Tanong Ko Lang Episode 24

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

24. Ano ang papel na ginagampanan ng Banal na Kasulatan sa Buhay ng Simbahan?

(cf. CCC 131-133, 141-142)


“Ang kamangmangan sa Banal na Kasulatan ay Kamangmangan kay Kristo”, wika ni
San Geronimo. Ayon naman kay San Agustin, “Ang Evangelio ay ang bibig ni Kristo”.
Ganito naman ang sinabi ni San Francisco ng Assisi, “ang pagbasa ng Banal na
Kasulatan ay ang pagkonsulta kay Hesus”.
Ang pagtuturo ng Simbahan ay parating nakabase sa Banal na Kasulatan. Ang buhay
ng isang Kristiyano ay ginagabayan ng Banal na Kasulatan. Ito ay sa kadahilanang ang
Banal na Kasulatan ay ang buhay ni Hesus. Ang tumatanggap sa mensahe ng Banal na
Kasulatan at nagsasabuhay nito ay tumatanggap kay Kristo. Ang Salita ng Diyos, wika
ng Salmista, ay “salitang nagbibigay ilaw sa daan” (cf. Ps 119:105). Ibig sabihin, ang
pagsasabuhay ng Banal na Kasulatan ay ang pagtingin sa realidad ng buhay sa mata ni
Hesus. Ang Banal na Kasulatan ay gabay ng mga mananampalataya sapagkat hindi
ninais ng Diyos na tayo ay lumakad sa kadiliman. Kung maaalala natin na minsan ay
sinabi ni Hesus, “ang pagkain ko’y sundín ang kalooban ng nagsugo sa akin” (Jn 4:34).
Salamat sa Banal na Kasulatan, ang Simbahan, sa gitna ng kadiliman ay may tanglaw
patungo sa kanyang tunay na paroroonan.

FrMMAL2022

You might also like