Holy Week 2023 Holy Wednesday

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Diyosesis ng Malolos

PAROKYA NG STA. MONICA


Poblacion, Angat, Bulacan

MAHAL NA ARAW 2023

MIERCULES SANTO
PRUSISYON NG PAGPAPAKASAKIT

I. ANG HANAY NG PRUSISYON


 Ang Seryales
 Ang Ministry of the Altar Servers

1. San Pedro
Si San Pedro ang pinuno ng mga Apostol. Siya ay isang mangingisda na nagmula sa Betsaida,
Galilea at nanirahan sa Capernaum. Sa una pa lamang na pagkakatagpo sa kanya ng Panginoon,
sinabi na sa kanya na papalitan ang kanyang pangalan at gagawing Cephas o Pedro na ang
kahulugan ay bato. Ang imahen ng San Pedro ay may dalang tabak at susi bilang tanda ng
kanyang katapangan at pamumuno; ang manok ay simbolo ng kanyang pagtatatwa kay Jesus
noong gabi ng pagdakip.
Ang imahen ni San Pedro ay nasa pangangalaga ni Gng. Demetila Gonzales at Pamilya.
San Pedro, ipanalangin mo kami.
2. San Andres
Si San Andres ay isinilang sa Betsaida sa tabi ng dagat ng Galilea. Ang hanapbuhay niya ay
pamamalakaya. Siya ay unang naging alagad ni San Juan Bautista bago siya maging alagad ni
Kristo. Siya rin ang nagsama sa kanyang kapatid na si Simon Pedro kay Kristo. Pagkatapos ng
Pentecostes, siya ay nangaral ng Banal na Ebanghelyo sa mga bayan ng Palestina, Scythia at
Thracia. At siya ay ipinako sa krus na hugis ekis (X). Ito ay nangyari sa Patras, Grecia. Si San
Andres ay Patron ng Grecia at Escocia.

Ang imahen ni San Andres ay nasa pangangalaga ni G.Boyet at Gng. Cristy Labonete at
Pamilya.
San Andres, ipanalangin mo kami.

1|Page
3. Apostol Santiago El Mayor
Si Santiago ay anak nina Zebedeo at Salome at matandang kapatid ni San Juan Ebanghelista.
Siya ay naging apostol ng Panginoon at siya at si Juan ay tinawag na mga anak ng kulog ng
Panginoon dahil sa kanilang kapusukan. Sinasabing si Apostol Santiago ay nagtungo sa
Espanya upang palaganapin ang pananampalataya at sa kanya’y nagpakita ang Birhen “del
Pilar”. Ang kanyang relikiya ay nasa Kompostela, Espanya. Pintakasi ng Espanya at ng sakit ng
reyumatismo, si Santiago ay nakakabayong maputi kung ilalarawan.

Ang imahen ni Santiago El Mayor ay nasa pangangalaga ng SPPC ng San Isidro Labrador
Apostol Santiago El Mayor, ipanalangin mo kami.
4. Sta. Maria, Ina ni San Marcos

Si Sta. Maria, Ina ni San Marcos ay isang Babaeng disipulo ng Ating Panginoon.
Tumulong sa paghahanda ng Huling Hapunan ng Panginoong Hesukristo at ang may-ari
ng tahanang pinagdausan ng Huling Hapunan. Siya’y Ina ni Juan Marcos na isa sa mga
tagasunod ng Mahal na Panginoon, gayun din naman ay isa sa 4 na Ebangelista. Si Maria
ay isa rin sa mga babaeng tagasunod ng Panginoong Jesus. Malaki rin ang naging Papel
niya sa Pagpapakasakit ng Panginoon sapagkat siya’y saksi sa Banal na Passion
hanggang kamatayan at paglilibing kay Jesus. Isa rin siya sa mga babaeng taga-Jerusalem
na tumangis kay Jesus habang nasa daan ng krus (ika-8 Estacion ng Krus). Sa tahanan
niya ginanap ang Huling Hapunan at sa tahanan orin niya naganap ang pagbaba ng
Espiritu Santo sa mga Alagad at sa Mahal na Birhen (Pentekostes).

Ang imahen ni Sta. Maria, Ina ni San Marcos ay nasa pangangalaga ni G. at Gng.
Aurelio Santos at Pamilya.

Sta. Maria, Ina ni San Marcos, Ipanalangin mo kami.

5. Sta. Susana

Si Maria Susana ay nakasama si Sta. Maria Magdalena at Sta. Juana ni Cusa sa


paglilingkod kay Jesus. Bagamat di madalas na nabangit ang kanyang panglan sa
talambuhay ni Jesus, katulad ng ibang kababaihan ng Jerusalem, ay lubhang mahalaga
ang kanilang gampanin. Lalo’t higit noong si Jesus ay hulihin, pahirapan at ipako sa krus,
na kung saan halos lahat ng Kanyang mga apostoles at iniwan Siya, ang mga
kababaihang ito ay nanatiling nakabantay at lumuluha para kay Hesus. Hindi nila

2|Page
tinalikuran ang Panginoon hanggang sa kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Sila
ay nanatiling tapat kay Jesus

Ang imahen ni Sta. Susana ay nasa pangangalaga ni G. Gerald Sarmiento at Pamilya.


Sta. Susana, Ipanalangin mo kami.

6. Sta. Maria Cleofe


Si Sta. Maria Cleofe ay asawa ni San Cleofas na kapatid ni San Jose na ama ng ating Panginoon
Hesukristo. Si Maria Cleofas ay ina nina Apostol Sa Judas Tadeo at San Simon Makabayan.
Ayon sa kasulatan si Maria Cleofe ay kasama ng at Mahal na Birhen Maria na sya namang
kanyang pinsan na nasa paanan ng ating Mahal na Panginoon Hesukristo noong ito ay nakapako
sa krus. Isa rin siya sa Tatlong Maria na nakasaksi sa muling pagkabuhay ng ating Panginoon.
Ang kanyang kapistahan ay Abril 24.
Ang imahen ng Sta. Maria Cleofe ay nasa pangangalagani G. Lenard Arellano at Pamilya
Santa Maria Cleofe, ipanalangin mo kami.

7. Sta. Juana Esposa de Cuza


Si Santa Juana ay maybahay ni Cusa na katiwala ni Herodes Antipas, ang tetrarka ng Galilea.
Kabilang siya sa mga babaing pinagaling ni Hesus, kasama sina Maria Magdalena at Susanna.
Naging mga tagasunod sila ni Hesus at ihinandog ang kanyang kabuhayan, pangtustos sa
pangangailangan ni Jesus at ang kanyang mga alagad. Noong Linggo ng Muling Pagkabuhay,
isa siya sa tatlong babaing nagtungo sa libingan ni Hesus upang kumpletuhin ang ritwal ng
paglilibing ng mga Hudio para sa labi ni Hesus. Natuklasan nila at ibinalita sa mga apostol ang
tungkol sa libingang walang laman.
Ang imahen ng Santa Juana de Cusa ay nasa pangangalaga ng SPPC ng Sagrada Familia.
Santa Juana Esposa de Cuza, ipanalangin mo kami.

8. San Lazaro de Betania


Si San Lazaro na taga-Betania ay kapatid nina Marta at Maria ng Betania. Sila ay mga kaibigan
ni Hesus. Si Lazaro ay namatay at apat na araw nang nakalibing nang si Jesus ay dumating.
Naghimutok ang magkapatid na sina Marta at Maria kay Hesus at silang lahat ay
nangagsitangis. Malaki ang pananalig ng magkapatid kay Hesus. Nagtungo Siya sa libingan ni
Lazaro kahit sinabihan na ni Martang mabaho na ang patay. Matapos manalangin ay iniutos
Niyang alisin ang batong nagpipinid sa yungib at Siya ay sumigaw, "Lazaro, lumabas ka."
3|Page
Lumabas nga si Lazaro na may balot pang mga kayo sa katawan. Ipinaalis ni Hesus ang mga
naakabalot na kayo at pinahayo si Lazaro. Si Lazaro ay nabuhay pa nang matagal at naging
Obispo.
Ang imahen ni San Lazaro ay nasa pangangalaga ng SPPC ng Sta. Cruz
San Lazaro de Betania, ipanalangin mo kami.
9. Sta. Maria de Betania
Si Santa Maria ay mula sa isang pamilyang may katayuan sa buhay at may dugong bughaw.
Ang ama niya ay si Syrus, at ang kanyang ina ay si Eucharia. Siya ay kapatid nina Santa
Marta at San Lazaro. Siya ay matalik na kaibigan at tagasunod ni Hesus. Iba siya sa babaeng
makasalanan at kay Santa Maria Magdalena. Si Santa Maria de Betania ang nagbuhos ng
pabango sa paanan ni Hesus at pinahiran niya ito ng kaniyang buhok ayon sa Ebanghelyo
ni San Juan.
Ang imahen ng Sta. Maria de Betania ay nasa pangangalaga ng SPPC ng San Roque.
Santa Maria de Betania, ipanalangin mo kami.
10. Sta. Marta de Betania
Si Santa Marta ang pinakamatandang kapatid ni San Lazaro at Santa Maria Betania kung kayat
siya ang nangangasiwa sa kanilang bahay sa maliit na Bayan ng Betania na malapit sa Bundok
ng Oliva kung saan sila nakatira. Malimit ang Panginoon sa tahanan ng magkakapatid noong
panahon ng Kanyang pangangaral sa Judea. Sa unang pagdalaw ni Jesus sa kanila ay di
inalintana ni Santa Marta ang kanyang mataas na estado: personal niyang pinaghandaan ang
lahat bagaman sila ay may mga katulong.
Ang imahen ng Sta. Marta ay nasa pangangalaga ng Familia Adolfoz.
Santa Marta de Betania, ipanalangin mo kami.
11.Sta. Maria Salome
Si Santa Maria Salome ay pinsan ng Mahal na Birheng Maria. Siya ay asawa ni Zebedeo at ina
nina Santiago Mayor at Juan EvangelistaSi Santa Maria Salome ay isa sa mga babaeng disipulo
na naglingkod kay Hesus. Siya rin ang humingi kay Hesus na ang kanyang dalawang anak ay
paupuin sa kanan at kaliwang kamay nito. Ang walis at naveta ang mga simbolong ginagamit sa
imagen ni Santa Maria Salome.
Ang imahen ng Sta. Maria Salome ay nasa pangangalaga ni Gng. Isabelita Fajardo at G. Rene
Cinco at Pamilya.
Santa Maria Salome, ipanalangin mo kami.

4|Page
12.Sta. Maria Jacobe

Marahil ay marami ang hindi nakaka-alam na si Santa Maria Jacobe o Mariang Ina ni Santiago
ay nakatatandang pinsan ng Mahal na Birheng Maria. Siya ay asawa ni Alfeo na kapatid ni San
Jose na siyang tumayong ama ni Jesus. Si Maria Jacobe ang ina ni Apostol Santiago Menor o
Santiagong nakababata at ni Joses. Siya ay nanirahan sa Capernaum malapit sa ating Panginoon
sa pasimula pa lamang ng pangangaral nito sa mga tao. Isa si Sta. Maria Jacobe na sumunod
kay Jesus mula sa daan ng kalbaryo hanggang sa paanan ng krus at isa sa naging saksi sa
muling pagkabuhay ng ating Panginoon.

Ang imahen ng Sta. Maria Jacobe ay nasa pangangalaga ng Pamilya Pascual.


Santa Maria Jacobe, ipanalangin mo kami.

13.Ang Pagbibinyag kay Jesus sa Ilog Jordan


Si Jesus ay bininyagan hindi dahil sa Siya’y makasalanan kundi tanda ng kanyang pakikiisa sa
sangkatauhan. Langit ay bumuka tinig ng Ama’y narinig, Espiritu Santo’y bumababa na anyo
ng kalapati sa Bugtong na Anak.
O Jesus na Anak ng Diyos, Maawa Ka sa amin.
Ang imahen ng Pagbibinyag kay Jesus sa Ilog Jordan ay sa pangangalaga ni G. at Gng. Boyet
del Valle at Pamilya.

14.La Despedida: Ang Pamamaalam ni Hesus sa Kanyang Ina


Ang tagpo ng Pamamaalam ni Hesus kay Maria ay makikita lamang sa libro ng Pasyong Mahal,
isang tradisyon na iningatan at nilikha ni Gaspar Aquino de Belen ang gumawa ng Pasyong
Mahal na ginagamit sa mga pabasa. Naniniwala ito na bago magsimula ang ministro ay
nagpaalam si Hesus kay Maria upang tupdin kung ano ang nasusulat.
Ang imahen ng Ang Pamamaalam ay nasa pangangalaga ni Gng. Myrna Santiago at Pamilya.
O Jesus, masunuring Anak ng Birheng Maria, kaawaan mo kami.
Mahal na Birheng Maria, Inang nangungulila, ipanalangin mo kami.

5|Page
15.Ang Pagtatatag ni Jesus ng Eukaristiya sa Huling Hapunan
Dumating ang pista ng tinapay na walang lebadura. Inutusan ni Jesus sina Pedro at Juan upang
ihanda ang hapunang Pampaskuwa. Dumulog si Jesus sa hapag kasama ang kanyang mga
apostol. Inihayag Niya, ang dugo ng tipan na mabubuhos dahil sa marami sa ikapagpapatawad
ng mga kasalanan.
Ito po ay sa pangangalaga ng Circulo de los Apostoles.
O Jesus na nagtatatag ng Banal na Eukaristiya, Maawa Ka sa amin.

16.Ang Pananalangin sa Halamanan ng Hetsemani

Dumating sila sa isang lugar na tinatawag na Getsemani. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga
alagad, “Maupo muna kayo rito habang ako'y nananalangin.” At isinama niya sina Pedro,
Santiago at Juan. Lumayo siya nang kaunti, at pagkatapos ay nagpatirapa upang manalangin na
kung maaari'y huwag nang sumapit sa kanya ang oras ng paghihirap.  Nanalangin siya, “Ama
ko, Ama ko! Magagawa mo ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang paghihirap na ito, ngunit
hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod.”

Ang imahen ng Pananalangin sa Halamanan ng Getsemani ay nasa pangangalaga ng Pamilya


Punzal at Sanchez.
O Jesus, tinanggap ang saro ng paghihirap, kaawaan mo kami.

17.Ang Pagkakanulo ni Hudas


Halos hindi pa natatapos mangusap si Jesus sa mga alagad, dumating ang mga taong
pinangungunahan ni Hudas, lumapit at hinalikan si Jesus. Nasambit ni Jesus, “Hudas,
pagtataksilan mo ba ang Anak ng Tao sa pamamagitan ng isang halik?”
Ang imahen ng Pagkakanulo ni Hudas ay sa pangangalaga ni G. Poncing at Gng. Ana Cruz at
Pamilya.
O Jesus, Kaawaan mo kaming makasalanan.

6|Page
18.Señor Jesus Cautivo (Ang Pagdakip kay Jesus)

Pagkatapos ng panalanging ito, umalis si Jesus kasama ang kanyang mga alagad. Pumunta sila
sa ibayo ng batis ng Kidron at pumasok sa isang halamanan doon.  Alam ng taksil na si Judas
ang lugar na iyon sapagkat doon madalas magpunta si Jesus at ang kanyang mga
alagad.  Isinama roon ni Judas ang ilang mga bantay sa Templo at isang pangkat ng mga kawal
Romano na padala ng mga punong pari at mga Pariseo. May dala silang mga lampara, mga sulo
at mga sandata.  Dinakip nga si Jesus at iginapos ng mga bantay na Judio at ng mga kawal na
Romano na pinamumunuan ng isang kapitan.

Ang imahen ng Señor Jesus Cautivo ay nasa pangangalaga ng Pamilya Valdesco at Luciano.
O Jesus, dinakip at iginapos upang matupad ang kalooban ng Diyos, kaawaan mo kami.

19.Ecce Homo

Si Jesus ay minumurang totoo, pinagduduran at kinukutya at bawat isa’y sumisigaw, “Mabuhay


ang hari ng mga Hudyo!”

Ang imahen ng Ecce Homo ay nasa pangangalaga ng Pamilya Pablo

O Jesus, Patawarin mo kaming nagkutya laban sa Iyo.

20. Si Jesus sa Harap ng Sanhedrin

Ang mga pinunong-saserdote at ang mga matanda at ang buong Sanhedrin ay naghanap ng mga
huwad na patotoo laban kay Jesus. Ito ay upang maipapatay nila si Jesus. Ngunit sila ay walang
makitang sinuman bagamat maraming mga huwad na saksi ang nagkusa.
 
Tumayo ang pinakapunong-saserdote at sinabi sa kaniya: Wala ka bang isasagot? Ano itong
ipinaparatang ng mga saksing ito laban sa iyo? Ngunit si Jesus ay nanahimik.

Ang imahen ng Si Jesus sa Harap ng Sanhedrin ay nasa pangangalaga ni G. Efren Sarmiento at


Pamilya.

O Jesus, Iligtas mo kami sa mga Huwad na Tao.

7|Page
21. Nuestro Padre Jesus Nazareno
Makaraang mahatulang mamatay, si Jesus ay pinagbuhat ng Kanyang krus sa lansangan ng
Jerusalem patungo sa lugar kung tawagin ay Dako ng Bungo, Golgota sa wikang Hebreo. Ayon
sa tradisyon, si Jesus ay nadapa sa Kanyang daan tungo sa Kalbaryo ng tatlong ulit (Tres
Caidas). Ito rin ang isinasaad ng ika-anim na estasyon ng bagong Via Crucis.

Ang imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ay nasa pangangalaga ng SPPC ng Nazareno.

Nuestro Padre Jesus Nazareno, kaawaan mo kami.

22.Tres Caidas

Nang matapos na ang pagbasa ng hatol kay Jesus iniatang na ang krus na sa lupa’y
humihilahod. Krus na yao’y mabigat, lumulubog sa balikat at lalo pang nakaragdag ang sala ng
taong lahat. Matapos na maiatang ang krus ng kapaitan ay niyakap ng lubusan at pagdaka’y
tinangisan.
Ang Imahen ng Tres Caidas ay nasa pangangalaga ng Pamilya Fernando.
O Jesus, gabayan mo kami sa pasaning Krus sa aming buhay.

23. Sta. Veronica


Ang salitang Veronica ay nanggaling sa wikang Latin na Vera Icona o “tunay na larawan”. Sa
belong ipinangpunas ni Veronica sa mukha ni Hesus habang pasan nito ang krus patungo sa
Calvario ay mahimalang nagtaglay ng larawan ng mukha ng Manunubos. Sa ngayon, ang belo
ni Veronica ay pinaparangalan bilang isang reliquia. Ito ay nakalagak sa isa sa apat na
pangunahing kapilya na malapit sa Altar Mayor ng Basilica de San Pedro sa Vaticano.Ang
Santa Veronica ay may hawak na belo na may tatlong larawan ng mukha ni Hesus. Tatlo ang
mukha dahilan sa nakatiklop ang belo ng ipahid kung kaya’t ng iladlad ay nagging tatlo.
Ang imahen ng Sta. Veronica ay nasa pangangalaga ng Pamilya Manayao, Trinidad at Cruz.
Santa Veronica, ipanalangin mo kami.

8|Page
24. El Encuentro: Ang pagkasalubong ni Hesus sa Kanyang Ina

Sa Via Dolorosa natin natutunan ang tagpong ito ng pagkakasalubong ng Mahal na Birheng
Nahahapis sa kanyang Anak na sa kabila ng malaking pagmamahal na ipinamalas ay
pinagpasan ng mabigat na Krus upang humayo’t ipako sa Kalbaryo. O anong laking kapighatian
na makita ng Ina ang Anak niyang pinagdurusa upang sa pamamagitan naman nito ay matubos
ang walang kahabaghabag na makasalanan.
Ang mga imahen ng tagpong ito ng Encuentro ay nasa pangangalaga ng Pamilya Manuel at
Quintos.
O Jesus, minamahal na anak ni Maria, kaawaan mo kami.
Mahal na Birheng Maria, mapagkandiling Ina, ipanalangin mo kami.
.

25. Señor Jesus Crucificado: Ang Pagkapako ni Jesus sa Krus

Nang maipako na siya sa krus, pinaghati-hatian ng mga kawal ang kanyang mga damit sa
pamamagitan ng palabunutan, naupo sila at siya'y binantayan.  Inilagay nila sa kanyang ulunan
ang paratang laban sa kanya na may nakasulat na ganito, “Ito'y si Jesus na Hari ng mga
Judio.” At may dalawang magnanakaw na ipinako rin sa krus, isa sa gawing kanan at isa sa
kaliwa.Kinukutya siya ng mga nagdaraan. Pailing-iling nilang sinasabi, “Di ba't ikaw ang gigiba
ng Templo at muling magtatayo nito sa loob ng tatlong araw? Iligtas mo ngayon ang iyong
sarili! Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, bumabâ ka sa krus!”

Ang imahen ng Ang Pagkapako ni Hesus sa Krus ay nasa pangangalaga ng Pamilya Andres.
O Jesus, nagpapako sa krus dahil sa pag-ibig sa sangkatauhan, kaawaan mo kami.

26. Ang Pagdadalamhati ng Birheng Maria sa Paanan ng Krus

Matapos ang kapait-paitang pagtatagpo ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang anak sa daan
patungong kalbaryo, siya ay namimighating sumunod sa kanyang anak kasama si San Juan ang
pinakamamahal na alagad hanggang sa bundok ng kalbaryo. Patuloy ang pag-agos ng patak ng
luha mula sa mga mata, animo’y ang puso ng ina ay tinarakan ng matalim na balaraw bilang
kaganapan ng matagal na propesiya. Gustuhin man ng Mahal na Ina na akuin ang paghihirap ng
anak ay kailangang magpatuloy ni Jesus sa pagpasan ng Krus upang tupdin ang ibig ng Amang
nasa langit, ang Kanyang tungkulin bilang manliligtas.
Ang imahen ng Namimighating Ina ay nasa pangangalaga ni Gng. Julieta San Pedro at Pamilya.
O Maria, Namimighating Ina, ipanalangin mo kami.

9|Page
27. La Pieta ( Si Jesus sa Kandungan ng KAnyang Nagdadalamhating Ina)

Narito ang Pahayag ng Mahal na Birhen ayon kay Sta. Brigada ng Sweden, “Kinuha ko ang
Kanyang katawan sa aking mga tuhod. Ang Kanyang mga mata ay walang buhayat puno ng
dugo. Ang Kanyang bibig ay sinlamig ng yelo. Ang Kanyang balbas ay nagkapilipit-pilipit.
Siya ay nahimlay sa aking mga tuhod gaya ng pagkabitin Niya sa krus. Pagkatapos ay inihiga
namin Siya sa isang malinis na kayong lino, at sa aking kayong lino nilinis ang Kanyang mga
sugat at mga bisig. Sa pamamagitan ng aking mga daliri, ipinikit ko ang Kanyang mga mata at
itinikom ang Kanyang bibig, na nakabukas nang Siya ay mamatay.”
Ang imahen ng La Pieta ay nasa pangangalaga ni Bb. Rosie Pagcanlugan at Pamilya.
O Jesus, na nasa kandungan ng Kanyang Mhal na Ina, kaawaan mo kami.
Mahal na Birheng tigib ng hapis, ipanalangin mo kami.

28. Sto. Entiero ( Ang Kabanal- banalang Bangkay ni Hesus)


Ang bangkay ng ating Panginoong Jesus na bugtong na anak ng Diyos. Namatay sa krus alang-
alang sa pagtubos sa ating mga pagkakasala. Maraming salamat po Panginoong Jesus dahil sa
pagliligtas mo’y makakamtan namingang paraiso.
Ang Sto. Entiero ay nasa pangangalaga ng Pamilya de Guzman
O Jesus na nag-alay ng buhay sa sanlibutan, Maawa Ka sa amin.

29. Sta. Maria Magdalena


Apostola Apostolorum o Apostol ng mga Apostol, sapagkat sa kanya unang nagpakita ang
Panginoon at nagpahayag na ito ay muling nabubay. Si Maria na taga Magdalao tinaguriang
Maria Magdalena ang tanyag na babaeng nagsisi, nagbago at sumunod kay Hesus mula sa isang
mahalay at magulong buhay at makaraang alisan ng pitong demonyo. Sinasabi ng tradisyong
Kristiyano na siya ang babaeng umiyak sa paanan ni Hesus; nagpunas dito ng kanyang buhok at
nagbuhos ng mamahaling pabango nang si Hesus ay bumisita sa bahay ng Pariseo.
Ang imahen ng Sta. Maria Magdalena ay nasa pangangalagani Gng. Aurora Cruz at Pamilya.
Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo kami.

10 | P a g e
30. San Juan Apostol y Evangelista
Si San Juan Evangelista, ay isa sa Labindalawang Alagad ni Hesus. Kilala rin siya bilang
tagapagpalaganap ng mga aral ni Hesus sa kanyang ebanghelyo. Kapatid ni San Santiago si San
Juan at isa ring mangingisda. Siya ay unang ni Juan Bautista bago naging apostol ni Hesus.
Tinatawag din siyang “ang alagad na minamahal ni Hesus.” Sa kanya inihabilin ni Hesus si
Maria nang ipako Siya sa krus. Sa kanya nakapangalan ang ika-apat na ebanghelyo, ang tatlong
liham sa Bagong Tipan at ang libro ng Mga Pahayag. Ang simbolo ni San Juan ay ang libro,
panulat, at ang agila.
Ang imahen ng San Juan Evangelista ay nasa pangangalaga ng Pamilya Lazaro at Pamilya
Saturnina.
San Juan Evangelista, ipanalangin mo kami.

31. Mater Dolorosa


Sa kabutihang-loob ng Panginoong Hesukristo, ay nakita ng Mahal na Birheng Maria sa
kanyang pangitain ang lahat ng nangyari sa kanyang Anak sa panahon ng paghihirap nito. Sa
gayon, nakikipagtulungan siya kay Hesus sa pagkatubos para sa sangkatauhan sa pagsasanib ng
mga dasal at mga pasakit ng kanyang Kalinislinisang Puso sa Kabanal-banalang Puso ni Hesus.
Sa Kanyang pagpapakasakit, nakuha ng ating Panginoon ang kasiyahan mula sa pag-ibig at
kabanalan ng Kanyang Ina.
Ang imahen ng Inang Nagdadalamhati ay nasa pangangalaga ng Pamilya Cinco-Lualhati
Nuestra Señora Mater Dolorosa, ipanalangin mo kami.

Maraming Salamat po.

11 | P a g e

You might also like