Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI- Western Visayas
Division of Capiz
Vicente Andaya Sr. National High School
Pob.Sur Sigma, Capiz

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN 10

MARAMING PAGPIPILIAN
PANUTO:Piliin ang titk ng pinakatamang sagot sa pagpipilian at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1.Tumutukoy sa resulta ng pagkalinang ng pinagsama-samang pagpapahalaga, layunin, kaalaman, at kasanayan ng
bawat miyembro , sektor at institusyon ng lipunan upang makamit ang pagbabago at kaunlaran.
a.Civic engagement d.Social Responsibility b.Political exclusiveness d.Culture responsiveness
2.Ang tuwirang pakikiisa at pakikibahagi sa mga pagkilona may adhikaing makatulong sa mga nangangailangan sa
pamamagitan ng pagkakawanggawa at paglilingkod ng walang anumang kapalit at pansariling intersay tuwirang
nauugnay sa ating kategorya ng civic engagement?
a.Cultural b.Civic c.Electoral d.Political voice
3.Sa ating kategorya ng Civic engagement tuwirang nauugnay ang paghahain ng protestao petisyon tungkol sa isang
gawaino pagkilos na maaaring magdulot ng masamang epekto sa komunidad?
a.Cultural b.Civic c.Electoral d.Political voice
4.Ang pagkilos ng mamamayan na may layuning magkaroon ng malinis at mapayapang proseso ng halalan sa kanilang
pamayanan ay tuwirang nauugnay sa ating kategorya ng civil engagement?
a.Cultural b.Civic c.Electoral d.Political voice
5.Ito ay indikasyon ng pagkakaroon mataas na antas ng civic engagement sa isang lipunan na kinabibilangan
ngaktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga local na programapara sa kapayapaan , kaayusan at kalinisan ng
pamayanan tulan ng clean up drive at tree planting.
a.Community collaboration c.Cultural assimilation b. Voter turn-off d.Online engagenet
6.Indikasyon ng civic engagement na tumutukoy sa bilang o bahagdan ng mamamayang bumuto sa eleksiyonkumpara
sa kabuuang bilang ng rehistradong botante.
a.Online engagement c.Voter turn-off b.Cultural Assimilation d.Online Voting
7.Halimbawa ng online engagement kung saan ang mamamayan ay malayang nagpapahayag ng kanilang
pagsuporta , pagtutol, at mungkahi sa isang particular na programa , proyekto at usaping pampamayanan.
a.Oline seminar and workshop c.Online Voting
b.Online information drive d,Online public discussion forums
8.Ito ay isang paraan ng online engagement na naglalayong pulsuhan ang mamamayan ukol sa kanilang pananaw sa
isang usapin o panukala gamit ang online platforms.Sa pamamagitan nito, matutukoy ang kagustuhan ng higit na
nakakarami at nakakbubuo ng mga proyekto o programang nakabatay sa kanilang pangangailangan at kagustuhan.
a.Online voting c.online workshop
b.online public forums d.online information drive
9.Ang sumusunod na mga pahayag ay tuwirang naglalarawan sa mga katangian ng isang mamamayang aktibo sa mga
gawaing nauugnay sa civic engagement.Alin ang hindi kabilang?
a.Isang mamamayang may malalim na moral at pansibikong tungkulin sa kinabibilangang pamayananna may pagturing
sa kanyang sarili bilang kabahagi ng mas malawak na lipunan.
b.Itinuturing niya ang mga hamong panlipunan bilang mga suliraning tuwirang nakaaapekto sa kanya bilang
mamamayng kabahagi ng lipunan kung kayat may tungkulin siyang tumugon sa mga ito.
c.Sa pamamagitan ng pagsusuri sa moral at pansibikong dimensiyon ng mga isyu at hamon ay nakalilikha siya ng tama
at makatwirang paghuhusga ukol dito at nakakgagawa ng nararapat na pagkilos bilang solusyon sa mga isyu at
hamon.
d.Nagtataglay ng talion at abilidad na masuri ang mga dahilan at epekto ng hamong panlipunan ngunit hindi tuwirang
nangingialam sa mga Gawain at pamamaraan ng pamahalaan upang masolusyunan ang mga ito.
10.Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang nagsasaad ng tunay na diwa ng civic engagement?
a.Pagganap sa tungkulin ng pagpapaunlad, pagpapabuti, at pagsasaayon ng lipunan.
b.Pagsasamantala sa mahirap na sitwasyon ng lipunan para sa kaunlarang pansarili.
c.Ang indibidwal ay may makasariling kaisipan tungkol sa mga hamong panlipunan.
d.Personal na inisyatibo at aktibong pakikiisasa mga grupong naninira sa pamahalaan.
11. Ang karaniwang mataas na antas ng political na pakikilahok ng mamamayan sa isang bansang demokratiko ay
maiuugat sa kadahilaang?
a.Kontrolado ng mahihirap na mamamayang may malaking porsyento ng populasyon ng bansa ang usaping
pampolitika.
b.Mayayaman at maimpluwensiyang mamamayan ang bumubuo sa pamahalaang demokratiko ang Sistema ng
pamumuno.
c.May malawak na Karapatan at Kalayaan ang mamamayan na makibahagi sa mga gawaing pampolitika katulad ng
eleksiyon.
d.Karamihan sa mga mamamayan ng bansang demokratiko ay matatalino at agresibo sa pagganap ng kanilang
Kalayaan at karapatang pampolitika.
12.Bakit may mga pagkakataong bumababa ang antas ng partisipasyon ng mamamayan sa mga political na
prosesosa isang lipunan?
a.Lubos ang tiwala ng mamamayan sa kakayanan ng mga namumuno kung kayat hindi na kailangan pang makialam.
b.Abala ang mga mamamayan sa mga gawaing magpapaunlad sa kanilang buhay particular na sa aspetong pang-
ekonomiya at pangkabuhayan.
c.Pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa integredad ng eleksiyon gayundin ang pagkadismaya ng mga ito sa mga
prosesong nauuugnay rito.
d.Mas pinipili ng mamamayang gawin ang mga bagay na nagpapaunlad sa kalidad ng kanilang buhay kaysa
pangingialam sa mga gawaing pampolitika.
13.Bakit mahalaga para sa kalagayan ng ugnayang ng pamahalaan at mamamayan ang mataas na antas at lebel ng
civic engagement sa isang lipunan?
a.Tumatatag ang ugnayan ng mamamayan at pamahalaan dahil sa pagkakaroon ng mataas na tiwala sa bawat isa?
b.Nawawakasan ang maaraming kaso ng korupsiyon at anomalya sa pamamahala sapagkat tuwirang kontrolado ng
mamamayan ang pamahalaan.
c.Ang mga nabubuong pagpapasyang panlipunan ay nababatay sa kagusttuhan ng mga namumuno na siyang
tuwirang nakakaalam sa pangangailangan ng mamamayan.
d.Lumalaganap ang kaisipan ng kanya-kanyang pagpapaunlad at pagsasaayos ng buhay sa pamamagitan ng pagtatag
ng koneksiyon sa pamahalaan at mga institusyon nito.
14.Paano nakatutulong sa kalagayang panlipunan ang tuwirang pakikilahok ng mamamayn sa pagbuo ng mga
pagpapasyang may kinalaman sa kanilang komunidad?
a.Nagkakaroon ng matatag na ugnayan ang pamahalaan at mga local na pinuno dahil sa pagkakaroon ng mataas na
tiwala sa bawat isa.
b.Nakabubuo ng mga pagpapasya , programa, at proyektong panlipunan na nakabatay sa kagustuhan at
pangangailangan ng mamamayan.
c.Naiiwasan ang mga pang-aabuso sa kapangyarihan at katiwalian sapagkat tuwirang kontrolado ng pamahalaan ang
mga proseso at usaping panlipunan.
d.Nakakamit ang kaunlaran sapagkat matatalino lamang ang nagbabahagi ng kanilang oras at kakayahan sa
pagpapabuti ng kalidad ng buhay sa pamayanan.
15.Ano ang kaisipang mahihinuha kapag ang pamahalaan ay nagbibigay ng malawak na na pagkakataon at Kalayaan
sa mamamayan na makibahagi sa mga proseso, usapin, at gawaing panlipunan?
a.Ang tunay na kapangyarihan ay nagmuula sa matatalinong mamamayan ng lipunan.
b.Pagiging lubos at ganap na kapangyarihan ng pamahalaan sa lahat ng aspetong panlipunan.
c.Pagkilala at pagpapahalaga sa mga pangangailangan , kaisipan , at saloobin ng mamamayan.
d.Paghina ng imp[luwensiya ng pamahalaan at kawalan nito ng kakayahang masolusyonan ang mga hamon sa
lipunan.
16.Isang modelo ng demokrasya na ang partisipasyon sa usaping pampolitika ay limitado lamang sa maliit na grupo na
karaniwang binubuo ng mamamayang pinaniniwalaang vmaalam at may kasanayan sa pagbuo ng pinakamainam na
pagpapasya para sa lahat ng mamamayan.
a.elite democracy c.representative democracy b.participatory democracy d.federal democracy
17.Ito ay isang modelo ng demokrasya kung saan maaaring maimpluwensiyahan ng mamamayan ang pagbuo ng
bmga pampolisiyang pagpapasya ngunit hindi ito nangangahulugang bang mamamayan ang tuwirang lilikha ng
polisiya.
a.representative democracy c.elite democracy
b.participatory democracy d.federal democracy
18.Ito ay isang prosesong pandemokratiko kung saan ay binibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na tuwirang
makialam sa lehislatura ng estado sa pamamamgitan ng paglalagay ng mungkahing polisiya o batas sa balota.
a. people”s initiative c.poll watching b.executive order d.legislative forum
19.Ang mabuting pamahalaan ay bnangangahulugan ng pagkakaroon ng pananagutan ng lahat ng ahensiya,
institusyon at organisasyon ng pamahalaan sa lahat ng maaaring maapektuhan ng kanilang aksiyon o desisyon.Aling
katangian ng mabuting pamahalaan ang inilalarawan ng pahayag?
a.transparency c.participatory b.effectiveness d.accountability
20.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng prinsipyo ng responsiveness bilang isa sa mga pangunahing
katangian ng mabuting pamahalaan?
a.Pagpapairal ng pamahalaan ng patakarang freedom of information para sa lahat?
b.Maagap na pagbibigay ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho dahil sa Covid-19
c.Pagbibigay ng pantay na access sa edukasyon at serbisyong medical para sa lahat.
d.Pangangalaga at pagtataguyod sa kalagayan at Karapatan ng indigenous people
21.Ang prinsipyo ng effectiveness at efficiency ay isa sa mga pangunahing katangian ng isang mabuting
pamahalaan.Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang tuwirang nauugnay dito?
a.Pagbuo ng pamahalaan ng isang patakarang naglalayon ng kabutihang panlahat.
b.Paglulunsad ng malawakang kumpanya para sa pangangalaga sa likas na yaman.
c.Pagsasagawa ng local na pagpupulong para sa mamamayan ng local na komunidad.
d.Pantay na pagturing ng batas sa lahat ng mamamayan sa anumang sektor o pangkat.
22.Alin sa mga sumusunod ang nararapat na maging tugon ng mamamayan para sa pagtataguyod ng mabuting
pamahalaan kaugnay ng pagpapatupad ng pamahalaan ng mga patakaran at batas na nararapat sundin ng bawat isa
upang maseguro ang kaayusan sa lipunan.
a.Pag-aralan ang kamalian at kakulangan ng batas upang malusutan ito
b.Kumilos ayon sa nilalaman at kapangyarihan ng batas sa lahat ng oras.
c.Alamin ang mga umiiral na batas at patakaran upang hindi maabuso ng iba
d.Makipag-ugnayan sa mga mambabatas upang amyendahan ang batas at patakaran.
23.Ang mapanuri at matalinong pagpili ay pagbuo ng pagpapasyang political ay isa sa pangunahing papel ng
mamamayan tungo sa pagkakaroon ng mabuting pamahalaan. Paano ito maisasakatupan ng isang mabuting
mamamayan?
a.Bomoto lamang kung may kaseguraduhang makikinabang ka sa magiging resulta ng halalan
b.Iboto ang mga kandidatong maimpluwensiya at makapangyarihan sapagkat sila ay may kasanayan na sa pamumuno
c.Piliin ang kandidatong matalino sapagkat ang katangiang ito ang magdadala ng reporma at pagbabago sa kalagayang
panlipunan
d.Pumili at bumuo ng pagpapasyang political nang may integridad , katapatan, pagsusuri, talion, at walang anumang
bahid ng takot , presyor, at pagpuwersa.
24.Paano maipapamalas ng isang indibidwal ang prinsipyo ng mapanagutang pamumuhay sa lipunan bilang isa sa mga
pangunahing papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting pamahalaan?
a.Nararapat na malinang ng isang indibidwal ang kaisipang ang pagpapaunlad sa kalidad ng buhay sa lipunan ay
pananagutan lamang ng pamahalaan
b.Nararapat na isaisip ng isang indibidwal na karaniwan sa tao ang magkamali ngunit nararapat na panagutan ang lahat
ng epekto ng kanyang pagkakamali
c.Kinakailangang makibahagi ang mamamayan sa pagbuo ng mga pagpapasyang panlipunan ngunit ang pananagutan
sa resulta nito ay nakatuon sa pamahalaan
d.Nararapat na nakabatay sa kabutihan at kaunlarang panlahat ang mga pagkilos at gawi ng isang indibidwal lalong-lalo
na kung ito ay makaaapekto sa lipunan
25.Ang repormang administratibo ay isa sa mga hakbang sa pagkakaroon ng mabuting pamahalaan.Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang tuwirang sumusuporta rito?
a.Nakabatay ang pagganap ng mamamayan sa kanilang tungkulin sa isang demokratikong pamahalaan sa pagboto ng
eleksiyon
b.Nakakamit ang mabuting pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabago sa kasalukuyang kaisipan at pananw ng mga
namumuno
c.Nararapat na wakasan ang anumang anyo ng korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan upang makamit ang isang
mabuting pamahalaan.
d.Kinakailangan ng Malaya at hiwalay na pag-iral ng sistemang hudisyal sa bansa ng walang anumang dikta o
impluwensiya mula sa ehekutibo at lehislatibo
26.Paano makakamit ang repormang hudisyal bilang isa sa mga hakbang sa pagkakaroon ng mabuting pamahalaan?
a.Pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng kultura at paniniwala ng mamamayan
b.Bumuboto ang mamamayan nang walang anumang takot , presyur at puwersa
c.Epektibong institusyonalisasyon upang mawakasan ang korupsiyon at katiwalian
d.Malayang pag-iral ng hudikatura nang walang anumang impluwensiyang panlabas
27.Ang pambansang pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba ay isa sa mga hakbang tungo sa pagkamit ng mabuting
pamahalaan.Paano makakamit ang kalagayang ito?
a.Pagpapairal ng isang Sistema ng pamumuhayv sa lahat ng mamamayan ng bansa upang maiwasan nag
pagkakaibang kultural
b.Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga patakaran, Sistema, programa at anumang pagkilos na inklusubo para sa
lahat ng mamamayan nito
c.Malinaw na paghihiwalay ng pamahalaan sa mga grupong etnolingwistiko sa iba pang mamamayan ng bansa upang
maiwasan ang diskriminasyon
d.Paggawad ng higit na Karapatan at Kalayaan sa mga minoridad at mahihinang sektor ng lipunan upang makasabay
sila sa mga mayayaman at malalakas
28.Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang sumusuporta sa kaisipang mapanatili at mapalakas ng mabuting
pamahalaan ang tiwala ng mamamayan sa pamahalaan at mga institusyon nito?
a.Nananatiling malaks ang impluwensiya ng mabuting pamahalaan kung kayat walang takda ang kapangyarihan nito.
b.Mas mahalaga ang pananatili ng tiwala ng mamamayan sa integredad ng pamahalaan ng pamahalaan kaysa
kakayahan ng mga namumuno.
c.Ganap ang pagsuporta at pakikilahok ng mamamayan sa mga institusyon , hakbangin, at tunguhin ng isang mabuting
pamahalaan.
d.Sumusunod ang mamamayan sa kagustuhan at direktiba ng isang mabuting pamahalaan nang walang
pagkuwestiyon at pag-aalinlangan.
29.Alin sa sumusunod na mga pahayag ang sumusuporta sa kaisipang ang isang mabuting pamahalaan ay
nakabubuo ng matatag na pundasyon para sa kaunlarang Pambansa?
a.Nagiging makapangyarihan at maimpluwensiya ang isang bansang may mabuting pamahalaan na siyang
pangunahing susi para sa kaunlaran.
b.Karaniwang matag ang mapagsilbing ugnayang nabubuo ng isang bansang may mabuting pamahalaan
c.Malaki ang potensiyal ng isang mabuting pamahalaan na makautang sa ibang bans ana magagamit para sa
kaunlarang panlahat.
d.Nakabatay sa matatag na suporta ng mamamayan at institusyon ang pagkamit ng pamahalaan ng ganap na
tagumpay at kaunlaran.
30.Napauunlad ng mabuting pamahalaan ang kalagayan ng yamang-tao ng isang bansa.Aling pahayag ang tuwirang
sumusuporta sa pahayag na ito>
a.Tumataas ang tiwala ng ibang tao sa kakayahan at kasanayan ng yamang tao ng isang bansang may mabutingb
pamahalaan
b.Maaaring magdala ng yaman at kaunlarang pansarili ang pamumuno ng mga mayayamang opisyal sa isang
mabuting pamahalaan
c.Nagbibigay ng pantay at patas na oportunidad para sa kaunlaran ng lahat ng mamamayan ang pagbibigay at
pagtataguyod ng pantay na Karapatan para sa lahat.
d.Nagmumula sa mabuting pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mamamayang kabilang sa mahihirap na
sektor ng lipunan na kabilang rin sa yamang tao ng bansa.
31.Tawag sa pandaigdigang batas na naglalatag ng obligasyon ng lahat pamahalaan sa pagtataguyod , pagkilala, at
pangangalaga sa Karapatan at Kalayaan ng lahat kanilang mamamayan.
a.International Human Rights Law
b.International Peace Treaty
c.UN Declaration on the Rights of a Child
d.Universal Declaration of Human Rights.
32.Ito ay karapatang tinataglay ng isang indibidwal mula sa batayan ng kanyang pagiging tao anuman ang kanyang
katayuan , kalagayan at kinabibilangang sektor sa lipunan.
a.karapatang moral c.karapatang pang-ekonomiko
b. karapatang pang-ekonomiya d.karapatang pampolitika
33.Ang karapatang pantao ay hindi dominasyon ng sinumang indibidwal o pangkat ng tao.Ito ay likas na pangkalahatan
at walang anumang pagtatangi.Anong katangian ng karapatang pantao ang inilalarawan ng pahayag?
a.irrevocable b.limited c.universal d.inalienable
34.Patuloy na lumalawak at dumadami ang karapatang pantao sa paglipas ng panahon batay sa political , sosyal, at
pang-ekonomiyang pagbabago at kaunlaran ng estado.Anong katangian ng karapatang pantao ang inilalarawan ng
pahayag?
a.essential b.dynamic c.absolute d.humane
35.Ang mga pangunahing halimbawa ng karapatang ito ay ang karaparang bomoto , karapatang mahalal, karapatang
maging pampublikong opisyal, at karapatang pumunta sa pamahalaan.
a.polotical rights b.economic rights c.moral rights d.natural rights
36.Legal na prinsipyong batayan ng pagkamamamayang Pilipino na nagsasaad na sa kanyang kapanganakan ay
nakukuha ng isang indibidwal ang pagkamamamayan n ng kanyang mga magulang o isa man sa kanila.
a.jus sanginis b.jus gentium c.jus soli d.jus dictum
37.Tawag sa pagiging kasapi o miyembro ng isang indibidwal sa isang estado o bansa batay sa itinatakda ng batas at
itinuturing bilang ugnayan ng isang indibidwal at estado.
a.pagkamamamayan b.nasyonalismo c.pagka-Pilipino d.pagkamamamayan
38.Tawag sa paraan ng pagkuha ng isang banyaga ng pagkamamamayang Pilipino at pagbibigay sa kanya ng mga
pribilehiyong katulad ng taglay ng isang likas na ipinanganak na Pilipino.
a.dual citizenship b.jus soli c.oath of allegiance d.naturalization
39.Ito ay kalagayan kung saan ang mamamayan ay nakikibahagi sa mga pagkilos at gawaing pansibiko, tulad ng
Gawain sa komunidad, pagboboluntaryo, pagkakawanggawa, pangangalap ng petisyon , gayundin ang pakikibahagi sa
mga usapin at gawaing political.
40.Aspeto ng pagkamamamayan na sumasaklaw sa taglay na Kalayaan ng isang indibidwal gayundin ang kanyang
mga Karapatan bilang isang mamamayan.
a.civil society b.civil engagement c.citizenship rights d.citizenship practice

You might also like