,
nguni't hindi natútupád.
-Kung náritó na siyá at sakâ ko iyán íinumín -ang náitikís
na naman sa kapatid .
Hindi na nag-antay pa ng ibang salita si Talia : noón di'y
ipinatawag ang isang kotsero sa lupà na dating naúutusan kay
BANAAG A T SIKAT 293

Delfín . Sa harap ni Meni ay ipinagbilin ang huwág dî hanapin


itó , kung walâ sa Pásulatán , ay sa bahay ; nguni't huwag na dî
ipagsama . Pinapagdalá ang kotsero ng isáng tarheta ni Talia ,
upáng paniwalaan.
-Paano, náritó pa si Siano ? -ang paalaala ni Meni.
-Hindi kailangan-ani Talia .
-Papaalís na iyón : alasdós na kanğina pa : -anáng hipag
kátaón nang walâ kung dumating siyá.
-Ay anó kung mag-abot silá?
-Mabuti na muna ang huwág.
-At paano kung málaman ni Yoyong ? -ang paalaala pa
ng maysakit.
-Bahalà na akó ! -ani Talia .
Si Talia, ang hipag at si Meni, ay mistulang nangabunutan
ng pakò sa dibdib . Yaóng dating kapanglawang nagsisikíp sa
kani-kanilang kálulwá at nagpápa takíp-silim sa loob ng kuwarto ,
ay parang binasbasán ng isang mapagmalikmatàng kamay at
ang humalili'y malulugód na kalooban at mga kaayaaya nang
mukhâ. Ang mga luhà sa matá at pisngí, at ang mga gitî ng
pawis sa mga katawán nilá, gawâ ng kaalinsanganan ng tanghali ,
anaki'y mğa sadyâng pinagdadampîán ó nagsilubóg, kayâ muntî
ma'y hindi na nangáramdamán .
Isa't isa sa kanila ay natigilan. Hindi maabót ng kurò
ni Meni ang gayong pagkakálubág na biglâng-bigla ng kalooban .
ng kanyang kapatid . Nábulay-bulay na di sásalang yao'y
bunga na ng mga pagkahabag sa kanya. Sa sarili'y pinagpa
salamatan ang kanyang mga paglalambing, lalong-lalò na ang
pagtangí sa bagong gamót. Kundî disin sa ganitó , marahil si
Talia ay di pa natuluyang naawà. Magkákagayón ngâ ; sapagka't
si Talia , ulirán ng pagmamahal sa kapatid , tapát na loob sa ná
ipangakong pagdamay at katutubong may malambót na ka
looban sa harap ng kangino mang luhà at ng kangino mang
daíng , ay kagyát na dalá-dalahan ng mga agos ng dilang naisin
ni Meni. Tumútutol siyá hangáng nakatútutol, nagágalit han
gáng nakapaggágalít-galitan, nagbabawal habang nagbibigay
loób ang kapatid na bunsô, bumábatá, habang dî pa lumúlubhâ
ang kanilang hinanakitan ; dátapwâ't, sa wakás, ay siyá rin ang
kadalasang sumúsukò , siyá rin ang karaniwang napahihinuhod sa
mga lungatî at mapumilit na hingi ng isá. Nang ihagis nivá
sa tablá ang kutsara ng sopas, ay totoong punô na lamang ng
hinanakit at ngitngit ang kanyang kalooban . Nguni't nang
mákita nang nálalagmák at naghihimatay ang kapatid, ay siyá
ang una-unang lumuhà, siyá ang karaka-raka'y nagsisi . Nang

20
294 LOPE K. SANTOS

ibigay naman sa hipag ang kutsara ng gamót na ayaw tangapín


ng maysakit, ay hindi rin galit ang sa kanyáng budhi'y umali,
kundi isang bukál na hina gpís at pagkalunos sa nagiging palad
ng bunso niya, hinagpís na kundi inilayô at pinaraán na lamang
sa pangangalumba bà, marahil ay nagpaputók sa kanyang dibdib
at ikináhagulhól ng ubos-lakás sa gayóng katanghalian . Sa
pangangalumbabàng iyón náisip niyá ang walâ na ngâng magaling
kundi ang payagan ang hiling ni Meni, upang silá, sa mğa
sandali man lamang na iyón, ay tumiwá-tiwasay. Sa sariling
gunam-gunam ay pinilit na mapawalâng halaga ang tanang mga
panganib na kápa painan nilang magkakapatid at ni Delfín , kung
ito'y ipatawag, makarating doón at abutan 6 mábalitàan ng
malupit na amáng walang tadhanang oras sa pag-uwî.
Ang asawa namán ni Siano ay isang babaying parang tao
sa mulâ: katugmang katugmâ ng asawa sa mğa pag
uugalì : bilingin mo ma't baligtari'y walâng dî kinároroonán :
máramay siya't dî máramay sa mga kapootán ng biyanán ay wa
lâng kailangan : mápatuloy at hindi kay Delfín ang hipag
na maysakít , ay íisá rin sa loób niyá : anómang iutos ng mga
hipag ay sumusunód : kundî namán utusa'y hindi hamak-hamak
na gumagawa ng kahi't anóng sa kanila'y makasásamâ, ni hamak
hamak na mápe gmumulán ng munting sálitâan . Isáng babayi
itong parang tubig : saán man isilíd ay nakikianyô sa tabas ng
sisidlán . Ang mga ugali niyáng itó, at ang mga ugali ng kan
yáng dalawang hipag, ay walâ sa di pagkakákamáng lagì : walâ
siláng di pinagkakasundûán . Anopá't sa anománg nangyari
at mangyayari kiná Meni, siya'y nakikituwang kung pásanin,
nakíkibatá kung tiisin at nakikituwâ namán kun sa kagalakan .

"Pag nagkátao'y daíg ang nagtipán , " anáng isáng sáwikàíng


tagalog . Ang katotohana'y daíg pa nga ang pinagtipán ang mga
nangyayari sa bahay niná Meni at sa bahay niná Isiang nang
tanghaling ya ón .
Nagpipilitan ang magkapatid ni Meni sa loob ng kuwarto,
ay nananangh lì namán ang mag-iná ni Isiang at ang kasalong
si Morales. Nenúnubok si Don Filemón sa likod ng pinto at
nagkaka máta misan sa salas si Morales at ang kanyáng anák ,
samantalang si Talia ay yamót na yamót na sa katigasán ng ulo
ng kapatid. Nálulugmók si ñora Loleng, nang mga sandaling
naghihimatay namán si Meni. Nag-áawatán siná Isiang, ay
pinag- aagaw namán niná Telia ang hiningá ng kapatid. At
na gsúsudsuran ang mag-asawa tungkol sa sulat na may- " dala
wáng sungay," ay gumagawâ naman ng reseta si Dr. Gatdula.
BANAAG Ꭺ Ꭲ SIKAT 295

Hindî pa háhangáng dito ang mga pagkakátiyapan warì ng da


lawáng bahay. Pinaghahanap ng alilà si Don Ramón hangáng
mátagpuan sa San Miguel, nang si Delfín ay sinúsundô namán
ng kotsero sa Pásulatán . Nagtatalo na ng káinitán ang dala
wáng magkasamá sa bahay ni ñora Loleng , ay siyá namáng mga
sandalîng ipinapasok ni Delfín sa kuwarto ng nanánabík at may
damdám na sing-irog. Dito nabali na ang pagkápanabáy ng
mga magkakahawig na pangyayari. Nang si Don Ramón ay
manaog na búbulóng-bulóng laban kay Don Filemón , si Delfíng
ipinakaón ni Talia ay bago pa lamang nálalapat sa pagkakaupô
sa gilid ng kama ni Meni.

Nakasará ang pintông malaki sa daán , nang dumating si


Don Ramón . Sa dalawá ó tatlóng tugtóg na malakás , ang
kotserong kátaóng nasa silong, ay siyáng dumaló at nagbukás
na sísikdó-sikdó ang pusò . Kaunti na siyáng nápuná ng matandâ,
na namúmutlâ ang kulay at nangángatál ang kamay na dî mag
kangtutumpák sa pagsusuot ng susì. Nguni't si Don Ramón ay
walang nasabi , kun dî ang kung bakit pa isinususì at dî ilagay
na lamang ang pangtarangká ó bakal na talasok . Tuloy-tuloy
nang nasok sa silong ng bahay, at ang kotserong may nasàng
magpáuná sa ita ás , ay hindi naka pa gpáuná , sapagka't ipinag
bilin sa kanya ng panginoón na muling ila pat ang pintuan.
Ang pagkakásará ng lahát halos ng mga dunga wán sa itaás
at lalo na ang mga nakaharap sa daán, ay hindi na pinagtatak
hán ni Don Ramón . Ang kanyáng nápuná a gád, pagkaa kyát
sa hagdanan at pagbulwág sa salas, ay ang pagkágitlá ng isang
alilàng babaying nakaupô roón : nagkáala ngáng tumindíg ó hindi,
at nag-anyông tumakbo sa loob, nguni't hindi nátulóy, kundi
natigilan na lamang at naging maputlâ pa sa sukà. Si Don
Ramón ay nag-walang-loob sa gayón : inaka là niyáng marahil
pagkabigla lamang at uge lìng takot ng isang alilà sa isang pangi
noong parating galít at bihirà nang mag-uuwî sa bahay.
-Saán nároroón silá?-ang itinanóng ng matandâ.
.. Na sa ...... loób pô -ang pa álinlangang náisa gót.
-Nangatútulog na ba ?
Ang alila'y nakapaghagis muna ng tingin sa dakong loób ,
at naantá-antala rin bago nakatugón ng :
-Opò yatà... .
-Si Meni, nakakain ba kanina ?
1.
-Há?
296 LOPE K. SANTOS

-Aywán ko pô.
-At hindî ba lumabás?
--Hindî pô.
-At sino ang nagpasok ng pagkain?
-Ang señorita pô .
-Si Yoyong, náritó ba?
-Walâ pô : hindi pô umúuwî.
-Si Siano?
-Lumakad na pô kangina pa.
Ang tanungang ito'y mahinà : hindi sukat máriníg ni ma
pagsiyá hangáng sa kuwarto ni Meni. Inibig man ng alilà ang
siya'y magmalakás ng salitâ upáng máulinig sa loob ang kanyang
sinasabi, ay hindî maarì : ang mga pangungusap ng panginoón
ay marahang pawà : sumagot sa kanya ng malakás ay kalapasta
nganan . Sakâ, kundî sana nasirà agad ang kanyáng loób.
Tumalikód na si Don Ramón at ang tinungo'y salas na malakí.
Mulâ rito'y kita nang lahat ang pinto ng apat na kuwarto, na
ang isa'y kay Meni at isa'y sa mag-asawa ni Talia : ang isa'y
kanyang aklatan at ang isa'y hindi tinátahanán nínomán ,
kundi ng ilang mga kasangkapan . Si Don Ramón at ang
mag-asawa ni Siano ay may tig- isang kuwarto sa dakong labás :
ayaw sila sa loob at may kainitan .
Ang pinto ng kuwarto ni Meni at ang pintô ng kuwarto ni
Talia , ay kapwà nakapuwang ng kaunti. Nakáramdám siyá
ng mga gahól na káluskusan at tila ánasan pa sa kuwarto ni
Meni . Nguni't kung nakáramdám siyá sa loób , siyá nama'y
náramdamán din ng nangasa loob .
Hindi akalain niná Talia, Meni , ng hipag at ni Delfín na ang
kinatatakutang amá ay dumating nang walâng anó-anó sa mga
oras na yaón . At ang dalawang bantay nilá, isá sa silong at isá
sa hagdán?. Si Delfín, na mulâ nang dumating sa bahay
ay sadya nilang pinakapag-ingatang katulad halos ng isang
haring ipinangingilag másila ng anarkista , saán itátagô ngayon?
May nakapagsabi na kayang talaga kay Don Ramón na si Delfín
ay kanilang ipinasundô at naparoón namán agád ? ...... Anó
ang dapat gawin ? ¿ anó ang sasabihin?
Si Don Ramón ay ga-tumigil pa ng sandali sa tapát ng
pintuan ng may ánasang kuwarto ; doo'y nanainga ng parang may
ináalip-íp. Pagkuwa'y nagpatuloy hangán sa mğa dúrungawan
sa dulo ng salas, at nang siya'y bábalík na, ay siyang paglabás
sa pinto ng manugang na babaying namúmutlâ, namámamád
BANAAG A T SIKAT 297

mandín ang mga labing alangáng ibig, alangáng ayaw magsalitâ :


napaghahalatang itinulak lamang kaya nápalabás . At lalò
pang napagulat na anaki'y isáng binulagâ , nang pasalubungan
ng biyanán ng tanong na :
-Anó ka?
-Walâ pô !-ang sa kagitlahana'y náisagót, gaya ng
pabiglang pagtugón ng isang batang binúbulyawán ng amá .
--Anóng "walâ pô ?" .... sino ang tao riyán ?
Ang usisàng ito'y parang bumalot na sapot sa matatakutín
niyáng pagkatao . Bakit tumanóng ng gayón ? ¿ náramdamán na
bang may ibang tao sa kuwarto ?
Sa di pagkásagót agád, at sa nákitang kulay at anyô ng
pagmumukha ng manugang, ay napukaw nang lubusan ang isáng
hinalà ni Don Ramón . Ang kotsero'y hindi magkangtutumpák
sa pagsusulót ng susì sa pintô , ang alilàng babayi'y putlâng
putlâ at di magkangtututo ng isásagót, ang manugang ay gayón
din at lalò pa , sa loob ay may mga kaluskós , marahang yabág at
ánasan, ¿ anó pa ang kahulugan ng lahát na yaón , kundî marahil
ay isang malubhang bagay na sa loob ng bahay ó sa kuwarto
ay nangyayari? Sa gunitâ namán niya'y hindi sumásagì muntî
man si Delfín . Nguni't ang nagbukò sa loob ay bakâ lumú
lubha ang karamdaman ni Meni . Magmulâ nang pasukin , tam
palín at sikaran itó, ay hindi na siyá muling napapasok ni
sumilip sa kuwartong yaón ; nguni't ngayon ay nakayag ng hinuhà
ang loob na sumilip sa puwáng ng pintô, at nang makita
kung ano ang nároroón . Sumilip ngâ , dapwa't walâng nakita
sa kuwartong pinag-aagawan ng dilim at liwanag, kundi si
Meni lamang : nakasandál sa dalawang unang magkapatong sa
ulunán ng kama , at nápatingin sa dakong pintô nang ito'y má
tulak ng malakí. Ang mga matá niláng mag-amá ay nagká
panalubong; at nang iudlót na ni Don Ramón ang nakasungaw
na ulo , ay isang pag-aagaw ng habág na at galit pa , na may
kahalò ring paghihinuhà, ang sa kanyáng kalooba'y tinagláy ;
samantalang si Meni ay walâng walâng náramdamáng balot sa
katawan at sa kálulwá kundî gulat at sindák na dî anó lamang.
Ang manugang na babayi ay lalong nawawalan ng diwà
habang nakikita ang pagsilip ng biyanán . Si Don Ramón,
ay agad-agad lumipat sa kabilang pintô at sumilip namán
sa hígâan niná Talia . Kataksilán ! Sínong lalaki yaong nag
papakáliít-lift sa ilalim ng kama , na inabút-abutan niyáng itinú
tulak pa mandín ni Talia , upang madalîng mápatagò roón ? ....
-Talia !!!
298 LOPE Ꮶ . SANTOS

Si Talia ay parang pinutukán sa likod ng kanyón sa pag


kágulat . Si Don Ramón ay tuloy-tuloy nang pumasok at ang
sinilip at kinilala ay yaóng lalaking nakikita , nakaputi ng suốt
at nagkakangbabalukol sa pagpapakaliít sa isang sulok. Náki
lalang si Delfín ! ....
-Anó ka rito ? -ang malakás na sigaw ni Don Ramón sa
pagkakásilip ng payukód sa silong ng kama . -Anó ang ipiná
parito mo ?...
Nagluwa rito ng isáng kakilá-kilabot na tungayaw, at nang
anyông dúduhapangin si Delfín , ay biglang niyapós ni Talia sa
baywang, yapós na pabaták at maykasabay na mga tilî at hiyaw
na "tatay! tatay ! tatay !" Bagamán násasabi nating matandâ
na si Don Ramón , ay hindi pa namán mahinà na . Sa isang tabig
kay Talia , ito'y nakabitíw sa kanyáng baywáng, samantalang si
Delfín ay umíibag namán sa kinalalagyang sulok, na anopa't sa
isá ó dalawang tulak sa kama, ay nápalayo sa palárindingang
tablá at siya'y nakaunat at nakalusót .
Kalahati na ng katawan ni Don Ramón ang napapasok sa
ilalim ng kama , nang makita si Delfíng makapúpusót sa ibabaw.
Lumabás doón at sa ibabaw inakalàng harangin at duhapanğin
ang makatatanan . (Nguni't nag- ubos lakás na si Talia sa pag
pigil sa amá , habang si Meni nama'y napapatilî halos na tumalón
sa kama at gumibík sa pag- aawatán) . Mulâ sa salas ay paka
raykay ding dumaló ang asawa ni Siano, at nakitulong na sa
pagliligtas kay Delfín . Mahihinà man ang mga babayi, at
gayóng nagkakátulong-tulong , ay nakapaglalakás din ng lakás
lalaki. Ang pag-awat ng tatlong anaki'y alimasag na nag
kápitan sa isang pagkain , ay awat na maykahalòng nais na si
Delfín ay makalayo nang di man lamang nádadamyuhán ng
kamáy ng amá. At nakapulás ngâ ng gayón hangáng lupà.
Dapwa't ang nagbayad kay Don Ramón ay siláng mga anak. Sa
pagkakitang nakalabás si Delfín , ay nag-ibayo ang poót at ngit
ngít : napag-itingang una-una si Talia na nabigwasán ng isang
tampál sa mukhâ, isinunód si Meni , na sa mahinang pagkakapigil
sa kanyang amerikana , ay nabigyan ng isáng tabig na ikináha gis
sa isang tabí, at sakâ ang manugang na násagasà namán sa pag
pipiglás at paghagad kay Delfín.

Si Delfín ay di nakakuhang tumuloy sa pintuan sa daán


na bukód sa malayò ay nakatelasok pa . Kung bakit namán
ang bantay-silong na yaón, alám nang may malaking basag-ulo
at hagarang sukat mangyari sa itaas , ay di pa nagkaisip na
huwag talasukan ang pintô ...... Ang paghagad ni Don Ramón
SIKAT
."AT
B .-
Santos
K.ANAAG
Lope

Nigil
u
-pnag
pag
sa
Talia
lakás
,h
amá
sa
tumalon
na
halos
napapatili
nama'y
Meni
si
( bos
guni't
abang
gumibik
at
kama
a
pag
sa
.)- awatán
BANAAG A T SIKAT 299

ay panunód lamang, kayâ ang binatà'y bahagya nang naka


talingid sa dakong kanan ng pagpanaog ng hagdán at dî sa dakong
kaliwang patungo sa malaking pintô. Doón din naman siyá
hinila at pinapagtagò ng kotsero .
-Saán na patungo ? saán ?-ang pahingal-hingal na pagka
kátanóng ni Don Ramón sa kanyang kotsero sa makababâ ng
hagdán .
-Aywán ko pô !
—¡ .. !-isáng matunóg na wikàng kastilàng
tungayaw ang ibinugá sa napaaywáng kotsero. -Hindî mo na
nákita ?-anyá pa -Isá ka pang kasabwát ! ....
Sinundán ng isang tampál na lagapák na sa mukha nang
umabot. Ang kotserong nahiló-hiló sa tampál ay halos nabasa
gan ng salamin ng taynga . Sa pagkatulíg ay nakásagót na tuloy
ng ubos-lakás na :
-Sa hindi ko pô nálalaman eh ? ..
Hindi na siya ang hinarap ni Don Ramón . Sa dakong pintô
tumanáw at tumungo. Nguni't nang makitang nakatalasok pa,
ay nabuo ang kanyang hinalà na ang hinahabol ay sa hálamanán
ó sa likód-bahay lamang nagtagò . Parang huklubang usá na
nagpalagós-lagós sa mga naggugubat na halaman , nagpaligid
ligid sa mga likód-bahay at makáiláng nagbalík sa silong, han
gang kabalyerisa : anopa't di sapalàng halughóg ang ginawâ.
Nang di rin mákita si Delfín , ay sakâ lamang nápansín na siya'y
nag-íisá palá sa paghanap, at ang mga alilang dapat tumulong
ay nagtungangà na lamang sa mga bintanà at nanganónoód pa
mandín sa kanyá, na tila bagá siyá isáng asong ulól na súsuling
suling sa boông looban.
-Oy, mğa pu ......! anó ang ginagawâ ninyó riyán at
di kayó magsipanaog ? -ang sigaw ng boông halit at boông galit.
Pumasok sa loob niyáng bakâ hindi nakapapanaog ang
hinahanap , kundi sa isang sulok na rin sa itaás nakapagtagò ,
at palibhasa'y kainalám na lahát ang mga alilà, kaya walâng
nagsasabi sa kanyá, bagkús silá pa ang nangagkukubli marahil.
Ang látiko sa karwahe ay tinagláy sa pag-akyát, at ang mga alilà,
pagkakitang silá ang tinútungo ng matandâ, ay nagpánangang
lahát , babayi't lalaki, máliban ang dalawang nangakapagtagò
sa kuwartong aklatan , at sa lupà ay nagkunwâ siláng humá
hanap din at humáhalughóg sa boông looban.
-Nakalabás kaya sa ibabaw ng mga pader? --ang sa sarili'y
náitanóng ni Don Ramón, nang sa paghalughóg nivá hangán sa
itaás , ay hindi mátausán ang hinahanap.
300 LOPE K. SANTOS

Kailan mang naging bulkán ang kanyang dibdib ay dî paris


nang mga oras na yaón . Halos ang katauhan ng mga anák
at ang katauhan ng mga alilà, ay nagíng gaga-dalirì lamang
sa kanyang tingín . Pagpapatayin man yatàng lahát sa mga
oras na yaón ay alangán pa sa poót niyáng tinátagláy.
-Diyatà't ganitó na ang pagkakáisá ng mga kasambahay
ko sa paglililo , pang-uulól at pagpapanganyayà sa aking ka
purihán?-náwiwikà sa sarili .
Inabot siya ng hapò na walâng nangyayari, hindî nakagá
gantí sa pinag-íitingang binatà, na , kaí-kailán ma'y siyang anino
ng kanyang poót at kahihiyán. Pinagtatawag nang pahiyaw ang
mğa alilà, unang-una na ang kotsero . Pinag- usisâng isá - isá
ng usisàng Kaypás , tungkol sa kun sila'y magkakasabwát na
talaga . Nguni't sinong bangáw ang magsasabi ng " Oo ngâ pô ,
ako'y kainalám niná Delfín?" Pagkapagbuntón ng sari-saring
tungayaw at lait sa harap ng mga nagtungó at halos naghalukip
kíp na mga batàan, at pagkapaglagak ng lalòng matitigás na
balà at ng ilang hagupit ng látiko na ikinátikayód at ikináiyák
ng isá ó dalawa sa kanilá, ay iniwan ang labás at tinungo namán
ang magkapatid at maghihipag sa loób , na kung maáarì lamang
mangakatalón sa bintanà, ay nagsitalón na sana , huwag na lamang
náabutan pang muli ng kakilá-kilabot na amá.
-Talia !!!-ang tawag na namang pinaugong ni Don Ramón
sa pagpasok.
Si Talia ang totoong napagbubuntuhán ng kanyang galit,
sapagka't alám na kun si Talia ang ayaw, ay hindi mangyayari
ang gayong pagpanhík ni Delfín .
Nag-usisà na namán ng usisàng-beterana sa tatlóng halos
hindi manga kabasag-pingán sa anyô. Na ang lahat na yao'y
kapararakan ngâ nilá, itó ang hindi na maipagkákailâ.
Samantala'y humáhapon na ang araw. Si Yoyong ay
umabot pa ng kasalukuyang sa wâ-sawâ na sa kátatakáp ang
kanyáng biyanán . Si Yoyong ay napauwî nang maaga , sapagka't
may isang alilàng nakasalisí na sumundo sa kanya at nagsabi
ng mga nangyari sa bahay. Dinatnan niya ang pagmamágàan
ng mukha ng kotsero at patí ni Talia , at ang paghingal pa ni
Meni at pamumutla ng hipag. Si Don Ramón na ang nagsum
bóng sa kanya ng lahat. Ang galit ni Yoyong sa kanyang asawa
ay di múmuntî, dangan na nga lamang at nakikitaan niyá ng
isang kaawa-awàng pangingitim ng mukhâ . Isinukal din naman
ng loob ang ganitó sa biyanang may magaán pang kamay kahi't
sa may-asawa nang anak. Dátapwa't ang lahat ay kinala pâ niyá
upang ang lahat ay mapayapà.
BANAAG AT SIKAT 301

-Si Delfín ay saán nagdaán ? -ang náitanóng ni Yoyong


sa kanyang bilás , nang magkásarilí silá ng sálitâan .
――――――
-Aywán , -ang wikà ng asawa ni Siano - nguni't ang bulóng
kay Talia ng kotsero ay doón daw sa ilalim ng hagdán nakapag
tagò habang hinahanap ng tatay sa lupà, at pagkaakyát
nitó, ay nagdaán na sa ibabaw ng pader.
-- -Kayla lakás ng inyong loób ! -ang pasisíng salitâ ni Mad
lâng -layon .

Gay
55

de afe ate afe afe de de de de de de de de de de


‫اله دان‬

XVIII

Paghuhunos -dili

-Paanong buhay itó ? .... Anó ang mabuti kong gawin?..


Sa pagtulog, sa pagkain , sa pag-upô , sa paglakad at sa
pakikipag-usap man kay Yoyong ó sa ibá, magíng sa mga oras
ng kasidhián ng sama ng kanyáng loób at gayón din sa oras ng
mga katighawán, ang mga tanong na iyán sa sarili ni Don Ramón
ay parating umúukilkíl at humihingi ng isang ganap na kasá
gutan, sagót na dî niyá mákapâ-kapâ sa budhi at di malunók
lunók ng pang-atím .
Mistulang isáng madásaling Manong na pápasok ó nánasok
sa mga "Santos ejercicios ," kung bumulóng-bulóng na mag
isá at kung magpa walâ-walâng kibô saá't saán man . Magbuhat
nang tanghaling yaón, ay nagpumanaog-dilì na at magluwát-dili
sa lupà. Humupâ at sukat ang dating takaw sa mga kaaliwan at
paglilibót. Parang nakálangap ang pusò ng isáng pangpatulog ,
na naging paking na't pikít sa anománg bulóng ng gunam-gunam
at badhâ ng guní-guní tungkol sa kahiná-hinayang na si ñora
Loleng at tungkol sa kaakit-akit na si Julita . Sa kanğínomán
sa kanilang dalawa ay hindî na dumalaw : para kay Julita'y
sukat ang isang sulat na ipinadalá na humíhingîng siya'y pata
warin na muna sa mga araw na yaón hangáng hindi nakalilipas
ang ilang mapapaít na sakunâng dumáranas sa buhay nilang
mag-aamá, na sakâ na sásabihin ; at para kay ñora Loleng, ni
sulat ni pabilin. Hangán sa pagawaan ay nápansín ng marami 1
ang kabukasan ng araw na yaón ay sabáy na dî pagsipót ng
dalawang matandâ. Si Siano , na siyáng nakaáalám sa mğa
pintungan ng tabako ng El Progreso at siyá ring nakaáalám
sa pagpapahakot sa mga sasakyan ng tabakong nagbubuhat sa
Hilagà, ay siyá na munang pinagsabihang magdaán sa pága wâan
at mamanihalà roón , saká-sakaling si Don Filemón ay hindi
masok, ayon sa hinagap ng kanyáng loób.
BANAAG AT SIKAT 303

Sa gayong paglulumagì ni Don Ramón sa bahay, mğa anák,


manugang at alila'y parang nagsisituntóng na pawà sa salamín .
Naging paós na lahát halos sa mga pagsasálitâan : sínomá'y hindi
makapangahás magpaabot ng alingawngaw ng kanyang tinig ó
yabág hangán sa kuwarto ó sa alinmáng lugal na kinároroonán
ng matandâ. Para-para siláng anaki'y mga damóng makahiyâ
na nagtupî sa dibdib ang ulo kapág náhaharáp ó nákakasalubong
si DonRamón . Isá , dalawá at tatlong araw ; isá , dalawá, tatló't
apat na gabing ang bahay na yaón ay alangáng máiparis sa
isáng líbingang "pinagmumultuhán" ng mga kálulwá, at ala
ngáng máitulad sa isáng bílangûang ang sinúsunód na palakad
ng Alcaide ay kasing-higpít mandín ng balitàng "sistema peni
tenciario" ni Roeder sa Amérika .

Si Yoyong mang dating may-ugaling mapagpatawá at dating


maluwag maglapít sa biyanán, ay maanong nakapagsasalitâ
niyón ng malalakás ó nakapagkilós ng malayà at walâng paní
panimbang na gaano . At si Taliang sa hiya sa asawa , anaki'y
nahuli sa paglililo , at sa takot sa amá, anaki'y parating ipápalít
sa isáng bíbitayin , ay maghá-maghapong naglumabás-dili na
lamang sa kanyang kuwarto , katulad ng isang kalapating dalâ
sa paglabas at lúlugó-lugóng namúmugad sa loob ng kanyang
lungâ-lungâang bahay.
At si Meni, ¡ oh si Meni ! .... sa gayong pamamangláw- líbi
ngan ó pananahimik-bílanguan ng boông bahay, ay siyá lamang
ang tangi waring may malakás na loób na ipinakikipagtígasan
sa poót ng amá, nguni't lakás ng loob na di sa kilos niyá ipina
kíkilala , hindî rin sa salitâ ni sa mukhâ, kundî sa maya't mayâ'y
pagpapaalingáy ng nakapanúnuót sa mga butó na kanyáng
malalalim na daing kung sinásasál ng mga ubóng walang awà
sa manipis niyáng dibdib at sa laging tuyông lalamunan . Ang
sakít ni Meni ay wala nang kahalòng mga pagdadahilán at lam
bíng. Talagang masamâ na ang lagáy. Hindi na si Dr. Gatdula
lamang ang nagsasabi, kundî patí ng ilang mga médikong napi
litang ipatawag ng lihim ni Don Ramón , nang totoo nang nang
lúlumó ang kanyang pusò sa habág, nguni't habág na dî pa rin
máipahalatâ ng matigás na loob ng pagka-amá.
Nabúbutó't -balát na si Meni , at sa mga oras na naipag
dídili-dili ni Don Ramón na ang maygawa ng gayo'y ang
kabagsikán niyá, at ang inilúlubhâ pa'y ang kanyá ring
dî pa paghinuhod sa pagkaka-manugang ng isáng Delfín lamang,
ay di míminsang dinadayo ng pagsisisi ang kanyang budhi at sa
sarili'y nakapagwiwikang kung mamatay ang anak niya ay
walang ibang nakamatay kundi siyá rin.
304 LOPE K. SANTOS

Makamatay ng isang anák ! .... Madalás na sa pagmu


muni-munì ng ganitong bagay ay napapahilakbót na mag-isá.
Siyá na rin ang nalálagím sa kanyang ginagawâ. Ang pag
gugunam-gunam ng mga nangyayari at ng mga gawâ niyá sa
sariling buhay, ay dî rin bíbihiràng nakapagpapabuô ng kanyáng
pagsisisi . Utáy-utáy na naáaninag ng makulabàng isip ang
pagka-munti ng kasalanan ni Meni kung iáagapay sa kanyang
mga kasalanan namán . Ang kapangahasan ng isang binatàng
paris ni Delfín , ay ga-kálingkingan lamang ng kapangahasang
ginagawa pa ng katandâán na niya kay Julita at lalo na sa asa wa
ni Don Filemón. "Ako man namán ay nagdaán din sa pagka
bina tà," ang náwiwikà sa sarili kung minsan . At dito'y sunod
sunód nang gumígitî sa alaala ang mga kalikután niyá sa babayi
na di pa nagmámaliw mulâ sa pagkabagong-tao. "Oh, ni akó
man, anyá'y, hindi ko na mabilang at makilala sa alaala kung
ilán at sino-sino ang mga dalaga at babaying nahulog sa aking
kamáy, at kung ilán at sino-sino ang mga magulang na pina
tangis ng aking pagka-Tenorio !" .
Bunga ng mga ganitong pagbubulay-bulay, nabábaghág
na sandá-sandali ang matigás na kalooban ni Don Ramón. Kun
sa mga sandaling yao'y napapataón sana ang panghihinuyò ni
Me dlâng-layon at ang pamamanhík na maanong tulutan nang
mápakasál si Meni sa pinakaáayáw-aya wáng binatà, disin ay
máte tamo niyang ganap ang gayong pahintulot , na siyá lamang
kinakailangan , upang ang haring Lungkot na gumígitaw noon
sa kanilang bahay, ay mahalinhán agád ng haring Sayá na kina
sásabikán nilang lahát.
Dátapwa't kung may mga sandali siyang ikináiindayog sa
dako ng mga malumanay, malamíg at mataimtím na pagninilay
nilay tungkol sa kanyang buhay na sarili, gayón din sa karapatán
ni Meni sa pagkadalaga, at ni Delfín sa pagkabinatà, na kapwà
maylayang makapagsintahan, ay mayroon din namán , at ang
mga sandaling ito'y lalò pang madalás at masugíd , na ikinágu
guní-guní niyá ng tungkol sa mga kasaliwâán ng palad na kápa
pariwaraan ng kaisá-isá nang anak na wala pang asawa , kun
sakeli't itulot nang mákasál kay Delfín , kay Delfíng walâng
walang maipapanhík sa kanilang bahay, kundi bagkús makapag
pápanaog pa. Si Delfíng isang hamak na mánunulat na ibili
man ng sariling damit ay walâ ; na hindî pa man at nasa panahón
pa lamang ng panunuyò, ay nag-akalà nang magpalalò at kumut
yâ-kutya sa kanyang napag-aralan at kayamanan ! Si Delfíng
may madilím na pagkatao , walâng kilalang magulang na nagmahál
at minahál! Si Delfíng sosyalista , anarkista , estudianteng
walâng málamon , periodistang camarón cocido . ! Si Del
BANAA G A T SIKAT 305

fíng pangit na lalaki ang maging palad ni Mening sa anák mang


binata ng isang Carnegie sa Amérika , ng isáng Rostchild sa Pran
siya, ay hindi sukat ikahiya kung siyáng hihingi ng garing na
kamáy ....! Si Delfíng pumugay ng kanyáng korona ,
gaya ng pagpugay ng mga taksíl at ipinabíbitay na prinsipe, sa
korona sa ulo at setro sa kamay ng mga haring may-anák na
walang kasing-gandáng prinsesa . . . . !
Anopa't isang walâng lagót na tanikalâ ng maiinit na kawíl
ng bakal ang ibinibigkís ng gunitâ ni Don Ramón sa boông pag
katao ng binatang kinasiràan ng kanyáng anák; isáng buntón
ng sari-saring kapalibhasàán ni Delfín ang humaharáp sa kan
yáng guní-guníng poót sa naglilo at dayukdók sa paghihigantí ;
isáng dagsa ng mga sunod-sunód na alon at daluyong ng kahi
hiyán ang mulâ sa laot ng bayan ay nátatanáw niyáng dumá
rating sa kanyang puri at kabuhayan , at sa pag-urong ay siyáng
walang salang kákaladkád sa puri at buhay na itó hangán sa
kailaliman ng pagkadustâ at pagkáwakawak ..... Ang mga
ganitong anino at salagimísm ng pagkasawî, ay nakatátabon at
nakapagpapalahò sa mga unang pagtitika ni Don Ramón : naka
pangyayari rin ang ayaw pa sa payag na.
May mga bugsô ng galit at hinagpis na ikinapag-aka là
niyang mabuti pa yatà'y utasín na si Meni , at kung patay na'y
sakâ siyá maglayás , lumayô na ng malayòng-malayò sa Sang
kaplûáng Pilipinas, hangáng doon sa mga ibayong dagat, na
dî na sukat maabót ng pukól ng mga kahihiyán at pulà, na sa
kanyang pagka-amá'y gagawin ng madlâng makatátalós . May
mga sandali namang ikinapag-iisip na mahanga'y ipagsama na
si Meni sa paglayas sa Maynilà, at doón na mamatay kung mamá
matáy, makaraos kung makaráraos sa pagda da láng- taong may
anim nang buwán , ayon sa mga mangagamot . May mga sigabó
ng dibdib na naglalatang at nakapagpapabantâ sa kanyang
paghanapin at ipagdalá muna ng isang rebolber si Delfín
upáng saán mang daán mákita , at kahì't na sa Pásulatán din ,
ay mapaputukán at mautás, at kung magkágayón na'y sakâ
siling mag-amá maglayás, kung makalála yas pa , at kung
hindi na nama'y ipagbayad na ng kanyang buhay. Dátapwâ't
sa mga balak na ito'y walâ siyáng maatím isá mán. Kun saán
saán nangagaling ang mga alingawngaw na malungkót at kakila
kilabot, na sa pagál at puyát niyang budhi ay nagpapala gím
at sumásawatâ ng kapusukán at nagpapakatabay ng kainitan .
-Anó ang mabuti kong gawin ? Paanong buhay itó?
Muli na namáng úukilkíl sa kanyáng loób ang ganitong mga
tanóng.
Anó ang isásagót ?
20-47074
306 LOPE K. SANTOS

Walâ rin : tatló nang araw ang nakaráraán . Ang baít ni


Don Ramón, na salamat sa kalayawan ng buhay ay hindi pa
makapitan ng pagka-úlianin , ay napapanganib na masirà at
mahibáng sa lagnát ng susón-susóng sukal ng loob .

Nátaunán ni Yoyong ang isang mabuting oras ni Don Ramón .


Pagkatapos ng isang paghahapunang mapangláw at bahagyâ nang
ipinagkákibûan nilang magkakasambahay, na si Meni lamang ang
dî kasalo , ay nanaog si Don Ramón sa lupà, nagtuloy sa hálama
nán at doon nagpabalik-balik ng marahang lakad at talikód
kamáy, habang inúubos sa bibig ang isang maysingsing na tabako ,
na sa laki at liwanag ng nagbabagang dulo , anaki'y isá na siyá
riyán sa mga kapreng kinatatakutan ng mga batà, sa gaya ng mga
lugál at gabing yaóng malamang ang dilím kaysa liwanag.
Sinundan ng manugang na abogado, at nang abuti'y papaupô
na doón din , ¡ inám na pagkakátaón ! sa silyang kahoy ng glorieta
na pinagkásanlâán ng dalawang pusò ni Meni at ni Delfín !.
Nakipiling sa upô si Yoyong, pagkatapos ng ilang mga
tánungang hingil sa dilim ng gabi at hingil sa samyô, kalamigán
at tamláy ng hangin sa gitna ng mga halaman . Napag-usapan
nila ang lakad ng El Progreso, na kasalukuyang nangangailangan
pa ng pagdaragdag ng puhunan, upang makábilí ó makapag
pagawa ng isang sariling pintungan, at ng di na umúupa ng
umúupa lamang ; gayón din upang madugtungán ang bahay
págawaan, na noo'y hindi makakaya sa dami ng mga mákináng
panigarilyo na bagong karáratíng. Napag-usapan na rin patí
pagkakataas ng mga buwis ng tabako at sigarilyo , magíng dito
sa loob at maging sa mga dáungan sa labás , pagkátaás na sukat
makapagpahinà sa mga pagpapagawa at pangangalakal, dapwà't
sa mabuting pangangasiwà nilá ni Don Filemón at sa matyagâng
pakikilaban sa hinà at pagtulong sa ikalálakás ng mga kasamá,
ay hindi naáanó ang pagawaan , at huwág ngâ lamang kákapusín
ng puhunan, ay makasásagasà rin sa mga tinátawid na panahón
hangang makabangong mabulas at makatakíp sa mga ibáng
kaagaw na págawaan.
Magpakahabà-habà man , daw, ang prusisión , ay sa sim
bahan din umúuwi. At itó rin nga ang nangyari sa kanilang
sálitaan .

Sa pag-uulat ni Don Ramón ng malusog at masaganàng


bukas ng El Progreso, ay nábalatóng sa isáng himutók na
malakás . Biglang bumikíg sa gunita ang pagkábitin ng lahát ng
mga kasaganaang yaóng nátatanáw sa pamumuhunan sa tabako.
Lope K. Santos.-"BANAAG AT SIKAT."

21 -Ano ang mabuti kong gawin? Paanong buhay ito?


1
BANAAG A T SIKAT 307

-Mangyayari -anyá -ang lahát na iyán , kung hindi sana


akó dinatnan ng mga ganitong kapansanan ng buhay ! Oh ! ...
At nápabuntóng hiningá na namán ng malalim , bago naká
pag-wikà ng :
-Sa aki'y walâng kasaysayan ang lahat ng iyán ngayón !.
Ang ibig ko, Yoyong, ay magkápantay na ang dalawá kong paá,
at nang ang walang hiyâ kong mga anák, ay wala nang amáng
niyúyurák-yurakan sa ulo ! ....
-Bákit pô't iyán pa ang inyong gúgunitâín na namán , at
hindî ang pagkabuhay ! -ang pakli ng manugang, na nag-alaalang
bakâ lumubhâ na namán ang pagbabalik kay Don Ramón ng
mğa dating sukal ng loób .
-Yoyong, -ang tugóng pahikahós ng biyanán -anománg
gawing kahihiyán ng isang anák ay natatali sa kapurihán ng
magulang. Nang kayó ni Talia ay magdaán sa mabuti at
tanghalín ng boông Maynilà na kálooban nating lahat ang inyong
pag-iisang dibdib, ako'y nápapaakyát mandín noón sa langit
sa kagalakan at ako'y nagtamó rin ng puri at karánğa
lang gaya ninyong dalawá. Ang mukha ko'y lantarang náipa
kiharáp noón sa mga lalòng matataás na tao kong kaibigan.
Nguni't sa nangyaring itó kay Meni, ¿ alíng mukha ang mapasí
silayan ko sa kanilá? ¿ alíng dangal ang aking matatamó? Siná
sabi ko sa inyó't kung bakit pa akó binùbuhay ng Diyós hangá
ngayón ! ...... Ah! ang maykasalanan ng lahát na ito ay ang
asawa mo ! .... Danga't hindi na siyá akin kundî iyó , kulang ko
pa sana siláng minungláy na magkapatid, at nang, mabúbuhay
rin lamang na walâng puri, balót ng lusak ng kahihiyán , mabuti
pa'y mamatay na kaming para-para : kung mápatáy ko silá, akó
nama'y mábitay ! ...
Ang kalooban ni Madlâng-layon ay nag-atubili sa mga
náriníg niyang matitigás pa ring salita ng kausap . Diwà'y
mápapalaot na namán ang kaniláng sálitâan sa masaklap na
dagat ng pagngangalit na di na niyá ibig kálautan pa ulî
ng matanda. Inadhikâng maitaguyod sa ibang landas ang
úsapan. Sa isipan ni Yoyong ay dilì ang hindi pa niyá
nákikita ang maling pagkakilala ni Don Ramón sa tináta wag
na puri. Ikinahihiya ang pagkasirà ng isang anák sa isang
binatang dukhâ ma'y maybaít at dunong namán ; nguni't ipinang
áaraw-araw niyá lamang ang paglulugsô sa puri ng isáng Julitang
dalaga rin, at ng isang mag-anak na ñora Loleng . Mulî na
namáng násasaling ang paniniwalà ni Yoyong na kaya ngâ lamang
siyá náibigang maging manugang kay Talia , ay sapagka't mara
ming tinátanáw si Don Ramón sa kanyang pagka-bantóg na
abogado, pagka-prohombre sa politika, pagka may-yaman dia
308 LOPE K. SANTOS

namán at pagka - hindi maaaring palí-palibhasàing paris ng kaba


taan pa at karukhâán ni Delfín . Dátapwâ't ang mga kabagayáng
ito'y sukat na ngâ lamang sa sarili niyang pag-iisip . Ang úsa
pang pinilit na kápagdalhán kay Don Ramón, ay ang hingil sa
malaon na niyáng hangád mangyari, upáng mátiwasay na ngâ
ang mga sigalót sa bahay .
-Pabayaan na pô natin iyán , tatay , at ang nangyari'y nang
yari na . Sínománg makatalós ng nasapit ni Meni ay hindî namnán
áatím na sa pagpapabayà niyó kaya nagkágayón . Ang alala
hanin nati'y ang isang ugali ritong ibáng-ibá sa ugali sa Amérika ,
sa mga ganyang bagay. Dito, ang isáng dalagang masirà ay
hindi ipinalalagáy na násaulián ng dating puri hangáng hindî
nápapakasál ng totohanan sa lalaking nakasirà. Bunga ng
ugaling itó ang naging kasabihán na ng mga babayi , na : "kun
saán akó nára pâ ay doón akó magbábangon ." Ang tuntuning
ito'y hindi nabábalinghát ng gayón-gayón lamang. Maging
ang dalagang nárapá at maging ang mga magulang niya, ay
hindi nangagtútugot hangán dî matamó, na , ang lalaking kiná
rapaán ay siyá ring magbangon . Inúusig ng mga magulang
ng babayi ang pangahás na lalaki, isinásakdál, at kung minsa'y
pinaghihigantihán ; nguni't karamiha'y hindi sa layong pagba
yaran ng salapi ang puring nálugsô , gaya ng kaugalian sa Amé
rika ; hindi rin upang maipabilangô ng lubusan ang lalaki, kundî
upáng mátamó ang pakasalán nitó ang babayi, kilalanin ang
anak at kalingàin ang mag-iná . Anóng dami na ng ating mga
nákikitang nagkakamatayan tulóy, dahil sa pagmamatigás sa
pagtangí ng lalaking nakasirà ! Hindi kailangan ang pangit ,
ang dukhâ , ang mangmang, magíng hampás- lupà man ang lala
king itó, at maganda't mayaman , marunong at anák-mahál
ang babayi, kapág nároroón na ang pagkasirà , ay wala nang
lunas , wala na ring magaling na pagkábangon ng puring nápa
nganyayà, kundî ang mákasál siláng dalawá . Dito sa ati'y
hindi umiiral vaóng ugali ng mga babaying amerikana , na ang
lalaking makapanga hás umagaw ng kanilang puri ay kinasú
suklamán at pinaka kálayùáng lalò ng babayi at ng mga magulang
ng babaying nasirà, at ang pagsasakdál sa húkuman ay kara
niwang sa bayarán ng salapî lamang náuuwî. Ang puri at
linis ng pagkababayi ng isang pilipina , ay hindi ugaling pahala
gahan sa salapi . Kayâ pô, tatay, ang kahihiyang inaalaala
ninyó, kung mahayag na sa madlâ ang lagáy ni Meni natin , ay
hindi ngâ magkákabulà kung patitigasán niyóng hamakin si
Delfín.
-Hindi kailangan !-ang patláng ni Don Ramón.
BANAAG A T SIKAT 309

-Kayó pô, tatay, ang mas úsunód. Ang pagsasalitâ ko'y


isáng paliwanag lamang. Tayo pô'y maghunos-dilì at lumagáy
sa lagáy niná Meni at Delfín . Hindi ko iniáalís ang kaniláng
kasalanan ; nguni't sa mga kasibulang gaya nilá, ang salang
iya'y ipinalalagay pa niláng kabayanihan sa pag-ibig. Sabihin
pa ba ang mga batà ! Kun ang kahihiyán ang siyá nating pang
háhawakan , akalàin mo pông mákasál at hindi silá, ang hiyâ
nati'y nangyari ó nátamó na. Sakâ ang kapurihán ng tao ay
na sa paghahakà rin lamang namán ng madlâ ó ng sosyedad.
Kung ano ang ipalagay ng kapisanang itó, ay siya nang nagiging
hakà natin at pagkakilala sa isang bagay. Ang isang ugali ó
isáng gawâ, ay ináarì nating mabuti ó masamâ, ayon sa palagay
at hatol ng karamihan . Sa makatwíd, kun sa ganang sosyedad
natin ay ugali na iyáng hindî mábangon ang puri ng isang baba
ying nasirà, kundî mápakasál sa lalaking nakasirà, at ang baba
ying hindi mabangon sa ganitong paraán, ay kaugalian na ring
ipalagay na babaying lipás , sawî at wala nang gaanong halaga,
¿anó pô at hindi tayo makíkibagay sa palagay na iyán, sa ang
pakikibagay na ito'y siyang makatátakíp sa kahihiyán ninyong
ináalaala ?...

Si Don Ramón ay napatigagal sa náririníg na mga pahayag


ng manugang. Kay Yoyong siya'y talagang may pagka-silaw
makipagtalo. May katwiran mang ibig sabihin , ay madalás
na nilúlulón na lamang, sa pagkáwiling makinig kung nagsása
litâ na si Honorio ng parang nagtatalumpati .
-Isá sa roón, ang habol pa ng manugang-ang lagáy pô
ni Meni ay palalâ ng palalâ at warì ko baga'y nagsasa pátawirin na .
-Mabuti pa ngâ ang kinúkuha na siyá ng Diyós , ó ang
sínomán sa amin ! -ang patigás din ng biyanán .
-Iyán ngâ pô ba, tatay, sa ganáng isáng maypuri at ilág
sa kahihiyáng paris niyó , ay dî kung minsa'y mabuti pa ngâ;
dátapwa't may panahón pa naman tayo na sukat ikaigtád
sa ambâ ng kahihiyán . Ang nangyayari kay Meni , hindî
pa pô namán nápapanaog sa ating hagdanan .
--Iyán ang sabi mo ; -ang putol ni Don Ramón-nguni't
jang bibig ng tao , Yoyong ! ¡ ang bibig ng mga alilà natin ! At
¿sa akala mo ba'y mapapatalì at masásarhán ang bibig ni Delfín
sa kanyang mga kaibigan , sa tayo'y talagang ganyáng mga lalaki ?
-Kun sa ganáng mga tao pô sa bahay, ay huwag kayóng
mag-alaala , muntî man : alipalà ko siláng binalaan nang mulâ
mulâ pang ating mahalatâ si Meni. At bagay namán kay Delfín
ay lalo na kayóng dî dapat mabalisang bakâ siyá nang naká
pamarali ; sapagka't maniwalà ka pông ang takot niyá sa inyó
310 LOPE Ꮶ . SANTOS

ay dî takot yatà sa Diyós. At sa katotohanan , ilán nang buwán


ngayón si Meni : wala pa tayong naririnig na mga kutso-kutsong
karaniwan , kapág ang mga ganyáng bagay ay umáabót na
sa mga lansangan.
-Anó ang malay natin ! Hindî ngâ ba't ngayon kung
ako'y lumabas sa daán , bálana'y nagpakò sa akin ng matá, at
warì ko ba'y nagbúbulúng-búlungan at ang lamán na ng ating
bahay ang pinag-uusapan nila . May mga nanínikís pa sa aking
nagtátanóng ng: "Kumustá pô si Meni ?" " bákit pô hindî
ko na nápagkikitáng magpasyál siná Meni ?" " anó pô ang sakít
ni Meni?" Nakú, Yoyong ! makakapatay ka ng tao ,
ó makakapagbigtí ka na sa buhay na itó! .....
-Anó kaya namá't padádalá kayó sa mga guní-guní lamang
na iyán ! Pag ang tao'y dalá nang totoó ng galit, akalà niyá
bawa't mákita ó máriníg ay kagalít na ó nakagágalit ; gaya rin
namán ng isang napaíinóm sa alak, sa kaunting makásimsím ng
sugapà, ang akala'y pumípihit na ang langit at lupà . Sakâ
noon pa man pô bang araw na wala pang anománg nangyayari
kay Meni, ay di tánungan na rin ng isa't isá riván, kapág isá ó
dalawang lingóng hindî nilá nákikitang nagpasyál. Akó lamang
niyón, pag isang araw ng pagpapasyal ay di ko nákita sa Luneta
siná Talia , dali-dali na akóng tumátakbó rito at inúusisà sa miğa
alilà kun saán nárorón . Sabi ko sa inyó't ang kadalasán ng
ating ipinagdáramdám ay nasa sa atin din ....
Ang salitaan ng magbiyanán ay unti-unting lumálamíg ;
nguni't hindi paglamíg na nakawawala na bagá ng kabuluhán
sa pinag-uusapan, kundi paglamíg na inihúhupâng dahan-dahan
ng kainitan ng loob ni Don Ramón, at parang nalilibáng na isáng
mailap na ibon ay unti-unting dumádapò sa bitag na iniúumang
ni Madlâng-layon, hangán sa wakas ay nátamó nitó ang sagót
na sumúsunód:
-Aywán ko sa inyó, kayó ang bahalà ; ako'y huwág na
lamang ninyong isali sa anománg gagawín, sapagka't ¡ oh ! ...
talagang hindi maatím, ¡ hinding hindi ! ng aking sarili ang
bagay na iyán ! ...... Lálayas na akó rito . Doón na sa Hapón
ó sa ibang lupà akó magpapakamatay ! Bukas na bukas , Yoyong,
ay háhandâ akó sa paglakad. Ikaw na ang bahalà rito sa bahay,
at si Siano sa pagawaan . Huwag mo lamang pababayàan si
Siano patí sa pamamahalà ng mga bahay nating páupahán . Sa
dalawampûng libong piso kong baunin sa pag-alís , ay hindi
Hapón lamang ang aking maráratíng, kundi ang Estados Unidos
man at Europa . Mábalík na akó dilì, Yoyong. Akalain mong
ang nakababasâ ngâ lamang ng pakpák ko ay ang aking mga
anák ; nguni't yamang ngayo'y walang wala nang natitirá sa
BANA AG A. T SIKAT 311

akin , maluwag na akóng makalílipád saán man ibigin. Bahalà


na kayó sa mga pagkabuhay kong maiiwan. Kung
ako'y kulangin sa malayò at ibig ninyong padalhán doón , ay
salamat. Ang panukalàng itó, Honorio, ay matagal ko nang
binabalak, at ngayo'y nápapanahón nang talaga. Napasá
salamat ako at ikaw na nagíng asawa ni Talia , ay taong marunong
at mapagkakatiwalaan ng aking mga anák at pagkabuhay, upang
sa pag-alis ko ay hindî mangápanganyayà. Bilin ko lamang sa
iyó na kangínomá'y huwag mong ipamámalay itóng gagawin
ko, ni sa iyong asawa . Ibig kong kung walâ na akó rito ay sakâ
nilá málaman . Ang ipamalità ninyong dahil ng aking pag-alis
ay pakikialamán ko ang lakad ng mga pangangalakal ng tabako
sa apón, at sa ibá pang lupaín ...
Habang nagsásaysáy si Don Ramón ng balak na itó ang
menugang ay walâng pagkásiya hán ng manghâ at pangigilalás .
-Diyatà pô -anyá-at iyán ang inyóng náiisip?
Oo , at itó ang balak kong hindi na máuurong.
-Akó man pô, noóng hindî pa kamí nákakasál ni Talia ,
ay nagáganyák ding manĝibáng lupà at magtawíd-dagat, lalòng
lalò ko nang ibig marating ang Hapón at Amérika ; dátapwâ't
mulâ nang mapatalì na kay Talia , ang pagkaganyák na yao'y
unti-unting humupâ sa aking loób, at di ko namán akalaing
kayó, na nakapangaling na sa halos boông Europa , ay magkanais
pang pumaroón na namán.
-Hindi sa Europa ang talaga kong tungo , kundî sa Hapón
ngâ lamang sana ; nguni't kung nároroón na , ay hindi malayong
makaabót akó sa Estados Unidos at hangán sa Kuba , na ibig na
ibig ko ring mákita .
-Kun gayón pô, -ang gitaw ni Madlâng-layon, ―mábalík
ang salitâ ko kay Meni, ¿ay maipatútuloy na pô natin ang ka
nilang akalang kasál?
-Aywán ko sa inyó , Yoyong ; huwag mo na sa aking ban
gitín iyán . Wala akóng máipagbibilin sa iyó kundî ni si Delfín
ni si Meni ay huwag na ninyóng máipakita sa akin mulâ
sa ngayón . Kung ikákasál silá ay huwág dito sa bahay.
Bayaan mong dalhín na ni Delfíni kun saán nilá ibig pakasál
at tumira; nguni't dito, dito sa tahanan ko , ay huwag na siláng
magkámaling tumuntóng. Walâ man akó rito, ay gayón din
ang bilin ko sa inyó. Ayaw kong makinabang pa sa akin muntî
man ang isang anák na naglilo sa akin ! .... Huwag siyáng papag
dádalhin ng kahì't anó. Isúsulit sa akin ni Talia ang lahát
ng "mga alahas at damít na mahuhusay.
312 LOPE K. SANTOS

Anopá't nátamó na ni Madlâng-layon ang lalò niyang pina


kamímithing isagót ng matandâng harì sa bahay . At sapagka't
naháhalatâ nang kapág si Meni ang napag-uusapan, ay parang
pinapawisan ng galit si Don Ramón , ang ginawa niya'y dinalá
na sa kun saán-saán ang sálitâan , hangáng inabot pa silá roón ng
maghahating-gabí na , at sakâ pa lamang nagsipanhík .

Sa hígâan ay ibinalità na ni Yoyong sa kanyang asawa


ang pagkakapahinuhod ng matandâ. Málaman ni Talia ang
gayón, ay parang si Meni rin ang nakaalám . Halos di nagkatulog
ang magkapatid sa pag-uusap tungkol sa kanilang mga gagawin .
Si Yoyong na totoóng mapagbigay- loób sa asawa at sa hipag
ay mag-úumagá na rin nang mápahimbing, sanhi sa mayâ't
mayâng pagkapukaw niyá sa magkapatid . Patí asawa ni Siano
at si Siano man, nang matalastás kay Talia ang maligayang balità,
ay nangakipaglamay ring may ilang oras sa loob ng kuwarto ng
maysakit. Kung tunay iyáng sinasabing pagkakatwâ ng mga
kálulwá sa Purgatorio, kung gabi ng Todos los Santos, dahil sa
kábukasa'y mangagsísiakyát na sila sa Langit, ang katwâáng
iya'y hinirám marahil ng magkakapatid ni Meni sa magdamág
na yaón. Bagaman ang pagkagalák nila'y hindi maingay sa
pagpapakundangan sa amáng nakukulóng sa kuwarto na di
sásalang gising din ; dátapwa'y dili ang di ngâ náraramdamán
silá ng matandâ sa mga paglulumabás-pumasok , sa mga ánasan
at kilusáng dî mápakalí ng isa't isá.
Sa habang pakikiramdám ni Don Ramón ay sumulák-umun
tós ang pagbabaka sa sariling loób at gunam-gunam ng mğa
sari-saring balak at panihalàng náiisip gawin sa kanyang buhay.
Nguni't ang di talagang makatkát sa kanyang pusò, bagkús
siyá pang lalong nagtibay, bago nákatulog nang madaling araw
na, ay ang panihalàng maglayag na ngâ sa Hapón at sa Amérika
upáng, mápabuti man ó mápasamâ, ay doón na siyá mag-antáy
ng magiging wakás ng buhay.
Ang biling paglilihim ni Don Ramón sa balak na itó, ay hindî
namán sinirà ni Madlâng-layon sa pagbibigay-alám sa asawa at
mğa hipag.
Nangápatahimik siláng låhát na tagláy sa guní-guní ang kaa
ya-ayang bukas na mágigisnán . Ang nápatangl'y si Meni na pikít
man halos ay di nakakuha : ayaw siyáng tulutan ng mga niluksó
luksó ng pusò, hindi na sa kadalamhatian , kundî sa ligayang
walang katulad na lumílipós sa buo niyáng katawá't kálulwáng
malaon nang uhaw sa tuwa at malaon nang alipin ng lalòng
mabibigat na damdamin . At gayón din si Talia, na sa pag
BANAAG A T SIKAT 313

aayaw ng katawan at loób sa asawa at sa kaptaíd , ay isáng Madre


de Caridad mandín sa káyayaó't dito maya't maya sa dala wáng
kuwartong magkaratig, na paanhín mang haráng-haranĝin at
sundán-sundán ng antók, ay di makayang mapipilan .
-Anó ka ba namán , Talia , at hindî pa mahigâ rini ? —ang
sa isang antuking pangungusap ay makáilán na tulóy násabi
ni Yoyong, sa tuwing mámumulát ang matá na walâ pa rin sa
siping ang asawa.
-Náriyán na , náriyán na akó, Yoyong ! -ang maya't mayâ'y
sagót namán ng tinatawag.
Upang makapagbigay-loób sa minámahál na asawa, si
Talia ay dali-daling lilipat sa kanilang kuwarto, úupô ó híhigâ
sa siping ni Yoyong, at pagkalimot nito'y dahan-dahan na namáng
bábabâ sa kama at páparoón sa kapatid.
-Taliaaaa ! --ang walâng anó- anó'y umáalingawngaw na
namáng tawag sa kabila.
-Ooy ! .....
At parang palasô'y pamulîng umíigkás ang katawan sa
paglapit sa kabyák ng dibdib na nagpapahalata na halos ng
sama ng loob.
-Mabuti pa'y hindî ko na násabi sa inyó iyán , kundî bukas !
-ang patampóng winikà ng nakahigang tumatawag.
-Ang asawa ko namán ! -násabi ni Talia ng boông giliw-
Nagagalit ka na ba ? .... ha ? ....
Isáng kusàng dampî ng kanyang mga matamis na labì ang
sa noó at sa mga labì rin ni Yoyong ay kasunód na bigáy , sakâ
anyá'y :
-Oo , matútulog na akó ; matulog na tayo , ha?.
At kung nakahigâ na silá kapwà, kun si Yoyong ay liyó na
sa mga kasamyûáng halimuyak ng kanyang pag-giliw, sakâ
magsasabi na namán :
-Asawa ko , kaawà-awà namán ang aking kapatid sa kabi
lâng kuwarto , nag-íisá siyáng gising at di mákatulog, himbing
na himbíng siná Tisià kong pinapagbabantay , ¿ayaw ka bang
tignan ko muna siyá sandalî ? ....
Oo , paroón na -ang nagiging kasagutang naman ng
masintahing sinusuyuan.
At anóng títignán lamang sandalî. Sa ginayón-gayón ay
nagbukáng liwayway na idlíp man ang magkapatid ay hindî
nakátikím .
Anó-anó ang kanilang pinagpúpulungan at gayón na ang
pagpapakapuyat ? .... Oh, lahát na ng bagay! Mabúbuksán
314 LOPE K. SANTOS

sa kanila ang langit kábukasan , at dî kataká-takáng sa kanilang


guní-guní at mga labi ay gumitî at mamilaylay ang dilang anyaya
ng palad na mákakamit niláng para-para kun ang sanhi ng mğa
kalunusan niláng mag-anak, ay tunay nang malúlunasan. At
si Talia ay di kamangha-manghang mag-asal ng gayong taman
at pakikilugód , sapagka't ¡ ah! hindi niya nililimot na si Meni,
noong siya'y bago ikasál, ay hindî íiláng gabí rin namang nag
puyát sa kapag-uusap nilá ng mga bagay na náuukol sa kapalaran
ng pag-aasawa.
Umumaga , at bagamán tinanghá-tanghalì ng bukás ang mga
bintanà, sa pagkakatanghali ng gising ng lahát halos , madilím
dilím pa'y maliwayway na sa loob ng bahay ang tingin ni Meni ,
magmula sa kanyang hiníhigán . At nang magkagising nang
lahát, na tunguhin agád ni Yoyong ang kanyáng biyanán sa
kuwarto , upang batìin ng magandang araw, ay walâ na roón
ang matandâ . . . . .
Lumakad na kaya sa sinabing páparunán ?
Hindi pa namán sukat mangyari na ang gayón . Kun sana'y
maglilipat lalawigan , marahil pa'y makalakad si Don Ramón
ng gayon lamang. Nguni't sa Hapón , sa Amérika , sa Europa , ....
áalís na ng patuluyan , magbábaon ng dalawampung libong pisong
kailangan pang kunin sa Bangko , may mga pagkabuhay na
malalakí, págawâan , mga bahay, mğa anák, mga kaagulo, mğa
kaibigan, mga kapaláutangán , líbangan , tungkól at ibá pang
mga mahal na bagay na mafiwan ...... malayong makagapi
ang matandâ na sa umaga ring yaó'y makaalis ng walang kakalá
kalatís at kabalam-balam......
Malaon na kayâng handâ ang lahát, bago násabi sa kanyá
nang gabing nagdaán?
Ang magkagayón man ay hindi mapaniwalaan ni Yoyong
na umalis na ngâ ng túluyan . Hindî araw-araw ay may má
sásakyáng bapor sa ibig paglakbayíng mga ibayong dagat. Ay
wán niyá lamang kun sa araw na yaón ay talagang may kátaón
ngâng lálabás na.
Sa loob ng kuwarto ni Don Ramón na iniwang bukás , ay nag
palingap-lingap si Madlâng-layon ; nguni't walâ siyáng nakitang
anománg nábabago sa dating ayos ng mga kasangkapan . Patí
pagkakalagay ng ilang mga babasahing aklát at mga susula táng
papel sa ibabaw ng mga lamesa roón , ay hindi nagpapakilala
ng munti mang anyô na sukat bagang ikapaghakàng naglakád
na nga ng maliliit ang kanyáng biyanán.
# T
Ilán nang umaga at araw na dî nagpapanaóg si Don Ramón ,
nguni't nang umagang yaón ay dî na yatà napaabot sa liwanag.
BANAAG A. T SIKAT 315

Binaklá ang loob ni Yoyong ng isang hinuhàng bakâ ang matandâ


ay kung napapaano. Ayon sa pagkápansín niya, ang palikaw
likaw na isip ni Don Ramón ay halos nagbábabalá na ng isang
pagkasira ng baít . Nasiràan na kayâ? .... Dali-daling nag
usisà hangán sa silong kun sino ang nakakita sa pagpanaog ng
matandâ. Walang makapagsabi kundî ang kotsero lamang na
may "tila" pa rin sa pagsasalitâ, sapagka't dî niyá napagsiyá
nang lumabás , at náakalà pang marahil ang nagbukás ng pintô
ay isang alilà lamang.
Si Madlâng-layon ay naghanap na walang pará-paramdám
sa mga tao sa bahay.

Gabí na nang umuwî si Don Ramón . Ang lahát namán


ng nauukol sa desposada ng mánunulat at ng maysakit ay yarì
at handâ na.
Pinagkayarián ng magkakapatid at magbabayaw ang des
posada na lamang muna habang si Meni ay di bumúbuti . At
idáraos hindi sa kanilang bahay na sarili, ni sa bahay ni Delfín sa
Sampalok, kundi sa bahay ng isang kaibigan sa Kiyapò. Ang
kaibigang itóng, dalaga rin at walâ kundî isáng iná at kapatíd
na lalaking lalabing-tatlúngtaunín , ay dilì iba't yaóng pinag
akalaan ni Mening takbuhan at pakituluyan nang gabing humandâ
na siyá sa pagtatanan . Si Meni rin ang nakápiling doón siyá
ilipat, yamang ayaw sa sariling bahay ang kaniláng amá, at
kahalay-halay namáng lalò kun siya'y doón na kiná Delfín dalhin
kapagkaraka .
Ang sakít ni Meni ay hindi namán datay nang totoo sa
baníg na hindi na ikaarì bagáng siya'y bumangon at makapag
lakád hangán sa silong man lamang . Iyáng mga damdaming
karaniwang kumapit sa isang dalagang kasibulan , na nagdádaláng
taong may mga anim nang buwán, sakâ abutan ng gayong mga
buhat-kamáy ng isang malupit na amá, at sakâ pisanan ng ta
báng sa pagkain, pananalát sa tulog, pagbabaka sa pusò ng mga
agam-agam, pananabík sa isáng irog, pag-aalaalang bakâ má
panganyaya ang isáng kámahal-mahalang yaman na kanyáng
tinátagláy, pagtatampóng matagál sa mga kapatid, paggugunitâ
ng madlâng kahihiyán, .ang mga damdaming iyang nagká
pisan-pisan sa dating mahinàng katawan at malambing na asal
ng isang Meni, ay siyá nang mapagbabatayan ng mga kalubhâán
ng lagay niya. Dátapwa't sa mga pagsuhay ng gamót at manga
gamot at sa káhuli-hulihang balità ni Yoyong na pagpayag na
ng amá, ang lahat ng mga damdaming yaón ay hindi kataká
takáng tumigháw at gumaán ng di sapalà ; yaón man lamang
316 LOPE K. SANTOS

mğa tíisin ng mga kálulwá at hindî na ang mga tíisin ng katawán,


ay sukat nang sa gabi at araw na yaón ay kagyát na máli
mutan at guminhá-ginhawá. Anó pa ang fibigin : si Delfíng
mulâ at dahil ng kanyang mga pagtitiís at pananabík, isá ó
dalawang araw na lamang at kanyá na , at kápapakanyahán na
niyá hangáng may buhay !.....
Pagkapasok ni Don Ramón at nang tahimik na sa kanyáng
kuwarto , ay sakâ nag-inót manaog si Meni, kasama si Talia at
isáng alilàng babayi ; nagsisakay sa isáng handâng karwahe sa
silong, at doon na nagparaán ng gabi ang tatló sa bahay ng kaibi
gan sa Kiyapò.
Inabot pa uli ng kabukasan ng hapon , dahil sa nang hiníhingî
na kay Don Ramón ang kanyáng pirmá sa kasulatan ng pag
bibigay-tulot, ay di kawasàng mga pagtutol, mga pag-iwas at
mga paghihinagpís, ang pinakibakahan muna ni Madlâng-layon .
Náraos ang lahát na bahá-bahagya nang may nakalusót
sa pinagdausang bahay, na mga piping alingawngaw ng des
posada. Ang isang paring kaputsinong gumanap ng gayóng
tungkulin ng Katolisismo sa dalawang mag-iisang dibdib ng
palihím sa matá at balità ng madlâ, ay nakapagtakíp-silim na
nang idatíng doón ng isang karwaheng pinakaón ni Talia . Ma
gíng sa ganáng bihis ni Delfín , ay walâng anománg kagaràang
nábago na sukat bagáng pagkakilanlán ng isang mataás na
palad nilang pagpípisanan at tátamuhín mulâ sa gabing yaón.
Si Meni ay nakadamít-bahay din, bagamán ang damít-bahay
na ito'y makápupô nang mahigit sa mga damít na pang-Bagong
Taón ng mga marálitâ at taga-bukid. Si Delfín ay siyáng nag
suót ng pinaka-mahál na sa lahát ng damit niyá sa bahay : isáng
amerikanang lanang lumâ-lumâ na at isáng pantalóng putî.
-Kaawa-awàng kasál ng isang mayaman at isáng mánunulat !
-ang bulong ng matandang maybahay sa kanyang anák na
dalaga , nang malapit nang pag-abutín ng parì ang dala wáng
kamáy ng kákasalín . -Nákita mo na ang dugtong pang bulóng
-ang nag-aasawa sa dî kagustuhan ng magulang ! ......
Nang di maubos madalumat ng nasabing iná ang gayóng
pagkakákasál na totoong alangán sa urì ng dalawang ikinákasál,
ay wala nang inatupag bulungán kundi ang anak niyáng dalaga.
--Kaylayò ng kasál na itó sa kasál ni Talia !—ang inianás
na namán .
Mápamayâ-mayâ, nang matátapos na ang mga tagubilin
ng parì sa dalawá at samantalang ang anák na dalaga'y mataós
BANA AG AT SIKAT 317

na nakikinig ng gayóng mga tagubilin , ay nagsalitâ na namán.


ang matandâ ng paanás :
-Kayâ anák ko , fingatan mong máuna ang damó sa palay!
Sa mga pananalitang ito'y sukat nang mapaghakà na marahil
sa dalagang yao'y may mga gumígirì ring binatà na dî ibig ó
pinakapag-iingatan ng nasabing iná.
Si Talia't si Yoyong ay nároroón kapwà : siláng dalawa ang
nagíng mga saksí, at sa kaugaliang tawag ay gumanap ng pagka
iníiná at ináamá. Bilang mga saksí rin na sa dating tawag ay abay,
ay gumanap ang dalawang maybahay sa siping ni Meni at ang
isáng kamanunulat na tanging isinama ni Delfín sa siping niyá
namán .
Anopá't si Delfín , na sa mga paghahakà tungkol sa pama
mayan at pamumuhay ay isang larawan ng mga agam-agam at
isáng matalik na kampón ng mga pag-aakalang sosyalista , sa niga
katungkulang yaón ng Katolisismo , ay dill ang hindi gumanap ng
walang sagwil at álinlagan sa loob, marahil sapagka't sa ngalaug
pagka- sosyalista , siya'y náhihingil pa sa tinátawag na "Sosya
lismo Katoliko," ó marahil nama'y sapagka't ang gayo'y siyáng
kinakailangan ng isang wastông pakikibagay sa mga dating ugali
at sa mga tao namáng kanyáng kinákaharáp na para-parang di
pa humihiwalay sa kinágisnáng pananampalataya.
Sa di kawasà'y naganap ang lahát, hangáng nang mákasál
na'y pinagkaisahán ng mag-asawa ni Yoyong na ang dalawáng
bagong desposada ay ihatid na muna sa sariling bahay ni Delfín,
bago iwan.
Oh, unang gabi ng dalawang pusong pinagtalì, na dî pa
nátamó kundi sa kalautan ng isáng dagat na luhà ! ....

BRIS
******* *** *** *** *** *** *** ***
****** * ***** * *** ***
*** ********* ******* **
*** ****** * ***** * ****** ******
* *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *** *

XIX

Wala ng alapaap
BRA JURAD

Sa boông buhay ni Meni, ang gabing ito ay walang makaka


halintulad . Maiwan sa ibang bahay ng isang kapatid na kaibig
ibig, ng isang kapatid na may pusong ginto at kaloobang sutlâ
sa kanyá, ng isang kapatid na nang mag-asawa , sa mabuti mang
paraán, ay halos ikinapugtô rin ng kanyáng hiningá sa pighatî ;
mag-isa sa pagkakandili at pagmamahal ng dî na sariling magu
lang ; málagak sa isáng marálitâng bahay na pawid, gayóng mulâ
sa pagsilang sa maliwanag ay di nakakátikím-tikim ng ngalang
magdálitâ sa buhay at ng gawâng makisama sa ibang tao ;
mangyari ang lahát ng yaón na pasuóng at palabag sa kalooban
ng amáng halos magpakamatay na sa hinagpís .... ay gaanuhín
man ang tamís at ligaya ang maaasahang mátamó ni Meni sa
kandungan at piling ng tunay nang kabyák ng dibdib , hindî
mákakatumbás ng mga paít at kadalamhatiang maibúbuntón
sa kanya ng mga unang sandali ng gayóng lagáy.
At si Talia , ¡ oh ! kundî si Yoyong na may ugaling mapag
patawa at mapagtakíp ng kasáyahan sa anománg dahil ng lumbáy
ng kanyang asawa , disin ay hindî na nakauwî ng may- diwà pa
sa bagsik ng lason ng gayóng kásakláp-saklapang paghihiwalay.
Ang pag-aasawa ngâ naman ang siyang lalòng matalas na
gulok na panglanság sa kátibáy-tibayang bigkís ng magka
kapatid at magmamaguláng !
Nátirá na ngâ si Meni , ¡ anó pa ang magagawa'y nároón
na ! ... Si Meni ay hindi na kay Don Ramón , ni kiná Talia .
Anák din ngâ siyá at kapatíd : ang mga pamagát na ito'y ka
kambál at dî máhihiwalay sa kanyang pagkatao ; nguni't sa iba
baw ng pagka-anák at pagka-kapatid na iyán , ang pagka - may
asawa ay siyáng gígitaw namán at makapangyayari, ayon sa mğa
kasalukuyan pang lakad ng pag-aasawa . Sukat na ngâng másabi
tulóy, na , walâ nang mahirap pagkásundûíng paris ng isang
biyanán at isang manugang .
Si Meni ay kay Delfín na , at nakay Delfín na nang lubós na
lubós . Ang kalungkutang yaón sa pag-aalaala sa kapatid , ay
BANA AG A T SIKAT 319

maaaring masaway at hangáng máipagbawal na ni Delfín , kung


ibig. Nguni't si Delfín ay walâng ugaling matigás kun sa pag
ibig. Siya'y ganap na alipin ng pusò , mistulang larawan ng
lalòng malalambót na damdamin ni Meni, buông sisidlán ng
pagtatapát at pananalig, busabus ng lalòng matimtimang pana
nabík sa pagiging kanyá nang ganap ng isang pusòng busilak
sa kaningningán . Siya'y hindi nag-áakalàng magharì ni pa- ·
panginoón kay Meni, sukdáng ito'y nápakanyá nang tunay
mulâ-mulâ pa . Tungkól pagkaalipin ay kanyáng miná-inasamâ
at kinapópootán , mátangì lamang ang pagpapaalipin ng kanyang
pusò sa pag-ibig ni Meni . Siyá rin ang dating lingkód na
naghahandog ng buông buhay at ng buông palad huwag na dî
sa kamay ni Meni lamang. Siyá rin ngayón yaóng Delfíng
sumumpa at sinumpâán sa glorieta, at siyá rin yaóng sa tuwî
tuwî nang lálangáp ng samyô ng mga halaman doón at ng may
halaman noón, ay nagsasabi ng paulit-ulit sa mga taynga ni
Meni ng: "Pagtátapatán kitá , Meni ko , hangán sa hukay !" ...
Ngayón, si Meni ay lalòng karapat-dapat sa mga gayóng
pahayag ng kanyáng kálulwáng hindi nagmámaliw; ngayón
lalòng kailangan ang kanyang pagka - Delfín , higít sa mga panahóng
nagdaán ; ngayon ay hindî na balát lamang ng langit ang dapat
niyáng iturò kay Meni, hindi na kulay ng isáng maalapaap na
langit ang sukat niyang masaksí sa pagpapatibay ng si Meni ay
kanyang ibábangon sa lalong kaitaasan ng ligaya ; kundî ang
tunay nang lamán ng langit na yaón, ang tunay nang kalwalha
tìan ; hindî na ngayón pagbibigay ng pag-asa lamang, kundî
ng tunay nang pinaáasahan . Dapat nang matapos sa isa't isá
ang panahon ng mga agam-agam; lampás na silá sa kapál ng mga
alapaap : sukat nang humalili naman ang panahon ng mga kato
tohanan sa gawâ at mámalas ng lantaran ang walâng panganoring
mukha ng araw, na siyang larawang mistulà ng kanilang sinum
pâáng pag-iibigan.
-Ngayón , Meni ko , ay kanin mo na akó ng buô, huwág
kang magtirá ni katiting man sa aking pagkatao , upang mapa
tunayan ko sa gawâ na ako'y talaga at buông-buông iyó , panga
kòng sa aki'y hindî mo pinaniwá-niwalàang mahabang araw.
Násalitâ itó ni Delfín sa buông siglá ng kalooban , bukál sa
kaibuturan ng pusò at anák ng di maulatang bugsô ng pag-giliw ,
sa pagkakákalong sa mahinàng katawan ni Meni , nang sila'y nag
iisá na sa silid ng bahay.
-Akó ang kanin mong buô !-ang sa buông giliw ay ipi
naklí namán ni Meni, na umanyông ibangon ang ulo, nguni't
320 LOPE Ꮶ . SANTOS

dî na nátulóy , sapagka't sinalubong sa babà ng isang palad ni


Delfín , at :
-Huwag ka nang magtindíg, -anyá-mabuti ang ganyáng
nálalapat ang likód mo sa aking kandungan at ang ulo mo sa
aking bisig; hindi sásakit ang iyóng dibdib, hindi ka úubuhín.
-Makákain mo ba akó ng buô kung ganitó?-ani Meni,
na yaóng mukhâng nábabakasán pa ng mga tagistís ng luhà sa
kapatid, ay pinasayá at pinaliwayway nang parang hindî nápa
pamahayan pa ng sakit at kalungkutan .
-Akó sabi ang kanin mo ; sapagka't ako'y lalaki, ay pag
áalalahanin mo pa kung umáalís sa bahay ; kung itinatago mo na
akó , mulâng ulo hangáng paá sa iyong kalooban , hindî mo na
áalalahaning maáagaw pa ng sínomán .
-Hindi ba't nakatago ka na rito? -ang pahayag ni Meni
na itinurò ng daliri ang kanyang tiyán .
-Siya nga palá namán!
-Maáagaw ka pa ba?
-Oh , hindî na , hindî na nğâ, Meni ko !
Mag-asawa na sila'y anó pa . Bagaman ang kahinhinán
ng babaying pilipina sa alagà ng pananampalataya , ay umaabot
sa pangingiming paarì ng lubusan sa isang irog, habang hindî
pa , anilá, nasúsukuban ng belo at hindi naáarasan sa haráp
ng dambanà ang kanilang pag-iisáng dibdíb , na anopa't
marami ang mga kun sa desposada lamang ay hindî nánayag
na makisama na ; dátapwâ, ang pagka-dugông kastilà pa ni
Meni at ang nálalaman na nating mga kasaysayan niyang
pinagdaanan kay Delfín , ay labis nang makapagpakilala ng
siláng dalawa'y hindi na bago pa sa ngalang managano sa dilang
kabánğuhan ng pag-giliw, gaya ng walang sawang pananagano
sa kalwalhatian ng mga tinatawag na taga- langit...
Sino pa ang amáng katátakutan ? alín pa ang bayang mapú
nahing aalalahaning púpulà, kung matalós na si Meni, náparapâ
man ay ibinangon namán ng kinárapâán? Anó pa ang ikahí
hiyâ, dumating man ang isáng dî na sukat magluwát na araw , at
mábunyág mang siya'y iná na , kung may Delfín namáng amá? Anó
pa ang ikalulungkot sa pag-gugunitâ ng mga kahirapan at pana
nalát sa bagong tahanan , sa siya'y may isáng Talia namáng
kapatid na di marunong magpabayà, bagkús nakikiramay sa
lalong malalakí niyáng kapansanan at malulubhâng damdamin?
Anó pa ang ipaghahangad na magsuot ng mahahalagang alahas ,
ng maririkít na damít at ng iba pang dating mariringal na hiyás
at gayák na binawì na ng kanyáng amá, at pinagsasamsám na
BANAAG A T SIKAT 321

dî man ipinagkatiwalà ni kay Talia , noóng mga araw pang kasasalán


ng poót at pagtangí na siya'y mag-asawa, sa ang isang salitâ
lamang, isáng sulat, isáng tulâ, isáng sumpâ, isáng pag-ibig ni
Delfín ay makápupông mahál at mahigit sa halaga at urì ng
lahát ng mga kayamanang iyón ? At anó kundi man isáng
anak-mayaman, anák-mahadlikâ; isáng médiko, isáng abogado,
ó anopamáng may mataás na tungkól at dunong at malaking
sinásahod ang kanyang naging palad , sa si Delfín namán, kahi't
marálitâng mánunulat lamang, ay maydunong at mayngalan
na ring tanyág, nag-aaral ding mag-abogado , at balang araw ay
sukat mátawag din namán sa lalong matataás na katungkulan
sa bayan? Ano ang kasaysayan ng lahát ng kapalaran at gin
hawang pisan-pisan niyáng pinanánaganuhan sa lilim ng ka
pangyarihan ng amá at mga kapatid, kung ihahalintulad sa kasa
bík-sabik na ligaya ng isáng mag-asawang maybugtong nang
káta tamuhán ng lalong matatamis na pagsintá at ng lalòng kaaya
ayang aliw ng buhay?....
Si Meni mulâ na noón ay parang dinayuhan ng mga ganitong
pagkukurò-kurò ; ang kanyáng kálulwáng puyát nang malaon
sa kákikita at kásasalagimsím ng lalong kasindák-sindák na mğa
anino ng pagkasawi at kahihiyán, ay parang ipinag-alo ng gayóng
mğa kawili-wiling awit ng kapalarang bagong tamó. Anó pa't
umumaga, at nagmaghapon pa nang kábukasan, na hindi siyá
sinagian man lamang sa guní-guní at sa panimdím ng kahi't
wasiwas ng lungkót at gitî ng kapáitan. Nálimutan ang lahát,
tungkol dî ligaya , tungkol dî alíw at galák, tungkól dî linamnám
ng pagliliyagan ....

Nang hapong yaón , araw ng sábado , nang mga oras na di


man sukat ipingkî sa alaala niná Delfín ng kahi't anóng balità
tungkol sa isang matalik na kaibigan, sa isang halos kapatid na
na sa Silangan , at may isáng buwan nang hindi nakikita , ay
sátatawag sa hagdanan si Felipe. Ang bapor Marikita, na noo'y
naglúlumuwás-sumubà sa Lalaguna, at sa pag-gapang sa tubig,
anaki'y isang matandâ nang gusgusing kákawág-kawág at sísing
háp-singháp na lumálangóy , samantalang pinagtáta wanán ng
mapintasing bagong- panahón , ay sumayad at násadsád sa kaba
bawan ng Ilog Pasig sa tapát ng maalamát na yungíb ni Doña
Gerónima at ng balitang Malapad-na-bató . Sanhî sa ganitó , kayâ
si Felipe ay munti nang inabot ng takíp-silim bago nakaahon sa
Maynila at nakarating sa bahay ng kaibigang manunulat.
Kasama si Gudyô, at walâ na kundi silá lamang dalawá.
Anim na buko 6 murà, dalawang makapunô, iláng maiksing
22
322 LOPE K. SANTOS

bumbóng ng kalamay-hatî at isang malaki't nangángamóy na


sa pagkahinóg na langkâng-Silangan : itó ang boông dala-dalahang
ipinag-iibís ng dalawá sa sinakyáng kalesa , at siyáng sadyâng
ipasásalubong sa mag-ali at magpipinsan ni Delfín .
Halos palundág na sinalubong ni Delfín ang kaibigang
dumáratíng at nánakyát sa hagdanan.
Gaanong tuwâ , gaanong lugód ni Felipe sa gayong pag
sasálubunğán ! Isáng taón na mandíng hindi silá nagkaka
kita !..... At málaman pang nároón na si Meni, nidesposada
na ang dalawa nang nagdaáng gabí lamang, ¡ oh ! mukhâ man
yata ni Kamatayan ang sa mga sandaling yao'y pamalas sa
kanilang salagimsím, ay di pa sukat makabakbák ng mğa
kagálakang tinamó sa pusò ng isa't isa.
Saán nároroón siyá? -ang pagkabalità ni Felipe ay agád
itinanóng sa kaibigan.
Hindî na si Delfín ang nakasagót : mulâ sa silid ng bahay
ay umalingawngaw agad-agad ang matinis na tinig at malamíg,
nguni't matamis na pangungusap ni Meni.
-Náritó akó , Ipéng ! -anyá -hintáy ka sandalî't náriyán
na akó ! ......
-Huwag ka nang lumabás sana ! -ang samò buhat sa labás
ni Delfín na sumalubong sa dakong pintô ng silid-malakás dini
ang hangin ay mahihilo ka na namán!
-Hindî ! .....
At sa hinding ito'y sabay na ang kanyang paglabás , na ang
kamáy ni Felipeng pasalubong na sa kanyá, ay siyáng ginagap
ng boông lugód .
-Nahulog din sa kamay namin ang matarík na si Don
Ramón ! -ang nasabi, sa laki ng kagalakan naman ni Felipe,
pagkakita sa kanyang dating kaibigan at kinákapatid sa kumpíl,
na pinamuhunanan din niyá ng dî gágaanong lakás ng loob at
ng di kákaunting pagpaparaán, mákausap lamang at mákaírugang
ganap ni Delfín .
Nğuni sa pagkamalas na bigla sa pag-aanyo ni Meni, siya'y
totoong nabaguhan. Mga matang nanglálalim, anaki'y dala
wáng bitùing itinatago ng isang malamlám na langit ; mga
pisnging namúmusyaw, mistulang dalawáng talulót ng isang
lantáng bulaklak ng alehandriyá; ilóng na sa panghahagway
waring isang nabábansót na buko sa usbóng ng isang unsiyamîng
sangá ng sampaka; mga labi at bibig na nangbábagal sa pagbi
bigkás ng salitâ, tila uháw na bulaklák sa mga hamóg ng gabi at
sa mga halik ng araw; babàng lalong humawás at ang guhít na
BANAAG AT SIKAT 323

dati'y lumalim, sinadyâ mandín ng isáng maingat na kamáy;


liíg na parang salamíng pinanganganinagan na halos ng mga
ugát at litid ng lalamunan ; mga balagat na naglitaw at kulang
na lamang ay paibabaw sa manipís at maputîng balát ng punò
ng liíg ; ...... baròng- Kalibo , na kayâ lamang kapit sa dibdib,
likód at mga tagiliran ay salamat sa mga higpit ng imperdible, na
anopa't yaóng dating luwáng ay nakikibagay na lamang ng kipot
sa malaking pagkakanipis ng katawán ; sayang pulá na sa kaput
lâán ng kulay niya'y siyá lamang nakabúbuháy-buháy , nguni't
sa pangyayayat ng hugis ng pangangatawán, ay nagiging maikli
sa tingin at nag-wawaring hindi na kay Meni ....
-Nagkáganyán ka na sa wala pang sangbuwan yatà ? -ang
pagilalás na náwikà ni Felipe. -Bákit namán , Delfín : sa mğa
sulat mo ay hindî ganitong kalubhâ ang aking nábabasa ?
-Hindî ngâ, sapagka't nang kahuli-hulihang sumulat
akó sa iyo ay hindî pa namán ganyán ang lagáy niya, dalawáng
lingó nang mahigít na hindî akó nakakasulat sa iyó, ¿ hindi ba't
sapagka't ang akala ko , ayon sa sabi mo rin, ay dito ka na mag
bábagong-taon sa Maynila?
-Bákit, Ipéng, anó ba ang tingin mo sa akin ?—ang banayad
na tanong ni Meni.
-Oh ! .... mistulà ka nang larawan ng isang libingan !
-Hindi pa namán , -ang paklí ni Meni - buhay pa ako at
gumagalaw, paris mo rin : hindî ngâ lamang katulad mong tumabâ
sa rati, ¡ mapalad kang hindî gaya namin ! ....
-Kayó ang mapalad, sapagka't nakaraán na kayong mal
walhati sa mga kahirapan ng pag-ibig. Nguni't ¡ akó ! ...... ¿ anó ,
ano ang maibábalità mo sa akin, Delfín , tungkól kiná Tentay?
Kaytagal nang sinasabík mo ako sa balità ! ....
-Málalaman mo kung bakit walâ na akó sa iyong náipag
balita sapúl noóng huli kong sulat ;-ani Delfín-nguni't tayo
na munang mag-úpûan, ó magpahingá na muna kayo't pagód na
dî sásala .
Pagkasabi ng ganito'y binulungán ni Delfín ang kanyang
ali, na hangáng kangina pa'y napapamaáng sa biglang pag
dating ni Felipe, na dati ring kilalang matalik na kaibigan ng
kanyang pamangkín . Pinapaglutò ng mámiminandál ng dalawang
bagong-dating. Nang maramdaman ang gayón ni Meni, ay tina
wag ang isang alilàng babaying pinasásama sa kanyá roón ni
Talia, at pinagsabihan ng pabulóng na lumabás at siyáng
gumawa ng gagawin ng matandâ sa bahay.
-Kami'y nagmirindál na -ang hadláng ni Felipe, pag-
kápansín sa mga kilusán at paghahandâ ng mga dinatnan . —Sa
324 LOPE K. SANTOS

pag-aakalang gagabihín sa pagkásadsád ang aming bapor, kamí’y


nagsikain ng kung ano-anóng kakanín doón , habang maaga pa .
Magsitahimik na kayó, at ang ibig ko'y málaman agad ang lahát
lahát ng mga nangyari rito habang ako'y walâ. Nguni't mangi
nain muna kayó ng kauntî naming nadalá : doón na lamang sa
Sta. Cruz iyán nábilí, sapagka't kamí'y nalís sa bahay ng pata
nán : saka na ninyó málalaman kung papaano .... Ikáw Meni,
¿ ibig mo ba ng murà? ¿ makakákain ka ba niyán?
-Oo, bákit hindi! -ang saló ni Delfín .
Si Gudyô ay siyáng dali-daling kumuha at nagbiyák nğ
isang buko para kay Meni, na sa pagkáibig sa gayon ay halos
tuluan na nga ng laway.
-At kay Tentay, ¿ anó ang ipadádalá mo ? -ang náitanóng
ni Meni, habang umíinóm ng matamis na tubig ng muràng mala
uhog pa lamang.
-Walâ.
-Walâ?-ang pamanghâng saló ni Meni- Dalhin mo na
iyáng ibá roón : sa amin dito ay hindi ka kailangang magkulang;
nguni't kay Tentay mo, ¡ huwág ! dáratíng ka roón ng walâng
anománg pasalubong!.
-Siyá ngâ namán ! --ang payo ni Delfín .
-Ah, huwag na at ako'y bukas pa páparoón .
-Bukas pa : ngayón na ! Sinasabi sa akin ni Delfín na
totoong kaawà-awà raw namán ang lagáy ng mag-iináng yaón.
Ikaw namán, pinabayaan mo na!
-Abá, pinadalhán ko ng kuwalta , ayaw raw tangapín ,
¡ anó ang magagawâ ko? Patí nitong si Delfín, ay makáilán pa
raw mapahiya sa kanila.
-Gayón na ngâ lamang ang nagdáramdám : akó man ba't
iniwan at sukat ni Delfín, na paris ng ginawa mo ngâ namán sa
kanilá, dî bawa't ipadalá niyá sa aking alaala , ay sinunog ko ………
.
-Súsunugín mo ?-ang magiliw na sambót ni Delfín .
--Oo .
-Kaylalaki ng loob ninyong mga babayi ! -aní Felipe .
-Matftigis namán ang loob ninyong mga lalaki ! -ang
sangalang ni Meni.
-Siyá, mabuti pa'y dalhin mo na ngâ roón kiná Tentay
ang kalahati ng mga dalá niyó, patí niyáng buông langkâ : dito'y
walang magkákaín niyán : hindi natútunaw: masama sa mga
batà, masama kay Meni .
BANA AG AT SIKAT 325

Si Felipe , na sa ganáng sarili'y nagtatagláy hiyâng ipanaog


pa ang naipanhík nang pasalubong sa mga dinatnán, ay nag
álinlangang gawin ang udyók ng mag-asawa. Kilala niyáng
katungkulan din ng isang pagmamahal ang magdalá kahì't anó
sa pagdalaw sa mag-iinang maysamâ pa namán ng loob .
Isáng natuturang taga-Silangan at anák-mayaman doón , na
lumuwás sa Maynilà nang walâng bitbít na anománg bungang
Silangan para sa mga dáratnán, ¡ laking pagkukulang sa karani
wang ugali ! Bukód sa rito , kun tunay na siná Tentay ay dî
maniwá-niwala ng lubos na siya'y nápauwî ngâ sa sariling bayan,
dahil sa pagpilit ng di masuwáy na amá, at kun tunay na si
Tentay ay makáilán pang manubok sa Limbagan , sanhî sa pag
hihinuhàng marahil siya'y hindi umaalis sa Maynilà, kundi
talagang ayaw na lamang dumalaw sa kanilang mag-iiná, ay
¿ hindî baga isáng magaling na katibayang makapagpapatotoó
na siya'y nápauwî ngâ at nangaling nang araw ring yaón sa Si
langan, ang mga bungang halamang nasabi kun taglayín sa pag
dalaw ?.. Noón napagkurò ni Felipe ang kauntîán ng
kanilang nangábilí sa Sta . Cruz . Sana kung marami, nápama
haginang para-para ng marami rin ang mga kaibigang
dinatnán. Nguni't saán kúkuha ng ipagbíbibilí. Ang alís
nila'y patanán sa ináng dî nakatitiís na dî magpabaon
ng kuwaltang malakí-lakí ; gayón din kay Marcela , na paano't
paano ma'y makapagpapaba on din . Kun sa ganáng amá, kay
kápitáng Loloy, ang pagkakáalís nila'y hindî na tanan , sapagka't
malaon nang siya'y talagang ipinagtatábuyan , sapúl pa nang
totoong mapunô na ng galit sa kásusulsól na ginawa sa mga ka
samá at allà. Si Gudyô ay talagang may isáng lingó nang
lumayas sa kápitáng panginoón at sa paglakad na lamang ni
Felipe nag-abáng, nang ito'y malamang papaluwás . Si Felipe
sa kanyang ina at kapatid ay hindî nakahingî ng isang beles mang
baon, sapagka't kapwà ayaw at nagsisiiyák na di kawasà tuwîng
siya'y magpaalám. Iláng araw siyang hinigpitán ng masíd
ng mag-iná at pinaabát-abatan sa mga alilà upang makita ngâ
kung lalayas. Si Sela , dahil sa kainitan ng ulo ng amá, ay ni
ayaw na ring paluwasín at muling dalhin sa Colegio . Ipinag
taním na totoó ni kápitáng Loloy ang anak niyang lalaki, na dî
ibig tuloy ang si Sela'y mápa-Maynilà pa , upang dito'y mádalaw
dalaw ni Felipe at dulo'y máturùan pa ng kung ano-anóng kaulu
láng natututuhan nitó sa pagkátirá sa Maynilà. Anopá't nápala
yas si Felipe isáng hating-gabíng malalim , na walâng baon
kundi kuláng-kuláng pang apat na piso, halagang tangì niyáng
naíimpók sa boông pagkálabíng may isang buwan sa sariling
bayan, palibhasa'y wala namang napagkakakitaan siyá roón ng
sarili . Apat na pisong baunin ng dalawá katao , na magbubuhat
326 LOPE K. SANTOS

pa sa isang bayang nasa kaitaasan ng Lalaguna , at upang maka


baba sa dáungan ng bapor sa dagatang- Bay, ay mahigít na
kalahating araw na lakad , ¿ anó ang maáagaw bilhin sa mga
kailangang ibayad sa mga sasakyán , hangán sa panunuluyanang
bahay sa Maynilà? Sa katotohana'y walâng kalamán-lamán
ang bulsá ni Felipe, nang umakyát sa hagdanan niná Delfín ,
kundî mga isang salapî lamang. Yamang gayón , ay napilitan
ding mayag na bawìin pa ang kalahatì ng mga dalá-dalahan.
Walang kuwaltang máipasalubong sa dára tnáng nangagdádahóp,
kaya kahi't na ang mga bungang-kahoy man lamang na yaón ay
magpakilala ng dî niyá paglimot.
Hangán sa si Meni ay dî inabot ng hilo, nang ang araw ay
matagal nang lubóg, ay hindi nátigil ang sálitâan ng tatlong
magkaibigan , tungkol sa alipala'y naging buhay nilá sa loob ng
panahong ipinagkálayô . Isa't isa'y kung may ligaya at kasá
yahan ng palad na dinanas, ay lalong maraming tiník ng pag
ibig na sinalát sa pusò , la lòng maraming anino ng lungkót na
tinanghál sa alaala ; malamang ang sakláp kaysa tamis ng mga
araw nilang nagdaán . Nguni't ang nagdaa'y natiís na ; sa hiná
haráp na panahón nárarapat siláng bumawì at matutong mag
impók ng ligaya at palad na panghabàng panahon .
-Hangáng mámayâ-ang paalám ni Meni kay Felipe at
kay Gudyô .
-Anóng hangáng mámayâ pa :-ang sambót ni Delfín
hangáng bukas na ; sapagka't máuwî man ngayón si Ipéng, sa
pagparoón kiná Tentay, ay hating-gabí na . Nakú: isáng buwáng
singkád na di pagkikita ! Wikà ngâ ni Balagtás ay : "tatlóng
araw na di nagtátanáw tamà. " Nguni't hindi kayó tátatlóng araw
na di nagtátamang-tanáw, kundî isáng buwán. Nakikinitá kong
mahabâ-habâng síngilan ang mangyayari, ¿ hindî ba ?
-Mangyari pa !-ang ayong patawa ni Felipe .
-At saán kayó háhapon kun doo'y máwili ?-ani Delfín
mahanga'y maghapunan na muna kayó rito bago manaog.
-Sivá ngâ namán ....-ang payo ni Meni mulâ sa silíd.
At ito ang kanilang pinagkáyarìán. Nagsihapon nang
maaga , at nang papanaóg na lamang si Felipe at si Gudyông
dî na ibig maghiwalay sa anománg lakad, ay siyáng pagdating
ng mag-asawa ni Talia , kasama patí ng mag-asawa ni Siano,
dadalaw sa kapatid na doo'y napapatiwalág.
Ang lakad niná Felipe ay kaunti nang máurong sa gayóng
pagkakatagpûán ng dating magkakakilala . Sa úsisàán ng isa't
isá tungkol sa mga buhay sa Silangan ng mag-anak ni kápitáng
Loloy ay muntî nang abutin ng ikawalóng oras ng gabi bago
BANAAG Ꭺ Ꭲ SIKAT 327

nápatulóy, kundi si Delfín ang huminging luwagán na ang dala


wáng áalís , sapagka't may lalong malaking bagay na páparunán .
Isáng masayang birûán at malakás ding táwanan ang sandaling
nakalunas sa mga kalungkutang taglay ng mga bagong-panhík,
nang matalós na ang ibig mákita agad ni Felipe ay ang kan
yáng ... si Tentay.

Sa bahay na iniwan at sa bahay na dina tnán ng dalawáng


kapanánaog pang maybitbít na mga pasalubong, ay nagkaroon
ng gabing yaón ng kani-kanyáng urì ang pagdalaw. Ang lungkót
sa mga unang sandalî at ang sayá na hangáng sa mga oras ng
pagpapaalaman ay kapwà nagkáhalinhinan sa dalawang nasabing
dala wán.
Sa San Lázaro'y walâng nakita si Felipe na anománg nába
bago sa rati. Si aling Teresa ay si aling Terê rin , si Vicenta ay si
Tentay din, ang mga batang si Lucio, si Amando at si Juliang
pásusuhín, ay nangároón din sa bahay. Ang tanging nawala ay
yaóng dating di mararamdaming si Victor, na bagamán tumútun
tóng pa lamang sa siyám na taon ang kanyáng gulang, ay hiningî
na ng kapatid ni aling Terêng nasa Tundó . Sa pangakong ibigay
na sa kanilang mag-asawa, upang mapapag-aral at máutús-utusan,
ay napilitan na ang mag-iináng mayag na si Victor sa kanila'y
mabawas , yamang di namán ibá ang kálilipatan . Ang hindi
lamang makurò ni aling Terê, ay ang bakâ nápapalagay nang
ilit ang anak na yaón , sa halagang may walóng piso niyang na
kuha sa kapatid noóng magpápaskó , na ipinamili ng titig-isang
bagong damit ng mga batà . Sa anó't anó ma'y hárinangâ kun
si Victor ay papag- aaralin .
Sa malas ngâ ni Felipe , ang mag-iináng kanyang pinanawan
at sukat noóng mga unang lingó ng Disyembre, at ngayon ay
inabot pa roón din, ay hindî niyá kinahala tâán ng mga bagong
anyo ng pamumuhay.
Ang mga unang batì ng sálubungán ay mabuti , kagiliw-giliw,
matamís at masayáng gayón na lamang. Ang kúmustahan
nang mga unang sandali, ay malulugód at matatapát. Nguni't
sa pagbangít ni Felipe nang mga sulat niyáng ipinadádalá sampû
ng halagang hindî tinangáp at inihiyâng makáilán kay Delfín,
ay doon na nagmula ang isang masaklap na ungkatan ng mga
sala at pagkukulang ng isa't isá.
-Hindi ko nga akalain, Felipe, na kami'y pag-asalan mo ng
gayón -ang pahinanakít at pailíng-ilíng na nasabi ni Tentay,
sabing naririnig ng kanyáng ináng nápalayô na ng kauntî sa pag
328 LOPE Ꮶ . SANTOS

uusap, dahil sa ang batang naglalakád na nang pautay-utáy, ay


hinabol sa pagkásunga bang sa isang palárindingan .
Samantalang silá sa loob ay nagkakásang-usapan , ang
dalawang bata naman ay dî magkámayaw sa labás sa pag-aaga
wán ng buko , na ibig ni Amando'y biyakín na agád, at si Lucio
nama'y ayaw pagka't gabí, bakâ silá sikmuràin . Ang napag
itingan ng magkapatid na siyang ibinigay namán kapagkaraka
ni Gudyô, ay ang isang bumbóng ng matamis na ang tawag ng
mga taga- Silanga'y "kalamay-hatî" : nilutòng gatâ sa pulót ng
kaong. Sa pag-uunahán at pagpapáramihán ng kuhit ng dala
wáng batà, ay parang mga kuténg na may anğilán pa , ngíyawan
at kalmutan. Maminsan-minsang sinásawáy nang marahan
at pinapayapà ni Gudyông alangáng matwâ at alangáng mahabág
sa anaki'y dayukdók na mğa batàng yaóng,anák din ng mahirap
na katulad niya .
Náramdaman ni aling Terê at nálabás-labasán ang gayóng
ngayngayan at pag-aagawán, sa matá pa namán ng maydalang
hindi nakikila-kilalang tao . Ang langka, mgâ buko at bumbóng
ng matamis na nag-gulong sa sahig, at sa isáng tabí, ay noón
niyá lamang nakita . Sa pag-akyat ng dalawang panauhin ay
walâ siláng násinág na anománg dalá-dalahan . Kayâ palá ang
lalaking yaong kasama ni Felipe, pagkapasok na sandali sa loob
at makapakipagbigayan ng magandang gabi'y lumabas na at
anhín mang paupûín sa loob ay ayaw, ay may mga daláng gayón
na pinanga hasán namán agád-agád ng kanyáng mga anák, kahì't
di pa niyá nálalaman. Sabihin ang hiyâ ni aling Terê . Sa

bulalás ng isang "Lucio!" at isáng "Amando !," ang dalawang
bata ay napagulat at halos nawalan ng urilat , na yaóng may ga
kalahating dangkál na bumbóng na buhò ng matamís , ay biglâng
nahulog sa kamay ni Luciong mayhawak, at sila'y kapwà at sabay
nápalingón sa ináng nakasungaw sa pintuan . Sa isáng tinging
mariín, ay parang mga inutusang kawal ang dalawáng batà, na
sabay nagsitindíg , nilisan ang inúuyaming bumbóng at kapwà
nagsilabas sa batalán nang walâ isá mang salitâ ni bulong. Hindi
pa nagkásiyá sa gayón si aling Terê. Ang mga pagpapayo ni
Gudyông "Bayaan mo na pô, at akó ang talagang maybigay !, "
ay hindi inalumana , kundi iniwan ang sangól sa pagkakaupô sa
sahig at sinundán ang dalawá, bago pinagsisinghál ng paanás,
pinagpipirál sa taynga at si Luciong malakí na ay binigyán pa
mandín ng makálawáng batok, kasabay ng mariíng wikàng:
" Walang hiyaaâ ! .... lahát ng kahalay-halay ang inyong iná
asal ! .... dî na kayó marunong mangahiya sa ibang tao ! .... para
kayóng mga patay-gutom !"
1
BANA AG A T SIKAT 329

At parang hindî pa ngâ patay-gutóm na ang mga batang


iyón ! Sa ganáng kay aling Terê, ang taong nakakakain ng kahi't
minsan sa maghapon , ay hindi pa patay-gutom. Ang pagká
kilala ngâ namán sa dálitâ at sa ginhawa, ay bagay-bagay sa
kalagayan ng isa't isá . . . . . .
Ang dalawá sa loob ay walâng kamalák-malák sa mga nang
yayari sa labás, at kung bagamán sila'y may náhihiwatigan ,
marahil ay talagang nangagpapaking-pakingan na , upang huwág
maabala sa pinag-uusapan.
-Maling-mali ang pag-aakala ninyong mag-iiná sa akin !--
ang pangiting nasabi ni Felipe , pagkatapos ng isang mahabang
salaysay ni Tentay tungkol sa kanilang naging loób, nang siya'y
umalís niyong kahuli-hulihang gabing sinundán ng La Purísima
at nang di na magbalík kundi ngayón na lamang.
-Ang sukat ninyong akalàin , -ipinagpatuloy na sabi - kun
sarili ko lamang ang masúsunód , ay hindi ko malilisan ng sandali
man itong Maynilà ; sapagka't náritó ang aking hanap-buhay,
náritó ang aking mga pinag-aaralan , náritó ang matatalik kong
kaibigan, at náritó ang aking isáng ...... Tentay!
--Aking Tentay ! -ang isinambót na waring paismíd ng
dalaga -Hindi ka na nangíngiming magsabi pa ng akin, pag
katapos mong makalayas ng walang paá-paalam, huwag na sa
akin , kundî sa iná ko man lamang ; pagkatapos mong makatirá
ng ¡ isáng taón ! sa inyóng bayan, at mapangaralan ka ng mga
magulang mong huwag magligaw ni mag-asawa sa isáng mará
litâng paris namin ! .... Aking Tentay ! ...... Ipinalálagáy
mo yata kaming masasamâ nang totoo, na datná't panawan
man ng lalaki, ay hindi na marunong magdamdám!.
--Hindi namán sa gayón!
-At sa anó pa?
-Katakot-takot kang makakapagsalita .... Kung ako'y
náalís ng pagayón , at kung inabot man ng may isang buwán ,
hindi isang taon , ay hindi naman ang hindi ko kayó inaalaala
mulâ roón .
-Anó ang iniáalaala mo sa amin? Kami ba'y talastás
mong sa kuwalta na lamang? Kun di na ba limusán ng mga
taong naglililo sa amin , ay hindî na kamí maka tátawid sa buhay.
Ipinalalagay mo na ba kaming walang hiyâ na tátangáp ng
anománg kaloob ng isang walâ nang loob sa amin ?
-Si Tentay namán ! ....
-Kung ganyan ang pag-aakala mo sa amin , ay magpapa
tawad ka , Felipe . Palibhasà kami'y mahirap ..... kaya mo
gináganitó !.
330 LOPE K. SANTOS

At ang mga matá na ang humaliling nangusap . Bawa't


paták ng luha ay nagkahulugan ng isáng timò ng pighatî sa
kanyang dibdib at naging subyáng na bumíbikíg sa lalamunan .
-Kung buhay ang tatay ko , marahil hindi mo kamí gága
nituhin ang idinugtóng pa , na ipinagkádalawá na tuloy ng
sanhi ng pag-iyák.

Si Felipe ay hindî nakaimík. Nápapakò ang paningin sa ka


usap . At pagkámalas sa gayong daloy ng dalamhati na bumú
bukál sa dalawáng matá ng naghihinampóng irog, mga daloy
na anaki'y maytaglay na mga butil-butil na bubog kung máta
màan ng mga liwaywáy ng isang ilaw ng gasera na nag-áalab sa
ibabaw ng isang tabláng sadyang patungán, ay hindi rin nakapag
pigil ng isáng hayág na pakikiramay sa lumbáy. Sa sariling
dibdib ay may nasasalát mandíng mga tarak ng pighatî na bumá
balatóng sa kanyang dating maluwág na hiningá : mga tarak na
bawa't isa'y nagtátandâ ng isá niyáng kasalanang nágawâ
laban sa tapat na pagmamahal sa mag-inang yaón . Ang
katwiran ay nakita ng kanyang gunam-gunam na nakay
Tentay ngâ ; at ang kahuli-hulihang mga salitâng náriníg na :
"Kung buhay ang tatay ko , marahil hindi mo kamí gáganituhín !"
ay siyang umukilkíl na totoó sa kanyáng dili-dili , siyáng lalòng
pumutós ng lunos sa boô niyáng katawan at kálulwá, at siyáng
ikinapagsabi ng :
-Alang-alang sa aking sumpâ sa iyong amá, bago nalagután
ng hiningá, ay huwag mo nang mababangít sa akin , Tentay, ang
isang pagsising ganyán ! Malinis ang aking budhî na hindi akó
nagkukulang sa náipangakò sa iyong amáng namatay. Kung
may ilang libong langit na masásaksí, ay sinasaksí ko sa katoto
hanang ako'y walâng adhikâng lumimot sa iyó at lumapastangan
sa dangál ng inyong karálitâan ! ... Hindi namán kuwalta
lamang ang ipinadalá ko sa inyó : tatló-tatló na ang aking sulat,
at sa mga liham ko'y sukat nang mapagtalastás ninyó, bukód
sa aking mga pasabi pa kay Delfín, kung ano ang mga nangyari
nápauwî akó nang dî ninyó nálalaman, sampû namán ng
ipinagtagal ko roón ng isang buwán .... Ano ang inyong
ilúluhà?
-Masásabi mo na nga ang lahát na iyán-ang tugón ng
binibini-Dátapwâ't ikaw ang lumagay sa lagay namin.
-Nálalaman ko iyán , Tentay : kinikilala kong malaking
pagkukulang ang gayóng biglâng pagkakáalís ; nguni't kun ang
ipinagdaramdam pa ninyong mag-iná ay ang pagkakápadalá
ko ng kuwaltang yaón, at animyo'y pagkutyâ pa sa inyong kahi
BANAAG A T SIKAT 331

rapan, bawìin ninyo ang gayóng pag-aakalà, sapagka't ang pinag


pápanuntán ko noón , sa ati'y wala nang napapalagay na ibá ....
-Kung náriritó ka -ang sambót ng dalaga.
-At sa bagay palá , pag ako'y walâ na rito, ay ibá na ang
inyong palagay sa akin?
-Kami pa ngayon ang bábaligtarín mo ! Ikaw ang sukat
mag-ibá sa amin , sapagka't sumúsunód ka sa iyong mga magulang.
-Na namán iyán !--ang malambót na wikà ni Felipe
Ipinagkakaila ko ba sa iyong dî ang mga magulang ko ngâ ay
ayaw na ako'y mag-asawa rito , at sakâ palibhasà sila'y mayaman,
kaya mayaman din ang ibig ? Nguni't hindi ka pa namán
nilá nákikilala , pagka't sana'y inibig ka rin , mahirap man, kun
ang mayaman mong ugali ay nakita na nilá kahì't filáng araw.
-Magpahingá ka ! ¡ mákita pa ang kapangitan at kaugalian
ko ng mga magulang mo, ay di lalò nang hindi ka nakaparito sa
boông buhay mo!
-Pangit daw siyá ! .... Nguni't sa bagay mang iyán, kung
magtítikisan , ay hindi silá ang masúsunód kundi ako.
-Eh hindi ba't sumúsunód ka na?
-Bigáy-loób lamang, sapagka't ako'y anák at sila'y ma
gulang; ikaw ma'y sa amá mo lamang sumunód , kaya nagtibay
sa akin . Kung nagkátaóng hindî akó ibig ng iyong amá at dî
ipinagbilin, bago nalagót ang hiningá, ¡ phsé ! .... tila kákausapin
mo pa ako sa mga araw na itó!
---Iyán ba ang pinag-uusapan natin? -ang iwas ni Tentay .
-Abá! at alín pa ? Binangít mo ang pag-ayaw sa iyo ng mga
magulang ko, at ang dating pag-ayaw sa akin ng iyong iná at ang
pagka-napipilitan ka lamang sa tagubilin ng iyong amá, kayâ
umíibig sa akin , ay salang-sala sa iyóng mábangít ko namán .
-Ay anó, dî ibá namán iyón? Hindi pa man ba nagbibilin
ang tatay ko tungkol sa iyó, ay dî pinakikiharapán na kitá ng
higít sa lahát ? Wala pa nga lamang tayong sálitâan noón , dá
tapwa't maykalinawan na ang pagpanhík mo rito ; at kayâ
namán hindi kitá mabigyán-bigyan ng pag-asa , ay hindî sapagka't
wala kang talaga sa loób ko ó walâ akóng kusàng pag-ibig, kundî
dahil na ngâ sa pag-aalaalang ang aking oo ay hindi magiging
matamis sa mga magulang mo , na noón pa'y nábabalità na naming
matataás daw magsalita at matatarík sa kayamanan . Tuwî
tuwî kong maiisip niyón kung paano ang gagawing pakikisama
sa kanilá, sakaling tayo'y íisáng dibdib na, ay naúumíd ngâ ang
dilà ko na magpahayag sa iyo ng "umasa ka na ." Alám mo
nang ako'y umiibig at mag-aasawa sa isang katapát ng aking
332 LOPE K. SANTOS

palad , hindî dahil at para sa akin lamang, kundî dahil at para sa


ikasísiya ng loob ng aking magulang at mga kapatid ! ...
-At sino ang katapát na iyán ng iyong palad ?-ipinutol
ni Felipe .
-Hintáy ka !
-Ah , sino sabihin mo muna .
-Ang pinag-uusapan natin ay niyaóng araw na wala ka pang
pag-asa, at hindi ngayón .
Kahi't na niyón at kahi't ngayón , sabihin mo kun sino.
-Ah , walâ .
-Tignan mo siyá ! .... bákit hindi mo masabi?
-Walâ rito sa Maynilà ngayón .
Si Felipe sa ganitong tugón , ay nagitlahanan ; pagka-kuwa'y
nag-wika ng walang kangitî-ngiti:
-At síno ? saán nároón ?
Si Tentay ay nakáramdám agád sa biglâng pagkabaklá ng
kausap; nguni't nag-walâng bahalà at ipinatuloy nang pangiti
ang pagsasalitâ:
-Na sa Silangan : ayaw paparituhin ng magulang at ang
ibig ay doon na papag-asawahin sa kapwà masalapî.
Ang talinghagang-sabi ay nahulò agád ng pinagsabihan ;
kaya't nakatawa nang nagbitiw ng birò.
-Mahusay kang tátalinhagà ! Wala na sa Silangan siyá
at na sa Maynilà : hindi namán umáalís sivá rito ni gahakbáng,
sapagka't kun ang katawán man niya'y náparoón , ang kalooba't
alaala ay naiwan dito. Ngayón , katawan at kálulwá ay kaharáp
mo na, ¿hindî ba ? ....
-Abá , hindi ikaw!-ang pahaból na pakli ng dalaga .
i
-i
-Síno lang eh?
--Eh kung sabihin kong pilit na hindî ikaw?
-Háhanapin kong pilit siyá kung síno .
-Eh kun sabihin ko sa iyong ikaw?
-Sasabihin ko sa iyóng... akó na ngâ ! ....
Oh, lamyusan ng mga salitâ ! Salamat dito'y nawahi yaóng
mga kuyap ng kalungkutan at hinanakít na may-isáng buwán
nang nagtatamasa ng oras sa loob at gunam -gunam ni Tentay.
Nguni't anóng layò ng pagpapalagayan ng dalawang ito sa pag
iibigan ni Meni at ni Delfín . Kun ang malulong na kalooban
ni Meni ay napakay Tentay nang mga sandaling yaón , at ang
mapangarap na budhi ni Delfín ang napakay Felipe, marahil ay
BANAAG A T SIKAT 333

humigít-higit pa sa mga salitâ ang pagpapatibay ng kaniláng


galák at pagkakásundô ; disin ay naging glorieta ang dampâng
iyón . Nguni't sa ganáng dalawang ito'y walâng gaanong kabu
luhán sa pag-ibig nilá ang gayóng bagay. Ang likás na pagka
matimtiman ni Tentay at ang likás na pagka-matimpî sa pag
ibig ni Felipe , ay hindi nagahasà ng anománg simbuyó ng pusòng
nag-úudyók ng isang magaspang at pangahás na gawâ sa mga
lagay na yaón. Ni samyuan ng mga labi ay walang nakasalít
sa kanilang pagkakátitigán ng boông giliw at boông lambíng ng
pag-irog. Kun sa bagay, siláng dalawá sa loob ay masasabing
lubós na nag-íisá, at ligtás sa matá at pakiramdám ng inang
hindi na muling pumasok, kundî ang kinaú-kausap namán at
pinag-usisâ sa labás , ay ang isang panauhing kasama ni Felipe.
--Kailan pa kaya mawawalâ sa loob ko ang pag-aalaalang
bakâ kung ako'y maging kasama mo na , ay magiging sa wîng
palad tayong lahát, dahil sa pagkagalit sa iyó ng mga magulang
mo ! ang pagka-iláng sandaling walâng búkahan ng bibíg, ay
náwika ng pabuntóng-hiningáng magiliw ni Tentay.
--Kailán pa ? Kung kailán mo ibig ; sapagka't ikaw lamang
namán ang gumúguní-guní ng iyó ring kasa wîán . Tignán mo
yaóng kaibigan kong pinapagdalá rito ng kuwalta , ngayon ay
nápatuloy na sa anak ng aking amáng-kumpíl na tinitirhán .
Hindi ba't ayaw na ayaw rin si Don Ramón na si Meni'y maging
asawa ng isang mahirap na paris ni Delfín ? Dapwà't, sa wakís ,
nang talagang ang anák na niya ang nanga tawán , walâ siyáng
nagawa kundi pumayag. Kagabi lamang idinesposada. Nákita
mo na yaón : anák na babayi ; ¿ akó pa kayâng anák na lalaki ?
Kung may-asawa na akó, ay mapakíkialamán pa ba nilá , kung
ayaw nang papakialám !!
-Ngayon ay anó ? -ang pagkatapos ng mga gayóng sabi ay
magiliw na itinanóng ng dalaga -Kung nákasál man silá , ay
¿anó ang masakit sa akin ? -idinugtong pang pabirô.
-Anó raw!
-Si Meni at si Delfín -anyá pa -ay hindî alangáng maging
mag- asawa , sapagka't kung mayaman man ang babayi, ay maru
nong naman ang lalaki ; hindi paris natin , na bukód sa mahirap .
na ang babayi, ay hangál pa at pangit : sa babayi napisan ang
lahát ng samâ.
-Ang lahat ng samâ ! -isinambót ni Felipe .-- Pangit ka ?
Ikaw ! .... Pagdalawahín man si Meni ! ....
-Oo , tuyâín mo akó: bagay na nga lamang akóng tuyâ
tuyâín ! -ang tampó ni Tentay.
-Hindi kitá sa tinútuyâ ni binibirò : ang uri ng mga da lagang
anak-mayamang paris ni Meni, karaniwa'y sa tapyás na lamang
334 LOPE K. SANTOS

lumálabás na makináng , kung bagá sa mga batóng mahalagá ;


dátapwâ't ang uri ng mga paris mo, ay bukál at katutubò . Ang
tao naman ay may kaní-kanyáng ibig : akó kailán man ay maibi
gín sa mga uring katutubò, kaysa mga gawâ-gawâ na lamang.
Aywán kun totoó na ngâng sakít ng mga babayi ang magalák
sa loob, kapág nápupuri ang kanilang kagandahan . Si Tentay
na di datihang magmapurí at magpalalò , hindi man nagkúkusà
ay nápahumindíg sa pagkakaupô, at yaóng mukhâng laging
kakanín ng lumbáy, ay nag-wangis hindi pa nakakakilala ng
kung ano ang kalumbayan. Nátumpák si Felipe ng pagtipâ
sa lalong pihikang damdamin ng babayi, at bunga ng ganito'y
nátamó niya nang gabí ring yaón ang isang matibay na pangakò
ni Tentay na kailán pa ma'y di na úungkatín nitó ang pagka
dukhâng iniáayaw sa kanyá niná kápitáng Loloy. Nápag-usapan
na sampû ng mga dinanasang araw at gabí ng isa't isá sa may
isáng buwáng di pagkikita , patí ang mga galit at pagtataboy ng
amá at ang mga pagluhà at pangaral ng iná, dahil sa nangyari
sa mga kasamá nilá at alilà ; gayón din ang pagsama ni Gudyô sa
pagtatanan, sakâ ang pagkakálayas ng walang kaanó-anománg
pabaon ng iná at kapatid . Náuwî ang pag-uusap sa paláisipán
ng kanilang pag-ibig at ng kani-kanilang kabuhayan . Dito
silá nápahangán ng walâng lubusang pasyá. Ang gabi ay lumá
lalim at silá na lamang dalawá sa loob ang dî pa sinásalakay ng
antók . Sa labás, ay hindi lamang nakabulagtâ na ang dalawáng
batàng "siná-pulót, " kundî patí si aling Terê ay madalás nang
mápasagót sa kausap ng pakalá-kalahating salitâ na lamang at
ang mga kalahati ay nahuhulog nang muli sa kanyáng lalamunan.
Si Gudyô ay nakalálaban pa , salamat sa mga kinusót-kusót sa
matáng nag-wáwa tíng-wating na rin at sa pag-impít sa mga hikáb
na umáali na sa kanya nang maminsan-minsan .
Nang sa gayo'y hindi pa rin nakakáramdám ang dalawang
wilíng-wilí sa loób, ay si Gudyô na ang napilitang sumungaw
sa pintuan at tinangûán ang kaibigan niyá. Noón pa lamang
nangatigatig, hangán sa mangagkapáa laman .

Magdamag na hindi man halos nápaidlíp si Tentay. Kina


ulayaw siyang walang higláw ng mga tagurî ng gunam-gunam ,
sa hindi natapos niláng usap ni Felipe, tungkol sa paláisipán
ng pag-iibigan nilá . Hindi malabás-la basán ng kanyang paghu
hulò ang súliranín ng magiging buhay, sakaling umayon
sa isang mungkahi ng sing-irog . Siya'y ináantíg na nitó na
kung ano ang nasa sa loob sa pag-iírugan niláng yaóng malaon na.
Si Felipe'y nangakong magbábalík na sa paghahanap-buhay,
BANAAG A. T SIKAT 335

hindi na áalís sa Maynilà, at kun sila'y nagsasama na ay hindî


ipakíkisama kailán man kiná kápitáng Loloy, kundî silá-silá na
lamang na mag-iiná at si Felipe ang magpípisan sa bahay ring
yaón . Ang ibig ni Felipe ay máraos na ang araw ng kaniláng
tunay na pag-iisáng dibdib ; nguni't pag-iisang dibdib na ibáng
ibá sa inaakala ni aling Terê, at sa inaasahan namán ni Tentay
na mangyayari . Si Felipe ay ayaw ng kasál, ni desposada. Ang
mga bagay na itó, sa ganáng kanyá, ay hindi kailangan ng tao,
upang mapatibayan ang taglay na pag-ibig . Iya'y tanikala
lamang, anyá, na ibiníbilibid ng pananampalataya sa isang katu
tubong karapatan ng tao : sa kalayaan . Ivá'y isang pakitang
matá lamang na ipinag-fibayo pa ng kasalanan ng mga taong
nakíkiugali ; sapagka't napakákasál pa at nanúnumpâ sa harap
ng mga kahalili ng Diyós , ay karaniwang hindî rin lamang natú
tupád ang sumpâ, at alám nang marami ang dî nakákaiwas sa
paglabág, kung nároroón na . Ang ibig ni Felipe ay ang kalayaan
sa pag-ibig. Araw na sa pagsasama nila ni Tentay ay mag
karoon ng isang malubhâ at wastông dahil na dî na ikapagkaka
sundô , kundî isásamâ pang lalò ng pagsasama , ay maáarì siláng
magkáisá sa paghihiwalay. Araw na sínomán sa kanilang dala
wa'y ganap na magkulang at maglilo sa katapatan ng pagsasama
at sa mga pangakûán nilá nang di pa nagsasama , ay maaaring
maghiwalay nang mapayapà at kalooban . Anopa't si
Felipe ay nagmungkahi na kay Tentay ng malayàng pag-ibig
(amor libre) , bagay na totoóng labág na labág sa mga kinágisnán
nitóng ugali at pananampalataya , bagay na totoóng dî maáatím
ng kanyang iná, at malayò namang ipagkapuri sa ma tá ng madlâ
ng kanilang karukhâán .
Sa Maynilà, náiisip ni Tentay, ay marami namáng madú
dulugáng makapagkákasál sa kanilá, at sa ganitó, magsama
pa ng hindi kasál sa simbahang romano ó sa aglipayano ó sa
protestante, ay isang paglabag nang talaga sa kanilang pagka
binyagan. Ayaw si Felipeng dumulóg sa alinmáng mángangasal
na itó : kapwa tao rin silá, at walâng kasaysayang maging saksí
pa, anyá, ang sínománg kapwà, sa isang bagay na hindi niyá
kinalaman , yamang ang dalawang magsing-irog din ang tanging
magsasama at tanging manánagót sa kani-kanilang pagkukulang
sa tungkol ng mag-asawa . Alinmán sa mga nagkákasál na iyán
ay pinagbabayaran ng salapî. Ang salapi sa mahihirap na gaya
nilá ay totoong kailangan. Ang limá, sampû ó iláng pûng pisong
nagúgugol sa pagkakasál , maging sa simbahan at maging sa mga
ugaling pagpipígingan , ay katumbás na ng isang lingó , isáng
buwan at hangáng isáng taong pagkain ng tatlong mahirap .
Kun ang pag-usig namán ng mga maykapangyarihan ang áalala
hanin sa pagsasama ng pagayón lamang, ay makakatwirang
336 LOPE K. SANTOS

sila'y di dapat pakialamán , sapagka't di man kasál ay nagsásama


namáng mahinusay, samantalang kayrami ng mga karumhán
at mahahalay na pagsasama ó pangangalakal ng katawan at puri
ng mga babayi, na , sa matá ng madlâ at sa mga karurukan din ng
Maynilà, ay tinútulutan at binabayaan ng pámunûáng iyán.
Kung alalahanin namán ang pulà at magiging kawikàán ng
madla ó ng bayan , ay maisásagót din sa lahát ó sa bayang iyán,
na : "mátuto ka munang gumamót sa sarili mong mga sakít, bago
ka pumulà sa aming kalagayan ;" sapagka't isang sosyedad na
walang ipinakikitang parati, kundî mga taong may pinag-aralan ,
mga taong magiginhawa na sa buhay, masalapî at maáliwan, na
siyá pang mapagtaglay ng mga mahahalay na kaasalán , ay wa
lâng karapatang dumalirì sa kahalayan ng pagsasama ng isáng
mag-asawang di ngâ lamang kasál sa simbahan, nguni'y kasál
namán sa harap ng sariling budhî at sa harap ng sariling kaloo
ban. Isáng masamang pumulà sa isang samâ, ay nababagay,
kundi man kagalitan , ay pagtawanán lamang.
Sa gunita ay napaglamayang basahin ni Tentay ang mga
ganitong paaninaw at matwid na sinabi ni Felipe sa pag-ayaw
sa kasál-kasál . Matáy nang itimbang ang kanyang mga tutol,
ay walâ ring makita kundî bigát ng pag-aalinlangan .
Náguní-guní ang pagkakásala sa Diyós kung máturang nag
pawalâng halagá at dî tumupád sa mga atas ng Santa Iglesia
tungkol sa pag-aasawa ; nguni't dito'y naalala niya ang mga
sinabi ni Felipe, na ang kailangan ng Diyos ay hindî ang pagtupád
sa mga atas at kaugalian lamang na ipinasúsunód ng mga Relihyon
kundi ang pag-gawâ ng mabubuting asal, ang maayos at matapát
na pagsasama ng mag-asawa , na sa loob at sa labás man ng
Sakramento, ay naaaring maganáp ó hindi maganap .
Nagi sa alaala ang bilin ng amáng namatáy tungkol kay
Felipe. Tunay ngâ't kábilin-bilinang kay Felipe siyá mag
asawa, sapagka't ang lalaking itó ang nakikilalang makapag
páginhawa sa buhay nilang mag-iiná kung mangaulila na ; dá
tapwa't hindi namán sadyang ipinagtagubilin ng nasabing amá
na sila'y pakasál pa muna bago magsama ; at bagamán ito'y
sukat nang mahakà sa pananampalatayang kinamatayán ni
mang Andoy, dátapwâ't hindî rin masásabing siláng dalawa ni
Felipe ay naalisán na ng kalayaan sa pagpili ng paraáng máibig
upáng huwag di máturang sila'y mag-asawa .
Nasok sa dili-dili ang magiging loob ng kanyáng iná : ma
lamang ang di pagpayag nitó kaysa pagpayag. Ang mga ináng
pilipina ay siyang lalong matibay na buklód ng pananampalataya
sa loob ng isang bahay ; siyáng lalong mahigpit na kaaway ng
anománg kabaguhan sa mga dating ugalì ; siyáng lalong masigíng
BANAAG AT SIKAT 337

na taga-tangól at taga-ligtás sa paglimot ng mga katungkulan


sa simbahan ; siyá sa isáng mag-anak ang una-unang mapagsagót
sa sínománg nag-áaka làng bumago ng kanyang sinasampala ta
yanan, na : " hindî iyán ang itinurò sa akin ng aking mga magu
lang ; hindî iyán ang nágisnán ko sa kanilá. "
Sa wakás, ay ang kanyang sariling loób ang parang nátanóng.
"Mabuti kayâ ó masama ang mungkahì sa akin ni Felipe?"
Kabutiha't kasamâá'y hálinhinang nagháharì sa kanyang pagku
kurò. Gaya ng lahat ng bagay, ang nasabing mungkahi ay naki
tàan niya ng dakong masama at ng dakong magaling. Masamâ,
kun sa dako ng pananampalataya títingnán ; masamâ kun ang
pagkukulang tiwalà ang sa loob ay papangyayarihin ; nguni't
mabuti kung nínilay-nilaying si Felipe ay anak ng matatarík
at mayayamang tao, na kung ngayo'y nilálayûán , málaó't mádali
ay lalapitan din, sapagka't ang magulang ay magulang at ang
anák ay anak . Sa bagay na itó , kun siya'y pípiliting ipakisama,
at kung mapilit na makisama , at sakâ siyá, ó ang kanyang iná ó
ang sínomán sa mga kapatid ay máturang maapí, at si Felipe ay
matuluyan namáng makisapì pa sa pag-apí sa kanilá, maluwág
ngâng makahihiwalay, bagay na hindi mangyayari ó mahirap
mangyari kun sila'y kasál. Mabuti rin , kun gúgunitâíng ang
pagsasama nang di kasál, ay isang bagay na makapipilit na sila'y
magpalagayang lagi ng walang alipin at walâng panginoón , para
ting matamís at tuwi na'y may sari-sariling loob na masúsunód ;
dî paris ng mga mag-asawang kasál sa simbahan na kahì't anó
ang kasamâáng gawin ng lalaki, ay sápilitáng tinítiís ng babayi,
kaya lumálalâ pang madalás ang samâ ng kanilang pagsasama .
Magaling din naman kung nánamnamíng gayón ang siyang
ibig ng kanyang infirog, na kun sa mula-mulâ pa'y súsuwayin
na , ay baka maging pintô na ito ng mga súwayan nilá sa hiná
haráp na panahong ipagsasama .
Ang pag-gunam-gunam ni Tentay ay lumiklík hangán
sa mga sulok na ito ng paláisipán ng kanilang pag-ibig. Sa
isáng pag-iisip na pahát na gaya ng kanyá , ay warìng kataká
takáng lumuklók ang gayóng mga pagkukurò ; dátapwa't yao'y
bunga na ng mga paaninaw ni Felipe, na pawàng pabaláng man sa
kinágisnáng pananampalataya , ay nagdudulot namán ng bagong
ilaw na ikinákikilala ni Tentay sa mga kasamâán at kabutihan
ng dating ugali at sa mga bagong ugaling makagágalíng ó hindî
sa sariling buhay.
Gayón man , ay walâ rin siyáng nákatulugan , nang mada
ling-araw na , kundi ang pag-aalinlangan . Sa pumayag ó sa
hindi pa, ay di maulatang alapaap ang namámagitnâ.
-Bahala na , pag-uusap namin uli ... ang ibinubulong
ng kanyáng loób, nang matuluyang makalimot na sa hígâan .
23
***** *****
*** **** ***
**
**** **

XX

Ang nagagawâ
ng Salapî

Naka-sanglingó pa si Don Ramón bago nátuloy ang bantâ.


Sa loob ng lingóng iyán, mulâ nang mapanaog ang sawing palad
na anák, ay siyá ang nagíng Meni sa pamumugad sa bahay : sivá
namán sa loob ng kuwarto ang maghá-maghapon at magdá
magdamag na nakipag-ulayaw sa mga kalunusan at hinagpís.
Nang si Meni ay walâ na sa bahay, ay hindî míminsang
sumagì sa kanyang akalà ang kabutihan na ng magpatiwakál.
Ang madlâng paraan ng pag-utás sa sariling buhay, ay kanyáng
náisip : magtuón ng rebolber sa dibdib ó sa bibíg, magbigtí sa
lubid na paris ni Hudas, uminóm ó kumain ng lason, magtalón sa
bintanà ó sa tuláy na Malakí, lumaban na ng patayan sa síno
máng mákagalít .... Nguni't ang alinmán dito'y hindi kápa
nibulusan ng kanyáng loób, at ang nakapangyayari ri'y ang pag
mumuni-muni sa sarili , na siyá, matandâ man , ay hindî pa bagay
mamatay ; nakapanánaíg din tuwî-tuwî na ang kagalingan ng
lumayo sa Pilipinas , iwan na ang kapamayanang itóng kanyang
kinahíhiyán , at lumipat sa ibáng lupà, doón sa mga lupang walâ
nang makapagsúsurot ng mga kasakit-sakit na pinagdaanang
araw at kakikitaan , kátatamuhán at kápagpapasasàan ng
maraming alíw, panglibáng at ginhawa sa buhay, bago mamatay.
-Kung ako'y walâ na rito , -anyá ―sabihin na nila ang ibig
sabihin : hindi na áabót sa akin ang mga waksí ng kalaghala ng
sínománg makaáalám ng mga nangyari sa amin.
Makáiláng umabala sa pagbubulay niyá ang tungkol kiná
Julita at ñora Loleng. Si ñora Loleng ay may sariling asawa;
bukód sa may katandâán na at hindî namán maisásama ng
gayón-gayón lamang sa isang paglalayás. Si Julita ay kasari
wàan pang di hamak, wala kundi isáng ináng sunód-súnuran
at hindi naman ikahíhiyâng ipakiharáp saán man taglayín . Sa
isáng paglalayag na búwanan ay totoong kainíp- iníp ang walâng
kasamang makalagú -laguyò ng pag-ibig. Dahil dito'y nábalak
BANAAG A T SIKAT 339

niya ang si Julita kaya'y ipagsama . Dapwa't ang ganitong


balak ay nasúsugpô , kung napag-iisip na ang kahulugan ng
dalhin si Julita sa gayong paglalagalág, ay isang pagdada lá
ng mabigat na pásanin, isang paglipad nang maysadya nang
tali sa pakpák. Ang idáda yo niyá sa ibang lupà ay isáng
pagliliwalíw, isáng hangád na málinğíd na nang lúbusan sa matá
ng bálanang kababayang makakakilala , at isáng tangkâng
kung nároroón na ay doón ihanap at ipagsamanta lá ng aliw
ang mga huling araw ng kanyang buhay. Sa Hapón, sa
Amérika , sa Europa , ay hindi kúkulangin ng mga pang
takíp sa ilán mang Julitang kakailanganin . Kun sa pag
lalayag lamang, ay makapagtítiís na hangáng sumapit sa Yoshi
Whara sa Hapón . Salapî ang kailangang dalhing marami at
ang lahat ay hindi mawawala, hindi magkukulang. Yaóng
dalawampung libong piso na una niyáng iniháhandâng bauning
panghabang buhay, ay hindî humangá sa gayón, kundî náisip
pang taglayin na ang lahat ng salaping matátagláy, iwan
na lamang sa mga anak ang mga pag-aaring bahay, ang puhunan
at mga karapatán sa pagawaan ng tabako , ang mga lupà, sasak
yán, hayop at iba pang kayamanang hindî salapî . Sa " Banco
Español- Filipino " ay may patago siyá nang mga araw na
yaón na tatlumpû at isang libong piso ; sa ilang bahay
kalakal at kaibigan sa Maynila ay may ilang pagaré na
masisingil anománg araw, iba'y sa "Chartered Bank" at iba'y
sa "Banco Internacional, " na kung malílikom ay aabot sa
may walóng libo at limáng daáng pisong mahigít. Anopá't
bayaan na ang mga ibang putá-putaking halagá na pautang
pa niya sa ilang kaibigan at kasapi sa "Manila Jockey Club,'
gayón din ang mga dividendong dapat makabahaging tubò pag
katapos ng pagtutuós sa El Progreso, sakâ ang mga mási
singil nang buwang natapos sa mga bahay na páupahán , si Don
Ramón ay may kanawa -nawang mga apat na pûng libong pisong
máipa-hihiro saán mang lupàín pumaroón .
-Sa halagang itó-anyá -ay malilibot ko na ang San
sinukob ! At ang aking mga maíiwang pag-aarì at puhunan
ay sivá namáng mápasa aking mga anák. May ibá pa siláng
maaasahan sa akin kung ako'y mamatáy . Ang buhay ko'y
asegurado na ngayon nang may dalawampûng libong piso : ito'y
para sa kanilá rin.
Nguni't sinong silá ó kanila ang binábangít ni Don Ramón?
Si Meni ay hindi na niyá anák : isinumpâ nang dî míminsan
kundi makápupô. Kayâ sa tálàan ng kanyang pagkukurò at
pag-aayaw-ayaw ng mga kayamanang mafiwan, ay dalawang
pag-asawahan lamang ang kanyang kinikilala at pinagtátaanán :
ang mag-asawa ni Talia at ang mag-asawa ni Siano . Sa mag
340 LOPE K. SANTOS

asawa ni Meni, ay mabuti pa ang mga anák sa ligaw at sa labás , na


pinaggugulan ni Don Ramón ng paghuhulò-hulò kung nararapat
humirang sa kanilá ng mga ukol pamanahan at kung paano at
gaano ang karampatang itaán .
-Akó ang magulang, akó ang amá, ako'y nabúbuhay pa't
malakás, akó ang masúsunód sa pagbabahá-bahagi kong ibig
gawin sa aking mga anák !-ang madalás máwikà, kapág umáali
sa kanyang loób ang ngalan at mga karapatán ni Meni sa gayong
mğa yaman.
Sa ganang loob ni Don Ramón , ay talagang páhimakasan
na ang bantâng pag-alís. Ibiníbilang na niyang siya'y patay
sa Maynilà . Kaya ang lahat ng mga paghahandâng ginagawâ
sa mga mafiwan, ay pawang paghahandâ na ng isang mayamang
maysakit na malubha.
Si Yoyong ang tangì niyáng sangunìán at katú-katulong.
Ang bufete ng manugang na abogado at notario público , kailán
mang nalupà sa kápapanhík at kátitigil ni Don Ramón, ay di
paris ng mga araw na yaón . Halos tuwing manánaog sa bahay
ay walang magkasama kundi siláng dalawang magbiyanán.
Ang lahat ay niyáyarì ng parang "templo ni Salomón."
Makáiláng si Talia ay nakáramdám at nag-usisà kay Yoyong
sa mga nábabagong kilos ng kanilang amá. Nguni't ang inú
usisa'y malihim din at di bumábali sa sálitâan nilang magbiyanán ,
na huwág ipagmámakaingáy ni sa mga anák ang gayóng biná
balak gawin .
Makáiláng si Talia'y manubok sa amá, kung ito'y nagkú
kulóng na mag- isá sa kuwartong hihigán ó sa kuwartong aklatan,
na kadalasan niyáng másilip sa tigás na paghahalungkát ng mga
papeles at sa parating pagpipili ng mga damít . Dátapwâ't walâ
siyáng náta tamóng málaman sa mga tunay na dahilan ng gayón .
Tuwing manána og ang amá, ay hindi naíiwang di nakasusì
ang mga nasabing kuwarto.
Kausapin dili na siláng lahát, máliban na ngâ lamang si
Yoyong na parang siyáng tanging mayhalagang tao sa kanya.
Si Siano at ang asawa , sakâ si Talia , kung nagsisidalaw kiná
Meni ay madalas na nakapagsasalitaan tuloy ng tungkol sa
ganitong pagtatangì kay Yoyong ng kanilang amá. Sa isáng
dako , ay nasasabí-sabí niláng una ang Diyós , ay ikalawá na si
Madlang-layon na pinagkákautangan nilá ng loob sa pagkaka
pamayapàni Don Ramón tungkol sa mga nangyaring kapahamakán
ni Meni ; at sa isang dako namán, ay parang silá'y nanganánaghi
ling nangagágalák sa gayóng kalagayan ni Yoyong, na nagiging
mahál pa mandín sa mga tunay na anák.
BANAAG AT SIKAT 341

Lalò na si Meni : siyá ang lalòng makatwirang maghinanakít


at managhili, danga't si Yoyong ang masasabing nakapagkaloob
sa kanila ni Delfín ng gayong panahon ng kaligayahan, at kundî
ang tinurang bayaw, marahil ay inabot na siya ng pagkamatay
sa pagtitiís at sa dî pangyayari ng kanyang mga pangarap .
Gayón man, ang pagkakatiwalà nilá sa magandang loob ni
Yoyong ay buhós na buhós . Salamat pa, anilá't, may
nakakakata-katabáy sa mga kainitan ng kanilang amá.

Ang katotohana'y talagáng nágayuma mandín ni Madlâng


layon ang biyanán . Nasaliksík niyá at nasilip patí kásuluk
sulukan ng loob ni Don Ramón. Yaóng mga bagay na
dating sa lalamunan man yatà ay hindi pinamamalayan ng
matandâ, ay nangyaring sa kanya'y ipinagtapát. Yaóng
mğa arì, yaman, utang at iba pang mga saguting hindî tatáp
niná Talia , kay Yoyong ay hindî na nangálihim . Ang ipinag
káganitó ni Don Ramón ay ang sapagka't siya'y walâng-walâng
naaasahang tulong ng mga anák, maging kay Siano, kun sakali't
may mga kapansanan ó anománg sigalót na nangyayari sa kan
yang buhay ; samantalang ang manugang na abogado, hindî pa
man asawa ni Talia , ay siyá na niyáng sangunián at madalás
na taga-tangól sa balang usaping kasuungán .
Kayâ, pag si Madlâng-layon na ang nagsasalitâ si Don
Ramón ay walâng hindî kinároroonán , ay dahil sa si Yoyong
ay totoong magaling tumukoy sa lalò niyáng malalalim na dam
damin .
Hindi fisá ang nálalaman ni Madlâng-layon na dahilan ng
pagkamuhî ng tinurang biyanán, sa pagtigil pa sa Maynilà.
Bukód sa pag-aasawa ng anák na dî niyá kalooban, ay natátalós
pa ni Yoyong na hindi man nagkágayón si Meni, ay sápilitáng
kailangan ang lumayo siyá sa Maynilà, kung nahihinayang pa sa
buhay ; sapagka't si Don Filemón , na diwà'y totoo nang punô ng
mga hinalà at hinóg sa mga álingasngasang kung bakit nama't
nakakalat pa tungkol sa basag-ulo nilá noóng tanghali, ay walâ
nang mabuting tingin sa kanyá saán man silá magkita , ayaw
man halos makipagbatìán at parating sakbibi ng nasàng mahulog
sa kamay niyá si Don Ramón.
Damay-damay na ang mga kabagayáng itó na nagtú
tulak sa biyanán ni Madlâng-layon. At kung isásanib pa
ang maluwát nang talagang pagbabantâ na silang mag-anak
ay makapagliwaliw na mga anim na buwán sa Hapón ; kung
idáragdag pa ang paglulungati niyáng mákita nama't malibot
ang boông Estados Unidos , kayag ng mga balità sa kanya ng
342 LOPE Ꮶ . SANTOS

maraming kaibigang náparoón , lubhâ pa nang mga panahóng


yaón ng Tanghalan sa San Luis , na , dî umanó, patí káliit-liitang
konstable ay may káa -kaakbáy at pinag- aagawán pa ng magagan
dáng amerikana ; at sa ibabaw ng mga panghalinang iyán , ay kung
ipúpunô pa ang mga kagaanán ng loob niyáng gugulin at tuna win
ang ilan pûng libong piso man sa mábabaon , máturan lamang na
walâ nang lupà at ligaya ng Amérika , Europa at Hapón na dî
niyá nátikmán at naabót, .... hindi man si Madlâng-layon ang
makatalós at magkurò, ay walang hindi maniniwalàng nápa
panahón na ang paglalakbay ni Don Ramón sa kasabík-sabík
na malalayòng lupà at ang paglisan sa kinasúsuyàan nang Maynilà.
Walang nakagambá-gamba là sa paniha làng itó kundî ang
pag-aalaala sa kung ano-anó ang mabuting dahilanín sa pag
alís, upang hindi maging kagila-gilalás sa mga kaibigan , sa mga
kapisanan at mga pahayagán sa Maynilà , ang kanyáng biglâng
biglâ ritong pagkawala. Nguni't ang kakulangang ito'y napagtu
lungan nila ni Yoyong na ipinag-isip ng mga panakíp na dahilán.
Mamímilí, sa halimbawà, ng mga mákináng pang-gayat ng tabako
at panigarilyo , upáng máiragdag sa mga gamit ng El Progreso;
pakikialamán sa Hapón, sa Estados Unidos at sa ibá pang
dáungan sa Europa , ang lakad ng mga pangangalakal ng tabako
tuloy makíkitulong sa mga nagsísilakad na mapababà ang Tarifa
Dingley at masugpo ang Rentas Internas na ikamámatáy balang
araw ng mga pagawaan sa Pilipinas ; dáda lawin ang dalawáng
pamangking nag-aaral sa Amérika , na isa'y sa gugol ng pámunùán
at isa'y sa gugol ng mga magulang na ináambagán niyá ; maglá
lakbay, upang magpagaling sa isang mabigát na karamdamang,
ayon sa mangagamot ay palalâ ng palalâ, kapág dî muna ipag
pápahinga sa mga gagawin at kapág dî ihahanap ng ibang singaw
ng lupa at panahón . Itó at mga iba pang bagay ay labis nang
dahilanín niyá, upang siyáng, isáng taong hayág din naman sa
Kamaynilaan at gayón din sa maraming mga lalawigan ,
ay huwág ipagtaká nínomán sa walâng kamalák-malák na pag
alís , kun sakali't ito'y mábunyag na.
Si Don Ramón na dating maibigíng ang bawa't kilos niya'y
kantahin ng mga pahayagán , sa ngayo'y natutong magtimpî at dí
magmakaingay ng binabalak . "Ang bagay na ito'y sakâ na , anyá,
málathalà sa lahát, kung ako'y nasa sasakyán na . " Sínomán
sa magkakapatid , kung makákaalám , ay táhasang hindî pápayag
na ang kanilang ama'y umalís na mag-isá sa paano mang dahilán
at sa gaano mang kadalián . Mabuti si Julita : nang ipahiwatig
niyáng saká-sakaling maibig pasa Hapón ay kun sa kanya'y
sásama , sumagot ng hindi at nagpakátangí-tangí sa pag-alis sa
kanyang bayang sarili at sa pagsama sa isang matanda sa ibá
BANAAG AT SIKAT 343

pa nama't kay-layòng bayan. Nguni't kay ñora Loleng namán


siya'y nag-ingat nang magpamalay pa muntî man , sapagka't
gayón man ang lubhâ na ng mga nangyari, ay hindi pa rin nagtí
tigil ng kapapadala sa kanya ng pasabi ó sulat , at ang ganito'y
hindi na pinagpapakitunguhán pa ni Don Ramón , bagkús nagtika
na ng lubusang paghiwalay at paglimot.
Walâ na si Don Ramóng sukat pang ikabaklá bago umalís
kundi ang testamento; nguni't ito'y sa mga katalinuhan ng abo
gadong manugang ipinaubayà . Si Yoyong ang naghandâ ng
lahát, at si Yoyong ang pinaglagakan ng lalong matibay na ka
pangyarihan sa pangangasiwà ng mga maíiwang pag-aarì at
kayamanan : anopa't si Yoyong ang magiging amá sa bahay,
at hindi ang anak na lalaki, na kailán ma'y di mapagtiwalaan
ng gayong mabigát na katungkulan.

Nang gabing si Don Ramón ay handâng handâ na , upang


kábukasan ng umaga ay makalakad sa bapor Sungkiáng para sa
Hongkong, sa paghahapunan ay ipinahayag din sa mga anak
na kasalo ang kanyáng di na máuurong na paglakad . Ang
paalám ay ílanáng buwán lamang, at sa pasubaling bakâ doón
na sa ibang lupà siyá abutan ng kamatayan, ay ipinakilala ang
dahil na ikinápagmarapat niyang gumawâ na ng testamento ,
alang-alang din sa ikápapanatag ng loob niláng mga anák na
maíiwan .
Si Don Ramón , kapag nagsasalitâ at nagmámatigás sa isáng
panukalà, ay may ugaling masamang tutulan . Gayón man,
si Talia at si Siano, pagkáriníg sa kalunos-lunos at matigás
na balak ng kaniláng amá, ay nagsitutol din at halos di man
nangakakain na , sa laki ng kabaklahán at sa samâ ng kalooban.
Noón na nabuo ang mga hinagap sa dî ugaling pagkabalisa at
mğa kilos ng amá at ni Madlâng-layon, nang mga huling araw
na nagdaán . Sa loob ni Talia , at sa pahayag ng ilang mariíng
írap at bulóng, ay sinisi ang kanyang asawa, kung bakit gayón
' palá't nakaáalám ay dî karakang nagpahiwatig sa kanilá . Disin
ngâ nama'y napigil na agad ang paghahandâ at dî na umabot sa
gayong araw na ang balak ay yaring-yarì't dî na mabábalì .
Sa di oras ay nagkátindigan sa pagkain , at nang si Talia'y
masok ng lunós na lunós sa kuwarto ng amá at sundán ni
Yoyong, ay doón ngâ niyá nákita ang pagkakábastâ na ng lahát
na mga dadalhing damít, aklát at mga kasangkapan ng áalís .
Nagsisihan ang mag-asawa ; nguni't ang dating matamis na dilà
ni Madlâng-layon ang siyá ring nagwagí. Si Talia , sa mğa
paaninaw na ipinahayag ng asawa , ay wala nang nagawa kundi
344 LOPE K. SANTOS

ang daanín na lamang sa tulò ng luhà ang sama ng loob at


lunukín sa lalamunan ang matigás na pag-ayaw sa matigás ding
balak ng matandâ.
Sa mag-asawa ni Siano ay walâng masamâng tinapay. Baga
mán dili ang hindî nilá ipinangígilalás at dináramdám ang gayong
pag-alís ; dátapwâ'y madali si Sianong pagpakilalanan ng galing
ng gayong panukalà, lubhâ pa't paris noong ipinaliwanag ni Don
Ramón na siya ang pag-iiwanan na muna ng tungkól at sahod
sa El Progreso at sakâ násasaysay na sa testamento ang mga
pamanang sa kanya'y máuukol. Na sa testamento'y hindi
siyá ang nálalagay na unang taga-pangasiwà sa mga páupahán
at iba pang pagkabuhay at aring maíiwan ; na si Meni ay walâ't
hindi nasasali roón , bagkús sadyâ pang nasasaád ang pagtata
nging talaga ng kanilang amá na dî pagkákalooban ng kahi't
anóng pamana , sapagka't labás na sa kanyang kapangyarihan ,
pananagót at katungkulan ; na ang bayaw niyáng abogado , sa
paghipò ng palayók na mauling, ay hindî malayòng máulingan ,
anopa't siya pang makahigit sa karapatán at bahagi ng kanyang
pagkatunay na anák ..... alinmán sa mga bagay na itó kay
Siano ay walâng gaanong kabuluhán na sukat bagáng ikatigatig
ng tulóg niyang kalooban at sukat bagáng ikásumáng ng matigás
tigás sa nilóloób ng amáng nagpápasyá.
Walâng-walâ si Siano : malamang pa ang pagkalalaki ni
Talia kaysa kanyá kun sa mga bagay na ganganitó . Si Talia ngâ
lamang ang totoong nabíbinlukanan ng gayóng mga panihalà ng
kanilang amá. Si Talia , ang kung naniniwá-niwasáy man sa
mga
mğa payo at paaninaw ng ama at asawa , ay siyáng dî
makaatím-atím ng anomán sa inaakalà ng áalís .
-Kun silá ma'y áalis , bákin iginawâ na tayo ng testamento?
-ang náitanóng kay Yoyong sa pag-uusap niláng mag-asawa
sa salas , habang si Don Ramón at ang mag-asawa ni Siano
ay nag- uusap namán sa komedor.
Ipinanglúlumó ni Talia ang ganitong bagay. Sa pagka
budhîng-anak niya ay sumásalagimsím ang diwa'y nakikiní-kinitá
na ng kanyang ama ang kamatayan sa malayòng lupalop, na
anopá't dî na silá marahil mulîng magkikita .
---At kung iniáagap man ng tatay ang testamento , -ang
ipinagpatuloy na ungkát ni Talia - ay ¿bákit namá't ganyán na
ang pagkakatakwil sa aking kapatid na babayi ? ...... Kaawà
awà namang totoo na si Meni ! Ako'y hindî makapapayag sa
ganyán !....
Pahinagpis na ibinigkás ang mga salitâng itó , bago sinundán
ng paiyák na namang pagsisi sa asawa :
-Ikaw na nakakita ng gayong panukala ngtatay , ¿ano't natiís
mong málagáy, bayaw at abogado ka pa namán? Si Meni
BANAAG AT SIKAT 345

ay hindî anák sa ligaw, kundî kaparis din naming anák sa loob


ng Matrimonio, ¿paano ang inyong ginawâ at anó ang kákatwi
ranin ng tatay sa di pagkakaloob ng mana ? Maáarì ba iyón ?
-Kinalaman ko sa tatay mo ! -ang iwas ni Madlâng-layon .
-Nákikilala mo na yaóng, ang maibiga'y walâng sirà, anó ang
aking magagawâ sa kung ano ang nilóloób niyá sa kanyáng mğa
pag-aarì ? Wikàin pa sa aking marunong pa akó sa kanyang
kabuhayan, siyá kong nápalâ ! .... Tangi sa rito , maáarì, dili
ang hindi , ang itakwil si Meni, kun siyáng kalooban ng amá
ninyó. Siya ang amá, siyá ang masúsunód. Kung may mğa
sanhîng pinanghahawakan , ay maaaring kaitán ng mana ang isang
anak. Ang mga bagay na ito'y hindi mo sukat maabót kundi nğ
mğa abogado lamang . Sakâ ang isa pang pinagpanuntán ko kayâ
dî na sinalá ang iyong amá sa ganyang pasyá, ay ang nakikita
nating siya'y totoong ayaw na ayaw at poót na poót sa mga nang
yari kay Meni , na salamat at sa pagkakaít na lamang nápa
buntó ang kanyang kapootán . Alám mong kundi ko napag
payú-payuhan, sampûng buhay man yatà ni Meni at ni Delfín
ay kulang pa niyang pinag-uutás. Ang nakawikàán ko'y hayàan
na ang kanyang ibig gawín, sapagka't kung pagtútuusín , ayon
sa testamento, ay hindi namán sa náiibáng kamay mahuhulog
ang mga pamanang ikinakaít kay Meni. Sa inyó ring magka
patid ni Siano máuuwî. At sinabi sa aking kundî kayó
magsisipayag ay hindi maliwag sa kanyáng huwag muna kayóng
igawa ngayon ng testamento. Gúgugulin niya ng gúgu
gulin ang maibig ubusing salapî at pag-aarì hangán siya'y nabú
buhay. Sa ganito'y walâ kayong magagawâ sa kanyang pagka
amáng buhay pa at malakás. Alin na nga, Talia , kun ganitó
ang mangyari. Ni ang dapat ipamana kay Meni ay hindî mápa
painyó, ni ang ganang inyo'y hindi maaasahang buông máta
tamó , kapag nagkátaóng nagalit at nagkulít ng totohanan ang
matandâ . Kila lá na natin siyá kun sino , Talia : hindi mo na
ipagtátanóng . Ah, hindi mo pa nalalaman ! Kundî ko nasupil
sa akalà, ay tangkâ nang iwanan ng kung ilang libong piso si
Julita , at gayón din si ñora Loleng. Ngayón, kung bagamán
nagkáganyán ang pasya ng tatay sa testamento , ay ¿ anó't dî
mo pa paráraanín , ay maáarì namáng ipag-antáy natin ng paglipas
balang araw? Ang kailanga'y huwág mápatapon ang inyong
mga ari-arian ; ang kailanga'y huwág malanság at matunaw
sa di oras ang inyong mga karampatang manahin . Bagay
namán kay Meni, huwag mo munang pamalayan iyán. Ganyán
man ang tagubilin ng tatay mo, tayo ba namán ó kayóng mag
kapatid ni Siano ay patay na loob nang magpápa bayà sa kanyá
kung nahihiwalay man sa atin? Hindi pa naman ninyó pag
346 LOPE K. SANTOS

háhatiin ngayón ang mga kayamanang iyán, pag-alis ng


tatay, ¿ anó ang ikaháhalatâ ni Meni kun siya'y di mo namán
binabayaan, kundî ináabután din ng madlâng kailangan?
Anó pa ang maitututol ni Talia sa mga gayong paliwanag
ng asawang abogado ? Babayi man siyáng may pinag-aralan ,
ang pagkaba bayi niya't pinag-aralan ay hindi umáabót sa mga
likaw-likaw ng palakad sa mga pámanahán . Labis ang kan
yang paniniwala sa katalinuhan at tapát na pakikisama ni Mad
lâng-layon . Tangì sa rito , kung ipakipagtalo man namán
niya ang mga karapatán ni Meni, ay hindi málalaman kun saán
siyá bábagtás ng katwiran. Walâ na kundi ang huminuhod .
Ang kasaklapán at hapdî ng kanyáng mga damdamin ay ipinag
bigay-sala na lamang sa katigasán ng loob ng kanyang amá.
At naging bilang pangpahilom sa mga iwà ng agam-agam at
paghihinuhà, yaóng mga payo ng asawa , na , paraanín na muna
ang mga alimpuyó ng loob ng kanyang tatay at ipag-antabáy
sa balang araw na paglamig. Gayón din, ikinátigháw ng kan
yáng naháha bág na dili-dili ang magandáng hatol ni Yoyong
na nagkágayón-gayón man ang pagkakásagwâ sa poót ng matandâ,
ay huwag pababayaan si Mening na sa "ta lagá ng Diyós " pa
namán, kundi samantalang di naglúlubáy-loób, ay kaniláng lí
lingapin din sa pagka -tunay na kapatid at áabután tuwî na ng
madlang kailangan .
-At anó ang sabi sa iyó ? -náitanóng na lamang ni Talia ,
nang hupâ-hupâ na ang mga sakit ng loób -¿ kailán daw silá
bábalík? Hindi na raw ba úuwî rito kailán man , kayâ gumawâ
ng testamento?
-Walang sinasabing bilang ng buwán ó taón sa akin , -ang
tugón ni Madlâng-layon -kundî ang, bahalà na raw.
-Bákit hindi pa tayo sumabáy na ngayon ay maytangkâ
ka rin lamang na mákita natin ang Hapón?
-Hindi bagay ngayón, hija: naglalabanán pa ang mga
ruso't hapón , at saka kung patí kitá'y maglalayás , ¿ sino ang
mag-aayos at mag-áadhikâ ng mga ari-arian at ságuting íiwan
dito ng tatay? ¿ maáarì ba ang kapatid mong si Siano na tútulóg
tulóg? ¿ di ipinadalá niyón ang lahát sa agos ?
Sa pagsasabi ng ganito ay na sa katotohanan si Madlâng
layon , kaya't si Talia ay sumang-ayon na lamang.
-Yoyong, ang pagka-sandaling walâng ímikan ay náwikà
na naman ni Talia -totoóng masama ang kutób ng loób ko
sa pag-alis na iyán ng tatay: sumása la gimsím sa guní-guní ko ,
na diwa'y doón na sa dagat ó sa ibáng lupà siyá mamámatay !
-Hú! iyáng kutób mo't sa lagimsím ! Saán man ba puma roón
ang tao ay di dalá ang kamatayan!
BANA AG A T SIKAT 347

-Paano ma'y ibá na sa nákikita ng mga anák.


-Oo nğâ, ¿ ay anó ang ating magagawâ diyán sa tatay
mo na hari ng tigás ng ulo? Sa isang bagay, ay mabuti na rin
ang malayo muna silá rito sa Maynilà. Masamâ ang tinátayûán
ng tatay mo kay Don Filemón . Alám mo ba ang mga nangyari?
-Ano ang nangyari?
At isinaysay na ni Madlâng-layon ang lahát ng mga isinay
sáy namán sa kanyá ni Don Ramón , hangán sa , galing na sa labás,
ay masok na rin itó at makihalò sa kaniláng úsapan . Mápa
mayâ-mayâ ay nápaanib na rin patí si Siano, at doon sa salas
ang mag-amá ay nagtapós ng sálitaan tungkol sa dî na máu
urong na pag-alis kábukasan at tungkol sa pag-iiwan ng mga arì
at dilang kayamanang dî salapi sa pangangasiwà ni Madlâng
layon, habang dî nilá pinagháhatì ng ayon sa testamento .
Sa paggiít din sa mararamdaming dibdib ni Talia ng kapa
libhasàáng ilalagak ni Don Ramón sa kanyáng kaawà-awàng kapa
tíd na bunsô, na , maysakít na'y tiwalag pa sa kanilang pagka
kalinga, ay mawawalan pa ng pag-asa sa karampatang manahin ,
ay iminungkahì sa amá ang tungkol sa mga damít at alahas ni
Meni , na sinamsám at ayaw ibigáy, bagkús ipinagbabastâ na rin
at isinama sa mga dádalhin sa paglalakbay.
-Hamong dalhin ko !-ang matigás na paklí ni Don Ramón.
Ibigay mo sa kanya kung ibig mong ipagbibigay iyáng mga damít
na lamang na walâng gaanong halagá. Nguni't yaóng mahaha
lagang pinagpili ko, kundi ko rin madádalá bukas, ay mabuti
pang pagsusunugín . Ang mga alahas na lalong magagaling ay
pamana at bili ng iyong iná . Ni sa kanyáng iná ay hindi siyá
dapat makinabang ngayón ; sapagka't ang iná ninyó , kung nabú
buhay pa , at ganyan ang kanyang gagawín , ay pápatáy rin sa
kanyá.
-Hindî pô namán , tatay, marahil -ang tutol ni Talia.
Si Meni ay mahal na mahal sa nanay , nang nabubuhay pa .
-Kahi't na mahál na mahál ! Kung buháy namán ang
nanay mo, ay hindî mangyayari ang ganyán . Ikaw ang tunay
na masisisi , sapagka't ikaw na kapatid na matanda ang nagpa
bayà... Siyá, huwag mo na akong papagsalitín , kung ibig
ninyóng huwag nang mag-init na namán !
Sa náriníg na ito ay parang nápatda hán ng dilà si Talia :
anaki'y násalangán ng isáng maanták na sugat na di namán
máipamalay sa mga kaharap. Nang dî na siyá umíimík , ay
nagpatuloy si Don Ramón :
-Anó ang ibig ninyo? ¿ tawanan akó ng isang taong putók
sa buho, na nakakuha na ng isang anák kong pinakamámahál ,
348 LOPE K. SANTOS

ay pasásalapîán pa't bíbigyán ng mga mahahalagang aring


mátutunaw at maipagtátakíp sa paglulumamon-dilì ng lahát
niyang kamag-anakan ? .... Anák ko ang sumusunod sa akin,
nguni't ang hindî ay hindî. Kaya, yamang ang walâng hiyâ mong
kapatid ay nakáibig sa isang hampás-lupàng tao , patí siya'y
makihampás-lupà na rin . Bigát nilá, dalá nilá : hindi akóng
nápugayan na ng puri, ay patátawa pa hangán sa bagay na iyán!
Nákikita ni Madlâng-layon na nag-iibáng kulay na ang
sálitâan , kayâ ang asawa niya'y kininda táng ibig baga waring
sabihing, huwag nang magpumilit sa pagtutol . Gayón man,
si Talia ay humiling pa rin .
-Ang akin pô, tatay, ay itó : yamang gayón na rin ang
pagtatakwil natin sa kanyá, at si Meni naman ay walang hindi
kinároroónan sa balang máloób natin, ay hayàan niyo nang
mápadalá sa kanya ang lahát-lahát ng mga damít na náririyán ,
sapagka't mabúbulók din sa pagkakátagò maging ang náritó at
magíng ang ibig niyóng dalhín , at hindi ko rin pô namán maipag
súsusuót. Gayón din ang mga alahas .
-Ang mga damít, oo ; -ipinutol ng amá -ang mga alahas ,
ayoko : dádalhin ko saán man akó máparoón , upang magpaalaala
sa akin kailan man , na ako'y nagkaanák ng isáng taksil na
pinarusahan ko't sinumpâ . . . . Siyá, siyá na na : huwág
na ninyo akong papag-initing mulî, at ang bagay na ginagawâ
ko ay akin nang náiisip kung masamâ 6 magaling. Hindi kayong
mga anak ko lamang ang makapagtúturò pa sa akin. Gawín
ninyo ang aking mga ipinagbibilin at sivá kong nálaman .
Mğa salitâ itong parang nangaling sa bibig ng isang mabangis
na hukóm , na tinunguhán na lamang ng ulo ng mga pinag
sásalitán.
Ang sálitâang yao'y lumamíg na kusà, hangáng ang mga
hikaban ng isa't isá ay siyá nang pumutol sa paghahárapan ,
na ang matandâng áalís ay di na napasukan ng isá mang hatol.
Umumaga , at si Don Ramón ay napalakad ng gaya ng kan
yáng tangkâ .
Walang pinagpaalamang mga kaí-kaibigan , máliban na
lamang doón sa mga sukat maniwalang ang dahil ng
paglalakbay ay nahihingil sa mga kailangan ng El Progreso.
Kay Don Filemón ay di na rin nagpahimakás ng isang paki
kipagkita . Sukat ang isang sulat na ipinahulog sa Correo nang
umaga lamang na yaón . Tungkol sa págawaan ay inihabilin
sa sulat ang kanyang anák na siya nang katwangín sa pama
mahalà. Tungkol sa mga bagay na kanilang pagkakapagkagalít,
ay nagpapatibay na namang si Don Filemo'y mali sa panana
pantahà sa kanyá, kayâ upáng málavô sa sálitâan, ay natu
luyan na siyang maglayág, at marahil ay magbalík-dili na rito.
BANAAG AT SIKAT 349

Hindi sinabi ng tukoy kun saán siyá patútungo ; nguni't ipina


hiwatig din ang makaráratíng sa Hapón , sa Tanghalan ng San
Luis at boông Amérika , saka sa mga bayán-bayán ng Europa .
Walang kinasama si Don Ramón , kundî isáng alilàng lalaki
sa bahay. Isáng binatà itong wala nang inaalaalang magulang,
sapagka't ulilang lubós sa amá, sa iná at sa mga kapatid . Siya'y
kapampangan , at bagamán hindi pa nalálaong naglilingkód
kay Don Ramón , ay námahál namán dito , sapagka't totoong
masúnurin at mababàng loób . Talagang sa mga panginoón
ang mga alilàng mapagsunód at dî marunong tumutol, ay siyáng
nápapamahál.
Ikasampung oras nang umaga ang labás ng Sungkiáng,
at maka-oras na itó , ang magpanginoong iniha tíd pa ni Yoyong
at ni Siano hangán sa dáungan sa Farola, ay nagpasimulâ na ng
pagtalikod sa lupàng kinágisnán nilá ng unang liwanag .... Kay
hahamak na mga dahil ang nagta bóy sa dalawang yaón, upang
isumpâ nang di bába likán ang tinubuang Lupà ! Si Tikóng, ang
binatang alilà, ay hindî ngâ nagsasabing di na bábalík ; dáta pwâ't
nangako siya kay Don Ramón na kun saán itó mamatay ay doon
na rin patí siyá.

Si Meni ang walang kamalák-malák sa mga gayóng nangyari.


May isang lingóng hindi nadalaw ni Talia , di paris ng mga
araw na nagdaang halos hapon-hapon ay pináparunán siyá. Sa
budhî ni Talia , ay totoong malubhâ at malaking bagay ang ginawâ
ng kanilang amá, hindi lamang sa pagkakáalís na yaón , kundî
sa pagkakapalagay kay Meni , na totoong pasumáng sa matwid
ng isáng anák, na magpakásamâ-samâ ma'y anák ding kapa ris
nilá ni Siano . Anaki baga'y nahihiyâng pakita pa kay Meni
at bakâ isurot sa mukhâ nivá ang bagay na yaón . Hindî pa ngâ
nilá nasásabi , at pinakaiingatang malaman na agád ; dátapwa'y
sino ang maka tátalós kung umáabót na ó dî pa sa pakinig ng
mag-asawa ni Delfín ang gayón ? Maytaynga ang lupà at may
pakpak ang balità . Sakâ kailán man ang gawâng pagtataksil,
ay madalas na napaghahalatâ sa sálitâan lamang; kayâ sivá,
na di gawing maglilo at magbulàán sa kapatid, ay di makasilay
sa mukha ng minámahál at kaawà-awà namang bunsô.
Si Delfín ngâ'y may ilán nang araw na nakakahiwatig sa
balita ng pagkakapaglayag ni Don Ramón Miranda , namáma ha là
sa pagawaang El Progreso. Nğunì isá mang pahayagán sa
Maynila ay walang nagsasabi ng gayón . Kilala niyá si Don
Ramóng matalik na sukì ng mga pahayagán sa Maynilà, at anó
mang balak niyáng nátutungkol sa pagawaang pinamamahalaan
350 LOPE K. SANTOS

at sa Kapisanan ng mga Mángangalakal na Pilipino na kanyang


kinaáaniban , ay bihí-bihiràng hindi nálalagay sa mga tinu
rang pahayagán. Sa paniha làng sarili, ó sa panihalà ng
manugang na abogado , na ibinúbulóng na lamang sa kanya,
ay hindi ang hindî náha hayág si Don Ramón at nábabalità ng
madla ang kapaniha làán niya't ngalan. Sa ganitó nanghawak
ang di pagpansín ni Delfín sa gayóng náhiwatigan , sapagka't ná
kawikàáng isáng alís sa Pilipinas ni Don Ramón Miranda , kun
totoó, ay di mákakaila sa karamihan, lubhâ pa't natutungod
sa pangangalakal at sa mga usapin ng tabako na siyá niyáng
pinangángatawanán . Kayâ ni hindi man náalaala ni Delfíng
ipahiwatig din ang gayón kay Meni .
Nápupuná na nilá at ipinagtátaká ang ilán nang araw na dî
pagdalaw ng sínomán sa mga kapatid . Náhinuhàng bakâ ayaw
nang paparuníng talaga ng matandâ. Abót pa ba kaya naman
hangán sa ganoon ang kagalitan ng kanilang amá !? Silá nama'y
di pa makapangahás na siyáng dumalaw: tangì sa ang ganito'y
mapanganib kay Don Ramón , ang mangagamot namáng hangán.
sa bahay niná Delfín ay pinasunód at binábayaran ni Talia , ay
nagbabawal pa ng mga pagpapanaóg ni Meni , lubhâ pa't sa mga
gabí, yayamang noón siya'y kasalukuyan pa lamang nagpapa
sauli ng lakás ng katawan at ginhawa ng loob.
Si Madlâng-layon at si Delfín ay nagkikita sa daán , sa mga
pulong ó bahay-pámunùáng nadadaluhán niláng dalawá
kung minsan , dalá ng kani-kaniláng tungkól. Dátapwâ't sukat
ang malulugód na batìán at kúmustahan ; at kung naitátanóng
ni Delfín kung bakit may ilán nang araw na dî nákikita ang kan
yáng hipag ó bayáw, ang sinasabi ni Madlâng-layon ay siyá ang
maykasalanan, sapagka't sa tuwî-tuwî nang magbábantâng
magpasyal at mangakòng sásama , ay hindi nátutulóy sa pagka
kátaón ng marami niyang gagawing di ikapanaog. Bagay sa
balita kay Don Ramón , sila'y walâng napag-uusapan . Sa ganang
kay Delfin, ang pagsambít sa ngalan at mga gawa ng matandang
itó, ay nagiging mahapdî sa kanyang kalooban at alaala ; kayâ
hindi na nagtátatanóng. Si Madlâng-layon naman ay nagkúkusà
ng di pagbangít sa bagay na itó , pagka't dî anhín na lamang ay
huwag mábuksán sa dakong iyon ang sálitâan .
Isáng lingó na , at naka- isá pa't kalahating gayon din ng
gayón ang nangyayari .

Boy
XXI

Si Meni,

হ্যাতে
sa Pagkatiwalag

Na may mga sakit ang tao na hindi napagágaling ng lalòng


mga pantás na mangagamot ; na ang sakit na pag-ibig (ó
"amoritis", gaya ng tawag ng ibá) ay hindi nakukuha ng mga
gamót-gamót lamang sa botika ; na sa isang nagdádalamhati ay
walâng mabisàng lunas, kundî ang kaligayahan, at sa isáng
nagpapakamatay sa pag-aasawa ay walang mabuting parusa ,
kundi papag-asawahin .... magsabi ang kasalukuyang lagáy ni
Meni kung hindi totoo.
Bábago pa mang kakilala si Dr. Gatdula , ay nakamayan
nang gamutín si Meni : lahát ng mga hatol niya'y nakaka
hiyáng ng bawà't sakít na pinag-úukulan : mga pasâ, bug
bóg, liyó , ubó, lagnát, sinikdó-sikdó ng pusò , madalás na lipas
ng gutom , pagkapuyat, pagkakaling ng sihang, paninigás at ibá
pang mga sakít na sumásanhi sa katawan . Nğuni sa mga tíisin
ng kalooban , sa mga sugat ng damdamin , sa mga sakit ng ká
lulwá, walâ sa mga "receta " niyáng nakalunas ; at kung bagamán
may ipinagkákautang ang buhay at kapalaran ni Meni sa kanyang
katalinuhan at pagka -magiliwíng mangamót, ay marahil ang
makáiláng pagsasabi ng tapát kiná Talia , na walâ sa kamay
niya ang ikagíginhawa ng mga karamdamang nasabi, kundî na
sa kamay ng taong nahihiling na talaga ng maysakít na siyáng
gumamót, sapagka't siyáng mulâ, dahil at maykasalanan ng
gayóng mga tíisin . Anopá't sa pabirông mga pangungusap, ay
itinulad ni Dr. Gatdula ang dî niyá masakop na mga damdamin
sa loob ni Meni , sa kasabiháng nákukulam , na kundî ang mangku
kulam din ang siyáng súsukò , ó magpapatawad , ang siya kayâng
híhipò, háhaplós at gágamót, ay hindi gágalíng hangang mamatay
nang túluyan. Sa mga sukì ni Dr. Gatdula , sa pagkakilala ng
ugaling itó na ipagtapát agád ang dî niyá naáabot, ay marami
tuloy ang nakakapagsabing kaya siyá mapapalarín sa paggamót
ay sapagka't hindî nakikitulad diyán sa mga médikong kahi't
352 LOPE K. SANTOS

sakít na di nila nálalaman ay sinásakláw, munting sugat ay


pinalálakí, kaunting galos ay pinapagnánaknák , hamak na butlig
ay pinapagkákakagaw, fisáng karamdaman ay pinarárami sa
salitâ, ang di pa bagay gamitan ng mga mahál na kasangkapan
ay pinipilit agád na mágamitan, at yaóng matátapos sa dalawang
araw na gámutin ay hinúhustóng isáng lingó, dahil sa tusong
pag-aárimuhanán ……..
Hindi ngâ maikákaít na malaki ang náitulong ng matatapát
na paghatol ni Dr. Gatdula , sa pagbali ng matigas na loob ng
mag-aamá laban sa pag-aasawa ni Meni. Nang mapilit na niyáng
ipaaninaw na ang ikamámatay ni Meni sa gayóng lagáy, pag
uugali at karamdaman ay hindî mğa sakit, kundî mğa sakit, si
Don Ramón man namán ay nabagbág din at siyá pang ikiná
pahinuhod sa mga pag-antíg tuwî na ni Madlâng-layon.
Si Meni ngayon ay talagang pabutí na ng pabutí. Yaón
ngâng mga karamdaman ng kálulwá na sumásanhî rin at nagpá
palubha sa mga karamdaman ng katawán, ay parang mga piná
pahid na lamang ng bagong doktor: ni Dr. Delfín. Nawalâng
la lòng-lalò, parang hinugasan , yaóng mga kamandag ng pangambá
at pag-aagam-agam , na , nang si Meni'y nasa kapangyarihan
pá ng amá, ay kaniláng tinátaglay tungkol sa bakâ mápanganyayà
si Delfín ó si Mening munti. Ngayon ay ligtás na sa mga bugsô
ng lupit ng isang amá, lapás na sa mga sagutin ng pagkada laga ,
isá nang inang may pag-asa sa magiging karugtong ó kahalili ng
kanyang buhay.
Payapang payapà na ang kanyáng loób sa gayong pagkaka
tiwalág. Kung pagpáparisin ang dati at ang bagong lagáy,
masasabing lalò pa siyang nakawakawak noóng na sa sariling
bahay, kaysa ngayóng nasa bahay na ni Delfíng hindi na ibáng
tao sa kanya, kundî siyá na rin, at sa makatwid , ay nasa kanyang
bahay na sarili rin .
Walâ nga siyang marikít na kuwarto at kama , mapalamuting
salas , maaliwalas at maluluwáng na loob at labás ng bahay ;
wala nang piyano , malalaking aparador, mğa salamín , at ibá
pang gamit na dati ng isang masaganàng pamamahay ; walâ ring
kaayaayang halamanang nádudungaw-dungaw at napamúmu
pulán tuwi na ng mababangóng bulaklák ; walâ na sa piling ng
mapagmahal na mga kapatid ; walâ na rin ng mga palayaw ng
isáng amáng kung malupit ma'y sunód namán sa kanya ang lahát
nang hilinging ginhawa sa pamamahay at pamumuhay ; at
ang lalo pang nawala na ng wala mandíng kakalú-kaluskós , ay
ang pag-asa pa sa muling paglingap ng tinurang amá na hindi
sumumpâ lamang sa kanyang pagkaanák, kundî nagpamukhâ pa
ng sabing mataas na siya'y hindi na kikilalaning anák magpa
BANA AG A T SIKAT 353

kailan pa man ; hindî na makaáasa ng kahit anóng tulong at


kaloób, sukdáng máhigán nilang para-para ang kani-kanilang
bangkay . Dátapwâ, ang lahat ng naparam na itó , sa kapalaran
ng natitiwalag na si Meni, ay hindi man nagsásanhi ng lalòng
munti niyang kabaklahán . Sa lahat, ang isang kabuhayan sa
piling at sinapupunan ni Delfín, ay hindi niyá maipápalít .
Ngayon ang tunay na kaginhawahan ng palad ay kanyáng
nádadamá at nálalasáp ng totohanan . Napagkilala niya ng
lúbusan na ang ginhawa ng tao ay walâ sa pagtatamasa sa
buhay-mayaman, kundî na sa pananagano sa talagang ninanais
na lagáy, sukdáng ito'y isang kalagayang dî pasasà kundî salát
sa madlâng bagay na nabibili ng salapi. Na ang kapanatagán
ng buhay ng tao ay nasa bahay ng marálitâ, at walâ sa bahay
ng mayaman . Na ang isang kaloobang nasisiyahan sa kauntî,
ay makápupông mapalad , maginhawa at matiwasay kaysa isáng
nananabik sa marami.
Ang pagkukurò at pagkakilala ng mga súliraníng itó, ay
siyang nakatulong ng di sapalà sa pag-ginhawa at tuloy-tuloy
nang pag-galing ng dating masamang lagay ni Meni .
Pagkáumaga na'y bábangon, magaán ang katawang nag
púpumilit makitulong sa biyanán sa paglulutò ng áagahan
niláng lahát. Siya'y ni ayaw pahipùin ng basang pingán ng
matandâ, ¡ matulutan pa kayâng mapunô ng uling ng palayók,
magpainit ng mukha sa harap ng kalán, maghinain ng isdâ,
maghain at mag-urong ! .... Makáiláng mápainakú at mápa
sugod ang ali ni Delfín sa pag-agaw sa kanyang kamay ng
anománg gawain sa labás !
-Hindi ka marunong niyán, anák ko !-ang tuwî na'y
násasabi ng matandang babayi, kapág may inaagaw sa kanyá
si Meni na anománg bigay na ibig nitong gawin at tulungan .
-Alangán sa iyó ang humipò niyán ! -ang kung minsan
nama'y náisisigaw.
Anopá't si Meni ay hindi makakuhang humawak ng anománg
gagawin sa bahay. Gayón na lamang ang pagpapakundangan
sa kanya ng biyanán, na walang bigông-kilos na di may
ginagawa ó itinúturòng pag-iingat. Maya't mayâ'y nilalapitan ,
itinátanóng ng magiliw kung ano ang dináramdám, kung
ano ang ibig kanin, tinúturùan ng mga pag-upông huwág
pabiglâ-biglâ , ng parating paglulugay ng buhok kung gabi at
kung nananaog sa lupà, upang huwag lapitan ng aswáng, bakit
gabi-gabi'y may humuhuni at parating sasagid-sagid na tiktík sa
kanilang bubungan . Ibinábawal ang magpaabot sa lupà ng
takíp-silim. Parating ipinagdidikdik ng bawang at alagà nang
ipasukbít kay Meni kung gabi, kaya't madalás na kun si Delfín ay
24
354 LOPE K. SANTOS

ginágabí ng pag-uwî, ay nakakapagtanóng tuloy ng kung kuma in


ng lumpiya si Meni. Maingat na totoo sa pag-gagatong na bakâ,
anyá, ang mga biyák ng kahoy ay mápasuót sa kalán ng pataób
ó ang mga siít ay mápagatong ng pasalungát ang bukó ó sangá.
Si Meni sa gayóng ingat, ay hindi mapapahamak manganák ng
suhî. Na baka mahiga sa sahig ng di paayón, ay lumabas ang
bata ng pahaláng . Na baka maghihiga ó magluluklók sa mga
bungad ng pintô, ay magdaáng hirap sa pagdaramdám . Na bakâ
manahî ng damit sa katawán, ay maging parangbutas ngkarayom
ang puwit ng sangól . Na baka magsusukbít ng kuwalta ó susì,
ay maging búkulin ang batà. Na baka sa nagsisida law sa kanilá
roon ay may magtitigil sa pintô ó sa hagdanan . Alagà sa pag
papapaligò kung hapon . May ilang mga ugát at dahon ng kahoy
at kung ano-anóng mga damóng tinítipon sa isang bakúl-bakulan
at isang buslô sa bahay, na umano'y mayroon pa roóng tinatawag
na painom-ita sa nangánganák. Maminsan-minsang dináraanán ,
kung namimili ng ulam sa talipapâ , ang hilot na si matandâng
Tona sa bayan, upang dalawin nitó, tignán at bungkaling maagap
ang kanyang buntis na manugang. Kapag ang médiko'y napá
paroón ay hindî mápalagay sa kákikindát at kákakagát-labì
kay Meni . Ibig niyang sabihi'y huwag magpaniwalâ itó sa mara
ming winíwikà at inihahatol ng doktor ; sapagka't ang isang
babaying nagdáda láng-tao , ay mapanganib at dî marapat pag
gagamutín ng gamót-botika . "Ngayón na lamang, anyá, nagsi
litáw ang mga kuntil-butil na iyán ng mga doktor. Sa aking
mga magulang ay hindi naging kailangan ang médi-médiko
kung buntis at nangánganák . Bakit ba kami'y kung iláng
magkakapatid na napalakí at ako'y buháy pa hanga ngayon !
Kung ilán na rin ang naging anák ko, ay hindi akó nagmédiko .
Sukat sa mga ugát-ugát at dahon-dahon ng kahoy, kamí'y naka
ráraos na malwalhatì, sa talaga at awà ng Diyós ..."
Itó at mga iba pa ang tuwî na'y gawâ at paaninaw ng maingat
at mapagmahal na ali ni Delfín. Isang babayi siyáng, gaya
ng talós na natin sa mga naunang banghay, ay wala nang asa
wang ilang taón , may buhay pang isáng anák na may-asawa
na, at dalawang pinakabunso at maliliit na siyá ngâng kasá
kasama sa bahay ni Delfín . Anopá't parang iná nitó't kapatid
ang mag-iináng yaón , na palibhasà, isáng ali man , ay siyá
namang napag-iwanan at nagpalakí sa kanyá, nang munti
pang maulila sa ama't inang magulang, kaya pinakamámahál
di't iginagalang na mistulà ngâng tunay na pinangalingan
ng kanyang pagkatao. Kasalukuyan noóng may mga apat
na pû nang taon . Babaying buhay na larawan ng isang
ináng tagalog na batbát ng madlâng pamahiin at abubot.
Ali ó inang hindi mapasukan sa ulo at sa paniniwalà ng mğa
BANAAG AT SIKAT 355

karunungan ng isang pamangkíng mulát na mulát na sa mga


bagong lakad ng panahón. Hindî míminsang siya'y tudyú
tudyuhín, pagpaliwanagan at palimutin ni Delfín sa gayong
mga bulág at maling paniniwalà ; dátapwâ't hindi rin mapapag
bagong- loób, bagkús kung minsa'y nagtátampó pa sa pamangkín
at madalás na ito'y nákakagalitan sa pagsalá, pagsuway at
pagbirò. Sukat nang napapalâ ni Delfín sa kinátutudyó sa mğa
pamahiin ng iná-ináhan , ang huwág ipariníg sa kanya ang
mga pangangaral kay Meni , at huwág ipakita ang anománg
ganáng gamót niya't pag-iingat na ginagawâ.
Ang kapahatán namán ni Meni sa mga bagay na itó , bagamán
nagmamaniwalà't dili sa mga gayong pamahìín , ay sunód-súnuran
din sa bawa't ipagawâ ó ibawal ng biyanán .
Sa katagang sabi'y walâ ngâng kagawa-gawâ si Meni sa bahay
na yaón, kundi ang lumasáp ng mga pagmamahál-iná ng tinurang
biyanán, pagmamahál-ináng matagál-tagál na niyáng kinauli
lahan at kinasásabikán sa bahay na sarili . Patí mga damít
niyáng táhlin, ay inaagaw pa at kinákaya ng matandang babayi ;
at kundi talagang tinigasán na ng mag-asawa ang pag-ayaw at
pagsawáy, disin ay siyá pa ring maglálabá ng damít niláng lahát
sa bahay, upang huwag nang iupa sa malakás , anyáng, magsipag
wasák na labanderang Mandaluyong.
Walâng di siya sa pagkáwili sa bahay na yaón . Dalaw ng
mga kaibigan at kasamahan ni Delfín, at dalaw ng matatalik
na kaibigan niyá namáng nakatátalós na ng mga likaw ng nang
yari, ay madalás mangag-abot-abot doón kung hapon at gabí.

Pagka araw ay walâng tao sa bahay kundi siláng dala wá


lamang magbiyanán at ang dalawáng batàng kalarô-larô niyáng
parati ng sungká kung minsan, at kun minsa'y ng sinták at siklót ,
na anaki sila'y magkakapwà-batà lamang. Si Delfín ay ná
nasok sa Pásula tán . Si Felipe ay gayón din sa Limbagang dating
pinapasukan , pagka't muli siyá roóng tinangáp sa dati ring
kaupahán. At si Gudyô namáng hindi marunong ng alinmán sa
hanap-buhay ng dalawá, at walâng kápasukang hindi na pag
papaalilà, ay napilitan din , nang may isá nang lingóng háhanap
hanap, na pumasok sa pangungutsero sa isang amerikanong
nátitirá sa San Miguel, at sa upang dalawampûng piso , walâng
pagkain . Anopá't si Gudyô , ang, masaklap man sa loob ni Felipe ,
ay napahiwalay sa kanila at naging bihí-bihirà na lamang máka
dalawán.
Si Meni, nang mabalisa na lamang, ay nang nakafisá
nang lingóng hindi nádadalaw ng mga kapatid . Ipinadalá
356 LOPE K. SANTOS

ngâ sa kanya ni Talia ang lahát halos ng mga damít na nang


una'y ayaw ipabigáy ngamá. Nagpasabi na sa kanyang huwag
muna siláng antayin sa mga araw na yaón, sapagka't kasaluku
yang maraming kaabalahán si Yoyong. Dátapwâ't ang ganitong
mga dahilan ay hindi sukat makapagpatigháw sa kanyang
pagkabalisa . Nasok sa loob ang isáng álanganing paniniwalà na
ang kanyang amá ay hindi na nagagalit sa kanya. At hindî
maatím na si Talia ó si Siano ó ang hipag ay mangyaring maka
tiís na di makadalaw roóng may isang lingó na , dahil lamang
sa hindî makasama si Madlâng-layon. Kumutób sa sarili ang
marahil ay may mga kapansanang nangyayari sa kanilá ó sa
sínomán sa kanilá . Ayaw namán kayâng paparunín ng amá?
Ipinadala kaya ang mga damít na yaón , sa galit din at sa pagká
ibig ni Don Ramóng huwag nang makita at mátirá sa bahay ang
anino man niya at mga kasangkapan ? ....
Napilitang ipamanhík kay Delfín at gayón din kay Felipe,
na maanong sa paglabas sa pinapasukan ay sumagid lamang sa
may harap at paligid ng kanilang bahay sa Sta. Cruz, upang
mápakiramdamán , kung anó na ang lagáy-lagay at mga nang
yayari roón . Ang ganito nga'y ginawa ng dalawang magkatoto.
Magkasama silá isáng hapong nagtátakíp-silim, na nagparaán
daán sa tapat ng pinakikiramdamang bahay. Nangakasará
rin ang halos lahát ng bintanà sa magkabi-kábilâng panig; mistulà
ring pugad ng kalungkutan ang bahay gaya nang nároroón pang
maysakít si Meni . Ang mga halaman sa lupà ay nangag-gúgubat
na at ang mga daho'y nangángapál at nagsisipamuti sa alika bók.
Mapagkikilalang doo'y wala nang masipag na kamay sa paglilinis ,
ni bibig na araw-araw ay matyagang nagpápalinis . Walâ
sanang mangyayari sa kanilang pakikiramdám, kundî may
nápalabás na isang alilàng maytangkâng bilhin sa dî nálalayô
roóng tindahan nữ insik .
-Tinò! -ang kapagkaraka'y itinawag ni Felipe sa dating
kilalang alilà, sakâ isinunod ang kawáy ng kamay .
Si Tinò ay lumapit ng boông lugód at pangigilalás sa dalawá :
kay Felipe, dahil sa matagal nang di nákikita-kita at ngayo'y
kun saán nakatirá ; kay Delfín , dahil sa ang taong ito'y talós ng
tinurang alilà na siyáng mulâ at sanhi ng mga balá-balaking
nangyari sa mag-aamá niyang panginoón .
Nivavà sivá ng dalawá sa isang kublí-kublíng lugál ; at
doón inusisà ang lahat at lahát. Wala namang dî sinabi si Tinò .
Hindi niyá akalaing dapat pang ilihim ang gayón sa mga taong
gaya ng kausap.
Si Don Ramón ay walâ na't tunay ngâng naglayag sa mala
layong bayan ! .... Hindi na magbábalík hangáng mamatay !
BANAAG AT SIKAT 357

Tila may testamento pang iniwan na , ayon sa pagkáriníg ni Tinò


sa sálitaan ng mag-amá noóng gabing kabukasa'y umalís .
Si Meni ay tila hindî isinali sa testamento .... Si Talia ay iyák
ng iyák !.... Ang lahat na ito ay nálaman ni Felipe at ni Delfín
at naglikha sa kani-kanilang panimdím ng dî sapalang pagkabaklá.
Nuwî siláng taglay at habàng daá'y minúmuni-munì ang mga
bagay na kabábalità pa lamang. Paano ang gagawin niláng
pagbabalità namán kay Meni ? ...
-Naaalaala ko , -ani Felipe -ang isá sa mga sinabi ni Tinò
na si Don Ramón ay nag-iwan na ng testamento, ¿anó kayâng
testamento iyón ?
-At hindi raw isinama roón si Meni --ang dugtong ni Delfín .
-Ay kung hindî? -ang payag ng manlilimbag --Ibig mo
namán yatang magmana ang asawa mo ?
-Akó? .... Felipe, kilalá mo na ang aking mga paghahakà
tungkol sa bagay na iyán. Hindi mo na kailangan pa akóng
tanungin . Ang hindi ko lamang masabi, ay kung ano ang mga
katwiran at dahil na mapanghahawakan ni Don Ramón , upang
itiwalag at sukat sa pagmamana ang isá niyáng anák na tunay.
Saán siyáng Código háhangò ng mámatwirín at dádahilanín sa
paglalagak ng isang gayóng katibayang may itinatanging anák
na tunay?
-Código ang sinabi mɔ ! -ang patawáng náwika ni Felipe
Hindi pa akó nápapahamak mag-aral ng aklat na iyán ; dátapwa't
ayon sa aking mga náriníg at kauntîng nábasa , ang Codi-código
ay mga balisunsóng lamang ng katungkulan at karapatán , na ang
dakong matulis at maliít na pang-ilalim, ay siyáng kinálalagyang
siksík na siksík ng mga katungkulan ng mahihirap at mahihinà.
at ang dakong maluwang at ibabaw, ay siyáng kinálululanan ng
mga karapatan ng mayayaman at malalakás. Ang mga Código
ay katipunan ng utos ng nangag-úutos sa mga pinag-uutusan ,
¿hindi ba ?, na katulad ng isáng bigkís ng lástiko, ay nahihila ng
mayhawak kun saán man ibig hilahin. Kaya sa sabi mong
saán háhangò si Don Ramón ng mga atas ng Código na nagbí
bigay sa kanya ng kapangyarihang magkaít ng karapatán sa isang
tunay na anák, ay maisásagót ko sa iyó, na si Don Ramón ay
may manugang na isang magaling na abogado ; at talastás mo
na kung ano ang kahulugan at kun alín ang tinatawag na magaling
na abogado: yaóng mga sa pagtatangól-usapín , ay nakapangá
ngatwiran pa sa katwiran na : yaóng, ang talo nang usap ay
naipananalo pa . Pangkát at pangkát din ng Código ang, kun sa
bagay, ay kani-kanilang pinaghahangùan , dapwà't kadalasán
ay silá-silá na ring mga abogado ang nagkakáalám sa paghaha
ngùán at sa ..... pagpapáraanán. Gaano na kay Don Ramón
358 LOPE K. SANTOS

ang dumulóg sa lalong magagaling na abogado rito , kung ayaw


man kay Madlâng-layon, upang matutuhan kung papaano ang
paglalaro at pagbalintuwad sa mga atas ng Código sa pag
mamana . . . . . . !
-Aywán ko ngâ ba , Ipê -ang pailíng-ilíng na sagót ng
mánunulat . -Nguni't silá ang bahalà. Sa ganáng akin ay hindî
na kailangang idaán pa sa testamento at sa pagtalimwáng sa
Código Civil ang di pagbibigay ng ganáng kay Meni ; sapagka't
pinagpapaguran lamang nila ang isang bagay na talagang yarì
na sa aking loób. Hindi na ba nila naáalaala yaóng mga kinat
wiran ko sa aming pagtatalo sa Batis , tungkól ngâ riyán sa mga
pamá-pamana, na ipinagpantíng tuloy ng taynga niláng dalawá
ni Don Filemón sa atin? Nang sambitín ko noón ang isáng tá
nungan ni Goethe, tungkol sa mulâ ng mga kayamanan , ¿ dî pa
ba nila nahalatâ na ako'y hindi nagmámabutí sa mga kayamanang
nagkakása lin-salin dahil sa mga ugaling pagpapamana ? Sa mğa
anák, na , paglabas sa maliwanag ay may-sarili nang kayamanan ,
¿ hindi baga nakapagtúturò ang ugaling itó ng pagpapaka
tamád , hangáng magsilakí sa banig ng ginhawa na walâng
nálalamang sariling kahirapan , gayóng itóng lupà'y bayan ng
mga pagbabaka sa ikabubuhay? Mga magulang na mamámatáy
na lamang, ay maykapangyarihan pang makapagpasya sa kaya
manang maiiwan, na kadalasa'y sa madidilím at mababahòng
mula nangaling, upang pakinabangang kanawa-nawa ng mga
anák na hindî man ó bahagyâ na marahil nakatulong sa pag
iimpók ng gayóng yaman , ¿ hindî ba nagpaparami ang ugaling
itó ng mga anak na buhaghág at walang hinayang kung mangag
sihawak na ng mana ? ....
-Mangyari , -ang payo ni Felipe -ang sabihin mo'y lalòng
marikít panoorin, kapag ang mga anak ay nag-áaaway na at
nag-uusapin sa paghahati-hati ng mga pamana ng namatáy na
magulang. Diyán mo mákikita ang lahát ng kapangitan ng
pagsasama ng magkakaputol-pusod . Diyán mo máaamóy
ang lahat ng bahò : ito'y dahil lamang sa kayamanang hindî nilá
pinagpaguran at kun tútuusí'y dapat ipagsasaulî sa mga pinag
kunán ng mga magulang nilá na ibang tao, mararálitâ ang kara
mihan , mga alilà, mga kasamá, mga upahan , na sa hamak na
bayad ay nagsitulong sa pagpapalaki ng kanilang yaman , higít
sa naitulong ng mga tunay na anák na lakí sa layaw.
-Bagaydiyán sa pagsasauli ng yaman sa mga kinamkamán , --
ani Delfín - ¿wala ka bang naririnig sa matatandâ natin na
mga kuwento niláng salin-salin at hango sa mga nábabasang
buhay ng mga santó, sa kasaysayan ng mga himalâ, sa mga
sermón at iba pang pangaral ng mga Among?
BANA AG A T SIKAT 359

-Tungkól ba sa mga parusa at hirap sa Infierno at sa Pur


gatorio? ang punô ni Felipe.
-Tungkol na rin ngâ riyán . Nguni't ang tinutukoy ko ay
iyáng mga kuwento nilá bagay sa mga mayayamang namamatay,
na ang kalulwa'y pina pápanaog na muli sa lupà, nagmúmultó
at napakikita sa mga kamag-anak upang maipagtagubilin ang
pagsasauli sa mahihirap ng mga kinamkám na salapi at pag-aarì.
-Kun sa mga kuwentong iyán ay marami akó , nguni't sa
lahát ay nasasali ang Simbahan : hindi lamang ipinasásauli
sa mahihirap, kundî nagpapabigay pa ng ikapulô ó iláng
bahagi sa ... "bahay ng Diyos ."

-Oo nga, ¡ mangyari pa ! hindi ang Simbahan ang mawá


walan ng mana sa mga mayayamang lumilipat sa kabilâng buhay
na kanyang itinúturò ! Ang simbahan , ay maáarì rin ngâ sanang
siyang maging taga-pangasiwà ng mga salapî at pag-aaring
isinásauli ng mga namatay, sapagka't siyá, sa ganáng akin, ang
lalong magaling na halimbawa ng komunismo, ayon sa pagka
komunista ni Hesukristo ; dátapwâ't walâ na akóng kakati-káti
walà ngayon sa mabubuti niyáng layon bagay sa náhihipòng
mga salapi, sapagka't bálana'y makapagsasabing hindi ang
banál na layon ang nasúsunód , kundî ang pagpapakabundát at
pagpapasasa ng mga " kahalili" ni Kristong naghahawak ngayon
ng mga Simbahan .... Naalaala ko, Felipe, ang mga kuwentong
iyon ng ating matatandâ, dahil sa ugali ni Don Ramón ; bagay
na bagay na siyá ang mapagkuwentuhan ng gayóng mga kakilá
kilabot na halimbawà at parusa .
-Lalo nang bagay, Delfín , sa aking amá ! -ang saló ni Felipe .
-Ang kahirapan lamang, ay madaling magsipaniwala ang mga
taong iván sa lahát ng mga aral at halimbawà ng Relihyón , nguni't
pagkákukunat pasampalatayahin sa mga bagay na makapúputol sa
karapatan nila sa salapî. Ang tatay mong si kápitáng Loloy, si
Don Ramón at si Don Filemón , ay siyáng makukuhang larawan
ng mga mayayaman nating bulág sa pananampalataya at tuso
sa pananalapî. Ipinapain ang kanilang budhî sa mga patibóng
at bakuran ng Relihyón , nguni't tutóp na mabuti ang kaniláng
mğa supot at hindî nangapa pagdudukot ng gayón-gayón lamang
na mga himala. Ang Diyós nila'y ang Salapî ; ang kalwalhatian
nila'y náritó sa lupà, at walâ sa sinasabing langit at kabilâng
buhay ...
-Sasabihin namán sa iyong sila'y naglilimós sa mga pulube,
umáabuloy sa mga kapahamakán at pangangailangan ng bayan,
umáambag sa mga pistá ng bayan, nagkakaloob sa mga bahay
ampunan , sumásanib sa mga kapisanan ng pagkakawàng-gawâ….... ;
360 LOPE Ꮶ . SANTOS

anopa't, wikà nilá, sila'y mğa Carnegie rin namang maliliít , sa


pagka't mumunti pa ang kanilang kayamanan.
-Sino -ang pahangàng náitanóng ni Delfín -siná Don
Don Ramón at ang tatay mo ang makapagsasabi ng mga
ganyang gawâ? Kailán mo silá nákitàan ng ganyáng mga
paraan ng pagsasaulî sa dukhâ ó sa sosyedad ng mga hinahawakan
at tinátamasa niláng kayamanan ? ....
Nápahalakhák si Felipe, ng isang halakhák na nagpapakilala
ng kusang pag-uyám sa kanya ring sinabi, na tila pagsasangaláng
sa mga mayaman , bago'y pagtuyâ at pag-iwàng lalò sa mga
masalapi nating karaniwa'y walang nakikilalang papakinabangin
sa kanilang yaman , kundi ang sariling buhay lamang. Si Don
Ramón ! si Don Filemón ! si kápitáng Loloy na kanyáng amá
ang matututong mag-asal ng gayong mga paglilimós , pag-abuloy,
pag-ambag at pagkakawàng-gawâ ! .... Silá ang makakakila
lang ang ganito'y siyáng mga paraang dapat gawin ng maya
yaman, upang mapasaulî at pakinabangan ng madlâng nagda
rálitâ at nangangailangan ang kanilang pinagpapasasàan , na,
anománg sabihi'y hindi kita ng sarili niláng sipag, kundi sa tulong
din ng ibá , sa simpán din at tulong ng samahán ! ....
Náaaninag ni Delfín sa isip ng kaibigan niya ang ganitong
mga pagkukurò , kayâ nápatawá na rin at nakapagsabing :
-Aywán ko ang tatay mo't hindi ko pa natútugaygayán
ang kanyang buhay at pag-uugali ; nguni't isi Don Ramón !
¡maging Carnegieng munti !.... ha , ha , ha, ha ! ....
Pagkapagtawanang ilang sandali ng dalawa, ay nagpatuloy
si Delfín :
-Kun si Mening anak nang tunay, dahil lamang sa hindî
niyá ibig akong náibigan , ay hindî na raw isinama sa testamento ,
¡ sa ibang tao pa kayâ siyá makapagtapon , sa mga dukhâ pa kayâ
makapaglimós , ay ang palagay niya'y mga tamad at hangál
ang mahihirap, kaya hindi magsiyamang paris ng kanyang lagay?
-Nğunì, ¿sa akalà mo namán -ani Felipe -ay magkátotoó
ngâ kayang hindî isinali si Meni sa testamento ?
-Walang pagsala : hindi kataká-taká kay Don Ramón ang
gumawa ng gayón . Ang hindi ko ngâ lamang matatap ay ang
kung ano ang naging pasyá ni Madlâng-layon , sakaling totoo .
Ano kayâ baga , inayunan?
-Sinabi ko na sa iyó : si Madlâng-layon ay isang abogadong
"mabuting batà!"
-Nguni't ang dangál niyá at tapát na loób, ay makapayag
kaya sa gayong naisipan ng biyanán namin ?
BANAAG AT SIKAT 361

-Nakú, Delfín : magtawá ka sa dangál ! Salapî iyón , kaibi


gan. Kun ngayón , ay itabí mo na ang karangalan at tapát
tapát na pagsasamahán , sa bilog ng pilak at gandá ng mga
"papél-de-bangko ." Kun si Meni ay hindi na másama sa tes
tamento, ¿ kangino mápapauwî ang ukol na bahagi sa kanya? dî
sa mga ibang kapatíd ? dî lálakí ang mana ni Talia ? Ang yaman
ba ni Talia , ay dî yaman na ng asawa ?
-Si Yoyong ay hindî makagagawa ng gayón . Kaypalà
pa'y iníimpít ni Don Ramón ang ukol kay Meni, ó kun salapî'y
tinaglay niyáng lahat sa paglilibót sa ibang mga lupalop . Nğu
ni't si Yoyong ay………
-Sabihin mo na , Delfín , ang buô mong pagtitiwalà . Ako'y
walang kinalaman sa bagay na iyán ; dátapwa't kumúkutób sa
aking loob na ang maginoó mong bilás na abogado, ay may
salamangkáng ginawâ ó may kababalagháng ibig gawin, pag
kaalis ng matandâ, kayâ nápanibulos ang gayong inakalà ni
Don Ramón . Sapagka't sa pagkákita natin sa pagmamahalan
niláng magbiyanán , isáng " huwág" at isang " hindi pô maáarì
iván na sabihin ni Madlâng-layon, ay labis nang ikáurong ng
akalà. At saka, kundî ka sana kilalang sosyalista ni Madlang
layon: wiwikain niyóng nálalaban din lamang sa mga paghahakà
mo iyáng mga pagpapamana, kaya mátakwil man si Meni sa
testamento , ay hindi ka na maghahabol .
-Mabuti rin namang pagsamantala sa pagka-sosyalista
ko !-ang patawáng násabi ni Delfín .
-Sakâ natin málalaman ! -ang tapos ni Felipe .
Silá noo'y nasa harapán na ng bahay. Ang sibsíb namán
ng gabi ay siya nang umiiral saán mang silong ng langit , lalò
na sa poók at loobang yaóng hindî abót ng mga ilaw-lansangan .
*
* *

Ipinakapamili man niná Delfín ng oras na lalong mabuti


ang pagbabalità kay Meni ng gayong mga nalaman kay Tinò ;
pinakabalot man nila ng lalong malilinamnám at kalugód-lugód
na salita ang pagpapatalós na si Don Ramón ay umalís na ng
alís na walang-balík, alis na máibibilang na sa kamatayan ; pina
kápulpól man ang dulo ng gayong mga tiník ng kasaliwâáng
palad, upang kahì't tumimo'y magbahagya na lamang sa pag
sugat sa mararamdamin niváng pusò ; dátapwâ ay naging
mğa dahóp din at gahól ang lahat ng mga paraang yaón .
Si Meni, sa isang bugsô ng sama ng loób, ay napahagulhól ng paós
nguni't mariín , at parang may isang malaking bikíg na humalang
sa kanyang lalamunan , hindî na nakapagsalitâ, kundî humagok
hagok na lamang sa pagkawala ng diwà at sa paghabol ng mapag
362 LOPE Ꮶ . SANTOS

maramót na hiningá. Hinima táy na namán ! Sa buhay ni


Meni, ang maghinatay ay nagiging parang manghingi na lamang
ng asín sa tindahan . Kahinàan ng loob na náituturò ng isáng
paglakí sa ginhawa at sa layaw, na tulad sa mga halamang alagà
sa silong at sa lilim , ay nangalálanta't nangungulutdín sa kaun
ting saboy ng hangin at munting tudlâ ng araw.
Masasabi ngâng kundanga'y sinabi pa niná Delfín …….. Dáta
pwa't walâ namán silá sa dî pagsasaysay nang gabí ring iyón .
Ayaw na ngâng mangagsabi : nagkáisá sila ni Felipe na ang pag
alís ni Don Ramón ay hindî biglang ibábalità. Nguni't nag
pakagayón na lamang ang pilí ng pag-uusisà ni Meni, udyók
na marahil ng mga pagkasabik at kutób ng loób, na si Delfín
ay napilitan ding makabitíw ng isang salitang napaghabulan
at natuntón ng asawa tungkol sa pagkakaalis ng nágtátampóng
amá.
Natauhan uli nang makaraan ang mga ilang sandali , salamat
sa mga gamót na hindî iniwáwalâ sa bahay at talagang handâ
sa gayong pagkahímatayin ... Panibagong sanhi na namán
itó na sukat itawag ng mádalian sa médiko . Si Meni, kung
hindi itawag, ay hindi malayong makapagsaloób na ibáng-ibá
na nga ang kanyang kalagayan sa rati : walâ na yaóng sa munting
pagsakit ng daliri , ay doktor na't botika . Siná Talia , kung
makábalità ng pagpapabayà, ay hindi malayòng makapagwikà
rin naman na ang kapatid niya'y lubos na ngang napapangan
yayà. Ganitó na ngâ ang may-salapî kung mangagkasakit at
magsipagdamdám . Sa mahirap , ay huwag nang himatayín
lamang, kundi ang tunay mang mamatay na , ang lahat ay maka
ráraán din ng walang anomán ....
Isinulat ni Delfín kay Talia ang bagong sakunâng itó . Isinu
lat pati ng dahil ng ipinagkigayón : hindi lamang sinabing kayâ
nilaman ang pagkakaalis ni Don Ramón, ay sapagka't naparoón
silá ni Felipe at nakiramdám. Kábukasan nang isulat, at oras
lamang naman ang namagitan sa pagtangáp at pagdalaw ni Talia .
80
XXII

Mga Layon
ni Madlâng-layon

Magkita ang magkapatid sa likod ng gayóng mga pangya


yaring nakahihimáy ng pusò sa kalunusan ; magkausap silá
pagkatapos ng mahigit nang isáng lingóng paghihinanakit ng isá
dahil sa dî dinadalaw, at ng pagkahiyâng pakita ng isá, dahil sa
kásakláp-sakla pang lagak na kalooban ng kanilang amá, na
dî niya ibig ipamalay sa isá at bakâ hinalàin nitóng siya'y kapatid
na nánayag sa pag-agaw ng karapatán sa mana ng isang tunay
na kapatid .. ¡ gaanong paít sa mga oras na yaón , gaanong iwà
sa mga damdamin ng isa't- isá!
-Hindî áalís ang tatay kundî dahil sa iyó ! -ang sa pag
sasalitaang mag-isá ng dalawang magkapatid , ay isinisi ni Talia ,
nang si Meni ay nanínisi namán kung bakit tinulutang makaalis
ang matandâ.
-Dahil nga sa akin, oo, iníamin ko!- ang payag ni Meni.
-Nguni't, maanong ibinalità sana ninyó sa akin nang áalís na ,
upáng ako'y nakapangayupapà namán , sukdáng patayin niyá ,
huwag na lamang nangyari ang ganyang ginawang paglisan sa
atin ! Wala kayong pagtingin sa akin , mga kapatid ko ! Kayó
man ngayon ay hindî na nagpapalagay na ako'y kabilang pa sa
inyóng bahay ! ....
At saka humagulhól dito ang naghihinanakít na bunsô ,
na pinagdáluhanan tuloy ng mga ibang tao sa bahay, upang
sawayin at payapain. Pag nagkábisalà'y nápauwi na namán
iyón sa hímatayan .
Napatigil ang sisihán . Sa payo-payo ni Delfíng hindî
pumasok at ng asawa ni Sianong siyang tanging nakasama ni
Talia , nang tanghaling yaón, ay tumigháw ang mga kalooban.
ng dalawang lipós ng lalong matutulis na busog ng hinanakít at
kapighatian . Nagkamahusayan ng sálitâan . Si Talia , nang
mákitang ang kapatid niya'y maaari nang pagsabihan ng buông
364 LOPE Ꮶ . SANTOS

mga nangyari , ay nagtapát namán ng lahát. Walâng ipinag


kailâ . Patí ng di pagkakasali ni Meni sa ginawâng testamento .
Aywán kung ano ang nakapag-udyók sa kanya sa pagsasabi ng
bagay na itóng, tangkâ sanang talaga na ipakálihim.
Sa ganang kay Meni , ay hindi naglikha ng gaanong kabak
lahán ng loob ang gayóng balità ng kapatid tungkol sa pagma
mana . Ang akalà ni Talia na kung malaman ni Meni ang gayón,
ay bakâ sivá paghinuhàan ng isang masakím na pag-ayon sa
ginawa ng kanilang amá, ay hindi bumukò sa dibdib ng pinagsa
bihan . Dininíg ni Meni nang parang hamak na bagay, isáng
pangyayaring hindi nakatitigatig saglit man sa kanyang budhi
at panimdím.
-Akó , -ang isinagót -ay náta talaga at nánayag sa anománg
loobín ninyó . Inibig ko ang ganitó, iníibig ko rin nama't íibigin
ang lahat ng pasya sa akin ng tatay at ninyong mga kapatid
ko. Lalo na sa iyó, Talia, ako'y walang hindi kinároroonán.
Halikan ko man ang inyong mga bakás, ay alangán pa sa mga
ipinagkákautang ko sa kagandahan ng loob ninyong mag-asawa.
Kung ako'y nabúbuhay pa hangá ngayón , at nangyaring nápa
nibulos di't nasunod ang isáng nais ko, ay dahil sa inyóng mğa
tulong. Kaya ako'y hindi nabábaklá sa ganyang pasya ng
tatay, kun siyang kaloobang talaga. Kami ni Delfín ay
mabubuhay rin sa awà ng Diyos , hindî man sa pamana ..
Walâ lamang akong pamanhík sa iyó, kapatid ko , kung ikaw
ay hindi pa nagsasawà at nayayamót ng pagdamay sa amin,
kundi ang ako'y huwag mo lamang pababayaan habang hindî
nakatatawid sa ganitong kalagayan . Marahil ako'y hindi
makatatawid , Talia ......!
-Maanong magtigil ka !-ang ipinutol ni Talia , kasabay
ang isang buntóng hiningang malalim at lagaslás ng luhà .
Hindi na niyá totoong mabatá ang gayóng napakababàng
mga pangungusap , mabababàng nakafiwà sa manipis na dibdib.
Sa dili-dili niya'y sumagi ang larawan ng isang maitím na paró
paró, na warì ngâ bagang nagpapatotoo ng kasasabi ni Meni.
Nguni't náiigtád niyá sa gayong sungaw ng salagimsím ang
kahinaan ng loob, at napapagtagumpay sa sarili ang paghaha
kàng si Meni ay di na dapat pang pagpakitaan ng lungkót din,
kundi ng bálanang makaáalíw.
Nárinig ng asawa ni Siano ang mga sálitâang itó, at baga
mán siya'y mapagwalang kibô , ay nilabás si Delfín at pinapasok,
upáng sugpûín na naman ang namamanaag na paglalâ ng malam
lám at kalunos-lunos na pagpupulong ng dalawá.
—Anó na namán kayo ! -ang pagpasok ay pangitîng ipina
gitnâ ni Delfín . - Sandali lamang kayóng mápabayaan ay naka
BANAAG AT SIKAT 365

gagawa na agad ng luhà . Bákit hindi ang pag-usapan ninyó ay


ang kung ano ang ating itúturò, upang magmáhalan ding paris
ninyong magkapatid , diyán sa dalawang magpinsang inyong
tagláy-tagláy pa ngayón ?
Nápangiti-dili ang dalawáng luhâ-luhàán, nang ang mga
biròng itó ni Delfín ay kaniláng máriníg. Magpinsang tagláy
tagláy ! Tinútukoy ni Delfín ang dî na lihim sa kanyang pag
mamalagihay na rin ni Talia , na anopa't di na maglilipat taón ,
ay susunod namán sa pagmamánibaláng na ni Meni .
-Ngayon pa kayó mamámangláw, -ang idinugtong ng
mánunulat na walâ na sa inyong nalalamangán ? Isáng munting
abogado at isang munting periodista rin iyán , makita ninyó ....
—Ah , Delfín , —ang ipinaklí ni Talia - kung magiging perio
dista at abogado man silá, at gaya rin ng mga nangyayari sa
atin ngayon ang kanilang mangagiging kabuhayan , pagdating
sa panahon , mabuti pa'y huwag na siláng magsilakí, at paglabás
ay kunin na ng kamatayan
-Ohú, sabi lamang ninyó iyán !-ang patay ni Delfín - Bakâ
kung nangasa sa labás na silá, anománg tandâ ng kasawîáng
palad ninyóng mákita , ay háhangarín ding makabuhayan at
máramayan ninyó sa kapanahunan ...
-Mangyari ngâ ba , kung nároroón na ; -ani Talia
dátapwa't sa mga kasakunâáng itong inaabot naming magkapatid ,
ay nasasabi ko ngâng mabuti pa'y nangamatay na kamí noón
pang maliliít . Sa lagay namin ngayón, kung tútura'y mğa anák
mayaman at anak sa ginhawa nga kamí, dátapwa'y makápupûng
mapalad pa sa amin at maligaya ang kabuhayan ng mga anák
sa karálitâáín at hirap .
Sa gunam -gunam ni Delfín ay gumising ang mga pagsisising
itó ng hipag ng iláng náiidlíp na pagkukurò at paniniwalà sa mğa
aral ng Sosyalismo . Hindi na ang sosyalista lamang ang nagsá
sabi , kundî sa bibig na ng isang mulát sa banig ng yaman at lakí
sa dilang ginhawa nangagaling ang pagkatotoó, na , ang ligaya
ng pamumuhay ng tao ay walâ sa salapî lamang ; maysalapî at
wala ay dináratnán at nagdáranás ng mga araw at oras ng pana
nalát sa alíw, ng panahon ng panghihinawà at pagsisisi sa buhay,
ng tag-lungkot , tag-hinagpís , tag-kahihiyán at tag-kasaliwâáng
palad ... At ang lalong kahanga-hangà , na sa pasapуáw
na pagkukurò anaki'y tiwalî at balintunà, ay ang pangyayaring,
kun sino pa yaóng mga taong lalòng babád sa ginhawa , ay siyáng
mga lalong madaling matigang sa kaunting daráng ng dálitâ;
kun sino pa yaóng mga matatabâ sa kapalaran , ay siyáng mada
daling patayín ó papanghinàin ng mga sakit ng pamumuhay ;
366 LOPE K. SANTOS

kun sino pa yaóng maraming batis ng kayamanan , ay


siyang lalong maraming batis ng kadalamhatian ; at habang
nangagsisitapang sa mahirap , ay lalong nangagiging duwág sa
kahirapan
Si Delfín ay dilì ang hindî nakatátalós ng malubhâng bagay
na pinag-uusapan at ipinagkakaiyakan ng asawa niya't hipag.
Alám niyáng hindî na lamang ang pagkakáalís at sukat ni Don
Ramón, kundi ang pagkakátakwíl kay Meni sa testamentong
inilagak. Taho na rin patí kalooban ni Meni bagay sa ikinakaít
na mana. Hindi pa man , ipinasísiyá ang gayón ng amá, noón
pa mang sila'y nagliligawán lamang, ay madalás na nilang pag
kániigán ng pag-uusap ang tungkol dito . Noón pa'y napá
pasúk-pasukán na niya ang isip at loób ni Meni ng ilang mga aral
at haka ng Sosyalismo , hingíl sa karaniwang mulâ ng yaman ng
isáng tao ó isáng mag-anak, hingil sa mga maling kauga
lian ng tao at maling palakad ng mga pámunùán at sa mğa
paraan ng pag-iiwan ng kayamanan ng isang tao ó magulang na
mayaman. Kay Meni ay madalás na niyáng náipahiwatig na
hindi siya kayâ pinagkákamatayán ay sapagka't anák-mayaman,
sapagka't dalagang may mámanahing malaking kayamanan sa
amá. Mahanga'y itó pa ang kanyang nasasabing pintás ó pulà,
sapagka't kun silá sana'y anák-kapwà ng karálitâan , disin kapag
karaka'y nagkátimbangan na kapwà ng loob at mga dam
damin at di na inabot ng mga kasalukuyang sigalót na dî pa
natátapos niláng danasan . Na tútuligsâ na ni Meni , sa kápa
paaninaw ni Delfín , na ang isang kayamanan , sa mabuti ó sa
masamang paraán nangaling at lumagô, ay hindi sa mga anák
lamang dapat ipamana , ni hindi rin sa ilán-iláng mga taong itiná
tangi ng pagmamahal ng namatay na nagpápamana ; bagkús ang
nárarapat ay ilagak kundi ang lahát, ay ang lalòng malaking
bahagi, doón sa mga katipunan , bagay at panukalang pakíkina
bangan ng madlâ ó ng lalòng maraming tao, unang-una na ay
niyong mga taong marálitâng nágamit at kinatulong-tulong sa
pagpapalagô, sukdáng ang mga ito'y kanyáng pinag-upahán
sa pag-gawa at pagtulong, palibhasà ang gaano mang máiupa
no isáng mámumuhunán ó nagpapagawa sa mga mangagawà,
ayon sa mga kasalukuyan pang palakad ngayon ng mga pag
uupahán, ay masasabing hamak na hamak at alangáng-alangán
din sa karapatan ng pag-gawâ. Maáarì rin namang sa Pánga
siwàáng-bayan iwan, gaya ng hinihingi ng mga tinatawag na
Sosyalista-de-Estado at Kolektibista, at ang Pángasiwàáng-bayan
na ang bahalàng mag-ayaw-ayaw at mamahagi sa mga dapat
makinabang sa mga yamang inilagak ; dátapwâ't dito sa
Pilipinas , na ang Sosyalismo-de-Estado ay hindi pa man nádu
dukláy sa akala ng karamihan , ang mga kayamanang paris ng
BANAAG A T SIKAT' 367

kay Don Ramón , ay hindî sana dapat pagpasasàan na lamang


ng sarili, gaya ng ginawâ sa may apat na pûng libong pisong
binaon lamang sa isáng samâ, díkonó, ng loob sa anák, at ang
inilagak na mga pag-aarì at puhunan sa Maynilà, upang manahin
ng dalawang pag-asawaháng anák na dî kinagágalitan . Maanong
si Don Ramón , ay nakaalaala ng kauntî man sa kanyang mga
alilà sa bahay, sa mga mangagawà sa El Progreso, sa mga taga
alaga ng mga kabayong pangarera , at lalò na roón sa mga mag
anak na sa mula-mulâ pang pagkatao niya'y nákatú-katuwáng
na sa pagpapalagô ng kabuhayan ! ....
Mga ganito at iba pang pagbubulay- bulay ang hindî na
baguhan sa isip ni Meni, at bagamán hindi pa niyá lubós napag
tátarók, na gaya ng pagkatarók ng isang tunay na sosyalistang
paris ni Delfín ; dátapwa'y mayroon nang mga nasnáw-nasnáw
at giti-giting humáhatol sa kanyáng loób, sa mga pakikipag
usap na yaón kay Talia , tungkol sa pagmamana .

Ang maghipag na panauhin ay doón na nagsipananghali .


Nagpasabi na lamang kay Siano at kay Yoyong na sila'y huwág
antaying mákasalo sa pag-uwi nang tanghalian.
Si Yoyong, nang hapon na , ay nag-aalinlangang sumalu
bong ó hindi sa dalawá. May mga bulay-bulay na nagbabaka
sa kanyang budhî, na matáy mang lutasin at awatin ng pana
nalig na walang sala't malála basán din, kung nároón na, ang
gayong mapanganib na bagay na kinápasukan , ay hindî mápa
tahimik at masawatâ . May mga sigaw ng gunam-gunam na
parating umúukilkíl sa mga oras ng pagkaalaala niyá sa umalís
na si Don Ramón at sa mga naiwang anák, lubhâ pa sa mag
asawa ni Meni . Hindi ngâ sásalang may mga talinghagà siyáng
inimbót sa pagkakála gak na pagayón ng huling kalooban ng
matandâ, huling kaloobang hindi lamang nagtatakwil sa mğa
karapatan ni Meni, kundi nagbibigay pa sa kanyá, sa kanyang
isáng manugang lamang, ng lubós na kapangyarihan, upang,
higít kay Siano at sa ibáng tunay na anák, ay siyá ang maka
pangasiwà sa di múmunting kayamanan sa Maynilà ni Don
Ramón . Tamís ng dilà , hibò , paglimang ó anománg pakanâ,
ay masásapantahàng ginamit niyá sa bulág at kayang pagtitiwalà
ng biyanán . Anopa't kay Yoyong, kay Yoyong na ulirán na ng
pagmamahal sa asawa at ng kabaitan sa mga bayáw, hipag at
kaibigan, ay tila nakarahuyò at nakasirà ng loob ang pag-asám
sa isang masaganà , masalapî at mapag-aaring pamumuhay,
isáng kayamanang hindî máduduláng paano mang gawin , kun sa
pagka-abogado lamang.
368 LOPE K. SANTOS

Kung lilinğunín ng alaala ang mga nagdaang araw, noón


pa mang mga unang pagkabighanì niya kay Talia , ay makikitang
niyón pa'y maypugad na sa kanyang kalooban ang adhikâng itó.
Hindi sila magkakakilala ni Don Ramón, kundi sa bilangan ng
mga salaping ipinagtangól at kadalasa'y ipinanalo nilá sa mga
nákausapín . Hindi rin magiging matalik na kaibigan , kundi
sa madalas na pagsasamá nilá, noón pang araw na buhay ang
unang asawa ni Madlâng-layon , sa mga kabayong pangarera at
sa iba pang mga libangang kanilang kinahihiligan . Masásabi
ngâng ang ipinagkálapít nilá at ipinagkamátamisang totoo sa
pagsasama, hangáng ikinapanibulos na tuloy na si Yoyong at si
Talia ay maging mag-asawa , ay mga dahiláng amóy at tabas
salapî, kulay at hugis ng isang nauuhaw na walâng patid sa yaman
at pagginhawa . At ngayong asawa na , ay nagkaroóng lalò ng
mabubuting mga pagkakátaón , hindi malayòng sinamantala ng
kanyang pagkamanugang at pagka-abogado ang lahat ng butas
at paraang masasamantala , upang mapanibulos na nga ang
gayóng adhikâng sa mulâ-mulâ pa'y imbót na .
Gayón man , ay hindi nahúhubdán si Yoyong ng dating
damit ng dangál at linis ; hindi nadúdukutan ng boông pusong
mahál. Disin kung wala na , ang mga bulay-bulay na yaóng
nagbabaka sa kanyang budhi , ay hindi na makagagambalà
sandalî man sa pagpapaganap ng náturang adhikâ at pakanâ;
disin ay buông-buo ang kanyang loob at di mabábaklá ng kahi't
anóng bulong ng gunam-gunam , laban sa mga lihim na káyarîán
nilá ni Don Ramón . Paano't paano man ang marungis na damít
ay pinandídirihang idiít sa balát ng isang may malinis na kata wán.
Walâ ngâng malamang pagpalagyán sa kanyang isip, nang
matalós pagdating sa bahay, na ang asawa niya't hipag ay nasa
bahay nina Delfín . Ibig na ayaw siyang sumalubong. Warì
baga ay may mga talâng nakikintál sa kanyang noó , na kahiyâ
hiyang pasilayan sa mag-asawa ni Meni. Anaki baga'y naka
kagát na niya at naúumíd ang dilà, hindi pa man nákakausap
siná Delfín sa bagay na itó. Kilala niyang si Delfín , batà man
sa taón , ay matanda na rin sa mga pálikwaran ng buhay-abogado ;
isang taong hindî na murà sa mga panungkit ng katusuhan ;
hindi bulag na dî na marunong bumasa sa mukha ng kausap ng
mga tanda ng paglililo ; hindi na ulong hungkág at malatâ na
maaaring bilúg-bilugi't tulyapisin , ó pusòng bubót na mangyá
yaring siklút-siklutín at pahinugín sa pilit at sa himas ng mga
pangakò . Si Delfín ay hindi isang karaniwan lamang na nag
áerel ng Derecho , Código , at Procedimiento Civil, na malilimang
pa baga ng isang abogado nang paris niyá, sa mga tuntunin ,
utos at palakad ng mga pagpapámanahán ; kaypalà pa'y isáng
BANAAG Ꭺ Ꭲ SIKAT 369

taong may lalòng matalas na panghalatâ kaysa kanyang pagka


abogado , dalá, palibhasà, ng katangian ng mga dunong na nátu
tutuhan ng isang manunulat ó mámamahayag saá't saán man .
Sa isáng dako , si Delfín ay kilalá ngâ niyáng sosyalista :
ayaw niyang mga pamá-pamana at kayá-kayamanang paris ng
kay Don Ramón ; dapwà't hindi dahil sa ganito'y maháhakà
nang papayag, na , ang yamang dapat mabahagi ni Meni ay ma
hulog na sa kamay ng mga kapatid, ó ng ibang taong hawa lamang
na paris niya, ng kahì't sa papaanong para án . At hindî rin
namán mangyayari na , sanhi lamang sa pagkaalang-alang sa
kanilang mag-asawa ni Talia , ay manga pípipi na at padádalá sa
agos ang mag-asawa ni Meni, sapagka't ¡ oh, sinong banál sa langit
ang kung magbalík sa lupà, ay hindi muling magkakásala at
tútuluan ng laway sa gayóng laki ng dapat manahing kayamanan !
Ang ukol kay Meni, sa biglâng pagtutuós , ay hindî isáng hamak
na halagá lamang. Sa isang sosyalistang gaya ni Delfín , na
nangangarap ding makapagsubok ng kanyang mga paghahakà
sa isang bagong bayang paris ng kay Emilio Zola sa aklát nitóng
may-pamagát na Paggawa (Trabajo) , ang isang daáng libo ó
limampúng libong piso ay may malaking kahulugan at may mahál
nang katungkulang magagampanán , upang maipagsimulâ man
lamang ng isang paniumuhunang tútubós sa pagkabusabos ng
bayang mangagawa sa Pilipinas . Isáng daáng libong piso ! Isáng
mabuti nang bahay, isáng masaganà nang aklatan at isáng
katamtamang pagawaan ng anománg ani ó yari sa mga lupàng itó,
ang sukat mápaglagyán ng ganyang halaga sa ikabábangong
madali at matatag ng Kapisanan ng mga anák ng Pawis at kawal
ng Dálitâ sa Pilipinas .
Ang mga panahàng ito'y hindi na míminsan pang naririnig
ni Madlâng-layon kay Delfín , kun sila'y nagkakausap tungkól
sa mga kilusán at kabuhayan ng mga mangagawang pilipino .
Oo't ipinalála gáy niyá lamang na panaginip itó, at hindi lálampás
sa bunga ng guní- guní ni Delfín ; dátapwâ't talastás niyá namán
at kita na si Delfín ay gising at gumagawa ng ayon sa mga gani
tóng paghahakà ; hindi tulóg sa pananalig at pag-asang balang
araw ay magaganap din ang mga babalá ngayon ng pagbabagong
lakad ng kapamayanan ng mga tao . Kayâ, kun tungkol sa kaya
manang dapat mapa kay Meni, ay may kalabuang mapapag
wagí niya ang mga pakanâ nilang niyarì ni Don Ramón, bago
nalís . Magpawalà-walà kaya siyang kinalaman at ibuntón kay
Don Ramón ang lahat, sapagka't itó rin lamang naman ang
talagang maypasya at maylagak ng gayóng testamento ? Bákit
kaya't hindi siya makafiwas sa isang pakanâng lubós na masá
sabing, kaya lamang nápanghimasukan ay sa pagbibigay
25
370 LOPE K. SANTOS

loób sa isang biyanáng nagagalit at pinagpapayuhan ? ... Nguni't


may kahirapan mandín ! Pag naghugas siya ng kamay ay lalong
malaki ang mawawalâ. Hindi na makákatkát ang kanilang
pirmá ni Don Ramón sa isang kasulatan ng pagkakasundô tungkól
sa inilagak sa kanyang kapangyarihan. Sa kasulatang ito'y
mábabasa ng sínománg mayma talas na isip na ang katusuhan
ng kanyang pamamag-itan ay siyang nagpapayag kay Don Ramón
sa pag-uubos ng gayóng katiwalaang-loób . Kung ilubóg ang
sulat, ¿ di walâ na ang hahawakan niyáng kapangyarihan?
Si Madlâng-layon ay dilì ang hindî nagpahiwatig din sa
kanyang biyanán ng kabigatán at pagka-lisya sa náuutos ng
gayong pagtatakwil kay Meni . Kailangan na naman ang siya'y
nagpaka-hangál-hangál ó nagtibáy-tibayan ng sikmurà, upang
makapagbigay ngmga hubád na hatol at udyók pa kay Don Ramón
na gumawa ng huling pasyáng gayón . Sa alaala ni Madlâng
layon ay hindi nálilingid sandali man ang mga tuntuning sinú
sunód sa Pilipinas , tungkol sa mga gayóng pagpapámanahán.
Maging sa boông pangatlóng aklát (Libro Tercero) ng Código
Civil Español, bahaging sandát na sandát sa lulang may apat
na raa't pitompú't walóng pangkát (artículos) na pawàng nátu
tungkol sa mga ugali at utos sa mga pagpapamana , na pinairal sa
Sangkapulûáng itó hangáng mátatág na ang pámunùáng ameri
kano ; at maging sa may labing apat namáng kabangháy (capí
tulos) , na maylulang isang daa't walompú't pitong pangkát na
inilalahad ng kasalukuyang Código de Procedimiento Civil, na mulâ
na noong 1901 ay nálagdâ rito't pinairal, kapalít ng mga dating
palakad na yaón ng Código Civil sa mga pámanahán din, ay
natátalós ng abogado Madlâng-layon na walang nababasang isá
mang bahaging nagsasaad ng : ang isang magulang ay maka
pagkakaít ng pamanang ukol sa isang tunay na anák, dahil
lamang sa pag-aasawa nitó ng dî niya ibig.
Dátapwa't si Don Ramón ay talagang nagmakulit na totoó ;
at ang kakulitáng itó ay siyá namang nagpatabâ sa pagpapa
umanhin no manugang na nagkawikàán sa sariling kung mag
kágayón ma'y hindi siyá ni ang kanyang asawa ang mawawalán ,
kundi ang mag-asawa lamang na kinagagalitan ng matandâ.
-Umisip ka at humanap na pilit-ang naaalaala pa ni
Yoyong na parating giít sa kanyá ng biyanán, noóng pinag-úusa
pan nila't niyayarì ang testamento - ng mailálagay nating
dahilang di labag sa utos, upang maarì ang pagkakaít ko sa
isáng anák na walang hiyâ.
-Si Meni pô ay sápilitáng dapat magmana (heredera forzosa)
na walang kakasá-kasalanan sa inyó, kundi ang pag-aasawang
iyán lamang ang kanyá namang naisásagót.
BANAAG A T SIKAT 371

-Iyán ngâng pag-aasawang iyán ang dî ko ibig ! -itinútutol


pa ni Don Ramón . -Kun ang kalooban ko'y hindi sinunod ng
isáng anák, ¿anó't makikinabang ng sápilitán sa akin ding kaloo
ban ang anak na iyán ?
-Oh , hindi pô katwiran iyán ;-ipinaáaninaw pa ni Yoyong
-ang karapatán ng isang anák na tunay sa pagmamana sa mga
ari ng isang magulang, ay katutubò , at ang karapatáng ito'y
hindi maitatakwil sa anák na iyán sukdáng mag-asawa kangíno
mán ; sapagka't ang pag-aasawa'y likás ding karapatán.
-Nguni't nag-asawa siyá nang walâ sa katampatang gulang ;
saka nakapugay pa ng korona ng kanyang magulang .... ¡desgra
ciada ! ....
-Kahì't na pô , tatay ; ¿ hindî pô ba't pinagkalooban niyó
ng pahintulot?
-Ikaw ang maykasalanan !-isinisi pa sa kanya ni Don
Ramón.
-Hindi ko pô sala iyón, kundî ng pagnanasàng ang bahay
nati'y pumayapà na sa lalòng madaling panahón , yamang ano
máng gawin niyong pag-ayaw at pagkagalit, ay naroón na ang
pagkálugamì ni Meni , at málaó't mádalî'y gayón din ang kanilang
káuuwîán.
-Kun gayón, -ang nasabi pa ng matandâ-ay sayang
ang pagka-abogado mo ! Iyán lamang ay hindi mo máipag-isip
ng paraán, upang ang isang kalooban ko'y huwag mabalì ....!
Huwag na akóng tawaging abogado, kung akó ! .... Hindî
mo ba ikinaháhalay na máturang isáng amá ang sumukò sa isang
anák na suwaíl at sa isáng manugang na hampás -lupà , luma
mon-dilì , sosyalista , anarkista pa ...... ?
-Don Ramón , masakít na ang inyong mga sabi ! Nguni
sukat ninyóng málaman, na , sa ibabaw ng katalinuhan ng mga
abogado, ay natatatag ang matitibay na tuntunin ng Código .
-Phsé ! .... ¿ ay anó? sa halimbawà baga'y hindi natin
mamatwid na kayâ si Meni'y dî ko pinamanahan , ay dahil sa nag
kaasawa ng isang sosyalista-anarkista ?
-Dito pô sa atin sa Pilipinas ay dî pa nákikilala ang mga
bagay at sanhing iván .
-Ipakilala ninyó ! Ikaw ang unang magpakilala , at puri
pa ng pagka-jurisconsulto mo ! At nang ang Pámunùán namán
dito , ay makámalay na mayroón na paláng mga kalokohang
ganyán sa Pilipinas .
---Hindî pô maáarì ang mga ganyang matwid sa harap ng
mga utos at húkuman .
372 LOPE K. SANTOS

-Bákit hindî ?. . . . Sa akala ko'y náuutos na ang mga


anák na halaghág, buhalhál ó mánununaw, ay mapagkákaitán
ng mana ng isang magulang, ang isang sosyalista pa ba kayâ
ang hindî? .... Hindi mo nákikita't ang mga sosyalista at
anarkista ay walâng binabaka kundî ang mayayaman at mğa
pámunùán?
-Ay anó pô ?
-Sa makatwid , ay ayaw silá ng salapî, ayaw silá ng mğa
utos , ayaw silá ng katwiran ; mahigit pang masasama sa mga
anák na buhalhál at mánununaw.
-Ipaghalimbawà mo na pông totoo ang lahát na iyán
-Talagang totoó ! -ang patlang pa ng biyanán .
-Ay dî pô ba't si Meni naman ang inyong anák at dî si
Delfín?
-lyón na rin iyón ! At kanĝino pa mápa pauwî ang ipamá
mana ko kay Meni, ngayóng sila'y mag-asawa na?
-Tadhanaan mo pô sa testamento ng panahon , bago
mákamtán ni Meni ang ganang kanyá : ang tadhanà pô'y maáarì.
-At kailán?
-Kung manganák na at mabuhay ang batà : sa ganito'y
ang mag-iná na ang makikinabang.
-At sino ang batang iyán na lílingapin ko? Anák sa pag
suwáy sa akin !. . . . . . At mamúmunga ba ang santól ng mabulo?
Si Meni ay hawá na sa mga kaululán ni Delfín , ¿ ang anák pa kayâ
nila ang mapaibá? Si Meni ba ay mátututong magtaksil at
lumapastangan sa puri ko , at sakâ mábubuyóng magtiís sa mará
litâ at mababang pamumuhay ng mga walâng málamon, kundî
nadáda lá na ng mga turò- turò ni Delfín ... ?
-Siyá ngâ pô , tatay ; ako'y nasa sa inyó riyán ; dátapwâ't ....
-Hindi na naubos ang dátapwá mo !-ang pangitngit nang
sambót ng matandâ. -Sa makatwid, ayon sa iyo ay walâng-walâ
na akóng mábubutasan sa káhiyâang itó? .... Káhiyâan itó ,
Honorio : bakâ ang akalà mo'y ....
Kung nangingimay na yatà ang dilà ng abogadong manu
gang sa kahihindi-pô-maáarì, ay kinukuha sa salansán ang Có
digo Civil nivá, at agád inalálahad sa matá ng di mapapaniwalàng
biyanán . Ang mga pangkát na nagsásaysáy ng mga tanging
kadahilanang máikapagtatakwil sa isang tunay na anák ng kau
kuláng bahagi sa ipamámana , ay siyá agád-agád ipinababasa.
Si Don Ramón, pagkabasa ng mga tinurang pangkát, ay malu
luwát na sandaling napapailing-iling. Walâng anó-anó, parang
nabíbiglaanan ng diwà, ay nangungusap :
BANAA G AT SIKAT 373

-At dito ba sa mga sinasabing itó ng Art. 853, sa ikalawa't


ikatlong kabagayán , ¿ hindî tayo makaháhangò ng isáng dahilán ?...
-¡ . ! Hindi pô namán kayó pinagbubuhatan ng
kamáy ni nilálapastangan ng mabibigát na salitâ ni Meni ;
mahanga'y pagkábabà-babàng loób niyá sa inyó.
-Iyán ang sa ikalawá ;-ang gitgít ng matandâ―nğunì't
¿dito sa ikatló?
-Dito man pô, tatay , sa hindî namán natin masásabing
pagmamasamang babayi na ang ginawa ni Meni .....
-At ano pa ba ang ginawâ niyang pagmamabutí?
-Ang tinutukoy pô niyóng utos ay prostitución: panganga
1 akal ng puri at katawán .
-Hindî lamang kinalakal niyá pati ang puri ko , kundî dinu
ngisan ! itinapon ! niyurakan ! at ... !
Si Madlâng-layon, ay walâ na tuloy mátutuhang sabihing
pangpaaninaw. Hindi talagang mapaliliwanag ang pinaglála hùan
ng galit na isipan ng kausap . Hindi na nag-iimík. Nguni't
ang matandâ, na sa sariling loób ay para siyáng tinítikís ng
manugang, na kun turinga'y magaling na abogado, bago'y walâng
magawa sa gayón lamang, ay nagbitiw na ng isang patapós na
sabi , isáng matapang at makapangyarihang balà :
-Ah, kung hindî maáarì ang ibig ko , ay siyá na na : kumindát
silá sa dilím . At ikaw namán ay magtahán na rin . Bayàan
ninyó ang gagawing kong mag-isá..

Umaabot sa ganitó ang madalás nilang pagsasalitaang


magbiyanán bago umalís si Don Ramón . Sa mga sagot ni
Madlâng-layon, ay napapatlíg ang isang kaloobang nagnanais
makapagpaaninaw hanga't mangyayari sa matigás na ulo ng
matandâ. Dátapwa't maano sanang pinabayaan na ang gayóng
katígasan. Huwag na disin siyang gumiít pang makapanghimasok
sa pamalî-maling paglalagak ng hulíng-pasyá sa yaman ni Don
Ramón . Hindi na sana nagtutulong pa sa mga palihim na pag
hahanda ng pag-alís at sa pagkakaila sa mga tunay na anák ng
gayóng kaloobang dapat dising matantô nilá kapagdaka . Hindi
ngâ gayón ang nangyari, kundî, nang mahiwatigan na niyang
sa tigás ng ulong iyon ay siláng mag-asawa ni Talia ang
una-unang mamámaibabaw sa pagtatangan ng mga maíiwang
yaman, siyá ang una-unang makapagtatamasa sa paghipò ng
pugo at sa paghawak sa taynga ng kawaling mamantika, ang
ginawa ay tikís nang nagbulág-bulagan at nagpatay-patayang
loób sa anománg mga talatà ng testamento , na sinulat
374 LOPE Ꮶ . SANTOS

at nilagdaan ni Don Ramón sa haráp ng isáng Notariong kaibigan


at mga saksíng pawàng kaibigan ding matatalik ng matandâ.
Hindi na siya nagkikibô . Nálabí ang pagkukurò sa bahalà na
kung mamatay. Samantalang hawak niya ang pagka-taga
pangasiwa ng mga kayamanang iyón , habàng di pa dumá
rating ang araw ng paghahati-hatì, (itó'y kung mamatay na ngâ
si Don Ramón ng totohanan at kung maganap na sa harap ng
húkuman ang lahat ng mga palakad na ipinasúsunód ng Código
de Procedimiento Civil) , ay magkákapanahón na munang mag
pasasà ang kanyang mga lihim na adhikâ sa pag-aasawa sa
isang anak-mayaman. Pagdating ng araw ng pagsusulit sa
húkuman, ay labis ang pag-asa niyang hindi na maghahabol
ang mag-asawa ni Delfín . At kung magsitutol namán , at ang mga
dahilang sinasaysay ni Don Ramón sa testamento kung kayâ
hindi pinamanahan ay hindi mapatunayan , bagkús mapabulaa
nan at máiguhô ng mga taga -tangól niná Delfín , ay hindî maliwag
ang siya'y maghugas-kamáy, magpawalâ-walâng kinalaman sa
gayóng huling pasya ni Don Ramón, yamang násusulat namáng.
yao'y pawang buhat sa sariling kamay at kalooban ng namatay .
Ganitó man ang mga tangkâ niyang gawín , upang makaiwas
sa mga sagutin sa hinaharap, ay malakí rin ang kanyang pangi
ngilag kay Delfín . Nágugunam-gunam niyáng málao't mádali
ay matátalós din niná Meni ang lahát at lahat . Ang pangya
yaring naiwan sa kanya ng tangi ang tatlong kabayong pangarera,
na ang pinakamasamâ'y tinátawaran ng limáng daáng piso ;
ang pagkálagak sa kanya, upang maging kanyá na, ang halos
lahát ng mga aklát at kasangkapang sa mga pagsulat, pagbasa
at iba pang dating arì at gawa ni Don Ramón , ukol sa
katungkulan nitó't pinag-aralan ; ang paghahawak ng talaan nğ
mga pag-aari sampû ng mga halaga, at patí ng mga puhunan
at pautang na naiwan ng matandâ ; ang pangyayaring siyá na ang
pumípirmá sa mga pagpapasingil ng mga páupaháng bahay at
sa iba pang dating ginagamitan ng ngalan ni Don Ramón Mi
randa ; ang paghahawak ng testamento ,.. ang lahát na itó ,
pakátakpán man niya ng mga gaanong pagmamalinis at paká
pagtiningan man ng mga kilos , ay dili ang hindî kápapansinán
ng isang pangagagá niyá sa karapatán ng mga tunay na anák,
pangagagáng kung masasabi mang di niya sadyang hiningî,
kundi siyáng kalooban ng umalís na matandâ, ay masasabi ring
hindi niyá tinangihán , natáta lastás mang maykapangitan ang
gayóng tungkól .
Sa mga ganitong pagdidili-dili ay natuluyan niyáng tiisín
siná Talia na di rin sinalubong ; hangang ang mga itó, nang gabí
na't nangafiníp sa pag-aantabáy sa inaakalàng dî makatítiís na
GA
BANAAG A T SIKAT 375

Yoyong, ay nagsiuwi ng sarili, at nilisan ang bahay ng mag-asawa


ni Delfín na may kapanglawan ang isa't isa.
* * *
Mulâ noón , sa bahay niná Delfín ay walâ na halos nápag
uusapan kundi ang mga inasal ni Don Ramón sa pag-alís at sukat
at gayón din ang pagkakálagak ng gayóng huling kalooban na
totoong kasakit-sakit at kagila-gilalás sa ganáng kay Meni .
Si Delfín at si Felipe ay hindi nalao't nangagtibay sa pani
niwala na si Madlâng-layon ang siyang naging kasangú-sangunì
ng matandâ at naging katulong-tulong sa pagyarì ng tinurang
testamento . Ang hinalà nilá ay nabuô , na , ang nasabing kaibi
gang abogado ay nagkulang sa kanilang pagsasamahang matapát
at marangal na dati . Ang tunay na kasulatan ng testamento ay
hindi pa nilá nábabasa , kundi ang ipinadalá lanang ni Talia , na
umano'y isang salin; sapagka't ang talagang pinirmahán ni
Don Ramón at ng mga saksí ay iniingatan at kung mába
lità na lamang na siya'y namatay, sakâ isúsulit ni Madlâng
layong pinaglagakan (albacea 6 administrador) sa húkuman ,
at nang ito ang mag-utos ng pagpapatupad sa mga doo'y nása
saysáy. Natalós din niná Delfín , na ang mga hayop , sasakyán ,
kasangkapan at iba pang pag-aaring yaóng ginagamit nang
parang sariling-sarili ni Madlang-layon , ay itiningîng talaga at
ibinigay ng bukód sa kanyá ni Don Ramón, ayon sa isáng hayág
na kasulatang pinagtibay nilá sa haráp ng isáng Notario
público. Ang Notariong itong nasa sa daáng Eskolta , ay kilalá
at kaibigan din ni Delfín , at siyang nakapagsabi sa kanya ng
gayo't gayóng mga nangyari, at nagpakita pa ng mga sipì ng
tinurang kasunduan . Anopá't sa ganang magkatoto ay walâ
nang talob ang mabahong mga pakanâ ng magbiyanán :
nakaalingasawat umáalingasaw na sa kanila ang lahat.
Nang matalastás ni Meni ang ganitó , ay nagmakahiyâ
sa kanyang asawa . Anaki'y tinimùan sa dibdib ng isáng
matulis na tibò ng pagdaramdam sa mga kapatid at sa
bayaw na abogado . Ni sa pangarap ma'y hindî sumagì sa kanyá
ang isang hinuhàng si Yoyong ay makikitulong pa sa kanilang
amá, upáng mápanibulos ang pagtatakwil sa kanyang pagkatunay
ding anák, na nagkásala ma'y di namán dapat pakágayunín na .
Nagmamaniwala't dili pa sana si Meni, nang una ; dapwà't
nang magtibay ang paniniwalà, ay nagbalak na mag-usisà sa
mga kapatid, kay Talia at kay Siano, tungkol sa mga nábalitàng
gawa ni Madlâng-layon . Sinansa là ni Delfín .
Si Talia, isang araw ay naparoón at sinúsundô si Meni upang
sa bahay namán nilá magparaán ng maghapon , yamang ang
gayo'y dî na sukat pang ipagdalang-takot sa isang amáng nag
376 LOPE Ꮶ . SANTOS

bábawal , na wala't halos kabilang na sa mga patáy. Dî rin


pinayagan ni Delfín : lihim na pinangusapan si Meni na hanga't
mangyayari'y iwasan ang pagtuntong pa sa bahay na yaón,
at iwasan din naman ang bálanang pag-ungkát sa mga pinag
lálarûang kayamanan na dapat ngâ sana niyang manahin, nguni't
maaaring talikdán din namán , alang-alang sa gayon ang kaloo
ban ni Don Ramón .
Unti-unti nang nagkálayô ang magkakapatid ; unti-unting
lumamig ang pag-aalalahanan ni Talia at ni Meni. Yaóng dating
madalás pa sa paták ng ulán na pagpapadala ng kuwalta , pagkain ,
gamót, damit at iba pang bagay na inaakala ng magandáng
loób ni Talia , ay dumalang ng dumalang, at nawala na patí
ng pagkukusà nitó, samantalang nawawala na rin naman ang
pamumungkahi at dating palagáy-loób na paghingi ni Meni
ng anománg kailangan.
Nakaragdag sa mga pagmamaliw na itó ng unang mğa
kasiglahán at tamis ng pagmamahalan , ang pagbabawal ng
mangagamot sa bahay, na si Talia ay maglalabás sa mga pasyalan
at magpapaabót ng gabí ó init ng araw sa lupà, sanhi sa isang
karamdamang sa ganáng kanya'y tumútubò at pinag-iingatan.
Hindi lamang gayón ang mga bagay na naglikha ng
tabáng sa matamis nilang pag-aalalahanang parati . Umabot
sa taynga ni Talia , na kaya si Meni ay palaging mayda hilán ,
kung niyayayà ó ipinasúsundô , ay sapagka't si Delfín ang ayaw
at nagbabawal . Ang sanhi ng ganitong pagsaway ni Delfín ay
hindi na niya kinailangan pang masaliksik at matatap. Sukat
ang pagkabalità ng gayón na ipinaglatang ng loob. Sa kanyáng
pagkukurò ay nanariwàng muli yaóng mga pagsisisi kung bakit
at ang kapatid niya'y nahulog din sa kamay ng taong noong
mulâ-mulâ pa'y talagang hindi na ibig nilang mag-amá. Ang
pusò niyang naghihinanakit ay napabaling din namán kay Meni .
Náisip niyang kun si Meni ay talagang marunong kumilala ng
utang na loob sa mga kapatid, na lagì nang sa kanya'y nagká
kalingà, disin hindi makikinig sa anománg pagsansalà ng
isáng asawa lamang, na walâ namáng sukat bagáng máipag
malaki at maipagmataás sa kanila. Nagkásangkót-sangkót
sa gunam-gunam at loób ni Talia ang maraming ugát ng hinanakít
at pagdaramdám. "Hindî, anyá, akó ang kanilang mapagmá
malakihán . Hindî akó ang kanilang matítikís kung dáraanín
nilá akó sa tíkisan . Kung ayaw siyang pumarito , akó pa kayâ
ang pumaroón sa kanyá ...... ?"
Anopa't ang magkapatid na dating pulót at gatâ sa pag
mamáhalan, ngayo'y nagkalásapan sa sari-sarili ng mga sakláp
ng pagtatampuhan. Sa di pagkakaunawàá'y naraanán silá
BANAAG AT SIKAT 377

ng araw at araw na walâng nagkúkusàng magbalità ng mga


nangyayari sa kani-kanyáng lagay at buhay. At hindi lamang
siláng magkapatid , kundi, kung bakit, patí niná Delfín at
Madlâng-layon , ay waring nagkabigatan na ng dugô mulâ sa
mga araw na yaón .
Hindi namán maikákaít na ang isang pagtatampó ni Talia
at pagtiís sa mga lagay na yaón ng kabuhayan niná Meni, ay
isáng malaking kakulangang sukat niláng damdamín . Ang
apat na pûng pisong buwán-buwa'y sinásahod ni Delfín sa páha
yagán, paano mang gawing pagpigâ, ay hindî mákukunan ng
katás na sukat bagáng máikasapát sa lalong malalaking panga
ngailangan ng kanilang buhay.
Mğa walong piso sa dalawampu't dalawá buwán- buwáng
sinásahod ni Felipe sa limbagan, ang náitutulong nitó sa bahay,
palibhasà ang ibá pa'y kinákailangan namang pag-ayaw-ayawin
sa mga pangangailangan ng sarili at sa pagtulong ng kaú-kauntî
sa mag-iiná sa San Lázaro, na hangá noo'y dî na niyá nápapaki
pisanan, sa di pagpayag ni aling Terê sa kanyang hiling na pakiki
samang malayà kay Tentay.
Ang pagpasok sa páaralán ay malapít-lapít nang maiwan
ni Delfín , sa kawalan ng máipagbayád .
Dito sa Maynilà, na ang isáng mánunulat at nag-aaral, sa
ayaw at sa ibig, ay napapatalì sa sari-saring mğa panukalà at
kapisanan, ay hindi si Delfín ang tanging makaíiwas at makalí
ligtás sa mga karaniwang ambagan at gugulán buwán-buwán .
Ang lahat na ng mga dating kalayawan noong walâ pang iná
alaalang asawa , ay pinag-aaralang talikdáng unti-unti; isá-isáng
inalís yaóng mga kalwagáng dati ng kamáy sa pagbibitíw ng
isáng peseta , isáng salapî, isá ó iláng piso sa mga pagsakay-sakáy
pa sa kalesa , sa pagbilí-bilí ng mga aklát na bagong dating sa mga
sukì niyáng Librería, na dati-dati'y walâng pinalálampás na dî
ibinabahagi sa sinásahod. Sa katagang wika'y noón niyá
nákilala sa gawa ang lubos na kahulugan ng salitang pagtitipid:
at noon din náramdaman sa pusò ang mga tunay na iwà ng kasa
latán at ang tunay na kabangisán ng pagtitiis sa harap ng mga
pangangailangan ng isang pinakafirog na asawang gising, laki at
galing sa mga biyaya ng kasaganàan , at ngayón , dahil sa kanyá,
ay nagtitiis at nagpúpumilit makiugali sa isang bahay ng
mğa kasalatán at pagbabatá.
Si Meni'y nagpúpumilit ngâng makiugali : naglalakás-lakasan
ng loob sa pagtangáp ng pangiti sa harap ni Delfín ng lahát
na mga anyaya at dulot ng karálitâán. Nguni'y napakatalas
na totoo ang pangdamdám ni Delfín , na , ang lalong malalim
378 LOPE Ꮶ . SANTOS

na pagtatago ng kanyang asawa ng mga tiník ng kalunusan at


pagtitiis , ay nasabót at naáaninag sa biglâng tingín lamang.
Makáiláng sa mga lalong mataimtím at maligaya nilang pag
uulayaw, ay bigla kapwàng matigilan : anaki'y may-tig-isang
bikig na humáhalang sa kaniláng lalamunan ! Makáiláng si
Delfín sa mga gayóng sandali , ay siyáng walang anó-ano'y unang
nalálaglagán ng luhà kapág ang kaibhán na ng anyô at ayók ng
kanyang asawa, ay napagpapakùan ng mga matá! Makáiláng
imungkahi ni Meni ang pagbibilí ó pagsasanlâ ng ilán niyang
mahahalagang damit at naimpók na mga alahas, nguni't siná
sansala ng mga luhà ni Delfín, na biglang bumábalong pag ang
gayóng mga salita'y naririnig sa asawang kinahihiyán ! Maká
iláng si Meni ay magpahayag naman sa kanya ng ang lahat na
mga pananalát at kahirapang yao'y malwág na matítiís at
títiisín nivá, huwag lamang makita kailán man ang kahì't fisáng
paták na luhà ng kanyang asawa ! .... Minsang magkásisihán ;
nguni't sino sa kanilang dalawa ang dapat sisihin ? síno sa kani
láng dalawa ang maysala ng gayón?
-Bákit, Delfín, hindi pa natín paghabulin ang aking mana ?
-ang kung minsa'y náuungkát ni Meni , kapag napag-uusapang
malungkot ang kanilang karálitâán .
-At anó?-ang minsa'y malumbáy na náitugón ng asawa-
¿hindî ka na ba makapagtiís sa kahirapan namin ?
-Hindi sa gayón : ¡ ikáw namán ! Nákikita kong ang ipi
nagsúsumisid mo sa paghanap ng ibang pagkakákitàan , bukód
sa pahayagan niyó, ay dahil sa akin : akóng munting kibót ay
ipinagbabayad mo na ngayon ng gamót at mangagamot : at sakâ
ngayo'y nahaharap pa tayo sa isang mabigát na pagkakagastá ....
Bakit tayo magtítiís ng hirap ay mayroón namáng dapat pag
kunan ? Manánalát tayo nitong ang atin ay pinagpapasasàan
lamang ng ibá ! ....
-Atin ang sabi mo ! Ang atin ay ang pinaghanapan natin...
Bayaan mong silá ang magsunong ng sungay: bayaan mo siláng
magtamasa sa hindi nili pinamuhunanan ng pawis : huwag na
kitang makiagaw at managhilì : mapalad tayo at marangál kay
sa kanila .
-Oo nga, ngunì ..
-Igalang natin ang kalooban ng iyong amá, Meni . Kung
tunay na ayaw ka niyang bigyán , dahil ayaw sa akin , mayag
tayo . Sa ating mga pilipino, ang kalooban ng magulang ay
kagalang-galang na totoó ; lubhâ pa't bilin ng isang namatay
ay hindî natin ugaling suwayín. Sinuwáy na natin ang tatay
mo sa pag-ayaw na maging asawa kitá ; sundín namán ngayón
BANAAG AT SIKAT 379

sa pag-ayaw na ikaw ay magkamana . Tayo'y maykatwiran


ngâng mag-usig : sukdáng ang bayaw mo ay mapatátalón natin
doón kung ibig; dapwà't kilalá mo na akó kun sino, talastás mo
na ang kalooban ko sa mga bagay na iyán.... Magdálitâ ka
na't makipagtíisan sa amin, at kung mágawî ka sa ganitong
kabuhayan, ay makikita mong mapalad ka pa at matahimik
kaysa mga mayaman mong kapatid.
Si Meni, kung naririnig ang mga ganitong kaaliw-aliw na
paaninaw ay napapayapà tuwî na , at, kundî totoong maiwasan
ang sama ng loob, ay sa paták na lamang ng luhà ibinúbuntó.
F བང --R ༌ ན ལ ཊསལ R བ ངབ- བང
སྤབང -R-- ་ZANZAN mmmmza

XXIII

Salamat sa " Kantanód " ...

+ maan

Kay Tentay ay hindi si Felipe lamang ang mangingibig na


nangangatawan. Lalò na nang mamatay si mang Andoy, at
nang si Felipe'y maka-isáng buwáng mahigit na wala ang mag
iináng, anyá'y, hindî náratnán ng anománg bagay na nábabago ,
ay makáilán ding nagkaroon ng mga sakunâ, dahil sa ibang
nagnánasà sa kanyang pagka-dalaga .
Anák-dukhâ man , ay sadyâng maayos sa kanyang pana
namít . Bukód sa maayos, ay talagang "may-mukhâ" namáng
naipakíkiharap sa lalong pihikang mangingibig. At hindi kataká
takáng sa gayóng gandáng maligat at kabaitang mahinhín , ay mğa
kapwà babayi na , kung minsan , ang nakakapagsabi , sa pagka
bighanì , ng : "Kung akó lamang ay lalaki, niligawan ko itong
si Tentay!" ó kaya'y "Kung akó lamang ay maykapatid na lalaki ,
ipinanuyò ko sana sa iyó, Tentay!" Kapag ganitong
kapwa babayi na ang nakapagnanais mag-asawa sa isang dalaga ,
ay tandâng ang dalagang itó, bukód sa may mga kadakilaang
hayág , ay may mga tinagò pang sa kapwà babayi lamang sukat
di málihim . Paano'y ang mga babayi, silá-sila'y nagkakásu
katán ng loob, silá-sila'y nagkakáurfán ng mga iningat na hiyás
ng pagka-ba bayi.
Si Kantanód pa nga ba ang dî maulól kay Tentay ! ...
Si Kantanód ay isang lalaking, aywán kung binatà at aywán
kung may-asawa ó bao. Paano mang pagsisiyasat ang ginawâ
ng mag-iiná, ay hindi nátamóng matalós ang kanyang pagkatao
at pamamahay. Nápasipót na lamang sa mga lugál na yaón ,
nang isá sa mga unang araw ng Disyembreng iniuwî ni Felipe,
at hindi na naglalayo ni napagwawalâ roón . Ang panabi niyang
ngalan sa mga naging kakilala sa San Lázaro , at gayón din sa
mag-iná, nang makapanhík na sa bahay, ay Juan Karugdóg.
Itó ó dî man itó ang tunay niyang ngalan, sa boông lugál ó poók
na yaón ay natawag na siyá ng si Kantanód . Sapagka't mulâ
nang makilala si Tentay, wala na halos oras ng araw at gabí, na
BANA AG A T SIKAT 381

dî nagpapaligid-ligid at tátapát-tapát sa dampâ ng mag-iná.


Kung minsa'y napagkakámalán tuloy ng mga kapit-bahay na bakâ
isáng mánununog ó tiktík-sugál sa mapangingihang mga lugál
at bahay na yaón. Hindi rito buông nangaling ang tinurang
pamagát, kundî sa gawâ tuwî-tuwî nang magtatayô ó magpara án
daán sa may tárangkahan niná Tentay , at ináabatang ito'y
lumabas at nang kanyáng másundán . Kun sumunód nama'y
hindî nakikiusap ni sumásabáy : súsunód-sunod ngâ lamang,
anaki'y asong pungê, na malayò ang laging agwát .
Aywán kung ano ang kanyang hanap-buhay. May nag
sásabing nakakita sa dakong likód niyá ng namúmukol na isáng
kalubang tsarol na itím, na sinasapantahàng maylamáng rebol
ber ... "Marahil ay sekreta!" ang naging bulóng-búlungan
ng mga taga-kapookáng iyón : kaya't mulâ nang mábanság ang
ganito'y pinangilagan na si Juan Karugdóg na parang ahas na
itím : kinatakutan ng marami, kinaibiga't pinanuyuan ng ilán ,
at kinarumalan ng lahát. Nagkápunô-punô ang mga hinalà
ng nayon, sa pamamagitan ng mga kilos niyá ring magaspang
na malihim , at sa kanyá ring mga pananalitâng, naka bíbitáw
sa tulos ang kadalasan at kinúkusà namán kung minsan . Ang
ibig máiparamdám , hindî sa mag-iiná lamang, kundî sa mga
kapit-bahay man , ay siya'y isang taong "maykapangyarihan ,"
isáng taong hindi maibúbuwál ng gayón-gayón lamang, bagkús
dapat kaalang-alanganan at ibigin . May napagsabihang isáng
taga Kiyapong kaibigan, na nápapalibot din namang madalás sa
mga lugál na yaón ng San Lázaro, at ang taong itó ang nakapag
paabot sa taynga ng mag-iiná na si Kantanód ay sekreta ngâ,
ayon sa sabi rin ng maykatawán, at naglilingkód, dî umanó, sa
Constabularia . Sa mga sabungán man sa Maypahò ay ganitó
ang pagkakilala sa kanyá. Gayón din sa pátakbuhan ng kabayo
sa San Lázaro . At palibhasa'y may ilán sa kanilang naninirahan
ng dî lubhâng malayò sa bahay niná Tentay , ay dî nagkulang ng
nakapagsabing si Juan Karugdóg ay isáng taong mánunubà,
mahangos at mapamasláng sa mga nakakaya , na dî dapat tulutan
ng isang dalagang makapagpapanhík sa kanyang bahay.
Gayón man ay nagpatuloy rin ng mga pagpanhík-panhík
sa bahay at pag-abat-abat sa daán kay Tentay. Hindi maru
nong lumigaw sa mábutihan at binyagang pakikiusap . Ang
nálalaman niyang ligaw ay magpapanhík nang kahi't mga ala
ngán sa oras , magpapahangin ng maraming kapalaluan at mag
papahiwatig sa mag-iiná na siya'y isang tao ngâng katakot- takot
at mahigpit gumantí sa sínománg mákagalitan.
Anó ang máiisipan namáng gawin ng mag-iiná ! Silá, na
halos pawang babayi sa bahay , ay hindî siyáng makapagsúsu
382 LOPE K. SANTOS

sumáng sa mga kayabangan at pananakot na itó ni Kantanód .


Tentay ay natuto na lamang magsusukbít ng isáng lanseta , nang
mápagdaramdamáng siya'y ináabatang parati at pinag-áakalaang
makuha sa gahasà. Nakikipagkapwà- tao siyá kung si Kantanód
ay nánanhík ng patao . Nguni't kung nagpapahangín na't
nagkíkilós ng masamang kilos , siyá ay lumálayô at nagtútulúg
tulugan na lamang sa silíd , ó naggagawa-gawaan ng anomán
TT
sa labás at sa batalán.
Dátapwa't ang lalaking yao'y talagang mahangin sa ulo .
Madalás magpalagusaw ng mga buông piso sa bulsá , upáng, anyá
yata'y mabighani sa salapî ang mga dukhâng pinápanhík . Kun
danga'y hindi niyá na tátalós na si Felipeng si Felipe na , sampû
ng kaibigang si Delfín, ay pina pagbabahag pa ni Tentay ng
buntót, kapág sa álukan na ng kuwalta nagkakátikisan . Makáiláng
patí si Tentay ay kinakausap ng tungkol sa mga kaliskís ng
manók at balahibo ng kabayo. Makáilán din naman ng tungkol
sa kanyang mga gawâ kung náaatasan ng punò na magsadyâ
sa ilang mga lalawigan . Díkonó , siya'y ináapò-apò at kina
sísilawan ng marami dahil sa taglay na tungkól at kapangyarihan .
Ano kaya ang masakit kay Tentay ng lahát na itó?
Si aling Terê, sa may isang buwán pa lamang na pagpa
panhík-manaog ng lalaking yaón, ay talagang punong-puno na
ng yamót . Dalá na lamang nang likás na ugali ng isang may
bahay na tagalog, kaya hindi magawa ang itaboy ang sínománg
nánanhík kahi't kinapópootán na . Si aling Terê ay natuksó
tuloy magsabing si Tentay ay hindî na makapag- aasawa kangíno
mán, sapagka't mayroon nang katipáng walâ lamang sa Maynilà,
at kauuwi pa sa sariling lalawigan. Dapwà't ang pagsasabing
ito'y hindi nakapagpahupâ sa hangas ni Kantanód, bagkús
pang nakapagpala lâ . Ipinahayag ng lalaki na kun sa pag-ibig
kay Tentay siya'y nagpapakamatay, ay handâ rin namang
makapatay sa sínománg makabibisô at makasísirà sa kanyang
lakad. Pahayag na ipinangambá at ipinagkásisihán tuloy ng
mag-iná, kung bakit pa nasabi ang may katipán na .

** * *
Wala pa si Felipe, nguni't malapit nang dumating, nang
sila'y gawan ni Kantanód ng isang kapaslanging simulâ na ng
maraming kabagabagán sa dampâng yaón at sa mğa kapit-bahay.
Pumanhik isáng hapon , nang bago pa lamang lumúlubóg
ang araw. Pinakamatagál na niváng panhík na dati-dati ang
hangáng ika-siyám ng gabí ; kaya ang mag-iiná , máliban sa mga
batang pinaúunang pakanin , kung may kákanin , bago mákatulog
ay karaniwang nag-áantay na ng gayong pagpanaog bago mag
BANAAG AT SIKAT 383

sihapon. Kung minsan namán sila'y ináabot nang para -para


ng gutom, si Kantanód ay inaanyayahan na niláng humapon,
kun sakali't di totoong kahiyâ-hivâ ang dulang; kundi kaya'y
naghahálinhinan si aling Terê at si Tentay na lumála bás
ang isá at walang pakala tóg na kumákain , samantalang ang isa'y
nakíkiharap sa panauhing walâng pakiramdám. Dalawá yatàng
gabing nakahapon na roón si Kantanód, na nagpabilí pa kay
Victor ng tinapay-amerikano , dahil, díkonó , ang kanin kun
gabi ay mabigat sa kanyáng tiyán . Minsang gabing náiulam
niya ang tinapay sa pinag-abutang tinapá sa dulang , at minsang
sa ipinabilí ni aling Terê na itlóg na maalat at kamatis, na kina in
ni Kantanód ng boông kasárapan . Magkádalawá pa ang panau
hin ó mangliligaw na gaya nitó, ay marahil bituka na ni aling
Terê at ni Tentay ang náipaulam sa tinapay !
Nang gabing iyon ay hindi napahapon ng mag-iná. Lu
mampás na ang karaniwan at pinakamatagal na oras ng pagbabâ
ay dî pa nagpápaalám. Sa pagkakaupô sa papag na pasandíg
sa isang haligi at palárindingnan, ay tila umáapyá na sa pagtulog
at maynasàng magpalumagák sa bahay. Ikasampung oras na,
nároón pa . Si aling Terê na sa pag-aantabáy ay nápaidlíp na
tuloy sa palapág, pagkapakain sa mga batang nangatútulog na ,
tangi si Victor na nakapanaog di't na sa galàán, ay hindi pa
rin humáhapong gaya ni Tentay. Nang magpabalát-bunga
itó, si Kantanód ay nagpakátangí-tangí. Díkono'y ginawa na
niyang hapunan ang minindál, bago naparoón . Ang nangyari
ay nagkaní-kanyahan na namang kain ang mag-iná nang totoo
nang nadadayukdók .
Nang si Tentay ang lumabás at maiwan sa loob ang iná , na
nag-aayos ng higaan ng mga batà, si Kantanód ay sumunód
sa labás at doón umalí-aligid at bumulóng-bulóng ng mga kun
anó-anóng salitâ na di máwawaan ng binibini.
-Anó pô? -anitóng nápapalakás .
-Huwag kang maingay !-ang paanás na saway ni Kantanód ,
kasabay ang pagyayambâ ng kamay na patutóp sa bibig ng
binibini.
Ito'y pinangalisagan ng balahibo sa galit at sindák sa mapa
ngahás na anyo ng lalaki . Tátawag sana ng "¡ nanay !," nguni't
natikom ang bibig sa pagkáulinig ng mga bagong bulóng ni
Kantanód . Si aling Terê nama'y hindi na kailangang tawagin :
sukat sa náriníg na "¿anó pô ?" ng anak, ay dahan-dahan nang
sumilip sa pintuan . Palibhasa'y abót namán hangáng kálanan
ang ilaw ng kaisá-isáng gaserang nabubungad sa nasabing pintê,
kayâ sa isang silip ay nátanáw ang anyông payungyóng ng lalaki,
na tila may ibinúbulóng sa kanyang dalaga . Hindi kumibô si
384 LOPE K. SANTOS

aling Terê. Inihandâ na lamang ang loob sa pagpapagibík sa


mga kapit-bahay kun saká-sakali .
Hindi naman nakuha pa ni Tentay ang pagkain . Ang
lalaki'y hindi nagtitigil sa pagbulóng na karamihan sa mga siná
sabi'y hindî niyá náwawatasan ....
-At bakit pô kayó maáapí?-ang nasabi ni Tentay ng
pagilalás , pagkawatas sa ilang salitâ.
-Ikaw palá ay maykatípanan na , ay ¿ paano akó ? Bákit dî
mo sinasabi sa akin noon pang unang araw na ako'y pumanhík
dito, at nang di na nábuyó sa iyong magandang kalooban?
-Abá, ang lalaking itó !-ang sa sarili'y nasabi ng dalaga
¿ anó kaya't ipagpaparangalan ko pa sa inyó na mayka tipán
akó?
Nang di na sana akó náwili sa kamáhalan mo. ¡
-Kaydali pô namán niyóng mápawili ! May ilang lingó
pa lamang kayóng nápapanhík dito, ay ibig na niyong pagsulitan
ko kayo ng mga kalihiman ng aming buhay.
-Kaya mo ipinaglilihim , ay marahil ibig mo akóng máloko...
-Mang Juan, --ang nasabing biglâ at pakatál ni Tentay
huwag ka pông pabiglâ-bigla ng salitâ rito sa amin . At anó
ang ilóloko ko sa inyó, at nagsabi kayó ng ganyán? Mag-aaral
kayó ng pananalitâ, at dî parating musmós ang inyong naka
kausap ! ....
Malamíg din ngâ si Tentay ; kung naging isang babayi siyáng
masubó-subó ang loób, marahil, noón di'y nagmumog ng dugo
ang lalaking yaón . Marahil ang parating sukbít-sukbít na
lanseta , ay nagamit na sa pinaglálaanán . Ang ginawâ na lamang
ay umakmang papasok sa loob ; dapwà't hinadlangán ni Kantanód,
at anyá'y :
-Huwag kang malís dito , kung ibig mong magdaán tayo
sa mabuting salitaan !
Si Tentay sa ganitong balà ay nadalá ng kahintakutan ;
umiral ang pagkababayi, at di man nakaimík sa nínigil.
-Sinabi ko na sa inyong ako'y hindi na tátakot mamatay
ni makamatay, kaya huwag mo akong hiyâín ngayón sa híhi
lingín ko .... Tunay ngâ bang maykatipán ka na ?
Hindi makasa gót si Tentay ; dapwà't sa wakás , ay nagtibay
ang loob sa "bákit ko ipagkákaila at síno siya?" Sumagót
ng mayroon ngâ .
-Síno?
-Walâ pô rito .
-Saán nároroón ?
BANAAG AT SIKAT 385

-Ay anó pô ang ipinag-úusisâ mo?


-Ibig kong paghanapin at nang malaman kun siya'y maga
ling na lalaki.
-Hindî pô yaón marunong matakot kangínomán ; nguni't
walâ rito, na sa Silangan .
-Hindi na siyá makapápa rito kailán man !
Nápaabá ang dalaga , at sa sarili'y náwikà pang : -Nahíhilo
nga yatang talaga ang taong itó ! ....
-Makita mo at hindi ko tútugutan hangáng di siyá mákilala.
-Pagdating pô rito ay akó pa ang magpapakilala sa inyó.
--Tila ka nakakásalbahe ....!
-Hindî pô sa kayo'y sinasalbahe, kundî . . . .
-O, anó ang sasabihin mo pa ?-ang putol ni Kantanód na
tinutóp na nang totóhanan sa bibig ang binibini.
Biglâ itong umibag at sinalták ang kamay ng pangahás
na lalaki. Nagpakita na ng totoong galit at nag- wikà ng malakás
at walâng pakú- pakundangan :
-Manaog na kayó , mang Juan, kung ibig niyóng huwág
kayóng samâín !
--Nagalit ka na -anáng pinapápanaog --para gayón lamang!
-Manaog na pô kayó ! -ang makapangyarihang sabi ng
dala ga.
-Oo , ako'y manánaog na , nguni't pabaunan mo akó ; kung
hindi, hindi akó áalís dito , ¡ mangyari na ang mangyayari !
-Na anó pông pabaon?
-Kahi't isáng ...... halík .... !
At umakmâng ilagdâ ang marurungis niyáng labi sa kagalang
galang na kanang pisngi ni Tentay. Dapwa't sa akmâ niya'y
isáng malagapák na tampál ang isinalubong ng binibini , sunód
ang isang hiyaw na pagibík sa iná, na biglang dumaló namán
at nagmurá ng dî kawasà sa lapastangan .
Si Kantanód ay umakmâng magbunot ng rebolber sa likód .
Panabay na nápahiyaw ang mag-iná. Sa ilang iglap ay pinag
gibkán ng mga kapit-bahay.
Nguni't ang duwág na pangahás ay wala na . Nakapag
iwan lamang ng isang matigas na bantâ :
-Sa ibang araw kayó ! Mahúhulog din kayo sa kamay
ko !......
* *
Hindi na ngâ nagtugot sapúl noón si Kantanód. Lalò nang
pinangatawanan ang pagpapatibay sa pamagát na itó. Nguni't
26
386 LOPE Ꮶ . SANTOS

hindi namán nakyát na sa bahay, mápa-araw mápa-gabí.


Kadalasa'y nagsása-panikè nang paligid-ligid : kung araw ay dî
napakikita roón , kundi kung mga gabi at hating-gabí lamang.
Sabihin pa ang pagkakatakót ng mag-iiná . Patí ng palá
galâng si Victor at si Lucio, ay hinigpitán ni aling Terê upang
huwag nang makapagpana óg.
Maraming mga kapit-bahay ang nagsiabat namán sa kanyá ,
kaya pinagmumuntik-muntikanang maumog , pag nagkátaóng
nádakíp sa isang masamang pagpasok sa mga loobang yaón.
Ang ganito'y nagpatapáng-tapang sa natátakot na mag-iiná .
Sa dakong Timbugan ay kumalat ang balitàng aswang ang
namúmuyat na yaóng mahigit nang sanglingó sa San Lázaro.
At aswang na di tagalog, kundi isá raw sa mga amerikanong
mángangaritón sa kamalig doón ng Munisipyo . Kalangkáp
ng balità ang takot na lumálaganap at kumúkulilì sa taynga at
guni-guni ng marami , lalò na ng mga buntís at mga batà. May
nagsasabing asong pungê ang kanilang nakikita , anopa't maiklî
ang buntót sapagka't rebolber ang dala-dalá ; at may nagsasabing
isáng malaking baboy na sísingá-singasing pag nakáramdám ng
tao , at biglang nawawalâ muntîng mápakublí sa dilím.
Patí sa nayon ng San Lázaro, kun sa bagay doo'y dî na
kailâng isáng mángingibig lamang kay Tentay ang mulâ ng mga
gayóng bálitàán at pagkakatakót, nang malaon , ay nagkaroon
din ng mga kampón ang paniniwalàng aswáng ngâ ang naggagalâ
gabi-gabí . Nguni't ang aswáng ay kinikilala nilang si Kantanód
at di amerikano .
Hangán sa mga kapookán ng Mayhaligi at Oroquieta ang
aswang ay nakaabót . Ang sabihan naman ng mga tagaroón ay
may lumálagusaw pang tanikalâ ang doo'y nagpapalibot-libot
at namúmuyat, nguni't walang makapagsabing nakakita .
Sinásapantaha namáng isáng bilangông nakatanan sa Bilibid,
kaya may dalá-daláng taling-bakal . Nguni't sa mga tagaroo'y
malubhâ-lubhâ pa ang pagka- katakot- takot ng balità . Sapagka't
bilangông tanan at umano'y pinarusahan ng habang pana
hóng mabibilibid dahil sa nakamatay , kaya bawa't tao raw
mákita at máabutan sa paglilibót kun gabí ay pinapatay namán ,
sinísipsip ang dugô , kinákain ang puso't atáy, pinipindáng ang
lamán at inaíihaw tuwîng kákain . At palibhasa'y walâ siyáng
bigás na máisaing, ang ginagawa'y nánanhík na lamang sa mga
bahay-bahay at nanghihingi ng kanin ; kung walâng máhingán ,
ay pumápanhík at sukat sa batalán, nagbubungkál ng mğa
palayók, at pag walâ ring mákuha'y pinagbábaság at ipinag
tátapunan . Salamat kundî pa patayin sa pagtulog ang mga may
bahay ! .... Walâ sínománg makapagsabi ng táhasan kun saán
BANAAG AT SIKAT 387

nagtútumirá kung araw ang bilangông itó . Anáng iba'y sa mğa


butas na walâng lamán ng Loma ; anáng iba'y umáahon sa mğa
gubat ng Dilimán at Masambóng, at anáng ibá pa'y nagbábalík
daw tuwing madaling araw sa Bilibid.
Ang lahat ng mga balità at pagkakatakót na itó, ay umáabót
sa alám ni Juan Karugdóg . Itó namán ay nagmamátawang
matakot sa gayóng mga hígingan tungkol sa kanya. At sa
panghihinayang sa buhay, ay isang lingó munang tumigil ng
kágagawi sa San Lázaro . Nagsadyâ ng pabalità kiná Tentay
na siya'y wala na sa Maynilà at na sa isang malayòng lalawigan,
sa pag-ganap ng isang bagong tungkól . Sa dî na pagsipót ni
Kantanód ay unti-unti namáng lumipas ang pagkaligalig ng
mğa kapit-bahay. At nang ang mga nagdaáng kapuyatan ay
kasalukuyan nang binabawi gabi-gabi ng mga mang-aabat na
dati, si Kantanód, isáng sábadong mag-fikawalóng oras na ng
gabí, ay nanhík na mulî nang mapayapà at magalang sa bahay
ng mag-iiná ; may mga dalá pang kung anó-anóng kakaníng
pasalubong sa mga batà ; humingi ng boông kapatawarán sa
nagawa niyáng mga pangangahás at pangbabagabag nang mğa
nagdaang lingó. Gayón daw ang parusa sa kanya ng paring
aswitang napagkumpisalán . Nakiusap na namán na kun siyá
ma'y ayaw nang tangaping mangliligaw, ay ipalagay man lamang
na parang anak ni aling Terê at kapatid na bunsô ni
Tentay.
Kun ang mag- inang nakarinig ng mga ganitong sabi ay
hindî man nakapagpahalata ng pamukhâang pagtawa sa naki
kiusap na ito, ay sapagka't napakagawi na lamang totoo ang
kanilang mukha sa mga anyo ng kalumbayan. Dátapwâ't
gayón man, ay nag-ibayo pa ang kanilang pagkakilala sa pagka
kuláng-kuláng at masintó-sintó ni Kantanód.
Anó ang isásagót ni aling Terê , kundî “ opô : dî siyáng salamat
kung kayo'y nagbabagong loób na at nakíkimagulang sa amin ."
Ang galák ni Juan , sa lakí, ay nakyát at nakapagpapunô pa
ng hangin sa ulo . Pagkáriníg na siya'y pinaáayunan, ay humi
ngî pa ng kauntî. -Na sapagka't nang hapong yaón lamang siyá
dumating , galing sa isang malayòng lalawigan, at sa kapagura'y
natátamád nang umuwi sa sariling bahay, (aywán kun saán ) ,
ay mangyaring doón na siyá patulugin sa gabing yaón , at uma
gang umaga'y áalís din ....
-Hindi pô maáarì ang ganyán !-ang malumanay na pakitu
ngo ni aling Terê -Kung málaman pô ng ibang tao na dito
kayó natulog, ay anó ang wíwikàin na namán !? ....
-Hindî na pô akó líliwanagin.
388 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Kahì't na pô ; huwág, at totoong kahalay-halay !


-Walâ pô namán akóng gagawing anománg bagay na
masamâ....
-Siyá ngâ pô ; nguni't maraming kapit-bahay namin ang
nagagalit sa inyó , bakâ kayo'y máramdamáng náriritó , ay umugin
kayó gaya ng kanilang bantâ.
-Akó pô'y hindi natatakot.
-Ah ! .... sinabi ko na sa inyong hindi maáarì .... !
Hindi na umimík si Kantanód . Samantala , si Tentay na
nasa dakong loób at nagpápakunú-kunwâ ng pakikiníg, ay
mátawa-tawang nagngíngitngit sa kanyáng iná , kung bakit pa't
nakikipagtágalan ng usap sa haling na yaón.
Nanaog si Kantanód na pinag-aagawan sa loob ng tuwâ
at pagkalungkót : tuwâ sa pagkakátangáp na naman sa kanyá
ng mabuti , at lungkot sa dî pagkakapayag ni aling Terê na
patulugin siyá roón.
Lumabas sa tárangkahan na búbulóng-bulóng. Sa gayong
dilím at tahí- tahimik nang gabí, ay sinukat-sukat muna ng
matá ang taás ng mga bintanà ng bahay, bago nagsabi sa sarili
ng bantâng: "Hintáy ka , mámayâ ka , Tentay, hating-gabí ... . !”
Nagbantâ na naman ang suwaíl , na ang Roma'y áagawin ....!
Lumakad nang lumakad sa kahabaan ng daáng Cervantes .
Maminsan-minsang mapatigil : lumilingón at tumátanáw sa
pinangalingan . Nang nálalapít na sa malakíng dúlàang Opera
House, ay nakáaninag ng isang malaking taong nakatayo sa
gitnâng-gitna ng daán . Pulés na amerikano. Nang makilalang
pulés ay sumikdó-sikdó ang pusò ; nagpakálihís-lihís na paris
ng pag-ilas ng isang duwág na magnanakaw sa mga anino at
kaluskós ng pag-usig. Nakalampás ng walâng anománg nangyari ,
kundi isang matagal na pagkakátitig ng pulés , na waring naká
pansín sa paglihís niya. Ang mapuputing liwayway ng mga
ilaw-lansangan ay abot-abot namán doón , na anopa't kun dî
paris ng pulés na yaóng sadyang kumúkubli sa lilim ng isang
haligi ng kawad, ay labis magkámukhâan ang mga tao sa liwa
nag. Marami pang naglalakaran , palibhasa'y may mga ika
sampûng oras pa lamang.
Nakasapit hangán sa dúlàang Libertad. Dito at sa Zorrilla
ay sabay na may palabás nang sábado ng gabing yaón . Hindî
nasok sa alinmán, at anya'y lampás na ó bakâ alanganín sa oras
ng paglabas. Isá-isá na lamang binasa ng makálawá at maká
itló ang mga palátuntunan at pamahayag na nangagdikit sa pintô
ng magkaibayong dúlàan. Marunong namáng bumasa , nguni't
paurít-urít lamang at tila may kalabuan ang matang halos idiná
BANA AG AT SIKAT 389

daiti na sa binabasa . Ang alingawngaw ng mga awit , tugtóg,


táwanan at palákpakan sa loob ng dalawáng dúlàan, ay kauntî
nang nakahikayat sa kanyáng masok din, kahì't man lamang
sa entrada general. Dapwà't nápaurong, nang may isáng taong
mápagtanungan ng kung anong oras na . Ipinakita sa kanyá
ang relós na mag-fikalabing-isá. "Kaunting oras na lamang!"
ang náibulong sa sarili . Lumapit pa sa ilang babaying mag
mamanî, mag-aapulíd , itlóg, peras, kastanyas, at iba pa . Bumilí
ng maning makukukót na ipinunô sa isang bulsá ng pantalón
at isáng bulsá ng amerikana . Kay-hirap ng walâng relós ! Mayâ't
maya'y nakikiutang ng loob sa mga taong nakakasalubong
sa pagpapatawid-tawid sa daán , upang matalós kung ano nang
oras . Siya'y maydaláng relós din, ayon sa madalás sabihin
kiná Tentay , kun sa pagkainíp ay itinátanóng sa kanya ang
oras ng gabi upang manaog na ; nguni't , dikonó , ang relós niyáng
yao'y mahal at di maipagkátiwalàng ipagawâ kundî sa Estrella
del Norte kapag nasísiràang paris nang mga araw na yaón .
Antayin na kayâng matapos ang mga palabás ? Huwág
na kayang hintayín , at mabuti na nga'y may mga ibang taong
nagsisigalà sa lansangan, upáng huwág mápuná ng gaano ang
kanyáng mga paglakad at pagtakas , saká-sakalì ? .... Itóng
hulí ang kanyáng minagalíng . Hindî na inantay matapos ang
mga tanghalin at nagbalík sa San Lázaro .
Nakalapat na't nakatali ang tárangkahan ; nguni't taling
Lucio , taling-ba tà lamang, na upang makalág at mapasukan
ay walang kailangang gawin kundi isáng maingat na pagsusulót
ng kamay sa buhól ng lubid na panalì at marahang pagtutulak
upáng huwág kumalatís ng gaano ang mga salá ng pintuan . Si
Karugdóg ay hindî na bago sa pintuang yaón , at sa looban ma'y
wala nang sasabihin sa kanyang pakaliwa't pakanan .
Sa siwang ng mga nakasaráng dúngawan at sa mga butas ng
dinding, ay nábabanaagan ang mga liwayway ng isang ilaw na
naglálagós at nakasisingit. Dati-dati'y nagpapatay ng ilaw
kung magsisitulog na ang mag-iiná , hindi sapagka't mináma buti
nilá ang dilím , kundi marahil ay sa pag-aárimuhanan sa langís
ó gas ; dapwà't sapúl nang si Kantanod ay magbabantâ at man
ligalig sa kanilá, ay hindi na nag-alis ng ilaw gabi-gabí. Mang
yari pang dî ang ilaw na iyon ang siyang lalong mahigpit na
kaaway ng kanyang binabalak gawin sa loob ng bahay!
-Nguni't .... bahalà na ! -ang náwikàng mag-isá, habang
pinagkukurò ang mabuting paraan ng pag-ganap sa kanyang
tangkâ. - Dito akó áakyát sa bintanàng itong malapit sa lalagyan
ng ilaw. Kung makalálapit ako't mahíhipan, pápatayin ko ,
kung hindi ay .... ¡ may ilaw nang mangyari ang lahát ! ....
390 LOPE K. SANTOS

Ang sumigaw sa kanilá at kumilos ng masamâ-samáng kilos ,


ay utás .... !
Ang kaluban ng rebolber ay sinalát sa likurán . May isáng
sundáng pang matulis at matalas na sukbít, taáng siyáng unang
gamitin sa magpapahamak sa kanyá, upang walang ingay na
makamatay kung makamámatáy man .
Ang maliit na hagdáng may tatlóng baytang lamang, ay
kinuha at siyáng isinandíg sa tapát ng dúngawan . Dahan
dahan ang pagsasandíg ; dahan-dahan ang pag-akyát, upang
huwág kumaluskós ang mga nangángalisag na lumàng pawid ng
dinding. Ang urong-sulong na dalawáng sawaling dahon ng
bintana ay lapat na lapat at nátatali ng gatimsím na kawad sa
isáng palatpát ó anak-anak ng dinding. Hinawing pakanan ang
isáng dahon , nguni't bahagyâ nang naka isod ng dalawang dalì sa
dágusdusan sa itaás . Nagkapuwáng ngâ ng kauntî, at si Karug
dóg ay may pinagkásilipan ng pagkakahanay ng nangatútulog
sa loob. Si Tentay ay wala sa kabahayán : walâng salang nasa
silíd ; at sapagka't walang kasiping si aling Terê kundî dádala
wáng batà, si Juléng at si Lucio, hindi rin sása lang si Victor ay
siyang nasa silíd na kasiping ni Tentay.
Ang silid ay maliít at makipot, kaya't ang malamlám na
ilaw ay nakapagpapaaninag ng tila mga paá ni Tentay na nábu
bungad sa pinto at ng ulo man ng batang nakahigâ sa paanán.
Paano ang gagawing pagkakalág sa tall ? Hindi malálagót
ng kanyang sundáng ang kawad . Kundi namán sa bintanàng
yaón magda án, ang ilaw ay walâng daáng mapatay.
-Mahanga'y doón sa isang bintanà ko siyá tapatán ! —ang
násabi.
Gayón ngâ ang ginawâ : inilipat ang hagdán at doon nainán
nakyát. Nakatalì rin ng kawad ang bintanà, at lalòng matibay
pa mandín. Ang mag- iináng yao'y mapagkikilalang sa
kawalan ng lalaking taga - tangól , ay sa mga panaling-kawad
na lamang nagtitiwalà ng kanilang buhay at puri.
Wala ring mangyari. Kun sa talagang hagdanan namán
pumanhík, ó sa batalán kayâ, ay sápilitáng dáraán sa pintông
salá-salá at urong-sulong din, na lalong lapat na lapat at may
aldaba pang nakatalasok at nátataling parang walâ nang
kálagan .
Mabibigo yatà si Karugdóg!
-Mahanga'y sa silong ng silid akó gumawa ng lúsutan !
ang náisip.
Ang silong ay mababà : halos pantay-pusod lamang. Walâng
bakod at nátitiwangwáng na anaki'y isang babaying mana
BANAAG AT SIKAT 391

nanim na nakatapî ma'y anó pa . Ang mga sahíg ay náda


daling: maaaring tastasin ng matalas na sundáng hangáng mala
gunlón ó mahawì, patí ng mga balagbág, upáng máilusót ang isáng
ulo at katawán.
Nagtibay sa pakanâng itó .
-Sa silong! sa silong ngâ !-ang malugód na sa sarili'y
náwikà.
Ang kadilimán ng gabi ay naging matalik niyáng katulong.
Palibhasa'y nádadakong kalooban ang bahay, malayò sa daáng
malaki at hindi na naáabót ng mga buntót-liwaywáy man ng
luseléktrika, kaya anománg gawin sa paghahanda ng kanyang
panukala ay walang kalabang panganib, kundi ang kung may
mágising na lamang sa kanyáng mğa áakyatín .
Parang isang matalas at sanay nang magnanakaw, ang una
munang pinaghahawî at nilinis ay yaóng lahát na makaháhamba
lang sa pagtakas , saká-sakaling siya'y máramdamán at habulin .
Kinurò-kurò pa kun saán-saán siyá lúlusót sa paglabás sa looban
at kung baga't makaakyát ay saán at paano ang magaling na
pagpanaog na gagawin . Hinakà-hakàng si Tentay ay maaaring
mayag sa takot at maaaring hindî sa galit . Sa mayag ó sa hindi
ay mangyayari rin namáng mágisíng si aling Terê at magpagibík .
Ang mga kapit-bahay, palibhasa'y mga gawî na sa pag-abat
at sa pagdaló , ay hindî malayong magsiratíng agád-agád , at
máabutan pa siyá sa itaas ng bahay, kung ngánga pa-ngapa at
bábagal-bagal sa pagpanaog . Kung makabutas man sa sahig
ng silíd, ay iba ang lumusót nang paakyát na walâng humáha bol
sa lumusót nang pababa na hináhagad at inaabatan . Ang
lahát na ito'y inisip niyá, at sa wakas ay naakalàng magaling ang
pagka-akyát sa silíd ay gumawa sa malapit na bintanà at
kalagín muna ang kawad . Kung ito'y di na nakatalì , tumalón
man siyá sa bintanà, ay walang sagwil na malúlusután .
Nasok na sa silong . Dî man inindá ang makálawang pagká
untóg, na halos sinunong ang bahay. Mahihimbing namán sa
itaás na walâng napukaw sa yaníg. Tuma pát sa may paanán ,
ni Tentay at isá-isá nang sinalát ang hanay ng mga daling. Ang
mğa sahig ay pahalang at magka-habà ma'y mga aním na dangkál
lamang; putól at dî karugtong ng mga sahíg sa kabahayán . Ano
pá't madali at bagay na bagay ngâ sa pakanâ ni Kantanód . Sa
bawa't daling ay isinusuót at inihihiklát ang dulo ng sundáng , na
sa katalasan ay walâng kakalá-kalatís na nakalálagót sa maru
rupók nang uwáy. Nang may mga labing-anim na ang sahig
niyang natátastás sa dalawang hanay na daling, ay inatu
hang lusután ; nguni't mahigpít pa : kailangang hustuhing mğa
dalawampû at nang lumuwág-luwág ang pagpupusót ng kanyáng
392 LOPE K. SANTOS

katawang malakí rin namán . Madalf't sabi, ay nakalagunlón


ng may dalawampung sahíg at ilang balagbág, nang ang lig
niyá ay nanínigás na't dî máibaluktót halos sa pagkakapangawit
sa tingalâ, at ang mga bintî nama'y sa pamimitig ; ang dalawang
tuhod ay ngalay sa pagkakáluhód sa lupà at ang likód ay sa
pagkakáliyád na matagál. Nguni't ¡ gaano na ang mga hirap na
yaón sa palad na pinamumuhunanan!
Kailangang sa dakong palárindingan ang hawì ng mga
sahíg na malagunlón, upang huwág mápabuntón sa dakong
likód ng batang nasa paanán ni Tentay, at sa gayón , kung pumihit
ma'y di mangáhigán at kumalaskás .
Unti-unting iniungaong ang ulo sa butas na parang may
isáng mabigát na súsunungin . Nápasungaw namán at ilang
sandaling sa nilingap-lingap sa kabahayáng maliwanag at sa
silíd na madilím, anaki'y yaóng kabesa-parlanteng pinalalabas na
madalás sa mga pistahang-bayan noong araw. Nang mapag
masdan ang ilaw ay nakáramdám ng tila kamandag ng takot
na nanánalaytáy sa kanyáng mga ugát at lamán. Tumanáw
ng padunghál sa dakong ulunán ng higâ ni Tentay, bago sa bin
tanàng nátatali na binabantâng kalagín at talunán sakà-sakali.
Naglulunók ng laway na anaki'y isáng bilangông nápapangaw
ang liíg at nakakátanáw ng isang pintông máta takasan , nguni't
mapanganib.
Ang balikat namán ang isinunód na parang pápasanín ang
bahay. Ang kanan muna , sakâ ang kaliwâng kamay .... ¡ para
na siyang nasa itaás sa gayón ! Ang mga tuhod na ngawit ay
lalong nagsipangalóg nang mápatindíg na nang matwíd . Hindi
man sinasadya ay napapagsasalitâ ang mga sahig na sa pagdiín
ng kanyang mga kamay, ay nagsisiraíng mandín sa pag-ala tiít.
Walâ ring napúpukaw ni kumíkilos . Oras na yaóng talaga ng
la lòng masarap na paglimot ng mag-iiná sa mga kapinsalaan
ng buhay ! Si Tentay ...., si Tentay ay naghihilík at anaki'y
patay sa pagkakátihayà nang patiwangwáng. Si aling Terê .
si aling Terê ay kátaón pang pinaglálangít-nğitán ng mga ngipin
at bagáng. At ang mga batà .... siná Lucio, Victor, Julita , sa
hihimbing ay parang hindi na mangakákatikím uli ng ibang
gabing maitutulog.
Anopá't si Juan ay siyáng tanging harì sa katahimikan
ng boông bahay; nguni't haring nanginginig , haring natátakot,
haring malakas ang loob ay mahinà ang tuhod.
Pagkasampa ng boông katawan at pagkátuntóng ng patag
sa sahig ng silid, ay nag-álanganing kalagín pa muna ang kawad
ng bintanà.
BANAAG AT SIKAT 393

Hindi na kailangan !-ang sabi -Lálayûán ko pa itong


si Tentay, na halos nasa sa kamay ko na?
Nilakdawán ang batang si Victor, at kaunti pang máya
pakan sa isang paá si Tentay. Ang sundáng na hawak-hawak ay
isinakamay na kaliwâ ; nguni't sa pangangaykay ng mga dalirì, ay
biglang nabitiwan at bumagsak sa ibabaw ng isang baúl na mun
tîng nasasa kanyang tagiliran . Kumala bóg ang sundáng. Ná
gising si Tentay. Námulagatan ng matá ang taong sa kanya'y
nakatayo ng pasaklâ at paduha pang.
--Síno ka ! ? -ang pabiglâng tanong ng binibini .
Ang sínokáng ito'y parang tumamàng punlô sa dibdib ni
Juan, na halos ikinawala ng kanyang urilat . Ang sundáng
na dádamputín sana ulî ay hindi na nakuha't biglâng nabuhat ang
kaliwâng paá at inalís sa pagkakásaklâ sa nakahigâ .
-Tao, tao , nanay ! .... tao!
Ang taong ito'y parang nagtulak kay Karugdóg na biglâng
nápabalík sa ginawa niyang butas ng sahig, at umakmâng lúlusót
na sa silong.
Si aling Terê ay hindi pa nágigising . At ang ganito'y nag
pasauli ng loob kay Juan.
Dapwa't si Tentay, na anaki'y isang binábangungot lamang
na sa pagpapakáubos-ubos ng sigaw ay mahinà rin at paungól
ang pananalitâ, ibig bumalikwás na hindi maarì at nanglálatâ,
ay nabuhayan ding sandali ng loob nang mámasdáng ang
tao'y lumayô agad-agad sa kanya at umakmâng makatakas .
-Síno ka ? .... Nanay, tao ! .... tao ! ....
Malakás ang sínoká, nguni't ang tao! .... tao! .... ay untî
unting nafinís sa lalamunang katulad ng pagpapasagip ng isáng
malúlunod , palibhasa'y napagbalikán na ni Juan at natutóp ang
kanyang bibíg :
-Huwag kang maingay ! -ang sabay sa pagtutóp na sinabi.
Nagkapanahong nadukwáng uli ang sundáng sa ibabaw ng
baúl, samantalang ang dî maka gulapay sa sindák na binibini ,
ay tinútuhod niya halos , gaya ng pagtuhod ng isang pumá
patay ng isang baboy na ayaw pasigawín.
-Patay ka , pag nagpagibík ngayón !-anyá pa .
At hinawakan ang isang kamay ng nagpípiglás na binibini ,
sakâ ipinasalát ang makinis at matulis niyáng sundáng na náti
timò sa tapát ng dibdib. Nang máhipò ni Tentay ang gayong
kakila-kilabot na patalím, ay nápatili ng isang jinakú! na dî
sinásadyâ, tilîng ginantihán ng lalaki ng isáng ¡ sist! .... ¡maú
utás ka!
394 LOPE K. SANTOS

Si aling Terê ay nagising nang papungas na anaki'y isáng


nabulahaw sa sunog . Ang mga tanong at pagibík na inís ni
Tentay ay parang bumábalibol sa kanyang dalawáng taynga ,
nguni't para ring naáalimpungatang hindi maka biglâ ng bangon
at pagsaklolo .
Si Tentay sa pagtatangól sa sariling puri ay nangusap ng
¡magsalitaan tayo ng mahusay! sa pangahás na di niyá madaíg sa
lakás , bakit ang mga pagpapagibík niya'y walang masapit sa
mğa kasambaháy. Pagluluwag sa mga kamay niyá ni Kanta
nód, ay nabigyan ng isang pailalím na sipà ang kapatid na nasa
paanán, at itó, na tinamàan sa dibdib, ay napagulong hangáng
sa may butas ng sahig at nápasigaw ng ubos-lakás na ¡nakú!,
sigaw na kay aling Terêng nadidiwàan na sa pagkapukaw, ay
nakapagpatalós na nasa silíd ang dapat gikbáng alingawngaw.
Daíg pa ang nilundág ni aling Terê ang silid, at doón niyá
nákita ang taong nangagahasà at pinagpipiglasán ni Tentay.
Ang pagkálundág ay malakás na nakágitlá kay Karugdóg
at biglang ikinabitíw sa kamay ng dalaga . Hindi na nausisà
ni aling Terê kun sinong lalaki yaón , at kapagkaraka'y nag
hihiyaw sa kapit-bahay. Sa lakás ng pagpapagibík ay walang
dî sa pagkasirà ang loob ni Juan . Nagtindíg itóng biglâ at
ang ina'y siyang hinaráp . Inakmâáng sakalín at pinagpakitaan
ng hawak na sundáng na isáng salita ma'y walâ. Sialing Terê
ay nápalugmók halos sa katakutan at parang pinasalan sa bibig
na dî na nakahumá . Dapwa't ang mga una niyáng sigaw ay
náriníg na sa mga kapit-bahay na datihang handâ namán sa mğa
biglâng pagdaló, kailán ma't makakárinig ng munting pagibík
ng mag- iiná.
-Kapag kayo'y nagsiimík pa ng kahì't gágaputók, ay patay
kayóng lahat !-ang paris ng isang tulisáng nanglóloób ay iti
nanğà ni Juan . -Hala, matulog ka , matandâ ka : ¡ hala ! -at kay
aling Terê ay itinurò ang baníg na hihigáng, anaki'y isang amáng
nagpapatulog sa kanyáng anák lamang .
Ang pagkakatayo ni Karugdóg ay sa pintuan ng silid at ang
matandang babayi'y na sa labás na ayaw papasukin . Nang
akmang babalikán na namán niyá si Tentay, ito ay nakatindíg
na , at si Victor na gising na rin sa pagkakásipà ng kapatid , ay
siyá namang nagsisigaw ng "Náritó pô si Kantanód ! .... ¡ náritó ,
pinapatay kami!"
Sa mga sigaw na ito'y hindi na si Tentay ang náharáp ng
tampalasan , kundi si Victor na sa pagkakaupô ng pailás , ay
binigyan ng isang sipàng, ikinásiksík sa isang sulok ng silid at
nagkása bog-sabog tuloy ang salansán ng mga nilagunlóng sahíg.
BANAAG AT SIKAT 395

Isáng tíliang malakás ng mag-iiná ang naging katugón ng


gayong pagsipà kay Victor. At samantala'y siyang pagtugtóg
sa pintô ng mga daló upang sila'y buksán . Si aling Terê ang
dali- daling nagbukás ; nguni't sa dami ng mga likaw-likaw ng
taling lubid, bukód pa sa talasok ng aldaba , ay nagkapanahón na
muna si Karugdóg na makalusót sa bintanàng kala pít, palibhasa'y
sa lakás ng kanyang tulak ay nahawi ang bintanàng sawali , at dî
man nakalág ang kawad ay nangyaring náihulog sa lupà ang
kanyang katawán .
Tatlong lalaki ang gibík : dalawa ang náuná, na siyáng
tumátawag sa pintô at ang isáng náhulí na siyang nakásinág
kay Kantanód nang ito'y kumalabóg sa lupà at pagkatindíg ay
tátakbó nang patárangkahang bukás . Doón siyá náhabol ng
hulíng dating na may isang bambóng gabisig halos ang bilog ;
dapwà't palibhasa'y hulí rin sa panahón , ang tumátakas ay
bahagyâ na lamang niyang napatamaan ng dulo ng bambó sa
may pigî , na ikinátikayód ma'y anó pa : nakapagpatuloy rin ng
takbo at nakapagpalikwád-likwád sa mga kasukalan ng lugál
na yaón, at walâ nang nangyari sa kanilang paghagad at pag
saliksík . Sinásapantahàng sa dakong Tayuman nakatawid, at
ipinag-adyá namán siyá ng pag-aantók ó ng pagkawalang talagá
ng isang anino man lamang ng pulés sa mga lugál na yaón.
Nabuhay na namán ang aswáng!

Ang abot ng bambó kay Kantanód , bagamán dulo lamang,


ay inindá ring may isang lingó . Namagâ ang pigê at hindi
ikinálakad sa lupà. Nguni't ang bagay na ito'y hindi nakada lâ
sa kanyá, kundî na kapagpaimbót pa ng isang tangkâng pag- galíng
ay gágantí rin . Hindî na sa mga mag-iiná lamang nagága lit
at nag-aakalang maghigantí, kundi sa boông nayon na. At
apóy ang bantâ namang sanda tahin . Isáng gabing ma tahimik
ay háhagisan ó súsulsulán ng apoy ang alinmán sa mga bahay
doón , at kung nangagkákaguló na ang mga tao, ay si Tentay ang
kanyáng háharapín .... Anaki'y vaóng Ahas sa Paraiso,
habang dinaramdam ang mga sakit ng katawán , na , walâ nang
minumog-mumog at nginángatâ-ngatâng lunas, kundi ang
mga salitang pasyón , na : "di akó tútugot, hangáng di ko mala
muyot, máramay siláng masunog .... !"
Sa loob ng lingóng itó dumating si Felipe.
Nang gabing ang mag-iiná'y dalawin , isá man sa kanila'y
walâng nagsabi sa magkaibigang bagong- dating ng gayóng
mğa sakunâng nangyari sa bahay.
396 LOPE K. SANTOS

Dapwa't nang si Felipe'y may isáng lingó nang mahigít ,


na halos gabi-gabi'y na páparoón , makáiláng labás niyá sa tárang
kahan ang tila may taong násusundáng lumála bás na galing din
sa looban. Kung nasa sa malaking daán na , ang taong wari'y
násusundán ay sa dakong kanang patungo ng libingan gumagawî.
Nang mga unang gabí, ay hindî niyá nápagpapansin ang gayón .
Dátapwa't nang isá ó dalawang lingó na , ay nasabi kiná Tentay
ang kanyáng nápupuná . Ang mag-ina'y nagkátinginan nang
máriníg ang mga sabi ni Felipe. Walang sa lang si Kantanód ! ....
Sa pagkakatinginan nila'y napukaw ang hinuhà ni Felipe.
-Bákit ? síno iyón?
Si aling Terê ay maliksíng nakapaibabaw sa hinalàng
napukaw.
-Aywán , -anyá-nguni't marahil ay taga-riyán sa mga
kapit-bahay natin sa likód : nálaman mo nang dito sa
atin ang madalás niláng lágusan , at madali-dalî kaysa magda án
pa sa kabulusan .
Naloóy sa gayon ang paghihinuhà ni Felipe ; dapwà't sapúl
noo'y parang inúutusan na ang kanyang ulo at mga matá, tuwing
pápanaog sa kálilingón magkábi-kabilâ sa boông looban , sa
silong at hangáng sa labás na ng tárangkahan at sa daán, bago
magpatuloy ng pag-uwî.
May gabing walâ siyáng nákikitang anomán , may gabíng
nakápansín ng anino ng tila isáng taong nagtáta takbó , at
isáng gabing nagkunwâ siyáng umalis na , bago nagbalík, ay
may naabutang isang taong liligid-ligid sa tárangkahang nakatali
na ng mahigpít at matibay kaysa rati.
-Anó ang ibig niyó rito ? -ang makapangyarihang tanong
ni Felipe .
Ang tinanong ay napagitlá , sapagka't nabiglâanan sa
pagkasubok ng taong iyon . Hindi namán niyá napagsiyáng
iyón din ang taong kaáalís pa lamang at halos gabi-gabi'y panauhin
niná Tentay. Náunang nasok sa dibdib ang sindák kaysa
dating kagahasàan . Walâng masabing pang-iwas, kundî :
-Akó pô lamang ay nagkakámalî mandín ng pintô : hiná
hanap ko ang bahay ng isa kong kaibigang sa lugál na itó nátitirá ;
nguni't hindi ko matandâán .
—Lalaki pô ba ang inyong kaibigan ?-ang tanong ni Felipe.
-Opô.
-Hindi ngâ pô rito ; sa bahay na ito'y pulós na babayi ang
nakatirá.
---Hindî ko pô nálalaman : salamat sa inyó .
BANAAG AT SIKAT 397

At si Kantanód ay wala nang paá-paalam na tumalikod sa


kausap, at yumao sa dati niyang gawî.
Si Felipe ay tumigil na ilang sandali sa pintô. Nag-álin
langan ang loob na mulîng tumawag sa bahay upáng máipamalay
ang nakitang taong kahiná-hinalà . Dapwà't may isang masa
mâng kutób na sumagì sa kanyang panimdím . Hindî sása lang
yao'y datihang magliligíd ó magpapanhík sa bahay, na dahil
lamang sa pagkakádating niyá nagbawa . Marahil tuwing siya'y
makapápanaog, ang taong yaón namán ay humáhaliling nánanhík.
Doón na kayâ natútulog? .... Nang sabihin niya ang nápu
punang tao , ang mag-ina'y nagkatinginan , at waring nag-apuháp
si aling Terê ng maisásagót . Hindi kaya pagtatakíp ó paglililo
ang kahulugan niyón ? ....
Sa tanang pagkabina tà ni Felipe ay hindî siyá nádada pû
dapuan minsan man ng sakít na panibughô . Dapwà't noón
ay nakaramdam ng dî karaniwang mga gitî ng lason warì na
nagpapalatang sa boô niyáng katawán .
Habang natítilihan sa gayong pag-gugunitâ, ay sábabalík si
Kantanód na anaki'y isang may nálimutang sabihin :
- -Pare, kayó pô ba'y sinong sumino sa akin dito ? --ang
tanóng kay Felipe.
-Akó pô'y parang taga- bahay ding iyán -ang pabuháy na
loób na sagot naman nitó .
—Bákit pô ?
...Gayón ngâ pô .
-Kayó pô ba ang sinasabing taga - Silangang magiging
asawa ng dalagang náriritó ?
Si Felipe'y nápamanga . Anóng tanong itó?
-Opô, akó ngâ !-ang walâng pangiming isinagót na anyông
handâ sa mátigasan .
-Ah, kayó palá !
--Bákit mo pô namán náitanóng at sino ang nagsabi sa inyó
ng tungkol sa akin ?
--Walâ pô ; diyán na kayó.
At si Kantanód ay yumao na ngâ ng parang nakálalaki .
Si Felipe ay parang pinagsiklabán ng poót . Lumálakad
ang tao ay minámasdán mulâng ulo hangáng sakong.
-Nálaman niyá kaya kiná Tentay din ?-ang náitanóng
sa sarili . Sa makatwid ang taong ito'y dati nang nánanhík
dito at katápatang-loob nilá?
398 LOPE K. SANTOS

Kauntî na siyáng nápahabol sa tulak ng kapusukán at galit.


Dapwa't nakapagpigil sa pagpipitagan sa tahimik nang gabí.
Laban sa dati niyáng ugaling malulong at mainit , ay natutong
kumalapâ sa mga nangyayari at magpaubayà sa ibáng araw ng
karampatang pakikiramdám at panunubok ng lalong malub
hâng kabagayán .
Pinabayaan nang mawalâ sa kanyang matá ang kahanga
hanga at nakapaghihinalàng taong yaón . Napaabot nang
hangáng ikalabing dalawang oras ng gabi roón , na anaki'y siyáng
Kantanód na nang-áabat. At nang si Kantanód nama'y hindî
nagbábalík, ay nagpihit na sa pag-uwî, na sa boông lansanga'y
walâng nábulay-bulay kundi ang mga talinghagang nililikhâ
ng dî kilalang taong yaón sa bahay ng kanyang pag-asa , sa bahay
ng kanyang pagtitiwalà ....

Ni kay Delfín , ni kay Gudyô ni kangino pa man sa mğa


kasambahay ay hindi ipinahiwatig ang mabangis na damdaming
bagong kayayapós sa boô niyáng katauhan. Nagparaán ng ilang
gabing hindi dumalaw kiná Tentay. Nguni't hangáng sa mga
oras na kagaya nang ipinagkátagpo nilá at ipinaghiwalay ni
Kantanód , ay madalás na siya'y napáparoón sa panunubok
lamang. Sa kanyang kalooba'y tigás na pagtutungalì ng dala
wáng nais na magkasalungát : ibig niyáng máhuli sa pakikiulayaw
kay Tentay ang pinaghihinalaang taong yaón , at ibig din namang
huwag magkátotoó na si Tentay ay sa iba't di na kanya.
Máhuli sa pag-uulayaw na dî nagsísintahan .... ¡ balintunà !. . ..
Sa mga panunubok na ginagawâ siya'y nagpapakaingat
mámalayan ó mákita ng sínománg kapit-bahay. Gayón man ,
nang ikatló nang gabing nagpápalikwád-likwád doón, ay kauntî
na ring napagkámalán ng isá sa mga lalaking taga-róon na dating
mang-aabat kay Karugdóg, at ang akala'y itó na namán .
Nákilala siyang si Felipe, at palibhasa'y alám na ang kalagayan
niyá sa bahay ng mag-iiná, kayâ pagkakilala ay pinabayaan .
Ang lalaking hinihintay ay di sumísipót. Apat nang gabí
ay wala pa ring nábabatyagán ni anino . Guní-guní ba kayâ
lamang ó talagang totoo ang nakausap na tao noóng gabí?
Sayang na pagpapagód ! Siya'y bago pa lamang sa gawâng
pagbakay at pag-aaswang-aswangan sa mga lugál na yaón .
Samantalang si Kantanód ay sanay na sanay na sa makákita ay di
mákita . Si Kantanód ay may mga sadyang kublihan na mulâ
roo'y nátatanáw niyá kung marapat nang lumapit ó hindî, kung
may-panganib ó walâ sa tárangkahan.
BANA AG A T SIKAT 399

Inabot si Felipe ng yamót at sawà sa kábabakay ng walâng


binába kayan . Pamuli na namang nagpapanhík ng gabí, na
parang walang anománg damdaming tinátangkilik . Dapwà't
hindi naglipat-lingó , habang siya'y nasa sa bahay, ay madalás
ulanín ng bató ang bubungán at mga palárindingan . Saán
nangágaling? Síno ang gumagawa ng gayón ? .... Inakalà
ni Felipeng panahón na ng pag-uusisàng mapilí sa mag-iiná
kun sinong lalaki yaóng madalás mála basán sa pag-uwî, kung
anó at nangbábató, kung bakit nagkákilala silá at paano't
nálamang siya ang taga - Silangang katipán ni Tentay.
Nag-usisà ngâ . Ang mag-iina'y hindi namán nagkailâ na .
Sinaysay sa kanya ang lahát at lahát. Inilarawan nilá sa
kaalaman ni Felipe ang lalòng buháy at ganáp na anyô ng mga
nangyari, yaón bagáng sukat makaunsiyamì sa anománg maling
sapantahà nitó. Si aling Terê ay di nakáligtâ sa paghahabiling
ang mga nangyaring yao'y huwag nang ipag-akala pa ni Felipe
ng anománg balak laban kay Kantanód . Ang pag-iingat sa
kanya ay pinag-ibayo nang mag-iná. Sa mga pagpana og mulâ
noo'y sinúsundán-sundán pa hangán sa tárangkahan at bakâ
sukabín , anilá , ng kaaway na lihim at alisagâ.
Dumating ang isang gabí na si Felipe't si Juan ay nagká
pangabot sa bahay. Nakyát na itó pagtatakíp-silim, at nag
panibagong hingî na namán ng tawad sa mag-iiná. Ibig daw
lamang niyáng mákausap ng mahusayan si Felipe at siya'y
handâng-handa nang makipagkilala at makipag-ibigan. Ang
mag-iináng dating madaling pahinuhod sa mga kapakumbabâán
ng lalòng tampalasan sa kanilá, ay halos nagdiwang sa gayong
bagong hangad ni Juan . Isinalubong na itó ni aling Terê kay
Felipe sa hagdanan pa . Pinapagkilala ang dalawá at ang dala
wá nama'y nagkahigpitan pa ng kamay at nagkániíg na malaong
sandali sa paghihingahan ng kani-kaniláng tagláy sa loób. Sino
ang mag -áakalàng pápaít pa ang gayóng pag -uúsapan !
Sa mga una pang sálitâan ay nabuô na kay Felipe ang pag
aakalang kulang-kuláng ngâ ang taong kausap . Nguni't nag
pumilit din siyang makibagay. Nákawikàán din niya yaóng
kasabiháng: "ang maghanap sa walâ, ulól ang kamukha."
Dapwa't ang makitungo sa isang ulong hungkág , ay hindî
biròng gawâ rin namán . Lubhâ pa't sa gaya ng ugalì ni Felipe,
na di matagal sa pagpapaumanhin ng anománg bagay na nálala
ban sa kanyáng loób, ay hindi na masamang ipakinig ng kung
anó-anóng kaululá't paghahambóg ang tatlong oras na singkád .
May isang bagay siláng kinábala tungán , nang totoong si
Felipe ay napúpuno na . Iginígiít ni Kantanód na yamang
400 LOPE K. SANTOS

sila'y magkaibigan na , ay pabayaan din namán siyang magpatu


loy ng pagligaw kay Tentay.
-Liligaw-anyá-akó at lumigaw ka nang walâ tayong
kágalitán . Sa pitong araw sanglingó , tatló'y ipápanhík ko rito
at tatló naman ang iyó . Bahalà na kun sino sa atin ang máiibigan
ni Tentay.
Si Felipe ay alangáng máta wá at alangáng magalit ; dapwà't
palibhasa'y yamót na ang talagang umáali sa kanyang ulo , kayâ
nakásagót na rin ng pahaláng :
-Kayó pô ba'y nahíhilo ?-ang nasabi -Hindi ba't alám
na ninyong kamí ni Tentay ay magkatipán na ?
—Abá ...... hindi mo masásabi ngayón iyán. Anó ang
malay natin kun si Tentay ay magbagong-loob sa iyó, at sa hinabà
habà ng araw , ay akó namán ang maibigan?
-Oo nga pô : siyá, tayo'y magtigil na ng sálitâan at ako'y
hindi pa humáhapon.
-Akó ma'y hindi pa rin.
—Ah , eh akó pô'y nag-áantók na .
-Bastós ka namán .
Nápamangha si Felipe . Panganlán siyá ng bastós ng isang
tulingág na tao ! Gayón ma'y pinagtiím na lamang ang kanyang
mga ngipin . Sa salitang hangál, tayngang maypasal ang bagay.
-Ang damdam ko sa iyó, -ang patuloy ni Kantanód na may
anyông ibig tumindíg ay ibig mong masarili na lamang ang
bahay na itó ....
Hindî rin tumútugón si Felipe .
-Para kang nakakálalaki !-ang salitâ pa .
Ang ginawa ni Felipe ay nilabás si aling Terê na náwiwili
namán sa pakikipag-usap kay Tentay. Ipinamanhík na maanong
silá na ang magpapana og sa lalaking yaón at bakâ siya'y masawî
pagka't punông-punô na. Ang mag-inang palagay na palagay sa
pagkakasundo ng dalawang panauhin , ay halos nápalundág sa
pagpasok sa loob at sa pag-uusisà ng mga nangyari. Si Kan
tanód ang nagsaysay. Si Felipe'y nagpaiwán na sa labás . Si
aling Terê, nang maramdamáng may daáng lumubhâ ang sálitâan,
ay sumamò-samò pa kay Kantanód upang manaog na lamang.
-At bakit akó lamang ang inyong papápanaugin at di patí
siya? Asawa na ba siya nang anak niyó at dî mapaalís dito ?
Si aling Terê ay naglatang.
-Anó ang masakit sa iyó kundî ko man siyá paalisín ?-ang
náwikà. - Ikaw ang hindî dapat nang manhík dito!
BANAAG A T SIKAT 401

-Hindi ako makalálayas ! Away kung away, pátayan


kung patayan ! -ang matigas na sabi ng lalaki .
Nang di na totoóng makatiís si Felipe, ay sumambilat ng
isáng malaking putol ng kahoy sa kakalanán at iháhandulong
sana kay Karugdóg, kundî napagpigilanan ng mag-iná. Si
Karugdóg ay nagbunot na sa baywang ng kanyáng sundáng,
na nang máma tàan ni aling Terê, ay ikinásigaw ng di anó lamang.
Anaki'y mahya sa moro-moro, ang mga dating kapit-bahay ay
kagyát nagsigibík na namán . Nang máramdamán ni Juan na
masama ang kanyáng tinátayûán, ay nasupil ng takot. At nang
siya'y paghahambálusanan at tangkâng úumugin ng lahát , ay
naglumuhód na nang anaki'y isang tupang pápa tayín . Dilì
ang hindi rin siyá nápahirapan ng ilang palò. Sa pangangakò at
panunumpang hindi na muling magbábalík sa lugál na yaón , ay
nilubayán namán siyá : pinaiwan lamang ni Felipe ang sundáng
at kinapkapán sa likod ng rebolber. Nguni't ¡ anóng rebolber !
Walâ palá kundi kalubang tsarol lamang..
Kung katawa-tawa ang mga kaululán sa pagsasalita ng
taong itó, lalong katawa-tawa ang naging anyô niyá nang sú
suling-suling nang lumabás sa tárangkahan . Ang dating galit
ng nayon ay napauwî na lamang tuloy sa tawanan ....
Si Felipe ay hindi na pinaalís ni aling Terê, nang makapag
úwian na ang mga gibík .
-Huwag ka nang manaog -anyá . - Dumito ka na at nang
dî kamí pulós na babayi na lamang na magkakasama . Itóng
mga anak kong lalaki'y babayi pa rin. Naniwala ka na ba sa
hayop na iyong hindî na bábalík dito ? Kung nátitirá ka na
rito'y hindi na iyón magpáparitó : mangíngilag na .
At mulâ na ngâ noón , si Felipe ay hindî na sa bahay niná
Delfín nag-uuwi gabi-gabí, kundi kiná Tentay .. Kina
Tentay! Oh, pagkatupád ng malaon nang nasà ! ... .
Paano't paano man ay malakí rin ang sukat kilalaning
utang na loob ni Felipe sa lukó-lukóng iyón

Boy

27
ADANA Wild hddd

XXIV

***.

Iná at Anák

Wala nang mabigát na sakít na nakasísirà ng ulo ng isáng


babayi, paris ng magkaanák. At dî sa babayi lamang, kundi
sa lalaki man.
Si Mening pagkátinô-tinô sapúl sa pagkabatà , at dî dating
matabil ni mapagparangalan ng kanyang matamis na tinig at
malalambing na awit sa mga kapit-bahay, ngayon ay isáng
mistulà nang nasísiràan ng baít , ó isáng manglalabas sa dúlàan,
na, sa lipas ng gutom ó sa pag-aapóy ng lagnát, ay nahíhibáng
mandín oras-oras sa pagsasanay ng kanyang mga awitin .
Nakaraos siyáng malwalhatì . At bagaman ang ali ni
Delfín ay mapilit na paraanín siyá sa mga dahon ng "Matandâng
Tipán" (Antiguo Testamento) , tungkol sa pag-aalaga ng isang
nanganák, habang nasa sa baníg na apat na pûng araw; nguni'y
nakapanaíg din ang pagsunod sa mga hatol at bilin ng médiko ,
na gaano mang hirap ay napadalaw at napagsangunian nilá
bago nanganák, nang kasalukuyan at nang makaraos na .
Isáng sangól na lalaki ang naging bunga ng gayong maligalig
na pag-iibigan . At ang sangól na itó, ang siyá ngayóng sulà
na nakasisilaw sa baít ng mag-asawa . Ang mga pusong sa tanáng
buhay nila'y hindî pa nakakapagtaglay ng kátamís- tamisang pag
ibig-iná ó pag-ibig-amá, ay hindi siyáng makapagsasabi ni maka
lálasáp ng mga damdaming walang kasingtamís na ngayo'y
tinátamasa ni Meni at ni Delfín ! Kinakailangang dumanas sa
mga balá-balaking iyán ng buhay at pagsisintahan, upang ang
sínomá'y makapaghakà ng kun sa ikailáng baytang ng palad
at kun sa gaanong taás ng ligaya nápapaindayog ngayon ang
dalawang iyang sangtáunang singkád na naging alipin ng dilang
pagkasawî at dálitâ, sa pagliligtas lamang sa karugtong na yaón
ng kanilang buhay!
Nakatutuwang panoorin si Meni. Ni hindi man makuhang
magsukláy pagká-umaga . Nagkakádikít pa ang mga mata ay
BANA AGAT SIKAT 403

bangon na sa munting pag-ingít ng sangól . Nágagawî na ang


bibig sa pag-awit ng paungol ng kawili-wiling hele-hele, kapág
ang bata'y nakikitang dî pa nasisiyahan sa tulog ; nguni't kung
ayaw nang pumikít, ang bawa't pagbuká ng bibig ng sangól,
sa ganang kanya'y nğitî na , ang bawa't pag-imík sa ganáng
kanya'y salitâ na. Karaka-rakang kákandungín at lálagdâán
ng mayuyumi niyang labi ang bibig, ang noó, ang mga pisngi,
matá, buhok , palad at halos boông katawang parang sutla ng
ba tà. Kulang na lamang ang inisín sa siíl ng halík at yakap, kapág
sa pagmamalas sa anák ay nagpapakagandá-gandá sa kanyang
tingín at palagáy. Dahan- dahang ilalapit kay Delfíng sa mga
oras na yaón , marahil, ay natútulog pa : ipápa tong sa dibdib
ang katawan ng sangól ó idúduldól kayâ ang mukha sa bibíg
ng amá. Si Delfín, pagbubukás ng mga talukap ng mata at pag
kámalas sa kanyáng namúmukaw na mag-iná, ay parang nama
malikmata ng lugód at kaligayahan.
-Náuuná pa sa iyóng mágising ang anák mo ! -ang magiliw
na pangungusap ni Meni. -Tingnan mo , nagtatawá na ; sumásagót
na kung aking kausapin .
At sa gayo'y minsan pang magkápanabáy ang paghalík
ng mag-asawa .
-Hala, ibangon mo ang tatay mong tamád ! -ang parang
haling na iniúutos sa walang kamuwák-muwák na batà.
Sakâ iáakmâ ni Meni ang munting kamay ng sangól sa may
batok ni Delfín , at kunwâ'y ibábangon nga, bago'y siyá rin,
ang kamay niyá rin ang nag-áangát ng ulo, hangáng máiupô at
sila'y magkádalawa nang tumútungháy sa kairog-irog, kaaya
aya at kay bangó-bangóng bunga ng kanilang pag-ibig.
-Ang anák ko ! ang anák ko ! magandá sa lahát ng tao !
ang sa bulalás ng katwâán ni Delfín ay nasasabi namáng kasabáy
ng isáng siíl sa noó ng kanyang nene.
-Bakit ba tuwîng háhalikán mo ang batà ay sa noó ?—
itinátanóng ni Meni .
-Mangyari ay mukhâng matalas ang ulo ! .... Pagka
kaisip ay ang lalòng mataas na karunungan ang aking papag
áaralan sa kanyá.
-Aling mataas na karunungan?
-Ang magturò sa mga hangál, mag-akay sa mahihinà at
magtangól sa mga apí.
-Magturò, magtangól ! .... maestro ba ? abogado ba ? —ang
tanóng ng iná.
-Aywán kung ano ang tawag ngayon sa karunungang ibig
kong matutuhan nitong anak natin . Dito'y wala pa nivón ;
kung bagama'y bago pa lamang namámanaag sa ating bayan .
404 LOPE K. SANTOS

-Alín ngâ iyón ? hindi ba kaparis din ng nálalaman mo?


-Oh , kun gaya lamang ng nálalaman ko ang kanyang
maáabót, mabuti pa'y hindi na tayo nagkaanák : hindi na
kailangang siya'y mamatay hangáng maliít .
—Anó ? .... ¡ mamatay ang anák ko ! ....
At biglang kinalong na namán ni Meni ang sangól.
-Mamámatay ang lahát ng tao sa lupà, itóng anák ko'y
hindi ang patuloy na tagurî sa batang warì nama'y may- isip
nang nakikinig sa sálitâan .
Hindi pa mandín magkásiya sa gayong nasabi, ay pinag
sunod-sunod ang halík na inilagdâ sa boông katawán ng batà
upang maipakilala pa yatà kay Delfín ang lalòng matimyás
niyang pagmamahal, at ang wari'y pagdaramdám sa náriníg.
At nang akmâng háhalikán ni Delfín ang sangól, ay inaíiwas
na kusà ng iná, at anyá'y :
-Háhalík ka pa sa anák ko : ibig mo na rin lamang
mamatay ....!
Halos nápahalakhák si Delfín , at yaóng halík na iniakmâ
sa bata ay sa mga pisngí ng iná náibuntó , kasunod ang magigiliw
na pangungusap na:
-Loka! kung ano na ang ipinakahulugán mo sa sinabi
ko ! At tila anák mo lamang mag-isá iyán .. . !
-Ay anó? hindî ngâ ba ?
_ _ _-Tila
___ kung hindi mo nákilala si Delfíng malaki ay mag
kákaroon ka ng Delfíng muntî.
-Si Delfíng muntî ! Delfíng munti !-ang nádasál-dasál
tuloy ni Meni, habang pinagmamalas at tinátapík-tapík ng
dalawa niyang daliri ang babà at pisngi ng kandóng. -Ay
anó ng sinasabi mong karunungang papag-aaralan sa kanya?
-Wala pang pangalan ngayón : sa panahón na niyá sakâ
mákikilala .... Kaya ko násasabing mabuti'y mamatay na siyá
muntî pa kung paris lamang ng nálalaman ko ang kanyang
málalaman, ay dahil sa hindi ko na ibig na ang mga kahirapang
itóng ating dináranas ay siyá pa niyáng danasin ; kung bagamán
magdálitâ siya at magtiís ng mga kahirapan , ay huwag na sa
pag-aagaw ng sariling buhay na katulad ng nangyayari sa atin
ngayón, kundi sa pagtatangól sa buhay at palad ng karamihang
apí at sinasawi ng kakaunti lamang sa mga panahóng itó.
-Ay akó, anó ang dapat kong iturò sa kanyá?-ang tanong
ni Meni.
-Ikaw ang iturò mo sa kanya'y ang pagpapadakilà ng
pusò , at akó , ang itúturò ko nama'y ang pagpapadakilà ng
BANA AG A T SIKAT 405

kanyáng isip . Ang kalooban niya't pag-iisip ay ating pagsi


kapang mapabunga ng lalong marangál at dakilang damdamin ,
upang siya'y maging isang ganap sa pagkatao, at kung mang
yayari ay maging isang bayani ng Sangkatauhan ....
Ang mga gangayong pagtatagurî ng mag-asawa sa mga
hinaharap na panahon ng kanilang bugtong na mámahigit pang
isáng buwan ang gulang, ay madalás na lumawig at magkáliklík
liklík kun sa anó-anó pang ibang bagay. Anaki'y mga halíng
na nagbibilang na ngayón pa ng mga kayamanang magiging
palad bukas , paglaki ng sangól na yaóng mutyâ, sulà at para
luman ng kanilang pagmamahalan .
Habang nawiwili silá sa gayóng mğa sálitâan , na inaabot na
tuloy ng pag-angát ng araw na di pa nangakakúkuhang luma bás
sa silíd, ay naglulutò nama't nakalúlutò ng pang-agahan ang
masipag na ali .
Sa pagpasok ni Delfín ay kadalasáng tinátanghalì . Gumá
gampán muna ng tuwing umaga'y atas ng mangagamot
na gawing mga alagà sa nanganák. At ang mutyâng sangól ,
kung matapos , ay siyáng di maiwan-iwan namán . Parang
isáng bató-balani na tuwing akmâng lálayùán, tuwing áanyo siyá
nang pahagdanan , ay humihila mandín sa kanyáng barò, kumá
kayag sa kanyang labì at ilóng upang magbalík at isilsíl ng boông
tuwa at kagiliwan sa anák na yaóng pinakamámahál. Talagá
namáng sinásadyâ ni Meni . Laban man sa kalooban at mğa
pangaral ng biyanán , ay madalás na dî ipangilag sa hangin ang
batà, kundi isinúsunód pa hangáng hagdán at minsang hangáng
lupà, kapág si Delfín ay umáalís na at tútungo sa pinapasukan .
-Hayún, áalís na ang tata mo .... !-ang turò sa batàng
iniháhabol. -Sabihin mong uwîán ka ng puto : ta-ta, pu-to .... hala ,
sabihin mo, anák ko ...
--Oy, mğa hiló !-ang madalás na isabád at ipatláng ng
iláng mga kalapít-bahay na sa kanila'y nakakapakinig. Anó-anó
ang mga pinagsása bí ninyó sa paslít na iyán ...?
Mátawa-tawáng mahiyâ-hiyâ kung minsan ang dalawá sa
mğa puná at biròng ganitó . Sakâ lamang náiisip na silá ngâ
pala'y parang nangahíhibáng at nababaliw.
Pagkaalís ni Delfín ay walâ nang hinaharap hangáng tang
hali si Meni, kundi ang kanyang nene. Sa kaunting ingít nitó
ay tatló-tatló at limá-limá nang kantá ang ibinabayad. Lahát
na halos ng pinaka -magagandáng kantahin noong dalaga pa sa
sariling bahay, ay nasubukan at nasanay nang isabáy sa iyák
ng bata, gaya ng dating pagsasabay at pakikisaliw sa mga tagin
tíng ng kanyang piyano .
406 LOPE K. SANTOS

Kaya lamang mápahinga ay kung nakakatulog na ang batà.


Ang háharapin nama'y ang pagtahî ng mga barû-barùan , lampín
at iba pang kagamitan ng sangól. O magsúsulsí kayâ ng mga
punít at siràng damít ni Delfín . Ang mga damít niyá, awà ng
Diyós , ay dî pa namán nangángailangan na ng karayom. Saganà
at mga bago pa , nguni't marami na ngâ lamang ang nabá
bawas sa mga náipadalá ni Talia , noóng dî pa silá nagkaká
samâan ng loób. Yaóng mga sayang lumâ-lumâ na ay siyáng
pinag-gagawâng lampín, kumút-kumutan at mga panabing sa
hihigán. Yaóng mga barò't panyông hindi magagaspang at
maliligasgás, ay pinagtatastás at siyáng tinabas at pinagtata hî
upang ang iba'y máisuót habang munting-muntî pa ang batà
at ang iba'y pataán na kung dumapâ, umusad at hangáng mag
upô na't maglakád . Ang isáng kasúutang pinakamímithî niyáng
matapos ay ang gagamiting pangbinyág. Nakaagaw siyáng
bumili ng ilang kayong maninipis at mapuputî, at sa mga
palawit, pang-gilid at iba pang maririkít na sangkap ng magagandá
niyáng damit, nagkuhá ng maipapalamuti sa pangbinyag na
yaón . Ayaw siyang sumunod sa dati at karaniwang ugali tung
kól sa bagay na itó, na ang mga nag-áanák pa (padrino ó madrina)
ang siyang nagpáparamít. Sa kanyá ring loób ay sinasabí-sabing
kung binyagán ang batà, ay ipagpapáuná na sa magiging kumpare
ang pag-ayaw sa paki-pakimkím ; sapagka't ang pinagpápa
nuntán niya'y nangungutangan na ng loob sa ibang tao upang
saksihan ang pagkabinyagan ng kanyáng anák, ay anó pa't
papag-gúgugulin ang taong itó. Ang kasabihan niyá noón pang
dalagang madalás na mag-anák sa binyág at sa kumpíl, na : "pag
akó ngâ ang nagkaanák, ay hindî akó súsunód sa mga ugaling
iyáng pagsipsip sa bulsá ng iníiná : bukód ang sa binyág ó kum
píl, bukód ang sa simbá at pistá, ibá pa ang sa paskó at iba pa ang
sa kung mamatay," ay siyá ngayóng náwikà-wikà at tiná
tangka namang ganapín . Ayaw din naman ng kumparing
mayaman, sapagka't ang karaniwang hangád ng mahihirap
sa pakikipagkumpare sa may-salapi na sila'y may mátakbú
takbuhan, ay karaniwan namang nauuwi sa sila'y alipinin lamang
at di ipalagay na kapatid ng nasabing mayaman.
Ang mga panukalà at tangkâng ito ay binubukò-bukò na't
niyayari-yari sa kanyang kalooban, habang ang mga dalirì'y
mayhawak na gunting ó karayom, at sa piling ng natútulog
na bugtong ay tinátabas at tinátahî ang pangbinyág.
Isá sa mga bagay pang nakakaabalahán ng kanyang gunitâ,
ay ang kung magkakaroon ng handâ ó hindî ang binyág. Totoong
di niya lamang maatím na ang kaisá-isá at káuná-unahang
bungang ito ng kanilang palad ni Delfín, ay hindî pa mahandugán
BANAAG AT SIKAT 407

ng boô nilang kayang pagsasaya at pagdiriwang. Anó ang


wíwikain ng mga kapit-bahay ! Silá namang mag-asawa ay
madalás ding maanyayahan at dumaló sa ibang binyagan at
pistahan . Kaputián na mandín ng taynga ang dî namán mag
anyaya at mádaluhán kahì't papaano . Si Delfí'y maraming
kaibigan at mga kasamang kákantiyáw na walâng sala , kung
mábalità ang pagbibinyág ; siyá man namá'y marami ring mga
kaibigang katapatang-loób na dî maaaring paglihiman , na ayawán
man niya'y sápilitáng mangagbibigay rin at magpapadala ng
bálanang handóg.
Nguni't paano ang gagawing pagkaya . Si Delfín ay totoó
namang kaawa-awà na , kung, dahil lamang sa gayong nais na
magkahandâ, ay magpapakapilit pang dumuláng ng magugugol .
Sa dapat sahuring apat na pûng pisong ukol sa kasalukuyang
buwán, ay walâ na kundî kákalahati ang nátitirá, sapagka't
páuná nang naúutík-utík nilá, gawa ng mga pangangailangan
araw-araw. Ang natitirang iyon at ang sa isá ó dalawá pang
buwáng súsunód, kung pagkurû-kurùin ay kúkulangin pa
mandín sa pagkalág sa mga kináta talian niláng utang. Mautang
na silá, sapagka't hindi man nagdaán ng gaanong hirap sa pag
sisilang sa batà, ang dati niyang pagkamasasaktín at ang malabis
na pag-iingat at pagmamahal ni Delfín, sa munting kibót , ay
siyáng dî ikinapagpatigil sa mangagamot at dî ikinapagpatipíd
sa gamót at iba pang gugulín , bagamán ipinagkaít na ni Talia
ang dating pagdamay. Wala ngâng mangyayari : sápilitáng
mábabaón pa silá, kapag nagpilit na makapaghandâ sa binyág
ng kahi't katamtaman lamang sa mga sukat maging panauhin.
Sa pagbubulay ng mga balá-balaking itó ng kanilang pamu
muhay, ay napapahintô kung minsan ang pagdudurò ng karayom
ó ang paggupit ng kayong tinátabasan . Nápapapakò at sukat
ang mga matá sa itaás ó sa sahíg: isáng salita ma'y walâ: tila
natútubigan. Mápapatingin sa nakatihayàng anák: walâng
anó-ano'y parang násisibuyasan ang mga matá: gigitián at
dádaluyan ng lalong katutubong luhà. Mápapabuntóng-hininğá :
áakmang pagdumapâán ng halík at yapós ang sangól na walang
karamdám-damdám sa mga dusa niyang pinápanimdím .
-Ay anák ko ! -ang náwiwikàng pahimutók-- Kayba bà
ng kapalaran mo ! .... Lalaki ka ng walang lalakháng ginhawa
sa iyong mga magulang...!
Ang paghalík ay mapapauntól . Nagpapakundangang
mapukaw ang batà.....
-Maykatwiran ang tatay mo sa pagsasabing kung paris
lamang ng lagay namin ang ivóng áabutin, ay mabuti pang
408 LOPE K. SANTOS

mamatay ka nang maliít pa . .. Nguni't ¿ mamatay ang anák


ko?.... ¡ oh !..
At minsang dî na nakatiís : hinawì ang madalang na kayong
takip sa mukha ng batà upang huwág mádapùan ng lamók ó
langaw, bago nilagdâán ng isang matunóg na halík. Ang kanang
matá niya'y nápadaiti sa malapad na noó ng sangól, at nabasâ
ng luhà. Diwà'y tandâ na yaóng dúdunong ang tinurang bata,
sa likod ng maraming dusa !....Matalas na ulong basâ ng luhà ! ..
Hiwagà ó anopamán ay hindi namán nágising ang bata, kun
dî kumilos lamang ng kauntî, na ang mukha'y parang naasiman
at ang lalamuna'y nápahikbî ..
Natilihan si Meni nang makita ang gayong wari'y pagtugón
sa kanyang pagdadalamhatì.
-May-isip na ! maydamdám na ang aking anak !-ang
biglang nasabi.
Sandali pang di kumibô.
-Magtiis ka , anák ko, at ganyán ngâ ang anák sa bahay na
pawid !. Oh, kun doón ka sana sumilang sa bahay na
bató ng iyong lolo, saganà ka sa lahat ! ¡ sa lahát-la hát , anák ko !
At nanangis na ng túluyan. Niyapós na ng totohanan ang
anák, hangáng sa ito'y napukaw at sa pag-iyák ay sápapasok
naman ang matandang babaying sa labás ay naglilinis :
-Anó na namán bang luhà iván? -anyá - Kay ulól na
pagbaba tà nitó ! ....

Paano mang paglilihim-lunos ang ginawa ni Meni ay walâ


nang mangyayari. Násubukan palá siyá ng matandâ. Ang
biyanáng itó, pag nakikita siyáng gayong nag-íisíp na ng malalim ,
kailan ma'y hindi nakatítiís na di magbigay ng ilang aral
at payo , bagamán kung minsan ay napapakiluhà rin . Nguni't
ang pagsasalita ngayón wari'y patampó at pahinanakít .
-Ang pagkakita ko sa anák na itó , ay hindî talagang maka
tátagál magtiis sa amin .... Matáy kong liningin ang iyong
mga pakikidálitâ sa amin at sinagín ang ivóng kalooban, tila
nagbábatá ka lamang ay anó pa . Sásabihin ko na kay Delfín
na siya'y mag-isip- isip at mag-usisà sa iyó ng lubusan kung anó
ang tunay na nilóloób mo sa kabuhayan nating itó. Akalain
mong ako ma'y hindi ninyó tunay na inang pinangalingan, ay
mahapding-mahapdi sa aking puso ang makitaan kayóng malag
lagán ng kahi't isang paták na luhà. Náiisip ko tuloy na ¡ kun
dangan kaming mag-iiná ay nakabíbigát pa sa inyong kahi
rapan !....
BANA AG AT SIKAT 409

Ang matandang babayi sa pagsasabi nitó, ay napapatanĝis


ng animo'y batà. Si Meni ay nagulumihanang lalò . Di mátuto
ng sasabihin . Hindi niyá akalaing makáriníg sa biyanán ng
gayong pagkásasakít nguni't kahambál-hambál na mga salita.
-Bákit pô namán kayó nagsalitâ ng ganyán , nanay ?
Nanay na rin ang tawag niya, gagád sa pagtawag na kagá
wian ni Delfín
-Ah ! .... mga anak ko , hindî ninyó maiáalís sa aming mag
iináng hindi nakakakita ang magdaláng hiyâ sa inyong mag
asawa , lalong-lalò na sa iyó, ngayong sumásayad kayóng totoo !
-Hindî pô namán iyán ang ikinalúlumbáy ko , nanay,
kundi ang itong aking anak ay hindî man nakikita pa hangá
ngayon ng aking mga kapatid ....
---Iyán pa nga ang isá : iyán ay dahil din sa pagkakapag
asawa mo sa isang mahirap na tao .
Sa pusò ni Meni ay sugat na nam'án itóng bagong saláng.
Sa matanda'y hindi siyá nagagalit, sapagka't kilalá na itong
talagang matampuhin . Danga't siyá man namán ay napaka
mararamdamin din , sana'y hindi na makikitungo at magpapa
pansín sa anománg paghihinanakít ng biyanán .
-Ang nanay namán, -anyá--kung ano-anó pa ang inú
ungkát na wala na sa loob ko !
-Hindi't narinig ko sa pagtangis mo sa iyong anak kangina ,
na, kundañga'y lumabás siyá sa bahay na pawid at dí sa bahay
na bató.
-(At náriníg pa palá iyón !) -ang nasabi sa sarili ng
manugang.
-Sukat mong akalain , huwag ko lamang kayóng mákikitaan
ng lungkót , at huwag ko lamang máriringán ka ng pagsisisi sa
kalagayan mo rito , ay gagawin ko na ang lahat na maipagliling
kód sa inyong mag-asawa . Pag námamasdán kong masayá
ang mukha mo't loób, ako'y para nang napapaakyát sa langit.
Kung nararamdaman kong may ibig kang bilhín , at walâng
magawa ang iyong asawa , halos ibig ko nang isanla ang aking
katawan sa ibang tao : ¡ danga't walâ na namán yatàng mag
títiwalà pa sa akin ! Kung ikaw ay gumagawâ rito sa bahay
ng mga hindi mo nágagawa-gawâ roón sa inyó, ay parang hiníhiwà
ang aking atáy, at di ka mapabayaan .... Oh, kung buháy
ang mamà ni Delfín , na mahal na mahal sa kanyá, palibhasà
muntî pa ay naulila na at kaming mag-asawa ang nagpalakí
at nagpaaral sa batàng iyán , marahil isáng hingî mo , kahi't
nasa ilalim ng dagat ay dúdulangín nivá huwag ka lamang maki
410 LOPE K. SANTOS

taan ng kahi't gapaták na luhà ! .... Nguni't, anó, anák ko, ang
iyong mahahanap pa sa isang biyanáng babayi, na gaya ko na
ngâ ay mistulang isáng señora sa asawa, at nang mabao na
lamang natutong mag-alaala sa pagkabuhay....
Sinásaysay ang mga kaginhawahang itó ng kanyang
kahapon, na ang dalawang mata'y binába tisan ng luhà . Inaga
wan pa mandín si Meni ng mga sandaling yaón ng masaklap na
pagdidili-dili. At kun ang paghihingahang yaón ng mga tampó
at damdamin ay hindi na nakalalâ, ay dahil sa pagkakáiyák ng
sangól na nákalibangán ni Meni sa pagkáangát na ilang sandalî
ng bibig sa kanyáng matamis na dibdib.
Itinindíg ang bata at sa pagkakákandóng sa dalawa niyang
bisig, ay niyugyóg-yugyóg ng mahinay, habang pinatátahán sa
pag-ivák.
-Tignan mo, tignan mo ang iyong gawâ : --anáng biyanáng
nápatindíg din -pasásamâín mo ng pasásamâín ang iyong loob
at sakâ pasúsusuhin ang batà.
Si Meni ay hindi kumikibô .. Patuloy ang pagdudulot ng
kanyang dibdib sa nagbábalisáng sangól na anaki'y sinúsubàan
sa paglulumivád at pag-angal.
-Bákit, nápapaano iyán?-ang tanong ng biyanán , na
---
tinunghán ang sangól at hinihinging siya ang magkalong.
Akin na , akin na ; patí batà ay mararamay sa iyong mga kabali
wan ....
At ayaw-ayaw pa mang ibigay ng iná, ay ibinigay na sa
kápipilit ng matandâ. Siya ang nakapagpata hán . Sabihin
pa ang pag-aarugâ at tagurî ng mga nunò !
-Makikinig ka ba sana sa akin , anák ko !-ang lingap kay
Mening susunod-sunod sa kanilang dalawang magnunò - Ma
rami na ang nangaling sa aking katawán , kayâ akó nakapagsasabi
sa iyo ng masama at magaling sa bata at nanganák. At ikaw
na madalás makápaták ng luhà sa mukha ng iyong anák, mákikita
mo't lalaki ang batang itó na mukhâng malumbay at kakaníng
hirap. Lalaki pa namán ! Ang luhà ay lasong-lason sa gatas .
Hala ka walâng ano-ano'y nawawalan ka ng anak. Yaóng
ibáng iná, kaya nakakapagpasuso sa anák ng kahi't maysamâ
ng loob, ay dahil sa malupit ó mangbababayi ang asawa .
Dapwa't si Delfín namán ay hindi lalaking malikót , ¿ anó't
pasúsusuhin mo pa ng sama ng loób itóng anak ninyo?
-Hindî na pô namán masama ang loob ko .
-Hoy ! .... magpahingá ka ngâ ! ....
Anomang paklí ay hindi na nagbitiw si Meni . Nupô na
lamang na palupagi sa sahig at pasandál sa sawaling tabing ng
BANAAG A T SIKAT 411

silíd, at unti-unting nápaanyô ng wari'y may binúbulay-bulay


na isáng palaisipáng malalim . Nápakiling ang ulong anaki'y
nabibigatán . Nálingunán ng matandâ:
-Anó, masakít na ang ulo mo ? Sinásabi ko na sa iyo't
magbubunga ang kinauugali mo ng ganyán!
-Hindi pô namán sumásakít ang ulo ko, nanay, ah ....
-How! ¿ anóng hindi ? ¡ akó ang pagsasabihan nitó ! ¡ binat
iyán , mákita mo!
At nilapitan si Meni sa pagkakaupô ; dinampîán ng likód
ng kaliwang kamay ang liíg, at parang isáng hambóg na albularyo
(herbolario) , ay karaka-rakang nagsabi :
--Hayán, hayán na ngâ ang binat : sinísinat ka na !
Si Meni namán ay nápahipò. rin sa kanyáng liíg. At nang
máramdaman ang mainít-inít na singaw, ay nagsabi :
-Hindî pô, nanay ; hindî pô akó nagbábago .
----
Ayaw kang maniwalà ! at anóng sakit ng ulo iyán? anóng
init iván?
-Kung akó pô nama'y lumamíg ay dî patáy na ?
At hinalùan ng kaunting ngitî ang salitâ .
-Hale, daanín mo sa tawa iyán . Bakâ ang isip mo'y
larûán ang pasyón . Hindî biròng gawa ang mabinat...!
-Hayaan ninyo't patítingín akó sa médiko , kun sakali .
--Médiko na namán ! mapagpaniwala kayó sa mga doktor.
Tila bagá may nagagawâ silá pag talagang oras na ng tao ang
dumáratíng. Maano kayóng magtigil na niyáng kábobotika:
lalò lamang kayóng nábabaón . Hamo't súsuubín katá máma
vâng gabi ng sambóng, pakpák-manók at ...... ¡ ah ! maalaa la
ko : ¡ salamat at nakapagtagò palá akó ng kapirasong inunan ng
batà, noong manganák ka ! Iyon ang totoong santakosa sa mga
binat. Noong panahóng ako'y madalás pang mag-aanák, una
ang Diyós , ay iyán lamang ang nakapagpatawid sa aking buhay,
kung náda dapùan ngâ ng sakit na binat. Bayàan mo't akó ang
ba halà. Huwag ka nang magpapa hangín .
Si Meni ay tátangá-tangá na lamang sa mga pinagsasasabí
ng kanyang biyanán . Dî na naggiít ng mga tutol, sapagka't
pinasukan din siyá sa loob ng bakâ binat na ngâ namán iyón,
ay anó ba ang kanyang muwáng.

Si Delfín ay umúuwî kung tanghalì , at sa bahay kumákain .


Lakád na nánasok sa umaga , mulâ sa Sampalok hangán sa Kiyapò,
lakád na umúuwî nang tanghalì, lakád na nagbábalík pagkakain ,
412 LOPE K. SANTOS

at lakád ding núnuwî sa hapon . Makapag-upá pa kayâ siyá nga


yong may inaalaala nang dalá- dalawang magulang! .. Alikabók,
alimuóm , init, pawis , pagál, sakít .. ang lahát na itó sa isang nag
aárimuhanán at nagtitipid na gaya niya, ay parang hangin na
lamang na nagdáraán at lumílipas . Ang lahat ay napápawì sa
minsang paggugunitâ ng mga kaligayahang tinátamó sa bahay.
Anomang pagod ay naíiwan na sa paá pa ng hagdanan, sukat sa
máramdaman ang yabág ng mga paá ni Mening nagsasalubong sa
kanyá ng bata. Isáng tapík sa pisngi ng asawa, at isáng halík
sa bibig ng anák, ay labis at labis nang pangpalimot sa mga
karamdaman ng kálulwa't katawán , kung dumáratíng.
-Kay gandá-gandá ng aking mag-iná!-ang sa simbuyó
ng kalúguran ay nasasabing parati ni Delfín sa gayóng sálu
bungán.
Hindi na namán talagang pangit ang kanyang asawa't
anák . Si Meni, bagamán unti-unti nang dinarapùan ng sakit
na karaniwan sa mga babaying pilipina , na pagkakaasa wa't
pagkakaanák ay mapag-ayók na ng pabuhá-buhalhál , mapag
damít na ng pakuláng-kuláng at marahil pa'y mapagsalitâ na
ng magagaspang; dátapwa'y maalagà rin sa kanyang pag-aanyô
at gayón din sa pananamít ng batà, lalo't malapit nang dumating
ang asawa. Kaya bagong galing man sa isang mahigpit na
karamdaman, ang pagkasariwà niyá at kaliwaywayán ay parang
hindi nagmamaliw-maliw sa pagtingin at pag-irog ni Delfín .
Nang ang magbiyanán ay magkátigilán ng pag-uusap, ay
malapit nang dumating si Delfín . Pagkákatulog ng sangól
sa kamay ng matandang babayi, ay dahan- dahang ibinabâ sa
baníg: tinungo nama't tinapos ang mga lutùín sa labás . Si Meni'y
nagligpit ng kanyang mga táhîing nakakalat, bago nagbihis .
Sa dating ni Delfín ay hindi nagkapanahón agád ang ali
na masabi ang mga nákita at náriníg na namán sa manugang.
Dátapwâ't sa pagkakainan ay doon na binuksan ng matandâ
ang salitaan . Ang mga kinindát-kindát ni Meni upang huwág
nang pagsasabihin ng biyanán ang lahát, ay hindi pinansín ,
bagkús anyá'y :
-Hindi naman ako sa nagsusumbong sa pamangkín ko,
kaya nasasabi iyán, sapagka't hindi ka naman niyá mapápalò;
kundi ang ibig ko lamang ay matalós nivá na ikaw hangá ngayon
ay hindi pa nasisiyahan sa pakikisama sa amin . Ako'y ibig
kong talaga ng malinawán, mga anák ko. BayàanBayaan na muna
ninyó kamíng tatlong mag-iiná sa bahay ng isá kong kumare sa
Uli-uli, at nang makapagtindá-tindá man lamang ....
BANAAG AT SIKAT 413

Nápapakò ang matá ni Delfín sa nagsasalitang ali .


Bumungo sa loob ang bakâ nagkakagalit ang mga infiwan sa
bahay .
-¿At saán pô nangaling, nanay, ang náisip niyong iyán?
Ikiniling ang bibíg kay Meni at pabulóng na nagtanóng :
--Bákit? nagkagalít ba kayo?
-Abá, hindi !-ang pagilalás na sagót ng tinanóng.
-Wala namáng dahil na anomán , anák ko, ang patláng
ng matandâ pagkáramdám sa tánungan ng dalawá-kundî ang
ibig ko lamang ay magaán-gaanán kayó sa buhay ; sapagka't
¡ birò mo ba namán kamíng tatló, sa itóng mga pinsan mo'y
malalaki't may-isip na nga kun turan, ay bahagyâ ninyó nang
mápakinabangan ng isáng tabòng tubig!
-Nayayamót na marahil ng pakikisama sa akin ang nanay
-ang tugón ni Meni.
-Hindi sa gayón.
-Hindi pa raw ! .... Sa kayo po ang umalis sa bahay na
itó, ay dî akó na ang umuwî roón sa amin . . .. . . !
Sa pagsasalitâ nitó ni Meni ay may sumabay na pang-aaligíd
ng luhà. Si Delfín ay walâng málamang tignan sa dala wá: sa
ali ó sa asawa , na kapwà may malamlám na mukhâ.
--Abá ! .... akó -anyá’y —nápapataká sa inyong mga
sálitâan ngayón ! Hindi kayó dating ganyán . Bákit pô, nanay?
ano ang ipinagkakásamâan mandín ninyo ng loob ?
-Walâ ; tanungin mo siyá : walang talaga.
-Eh anó't ganyán na ang isa't isá sa inyó?
-Para sabihin ko na sa inyó ang totoo, ay dináramdám ko
ngâ ng mala bis yaóng náriníg kong itinataguri mo sa batà kangina .
-Na anó pô yaón ?-ang mapusók na tanong ni Delfín ,
habang kákabá-kabá ang dibdib ni Meni .
-Siya ang patuloy ng matandâ-ay nag-íisá sa loob na
nanánahi sa siping ng batà. Walâng anó-anó ito'y násisilip
kong umiiyák , at kásabi-sabi sa anák mo , ay kahabág-ha bág
daw, sapagka't anák sa bahay na pawid at dî sa bahay na bató .
-Nakú, iyón pô palá lamang namán eh ………
—Abá, ang batang iré! alám mo ba ang ibig niyang sabi
hin niyón? Iyón, ha ? ay sapagka't nahihirapan na siyáng
totoo sa pagtitiis sa buhay natin . Kun doón ngâ namán sa
kanilá, hindi siyá magkakáganyán !
Naáabót ni Delfíng kung húhulùin ang gayóng mga salitâ
ni Meni , ay talaga ngâ namáng may masakít na kahulugán
414 LOPE K. SANTOS

dapwà't pinagpilitan niyang matakpán at mapatay sa hakà ng


ali ang bagay na yaón .
Ang matandâ namá'y tikís na lalong nagmatuntunin . Nang
mákitang tila walang halaga pa kay Delfín ang isinúsumbóng na
mulâ ng kanyang unang pagpapaalám, ay may isang lihim na
sinaysay sa harapang yaón, na halos ikinaupós ni Meni kung
naging kandilà lamang sa pagkakaupô , at ikina tunaw naman ni
Delfín, kung naging asín sakali.
-Tignan mo , Delfín , -ang saád ng matandà--kung hangán
saan ang pagtitiis ni Meni sa pakikisama sa atin. Hindi ko
namán sásabihin itó , dahil ba gá sa ako'y nagagalit sa iyó , Mening
anák ko , kundî upang maniwalà lamang kayó sa akin na kaming
mag-iiná ay nakabíbigát pang totoó sa inyong pananalát na ilán
nang buwán, lalò pa ngayón .
Habang binabalangkas ng matanda ang mga ganitong
paunang sabi , ay bumábaklá namán sa loób ni Meni ang tanong
sa sariling " anó kayâ, anó kaya yaón ?" . .. At si Delfín ay
halos di makahingá sa pag-aantay ng mangagaling sa bibig ng
ali , anaki'y isang nagúgulumihanang maysala na nag-áantáy sa
bibig ng hukóm ng ipaháhayag na parusa.
--May nakapagsabi sa akin , -ang dugtóng -na , isáng
juego mong barò't panyo at sayang maypintá, ay iyong ipinag
bilí kahapon, doón sa asawa ng amerikanong kasama ni Masay na
dumalaw rito kamakalawá.
Alangan pa sa ilang araw na ibinabad sa sukà ang naging
mukhâ ni Meni. Si Delfín nama'y parang binaunán ng pakò
sa dibdib, na maanong nakabigkás ng isang salitâ man lamang.
-Ipinagbili'nitó raw ng apat na piso, ay halaga yata yaóng
labinglimá ó mahigit pa . Kayâ palá akó nabigyán niya ng
isáng papel na dadalawahin kahapon , at ipamili ko na raw ng
marami-raming ulam na panghangá ngayón, ay yaón ang napag
bilhán ng saya at barò . At saka nakabili pa siyá kahapon ng
kayong gagawing pangbinyág. Nagtátaká nga ako't nagka
papel pa siya ay magtátapós na itong buwán ; nguni't bakâ wikà
ko kumúkuha ka sa iyong pinapasukan, dahil sa sanglingó na
naman tayong pahiká-hikahós . Kangina ko lamang umaga
nálaman sa tindahan, bagamán ang bilin daw nitó ay huwag
paalaman sa atin .... Ang bagay na iyán, Meni, ay natátantô
kong hindi mo gagawin , kundî dalá ng kahirapan natin ;
dátapwâ't oh, kahiyâ-hiyâng totoó !. ..
Sa mga sinabing itó ng matandâ, ay walâng-walâng náitugón
si Delfín kundi iláng sunód na buntóng-hiningá. Iláng sandaling
nápapakò ang matang parang nahihilaman sa mukhâ ni Mening
BANAAG A T SIKAT 415

tungóng-tungó, at pagkakuwán, hindi pa nangángalahati ang


pagkain, ay tinindigan na't nasok sa loób na ang dibdib sa hinag
pís ay kulang na lamang máwasák. Habág at hiya kay Meni,
hindî galit ni hinanakít, ang lumipós noón sa kanyang pagkatao ....
Natuluyang iniligpít ng matandâ ang dulang at mga haing
hindi nangala hatì. Nasayang ang mga amuki sa mag-asawa , na,
maanong magtapós na muna ng pagkain bago pagkurùin ang
tungkol sa násabi niyá. Gaya ng isang nagtayo ng bahay na
pawang mahihinà ang kasangkapang ginamit, at sa balitang
bábagyó ay walang malamang gawin sa pagsusuhay, ang tinurang
matandang babayi , nang makita ang tila lúlubhâng mga pagda
ramdaman ng mag-asawa , ay sakâ nakapag-isip na mabigát palá
ang kanyáng nágawâ. Hindî na nápakalí sa pagpayapà sa binalisa
niyáng dalawáng loób. Magkagalit si Meni at si Delfín ay hindî
niyá inaasahan ni ipinangangambang mangyari . Ang gawâng
magalit ang isa sa isá, ay kanyáng talós na hindi pa nakikilala ng
mag-asawang pusong yaóng ulirán na ng pagmamáhalan .
Dátapwâ't ang magtampuhan, magkamásaklapan ng mga dam
damin , hindî magkíbúang isá ó dalawang oras, mag-ínisan sa
sarili ng mga sari-sariling hinanakit, magdamdám si Meni han
gáng magkasakít at káduluha'y makapagpasuso pa ng samâ
na naman ng loob sa kanyang apó .... ang mga bagay na ito'y
inakala niyang sukat mangyari at lumalâ, kundî áalagtâíng
mapapaglapit ang dalawa at mapapag-usap agad ng mahusayan.
Ang katungkulang ito'y tinupád ng matandang babayi. Isá- isá
munang nilapitan at kinausap : isa'y nasa silíd , at isa'y nakaupô
sa harap ng sulatán at nakapangalumbabà. Anaki ang matandâ
ay isang "among" na nag-uusisà sa dalawang nagliligawáng
inihaharap sa bahay-parè, upang malaman kun tunay ngâng
nagkakaibigan sila at mga handâng pakasál. Mápamayâ
inaya'y tinawag sa loób si Delfín .
-Halika ngâ, -anyá-huwág ba sana kayong para pang
mga bata . Nangawalán na kayo ng galang sa pagkain , ay huwág
na sanang patí ako'y inyó pang di sundín .
Alám na ni Delfín ang ugali ng kanyang ali. Siyá namáng
magtátampó, kapag sa pag-iiná-inahang yaón ay hindi pinag
bigyán . At nais na rin naman niyang talaga ang makaulóng si
Meni at maihingá ang mga damdaming nilikha sa dibdib ng
gayong pagkakapagbili ng damit. Nasok sa silid na anyông
nagwawalang bahalà.
-Ang ibig ko sana sa mga anák ko -anáng matandâ â —ay
huwág mámas amâín ang isang bagay na aking ipinag tátapá t ng
parang tunay na magulang. Yaong pagkakapagbili mo ng
saya't barò, kaya ko lamang nasabi kay Delfín , ay sapagka't sa
416 . LOPE K. SANTOS

pagkahiya'y inaakalà kong hindi mo sasabihin sa kanya . Hindî


dapat sa mag-asawa ang maglihimán , sa masamâ ó sa magaling..
Sulong, pag-usapan ninyó ng mahinusay, at .... málaman ko
kung ano ang inyong pasya sa pag-alis muna naming mag-iiná .
Hindi na naghintay ng anopamáng sagot ng dalawá . Lu
mabás na masayá-sayá na ang mukhâng anaki'y isang madása ling
"manang" na galing sa loob ng simbahan at nakatupád na sa
haráp ng Diyos ng isang gawâng magaling.

-Meni ! -ang pagkapag-isa ng dalawá, at pagka -hingá


ng maluwag ni Delfín ay ipinagpasimulang salita sa asawang
nakaanyo ng kahambál-hambál -Sa lahát ng ginawâ mong
pinakaramdám ko , sapúl ng tayo'y magkákilala , ay nápakalubhâ
itó ngayón .... Walâ akóng bibig na máisisi sa iyó . Isáng
anák ni Don Ramón Miranda na nagbibilí ngayón ng pana
namít ! .... Akó, Meni, ay kinikilabutan sa hiyâ, hindî na sa
ibáng tao kundî sa iyó rin .
Si Meni ay umimík din . Ang bibig na anaki'y nakasusì
habang binúbulay-bulay ang kabigatán ng sala niyang nagawâ
ay nagbitiw ng isáng tugóng magiliw sa asawa :
-Huwag mo iyong isamâ ng loob ! -anyá - Kayâ ko lamang
náibigay na ang nasabing damít, ay hindi ko rin namán ginaga
mit, at dî na gagamitin kailán man, sapagka't masama ang
pagkakayarì . Malúlumà lamang at pag- áamagín sa tagùán,
ay sayang na lalò.
Mababaw na pagmamatwíd ! Sa pusò ni Delfín ay may
kahirapan nang mabahaw ng gayón-gayón lamang dahilan
ang sugat na nagnánaknák sa mga sandaling yaón sa kanyáng
dibdib .
--Akalàin ng loób mo , asawa ko , -anáng lalaki na hangá
ngayo'y di pa napápawì sa aking gunam-gunam ang pagkaka
sanlâ ng ilang alahas mo , na dî pa natin natútubós . Bakâ iyong
máwikà sa akin , ó ng mga kapatid mo, kung iya'y málaman , na
akó ang nagtútunáw ng lahát mong pag-aaring náipanhík sa bahay
kong marálitâ.
--Bákit namán iyón pa ang úungkatín mo? -ang patay na
sabi ni Meni . -Akó naman ang may kaibigán noón at hindî
ikáw. At anó ba kung málaman ng mga kapatid ko? Anó
ang ikahihiyâ natin ? Kaila ba sa kanila ang aking pagkama
sasaktín? Hindi naman nagsanlâ tayo upang may máipatalo
ka sa sugál, kundî para sa akin din . Silá ang dapat mangahiyâ
BANA AG A T SIKAT 417

kung mabalità ang paghihikahós nating itó, sapagka't giná


gagá man ang ganang atin, sila'y hindî natin nililigalig
Kundangan ka lamang eh .... !
Pinutol na biglâ rito ni Meni ang pagsasalita. Náisip niyáng
si Delfín ay talagang ayaw nang máuungkát pa ang tungkol
sa pagmamanahán nilang magkakapatid .
-Iyán na namán . ... !-ani Delfín .
-Nábangít ko lamang, sapagka't nasabi mo ang kahihiyán
sa mga kapatid ko.
-Maykatwiran siláng magwikà at magalit sa iyó : kundi
ka ngâ namán nag-asawa sa isáng mahirap na paris ko ....
-Ay anó? -ang putol ni Meni-Inibig ko ang mahirap,
mátuto akong maghirap at mamatay akó sa kahirapan .... !
-Sabi mo lamang iyán ! Bákit kangina raw ay itinátagú
tagurî mo sa batà at inaíiyák ang pagka dî siyá sumilang sa bahay
na malaki kundi sa bahay na punít-punít?
-Hindi naman sa ako'y nagsisisi kundi náiisip ko lamang
kung papaano ang gagawin natin sa pagpapabinyág sa batang
iyán, ay kayrami- rami nating mga kaibigang hindi sásalang
páparito.
Ang sálitâa'y unti-unting napapasok sa tinurang pag
papabinyág. Ang kalamlamán ng langit sa kanilang mga
gunitâ ay nahawing dahan-dahan at ang náhalili'y mga liwayway
ng pagkalugod sa isang bagay na kagiliw-giliw pag-usapan.
-At paano ba ang iyong pinápanukalà sa batàng iyán ?—
anáng amá.
-Abá, ay dî pabinyagán natin agád nang huwag nang
abutin pa ng dalawáng buwan .
-Dalawang buwán palá lamang eh ....! Hamong maka
limá muna , ó kaya'y kung malakí na at makalalakad hangáng
simbahan, upang huwag nang iupa ng ninong ng kalesa .
-Namán itó! dî nákausap na iyán ng parè?
-Eh anó, di mabuti ngâ? máriníg man lamang ang kung
anó-anóng mga latín na sásabihin sa kanya.
-Kaya nagagalit sa iyó ang nanay ay dinára án mo sa birò
patí pagkabinyagan ng iyong anák ! Ang sabi ng nanay ay
hindi raw yatà tayo natátakot mag-alagà ng moro sa bahay.
-Moro!... bayaan mo ngâ lamang ang matandang iyáng
tigíb ng pamahîín ang ulo at katawán. Ang isásagót mo ay
ang sagot ko: "Bakâ pô, wikà mo, sipunín at mapasmá ang
bata kung busan na sa ulo ng tubig ; kayó rin lamang ang ayaw
na ayaw magpapaliligò ng madalás ."
28
418 LOPE K. SANTOS

-Sa makatwíd, ay kailán mo ibig pabinyagán ? —ang


tanóng ng iná .
-Kung kailán ibig mo .
-Eh paano, hindî na ba tayo maghahandâ?
-Handâ !? sa kahirapang itó!?-ang gilalás ni Delfín.
-Kahi't papaano : kahiyâ-hiyâ kitá sa mga kapalá-anya
yahan at mga kaibigan , lalo na sa kúkumparihin natin .
-At síno ba ang ibig mo?
-Ayoko ng mayaman : ibig ko'y marunong kahì't mahirap,
paris ng kanyang amá . ... Ikaw ba, síno ang ibig mo?
-Akó ? .... Mabuti pa'y si Felipe
-Si Felipe namáng hindi ko máwawaan ang iniisip at
ginagawang parati.
-Siyá na ngâ, at kun sakaling dî mayag, ay kahì't na isá
kong kasamahán sa Pásulatán .
-Ikaw ang bahalà-ang payo ni Meni. - Nğunì't anó ang
ating ipangángalan ?
-Kung ako ang tatanungin mo ay ngalang tagalog.
---Wala namang santóng tagalog ah ....!
-At anó tayo , pulós nang dimonyo?
Nagkatawanan ang dalawá na ikinagising tuloy ng sangól;
tawang, nang marinig ng matandâ sa labás , ay ikinagalák ng dî
sapalà at ipinagpasalamat sa langit.
-Salamat sa Mag-inang mahal na Birhen , anyá -at
nagkásundô rin ang mga batang iyón !
Ang kumuha at umiwi-iwi sa ba tà ay ang amá.
-Dalhin mo rito iyá't humpák na humpák na ang bumbunan
-ang hingi ng iná makasandali.
Ibinigay ni Delfín nang paundót sa dibdib ng asawa.
-Isáng marikít na pangalan ang ating ilagay sa batang
itó!-ang pamuling ungkát ni Meni.
-Oo nga, marikít-ani Delfín ;-nguni't ngalang walâ sa
Kalendaryong kastilà ; sa halimbawà : Bayani, Dañgál, Gat-Puri,
Himagsik, Tagumpay, Sinag-Araw, Dakila, Lakan- Laya , Búla
lakaw . ¡mamili ka!
-Oy, oy, oy, hiló !-ang sabád ng ali na biglâng sápapasok
at nakarinig ng mga pangalang tagalog na ipinag-ulát ng
pamangkín . -Nápakarunong ka naman ! Ibig mo pang laluan
ang utak ng gumawa ng kalendaryo ! .... Eh bákit ba't hindi
kung ano ang pangalang tamà sa araw ng panganganák, ay siyá
1
BAN
BANAAG AT SIKAT 419

niyong ilagay ? Anóng araw iyán nang ipanganák ? .... Tignán


mo, tignan mo .
Hindi nagtugot hangáng dî binuklát at tinunghán ni Delfín
ang kalendaryo . Abril : ikalabing apat. Ang mga nasasabing
santó sa araw na itó, ay San Pedro Telmo, confesor at inga Stos.
Tiburcio, Valeriano, Máximo, mğa mártires.
-Ayoko ngâ pô ng Pedro ! -ang tangí na agád ni Meni .- Nag
kákatusak na namán iyán kahì't saán. At sakâ ang palayaw ay
Pendong, Penduko.
-Di ang ilagáy mo'y Pedring, Pedrito.
-Anó man ba ang ipalayaw niyó riyán ay dî Pedro rin ang
labás.
-Anóng oras nang lumabas ang batà?-ang tanong pa kay
Delfín ng matandâ.
-Hindi pô ba't nagbubukáng liwayway na noón ?
-Ah siyá ngâ palá ! kun gayón ay dapat ngâng ang unang
pangalan ang ating ilagay ; ó kung ayaw ka namán ng Pedro, ay
maáaring isulong mo sa ikalawá, Tiburcio yatà, sapagka't inabot
na rin ngâ palá ng araw.
-Ah, ayoko ngâ rin pô ng Tiburcio : pangit na lalò ang
palayaw niyán : Tibó.
-Dî huwág Tibô ang ipalayaw mo , knndî ...... Usiong.
-Isip ko ang sasabihin ng nanay ay Busiong :-ani Delfíng
táta wá-ta wá-malapit-lapít na iyán sa insík na Bo- siong-kan ...
Nagkáhalakhakan na namán ang mag-asawa , at patí na nğ
ali ; saka ang dalawáng ba tàng nakapakinig ay tigás na
tawa rin sa wikàng insík na itó.
-Abá eh magpasensiya ka , kung iyán ang itinamà sa anák
mo ng Diyos !-ang pagkakuwá'y giít ng matandâ. -Anó-anó pa
ang mga sumusunod na ngalan ? -itinanóng pa sa pamangkín .
-Valeriano at Máximo pô.
-Ayoko rin ng alinmán diyán -ang pigsí ni Meni-Vale
riano .... Balé: hindi namán bali ang balingusan nitóng anák
ko, ay tatawagin niyo niyán .
-Di Anong naman ang ipalayaw mo : maganda at malam
bíng pa....
Nakú ! .... malapít-lapít na sa manon
g ..
-Eh itóng hulí : Máximo ....—ang agaw-sabi ni Delfín .
-Simó namán !-ang sambót ng asawa - Kaypapangit na
mga pangalan iyán ! .... Alangáng-alangán sa anak kong pag
kágandá-gandá
420 LOPE K. SANTOS

At binigyan ng isang halik ang sangól.


-Asús ! .... nápakapihikan ka namán ! -anáng biyanán.
Pangit daw: may mga pangit ba sa langit, ay pawang santó at
anghél ang nároroón ? Diyatà't walâ ka nang náibigan isá man
sa mga santó nang araw na iyán ? Eh siyá : mápagpípilìan me
ang boông kalendaryo , wala kang makukuha .
-Bákit walâ, nanay ! ... ang ngalan pô ba ni Delfín ay
walâ sa kalendaryo ?
-At anó?-ang pagilalás na tanóng ng asawa.
-Delfín din ang ibig ko ! Matamís at marikít na ngalan ....!
¿hindi ba?-ang sa boông giliw ay itinanóng sa asawa.
-Delfín na ang amá, Delfín pa ang anák !-ipinaklí ng
matandâ. —Maanong magtigil kayó niyáng ugaling kastilà pa
ay . . . . . . ! José ang amá, Pepe ang isang anák, Pepito ang isá pa
at Peping ang ibá, sa makatwid ay José ring lahát . Siyá na
ngâ lamang kayó niyán : tila kayó mğa anák- hari at lahing santó
papa: Alfonso ang amá, Alfonso ang anák ; hangáng mga apó ;
León na ang hinalinhán , León din ang háhalili sa Roma . Kayâ
lamang gayón silá, ay sapagka't may mga kayamanang pinag
mámana-manahan at mga katungkulang pinaghahálinhinan ;
nguni't kayó , ¿ anó ang inyong ipag-aalagatâ ng ganyán ? ....
Si Delfín ay mátawá-tawá na namán ; nguni't nagpakapigil
at bakâ magalit na ang kanyang ali. Ang hinarap ay si Meni :
-Sinasabi ko na sa iyo't isáng pangalang tagalog na ang
ating ilagáy, nang walâng pagtatalo . Eh anó ba , mga tagalog
naman tayo ?
-Ikaw, -ang pabirông tugón ni Meni-taál na tagalog ka ;
nğunì't akó , kami'y mga mestisa , kayâ .... magagandá , ¿ hindî
ba ?.
At sinundán ng isang masarap na nğitî.
-Oo nga, mestisa ka : -ani Delfín -galing ka sa pagka
niña-pupot.
Ang mukha ni Meni ay biglâng-biglang pinanganorin. Na
saktán sa gayong pagkakápamagát. Nápairap sa asawa , at di
na umimík ng isang salitâ man .
Nahalata agad ng matandâ, at upang makapagpayo sa nag
damdám na manugang ay pinangusapan si Delfín .
-Kay -sakít ngâ namáng magbíbirô itóng salbaheng itó ! ...
Kamala -mala mo ...
Ang ginawa ni Delfín , nang makitang siya'y nakasugat
loób , ay dali-daling nilapitan ang asawa at sa amò-amò at himas
himas , ay hindî tinugutang dî napapagsauli sa dating kagalakan.
BANAAG A T SIKAT 421

Ang kagalingan ng biyanán ni Meni , bagamán gayón na sa


pagka-mapamahiin at pagka-ugaling-una, ay hindi kumákampí
kailan man sa pamangkín , kapág ang mag-asawa'y nagkaka
samâan ng loob . May katwira't walâ si Meni ay dito siyá, at si
Delfín ang minúmura . Hindi katulad ng ibang mga biyanán ,
na pagkakásagutan ng mag-asawa , ay silá na ang kalaban ng
manugang.
Sa pag-ayò ng tinurang ali at sa inamò-amò ni Delfín , ay
nawala ngang parang kinamot ang naging katí sa balát ni Meni
sa kapit ng salitang niña-pupot. Ipinagpatuloy ng matandâ
ang pagsasalitâ tungkol sa ingángalan sa sangól .
-Tignan ninyó, -ang wikà -pag inyong inibá sa nasa kalen
daryo ang pangalan ng batang iyán , marahil hindî tulóy binyagán
sa simbahan.
-Bákit pô hindî?—ang giít na patikís ni Delfín -Dádalhín
ko sa simbahang aglipayano ó sa protestante, kung ayaw silá.
Ang matanda ay halos nápaantandâ, kasabay ang isáng
mabilis na Susmariosep! ....
-Ayoko ngâ namán ni sa aglipayano ni sa protestante
ang tangí ni Meni. Sapúl sa kánunû-nunùan namin ay binyagan
sa romano, itó ba lamang ang matatanging batang ito?
—Sa walâ namán dito noong araw kundî romano lamang eh...
-Kahi't na : saka na siyá mag-aglipayano ó protestante,
kung magkaisip at mákilala niyá kung alin ang magaling.
-Siyá, sivá, siyá : saán man iyán binyagán -anáng amá
ang pangalan ang kákailanganin . Hala , pagkáyarián na natin
ngayon kung ano ang ilálagáy. Akó, sinabi ko na : ngalang
tagalog : Sinag- Araw 6 Bayani.
-Ah, akó ay Delfíng talaga ! -ang pilit ng iná.
-Ni Bayani ni Delfín ! -ang halang ng matandâ .—-Tiburcio
ang inyong ilagay at siyá kong nálaman : itó ang ayos sa matwíd ,
at hindi natin ipagkakásala sa Diyós . Bakâ hindî ninyó nála
laman, mga bata kayó , ang sama ng mag-ibang pangalan sa
kalendaryo ? .... Kung ipagkaloob ng Diyos at lumakí iyán ,
at , ipálalayo ng Diyos sa bató itamà, magkasá-kasakit ng
malubhâ, sakâ itawag ng parè at pahesusán , magdáraáng hirap
iyán sa paghihingalô at di malála gót-lagót ang hiningá habang
tinátawag ninyó sa hindî pangalang na sa kalendaryo . Ang
kanyáng Santong kalagyo ay magtátampó at hindi sásagót ; patí
angel de la guarda niyán ay hindî lálapit, dahil sa ang tinatawag
ninyo'y hindi ang ngalang na sa kanyáng tálâan . Kung mápasa
kabilâng-buhay na iyán at hindi magtamóng-langit , kundî
mahulog sa párusahán , kayó ang sisisí-sisihin ng Diyós, at anák
422 LOPE K. SANTOS

din ninyo ang sa inyo'y súsumpâ Kayâ magpahingá ngâ


kayó ng paibá-ibáng ngalan !. ...
Sa huli'y ibinuntót itó ng matandâ ng boông tika ng loob ,
kagaya ng isang pareng nangangaral, na pagkatapos makapag
larawan ng kakila-kilabot na apóy sa kabilâng-buhay, ay maka
pangyarihang nag-aanyaya sa mga nakikinig na magsipaniwalà
sa kanyang kinatatakutan.
Nagkatinginan na lamang ang mag-asawa , at nagkákinda tan
ng kaunti. Sukat sa gayo'y nagkáwawàán na sila sa magaling
na sagot na "oo ng oo, walang pagtatalo ," at sa kanilang sarili'y
binukò na lamang ang wikang "bahala na ."
Mag-fika lawáng oras na ng tanghali. Si Delfín ay bábalík
na sa pinapasukan. Dátapwa't bago pinaalis ng ali, ay pilit
munang pinapagpuno ng tanghalian ang mag-asawa , at ang
mag-asawa'y maligaya namang nagsalo , na , parang walâng
anománg mápaitang nagda án.
*****

*****

XXV

Kumparing Felipe

-Malaking tao!.
Parang pumutok sa taynga ni Felipe at ni Tentay, pag
bungad sa pintuan ng bahay niná Delfín, ang mga pasalubong
na salitang ito ni Meni.
Araw ng lingó noón , at hapon. Nang sábado ng hapong
sinundán, bago naghiwalay sa limbagan si Felipe at si Delfín , ay
pinag- usapan muna nila ang tungkol sa pagpapabinyág sa batà.
Nagkayaring kabukasan nga'y isásama si Tentay sa pagdalaw
sa mag-ina ni Meni, upáng doón na magtapós ng sálitaan . Si
Tentay at si Felipe'y nagsadyâ namán . Sa ganáng kay Tentay
ay yaón ang kauna -unahang panhík sa bahay ng matalik na
kaibigan ni Felipe, at siyá ring kauna-unahang kita kay Meni;
kaya, bagamán sapúl nang máturang silá ni Felipe'y fisáng pusò
na't katawán, ay hindi na halos nagpapanaóg sa bahay; dátapwâ,
nang matalós na kiná Meni dádalaw, ay naganyák ng pagsama
at nagmapili ng pakikipagkilala .
-Malaking tao ka , Felipe ! -ang ulit ng kinákapatíd
Magmula ng ikaw ay magkaasawa , ay dalawin-dilì mo na kamí ...!
Magka-asawa! ..... salitâ itong wari'y masamang hanging
sumabukáy sa pagkatao ni Tentay, nang máriníg. Nanglamíg
na biglâng-biglâ at nagmaputlâng- kulay. May nanalaytay sa
kanyáng mga ugat na kamandag ng pagkahiyâ. Siyá man
nama'y hindi rin makapagsabi kung bakit tila nápapangimian
pang tangapin ang tawag na asawa , hangán sa mga araw na yaón .
Kun sa bagay, ang pagka -baguhan ay karaniwang mahihiyâín.
Dátapwa't hindi itó ang nakapanánaíg kay Tentay. Sa mga
salita ni Meni , ay parang may bumukál na liwayway na nagpa
basa sa kanyang alaala , na , ang mag-asawang dinadalaw ay kasál,
at silá ni Felipe ay hindi. Sa budhî nivá at panimdím ay may
náuulinig na mga bulóng na nagsasabing siya'y di pa nárarapat
424 LOPE K. SANTOS
1
ta waging asawa , kundî ... ¡ kay kahiya-hiyâng sambitín !.
kinákasama lamang . Itó ang salitang angkáp lamang ita
wag sa kanyang kalagayan kay Felipe, alinsunod sa mga ka
salukuyang pananampalataya pa hangá ngayon ng maraming
pilipino. Ang magsama ng hindi nákasál sa harap ng kahalili
ng Diyos, kahì't na ang kanilang pag-iíbiga'y sumúsukô sa langit,
ay dî ugaling kapitan ng tawag na mag-asawa na . At ang mákasál
namán sa hindi simbahang romano, kundî sa aglipayano, ó sa
protestante ó sa mga tinatawag na kasál-katipunan, kasál-presi
dencia, kasál-proboste, kasál-civil, ay ipinalalagay pa ng karami
hang kasal na dikít-laway lamang, pagsasamang tali-hugsô, mag
asawang tanga lin ... Sa ganáng mga taong iyang walâng
nálalaman ó walâng ibig bilangin kundi ang pito't sikolong ipina
mana sa kanila ng mga magulang, ay walang halaga ang mğa
paraáng ito ng pagbibigkís ng dalawang pusong magsing-irog,
gaya ng halaga ng pagbibigkís ng mga simbahang romano na
marahil ay pikít-matá na lamang nilang sinasampalatayanan ....
Dî lalong-lalo na ang magiging isipan ni Tentay sa pagkakálagáy
nilá ni Felipe, na sa alinmán sa mga kuskús-baluñgos at kuntil
butil na palakad na iyán ng nagpapaligsahang mga pananampa
lataya ngayon, ay hindî silá nagdaán ? .... Kundangang sa
kabuhayan ng mga babayi ay may mga dating ng palad na paká
tangihán ma'y hindî na maiwasan , sana'y hindî siyá nápasuóng
sa gayong kalagayang hindi pa maatím-atím ng kanyáng mahi
nàng budhîng sa kasamang palad ay inaalipin pa ng mga sulsól
at balà ng pananampalataya .
Nguni't ano pa ang magagawâ? Nátitirá pa sa kanya ang
pag-asang balang araw si Felipe ay mahíhimok ding maniwalà sa
pagkakailangang sila'y mákasál sa Simbahan , upáng huwág
manatili sa pagkakásala .... Sa ganitong pagdidili- dili ay
nanumbalik sa kanyáng loób ang pagkapayapà ng mga unang
sigabó ng kahihiyán, at siya'y natuluyan na ring nakibagay
sa malugód at matapát na pagbatì ng bagong kakilalang sumá
salubong. Ipinaubayà niya ang mga unang pagtugón sa bibíg
ni Felipe, at itó ngâ ang kay Meni'y nagsasalitâ ng boông katwâán
at pagkapalagáy-loób.
-Hindî namán sa pagmamalaking tao na ang dî ko ikiná
pagpaparitó .
-At anó, ayaw ka bang paparituhin ni aling Tentay?
ang masayang parungít ni Meni na isinabáy sa isáng tingín,
mulâng ulo hangáng paá, sa kasama ni Felipeng babayi.
Si Tentay ay napangiti . Sa gayón pa lamang na mga unang
pagbati at pananalitâ ni Meni, ay parang nababató-balanì na ang
kanyang pusò , at sa sarili'y náwikàng :
-Itó palá ang si Meni ! ... kay-gandáng loob ngâ namán !
BANAAG AT SIKAT 425

-Sino ? si Tentay ang ayaw magpaparito sa akin ?-ang


habol ni Felipe sa kinákapatíd . -Hindi namán ! Mahanga'y
siyá ngâ ang malaon nang nagsasabi sa aking ibig na ibig ka
niyang makilala . Kayóng dalawa ang bagay na bagay pagsa
mahin. Bagamán ikaw ay anák-mayaman at siya'y anák
mahirap, ang mga ugali ninyo'y magkasuwatòng magkasuwatò...
-Anák-mayaman daw akó !--ang sambót ni Meni-Huwág
mo na ngâ lamang iyán bangitín pa sa akin ... !
-Ikaw nama'y anák-mayaman din, Felipe-ang sabád
ni Delfín na nároroón di't katangapan, nguni't sa pagpapaubayà
sa asawa na siyáng magpasalubong ng magandáng-loób sa bagong
panauhin, ay hindi nagsasalitâ, kundî nakitawa-tawa na lamang.
-Magtuloy kayó, magtuloy kayó, aling Tentay-ang magiliw
na anyaya ni Meni, na lumapit kay Tentay at inabót ang kamay,
na anaki'y dating kakilala na at matalik na kapalagayang-loób .
Pabayaan niyó na siláng dalawang lalaki ang mag-usap ng patayô
at masok kayó rini : tignan niyó ang anak ko . Oh , hindî pa niyó
nátitikmán ang magkaanák ! .... Nguni't dáratíng din namán
ang inyong araw ....
Sinásalitâ itó sa boông galák ni Meni : hila sa kamáy si Tentay
na ipinasok sa silíd, at doón itinurò ang nakatihayàng sangól
na natútulog. Samantala , ang dalawang lalaki ay nagkakála
bitan at inginúnğusò ni Delfín ang kanyang asawang anaki'y
nasísiràan ng baít sa pagpaparangalan ng anák .
-Kay-daling magkaibigan ng dalawáng itó !-ani Felipe.
-Oo ngâ ; nguni't mangyari pa'y dati na namán siláng mag
kakilala sa ngalan at sa mga nangyayari sa kaniláng buhay -ang
wika ng isá.
Ang dalawá sa loob ay alangáng mag-ánasan at alangáng
magsalitaan ng malakás sa harap ng mapúpukaw na batà . Nğu
ni't sa sigalbó ng katwâán ni Tentay, at dalá niyáng likás na
pagkalugód ng babayi sa mga sangól at ng bukál na pagkasabik
ng isang babaying dî pa nagkákapalad magkaroón , nguni't naná
naghili sa mga mayroón, ay halos dinuhapang ang batà sa pag
gagap na mahagkán, at anyá'y :
-Kamukhang kamukha ng amá ! .... Delfíng, Delfín ! ....
Sa puso ni Meni ay parang pulót na nábubô ang mga salitang
itó ng bagong kaibigan . Nátamaan ang lalong maligaya niyáng
damdamin . Nátapatán ni Tentay ang ibig na ibig máriníg
sa sínománg makábatì sa kanyang anák .... " Kamukhâng
kamukha ng amá!" At kangino pa dapat mámukhâ ang gayóng
kagiliw-giliw na bunga ng walang dungis na pag-ibig niyá
426 LOPE K. SANTOS

kay Delfín ? .... " Delfíng, Delfín !" Kayâ namán Delfín din
nga ang ibig niyáng máipangalan sa batàng iyón !.
-Delfín ngâ rin ang inyong ipangalan saba tàng itó !-aní
Tentay. -Lálabás din itong marunong na paris ng amá, at ma
sayáng paris ng iná.
Ang bata sa kalamkám ng káhahalík ni Tentay ay napukaw
na ngâ. Iminulat ang matáng anaki'y nasisilaw. Hindi tumá
tawa , indî namán umíiyák. Habang gayón , ang ali ni Delfín
ay sásusulpót. Mámalas-malas sa dalawang na tútuwâ, lalòng
lalò na sa babaying panauhin na walâng málamang gawin sa batà.
-Bakâ mainit ang inyong matá !? ......—ang paalaala
ng matandâ, habang nag-áaga wán sa isang aklát ang dalawa
niyáng anák namán sa gitna ng kabahayán .
Nápalingón si Tentay, at pagkasabi sa kanya ni Mening
yao'y ali ni Delfín at siyang pinaka-iná nilá sa bahay, ay muling
hinarap ang sangól . Ang sangól namá'y kátaóng nápangitî,
na filíng- ilíng ang ulo.
-Tignan niyó, tignán niyó : -ang dali-daling sabi ni Meni
maybutas ang pisngi kung tumawa
-Nakú, kaygandá ! -ang sabi naman ng natútuwâng si
Tentay.
-Mangyaring dî maybutas ang pisngi niyán, ay inagapan
namin ng hilot na pagkaputol na pagkaputol ng pusod , ay isinulsól
at idiniín sa magkábilâ niyáng pisngi.
-Ganoón ngâ raw pô ang mabuti.
--At iyáng batàng iyán, -idinugtóng ng nunò - tinitignan ·
niyóng mapulá at parang kayumangí, maputî iyán pag-lakí-lakí ;
mákikita ninyo't nagkakabuhay pa tayo, pagbabagong- tao
ng apó kong iyán , ay .... maraming bakod ang sisiràin
-Paris pô ba ng amá? -ang sambót na pabirô ni Meni .
-Abá .... si Delfín namán , ang masasabi ko sa iyó, hindî
sapagka't akin , ay mabaít na nagbinatâ. Hindî nakámana sa
nangasirà niyang amá at mamà, na inilúluhà ng bató ng kani
kanilang asawa .
--Sa makatwid pô , -ang habol ng manugang - may mğa
asawa na sila'y malilikót pa ? Pasásaán ang inyong pamangkín
na di magmámana rin, ay lipì palá ! .... bago-bago pa lamang
kamí ngayon, kaya, kung bagamán, ay hindî pa ....
-Oy, oy, oy ! anó ang kaululáng sinasabi mo ?. -ang
maragasang sabád ni Delfín , na nakarinig ng gayóng mga salitâ
tungkol sa kanyá, at dali-daling pinasok sa silíd ang nagsalitâ.
SIKAT
.'AT
B "
.-
Santos
K.ANAAG
Lope

-Kamukhang
!.
amá
ng
kamukha ...-
)
Tentay
- ni
Baká
inyong
ang
.mainit
....!?
amatá
).(
matanda
ng
paalaala
(ang
BANA AG A T SIKAT 427

Si Meni ay naging parang isáng batàng náhuli ng iná sa


pang-uumít ng ulam sa pámingalan : nagpakáliít-liít sa pagkublí
sa likod ni Tentay upang huwág abutin ng singil ni Delfín .
Alám niyang si Delfín ay masakít mangúnğurót .
--Hala , hala ka :-ani Meni -tila dî totoo ang sinasabi ko!
Táwanan, tuksuhan at sáwayan ang nagkásaliw-saliw sa
boông bahay. At makaraan ang ilang sandaling gayón , nahulog
din sa pagpapabinyág ang sálitaan .
-Paano pô, kumparing Felipe--ang aglahì na ni Meni
kailan tayo magpapabinyág?
-Abá, magpúpupûan na ngâ kayó : ibá na ang magkumpari
-iniaral ng matandâ. -Huwag kayóng pumaris diyán sa ibang
kung magtawaga'y "halika ngâ, kumpare," "halika ngâ , ku
mare" ¡ kay kahalay-halay sa nátuturang magkakapatid
pa namán !
-Siyá ngâ namán -ang may-kindát pang pag-ayon ni
Felipe, sa harap ng ali ng kanyáng kaibigan, na kilalang-kilalá
na sa pag-uugali. - Nğunì, ¿ bákit pa ba natin pabíbinyagán
iyán? Sayang lamang ang kuwartang ibibigay mo sa simbahan !
Nápadilat at nápagitil ang ali ni Delfín ; nguni't hindi nag
bitíw ng isá mang salitâ, kundî ipinakò lamang ang mga matá
kay Felipe, at anaki'y ibig magsabing: " Kaybuting kumpare
nitó !" Nguni't nagpatuloy ang paninikís ng "mabuting kum
pare."
-Anó pô, nanay : para pakákanin lamang iyán ng asín ,
búbusan ng tubig, pápahiran ng tabâ ng kambing, búbulunğán ,
bábasbasán, at sakâ .... paíiyakín , akó man magágawâ ko rin
ang lahát na iván dito sa bahay.
-Oy magpahingá ka ngâ , salbahe, kondenado ....!
Si Delfín ay napasagót :
-Iyán ngâ ang sinasabi ko sa nanay : ayaw pumayag. At
saka ayaw ng mga pangalang ibig ko : Sinag- Araw, Dakila, Ba
yani .
-Bákit di pa Diablo na ang itawag mo riyán ?-ang salitang
patuyâ na ng ali , na sinundán ng isang panglulurâ.
" -Hindi pô namán , nanay, pangalang tagalog ang Diablo!
ani Delfín .
-Abá, madaling tagalugin ! -ang susog ni Felipe - Ilagay
mo ang bagsak ng salitâ sa hulí : magiging Diabló ……..
Ang matanda ay siyá nang kusàng dî nakitungo . Tinali
kurán ang mga halos walang galang na "magkumpare" sa kan
428 LOPE K. SANTOS

yáng pagka-magulang, at ang hinarap ay ang mga babaying


nagtatawanan din naman ng lihim .
Samantala si Felipe at si Delfín ay siyáng nagtotohanan
na ng sálitâan .
-Tignan mo, kaibigan , -ani Felipe -walâng kahalòng birò
ang sasabihin ko sa iyó. Kung kami ni Tentay ang magkáka
anák, walâng binyág-binyág . ...
-Huwág, ang malubáy na saway ni Delfín -totoo ka
namáng mainit. Ibig mo , sa isang hihip lamang ay mabaligtad
na ang sangsinukob. Hintáy ka . Hindi pa araw ngayón natin .
Pabayaan mo munang makalipas ang gabi at máiraos ang kan
yáng mga dilím ; nagmamadaling araw na , at mamímiták din
ang tunay na Bagong Araw na pinapatnubay ng pahayagan natin .
-Ah .... kun gayón , ang mabuting ingalan mo sa iyong
anák ay si Banaag.
-Banaag!
-Oo , huwag nang Sinag- Araw, ni Bayani, ni Dakila ni ibá
pa . Ang batang iyán ang siyá nating imulat na sa mga bagong
ilaw ng panahon, yayamang tayo , anománg ating gawín, ay dî
pa makagígitaw kun sa mga panahong itó lamang, sapagka't
ang lahát pa ngayo'y ating kalaban . Ang batang iyán ang áabot
nang kátaón sa mga araw na hindî na ganitó ang lakad ng mga
pamamayan, pamumuhay, pananampalataya at pag-aasal ng
mga pilipino . May mga alagad na siyáng mákakasama sa pag
babangon ng bagong buhay dito sa atin, hindi paris ngayón
na wala kang máhagilap na hindi kampón ng diyós-Karwagán : ...
Hala na ngâ, Delfín . Kung pabibinyagán din lamang natin
ang batang iván , ay Banaag na ang ipangalan mo , at yamang
lalaki ay siyáng nábabagay sa kanyáng itawag.
-Mabuti kun ang kahiligan ng batang iyán ay paris din ng
ating kinahihiligan ngayón-ang paklí ni Delfín .
--Bákit hindî ? Kung ano ang kinain ay siyáng tabâ. Ba
luktót man ang halaman pag-unlád sa lupà, at kung áagapang
ituwid, ay lalaking matwíd ; ang kailanga'y ihilig mo na, murà
pa , kun saán mo talagang ibig mápahilig.
-Tunay ngâ, at sa tingin ko nama'y talagang hindî na
natin paghihirapan ang batang iyán . Kaytaás ng noó , kaylamíg
ng mukhâ, buhay na buháy ang mga matá: mga tandâ ng talas
ng ulo at karunungan , gandá ng ugali at pag-ibig sa kapwà, sakâ
ang liwanag ng pagtingin ay katapangan. Dapwà't mápuntá akó
sa ngalan mong ibig, Banaag, ay walang salang makakalaban
ngâ natin ang nunò at ang ina ng batà. Si Meni'y ayaw kundî
Delfín din ; si nanay ay ang nasa kalendaryo : ang náiibigan pa
BANAAG AT SIKAT 429

nama'y Tiburcio . Sa pangalang wikàng tagalog ay ayaw silá


kapwà . Sabihin pa ba sa isang may pagka- dugô pang kastilà,.
at sa isang tao sa mulâ, síno sa kanila ang áayon sa ibig nating
iyáng nálilihís at nábabago sa kaniláng nágisnáng mga ugali?
Ang wikang tagalog sa kanilá ay hindî salitâng pinakíkingán ng
Diyós . Kayâ, anáng nanay, ay hindî raw bíbinyagán sa sim
bahan, pag walâ sa kalendaryo ang ipangángalan natin .
-Hú ! magpapakinig ka sa kanilá !-ang giít ni Felipe.
Dî huwag nating pabinyagán sa romano ó ni saán pa mang sim
bahan, kundî ang ating ipinangángalan ang masúsunód .
-Maáarì, kun sana'y anák nating dalawa ang batang iyán .
Dátapwâ't anak namin ni Meni , at si Meni man , pag sa pananam
palataya, ay hindî pa natin ma bíbigla kung ngángayon lamang.
Sumunod katá sa agos sa bagay na iyán, kaibigan . Hamo nang
mangyari ang ganáng kanilá, habang walâ pang isip ang batà.
Sa pagkukurò ko namán ngayón , ay talagang kailangan pa ng
mga munakalà natin ang mga kasamâán at kabutihan ng relih
yón. Dito sa Pilipinas sa mga panahóng itó, anománg malaking
balak na ibig mabangon at pagpisanan ng marami, ay kailangang
isangkalan sa relihyón . Palibhasa'y isang bagay itong nauukol
sa budhî ng tao , kayâ pag siyá nang nag-úudyók , saán mo man
dalhin at gamitin ang pilipino , ay bigkís-bigkís na súsunód sa
iyó. Kung mátututo kang sumamantala sa ilang mga tuntunin
at kapangaralán ng relihyón , ay may malaking maitutulong sa
ikápapanibulos dito ng mga adhikâ ng Sosyalismo . Huwág
na iyáng mga relihyóng totohanan ang pagkunan mo , kundî
kahit na ang katipunan ng mga kolorum na nagsisisambá sa
bundók ng San Cristobal doón sa inyó sa Silangan . Sa pana
nampalataya nila'y nagkakáisá at nabíbigkís ng gayón na lamang,
na wikà ko sa iyong sa dinami-dami nilá ngayon at sa tinibay
tibay ng kanilang pagsasamahán , ay di maliwag na maging isáng
lakás na katakot-takot, na kung kakailanganin sa pagbabangon
ng isang malaking panukalang paris ng ating inaadhikâ, kung
kákailanganin sa paggigibâ ng kasalukuyang lagáy ng ating
Kapamayanan at Kapamuhayán , ay kanawa-nawa mong
mákukunan ng mga taong buô , ganáp at laán , mulâng ulo han
gáng paá, sa kamatayan man , kapág talagang mapapasubò sa
pagtatangól ng isang panukalà. Ikaw, na mahilig sa mga
aral ng Anarkismo, sa mga taong bulág sa relihyón makakakita
ka agad ng magiging mabubuting kampón at katulong. Hindî
mo nálalama't ang mga martir na tinatawag ng "Religión Cató
lica," ay yaóng mğa kampóng tumátangáp ng mga pasakit at
kamatayan sa pagsaksí at pagpabubunyî ng kanilang sinasam
palatayanan? Ang mga anarkista ay ganyán din . Sa pananalig
430 LOPE K. SANTOS

sa kanilang mga sinúsunód na tuntunin at pag-aakalà, ay nangag


pápain ng kanilang buhay, masaksihán lamang at maitanghál
ang kanilang layon . Bukód sa lahát ng iyán, sa Kristiyanismo
ay marami ang nakikita nating katuparán ng mga súliranín at
adhikâng inúusig ng Sosyalismo . Si Kristo ay bantóg na sos
yalista-komunista. Nagbigay siyá ng mga halimbawà at nag
lagak ng mga aral tungkol sa mga karapatán ng mahihirap at
katungkulan ng mayayaman, at sa mga matwid ng mga bayan
at kalupitán ng mga harì : mga bagay na siyáng kinábabatayan
ng mga adhikâ ng mga Partido Sosyalista saá't saán mán ……….
Anó pa , Felipe, at hindi natin dapat pakápawalâng-halagá na
ang mga relihyón ngayón . Ang mga kamálîan nila ang ating
bakahin . Ang mga palakad, máhidwâ man, ay atin munang
pakibagayan, sapagka't ganitó ang hinihingi ng alinmáng
panukalang hindi maaring maganáp kundî tulungan ng pana
hón ... Ang isang nag-áakalàng tumawid ng langóy sa ibayo ,
magpakálakás-lakás man, ay hindî nárarapat pumutol ó suma
lunga sa mabilis na agos, sapagka't alinmán dito'y pangpahinà.
Kailangan ang tumawid ng paayón , kahi't humabâ-habâ ang
táluntunin . Ma tagál-tagál ma't walâng sala ay mabuti kaysa
madaling sápalarán pa . Sa anománg gawain at lakbayin ay hindî
ang kalooban ng tao ang tanging nasúsunód . Hindî ang pag-iisip
lamang ng tao ang naglilikha at nakapaghaharì sa mga nang
yayari rito sa Sangkalupàán . Katulong ng isip at lakás ng tao
ang mga kusàng kilos at katutubong bisà ng dilang bagay. Pa
nukalain man nati't ibiging mangyari ang isang bagay, kung
nálalabag sa talagang mga urì at tuntuning sarili ng bagay na
iyán, ay hindi mátatamó. Ang lahát sa lupà ay may hangahang
kaní-kanyá na dî malálampasán ni matitiwalî ng isip, loob at la
kás ng tao. Walâ tayong bigông kilos na dî may nasasalang
na dapat pakibagayan at panimbangán . Malinaw na halimbawà
na ang nangyayaring itó sa atin . Ang batang iyán ay anák at
apó ng mga katóliko . Akóng amá at ikaw na ináamá, sa
halimbawà mang hindi na nagpapaniwalâ sa mga pananampa
latayang iyán, ay hindi maaaring masunód na lamang ang ganang
atin , kundî ipakíkibagay rin sa ganáng kanilá namán .... Anó
napag-isip mo na ? Mainit kang totoó, Felipe!
-Mainit ngâ-ang ayong pangitî ni Felipe, -nğunì, kaibigan ,
ang lamig ay hindi nakapagpapakilos ng anomán. Ang init
ang nagpapatakbó ng mga bapór, nagpapakilos ng mga mákiná ;
ang init ang gumigising sa mga tulóg ; ang init ang nagpapagalaw
sa lupà, nagpapaliwanag sa madilím , bumúbuhay sa mga halaman,
siyáng lumúlutò ng mga kinakain natin, siyáng masasabing unang
batis ng dilang kabuhayan
BANA AG AT SIKAT 431

-Oo nğâ, -ani Delfín -kun sakalì't ang init na iya'y pa


kata-katabay lamang . Nguni't kung init na apóy na , ay abó na't
kamatayan namán, ang nagagawâ: hindî na buhay .....
Nagkatawanan ang dalawá sa pagkakásagutang itó , na
mulâ lamang sa kung marapat ó hindî marapat pabinyagán
ang bata at kung ano ang mabuting ipangalan, ay napauwî
na sa mga kaliklikáng iyón ng pagkakatwiranan .
Habang gayón silá, ang dalawang babayi sa loob ay nag
kakániigan namán tungkol sa mga buhay-buhay ng isang baba
ying may-asawa na , at tungkol sa mga pinagdaanang pagka dalaga,
at sakâ tungkol sa paris na ni Mening may-anák . Ang matan
dâng babayi ay na sa labás at nagháhandâ ng ipamímirindál
sa mga panauhin .
*

Sa pagmimírindalan ay ibá na ang kanilang napag-usapan :


ang kay Tentay at Felipeng buhay namán . Hindi man kinúkusà
ay talagang parang kaugalian na sa pagdadalawán ng mga pili
pino, ang una munang napag-uusapan ng mga panauhin at may
bahay ang ganang kabuhayan ng dinadalaw, sakâ kung matapos ,
ang sa mga dalaw namán . Kayâ ang karaniwang mangyari sa
mğa dalawán, ay kung magpapaalaman na lamang sakâ nása
sabi ng panauhin ang kanyáng sadyâ.
-Nang másaysay ko kay Meni -ani Delfín -ang mga
likaw-likaw ng kabuhayang sinapit ninyong dalawá, hangán
sa mápatuloy na kayó ng totohanan , ay tigás na pagtataká,
at halos di maniwalà sa mga ibá kong pinagsasaysay. Ang
kinatútuwâán niyáng totoo ay ang mga kaululán noóng kauntî
nang maging asawa ni aling Tentay na si Kantanód .....
-Kaunti na raw maging asawa! -ang biglâng náisambót
na salitâ ni Tentay na tila nahiyâ-hiyâng nápatawa-tawá sa
gayóng birò ni Delfín.
-Siyá ngâ namán !-ang payo ni Felipe -kundî ba akó
nápauwî agád, dî marahil ay nakuha ka na sa rebolber na tsaról
ni Kantanód?
Isáng malakás na hálakhakan ang ibinunga ng ganitong
mğa salitâ, na , sa pagtawa rin ni Tentay ay ikinásamíd tuloy ng
matagal . Pagkalipas ng táwanan ay si Mening hindi nagmími
rindál , kundî kalong lamang ang bata at nakikiharáp sa nag
sísiinóm ng kapé at suman sa dahon , ang siyang nag-usisàng
mapilí:
-Bákit ba?-anyá-paano ngâ ba , paano ang mga nangyari?
-At hindi pa ba násasabi sa iyó ni Delfín ? -ang tanong
ni Felipe .
29
432 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Nálalaman ko na yaóng sa mga unang araw na pagdating


mo rito, at ang pagkakátutóp ninyó isáng gabi kay Kantanód ,
na pinapagtandâ siyá upang huwag nang magbalík kailán man ;
dapwa't hindi na ngâ ba talagang nagbalík sapúl noón ?
-Anó pông hindî na ! -ang sagot ni Tentay.
-Ang sabihin mo'y lalò pang naglukó, -ang dugtong ni
Felipe at parang nagalit na putakté. Nang malamang ako'y
doón na sa bahay natutulog, ay makáilán akong pinag-abangán :
may sa gabi't may sa araw pa . Nang may isang lingó nang
mahigít, ay nakápulot akó isáng umaga , sa paglabas ng tárang
kahan , ng isáng sulat. Mátatawá kayó sa lamán . Sa una
pang mga salitâ ay nahulàan ko nang yao'y gawa ng isáng hung
kág na ulo , at napaghulò ko ring hindi sasalang kay Kantanód
na ngâ, bagamán sa hulí ang nápipirmá ay hindî niyá ngalan ,
kundi si Akóng Waláng Gulat .... Sayang at di ko nádalá rito ,
nákita mo sana , Meni , patí pagkakángiwî-ngiwi ng mga letra, na
tila limbag pang kung papaano, at sakâ ang pagkakahiwíd-hiwíd
ng mga salitâ na nagpapakilalang hiwid din naman ang isipan
ng maygawâ.
-Anó-anó ang nálalamán ?-ani Mening labis ng pagkasabík.
-"Siñor Pilipe. " (ang mga unang násusulat) " Ako'y nang
"yaring sumulat sa iyó" (sásabihin ko sa inyó ng matatás ) " nitóng
"iláng letra ; ang dahilan at bagay, ay kung ikaw ay talagáng
"lalaki ay manaog ka mámayâng hating-gabí, á las doce en punto,
"at pumaroón kitá sa Paáng-Bundók at doón tayo mag-away.
"Doón na lamang kitá ililibing sa pantion ng mga insík ."
hulf'y idinugtong pa ) : "Bákit ka riyán na natutulog sa bahay?
"¿asawa mo na ba si Tentay, walang hiyâ ! Hindi mo nálalama't
"iyáng babaying iyán ay nahulog na sa kamay ko ? Hiiilat!"
(ang wikà pa ) . .. .
Si Tentay, nang dumating sa bahaging itó ang pagsasay
sáy, ay namulá at parang napagpaalalahanan ng isang bagay
na totoong kapoót-poót at nakarúrungis sa kanyang kapurihán .
Nakabitíw tuloy ng :
-Walang hiyâng lalaki ! alibughâ ! bulàán ! mániniràng
puri !..
-Hú, eh anó namá't maniniwalà kayó sa mga salitang
iyón ng isang ulól? -ang patay na wikà ni Delfín - Mangyari
pang di kung ano-anóng kabulàanang makasisiràng puri ang
kanyang gagawín , ay sa ibig niyáng tabangán na si Felipe ...
་ Ang kahinhinán ni Tentay ay hindi napapagtapang- loob
ng mga pahayag na itó. Sa mga singit at ligid ng matá ay pina
nungawan ng luhà . Hindi nagkúkusà'y nápatungó at dî maka
BANAAG AT SIKAT 433

silay mandín sa tingin ng mga kaharáp na kinahíhiyán . Kundî


si Felipe ang bumuhay ng loób, marahil ang salitaang yao'y
náuwî sa kapanglawan . Paano'y patí si Mening dapat sanang
magpawalang-halaga sa mga kabaliwang iyón ni Kantinód,
ay nápaluhâ-luhâ rin at nagkukusót ng matá sa awà sa kapwà
babayi at sa galit sa dalahiràng lalaki.
—Abá, abá, abá , nagkáiyakan pa tayo ngayón ! —ang sabád
ni Felipe .
-Bakâ kayâ —ani Delfín namán -mainit itóng kapé namin !
-Hindi ,-ang paklí ni Felipe- tila may sibuyas itóng
suman ....

Ang pagdidilím ng mukhâ ni Tentay, ay napawî-pa wî at


naliwaywayán ng isáng maramot na nĝitî.
-Itóng mga babayi -ang patuloy ni Felipe -ay nápa
kama lala kíng-loób . At makukulit kausapin . Ipinakikita mo
na sa gawa ang pag-ibig sa kanilá, ay marami pang mga hiyâ
hiya at hiná-hinanakít . Ay anó kung másabi ko rito ang
mga talagang nangyari? Akalà mo bang sa amin ni Delfín
ay may maaaring málihim? At kung akó ba'y naniniwalà sa
mğa kaululáng yaón ni Kantanód , ay magpapatuloy pa sa iyó ?……
-Siyá ngâ namán ! --ang payo na ni Meni, na nakapag
isip-isip yatàng bakit patí siya'y nakikiluhà . -Hala , ipagpatuloy
mo, Ipéng, ang lamán ng sulat .
-Siyá na na !-ang sawáy ni Delfín .
-Walâ na namáng talagá kundî ang pirmá nğâ .
-Ay ngayón , anó ang ginawâ mo sa sulat? —ang usisà ni
Meni.
-Anó pa ang aking gagawín. Hindi ko muna ipinamalay
sa bahay, at nagtuloy akong pumasok . Kágabihán , nang
hating-gabí na nga, nanaog akong pasubók-subók, at handâng
talaga sa anó't anó man . Nasaliksik ko ang boông bakuran ,
silong at likód-bahay, at bakâ, wikà ko , nakapapasok na ang
aking kalaban. Nguni't nakasará rin ang pinto. Dahan-dahan
kong binuksán . Matagál akong naupo sa hakbangan . At
suminag-sinág sa magkabi-kábilâng dako, bakâ akó ang nasu
subukan.
-Ay anó nama't nanaog ka pa'y alám mo nang hiló at
baliw ang nagháhamón sa iyó ? Totoó kang matapang !-ang
aglahi ni Meni.
-Hindi sa pagmama tapáng, ni sa pakikitungo sa isang
bangáw, kundi sa pag-aalaalang bakâ ngâ ang ulól na yaón ay
totoong naghahamón at nag-áantábáy sa akin , at kung walang
28-47064
434 LOPE K. SANTOS

mákitang tao, ay kung ano ang gawing kaliluhan sa bahay ; bakit


noong araw pa ay nababalità nang ibig niyang manunog sa aming
lugál na yaón .
- -Naparoón ngâ ba si Kantanód?

-Walâ! saán ba páparoón ang haling na yaón ! .... Halos


inumaga ako sa káaantáy, hangán sa si Tentay ay nagising na
tuloy at nang ako'y hanapin sa siping niyá ay walâ ...... Ná
rinig ko ang kanyang mga tawag, at nang manhík akó ay kung
anó pa ang isinaloób nitó : diwà raw yatà ay kun saán akó
nangaling na silong ng kapit-bahay .
-Bakâ ngâ namán ! -ang wikà ni Mening maykahalòng
kindát- Nakú .... kayó bang mga lalaki : kahi't kasiping mo sa
tulog ay nakalálayas din at nakagágalà ... ! Hindî ba , aling
Tentay?
-Siyá ngâ pô : kayâ hindî akó naniwalà sa kanya, kundî
ipinakita sa akin ang sulat na sinabi sa inyó ....
-At anó naman ang gagawín mo, -ani Delfín -kung iyong
náhuli sakali ang bangaw na iyón ? Sásama ka ba sa Paáng
Bundók?
-Sumama akó !? ... Doón na lamang kamí magkalutas
sa tárangkahan ....! Doón na niyá ulî mákilala kun sino ang
kanyang kabisa . .!
-Uli-uli, Felipe, ay huwág ka nang manána og ! -ang panga
ral ni Meni - Bakâ nga hindi ikaw ang makásubok, kundi ikaw
ang masubukan . Silipin mo na lamang siyá sa mga butas ng bin
tanà, ó pakiramdamán mulâ sa silong ó sa ibang lugál na hindi
hantád ó ináakalà mong maáabót niyá, at mahirap na ang ikaw
ang másubùan ....
-Bahala na ....! Akalà ba ninyo'y iyón na lamang ang
nangyari sa amin ng kaibigan kong si Juan Karugdóg? Marami
pa : may nakatatawá, may nakagagalit at may nakaáawà pa.
Dátapwa't ang sasabihin ko na lamang sa inyo ay ang naging
ultimatum na naming dalawá , na buhat noó'y talagang di ko na
nákita ni anino . Minsang hapong nasalubong ko siya sa haráp
ng simbahan ng Kiyapò . Nang mátanáw akó , sa malayò pa , ay
nag- ibig umurong ; nguni't nagtamà na ang mga matá namin at
hindi siya nakagawa ng gayón . Ako'y papauwi na . Hindi
kamí nagkába tián . Akó sana ang fimík nang magkakasalubong
na kamí ; nguni't lumihís siyá ng parang nagwawalâng-ba halà at
nakalingón sa dakong simbahan, na kunwâng nagmamalas sa
isáng langkáy ng dalaga't binatàng kátaón namán noóng nag
bibilang ng mga guhit sa langit at mga hakbang sa lupà .....
Talaga ko sanang úusisàin na namán , kung bakit pa dî nagtitigil
BANAAG A T SIKAT 435

sa mğa kaululáng pinaggagagawâ roón sa aming lugál, at kun


tunay ngâng siyá ang may-ari ng sulat na iyóng nákuha ko.
Talaga ko pang kun sásagót at kíkisol ng masamâ-samang sagót
at kisol, ay bibigwasán ko na ng walang patumangâ, at bahalà
na sa pagmumultá ó sa pagkabilangô, kung kami'y máhuli
ng máginoóng pulís . Dapwà't hindî ngâ nangyari ang gayón,
at nakapagpaumanhín na akó nang makita ang kanyáng pag
wawalang- bahalà . Paglikô ko sa daáng San Pedro, siya'y aking
nilingón . Nákita kong nakatigil sa may likô namán ng Villa
lobos , at tila akó ang tinátanáw. Tuloy ang lakad ko . Nang
malapit na ako sa may dúlàang "Zorrilla , " ay nálingón-lingunán
kong sumusunod na sa akin . Dinahanan ko ang lakad at
siya'y inantabayanan ; nguni't nagdahan din namán . Sa daáng
Cervantes na kamí nag-abot. Sinutsután akóng kusà at pina
pag-antáy. Ang isip ko'y kung anó na . Dátapwa't ngíngitî
nğitî sa paglapit sa akin, at ang unang batì'y : "Kumusta ka ,
kaibigan?" Nag-alangán akóng sumagot ng mahusay ó masamâ
na agad. Dapwà't kilala ko na siyá kun sino, kaya pinakiba
gayan na lamang. Nakiusap na sa akin ng, wikà ko sa inyong
hindi na ninyó makúkuha ang magalit kung maririnig. Hindi
raw siya ang may-gawa ng sulat na aking ikinapuyat . Paris
din nang una ang paghinging- tawad , dahil sa nangumpisál na
namán daw siyá sa isáng aswita at kábilin-bilinan na ang mag
bagong-loób. At sapagká raw totoó lamang paano mang
gawing paglimot, ay hindi mapawi-pawi sa kanyáng loób itong
si aling Tentay, na gabi-gabí tulóy ay kanyáng napapangarap,
kaya kadalasa'y nakakapanaog ng kahi't hating- gabí , ay "mang
yari lamang, anyá , kaibigang, másabi mo kay aling Tentay na
kun sila'y mabábao saká-sakalì, ay huwág din akong kalíli
mutan" .
Sa mga huling sinabing itó ni Felipe ay halos nabuwal ang
lamesa sa biglâng bugsô ng tawanan ng magkakausap , patí na
ni Tentay. Makasandali, ay nagsabi itóng:
-Hindi mo pa tinampál ang ulól na iyón !
-Sa makatwid, -ani Delfín -ay ináantáy ka paláng ma
matáy ng kaibigan mo!
..ang patawáng sagót ni Felipe-sinagót ko
ng mangyayari ang kanyáng hingî , at ipagbibilin ko kay Tentay
na pag ako'y namatay ay huwág ngâng mag-aasawa sa ibá kundî
sa kanya. Nakú, ang tawa ! .... Mulâ na ngâ namán noo'y
hindî na nangligalig sa amin, at saán man akó mákita ay nag
púpugay pa at walang pangunang batì, kundî "kumustá si Ten
tay ? ” .
436 LOPE Ꮶ . SANTOS

Salamat sa Diyós at gayón na lamang ang pinangyarihan


ng inyong buhay !-ang sabád ng ali ni Delfín, na mulâ kangina'y
hindi man kasahóg sa sálitâan, ay kahalò-halò rin namán sa
pakikinig at sa mga tawanan .--Kayâ bagá, Felipe, magpápa
kabaít ka namán . Tignan mo ang pagkakagalit ng tao , kapág
náraraán sa mábutihan . Ibá na nga ang nangúngumpisál, at
magpakásamâ-samâ, ay nakapag-iisip ng magaling. At sakâ
talagang kaybubuting mangaral niyáng mga paring aswita! ....
Si Delfín, si Felipe at si Meni ay nagkátamaan ng tingin at
sa isang kindatang maykahalòng ngiting panakáw, ay nagká
watasan na silá sa ibig sabihing : "Nagsalitâ na naman ang
matandâ natin !" Si Tentay lamang ang hindi nakatalós ng
kahulugan ng gayóng kinda tan , palibhasa'y dî pa nivá kilalá
ang ugali ng matanda, tangì sa siyá man namán sa sarili'y may
gayón pa ring mga paniniwalà
Kátaón namang natátapos na ang kaniláng nápaluwát
tuloy na pagmimirindál.

Ang dalawang panauhin ay inabot pa roón ng dilim. Ba


bayi't lalaki ay nangagkáwilihán ng sálitâan, na minsang magká
ulóng-ulóng siláng apat at minsang magkádalá- dalawá . Pa
nauhin at maybahay ay mayroón at mayroon ding nasasabing
pangpalawig ng dalawán. Nğunì, sa lahat ay si Meni ang ma
usisà. At yaóng dating ugali ni Tentay na pagka -madalang
magsasalita at magsasagót, ay masasabing napapagbago ni Meni,
nang gabing yaón , na anopa't nápansín na tuloy ni Felipe ang
kanyang kasama na parang dating-dati na kay Meni sa paki
kipag-ulayaw.
-Ang damdám ko - anyá kay Delfín , parinig sa dalawá
ang dalawa nating manók ay nagkakahigpitang mabuti sa
kahig. Nagtátaká akó sa aking manók dito lamang iyán hindî
namámaháy ...
-Nálaman mo - ang pariníg din naman ni Delfín - ay
nasa maybahay rin ang ipinamámaháy 6 hindî ng isang panauhin .
Pag iyang manók ko ang inyóng dádayuhin ng katapát na
balahibo ay talagang mapúpustahán na sa pakikipagpálu
buán !...
-Hoy , mga salbahe!-ang sagót ni Meni, mulâ sa pagká
lupagì sa may pintuan ng silid-¿ anó ang pinagsásasabi ninyó
riyán sa amin?
---Itinútulad pa tayo sa mga manók !-ang sabing natútuwâ
ni Tentay sa kausap-Tila kayó totoóng-totoo nang mga mána
nabóng kung magsipagsalita ah ....!
BANAAG A T SIKAT 437

--Anó-anó ba ang pinag-uusapan ninyong dalawá? -ang


tanóng ni Felipe.
-Sinasabi sa akin ni aling Tentay-ang wikà ni Meni - na
magbuhat daw nang mápatirá ka sa kanilá, ay hindî ka na
ngayón humáhalík ng kamay kung orasyon sa kanyang nanay.
Nagkamasayahan na namán silá ng ságutan , at sa di kawasà,
ay máitutulad na ang apat na yaón sa talaga at tunay na magka
kapatid , na walâng dî pinagkakáayunan .
Walâng ano-anó, sa pag-iyák na biglâng-biglâ ng batang
nágising sa kandungan ni Meni, ay nápa bukód na namán ang
dala wáng babayi ng sálitâan . Nagpapaalám na sana si Tentay,
nguni't sa matamis na pagpigil ng bagong kakilala ay nápalapat
na naman ng upô sa sahig, paghintô ng sangól salamat sa dibdib
ng inang inihandóg.
Sa pag-uusap ng dalawa ay talagang nagkakabukasan na silá
ng mga lalòng liblíb na lamán ng kalooban . Maging si Tentay
at maging si Meni ay may kani-kanyá nang bahagi ng buhay na
nasabi tungkol sa mga dinanas bago naging kapalaran ni Felipe at
ni Delfín . Nguni't si Meni ang siyang maraming sukat masabi .
Siya ang totoóng maraming likaw-likaw na pinagdanasan. Si
Tentay ay walâng gaano, paikút-ikutin man nitó ang pag-uulat ,
ay walang maipakikitang ibá pang kulay, kundi ang kulay lamang
ng pagdarálitâ : ang kulay ng pag-ibig ng isang anák-mahirap .
Mayluhà rin ngâ sanang dapat mákatambíng . Dátapwâ't hindî
gaanong paris ng kay Meni. Sa mga anák at datihan sa kahira
pan , ang ngalang magtiís ay hindi na pinag-pápakitunguhán ng
luhà, hindi na pinakaráramdám pag-alalahanín . Nguni't sa mga
anák at lakí sa ginhawa , ang ngalang manalát at magdálitâ, ang
ngalang mapatiwalag sa masa ga nàng pagkakalingà ng magulang
at mga kapatid, ay hindi náipaháhayag sa luhà lamang at
mga buntong hiningá , kundî sa mga paris na ngâ ni Tentay, na
isáng pusò ring babayi, isáng kausap na nakabábatíd na ng kun
gaano ang mga kasaklapán ng buhay-marálitâ at ng mapalayô sa
mğa minámahál na kapatid .
Si Meni ay ayaw pa sanang mag-uungkát ng mga bagay
na ito sa bagong kaibigan , hindi sa pagkukulang niyá sa pagta
tapát, kundi sa pag-iingat na máhalùan ng luhà ang gayong
mga pagkakaluguran nilá . Nguni't , sa huling pagkakábukód
ng sálitâan, ay nakabitíw si Tentay ng isáng tanóng, na sa pusò
ni Meni ay naging ulos mandíng nagpabubô ng lahát na
nilálamán at tinítimpî pang mga bugál-bugál na dalamhatì,
ulos na kulang na lamang sa mga sandaling yao'y ikináhiyáw
niyá ng isang malakás na hagulhól at panambitan. Palibhasà
ang kalooban niya't mukhâ ay kagagaling pa lamang sa pagtawa ,
438 LOPE K. SANTOS

kung kaya ang sundót na yaón ng isáng makamandag na usisà ng


kausap, ay hindi karaka-rakang nakapagpasauli sa dating babà
ng kanyang luhà at sa dating babaw ng mga buntóng hininga.
Anóng tanong iyón ? Si Tentay ay walâng kaaká-akalàng maká
sasalang ng lalòng malubhâng sugat ng kaibigang bago , kung
náusisà man kung násaán ang amá nitó at kung dumadalaw
pa sa kanya ang mga kapatid.
Si Meni ay biglang hindi nakakibô , anaki'y isang sasakyáng
panatag na lumálakad, ay nábating at náipit . Si Tentay ay
hindi pa mandín nakahalatâ. Nagpatuloy ng pagtatanong :
---Hangá ngayón pô ba'y hindi pa kayó tinátangáp sa bahay
ng inyong amá?
-Tangapín kamí !-ang pabuntóng hiningáng náisagót ni
Meni Síno ang sa ami'y amá pang tátangáp ngayon ?
-At bakit pô namán?
-Walâ pô, walâ na pô at dahil ngâ sa pag-aasawa ko rito
kay Delfín, kaya nagpakála yô-layô na . Napa sa ibang lupà:
hindi na babalík at doón na , ang sabi , magpapakamatay ... !
---At bakit naman ninyó pinayagang nalís ?.... Kung akó
pô, kahit anong galit nilá sa akin , ay hindi ko mapapayagang
makalayo ng gayón . Súsundán ko silá hangáng sa bapór, at
mangyari na ang mangyayari, hindi ko matítiís na ako'y iwan ....
Iyón lamang kapatid kong si Ruperto at kung natáta lastás namin
nang umalis ang sasakyán nilá, marahil ó nákasama akó , 6 dî
siyá nápatuloy.
1 Laking kahangalán ni Tentay ! .... Maanong inibá na ang
sálitâan at huwág ibinaling pa sa gayón na waring sinísisi si Meni
at pinagpapamukhâán ng isang pagkukulang ng malaki sa
magulang.
Ang nafinís na alab ng mga pighati ni Meni, ay parang
tinungkabán ng takip sa mga oras na yaón ; biglâng nagsiklab
ng dî ano lamang. Nágunitâ niyá noón din na si Tentay ay may
katwiran ngâ sa mga sinasabi. Kun siya'y mabuting anák at
dî nagpakabulág na totoó sa pag-ibig, disi'y dî niyá nápabayàang
makalakad si Don Ramón at sana at kung náriritó sa Maynilà ,
paano't paano ma'y mákakasundô rin niláng mag-asawa balang
araw . Hindi siya nakasagót ni anomán at sa gayón si Tentay
ay nagpatuloy ng pagbabadyá :
-Ah, aling Meni ! .... anomán pông samâ ng magulang
ay mahirap na ang walâ. Bagamán kasabihan nating "mamatáy
na ang sampung amá, huwág lamang ang isáng iná," dátapwâ't
lalò na sa mga kaparis ninyong kinamatayán na ng iná, at maulila
BANAAG AT SIKAT 439

pa ó mápalayo sa amá, ay ganyán na lamang ang kahirapang


sukat tiisín ng isang anák !
-Oh, kaibigan !-ang pahimutók na tugón ni Meni -talagá
ngâ pông ako'y maipalálagáy nang ulila at lubós na lubós sa pag
kaulila . Wala nang iná, walâ nang amá at walâ pang mga ka
patíd !..
Sandaling nápatigil ang pagsasalitâ . Parang ang pusò ay
siyang nag-iisip ng sasabihin. Makasandali, anyá'y :
Ulila na ngâ pô akó sa amá ; sapagka't hindî ko
masabi kun siya'y buháy pa ó namatay na sa paglalayág 6
pagtirá sa ibang bayan, na may apat nang buwán ngayón. Hindî
nivá akó sinusula tan . Hindi na rin akó binábalitàan ng aking
mga kapatid. At ang amá ko ay maipalálagáy nang patay,
pagka't bago nalís ay ginawa na muna ang lahat ng mga hulí
niyáng habilin : patí ng testamento ....
--At hindî pô ba naman sinasabi sa inyong mga kapatid,
kung bábalík din dito?
-Noong araw pông áalís , ang sabi raw kay Talia , ay mga
anim na buwan lamang siya't úuwî na ; dátapwa't nang malaon ,
ay napagtalastás naming walâ nang talagang balikan ang pag
alís ... Oh, aling Tentay! Kun ang tatay ko'y hindi nagalit
sa akin , ay hindî iyón makakaisip ng gayón , at kung náriritó
namán siya, ay hindi sana kamí nagdáranas ng ganitong mğa
kahirapan at pagdadalamhating madalás sa buhay. Hindi
sana sa ganitong bahay lamang kayó nápanhík ...
At natuluyan nang nápaiyák ....
Nguni't si Tentay na nabaklá sa huling náriníg, at sa pag
mamalas sa kausap na inakalà niyáng dapat nang alíw-aliwín ,
ay nakapagsabi ng:
-Marahil pô namán ay hindi na tayo nagkákilala ...
-At bakit pô hindî?
-Mangyari'y hindi rin marahil si mang Delfín ang inyong
naging asawa , at kun siyá man , ay hindî namán niyó máiisipang
si Felipe ang kumparihin , kung na sa malaking bahay kayó.
-Anák-mayaman din pô namán iyáng si Felipe -ang paklí
ni Mening tila nakalílimót-limót na sa luhà.
-Siyá ngâ pô, nguni't bago si Felipeng isáng manglilimbág
lamang na nagkaasawa pa ng isang marálitang babayi, .... ay
¿dî kaya ang mga kaibigan na muna niyó ó ng inyong tatay, ang
siyáng mápipiling mag-anák sa batàng itó ? .....
Si Meni ay nakáramdám sa mga salitang itó ng kaunting
iwà sa pusò : Siyá ngâ namán ! Síno si Tentay na mapapaki
440 LOPE Ꮶ . SANTOS

panayanám niyá ng gayóng katamís at matapát na pag-uulayaw,


kung noong mga araw na siya'y na sa bahay na sarili at naná
nagano rin sa dating buhay-niayaman ? .... Sa pag-aalaala
ni Mening bakâ ngâ bumukò na sa loob ng kausap ang gayóng
paniniwalà, ay pinatay ng ilang salitâ ang mga náriníg :
--Akó pô namán , aling Tentay, ang wikà -sa pagkabatà
pa ay hindi tumítingín diyán sa yaman . At kung mayaman
ang tinignán ko , hindi sana si Delfín ang aking náibigan , na
kulang na lamang ay naging kahalaga ng aking buhay ...
-Kayó pô ; ¿ nguni't ang inyong amá at mga kapatid?
Hindi málaman ni Meni kung ano ang isásagót. Ayon sa
kilala niyang pag-uugalì ng ama't kapatid , sa pagpapalagay sa
mga taong-dukhâ, ay nakuròng tila may-katwiran ngâ si Tentay.
Dapwà't, sa wakás , ay náwikà niyáng :
-Ay anó pô? Sakali ma'y hindî namán silá ang dinadalaw
niyó kundi akó ....
Si Tentay ay nag-iba ng tungo:
---Bákit pô namán matagal na silá, wikà niyóng, hindi
nápaparito ?
-Aling Tentay ! ganitó na ngâ lamang itong kapalaran ng
isáng babaying nag-aasawa ng ayaw ang magulang at ayaw ang
mga kapatid .... Sa munting pagkukulang mo , kahì't sila'y
iyóng nakasundô na , ay pagtatampuhán ka na't kagagalitan ,
tuloy pagkákaitán ng tulong at titiisíng magkásadlák-sadlák
sa gaano mang kahirapan . Magalit man sana sa akin ang
mga kapatid ko ay hindi kailangan , kun ako'y hindî talaga namang
pinagtakwilán na ng pamana ng aming tatay. Sa galit pô nilá sa
amin ay ipinagkaít nang lahát ang dapat máukol sa akin . Noong
bagong kasál pa kami ni Delfín , ay may dalawang buwáng mahigít
na ako'y pinadadalhán-dalhán ng kapatid kong babayi ng ku
walta at iba pang mga abuloy ; nguni't nang mapagtalastas
ngâng si Delfín ang siyang ayaw magpaparoón sa akin sa dati
naming bahay, ay nangagalit, at kamí mulâ noo'y ipinagtaním
na at hindi dinalaw ni pinadalhán pa ng kahit ano ; patí ng isáng
batàang ibinigay sa akin , ay binawì at dî na pinaparito.
--Bákit naman po ayaw kayong paparunín ni mang Delfín?
--Nakú ! marami pông bagay ang mga nangyari ; dapwà't
sa ibang araw ko na isásaysáy : pagparito ninyó uli ó pagparoón
namin sa inyong bahay. Ang sasabihin ko na lamang ngayón
ay ang , sa pagsisiyasat ni Delfín at ni Felipe sa pagkakagawâ
at sa mga lamán ng testamentong iniwan ng aming amá, ay
napagkilalang ang asawa ng kapatid kong babayi , na isáng abo
gado , ang naging katú-katulong at nag-udyók pa upang siyáng
BANA AG AT SIKAT 441

maiwang taga -pangasiwà ng aming mga pag-aarì at kayamanan ,


tuloy siya'y naiwanan pa ng may mga kung ilang libong pisong
tanging bigáy ng aking amá, sakâ ang marami naming kabayo,
mga sasakyan at kasangkapan ay ginawâ pang sa kanyá mápa
bigáy. Hindi lamang itó , kundi may mga isinulsól pa sa amá
ko, kaya ako'y hindî nápasama sa testamento.
-Ganoón palá !-ang pangangáng nasabi ng kausap .
-Kayâ pô si Delfín namán ay nagtaním sa aking bayaw,
ni ayaw na akóng paparunín at bakâ pa raw mag-usisà akó ng
tungkol sa aking mana , ay hindi niyá ibig na ito pa'y pag-usi
gin .... At saka , nagtátaká ngâ namán kami sa aking bayaw
at mga kapatid . Anománg duniáratíng na pabalità ó sulat ng
aking amá, sapúl nang umalís, ay hindi ipinakikita sa akin : siná
sabi ma'y iyón lamang mga nauukol sa pagpapalipat-lipat ng
bayan. Aywán ko pô ngayón kun saán na nároroón . Nang
una'y ibinalità nilá sa aking nakarating na raw sa Hapón , at
naka-iláng lingó muna roón, bago nagtuloy sa Haway, sa San
Francisco de California at sa Nueva York, at hangán doón na la
mang ay hindi na ako nagkabalità sa aking mga kapatid, sapagka't
nangagkásamâan na ngâ kamí ng loob.
-Hindî pô namán sumúsulat sa inyó ng sarili ang inyong
amá?
-Hindi pô , ¡ hindîng hindî ni isá mán !
-Ang ibang magulang, kung ayaw man sa nagiging asawa ,
ng isang anák, ay nililipasan ng galit, kapág may apó na ....
-Oh, ang amá ko pô'y ibahin niyó sa lahát !
-At ang inyong kapatid na lalaki, ¿ anó namán ang loób
loób niyá sa mga nangyayaring iyán?
-Si Siano pô ay ibinibilang ko sa walâ ! Lalaki pa roón
ang kapatid kong Talia . Kun di ba'y mangyayari ang lahát
bayaw ko ? ....
ng sa ganáng bayaw .... Oh ! siyá pô'y dalá- dalahan
kun sa bagay na iyán. Ináalaala akó , kung ipinaaalaala ni Talia .
Nguni't sapúl nang magalit nga sa amin ang mag-asawang itó ,
patí namán ang asawa niyáng dating mapagmahál sa akin ay
pinagbawalan nang pumarito. Madádalumat ba ninyo ang gani
tóng pagkakapag-isá ko ! ....
-Hindi pa pô ba nálalaman niláng nanganák na kayo ?
Sukat pông málaman na , sapagka't ako'y nagpabalità
kay Talia, noong ako'y nagdáramdám pa at nang may ilán nang
araw na makapanganak.
-Hindi rin naparito 6 nagpasabi ?
-Hindî pô !
442 LOPE K. SANTOS

-Matigás na totoo ang pagtataním ! .... Paanyayahan


kayâ natin sa araw ng pagbibinyág -ang sulsól ni Tentay .
-Mahirap nang magsiparito iyón .
-Kayó ang sumundo.
-Hindî namán pápayag si Delfín .
-Papaano ma'y dapat kayóng magpasabi sa kanilá na
bibinyagán na itong batà.
Ang dalawang nag-uusap ay nagkáisá sa ganitó. Palib
hasa'y kapwà babayi , ay silá na ang tanging nagkaalám ng mga
lihim na paraang dapat gawin, upang kung mangyayari ay mapa
paroón ang mga kapatid , ó kundî man , sa pangagaling sa simba
han, na kasama na si Meni, ay mapapayag na si Delfíng sila'y
tulutang magdaán kiná Talia , anopa't huwág lamang dî maka
tupád sa katungkulan ng isang batang kapatid.
Tinawag na nilá sa ganitó ang dalawang lalaki na nagka
kániíg din sa labás sa pagtatalo at pagbasa ng mga sari-saring
aklát ni Delfín . Pagkakápulong ng apat, ay napagkáyarîáng
ipag-antay pa muna ng katapusán ng buwan ang pagtutulóy
ng binyág, na dahil kay Mening ayaw mayag na walâng handâ, ay
magkakaroon din ng kaunting pagsasalo-salo ng magkakaibigan .
Ikapitó't kalahating oras na ng gabi, nang ang dalawáng
panauhi'y magsipanaog.

W
XXVI

Lungkot sa Gitna ng Saya

Tinanghá-tanghalì ng pasok si Delfín , isáng umaga .


Habang daán ay binúbulay-bulay ang napag-usapan niláng
mag-asawa nang sinundáng gabí, na halos ipinagkabigatan pa
ng loób.
Hindi niya mapagkurò kung ano ang mabuting gawin sa
hingî ni Meni . Ang pagmamahal sa asawa ay apaw sa kanyang
puso : lumálaon ang kanilang pagsasama , ay nagdáragdág pa
ng nagdaragdag at tumítimyás ng lalò at lalò . Sa katutubong
pag-ibig na pinagsumpâán nilá noón pang panahong nagliligawán
at hangang nang papag-isahin na lamang ang dalawang dibdib,
ay sumapì pa ang mga pagkahabag sa isang asawang náparoól
sa mga hirap ng pagdaramdám at panganganák, na ikinapag
wika niyáng dî míminsán, na kung nálalaman lamang na gayón
palá ang mga tíisin ng isang babaying nagiging iná, disi'y hindî
na siya nag-asawa ; pumisan pa ang pagkaawàng nililikha sa
kanyang kalulwá ng tuwî na'y pagkámalas sa asawang gising,
laki at sukat mamatay sa baníg ng masaganàng ginhawa , nguni't
dahil sa siya ang naging palad ay nagtitiís ngayon at pilit na
nakikibagay sa karálitâan ; náragdag pa ang pangyayaring siya'y
nabigyan na ni Meni ng isang kairog-irog na anák, anák na buháy,
magandang lalaki at kawangis niya. Ang lahát na itó sa kálulwá
ni Delfín, ay tulong-tulong na pumúpuspos ng mga damdaming
lalòng nagpapamahal sa katalì ng kanyang palad.
Dátapwa't ang damdaming itó ay hindi niyá masabi kung
bakit lumúlupaypay at lumálamlám sa mga sandaling ikinagu
gunitâ sa mapiling pagnanais ni Meni na siláng mag-asawa'y
maglalapít na kiná Talia, at gumawa ng paraang mapadaló sa
idáraos na pagbibinyág . Ang ibig pa ni Meni'y magsadyâ siláng
mag-asawa isang hapon na dalá ang batà, 6 kung ayaw si Delfín
ay silá man lamang mag-iná. Lumálaán si Mening hindi maki
444 LOPE K. SANTOS

pagkita kay Yoyong, kung itó ang tunay na may kagagawán


ng lahat na mga huling pasyáng iniwan ni Don Ramón. Siya'y
bata kaya siyáng dapat sumukò sa mga kapatid. Labis ang
kanyang pag-asang kung makikita ni Talia ang pamangkíng
sangól, anománg pagtataním nito ay iwáwaksí sa loob .
Nápangatawanan namán ni Delfín ang "ayaw." Kanyang
natátalós ang kahapdîán sa pusò ng magkakapatid na dating
nagmamahalan ay magkátaniman at di magkábatîán ni magki
tang may ilang buwán . Naáalaala ang mga utang na loob kay
Talia, unang-una , sapagka't kundî si Talia ang nagsangaláng sa
kanilá , marahil ay nawalán na siyá ng Meni at di nagka-Delfíng
muntî noón pang araw na mga kainitan ng hingá ni Don Ramón .
Nguni't matay niyáng itimbang ang mga kapahinuhuráng itó
sa kahihiyán at kasiràáng puring tátamuhín , kung magkátaóng
ang mag-iná ni Meni ay hindi tangaping mabuti sa pagparoón,
ó kun tangapín ma'y máwikà-wikà namán ni Taliang kayâ mara
hil nagkukusàng lapit na si Meni , ay sapagka't hindi na makatagál
sa hirap sa naging asawa at sapagka't sila'y wala nang makain .
Parang kinúkurót ang kanyang lamán kung mapagnilay ang
magiging kahulugan ng pagbabalík pa ni Meni sa bahay na yaóng
pinagsumpâán na sa kanyang makápupô . At kun ang mga
kilos , ugali at madalas na pananalitâ ni Meni'y kanyáng nápag
mumunì , at sa sandá-sandalf'y ipalagay na mápatuntóng na
namán sa dating bahay na malakí, mákausap at masulsulán ng
mga kapatid sakaling mangagkásundô , mákita roón ang mga
dating kaginhawahang naiwan at maisip ang mga kahirapang
kinálipatan , .... ang mga pangyayaring ito'y nakapagpáparugô
na , hindi pa man , sa mga lalòng matimtiman niyáng damdamin ,
at totoong di maatím-atím ng loób na kanyáng mákita sa asa
wang pinakafirog , sa mag-inang mapamúmuhunanan niya yatà
ng kahi't boông buhay sa kahi't munting kapalibhasàáng sapitin.
Nguni't papaano ? Diyatà't sa isang hingî ni Meni, pagka
tapos makapagpakita ng lalòng matitibay na tandâ ng pag
giliw at pagtatapát ay hindi pa siya makapagpaparayâ? Kun siyá
baga naman ang nagka-kapatid, na dahil sa pag-aasawa kay Meni,
ay kinálayûán at nagkasámâan ng loób, at máriníg na si Meni'y
ayaw magpadalaw sa tinurang kapatid, ay hindi niya kayâ
ipaghihinanakit sa asawa ? .....
Mápatulin mápahinà tuloy ang paglakad ni Delfín sa pag
káhimaling ng kanyang isip sa mga gúnitâíng itó. Sa pag
tuntong sa mga panabí ng daáng Alix, at sa pagtawid sa pasabát
na daán , ay hindi míminsáng nakasagasà sivá ng mga kapwà
naglalakád, at pinagmuntikanang nasagasà ng mga nagsisilikông
sasakyán. Nakarating siyá hangáng sa harap ng simbahan
AAG
BANAAG AT SIKAT 445

ng San Sebastián, at sa lilim ng isang malambâng punò ng kahoy


doón, ay napatigil ng walâ sa loób . Nakailang sandaling pinag
daán-daanán ng ilang mga kakilalang maano'y nakuhang
batìin ó ngitîán, kun sa pag-unat ng ulo ay mátaunán ng kanyang
mga mata. Walâ : abaláng-abalá ang kanyáng diwà sa bagong
paláisipáng nábuksán ng asawa .
Habang nakatigil, ay nasok sa loób na mabuti yatà'y huwág
na munang sumipót sa araw na yaón sa Pásulatán. Náakalà
ang pagbabalik sa bahay. Hindi totoong ikátiwasáy ng kanyang
loob ang pagkakaiwan sa asawang mayhigpit ng kalooban . Ang
bagay na yao'y binuksán sa kanyá ni Meni sa oras na nang pag
hihígâan . Hinating-gabí siláng malalim sa pag-uusap, na nápauwî
na ngâ tuloy sa isang pagtatalo , hangáng mangákatulog ng
walang pinagkásundûáng linaw kundî ang matigas na pag-ayaw
ni Delfín , at ang matindi namang sama ng loob ni Meni , sa di
pagpayag sa kanyang kahilingan. Umumaga, at nangágising
siláng para-para, nguni't hindî na ginawâ nitó yaóng dating
ugaling ang bata ay ipatong sa dibdib ng amá at pahalík-halikín
hangáng mágising at magbangon. Si Meni'y lumabas at nakialám
sa paghahandâ ng ali ng pangagahan , paris ng mga dati niyáng
gawâ. Pagka paghayin nang oras nang malapit ipanaog ni
Delfín , ito'y tinawag, ¡ nguni't anóng lamíg ng pagkakatawag!.
"Nakahayin na sa labás , ' at hindî na umulit magsalitâ ; tuloy na
sa loob, at ang batà namán ang hinaráp . Sa paglabás ni Delfín
ay niyayà si Meni sa dating ugaling pagsasalo . Nguni't ang
niyaya'y nagda hiláng nagpapasuso , na sa pag-ayaw na talagang
lumabás, ay sinadyâ ngâ ang pagpapayupyóp sa batà, sa dî man
kaugaliang oras . Kay Delfín ay masamang-masama ang gayóng
pagtatampó hangán sa pagkain . Anománg bígatan ng loob,
pagdating ng oras na handâ na ang kákanin , ay kapamanhikang
lagì niya kay Meni , na huwág ipaghihigantí sa bituka , sapagka't
hindi lamang siyá ang masásawî kundi patí ng pásusuhín .
Gayón ma'y hindî rin niyá nákasalo nang umagang yaón si
Meni . At sa bahagya pang nakakain , ay umayaw na't napilitang
manaog ng malamíg na pagpanaog .
Ang ganito ang ikinátitigagal ni Delfín sa lilim na yaón ng
kahoy.
Ipinihit ang katawan at mga paá, pagkatapos ng ilang
sandaling pagdidili-dili at pag-aalinlangan . Kuyumos ng habág
ang kanyang pusò, ay napagwaring mabuting pagbalikán si
Meni sa bahay at payagan na sa hiníhingî, huwag na lamang
magkasama ng loob sa kanya at maghapon na namáng mag-isá
sa pag-iisip ng buhay na sinasapit , na káduluhan , patí batà'y
máramay sa sakit. Kun si Meni ay pumaroón man kiná Talia ,
446 LOPE K. SANTOS

sabihin lamang ditong hindi niyá utos ni nálalaman ang pagka


káparoón, ay hindi magtátamó ng kahihiyán ang kanyang pagka
lalaki, kun saká-sakali mang may wikàin . Sila ay magkaka
patíd, silá na ang bahalàng magtatakipan .
Habang naglalakád na ng pauwî, ay itó ang kanyáng ná
bubulay-bulay. Dapwa't nang lílikô na namán sa daáng Alix,
ay napátigil na biglâ, at parang hinila sa likód na nápaurong ng
isáng hakbang.
-Hindî nárarapat ! —ang náwikà sa sarili . - Lálaki ang loob
ni Meni kung ako'y mákitang nagbalík at sumukò sa kanyang
kahilingan . May mga hingî ang babaying mabuti man , ay di
dapat pagsusundín ng mga lalaki , sapagka't sa ganitó balang
araw nagmúmulâ ang pagiging makapangyarihan nilá sa lalaki.
Pag sinunód ko itó ngayón , bukas ay hihingi namán ng ibá.
Palibhasa'y talós na niyang gaano mang tigás ng pagtangí ko , ay
náuuwî rin sa kusàng paghinuhod, dulo nito'y hindi na niyá
pagpapakingan ang mga pag-ayaw ko at pagbabawal na gawin
ang anomang bagay na kanyáng náiibigan. Wala nang pangit
tignan sa buhay ng isang mag-asawa, na paris ng ang babayi'y
siyáng sundín-sundín ng lalaki ....
Para na namán siyáng natútubigan sa pagkakahintô. Sa
isáng kakilalang náparaán doón at nakapagtanong sa kanyá
kung bakit nakatigil, ay bahagyâ nang nakatangô at nakapag
sabing mayroón lamang siyang inaanta bayanan . Pagkatapos
ng ságutang yaó'y nagsalita na namán sa sarili :
-Tunay nga't sa pagsasama namin ay hindi ko namán
ibig na makapangyaring lagi ang aking pagkalalaki. Ayaw
kong siya'y mapalagay na asawang-alipin, asawang walâng sari
ling bait at loób, asawang-bugbugin at babaying pangbahay na
pangbahay lamang, gaya ng karamihan kong nakikita ; dátapwâ't
hindi naman karapat-dapat na ako'y magbigay ng daán sa kanyá
upang ang pag-ibig at pagmamahal ay ikaalipin na ngakin namang
kalooban ; hindî nárarapat na sa isang bagay na malubhâ at
kinábabatayan ng kapurihán naming mag-anak at ng kalinisan
ng aking pagkamahirap , ay kalooban niyá ang aking sundín ..
Si Madlang-layon , si Talia at ang isa pa nilang kapatid, ay para
parang nasubukan ko nang nangag-fibáng asal sa salapi. Ang
karálitâán ni Meni ay hindî sukat mákailâ sa kanilá ngayón , at
hindî na naman nilá dapat ipaghigantí ang kaunting samâ ng
loob sa isang napapatiwalág na kapatid ; sapagka't sila'y may
ganáng kanilá nang mana , at sa náuukol kay Meni ay wala
siláng kapangyarihang umilit , bumimbím at magtamasa . Mang
yari nang si Don Ramón , dahil sa subó ng galit, ay makáisip
ng gayong pagtatakwil sa asawa ko ; dátapwâ't siláng mğa
BANA AG AT SIKAT 447

ibáng anák, kundi talagang walâng marungis na hangád sa


salapî, ay hindi mangakapápayag na ang gayo'y siyang maga-
náp. At ang pagkagalit na yao'y hindi namán sana nilá dapat
samantalahin sa pagkamkám ng maraming mga pag-aarì ng
matandâ, na ukol kábahaginan din ni Meni . Ang tungkol sa
testamento, kun tunay na walâ roón ang mga karapatán ni Meni,
ay maaaring pag-usigin sa mga húkuman ng aking asawa't anák ;
nguni't ¿ anó ang mapapalâ ko sa ganitong pag-uusig? Kaya
manan? ....¿salapi? At saán kaming mag-asawa dúduláng
ng púpuhunanin sa pakikipag-usapín laban sa salapî rin ni Meni,
sa ngayo'y walâng katwirang naúusig at nahihingi sa mga hú
kuman , kundi muna pamuhunanan ?.. At maáatím ko
baga kaya namang mahabang araw ang kami'y yumaman
sa pamanang pinanalunan pa mandín sa isang usapín?. Oh,
mápalâ ko pa bukas ang ako'y tawág-tawaging si Bigláng-yaman,
at mapagbuhatang, kaya nag-asawa kay Meni , ay dahil sa ito'y
anak-mayaman ! Hindi, hinding hindi ito ang nag-udyók sa akin ,
kundi isang wagás na pag-ibig na nukál sa dalawá naming
kalooban ! .. Hindi ko hangád na ang asawa ko , anák, ó akó,
ay máturang guminhawa at nanaganà sa buhay, salamat sa pinag
pawisan at tinipon ng ibang tao , na dî man namin nátulungan.
Guminhawa kami sa sariling pagod, sa malinis na pinaghanapan,
at kung nakikita ko nang hindi filán lamang ang maybuhay
maginhawa , kundi kahì't man lamang ang karamihan . Ma
nirahan ako sa bahay na bató, kumain ng lahát na masasaráp ,
maglibót araw-araw na lulan ng maririkít na sasakyán , manamít
at gumayák ng mahahalagang kayo at hiyás, sa isáng sabi, ay
huwag nang magpakapagod sa pagkita ng ikabubuhay, at mag
buhay- mayaman ... samantalang sa magkabi-kábilâng tamaan
ng aking matá at mákilingan ng aking taynga ay pawàng ka
hambál-ha mbál na anyô at kakilá-kilabot na hinaíng ng KA
RUKHAÁN ang aking makikita at máririnig din lamang .... ¡ oh!
hindi, huwág, ayaw ko nang yumaman , sapagka't ang puso ko't
budhi'y hindi nilikha upang makáramdám ng ginhawa sa paghigâ
sa sala pî, hangá't nákikita kong ang karamihan ng mga kapwà
ko tao'y sa lupà at sa bató naghihigâan ! ... Ayaw ko ngâng
yumaman sa ganyán !.. Sásawayín ko si Mening pumaroón at
maglalapít pa sa mga kapatid, at ipakíkilala ko sa kanya ng mali
wanag na maliwanag na ang salapî ó pamanang iníimpít niná
Yoyong, ay hindî namin kailangan upang guminhawa sa buhay.
Ipakikilala ko sa kanyáng pilit na magsama lamang kaming
mahinusay, kahi't kákaunti ang aking sinásahod, ay mapalad
at maginhawa pang makápupô kaysa mga kapatid niyá't bayaw.
Sungay nilá, dalá nilá ; buntót nilá, hila nilá ! .... Kun sila'y
makapag-isip sa masamang gawâ kay Meni, at ang ganito'y

30
448 LOPE K. SANTOS

kanilang mapagsisihan , hangáng mangagkusàng loób nang ibigay


sa asawa ko ang kayamanang infimpít-impít at kanila nang
napagtamasahan .... sásabihin ko rin kay Mening huwag nang
tangapín, patátangihán ko ng boông tigás ng loób, at sakâ na
mákita kun sila'y talagang may kahihiyán. Mákikita namán
ni Madlâng-layon na ang mga paniniwalà ko sa Sosyalismo ay hindî
sa bibig lamang, kundî talaga kong pinangangatawanán . At
mákikita namán ng kasalukuyang panahón na dito sa bayan ko
ay mayroon nang mga taong, kahì't mangisá-ngisá pa lamang,
ay nakapag-iisip nang, ang kayamanan sa salapî ay hindi siyáng
sanhi ng mga ginhawa ng buhay ; na ang salapi'y hindi dapat
nasàin ng tao upang masarilinan niyá ng pakinabang ; na sa pag
hahangad ng kayamanan ng isa't isá ay di dapat káligtâán ang
pakikibagay sa ibá, anopa't kurùin kun ang kanyang ginhawa
at pagpapasasà ay mapapapulô lamang sa gitna ng isang kara ·
gatang nilálanğuyán , sinísingháp-singhapán at kinalúlunuran
araw-araw ng daán-daáng marálitâ .... !
Nápasaluysóy hangáng sa mga sulok na ito ng kanyáng
paniniwala ang pagmumuni-muning mag-isá ng mga dapat
gawin at ipagawa sa asawa . Tumigás na lalò sa kanyáng
budhi at kalooban ang pasyáng hindi na dapat palapitin doón
ang mag-iná ni Meni . Sa katagalán ng pagkakátayo sa may
likông yaón ng daán , ay halos mátula d-tulad na siyá sa isang
binatang nasísiràan ng baít sa pag-abat sa isang nililigawan.
At sa wakás , ay náisip, na upang huwág namán siyáng antayín
sa Pásulatán , ay magpatuloy na munang masok, at sa ilang
pagdada hilán, ay magpaalám agád sa mga kasama. Ganitó
ngâ ang ginawâ ; anopa't nápauwî sa bahay nang dî oras .

Sa paglakad na pauwî ay nasalubong siyá ng isang dî iná


asahang pagkakátaón . Ang maghipag ni Talia at asawa ni
Siano ay nangángarwaheng galing sa may dakong Santamesa .
Malayò pa'y nátamaan na ng kanyang matá. Ipinag-alinlangan
ang kung dapat siyang bumatì ó magwalâng-ba halà . Dátapwâ't
lumálapit-lumálapit ang karwahe, at sa isang taás ng kanyang
ulo , ay hindî naiwasan ang pagkakahagis din namán sa kanya
ng tingin ni Talia . Itinurò pa mandín sivá ng dalirì ng asawa ni
Siano, kasabay ang salitang "Si Delfín !" Nguni't si Talia ay
hindi umanyông may-ibig bumatì ni pabatì sa bayaw na nápa
tigil, napapa habà ang liíg at nápapabuká ang bibig, na , waring
mayhangád sabihin ay di pa lamang pinahihinto ang takbóng
dî kátulinan ng dalawang kabayo . Hindi rin siyá pinagbigyán
ni Talia sa gayong anyô. Mahangà , pagkátapát pa , ay ipinaha
latâ sa isang malakas na ¡ puéh! ang taglay na pagtataním at
BANAAG AT SIKAT 449

kasuklamán sa kanyá, panglulurâng ipinanglamíg nitó at halos


ikinawala ng baít sa pagkakátayô . Ni hindi man nakapaghabol
pa ng tingin sa karwahe, kundî nang malayô na ; dapwà't hindî
na naman siyá tinítingnán .
--Bákit gayón na ang pagkakádustâ sa akin ? -ang náwikà
sa sarili.
Sandaling nápatigagal na anaki'y sa kinákagát na dulo ng
hinlalaking dalirì, ináantáy ang sagót.
-Saán nangaling silá ? -ang nasabi pa - Nagdaán kayâ
sa bahay?....
Pagkahagis ng isá pa uling tanaw sa karwaheng dî na mákita
ay nagpatuloy ng lakad na ang loob ay pinagbábangayan ng
iláng hukbo ng mga damdamin . Halos liparín na ang bahay
sa pagtutumulin . Nang datnán ang asawa ay kalong ang batà
at kaú-kausap ng biyanán.
-Anó't umuwi ka?-ang pasalubong na tanóng ng ma
tandâng takáng-taká.
Hindi pa nakasagót si Delfín , kundî- nang muli siyáng usisàin .
-Sumásakít pô ang aking ulo .
Hindi na namán kumibô ang ali ; nguni't si Meni ay napamalas
sa asawang nagsasabit ng sambalilo , na alangáng magtanóng
din at alangáng hindî. Mápamaya-mayâ, nang makapaghubád
na ng amerikana , ay nagsalitâ na si Meni :
-Hindi ka na ba nakarating sa Pásulatán ?
-Nakarating.
-Hindi ka pa nangalesa sa pag-uwi ay masakit palá ang
ulo mo .
-Mangángalesa pa akó, mákain nati'y walâ? ...
Paiwa ang sagót na itó na ikináramdám ni Mening hindî
pa lumálamíg ang loób ng asawa. Si Delfín ay walâng
ugaling magsasagot ng gayóng pabaláng. Nguni't ang loob man
namán ni Meni'y hindi pa rin tumítiwasáy, at sa katunaya'y
ang bagay ng kaniláng sámâan ng loob kagabí ang siyang pinag
úusapan nilang magbiyanán . Ipinagtapát ni Meni sa matanda,
parang sumbóng, ang pag-ayaw ng asawang siyá ó siláng mag
iná man lamang ay makadalaw sa mga kapatid . Ang matandang
babayi ay kampí sa kanyá. Sa matandâ ay masamâ rin
naman ang akala ng pamangkín . Ibig niya'y mábigáy ang
sa isa't isa. Lalò na't paris ni Mening batà, siyáng náuukol
sumukò sa mga kapatid na matandâ na parang pinaka-panga
lawáng Diyos sa ibabaw ng lupà, kung wala nang ama't iná .
At saka, ay anó kun si Meni ma'y hindi tangapín sa pagdalaw?
29-47064
450 "LOPE K. SANTOS

Hindi na siyá mapagsasabihang nagkulang sa tungkol ng isáng


kapatid na bata. Bukód sa rito, ang sangól ay hindî dapat
ihalò sa pagtatániman ng mga magulang at ali. Hindi magdá
raáng-palà kung lumakí. Anóng pangit, anóng halay sa mğa
bata ang pamulatan ng pakikipagkagalit sa kaniláng mga panga
lawáng magulang ! ....
Dahil sa mga paghahakàng itó ng matandâ ay naipangako
kay Meni na siya ang bahalàng mangungusap sa pamangkín .
Pagkapahingang sandalî ni Delfín, ay siyá namang nagta
nóng sa asawa :
-Walâ bang napáparitong tao?
-Walâ-ang pamangang tugón ni Meni.
-Ang "minámahál" mong kapatid na Talia , hindi nag
dáraán dito ?
---Abá, hindî ! .... ¿ bákit, saán mo nákita siya?
-Násalubong ko sa daán ngayong papauwî na akó . Tignán
mo ang kabutihan ng iyong mga kapatid na ibig pang lapitan !
Tignan mo kung gawa ng mabubuting tao ang inasal sa akin.
kanğina ....!
Si Meni ay napapamaáng sa mga ganitong naririnig.
-Bákit ? ano ang ginawâ sa iyó?
-Malayò pa silá ng hipag mo , ay nátanáw ko na ang kar
wahe ; nangagaling sa Santamesa . Humintô ako't pagpúpugayan
ko sana at bábatìin ; dátapwa't pagkáta pát sa akin ay ipinang
lurâ ako at pinakáirapan ng Talia mong kapatid .... Sa akala
ko , ang mga taong may pinag-aralan ay hindi nakagagawa ng
gayóng kabastusán sa gitna ng daán ! Nápakamalabis na namáng
totoo ang paghamak nilá sa akin ! ....
Halos kapunitan ng dibdib si Meni sa pagkahiya sa asawa .
Sumagi sa kanyáng gunitâ na baka namán yao'y katha-ka thâ
na lamang ni Delfín , dahil sa maysadya nang pag-ayaw na siya'y
makáparoón pa . Dapwà't hindi namán maatím na ang kanyang
asawa'y makagawa ng gayong pagbubulaán . Nanaíg ang pani
niwalà, at sa pagkahiyâ, isá mang salitâ'y hindî nakabitíw.
-Ikaw ang bahalà, asawa ko !-ang mayhalòng giliw na
pangungusap pa ni Delfín. - Kung tunay na ibig mo pang maglapít
sa mga kapatid mong iyón , ay hindi na kitá sinásawáy.
Si Meni, pagkapagkuròng malaon , ay tumugón :
-Anó't ako'y páparoón pa kung ikaw ay dinustâ nilá ng
gayón ? Sa palagay mo ba'y hindî na kitá ipinagmámakahiyâ?....
-Aywán ko sa iyó , Meni : harì ka na ng kalooban mo sa
bagay na iyán. Hindi ko man násalubong at dî man akó pinag
BANAAG A T SIKAT 451

pakitaan ng gayón ng kapatid mo, ay talagang kayâ akó nagbalik


dito, ay upang sabihin sa iyóng nánayag na akong pumaroón
ka , huwag ka na lamang magkaroon sa akin ng bigát ng loob ....
Kung ikaw ay nakatítiís nang isáng magdamág at isáng mag
hapong may-sámâán tayo ng loob, ako ay hinding-hindi ....
Kagabi ako'y hindi man halos nápaidlíp ....
-At akó ba'y nakatulog?
-Hindi ngâ: kaya palá kinákausap pa kitá'y nawala ka na't
sukat sa pagsagót . Hiníhila kitá sa kamay ay paghihilík ang
ginagawa mo.
-Totoó?
-Oo .
-Paano'y puyát namán akong parati sa batà .... Nguni't
totoo nga bang nakita mo at ipinanglurâ ka ni Talia?
-Oo.
-Kung gayo'y sumpâ ko sa iyong hindî na akó páparoón !
At pinangatawanán na nga ang pag-ayaw na pumaroón .
Sapúl niyon ay ni hindî na náungkát ni Meni ang ngalang maki
pagkita sa kapatid . Nakapag-akalà pang makipagtalastasan
kay Talia sa isang sulat sanang ipadádalá, upang itanóng kung
bakit dinustâ ng gayon ang kanyang asawa ; dapwà't pinigil ni
Delfín , at napapigil namán .

Ang mag-asawa'y násaulî sa pagkapulót at gatâ ng pagsa


samahán . Paták man ng mapaít na katás ng ditâ, ay di na
katigis sa kanilang mga pusò . Kung may dalaw ng pighatt
na maminsan-minsang napatátaupô sa kalagayan nilá, ay nauudlót
sa pinto pa lamang pagkátanáw sa kairog-irog na sangól, na
patnubay at tampók ng ligaya niláng mag-asawa . Ang batang
yaón ang naging bantay na taga-tabóy sa bawa't sumalakay
na kawal ng lungkót sa bahay ; siyáng kuta niláng tangulan
at kublihan sa anománg tudla ng mga kasaliwâáng-palad at
siyang walang kasingbisàng mutyâ na nakapagpapalimot na sa
kanila patí sa kakila-kilabot na mga paanyaya ng kamatayan .
Mangyari pang di sa mutyâng yaón iúukol ng mag-asawa
ang lahat ng kanilang nakakayang pagmamahál ! Anó ang
kasaysayan ng pamanang ipinagkákaft niná Don Ramón at ng
boô mang kayamanan ni Don Ramón , sa kayamanang yaón niláng
mag-asawa ?....
Sa ganang kay Meni, ang pagpapabinyág sa anak ay siyáng
lalong magaling na tandâ ng kanyang pagmamahál. Siyá
rin namang lalong mabuting panahón na samantalahin upang
452 LOPE K. SANTOS

máipakilala at máihayág sa madla ang mata ás na uri ng kan


yang pagdiriwang at pagkagalák . Kayâ ayáw-ayaw man si
Delfín, sa pag-aalaala ng kasalatán , at nagpápaaninaw man ang
kúkumparihing Felipe, na hindi na kailangan at walâng kabulu
hán iyáng ugaling handâ-handâ pa sa mga pagpapabinyág, at anyá
anyaya sa mga kaibigang púpulà pa pag nápasamâ-samâ
ang naihandang pagkain at náipakitang kalooban ; nguni't kay
Meni ay hindi naarì ang walâ , at dî nakapangyari ang gayóng
mga paaninaw. Siyá, na lumaki sa layaw, at munting kibót
ay handa at pagsasaya ang nakaugalian sa bahay na sarili, siyá
kaya nga naman ang makatiís , na nápakasál na ng walâng kalatís ,
ay magpabinyág pa ng walâng anómán ? .... Si Delfín ay
walâ sa dî pagpayag kung ayaw nang talaga ng tampuhan . Nğu
nì't matay nang kurùin ang ibig ni Meni , na sulatan ó pagsabihan
pa ang ilang mga kaibigang bandurristang babayi sa Santa Cruz,
at kung pag-isiping ang tugtugan sa isang pigíng, kailán ma'y
pangayag ng panauhin , ay nasísindál ang kanyáng loób at nagú
gulumihanan sa nákikiní-kinitáng kahihiyán na tátamuhín ng
walâng magagawâ niláng pananalát .
-Saán tayo, asawa ko , dúduláng ng mágugugol ? Masá
sabi mo ba ang kaunting handâ lamang kapág náririyán na ang
mğa mánunugtóg na ating áanyayahan?
-Hú, bahala na !-ang patay na sabi ni Meni .
-Bahala na raw! Sa akalà mo ba, Meni, ay magkakásiyá
sa atin ang dalawampû, tatlumpûng piso sa araw na iyán ?………..
Dalawampû, tatlumpûng piso sa buhay nating itó ! ....
-Ganyán palá lamang ! -ang pangitîng sagot ng babayi
Diyata't ang anák mong kaisá- isá ay hindî pa máipag-dilihensiya
ng ganyang halagá?
-Hindi sa hindi , ni sa ayaw, asawa ko! Ang kinákalapâ
ko'y itong ating kahirapan ngayón ! Kaila ba sa iyóng tayo'y
nábabaón? Ang sásahurin ko sa buwáng ito ay tunáw na ngayón
pa . Ikaw na ang nakaáalám kun saán-saán mápapauwî. Mag
kakáwatak-waták sa tindahan , sa botika , sa médiko, at sa ibá
pa .... Kundi ba paraanín na muna natin ang mga buwáng
itó, at sakâ na tayo mag-isip ng ganyang mga gastahin… .
-At paano ?-ang pamanghâng náitanóng ni Meni- ¿ iúurong
pa natin ang binyág sa lingó ?
-Kung maáarì ; nguni't kung ayaw ka , ¿ ay dî ituloy na
natin sa lingó ng walang ingay-ingay, at saka na maghandâ
isáng araw na maluwág-luwág tayo at naka úunát-unát na sa
kasalatán?
BANAAG AT SIKAT 453

-Ang náisip mo ! ¿anó pa ang halaga ng iyong paanyaya ,


kung makaraán na ang binyagan ?
-Ay paano , asawa ko , ang ating gagawin? Tayo ngâ
ba'y di makakapag-dilihensiya ng gayong halaga, kahì't anóng
hirap ; dapwa't hindî ba namán kahalay-halay sa atin mang
sarili, na náturang nagkahandâ ngâ tayo at nagkapanauhin ng
marami, ay utang lamang ang ginugol?....
Si Meni ay hindi nakaimík . Pinagpawisan halos ng mala
míg sa pagbubulay ng kahiyâ-hiyâng bagay na ipinaalaala ng
asawa . Siyá ngâ namán : ¡ kayhalay na matalós ng sínománg
kayâ silá nakapaghanda ay nangutang lamang ! Nguni't lalò
namang mahalay at nápakabigát sa loob niyang mangyari ang
mabinyagán ang kanyang anák, ng parang isinimbá lamang.
Kun ang mga taga-bukid at patí ng mga taong-bundók ay maru
nong magdiwang sa mga araw ng kanilang pag-aasawa at pagpa
pabinyág ng anák, diyatà nama't para sa kaunting paggugugol
lamang ay matútuluyan na siyáng uma tím na ang bugtóng na
yao'y ipanaog at ipanhík na lamang sa lingó ! "Kayhirap ng
mag-asawa sa mahirap ! ..." Hindî sásalang itó ang pagsisising
gumitî na namán sa kanyáng gunam-gunam sa mga sandaling
yaón . Dátapwâ't si Delfín , nang mákita at máramdamáng
masama na namán ang kahulugan ng di pag-imík ng kanyang
minámahál na asawa , ay pabuntóng hiningang nakapagwikà :
-Ay Meni ! hindi mo nasúsukat ang lalim ng mga sugat
na infiwà sa akin ng bawa't ibig mong di ko makayang sundín
ó ibigay .... Mahirap ang mag-asawa sa mahirap , ¿ hindi ba ? ....
Sinabi na itó ni Delfín ng walang pakú-pakundangan sa
asawa ; parang hulà na sa nilóloób ni Meni sa dî pag-imík na
yaón . Nguni't si Meni'y nagbangong- puri :
-Bákit ang kahirapan mo na namán ang iyong nában
gít ? .. Ikáw ang nagdádalá kun saán ng sálitâan ..
At nang máibalík ni Meni ang pag-uusap sa dî pa nalúlutas
na binyagan, ay ganitó ang náisipang sabihin :
-Tignan mo , -anyá-sa iyong pinápasukan , wikà mo rin
lamang na hindi ka na makahihingi, mabuti pa kaya'y.
Hindi nadugtungán ang sinabi. Tinitigan munang mabuti
ang mukha ng asawa na parang binabasa , at nang mamalas na
nag-áantáy ng kanyáng salitâ, ay sinikangan muna ang ibig
sabihin :
-Bakâ mámasamâín mo na namán ang sasabihin kong
paraán, upang tayo'y makaraos sa aking inaakalà?
-Anó iyón ?
454 LOPE K. SANTOS

-Sagutín mo muna ng páunáng hindi mo mámasamâín .


-Abá, ay anó muna? Sásagutín ko na'y hindi pa nálala
man kung talagang masamâ ngâ ó dî maáarì ?
――――――――
-Ah, kung ayaw kang sumagót muna , hindî ko na sasabihin .
Nagkaroon ng kaunting malambíng na pilitán . At nang
si Meni'y mapilit na , ay marahan pa mandíng nagpahayag sa
asawa ng ganitó :
-Ipasanlâ na natin muna sa nanay yaóng hikaw kong
brillante, kahi't sa dalawampû't limáng piso lamang .... !
-Ipasanlâ ! ? ....
Nábinlukán mandín si Delfín sa biglâng pagkakátanóng
na itó. At nang ang babayi'y hindî pa rin humúhumá, ay
nagpatuloy :
-Anó na namán iyáng náisipan mo, Meni?
-Ay anó'y hindi ko rin lamang namán ginagamit?-ang
ikina twiran-Ikáw rin diyán ang nagsasabing isá sa mga masa
samang ugaling palasak sa mayayaman dito sa atin, ay ang pag
papatulog ng malaking salapi nilá sa mga alahas. Aanhin ko
ang mga alahas na iníingatan natin, at dî salapîín nang paki
nabangan?
-Abá, Meni , salapîín natin kun sakali't ilálagáy mo sa
isáng pagkakakitaang makaráragdág sa ating buhay ; nguni't
hindi marapat, kung tútunawin lamang sa isang paghahandâ.
At saka, para sabihin ko sa iyó ang totoo, ay ayaw kong talagang
máturan, ni sa lihim ni sa hayág, na ikaw ay nagtunáw ng iyong
mga pag-aari, dahil sa ating kahirapan . Hindî pasásaán at
magkakasusundô kayóng magkakapatid, at kung maghanapán
at magsulitán na kayó ng mga ari-arian ninyó, ay akó ang df
sásalang lálabás na masama. Kaya magpapatawad ka, Meni,
at di ako makapapayag sa náisipan mong iyán . Kung walâ,
wala na tayong binyág.
Si Meni'y sandalîng dî kumibô. Nguni't nang mapawî
pawî na ang mga panganorin sa noó ni Delfín, ay nagsalitâ na
namán siya ng maamò :
-Tignan mo , Delfín , inaalaala mo lamang ang paghanap
sa akin ng mga kapatid ko ng mga alahas na iyán, at hindi mo
iníisip na akó ang dapat maghanap sa kanilá. Anó ang ipang
híhimasok nilá sa talagang akin ? Akó ba'y nabibigyán pa
nilá ngayón? .. At saka, kung mawalâ man ang kaunting mga
pag-aari kong iyang naagaw at náitagò sa pagsamsám at kagalitan
ng tatay, ay hindî namán sa ibá náparoón , kundî sa anák ko rin .
-Sa anák daw niyá! Hindi, kundi sa mga panauhin mo
lamang.
BANAAG AT SIKAT 455

-Nguni't dahil din sa aking anák .


-Ohú ! .. lalong mahirap ang kung magkasá-kasakít ang
anák mo, ay wala kang mapagkunan ng maipagpapagamót.
-Bahala na ... Sanlâ lamang namán ang ating gagawín ;
di pagkakakuwalta natin ay tubsín mo agád ? ...
Ang salitaan ng mag-asawa ay lumawig ng lumawig at nag
kásuót-suót na kun saán-saán . Aywán kung bakit sa wakás
ay napahinuhod din si Delfín . Ang hikaw na brillante ay dinalá
kábukasan ng matandang babayi sa Monte de Piedad. Dito'y
munti nga ang patubò , dapwà't maba bàng mahalagá : labíng
dalawang piso lamang ang turing. Dinalá sa matandâng
bahay-sanlâan sa harap ng Binundok : malakí-lakí na roón
ang patubò at mataás-taás nang magpasanlâ, nguni't ayaw
nang palampasín sa dalawampûng piso . Hindi kákasiya sa
gastahin. Ang bilin ni Meni'y mga tatlompû ó dalawampû't
limá man lamang, sapagka't ang halaga ng tinurang alahas, nang
panahón pa ng kanyang inang mag-aalahás , ay isáng daáng piso.
Náisipan ngâ ng matandâng pawis na pawis na sa kálalakad , na
paghanapin sa may dáungan ng mga bapor sa Eskolta , yaóng
nábabalitàng bahay-pásanlâan daw ng isang amerikano , na
totoong magaáng magbigay ng salapî sa bawa't nangangailangan ,
may alahas lamang na fiwan sa kanyá. Tanóng, tanóng , at
nátagpûán din , nang tanghaling-tanghali na . Gaanong tuwâ !
Hindi lamang dalawampu't limá ni tatlompû ang nakuha roón ,
kundi naging tatlompû't limáng piso pa . Nuwî, nang hindî man
halos nakaalaala na ng pagod, at sa pagnanais na máibigáy na
buông-buô ang tinurang halaga sa kamay ni Meni, ay nagtíis
nang naglakád, at dî pinasuklián ang alinmán sa mga papel at
pilak na dalá-dalá.
-Kung kapagdaka'y doón na akó sa amerikano nakápa
roon-ang sabing tuwang-tuwâ ng biyanán sa manugang, pag
kasabi ng mga lakad niyá-ay hindi na sana akó tinanghall .
Talagang ang mga amerikano ngâ nama'y mabubuting kumilala
ng uri ng gintô at bató, kaysa mga kastilà at tagalog!
-Hindi po sa hindi mabubuting kumilala ng uri ng ginto
ang mga tagá Monte de Piedad -ang sagót ni Meni-kundî ang
ibig nila'y mápasanlâ lamang ng mura , at kun dî na matubós,
ay malaki ang mápauwi sa kanila .
Nagpatuloy pa ng pag-uusap ang magbiyanáng bulág sa
mğa palakad at pagdarayàng karaniwang ikinabubuhay ng mga
pásanlâan . Kapwà silá nagpúpuri sa amerikanong nagpasanlâ
ng malakí, at dî na nangakáisip timbangín ang lakí namán ng
tubò, na kábabaunán ng inilagak niláng hikaw. Mahihinàng
isip na pinagpapasasàan ng mga tusong bahay-sanlâan !
456 LOPE K. SANTOS

Pagdating ni Delfín ay yaón na ang unang ipinasalubong


ng ali at asawa ; at habang tuwa ang sa kanilang mga mukhâ'y
nábabasa , sa mukhâ ni Delfín ay mga ngiting pilit, mga tangông
mabigát at sagót na masasagal ang nagpapatangì namán . Ngu
nì't nároroón na'y anó pa . Ang kailanga'y ihandâ nang lahát
ang mga gagamitin sa lingó .

Kálinguhan ng umaga , nang mga oras nang ikinatatapos


ng "misa mayor" sa simbahang romano sa Sampalok, ay siyáng
pagdating ni Tentay na nakakiles , walang kasama kundi ang
kapatid na si Victor, sa bahay ng kúkumarihing handâng-handâ
na sa pagpasa simbahan.
-Saán nároón ang áamahín ng batà?-ang usisà ng ali ni
Delfín, nang makailang sandali nang nasa ita ás si Tentay, ay
dî nánanhík si Felipe .
-Napaiwan na pô sa simbahan at doon na raw tayo áanta
bayanan.
-Anó ba namáng kúkumparihin iyán ?-ang pansín pa
ng matandâ- Ikinahihiyâ ba niya ang apó ko ? .. Manánaog
sa bahay ang batà, na dî kasabay ang amá sa pagka-kristiyano!..
Si Delfíng nakakakilala na sa katutubong ugalì ni Felipe ,
ay siyang nagtakip sa gayong pagkukulang.
-Sálitâan na pô namin ni Felipe ang magpapáuná siyá
sa simbahan dahil sa pagpapasulat .
Ang matanda'y dî na pumaklí, nğunì habang si Tentay at
si Meni ay nagtútulong ng pagyayaman sa batang binibihisan
na ng pangbinyág, ay sumungaw sa bintanà at tumanáw sa daán ,
bago umilíng-ilíng at bumulóng-bulóng.
-Phsé ! .. nápaka-putîng taynga ang kumparing iyán !
Nilabás ni Delfíng nagpápaanyô ng mga lutùín at pang
handâ, at saka nagsabing:
-Anó ba namáng kumpari, Delfín , iyáng nápili mo .. ?
Dinalhán pa rito ang anak mo ay isáng kiles na bulók ! ……..
Si Delfín ay máta wá-tawá, nguni't dî nagpahalatâ, at anyá
na lamang ay:
-Hú , bakit naman itong si nanay ay mapaghanáp : mabuti
na ngâ pô sa kiles : sásama si Meni, ay hindî silá magkakásiya
kun sa kalesa .
-Di kumuha ng dalawáng kalesang hindi bulók : kayrami
namán diyáng páupaháng mahusáy-husáy.
BANAAG AT SIKAT 457

-Gayón din pô iyón , nanay ; bulók man ó bagong-bago,


ay dáratíng din sa simbahan ang batà at mabibinyagán .
-Ah, oo ; palibhasa'y hindi mo nálalaman ang pag-aanák
kung papaano . Kung ano ang pinagkabataan ng tao ay siyáng
pagkakatandâán , akalàin mo . Kun sa unang araw pa ng pagka
kristiyano ng anak mo, ay kahirapan na ang inyong ipinakita
at iniambil, ay hirap na habang panahón hangáng mamatay
ang magiging buhay niyán .
-Hú, kayó namán !-ang malumanay na paklí ni Delfín
hindi na niyó nálimutan ang mga pamahîíng iyán .
-Papaano'y siyáng totoó .. Ah , akó ngâ'y ilán ang naging
anak ko, kahi't anóng hirap ay de-karwahe kung binyagán . Ang
panganay kong anák ay sa Catedral pa pinabinyagán . At bihirà
ang di may músiko at orkesta. Itó ngâ lamang bunso kong
anák na pinsan mo ang napaibá-ibá, palibhasa'y inaabot na noón
ng hinà ang iyong mamà ; gayón man ay hindî rin nápasakáy sa
isáng kiles na bulók na paris niyán .
-Bayaan na pô ninyó , nanay ; huwag na kayóng maingay
at bakâ pa tulóy mápansín din ni Meni . Marahil pô ay walâ
lamang matawag na karwahe ó bagong kiles si Felipe, sanhî sa
ngayo'y lingó at maraming nagsisisakáy.
-Talagá pô, wikà mong, makunat ang kumpari mong
iyán .. ¡ puéh !
At pagkapanglurâ ay tinalikdán ang pamangkín, at ang
mga babayi sa loob ang pinasok.
Pagkátalingid ni Tentay, na nakikipag-usap sa matandang
hilot tungkol sa katabâán ng batang iyong katulad daw ng lahát
ng mga batang nagdaán sa kanyang kamay sapúl ng mang
hilot, ay nakapagsalisí ng ilang bulóng kay Meni ang matan
dâng biyanán, na totoong di mápakalí at makatiís tuwing
mátatanaw ang kiles na lumàng- lumà .
--Meni , anyá- tanawin mo ang kiles na pasásakyán sa
inyóng mag-iná ng kúkumparihin mo .... Nápakaputing taynga
ng kumpari ! ¡ maganít !....
Si Meni nama'y napukawan ng kapihikanan sa gayóng
náriníg. Binitiwan ang esponghang puti na idinádampî sa
namúmulá-mulá na namáng mga pisngi niyá, at sa maliít na
bintana ng silid ay sinilip ng paumanhin ang sasakyang itinúturò
ng biyanán .... Kiles ngâ namáng lumang-lumà! "Diya tà
nama't hindî na nakápilì si Felipe ng isang bagó-bagó ng kauntî !”
Ang budhi ni Meni'y nagtuhog-tuhog na ng mga hinuhà.
Nakaalaala na namán sa mga karwahe at automobil na kun sa
kanilang bahay nátitirá ay dapat sanang másakyan ng kanyáng
458 LOPE K. SANTOS

anák kahi't matipíd ang ináamá. "Diwà yatà, anyá'y , magpa


tawag akó ng isang karwahe sa Livery Stable at akó ang mag
bayad !," ang nasok na akalà sa sarili . Nguni't nakapagkurong
magaspang na gawa ang gayón , kahi't sa nátuturang magka
kapatid. At sa bagay na ito'y napilitan na siyang magwalang
kibô, at nang oras nang lalakad, ay sumakay ng halos pikit
matá sa kiles , habang si Tentay ay walang kamalák-malák sa
mğa damdamin ng kúkumarihin at ng matandang babaying
naiwan sa bahay.
Nároroón na ang lahat ay anó pa . Hindî na mga oras yaón
ng pagpapáhala tâan ng tabáng ng loob.

Nabinyagán ang bata sa pangalang Tiburcio. Sa simbahan


ay ayaw ng mga pangalang tagalog na nápili ng padrino: at
ayaw rin namán ng Delfíng náiibigan ng iná. "Tawagin ninyó
siyá ng kung anóng ngalan ninyong ibig sa bahay, nguni't dito
sa simbahang bahay ng Diyos ay hindi kayó ang masúsunód" ,
ang sinabi sa kanilá ng piskál at paring nagbinyág.
Kung may nakakapagmalas na mabuti kay Meni sa mga
oras na yaóng náhahanay na ang pitóng batàng bíbinyagán, na
anim ang babayi at walâng lalaki kundi ang kanyang anák,
ay sukat nang nakápuná sa pagkalungkot ng mga matang
títingín-tingin sa ibáng batà kapág sa pagbubuhos ng tubig ay
náririnig niya ang tunóg ng mga kililing at kampanà, at lalò
na ang sa isang batang tinugtugán pa ng isáng sadyang orkesta .
Waring ang lahát na yao'y nagsasabi sa kanyá ng : "Híiilat,
wala ang anak mo nitó : kundangan ka ....! "
Ang kabutihan nama'y walâ isá man sa mga ibang nag
pabinyag nang araw na yaón na nakakakilala sa kanya. Kung
nagkaroón, ay lalò pa dising pahirap sa gunam-gimam niya't
kalooban . Hindi na mapagsisihan kung bakit at si Felipe
pa ang nagawâng kumpare, sapagka't sa kalagayan ng pamu
muhay nila ni Delfín ay yaón na ngâ lamang ang nababa
gay. Nguni't ang katotohana'y hindi si Felipe, ni si Delfín , ni
sino pa man sa mga nagpabinyág din nang umagang yaón ang
kanyang kaaway, ang mabangis na dahil ng gayón niyáng mga
hinagpis at damdamin sa pananaghili sa ibá, kundi ang kanyá
ring kahapon, ang kanyáng buhay na nilakhán at tinalikdán na
sa tuwi-tuwi nang maaalaala ay siyáng lalong nagpáparusa sa
kanyang kalooban . Nagsisi siyá, oo, nguni't hindi sapagka't
nakapag-asawa sa isang mahirap, kundi dahil sa siya'y kung
bakit inianák at pinalakí sa kaginhawahan . Sa mga sandaling
yaón ay sinagì ng pananaghilì ang kanyáng budhî, hindî na sa
BANAAG AT SIKAT 459

mğa nákikitang kagaràan ng ibáng binyág, kundî dahil sa náma


malas na kasayahan ng mukhâ ng kumaring Tentay, na palib
hasa'y nagising at nahirati na sa karálitâán , kayâ sukat sa kauntî
at karaniwang ginawa sa simbahan sa batà, ay nasisiyahan na't
nagágalák. "Ah, -ang náisip sa sarili ni Meni-kung akó ngâ
nama'y hindi pinamulat sa ginhawa ng aking mga magulang,
mámalakhín ko na at di ikalúlungkót ang náturang bininyagán
ang anak ko, ng walâng kagaràang anománg paris ng sa
ibá!" ....
Salamat sa mga huling pagninilay- nilay na itó ni Meni, at
sa pag-uwî nila'y nakipagsayá na sa mga kasama at sa mga
dinatnán sa bahay.
Marami nang tao ; halos mğa kapit-bahay na mánunulungán
ang karamihan . Ang mga panauhing talaga ay kasalukuyan
pa lamang na gsísira tíng. Sa mga kasamahán ni Delfín sa Pásu
latán , ay may tatló nang dina tnán ang binyág ; tatló rin ang
kasamahan ni Felipe sa Limbagan ; ilán pang mga kaibigang
dalaga at binatang taga Sampalok din at Uli-uli . At nang may
mğa ikalabing isang oras na ng tanghali, ay sakâ pa lamang
nagsihintô sa may tapát ng bahay ang dalawáng karitela at isang
kiles na binabâán ng mga babaying bandurrista na pawàng
kaibigan at kakilala ni Meni sa Sta . Cruz . Ang nangánga tawán
sa mga ito ay yaóng mag-iná ng kaibigan niyáng dalaga , na
pinanuluyanan nilá ni Delfín nang sila'y tagông pakasál . Sa
salitang mga "bandurristang babayi" , ay kasama na ang mğa
"buntót na lalaki" . Sabihin pa ba! Pag sa ganyáng mga
lakarán ay hindi mo mápipintasán ang kagandahang loob ng
ating mga binatà. Hindi silá naka títiís na papag- isahín sa
lakad ang mga dalaga . Sa isáng kiles at dalawang karitela ,
ay may sumunód pa mandíng isáng karitela rin na punô na ng
mga matatandâ at batà, marahil silá ang mga iná-iná at kapá
kapatid ng mga bandurristang yaón .
Kapág gayong may kiting-kiting na ang pistahan, ay ibá
na ang salitaan, ibá na ang kilusan ng mga maybahay, at ibá
na rin ang pagdaló ng mga kapit-bahay at ang panonood ng mga
nagdára án. Dádalawá pa ang na tútugtog ng apat na bandurris
tang babayi, isáng bigwelista at isang bahistang kapwà na lalaki ,
ay kumutób na sa loob ni Delfín , sa pagmamalas sa nagdárag
sâang tao , na tila ang mga panghandâng nabilí ng pinagsanlâán
ng hikaw, ay hindi makasásagót ng sápatan. Kung mga kapit
bahay lamang sana at mga kasama sa pinápasukan , magdumami
man sila ay maáarì na ring mangakatawid ng walâng panganib
na mákakahiyâán. Dátapwa't hindi na mga katiwalaang loob
ang nároón. Ang mga kaibigan ni Meni sa Sta . Cruz at Kiya pò ,
460 LOPE K. SANTOS

ay parang mga bulating nagsulputan at sukat, na anopa't ang


pistahan ay di na masásabing sa mahirap, kundi sa mga naka
ríriwasâ nang tunay.
Ang bahay nila ay napagkilalang hindi para sa gayong mga
panauhin . Si Meni man nama'y hindi na makapagsabi kung bakit
nábunyág din ang pabinyág sa mga kakilalang dati sa Sta. Cruz,
sa Troso at sa Kiyapò . Walâ siyang sinulatan kundi ang dalawa
ngâng mag-inang dating katápatang loób upang siyang kumausap
sa mga bandurrista . Walâng napagpabalitaan ng binyág na
yaón kundi ang isáng naging matalik na kadalaga niyáng anák
ni G. Rosendo Verzosa sa Dulumbayan, at sakâ isáng magkapatid
na dalaga't binatà sa Troso . Wala siyáng nápaanyayahang
talaga, sa mga kakilalang "mahál na tao ", kundi ang mag-asawa
ng mangagamot niyáng si Dr. Gatdula. Dapwà't hindi lamang
nagsiparoón ang lahat ng mga sinulatan, inanyayahan at pina
balitaan , kundî magká-magkapatid pa , mag-á-mag-anak, amagká
magkaibigan at .... magpipinsang kung magtíngina'y parang
may mga pagkit sa talukap ng matá at kung mangag-usap ay
parang mga bató-batóng punay .... ang langkáy-langkáy doóng
nagsidaló . Sa mga talagang di pinaanyayahan, ni sadyâng
pinabalitàan, ay nabibilang ang di pa natin sukat malimot na
si teacher Inés na may ilán pang kasama , ang mag-iná ng bao
ni Dr. Villafranca sa Kiyapò , at sakâ ilán pang mga kolado ó
asong- pungé na karaniwan nang sa mga pista hang mabulaklak,
ay di napagwawawalang anaki'y mga paró-paróng ligaw.
Sa handang gugulin ni Delfín ay hindi talagang kasali
ang karamihan ng mga panauhing itó . Ang kanyáng taga-lutò
ay hindi taán sa pagkapihikan nila . Ang ikli ng lamesang ká
kanan , ang kakauntián ng mga kubyertos at iba pang kasangka
pang pinanghirám na lahát halos kun saán-saán, ay pawàng
nagpapahalatang hindî ináakalà ni Delfín na sila'y dáragsâán ng
gayong mga "mahal na panauhin ". Anó ang mangyayari sa
isang munting litsón , sa anim ó pitóng manók na pinatay at sa
iláng librang karnéng pinagdalawáng lutò ? Ano ang mang
yayari sa dalawampung pisong ipinamilí ng lahát na yaón at ng
iba pang mga panahóg, alak at ibáng kákanin , samantalang sa
ibang bagay, ay ginúgugol pa ang natitirá sa halagang pinag
sanlâán ng matandang babayi ?
Sa mga nagsida lóng kaibigan ay oo nga't may mga may
daláng alay 6 " regalo " sa bininyagán ; dátapwâ't ang mga alay
na ito'y hindi pangpunô sa handâ, kundi pangbihis sa sangól,
at mga pangpalamuti sa bahay ó lamesang kakanan .
f
Sa pag-gugunita ng lahát na yaón , ay naalaala tuloy ni Delfín
ang himalâ ni Kristo sa "limáng tinapay at isáng isdâ" na sa
BANA AG A T SIKAT 461

isáng basbás lamang ay napapagkásiyá at lumabis pa sa mahigit


na limáng-libo katao .. Ah, kung maaari lamang mabuhay
ni Delfín sa mga oras na iyon ang Kristong naghimalâ ! O , kun
siyá man lamang ay may pagkakátutuhan ng mga karunungan
ni Grossi .... disin sa mga kapangambaháng iyon ay hindi siya
nabalisa muntî man !....
Alangang sisihin pa ang kanyang asawa at alangáng kapoo
tán yaóng mga panauhing hindî namán pinaanyayaha'y nag
sidayo pa .... Noón niyá nápagngitngitan ng di sapalà ang
ganitong ugali ng mga pilipino . Noón siyá nakapag-akalà ng
kung bakit maraming marami ang mga mapag-asal ng gayón ,
hindi marunong makiramdám ni bumagay sa abot ng kaya ng
mğa pinápanhík na bahay.
Pagkalabít ng mga bandurrista ay parang kinikikiváw
ang katawa't paá ng mga binibini at lalaki sa pagkakaupo . Na
ngagpalá-pala ták sa panghihinayang sa mga nagdiríkitang vals at
two-steps na di nilá máisayaw. Nangagtatat-tatát tuwing mama
malas ang liít ng kabahayán at hinà ng sahig na dî masasayawán.
Nangag-ilíng-ilíng , nangagkindát-kindát at nangagbulúng-bú
lungan, na anopa't may nagtúturùán pa ng lupang harapán
ng bahay, at maanong, anilá, doón man lamang ay nagpalagáy
si Delfín ng habong, upáng kahi't doo'y nakapagsayawan .
Nguni't walâ, sa anomang pagkáibig nila'y walang mang
yayari. Ang bahay ay talagang para sa malilikót. Ang pista
han ay hindi nangangailangan ng mga luksó- luksó , ikit-ikit
at libad-libad pa, upang sumayá at makalubós sa pagka -binyagan
ng sangól na si Tiburcio .
Mábalík tayo sa ngalan ng batà, ay talagáng Tiburcio ngâ
ang sa kanya'y ibininyág ng parè . Nguni't sa bahay ang panga
lang pinagkaisahán ng amá at ináamá, ang pangalang ipina tátawag
sa madlang panauhin , ay hindî ang unang náisip ni Felipe na
Banaag, kung hindi Bayani. Ang matandâng ali ni Delfín
ay hindi na nagtutól sa pangalang tagalog na itó ; hindi lamang
nayag, na , sa ugaling pag-aabót ng batà sa kumare ng kumpare,
ay hindi ang pangalang kristiyano ang itawag. Sa ganáng
kanya'y masunód muna ang sa Diyós, bago ang sa tao. Siyá
ma'y payag nang tumawag ng Bayani sa apó ; ngunì, kung
lumaki na't magkaisip, at huwag namáng itútulot ng Diyos ay
abutin ng paghihingaló, hindi niyá mapabábayàang sa pagpapa
hesús ay ibá sa Tiburcio ang itawag, ó sa mga pananalangin at
pagkatupad ng anománg tungkulin sa pagkabinyagan, ay hindf
ngalang ito ang gamitin . Sa kanya ang pangalang Bayani
ay parang palayaw lamang, at kung bagá sa isang pagkain sa
kanyang pangamóy ay "amóy-moro." Malakí pang totoo ang
pugad sa kanyang isip ng paniniwalàng sa ibabaw ng lupà ay
462 LOPE Ꮶ . SANTOS

dádalawa ang palagay na ipinagkakáibá ng mga tao : kristiyano


at moro: mğa binyagan ang una at mga hindî binyagan ang huli.
Sa pananalig ng mga matandâng námulat at nagsaulo mulâ
sa pagkabata ng Tánuñgan ó Doctrina Cristiana sa wikàng tagalog,
ay hindi nakákatkát yaóng mga ságutang :-"Cristiano ca na ?
Oo, cristiano na aco sa aua ng Dios. -Anó ang cahulugan ng
cristiano ?-Campón ni Cristo. -Anó ang pagkaunawà ninyó
sa campón ni Cristo ? -Ang binyagang sumásampalataya sa mğa
""
aral ni Jesucristo . Anopa't sa mga ságutang itó lamang at
sa mga pasalin-saling aral at turò sa kanilá ng mga "among" ,
ay nalutò na ng lutông-lutô sa akalà nilá ang, pag sinabing kris
tiyano ay binyagan , at ang dî binyagan ay hindi maaaring tawaging
kristiyano, kundî moro. At ang kalendaryo na siyáng tálàan ng
ngalan ng mga Santo at Santang kinilala at kinonsagrá ng Santo
Papa , ay siyá lamang mapagkukunan ng mga pangalang kris
tiyano, sapagka't silá lamang ang mga banál na nasa kalwalhatian
ng Langit. Dahil sa mga paniniwalàng itó , kayâ gayón na ang
higpit ng matandâ sa pagpapatupad ng mga "aral-kristiyano" .
Pagdating na ng sangól sa bahay, sa galák ng tinurang
nunò , ay siya na ang sumalubong sa hilot at pagkatapos ng
mga "kaugaliang-kristiyano" na kanyáng ipinatupád , ay siyá
na ring kumalong-kalong sa apó at lipós ng di kawasàng katwâán
sa pagpaparangalan sa madlâng mga panauhin . Patí kusinà ay
nálimutan na tuloy ng matandang babayi, kun sa bagay ay siyá
ang pinaka-bandahali (mayor-doma ) sa labás. Kayâ si Delfín
ay nápaisáng taga-bahay na nagpápaanyô ng mga gagawin ,
lutùín at panghayin sa malapit nang oras ng tanghalian .
* *
Patuloy si Delfíng balisá sa kúkulangin niyáng handâ. Bi
nulungan ang pinaka-taga- lutòng isang matandâng lalaki.
Ipinagtapát ang kanyang ipinangangambá. At ang matandâng
lalaki, pagkaunat ng namamaluktót na baywáng sa paghalò ng
nilulutong ulam sa isang kawaling lupà, na násasalang sa tatlong
tungkông bató sa lupà rin at likód-bahay, ay sandaling di sumagót
at nápatingín lamang sa mukhâ ni Delfín . Makasandali'y pa
ngiting nagsalitâ :
-Sa akala mo ba'y may ilang lahát ang kakain ?
-Sa akala ko pô , ay kung mga limá ó anim na mesa
ay magkakaroón . Ang lulan ng bawa't lamesa ay sampû.
-Sa makatwid : anim na hayin, sampûng katao , ¿ mğa
anim na pûng lahat?
--Marahil pô, híhigít hindi kúkulanğin ; sapagka't bagamán
ang mga taong siksikan sa ita ás ay marahil may mga apat na
BANAAG A T SIKAT 463

pû lamang, kung nagkakainan na , ay hindi malayong may mag


sipanhík pa , at saka talastás na ninyong ang bagay na iya'y
hindi matútulusan . Marami pang kapit-bahay dito ang walâ .
-Hú ! ....— ang ungol ng matandang tagalutò, na nag
hagis ng isáng tingin sa dakong ita ás ng bahay-Huwag kang
mag-aalaala at akó ang bahalà ! Hindi tayo kúkulangin . Hindi
gáganitó lamang ang mga káhiyâang nalála basán ko . Nakú, Del
fín ! kung nálalaman mo ang ginawa ko roón sa isáng kásalang...
At dito'y nagsaysay ang matandâ ng, aywán kung totoo
ngâ ó may-halò nang kayabangan, isáng paraán niyáng gi
nawa sa isang malaking kásalan . Ang kinauuwîán ng boông
sabi , dahil sa kanyang katalinuhan sa paglulutò at pag-aayaw
ayaw ng mga ulam, ay náiligtás sa isang pagkápa hiya ang may
bahay. Magsasalitâ pa sana ng ibá , nguni't pinutol na ni Delfín ,
sapagka't sa mga oras na yao'y anhín pa ang nangyari sa ibá
na paris ng mangyayari sa kanya.
-Eh paano pô ? -ang pagahól na tanong ni Delfín .
-Kayâ huwag kang masindák-anáng tagalutò . —Anóng
oras tayo magpápahayin?
-A-las-doce pô : kaunting sandalî na lamang.
-Hamo, hamo't akó ang nakaáalám .
Kinawayán ang isang babaying nag-gágayát ng mga sibuyas
at kamatis sa ibabaw ng isang dulang. Binulungán ng malakás
di't náririníg ni Delfín at ng ibang katulong sa pangungusinà ....
Makasandalf'y iniáabót ng babayi sa hagdanan sa batalán ang
isáng bakol ng brinhe na nasása pnán ng dahon at siyang pang-unang
pingang inilutò ng matandâng lalaki . Dali-dali itong nagpabilí ng
iláng niyóg na noón di'y ipinagatâ. Pagkatapos ay agad-agad
ipinasalang na muli sa talyasì ang brinhe na pinakatigmák sa
gatâ.
-Mákikita mo -anáng matandâng tátawá-tawá-at dito
lamang sa pingáng itó ay mabúbusóg na silá. Mabuting pangu
nang pingán itó kaysa sopas, pag ganyáng salát . Kapág ang
tao'y ilay sa mantika, ay hindî na nakapagsúsulóng ng ibáng
ulam na mamantikà rin . Ang gatâ, pag lutò na'y mantikà rin .
Mákita mo't sa brinhe lamang ay masúsuyà na silá . Kákain silá
nitó ng marami, sapagka't masaráp, malinamnám , nguni't panalo
na tayo pag nagkágayón .... At sakâ, de kubyertos ang káinan ;
pabayaan mong magkubyertos ang lahat . Pag ganito'y mahinà
ang kain at di aksayá ang ulam. Itóng mga karnéng hindî
pa nalúlutò , ilúlutò ko ngayon din ng matitigás at ang mga lutò
na ay hamo't aking paáalát-alatán. Sásabihin mo sa mga magsí
silbí sa mesa na huwág siláng padaros-daros sa pag-aalay ng mga

31
464 . LOPE K. SANTOS

bandehado ng ulam . Huwág ibibigay ang karné ni ang manók na


hiwa-hiwâ na ; pabayaang lapáng-lapáng at buô-buô, at ang mga
kumákain na ang humiwà. Nálalaman mo ba ? Sa ganito'y
marami ang hindi na kumúkuha ; pumúputol ma'y kapiraso
lamang, lalo na't maykatigasan ang karné. Ang litsón at hamón
ay hamo sa hulí ....
Si Delfín , sa habà ng mga tagubiling itó ng matandâ, na
pawang magagaling ngâng pang- gamót sa kakulangán, dapwà't
bakâ namán maging sanhi ng lalong kahihiyán , ay hindî na
nakapagpigil at sumagót :
-Abá, eh bakâ pô namán sa alat at sa tigás ng ating mga
iháhayin, ay walâ na tuloy makakain at lalò tayong mápahiyâ?
-Hindî ! anó ka ba namang bata ka ? anó ba ang palagay
mo sa akin? Hindi katá ilálagáy sa kahiyâ-hiyâ. Sundín
ninyó sa itaas ang mga tagubilin at akó ang bahalà rito . Ibulong
mo lamang diyán sa iyóng ali, na tátalasan ang kanyang matá
rito sa lupà sa mga paglipad ng ulam. Walâ ngayong hingî
hingi ng mga kapit-bahay, na isáng mahalay na kináugalian na
sa ating mga handâan , lubhâ pa't na sa lupang ganitó ang lutùán .
At .... ¡ isá pa palá ! Bakâ kayo'y may inilagay nang mga bote
ng atsara sa lamesa, alisín ninyó . Hindi bagay ngayon ang
pang-alis ng suyà at pangpagana ng pagkain . 1
Si Delfín ay alangáng manalig ng lubos sa tagalutò at ala
ngáng hindî, nğunì't, anó pa ang gagawín : lalòng masamâ ay
mápahiya sa pangangapós na marami pang taong di kumákain ay
wala nang máipakain . Ipinabahala na ang lahát sa sukat
mangyari.
Dumating ang oras ng pagkakáinan at natapos nang marahil
ay ikalawa na ng tanghali. Ang paraan ng matandang tagalutò
ay nagtagumpay. Ang himalâ ni Hesukristo sa "limáng tinapay
at isáng isdâ" ay natularan sa bahay ni Delfín . Kulang na
lamang doong nangyari patí ng himalâ sa boda sa Kanaán, na ang
mga tapayan ng tubig ay naging alak, sapagka't sa binyagang
ito'y bahagyâ nang nagpainóm ng alak ang maybahay. Pina
ngatawanan ni Delfín ang pagsinsáy diyán sa pumápalasák
nang kaugalian sa Pilipinas , na wala nang pigingang di may
mga inuman ng serbesa: karaniwan nang panalubong at pang
alók ang alak; at ang mainam pa nito'y patí na mga dating mahi
hinhing babaying pilipina, kahì't na magagandá at mahál na
binibini, ay nahíhirati na sa tagayán: pinaíinóm, umíinóm at nag
pápainóm . Ang serbesa ngâ yata'y tandâ rin ng " ilustra
ción" !....
Makáapat lamang ang naging haying de-kubyertos sa lamesa
at ang ibá nang mga panauhing katiwalaang-loob sa bahay ay
BANAAG AT SIKAT 465

sa lapág na lamang nagsikain . Walâ namáng náhiwatigang


anománg pintás sa kinain ng kahi't sino sa mga "mahál na taong"
nagsidulóg . Hitsura ng si Delfín ay nabunutan ng pako sa dibdib
nang malutas na ang káinan , at nang másabi sa kanya ng
tagalutò na may dalawá pang bandehado ng ulam na dî nagága
láw ! ... Kulang na lamang ang hinalikán niyá ang mamanti
kàng kamay ng matandâ sa laki ng katwâán !
Pagkatapos ng pananghalian ay ano pa ang sukat mangyari.
May tugtuga'y hindi makapagsayaw. Ilán sa mga dalagang
nároón, pinakákantá ay pawang ayaw. Si Meni lamang ang napi
lit ng isa sa kanyáng mğa nálalaman niyóng dalaga pa . At walâ
nang alingawngaw ng ibang nag-aawit na tinig na doo'y napariníg
pa. Ang araw ay lurok sa init ; ang alinsangan sa loob at labás
ng maliit na bahay ay nábabasa na ng malalaking titik sa mga
makasalanang pamaypáy ng mga hinibini , na mámayâng tiku
min nila at mámayâng ipahirám sa mga nag-giri-girìng binatà .
Ilán na ang pinangángangá ng sakít na hikáb , na inisín man ng
mğa panyô at ikublí sa mga pamaypay, ay nakapúpulás din at
nakakahawa sa ibang mga kalipon . Kasunód na nitó ang pag
kabalisa ng isa't isa. May mga nag-akala nang magpaalám ;
dangan ngâ lamang at napípipilan ang akala ng mga magagandá
at magigiliw na pakitang loob ng maybahay . Si Delfín , si Meni ,
patí ng kumparing Felipe at kumaring Tentay, ay tulong-tulong
na sa paglibáng at pangagasahol sa pakikiharáp sa mga pana
uhin. Sa mga nagpápaalám nang talaga ay may mga sálitâng
kagiliw-giliw, mapipilí at masasayang panghadláng at pangpaupô
ulî si Meni, unang una . "Hintay kayó ; isá pa ; isá na lamang
tugtóg; isáng marikít na marikít ..... " At sa ganitong mga
kápapahintay at kápapaisá-pang maiirog at maykahalong pagpigil
ng kamay, ay saán ka ngâ namán dî mápapabalik uli su luklukan ,
sukdáng ang hikáb na dî marunong mahiyâ at ang niwating
watingng mga matang nagtútukâ, ay nangagyáyayâ nang ma pilí
sa lupà at sa sariling bahay.
Sa gayong mga pagpipigilán, ang kátwâan ay lalò halos
nag-iibayo . Patí ng mag-asawa ni Dr. Gatdula na naging kai
bigan nang matalik namán ng mag-asawa ni Delfín, ay nakuha
rin ng nakuha sa "isá pa " ng "isá pa " ni Meni.
Dátapwâ, ¡ oh katiwalîán ng panahón ! ... Habang si Meni
ay nagkákantá na namán ng isáng marikít na valse, na pilit sa
kanyáng náipakantá ng mga panauhin , yamang ayaw pa siláng
paalisín ; habang ang mga nakikinig ay nangápapalangit mandín
sa pagkáwili sa matinis at kaigá-igayang tinig niyá, na anopa't
yaóng mga dating nakakarinig sa kanyang magkantá ay naka
pagsasabi tuloy na : "Itóng si Meni, may-anák na , ay hindi pa
30-47064
466 LOPE K. SANTOS

nagbabago sa ganda ng boses"; habang si Meni namán ay pina


nónoód at pinakíkingán ng kanyáng irog na asawang halos
nápapataás ng isáng dangkál sa kaligayahan, .. sa daáng tapát
ng bahay ay may isáng nangánga bayong biglâng-biglâng humintô,
na sa ragasâ ng pagkakátigil, ay kinágulatan tuloy ng iláng
mga taong nakakátanáw sa bintanà. Halos náuna ang ulo sa
pag-gagahaman ng pagbabâ ng taong nangangabayo, at nang
nasa lupà na'y itinali ang rienda sa isang tulos ng bakod, at tuloy
tuloy sa hagdanang ipinagtanong kung násaán si Meni .
Ang pagkakantá ni Meni'y hindî nátitigil , bagamán marami
sa mga tagapakinig niyá ang nangápatungangà, nagsidunghál
sa bintanà ang ibá at nagsilapit sa hagdanan ang iba pa . Si
Delfín ang sumalubong. Ang taong karára tíng ng hangos na,
ay kanyá agád nákilala . Isáng kotsero sa bahay niná Talia :
ang kotserong dating utusán nilá ni Meni, noón pang panahón
ng pagliligawán.
-Ipinadádalá pô sa inyó ng señorita ang sulat na itó.
Inabot ni Delfín ng parang nilálamóg ng kabá ang kanyang
dibdib. Walâng isá mang salitâ na hinugot ang lamán ng sobreng
bukás . Isáng tarheta ni Talia at isáng madiláw na papel na
kinálululanan ng isang hatíd-kawad .
"Meni: basahin mo ang makamámatáy sa ating telegramang
iyán", ang tanging nasusulat sa tarheta .
Ang kalangkáp namáng madiláw na papél ang binasa .
Wikàng inglés ; at palibhasà si Delfín ay nakaáalám din namán
kahi't kaunti ng wikàng itó , sa telegramang yaóng galing sa
Boston , Estados Unidos ng Amérika , at padalá ng nakapirmáng
si Doroteo Miranda , isáng pinsan ni Mening nag-aaral doón,
ay nábasa niyang si Don Ramón Miranda ay pinatay ng kanyá
ring kasamang alila sa tírahang isáng Hotel sa New- York, niyong
gabi ng ika 9 ng Hunyong kasalukuyan
Násasabi ring ang bangkay ay nakitaan ng tatlong sugat
na pawàng malalakí : isá sa maysusong kaliwâ , isá sa mukhâ
at isá sa liíg. Sa ayos ng mga sugat ay nakahiga nang tarakan
ng isáng sundáng. Ang sakunâ ay gabí nang mangyari, at
magtatanghali na nang málaman ng mga ibang kasama sa Hotél.
Ang bangkay ay kinuha at pagyáyamanin ng pámahalàán,
upáng máipadalá agád sa Pilipinas. Hindi pa nakikita ang
alilang pumatay, na nang gabí ring yao'y di sásalang naglayás
at lumayô. Lahát ng salapî ay dinalá ng tinurang alilà. Ang
pamangkín ni Don Ramón na nagpahatid ng telegramang iyón ,
ay nagsasabi pang napa sa New-York siyá kapagkarakang mába
lità ang gayón , at kasalukuyang hindî niyá pinababayaan ang
BANAAG AT SIKAT 467

bangkáy. Marahil pa'y mákasama sa pag-uwi ng nasabing


bangkay na binálsamuhán.

Ang pagbasa ng telegrama ay hindî na nakuhang maipag


lihim ni máipagpaumat-umat pa sa kanyang asawa . Si Meni
ay hindi rin nakakuhang tapusin pa ang kanyang kantahin . Sa
isáng paglingón sa asawa , na sa may hagdana'y nalíligid na ng
maraming taong nakayag ng pagkatilihan sa pagbasa ni Delfín,
ay parang binagyó sa sikdó ang dibdib niya at nápabiglâng
iniwan ang lúpunan sa loób, at palibhasa'y noón niyá lamang
nákita ang utusán ni Talia , ay napatanóng ng biglâng-biglâ rin :
-Anó ka ?...-anyá sa kotsero -Anóng sulat iyán ?-ang
haráp kay Delfín .
Al inakmâáng saklutín sa kamay ng asawa ang hawak na
papel na iniakmâ namán nitong iilag na dî man makapagsalitâ.
Si Meni ay marunong din namán at nag-aral ng kaigihan
nang inglés , at .... ¡ aling panulat ang makapagsusulit ng sa
mga sandali ring vao'y nangyari nang matalós niya ang mga
unang salitâ pa lamang ng telegrama !
Nápahagulhól . Nahulog sa kamay ang binabasa . Nápa
lugmók. Hinima táy .... Pinagkaguluhá't ginikbán ng madlâ ..
Sinapupo ni Delfíng nanglúlumó rin at napípipi .. Lahát ng
tao'y naging parang kamag-anak na pawà ni Don Ramón sa
pakikilunos kay Meni nang matalós nilá ang kabagayán . Ang
tao, magpakásamâ-samâ, pag namatay na at lalò pa't napakasa wî
ang pagkamatay, ay karaniwan nang alalahanan ng mga kabuti
han, bago ng mga kasamán ! ... Isáng "Patawarin siya ng
Diyós !" ang nuká sa bibig ng ilán sa mga nakákikilala sa mga
nagíng buhay sa Maynilà ni Don Ramón . Nguni't " diyatà!?
diyatà!?" ang núnukál namáng tanong sa bibíg ng iláng tigás
na pagkamangha sa balità.
Habang si Meni ay pinagkákaligaligán ng maraming may
kaní-kanyáng salita at kilos na ibig máitulong kay Dr. Gatdula
at kay Delfín sa pagpapasaulî ng hiningá , ang balità at ligalig
ay kumalat nama't nagpalipat- lipat sa halos lahát ng mga kapit
bahay. Dumating ang oras na kulang na lamang ay naguhô
ang bahay sa mga lágitikan ng kawayang dumáraíng na marahil
sa pagdami ng mga taong-gibík.
Patí ng batang nakakatulog sa silíd ay napukaw at nag-iiyák
ng dî anó lamang, na anaki baga'y nakakamalay na at nakikira
may sa pighatî ng kanyang mga magulang.
Nang pagsauláng- diwà si Meni ay nasa loob na rin ng silid .
Kaypalad na pagkakátaón at may doktor na panauhin ! ...
468 LOPE Ꮶ . SANTOS

Ang kasayahan sa bahay ay sinuklubán mandín ng isáng


malaking lambóng ng kalungkutan . Alangán pang masabi na
isáng mapagmalik-matàng kamay ay nasok sa bintanà at pinag
nakaw ang lahat ng pusong nároón na kangí-kangina lamang ay
pawang mga tigíb at lipós ng tuwa at ligaya , at ngayo'y naha
linhán ng mga ibang pawà namang punô ng kasaklapán at balót
ng malamíg na sapot ng kalunusan. !
Hagulhól, hinaing at mga panambitan ni Meni .... Kayda
ling humalili sa kengí-kangina lamang ay paghuhumindíg ng
katawan at pagtutumaás ng kanyáng kaaliw-alíw at mataliktík
na tinig sa pagkakantá!
Patí mga bandurya, bigwela at baho, ay parang may mga
isip ding nakikilungkót sa mga tao : sa ilalim ng mga luklukan
at sa mga sulok ay nangápahandusay na rin at nangapipi. Síno
mán sa mga may-aring mánunugtóg ay walang nagkaloob na
humawak at kumalabít man lamang. Ang mga babayi ay pinag
aaligiráng pawà ng luhà, nang malaman ang balità at makita
ang kahambál-hambál na anyo at magunitâ ang masigalót na
kapalaran ni Meni .
Si Felipeng kaí-kailán man sa kanyang buhay ay di nakaka
ranas ng máturang kinamatayán ng isang kaaway, sa mga oras
na yaón ay nagulumihanan ng dî kawasà , at pagkatapos ng mga
pakikitulong sa naghimatay, ay napalabas at mag-isang nagbulay
bulay tungkol sa nangyaring yaon sa kanyang amang-kumpíl.
Kung sa mga paghahakà man sila'y totoong magkasalungat
at kung ang mga ugali man ni Don Ramón ay siyá pang lalong
nakapagpaalab ng mga katutubò nang init ng kanyáng loob i
at sikíp ng hingá sa mga mayayaman at mapaghari-harian , ay
hindi namán, kahi't míminsan , nagkakálantaran siláng tunay
nang magkagalít at magkaaway. Nábulay-bulay din niya't
ipinagtaká ang pangyayaring, i patayin si Don Ramón ng alilàng
kasama , ay kilalá namán si Tikóng, na ganoón na lamang kabaít,
kahangál at sa pagkamasúnurin sa panginoón ! Kaya't siyá pa I
ang napili-piling isama ni Don Ramón, sa daming alilà
sa bahay, ay mapagháhakà nang pagka't siyá ang sa lahat ay
masúnurin, minámabuti at pinagkakatiwalaan . Hindi niyá
maatím na gumawa ng gayón si Tikóng, nang walâng malaking
dahilán ....
Sa loob namán ng bahay, nang mapayá-paya pâ na ang
mga unang lubhâ ng kasakunâán, at nang maipahayag ng médiko
Gatdula na si Meni'y ligtás na sa anománg panganib, ay isa- isá,
at langkay-langkay nang nagsunod-sunod sa pagpapaalam at
pagpanaog. Lahát ay nangakaalis na pawà, na walang kusàng
nagpalumagak kundi ang mag-asawa lamang at munting kapa
tíd ni Tentay .
XXVII

Pag-uwi sa Sarili

Hapong kúkuti-kutitap, langit na lúluhà-luhà, simoy na


paláy-paláy, mga damó at halamanang nagpapawis-hamóg,
mga lansangang namímigtâ; Maynilàng maingay at mausok,
pagka't di pa oras ng pagpapahinga láy ng mga hukbo ng pawis ,
hindi pa oras ng paglulubag ng galit ng mga mákiná : oras pang
kasasa lán ng pagsambá ni Pag-gawa sa mga paanán ng diyós
Agaw-buhay, oras pang kasalukuyan ng pamimintuhò ni Puhu
nan sa dambanà ng diyós Tamasa .
Sa kati, sa mga baybay at sa loók ng Maynilà, ang gayóng
katamlayan ng panahón at kasiglahán ng paghahanap-buhay
ay laganap .
Nğunì, sa dáungan ni kápitáng Luis sa Binundók, ay may
isáng kilusang wari'y siyáng tinútugaygayán at pinagpapakitaan
ng gayong lungkót ó sungit ng panahon . May isáng maitím ,
makintab at marikít na kabaong, pasán ng apat kataong iniáa hon
ng boông pakundangan at alang-alang. Madaling mahuhulaan
ang lamán ng kabaong na yaón , kung mákikilalang isá sa mğa
taong nangunguna sa panunuláy sa pala-pala ay si Siano , at sa
dakong huli'y si Madlâng-layon .
Ang pagkakasalubong na yaón sa bangkay ni Don Ramón,
ay nagíng gáhulan . Akala ng mga anak ay kabukasan pa dára
ting ang transporte "Logan ." Dátapwâ't walâng anó-anó, nang
mga ikalabing dalawang oras na ng tanghali nang araw na yaón ,
ay siyang pagtangáp ni Yoyong sa kanyang bufete ng isang liham
ng Taga-pangasiwà ng Adwana . Ang "Logan" ay nasok na sa
look ng Maynilà, umaga pa . Isá sa mga lulan ay ang nakaka
kabaong na bangkay ni Don Ramón Miranda , na galing sa New
York ay inihatid at isinakay sa nasabing transporte sa S. Fran
cisco de California . Noón di'y parang ipo-ipong ibinalità ni
Madlâng-layon sa kanyang bayaw at asawa ang di inaasahang
pagdating. Bahagyâ na siláng nakapagpabalità sa ibá pang
470 LOPE K. SANTOS

mga kaibigan upang mangakásama sa pagsalubong. Sa pagkuha


ng karro, sa pagkuha ng lancha, sa paghanap ng mga tagabuhat
at sa paghahandâ ng mga iba pang kailangan upang mái-ahon at
máihatid sa sariling bahay ang bangkáy, ay naubos ang tanghalì
at nagsimula ang hapon, bago nilá nasalubong sa lawak ng
dagatang Maynilà ang tinurang bangkáy.
Si Talia'y hindî nápasama , pagka't dî na pinasamang talagá
ni Yoyong. Maigi na nga't nang maiwasan ang anománg sakunâng
sukat mangyari sa pagsalubong ng isáng marupók na dibdib ng
anák na babayi, sa bangkay ng isang pinakamámahál na magu
lang. Sa pagkátirá sa bahay, ay ipinakahandâ itó sa pagtangáp
sa marahil ay kamatayan din niyáng dáratíng.
Ang mag-asawa ni Meni ay walâng kama lák-malák sa sá
lubungan nang araw na yaón. Natátalós nila ang pagdating ng
"Logan", at handâng magsisalubong, nguni't kábukasan din .
Dapat ditong matatap na ang sámâan ng loob ng magka
kapatid at magbibilás , mulâ sa kamatay-matay na hatid-kawad
na yaóng nátangáp nang may pabinyág, ay humihimláy-himláy
na sa baníg ng limot. Ang magkapatid na babayi ay unti-untî
nang nagkakapábilinán . Nguni't magkálapít na muli at mag
kápanhikang-bahay na paris ng dati, hindî pa.
Si Don Filemón ay isá sa mga kasama ni Sianong sásalubong
mulâ sa El Progreso. Sapúl nang maglayág si Don Ramón ,
ang galit niya't paninibughô ay parang uling sa kamáy na
nahugasan . Pagkátangáp ng káhulí-hulihang sulat ni Don Ra
món , na nagpápaalám , ay nagbukò na sa loob ang isang pagsisisi .
1
Gununí-gunitâ kung bakit nápagkásalahan ang isang matalik
na katoto , dahil sa sulsól lamang ng hamak na liham na inihulog
sa kanya ng isáng duwág at maingiting kaaway. Siyá na ang
makáiláng humingi ng tawad kay ñora Loleng, na halos ay
nápatay sa isá paláng malîng hinalà lamang. At ¡ gaano
kayang kalunusan ang titigíb sa kanyang pusò, pagkábalitàng
si Don Ramón ay namatay ! .... Sa mga sariling pagdidili
dili , ay lumálabás na siyá ang una-unang maykasalanan ng
gayong pagkasawi ng isang kaibigan . Sa kanyang akalà si
Don Ramón Miranda ay hindi matútuluyang lumayas sa May
nilà at at abutin tuloy ng isáng sawing pagkamatay, kundi
dahil sa pagkakapagkagalít nilá. At palibhasà si Don Ramón
ay isáng ginoóng maypuri , mayngalan at kabuhayang marangál
sa boông Maynilà, kaya sa pag-aalaalang mátampulán pa rito ng 1
kapulàán ng madlâ, kung mábunyág ang dahil ng pagkakagalít
nilá, ay nagpakálayô-layô na ng lubusan . Ah , kung nasa May
nilà si Don Ramón , ay hindi disin nápagliluhan ng isáng hamak
na alipin ! .... Anopá't si Don Filemón ay hindi ang dî mápa
BANAAG Ꭺ Ꭲ SIKAT 471

padagok sa dibdib, pagkaalám ng gayong pagkamatay , at hindî


ang di makikisama ng boông pamimighatî sa pagsalubong sa
bangkay na dáratíng, upang sa gayón man lamang ay mapa
tigháw-tigháw ang walâng puknát na pagsisi at pagbibigay-sala
sa kanya ng sariling gunam -gunam ..
Ang pagawâan , bago nalís si Don Filemón at si Siano , ay
ipinatigil. Sa hindi oras ay pinapagpahingá ang may libo-libo
kataong nagsisigawâ roón, at inatangan ng katungkulang noón .
di'y nangagbihisan upang magsisalubong na lahát sa bangkáy
ng amo. At noón din nga'y parang pinihit at binuhat na buô
ang El Progreso , sa dî magkámayaw na guló ng mga manga
gawang inatasan . "Ang mawalâ sa inyó sa 'muelle' mámayâ,
ay walâng ' sueldo' sa sábado !" itó ang tangà sa madlâ ni Don
Filemón, na hindî halos ipagkantututo ng pagbibihis ng tanán.
Nangagpáuná siná Yoyong sa pagsalubong hangán sa gitnâ
ng dagatan, at káta óng nagdarátingan pa lamang ang kawan
kawang mga mangagawà, babayi't lalaki, matandâ at batà,
nang ang "lancha " ay humihinto sa "muelle" at nang iniáahon
na ang kabaong.
Sa boông baybaying yaón ay nagkagungó halos ang tao .
Mğa sadyâng sásalubong, mga nápapatangá at mga nakákayag
lamang, ay nagkáhalò -halò na roóng parang buntón ng mga balát
at tinalupan . Ang kabaong ang siyáng pakùán ng matá ng
lahát. Ang lamán ng kabaong ang siyáng sanhi ng úsisàán ng
marami. Ang paraan ng pagkamatay ang siyáng dahil ng poót
ng ibá. At ang kayamanan ni Don Ramón na nakuha ng aliping
natáy, ang siyáng pinanghihinayangan ng balana .
Nğunì, ¿ síno yaóng lalaking tuwid na tuwid na kaú-kausap
at kaakbay-akbay ni Madlâng-layon sa pag-ahon sa "lancha "
at sa pagpapaanyô ng kabaong sa karro? At ¿ síno pa yaóng isá
na palingà-lingà at háhabol-habol sa nangagpápasán ng kabaong
at sa sandá-sandali'y tumátangáp ng utos sa nábangít nang
kausap ni Yoyong?
Kapwà silá binatang pilipino sa pagmumukhâ at panga
nga tawán ; nguni't hindi magka-urì, ayon sa pamimikas , at kapwà
bagong-ahon sa Maynilà, ayon sa mga pananamít at kilos . Ang
una'y isang mata ás at maputing lalaki, nakasuót ng lanang abó-abó
at itím ; ang amerikana'y maluwang at mahabang tila dî kanyá ;
ang pantaló'y makipot at pitís na walâng iniwan sa supot ng
payong sa maytuhod , nguni't maykala wlawán sa dakong ibabâ at
laylayan ; ang pangliíg ay matigás na matigás na anaki'y hinirám
sa isáng nágugulat na tagák ; ang kurbata'y isang panyo mandíng
kundiman na pinagbuhól lamang ; ang sambalilo'y isang malambót
at kupíng-kupíng na fieltrong itím, mababà at lubóg ang pina
472 LOPE K. SANTOS

katuktok at malapad ang mga gilid ; ang sapatos ay maitím ,


nananambók at nanglálapad ang dulo na anaki'y pawí-pawikanan .
Sa kaliwang bisig ay nakasampay ang isáng natítiklóp na kapo
teng lanang itím . Nguni't yaóng isá, bagamán nakagayak ng
halos gayón ding mga damít at kasangkapan, ay napagkikilala
sa hugis na hindî taong malayà at maysariling kapalaran , kundî
isáng tunay na alagád lamang at utusán ng una . Kung mag
sálitâan silang dalawa'y wikàng inglés . Ang mga dilà sa pami
migkás ng salitang kastilà at tagalog sa pakikipag-usap sa ibá,
ay nagtitigasang anaki'y nangatútuhog ng kawad, at nagsisiga
ralgál na parang maybató sa ilalim .
Hindi ngâ sásalang sila'y kapwà bagong-datíng. Silá ang
naghatid sa bangkáy mulâ sa Amérika . Ang una'y mákikila la
sa kanya ring bibig sa pakikipag-usap kiná Yoyong at Siano.
--Kung ako'y hindi sumama -anyá-at ipinaubayà ko na
lang diyán kay Ruperto ang paghahatid ng bangkay ni tío Ramón,
saka isinulat na lamang sa inyó ang mga nangyari, tila namán
kaawa-awàng totoo ang tío, at máwiwikàan akó ng mga pinsan
ko na nagkulang ng pagmamasakit. Kaya iniwan ko na muna
ang pag-aaral sa Boston at sakâ na magbábalík doón agád .
Sa makatwid ay itó ang si Doroteo Miranda : ang pamang
kín ni Don Ramón na nagpadalá kiná Talia ng telegrama .
At sinong Ruperto yaóng isá? isáng nag-aaral din sa Esta
dos Unidos? Ay bákit utusán lamang ni Doroteo ? bakit gayón
na ang panga gasahol sa pagsunod sa mga utos , sa pagmamala
sakit sa kabaong? pamangkín din kayâ ni Don Ramón ? ...
Sa bibig din ni Doroteo Miranda ay may sukat nang pagká
kilanlán , kahi't kauntî, sa pagkatao ng kanyang kasamang iyón.
Sa isang usisà ni Siano ay náisagót ang ganitó :
-Iya'y isang kaawà-awàng pilipino na naglilingkod sa isáng
Bar sa New-York. Doón ko lamang siyá nákilala . Muntî pa
raw siya nang mápaalís dito at mulâ noón ni anománg balità.
ay di na nagkaroón sa kanyang mga magulang at kapatid na
naiwan. Mabuti pa sa akin iyán at nakarating na halos sa lahát
ng bayan sa Europa , bago nápapunta sa Estados Unidos . Doón
sa New-York, ayon sa sabi niyá sa akin, ay nagkápasampíd
sampíd muna siyá, bago nakakita ng isáng Bar na pinaglíling
kuráng may isáng taón na ngayón . Siyá ang naging katulong
tulong ko sa pagyayaman at pagmamalasakit sa bangkáy, upang
mádalá ngâ rito ; sapagka't ang Bar na kinálalagyan niya ay
malapit sa Hotel na pinagpatayán sa tio Ramón . Nang mála
mang iúuwî ko rito ang bangkay na embalsamado, ay namanhik
na isama ko na siya. Iniwan ng patanán ang pinápasukan ,
BANAAG AT SIKAT 473

pagka't ayaw namáng luwagán doón , dahil sa kabutihang


maglingkód . Tinítingnán niyóng ganyán siyá, na tila úungás
ungás , ay mabuti rin namáng batà, sa di pa nalálaong pagká
kilala ko. Marunong na marunong na ng inglés at ng mga
iláng wikà sa Europa ... Nguni't nang ibuhay sa akin ang
mulâ at dulo ng kanyang mga pinagdaanán , ay nakakátulô nğ
luha at nakaháhabág na totoo ....
Sinásaysay ito ng estudiante, habang ang karro ng patay ay
lumálakad na sa daáng San Fernando, at sinúsundán ng limá
ó anim na karwahe at karumata ng ilang mga kamag-anak
at kaibigan ni Don Ramón na nápagbalitàan at nakáha bol
agád. Sa likod ng mga sasakyáng ito ay sumúsunód ang
mga mangagawà sa El Progreso na kawan-kawan at walâng
ayos sa paglakad . Sa pagsunod sa bangkáy ng dating amo,
at sa pagkatakot sa balà ni Don Filemón, patí niyaóng maga
gandáng dalagang kasama sa lakarán , ay napípilitan tulóy
mangag-alis ng kotso at mangaglilís ng mapupuláng sakong at
mapuputî nilang binti, hangáng máhalík-halikán ng mga walâng
pakundangan nguni't nakapanánaghilìng tilamsík at kimpál nğ
putik. Mayroón din, at hindi filán kundî marami, ang nakapag
larô sa higpit ni Don Filemón . Habang lumálakad ay nagsisi
talilís na isá-isá at dalá -dalawá sa lakarán . Nguni't ang gayón
ay hindî lubhâng napaghahalatâ, at kung may nahalatâ ma'y
hindî na sadyâng pinagpapansín ng mga pinaka-kátiwalà at
maestro sa gáwâan , na siyáng nangamúmunò at tagamasid sa
kanilang paglalakarán.
Kundi lamang silá pinangungunahan ng isang karrong mari
kít at balót ng salamín na hinihila ng dalawang kabayong itím
na malalakí, marahil sínománg makákita sa gayóng dami ng tao
sa gitna ng mga lansangan, ay makapag-áakalàng yao'y isa na
namáng pamamahayag (manifestación) ng isang kahingîan ó
damdamin ng bayan, paris ng karaniwang idináraos at nákikita
sa mga lansangan ng Maynilà. Dapwà't sa pagkakita sa nanğú
nğunang sasakyán , bálana'y nag-áakalàng yao'y isáng tunay
na paglilibíng . Sukat na yaóng mga nakatátalós na galing pa
sa Amérika ang bangkay na sinúsundán ng gayóng karaming
taong mangagawà, ay siyang nanga bábalot ng panglulumó at
pangigilalás , at sa kalooba'y nangakapagluluwál ng isáng "Suma
langit nawâ!" at "Patawarin nawâ siya ng Panginoong Diyós !"
*

Sa bahay itinuloy ang patay, at dî sa líbingan agad gaya ng


karaniwang ugali . Sa bahay nama'y talagang may mga handa
nang kasangkapan , lalagyan at pang-gayák sa kagalang-galang
474 LOPE K. SANTOS

at kámahal-mahalang bangkay ng amáng dáratíng . Bagamán


talagang kabukasan pa ang kanilang asa at paanyaya sa magsisi
salubong, ang lahát na kailanga'y nároroón na . Ang balitàng
Funeraria sa Kiyapò ang siyang nagkapalad na mákayarîán sa
paglalagay ng isang malaking altár-altaran, isáng tumba at
halos lahát na ng kailangang palamuti, upang ang bahay sa loob
at sa labás ay maging mistulà nang simbahan .

Doón ang bangkay ni Don Ramón inabot ng gabi, pinag


lamayan at sinapit pa ng hangáng kábukasan ng hapong tadhanà
sa paglilibing. Doón nátunghán ng lahát ng dalaw ang naka
pangíngilabot na anyô ng pagmumukha ng dating kaibigan at
kasá-kasama nila. Sa pamamagitan ng salamíng takíp , ay náma
malas ng madlâ ang isáng malaking sugat sa kaliwâng pisnğí, wak
wák na may ga dalawang dalì , gawâng dî sásala ng saksák na
paiwa ng isang karaniwang laki ng sundáng. Ganoón din ang
nasa sa liíg na marahil ay nakaputol sa gulúng-gulungán .
Ang na sa may susong kaliwâ ang hindi na lamang nilá mákita ,
sapagka't natatago sa ilalim ng damít. Sa itím ng damit ay
nakikipag-ítiman na halos ang kulay ng bangkay na embalsamado.

Si Meni ay nakaparoón na , nang gabí ring yaón , sapagka't


agád sa kanyang sumapit ang pasabi ng mga kapatid . Sa mğa
gayóng nangyayari, ay hindî ang mga sámâan ng loob ng magka
kaputol ng pusod ang makagígitaw pa at makapipigil sa pagla
lapít ng isa't isá. May isáng banál at dakilang katungkulan na
di nakakayang itakwil ng mga anák na pilipino sa harap ng
bangkay ng isang magulang. Anománg sandata ng mga pagka
kagalít ay isinasalong ng mga anák ; anománg paít ng mga hina
nakitan ay ibinúbubô at niyúyurakan sa lupà, alang-alang sa
mga luhàng dapat iubos ng isang pagkaulila . Yaóng mga mag
kakapatid ó magkakamag-anak na dî nagkikita-kita at di nag
bábatìán , ay diyán mo mámamalas sa pagpapanabáy ng mga
panangis , sa pagkakaisa at pagkakayapós ng mga damdamin at
sa pagpapasunuran ng boông pusò . Ang mga panauhin sa
kanila'y walang makikitang anománg bakás ng mga dating
álitan at pagkakalayo . Sa pagkakaburol ng magulang ay nakiki
lala ang tunay na mga anák at ang tunay na magkakapatid.

Gayón nga ang pinangyarihan ng dating pagkakalayô ng


mga anak ni Don Ramón . At di lamang silá, kundi patí ng
magbibilás at magbabayaw na siná Siano, Yoyong at Delfín ,
sakâ si Felipe, ay parang isáng katawan na lamang sa panganga
siwà sa bahay, sa pagsalubong sa mga walâng lagót na pagdalaw
ng tao, at sa pangangalagà sa dalawang magkapatid na babaying
nangagpapakamatay na halos sa pananambitan .
BANAAG A T SIKAT 475

Makáiláng dinuhapang ni Talia at ni Meni at pinagdu


mapâán ang kabaong, tulóy pinag-aka làang tungkabín ang nála
lapat at di na sukat matinag na takíp ng bangkáy ! Makáilán
siláng halos nakikipag-agawáng siyáng mápala gáy sa loob ng
tinurang kabaon !...
Nakaraán halos ang magdamag na ang lahat ay walang
katulog-tulog . Para -parang naging matatapát na lingkód ng
puyat, na anopa't mahihirang ang hindi nakatiís na dî maglilo sa
lamayán.
Si Felipe at si Delfín ay siyáng mga tanging nagsipasok
ng wala pang tig-kalahating araw , pagkatapos na makauwî muna
sa kani-kanilang bahay. Tanghali na nang mangagbalík sa
patáy.
Si Doroteo Miranda at si Ruperto ang siyá ríng walâng
puknát na pinagkákalipumpunán ng mga dalaw. Pagkákita sa
bangkay, isa't isa'y nag-úusisà sa kanilá ng mga pagkakapang
yari't si Don Ramón ay pinatay ng tampalasang alilàng yaón .
Isa't isa'y nagtátanóng ng kung nápasaán ang tinurang alilà,
kung nahuli at nápatáy na . Dapwa't isá man ay walâng naka
kápag-usisà ng kung bakit nakaisip ng gayón si Tikóng , na isáng
alilàng kaya siyáng nápilì-piling ipagsama ni Don Ramón ay
sapagka't napakabait at nápakamasúnuring gayón na lamang.
Si Felipe lamang, dalá ng kanyang katutubong ugalì, ang
sa pakikipagsarilí ng sálitâan kay Ruperto , na niyayà sa silong
na dati niyáng tahanan, pagkakain ng tanghali ay siyáng
nakápamungkahi ng ganitó:
-Kaibigan, -anyá-sa pagkákita ko sa inyó kagabí pa , kayo'y
hindi panginoón , kundî sa warì ko'y alilà lamang ng estudiante
niyóng kasama , kayâ ako'y sa inyó nagáganyák magusisà. Kayó
pô ang inaakala kong makapagbabalità sa amin ng lalong mali
wanag tungkol sa pagkakapatay sa aking amáng-kumpí!.
-At kayó pô ba'y ináanák sa kumpíl ni Don Ramón ? -ang
pagilalás na náitanóng ng kausap , na ang matá'y ipinakápa kò
pako sa mukhâ ni Felipe .
-Opò, kung may ipag-úutos kayó . Sukat na nivóng mata
lastás ang kalakhán ng aking nais na málaman ang lahat ng mga
paraán sa pagkakapatay sa kanya. Hindi ko pô akalaing si
Tikóng ay makagawa ng gayóng kapangahasan . Siya'y naka
sama kong malaon sa bahay na itó rin . Diyán sa entresuelong
iyán kamí natutulog. Magkaisáng baníg at unan kamí halos
na matagál din namán , niyóng dî pa silá umáalís . Kila láng
kilala ko ang kanyang ugali , gaya ng pagkákilala sa pag-uugali
ni Don Ramón .... Kayó ba, ¿nákilala niyó silá kapwà? ....
-Opò, kilalang-kilalá ko maging si Don Ramón at patí
si Tikóng. Ang Bar pông pinagsisilbihán ko sa New-York,
476 LOPE K. SANTOS

ay kasiping ng Hotel na tinitirhán nilá . Nğunì , kaibigan , sa


pagka't nasabi niyó sa aking kayo'y ináanák sa kumpíl ni Don
Ramón, ¿ hindî pô ba maaring malaman ko ang inyong pangalan ,
bago ko isaysay ang mga pagkakilala sa kanilá? ....
Náramdamán agád ni Felipe, na ang kausap ay tila nag
aálinlangang magsabi ng totoo at ng lahát. Sa gayo'y napaki
lala namán .
---Felipe pô ang aking ngalan -anyá.
---Felipe ! ? ....
Itó lamang ang tanging nasambit ng kausap ng manlilimbag.
Manghâng-manghâ sa pangalang narinig .
-Bakit pô kayó yata'y nágitlá sa aking ngalan ? Kilalá na
ba niyó akóng dati?
Ang kausap ay hindi nakatugón sa dalawáng tanong na itó.
Parang napatdá ang mga matá at dilà. May ibig sabihin ay
tila nangíngimì .
-Bákit pô ? -ang muling tanong ni Felipe-ayaw ba kayong
maniwalà sa akin ?
-Hindî pô sa ayaw maniwalà . Kayo'y may nakikilalang...
mga kakilala ko ... mğa ....
-Saán pô, doón sa Amérika ?-ang pamanghâ rin namáng
usisà ni Felipe.
-Dito pô sa Maynilà, sa Santa ...
At naputol na naman ang salitâ. Naúumíd kung bakit ,
nahihiyâ mandíng kung papaano , nagúgulumihanang hindî
makatinag halos sa pagkakátayô.
Si Felipe'y parang sinuntók sa dibdib ng isang matinding
sikdó . May isáng tugtog ng alaala na biglâng-biglâng sumalakay
sa kanyang panimdím.
-Hindî pô ba't Ruperto ang inyong sinabing pangalan ?—
ang náitanóng.
-Opò .
-Ruperto ! ...... Ruperto rin ang ngalan ng ......
Si Felipe ma'y nápatdahán din halos ng bibig. Ang ka
rugtong ng mga salita ay kinain na lamang at nilunók, na wari'y
ipinangingimì ring sabihin . Mulang ulo hangáng paá ni
Ruperto ay pinagalaan ng kanyáng matá. Anaki'y may mga
wangis na kinikilala at anyông tinútuntón sa kaharáp .
-Felipe kayó ! ? ....
-Ruperto kayó ! ? ....
BANAAG AT SIKAT 477

At halos nápaakma kapwà na magbuká ng mga bisig . Nğu


ni't walang nakapanguna isá man sa dalawá, sa pananaíg pa
ng pag-aalinlangan.
-Kailán pa kayó nápaalís dito sa Pilipinas ? —ang itinanóng
pa ni Felipe-¿matagal na pô ba?
-Oh !.... marahil pô'y may mga pitóng taón na ngayón .
-Pitóng taón ! ...... isáng kastilà ang inyong sinamahan ... ?
-Hindi pô kastilà kundi taga-Argentina , isáng amériko
latino na pinunò sa isáng fragata.
Natigilan si Felipe : tila lalòng nag-álinlangan .
-May ama't iná pa kayó niyón , at mga kapatid ? -ang
patuloy na tanóng.
-Mayroon pô !
-Anó ang ngalan?
-Alejandro at Teresa , ang amá ko't iná ...
Sa mga pangalang ito'y parang sinuklubán ng lagím ang
pagkatao ni Felipe . Nangalisag mandín ang lahát niyáng mga
balahibo, at ilang sandaling hindî nátuto ng sasabihin at dî ná
laman ang gagawin .
Si Ruperto namán , isáng bina tàng mayloób nang dagí sa
la lòng masasakít na damdamin , maydibdib nang bantád sa mga
pukpók ng matitigás na kapalaran , at pusòng dukál at pinamúmu
garan na ng maraming ugaling-kanluran, ay hindi pa rin na ba gbág
na lúbusan ng mga gayong patligan at hímatunan niláng
magkausap, upang magkusà sa pagkilala kay Felipe.
Kung dalawang babayi, marahil, ang nagkátagpô ó
mga lalaki ma'y hindi nagka-matitigás na loób na paris ng
dalawang itó, disin sa mga una pang bugsô at sungaw ng pag
kakátuntungan , ay hindi na mga bibig at matá lamang nilá ang
nagwarìán at nag-usap, kundi karaka- raka nang ang mga dibdib
sa kasabikán at mga luhà sa kagalakan .
-Nákikilala pô ba ninyó silá ?-ang pagkakuwa'y itinanóng
ni Ruperto .
-Kila láng-kilala ko pô ; nguni't kulang-palad na kayó sa
inyóng amá ...!
--At bakit pô?
-Namatay na si mang Andoy ! ...
-Diyatà !?
Hindi na nakaimík muntî man si Ruperto . Sa pagkaká
tayo'y hindî man makatinag, at naging parang na úupós na kandilà.
Si Felipe sa gayon ay nakapag-isip na nápabiglâ namán siya sa
478 LOPE K. SANTOS

pagbabalità sa isang anák ng pagkamatay ng isang amá.


Nguni't anhín pa'y nasabi na . Sinaliwâ niya ang pananalitâ
at ibinaling sa pagtatanong ng naging kabuhayan ni Ruperto sa
boông panahong ikinátiwalág sa tinubuang bayan. Nguni't si
Ruperto ay hindi napadalá sa kanya sa gayong paglibáng.
Ang namatay na amá, at ang iná't mğa kapatid na naiwan sa
pagkaulila ay siyáng pumakò sa gunitâ , na tumaós hangán
sa kaibuturan ng dating matíising pusò. Ang magulang ay
magulang ; ang mga kapatid ay mga kapatid . Ang lagáy
niyá roón sa New-York ay katamtaman na rin namán kun sa
sarili niya lamang pamumuhay. Dátapwâ't ¡ pitóng taong hindî
mákita ang mga magulang at kapatid ! ...... itó ang ikinapag
lungatî na niyáng isama kay Doroteo Miranda sa pag-uwi.
Matagal na matagal na ang kanyang nais na itó, nguni't ang
kawalan ng daán at baong máikagagawa ng gayón sa isang dako ,
at ang pagkáwili namán niyá sa maraming mga kaakit-akit
na bagay na sa tiwalág at palibot-libot na pamumuhay na dinára
nasan sa maraming lupàín sa Europa at sa Amérika , sa isáng dako
pa ; sakâ ang kahigpitán ng mga panginoóng kanyang sinamá
samahan , at ang pagká-ibig namang makapagkitá ng iba't
ibáng lupà at makapag-aral ng lahát na mápag-aaralan, yamang
nároroón na rin lamang,.. ang mga bagay na itó ang sa kanya'y
nakapagpaliwag ng pag-uwi. Sa kanyang mga magulang at kapa
tíd, sapúl ng mápaalís sa Pilipinas , ay walang kabali-balitàng náta
tangáp. Salamat ngâ lamang kay Tikóng, doón sa alilàng natáy
kay Don Ramón , kaya nakaalám-alám ng kaunting mga hiwatig
sa tinurang nangaiwan na halos ipinalalagay na sa walâ. Nguni't
ang pagkakabalità sa kanya'y bahá-bahagyâ lamang. Si Tikóng
na naging kaibigan niyá roón sa New-York, ay walâng nála lamang
nasabi , kundî ang si Don Ramón ay may isáng ináanák sa kumpíl
na nagngangalang Felipe. Na anák-mayama'y nagpapaka
hirap at kung mangatwiran sa pagtatangól sa mga dukha ay
kinapćpootán ng mga mayaman , patí ng tunay na niyáng amá
at ináamá. Na ang Felipeng ito'y may nililigawang isang mahi
rap na dalagang nagngangalang Tentay, anák ng Terê, at may
mga kapatid na lalaking maliliít. Na ang ngalan ng amá, sa
pagkatalós niya'y Andoy, nguni't hindi alam kung patáy na ó
hindi pa . Na si Felipe at si Tentay ay nagkakaibigan na noón ;
nguni't ang amá ni Felipe, palibhasa'y ulo ng yaman sa kaniláng
bayan , kaya siyang ayaw mayag na siya'y mag-asawa . Na si
Felipe'y may isang kaibigang mánunulat na siyá namang naging
asawa ng isang anak na magandá ni Don Ramón . Na kayâ silá
naglayás ng panginoong ito ay sa pagkagalit sa gayong pag
aasawa ni Meni sa isáng mahirap na tao. Anopá't sa mga patlíg
BANAAG A T SIKAT 479

na ito ay napaghulò-hulò ni Ruperto na ang Terê, Andoy at


Tentay na yaóng sinasabing kilala ni Felipeng anák-kumpíl ni Don
Ramón, ay hindî sása lang siyá niyáng amá, iná at kapatid na
dalaga . At mulâ noo'y nagningas nang totoo sa kanyang pusò ,
nagsikíp nang di sapalà sa kanyang dibdib ang maalab na pag
asám na mákita ang mga magulang, ang mga kapatid , ang sari
ling lupà...
Kay-inam na pagkakataon sa ganáng kanyá ang nang
yaring yaón na siya'y kinailangang makatulong sa paghahatid
sa Pilipinas ng bangkay ng isang pilipino rin ! Kay Ruperto
ang pagkakapatay kay Don Ramón ay hindi siyáng bagay na
mahalaga, kundi ang pag-uuwi sa Maynilà ng bangkáy, na masá
samantalang samahan , nang wala pang kagugolgugol . Lubhâ
pa't paris niyóng nálalaman niyá ang mga paraan ng pagkaká
patay ni Tikóng, na kung pagtútuusí'y hindi sala nitó kundî
ni Don Ramón din .
Nguni't hindi itó muna ang sukat mápag-usapan nilang
dala wá sa mga oras na yaón . Bagamán ang unang mga pag
uusisà ni Felipe ay hingíl sa mga dahil ngâng ipinatay ni Tikóng
sa panginoón niya ; dátapwâ't sa pagkakakilalanán nila'y naibá
na ang agos ng kaniláng sálitâan . Kailangan munang makita
ni Ruperto ang kanyang amá't mğa kapatíd . . . .
-Saán nároroón silá? ¿ saán pô nangaka tirá ngayón ang
aking mag-iiná? -ang tanong na parang tunod na nigkás sa
bibig ni Ruperto.
-Nangasa nayon pô ng San Lázaro, dito rin sa Sta . Cruz.
--Masásamahan ba niyó akó?
-Opò ; nguni't papaano? háhanapin kayó rito ng sinamahan
niyong panginoón .
-Panginoón!? hindi ko pô siyá panginoón . Ako'y suyâ
nang totoo sa pamamanginoón ! Sumama lamang akó rito at
nanuyò-nuyo't sumunód-sunod sa kanyáng mga utos, dahil sa
nais kong makauwi . Salamat namán at kayo'y nátagpûán ko
agád! Kung hindi ay isaán ko bagá kayâ háhanapin at dúdu
langin ang tahanan ng aking iná at mga kapatid ! Kagabi pa akó
hindi mapa lagáy rito . Ah, kaibigang Felipe : hindi pa niyó
nátitikmán ang máturang pitóng taong hindi mákita ng isang
anak ang kanyang mga magulang at kapatid!. . .
-Nakakatikim na rin pô akó , bagamán
-Nğunì-ang putol ni Ruperto - hindî kaparis kong napa
layo sa kabilang dulo na halos ng sangsinukob, at isa loob ng
pitóng taón ! Iná ko ! ¡ mga kapatid ko ! ....
32
480 LOPE K. SANTOS

At pinamitinan sa mga bálisbisan ng matá ng gagamungóng


paták ng luhà.
--Sino pô kaya ang sa kanila'y nagmámasakit ngayón ?
ipinagpatuloy.
Si Felipe ay hindî makapagbuká ng bibig sa náriníg na
tanóng. Nag-aalaalang baka mabiglaanan na namán ang
kausap , kung matalós sa nga oras ding yaón na si Tentay ay
may-asawa na , at ang asawang ito ay siyá na ngâ. Si Ruperto
namán, kahi't nakatátalós nang ang Felipeng kausap ay siyáng
sinabi ni Tikóng na nangingibig sa kapatid niyáng dalaga , ay dî
namán makaturól ng salita, dalá ng pag-aalaalang baka mali
ang balità, ó kun totoó man, ay baka wala namang pinang
yáyarihan pa hangá noón ang tinurang pangingibig . Kapwà
silá nátirá sa ganitong paninimbang. Dátapwa't nang totoo
nang di makaatím si Ruperto sa ikapaglúluwát ng lubós niláng
pagkakakilala nang magkausap at ng mapili niyang mithî na
mákita ang iná't mga kapatid, ay nag-usisà na ng ganitó :
-Bakit pô namán kayó nagkakila -kilala nilá ?
Kay gahasang tanong, sa ganáng kay Felipe ! Hindî naka
humá itong ilang sandali. Parang nag-áapuháp sa hangin ng
maisásagót. Sabihin na kaya ang totoó? Bakit pa ipagká
kaila?.. Nguni't nanaíg din ang pagsasakâ-na .
-Mahabà pông sálitâan iván -ang ipinatay na sabi.
Sásamahan ko na roón kayó, at silá na ang magsásaysay sa inyó.
Hindî gaanong mahalaga ang pagkakakilalanán nilá namin , na
paris ng magkikita kayó agad.
-Salamat po!
-Nguni't paano? ¿ngayón na ba ? -ani Felipe.
-Opò, ngayon din . Ah ! mabuti ring ako'y magpaalám
muna kay Doroteo , upang huwag niyáng hanap-hanapin . Máma
yang hapon ang libing at sápalarán nang ako'y makabalík pa
rito , kung makita si nanay at siná Tentay.
Nagkayari silá at noón di'y nagpaalám sa kasamang esti
diante. Alam namán nitó ang kauna-unahang layon ni Ruperto,
kung kaya naglingkód na sa kanya at nakisama . Ang alilà sa
bahay ay saganà at maaaring dî na muna siyá kailanganin habang
dumadalaw sa mga magulang. Nayag si Doroteo.
Nalis ang dalawá na si Delfín ma'y walang kamalay-malay.
XXVIII

62-52525252525252
ཁ་

Kasaysayan

ng Pitong taon
525252525

Lálabíng isáng taón pa'y mápaalís na sa Pilipinas : noóng


1898 ; halos pitong taong mawala : hangáng 1905 ; manirahang
kung ilang taon sa mga sasakyáng dagat ; mamuhayan ng palipat
lipat sa kung alín-alíng lupalop ng Europa , hangáng tumawid
at makarating sa Kuba at Estados Unidos ; dumating sa Pilipinas
na bagong-tao na , gayák-amerikanong-amerikano halos ; sakâ
sumipót at sukat sa harap ni aling Terê, sa harap ng sinundáng
si Tentay na nang maiwa'y hindi pa dalaga , at ng mga kapatid na
bunsông, nang mápaalís siya'y walâ kundî dádalawá : si Luciong
lilimahing taón at si Victor na dadalawahin pa lamang niyón ;
masok sa isang dampâng halos sukûán ng kanyáng taás , at pag
kákita kay aling Terê ay biglâng mápasigaw ng Nanay ko!,
mápayakap at mangagap ng mahahalikáng kamay .... ¡ gaanong
pagkakabiglâ, gaanong paninibago , gaanong pag-ang- áng at
kagulumihanan ng mga dina tnáng kapatid !.
Mğa sandaling katumbás ng sangka panahunan ! Mğa san
daling ni sa habang-buhay man yatà sa langit ay hindi mai
pagpapalit ng isang anák at ng isang magulang ! ....
Dapwa't si aling Terê ay hindî tunay na nágulat , kundî
nápa tugón lamang ng isang hiyáw ring makayaníg kálulwá ,
pag-unat ng ulo at pagtamà ng matá sa padaluhong na bumati
sa kanya ng Nanay ko!
-Rupertong anák koooó ! -ang kayhabà-habàng náipana
ngis ng iná at padaluhong na nagpasalubong kay Ruperto ng
yapós din namán ,
Oh, luksó ng dugô ng iná sa anák at ng anák sa iná ! ....
Luksóng hindi nasúsupil, hindi nasásalungat ng lalòng maha
bàng tanikalâ ng mga taon at araw na nagdaán ,
31-47064
482 LOPE Ꮶ . SANTOS

Nguni't si Tentay ay hindi makahumá ni isang salitâ man ;


ni mata'y halos hindi gumagalaw sa pagkakapakò sa ináng
niyayakap ng boông higpit ng isang lalaking biglâng-biglâ sa
pag-akyát . Nákita niya ang dáluhungán ; náriníg niya ang
mğa sígawang "Nanay ko !" at "Rupertong anák ko !" ... ;
dátapwâ't anaki'y pawàng salagimsím lamang yaón na sumá
sagila sa kanyáng mga matá, taynga at pakiramdám .... "Nanay
ko !" - "Rupertong anák ko !" ... Himalâ, hiwagà, talinghagà,
malikmatà, balintunàng mga salitâ na hangán sa mga ugat ng
kanyáng kálulwá ay nanánaimtím mandín at umálingawngaw.
Nagdídilim ang kanyang mga paningin , naglálagusan ang dala
wáng taynga , ang dibdib ay tumátahíp, ang mga daliri't boông
katawa'y katál na katál, ang kulay ay sukàng-sukà, at ……..
¡maanong naka-isáng salitâ man lamang ! .. Bagamián mğa
batang-bata pa siláng magkapatid nang magkahiwalay, ay
natátandâan nivá ¿ bákit hindi? ang mukha ni Ruperto . Nğu
ni't sumipót si Ruperto sa mga sandaling yaón , pagkatapos ng
may isáng daán na yatàng taóng tagal na di niyá nákikita at
ipinalalagay nang makápupông nilamon ng dagat, kinain na
ng mga ibang lupàng nátuntungán , pinatay na ng kanyá ring
mga panginoón , nagpatiwakál na sa samâ ng loob ó nautás na
sa pagka-gutom, ... mákitang biglang-bigla sa gayong pagka
kálupagian sa pananahî niláng mag-iiná, hindi kayâ anino.
lamang ni Ruperto yaón ? hindi kaya kálulwá lamang? hindi
kaya balitang hulog ng langit , upang mapatotóhanan sa kaniláng
ang kapatid ngâ niyáng yao'y wala na't patay? ..
Nang mamalas ni Felipe ang gayong pagka-natútubigan at
pagka- nawawalan ng diwà ng asawa , ay napasigaw rin ng :
-Tentay! hindi mo ba nákikilala ? .. ¡ iyán ang kapatid
mong si Ruperto !..
-Aaah, si Ruperto ! ¡ si Pentong ngâ ! .. ¡ kapatid ko ! ....
At noon pa lamang pinagsauláng- urilát at sakâ nakiyapós
ng boông higpit sa liig ni Ruperto , na mayhagulhól ng galák
na kasabay ....
Patí si Luciong, nang dumating siná Felipe ay kapag-áakyát
pa lamang ng isang pásanang tubig, kaya't lilís pa hangáng
tuhod ang salawál, basâ ang mangás at laylayan ng isáng takpî
takping barò, ay napasigaw na rin ng " kakâ Pentong ! ¡ kakâ
Pentong !" , sabay ang pakikiyakap din sa bagong- dating_na
kapatid. Si Lucio ay nakakámukhâ na ng kaunti kay Ru
perto ; nguni't yaóng paslít na si Amando, na tumútuntóng
pa lamang sa pitong taong gulang, palibhasa'y hindi nagkapalad
na umabot pa sa tinurang kapatid, kundi kabuntisán pa lamang
BANAAG AT SIKAT 483

sa kanya nang ito'y mápaalís , kaya walâng nagawa kundi ang


mámangha sa nákikitang mga dáluhungán ng yakap, at sa
sarili'y nag-alinlangan kung makiyakap din 6 hindi.
-lyán ang si Lucio !-ang pakilala ng iná, paglapit ng
nakalilís ang salawál at habang niyayakap ni Ruperto.
-At itó pô ? -anyá, pagkálingón kay Amando na walâng
katinag-tinag sa isáng tabí sa pagkakáma áng..
-Ah , hindi ka nákikilala niyán ; -ang sabád ni Tentay
iyán ang kabuntisán ng nanay nang ikaw ay mápaalís : si Amando
siyá.
-Itó bá? .. ¡ oh, Amando ! -At sinugod na biglâng-bigla,
sinakbibi at nilagdâán ng iláng halík sa noó at sa pisngí, habang
si Juléng na bunsô, na kaáawat pa lamang sa suso, ay tigás na
káiihít ng iyák, na nagpápa gulong-gulong sa sahig, at gulát na
gulát sa ligalig ng gayóng mga sálubungán.
-At itó ?-ani Ruperto pa - kanginong anák itó? may
asawa ka na ba , Tentay?
Nagkatinginan ang mag- iná ni Tentay at sakâ kapwà nápa
masid kay Felipe . May-asawa na ba si Tentay ! .. tanong na di
nilá nátutuhang sagutín agid ng "oo , mayroón na ," sapagka't
¿ hindî kaya kahiya-hiyâ sa isang kapatid ang sabihing may
asawa na ay hindi lamang kasál sa simbahan? Nguni't .
nakapag-isip si aling Terê : hindi kailangan kung másabi man :
saka na ipaliliwanag ang paraan at mga nangyari kung kayâ
hindî nákakasál. At saka mabuti kundî nasabi na ang gayón
ni Felipe, ay siyáng unang nakilala itó at nagsama pa sa bahay.
-Oo, may-asawa na -anáng iná.
--Anák mo na ba iyán?
--Hindi ! -ang dali-daling isinagót ni Tentay -Kapatid
natin iyán : iyán ang bunsô sa ating lahát : dádalawáng taón pa .
Biglâ ring nilapitan ni Ruperto , at kinuha ang batà sa pag
uumiyák . At si Juléng , nang makitang kun sinong tao yaóng.
kumákalong sa kanya , ay nagpapalág ng dî ano lamáng, at
la lòng nagsisigaw ng panangis , na anaki'y pinúputlán ng mga
daliri sa pagpipiglás na mabitiwan . Bahagya nang nahagkán
ni Ruperto sa may batok at napilitan na nitóng bitiwan .
-May-asawa ka na palá ! -ang pagkakuwa'y náiharáp na
sabihin sa kapatid na babayi. - Síno ang iyong naging asawa ?
Inginusò muna ni aling Terê si Felipe, na hangá noo'y náti
tigagal sa panonoód sa mag-iiná, bago sinundán ng daliri at ng
salitang "iyán ."
-Ah , itó bá? ¡ kayó palá ! ¡ salamat na walâng hangán !
484 LOPE K SANTOS

Ang dibdib ng magbayaw ay ilang sandaling nagdaóp ng


anaki'y naging isá lamang. At sa ganito'y nabuo na ang kani
láng pagkakakilalanán . Nguni't si Ruperto ay nakaalaala :
nakápuná ng isang kapatid na nawawala.
-At saán nároón pô si Victor? ¿ hindî ba't isa siya sa aking
mga naiwan dito, na may dalawa nang taón?
-Aah .... walâ , kinuha ng ali mong nasa Tundó at pina
pag-aaral .
Ano pa ang natitirá sa kaniláng ála la hanín ?
Wari bagang ang mga kalooban nila'y para-parang nagtiyáp
upáng huwág bumangít sa mga unang sálubungán , tánungan
at hanapang yaón, ng isang pangalang kámahal-mahalan at
pinagkákautangan ng kanilang buhay. Tila baga ang dilà ng
isa't isa ay nagkáka pabató sa pagbigkás ng gayóng ngalan at
ang alaala nila'y lumálamlám at ang guni-guni'y nagkukulabà
sa paghagip sa larawan , sa buhay at kamáhalan ng isang taong
yaong wala na at di na nilá mákakasalamuhà kailán pa man .
Dapwa't si aling Terê ang unang nagbiyák ng dibdib, ang unang
nagsiwalat ng alaala , ang unang nagsulwák ng umaapaw na
kapáitan sa kanyang kalulwá .
-Mğa anák ko ! oh, Ruperto ! -anyá -hindi mo na inabot
ang iyong amá ! ....
Ang boông bahay ay nagsikíp halos sa nagkásabay-sabay
na mga panaghóy ng mag-iiná . Si Rupertong, kun sa kapang
yarihan ng luhà at hinà ng loob ay totoong matagál nang naki
kipagtániman, at maluwát nang dî nakikiula yaw, sa mga sandaling
yao'y naging parang musmós na musmós , na nápahimutók din
at halos nápalugmók sa pangangatál ng katawang nakatayô
at pinakalipós ng kalunusan .
Si Felipe man namán ; dátapwâ't itó ang unang nakapag
kuròng siya'y isang lalaki, at hindi na nárarapat na sa gayong
mga kalagayan ay magpakaba bayi pa rin .
-Huwag na ninóng pag-usapan iyán-anyá sa biyanán
at asawa at napag-usapan na naming lahát ni Ruperto ang
mga naging sakít hangáng pagkamatay ng tatay.
At sa pinayo-payo , sa inalíw-alíw at sa sinaway-saway, ay
nahirapan din siyá bago napatahimik at napapa glubay ang
gayóng kalunos-lunos at kapighá-pighating pag-uusapan ng
mag-iiná.
Nangapiping malaong sandali ang lahát . Sa isa't isa'y
walang nagsipangusap kundi ang mga tibók ng pusò at ang
mga tagistís ng luhàng kásaklap-saklapan . At sa gayón ay
BANAAG A T SIKAT 485

hinilang unti-unti ni Felipe ang sálitâan sa dakong hindi na


batis ng mapapanglaw na alaala .
-Hindi na ba tayo bábalík ngayong hapon sa paglilibíng ? —
ang itinanóng ni Felipe sa bayaw na bagong kilala.
-Kayó pô : kung ano ang inyong akalàng mabuti.
-Hindî't dahil sa kayong mag-iiná'y bagong-kita , ay mala
yong kayo'y ibigin pa niláng malís dito agád."
-Saán ka pa pápa roón ? -ang nagkásabáy na usisà ng mag
iná ni Tentay -makikipaglibing ka pa ba ? ¡ huwag na ngâ !
-Maaaring huwág na , -ang tugón ni Ruperto -dátapwâ't
ang mga damít ko'y nároroón : patí ng mga ibá kong dalá -da lahan .
At sakâ, nang huwag namáng máwikà ng aking kasama na pag
karating ko ritong pagkarating, ay iniwan na siyá agád .
-Siyá ngâ namán . Ako'y hindi maaaring di bumalik at
sumama sa libing. Kung ibig mo , Pentong, ay pumaroón na
ngâ tayo ulî. Ibig kong máipakilala kitá sa isang mahal kong
kaibigan . Dapwà't maaga pa namán : katútugtóg pa ng á las dos.
A las cuatro ang lakad ng patay, at maypanahón pa tayong
makapag-usap-usap dito ng mga nangyari sa iyo sa ibang bayan .
-Siyá ngâ, siyá ngâ ! -ang payuhan ng mag-iiná , na kinába
basahang pawà sa mukha ng isang kapanglawang na pápaltáng
unti-unti ng isang malaking pananabík na matalastás at máriníg
ang mga pinagdaanang buhay ni Ruperto .

Isinaysay ni Ruperto ang kámulâ-mulâán ng kanyáng


mğa sinapit.
Ang kastilang yaóng pinagsanlâán sa kanyá ng amá sa
sálitâang gagawing utusán ó batàang munti at papag-áa rali't
túturuan ng pagbasa at pagsulat, ay nag-íisáng katawan . Ang
katungkula'y kapitán sa isáng bapór na nagyáyao't dito sa iláng
lalawiga't pulô ng Pilipinas. Si Ruperto ay kinákasá-kasama niyá
sa mga paglalayág , at palibhasa'y batang-batà pa , kayâ ang
mga ipinakatungkulan sa kanya ng kapitáng nasabi ay yaóng mga
magagaán lamang na gagawin . Nakasangtaón sa mabuting pagli
lingkód , kaya't námahál namán siyá, batà man. Tatlompûng
piso ang salapîng limpák na kinuha ng kanyang amá : dalawang
piso sangbuwan ang upa : kayâ kung áawasín ang isang taon ay
wala nang natitirá sana kundî anim na piso na lamang. Sa loob
ng taóng yaón , pag ang bapór nilá'y náhihintô sa Maynilà ng
linguhan, si Ruperto ay nadadalaw 6 nakadádalaw sa mga
magulang. Palibhasa'y nakikitàan namán siyá ni mang Andoy
486 LOPE Ꮶ . SANTOS

ng kaunting pagkátuto , kayâ hindî muna náisipang ang áanim


nang pisong yaón ay ipag-impók pa upang matubós ang anak
ng lubusan. Marunong nang bumasá-basá at ng ilang sí, señor;
no, señor; mande usté, señor.
Ang kastilang yaón , sa pagkakasalapî na yata ng marami,
ay nag-akalàng muwî na sa Méhiko , sapagka't siya'y mehikano .
Nagkátaóng noo'y nápupundó sa loók ng Maynilà ang frayata
arhentinang "Presidente Sarmiento . " At ang pinaka-oficial ó
punong-daóng ng "fragata " ay kaibigan niya. Nagkádalawán pa
silá sa gitna ng dagat, at doo'y kasá-kasama ng mehikanong
kastilà si Ruperto. Di sásalang napag-usapan siyá : marahil
ay nasabi sa punong-daóng ang mabubuti niyang paglilingkód .
Ang punong-da óng, sa pagkákita sa bikas at liksí ng bata, ay
nagkaibig na ibigay na sa kanya ng kapitán . At aywán kun
sa anóng pinagkásundûán ng dalawang pinunò , si Ruperto ay
naiwan na't sukat sa "fragata ", at nang makámalay sa pagkáiwan
sa kanyá roón , ay walâ na ang dating panginoón , sakâ ang sasak
yán ay handâng-handâ na sa paglabás sa mga kalautan . Nalís
ngâ sa Maynila ang sasakyán isang araw ng Nobyembre nang 1898.
Maraming mga kawal-dagat (marino) ang lulan na halò -halò
at may iba-ibang lahì. Marami ring mğa kanyón at iba pang
kasangkapan sa pagbabaka .
Pagkalabás nilá sa Maribeles , si Rupertong halos magpa
kamatay sa pag-iyák, at kundi napagpipigilana'y ibig-ibig nang
magtalón sa tubig, ay siyang nakatwâáng tuksuhín ng ibáng
kasama . Nguni't sa awà sa kanya ng lahát, ay hindi lamang
ang bagong panginoon ang lumibáng -libáng at nagpawili sa kanyá,
kundi patí na ng mga iba pang kasakáy, karamiha'y marurunong
ng kastilà na kaú-kauntî na niyáng náwawatasan. Pinangakuan
siyáng túturùang mabuti ng pagka -magdaragát, hangáng maging
isáng mataas na pinunò ng hukbóng-dagat, gaya ng ilang
nákikita niya sa mga kasama sa sasakyán . Sa bawa't dáungang
pasukan at himpilán ay sinasabi sa kanyá at ipinakikilala ng
bagong panginoón ang ngalan . Ang mga pangalang ito, ang
tagál ng mga araw na itinigil, sampû ng kanilang mga pag-ahon
at pinag-gagawâ sa bawà't dáungan , ay pawàng natátandâan
ni Ruperto.
Sa Singapúr unang huminto ang "fragata " ; pitóng araw
silá roón na dî umáahon. Galing doo'y napatungo sa Kolombo .
Nagsibabâ silá rito at naka tatlong araw. Ang mga taga Kolombo'y
hubáid at nakatapî lamang : babayi't lalaki'y may mga hikaw
sa ilóng. Ang sinasambá niláng diyos ay si Budha . Sásagid
pa sana sa Bumbáy, nguni't hindi naarì, pagka't dito'y may
kólera . Nangagtuloy sa Aden , dapwà't walâ isá mang nakaahon.
BANA AG A T SIKAT 487

Tina lahak nila ang Golfo Arábigo , sa tinatawag na Mar Rojo .


Sa laot nito'y humanap silá ng mapagpupuntablángkuháng lugál ,
upang masanay ang mga kawal sa panunudlâ ng mga kanyón.
Sa mga lugál na ito'y mainit na totoó kapág mga buwán ng
Hunyo at Hulyo , nguni't nápakalamíg namán kung mga buwán
ng Disyembre. Makaapat na oras na pagsasanay, ay nagsilipat
na sa siyudad ng Moka (Arabya ) , lupàíng sakop ng kapangya
rihan ng Túrkiya . Sa tinurang siyudad ay walang nakaráraáng
anománg barkó. Nagdaán silá at tumigil sa Canal de Suez .
Dito'y pinapaghubo't hubád pa ang lahát na marino ng mga
inspector ng Sanidad , dahil sa "cuarentenas". Sa pagtalahak
sa Mar Rojo , ay nakáta tanáw na sa mga pampangin ng
malalawak na ilang na pawàng buhangin ang lupà at tahanan
ng mga hayop na kamelyo. Ika -walóng oras ng umaga nang
sila'y dumating doón at kabukasan pa ng tanghali nakaalís ,
dahil nga sa "cuarentenas". Ang Suez at Port- Said ay mag
kaibayó : sa pag-itan ay may isáng Dagatan at dito silá nag
hulog muna ng sinepete (ancla ) , bago kábukasa'y nagtawid
na sa Port- Said at dito'y nagsilíd silá ng uling.
Mulâ roo'y napa sa Alehandrivá , sakóp din ng Túrkiya ; at
dito'y nagbabaan ang kanyang mga kasama : nakalimang araw sa
pagkakátigil, hangáng magpatuloy na namán ng paglalayag at
humantong sa Pireus , isáng dáungan ng Gresyang malapit sa
siyudad ng Atenas . Dito'y nápasama na namán si Ruperto sa
pag-ahon ng kanyang bagong panginoón : tumatlong araw silá
sa katihan at dito ang kauna-unahan niyáng pagkátikím na suma
káy sa daáng-bakal (ferro- carril) ; anopa't nakita niya ang
mga gaygayin at kalooba't labás ng matatandâng bayang yaón.
Sapúl sa Pireus hangáng Atenas , ang bayad sa daáng-bakal ay
dalawang dracon lamang : na kahalaga ng dalawá ring pisetang
pilipino . Doón sa Atenas ay napanood niyá't kinámanghâán
ang malalaki at mayayamang Tanyagan (Museos ) ng mga sari
saring gawâ at larawan ng matatandang panahón.
Pagkasakay na namán nilá sa "Presidente Sarmiento", ay
napatungo sa dáungan ng Pola , Austriya- Ungriya ; dito'y di na
nakuhang magsilunsád pa . Nagpatuloy sa Benesya , isáng
dáungan ng Italya . Sa laot ay nagsisalubong sa kanilá ang
mga maykapangyarihang italyano . Makadalawang araw ay
pinarunán pa sa laot ang kanilang sasakyan ng marami at maga
gandáng mga babayi , at sa loob din ng barkó ay nagkaroon ng
isáng maringal at kaligá-ligayang sayawan. Sa loob ng siyudad
doon ay makikipot na lahát ang mga lansangan : walâng naka
pápasok na mga sasakyán , at pawàng lakád ang mga tao . Doón
si Ruperto kauna-unahang nakapasok at nakapanood ng dúlàang
italyano, sa "Teatro Malibrani.”
488 LOPE Ꮶ . SANTOS

Galing doo'y nagsilipat sa ka sunód na isá pang dáungang


hukbo ng Italya : ang dáungan ng Magdalena na hindî natítirhán
kundi ng mga militar lamang. Nakailang araw silá rito , bago
nangagtumpá sa Nápoles , Italya rin . Dito'y nagsiahon na namán ,
at si Ruperto'y nápasama-sama sa halos lahat ng mga lilibutín sa
loob ng bayan . Limáng araw siláng naglimayón , at sakâ nag
patuloy ang sasakyán sa Espesya , isá pang dáungan ng hukbóng
dagat ng Italya . Dito'y nangailangang ipalinis ang malumot
nang ilalim ng " Presidente Sarmiento ", at ipinasok sa pálinisán
doón (dique) , na nagluwát ng may labíng dalawang araw . Anopá't
sa kati ay natagalán din naman silá , at doón , sa kay Ruperto ang
lahat ay halos dî na ipagtátanóng, gayón man ang kabataan pa
niyá. Doo'y napakuha siyá ng larawan at itó ang kauna -unahang
pagkakápa larawan ni Ruperto sa tanáng buhay.
Sa pagsasabing itó ng tungkol sa larawan , ay nagkápanabáy
halos ang mag-iining nakikinig ng boông kataimtiman ng loob
at pang-gigilalás sa sari-saring ngalan ng mga bayang mala layò
na kanyang narating , ng kung bakit hindi man silá pinadalhán
ng kahi't isang sipì ng larawang yaón . Nguni't ani Ruperto'y
nagpadala ngâ siyá at maysulat pa mulâ roón sa Espesya , na ang
kanyang panginoón pa ang nagpahulog sa Correo.
-Sa makatwid palá'y hindi ninyó náta tangáp? -ang mapi
líng tanong .
---Hindi-ang panabáy na sa gót ni aling Terê at ni Tentay.
-Saán kaya náparoón ? ... Nguni't anhín pa iyón : ipag
pápatuloy ko ang mga iba pang lugál at kabuhayang aking
sinapit .
-Hala , ituloy mo ; hale, ituloy mo !--anilá.
-Pagkalinis ng aming "barco escuela ", ay bumunsód na
kamí roón sa Espesya at nagpatuloy sa mga dagat at lupàíng
pransés . Sa Toulón , isang malaking dáungan ng hukbóng-dagat
ng Pransiya , kami nagpatuloy. Malapit na yaón sa bantóg at
bayaning bayan ng Revolución francesa, na Marsella ; itó ang
pinaghangian ng mga pransés ng marikít niláng "marcha nacional",
na Marsellesa . Nagtigil kamí sa kalawakan ng Golfo de León
pag-itan ng Pransiya at Espanya . Nang kami'y papaalís na
roó't tútungo sa Barselona, ay siyáng pag-abot sa amin ng isang
pagkálakás-lakás na bagyó. Akala ko'y katapusán na namin.
Ang mga alon at daluyong ay malakí pa sa mga simbahan natin
dito at bundók . Halos kalá-kalahating oras kun ang sasakyán
nami'y lamunin at pagdaán-daanán sa ibabaw ng umíilanláng
na mga bundók ng tubig. Ang pinaka -palo naming mahabà,
ay kulang na lamang pantayán ng alon. Ang barkó, gayóng
BANAAG AT SIKAT 489

kung ilán-ilán ang hulog na sinipete, ay minsang mapapadpád


sa bayó ng hangin at tubig, at halos bumaligtád na at tumaób.
Ang ilang mga kasangkapan sa itaás , at sakâ ang iláng mğa
kagamitan namin sa loób, ay nasirà at natangáy ng mga walâng
pag-itang alon. Inibig ng aming kapitán ang patabí at humabol
ng kublihan sa may mga pampangin ng loók, dátapwa't hindî
na maarì, sapagka't sa munting pag-aangát ng kahì't fisáng
sinipete, ay gumígiwang na ang bapór namin at lalòng bumú
buwáy. Patí ng mga datihan at sanáy na sanáy nang maglayág
na mga kasama namin, ay tigás na hiluhan at súkahan . Lahát
kami'y asang-asa na sa kamatayan .
-Hesús na Poón ko ! --ang hindî na napigil ibuntóng hiningá
ni aling Terê—¿ at ikáw, anák ko , saán ka nároón niyón ? anó
ang ginagawa mo?
-Hindî pô akó humíhiwalay sa aking panginoón , na puma
da óng-pumaduyo at patawíd-tawid sa magkábilâng panig ng
bapór .
-Mag-inang mahal na Birhen ! ¿ at nakasunod-sunód ka pa
niyón?
-Hindi ka ba nahihilo ?-ang tanong naman ni Tentay
na kinikilabutan.
-Kung akó, hindi akó mahihilo- ang sabád ni Lucio
marahil pa'y panónoorin ko ang mga ibáng ba pór kung binabayó
ng mga alon.
-Hindî ngâ akó nahíhilo niyón -ang tugón ni Ruperto .
-Nakú, ang mga batang itó !-ani aling Terê na wari'y
nawawalan ng bituka .
-Ang sabi ng aking panginoón , pag ako'y nagdamdám ng
hilo , ay iháhagis na lamang niyá sa dagat .
-Hesús ! walâng kálulwá ! -ang tili halos ni Tentay.
-How! sabi lamang iyón at tinátakot siyá !-ang payo ni
Felipe .
-Pag gayon ang bagyó , pag gayon ang dilím ng langit ,
ang lakás ng hangin at ulap ng karagatan , ang mga sasakyán
ay hindi mangagkitang-kitain -ipinagpatuloy ni Ruperto.
Kaya wala kang mapapanoód, Lucio. Wala kayóng máririníg
na maminsan-minsan, kundi mga kala gím-lagím na putók ng
kanyón kun saán -saáng dakong malalavò ng dagat . Yaoy
mga sasakyan ding hindi nakaiwas sa bagyó, at humihingi ng
abuloy sa kapwà barkóng naglalayág ó nagpapágibík sa mğa
dáungan at sa kati. Kamí namá'y hindi makaabuloy sa iláng
náriníg na nagpaputók ; sapagka't kamí ma'y nakikipagbaka
490 LOPE K. SANTOS

rin sa panganib. Palibhasà ang aming sasakyán ay isáng "fra


gata", at saka ang mga taong lulan ay pawang kawal-dagat na
mğa hiratí na at matatapang, kayâ hindî kamí nasupil ng bagyó
at ng takot . May ilán ang mga sasakyáng-kalakal na inabuluyan
sa laot at inakay hangáng tabí sa mga sadyâng kublihan , nğ
malalaking sasakyáng pransés na gumibík.
--Kaybubuting tao palá ng mga pransés ! -ang náwikà ni
aling Terê.
-Abá !-ang sahod na namán ni Lucio - talagá pông gayón ,
nanay, ang ugali saán mang bayan , kapág kayo'y naglalayag at
ináabot ng bagyó sa dagat.
-Anó ang malay mo ? -anáng iná -tila ka nakapaglayag na.
--Iyón pô ang naririnig kong pinag-uusapan ng mga marino ,
sa pantalán ng Eskolta at sa muelle n g San Fernando, niyong
ako'y nagpapaupá sa pagbubuhát ng mga balutan at kasangka
pan ng mga pasajero .
---Gayón ngâ pô, nanay ang ayon namán ni Ruperto .
-O, e ngayón :-ang mapiling tambád ni Tentay -¿ dumóon
na ba lamang kayó sa Pransiya?
-Hindi namán : nagparaán na kami ng sama ng panahon.
Maalaala ko palá : isá sa mga tripulante namin ang sa bagyóng
yao'y namatay . Umakyát sa palo upang maghigpit ng isang tali
sa itaas , nguni't sa kasamang palad, ay siyáng pagbayó sa amin
ng isang pagkálakí-lakíng daluyong na nakadalá sa kanya at dî
na namin nakitáng lumitáw.
-Kahabág-ha bág na tao !
-Kábukasan ay mabuti na ang dagat ; nagtuloy na kamí
sa Barselona , dáungan at lalawigang pinaka-magandá at masiglá
sa boông Espanya . Iyán ang bayang sa lahát doo'y maraming
pága wâan, malakás sa mga pangangalakal , at pugad ng mğa
anarkista. Ang mga taga Barselona, lalòng-lalo na ang mga
katalán , ay matatapang na mahigit sa mga taga ibang lalawigan
ng Espanya : kung baga sa mga insík, ay silá ang pinaka-makáw.
-Bákit mo nálamang maanarkista roón? -ang tanong ni
Felipe .
-Paano'y bumaba kamí sa Barselona at naka-isáng lingó
roóng mahigít. Ang aking panginoón , na nápakatakaw sa
babayi , palibhasa'y marami roóng paris din sa Italya at sa ilán
pang dáungang aming náraanán , ay walâng araw, walâng gabing
dî pagalà-galà sa boông siyudad . Ako'y kasama -sama ; nguni't
nálalaman ko , pag siya'y may ibig nang pumaník sa bahay ng
mğa kalapati: ako'y pinahihintulutan nang maglibót kun saán
BANAAG Ꭺ Ꭲ SIKAT 491

sa án, at pinasásama sa ilang mga taong-bapór, at sa kálilibot ay


madalás kaming makapanood ng mga welgahan ng mangagawà sa
malalakíng fábrica . Minsan akóng nakapanood sa isáng gáwâang
malaki ng aywán kung anó , na pinagbabátuhanan ng may iláng
libo kataong nakabábakod at nagwawalat ng mga pintô . Sa
ibáng poók nama'y may nangagháhagarán , umano'y naka wán
iyón ng mga tinapay sa isang malaking tinapayán . Ang mga
"guardia municipal" ay walâng málamang harapin sa gayong
ligalig kabi- kábilâ. Mápamaya-maya'y dumating ang abuloy
na mğa "guardia civil" , upang lansagín at ipagtabuyan ang
katakot-takot na mga taong yaóng parang langám, na habang
sinásaway at pinagpáparingán ng mga putók ay lalong dumárami
at naglalabasan sa daán . Nang hindi totoong mangaa pulà, at
patí mga alagad ng kaayusan ng bayan ay nilálabanan na , ang
mğa "guardia civil" ay namaríl na ngâ ng totohanan, at may
nápatay na limá katao at maraming nangasugatan . Ilán sa
aking mga kasama , ang ibig-ibig nang makihalò sa guló , nang
mákita ang gayong pamamatay ng mga "guardia " : silá palá'y
mga kaanib sa tinatawag na "La Internacional" , samahán ng
mga mangagawà sa Sangsinukob. Palibhasa'y hindi ko nála
laman niyón kung ano ang tinatawag na mga Unión Obrera, La
Internacional, Socialismo, Anarkismo, kayâ sálitâan sila nang
sálitâan sa mga bagay na ito , ay walâ akóng ginagawâ kundî
ang tumangá-tangá at makinig lamang. May dalawáng "guar
diang" inumog ng mga nagsisiaklás : kaya ang guló ay lalòng
lumalâ. Walang anó-anó'y may dumating pang mga kawal na
kábayuhán at itó ang lumanság at nakapagtabóy sa mga taong
yaong parang hinúhukumán na kung magsigawan . Nangag
tulóy silá sa isáng malaking liwasan ng bayan, at doo'y nangag
kátipon-tipon ang mga mangagawà. May nagsiakyát sa iláng
mataas na lugál, at mulâ roo'y nangagtalumpatì sa karamihan .
Aywán ko kung ano ang mga pinagsasa bí nilá ; dátapwâ't walâng
bigông kilos at walâng bigông salitâ halos , na hindî tinútugunán
ng hiyawan ng nangasa ibaba. Bawa't makatapos magsalitâ,
ay ibinababâ sa tuntungan at sinásaló halos ng pasán at yakap
ng mga taong hindi magkáma yawán sa sigáw .... Ako'y ginutom
ng panonoód, at hindî na namin naantay ang wakás , bakit oras
na ng pasa-lista sa bapór.
Si Felipeng nakikinig ng boông kataimtimán ng loob sa
mga sinasabi ng bayaw, ay nakapagwikà ng :
-Kaylayd-layò ng mga aklasan doón sa mga aklasan dito!
Kailan kayâ matututo ang mga mangagawàng pilipino ng gayóng
pagmamatigás !....
492 LOPE K. SANTOS

--Hú !-ang paklí ni aling Terê-mabuti na ngâ ang hindî


silá mangátuto ; kung gayón namang pagbábabarilín pa silá eh ..... !
-Eh anó pô kung pagbabarilín ?-ang giít ni Felipe --Ma
mámatáy rin lamang kayó sa gutom at patí ng inyong asawa't
mğa anák, magpakamatay na kayó sa pagpatay naman !
-Ah, gayón ngâ ang pagkákita ko sa lahát ng mga lupàng
aking naabót !-ang payo ni Ruperto .
-Siyá, siyá : siyá na iyán ! -ang sansalà ng iná-¿ anó pa
ang nangyari sa iyó, Pentong, pagkagaling ninyo sa Barselona ?
-Máipagpatuloy ko ngâ ang salitâ, pagka-sanglingó naming
mahigít, ay nag-utos na ang aking kapitán ng paglakad. Kun
dangan lamang ay ibig ko na sanang magpaiwán doón sa Barse
lona , sapagka't ako'y niyáyayà nang magtanan ng isáng kastilà
at isáng tagalog na kasama ko sa bapór. Galing doo'y tumawid
kamí sa Arhel , isáng dáungang sakóp ng mga pransés sa lupàng
Aprika ; nguni't hindi na akó nakiahon . Tumawid na na
mán kamí sa Kartahena , isáng dáungan din ng hukbóng-dagat
ng mga kastilà . Anopá't nagaygáy naming lahát halos ang mğa
dáungan , baybayin at laot ng dagat Mediterráneo . Nagtuloy
na kamí sa kipot (estrecho) ng Hibraltar. Dito , pag-ahon ng
isá naming kasamang kastilà at niyóng tagalog na nagyáyayâ
sa akin sa Barselona , ay hindî na nagsibalík sa bapór, at tinotoó
na ngâ nila ang pagtatanan . Gaano ang pagsisisi ko't dî pa na
kásama sa kanilá !
-Sásama ka'y hindi mo nálalaman kung saán silá magsí
sipuntá? -ani Tentay -Pukông buti sa bapór at kasama -sama
ka ng panginoón mong nagmamalasakit sa iyó.
-Paano'y inip na akóng totoó sa kabuhayan sa bapór at
sa dagat . Nang dî ngâ nagsisibalík ang dalawang yaón sa oras
na tadhana ng aming pag-alís , ay tútungo na sana kamí sa New
York ; dátapwa't sa lakás ng hangin , ay nagbago kamíng lakad
at doón na nagtuloy sa pulô ng Madera , lupàng sakóp ng mğa
portugés. Mulâ roón, sa pagsunód namin sa tumpá ng hangin ,
ay nagpatuloy kamí sa Katimugan ng Amérika . Itó ang matagál
sa lahat ng paglalayag naming walang tanaw ni tuntong ng lupà.
Dalawampu't limáng araw na singkád bago kamí nakádaóng sa
pulô ng Barbados , saklaw ng mga kapulûán ng Antillas , na isáng
lupàíng sakop ng mga inglés . Ang mga taga-roo'y pulós na mai
itím ; at ang lugál na yao'y malapit na sa bundók at katakot
takot na bulkáng Martinika . Galing doo'y napatungo ang sasak
yán namin sa La Guana , isáng dáungan ng Beneswela . Nag
siahon kamí rito at nagsidayong sakay sa daáng-bakal , hangán
sa Karakas , pangulong lalawigan ó siyudad ng tinurang kaharián
BANAAG AT SIKAT 493

ng Beneswela . Paglusong na namin ay tuloy na sa Santiago de


Kuba . Hindi na kamí umahon dito . Tulóy sa Habana , pangulong
lalawigan ng mga kubano. Nagsibabâ kamí rito . Siyá kong
pagkakita sa siyudad na yaón ng ilang kapwà tagalog. Marami
paláng mga pilipino roón sa Kuba , mga alilà ang ibá ng ilang
mángangalakal na kastilà, mga kawaní ang ibá sa ilang bahay
kalakal at mayroón namáng mga nagsisigawâ sa lupà at
nagsisipasok sa mga pagawaan ng tabako . Náwili na ako at
nahikayat sa pagpapáiwán doón ; kaya't nang magsisilusong na
namán kamí sa dagat, ay nagtanan na ako at napatagò sa isáng
pilipinong alilà ng isang mayamang kastilà roón . Hindi na ngâ
akó nápasama sa "Presidente Sarmiento", na aywán ko kun saán
pang lupalop at karagatan patútungo . Diwà ang mga taong
nagsisisakáy roón, ay talagang sa tubig na lamang nagpápará
ng buhay. At itó ngâ, marahil, ang nangyari sa kanilá . Hindî
pa nakakadalawang araw na tumútulak doón sa Kuba ang
tinurang bapór, ay siyáng pagdatál na namán ng isang lalong
malakás na bagyó . Nábalita naming sa bagyóng yaón ay
marami ang mga sasakyang inabot at lumubog sa laot, at
kaypalà, inaasahan kong nangyari, na ang "Presidente Sar
miento" ay isá sa mga nápahamak na iyón .
-Panginoón kong mahál na Birhen , salamat pô't iniligtás
mo ang aking anák !-ang náidalangin sa langit ni aling Teresa .
-Talagang ipinag-áadyá ka pa ng kapalaran -ani Tentay
namán.
-Doón na ako nagtumirá sa Kuba ; ginawa namán akóng
anak-anakan ó parang kapatid ng pilipinong yaón na nag-ampón
sa akin , at ipinamanhík sa kanyang panginoóng padoonín na akó
at arìin ding isá pang utusán sa bahay. Ako'y nakadalawáng
taón sa kastilàng yaón . Dátapwâ't palibhasa'y mápasahod akó
dili , kung katapusan ng buwán , sapagka't yaóng kasama kong
matanda-tandâ na ang nakaáalám sa akin , kayâ ako'y nayamót
na namán doón at nakisama-sama sa ilang mga kababayang
nagsisipasok sa gawaan ng tabako . Nápapasok namán akó, at
nakákitang dî nalaon ng kaigihan na sa aking mga pagkain at
pananamít . Nang mabutí-butí na sana ang lagay ko , sapagka't
magdádalawáng taón na ring nakakagawa, ay siyáng pagka
karoon ng isang malaking aklasan , na kaming mga pilipino'y
hindi naaring di nakisama sa mga kubano. Dátapwa't tinalo
sa mátigasan ang nagsiaklás : napilitan kaming magsisukò sa
mğa namúmuhunan, sapagka't doón ma'y mahinà rin ang pagsa
sapi-sapi at pagtutulungan ng mga mangagawà. Dahil sa
pagkatalo namin , ang may pagawaan ay naghigantí. Dikonó ,
pagka't humihinà ang mga gawâ, ay magbabawas na muna ng
494 LOPE K. SANTOS

iláng mga mangagawà. At nagbawas ngâ, pagka -sanglingóng


magbalikan ang nagsiaklás , na ang nangápilì -pilì pa nama'y yaóng
mga nagpasimunò sa aklasan , at sa aming mga pilipino'y halos
walang kalahatì ang itinirá, dahil na dî sásala sa pagkakásama
rin namin sa welga . Ang nangátirá lamang ay yaóng mga pina
kamabuti at matatagál na sa gáwâan . Nang walâ na namán
akóng mapagkákitàan ay nasok akóng alagad sa isáng kubanong
mángungumpuni ng relós. Nátuto akó sa loob ng apat na
buwan ng pagkumpuní ng mga relós , gayon din ng mga bisikleta .
Dátapwa't namatay naman ang nasabing kubano , at nasarhán
ang kanyang pákumpunihan , na hindî ibinigay sa akin , kundî
sa isang kamag-anak niyáng magrerelós din . Hindi ko itó
mákasundô, at kung anong pagkakátaón nama'y may ilang
mğa kubanong kakilala ko na , na magsisipatungo raw sa Estados
Unidos , at sapagka't ako'y may balità nang magaán doó't malakás
ang paghahanap-buhay, ang ginawa ko'y nakisama na sa kanilá,
at sivá ko ngâng pagkátuntóng sa mga lupà ng Norte-Amérika .
Sa New-York, muna kamí duma óng. Nguni yaóng kasama kong
dalawang kubano , na sugò ng isang bahay-págawâan sa Kuba ,
ay patutungo sa San Francisco de Kaliporniya . Ako'y nakisunód
na sa kanila. Sa Kaliporniya ay agad-agad namang may napag
pasukan sa akin ang mga marangal na kubanong yaón , na isáng
tindahan ng serbesa , sa sahod na labinglimáng dollars sangbuwan .
Ang tuwa ko ! .. Nagkápalipat-lipat pa ako sa iláng Serbesahán
doón , at isá sa aking nálipatan ay sucursal palá namán ng
isáng Bar sa New-York. Ako'y ipinag-regalo rito , at naging
dalawampung dollars na ang pasahod sa akin . Doón sa New
York ko na ngâ nákilala iyáng siná Don Ramón at si Tikóng.
-At papaano mo nákilala silá? -ang matakaw na usisà
ni Felipe.
-Anó't di ko mákikilala , ay nanánahanan ngâ silá sa isang
Hotel na kanugnóg din halos ng aming Bar. Si Don Ramón
ay halos gabi-gabí at mayâ't mayâ'y nagdáraán sa amin . Nápa
kalikót siyá sa babayi. Ibá-ibáng amerikana ang madalás kong
mákitang kasama niyá sa karwahe, kung aking abután ng mga
baso ng serbesa , wiski ó ibá pang alak. Malakás uminóm, at di
míminsang kung malasíng ay pinagtútuluğan pa namin ni
Tikóng na binúbuhat at iniúuwi sa bahay. Wala nang pinag
iwan sa mga tunay na amerikano kung malangó at mangbasag
ulo . Si Tikóng, tuwing magkakausap kamí, palibhasa'y siyang
madalás utusan sa Bar, at kamí namáng dalawa'y magkaibigang
magkaibigan na , ay walâng idináraíng kundi ang kalupitán ng
kanyang panginoón . Lasíng at di lasing ay walang awà kung
bumugbog sa kanya. Muntî siyang magkábisalà ay pinagbú
BANAAG AT SIKAT 495

buhatan ng kamay. Hindî míminsang namanhík sa akin si


Tikóng na siya'y ihanap ko raw ng isáng tindahan ó anománg
kásasaksakán ng katawán, makálayas na lamang sa malupít
at tampalasan niyáng panginoón . Dapwà't walâ akóng mápag
lagyán sa kanyá. Nagtanóng na tuloy sa akin at napahíhimatón
ng pagparoón sa Kuba ; nguni't pinipigil ko lamang. Makáilán
nang nagbantâng lumayas at iwang mag-isá si Don Ramón ;
nguni't hindi matuloy-tuloy at ang nakapangyayari pa ri'y ang
pagkatakot . Nguni't nasabi sa akin , na pag natalamák na siyáng
totoo sa yamót at pagbabatá, ay marahil makamatay na ng tao.
At sásabihin ko sa inyó ang totoo, ito'y sa atin-atin na lamang,
pag-iingatan ninyóng lahát :-pabulóng ang pagsasalitâ nitó ni
Ruperto -nang gabing yaóng patayin ni Tikóng si Don Ramón ,
ay nálalaman ko , at yarì na namin ang kanyang gagawing pag
patáy.
Súsmariosep ! —ang náwikà ng iná-¡ ang mga batàng itó ! ..
-At saán napatungo si Tikóng pagkatapos ?
--Sa New-Orleans . Hindi ba ninyó nábabalità rito na sa
lalawigang yaón ng Estados Unidos ay maraming mga pilipino
na ngayon ang nanánahanan ? ... Doón siyá nagtagò. At ang
sálitâan namin kung masamâ pa ang lagay niyá roón , ay lúlulan
na siya sa isang bapór at mangingibáng lupàín .
-Sinasabi ko na !-ang nabuká sa bibig ni Felipe -Hindî
mapúpunô si Tikóng ng gayón-gayón lamang.
-Tanghali ng araw na iyón , nang si Tikóng ay pahirapan
sa bugbog ni Don Ramón . Kundî nakatakbo ay pinatay siyá
sa rebolber. Káhapuna'y binugbóg na namán . Kaya nang
gabing natutulog ay dî nakatiís at inutás na ngâ ang nasabing
malupit na panginoón . Kung gising mo ngâ namáng gágayunín ,
ay hindi malayòng makapagpagibík pa .
-Ah, walâng kalupitáng hindî nahulog sa lupít din !-ani
Felipe.
-Anák ko , Ruperto, huwag mo nang masasabi pa iyán
sa iba, at bakâ ....
-Hindî pô, nanay : sa inyó lamang at dito kay Felipe ko
náipagtapát, sapagka't si Tikóng din ang nagwikà sa aking kun
dito ay makapagtitiwalà akó, pagka't may ugaling ibáng-ibá
sa kalahatan at poót na poót sa mayaman .
-Siyá ngâ... Nguni't makikipaglibíng yatà kayó, —anáng
iná-bakâ kayó máhulí.
Ang dalawang magbayaw na bagong kilala , ay sakâ pa lamang
nabalisa sa paglakad.

33
བངའི སྤྲུལ - བང -ལཎེ RAN༢- འ mmm
བངབལིང བངབང NARAWN བ་

XXIX

འ།︽︽པ་

Kung Maglibing si Salapi


Hom

Marami nang mga sari-saring sasakyán ang nakatigil sa


tapát ng bahay na maypatáy . Patí paglúlulanang karro ay
nároroón na . Dating at dating pa ang karamihan . Ang oras
na ikaapat ng hapon , tadhanà sa paglakad ng libing, ay ilang
sandali na lamang.
Sa silong at sa hagdanang malaki ang magaga lasgás na yabág
ng mga nagdarátingan ay patong- patong halos at di magkámayaw.
Nguni't mulâ sa malaking salóng tangapan, hangáng sa isá pang
kanugnóg na salas sa loob, ang mga pagyapak ay pawang pipi ,
ang mga kilusán ay mabibining tila di mangaka basag-pingán ,
ang mga sálitâa'y parang sa langám lamang: walang malakás
na alingawngaw na makababagabag sa pagkakaburol ng kagalang
galang na bangkay ni Don Ramón . Ang lahat ay nagpápa ba sa
sa kani-kanilang mukha ng mga pangungusap ng dalamhatì ;
ang lahat ay nagpípitagan sa harap ng nakapangingilabot na
yaóng larawan at balità ng kabilâng-buhay na mála ó't máda lî'y
kálilipatan ng lahát .
Pagpanhík na ng hagdanan , hangáng sa kabahayán , ang
magkábi-kábilâng panig, itaas at ibaba'y putós na putós ng mga
kayong itim na nagsabit at naglaylay. Sa boông bahay ang
nakaíinís na amoy ng nagniningas na malalaking kandilà, ay nag
sísikíp at sivá na lamang halos nálalangáp ng madlâ. Ang mga
kandilang yaong nagtirik sa ibabaw ng matata ás at mabababàng
kandelerong pilak at ginintuan na nakabakod sa paligid-ligid
ng mataas na burulán (tumba) , ay nagpapáligsahan mandín ng alab
at kahinhinán : anaki'y mga kawal na nagbabantay ng boông pag
tatapát at kaingatan sa pagkakatulog ng iginagalang nilang punò.
Ang mga alpombrang itím na may bulá-bulaklak na kulay kalung
kutan, ay nagsisianás mandín sa bawà't tumuntóng na panauhin ,
upang magpakarahan ng paglakad, at nang di mapukaw ang isang
BANAAG A T SIKAT 497

náhihimbing na panginoón . Ang burulá'y tatlong patong na bay


baytang, lipós na lipós din ng kayong itím na nakákalupkupán
ng sari-saring pangabít na mga bulaklak na pilak, gawâ ng isáng
bantóg na panday-pilak sa Santa Cruz, na kamag-anak ng nasirà
na ring asawa ni Don Ramón . Bukód sa baybaytang na yaón,
ay may isang sadyâng hagdanang munti na isinásandíg sa tumba
at siyang inaakyatán ng sinomang ibig makákita sa maitím na
maitím nang pagmumukhâ ng patáy . Pinápaá ni Don Ramón
ang isang hagdán- hagdán ding dambanà na ginawâng sadya sa
isáng panig ng salas . Ang altár-altarang ito'y mistulang isáng
tanghalan na ng sari-saring laki ng mga kandilà at dikít ng mga
bulaklak na kayo, mga nápapasông halaman, mga palamuting
sabit-sabit, buhól- buhól at lagá-lagayláy. Sa gitnâ at sa mataás
taás kaysa lagáy ng kabaon , ay may isáng larawan ni Kristong
náriripá sa Cruz , na sa pagkakákiling ng ulo , at pagkakátungó ,
ay waring nagkúkusàng ayaw tumingin sa iniháharáp at ipiná
pantay sa kanyang mataas na bangkáy . Sa anyô ng pagkaka
lungayngáy, ay waring naghihinanakít sa lahát ng mga nároroóng
tao, sapagka't siyá, na nagkákangpapawis na ng dugô dahil sa
init ng mga apóy ng kandilà at nagtútumiís sa pagka -hubád upang
magíng halimbawà ng kapakumbabâán at pagtitiís , ay nároó't
pinagpapakitaan pa nila ng mapapalalòng kasúutan at gayák,
at hindi siya ang pinagpapakundangan at pinakamamalas ng
boông lunos at panghihinayang, kundî ang bangkay ng isáng
taong kung kaya namatay, ay dahil sa sarili ring kalupitán at
mga kasalanan .
Nangyayari ang gayón ay dumarating naman ang humá
habol na magbayáw : si Felipe at si Ruperto . Sila'y sa hagdán
sa labas nagsipanhík upang huwag nang mápasagi pa sa anaki'y
kawan ng mga uwák na sa salas ay nagkákatipon . Tumigil
silang sandali sa may suteáng hindi sukat malimot ng mga
nakakakilala kay Morales at kay Isiang . Doon ay nag-usap ng
kanilang gagawin sa pagsama sa Líbingan . Mulâ roo'y hinanap
hanap ng matá ni Felipe sa dakong loób ang katoto niyáng si
Delfín , sa hangád na mapagsabihang silá nang tatló ni Ruperto
ang magsama sa paglakad. Dapwa't sa pag-uusap nilá ,
ang alingawngaw ng tinig ni Felipe ay náulinig at napagsiyá
hangang sa loob ng páligùáng hindi nálalayô roón ng gaano .
Nabuksáng bigla ang pintuan, at sa naging puwang ay may
isáng sumungaw na ulo ng babayi, nguni't ¡ sínong babayi ! ....
Kapagkaraka'y napagkilala ni Felipeng yaón ang kanyang
kapatid : si Marcelang ang matá'y namúmulá at pinangángaligi
rán ng luhà . ...
32-47064
498 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Marcela !
-Kuya !
Panunód at halos panabáy itóng násambitlâ ng dalawang
bibig ng magkapatid , na kapwà nagitlahanan .
-Nárito ka ! ? -ani Felipe.
-Oo -ani Sela namáng inilabas na ang katawang mabulas,
at balót na balót ng luksâng kasúutan, batbát na batbát ng mga
palamuting pangluksâ rin , at ang mga dalirì, ang galáng-gala
ngán, ang dibdib, ang liíg, ang dalawáng taynga , ang buhok
ay para-para halos may mga balintatáw na nagkisláp -kisláp at
nangagpapahayag ng isang di maulatang kayamanan at dikít
na natutulog....
-Ngayon lamang tanghali dumating kaming dalawa ng
ta tay --ipinagpatuloy.
-Kasama mo ang tatay? ¿at saán nároón?
-Nasa loób.
-Ang nanay , hindi ba ninyo kasama?
-Hindi ; siváng naiwan sa bahay.
-Galít na galít pa ba sa akin ang tatay?
-Oo : huwag daw kitáng kákausapin kung makita ka rito.
Nápakagát-labì si Felipe , at ang kapatid nama'y parang
natitigilan at halos dî málaman ang sasabihin sa kuyang sanhi
ng maraming luhà niláng mag-iná.
-Kung gayón , -ani Felipe -ay huwag mong masasabi sa
tatay na ako'y náriritó .
-Hindi.
---Hindi ako pakikita .... Nğunì , ¿ anó ang ginagawâ mo rito?
Si Sela , bago sumagót ay nápalingón muna sa dakong loob
ng páligùán : tila may pinagsangunian ng isása gót, at pagkakuwa'y
paanás at paturòng sinabing :
-Nárito si Talia at si Meni : aking nililibáng-libáng at
sinásamahan.
-Ikaw ang lilibang na umíiyák din ?-ang winikà i Felipe
¿ saán nároón ang dalawang iyán ?
Si Felipe'y pumasok sa páligùán ng walâng ali-álinlangan .
At si Ruperto na isá mang bigkás ay hindi nakapakilahok sa
sálitâan ng magkapatid, ay nápamalikmatà mandín sa pag
kakátayô . Ang pagkakápakò ng mga matá sa himalâng yaón ng
kagandahan, ay napangawitan na tulóy, at maanong nakakisáp
ng kahì't isá man . Sa mga sandaling yaóng ipinanood niyá sa
nag-uusap, ay para siyang nakatulog. Ang natútubigang diwà
ay tila nápalipát sa hindi niyá nasásapit-sapit na himpapawid
ng isang bagong kabuhayan .
BANA AG A T SIKAT 499

-Diyatà !-ang sa sarili'y náwikàng anaki'y binabangungot


lamang diyatà at may kapatid na ganitó ang naging asawa
ng aking kapatid?-Ganitóng kayaman, ganitóng kagandá .... !
May sumagila pa sa kanyáng budhî na isáng lalong malaking
anino ng pagtataká .
-Ang kapatid kong si Tentay, -anyá --gising , lakí at ma
mámatay sa pagka-anák-marálitâ, diyatà't siyáng nápilì-piling
ibigin at pakisamahan ng Felipeng itóng dapat mag-asawa sa
isang babaying makakatulad man lamang ng nakikita ko ngayong
talà na biglâng-biglâng sumikat sa siwang ng isá lamang..
pintuang ...... ¡ diyatà !.
Si Marcela namán ay nagpabayàng masok ang kanyang
kapatid. Siya'y nápala bás -labás pa at nápatigil muna sa may
pintuan din , habang si Ruperto ay natútubigan sa pagkakatayô
at pagmamalas sa kanyá . Sa kalooban ni Sela ay mayka baklahán
ding sumasagid sa pagkakatapon ng tingin sa lalaking yaón . Ang
akala niya, nang unang máulinig si Felipe, ay si Delfíng kilalá
nang dati ang kausap. Nang málabasán at mátamàan ng tingín
si Ruperto, ay naipagkámalî sa pamangkín ni Don Ramón , kay
Doroteo Miranda , na nakipagkilala sa kanyá nang siláng mag
ama'y dumating, at sa mga sandaling inialí-aligíd agád sa
kanya ng tinurang Doroteo , ay aywán kung bakit nápagtaglayán
niyá ng suklám at kabigatán ng dugô . Nguni't nang mawalâ
ang unang pagkakamali, ay napagsiyá ni Marcelang ibá ang
taong yaón, maging kay Delfín at maging kay boy Doroteo.
--Síno kayâ itó, na mukhâng bagong-galing din sa Amérika ?
ang sa sarili'y náitanóng.
Hindi ang hindi siyá nápansín din ni Ruperto sa pagkaka
paiwang yaón sa labás ng páligùán . Pagkapasauling-loob ay
nangahás magbitiw sa binibini ng ilang salitang kinaháhalatán
ng pagkagaríl at tigás ng dilà.
-Huwag po kayong magagalit, aling Sela : ugalì na pô ng
ibig makipagkilalang isang mababà sa isáng dakilà : ¿ kayó pô
pala'y kapatid ni Felipe?
-Opò: magkapatid kamíng tunay. Kayó pô namán yatà'y
kaibigan niya?
-Mulâ pô lamang ngayong tanghali, at hindi kaibigan
lamang, kundî . . . . .
Nápauntól ang dilà. Nakapag- isip na ang salitang bayaw
ay tila alangan pang ikapit sa bagong-bagong pagkikilala nilá
ni Felipe . Saka, bakâ iba ang maging kahulugan sa talagang
ibig niyang sabihin . "Bayaw ko pô si Felipe." Síno ang pinag
500 LOPE K. SANTOS

bayawan nila? Kapatid ngâ niyá si Tentay, nguni't kapatid


din naman ni Felipe si Sela . Sa pabiglâ-biglâng pananalitâ ay
maaaring ipanghinuhà ni Selang siya'y ináaglahì na ng kausap.
Dapwa't ang kay Rupertong pag-aalinlangan , ay tinapos ni Sela
rin. Ang mga babayi ay ayaw ng pakuláng-kuláng na sabi .
Salang-sala ang sila'y kákausapin mo at magkákaín ka ng mga
salita. Sa mga sulat man, nag mga puntos suspensiros .
ay lalong nakapagpapatakaw-loob sa kanilá . Ano ang napauntól
na salitang idúrugtóng sa "kundî ...... "?
-Mag-anó pa pô kayó ng kapatid ko ? -ang sa gayo'y
inurirà rin .
-Kamí pô'y .... walâ pô , .... magkaibigan lamang.
Si Marcela ay hindi umimík muntî man . Sukat ang napa
titig ng pagkábangís-bangís sa kaharáp , na halos ikinapaging
asín nito sa pagkakátayô , at ipinag-mistulang isang Babaying
yelo ng isang alamát ng mga ruso . Ang salitang "sinungaling!"
ay parang naáulinig ni Ruperto na bumukil ng boông lakás sa
bibig ng anghel na kausap na pinagkulangan kara-karaka ng
isáng lubos na pagtatapát. Gumapang mandín ng boông bilis
sa kanyang mga ugat ang mabagsík na kamandag ng isang
sumpa ng diyosa Benus . At lalo pang nanuyô patí ng kanyang
lalamunan sa hiyâ, nang si Sela ay magpasaríng ng mga salitang :
-Hindi ko pô akalaing kayo'y magkaila sa akin ng wala
namáng dahilán.
Bago umakmâng tumalikód kay Ruperto, at anyông tútu
nguhin ang loób din ng páligùán . Nguni't ang binatà ay nagka
loób na biglâng-biglâ, nang makitang siya'y mapag-fisá .
-Mawalâng-galang pô, aling Marcela .. !-ang naihabol na
sabing marahan , at dî sukat máriníg ng naghihikbîáng nasa loob.
Nápalingóng muli ang binibini . Si Ruperto na nakatátaás
sa kanya ng hangáng liíg, at nápayungyóng ng kaunti sa may
tagiliran niya dahil sa paghabol, ay tinignán ng isang malagkit
na tinging patingalâ; at gaanong pagkawala ng kanyáng loób,
nang matamaan ang mga tinging magnanakaw ni Ruperto , na
dali-daling ikinabatak ng pababa at ipinag-ayos ni Sela ng kan
váng panyông nápapalingay, upang matakpán ang umaangát
na barò sa namúmusilak niyáng dibdib .....
Sandaling kapwà dî nagkákisapan man lamang ng matá.
Si Selang alangang magalit alangang mahiya sa gayóng kapanga
hasan ng mga matá ng kausap, ay bahagya nang nakapagbigkas
ng dilà, at anyá'y :
-Anó pô ang inyong ibig?
BANAAG A T SIKAT 501

--Sasabihin ko na sa inyó kung mag-anó kamíng tunay ni


Felipe.
-Ah , hindi ko na pô kailangan !-ang winikàng pasakit
loób at pa tampó - Ang isip pô yatà ninyo'y nakikipagbirùán akó !
-Hindi po sa gayón ...... !
-Siyá na na pô at ako'y ináantáy dini sa loób .
At nagpatuloy ngâng nasok na dî man dininíg na yaóng
mga pahabol na salitang namímilayláy sa mga labi ng napag
hinanaktan nang binatà, ay hindi pa man .
Sa tanang buhay ni Ruperto ay walâng dumáranas na mga
sandaling paris nivón . Pahát na pahát pa siyá nang mapatiwa lág
sa lupang kinákitàan ng unang liwanag, at sa bagay na itó , kung
inabot man nang pagbibinatâ nang kasibulan sa Amérika , ay
wa lâng-walâ siyang masasabing nápa gdanasan nang mga gayóng
karamdaman ng pusò at kálulwá. Sabihin pa ba ! Sa Amérika ,
kung maykuwalta kang hustong pangbayad, ay mayroon kang
pag-ibig: magaan ang paghanap ng sa iyo'y ibig. At lalò na
kung paris ng kanyang kalagayan doón na walang kapangyarihang
lubós sa sariling buhay, sa sariling kilos at sa sariling loób, palib
hasà ang boô niyang panahón doo'y halos pakyaw at inúupahan
ng ibá, ay walang-walâ rin siyang masasabing kalayawang gaano
ng pagkabinatà, kundi nga ang gayóng mga pagpaparaán ng
kanyang pagkalalaki , na dî matátawag na udyók ng pusò , kundî
hiling ng katawang-lupà lamang . Hindi pa itó ang katangiang
malaki ng kanyang buhay, kundi , kun ang siyá man sakali'y
nakálasáp na ng ngalang tamis ng pag-irog , kun siyá ma'y
nakálangap na ng ngalang samyô ng mga pusong mapaghali
muyak, ay hindî, hinding hindi pa sa tamís at samyô, sa kulay
at pamumukádkád ng mga sampagita ng kanyang bayan.
Noón , noón lamang mga sandaling yaón náranasan niya ang
gawâng magpapangusap ng pusò, magpalangáp ng kálulwá sa
halimuyak ng mga tanging bulaklak sa tinubuang lupà . At
sakâ .... ¿ magkakágayón na agad ang kapalibhasàán niyang
tátamuhín sa kauna-unahan pa lamang Lakağ-Bini na itinaón.
ng mapagtalinhagàng Lakağ- Palad , sa ikalawang araw pa lamang
na pagtuntong niyá sa bayan ng mga magulang? ....
"Akó pô'y hindî nakikipagbirùán " .... Mğa salitâ itóng
umúukilkíl sa kanyang taynga , sa kanyang panimdím. "At
akó ba'y nagbibiro lamang?" ang sa sarili niya'y náwiwikà.
Nagsisi. Kinamot ang taynga . Nálabnót ang buhók. Nápa
kagát-labì, at nápatatát. Nagulumihanan. Námuni-muning
siya ang maykasalanan ng ipinag-asal ng gayón ni Marcela .
Kung di niya pinutol ang pagsasalita ng " kundi" , hindi mapú
502 LOPE K. SANTOS

pukaw ang pag-uusisà sa kanya, at kung dî niyâ ipinagpatuloy


ang pagkakailâ, disin ay hindi nakapaghinuhà sa kanya ng pag
sisinungaling at pagbibirô . Nguni, para iyón lamang ! Nag
dili-dili na namán. ¿ Diyatà't hindi lamang nasabi ang silá ni
Felipe'y magbayáw, ay magiging dahil na ito ng paglisan ng
isáng bitùing hulog ng langit sa kanyang harapán ? Ah ! kung
maaari lamang pasukin hangáng loob ng páligùán , disin ay hina
bol na at niluhúd-luhurán upáng máhingán ng paliwanag at pata
wad sa kasalanan niyang nagawâ, kung yao'y kasalanan man.
Samantala'y siyang paglabás na ni Felipe. Ang magkapatid
na pinagpayú-payuhan at inalíw-aliw sa pagkakálugmók halos
sa mga kináluluklukán doóng tig- isang silya, ay iniwan na , at
si Selang talagang bihis upang makipaglibing, ay kasabay na
ring luma bás .
Ang bangkay namán noo'y ipinapanaog na .

Si Talia at si Meni ay sadyang hindî makíkisama sa Líbingan.


Kaugalian na rito ng mga kastilà at ng mga nalálahìan ng kastilà
ó nangakikigaya sa mga mag-anak na kastilà, ang huwág sumama
sa líbingan ang asawa , ang mga anák ó ibá pang pinakamáma hál
na hinlóg ng isang namatay na ililibíng. Iyáng kahinaan ng
loób, iyáng pagka-himatayin , iyáng pagka-marupók ng mga
damdamin sa pighatî ng mga lahing latino, ay siyáng una-unang
dahil ng ganyang pag-uugali ..
Ni makiharap sa mga tao, ni tumangáp sa mga panauhin
ay hindi mo silá mápapakinabangan, paris bagá ng mga may
tunay na dugông tagalog at ng mga naúugalian ng pagka-tagalog,
na ang bao at mga ulila ng isang namatay, ay siyá ring karani
wang tumátangáp sa mga dalaw na dumáratíng, sumásama't
naghahatid sa bangkay hangáng sa mga kápaít-paitan at kakilá
kilabot na sandaling paghuhulog sa hukay ó pagsusuót sa butas
ng pinakafirog nilá't halos pagkáramayang patay na ililibing.
Kaya ang tinurang magkapatid ay dî man nangakáisip
pang mag-ayos ng katawán , buhok at pananamít. Ang ngalang
sumilay 6 pasilay sa nag-áakyatang tao, ay maanong sumagì
man lamang sa kanilang kalooban.
Magdamag at maghapong ilayô't lumapit kapwà sa piling
ng pinananambitanang amáng nakaburol. Maya't maya'y pinag
aagaw ang kaniláng buhay . Nangagtítiyáp, anakin , sa pagha
hálinhinan kung mangaghimatáy . Atupag na't di halos ma
layûán ng matagál- tagál na sandali ng mga taong-bahay na bu
mábalalay sa kanilá , lalòng-lalò na si Dr. Gatdula , na siyang na
BANAAG A T SIKAT 503

gíng tunay nang mangagamot sa bahay. Maging kay Talia at


maging kay Meni ay kapwà may mapaparamay na tig-isa pa ring
buhay, kung pababayaang mapaghariang lubós ng dalamhatì
ang kanilang kalagayan . Si Meni ay may pásusuhing mulâ
nang mátangáp ang kalunos-lunos na hatid-kawad, ay halos
hindi na nakinabang sa ibinúbukál na biyayà ng kanyang dibdíb .
Napilitan silang ang kaawa-awàng sangól na si Bayani ay ipakipa
nuso sa ibang iná nang mga unang araw, at nang malaon ay sa isáng
nápamanhikáng magsisiwa -dilì pagka't mura ang upa . Si Talia
namán, kung walâ mang munting Honorio pa ó munting Natalia
sa labás , ay mayroon nang talaga sa loób : mga dalawang buwán
na lamang at sísilang . Hindi rin birò-biròng kapanganiban ang
kápapainan niyá, pag nagkátaóng hindî nagpakabait sa mğa
hinagpisan , dalamhatián at hímatayang yaón . At salamat
sa kahiwa-hiwagàng hilig ng mga iná na magmahal sa mga anák
ng higit sa mga tunay na magulang at higít sa sarili mang buhay,
at kung hindi ang likás na hilig na itó ang nakasúsuhay at
nakasásalungat sa masasasál na bugsô ng mga kapighatián ng
gayong pagkaulila , marahil ay walâng-walâ na siláng náipag
lálabáng lakás , at sa mga oras na yaó'y, sukat na silá ring ma
ngatawag na siná "nasiràng Meni" at "nasiràng Talia"
Pagdarátingan ng mga taong makikilibíng at nang malapit
na nga ang oras na pagpanaog ng patay, ay lumabás kapwà.
Nagpakálayô-layô na sa kinároroonan ng bangkay. Kung
mayroon pa sanang isáng lugál na lalòng liblíb at malayo kaysa
páligùáng yaón , isáng lugál na hindî na maáabót ng muntî mang
alingawngaw, disin ay nagsipagtagò silá roón , ng walang kamalay
malay ang sínomán . Danga't silá nama'y hindî pinabábayàan
ni kinalílingatán ng mga kasamba háy .
Dátapwa, ang talas ng kanilang mga taynga ay parang sa
naghihingalô. Hangang sa loob na yaón ng páligùán ang ano
máng alingasngás na nangágaling sa salas ay hindi nakalá
lampás sa kanilang pakinig.
At saka yaóng si ñora Loleng, magpahangáng kailán , ay
malaking tuksó namáng talaga . Kung anó't pagkalabás ng mag
kapatid ni Felipe, at samantalang pinakakapanayngahan ng
dalawang ulilang nasa páligùán ang mga kilusán sa salas at sa
hagdanan, ay pakaraykay nang sumalubong ang tinurang ñora .
At hagulhól na ng pagtatanong kay Felipe :
-Saán nároón , sa án nároón ang mga batang iyán ! ?-anyá—
Ay nakuuú ...... walâ na si Ramooón !..
Si Felipe'y hindi sumagót ga-putók man . Sukat ang isáng
irap . At si Marcela ay nágitlá-gitlá sa gayong paghagulhól na
504 LOPE K. SANTOS

ikinapagtanóng tuloy sa kapatid kun sino at kung kaano -ano ang


babaying yaón niná Talia at ni Don Ramón .
-Nahan , nahan siná Talia ? -ang muling usisàng naná
nangis .
Nguni't nang di rin tinútugón ni Felipe, kundî lumabì lamang
ng paismíd at pa -aywán , sakâ patuloy na kinausap si Ruperto , ay
sagadsád nang nagpatuloy ang matandâ sa labás , at may-agwat
pang ilang hakbang sa pintô ng páligùán , ay nagpagibík na at
nagtatawag ng ganitó:
-Talia! Talia ! Meni! Meni ! ipinapanaog na ang inyong
amá ... ¡ ay , Diyós ko !.
Sa mga oras at pagibík na yaón ni ñora Loleng, hindi na
galit ni suklám ang sa magkapatid ay nakapanaíg . Ibinábalità
sa kanila ang pagpanaw ng lubusan sa bahay ng minámahál na
amá, at sa bagay na ito'y hindî bakal ni tubig ang kanilang
kalooban, na di mapapanglúlumó ng gayóng balità . Sa sabay at
sunod-sunod na sigaw na : Tatay! Tatay! Tatay!, ay pada lu
hong nang nagsilabas ang magkapatid . Kátaóng pápasukin
sana silá ni ñora Loleng, ay siyáng pagpuslít na biglâ ni Talia .
Ang kaawa-awàng matandang babaying nanánangis at sivá
pang nagbabalità, ay nabaligtád sa bilis ng salpók ng lumabás:
tihayâng-tihaya nang lumagpák sa baldosa . Násapungan pa
mandín ng yapak ni Mening sumúsunód , at ito'y di man naká
pag-akalang tumulong sa pagbabangon at pagpapahid ng nag
putók at nagdúrugông ulo ni ñora Loleng, bagkús ang hinabol
ng magkapatid ay yaóng amáng pápanaw, yaóng amáng náipa
naog na sa lupà at inilúlulan nang kasalukuyan sa nag-áantáy
na karo.
Si ñora Loleng ay nápaisá sa may suteá. Mag-isá siyáng
nagbangon at sa hilo'y hindi man nakapagpagibík agád , bagkús ,
nápayupyóp na lamang sa tabi ng pintô ng páligùán . Patí
si Felipe at mga kasama nitong nakakátanáw sa pagkakabulagtâ
niyá ng kahalay-halay, na anaki'y isang nabuwál na tini
bang nahubdán ng niga palapà hanging sa punò , ay hindî
man nakakuhang sumaklolo sa kanya, pagka't ang náharang ay
ang magkapatid na sa anyo'y mistulang dalawang ulól na naka
alpás sa kúlungan .
Si Delfín namang nasa sa itaás pa at nangangasiwà ng pag
papaimis ng ilang mga kasangkapan sa pinangalingang salas ng
bangkay, habang si Madlâng- layon ay siyang nangungulo at
namámahalà sa paglakad ng libing, ay nakagibík karaka-raka
sa kanyang asawang parang palasông tumátakbó at parang
sangól na humihiyaw. Kay Talia ay si Felipe ang nakaagap
BANAAG AT SIKAT 505

nang na sa malapit na ng hagdanan , na anopá't siyáng tala gáng


dî pakikita sa amáng mabalasik na si kápitáng Loloy , ay nakita
na tulóy; dapwà't hindî namán siyá , nakuhang kibûín . At
si Sela , si Ruperto at mga ibá pang nangakadaló agád, ay nag
situlong na lamang sa kanilá, upang ang dalawang ulilang yaóng,
anaki'y kambál sa lahát ng mga kilos at pananambitan , ay
mapigil sa paghagad sa lupà , at mangáipasok sa loob ng kuwarto ,
at doo'y kapwà mahimasmasán , maalíw at mapatiwasay.
Nang umabot sa lupà, sa mga papalakád nang maglilibing ,
ang mga alingawngaw at balità ng gayóng sakunâ sa ita ás ,
ay marami sa kanilang nagsipanhík na muli ; kaya't ang lakad
ng libing ay nabalám-balám din . Isá sa nangagsipanhík ay si
Don Filemón, at sakâ pa lamang may nápatakbóng gumibík kay
ñora Loleng na sa pag-iisá sa pagkakalupagì ay nagtáta takáp
na't níniyák, hindi na dahil sa ipinapanaog na bangkay ng dati
niyáng "Ramón ko", kundi dahil sa kanyáng kinásapitan , sanhî
sa ulong nabasag at katawáng hindî máigulapay.
Anopá't ang nangyari, ni si Felipe, ni si Marcela , ni si Ru
perto , at ni si Don Filemón , ni si ñora Loleng, ay hindî nakasama
sa panaog na yaón ng patay . Si Yoyong man sana'y hindî rin,
kundi kailangang totoo ang kanyang pangungulo sa libing, ka
tungkulang hindî namán kaya ni ibig ganapín ni Siano , na sa
mga nangyayaring yao'y sukat mang mátawag na anák na lalaki
ni Don Ramón, ay anó pa .

-Isáng libing-hari na itó!


-Isáng mataas na tao iyán marahil!
Sa bibig at sa loob ng mraming mga nakapanood ng gayóng
pagkáha bà-ha bà at pagká-ringal-dingal na lakad ng libing, ay
ganitó ang inga sapantahàng nánasnáw. At dî ngâ silá malayò
sa katotohanan . Ang ililibing na iyon ay si Haring- Salapî , si
Lakáğ-Ginhawa , si Gat-Yaman , si Apò - Puhunan .
Saán at kailan pa gugugulin ang sariling kayamanan ni Don
Ramón, na nátirá sa isang Bangko sa New-York at náiuwî ni
Doroteo Miranda ? Sa may apat na pûng libong pisong binaon niyá
sa paglalayás , ay may dalawampung libo ang natatago pa sa
tinurang Bangko ; ang iba'y natunaw na , at ang ibá na aywán kun
gaanong halaga, patí ng mga alahas ni Meni, ay siyáng sinasabing
nadala ng pumatay na alilà. Anopá't hindi na salaping ukol
sa minana niná Talia at Siano , ang iniwáwaldás sa madlâng kai
langan ng isang magilas na libing na paris niyón , kundî kay Don
Ramón na rin .
506 LOPE K. SANTOS

Hiníhila ang karo ng walóng kabayóng pulós na itím, may


tig-isang akbay na taong ang mga suót ay itím din . Hinihila
at nagpapahila , ay para-parang batbát ng mga palamuting
luksâ. Patí niyóng isáng babaying anghel na kahoy na nasa
ibabaw ng karo, nakaluhód at nakatungó, ay luksâng-luksâ
rin at nananangis : anaki'y upahang sadya ng may-arì ng Funera
ria , upang maipakilala nito sa madla na natutuwâ man ang
kanyáng supot sa kamatayan ng mga mayaman, ay marunong
din namang umiyák, aywán kun sa pagdaramdám ng kung
bakit míminsan lamang at hindi makáiláng namamatay ang
mga masalapi . Sa pagkakaharap ng tinurang anghel sa lara
wang kahoy din ni Kamátayang may tangan-tangang kalawit, ay
waring nananalangin : tila nagsasabing kun ang kanyang pangi
noong may Funeraria ang papamímilìin , ay ibig na nitó ang araw
araw man lamang ay may isáng Don Ramóng madáda lá ang
tinurang kalawit.
Sa ibabaw ng kabaon, sa mga paligid-ligid ng karo , dakong
itaás at dakong ibabâ, at saka gayón din sa isa pang karong
kasunod na lulanán ng mga handóg at alaalang mapighatî sa
namatay, ay nagpapálaluan sa hayág na lungkót at lihim na
tuwa ang La Puerta del Sol at ang mga magbubulaklák sa Singa
long. Kung matátanóng lamang sila sa mga oras na yaón ng
kung ano ang kani-kanilang nasa sa loób, ay marahil magsísisa gót
ding walang gatól na : "May mga kamatayang kabuhayan" ....
Ang karwaheng dakila ng pangulo ng libíng at ni Doroteo
Miranda , ang siyang sumusunod sa dalawáng karo . Karwahe
ni Siano at ni kápitáng Loloy ; sunod-sunód na ang mga
sasakyang nagpapaligsahan ng garà at nagpapataasan ng mğa
máginoóng sakáy. Yaóng mga nakita, natin sa kásalan ni Talia
ay halos nangároroón ding pawà. Mga matataás na kagawad
ng pámunùán , amerikano't pilipino ; mga pangulo't kinatawán
ng mga kapisanan at bahay-kalakal sa Maynilà ; mga kasamá sa
El Progreso; mga may-ari at kinatawán ng mga ibáng gawan
ng tabako ; mga kinatawan ng maraming pahayagán ; mga kastilà ,
nga insík, mga mestiso (itó ang siyang lalong marami) ; mğa
abogado , mğa médiko , may dalawa pang paring Heswita , isáng
Kaputsino at ilang Klérigo .... at ang bilang nagwawakás sa
gayóng kahabaan ng kawan at hanay ng mga sasakyán , ay ang
hukbó naman ng mga mangagawang babayi't lalaki sa El Progreso,
kahalò na sa kanila ang mga taga-ibang gáwâan ng tabako , na
pinasama rin ng kani-kanilang mga patronong kaibigan at kata
lámitamang dati ni Don Ramón . Ang mga mangagawàng ito'y
pawang lakád . Sa atas ni Don Filemón , ay para-parang mğa
mayluksâ sa bisig ó sa dibdib, babayi't lalaki, tandâ ng kanilang
pagdadalamhati rin sa namatay na anila'y pinagkákautangan
BANAAG AT SIKAT 507

ng loob, sapagka't siyáng matagál na nápagkunan nang


kanilang ikinabúbuhay . Ang pagtupád namán ng mga man
gagawà sa ganitong atas ay taimtím na taimtím sa pusò . Sa
palagay nila'y siláng-silá lamang ang may dapat ipagpigha
tîng utang na loob at parang si Don Ramón ay walâng kautang
utang naman sa kanilá . Tila hindî sa kanilá rin nangaling ang
ikinabuhay ng pasasà at labis-labis sa habang panahón ng tinu
rang mámumuhunang " pinatawad na ng Diyós". Warì bagáng
kun silá namán ang mangamatay , ay mápapakipaglibingán ng
gayón ding siglá at pighati ng mayayaman .
Lakad, lakad .... mga hakbang na pakuhól-kuhól at pa
ahas-ahas ang ginagawa ng mangaglilibíng
Si Don Ramón, nápatáy man ng walâng kumpisál , ay kató
liko rin . Kailangang idaán sa isang simbahan ang kanyang
bangkay, at doo'y máilawan ng lalòng malalaking kandilà, má
wisikán ang kabaon ng lalòng malinis na bendita, mápausukan
ng lalong mabangó at masaganàng kamanyáng, mápagdalitán
ng lalong magagaling na dalít sa patáy, mápihitang pasalí-saliwâ
. ng mga batingáw, mábasbasán at máligíd-ligirang makáilán
ng mga parè, sa katagâng sabi , ay mátupád sa bangkáy niyá
roón ang lahat ng mga malakás at mahinàng panalangin, at
mágamit ang lahat ng mga kasangkapang lalong mahál ó de
primera, na pina úupahan ng mga taga-paningil ng Diyos sa mğa
mayamang may-ibig makapasok na maluwág at buksáng madali
ni San Pedrong mánanabóng, kung sakaling abutan itó sa pintô
ng Langit, na dî nagkákamót ng ulo niyáng tila tabòng-Pangasinan .
Si Don Ramón ngâ ay taga Sta . Cruz, at ang dapat sanang tumamà
sa kanya ay ang simbahan ng Sta . Cruz . Dátapwâ't aywán
kung anó't ang napagkáisahán ng mga anák at ng maraming
kamag-anak at kaibigan , ay huwág doón , kundi sa simbahan
pa ng mga kaputsino . Marahil ibig nila ang mga kaputsino
na may balbás at walâng medyas, dahil sa ang mga ito'y siyáng
lalong nakakawangis ng Mánanakop at sa pagpapaka babà at
pagmamahirap ay nakakaparis namang magdamít ng dinampól
ng mga mangingisda sa dagat . Nákawikàán nilá, marahil , na
ito'y siyáng mga paring lalong madalîng pakingán sa langit kung
magsipanalangin at ihingi ng awà ang kálulwá ng isáng ma
kasalanang namatay ng walâng kumpisál.
Ang simbahan ng mga kaputsino sa daáng Palacio sa loób
ng Maynilà, ay talaga namang nagpakitang-gilas ng hapong yaón .
Sa dami ng nangakipaglibing ay halos yaóng mga kaginoohan
lamang ang nagkásiya sa loob at sa mga luklukan . Ang mga
mangagawa ay nangagpasingit-singit na lamang sa mga sukat
kásingitan , at ang karamiha'y nangagtiís nang dî mákita
508 LOPE K. SANTOS

ang mga balábalakì ng “culto " ng Relihyón na sa loob ay giná


gawa. Walâ siláng naririnig hangáng labás kundi ang kalagím
lagím na pananambitang walang hintô ng maliliit na kampanà
at ang mga pasaglít-saglit at malulumbáy na dálitan sa koro at
tugtog ng "Orkesta Rizal" sa ibabâ.
Mag-iikalimá nang oras nang matapos ang mga gawain sa
Simbahan . Nakahinga-hingá rin ng maluwág yaóng mga ka
awa-awang martir ng mga frak, na nangagsisiluhà hindi na sa mga
matá lamang, kundî sa mga katawán man ng marahil ay titig
isang tabòng pawis .
Saka pa lamang tinungo ng lahat ang malaking Libingan
sa Pakò .
Dinatnán na nilá roón halos tanáng nangaiwan sa bahay
na nagsihabol. Nároroón na siná Don Filemón , si Delfín ,
si Felipe, si Marcela at si Ruperto . Bukód sa para-para siláng
may mga nais na makárinig ng talumpatián, bago isuót sa butas
ang kabaon, ay may nangaiwan namang ibang taga-ala gà sa
mga maydamdám na di manga kapakipaglibing.

Para kay Talia at kay Meni, na dî nárarapat paglalayûán ,


bagamán wala namang sakít kundi ang karupukán lamang ng
loob sa mga bugsô ng pighati, ay naiwan doón ang dating mabuti
at matiyagang magtitingin at magsusunod sa kanilá na si Turing ,
si Turing na pagsabihan mo man at takuting bakâ siya'y mag
bayó na tuloy ng ipá sa kabilâng -buhay, ay walang isinása gót
na masaya kundi ang lalò siyang mapalad kung tumandâ at
mamatay sa pagkadalaga . Si Sela man sana'y magpapáiwán na
rin , kundi aywán kun sa anóng mahihiwagang dahil, ay nabighanì
ri't sukat sa mapipilíng pagyayà niná Ruperto, na inayunan
namán ng kapatid niyang lalaki.
Para kay ñora Loleng , na hindi pa nahíhiglawang ganap
ng hilo, sa pagkakasago ng maraming dugo sa ulong nabasag.
ay nagpaiwán nang talagá si Isiang, ang kanyáng anák na noo'y
bago-bago pa lamang nakakasundô , at kasalukuyan pang nanú
nuvò ng di sapalà dahil sa isang kasalanang nagawa nilá ng
parmaseútiko Morales , na kaunti nang ipatáy na namán sa kanyá
ni Don Filemón. Ang kasalanang ito'y malakí, higit sa nágawâ
nilá sa suteá noóng gabing maykasál, higít din sa násubukan sa
kanila ni Don Filemón noóng tanghaling kauntî nang magká
patayan , dahil sa sumbóng ng isang sulat na walâng
pangalan. Ang nangyari'y nagtanan si Isiang at may tat
lóng buwang itinagò-tago ni Morales sa Pasay at nang pagsa
wàan na yatà sa gayon sa isang pagkakásamâan niláng dalawá
BANAAG AT SIKAT 509

ng loob, ay iniwan at hindi na sinipót ; anopa't napilitan si


Isiang na lumayas na sa tagûáng yaón at humanap ng
taong makapaglalapit sa kanyang muli sa ináng mapag-ampón ,
sa inang mapagtakip at maáwàín , at taong makapagpápa ra án
upang siya'y patawarin at tangaping muli ng amá . Nagká
gayón ngâ ang kanyang nais . Sa wakas ay nápabalík din sa
sariling bahay . Dátapwâ't hiníhila namán yatàng talaga ng
kasaliwâáng palad , ay hindî nagluwát at nagkásulatán na namán
silá at muling nagkásundô ni Morales . At sapagka't si Don
Filemón ay ayaw na ayaw nang talagang ang kanyang anak ay
mag-asawa pa , lalò na sa limbás na parmaseútikong yaón, kásak
dalan man, anyáng , magkaanák patí pilík-matá , -danga't
hindî namán nagkaroón ni kahì't ga-butikî, bagay na siyáng
itina báng marahil sa kanya ng loob ni Morales -kayâ mulî man
siláng nagkásundông dalawá , ay wala nang mangyari, si Morales
ay dî na makapanhík sa bahay, ni maanong si Isiang ay natulu
tan pa ng amá na makapanaog man lamang. Lumálakad ang
araw , hangáng isáng buwán , dalawang buwán, at ang panana
bík ng isa't isang magsing-irog doón sa naputol at sukat na pana
nagano nilang pagkátamís- tamís at pagkáligá- ligaya sa mga kata
himikan ng isáng bahay na tagông-tagô sa Pasay, ay nag-úulol
namang parang tuksó sa mga paghihigpit ni Don Filemón . Nag
ka -kawikàán si Isiang na ingatan man siyá noo'y walâ na :
taglay na niyá magpakailán pa man ang dungis na iginuhit sa
kanyáng noó ng pagka may nákasama na siyáng ilang buwán .
Ang dungis na ito ay wala nang daáng mapahid ng panahón
at ng pagtatago sa piling ng magulang, kundi ang siya'y má
bangon din sa kinára pâán .. Tumanan na namáng mulî.
Sumama na namán sa dating limbás . Nguni't hindî na nayag
na sila'y makaisáng gabí sa Pasay, nang di muna napapagtibay
ang kanilang pagsasamang gagawín ulî, sa harap ng kahì't isáng
pastor protestante. At si Morales , na gagahaman na rin sa
kinasásabikán, ay hindi ang hindi nakapayag. Hapong na sa
panginge si ñora Loleng at dî pa dumáratíng si Don Filemón ,
nang sila'y tumanan uli, at kagabihán ding yao'y nagdaan muna
silá sa isang amerikanong Reverendo sa Ermita , bago nangag
tuloy sa dating pungalang bayan ng mga mag-iikmó . Sa ga
nitong nangyari na namán , ay muntik nang nápasulong ang
mag-asawang matandâ sa isang paglalayág ding paris ni Don
Ramón. Kaunting-kauntî na : si ñora Loleng ay payag na payag
nang iwan ang Pilipinas at paghanapin si Don Ramón , upang
doón na sa ibang lupà silá magkásama-samang mamatay. Nguni ,
si Don Filemón ay maysadyâng tigás ng loob at maytalagang
kabál ng tuktok na sukat ipagsusunóng na matagal sa mga
lalong mabibigát na kahihiyán . Bakit nápagpayú-payuhan
510 LOPE K. SANTOS

pa ng ibang mga nakaalám ng tangkâ, na huwag nang gawin


ang gayón, sapagka't hindî namán siyá lamang ang masasabing
tanging amá, na nagkaanák ng talipandás at mapagbigay kahi
hiyán . Hindi pa háhangán dito ang ikináurong niláng mag-asa
wa . Siyáng pagkátangáp sa Maynilà ng hatid-kawad , na , si Don
Ramón, ang kaibigan at ka .... samáng paghahanapin, ay úuwî
na ritong bangkáy . Nápalunging mithi at pagtakám ni ñora
Loleng !....
Nang mga araw na itong ipaglilibing na kay Don Ramón ,
ang mag-asawang kasál-protestante ay bago pa lamang kapa
kikipagkásundô , na namán sa mga magulang. Ang pagka walâng
kaanak-anák si Don Filemón kundi iyón, ay siyáng una sa lahát
ng mga sanhi na dî ikinalubós magpasawalâng hangán ng galit
at pagmamatigás ng tinurang amá. At sakâ marami nang
kaibigang kinaáa lang-alanganan niya ang pinapamagitan ni
Morales . Ang nagiging huling hingi lamang ng mag-asawang
matandâ, bago patuntungín sa kaniláng bahay ang mag-asa
wang bata, ay pakasál muna sa Simbahang katoliko , pagkakasál
na kundî sa káta óng pagdating ng bangkáy ni Don Ramón , sa
mga araw na yao'y sukat na sanang naganap .
Dito'y sukat nang mapagkurò kung gaano ang magiging
panunuyo ni Isiang sa ináng nagkasugat sa ulo at nahihilo. Hindi
na ngâ sumama sa libing, at siláng mag-iná'y nápatirá , doón pa
namán sa dating kuwarto ng nasiràng matandâ, na ang kiná
hihigán ni ñora Loleng ay iyóng-iyón ding kama ni Don Ramón
na di hinihigán ng sínománg taong-bahay. Si Morales ang
nakilibíng, at si Don Filemón sana'y hindi rin palálayùín sa
siping ng asawa , kundi disin isá sa mga tadhanang mana
lumpati sa Líbingan .

Bukód pa mandín sa mga órasyunang ginawa sa simbahan


ng mga kaputsino , ay may idinagdag pa ó inulit sa dambanà
ng Libingan sa Pakò, na mga wísikan ng bendita , dásalan , kanta
han, tugtugang malulungkót at kung ano-anó pang mga balá
balaking panghingi ng awà sa Diyós, upang huwág mahulog sa
bangin at kamay na nag-áalab ni Magdarangán , anghel na nag
kasungay, nagkapakpák, nagkabuntót, umitím at naging Harì
ng Apóy at dilang Samâ, mulâ ng makagalít magpasawalâng
hangán ni Batha làng Maykapál .... Sa gayóng káuulit ng mga
panalangin , marahil kung bingí man ngâ namán ó ayáw-ayaw
pa ang Poóng hinihingán ng awà, ay makakáriníg na't mahá
habág sa isáng kálulwáng, paris ng kay Don Ramón , ay pinag
áagám-agaman ng lahát kung saán mápapasuót. Papaano
BANAAG A T SIKAT 511

kaya yaóng mga patay na dukhâng walâng máibayad, pag nag


kátao'y ni sa isang pag-oorasyón man lamang? Mga kaawa
awà: mahirap na sa buhay ay tila may kahirapan pa ring
máriníg ng Poón ! ....
Aabutin ng dilím kundî dádali- dalîín ang lahat . Sa katuna
yan, ang kaaya-ayang mukha ng araw ay para nang búlalakaw
kabilis sa paghuhumulog sa mga likod ng bundog-kanluran .
Ang talumpatia'y hindi magkakáhabàán , pag sila'y nagpaumat
umat. Ang mga talumpati'y hindi maaaring mawalâ at maalis
sa palátuntunan ng libing . Oh! kundi sana isáng máginoó
ng Salaysayan ang ilalagak sa makahulugang butas na yaóng
pintô ng kabilâng-buhay ..
Magsasalitâng una ang Comisionado H .... Sa harap ng
mukha ng bangkáy na náaaninag sa salamín ng kabaon , ay
sásalaysayin ang mga kabunyîán ni Don Ramón sa pagka
mabuting taong-bayan .
Pagkakapaanyô ay tumalumpati na nga ang Comisionado.
Sabihin pa . Ayon sa kanyá, si Don Ramón ay hindi kaparis
niyáng mga may pinag-ara lang pilipino na walâng inaatupag kundî
ang politika, samantalang ang pangangalakal at ibang ukol sa
pamumuhay ay napapabayaan. Si Don Ramón , sa pagka - taong
bayan, ay nagíng ulirán ng pagka -kaibigan ng mga kagawad
na amerikano at pilipino ng Pámunùáng náta ta tág. Taong
mapayapà at laging maibigín at masikap sa kaayusan at sa
ikásusulong ng bayan . Madalás na kinailangan ng mga punòng
amerikano ang kanyáng tulong maging sa mga panukalà ng
Pámunùán, at maging sa pagkilala ng tunay na pasyá at kaloo
ban ng Bayan , at si Don Ramón ay nápakinabangan namang
malabis at nagawâng mabuting kasangkapan .
Sa bibig ng sumunód na nagtalumpatì, na isang bantóg
na kagawad ng Kapisanan ng mga Mángangalakal na pilipino ,
ay pawang panuób ding mga salitâ ang narinig ng lahát. Oh,
si Don Ramón ay ulirán ng sipag at katalinuhan sa pamumuhunan !
Magsabi ang di namán gaanong salapî na kanyáng minana sa
mga magulang na kastilà, nguni't napalaki ng dî anó lamang,
napaabót hangáng sa panahóng yaón na may mga tatlóng yutà.
na marahil kung sásalapiíng lahát-lahát ang mga ari-arian .
Inisá-isá ang lahat na mga pag-aaring itó, sakâ pinatibayang
pawang sa mararangal na paraán nátamó ni Don Ramón . Ang
mánanalumpatî sa pagpapatibay na ito ay parang totoong to
toong naging saksí at nákita niyáng lahát ang mga kapara
anáng minámarangal na pawà. Sa pagkamatay na yaón ni
Don Ramón ay dapat lumuhà, anyá , ang bayang pilipino , dahil
sa ito'y nawalan ng isang anak na bayani sa pagka-masikháy
34
512 LOPE Ꮶ . SANTOS

magtanghal ng mga kalakal at puhunang pilipino. Pinakálait-lait


yaóng tampalasang natáy kay Don Ramón. Binuntután ang
paglait na hindi rin naman marapat na ang isang panginoo'y
magpakátiwala sa isang alilà . Ipinahayag pa ang pag-asang
máhuhuli't máhuhuli rin ang nasabing nakamatay, yamang sa
Estados Unidos ay balitàng matatalas ang mga taga-huli ng
Pámunùán.
Anopa't sa kapurihán ni Don Ramón ay nasabi ng dalawáng
mánanalumpatîng itó ang dilang mabubuting gawâ sa pagkataong
bayan at pagka-mángangalakal. Nguni't walâ siláng nábangít na
anomán tungkol sa si Don Ramón ay walâng nálamang lapi
tan nang panahón ng kastila , kundi ang pámunùáng kastilà,
nang panahon ng amerikano ay ang pamunùáng amerikano ;
dapwa't kailan ma'y maanong nakipaglapít, nakipagtalámita
mang mabuti sa tunay na bayan, na siyá sanang dapat pagmulán
ng kanyang tunay na pagkamabuting taong- bayan . Gayón din ,
walang nakaalaala sa kanilá ng mga kalupitán at pagkapalá
murá sa mga mangagawà sa El Progreso, sa mga alilà sa bahay,
sa mga iba pang taong napasailalim ng kanyang salapî at kapang
yarihan . Gayón din : ng mga kalikután sa babayi, ng mga pag
lalasing nang na sa Amérika na , ng mga walang habas na pag
papataas ng bayad sa mga páupaháng-bahay, ng mga sabwatan
sa pagpapatakbó ng kanyáng mga kabayo , ng pag-ayaw na mag
ka-manugang ng mahirap , kahì't taong maydunong at may
dangál, at ng iba't iba pa . Bákit pa nga ba áalalahanin
ang lahat na ito, ay patay na naman ang maykasalanan !... .
Dumating ang oras ng pinag-aralang talumpati ni Don
Filemón . Sa isang bulsá ng may pagka-kulay tinapá nang kan
yáng fruk, ay lumálabás ang halos kalahati ng ilang natítiklóp
na magkakasusóng papél. Bago itinangwá ang katawán sa lugál
ng talumpatîín, ay dinukot muna't inilahad, saká tinunghán
ng panakaw ang ilang mga talatàng násusulat ng makinilya sa
nangásabing papél . Palibhasa'y nápalathalà kábukasan sa isang
pahayagan sa Maynilà ang buo niyang itinalumpatì, kaya ma
áarì sanang sipìin nating buô rin dito ; nguni't huwag na : sukat
na lamang ang mga una niyang pananalaysay na sa wikà ni
Balagtas ay itó :
" Kagalang-galang na kaginoohan
"" ; Bayang pilipino ; Ka
ibigan kong pinakamámahál . . "
Nápahintô muna , at ang paurít-urít na dilà ay tila lalòng
naúumíd . Bakit ang hayop namáng luhà ay noón pa gumiya
giyagis sa kanyang mga matá, na hangáng nakabasâ tuloy
sa may ilan nang puting mga bigote niyá na nápatulad sa ná
patakán ng ulán . Nagpahid muna ng panyô , at bago sa hinikbî
BANAAG AT SIKAT 513

hikbî mandíng parang batà, ay nagpumilit na makasalitâ, nag


tamáng máiluwál sa bibig ang isinaulo niyáng mga salitâ, na
ayon sa sábiha'y gawa ng manugang ó mámanugangin pang par
maseútiko.
Marami nang taong ayaw paabot sa dilím at dî na makapag
tiyagâng duminíg sa pangatlóng mananalumpatì, ang nag
aálisan . Nguni't marami pa rin ang nangagtitiis sa siksikan
upáng máriníg ang dî sásalang magaling na salaysay ni Don File
món. Ang salaysayin pa namán niya'y "si Don Ramón sa pag
kamabuting kaibigan ." Dapat din ngâ namáng dingin . Tangi
sa si Don Filemón , kaí-kailán man sa tanang buhay niyá, ay hindî
náririníg-diníg magtalumpati kundi noón lamang.
"Kaga lang-galang na kaginoohan ; -ang inulit na namán
"-Kaibigan kong minámahál-ang náisunód-Bayang pilipino :...
"Hindi ko sana ibig-ipinagpatuloy-na gambalàin pa .... ang
"katahimikan .... ni Don Ramón at ang . mğa kámahál ...
"mahalang tayngang ngayo'y nakikinig ... ng aking mğa
"dukhâng pangungusap ... ... ; dátapwâ , palibhasa'y napag
"úutusan akó ng isang tungkulin ng pagka -magkaibigan .
"kaya ako'y nag-inót-inót bumalangkás sa isip ng ilang mğa
"pagpupuri kay Don Ramón na .... suma langit nawâ ngayón .....
Ang bawa't patláng ay isá ó dalawáng hikbî at pagtanĝis .
Anopa't si Don Filemón ay naging mistulang isang babayi sa
mga sandaling yaón . Dinaíg pa niyá marahil ang mga panangis
ni ñora Loleng kung ito'y nápasama disin sa Líbingan .
Ang talumpati'y hindi natapos ni nangalahatì . Walâng
náwawaan ang mga nakapakiníg, kundi ang malabis niyáng
pagpuri kay Don Ramón , sa pagka-gayón na lamang kabuting
makipag-ibigan, at gayón na lamang katapát na loób na maging
kasamá ...
Halos ang lahat ng mga babaying nakilibíng, kamag-anak at
hindî ni Don Ramón , ay nangapaiyák sa paiyak-iyák namang pa
nanalumpating yaón . Patí si Julita , ang dating kakilala sa San
Miguel ng nasiràng matandâ, na nároón di't nakilibíng , ay hindî
nakapagpigil ng isang malakás- lakás din namang hagulhól ,
gayóng kasama si Mr. Jack na sásaway-saway sa kanyá at áakmâ
akmang pumahid ng luhà, nang makita siyáng nápapakiiyák .
Na síno ang Mr. Jack na itó? Siyá namán ang kinásingkawán
ng pusò ni Miss Julita , sapúl nang si Don Ramón ay maglaga lág.
Kay Marcela nati'y ibá ang nangyayari . Nakaráraán
ang magkakasunod na talumpati na halos di niyá nápapansín .
Si boy Doroteong áalí-aligid ay kung bakit kanyang nakakasuk
lamán mandín kung layû-layùán . Ang gawa niya'y lumálapit
33-47064
514 LOPE K. SANTOS

sa amá, kapág nápapalapít itó. At palibhasà, si kápitáng Loloy


ay kailangang makibagay at makipanayám din naman sa mğa
kaginoohang kakilala na nangároroón , kaya ang anak niyang
babayi'y madalás ding mapabukód ó mápasama sa ilang mga kaki
lalang kapwa dalaga . Sa ganito'y si Ruperto ang natututo ng
para án. Nakalálamáng siyáng dî palák sa mga magasláw na kilos
ni Doroteo, na kanyáng naháhalatâ nang gumígirì rin sa dakilang
binibini. Ang paraán ni Ruperto'y matining at maagap. Kasá
kasama siyá niná Delfín at ni Felipe . Kaú kausap niláng tatló
ang ilang babaying kinásasamahan ni Sela . Dátapwa't nang
nagtatalumpatì na si Don Filemón ay hindî luhà sa mga matá
ang bumalisbís sa magkumpari , sa mánunulat at sa manlilim
bág, kundi halos laway sa bibig ang kauntî nang máibulalás nilá
sa pagtawa . Upáng hindi mangápansín ng karamihan ay
lumayo ang dalawa at nagpaumat-umat na lumigid sa ibang
hanay ng mga butas ng Líbingan . At sa gayo'y naiwan si
Ruperto ; naiwan din si Sela . Kaya habang ang mga ibáng
babayi ay nagagayuma ng mga salitâng may panangis ni
Don Filemón , si Pentong at si Sela ay nakalilimot namang
sila'y nasa libingan noón at kapwà nakikipaglibing lamang . Si
Pentong ay di masalitang bagong-tao ; si Sela nama'y hindi rin
matabíl na gaano . Kákauntî, íilán ang mga nakapamúmulás
na salita sa kanilang mga bibig . Nguni't ¡ anóng mga salitâ!
¡nangagmúmulâng lahát sa dibdib ! .... Bákit silá magkaka
gayo'y noón lamang nagkákilala , noón lamang nagkita ? Aywán
kay Heros , aywán kay Benus : ang makapagsasabi lamang ng
dahil ay ang mga diyós at diyosa ng Pag-ibig .... Kay Delfín
noong araw, sa minsang pagkáparoón nilá sa Concordia , ay
nagkaganitó na rin . Diwà ang kapalaran niya'y talagáng taán
sa mga dukhâng tao. Diwà'y isá pa siyang magiging Felipe,
ó magiging Meni na magdáranas sa amá ng lalòng masasakláp
na tíisin ng pag- irog. Kundangan ang pananabík sa isang wasto
at katampatang pagpapalayaw ng mga magulang ! Kundangan
ang pagmamahigpit ng amá nang walang kasaysayan ! Kailangan
din namang maisip ng mga magulang na ang masagwâng pag
lulupit at pagbabawal , ay lalong nakapagpapalalâ sa pagkasa bík
sa ipinagbabawal!
Ang naging wakás ng kaunting naging sálitâan ni Pentong
at ng binibini, ay totoong makahulugán :
-Kailan pô kayó úuwî sa Silangan? -anáng binatà.
-Marahil pô'y sa makatló -anáng binibini .
-Sásama akó ?
-Aywán ko sa inyó ....
-Ibig ba ninyo ang aking pagsama ?
BANA AG AT SIKAT 515

-Kayó ang bahalà.


-Maasahan ko kaya ang ligaya , kung nároroón na ?
Si Sela'y hindi agád nakasagót . Nápatitig ng isang pamulang
ulo hangáng paá ni Ruperto.
-Ang inaalaala ko'y kayó , -isinagót makasandalî—bakâ
hindi makapagtítiís sa amin.
---Wala akong di matítiís kung dahil sa inyó. Nguni't anó
ang ibig niyong aking gawin?
-Kung matututo kayóng makisama at manuyò sa kapatid
ko , ay inyóng málalaman ang mga dapat niyong gawin.
-At kung malaman ko?
Isáng titig muna ang ipinagpáunáng sagót , bago , anyá'y :
-Di mapalad na kayó ......!
At hangáng doón na lamang silá. Samantala'y natátapos
namán ang pananalumpatì ni Madlâng-layon, na sa pagkapanğu
long-libíng at sa ngalan ng mag-anak na namatayán , ay nag
pasalamat sa madlâng nagsisama roón . Pagkatapos , pagka
tapos ng kanyang nakalúlunos na mga pangungusap, ang_ka
baon naman ang kumilos , sa tahás na sabi'y ang kinilos . Pag
kásuót sa butas , marami sa mga matata ás na ginoóng náro
roon ang naglagáy ng kani-kanyáng kimpál ng buhangi't apog ,
hangáng mapagpunán na at magkatakip ng lubusan, ang naka
pangaling na sa Amérikang si Don Ramón Miranda .
XXX

Dilim at Kaliwanagan
E3E3E3E3

Walang kamalák-malák ang dalawáng magkumparing hu


miwalay sa karamihan , ay naiiwan ng madlâ. Patí si Ruperto ,
sa paghalalay ng pangatawanan na sa bagong kakilalang bini
bini , ay maanong nakaalaala pa sa kanyang bayaw at kay Delfín .
Ang dalawa namang ito'y nápasulong ng nápasulong sa lakad
na hinay-hinay . Halos dî nakakapansí'y napasok na nilá't nabay
báy ang dalawáng susóng hanay ng mga libingan, sampû na sa
mga batang nasa likod ng sambahan . Nákawilihan nilang pag
usapan ang tungkol sa pagkakapatay ni Tikóng kay Don Ramón .
Ibinalità ni Felipe ang lahát ng kanyáng mga nálaman sa
bayaw na bagong-dating. At tungkol kay Ruperto'y hangâng
hangâ si Delfín sa mga nangyari at sa mga sinapit na kabuhayan .
--Nğunì , -ang náwikà kay Felipe -kahi't sa gayong mga
paraang pagkáhirap-hirap ay ibig ko na rin ang palad ng bayaw
mo. Mabuti pa siya't nakakita na ng ibang lupà. Ako'y to
toong nanánaghilì . Kung noong araw na kabataan ko at kabi
nataan, ay may nakitang masasamahang isáng maglálavág at
maglalakbay sa ibang lupain , kahì't na maba bà pa sa alilà, ay
disin isiniksik ang katawan ko , at nang doón sana sa mga ibang
bayan nakapag-aral ng lalòng maraming katotohanan ng
buhay. Sayang! Akó ang bagay na bagay, sapagka't ako'y
ulila nang lubós . Dami ko dising natutuhan doón !
-Marami ka ngâ sanang natutuhan , ang sagót ni Felipe
dátapwa't marahil naman ang naging damdamin mo at mga
pananalig ay hindî na ang mga kasalukuyan ngayón. Sapagka't
joh ! ang nababago sa pilipino ng mga táwirang dagat na iyán!
--Nálaman mo , kasama , ang galing ng isang lumílisan sa
kanyang bayan at dumádayo't nag-aaral sa ibáng lupà, diyán
sa mga lupang hirang pa hangá ngayong maging luklukan ng
sibilisasyón ó kabihasnán, ay nasa sa pagkuha roón ng mabubu
BANAAG A T SIKAT 517

ting ugali , karunungan at dilang bagay at nasa pag-uuwî rito sa


kinagisnáng bayan , upáng máipunô sa mga kabutihan pang pag
dárat-nán . Tikís na nga lamang na sa maraming kababayan
nating nag-aaral 6 nagsísidayong maglibót sa mga ibáng lupàín ,
pagdating dito , ay kadalasán nang makitang dî anhín na lamang
nilá’y máitawid at máihaliling buô ang Europa at Amérika sa
Pilipinas . Nabábago ang kanilang paningín : ang tingin sa lahát
ng datnán dito'y masama na .....
Talagang ganyán ang tinatawag na sibilisasyón -ang
sambót ni Felipe .-- Isáng pagtatagumpay ng tuntunin ni
Darwin. Ang maliliit ay kailangang luluníng buô. ng mala
lakí. Ang sibilisasyo'y parang alak; ang sibilisado'y parang
lasing. Habang lumálala ang pagka-sibilisado ng isang bayan,
lahì ó tao, ay lalò namáng kinákapitan ng mga sugapà ng sibili
sasyon . Ang tingin ng sibilisado ay pumípihit sa paligid-ligid
nivá ang sangsinukob. Ang akala niya'y siya ang laging nasa
gitnâ. Ang ibig niya'y siya ang lapitan , siyá ang tapatán ng
pinto ng langit ng dilang ginhawa at kapurihán, katulad ng
isáng langóng gúgulong-gulong sa lansangan , na sa pagpihit ng
lupà , ay pahigâng nag-aantay na magdaán sa tapát ang pintô
ng kanyang bahay, at kanawa-nawang ito'y lúluksuhín na
lamang. Sa paglakad na pasuray-suray, kung naghahanap ng
lugál na máhihimlayán ng katawan niyáng patâ, ay ang tinútun
tungáng lupà ang pinakamúmura at tinútungayaw tuwing mapa
pabalakid ang paá : ang daan ang binibigyan ng sala , na díkono'y
tagilíd at banlók-banlók, kaya di siyá makalakad ng matwíd,
bago'y ang mga paá niyá't tuhod ang nangángalóg , bago'y nasa
katawan din niya ang mga kasamâán, hinà at buwáy. May
pinag-ibhán pa ba riyán ang mga bayang tinatawag na sibilisado
ngayón ?.. Ang kasabihan ng mga manlalasing na ang di umí
inom ng alak ay di nánakyát sa langit, ay siyá na ring tuntunin
at sáwikain ngayon ng mga sibilisado : ang bayang hindi nag
úusig ng sibilisasyon ay hindi maaari, aniláng, guminhawa. Kung
magsasabi ang mga bayani ng sibilisasyón , ay tinútungalì nilá
ang mga malabòng pátuntunang-isip at gánapang pananampala
taya , bago'y silá ang una -unang nanúnuntón at umúulirán sa
panakot na dogma ng Romanismo, na : sa labas ng Pananampa
latayang (o Katipunang) Romano ay walang pagkáligtás...
Mga lasing na pag-iisip ! mga bulók na kalooban ! mga palalò
at masagwâng pag-ibig sa sarili ! ....
-Hindi birò , kaibigin-ang payo ni Delfín . - Nguni't
mápuntá akó ulî sa kapatid ni Tentay . Anó ba namán sa tingín
mo : ¿may natutuhang mabubuting bagay sa mga bayan niyáng
nasapit?
518 LOPE K. SANTOS

-Sa tingin ko'y mayroón ; bagamán hindi gaano , sapagka't


¿ anó pa ba naman ang iyong maáasahan sa isáng náparoón
hindi sa tangkang mag-aral na talaga , kundi upang lamakí na
sa paglilingkod sa isang panginoón ? Salamat at siya'y naiwan .
na sa Kuba , kundî disin ay walâng-walâ rin siyáng nápagkalak
háng dunong kundi ang maging mabuting utusán, ó kung baga
má'y maging magaling na magdaragát. Dátapwâ, bukód sa
nákita niyáng mga kalakarán ng pamumuhay at pamamayan
unang-una , sa Italya at sa Barselona , doón sa Kuba ay nádilat
nang dî kawasà ang kanyang mga matá sa mga patibóng at atas
ng mga pakikitungali sa buhay. Nátutuhan niyá roón ang
dunong na lalong mahalaga at kailangan ng tao : ang makita
bagá, máranasan at kasanayan ang mga tunay na paraáng
marangal ng paghahanap-buhay. Nápalipat siyá sa Estados
Unidos, at bagamán doo'y naging isang hamak na upahán din ,
isáng katawang nagdúduro ng lakás , ay marami ring napagkitá
at natutuhan doóng pagkikilusán ng mga mangagawà, at
pag-aasal ng mga taong-bayan sa mayayaman at sa mga pinunò .
Sa aking akalà, ayon sa mga bukás ng pangungusap ni Ruperto,
siya'y makakatuwang na magiting sa ating mga panuka là ; sa
taya ko, siya'y nakapag-iinóm din ng mga may-pulburáng alak
na idinudulot ng mga sosyalista at anarkista sa Barselona , sa
Kuba , sa Kaliporniya , sa New-York, at sa iba pang kanyang
naabót, sapagka't masikap siyáng magdádaló sa kaniláng mga
pulong at kilusán . Hindi ko pa lamang natátarók na mabuti ;
nguni't maniwalà ka : isáng kasama na siyáng máibibilang natin.
-Ohó ! ... Salamat kung gayón ! .. Nguni't tayná, tayo
na sa ating pinangalingan . Dumídilím na at marahil kita'y
napag-iwan na ng lahát.
Nang dumating silá roó'y walâ na ngang tao . Patí ng mga
naglalapat ng takíp na bató , buhangin at apog sa butas na pinag
libingan kay Don Ramón, ay nakatapos at nakaalis na . Sa
boông Líbinga'y wala na siláng málinğunán ni isá mang tao .
Nguni't nang tanawin ang pintuang malaki ay bukás pa . Walâng
anó-ano'y salilitaw sa dakong likód nilá ang isang kawaní roóng
maydala- daláng malalaking susì at dî man nagsasalitâ'y waring
ibig magsabi , na :
-Gabí na pô : magsásará na akó .
Nguni't hindi pa man nakasásalitâ itó, ay nahulàan na ni
Delfín ang gayón .
-Hintáy muna , kaibigan , -anyá-at amá namin iyáng
namatay, kaya kamí nagpáhulí.
BANA AG A T SIKAT 519

Bago inalók pa ni Felipe ng sigarilyo , at pagkakuha ng isa'y


lumayo na namán .

Sa harap ng bagong libing, pagkápaisá ng dalawá, ay kapwà


kusàng natigilan . Anaki'y binubugabog ng maiitím na sala
gimsím ang kanilang mga gunam-gunam. Ang mga ulo nila'y
nanglálakí. Ang mga kilabot ng lamán ay nagsisilitáw. Ang
mga buhok at balahibo'y nagsisipánindigan at nangánga lisag
na katulad ng sa mga nátatakot .
Nguni't hindi takot ang sa kanilang dalawa'y umaali nang
mga sandaling iyón . Si Delfín at si Felipe, na hindi nagpapan -
wala sa mga abubot at pamahiing kasabihan na ng mga hangál
at duwág tungkol sa nangamámatay na kagalít at tungkol sa
mga líbingan kapág gayón nang sumísibsíb, ay hindi mapaghá
hakaan ng gitî man ng takot sa harap na iyon ng pinaglagakan
kay Don Ramón . Walâng walâ sa kanila ang bagay na itó.
Ang nangyayari sa dalawá ay isang pagkapukaw ng lalòng
malalalim na dili-dili . Ang boông pinagdaanang buhay ni Don
Ramón, na nápasadlák at sukat sa isang hamak na guwáng ng
bató, upáng doo'y lamunin ng panahón hangáng walâng mátirá
kundî mga buhók at kalansáy na lamang, ay naglikha sa isipan
ng magkatoto ng maraming mga pagninilay. Nguni't hindî iyáng
mga nilay-nilay na itinúturò ng isang bulag na pananampalataya
Hindi iyáng mga nagmúmulâ at humáhangán sa kabilâng-buhay
na tahanan ng mga kálulwáng pinapagdúrusa ó pinalúluwalhati,
alinsunod sa mga alamát ng Relihyón . At hindi rin , bagkús
malayò at kakaiba sa mga ipinagúgunitâ sa isang binyagan
niyáng mga larawang nag-uulat ng Pagkamatay ng BANÁL at
Pagkamatay ng MAKASALANAN ; na ang makasalanan sa paghihi
ngalô ay ayaw tumingin sa mukha ng Diyos na may tangang
isáng pamalòng kidlát : ipinanánangis ng anghel na katutubò :
tinátabig niya ang paring nagpapakumpisál : niyayakap sa
dakong kaliwa ang dimonyo , na mayhawak namáng mga supot
ng salapî, larawan ng babayi at iba pang mga pang-akit sa kalu
pàán ; nguni't ang banál ay masayang-masaya sa pagtangáp ng
kamatayan, sa pagtitig sa Diyos na buká at payakap ang mga
kamáy, sa pakikiulayaw sa anghél, na katutubò , habàng sa isang
tabí, sa isang sulok , ay nagkákangbabalukol sa hiyâ ang dimonyo ,
na halos matunaw na sa mga wisík ng bendita at sa mga bendisyón
ng paring nangangaral ....
Ang mga bagay na núnukaw sa gunita ng dalawá, ay nag
búbuhat at náhihingil sa buhay ding itó : mga bagay na dî sa
diwà lamang at sa mga pangarap at guní-guní nákikita , kundî sa
520 LOPE K. SANTOS

háyagan ; mga hayág, nádadamá ng pag-iisip , ng pangdamdám,


ng kalooban at ng mga matá, taynga at kamáy.
Anó-anó ang mga nagawa ni Don Ramon , bago umabot sa
gayóng hangán? at saán-saán mápapauwi ang kanyáng mğa
naiwan? Itó ang palaisipang yumaníg sa kalooban ni Felipe at
ni Delfín , na parang ikinádikít ng kanilang mga talampakan sa
tinútuntungang bató . Sa dalawáng tanong na iyán ay násilíd
mandín ang lalong mahahalaga at malalaking paláisipán ng
Sosyalismo , na kanilá kapwàng pinag-aaralan . At diyán din
namán talagang nasasalig at nagpapaligid-ligid ang mga palá
isipang lumiligalig ngayong kasasalin sa lalong mayayaman,
bihasa at mataong mga bayan .
Anó-anó ang bagay na ikátatangì ng mga karapatán sa
buhay ng isang tao sa isang kapwà-tao rin ? Alín-alín ang mğa
dahil na ipinagkakaroón sa mga bayan ng mga tao sa itaas at
mga tao sa ibabâ? Bakit may mga nabúbuhay ng pasasà at
may mga nabubuhay ng salát ? Bákin karaniwang kun síno
yaóng mga hindi na paghihirapán sa pag-gawa, ay siyang nangag
sísiyaman , at iyáng mga nagpápakania táy na halos , ay siyáng mğa
parating nababaón sa dálita? Anó ang pinagmúmulán ng mğa
kayamanan ng filán , at anó ang naglilikha ng mga kahirapan ng
marami? Bakit ang isang taong nanaganà na sa ginhawa sa
kanyang buhay, ay nagkakaroón pa ng karapatán upang bago
mamatay ay makapagpamana ng tinurang ginhawa sa kanyáng
mğa anák , sa , ang kahulugan ng pananaganà niyang iyon ay
pananalát ng karamihang kapwà rin niya at ng kanyang mga
anák na maybuhay na kailangang buhayin ? Hindi ba't ang
anomán ay di sa kangínomán, nguni't ang lahat ay sa lahát ? ..
Nábubulay-bulay nga ng dalawa ang mga palaisipáng itó,
kaya malaón-laón din siláng parang nangatubigan .
Dátapwa't makalipas ang mga pagkátigagal na yaón , ay si
Delfín ang unang nakapagbuká ng bibig .
-Kaibigan : náta tahimik na ang biyanán ko , at diwà'y
hindi na marapat pa nating bagabagin . Sa pag-giliw kong
matapát sa aking asawa , anománg kapulàáng masasabi ko sa
kanyang amá, ay natítimpî na sa aking dibdib. Igalang natin.
ang mga patay !....
-At anó ?-ang pabiglâng náitugón ni Felipe isá pa ba
tayong naparito upang makitulad lamang doon sa tatlong hangál
na matatandâng nagtalumpati sa harap ng kabaon , na walâng
pinagsasabi kundî pawàng kabutihan na lamang ng ililibíng ?
Sa akala ko , Delfín , ay nakisama tayo rito, hindi sa pagsunod sa
BANAAG AT SIKAT 521

mga karaniwang ugali lamang, na magluksâ, manalangin , ma


nangis, magpuri at magbaón sa lupà ng isang taong patay. May
ibáng kahulugan sa atin ang paglilibing na itó.
--Nálalaman ko.
-Kung gayón, ay anó ang ipingíngimì mong ialaala sa mga
katampalasanan , kasakimán sa salapî, kalikután sa babayi , pag
iring sa mahirap , at iba pa niyáng mga kasamâán? Para sa
bihin ko sa iyo ang totoó, ipinagngíngitngit ko ang mga dating
ugaling iyán na hindî palitán ng mga tao . Ang kamatayan ng
isang tao, lubhâ pa't ng isang mayaman, ay isang makapál na
aklát na mapag-aaralan ng maraming karunungan sa buhay. Sa
aklát na iya'y dapat na lahát ng masama ang itanghál, at huwág
siyang ipaglihim, sa pagka't mapagkikilala ng lahat ang kasamán,
at mapag-iisipan ng kaukuláng pangingilag : anopa't hindî na
mápapamarisan.
-Hindi akó sang-ayon sa iyó ; -ani Delfín -kun ang sá
sabihin mo'y marapat itanghal ang mga gawang masamâ ng
isáng namatay , upang huwag nang mápamarisan. Ang hilig ng
tao sa masamâ ay malamáng pa hangá ngayon. Kun siyá
mong ibúbunyág, ay lalòng dárami ang mámumulat sa masa
mâ. Kung ngayong pawàng buti na ang inúulit-ulit na ipakila la
ay kákauntî pa rin ang umúuliráng magpakabuti, ¿ dî lalò pa kung
gawang masasama ang sa kanila'y iyong ipagpapakilalá ? ...
Nguni't kung ang wíwikàin mo'y pagnuynuyín sa atin-atin
lamang ang mga ginawang pamumuhay nitong si Don Ramón,
upang mapaghangùan ng mga aral na hingíl sa Sosyalismo , ako'y
naniniwala sa iyong marami ngâng magagaling na bagay na
mátututuhan ang isang bayan sa bawa't pagkamatay ng isá
niyang mayaman .
-Oo nga: at bawa't isang Don Ramóng mawalâ sa lupà ,
ay isang tanikalâng bakal na nala gót sa pagkakabigbís ng mga
paá at liíg ng pû-pûng alipin at libo-libong mangagawà. Hindi
gaya ng akala ng mga itó, na sa pagkamatay na iyán, ay nawá
walán silá ng mangbubuhay.
--Ganyán na nga ang isipan ng mga taong di nakaáabót
ng tunay na urì at halaga ng Pag-gawâ. Gumagawâ silá na
ang akala'y may-utang na loób pa sa ginagawâan . At ang mga
nagpapagawa namán, ay nagpapalagay na sila ang nagbibigay
buhay sa mga mangagawà. Paano'y hindi nilá talós na ang Pu
huna'y isang kasangkapan lamang, at ang Pag-gawa'y siyá
ring pinagmumulán ng tinurang puhunan . Sa makatwid, ay
ang mga mangagawà ang dapat kilalanan ng utang na loob ng
mga nagsisiyaman sa pamumuhunan , bago ang mga ito ang
kilalanan ng mga iyón .
522 LOPE K. SANTOS

--Oh, kaibigang Delfín ! Dahil sa násabi mong iyán, ay


naalaala ko na naman ang kalagayan ng mga alilà at kasamá
ni tatay sa aming bayan . Ang palagay nilá sa tatay ko ay "Di
yós " na . Kaya pag namatay siyá, ay parang namatayán na
marahil ng "Diyós" ang mga kahabag-habág na taong ivón .
-Wikà ko namán sa iyong mamatay man ang mga Don
Ramón at mga kápitáng Loloy natin , ay walâng kapakanáng má
papala ang ating mga marálitâ . Hangáng iyáng karapatán ng
isáng magulang na makapagpamana sa mga anak ng kanyang
yaman at kapangyarihan ay hindî na bábago sa mga kautusáng
sinusunod ngayón, asahan mo't walâng mangyayari, kundî
hálinhinan lamang ng panginoón .
-Ay kung kaparis nating tayo ang kusàng lumálayô sa
mana ikaw ó kayong mag-asawa sa iyong biyanán , at akó sa
aking amá?-ang náitanóng ni Felipe .
---Hindî lahát ng anak ay mayroon ng mga paniniwalà at
pagkukurong paris natin . Sa bawa't sanglibong anak ng maya
yaman , ay hindi ka makakápulô ng dalawá ó isáng maylikás at
kusàng pag-ayaw sa pamana ng nangásabing magulang. Para
para silang nag-áantáy ng kapalaran ng mahigít sa pag-asa ng
isang pag-aantay sa tamà ó panalunan ng mánunugál na
tumayâ ng tawag lamang sa isáng sugál, dahil sa násubukan ang
dayà: anopa't walang puhunan, nguni't malamáng ang pana
nalo kaysa pagkatalo. Ang mga pagtangí natin ay tátawagin
ngayong kaululán, kahangalán at kasirâán ng baít ; at tayo'y
tátawagin niláng mga ulól, hangál at mga batang úlian . Ang
masamang pagkáwatas sa mga saláwikàíng: "ang tumátangí
sa gracia, nilálabùan ng matá" at "bayabas mang bubót, gracia
rin ng Diyós ," at yaóng salawikàín ng mga kastilàng dame pan
y llámame tonto, ay siyá pang naghaharì sa kalooban ng tanang
anák na may inaasahang manahin at sukat , pagkamatay ng
kanilang mga magulang. Hindi ang mga tao ngayón , ang maka
tátatap at makagaganap ng ating mga pinaniniwalaan at sinú
sunód . Maraming araw pa muna ang kailangang lumubóg, at
marami pang gabi ang áantayin nating makalipas, bago
mamanaag at sumikat ang ganang araw natin . Kailangang
halinhan muna ang mga kasalukuyang álituntunin ng mga pag
sasamahan sa pamamayan , sa pamumuhay, sa pagmamag-anak.
sa pananampalataya at sa mga pag-aasal ng ating bayan , bago
mapasikat sa boông kaliwanagan ang araw ng ating mga pana
nalig sa isang bagong-bayan ó pagsasamahan ng mga tao . Tayo
ang nakatátalós ng mga ganyang kasamâán , tayo ang mangilagat
huwag gumawâ. Tayo ang mga nanánalig, tayo ang tumalima
ó sumubok man lamang sa pinananaligan . Kayâ akó, ngayong
BANAAG AT SIKAT 523

dahil sa paglilibíng na itó sa aking biyana'y tila nagkakásundô


na naman ang magkakapatid niná Meni at kamíng magbabayáw ..
akó , ay walâ kundî isáng kalooban , isáng salita at isáng gawâng
nálalaán sa dapat manahin ng aking asawa. Si Meni ay naní
niwala na at sumúsunód namán sa aking lubós na lubós
sa bagay na iyán . At ang pasyá ko'y alám mo na rin : hindî
akó maghahabol ni makikipagkagalit kiná Madlâng-layon
dahil sa sala pîng hindi namin kapwà pinagpaguran . Kamíng
mag-asawa ay maysálitâan nang , pagkatapos ng libingang ito
at pagdating ng araw na itátawag ng mga húkuman
sa mga anak ni Don Ramóng dapat magmana , ay hindî kamí
háharap at maghahabol . Bábayaan naming magpasasà siná
Talia hangáng ibig nilá sa di kákaunting salaping iyón , huwág
lamang máturang ako'y yumaman sa mana . May araw ring
sísigawán silá ng kanilang gunam-gunam sa ganyang gawâ, at
hárinangang ang mga salapî nilá'y mátutuhan ding ilagay, balang
araw, sa mga bagay na sukat pakinabangan ng kalahatán at dî
nilá lamang. Sa ganáng akin, kaibigang Felipe, ay tinatangáp
ko sa ngayon ng patungó ang tawag sa ating tayo'y mapangara
pín, mga pahát at mga busabus ng isáng guní-guníng gumá
gawa at umaasa sa wala. Tátangapín ko rin ang itátawag sa
aming mag-asawa , lalò na sa akin , na kamí'y mga ulól, hindi
marunong sa pagka -buhay at iba't iba pang pangalang walâng
pagsala'y ikakapit sa amin ng madlâ sa ginagawa at gagawing itó.
Nguni't ano ang kailangan? Malinis ang gunam-gunam ko sa
pagtupad ng matwíd. Patawarin natin ang mga tátawag sa atin
ng ganyán, pagka't hindi nilá natátalós kung ano ang kanilang
sinása litâ . Dáratíng din ang ganang panahón nating iká
kikilalang tayo ang maykatwiran !
-Dáratíng !-ang badyá ng kausap- nguni't kailán pa ?.
kung pumutî na ang uwák? kung umitím na ang tagák ? kung
may lalaking manganák? ....
-Akó ma'y iníp na rin , Felipe . Ang damdám ko ba'y
marami nang uban yaring kabataan pa ng aking buhok sa pa
nonood at pagngingitngit sa mga nakikitang pálakarán ngayón
ng pagsasamahán ng mga tao rito sa atin . Maykatwiran tayo
sa pagkainíp . Sapagka't ang kahulugan ng ating mga nakikita
ngayong kaapihán ng mga mahihinà at mahihirap, ay daán
daán nang taong paglupig at pagpapasasà ng mga maypuhunan ,
ng mga pámunûán at ng mga panginoóng sa ibabaw ng kanilang
hinà at hirap ay nátatág at nakapangyari. Ngunì, ¿ anó ang
kanilang magagawâ, kaibigan ? Sa mandín ko'y dádalá-da lawá
pa tayong nagmámatigás-loób at di na nabábalisa sa pagtangáp
ng tawag na ulól at mga batang- úlìan . Hindî natin mapa dá
524 LOPE K. SANTOS

dalî ang gabi ni mapalúluwát ang araw. Wala pa sa kamay


ng tao ó natin , ang bagay na iyán . Ang mga bayan at ang mga
tao, katulad ng lahat ng bagay, ay may mga katutubong hilig
at lakad na di maaaring baguhin ó sugpûín sa ilang araw lamang.
-At bakit hindi ? -ani Felipeng ang matá'y napapa dilat
Ang lahat ay naigígibâ ng isang Rebolusyon!
-Oo ngâ ; nguni't ang Rebolusyon ay hindi nangyayari
hangáng hindi nakaráraos ang Ebolusyon . Ang isang paghihi
magsik ay ginagawa ó nagagawa ng mga bayan kun totoong
busóg na sa pagtitiis . Ang kabusugán sa pagtitiís ay hindi
náraramdaman ng iba kundi ng nabúbusóg din. Ang pagkáram
dám ay isinisigaw din ng nakakáramdám at di ng mga nanónoód
lamang. Ang pagsigaw ay kasabay na ng paghihimagsik . Sa maka
twid , ayangbayang marálitâ rin nating nahihirapan angkailangang
sumigaw na siya'y totoong busóg na sa mga tíisin . Akalain mong
ang tubig ay di bumúbubô, hindî bumábahâ sa mga kababaan at
dî nagwawalat at kumákaladkád ng bawà't máraanán , hangáng
hindi muna napúpunô ang mga guwáng 6 bahay-tubig sa mga
kabundukan. Kapag apaw at punô na , ang tubig na dating
mahinay sa pagdaloy at sa pag-agos , ay nagiging bakal na pang
wasák at pang-gibâ ng lalòng matitibay na katalatagán .
--
-Kayâ ngâ ba ang sabi ko sa iyó -ang paklí ni Felipe-ay
panahón na ngayon ng ating Rebolusyón sosyál, sapagka't sa
akala ko'y puno na sa pagtitiis ang ating mga marálitâ.
-Hindi pa marahil , sapagka't hindî pa nagsisikilos ng kusà :
hindi pa sumisigaw sa kanilá ring bibig. Nangangailangan
pa ng mga pakakak at tambuling pamukaw. Nagkákailangan
pa ng mga taong-hirang, ng mga bayaning taga -akay , taga
sulsól at úliranín . Ang mga mangagawà natin , ang mga kasanıá ,
ang mga alipin at ang lahat na ng nagpapaupá, ay talagang
hindi pa nangaiipit at naráraganán ng totoong bigát ng kahirapan.
Kung mga ipít at putót nang totoo sana silá , disin walâ nang
mga pakakak na kákailanganin pa , upang magsibalikwás at
magsitiplád sa ilalim , at nang sa ganito'y mangápailándáng at
bumagók sa lupà, hangáng mangadurog, ang nakakáragán
sa kanilang mga mámumuhunán at panginoón .
--At ang mga pámunùán , idugtóng mo-ang isinambót ni
Felipe. Sapagka't ang tunay na Rebolusyon sosyal na dapat
mangyari rito at saán pa man, ay iyang maggúguhô sa lahát
ng mga kapangyarihang makagagambalà sa pagkaganap ng
tunay at katutubong kalayaan ng mga tao . Ano ang mapapa lâ
mong ginhawa, sa iyong pagka -marálitâ ngayon , mawala man
ang puhunan sa kamay ng íiláng lintâ, mawalâ man ang mga
taong hindi mabuhay kundi sa pag-uutos at pang-aalipin , kung
BANA AG AT SIKAT 125

may mátitirá pang mga hirang na taong magpapangáp na taga


pangasiwa ng bayan , iláng mga taong háhawák ng kapangyarihan
upáng sundín-sundin ng karamihan ? Kapag ang Sosyalismo
mo ang siyá nating pangangatawanan lamang, ay lalò tayong
mapapabulusok sa bangin ng pagkasawî. Papaano'y ma pí
pisan ang puhunan , ang mga lupà, ang mga kasangkapan , ang
kapangyarihan sa íisáng kamay lamang : isáng kamay ng Estado ,
ó sa malinaw na't tápatang sabi, ay sa kamay ng pámunùán .
-Huwag mong ipagkánialî, kaibigan, ang kahulugan ng
pámunuán sa póngasiwaán-ipinutol ni Delfín . - Sa sosyedad
ó pagsasamaháng hináhakà ko, ay hindî pámunùán ang mátitirá :
ito'y mawawala at ang mátata tág ay isáng katipunan ng mga
taga-pangasiwa lamang ng madlâng kailangan sa pamumuhay ng
mga taong-bayan.
-Bah! ano ang kasaysayan ng pagkakáibá ng ngalan !
Tawagin mo man ang katipunang iyán ng mga taong-pilì, na
pániunùán ó pángasiwàán , ang kahulugan niya'y kapangyarihan
din ng filáng tao sa karamihang tao rin . Sa akin , alinmáng
kapangyarihan ng ibá sa ibá ay dapat iguhô . Ang sarili lamang
ang dapat makapangyari sa sarili ...
Si Delfín ay napatawa-tawá , at sakâ kasabay sa pag-ilíng
ang pagbubukás ng mga salitang itó :
--Oh , Felipe, Felipe ! ... Hindi kitá tinútutulan sa mğa
sinasabi mong iyán ; sapagka't isá akó sa mga nagpapalagay na
walang pangangatwirang bukál sa budhî na masamâ ; at bantád
na rin ako sa paniniwalàng may mga bagay na dî naáa bót ng isip
kahapon , nguni't palasak na palasak ngayón , at may mga taling
hagà , pangarap at balintunà ngayón, na bukas-makalawa'y
maliwanag pa sa araw na magkakátotoó at magiging matwíd.
Dátapwa't úulitin ko sa iyó ang aking paniniwalà na hindî pa
araw ito ng ganap na Rebolusyon . Ang buhay ng mga lahì , ang
lakad ng mga bayan , ay nagdáraán sa tatlóng baytang ng panahón :
una , ang panahóng lahat ay iniáasa at iniúukol ng tao sa May
likhâ ; ikalawa, ang panahóng lahat ay ipinipintuhò at kinikilalang
utang sa mga Bayani ; at ikatló, ang pana hóng lahat ay kinikilalang
galing at dapat mápauwî sa Lahát . Iangkáp mo sa ating lahì
at bayan ang tatlóng baytang na iván , at mákikita mong fisá
pa ang ating nalálampasán . Kasalukuyan pa tayong nagtú
tuntong sa pangalawa ng íisáng paá , habang di pa naáangát ang
isá sa una .
--At anó? -ang mapusók na tanong ni Felipe.
Walâ sa loob, ay nápasandál si Felipe sa isang na sa likód
niyáng malakí, pantáy-pigî at lagaylay na sangá ng isang punò
ng kalasutse. Tila umanyô pang magsalita ng matagál . Sa
526 LOPE K. SANTOS

matala nama'y hindi nagbabago si Delfín sa pagkakátayô , ô


tuminag ma'y lumapít-lapít lamang sa isá, at ang mukhâ'y
pabulaga't na kawangis ng isang may ináantáy na mahalagáng
sagót sa kausap.
-Tignán mo't dingin ang ating matatandâ , -ipinagpa
tuloy ng manunulat- at di ang mga matandâ lamang , kundî
ang mga kasibulan ma't kabataang hindi pa nakakakilala ng
bagong panahón . Lahát ng nangyayari sa loob at labás ng
lupà, sa buhay nilá ó sa buhay ng ibá, lubhâ pa iyáng mga bagay
na hindi maabót ng kanilang maikling pag-iisip, ay ipina lálagáy
na pawang talaga ng Diyos. Kamátayan ó kabuhayan, pagka
sawî ó pagkakapalad , sakunâ ó ligaya , pangyayari ó di pangyayari ,
masamâ ó magaling, sa ganáng kanila'y pulós na kaloob ng Diyos .
Bálana'y ipinagpapasalamat sa Diyós . Na ang isáng iná, halim
bawà, ay pinagkasaktan ng anak? Danga't dito'y maylikás
siyang pagmamahál , kundî sana'y hindî máiisipan ni ipagamót,
sapagka't ang sakit ay bigay ng Diyós ; gamutín ó sapàin ang sakít
na ito'y isang pagmamarunong pa sa Diyós ; dî man gamutí'y
gágaling, kung talaga ng Diyós ; gamutín ma'y mamámatay din
kung ibig ng Diyós ; at kaya namatay ay sapagka't niloób na ng
Diyós .... Yaóng turò at halimbawàng iminulat sa kanilá ng
pananampalataya , na hindi malálagas ang isang dahon ng kahoy
kundi pa tadhana ng Langit, ay tuntuning laganap pa hangá
ngayon sa marami. Mğa nunò at mga iná ang karaniwang
maytaglay ng ganitong pananalig. Silá pa namang nagpapa
mulat at nag-áa lagà sa mga batàng súsunód sa pamamayan !
Hindi mo mapalilipas ng ngayón-ngayón lamang ang mga kapa
niwalaang iyán . Kákaunti pa ang mga lalaki at pahát pa ang
mga kabataan nating nagkúkurò na't nagpápa lagáy , na , kayâ
nalálagas ang isang dahon ng kahoy ay hindi sapagka't binungô
na ng kamay ng Diyós, kundi dahil sa ó tuyo nang talugá sa tang
káy, ó inabot itó ng isang lakás na mahigit sa kanyáng tibay.
Bíbihirà pa ang mga nakapag-iisip, na , iyáng mga walâng bigông
kilos na di mapagsa ta la gá ng Langit , ay siyáng mga lalòng lapas
tangan sa Divós ; sapagka't itóng Diyós ding itóng sinasampa
latayanan nilang mulâ at hangá, at siyáng ganap na kabuôán ng
lahát ng buti, ay ipinalalagay nilá ring gumagawa ng di mabuti :
pumapatay ng mga anak na mahál, nagtútulot ng mga gutom,
nagwawalang bahalà sa mga digmâan , naghuhulog ng mga salot,
nagbibigay sa tao ng mga tíising hirap, nakaáatím na magluwát
ang pang-aapi ng filán sa marami, at ng iba't iba pang kasamâáng
dumáranas sa ating buhay. Gayón ma'y masásabi nating ang
mga pananampalatayang yao'y buntót na lamang ng Kahapon .
Ngayon nga'y nakatuntong na ang isang paá natin sa ikalawang
Lope K. Santos.-"BANAAG AT SIKAT."

OM

RAYON MIRANDA

Wala sa loob, ay napasandál si Felipe sa isang na sa likod niyang malaki , pantay-pigi


at lagaylay na sangá ng isang puno ng Kalasutse.
35
‫ܚܝܝܝ‬
T 527
BANAAG AT SIKAT

baytang sa panahon ng mga Bayani. Ang pagka-ganáp ng


mga katutubo nating matwid, ang pagkatubós ng ating bayan.
sa kaalipnán , ang kalayaan sa pag-iisip , sa pananalitâ at sa
paggawâ, ang pagtatamó ng malalaking ginhawa sa pamama
yan at sa pamumuhay, ay hindi na pulós at lubós na sa Batha
làng Maykapal natin ipinamímintuhò at iniáasa , kundî sa mga
hirang namang tao, diván sa ilang mga tanging kapwà tao natin ,
na may kadakilaan na rin ó pagka-diyós. Sa halimbawà, ang
ating mga José Rizal, ang ating mga Andrés Bonifacio . Ang
mga ganitong tao naman ang natututuhan nating sambahin
ngayon at sampalatayanan , sapagka't nakikita na at náda damá
ang mga kapakinabangán ng bayan sa kanilang mga ginawâ,
na di magága wâ ng karamihan . Silá ang mga taong- "diyós"
na nápipili ng Kalikasán ó Katalaga hán (Dios-Naturaleza) ,
upáng bumago ó magpadalî ng mga katamtamang lakad at kilos
ng mga bayan. Sila ang mga bagyó na lumálagas sa mga dahong
dî pa natútuyûán ng tangkáy ; mğa lindól na yumáyaníg at nag
gúguhô sa lalong mapapalalòng bahay; mga bahâ ng tubig na
pumápalanas sa mga másagasaan ; mga apóy na pumúpugnáw
at umáabó sa lahat ng mapag-itingan . Ang mga Bayani ay si
váng balita ng mga paghihimagsik ng bayan. Bawa't paghihi
magsik ay tanda ng maraming kabaguhan . Nguni't hindî
lahát ng paghihimaksík ay ganap nang katúbusan . Gaya ng
gina wâ natin dito laban sa pámunùáng kastilà, hangá ngayón
ay hindi pa natin lubós na nápapakinabangan, at nápakina
bangan ma'y hindi sa lahát ng ating pangangailangan . Ang
pagkakapaghimagsík na iyán ng bayang pilipino, ay matatawag
lamang na Rebolusyón politika, ó ukol sa kapamayanán. Itó
ang unang kinauuwian ng mga pangaral at udvók ni Bayaning
Rizal . At bagamán ang Katipunan ni Bayaning Bonifacio ay
maykahalo nang mga adhikâng- sosyalista ; dátapwa't sa mga
nangyari, ay wala pa tayong masasabing pagkaganáp dito ng
isáng Rebolusyón sosyal. Kung bagá man , ay mga giti pa la
mang. Sa pagkukuro ko'y nangangailangan pa ng maraming
Bayani ang ating bayang marálitâ upang mapukaw sa pagkaká
gupiling. Kung magkaganitó, iván, sakâ natin masásabing
nasa pangalawang baytang na ang dalawang paá ng ating bayan .
Súsunód na rito ang paghakdaw sa ikatló , at ang hakdáw na
itó ang siyang tunay nang Rebolusyón sosyal .....
-At pagkatapos ? -ang ipinatláng ni Felipe.
-Pagkatapos .... náriyán na , katoto , ang hangá ngayo'y
pinag-áagam-agam ko... Dapat ko sanang asahan ang pag
kaganap ng sa pangatlong panahóng sa iyo'y aking sinabi . Sa
makatwid baga'y hindî na ngâ magiging fisá ang Diyos na pinaní
528 LOPE Ꮶ . SANTOS

niwalaan nating mulâ't hangá ng lahát ng bagay, hindî na íilán


ang mga Bayani na bumábago at nagpapadali ng mga sadyâng
lakad ng Katala ga hán ; kundî ang lahát na'y diyós , ang lahát na'y
bayani, ang lahat ng tao'y pawà nang TAONG-BAYANING- BATHALA ,
na wala nang pópooníng sarili, ni ibá, ni isá, ni ilán, kundi ang
SANGKATAUHAN . Sa katagang sabi : nakaraan na disin tayo sa
tatlóng baytang ng mga hirap, na makákapitan ng kani-kanyáng
pamagat na panahóng maka-BATHALA, panahóng maka-BAYANI
at panahóng maka- SANGKATAUHAN .... Nguni
Nğunì .... dátapwâ ....
Si Delfín ay napapailíng-ilíng sa pagbubuntót ng mga paklí
sa kanyá ring kasasabi pa . Sa gayo'y nápabulalás sa bibig
ng mainit na kausap ang tanong na:
-At anó ang inaalalaala mo ? hindî ngâ ba totoó iyán?
-Kaibigan : madilím na tayo rito . Yaóng tao'y iníp na sa
atin marahil.
-Hú ! hindî pa ; hindî pa -ang mapiling tutol ni Felipe.—
Anóng dátapwa ang ibig mong sabihin?
-Unang una , ay naniniwalà akó sa sabi rin ng anarkistang
si Grave. Ang Rebolusyón sosyál na wawalis ng totohanan sa
lahát ng mga samâ ng kasalukuyang pagkakátatág ng Kata
uhan, ay hindi magagawa ng fisá ó íiláng bayan lamang. Kai
langang lumaganap muna sa lahat ang lubós na pagkakilala sa
mga karapatan ng tao at mga bayan, gaya ng pagkakalaganap
sa lahat ng lupà ng gawâng pagtitiis at pagdarálitâ . Kailangang
mangáhandâ munang para-para sa pagtangáp ng bagong-araw
upang kanawa-nawang sa pagsikat nitó ang mga matá nila'y dî
masilaw. Itóng bayan nati'y isa sa mga huling kumilos sa bagay
na iyán. At sa likód nati'y kay-rami-rami pa ng mga bayan sa
Asya, sa Aprika at dito man sa Oseanyá, na dî pa nabábanaagan
man lamang at nagkakabalità sa pagdating ng tinurang araw.
Sa bayan niná Fourrier, niná Owen , niná Marx, niná Kropotkine,
niná George at iba pang mga taga-pamalità ng "Reforma Social" ,
ay malaon nang náha hasík ang adhikâ ng Sosyalismo , at utang
na sa kanila ang maraming mga kabaguhang ikinatatangì nitóng
Siglo XX sa mga panahóng lumipas . Ang sigaw ng katwiran
ng mga marálità ay napagpúpugayan na ring madalas ng mga
lalòng matataas na kapulungan at pámunùáng bayan, salamat sa
mga nasabing Apostol ng mga bagong panukalà, na bago nanga
matay ay nakapag-iwan muna ng mahahalaga at matitibay na
aklát na pang-gibâ sa matatanda at kasalukuyang mga panini
walà tungkol sa uri ng mga tao at sa buhay ng mga bayan.
-At salamat sa mga bomba-anarkista, salamat sa mga
Angiolillo , sa mga Pallás . Czolgotz , Luisa Mitchell at iba pang
mga martir ng Anarkismo -idinugtong ni Felipe ng boông siglá
BANAAG AT SIKAT 529

ng loob. -Sapagka't ang mga dinamita, kilalani't hindi ng mğa


pámunùán, ay siyang mahigpit sa lahát ng pantulíg sa mga may
kapangyarihan, sa mga harì, sa mga mayayamang walâng ká
lulwá, upang mangabulíd sa kaitaasan , at siyá rin namáng pina
kamalakás na pangpukaw sa mga bayang nágugupiling pa sa
ibabâ. Kung naíibá-ibá na ngayon ang mga palakad at pag
uugali ng mga harì, ng mga punò at sampû ngmga mámumuhunán ,
ay utang na malakí sa mğa martir na iyán . Kailan na lamang
ang Anarkismo ; nguni't kayrami na ng mga martir niya. Ang
isáng panukalàng niyáyapós at pinamúmuhunanan ng buhay,
ang isang pananalig na itinátangáp na malwalhati ng Martirio
ng maraming nagsísipanalig, ay hindî magkáka bulàng isáng panu
kalà at pananalig na nátutuntón sa lalong katwiran , at siyáng
masasabing tunay na Relihyon ng katotohanan ....
-Huwag mong sabihin iyán, kasama . Ang ngalang pamu
muhunan ng libo-libo mang buhay, ang pagtangáp ng martiryo,
ay hindi tandâ nang dî nagkáka bulà ng pagka -matwíd at pag
ka-totoo ng isang panukalà't pananalig. Ang lahat dito sa lupa'y
nangyayari ng ayon sa kanilang mga kakanyahan . At ang
pangyayari'y nagkakaroon ng kulay na ayon sa salamíng sa kan
ya'y isinisipat . May dárami pa bang martir sa Relihyón Kató
lika Apostólika Romana ? Dátapwâ't tingnan mo't pagkaraan
ng panahon ng tinurang Relihyón , ngayón ay marami nang dî
sapalà ang nagpapasinungaling sa kanyang ibinabanság na
katotohanan at pagka-dakilà sa ibabaw ng mga ibang pananam
palataya . Hindi ba't ang pagsasanga láng ng isang baya .. sa
kanyáng lupà, pámunùán, mga pag-aarì at karapatán laban sa
ibá, ay tinatawag na kagitingán ó patriotismo? Hindi ba't sa
tulak at halina ng patriotismo, ay yutà-yutà at angaw-angaw pa
ang mga nagsisisuóng na tao sa pakikidigmâ sa kalaban at nanga
úutás sa pagka -bayani ó pagka-martir din ? Nguni't ikaw na
ang makapagsasabi ng mga nábasa mong pulà ng mga manunulat
na anarkista sa patriotismo. Ikaw na ang umalaala ng kanilang
mga sinasabi laban sa mga pámunùáng nagtátatág ng hukbong
maipapain sa pagtatangól ng kanilang kapangyarihan at sa pag
liligtas ng mga pag-aarì at kapanatagán ng mayayaman . Sa
makatwid baga, makarami man ng martir ang Anarkismo , ay
hindi sukat ikapagpalagay nang siyá ang tunay at tanging ka
totohanan.
-Nguni , -ang paklí ng manlilimbág-ang mga anarkista
sa gawâ (hindi ang mga sa salitâ , ó sa panulat lamang) , ay hindî
mo maipáparis ni sa mga kampón ng Relihyón , ni sa mga kawal
ng Hukbó, na sa pagtangáp ng mga pahirap at kamatayan sa
lupit ng mga kaaway, ay nagkákapamagát na mga martir. Ang
34-47064
530 LOPE Ꮶ . SANTOS

mğa kampón ng relihyon ay tumátangáp ng martiryo dahil sa


pananampalataya (fé) . Ang mga kawal ng Hukbó, ay dahil sa
kaupahán at sa takot sa parusang-militar. Dátapwâ't ang mga
anarkista'y dahil sa isang ganap na pananalig (convicción) . Ibá
ang manalig sa manampalataya at sa matakot .
-Sabihin mo na ang ibig mong sabihin :-ang giít ni Delfín—
kailan man iyáng paraáng mayhalòng bubô ng dugô, ay hindi
dapat gamitin ng isang panukalang naglála yon ng ganap na pag
mamáhalan ng magkakapwà-tao.
-Tangi-tangi lamang ang tinatabás ng anarkista : iyán
lamang mga halamag umúulós ng pagtubò sa likod , mğa balikat
at ulo ng mga apíng marálitâ .
-Kahi't na, sapagka't buhay ....
-Buhay !... Diyatà't sa mangilán-ngiláng buhay na násisinğíl
ng mga anarkista . ganyán na ang pagkapoót ng mga pámunùán sa
Anarkismo? Gaano kaya naman ang pagkapoót na dapat taglayín
ng anarkista sa mga pámunùáng iyán , na araw-araw ay may
roó't mayroong pinarúrusahan, ipinabíbitay ó ipinapain sa mga
digmâ, na hindi daán-daán lamang buhay, kundi libo-libo at
yutà-yutà?
-Oo na ngâ ; -ipinayo ni Delfín -dátapwâ't ¿ ang mga kita
mo nang nagkakásala'y siyá pang úuliranín ?
-Ah! sapagka't sa tibay ay lakás lamang ang makapag
gúguhô. Sa kapangyarihan ay kamatayan lamang ang maka
súsupil. Kaya ang mga harì, ang mga pangulo, ang mga punò
ay sinusunod ng buô-buông bayan, ay sapagka't mayhawak
siláng lakás ng kapangyarihan : makapagpáparusa sa sumú
suway. Kaya makunat baguhin ang masamang sama hán ngayón
ng sangbá-sangbayanán , ay dahil sa pagmama tigás ng mğa
pámunùán . Sa araw na malipol na ang mga hari-hari at mga
punò-punò, at sa araw na matutuhang tangihán ng matigasan
ng mga taong-bayan ang pagbuwís, ang paglilingkod sa hukbó,
ang di pagkilala at pagsunod sa utos ng mga pámunùán , ay iyán
na ang araw ng pagkáguhô ng mga gayóng kapangyarihan.
Paano'y walâ nang magbibigay-lakás sa mga pámunùáng násabi .
-Oo , náriyán na akó rin sa sinasabi mo ang paanód na
sagót pa ni Delfín . -Dátapwâ, unang-una ay hindi pa dáratíng
ang araw na iyán kung búbukas lamang, lalòng-lalò na rito sa
atin . Ikalawa, ay ¿ matútulusan mo na ba ang kahahanganán
ng magiging lagáy ng Sangkatauhan, kung mawalâ nang lahát
ang mga hari, pangulo , punò at pámunûáng iyán?
-Bákit hindi? Sa mabuting binhî, mabuting bunga ; sa
matabâng lupà, magaling na ani. Kung mápuntá na ang mara
BANAAG AT SIKAT 531

rangal na adhikâ ng isáng Anarkiyá sa isang panahóng walâ na


ng mga sukal ngayóng nakapípinsalà sa malayàng pagbuhay
ng pananím , ay ¿ anó pa ang maáasahan natin kundi masaganà
at matimyás na bungang kaayaaya at kárangál-dangalang
pagsasamaháng patas-patas ng mga tao?
-At kung matapos na ang kalagayang iyán , ¿ anó namán ,
sa akalà mo, ang súsunód?
-Anó't matatapos pa ? Magpapatuloy na ng pabuti pa ng
pabutí at dî na sásamâ.
-Hindî na sásamâ ! -ang náisambót ni Delfíng nápadaóp
kamáy.-Maghunos-dili katá , Ipéng ! Kailán ma't dáratíng sa
ganyan ang aking pagkukurò-kurò tungkol sa mga kasamán nang
kapamuhayang itó, at sa bagong sukat na mápalít , ako'y nába
balakid din sa agam-agam. Ang kasaysayan ó istorya ng Sang
katauhan , mulâ sa mga kátandâ-tandâang bayan , hangáng sa
mğa kasibulan ngayón , ay nagsása ád ng mga lakad nilang pauróng
sulong at máta ás-mábabâ sa kapamuhayan. Sa kanila'y
mistulang naganap at nagaganap iyáng mga nangyayari at ná
kikita natin araw-araw sa mga halaman . Nagmúmulâ sa isáng
butil ; itó, sa katás at singáw ng lupà ay namámagâ, pumúputók
ang balok, nilalabasán ng tubòng paibabaw, samantalang nag
úugát ng pailalím ; umúunlád, sumísibol, lumálakí, nagbúbukó ,
nagsásangá, nagdára hon , namúmula klák, nagbúbuko, namú
munga ; nagbúbutó ang bunga , gumúgulang, nahíhinóg ; ináani
ó natútuyót at nalálagas na kusà .... Sa hangán dito , ang ha
lamang iyán, málaó't mádali ay nauuwi sa kabulukán, natútug
nás at nababalík sa lupà, tuloy nagiging ibang bagay namán ;
samantalang ang mga butó ng kanyang ibinunga , ay siyá namáng
mangábibinhî at pangyayarihan ng gayón ding kabuhayan .
Maáaring sa bisà ng mga alagà, ay magpakálagô-lagô siyá, ku
mapál at tagalán ng matagál na matagál na buhay. Dátapwâ't
walâng ano-ano'y may saráratíng na isáng sakunâ, isáng bagyó,
na hindi galing ni di sukat masangá ng kamay ng nag-áalagà
ni sukat makaya ng katawan ng tinurang halaman . Sa ganito'y
nabangalán , nasalantâ, nabuwál at pag nagkátaó'y na tuluyang
namatay. Panibagong supling at pagpapatubò na namán !
Ah, talagang naniniwalà akó na sa lupàng ito'y walâng dî may
hangán ! .... Ibaling natin ngayón ang sálitâan sa kasaysayan
ng mga bayan ng Edad antigua at Edad media. Hayàan na natin
yaóng tinatawag na panahón sa mulâ-mulâ pa ó Epoca prehis
tórica. Ang ating alalahanin na lamang ay iyáng mga kaharian
sa Aprika at sa Europa , na palasak na sa pagkakilala ng ating
bayang mapagbasa ng mga awit at buhay-buhay. Yaóng Gresya,
vaóng Kartago , yaóng Ehipto , yaóng Roma , yaóng Pransiya,
532 LOPE Ꮶ . SANTOS

yaóng Espanya , ang boô nang Kaeurópahán , na inilalahad


sa atin ng tinurang Salaysayan, ay nangagmulâ rin sa pagkabatà,
sumiból at nangaging kasikatan . Ang karilagán nilá ay sumapit
pa't nagkapatawid-tawid sa dagat-Mediterráneo , hangáng ká
dulu-duluhan ng Asya . At hangáng doón ba lamang! Násasabi
pang sa mga kapulûán mang nasasabog sa karagatang-Pasípiko ,
ang mga liwaywáy ng kanilang dunong at ang lakás ng kaniláng
mga hukbo ay nawasiwas di't nakayaníg. Nakatawid pa mandín
hangáng kabilang dulo ng Sangkalupàán : nátuklás nila't nasakop
ang Bagong-Daigdíg ó Amérika . Nang mga kapanahunang
yao'y sino ang nakapag-akalà kaya na sila'y dáratnán pa ng
mga kasaliwàáng-palad ? Dátapwa't hindi nangapatangì ang mga
tinurang bayan sa talagang kapamuhayang tadhana sa lahát ng
bagay. Para-para siláng inabot ng katandâán , hinà at paglubóg ;
at kung may mga nátitirá pa hangá ngayóng hindî náhahapay,
ay makikita rin natin balang araw sa mga kukó ni Panahón ang
kanilang pagkakágutay- gutáy .
Huwag na ang mga lumubog na bayang yaón ang ating
pagbalikán sa alaala . Huwag na nating ipakálayô ang
pagkukurò. Sa mga matatandâng bayang nasabi. ay may ilang
nangagsísila gì pa hangá ngayón , nguni't sa pangalan na lamang.
Ang mga kapamuhayan nila'y bagong-bago na ; salamat sa mga
paghihimagsik , ilán sa kanila'y mga kasalukuyan pa rin ngayong
nábabanság. Nguni't sipatin mo silá sa loób at huwag sa magda
rayàng labás. Mákikita mo ang kanilang kabulukáng unti-unting
umúugnás sa katibayan nilá , katulad ng isang simbahang nangyari
sa lakí, karamihan ng mga haligi'y kakaníng-anay at bukbukin .
Ang Pransiya , na bumali sa katigasan ng Edad media, ay tignán
mo kun sa anó náuuwî ngayón, pagkatapos ng kádakí-dakilaan
niyang Pagkakapaghimagsik na kilala ng tanáng sa matunóg
na tawag na "Revolución Francesa ." Nagbubô siyá ng
katakot-takot na dugo sa paggigibâ ng isang kapangyarihang
harì , sa isang pámunùáng bakal na kinátatanikalâán ng bayan.
Nagkaroon siyá ng mga Bayaning nagbalità, nagturò at nagta
guyod ng gayóng Pagbabangong-puri. Mulâ sa kamay ng mga
harì (Rey) , mulâ sa kamay ng mga parè (Clero) , ay napalipat
ang kapangyarihan sa gitnâ ng isang Kapulungan ng mga tunay
nang Kinatawan ng bayang dating apí at nagtagumpay sa pama
mag-itan ng himagsik. Síno sa bayang yaóng nag-wagi ang di
nakásigaw ng Mabuhay ang Repúblika!? Lahát noo'y mayganáp
at taimtím na pananalig na ang isang pámunùáng republikano ,
ay siyang paraáng tangì ó kágaling-galingang makatútubós sa
kanyá sa lahat ng hirap . Noón ang salitang Repúblika sa bibíg
ng mga pransés , ay sapát nang magkakahulugan ng katwiran,
BANAAG AT SIKAT 533

kalayaan at kaginhawahan. Dátapwâ, katotong Felipe, masdán


mo ang "República Francesa " ngayón . Pugad pa rin ng mga
daíng, ng mga karálitâan, ng mga pagkakagutóm , ng mga samâ ;
kun sa bagay ay may isángdaá't labínglimá nang taon ang na
karáraán , mulâ sa Hímagsikang yaón . Nahan ang kanilang
pag-asa sa langit ng Repúblika ? Di ba't noóng araw ay walâ
silang mambî-mambî at tagú-tagurî kundi ang kaaliwalasang
walang hangán ng isang panahóng súsunód na walâng sala sa
Rebolusyón ? ....
·
Nápatindíg sa pagkakaupô si Felipe . Pápalís-palís sa liku
ráng nápadaiti sa kinásandigáng punò ng kalasutse . Ang akalà ni
Delfín, sa mga tanong niyáng kasasabi pa , ay sásagót ang kausap,
kaya kusàng pinutol ang pagsasalitâ, bagamán mayroon siyáng
mahahalagang bagay na ibig pang ipahayag. Nguni't si Felipe'y
hindi tumútugón bagkús nag-áantáy, sa anyo ng pagmumukhâ, na
magpatuloy pa ng salitâ si Felipe . Si Delfín, sa gayón , ay nag
patuloy ngâ. At ang tinukoy na bagay ay yaóng inaakala niyáng
sukat sumaloób at ipaklí ng isang pagkukurong anarkista .
-Tunay -anyá -at dî maikákaít na dahil sa pagkaka
paghimagsik na yaón'ng mga pransés , ang Pransiya ay sumikat
na dî kawasà ; nagkaroon ng mga sinag na nakaliwayway sa
Sangdaigdig, at mulâ noo'y naging úliranín sivá ng mga bayang
lugami sa pagka busabus . Utang sa "Revolución Francesa ",
noong 1789, ang tinatawag na pangatlong gulang ng katauhang
nákikilala sa Istorya : ang Edad moderna. Utang sa kanya ang
mga pagkabagong dî sapalà na may isáng daáng taón na ngayón
ng mga kapamuhayang dati ng mga bayan. Dapat ipagpasala
mat sa kanya ang marami sa lalong malalaking pagkásulong at
kadakilaang nagpapatangì sa dalawáng huling siglong itó. Dá
tapwa't hindi ko tinatawaran ang mga ganitong kagálingang
ibinúbunga hanga ngayon ng Rebolusyóng násabi ; gaya rin
naman ng dî ko pagkakaít ng mga ganyán ding karapatán sa
ganang ating Paghihimagsik, sapúl niyóng 1896. Ang ibig kong
ipaliwanag sa iyo'y ang urì sa Sosyalismo ng mga himagsikang
iyán . Ibig ko ring patibayan ang aking katwiran sa pag-aakalà
na kung máta tág man ang isang samaháng-tao na walâng
pangasiwàán man lamang, ay dáratnán din ang pagsa
samaháng iyán, málao't mádali, ng pagkatapos ó pagsamâ .
Mayroon at mayroong magiging dahil, na kundî man mangaga
ling sa loob ng tinurang pagsasamahán, ay maaaring mangaling
sa labás na dî abót ng lakás ng isip at kamay ng mga tao . Ang
kabuhayan ay walang tigil na pagkilos . Sa oras na máhintô
ang kilos na ito ay wala na ang tinurang buhay. Nguni't ang
pagkilos ay hindi laging malakás . Lumálakás at humihinà,
534 LOPE K. SANTOS

kaya naman ang kabuhayan, ay sumísiglá at umáagay. Sa


tuntuning itó, ang mga tao at ang mga bayan man , ay hindi
nálilingid at napapatangì . Dáraán siláng lahát sa guhit na iyán ,
paris ng pagdaiting walâng-sala sa lupà ng boông kabilugan ,
ita ás at ibabâ, ng isáng gulóng na pumípihit. Kaya nga't hindî,
ay kung nakahintô na , kundî na kumikilos , sa biglang sabi , kung
patay at taán na sa pagkabulók . Gaya ng paglubóg na unti
untî ng mga bayang taga- Kanluran (Occidente) , ang Amé
rika mang nangúnğulo ngayon sa pagkátanyág, ay dára tnán ,
din ng panahon ng hapò, lalakad din nang pauróng, at hangáng
pag di na tumagál sa hapò, ay titigil , mabúbuwál at mawawalán
ng hininga. Ang napapanahón at nárarapat namán ngayong
kumilos at unti-untî nang pumaibabaw, ay itong dako natin , itóng
Kasilanganang (Oriente) malaon nang totoong napapailaliman
ng bigat ng Kalunuran . Tayo namán, sa dakong itó ang kíkilos
na masigabó, at silá roó'y manganghíhinà . Mayroon nang isáng
Hapón sa Dulong- Silangan . May isá nang kálaki-lakihang
pagwawagi ang mga pinanganláng mababàng lahì, mababàng
urì at kulay na dî putî, sa ibabaw ng mga nagsisipangalanda kang
matataás na lahì , matataás na urì at mapuputî. Anó ang malay
natin kung itó namáng Pilipinas na ang súsunód sa Hapón ,
danga't nabíbinbín pa hangá ngayón sa kamay ng isá sa mğa
kasalukuyang bayang iyán na nangagmámataas ng uri : ang Estados
Unidos . Málaman pa rin kun sa ati'y máuunang mangata wán
sa pagkilos ang Sungsóng ó Kainsikán , pagka't katulad ng isáng
dagatang hindî magalaw ang tubig, nguni't labis ng kala liman,
ang mga insík ay hindi pa sukat matarók ngayón ng tandisan
kung kailán bábalikwás at gúguhô sa mga taga-Kalunuran ng
pángatawanan. Maáantáy rin natin ang Australya , ang pina
kamalaking sa pulô sa Sandaigdig, na kayâ lamang náiidlíp pa
hangá ngayon , ay nakukuha sa alo ng iná-inahang Inglaterra , at
ang nangyayari'y nagiging bayang-inglés na ang tinurang
kapulûán , anopa't maypanganib ding mápatulad ang mga
katutubong taga -roón sa mga katutubong indiyo sa Amérika , nang
magsida gså ang mga huling sahón. Mágigising ding kasunod
natin iváng Kaindiyahan , na hangá ngayo'y pinatútulog sa
kamulalaan ng mga mapagsamantalang taga-Europa . At kung
magkásunod-sunód na ang mga pangyayaring iyán , kung
magkáka ta gnî-ta gnî na ang mga loob ng madlâng taga-dakong Sila
ngan, kung magkágaya-gaya na sa pagkilos .... ay siyáng pag
katupád naman ng tadhanà ng panahón sa kabuhayan ng mga
lahing dating na sa ilalim upang siyá namáng mangápasa ibabaw.
Hindi akó manghuhulà, Felipe ; at ipinagtátapát ko sa iyong
ang aking isip ay dahóp na dahóp pa ngayón sa mga kailangang
dunong upang mapagkurò-kurò na ng ganyán . Dátapwâ't
BANAAG AT SIKAT 535

para mo nang nakita ang aking mga sinabi, sapagka't ang pinang
háha wakan ko'y kung may nangyari nang mga dî sukat mang
yari, ay mangyayari rin namang lalò ang mga sukat mangyari .
Ngayón, pag-isip-isipin natin, kun ang sinasabi ng maykathâ
ng La Sociedad Futura na ang totohanang REVOLUCIÓN SOCIAL
ay nangangailangan ng isang laganap na pagkakahandâ ng mga
bayan, ay maaaring matupad na kun sa mga panahón lamang
na itó . Birò-birò mong panahón ang kakailanganin natin upang
ang mga bayan sa Silanganan ay mangaging Pransiya nang 1789 !
Huwag na ang sila'y makaabót pa sa mga kasalukuyang lagáy
ngayon ng mga bayang europeo, na salamat sa mga kalayaan ng
pag-iisip at pamamahayag, ay nakalála ganap na mabuti ang mga
pagkukuròng sosyalista-anarkista ; kundi ang mangápatuloy na
lamang sa isang paghihimagsik laban sa kani-kanilang pámunùáng
dayo at mapanglupig, ó sa mga pámunùán mang sarili'y di mapag
palayà, ang ganito lamang ay nangangailangan na ng panahóng
dî kákauntî.
-Abá ! —ang sa katagalán ng dî pag-imík ay náisa gót ni Felipe
-¿at mapapadalî ba ang pagkilos ng mga bayang-Silanganan
kung walang mangagpápasimulâ at magbibigay-halimbawà sa
kanilang isang bayang dito rin ?
-Oo, kailangan na ang pasimulâ, kailangan na ang halim
bawà. Ang katungkulang ito ay maaaring maibunsód nating
mga pilipino, gaya ng pagpapás imunò ng mga hapón sa pagta
tabóy sa mga kapangyarihang dayo at namúmugad sa mga
lupàng-Kasilanğanan . Sa Hapón ang Sosyalismo ay walâng
gaanóng ugát pa. At sa akala ko'y may kalayùáng lumagô agád
dahil sa mga katangian ng pag-uugali at pananampalataya ng
mga taga-roón . Lalò na ang mga adhikâ ng isang sosyalista
anarkista , doón ay walâng maraming kaloobang kápupunlâán
at yayabungan . Ang boông kapalaran at pag-aakala ng hapón ,
ay nasasalig sa pagkilalang parang Diyos sa kanyang Emperador.
Lahát doo'y ginagawa nilá at ipinatútungkol sa Emperador .
Ang ilán mang buhay nila'y inihahandog ng pikít-matá sa pag
lilingkód at pagbubunyî sa Emperador. Ang ganito'y nálalaman
mo nang salungát na salungat sa mga layon at paraán ng Anar
kismo . Kinapópootán ng mga anarkista ang lahát ng pámunùán ,
bagay na ikinatawag sa kanilang layon ng anarkiyá (ANARQUIA :
sin gobierno: walâng pámunùán: walâng kapangyarihan) . Sa
mantalang ang mga hapón ay panalig na utang nila ang lahát
halos sa Emperador ó sa Pámunùán . Dito sa atin ay hindî
ganyan ang pag-aakala ng lalòng mga hangál mang taong-bayan.
Lalo na ngayon, ay laganap na ang pananalig -salamat sa mga
aral ng Kataas-taasa't Kagalang-galang na Katipunan ng mga
536 LOPE K. SANTOS

Anák ng Bayan. na ang mga tao'y dapat magkápantay-pantay


sa urì; na ang mga kayamanang nabibimbín sa kamay ng ilán ,
ay dapat mapag-ayaw-ayaw at pakinabangan ng lahát ; na ang
mga pinuno'y taga-ganáp lamang ng kalooban ng bayan ; na ang
mga mangagawà'y dapat magtamó ng buông pakinabang na
náuukol sa kanilang pinagpagalán . Dito sa ati'y mayroon na
ngayon ng mga ganyang balità ng bagong-panahón . Kung
baga sa bukid, ay may mga linang nang pitak na mapag
hahasikán ng binhî . Sa bagay na iyán, kasama , ay iyó nang
mapaghahangò ang mga katwiran kong pinanghahawakan , sa ,
bukód sa pagkahilig ko sa pag-aaral at pagtalima sa mga aral
ng isang Sosyalismong ayon at bagay muna sa panahong itó , ay
nakikisama rin naman akó sa mga bálanang pagkilos ng ating
bayan tungkol sa politika ngayon at iba pang mga kasalukuyang
súliraníng-bayan natin . Ang alinmáng pátakarán at adhikâ ng
Sosyalismo ay hindî makapag-úugát at búbulas , sa lawak ngisáng
lupang napapatawan ng isang kapangyarihang dayo . Sa mga
lupàng kolonya ay saliwâ at bansót ang tubò ng mga sangá at
bunga ng isang pangasiwàáng sosyalista . At lalong-lalo na ang
sa isang samaháng-anarkista. Kailangan muna natin ang sari
ling buhay, isáng sariling pamamanihalà sa ating pamamayan.
Kung mátamó na itó, ay sakâ natin pagsikapang maging Estado
Sosyalista ang Sangkapulûáng Repúblika. Bago ang panukalà
mo. Sa akin, kaibigang Felipe, bagamán pinanganganlán mo
akong walang di kinákikitaan ng kasamán (pesimista) , patí
sa mga iníibig kong paraán at lagáy ng mga pagsasamahang
tao, at patí sa ibinabalità ng mga anarkistang lalòng pantás
sa atin, na dakilang pagsasama sa dáratíng na panahón (Sociedad
Futura) , sa akin, inúulit ko sa iyó, ay hindi kapit ang pamagát na
iyán (pesimista) ; sapagka't kung pagtutuusi'y walang hindi mabuti
sa akin, nguni't hindi rin namán akó nánayag na tawaging opti
mista. Ang lahat ng nangyayari ngayo'y ipinalálagáy kong anák
ng mga nangyari kahapon at ang lahat ng mga mangyayari
bukas ay apó ng kahapon at anak ng ngayon . Sa bagay na itó,
sa masamâ ó sa magaling ang lahát ng mga nangyari, nangyá
yari at mangyayaring iyán , ay pawàng hindî maíiwasan, ayon
ó laban sa kalooban ng mga taong kapanahón ng pangyayari.
Nasa sa mga bayani at nasa sa mga bayan ang ikinadadalî
ó ikinaluluwát ng mga pangyayari. Ang isip , kalooban at mğa
damdamin ng tao ay siyang nagbibigay ng uri at landás sa
talagang tumpahin ng pagsasamahán . Kung ano ang buti at
lakás ng isip, kalooban at mga damdaming iyán , ay siyáng
tatág at bilis ng pagsapit sa tinurang tumpahin ng Sangkatauhan.
Dátapwa, ang lahat ay ináakala kong hindi makúkuha sa biglaan:
BANA AG AT SIKAT 537

sápilitáng dáraán muna sa mga bay-baytang na tadhanà ng


mga panahón ó katalaga hán . Máuunang mangyari ang mga
sukat máuna, gaya ng pagkáunáng lumagpák ng mabibigát .
Súsunód ang mga sukat sumunód, gaya ng pagkáhulí-hulí ng
kaunti ng mga dî na lubhâng kábigatan . At sakâ dáratíng ang
mga sukat pumatong sa nangáuna , gaya ng huling pagbabâ ng
mga pinaka-magaga án . Anopá't ang matandang-bayan na totoó
nang mabigát, ay sápilitáng gúguhô . Háhalili ang kabinataang
bayan na ngayón pa'y may mga banaag na saá't saán man . At
sakâ súsunod ang kabataang-bayan na walâ pang gaanong lakás sa
ngayón, at nag-áantáy pa ng pagsikat ng ganáng kanyáng araw...
-Kailán pa ! kailán pa !-ang pahimutók na náitugón ni
Felipe.
Sa gayo'y siyáng paglapit na sa kanilá ng taga-ingat-susì
ng Libingan, na mayhalò nang yamót:
-Mğa pare , gabí na pô tayo !
Nápagulilat halos ang dalawang pinagsabihan . At pagka
hagis kapwa ng tig-isáng tinging makahulugan sa násisinág
pang libingan ni Don Ramón, ay namutawi kay Delfín ang mga
wikàng :
-Gabí na ngâ namán palá, kasama ..
At parang pinagtiyáp ang kalooban at bibíg nilang dalawá
ay sabay nangagpahimakás ng :
-Tayo na iwan nati't palipasin ang Dilím ng Gabí .
**
**
***
*

XXXI

Mga Bayani ng Katúbusan

El duelo se despide en el Cementerio, ang sabing pabuntót


ng paanyaya sa mga nakipaglibíng. Kayâ sa paglabás pa ng
Líbingan ay nalanság na at nagkaní-kanyáng uwî ang madlâ.
Hindi kagaya ng mga palibing-tagalog na ang nagsisipaghatid
sa báunan ay sama-sama pa ring nagsisibalík sa bahay ng nama
tayán . Kadalasá'y upang magkáinan muna at huwag maiwang
bigla ang mga naulila sa pighatî at pamamangláw.
Sa mga naghatid kay Don Ramón , kung may mga ilán ding
nagsibalík, ay nagsialís namán agád, at sa bahay ay wala nang
nangátirá kundi ang matúturang mga kasambahay na ring mag
anak ni Don Filemón , mag-amá ni Marcela , magkasamang si
Doroteo at si Ruperto at ang tumátandâ na sa pagkadala
gang kapatid ni Madlâng-layon , si Turíng. ,
Pagkápangláw-pangláw na pamamahay ! .. Sa kákauntî
pang araw at buwáng idináranas ng tag-lungkót, ay nagmimis
tula nang hindî nakakáranas-danas ng panahón ng tag-kasá
yahan . Sa bahay na yao'y lubós na nagaganap ang ilang halim
bawa ng mga taga-bukid : "Isáng taón , aniláng, ikain ng masá
sarap at masaganà , ay madalás na hindî rin itinátabâ ; nğunì isáng
""
araw na hindî ikain , ay sukat nang ipangayayat.' "Isáng
tabòng pulót na ibubô sa sangtapayang tubig, ay bahagyâ nang
málasahan ; dapwà't isáng paták ng paít na ikanáw sa sang
tapayang tubig, ay labis nang makalason at makamatay ." At
gayón din namán : ang isang araw ng lungkót ay dî napáparam
ng sangtaong kasayahan, nğunì isáng taong pagsasaya ay natá
takpán ng isang oras na kalungkutan ...
Sa bawa't umpók sa loob ng bahay na yaón ay haring
Lumbáy ang nangungulo , mátangì ang lipon niná Don Filemón ,
Madlang-layon , kápitáng Loloy at si Doroteo , na kung nang
BANAAG A T SIKAT 539

una'y nangag-uusap ng mga bagay rin sa namatay, dapwà't


unti-unting napauwî ang sálitâan sa mga bagay-bagay na tung
kól sa Estados Unidos . Si Doroteo ang nagbabalita ng di
maubus-ubos sabihing nakikita at napag-aaralan doón. At ang
pananalaysay niyá namán ay kináwiwilihang totoó ni kápitáng
Loloy at gayón din ni Don Filemón .
Walâng ano-ano'y sápapanhík si Delfín , nguni't siyá lamang .
Ang kasamang si Felipe , ay nagpaiwán sa silong. Nag-aalinla
ngang makyát pa sa pag-ilag na mápasubò sa mabagsík na amáng
paano't paano ma'y labis niyang iginagalang at kinahíhiyán ;
Buhat pa nang magtanan silá ni Gudyô sa bahay na sarili, kundî
sa araw na yaón ay hindî nagkikita siláng mag-amá. Sa iná at
sa kapatid , ang pagkakapag-asawa kay Tentay, ay hindi na
kaila , sa pagka't kanyá nang náibalità sa pakikipagsulatán ,
nguni kay kápitáng Loloy ay lihim pa , sapagka't ipinakakalihim
namán nilang talaga. Ang pag-ibig-anák sa isang dako at ang
katutubong tigás ng pag-uugalì, ay kagyát na nagtatagóp sa
kanyang kalooban . Ibig niyang muwî na sa San Lázaro, at ibig
ding huwág. Sa ama't sa kapatid ang panana bík niya'y malakí,
nguni't ang hangád ay siyá lamang ang makásilay at huwag
másilayan. Anopá't siyá, na isáng taong may dati at sadyâng
tigás ng kalooban at walang gawing magkalá-kalahatì ng pag
aakalà, ay nároó't binábaklá ng pag-aagam-agam. Upáng mapa
raan ang mga sandali ng kanyang pag-aalinlangán , ay ang mag
asawa ng kotsero sa dating tahanan sa ilalim ng hagdán ang
pinakipagpulungang masakit..
Sa panhík ni Delfín ay napataón ang pagpapatawag ni
ñora Loleng sa kanyang asawa . Iniwan ni Don Filemón ang
umpukan, at nasok sa kinároroonán ng tumátawag. Talagáng
si ñora Loleng, bagamán maáarì na , ay ayaw pang lumabás- la bás
sa dating kuwarto ng nasirà. Maraming totoo ang dinádahilán
sa ulong nagputók at katawang nalamóg, upang huwag na lamang
siyáng mapilit ng asawa't anák sa pag-uwi nang gabing iyón .
Yaóng isáng larawang malaki ni Don Ramón , na buhay na
buhay ang anyô ng mukhâ, at nasasabit ng mataas-taas sa
kináka nang panig ng kuwarto , ay siyá na lamang mayâ't-mayâ'y
pinagpúpungayan ng matá, siyáng pinagdáda gisunang kaú-ka usa
pin ng kanyang gunitâng tigíb ng hapis . Si Isiang nama'y hindî
naglálalayo sa iná . Si Morales ay walâ na roó't pinatuloy ni
Don Filemón sa bahay, yamang sila'y hindi na talagang mag
sísiuwî.
Pagpasok ni Delfín sa salas ay nagbigay ng magandáng
gabí sa tatlong nagkakáumpók doón . Nang nag-úurong- sulong
540 LOPE K. SANTOS

siya sa paghahandog ng kamay , ay nagtindíg si Madlâng-layon ,


at siyang nagsalitâ:
--Hindî yatà kayó nagkakakilalanán pa ?
-Hindî pa ngâ ; ako'y hindî pa nagkákapuring makakilala sa
kanilá !-ang paugaling-kastilàng itinugón ni Delfín.
-Silá ang kilalang si kápitáng Loloy sa bayan ng Y... sa
Silangan ... Silá namán ang si G. Doroteo Miranda, pamang
kín ni Don Ramón , na nag- aaral sa Amérika ....
Nagkáhandugan na ng kamáy. Nguni't magíng si kápi
táng Loloy at maging si Doroteo , ay napapamanga pa rin sa
taong kinaka batìáng di pa nákikilala sa ngalan , bagamán nákita
na nga nang nasa bahay pa at nang nasa libingan na ang
bangkay . Si Madlâng-layon naman ang nagkulang; walâng
naalaala kundi pagpakilalanan si Delfín , at hindi na ang ipa
kilala .
-Anó pô namán ang kaniláng ngalan?-inusisà na tuloy
ni Doroteo .
Si Madlâng-layon na ang umagaw ng sagót :
-Ah , siyá ngâ palá ! ... Iyán pô ang si Delfíng naging asawa
ni Meni.
Si Dorotco ay biglâng nápa tigagal sa náriníg. Parang may
tumakbo sa kanyang katawan na mga panlalamig ng dugo.
Ang hawak at kadaóp-palad pang kamay ni Delfín ay biglâng
nabitiwan . Hindi nakasalita sa bibig, kundi sa mukha lamang
at sa kilos ; nguni't salita ng pagkutyâ, salita ng kapáitan at
wari'y poót...
- (Itó palá ang mulâ't sapúl ng pagkakapaglagalág ng aking
tio, hangáng nápatáy tuloy sa ibang bayan !) -ang pangu
ngusap na bumungô at náguhit sa kanyang kalooban .
Si kápitáng Loloy ay nagkágayón din . Nang-gaspang at
nagkáalón-alóng lalò ang mga dating kunót ng kanyáng noó ;
inihaplós ng pasa ú-saulî ang kanyang paningin sa mulang ulo
hanging paá ng taong pinakikamayán , at hindi na kumibô kundi
sa sarili . Nakatayo pa ang mga ibang kausap ay nagbalík
na sa pag-upô ; at habang núnupô'y nakamatá kay Yoyong, na
waring may ibig sabihing :
- (Itó palá ... ! Itó rin ang nakapagturò ng masamâ sa
anák kong lalaki !) .
Ang pakirandám ni Delfín ay hindi namán tulóg. Ang ga
yóng anyo at pagpalibhasàng ipinakita sa kanyá ng mga kina
batìán ay naha latâ agád, at sa sarili'y nagkáwikàán din :
- (Ganito nang kabigát ang dugo ng mga taong ito sa akin !..
May araw ding lilinaw ang malabò : ang linaw ay mapapasa iba
baw, at ang latak ay sasa ilalim ... !)
1

BANAAG AT SIKAT 541

Si Madlang-layon na nagpapakita kay Delfín ng isang paki


kiharap na hinóg sa pilit, ay siyáng umalók na ito'y maupô .
-Huwag na , bilás, -ang patikís na tangí ng mánunulat.
--Saán nároón siná Meni ? ...
-Siná Meni ? ... Náriyán , náririyán siláng mga babayi sa
kuwarto. Pumasok ka .
-Huwág na , hindî akó pápasok. Bakâ maaaring ipatawag
mo lamang siyá , at ako'y maysásabihin .
Ang gayong pagsasalitâ ni Delfín , ay narinig na ng asawang
nasa kuwarto . Si Meni ay hindi na nag-antáy na pasukin pa
silá roón, at siyá nang kusàng sumungaw sa pintô. Doón na
lamang nag-usap ang mag-asawa .
Pagkátalikód ni Delfín, ang tatlóng nasa salas , ay nagbú
lungan. Si Doroteo at si kápitáng Loloy, kung nangaging babá
babayi lamang, ay sukat nang nanganlurâ pa , marahil , sa pagka
kutya noon kay Delfín . Si Yoyong namán , pagkapaghabol ng
isáng tinging panakáw sa tumalikód, ay nagpapamiták sa kanyang
bibig ng isang ngiting may dalawáng kahulugán : waring palibák
din at waring pagwawalang-bahalà. Kung nagkátaóng kaumpók
pa roón si Don Filemón , kaypalà'y lalò nang naging lupon ng
mga babaying maismirin siláng apat. Hindi pa nagkásiya si
kápitáng Loloy sa ginawa nang pagpalibhasà, ay nagbulóng pa
mandín ng ganitó :
-Mayhiyâ pa ang taong iyang makatuntóng dito ! ? ...
Iyán ang tinatawag kong " pisik ng katapangan ng sikmurà" .
Habang gayón, ang mag-asawa namán ay marahang nag
sasalitaan ng tungkol sa kanilang pag-uwi na . Sa ganáng kay
Delfín , yamang nálibíng na ang matandâ, ay tapós na rin namán
ang tungkulin niláng mag-asawa sa bahay na yaón . Si Meni
namán ay tigháw-tigháw na sa mga dagsâ ng kadalamhatian.
Gayón din ang isang kapatid na babayi . Siláng dalawang mag
kapatid ay hindi nilalayùán at pinagpapahingaháng alíw-aliwín
ni Turíng at ni Marcela . Nang dating na yaón ni Delfín ang
mga malungkot na sálitâan niláng apat na babayi, ay nadáda
witan na't naháhalùan ng mga bagay na hingil sa anák ni
Mening naiwan sa bahay.
Hindi na rin ipinahiwatig sa asawa , ang bagong kapalib
hasàáng kaparárandám pa lamang sa kanya ng mga nag-uusap
sa salas , kundî , sukat ang pinapagpaalám kay Talia , at siyá ay
nag-antay-antáy namán sa may pintô.
-Halika muna rini, bilás , -ang pigil na pabalát-bunga ni
Madlâng-layon, nang málinğunang wala nang kausap si Delfín .
36
542 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Huwág na , at kami'y totoong gága bihín .


-Abá, ¿ at úuwî pa ba kayo ? ...
-Oo; maaari ba kaming hindi umuwi, ay may naiwang
bata sa bahay.
Pagkatugón ng ganitó ni Delfín sa bilás na totoong magaling
pupulitika, samantalang walâng ka imík-imík ang mga ibang
kausap , ay nagpaalám munang siya'y lálabás lamang . Mulâ
sa labás ay inibig niyáng mápakima tyagáng mabuti ang mğa
kilos at úsapan ng tatlong nasa salas . Sa mga sandaling yao'y
hindi málaman kung anóng mga damdamin ang nagpápa latang
na namán sa kanyang pagkatao . Ang paghinà at tinigil- tigil
ng sálitâan ng tatló, ay nagpápa buô ng sapantahàng siyá
ang pinag-uusapan . Sa isang matandang mayaman at mapag
hari- harian ding paris ni Don Ramón , amá pa ng kaibigang si
Felipe , isáng binatàng kaya nakapagpapatuloy ng pag-aaral
sa Amérika , ay salamat sa ubos-kayang panunuyò sa nasiràng
amaín , at isang asawa ni Talia na kulang na lamang ay magpa ugát
sa mga kamay upang huwag nang matinag sa paghahawak at
pangangasiwà ng mga ari-ariang naiwan ni Don Ramón ..
sa tatlong gaya nitó, ay walâ na siyáng magiging iba pang hina
gapín , tungkol sa mapag-uusapan , kundi ang lahat ng kanyáng
samâ, ang lahat ng sa kanya'y laban .
Dátapwâ, sa kalayuan niya at pagkakakubli sa malaking
salóng na sa pag-akyát ng hagdanan , ay walâng mangyari sa
mapiling hangád na makáulinig at makábatyág sa nangasa sa
loób. Nálinğunán si Ruperto na nag-íisá sa panunungaw sa
bintanà ng salas at nátatangwá ang ulo sa hálamanán. Ang
bintanàng ito'y kahanay din at nákaka tánawan ng dungawán ng
dating kuwarto ni Meni . Si Ruperto , ayon sa madalas na pag
dunghál , náa ka là ni Delfíng may kinakausap ó may sinísinág sa
hálamanán . Dapwa't mali ang kanyang akalà . Walâ sa lupà
ang madalás dunghalín ni Ruperto. Nasasa dakong kanan at
sa isá sa mga bintanà ng pangalawáng kuwartong kanugnóg :
sa kuwarto na ngâ ni Meni . Dito nagkakálipon siná Talia . At
si Marcelang nároroón di't katú-ka tulong ni Turíng sa pag-aliw
sa magkapatid , ay mámayâng dumungaw , mámayâng umupô
at makipagsalitaan sa mga kasama sa kuwarto , nguni tuwing
dúrungaw, ay nakikipagtúgunan sa mga dahák at tikím ni
Ruperto ; nakikipagpáhalatâan ng pagkabalisang masakit ng
kanyáng kálulwá sa pag- ibig .
Ang náisipan ni Delfín ay panaugin si Felipe . Ipinahayag
dito ng madalian ang lahat ng kanyang mga nákita at dinamdám
sa itaas . Napagkáisahán nilang si Ruperto ang mabuting tawagin
at pahalùin sa tatlóng nag-uusap, upáng máriníg na lahát ang
BANAA G A T SIKAT 543

pinag-uusapan kung anó at kun sino . Ganitó ngâ ang ginawâ


nila. Ipinakitawag ni Felipe sa kotsero ang kanyang bayaw. Si
Ruperto , ayáw-ayaw mang malís sa kaligá-liga yang panunungaw,
nguni't yayamang matagal nang sandaling hindi sumúsunga w
si Sela , palibhasa'y kasalukuyan nang pinag-uusapan niyón ng
magkapatid ni Talia ang pagpapaalam at pag-uwi na ni Meni ,
ay hindi namán nagluwát at nanaog din. Sa madadaling sabi
ay iniulat ni Felipe ang mga nangyayari. Itinurò ng dalawá
ang ibig nilang gawin ni Ruperto, at itó nama'y nayag.
Umakyát ulî, ginamit ang dating katiningan niyá sa pagkilos ,
at palibhasa'y malayong malayò namán sa gunitâ ni Madlâng
layon, ni kápitáng Loloy, ni Doroteo at gayón din ni Don Filemón
na kalála hók pa lamang muli sa umpukan , na si Ruperto'y magíng
kasabwatan na at magsilbíng tiktík pa niná Delfín, kaya ang
pag-uusap nilá ng mahinà ay hindi ipinangilag ng munti man , nang
ang tinurang kasama ni Doroteo ay pawalâ-walâng ba ha làng
lumapit at nagkukunwâng may-ibig lamang ditong itanóng.
-Kayó pô ba'y dito na ma tútulog din ngayón , paris kagabí?
-ang sinabi kay Doroteo na wikàng inglés .
-Marahil , hindî : ako'y úuwi na sa amin , at ináantáy namán
akó ng aking mga kapatid -ang wikàng inglés ding sagot .
--Kung gayon ay magkakahiwalay na tayo ngayón ; sa pag
ka't akó ma'y doón na rin matútulog sa amin.
-At nákita na ba niyó ang inyong iná?
-Opò, sa tanong- tanóng.
Salamat ; nguni't huwag na muna kayóng lumakad ; dito
na tayo háha pon ; maupô muna kayó rito .
Itinurò ni Doroteo ang isáng silyang nálala yô-layô nang
kauntî, at ipina lapit sa umpukan .
Habang napapa tangá sa inglisan ang dalawang matandâ,
ay nagbulóng si Madlâng-layon sa bayaw na estudiante ng ilang
salitang ikinapagtanóng nitó kay Ruperto , sa wikàng tagalog
na , nğunì at marahan.
-May tao ba sa salón ?
-Walâ pô.
-Hindi ba niyó nákikita iyong isang lalaking nakaitím , na
kalálabás pa lamang dito , kun saán napatungo ? -ang dugtong
na usisà ni Madlâng-layon .
--Ah, iyón pông lalaki , Delfín yatà ang ngalan niyón ? ...
Nanaog pô sa silong .
-Si Delfín ba ? -ang sabád na paanás ni Don Filemón-
Wala nga't nanaog ! Nátanáw ko siyá sa hagdán nang ako'y
lumálabás sa kuwarto ni Loleng.
544 LOPE K. SANTOS

Sa hangán dito'y nagpatuloy na namán ang pagsasalitaan


hingil sa mag-asawa ni Delfín at sa mga pasyá ni Don Ramón
sa testamento . Mahinà , sa aka là nila'y hindî na sukat mapa
nayngahan ni sa kuwarto ni sa salón , dapwà't lalong sumiglá
dahil sa pagkakálahók ni Don Filemón . Walâng-walâ siláng
kakutób-kutób na násesekretahan ...
Si Don Filemón at si Madlâng-layon ay nagtulong na sa
pag-uulat kay kápitáng Loloy, kay Doroteo at kay Rupertong
hindi pa nakatátalós ng mga nangyayari at ng mga kalapasta
nganang pinag-gagawâ ni Delfín sa bahay na yaón at sa pagka
mayaman ni Don Ramón . Ang abogado Yoyong ay naging
anaki'y isang dala hiràng ba bayi sa pagsasatsát ng mga kasiràáng
puri ni Delfín . Lahát ng kapintasan sa isang tinatawag na
sosyalista , ay kanyáng pinatingkád pa sa pagkukurò ng mga
kaharap na walâng muwang na gaano , la lò na si kápitáng Loloy,
sa bagay na yaón . Sinabi patí ang pagmamalaki pa sa kaniláng
lahát , ang di pakikipagbatìáng malaon , at ang pagbabawal kay
Meni na tumuntóng pa sa bahay na yaón , sampû ng pagpapa
binyág ng anak na di man ipinabalità sa kanilá ... Anopa't
nálarawan sa gunitâ ng lahát na si Delfín ay isang taong karapat
dapat na ngang maging sanhi ng isang pasyá ni Don Ramón ,
na si Meni'y huwag pamana han , upang huwag makinabang ang
tinurang naging asawa . Si Meni ang napagkikilingan ng kanilang
awà, si Meni ang napagbúbuntuhán ng kanilang panghihinayang.
-Eh anó, hindî ba natin máipag-isip ng paraang ikapag
híhiwalay ang dalawang iyán ? -- ang nábuká- buká sa bibíg ni
Don Filemón .
---Mapaghiwalay ! ?-ang sambót ng abogado -¡ may kahira
pan pô !
-Sapagka't kung hiwalay na silá, mápapabalík na rito si
Meni at maáampón ninyó .
Si Yoyong ay filíng-ilíng ; ngunì ang pag-ilíng niya'y may
dalawang kahulugán , una-una'y ang pagka-hindi maaaring
mapa paghiwalay at sukat si Meni at si Delfín , at ikalawa'y ang
pagkábalík ni Meni sa sariling bahay ay isáng daán nang maka
bábawas ng ukol na bahagi sa inaasahang buông mákakamtán
niláng mag-asawa ni Talia .
-Tignán ninyó :-ang salitâ ni kápitáng Loloy -maliwanag
pa sa sikat ng araw, na kayâ iyáng si Meni ay pinalapit na niyá
rito at siyá man nama'y naparito na rin , ay sapagka't ang iná
aligíd-aligirán na niyán at ináamuyán ay ang mámanahin ng
kanyang asawa .
-Mangyari pa pô ! -ang payuhan niná Doroteo at Madlâng
la yon .
BANAAG A T SIKAT 545

-Higpitán mo ; huwag mo namáng lúluwagán , Honorio ,


ang pagpapatupad ng kung ano ang nasa testamento -ang sulsól
pa ni Don Filemón . -Bago isáng putók sa buhò at hampás-lupà
ang makinabang, ay itó na munang mga pamangking paris ni
Doroteo, na kahì't anak ng isang pinsan nang makálawá ni Don
Ramón , ay Miranda rin ang apellido, at hindi pa nakapagbibigay
ng kahihiyán sa kanilang familia, kundî bagkús ipinagkákapuri .
1 4
Si Yoyong ay tátangô-tangô namán sa mga nagdúrubdób
pa ng gatong sa apóy ng kanyáng kasakimán . Natátalós niyáng
may kasagwâán na ang mga paghahakà ng dalawang matandâng
kausap , tungkol sa katauhan ni Delfín ; dátapwâ't yayamang
naaayon sa ganáng mga sarili niyáng adhikâ, kayâ hindî na
nagkikibô , kundî nagsasang-ayon na lamang.
-Alín , Honorio : -ang ganáng sulsól pa ni kápitáng Loloy
bantâ ko'y hindi kailâ sa inyóng akó y may isáng anák na lalaki ,
walang-hiyâng walâng-hiyâ rin, at ang maykagagawán ng kan
yáng isinamâ ay iyán ding Delfíng iyán , ... ¿ sa akala mo ba ay
magkákabulà at mabábalì pa sa kanyá ang isá kong sinalitâ?
Máhigan ko na muna ang kálulwá ko ! ... Nang ako'y totoong
sawa na sa kága galit ay talagang sinabi ko kay Felipeng hindî ko
na siyá anák , at talagang hindî na ngâ ngayong malaon . Yáya
mang siya ang naging galó sa aming angkán, hindi kailangan .
ang siya'y mapatiwalag na sa akin , magpakailan pa man . At
yamang nangatawan na sa di pagsunod sa ibig ko , isinumpâ
ko namang hindî na siyá pakíkia lamán sa tanáng buhay namin .
At itagâ ninyó sa bató kung ma bali ang salitâ kong iyón ! Walâng
wala na siyang inaasahan sa akin ! ... Anó ang ipag- áandukâ
ninyó sa isang anák na sa lugál na tumulong sa inyong magpalagô
ng kayamanan, ay siyá pang nag-úudyók sa aking mga kasamá
at alilà, upang ako'y huwag pagsusundín at katakutan , at upan
díng huwag magsikilala sa akin at magsipagbayad ng mga utang?
Saán kayó nakakita ng ganyáng anák? ...
Si Doroteo ay mapatawá-tawáng nápapamanghâ.
-Diyatà pô ! ... Bakâ kaya namán -anáng estudiante
-nasísiràan ng baít ...!
---Kun sa pagkasira ng baít ay hindi - isinambót ni Madlâng
layon .--Nálaman ninyó : si Felipe ay talagang bukál na may
matigas at mainit na kalooban . Sakâ nakapagsamá pa sa isáng
sosyalistang kapwà-batà, at nakapagbabasa ng sari-saring libró
ng mga sosyalista at anarkista sa ibáng lupàín. Si Delfín
ay malamíg-lamíg kay Felipe . Ang inyong anák , sa pagkákita
ko , ay lumalò pang talaga sa kanyang maestro kun sa ngalang
init ng loob at kabulusukan ng pagkukurò.
35-47064
546 LOPE K. SANTOS

-Oo nğâ ;-ang ayon ni kápitáng Loloy-hindi ko mála


man sa batang iyán kung kangino nagmana ng tigás ng ulo.
Nakú ! walâng-walâ sa aming liping nagkáganyán ! Nguni't sumu
long na siyá, kun saán niyá ibig. Mabuti na nga ang náisipan
namin ni nasiràng kumpare. Itapon na , huwag nang ibilang sa
bahay at huwag nang pamanahan ni anomán ang mga ganyáng
anák . Si Delfín , hindi man siyáng tunay na anák, kundî si
Meni, ay iyón na rin iyón . Iyán bang babayi ay dî sunúd- sú
nuran saán man dalhin ng asawa . Hale : mabuti ngâ, Honorio ,
ang higpitán mo ang iyong hawak sa pagka -taga-pangasiwà ng
mga ari-arian ni kumparing Ramón .
-Abá , sa akin pô ba'y dî kung ano ang nasa testamento ,
ay siyá kong sundín !-ang paanód na sabi ni Honorio . -Ang
totoó ko ngâ pô lamang kinaáa wàán ay si Meni, bakit maysangól
pa namán ...
-Kaya nga wikà ko sa iyong sulsulán ninyóng mápahi
walay na ang giít ni Don Filemón . - Hamo , kausapin natin
ngayon din ! Túturùan ko siyá ng magaling na paraán . Ang
balità ko'y may araw na kulang na lamang sumala sa oras ng
pagkain si Meni . At halos ang mga alahas daw at damit ay
nangapagbili na tuloy sa kahirapan . Anó ngâ ba ang masása pit
ng apat na pûng pisong sinásahod ni Delfín , bakit si Meni'y harì
pa ng masasaktín ! Mabuti, siya'y magpaalám na úuwî muna
rito sa mga kapatid, at kung ayaw pauwiín ni Delfín , ay sakâ
siyá magmatigás at magsabing hindi na maka títiís doón sa
dináranas nilang kahirapan . Kung baba gin si Meni, la lòng maga
líng, laòng nápadali, la lòng 'nagkakatwiran sa pag-alís .
-At kung hindî pigilin ni baba gin , -ang puná ni kápitáng
Loloy -bagkús tulutan at patí pa siya'y maglalapít ó sumama
na rito?
-Hindî pô makagagawa ng ganyán si Delfín -ang sagót
ni Madlâng-layon.
-Na hindî ba sásama na rito ? -ang isinaló ulî ni kápitáng
Loloy -Hindi ba't náriritó na ngâ ngayon , at palibhasa'y patay
na ang kanyang biyanán ay naglála lapít na ?
Nagkátigiláng sandali ang nangag-uusap. May mga yabág
na nangagaling sa loob ng kuwarto , at waring papalabás . Bakâ
si Meni na ! Gayón man ay nakapagyayàán ang dalawang matandâ
upáng pasukin ó sagupàin si Meni, at gawin ngâ ang napanuka
làng mungkahì at sulsól ni Don Filemón . Si Madlang-layon
man at si Doroteo ay nasok din sa kuwarto ng mga babayi .
Nguni't nagwalâng bahalà kapwà sa pagkausap ng bukód ng
dalawang matandâ kay Meni , at si Talia at si Marcela'y siyáng
pinagtig- isa hán namang kinaú-kausap niláng magbayaw.
BANA AG AT SIKAT 547

Si Ruperto ay parang basang-sisiw na napag-iwan sa salas .


Walâ isá mang yumakag sa kanya sa loob ng kuwarto. Baga
mán ang malupit na panibughô ay nag-akalàng duma hás sa
kalooban, dátapwâ'y naalaala niyáng yao'y oras na dapat saman
talahin upang maika panaog at máipagbigay-alám sa dala
wáng nag-áantáy sa lupà ng kanyáng nápagsekretahan . Habang
nanánaog pa sa hagdán , ay napagdili-dili ang kabiga tán ng ságu
tin ng gayóng nápasukan niyang tungkól . Si kápitáng Loloy,
na maraming pinagsasabing masamâ kay Felipe at kay Delfín ,
ay siyá ring amá ng kanyang bagong kakikita pa lamang na
bathala ng pag- ibig. " Hindi kayâ bagá, anyá , magkagá-ka galít
ang mga taong itó , dahil sa aking pagsasabi , at hindî kayâ mapag
alaman niná kápitáng Loloy na akó ang nagsabi ? Dî akó na rin
ang agád sumirà sa aking hináhangád kay Marcela ?" .. Nang
tátatlóng baytang na lamang ay nápahintô . "Nguni't ipinangakò
ko , anyá, sa dalawá na sasabihin sa kanila ang lahát kong
máriníg, kaha lay-halay na lalòng- lalò sa aking bayaw, kung
matalastas na di ko silá pinagta pa tán " ... Bukod sa rito'y
naisip pa ni Ruperto na siyá man namán ay hindi sang-ayon
sa mga katwiran at pag-iríng kay Delfín ng mga matandâng
iyón. Sa kanyang budhi ay namámaibabaw ang pananalig
na ang sinasabi ni kápitáng Loloy na pinaggagawa sa kanya .
ni Felipe, kung magkátotoo man ay hindi mali, kundi siyáng
wastô, sapagka't ang kalooban niya'y bantád na rin namán sa
malupit at masakím na kapangyarihan ng maraming mayaya
man , saa't-saán pa mang lupàng kanyang inabot. Ganoón din
namán, si Delfín ay ipinagdádalá niyáng awà sa mga pagpalib
hasà niná Madlâng- layon at Don Filemón, kun sa bagay
ay wala namang dahil mandín , kundî lamang ang pagka -isáng
taong marálitâ na nanga hás mag-asawa kay Meni . "Akó
man , ang wikà sa sarili, ay mahirap din . Kung anong pangya
yari ay nátaón-taunán ko rito ang isáng Marcelang anak ng isá
sa mga pangulo ng yaman sa Silangan, at ngayón-ngayón din
kami'y nagkápahayagan na't nagkábitiwan ng pag-ibig, ¿ dî akó
man pala'y kanilá ring gága yunín ? ..."
Natuluyang hinanap ang dalawá, na doón itinurò ng kotsero
sa dating silong ng gloryeta; nakaupo kapwà at nagkakániíg sa
isáng pinagsasalitaan . Sabihin ang pangagaha man ni Felipe at
ni Delfín , nang makita na ang pinaka áantáy na tiktík . Isinay
sáy ni Ruperto ang lahát niyáng náriníg . Patí ng sa mga oras
na yaón ay ginagawang pagkausap at pag-uudyók kay Meni nğ
dalawáng matandâ.
Si Felipe , pagkáriníg sa lahát ng mga pinag- usapan at
ginágawâ sa itaás , ay parang gas na nagsikláb.
548 LOPE K. SANTOS

-Anó ang nasa sa loób mo , Delfín, sa mga gumagawâ sa


iyó ng masamâ?-ang ipinanginginig na sina bi ---Kun sa ganáng
akin , ako'y dagí na sa lahat ng mga pagwiwikâ at pagsumpâ
sa akin ni tatay. Dátapwâ't ¡ ikáw !.... ang ganang ginagawâ
nilá sa iyo ang ipinag-aalab ko , kaibigan ! .... Sindihan ko na
yatà ang bahay na itó, at nang mangagsitalón sa bintanà ó
mangatupok na ang mga taong iyán ! ....
-Abá, huwág ! —ang biglâng náisambót na sabi ni Ruperto
sa náriníg na bantâ ng nagngangalit na bayáw-Nároroón si
Marcelang kapatid mo ! at ang asawa ni mang Delfín !. .. .
Si Delfín ay malaong sandaling hindi umíimík. Nag-fisip
isip ng kanyang gagawín . At nang si Felipe'y magsabing:
-Umakyát na tayo at makipagpámukhâan na sa kanilá!
-Hintáy, hintay ka !-ang isinagót, sabay ang pagpigil sa
may balikat ng nagyáyayâ.
-Iyán din lamang hinintay-hintay mo at nilamíg-lamíg
ang nakakahirap sa atin! -ang sisi ni Felipe -Natátakot ka ba?
Kundi ka makalálaban kay Madlâng-layon at kay Don Filemón ,
bayaan mo't akó !
-Kaibigan , maghunos-dilì ka . Hindî ang pakikipagba bág
at pagpatay ang ating ipinarito . Pumayapà ka . Ako'y may
isáng paraáng náiisip na siyáng lalòng magaling na gawin natin
ngayong gabi . Bayàan mo't kamí ni Ruperto'y pápanhík.
Maiwan ka na rito sa lupà, at kung anó't anó'y sakâ ka na puman
hík. Kákausapin ko muna ng lihim si Meni . Títignán ko kung
ipagtatapát sa akin ang mga sinabi sa kanyá, at aking itátanóng
kung patí si Madlâng-layon at si Talia ay nakisulsól din upang
gumawa ng daáng magkahiwalay kamí.
-At anó ang gagawin mo ?-ang mapusók na tanóng ni
Felipe.
-Sakâ mo na máririníg : sa oras ng paghahapunan.
Ang dalawa ngâ'y nanhík, nguni't si Ruperto'y sa hagdáng
malakí, at si Delfín ay sa hagdán sa kusinà ; sapagka't ipinag
bilin niya kay Ruperto , na paglalábasan sa kuwarto ,
yamang kilala na niyá si Meni, ay bulungán itóng magtuloy
sa kusinà at doo'y ibig lamang ni Delfíng sila'y magkausap.
Kapápanhík pa ngâ ni Ruperto, ay sála labás nang sunod
sunód siná kápitáng Loloy, si Don Felimón , si Yoyong at si
Doroteo . Nag-úpûan uli sa salas at doo'y nagpúlungan na
namán ng marahan . Si Ruperto , ay nagpakunú-kun wâng
títingá-tingalâ sa mga pintá ng langit-langit ng salón . Tinawag
pa mandín uli siyá ni Doroteo at ipinagtanóng si Delfín .
BANAAG AT SIKAT 549

-Hindi pa pô pumápanhík -ang isinagót .


Walâng ano-ano'y sálalabás namán si Meni , na sinúsundán
ni Marcela . Ni hindi man naghagis ng tingin sa pagkakáumpók,
at nagpatuloy sa salón . Sa mukhâ niya'y hindî na ang anyô ng
kapanglawan ang nagdídilím . Si Marcelang kasunod-sunód,
nang nasa salón na at hinahanap ni Meni ang asawa , ay nagha bol
ng ganitong magiliw na sabi :
-Sinasabi nama't hintáy ka muna .. ! Hindi akó mag
háhapunan pag hindi ka rito kumain ... !
-Ah , Sela ! Kaysamâng totoo ang pagpapalagay nilá sa
aking asawa , gayóng lahat ng baít at kababaang-loob ay
ginawa na sa kanilá ! ....
Sinásalitâ itó ni Meni na maykahalòng buntong-hiningá ,
at luhà.
-Ma walang-galang pô ! -ang isina bát na sabi ni Ruperto .
Ang akala ni Sela ay siyá ang lalapitan , kayâ biglâng hina ráp
ang binatà, at tinugón ng isang matamis na ngiti at mapang
halinang titig. May ibinulóng si Ruperto kay Meni, at noon
din , sa salitang "Diyán ka ngâ muna sandalî, Sela , at ako'y
maygagawin lamang sa labás", ay napag-iwan ang dalawang
pinagpalà ng mga pagkakáta ón.
-Anó ang ibinulóng niyó kay Meni ? -ang inusisà kaagád
agad ng binibini.
-Walâ pô, kundi sinabi ko lamang ang isang pabilin ni
mang Delfín, bago nanaog -ang tugón namán ng binatà.
-Anóng pabilin ?
-¡. !
−Anó hộ ?
-Baka akó mápagwikàan ni mang Delfín , kun sabihin ko
sa inyó, sapagka't ayaw niyang ipamalay kanğínomán .
-Ayaw? kahì't ba sa akin ?
-Kangínomán, daw.
-Kung ayaw ba niyóng sabihin ....
At umanyô na namáng magtampóng paris nang nasa pintô
ng páligùán . Nguni't hinadlangán ng salitâ ni Ruperto .
-Bakâ kun sabihin ko sa inyo'y kayó ang una - unang púpulà
sa akin? Wiwikàin niyóng hindi palá akó marunong mag-ingat
ng lihim.
-Hindi , hindi ko iyán wiwikàin. Hala , máriníg ko kung
anó lang ang inyong ibinulóng kay Meni.
550 LOPE K. SANTOS

-Sabihin ko raw na magtuloy si aling Meni sa labás at


mayroón lamang siláng pag-uusapan.
-Hindî bá't wikà niyóng nanaog dito si Delfín ?
-Siya ngâ pô ; dátapwâ't na pasa silong lamang, at sa
hagdán sa kusinà umakyát ....
Hindi na nag-urirâ pa si Sela tungkol sa bagay na yaón ,
kundi ang sinabi namán, pagkahagis ng isang lingón sa dakong
loób , ay :
-Bakâ tayo mátanáw rito ni tatay.
Unti-unting nápasulong ang kanilang lakad hangáng sa
may tabing bintanà na kanğí-kangina lamang ay dinúdung
halán ni Ruperto. Sariling-sarili nila ang salón . Sukat ang
lumabás-pumasok na mga alilà ang sa kanila'y nakakábatyág
lamang na pasaglít-sa glít .
Mangyari pa ! Dalawang mapalad nang kálulwá ang nag
úusap . Ibá na ang hawig at katás ng sálitâan .
-Akó naman ang may itátanóng ngayón : -ang pasimulang
sabi ni Ruperto -Anó ang inyong pinag-usapang matagal na
matagal ni Doroteo doón sa loob ng kuwarto ?
-Abá ! hindi namán akó nakipag-usap sa kanya , kundî
iláng salitâ lamang.
-Nakú!....
-Di itanong niyó kiná Meni !
-Hindi ba mangyari, Elang , na huwag na tayong mag
púpûan !?
-Abá,..... at kung may makáriníg sa atin?
-Ay anó? anó ang ikahíhiyâ natin kung málaman man ng
kahi't sino , na kayâ hindî na kitá nagpupúpuan , ay sapagka't ....
pagka't ..
-Anóng sapagka't ....?
-Akó na ang mayhawak ng susì ng iyong pusò, at ikaw
namán sa susì ng puso ko ... ¿ hindî ba ? ....
i !
-Hindi ba totoó ?
!
-Elang, sagutín mo akó .... !
-Ah ! .... baka may taong luma bás dito ; bakâ tayo mála
basán ni tatay .... bakâ .... pápasok na akó ……..
--Pápasok ka ? .... ¡ huwág ! huwag mo sana akóng lisa nin
sa isang mabuway at malabòng pagkakálagáy. Huwag mo
akóng busugín sa mga sagót na pakuláng-kuláng at dî punô ng
BANAAG A T SIKAT 551

sadyâng tamis ng katotohanan . Akalain ng loób mo na mulâ


ngayo'y itináta án ko yaríng buhay sa nákikiní-kinitá ko nang
mğa dawag ng hirap na aking sasagasàin sa pag-irog sa iyó.
Ah, Elang ! Ako'y walâng kayamanan kundî isáng puso't isáng
buhay : puso't buhay na hindî na akó ang may-arì kundî ikaw ....
Animo kangina , ay sa iyong kapatid akó manangan : dapwà't
sa pagkakita ko sa layò ng agwát ng amá mo at ni Felipe , ay
walang kadaán-da án akóng maaasahan upang siya ang maka
paglapit sa akin sa inyó . Bákit hindî sa sarili mo nang bibig
pa pangalingin ngayón pa ang isang pangakò mong masásagisag
ko at mapúpuhunan sa pagsunod sa iyó saán ka man dumating
at itagò ? ... Oo , Elang, itáta gò kang walâng-sala ng iyong
mga magulang, pag námalayan ang aking pagnanasà. Ako'y
isáng sawing-palad na binatà ngayón , na walang kinagisná't
nila khán sapúl pagka ba tà kundi pulós na kahirapan . Ako'y
alangan pang maging alipin ng lalòng mababà at mahirap na
sa iyo'y nagsisipámintuhò na marahil ngayón .....
-Sinong namímintuhò ? Walâ!
-Totoó? tunay na tunay ?
-Oo nga, walâng walâ, sapagka't hindî maáarì kay tatay.
-At ako?
-Ikaw lamang.
-Anó ang malay ko : ngayón lamang kitá nákilala ....
-Ngayon lamang palá, ay bakit ganyan ka na ? anó't hindi
mo muna ako pakibalitaang magaling bago mo inibig?
--Hindi na kailangan , Sela . Ang pag-ibig na tunay ay
hindi ginagawa ng panahón , kundi ng mga pagkakátaón . Ang
talagang pag-irog ay hindi na itinátaním, kundi kusàng bumú
bukál. Hindi ba ganóón ? Sa puso mo ba ngayo'y walang mali
gáyang damdaming núnukál na kusà para sa akin ?
--Mayroón .
-Hindi ba pag- ibig?
Matá lamang ang pinasa gót ni Sela .
-Hindi ba ?
Maulit na lalaki ! At anó pa ang kahulugan ng titig na
yaóng halos humihingî sa kanya ng isang simbuyó ng mga labì ?
-Elang ko ! ako'y iyó sanang sagutín ! .... di ba akin ka na ?
Ngiti lamang ang tugón : ngiting bumutas sa magkábilâng
pisngi ng binibini ng tig-isáng hukay na mabilog, singbilog
kapwa ng isáng kambál na O.
552 LOPE K. SANTOS

Magsasalitâ pa sana ang bina tàng pahát sa paghulà ng


mga piping tugón ng babayi ; dátapwâ't sásusulpót si Turíng, na .
sa dalawang nagkakániíg ay nakagitlá . Si Turíng, ay si Turíng
na . Bagay sa paghahála tâan ng mga kilos at tinginan ng mga
binatà't dalaga , ay hindi na siyá mapaglálakùán . Nakáram
dám ngâ sa dalawang inabot sa isáng anyông maykahulugan
nang hindi birû-birùán lamang. Nguni't anó sa kanyá iyón :
anó ang kanyang ipanghihimasok sa hindî mğa kaano-ano , sa
siyá man namán ay masamâ ring mapanghihimasukan ?
-Saán napatungo si Meni ? -ang itinanóng na lamang.
-Nagpuntá pô riyán sa labás -ang tugón ni Marcela -at
mayroon siyang gagawin daw.
-Pagpasok ay sabihin niyó lamang na ipinatatawag siyá
ni Talia sa loób .
At sukat sa ganitó, sa di na kaibigang makaabala pa , ay
nasok na uli si Turíng.
Hindi pa nakapag-iimikan ang dalawang napag-isá na
namán, ay may náriníg siláng yabág ng isang lumalakad na pala
bás sa salón. Dali-dali si Rupertong dumungaw kunwâ sa
bintanà, at si Marcela ay hindi magkantututo kung maupô
sa isa sa mga luklukang nároroón , ó sadyâ nang sumalubong
sa lálabás . Dátapwa't walâng anomán . Sa pagkakálihís ni
Sela sa pinto ng salas , ay nátanaw niyá si Don Filemóng talikód
kamáy na pumipihit uli sa umpók ng mga kausap .
Sa gayo'y nagsalita na ang binibini .
-Ako'y pápasok na .
-Ah, hintay ka muna !-ang masiglang pigil ng binatà, na
biglâng ipinihit ang katawan .
-Abá, eh papaano ? bakâ ...
-Bigyan mo akó ng isang katunayan ng iyong pag-ibig!
-Anó pang katunayan?
-Kung ano ang minámabuti mo .
-Ah , doón na sa Silangan , pagparoón mo : ¿ hindî ba sásama
ka sa amin , wikà mo ?
-Oo ; nguni, ¡ bákit kayâ doón pa!
-Ay anó ang maibibigay ko sa iyó rito ? Panyô, ¿ ibig mo?
-At kasingha lagá ba lamang ng panyo ang iyong pag-ibig?
-Itong pamaypay ko?
-Anhín ko iyán!
-Ay anó pa ? .... Sabi na , madalî .... ¡ ah ! eto na si Meni ... !
BANAAG A T SIKAT 553

-Isáng ... —at ipinabasa kay Sela sa anyô ng kuyóm


at pinatulis na labi't nğusò ang ibig niyang sabihin.
-Ah, ayoko -ang tangí namán ng binibini. - Hayán , iyán
na ang iyó....
Hinugot ang isa sa mga singsing ng daliring palásinsingan ,
at siyáng inia bót . Pagkatangáp at bahagyâ pa lamang nagá
gantihan ni Ruperto ng isang maliit na kurót sa kamay na
nag-abót, ay tumalikod na si Selang nagdádali-dali , anopa't
nákasalubong na ni Meni sa pagpasok.
-Meni, ibig ka raw mákausap ni Talia . -ang ibinatì agád .
-Ah, magpahinga na ngâ lamang silá !-ang paangil na
isinagót ng pinagsabihan.
Tumugtog ang isang munting batingaw (campanilla) sa
labás : tandâ ng nakahayin na ang hapunan . Talagang gayón
sa bahay na yaón tuwîng kákain . Ang oras namán ng gabi ay
mag-fikawaló na .
Ang lipon sa salas ng apat na lalaki , ay nalanság agád-agád
sa tugtog na yaón . Nasok sa kuwarto si Madlâng-layon at
siyáng tumawag sa asawa , na ayaw-ayaw pang lumabás ay
napilit din . Nagsunod-sunod na ng paglalabasan ang lahát ng
mga taong-bahay. Isa't isa'y nagyayàán sa komedor. Si Don
Filemo'y nagdaan muna sa kuwartong kinálalagyan ng asawa .
Nguni't si ñora Loleng ay ayaw ring lumabás ; ba gamán si Isiang
ay tinulutan nang makasalo sa kalaha tán, at hininging papasu
kin na lamang muna ang isang alilàng ba bayi , upang dî
siyá mag-isá sa kuwarto . Ang mag-asawa naman ni Siano ,
na pagkagaling na sa Líbingan anaki'y naging mag-asawang
kalapati sa pangungulungkot sa kanilang silid, ay nagsila bás
na rin at nakipisan sa paghaha punan.
Si Madlâng-layon ay siyáng nangatawán ng pagpilit kay
Mening ayaw roóng kumain at magsalitâ-dili na . Siyáng pag
panhík naman ni Delfín at ni Felipe sa malaking hagdanan , at
inabot-abot pa ang pagpipilitán . Patí si Delfín ay nakasama
na sa yayà ni Yoyong, ni Turíng, ni Marcela at ng iba pa . Sa
wakás ay nangáupô ang lahát na mínsanan sa isáng hayin ;
máliban si Felipe, na hindî na nilá pinakápilit, sa dahiláng talós
nang hindi maaaring makaharáp siyá ng amáng si kápitang
Loloy , na nasa komedor na . Si Felipe ay nagpaiwán sa salón
at doón na lamang nakiramdám ng madlâng mangyayari at
ináantáy niyang mangyari sa pagkakáinan .
Sa isang dulo'y si kápitáng Loloy ang nanğúngulo , at sa
isá nama'y si Yoyong . Sa isang panig ang mga lalaki , at sa
kabila ang mga babayi. Siláng lahat ay labing-tatló : anim na
babayi at pitong lalaki. Kaysamang bilang! ¡ labing tatló !.. . .
554 LOPE K. SANTOS

Ang pagkakáha ráp-hára pang yaón ay malaon munang nápa -


tulad sa isang pagkakainan ng mga kolorum, na isá ma'y walang
nagsasalita ng malakás , halos pawàng nakatungó, at tila pawàng
nagdárasál. Ang mga mukhâng nagkíkintaban na sa luhà
at mga matang nagpapámugtûan ni Talia , ni Meni, ni Siano at
patí na ng asawa nitó, ay halos hindî mangáisilay sa ilaw, at
kundangan lamang na kahalay-halay sa mga panauhin , ay di
na sana nila ibig munang ipakipagharapan man .
Sa lagay na yao'y walâng-walâng hindî binábaka ng kalum
bayan , kundî dádalawá lamang : si Marcela at si Ruperto . Nag
kakátapát ng luklukan . Silá man namá'y tungóng-tungó rin
sa pagkain . Dátapwâ't walâng angát ng ulo , walâng pakò
ng matá ng isá , na dî kasabay at katamà rin ng sa isá. At kung
ang titiga'y nakapagluluwát na ng ilán-iláng sandali, kung ang
mga diwà niláng pinapag-uusap sa matá ay naipa fimbulog
na yata ng mga simbuyó ng pusò hangáng sa kaitaasan ng langit ,
kung ang mga balintatáw nila'y halos nang napapaluha sa sikdi
ng maliligayang damdamin .... sakâ biglang hinúhugot ng isa't isá
ang kanilang tingín, bago súsundan ng isang patakáw na ngitî at
patagumpay na kasayahan ng mukha, hangáng maging
anaki'y nangasíriràan ng bait sa biglâng pagtungó, sa biglâng
dî pagkibô at sa walâng anó-anó'y pagkátigagal ... Gayón na
lamang mag-usap ang mapapalad na kálulwá . . . !
Nápuná ni kápitáng Loloy si Meni, palibhasa'y malapit sa
kanyá na alinmáng pingán ng ulam na ialók ng nangaglilingkód
ay hindi kinukunan, ó kunan ma'y tig-katiting lamang na di
pa kinakain kundî tinítipon sa isáng tabí ng pingán . Si Talia
man ay tútumpík-tumpík din , dapwà't hindi namán gayón .
Tinanaw pa mandin si Delfín , at isang bahagyâ ring pagkain
ang kanyang nakita . Sa pagbawì ng tanaw ay nasa gilahan ang
anak niyang dalaga sa sandali pa namáng ikinápapakò ng titig
nitó sa katapát na lalaking nakatitig din . Kung anó namáng
pagkakataon ay naigawî ni Sela ang kanyáng matá sa amá,
siyang pagkákitang siyá palá'y pinangdídila tan nitó.
Dinaig pa niyá sa gayon ang isang nakátukâng ahas ! ...
Makalipas ang ilang sandali na si kápitáng Loloy ay walâ
nang masubukan sa anák na masamang pakikipagtitigán, ay
siyá rin ang nagpasimunò ng ilang malakás-lakás at makaaliw
aliw nang mga salitâ.
-Bakit namán, Meni, ganyán na kung kumain ka .. ? May
anák na pásusuhín ka pa namán , ay hindî kata bayan sa loob ang
malabis na pag-aalaala sa inyong amá. Ikáw man, Talia , kapwà
kayó may dapat kahinayangang anák ; bakâ kung anó tuloy ang
mangyari sa iyó. Patay na iyón , anó pa ang magagawa natin .
Tayong lahat ay doón úuwî : uná-uná lamang ang ating pagtugpá ..
BANA AG A T SIKAT 555

Ang paningin ng lahat ay nápa buntón sa magkapatid , la


lòng - lalò na kay Meni. At ang nápansín ni kápitáng Loloy , ay
siyá rin niláng námasdán .
Nguni si Meni , na ang pusò, kung bagá sa isang
natátalubang pákulûin ay kasasalán nang sumúsulák at kulang
na lamang ang may makásangi sa talob upang magputók ná't
máibulalás ang naíinís na mga damdamin ay hindi na nag
antay pa ng muling pagbatì . Suma gót karaka - raka , at ganitó
ang isinaád:
-Kápitáng Loloy , ... sa mga oras pông ito ay hindî na
halos ang tatay ang aking ikinalúlumbáy, kundi yaríng kalagayan
namin . Sa isang bahay pông pinagsumpâán na sa akin ng isáng
magulang, ay pinag-iisipan pa sa akin ng lahát ng mga kapu
sungan at masamang hangád... ! Sa isang bahay pông gaya nito, ay
hindi naman akó mawawalán nang totoo ng hiyâ upang magnais
pang makinabang ng kahì't gága butil na pagkain ... !
Pagkasalita nito'y sinundán ng tindíg, at ang tenedor na
hawak ng kaliwâng kamay ay nabitiwang biglâ at lumagpák sa
ibabaw ng pingán , dahil sa pangangatál ng mga daliri at ng
boông ugát at litid ng katawán.
Ang lahat ng magkakasalo ay malaong dî nanga ka pag-alís
ng matá kay Meni. Sa pagka tilihan , unang-una na si Yoyong ,
si Talia , si kápitáng Loloy at si Don Filemón , ay parang nang
gitlá sa kulóg kung tignán sa kanilang mga pagmumukhâ. Hindi
nilá inaasahang si Mening dating mapakumbabâ at may katu
tubòng lubáy ng loób, ay káringán sa paghaharáp-hárapang
yaón ng gayong mga táhasan at mabibigát na pangungusap .
Isá man sa kanila'y walâng na kasa gót . Si Delfín g anaki'y biná
balisa ng sawan sa pagkakaupô, pagkahagis ng isang tinging
maykaha lòng tangô sa asawa , ay tumungó na't sukat na waring
nagwawalâng-ba ha là, bago'y nag-áantáy lamang ng mga san
daling ikapaghihingá rin naman ng kanyang mga nasa sa loób .
Nagpatuloy si Meni ng pagsasalitâ na nginíg , ang tinig, nag
sísipangatál ang mga labì, at ang mga mata'y danga't saíd na yatà
sa luhà, kaya mangiyak-ngiyák na lamang:
-Síno ? síno sa inyó ang nagsabi ? ... Bákit ninyó wíwikàing
kaya kami na parito , kayâ kamí naglálapít na rito, ay dahil sa
patay na ang aming amá, at ang ináamuyán ng asawa ko ay
ang testamento, ang aking mana ? ... Bákit , Yoyong, sa táliku
ran ninyó sinasabi iyán , at hindi sa harap naming mag-asawa ?
Ngayón ninyo sabihin sa hárapan ... Ang asawa ko ay hindî
hulí sa inyo sa pagkalalaki ! Nguni't huwag ninyó kaming daanín
sa ganyang mga paraan ... !
556 LOPE Ꮶ . SANTOS

-Meni, Meni, ... dahan-dahan ka !-ang inihadláng na sabi


ni Madlâng-layon na ang loob ay sísikdó-sikdó - Anó't akó ang
binangít mo ng ganyan?
-Sapagka't ikaw ang maypakanâ ng lahat!
--Anóng lahát? alíng pakanâ?
-Huwag ka nang magmangá-manga han !
-Delfín ... ang pasumbóng na sa bing iniharáp ni Madlâng
layon sa bilás - tila lumálabis na ang iyong asawa !.. Nápa
kagaspang namáng totoó sa harap nitóng mga ibang taong kasalo
natin ang ganyáng mga pinabábayàán mong sa bihin ni Meni .
Sásagót na sana si Delfín ; dapwà't naunahan ng asawa .
---Nápa kagaspáng sa ibang tao ! Anóng gaspang pa ay mga
kaina lám mo na rin namán silá ... ?
Nápagulilat si kápitáng Loloy, si Don Filemón at si Doroteo .
-Hindi ba't- ipinagpatuloy ni Meni , -kangina lamang
sa salas ay iyán ang inyong pinakakapag-usapan ? Hindi ba't
pinasok pa ninyó akó sa kuwarto at para -para kayong nagsi
udyók na hiwalayán ko na si Delfín ? ...
Ang pamumutlâ ng mukhâ niná Yoyong. Doroteo at ng ibá
pang tinamaan ng salitâ ni Mening walâ nang ka pa tú-patumangá,
ay lalòng náhaluan pa ng panglalamíg ng boông katawán .
-Pinahihiwaláy ka nilá sa akin ! !diyatà! ? -ang kaagad
ay sambót ni Delfín -¿at bákit? sa anóng dahil ?..
-Talagá ngâ ! totoó ngâng gayón !-ang sabád ni Taliang
inís na inís kay Delfín - Sapagka't kung dî dahil sa ikaw ang
naging asawa ng kapatid ko, ay hindi siyá magka káhirap-hirap
na ganyán, at ... ang amá namin , ay hindi namán magkaka
gayón , na naglayás sa samâ ng loob at namatay tuloy sa mala yòng
bayan ! ... Ikaw ang maysala , ikaw ang puno't dulo ng lahát
ng mga nangyaring iyán ! ... Mayhiyâ ka pang tumuntóng at
magsalitâ rito?
Sa hindi oras ay nagkátindigan sa pagkain . Si Delfín , sa
lakí ng pagdaramdám sa náriníg na pag-alipustâ ni Talia , ay halos
hindî makakuhang magsalita. Si kápitáng Loloy at si Don
Filemón ay nagpayo-payo sa sálitâan . Si Marcela at si Isiang
ay nagtig-isá sa magkapatid na ba bayi . Si Doroteo , si Madlâng
layon at si Siano, na magkakaratig ay nagbulúng-búlungan .
Si Turíng ay sa kapatid lumapit , at nagbulóng marahil ng pang
payapà rin ng loób . Nguni't si Ruperto ang tanging hindi bumá
bago sa kanyang upô na at walang malamang tignán sa nangag
sitindíg . Anopa't kaylaking ligalig, na kamala-mala'y naging
isáng awayán at basag-ulo nang tunay.
BANAAG AT SIKAT 557

Si ñora Loleng patí ay napala bás sa kuwarto, nápasilip sa


poók ng kainan , at mulâ roo'y tinawag ang kanyang anák na si
Isiang.
Si Felipe nama'y nápala pít nang nápala pít, mulâ-mulâ pang
magbulalás ng salita si Meni. Nang mátanaw na nagtitindigan ,
akala niya'y may mangyayari nang away ; nápa bungad na tuloy
ng boông katawán sa pintô ng komedor, at dî na ina laala ang
pinangíngilagang amá.
Nang si Delfín ay hindî biglâng makasa gót sa pagpa pa walâng
hiyâ ni Talia , ay si Meni ang humaráp sa kapatid at nagwikà :
-Talia ; huwag mong pawalâng-hiyâán ang aking asawa ,
at walang ginagawâ sa inyong masama. Siya'y aking inibig kung
kaya ko nagíng asawa . Huwag mo nang ungka tín ang sa tatay.
Tunay nga't dahil sa sama ng loob sa akin kayâ lumayô rito ,
dátapwa't ang samâ namán ng loób na yaón , ay dahil lamang
sa, isáng mahirap na tao ang aking náibigan ...
--Magta hán ka ! -ang saway ni Taliang pinamamausan
na halos ng tinig--Patí ikáw, tumítigás ang ulo mo at natututo
nang tumalikod sa mga pinagkákautangan mo ng loob.
-Nálalaman ko ang aming mga utang na loob sa inyó.
Dátapwâ't iyán din ngâ ang ipinagtátaká ko . Yaóng da ting gandá
ng mga kalooban ninyó sa akin , ay biglâng-biglang na paltán ng
masamang pakikisama , pagkáhipò ninyó ng testamento . Panga
ngasiwa ng asawa mo sa mga iniwang kayamanan ng tatay,
la hát na'y ipinakálihim ninyo sa akin .
-Hindi ba't nálalaman mong iyán ang bilin ng inyong amá?
-ang sabád ni Madlâng-layon . -Ako'y walâng ginagawa kundî
ang sumunod sa kanya. Kung kayo'y mayha bol, bukás ang
mğa húkuman ...
-Maghabol ka yó ! -ang dugtong pa ni Talia ...
-Bilás , kakâ Talia :-ang sina ló ni Delfín nang totoo nang
hindî maka ba tá -daanín natin sa mahusay ang salitaan . Huwág
ninyó kamíng hamunin sa mga húkuman , at hindî namán ating
para- para ang mga kayamanang pag-úusa pinán . Walâng bagay
ang inyong mga paglilihim sa akin. Walâng dahil ang invóng
mga pagkabalisa . Hindi na kailangang kayó pa'y magpulong
pulong at magpakanâ ng anománg ikasísiràng puri ko at ika
paghihiwalay naming mag-asawa . Hindi na kailangang papag
damdamín pa ang inyong loob ng isang maling hina là na kayá
akó náparito ay dahil sa pag-amóy sa mámanahin ng aking asawa .
Alám kong lahat ang mga nangyari at ang inyong ginawa ng
matandâ, bago nalís . Dátapwa't sa akin ay wala ang lahat ng
iyán . Kaila ba sa iyó, bilás, ang aking mga paghahakà at pana
nalig tungkol sa mga bagay na iván? Sa akala mo ba'y mga
bukáng- bibíg lamang ang napa gdíriníg mo sa aking mga katwiran
37
558 LOPE K. SANTOS

sa pagbaka diyán sa mga pagmama nahán ? Kung di ka pa naní


niwalà, ay makikita mong magtútuloy ang katotohanan sa gawâ.
Hanga't ako rin lamang ay nabubuhay, si Meni man ay huwág
ninyong alalahaning magbibigay pa sa inyó ng anomang bagabag.
-Magpakailán pa man ! -ang pasigaw na punô ni Meni.
At anó't ganyan ang inyong mga pagsasabi ?-ang bangong
puri ni Madlâng layon- May iníimpít ba akong inyó? ... ¿ may ...?
-Huwag na natin iyang pag-usapan pa , Yoyong. -ipinutol
ni Delfín.--Kapwa-tawad na tayo sa bagay na iyán …… .
Pagkatapos ng mga huling pahayag na ito ay nalís na si
Delfín sa lugál na kinátatayûán ; tinalikdán ang di pa natátapos
na pagkain ; lumapit sa asawa ; nagbúlungan, at makasandali,
ang mag-asawa ay nagpapaalam na sa kala hatán ...
Halos nápalundág si Talia ng pagharang sa kapatid na akmâ
nang áalís . Pahiyaw na nakapagsabi ng :
-Huwag kang sumama ! Pabayaan mong siya ang umalís
at iwan ka niyá rito ! ..
Naglapitan na ang madlâng babaying nároroón sa nagpú
pumiglás na si Meni . Isa't isa'y kumapit sa barò, sa kamay at
sa saya . Hawak naman ni Delfín sa isang kamay ang kanyang
asawa , at hindî binibitiwan.
--Bitiwan mo iyán ! --ang sigaw ni Taliang nagkákandaiyák.
-Pabayaan ninyó kaming lumakad-ang malumanay na
tugón ni Delfín .
-Hindî maáa rì ! -ang paklí namán ni Talia .- Matuluyan
na tayong suma pit hangáng sa Maykapangyarihan .... Ang
kapatid ko'y ginúgutom mo roón sa inyong bahay ! .... ¡ walâ
kang maipakain ! ....
Si Delfín ay napangiti ng isang ngiting ma pa klá.
-Walâ akóng máipa kain !-ang náulit niyá - Kung gayón , ay
siya ang ba halà, kung ibig na niya sa bahay na itong walâng
gutom. at binitiwang biglâ at anyông lálayùán si Meni , na palib
hasà pala'y sa kanya lamang nakapanánangan , kaya bigla ring
nápa lupa gì sa tablá. at patí si Isiang ay nabatak sa pagkalupasay.
Ang mga lalaki ay nangápapatingin na lamang. Walâng
lumapit kundi si Siano , na di man nagsasalitâ sa mulâ pa ng
pagkakainan , ay wala namang pinagmamasdán kundi ang
mga kilos ni Delfín .
-Dumito ka ngâ naman , loka! —ang tanging nasabi ni Siano .
Dátapwa't si Meni ay biglang tumiplág sa pagkakayapós
ni Talia at sa pagkakapigil ng ibá.
-Huwag mo akong iwan, Delfín ! -ang pagkuwa'y ini
hagulhól nang makita ang asawang papala yô na sa kanya.
Si Delfín ay napabalik. Nguni't nang málinğunán ni Talia
ay nabitiwan si Meni, at siya naman ang hinarang at ipinag
ΒΑΝ ΑΑG AT S IK A T 559

tábuyan . Sa gayon ay nakaalpás ang iniwan sa ibang pumipigil ,


at sisid nang ginagap ang asawa at yumakap sa baywang nitó
ng parang batang nananangis.
-Asawa ko ! -anyá-¡ magsama kita sa kahirapan !.
Nakalúlunos na anyo ng mag-asawa at magkapatid ! Si
Meni sa gitnâ ni Talia at ni Delfín ay mistulang larawan ng isang
pagbabaka ng pag-ibig sa kapatid at pag-ibig sa asawa . Dátap
wa't sa pagkakáanyông nakayapós sa baywang ni Delfín at
pinagpipilitan namang matangál ni Talia , ay napagkikilalang
hindî niya binibigyang halaga yaóng kawikàáng : "ilán mang
asawa'y makikita, nguni't hindi ang isang kapatid ."
-Uuwî na akó at ang aking anak ay kaawà-awà ! -ang
itinaghóy pa sa kapatid na bumábatak.
-Ipakúkuha ko ang anak mo !-ang sagót na dali-dali ni
Siano .
-Ayoko , ayoko ! -ang giít ni Meni.- Ibig kong siya'y
lumaki sa hirap, sapagka't la lòng maligaya ang ginhawa sa
kahirapan ....
Ang mga salitang itó ni Meni ay nanuót mandín hangán sa
kaibuturan ng kay Delfíng pusò . Sa bugsô ng isang dî maiwa
sang lugód, ay napangatawanán na ang pagkupkóp sa kanyang
asawa , na anopá't halos náitulak ang hipag na ayaw bumitíw
bitíw. Nang makita ni Yoyong at ni Siano ang pagkáliyád ni
Taliang kaunti nang nabuwál, dahil sa gayong paghawì, ay big
lâng nagsidaluhong sa mag-asawa , at nagsia kmâng pagtulungan
si Delfín . Ang gayong pagda luhong ay náta tanáw namán palá
ni Felipe, mulâ sa kublihang pintô . Biglâ ring dumaló sa kaibi
gang nag-iisá, at umakmâng sa gupàin ang dalawang magtutulong.
-Huwag kang matakot, Delfín ! -ang malakas na sinabi
hindi ka nag-iisá!
Nawalan ng loob si Madlâng-layon nang makita si Felipe
at nang marinig ang sinabi. Nguni't si kápitáng Loloy na naka
malas agad sa anák na lalaki , ay lumapit sa dakong likód nitó
at sinapók ng isang tampál sa mukhâ. tampal na halos ikinabilíng
ng ulo at ikinatulíg ni Felipe, palibhasa'y hindi nakikita nitó
ang nagbigáv .
-Ano ang ipakikialam mo rito, walang hiyâ!? -ang isinunód
na salita ng mabalasik na amá.
Sa biglang pihit ni Felipe ay hinarap ang sa kanya'y sumam
pál . Dátapwa, gaanong pagkáudlót nang makilalang amá palá
niya ang gagantihán !
Nagulumihanan. Ang mga bisig na iáambâ ay parang
nápabaliti sa katawan. Ang mga matang kahi't gabi'y nagsí
sipamulá at buhay na buhay na anaki'y kasikatan ng araw, ay
36-47064
560 LOPE K. SANTOS
Airkt
sandali munang nápatimò sa ama amá, bago iginaygáy sa
mga pangkat ng mga taong nároroón . Kátapús-tapusang
kinátirikan ng kanyang paningin ay ang kaibigang si Delfín .
At sa pagkakatinging ito ay nabagbagán siya ng awà, pagka't
sa gunita'y biglang sumagila ang anyô ng isang may
katwirang dukhâ na iníiríng at pinagtutulungang apihín ng isang
kuyog ng mayayaman . Isinaulî sa amá ang mga matá , at habàng
ang lahat ng taong nároroo'y di pa nangakababawì ng dating
katiwasayan ng loob na lumipad sa biglâng lagapák ng tampál,
ay nagsalita si Felipe ng ubos-lakás at boông hugong na halos
ikinayaníg ng bahay:
-Ginamitan na niyó akó ng inyong kapangyarihan , amá
ko, ay walâ namán akóng gagawin kundi damayan lamang
itóng dukhang taong nag-iisá rito at pinagtútulungan ng mara
mi ....! Ang kinukuha ng taong ito'y kanyá, at hindî namán
ginágahasa kundi kusàng sumásama ; dátapwâ't ayaw ninyong
ibigáy, dahil sa siya'y kaya ninyo at nahíhigtán ....! Ganyán !
ganyán ngâ ang katwiran ninyong nakikilala ! Sapagka't nasa
sa inyo ang lakás at yaman , ay ibig ninyong inyó rin ang boông
kapangyarihan , ibig ninyong mapasa inyo ang lahat .... ! . Bákit
hindi ninyó iga lang ang kalayaan ni Meni? Bakit hindi ninyó
igalang ang karapatán ni Delfín? Bakit hindi pabayaang mag
kásama ang dalawang pag-ibig na dî namímintuhò sa salapi ... ?
Ah, magsipangila bot kayó bukas !... Kung ngayon ay nasú
sunod ang lahat ninyong ibig sa mga taong marálitâ at mahihinà,
ay sapagka't naipangánga hás pa ang lakás ng inyong pagka
magulang at ang kapangyarihan ng inyong yaman. Dátapwâ't
may bukas pa , may iba pang araw na dáratíng, na kayong nanga
sa sa itaas at ang mga nasa sa ibabâ, ay mangagkakapantay
pantay..... !
At pagkatapos ng mga pahayag na itó, ay hinawakan sa
tig-isang kamay si Delfín at si Meni, sakâ ipinagsamang malis ,
na , sa mga nilisang tao, na paraparang nangasindák sa dahús
ng mga pangungusap na yaón, maano'y may nakahumáng sá
man .
Si Ruperto lamang ang tanging nakahabol, habang nagsá
sabi sa sarili nğ :
-Dito palá sa Bayan ko ay may mga Bayani na ng Bagong
Buhay ...... !

WAKÁS

JW
1
NOV 3 1936

You might also like