Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Ericka Mae A.

Agasaoay Petsa:
Taon at Pangat: 10-STE Bilang:

Layunin: Nakasusulat ng isang talumpati hinggil sa pagtatapos.

Sa minamahal naming punongguro Ma'am Junilla P. Perez, sa


masipag naming guro Ma'am Jacqueline R. Galvez, magulang, kamag-
aral, kaibigan, kayo ay binabati ko ng isang magandang hapon.

Sa pagtatapos ng ating kabanata sa junior high school. Halo halong


emosyon ang ating naramdaman na para bang tayo'y sumakay sa roller
coaster, saya, kaba, sabik, at lungkot.

Unang una sa lahat nais kong pasalamatan ang ating panginoon sa


paggabay at pagbibigay sa atin ng kalaaman sa araw-araw.

Sa parating nakasuporta at nagsilbing pangalawang magulang,


aming mga guro. Maraming salamat, kayo ang naging tulay at daan
upang matupad ang aming mga pangarap. Di namin malilimutan ang mga
aral na inyong iniwan sa amin. Hindi ko man maipakita kung gaano ako
nagpapasalamat sa inyo, palagi akong magiging masaya na naging parte
kayo ng buhay ko.

Sa aking magulang, maraming salamat sa suportang lagi niyong


binibigay sa aking pag-aaral. Salamat sa sipag at tiyaga niyo sa akin kahit
na minsan ay nagiging pasaway ako. Sabi nga natin " Tiyaga lang
makakapagtapos rin at magkakaroon ako ng magandang kinabukasan".
Maraming salamat sa pakikinig ng aking mga saloobin tungkol sa aming
paaralan. Pangako di ko kayo bibiguin, matutupad ang ating pangarap.

Sa aking mga matatalik na kaibigan, Lian, Kimberly, Angelica,


Meryll maraming salamat, dahil naging sandalan natin ang isa't isa
tuwing tayo'y may problema. Salamat dahil kayo ay naging panyo para sa
aking mga luha, naging balikat na masasandalan, at naging kuhanan ng
saya.

Sa aking mga kamag-aral ipinagmamalaki ko na tayo'y nagtapos


nang hindi sumusuko sa lahat ng ating pinagdaanan. Hingian ng papel,
magrush ng project, iba't ibang klase ng kopyahan, magulong paglilinis,
memorization, ipagkompara ang grades sa kaklase, barahan, revise ng
research, plastikan, asaran sa crush, sabay na pupunta ng canteen, late
pumasok, at walang katapusang pagsolve ng math problem.
Nagsimula sa "hindi ko na kaya" na naging "salamat at inilaban natin".

Nais ko lamang sabihin na ako'y nagpapasalamat sa lahat ng


masasayang ala-ala. Nawa ay huwag nating kalimutan ang isa't isa.
Palakpakan natin ang ating mga satili at sabihing "salamat at hindi ka
sumuko, malapit mo nang marating ang iyong pangarap".
Hanggang sa muli San Jacinto National High School, School Year 2022-
2023.

You might also like