Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Obserbasyon

Ang obserbasyon ay isang proseso ng pagmamasid at pagtatala ng mananaliksik sa kanyang mga


nasaksihan sa loob ng isang partikular na lugar, pangyayari, kaganapan, o sitwasyon.

Pakikipamuhay – isinasagawa nang mas matagal kumpara sa pag-oobserba, ang mananaliksik ay


aktwal na “nakikiranas” sa pang-araw-araw na buhay ng mga taong kaniyang pinapaksa.

Participant observation

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsisikhay o pagsisikap ng mananaliksik na makapasok at


maging tanggap sa isang komunidad upang makapagtamasa ng mas komprehensibong pag-unawa sa
lipunan/paraan ng pamumuhay ng nasabing komunidad.

Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng partisipasyon ng mananaliksik sa mga aktibidad sa


komunidad na kaniyang pinag-aaralan, kaya ang mananaliksik ay hindi lamang simpleng tagamasid o
observer kundi isa ring aktibong kalahok o participant. Pinapasok o pinagdadaanan ng mismong
mananaliksik ang papel o trabahong kaniyang pinag-aaralan.

Nagbigay sina Hammersiey at Atkinson (2007) ng mga dapat tandaan ng mananaliksik sa


paggawa ng participant observation

Ayon sa kanila marapat tandaan ng mananaliksik na:

a. Hanapin ang mga mahahalagang datos na may kaugnayan sa sentral na diwa ng paksang
pinag-aaralan ngunit dapat nakabase sa mga umiiral na prinsipyo at teorya;

b. Maingat na itala ang mga kilos at ugnayang angkop sa konteksto kasama na ang mga hindi
gaanong pansin na datos kung walang pokus at intensyonal na obserbasyon; at

c. Patuloy na bantayan ang sarili sa pagmamasid upang maiwasan ang ano mang uri ng personal
biases at prejudices.

Nakikiugaling pagmamasid– ay isang bersyon ng participant observation. Mahalaga sa


nakikiugaling pagmamasid ang pagyakap sa pag-uugali at paraan ng pamumuhay ng pinag-aaralang
komunidad at ang pagkakaroon ng bukas na pag-iisip na nakahandang unawain ang komunidad na iyon.

Kuwentong-Buhay

Kuwentong-buhay (life story) – ay malikhaing pagsasalaysay ng talambuhay o bahagi ng


talambuhay ng isang tao o ng pangkat ng mga tao na paksa ng pananaliksik. Karaniwang binibigyang-diin
sa kuwentong-buhay ang pangkalahatang sitwasyon ng nagsasalaysay, ang kaniyang mga hinaing,
pangarap, suliranin, ang kaniyang pang-araw-araw na buhay na makabuluhan sa konteksto ng
pananaliksik.

You might also like