Professional Documents
Culture Documents
Second Saying
Second Saying
Second Saying
23:40
But the other answering rebuked him, saying, Dost not thou fear God, seeing thou art in the same condemnation?
Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding
kaparusahan?
23:41
And we indeed justly; for we receive the due reward of our deeds: but this man hath done nothing amiss.
At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa;
datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.
23:42
And he said unto Jesus, Lord, remember me when thou comest into thy kingdom.
At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.
23:43
And Jesus said unto him, Verily I say unto thee, To day shalt thou be with me in paradise.
At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon din ay kakasamahin kita sa Paraiso.
Nakapako ang Panginoong Hesus sa pagitan ng dalawang magnanakaw. Sa kaliwa ay si Estas samantalang sa kanan
naman ay si Demas.
Ang nasa kaliwa ay nagsimulang tudyuhin ang Panginoong Jesus. . sumigaw siya ng paulit-ulit . "Kung ikaw ang Kristo,
iligtas mo ang yong sarili at kami"' Ngunit ang kriminal na nasa kanan ay sinansala(pinagbawalan) sya at sinabi. .
"Hindi ka ba natatakot, tayo ay nandito dahil sa ating kasalanan ngunit ang Hesus na ito ay napako na walang sala."
(Lukas 23:39-40) "
39. At siya'y inalipusta ng isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at
kami.
40. Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon
ding kaparusahan?
41. At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa;
datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.
AT SA MGA NABANGGIT NA TO AY PAGAARALAN NATING ANG 4 NA PANGUNGUSAP NG PANGINOONG HESU KRISTO PATUNGO SA
KALIGTASAN
1. Pangungusap ng Pag Ibig
2. Pangungusap ng Pagpapatawad
3. Pangungusap ng Pagtutuwid
4. Pangungusap ng Katiyakan
Sino ang maka-Iibig sa isang karumal-dumal na makasalanan? Sino ang makapagliligtas sa isang pusakal a kriminal na ito? Tunay na
walang bang makagagawa nito liban a lamang sa Panginoong Dios.
At Romance 5:6-10
5:6 Sapagka't nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama.
5:7 Sapagka't ang isang tao'y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid: bagama't dahil sa isang taong mabuti marahil
ay may mangangahas mamatay.
5:8 Datapuwa't ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay
dahil sa atin.
5:9 Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan
niya.
5:10 Sapagka't kung, noong tayo'y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak,
lubha pa, ngayong nangagkakasundo na, ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay;
Madali para sa tao ang umibig sa kaibig-ibig at humanga sa mga kahanga-hanga ngunit tanging ang Dios lamang ang maka-libig sa hindi
kaibig-ibig. Sa pagkakataong ito ay ipinakita ng Panginoon ang tunay na pag-ibig nya sa ating mga tao.
2. PANGUNGUSAP NG PAGPAPATAWAD
Don sa krus ng paghihirap ipinamalas ng Panginoong Hesus na walang sukdulan at pusakal na masamang tao na hindi kayang patawarin
ng Panginoong Dios. Ang pangungusap na ito ay nagpapakita sa atin kung ano ang uri ng pagpatunay sa Dios ang kaniyang dinidinig.
7:21 Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng
kalooban ng aking Ama na nasa langit.
7:22 Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan,
at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang
makapangyarihan?
7:23 At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong
manggagawa ng katampalasanan.
Sa kabilang dako, makikita natin ang lubusan at wagas na pagsi-sisi ng magnanakaw na nasa kanan, ang tinutukoy ng tradison na si
Demas. Pansinin natin na…
Una: kinilala niya na siya ay nagkasala sa Dios at sa tao kaya siya pinarurusahan (Lukas 23:40-41).
Sinabi niya na makatuwiran lamang a silang dalawa ay parusahan dahil sila nga ay nagkasala ngunit ang Panginoong Hesus ay nag-
dusa na walang sala.
Pangalawa: kinilala niya ang kapangyarihan ng Dios. Sinabi niya na nararapat silang matakot sa Dios. Tinang-gap niya ang kabanalan
ng Dios.
Pangatlo: Ipinakita niya ang pag-papakababa. Hindi niya binigyang katuwiran ang kaniyang mga ginawang mali. Ito ay nagbibigay
patunay na kung siya ay maka-lalaya pa, tunay na hindi na niya gagawin pa ang kaniyang mga dating pagkakasala. Pansinin natin na
sinabi niya na ang parusa sa kanila ay karampatang ganti ng kanilang pagkakasala Lukas
23:41).
Pang-apat: kikinilala niva ana tunav na katauhan na Pangi-noong Hesus. Sinabi niva sa Lukas 23:42 m
"At sinabi niya, Hesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.
3. PANGUNGUSAP NG PAGTUTUWID
Sa pamamagitan ng pangungusap na ito. . ."'Ngayon ay kakasamahin kita sa paraiso." Itinutuwid ng Dios ang maraming maling
katuwiran patungkol sa paraan ng kaligtasan.
Naglipana ang mga relihiyon na nagtuturo na ang tao daw ay maillig-tas sa pamamagitan ng pagsapi sa Iglesia nila. Ang iba naman
ay nagsa-sabi na ito ay sa pamamagitan ng binyag o bautismo. Gayon din ang ilan ay nagsasabi na ang kaligtasan ay
masusumpungan sa pagtupad ng sam-pung utos o dili kaya ay sa pag-gawa ng mabuti. Madami din ang nag-sasabi na ito ay sa
pamamagitan ng pagtanggap ng huling sakramento sa oras ng kamatayan. ..
Sa pamamagitan ng pagliligtas ng Panginoong Hesus sa taong Ito ay ipi-nakita ng Panginoong Hesus na mali ang lahat ang mga
haka-haka nila.
Ang magnanakaw sa krus ay nakapako' at namatay na hindi naging miembro ng alin mang glesia. Namatay siya na hindi nakagawa
ng ma-buti, namatay na hindi nakatanggap ng sakramento. Anupat siya ay namatay na ang tanging dala niya ay ang
pananampalataya sa Pangi-noong Hesus na siya ay taga-pagligtas. At siya ay iniligtas ng Pangi-noong Hesus.
4. PANGUNGUSAP NG KATIYAKAN
"kita" (ikaw)
Tiyak, kung saan dadalhin. .
.. sinabi niya na ito ay dadalhin niva
sa paraiso
Sa pamamagitan ng pangungusap na ito ng Panginoong Hesus, tayo ay tinuruan ng napakahalagang aralin patungkol sa buhay
pagkatapos ng kamatayan ng ma mananampalataya. Nakita natin na ang kaluluwa ng mga mananampalataya pala ay dinadala ng
Dios sa paraiso sa oras na siya ay malagutan ng hininga.
tamis na kasiguruhan. Kaya nga ang mga mananampalataya ay hindi natatakot sa kamatayan. . . para sa kanila, ito ay pagbubukas ng
pinto ng paraiso.