Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Department of Education

Region III
Division of City of San Fernando
San Fernando East District
SAN JOSE PANLUMACAN INTEGRATED SCHOOL
City of San Fernando (P)

DETAILED LESSON PLAN


IN GRADE 9 FILIPINO (Q4 - Week 5 – MELC 17, 18, 19, and 20)
I. Kasanayang Pampagkatuto
Pagkatapos ng isang linggong pagtalakay, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakamit ang mga kasanayang pampagkatuto:
1. Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang
Asyano (F9PB-IVe-f-59)
2. Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigay- pahiwatig sa kahulugan (F9PT-IVe-f-59)
3. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
• pamamalakad ng pamahalaan
• paniniwala sa Diyos
• kalupitan sa kapuwa
• kayamanan
• kahirapan at iba pa (F9PB-IVg-h-60)
4. Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa napanood na dulang pantelebisyon
o pampelikula (F9PD-IVg-h-59)

II. Nilalalaman
PAKSA: A. Pantikan: KABANATA XLV ANG MGA PINAG-UUSIG
B. Uri ng Teksto: NOBELA
Sanggunian: NOLI ME TANGERE ni ANGEL E. SALAZAR pp 212-221
III. PAMAMARAAN:
Pangkalahatang Panuto: Bago Magsimula Sa
Mga Gawain At Pagsasanay,Maghanap Ng BASAHIN AT PANUORIN
Aklat Ng Noli Me Tangere Kung Wala Naman
Basahin Mabuti Ang Mga Buod. Noli Me Tangere Episode
Gamitin Ang Sagutang Papel Sa 4 Kabanata 23-26 (1992)
Pagsasanay. Nasa Inyo Kung Aayusin Ninyo. https://www.youtube.com/
Ang Inyong Sagtang Papel Tignan Ang watch?v=QwI33ell7xA
Halimbawa Sa Kabilang Kahon

A. PANIMULANG PAGGANYAK

Nabatid mo na ang naganap na pangyayari sa buhay nina Crisostomo


Ibarra at Pare Damaso. Sa palagay mo, pinag-uusig na ba si Crisostomo
Ibarra gayung muntik na nyang mapatay si Pare Damaso? Tignan ang
larawan upang maging batayan sa iyong sagot.

B. PAGHAHABI NG LAYUNIN NG ARALIN

TANONG AT SAGOT SA SARILI:


1. Ano ang nakikita sa mga larawan?
2. Ano ang ugnayan ng mga larawan sa bawat isa? Sa palagay mo anong klase ng pamamahala ng
pamahalaan sa panahong iyon?

Page 1 of 9
C. PAG-UUGNAY NG MGA HALIMBAWA SA BAGONG ARALIN (SALAYSAY/TANONG NA MAG-UUGNAY
SA BAGONG ARALIN )
Kabanata 40: Ang Karapatan at Lakas
Alas-dyes ng gabi nang sinimulang paputukin ang mga huling kwitis hudyat ng pagsisimula ng dula. Karamihan sa
mga tao ay papunta na upang manood ng nasabing pagtatanghal.Sa unang hanay nakaupo ang mga sikat na tao
sa bayan katulad ng mga Kastila at opisyal ng bayan. Samantala ang mga hindi nabanggit ay nakaupo sa likuran. Ang mga
maralita naman ay makakatayo lamang sa mga upuang dala-dala nila.

Pinamumunuan ni Don Filipo ang dula dahil abala sa pagsusugal ang alkalde ng mga gabing iyon. Nagdatingan na ang iba
pang mga panauhin katulad ni Maria Clara kasama ang kanyang mga kaibigan, si Padre Damaso, si Padre Salvi, at ilang
Kastilang panauhin.Maya-maya pa ay sinimulan na ang palabas sa pag-awit nina Chananay at Marianito. Habang abala sa
panonood ang lahat napansin naman ni Padre Damaso ang noo’y matamlay at
may
dinaramdam na si Maria Clara.

Nasa ikalawang bahagi na ng dula nang dumating si Crisostomo Ibarra. Napabuntong hininga si Padre Damaso nang makita
niyang nakatingin ang lahat sa dumating na binata.Hindi naman ito pinansin ni Ibarra at agad na tumabi kay Maria Clara. Nang
nakita ni Padre Damaso na masayang nag-uusap ang magkasintahan, agad itong tumungo at nakipagkomprontasyon kay Don
Filipo.

Ngunit isa si Ibarra sa may pinakamalaking abuloy kung kaya’t hindi niya ito maaaring paalisin. Dahil hindi napaalis
si Ibarra, si Padre Damaso na lang ang umalis kasama ng ibang pari.Ilang sandali pa’y umalis na din si Ibarra sa dula dahil sa
kahihiyan nito. Aniya meron pa siyang ibang lalakarin sa araw na iyon.Habang nanonood ang lahat ay may dalawang
sundalo ang dumating at inutos na itigil ang pagtatanghal sa kadahilanang hindi daw
makatulog
sa ingay ang alperes at ang senyora.

Nagkagulo naman ang lahat ng hindi pagbigyan ni Don Filipo ang utos ng dalawang sundalo. Galit na galit ang mga tao
dahil sa pagpapahinto ng tanghalan.Pinagbabato ng mga lalaki ang dalawang sundalo at pinalibutan naman ito ng mga
kwardriyerong may hawak na espada.

Muling bumalik si Ibarra at agad na hinanap si Maria Clara. Humingi ng tulong si Don Filipo kay Ibarra na patigilin ang
kaguluhan ng lahat ngunit hindi ito kaya ng binata dahil sa sobrang dami ng tao.

Mabuti nalang at naroroon si Elias sa lugar nang mangyari ang gulo. Humingi ng tulong ang binata kay Elias.
Ilang
saglit pa’y unti-unting naging bulungan ang malakas na sigawan ng mga tao.

Habang nagkakagulo naman ang lahat ay naroon si Padre Salvi sa itaas ng kumbento na nagmamasid sa lahat ng
tao. Napansin niyang wala si Maria Clara doon kaya naisip nitong baka itinanan na siya ni Ibarra.Mabilis na nagbihis
ang pari at lumabas ng kumbento. Nagtungo ito sa plasa upang hanapin ang dalaga ngunit wala ito doon. Sunod namang
nagpunta ang pari sa bahay ni Kapitan Tiago at doon ay natagpuan ang dalaga na nakahiga sa kanyang silid.

PAGLINANG NG KASANAYAN:
PAGSASANAY 1: (caravan) pagkilala sa mahahalagang pangyayari sa paksa. Isulat sa caravan ang mga mahahalang
pangyayari sa kabanata XL.

PAGSASANAY 2: PALAWAKIN ANG ISIP! BIGYAN NG TUGON ANG MGA SUMUSUNOD:


A. Paano napaamo ni Elias ang mga naggulo sa palabas?

Page 2 of 9
B. Bakit humingi ng tulong si Crisostomo Ibarra?
C. Paano mo maipapaliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa
pagpapayaman ng kulturang asyano?

D. PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG KASANAYAN #1


D.1 PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN
Palawakin ang kaisipan gamit ang piling salita mula sa nobelang noli me tangere: mula sa kabanata XXXIV ito ang mga
mahahalagang salitang makikita. Gamitin ito sa pangungusap. Ilagay sa sagutang papel.
Talasalitaan:
Napapaligiran – napapalibutan
Iminungkahi – inilahad
Masalimuot – mahirap, magulo
Sinapit – dinanas
Kumbento – simbahan
Kura – pari
Lumusob – sumugod
Pinag-uusig – pinaghahanap
Hinaing – hinanakit, reklamo
Aanib – sasapi

D.2 PAGBASA NG LUNSARAN/ TEKSTO


Mga Tauhan sa Kabanata 45: Ang Mga Nagrerebelde
Elias - Dumalaw sa bundok na kinaroroonan ni Kapitan Pablo para himukin itong sumama sa kanya at mamuhay na parang
mag-ama.
Kapitan Pablo - Umakyat sa bundok kasama ang iba pang mga rebelde

Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig


Narating ni Elias ang isang lugar na napapaligiran ng malalaking batong buhay na natatakpan ng mga sanga ng
punongkahoy. Doon ay nagkita sila ni Kapitan Pablo.

Anim na buwan na ang nakalipas nung huli silang nagkita. Ikinalungkot ni Elias nang malamang naninirahan ang
kapitan sa madilim na lugar.Malapit si Elias kay Kapitan Pablo at itinuring na ito bilang ama. Pareho nang walang kasama sa
buhay ang dalawa kung kaya’t iminungkahi ni Elias kay Kapitan Pablo na sumama na ito sa lupain ng mga katutubo upang
mamuhay ng payapa at malayo sa malimuot na ala-ala ng kanyang pamilya.

Ngunit sa kagustuhan ng kapitan na maipaghiganti ang mga anak sa ginawa ng mga dayuhan ay tumanggi ito.
Makakamit lang niya ang katahimikang sinasabi ni Elias kung mabibigyan ng katarungan ang kaawa-awang sinapit ng
kaniyang pamilya.

Si Kapitan Pablo ay may tatlong anak, dalawang lalaki at isang babae. Pinagsamantalahan ang kanyang anak na
babae ng isang alagad ng simbahan at napagbintangan naman ang kanyang anak na lalaki na nagnakaw nang magtangkang
pumunta sa kumbento upang mag-imbestiga sa nangyari sa kapatid na babae.

Bagamat hindi napatunayang may sala ay hinuli parin ang anak na lalaki at nakaranas ng hirap sa kamay ng mga
awtoridad.

Pinili namang manahimik ni Kapitan Pablo sa kabila ng pagpapahirap sa mga anak dahil sa takot nito sa kura na
hindi man lang naparusahan bagkus ay nadestino lang sa ibang lugar.

Habang ang isa pang anak na lalaki ay nagpakamatay dahil sa hindi nito kinaya ang pagpapahirap ng mga gwardiya
sibil nang pinaghinalaang maghihiganti matapos hindi madala ang kanyang sedula.

Plano ni Kapitan Pablo na lumusob sa bayan sa tamang oras kasama ang iba pang pinag-uusig ng pamahalaan dahil
wala paring mas mahalaga sa kaniya kundi ang makapaghiganti. Nauunawaan ni Elias ang saloobin ng kapitan dahil minsan
na rin niyang inisip na maghiganti ngunit sa takot na baka may madamay pang iba ay kinalimutan nalang ang hangarin na
ito.

Isinalaysay din ni Elias ang kaibigan niyang si Ibarra. Maaari itong makatulong upang ipaabot sa Heneral ang
hinaing ng buong bayan.

Ipinangako ni Elias kay Kapitan Pablo na kukumbinsihin niya si Ibarra upang tumulong. Kung sumang- ayon man
ang binata ay makakamit nila ang katarungang hinahanap ngunit kung hindi naman ay nangako si Elias na aanib ito sa
kapitan.

D.3 PAG-UNAWA SA BINASA


GAWAIN 1. PAG-UNAWA SA BINASA : ILAGAY ANG INYONG TUGON SA SAGUTANG PAPEL.
1. Bakit namundok si kapitan pablo?

Page 3 of 9
2. Bakit nakilala ni kapitan pablo si elias?
3. Bakit hindi agad naghiganti si kapitan pablo sa nangyari sa kanyang pamilya?
4. Bakit nasabi ni kapitan pablo na siya ay hindi karapat-dapat maging ama?
5. Ano ang iyong naging damdamin sa paksang tinalakay lalo na sa mga pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan?
Paano mo maiuugnay ito sa kasalukuyan?
6. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa kabanata XLV gaya ng: paano
ang pamamalakad ng pamahalaan?
paano ang paniniwala sa diyos ni kapitan pablo? paano
naipakita ang kalupitan sa kapuwa?
paano nailahad ang kayamanan ni kapitan pablo? paano
naipakita ang kahirapan at iba pa?
Tandaan: isa-isahin ang pagpapaliwanag sa ika anim na tanong.

D.KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA PAKSA


Mahahalagang Pangyayari sa Kabanata 45 ng Noli Me Tangere: brainly.ph/question/2144000 MGA
PALIWANAG
A. aliliwanagan ng buwan - kagubatan-Kahit na madamingpagsubok sa kagubatan meron parin makikitang pag-
asa∞Rebolber - Kapangyarihan-Pinapakita na hindi lahat ng tao aypinagkakatiwalan∞Pagsensyas - kapangyarihan-nakuha
kaagad ng kanyang mgakasama ang ibig sabihin ni Kapitan Pablo∞Telang pula ng may bahid ng dugo-Pinapahulugan
na maymasamang nangyari kay Kapitan Pablo kaya may dugo
-Paghihiganti∞Elias-Pag-asa dahil siya ay naniniwalang hindi pa malala ang lahat.Maaari pa itong solusyunan.

B. “…Maaari po ba iwan na ninyo ang pamumuhay na ito atsumama na kayo sa akin? Ako’y ituring na ninyong anak
atngayo’y itututring ko naman kayong ama sapagkat wala na rinakong kaanak.” (Elias)-Nais tumulong ni Elias kay
KapitanTiago dahil ayaw ni Elias na gumawa pa si Kapitan Pablo ngmasama dahil lamang sa pag- hihimagsik sa kanyang
pamilya.∞“…Ngayon ako ay tulad sa isang punong kahoy na walanglilim…”(KapitanPablo)-Nawalan na siya ng pag-asa
dahilnawala na ang lahat sa kanya∞“…Ang naging parusa lang ng paring iyon ay ilipat angdestino sa ibang bayan…”-Kahit
na masama ang nagawa ngkura, hindi pantay ang pagbibigay parusa lalo na kapag ikaway makapangyarihan.-Rason kung
bakit ililipat si PadreDamaso sa ibang bayan(ito ang naging parusa sa kanya)

C. Ang mga kura ay hindi katulad ng dapat talaga nilang gawin bilang mga alagad ng Diyos dahil inaabuso nila ang
kanilang kapangyarihan upang makapag-higante o gumawa ng masama
D. Hindi niya hinayaang gumawa ng masama ang kanyang mga anak kahit na dapat nila itong gawin “…ngunit sa
pamamagitan ng apo at dugo at ng kanyang sariling kamay ay ipaghihiganti ko kayo, aking mga anak.”(Kapitan Pablo)-
Hanggang sa dulo ay nais parin na ipaghiganti ang kanyang anak sa madugong paraan
https://www.slideshare.net/mcsurmieda/noli-me-tangere-kabanata-45-ang-pinaguusig
IPALIWANAG ANG MAHALAGANG PAHAYAG NG MGA TAUHAN: ITALA ITO SA IYONG SAGUTANG PAPEL
“ Ang mga kura ay hindi katulad ng dapat talaga nilang gawin bilang mga alagad ng Diyos dahil inaabuso nila ang kanilang
kapangyarihan upang makapag-higante o gumawa ng masama”. Pahayag ni Kapitan Pablo
‘Hindi niya hinayaang gumawa ng masama ang kanyang mga anak kahit na dapat nila itong gawin “…ngunit sa
pamamagitan ng apo at dugo at ng kanyang sariling kamay ay ipaghihiganti ko kayo, aking mga anak.”(KapitanPablo)-
Hanggang sa dulo ay nais parin na ipaghiganti ang kanyang anak sa madugong paraan

ANO ANG IBIGSABIHIN NG PAHAYAG ni KAPITAN PABLO?


E. PAGTALAKAY SA BAGONG KONSEPTO AT PAGLALAHAD NG BAGONG KASANAYAN #1
Alam mo ba na...

IBA'T IBANG PARAAN SA PAGKILALA NG KAHULUGAN


Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ay may iba pang paraan upang makilala ang kahulugan
ng salita. Ito ay mabisang paraan upang mapalawak ang talasalitan ng isang mambabasa, tagapanood, o tagapakinig.
A. Ang kahulugan ng mga salita ay makikila ayon sa…
1. Talinghaga at Idyoma - Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan.
Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan. Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao
gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid. Katulad din ito ng idyoma. Sa pamamagitan ng
idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika.
Narito ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito.
• balat-sibuyas -- maramdamin
• basang sisiw -- kaawa-awa;api
• buto’t balat -- payat na payat
• huling hantungan -- libingan
• ikapitong langit -- malaking katuwaan
• laylay ang balikat -- bigo
• magbilang ng poste -- walang trabaho
• magdildil ng asin -- maghirap

Page 4 of 9
• mahaba ang pisi -- pasensyoso
• pabalat-bunga -- hindi totoo
2. Konotasyon at Denotasyon – Ito ang dalawang dimensiyon sa pagpapakahulugan ng mga salita. Ang denotasyon ay
karaniwang kahulugang mula sa diksiyonaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Halimbawa:
a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan.(bahagi ng isang halaman na karaniwang makulay)
b. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod- bahay. (halamang lumalaki nang mataas)

Samantalang ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o
pangkat na iba kaysa karaniwang kahulugan.
halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak na anak si Bulan.(babae)
b. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa mabuting puno.(magulang/angkan)
3. Tindi ng Kahulugan o Clining – Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng
kahulugang nais ipahiwatig.
Poot (matinding galit na halos gusto nang makapanakit) Suklam
(matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala) Galit (tumatagal
na inis) Inis (tumatagal na tampo)
Tampo (munting galit na madaling mawala)
Pikon (damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang)
4. Paggamit ng contextual na clue – Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap.
Halimbawa:
a.Nagliwanag ang paligid sa pasikat ng araw. b.Makitid
ang tulay kaya’t mahirap tawirin.

F. PAGLINANG NG KABIHASNAN
Pagsasanay 1: IPALIWANAG ANG IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBIBIGAY- PAHIWATIG SA KAHULUGAN.
A. Isulat sa kahon ang iba’t ibang pahiwatig na tinuran nina kapitan pablo at elias sa kabanata XLV gamit ang paraang
talinghaga at idyoma

B. Isulat sa kahon ang iba’t ibang pahiwatig na tinuran nina kapitan pablo at elias sa kabanata XLV gamit
ang paraang konotasyon at denotasyon

C. Ipakita naman ang tindi ng tinuran ni kapitan Pablo kay Elias sa kabanata XLV gamit ang paraang tindi ng
kahulugan o clining (poot galit suklam tampo pikon). Ayusin sa kahon at ipaliwanag

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


A. ILAPAT ANG NAGING BUHAY NI ELIAS SA BUHAY SA PANAHON NGAYON. BASAHIN ANG BUOD:

Kabanata 50: Mga Kamag-anak ni Elias


Animnapung taon na ang nakalipas nang mamasukan ang lolo ni Elias bilang tagasuri sa opisina ng isang
mangangalakal na Kastila. Nang masunog ang nasabing tanggapan ay inihabla ito nang may-ari.

Dahil sa walang kakayanang kumuha ng magaling na abogado ay masaklap na parusa ang pinataw dito. Itinali ito sa kabayo
at kinaladkad hanggang sa maging duguan ang buong katawan. Walang ibang naglakas tumulong dito kundi ang luhaang
asawa lamang.Napilitang manlimos ang kanyang lola para may pambili ng gamot ng asawa at para may ipakain sa nag-
iisang anak na lalaki.

Sa kagustuhang lumayo sa lipunang nagbibigay ng lungkot sa kanila ay namundok sila. Ngunit dahil sa pagod at
kalungkutan ay nakunan ang noo’y nagdadalang-tao na lola niya. Dahil sa patong-patong na problema ay nagbigti naman
ang lolo niya.Nabulok ang bangkay ng lolo ni Elias at nasakdal naman ang lola sa salang kapabayaan. Kung sinu-sinong
lalaki din ang kinasama nito. Makalipas ang ilang buwan ay muling nabuksan ang kaso ng lola ni Elias.

Page 5 of 9
Sa takot na makulong ay itinakbo niya ang dalawang anak na lalaki sa kalapit na lalawigan. Pinalaki niya ang dalawang
magkapatid. Naging bandido ang nakakatandang anak na tinawag na Balat habang ang isa naman ay nangako sa sariling
aalagaan ang ina.Patuloy na namuhay ang lola ni Elias at ang nakakabatang anak nito sa gubat. Sa kasamaang palad ay
nahuli ng gwardiya sibil si Balat. Patung-patong na krimen ang nagawa nito kung kaya’t masaklap na paghuhusga ang
ginawa sa kanya.

Isang umaga ay nakita nalang ng mga tao ang bangkay ng lola nito. Natagpuan ito sa ilalim ng puno ng bulak. Ikinagulat
naman ng bunsong anak nang makita ang duguang ulo ng kapatid na nakasabit sa sanga ng puno.Matapos maipalibing ng
bunsong anak ang bangkay ng kapatid at ina ay nagpakalayu-layo ito. Maraming narating hanggang sa mapilitang
maglingkod sa mayamang mangangalakal na may malaking kapital sa lalawigan ng Tayabas.

Paglaon ay unti-unting nakaipon ng salapi at napaunlad ang sarili. Nakakilala siya ng isang dalaga na may mahigpit na
magulang. Nang minsang may mangyari sa kanila ay nangako naman na ito’y papanindigan. Ngunit imbes na makasal ay
pinakulong ito ng magulang ng babae. Nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan ng dalawa. Nanganak ang babae ng kambal,
isang babae at isang lalaki. ito ay si Elias at Concordia. Lumaki ang kambal na ang alam nila ay patay na ang kanilang ama.
Musmos palang ay namatay naman ang kanilang ina.

Nag-aral si Elias sa mga Heswitas dahil may kaya naman ang lolo nito. Ngunit agad naman itong umuwi kasama ang kambal
niya nang mamatay ang lolo upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan.Si Concordia naman ay nakatakdang ikasal ngunit ito
ay hindi natuloy dahil sa nalaman ang nakaraan nito. Nalungkot si Concordia sa balitang ikinasal na sa iba ang kanyang
kasintahan. Nawala nalang ito ng bigla isang araw.

Pagkatapos ng anim na buwan ay may nabalitaan si Elias na may natagpuang bangkay ng isang babae na may tarak sa
dibdib. Ito nga ang kapatid niyang si Concordia. Magmula noon ay nagsimulang gumala-gala si Elias sa iba’t-ibang lugar
dahil sa mga bintang na hindi naman niya ginawa.

GAMIT NG MALIKHAING ISIP: ILAHAD ANG INYONG SAGOT:

A. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong makataupang palad ang si Elias ano ang sasabihin mo sa kanya?

B. Kung may pagkakataon ka paano mo maihahambing ang tatlong klase ng ina sa iba’t ibang sitwasyon sa buhay. Ano ang
iyong gagawin kung silay iyong nakilala. Tignan ang kahon sa ibaba upang maipaliwanag ang sagot:

NUNO NA BABAE NI ELIAS INANG NAPANOOD MO SA PELIKULA O SA TELEBISYON INA NGAYONG PANAHON MO

TANDAAN: ISULAT ANG PANGALAN NG MGA INA AT ILAHAD ANG KANILANG MGA NAGAWA SA BUHAY?
H. PAGLALAHAT NG ARALIN:
Mahusay! Matapos mong napaglinang ang mga kaalaman ukol sa kabanata XLV Ang mga Pinag-uusig bigyang pansin mo
naman ang mga pililing katanungan na magpapalalim sa iyong kamalayan ukol sa kabanata : ILAGAY ANG SAGOT SA
SAGUTANG PAPEL
Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa
kasalukuyan

SAGUTIN ANG TANONG: BATAY SA PAKSANG NATALAKAY, SA PANAHON NATIN NGAYON PAANO MO
MATUTULUNGAN ANG MGA TAONG WALANG KASALANAN AT SILA’Y PINAG-UUSIG NG BATAS? AT
PAANO MO MAIPAPALIWANAG ANG PAGLOBO NG KRIMEN SA PANAHON NATIN NGAYON? ILAGAY ANG
SAGOT SA KAHON

MGA TAONG WALANG KASALANAN PAGLOBO NG KRIMEN


DAPAT TANDAAN: Halagang Pangkatauhan

Ang Paghihiganti ay ilagay sa kamay ng Panginoon


Panimula
Huwag kang magtanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip pangaralan mo siya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya.
Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kasamahan.
Ito ang mga salita ng ating Panginoon. Maliwanag na sinasabi sa mga pahayag na mahalin ang kapwa. Tunay na mahirap
gawin ito. Subalit kung ang tao ay isang tunay na Kristiyano, gagawin niya ang sinasabi ng Panginoon. Hindi niya ilalagay ang
batas sa kanyang mga kamay. Aalisin niya sa kanyang puso ang salitang paghihiganti. Dahil sa paghihiganti marami nang tao
ang namundok, nagtago, natutong mag-alsa, at

Page 6 of 9
maghiganti
Suriin natin ang mga nagyari sa kabanata 45 na pinamagatang: Ang mga Nagrerebelde. Sa, katunayan hindi binalak
ni kapitan Pablo na maghihiganti. Ginagawa na niya ang lahat upang huwag madungisan ang kanyang mga kamay subalit
hindi siya pinakinggan ng mga taong sana ay tutulong sa kanya.
Si kapitan Pablo ay umakyat sa bundok kasama ang iba pang mga rebelde na tulad niyang naghihintay ng
katarungan na magbubuhat sa kinauukulan. Subalit habang lumilipas ang panahon, hindi ito nabibigyan ng lunas. Kung
hanggang kalian sila magtitiis walang nakakaalam.

I. PAGTATAYA NG ARALIN
A. Pagsasanay: Gamit ang malikhaing isip, bigyan ng tamang paliwanag ang mga sumusunod na larawan: Iugnay ito
sa kabanatang nabasa o natalakay.

J. KARAGDAGANG GAWAIN PARA SA TAKDANG ARALIN AT REMEDIATION:

IPALIWANAG ANG SINABI NI RIZAL.

https:// www.phimvid.com/search/Noli_Me_Tangere_Kabanata_45_Ang_mga_Inuusig/CEgQAA

KUNG MAY KATANUNGAN KA SA MGA PAGSASANAY AT GAWAIN MAAARI KAMING TAWAGAN SA (MAAM DO
CP # 09562495922) ( MAAM REA 09666978724 )

Inihanda nina: LAGDA NG MAGULANG


Gng. DORISA M. GARCIA
Bb. REA P. BINGCANG PANGALAN

Page 7 of 9
Pangalan: Baitang at Sekyon: 9 -

PANUTO: SAGUTIN NG MAAYOS ANG MGA PAGSASANAY BATAY SA INYONG MODULE.


F. PAGLINANG NG KABIHASNAN
Pagsasanay 1: IPALIWANAG ANG IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBIBIGAY- PAHIWATIG SA KAHULUGAN.
A. Isulat sa kahon ang iba’t ibang pahiwatig na tinuran nina kapitan pablo at elias sa kabanata XLV gamit ang paraang
talinghaga at idyoma

B. Isulat sa kahon ang iba’t ibang pahiwatig na tinuran nina kapitan pablo at elias sa kabanata XLV gamit ang
paraang konotasyon at denotasyon

C. Ipakita naman ang tindi ng tinuran ni kapitan Pablo kay Elias sa kabanata XLV gamit ang paraang tindi ng
kahulugan o clining (poot galit suklam tampo pikon). Ayusin sa kahon at ipaliwanag

G. PAGLALAPAT NG ARALIN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


GAMIT NG MALIKHAING ISIP: ILAHAD ANG INYONG SAGOT:
A. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong makataupang palad ang si Elias ano ang sasabihin mo sa kanya?

B. Kung may pagkakataon ka paano mo maihahambing ang tatlong klase ng ina sa iba’t ibang sitwasyon sa buhay. Ano ang
iyong gagawin kung silay iyong nakilala. Tignan ang kahon sa ibaba upang maipaliwanag ang sagot:

NUNO NA BABAE NI ELIAS INANG NAPANOOD MO SA PELIKULA O SA TELEBISYON INA NGAYONG PANAHON MO

TANDAAN: ISULAT ANG PANGALAN NG MGA INA AT ILAHAD ANG KANILANG MGA NAGAWA SA BUHAY?

I. PAGTATAYA NG ARALIN
A. Pagsasanay: Gamit ang malikhaing isip, bigyan ng tamang paliwanag ang mga sumusunod na larawan:
Iugnay ito sa kabanatang nabasa o natalakay.

Page 8 of 9
Inihanda nina:
Gng. DORISA M. GARCIA
Bb. REA P. BINGCANG

Page 9 of 9

You might also like