Professional Documents
Culture Documents
Grade 8 4th Periodical Exam ESP
Grade 8 4th Periodical Exam ESP
Grade 8 4th Periodical Exam ESP
PANIQUI, TARLAC
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat
bilang. (1 puntos)
2. Nakaramdam ka ng paghanga sa iyong kaibigan. Sapagkat ikaw ang itinuturing niyang best friend,
pinakiusapan ka niya na maging tulay upang mapalapit sa iyong kaklase na kaniyang naiibigan.
Pumayag ka ngunit habang sila'y unti-unti nang nagkakamabutihan ay nasasaktan ka at nakakaramdam
ng pagseselos. Ano ang iyong gagawin?
a. Hindi na ipagpapatuloy ang pagiging tulay upang hindi sila lubos na magkalapit.
b. Kakausapin ang kaibigan at sasabihin ang nararamdaman.
c. Kokonsulta sa ibang mga kaibigan upang malaman ang dapat gawin.
d. Sasangguni sa guro o guidance counselor.
3. Niyayaya ka ng iyong mga kaklase na manood ng mga pelikulang may malalaswang tema. Halos
lahat ng malapit mong kaibigan ay sasama sa kaniya. Kailangan daw nilang gawin ito upang hind
maging mangmang tungkol sa sex. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong ang iyong kaklase sa inyong guro o sa kaniyang mga magulang, sapagkat alam
mong makasasama sa kanilang murang isip ang pornograpiya.
b. Hindi sasama sa kanila, uuwi na lamang at pababayaan sila sa gusto nila.
c. Kakausapin ang mga kaibigan, at hihimukin silang huwag gawin ito dahil ito'y hindi
makabubuti sa kanila.
d. Natural lamang sa mga kabataan ang mag-eksperimento, kaya't sasama ka sa kanila.
4. Ang sekswalidad kung gayon ay ang behikulo upang maging ganap na tao lalaki o babae - na
ninanais mong maging. Hindi ito pisikal o bayolohikal na kakanyahan lamang.
a. Ang sekswalidad ay ang kabuuan ng iyong pagkatao.
b. Ang sekswalidad ay daan upang maging ganap na tao.
c. Maaari mong piliin ang iyong sekswalidad.
d. Mahalaga ang iyong pagiging lalaki o babae sa pipiliin mong kurso o karera balang araw.
5. Isang moral na hamon sa bawat tao ang pagbubuo ng sekswalidad at pagkatao upang maging ganap
ang pagkababae of pagkalalaki.
a. Hindi moral ang taong hindi buo ang sekswalidad at pagkatao.
b. Ang lalaki ay dapat na lalaki sa sekswalidad at pagkatao, ganoon din naman ang babae.
c. Maaaring hindi magtugma ang sekswalidad at pagkatao ng tao.
d. Mahalagang behikulo ng pagpapakatao ang sekswalidad.
6. "Tao lamang ang may kakayahang magmahal, at ang tao lamang ang makapagsisilang ng isa pang
tao, na tulad niya ay may kakayahang magmahal. Ang kakayahang ito na magmahal - at maghatid ng
pagmamahal sa mundo - ang likas na nagpapadakila sa tao."
a. Ang tao ay nilikhang sekswal kaya siya ay kabahagi ng Diyos sa Kaniyang pagiging
Manlilikha.
b. Higit na mahalaga ang kakayahang magmahal ng tao kaysa sa kaniyang kakayahang
magsilang ng sanggol, dahil ito ang nagpapadakila sa kaniya.
c. Ang tao ay likas na dakila dahil siya'y nilikhang kawangis ng Diyos.
d. Mas marami ang mga anak mas dakila ang isang tao.
14. Ano ang pinakamaituturing na dahilan kung bakit dapat iwasan at supilin ang mga karahasan sa
paaralan?
a. Upang makatuon sa pag-aaral
b. Upang wala ng banta sa buhay sa loob ng paaralan
c. Upang mabawasan ang pagliban o paghinto sa pag-aral
d. Upang wala ng suliranin ang mga magulang at ang awtoridad ng paaralan
Para sa 15-20, kung ang may access sa internet sa Pilipinas ay 16% lang, ano ang implikasyon nito
kung:
18. Online ang pagbabayad sa mga pangunahing serbisyo tulad ng kuryente at tubig?
a. Hindi nito maapektuhan ang mga informal settlers dahil wala silang access sa mga pangunahing
serbisyong ito
b. Magiging madali na ang pagbabayad ng mga pangunahing serbisyo
c. Uunlad ang negosyong internet cafe
d. Pipila rin sa mga internet café ang mga Pilipinong nais magbayad ng mga pangunahing serbisyo
19. Online ang pagkuha ng mga mahahalagang pagsusulit tulad ng Professional Board Examination?
a. Mga mayayaman na lamang ang makakukuha ng mga mahahalagang pagsusulit
b. Uunlad ang negosyong internet cafe
c. Hindi nito maapektuhan ang mga karaniwang mamamayan na high school lang ang natapos
d. Hindi lahat ng mamamayan ay makakukuha ng mga mahahalagang pagsusulit
20. Batay sa mga naging sagot mo sa bilang 1 hanggang 5, nalalabag ng agwat teknolohikal ang batas
moral dahil sa: a. Nagiging dahilan ito upang manatiling mahirap ang mahihirap
b. Nakahahadlang ito sa pakikinabang sa mga pangunahing pangangailangan ng tao sa pag-aangat ng
kaniyang kalagayan sa buhay
c. Natatapakan ang mga karapatan ng tao sa pamamagitan ng paglilimita sa kanilang maaaring gawin.
d. Pinayayaman nito ang ilan tulad ng mga nagmamay-ari ng mga internet café at mga may pagawaan
ng makabagong teknolohiya at mga nagbebenta nito
21. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nangingibang bansa ang karamihan ng mga Pilipino?
a. Makapaglibang b. Makapag-aral c. Makapagtrabaho d. Makapagshopping
22. Ano ang iyong mararamdaman kapag ang iyong mga magulang ay kailangang magtrabaho at
mapalayo sa inyong pamilya?
a. Magagalak sa pag-aabroad dahil sila ay makapagpupundar ng mga ari-arian at maiaangat ang
pamumuhay
b. Ang pagkalungkot dahil sila ay mapapalayo sa mga anak at asawa, sa kabila ng ito ay para sa
kanilang ikauunlad
c. Kasiyahan dahil makakapamasyal sa mga magagandang lugar na mapupuntahan dahil sa
pagtatrabaho nila sa ibang bansa
d. Mag-aalala dahil sa gagastusing pera para makapagabroad
27. Ano ang negatibong epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino para sa iyo?
a. Ang posibilidad na maging dayuhan sa sariling bayan
b. Ang pagbabago ng tradisyunal na pamilya sa transnasyunal na pamilya
c. Ang pagtangkilik sa mga gawang dayuhan
d. Ang pagkakaroon ng hindi pakakaunawaan ng magkakapatid
29. Ano ang isang mabisang paraan para maiwasan at mapaghandaan ang isa sa mga epekto ng
migrasyon sa pamilyang Pilipino ukol sa paghihiwalay ng mag-asawa?
a. Panatilihin ang bukas na komunikasyon sa isa't isa
b. Pagkakaroon ng matatag na pagmamahalan, respeto at tiwala sa isa't isa
c. Ang madalas na pag-uwi ng asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
d. Ang pagkakaroon ng mga counselling centers
30. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino?
a. Ang asawang naiiwan sa pamilya
b. Ang Pamilya
c. Ang mga anak
d. Ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
III. PAGPAPALIWANAG
Panuto: Ipaliwanag ang bawat katanungan sa ibaba. (5 puntos)
1. Ano ang dahilan kung bakit umiiral ang karahasan sa paaralan? Talakayin.
2. Paano ganap na masusugpo ang mga karahasan sa paaralan? Ipaliwanag.