1st Meeting

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
WESTFIELD SCIENCE ORIENTED SCHOOL
C. SORIANO ST. BF RESORT VILLAGE, LAS PINAS CITY
GRADE SCHOOL DEPARTMENT
________________________________________________________________________

ARALIN 1: PANGNGALAN (Noun)

Ang pangngalan ay salita o isang bahagi ng pangungusap na


tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pook at pangyayari.

DALAWANG URI NG PANGNGALAN


1. Pantangi (Proper Noun)
Ito ay mga pangngalang tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao,
bagay, lugar, hayop, gawain at pangyayari. Ito ay karaniwang nagsisimula sa
malaking titik.

Halimbawa:
Tao Hayop Bagay Lugar Pangyayari
Bb. Grace Bantay Adidas Samar Pasko
Anna Muning Toyota Las Pinas City Bagong Taon

2. Pambalana (Common Noun)


Ito ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, at
pangyayari. Ito ay karaniwang nagsisimula sa maliit na titik.

Halimbawa:
Tao Hayop Bagay Lugar Pangyayari
guro aso sapatos lalawigan pagdiriwang
bata pusa kotse lungsod pagdiriwang

SAGUTIN NATIN!!
Isulat sa linya kung ang salitang may salungguhit ay pambalana o pantangi.
____________1. Mahilig kumain ng pansit at siopao si Juanita.
____________2. Ang probinsya namin ay nasa timog ng Luzon.
____________3. Mamamasyal sina Jun at Eva sa Luneta sa Linggo.
____________4. May nakita kaming tigre at ahas sa Avilon Zoo.
____________5. Si Binibining Maria Lopez ang guro namin sa Filipino.
____________6. Ang SM Mall of Asia ay ang pinakamalaking mall sa bansa.
____________7. Humiram ka ba ng aklat mula sa silid-aklatan?
____________8. Si Ginoong Rodrigo Duterte ang dating pangulo ng
Pilipinas.
____________9. Dumalo sa pagtatanghal ang mga magulang, guro, at
kaibigan ng mga mag-aaral.
___________10. Masarap manirahan sa Barangay Santo Tomas dahil
tahimik at malinis dito.
PAGSASANAY:

Pangalan: ______________________ Petsa: __________ Marka: _______

A. Panuto: Isulat ang titik ng pangngalang pantangi sa kanan na katumbas


ng pangngalang pambalana sa kaliwa.

______1. sabon a. La Mesa Eco Park


______2. parke b. Mongol
______3. bansa c. Nissan
______4. kotse d. Claret School
______5. planeta e. Las Pinas
______6. restoran f. Safeguard
______7. lapis g. Doberman
______8. lungsod h. Tarlac
______9. sapatos i. Pepsi Cola
_____10. bangko j. Nescafe
_____11. paaralan k. Mars
_____12. probinsya l. Banco de Oro (BDO)
_____13. kape m. Pizza Hut
_____14. inumin n. Nike
_____15. aso o. Malaysia

B. Panuto: Isulat sa patlang kung ang pangngalang may salungguhit ay


ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.

_________1. Natakot ang pusa nang lumapit ang isang malaking aso.
_________2. Sasakay tayo ng bus at dyip para makapunta sa bahay ni Lolo.
_________3. Tumawag ang kapatid mo sa telepono kahapon.
_________4. Ang bagong sapatos na ito ay regalo mula sa ninong ko.
_________5. Maghahanda tayo para sa kaarawan ni Jaime bukas.
_________6. Pupunta si Nanay sa bangko mamamayang hapon.
_________7. Dadalo ba kayo sa kasal nina Mike at Nadya sa Linggo?
_________8. Ibinalik ko na ang mga aklat na hiniram ko sa silid-aklatan.
_________9. Nakita mo ba ang mga itlog ng manok sa ilalim ng bahay?
________10. Si Ginoong Garcia ang magtuturo sa atin kung paano
magpalaki ng iba’t-ibang puno.
________11. Nais maging isang magaling na doktor ang anak ni Ginang
Lina.
________12. Nakabili si Tatay ng murang gamot sa botika.
________13. Itapon natin ang mga balat ng kendi sa tamang basurahan.
________14. Nakipaglaban si Lapu-Lapu sa mga tauhan ni Ferdinand
Magellan.
________15. Pupuntahan namin si Tomas sa ospital ngayong umaga.

You might also like