Report For Fili

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 7

BSIT 1-1: Pagsasalin sa Kontekstong Filipino Report.

By: Edhiev Harold Ken O. De Jesus


Breenz Juanillo
//yung mga nakadash and italicized sa bawat paragraph ay isinalin sa wikang
ingles upang lubusan nating maunawaan ang teksto.

1. PANINGING HISTORIKAL: Ang Intelektwalisasyon ng Filipino.

Nang sinakop ng mga Kastila noong 1565 ang ating mga pulo, sa ulat
ni Chirino at kanyang mga kasama, ang lahat ng mga tribo ay may ginagamit
nang sariling uri ng pagsulat. Nakilala natin iyon sa tawag na Alibata. Walang
patunay o ebidensya kung ito’y ginamit nang malawakan. Karamihan sa ilang
mga tala na ginamitan ng Alibata ay nakaukit. Hanggang ngayon, ang
nasabing inskripsyon ay hindi pa nababasa. Ang isang natitirang nakaukit na
kasulatan ay yaong mga ginawa ng mga Hanunuo at mga tribong Mangyan
sa Mindoro. Iniukit ang mga iyon sa mga biyas ng kawayan upang itala sa
kanilang ambahan o mga titik ng pag-ibig.

- When the Spaniards conquered our islands in 1565, according to


the report of Chirino and his companions, all the tribes used their
own type of writing. We know that by the name Alibata. There is no
proof or evidence that it was used widely. Most of the few notes
used by Alibata are engraved. Until now, the said inscription has
not been read. The only surviving carvings are those made by the
Hanunuo and Mangyan tribes in Mindoro. They are carved on
bamboo sticks to be recorded in their love letters.

Halos wala tayong mabakas na tradisyon sa wika dahil sa halos


lubusang pagkakawaksi ng pasalitang panitikang Tagalog nang tayo’y
masakop ng mga Kastila sapagkat ang Alibata ay sapilitang pinapalitan ng
mga titik-Romano bilang kasangkapan o midyum sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo, tiyak na mayroon din tayong mahahabang salaysay, tulad ng
mga epiko, gayundin ng mga kundimang inaawit ng mga tribo na naninirahan
sa kapatagan.

- We have almost no linguistic tradition due to the almost complete


abolition of Tagalog oral literature when we were conquered by the
Spaniards because Alibata was forced to be replaced by Roman
letters as a tool or medium to spread Christianity, we certainly also
have long narratives, such as epics, as well as songs sung by the
tribes living in the plains.

Hindi lamang naalagaan at naitago ang mga ito. Ang mga halimbawa
naman ng mga kasulatang di pasalaysay o ang tinatawag na ideational o

1
referential na gampanin ng wika ay ang mga buhay pa hanggang ngayon na
kasabihan, gayundin ang mga bugtong na bahagi ng pasalitang panitikan
noon ngunit ngayon ay nakasulat na.

- Not only were they cared for and hidden. Examples of non-narrative
writings or the so-called ideational or referential role of language
are aphorisms that are still alive today, as well as riddles that were
part of oral literature in the past but are now written already.

Sa kasalukuyang kahulugan nito, ang intelektwalisasyon ng Tagalog


ay nagsimula sa larangan ng teolohya sa tradisyon ng Katoliko Romano.
Isinalin sa wikang Tagalog ng mga Kastilang prayle ang kanilang
Eskolastikang Teolohya mula sa Latin o Kastila.

- In its current sense, the intellectualization of Tagalog began in the


field of theology in the Roman Catholic tradition. The Spanish friars
translated their Scholastic Theology from Latin or Spanish into
Tagalog.

Kahit may itinatag nang mga paaralang sekundarya noong ika-17


siglo, may mga katibayang nagsasaad na sa mga colegio at seminario,
universidad, beaterio, na nang dakong huli’y sinundan ng kolehyo para sa
mga babae, ang ginamit na wikang panturo ay ang Kastila, at hindi ang
wikang lokal sapagkat ang mga unang paaralang ito ay para sa mga anak ng
mga Kastilang insulares. Noon lamang mga huling taon ng ika-19 na siglo
binuksan sa mga mestizo at mga indio ang mga paaralang ito.
Magkagayumpaman, hindi pa rin nangyari ang intelektwalisasyon ng Tagalog
sa mga colegio, beaterio, at universidad na ito.

- Although secondary schools were already established in the 17th


century, there is evidence that in colegios and seminaries,
universidads, and beaterios, which were later followed by colleges
for women, the language of instruction used was Spanish, and not
the local language because these first schools were for the children
of Spanish insulares (for young Spaniards born here in the
Philippines). It was only in the last years of the 19th century that
these schools were opened to mestizos and Indians. However, the
intellectualization of Tagalog has not yet happened in these
colleges, beaterios, and universities.

Masasabing nagsimula ang intelektwalisasyon ng Tagalog noong ika-


19 na siglo sa larangan ng panitikan na nababanaag sa nobelang sulatan
nina Urbana at Felisa na sinundan ng maraming maikling kwento. Nagpatuloy
ang ganito nang walang patlang hanggang umabot sa kasukdulan sa
pamamagitan ng walang kamatayang pasalaysay na tulang sinulat ni
Francisco Balagtas, ang Florante at Laura (Medina 1974). Sa pamamagitan

2
ng masinop na paggamit ng mga tayutay, ng metapora at alegorya, gayundin
ng mararangal at matatayog na kaisipang sinambit ng mga tauhan, ang
tulang pasalaysay ni Balagtas ay tunay na katangi-tangi hindi lamang sa
panitikan kundi gayundin sa tinatawag na ‘didactic ideational” na gamit ng
wikang Tagalog na higit sa patulang gamit nito sa panahong yaon.

- It can be said that the intellectualization of Tagalog began in the


19th century in the field of literature which is reflected in the novel
written by Urbana and Felisa followed by many short stories. This
continued without a break until it reached its climax with the
immortal narrative poem written by Francisco Balagtas, Florante
and Laura. Through the careful use of metaphors, metaphors and
allegories, as well as noble and lofty thoughts spoken by the
characters, Balagtas' narrative poem is truly unique not only in
literature but also in what is called 'didactic ideation' ” use of the
Tagalog language that was more than its poetic use at that time.

Maituturing na nakapasok sa intelektwalisasyon ng Tagalog ay ang


larangan ng “political writing” o mga kasulatang politikal, gaya ng mga sinulat
nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto na sa kasamaang-palad ay hindi pa
lubusang napag-aralan upang maunawaan ang panahong yaon sa
kasaysayan ng Pilipinas. Ang tradisyong ito ay naipagpatuloy sa
pamamagitan ng paminsan-minsang paggamit ng Tagalog sa mga
pahayagan na kailan man ay hindi naging regular kundi bagkus laging
nagsisimula hanggang sa matapos ang “Malolos Period”

- Can be considered to have entered the intellectualization of


Tagalog is the field of "political writing" or political writings, such as
the writings of Andres Bonifacio and Emilio Jacinto which
unfortunately have not been fully studied to understand that period
in the history of Philippines. This tradition was continued through
the occasional use of Tagalog in newspapers that never became
regular but always started until the end of the "Malolos Period"

Gaya ng mismong buhay ni Rizal, ang kanyang mga pagsisikap sa


intelektwalisasyon ng Tagalog ay nananatiling pangako o balak lamang at di
nagkaroon ng katuparan. Pansinin ang kanyang balak na isalin sa Tagalog
ang mga dakilang kasulatang klasiko ng Europa, sa kanyang pagtatangkang
sumulat ng balarilang Tagalog noong siya’y muling ipatapon sa Hong Kong,
at sa kanyang pagtatangkang sumulat ng nobelang Tagalog noong siya’y
ipatapon naman sa Dapitan. Sa larangan ng kaisipang pampolitika, si Rizal at
ang mga kasama niyang ilustrado ay nakapag-ambag ng isang sanaysay na
satiriko laban sa mga frailes at mga guardia civil sa wikang Tagalog.

- Like Rizal's life itself, his efforts in the intellectualization of Tagalog


remained only a promise or plan and did not come to fruition.

3
Notice his plan to translate the great classics of Europe into
Tagalog, his attempt to write a Tagalog grammar when he was
exiled to Hong Kong again, and his attempt to write a Tagalog
novel when he was exiled to Dapitan. In the field of political
thought, Rizal and his fellow illustrators contributed a satirical essay
against the frailes and guardia civil in Tagalog.

Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nakita sa Pilipinas ang malawakang


paghahangad ng mga Pilipino na matuto ng wikang Ingles dahil sa
katotohanang sa pamamagitan lamang ng pangalawang wika sila
nakakakuha ng edukasyon. sa kabuuan ay masasabing hindi yumabong ang
malikhaing pagsusulat sa Tagalog. Sa katotohanan ang lumutang noon ay
ang pagtatalo ng dalawang magkasalungat na panig nina Abadilla at Huseng
Sisiw (Jose Corazon de Jesus) tungkol sa kagamitan ng tula. Para sa
layuning makabuluhan o para sa sining lamang ang pagsulat ng tula (Almario
1984).

- At the beginning of the 20th century, the Philippines saw a


widespread desire among Filipinos to learn the English language
due to the fact that they could only get an education through a
second language. as a whole it can be said that creative writing in
Tagalog did not flourish. In reality, what surfaced then was the
dispute between two opposing sides of Abadilla and Huseng Sisiw
(Jose Corazon de Jesus) about the equipment of the poem. Poetry
is written for meaningful purposes or only for art (Almario 1984).

Masasabi natin nang buong katapatan, samakatwid, na ang


intelektwalisasyon ng Pilipino ay talagang nagsimula lamang noong 1937
nang simulan ang pagpili sa wikang pambansa at maipalimbag ang unang
balarila sa Tagalog. Ang tinutukoy ko ay ang balarilang sinulat ni Lope K.
Santos na nakapadron sa Latin at sa Kastila. Sa taon ding iyon nalathala ang
Tagalog Wordlist ng Surian. Sa unang mga panahon ng Surian, dahil sa
pangunguna nina Cecilio Lopez at Cirio Panganiban, ay naging masigla ang
seryosong pagsusulat tungkol sa kasaysayan ng panitikang Tagalog. Makikita
ito sa unang monograp sa Tagalog ng panahong iyon.

- We can honestly say, therefore, that the intellectualization of the


Filipino really only began in 1937 when the selection of the national
language began and the first Tagalog grammar was printed. I am
referring to the grammar written by Lope K. Santos that is
standardized in Latin and Spanish. In the same year Surian's
Tagalog Wordlist was published. In the early days of Surian, due to
the leadership of Cecilio Lopez and Cirio Panganiban, serious
writing about the history of Tagalog literature became vigorous.
This can be seen in the first monograph in Tagalog of that time.

4
Anupa’t kung ang pagsulat ng diksyunaryo ay nakatutulong sa
istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wika, masasabi nating ang patuloy
na pagsisikap ng Linangan ng Wikang Pambansa na lumikha ng mga
diksyunaryo sa wikang Pilipino, tulad ng kalilimbag pa lamang ng
monolinggwal ng Diksyunaryo ng Wikang Filipino, ay malaki ang nagawa
tungo sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.

- So if the writing of a dictionary helps in the standardization and


intellectualization of the language, we can say that the continuous
efforts of Linangan ng Wikang Pambansa to create dictionaries in
the Filipino language, such as the monolingual Dictionary of the
Filipino Language that has just been printed, has done a lot
towards the intellectualization of the Filipino language.

Karamihan ng mga pagpupunyagi ng Linangan ng Wikang Pambansa


sa larangan ng intelektwalisasyon ay naganap lamang sa larangan ng
panitikan, sa larangan ng kasaysayan ng panitikan at talambuhay.
Mababanggit din ang patuloy na pagtatangkang makabuo ng tinatawag na
“canon of literature” sa Tagalog na pinatutunayan ng mga nalimbag na
antolohiya ng mga piling katha.

- Most of Linangan ng Wikang Pambansa's efforts in the field of


intellectualization took place only in the field of literature, in the field
of literary history and biography. Also worth mentioning is the
continuous attempt to create what is called a "canon of literature" in
Tagalog as evidenced by the printed anthologies of selected works.

Masasabing nagkaroon ng seryoso sa loob ng mga taong


nababanggit, bagama’t hindi puspusang pagsisikap sa intelektwalisasyon ng
Filipino sa pangunguna ng Pamantasan ng Pilipinas, Ateneo de Manila at ng
Pamantasan ng Politekniko ng Pilipinas sa ngalan ng nasyonalismo na
naglalayong mabigyang-lunas ang “hindi tamang edukasyon ng mga Filipino”.

- It can be said that there was a serious, although not exhaustive,


effort in the intellectualization of Filipinos led by the University of
the Philippines, Ateneo de Manila and the Polytechnic University of
the Philippines in the name of nationalism that aimed to cure the
"not proper education of Filipinos”.

Subalit gaya ng alam natin, higit pa sa pagtitipon ng mga salita o


katawagan ang kailangan sa intelektwalisasyon ng isang wika. Ang mas
mahalaga ay ang paggamit ng mga terminolohyang ito sa aktwal na
sitwasyon, maging sa salin o orihinal na mga teksto at pagkatapos ay
pagtanggap at paggamit ng mga ito sa pagtatalastasan ng tinawag natin sa
unang “significant other” ay mahalaga. Ang pangkat na ito ang
magpapasimula ng tradisyon. Ang isang pinakamatagumpay na halimbawa

5
nito ay ang Departamento ng Sikolohya ng Unibersidad ng Pilipinas, ito ay
ang mga orihinal na artikulong maituturing na iskolarli at ulat sa
isinasagawang mga riserts. Sinulat ang nasabing artikulo sa wikang Filipino
at inilimbag sa isang serye ng mga monograp at antolohiya.

- But as we know, more than the collection of words or terminology is


needed in the intellectualization of a language. What is more
important is the use of these terminologies in the actual situation,
whether in translation or original texts and then accepting and using
them in the disclosure of what we called the first "significant other"
is important. This group will start the tradition. A most successful
example of this is the Department of Psychology of the University of
the Philippines, it's original scholarly articles and research reports.
The said article was written in Filipino and published in a series of
monographs and anthologies.

Ang sunod na malaking pagsulong tungo sa intelektwalisasyon ng


ating wika ay naganap nang ipatupad ng Kagawaran ng Edukasyon noong
1974 ang Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal na nagtatakda sa paggamit
ng Pilipino bilang wika ng pagtuturo mula sa Unang Baitang ng mababang
paaralan hanggang sa kolehiyo para sa mga araling panlipunan at agham
panlipunan.

- The next major advance towards the intellectualization of our


language occurred when the Department of Education in 1974
implemented the Policy on Bilingual Education which stipulates the
use of Filipino as the language of instruction from the First Grade of
elementary school to college for lessons social and social sciences.

Dahil sa patakarang ito, nagkaroon ng pangangailangan sa mga aklat


na nasusulat sa Pilipino sa mga araling panlipunan at sa mga agham
panlipunan. Gayumpaman, limitado ang naipalimbag na mga aklat sa antas
sekundarya dahil sa medyo nahirapan ang mga guro at manunulat na
simulang gamitin ang Pilipino sa nasabing antas. Sa mga kolehiyo at
unibersidad ay gayundin. Ang pagsulat ng mga aklat ay madalang at
pasulpot-sulpot lamang dahil nga sa ang mga awtor na nahirati o nasanay sa
Ingles ay nahirapan sa paggamit ng Pilipino sa antas na ito.

- Because of this policy, there was a demand for books written in


Filipino in social studies and social sciences. However, the printed
books at the secondary level were limited because teachers and
writers found it difficult to start using Filipino at the said level. In
colleges and universities it is the same. The writing of books is only
infrequent and intermittent because the authors who are familiar
with or trained in English have difficulty using Filipino at this level.

6
Kamakailan ay may ipinalimbag na ensayklopedya ang dating Surian
ng Wikang Pambansa at Instructional Materials Center. Ang Department of
Science and Technology ay nakabuo na ng isang junior encyclopedia subalit
hindi pa naipalilimbag kahit ang lenggwaheng ginamit dito ay napagtibay na
ng Surian.

- The former Surian of the National Language and Instructional


Materials Center recently published an encyclopedia. The
Department of Science and Technology has developed a junior
encyclopedia but it has not yet been printed even though the
language used in it has been adopted by Surian.

Matapos marebisa ang patakaran sa edukasyong bilinggwal,


inaasahan na magkakaroon ng panibagong sigla sa intelektwalisasyon ng
Filipino. Lalo’t iisipin na nasasaad sa binagong patakaran na higit na
mabisang maisasakatuparan ang proseso ng intelektwalisasyon sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng mga insentibo at gantimpala sa gamit ng
wika sa antas tersyarya.

- After the bilingual education policy is revised, it is expected that


there will be a renewed vigor in the intellectualization of Filipinos. It
is especially thought that it is stated in the revised policy that the
process of intellectualization can be realized more effectively
through the provision of incentives and rewards for language use at
the tertiary level.

You might also like