Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

22. Ano ang kahalagahan ng Bagong Tipan para sa mga Kristiyano? (cf.

CCC 124-127)
Nabanggit natin noong nakaraang episode na ang inihanda ng Diyos ang bayan sa
rurok ng kanyang pagpapapahayag, si Hesukristo. Magandang alalahanin na ang
Bagong Tipan ay naglalaman ng apat na Evangelio, Aklat ng mga Gawa ng mga
Apostol, Mga sulat ni San Pablo, mga Sulat ng ilan pang apostol, at Aklat ng Pahayag.
Ang lahat ng mga ito ay naglalaman ng rurok ng pahayag ng Diyos kung saan ang
sentro ay si Hesukristo.
Itinuturo ng katesismo na ang puso ng Banal na Kasulatan ay ang mga Evangelio. Ang
tunay na nagbabasa at umuunawa ng Evangelio ay nakaugnay kay Hesus. Nararapat
na sa pagbasa ng Evangelio, ang bumabasa nito ay isang alagad na nagmamahal kay
Hesus. Kung hindi, mahihirapan siyang unawain ito.
Kapag pinag-usapan ang apat na Evangelio, pinagsasama ang tatlong Evangelio ayon
kay Mateo, Marcos, at Lukas. Inihihiwalay sa grupo ang Evangelio ayon kay San Juan.
Bakit? Sapagkat ang tatlong nauna ay may pagkakapareho sa nilalaman, sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at ugnayan sa bawat isa. Sa kabilang banda,
ang kay San Juan ay mas kontemplatibo at teologico.
Samakatuwid, binibigyang diin natin sa puntong ito na ang puso ng Banal na Kasulatan
ay ang mga Evagelio. Sinabi ng ani Origen, “Kung gusto mo silang maunawaang
mabuti, “humilig”(Jn 13:23) ka sa puso ni Hesus katulad ng ginawa ni Juan at ituring
mo si Maria bilang iyong ina, siya na “nagbubulay-bulay” sa salita ng Diyos (Lc 2:19) at
tuturuan ka niya na pakinggan ang kanyang anak.

FrMMAL2022

You might also like