Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

YUNIT I: PAMAMAHAYAG
Layunin:

 Nakapagtatalakay ng mga etika, moral ng pamamahayag sa


Pilipinas.

 Natutukoy ang mga katangianng mabisang pamatnubay at mga


uri nito.

Kodigo ng Etika ng Pamamahayag sa Pilipinas

 Kodigo ng Etikang Pampahayagan

1. Itaguyod ang kalayaan at iba pang mga saligang karapatan ng pamahayagan ng


bakahin ang lahat ng impluhong maaaring mapag rupok sa mga ito.
2. Iwasan ang mga pagpapangkat-pangkat at iharap ang dalawang panig ng bawat
pinatatalunang paksa nang buong katarungan at katapatan sa mga pangayayri,
nang mabigyan ang matalinong pamamatayan ng kanyang karapatan sa malayang
pamamahayag.
3. Huwag magpalimbag ng mga bagay na maaaring di-makatarungng tumuligsa o
nagpapahina sa karangalan ng isang tahanan, o sa pananampalataya ng isang tao,
o magsilbing panghamon nang walang katarungan sa damdamin ng bayan o kaya'y
sa katahimikan ng bayan.
4. Bakahin ang lahat ng kapangyarihang maaaring magtangkang isa kalakal ang
layunin na maging sunud-sunuran dahil sa pakinabang o pabor.
5. Lakipan ng katarungan at kawanggawa ang kapangyarihan ng pamahayagan na
umiiwas sa paghantong nito sa kalupitan; upang igalang ang hinirang sa may
kapangyarihan at upang mabatid at sumunod sa batas.
6. Isagawa ang kagandahang-loob mabuting panlasa, kayumian, at makatuwirang
pakikitungo sa bayan, gayon din sa kapuwang nasa propesyon, na malayang
tinanggap at sapat na iniwasto ang lisyang hatol o kamalian.
7. Iulat at iwasto nang walang pagkiling ang mga balita at kilalanin nang tiyakan na ang
Katotohanan ay siyang totoo at ang kurukuro ay kurukuro, at iniiwasan ang
pagmamalabis o pagkakaltas ng mga pangyayaring nagpapatunay o mahalagang
kahulugang nagpapaliwanag.
8. Iwasan na maging kusang patakaran ang labis na pagkasensasyunal matamo
lamang ang pagsang-ayon ng karamihan o naglalayon ng tanging pag-aakit sa
tanungin at maipagbili ang pahayagan; at higit na mabawasan ang mga balita sa
1 INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG
krimen na walang layunin kundi magpasigla sa kriminidad.
9. Laging sikapin na mapaunlad ang kakayahang propesyunal at pagkamabisa nito, sa
diwa ng magiliw na pakikipagkompetensiya at tumanggap ng punang mapagbuo sa
kapakanan ng maunlad na pamamahayag.
10. Tumulong sa isa't isa sa panahon ng kasawian at buong pagkakaisang humarap sa
mga suliraning propesyunal.

 Kodigong Moral sa Pilipinong Mamamahayag

1. Ako ay tapat na mag-uulat at bibigyang kahulugan ang balita, pangangalagaan at


hindi hahayaang pigilin ang mahalagang mga kaganapan o ibaluktot ang katotohanan
sa pamamagitan ng hindi pagsasama o hindi pagbibigay-diin.
2. Hindi ko sisirain ang mahalagang material ng impormasyon na ipinagkaloob sa akin
batay sa tawag ng tungkulin.
3. Ako ay dulugan, hindi lamang ng patas at tapat na pamamaraaan sa abot ng aking
kakayahan upang makuha nag balita, mga larawan, at mga dokumento, at maayos
akong magpapakilala bilang kinatawan ng medya kapag nagsasakatuparan ng
personal na interbyu para sa publikasyon.
4. Ako ay iiwas sa pagsulat ng mga balita na maka-aapekto sa pribadong buahy maliban
na lamang sa kapakanang pampublikong pakikipag-ugnayan na itinatakda ng
saligang-batas.
5. Hindi ko hahayaan ang personal na motibo o kapakanan na makaimpluwensya sa
aking ginagampanang tungkulin; o hindi ako tatanggap ng anumang regalo o suhol o
bigyan ng konsiderasyon ang iba na makakaapekto o magiging sanhi ng pag-
aalinlangan sa aking personal na intergridad.
6. Hindi ako gagawa ng anumang aksyon ng panggagaya.
7. Hindi ako mangungutya, o pupuna ng sinuman sa pamamagitan ng sex, paniniwala
sa relihiyon, paninindigang pampulitikal, cultural at etnikong pinagmulan.
8. Aking ipalalagay na ang sinumang akusado sa krimen ay inosente hangga’t hindi
napapatunayan. Ako’y magsasakatuparan ng pag-iingat sa paglalathala ng mga
pangalan ng mga menor de edad at mga babae na kasangkot sa kasong kriminal
upang hindi mawala ang kanilang karangalan sa lipunang kinabibilangan.
9. Aayusin ko ang aking sarili sa publiko habang ginagampan ang aking tungkulin bilang
mamamahayag nang sa gayong paraan ay aking mapapanatili ang dignidad ng aking
propesyon.

2 INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG
 Ang mga Pamatnubay (The Lead)

Ang panimula ng balita ay tinatawag na pamatnubay. Ito ang pinakamahalagang


bahagi ng balita sapagkat ito ay unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa
mambabasa dahil ito ang buod. Ngunit maaaring ito ay isang salita lamang, lipon ng mga
salitang panghihikayat ng interes ng mambabasa, o isang parapo o talata.
Katangian ng Isang Mabisang Pamatnubay

 Ipinahahayag sa maikling pangungusap lamang ng buod ng balita.


 Sinasagot kaagad ang gusting malaman ng mambabasa: Ano ang nangyari? Sino ang
mga nasasangkot? Saan naganap? Kailan? Bakit? Paano naganap?
 Hinihikayat ang mambabasa na ipagpatuloy niya ang kanyang pagbabasa.

 Mga Uri ng Pamatnubay

1. Kombensyonal o Kabuuang Pamatnubay (Conventional or Summary Lead)


Ito’y sumasagot sa mga tanong Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?
o Pamatnubay na Sino (Who Lead)- Pangalan ang itinatampok sapagkat ang tao
mga taong nasasangkot sa balita at tanyag at higit sa prominente kaysa aktibidad o
gawaing naganap.
o Pamatnubay na Ano (What Lead)- Ang pangyayari, aktibidad o gawain na naganap
o magaganap ang itinatampok sapagkat higit na prominente ito kaysa tao o mga
taong nasasangkot sa balita.
o Pamatnubay na Kailan (When Lead)- Ginagamit kung ang pangyayari ay naganap o
magaganap sa di-kinaugaliang oras o kung ang oras o pabahon ng kaganapan ay
lalong mahalaga.
o Pamatnubay na Saan (Where Lead)- Ginagamit kung ang pangyayari ay naganap o
magaganap, sa hindi karaniwang pook.
o Pamatnubay na Bakit (Why Lead)- Sanhi o dahilan ang itinatampok.
o Pamatnubay na Paano (How Lead)- Pamaraan ang itinatampok.

2. Pambalirang Pamatnubay ( Grammatical Beginning Lead)


Kahit na nakagawian nang simulan ang pamatnubay sa pinakatampok na
pangyayari ay maaari pa ring simulan ito sa ibang paraan kung naaangkop. May iba’t ibang
kayariang pambalarila na maaaring magbigay ng pagbabago at lalong maging mabisa ang
panimula.
o Sugnay na Pasanhi ( Causal Clause)- binubuo ng isang sugnay na di- makapag-isa
na nagsisimula sa alinmang pangatnig na pananhi tulad ng: dahil sa, dahil kay, gaya
mga, palinhasa, paano, mangyari, kasi, kundangan, alang- alang sa, atb.
o Sugnay na Pasubali (Conditional Clause)- binubuo ng isang sugnay na di-
makapag-isa na nagsisimula sa alin man sa mga pangatnig na panubali tulad ng:
kung, kapag, kundi,pagkadisin,sakali,sana, atb.

o Sugnay na Paninsay (Concessive Clause)- binubuo ng isang sugnay na di-


makapag-isa na nagsisimula sa pangatnig na paninsay, tulad ng: kahit na, bagaman,
gayong, atb.
o Sugnay na Patakda (Terporal Clause)- nagsasaad ng takdang panahon; binubuo
ng sugnay na di-makapag-isa na nagsisimula sa salitang: nang, habang, bago, simula
nang at samantala.
o Sugnay na Pangalan (Noun Clause)- binubuo ng sugnay na di-makapag-isa na
ginagamit na simuno o tuwirang layon.
o Pariralang Pawatas (Infinitive Phrase)- nagsisimula sa pawatas (nasa anyong
pandiwa ngunit walang panahunan) na banghay sa um at mag.
o Pararilang Pandiwa (Participial Phrase)- nagsisimula sa pandiwari (pandiwang
ginagamit na pang-uri).
o Pariralang Pang-ukol (Prepositional Phrase)- nagsisimula sa pang-ukol ng: sa,
ukol sa, hingigil sa, tungkol sa, para sa atb.
o Pariralang Pangangalang Diwa (Gerundial Phrase)- nagsimula sa pangangalang
diwa (pandiwang may unlaping pag-)

3. Pamatnubay ng Di-kombensiyonal o Makabagong Pamatnubay (Novelty Lead)


Ito ay ginagamit ng mga manunulat sa pamamaraang inaakala niyang medaling
makatawag o makapukaw ng pansin o kawilihan at pananabik.

 Mga Uri ng Makabagong Pamatnubay

1. Panggulat (Startler or Astonisher Lead)- Kalimitang ito’y isang pangungusap na


maikli, hiwalay sa talata na sinusundan ng buod ng ibang impormasyon. Ginagamit ito
kung ang tala at lubhang mahalaga, nakakagulat, nakakagutantang o nakakasindak.
2. Pinangyarihan o Sanligan (Background Lead)- Ito’y mag pangungusap na
naglalarawan ng pangyayari, at ang pook na pinangyarihan ay higit na nakalatawag
ng pansin kaysa sa mga taong kasangkot. Ito’y, karaniwang ginagamit sa mga
salaysay tungkol sa karnibal, sayawan, eksibisyon, pistahan, atb.
3. Tahasang Sabi (Direct Quatation)- Ito’y makabuluhang pangungusap ng
tagapagsalita o kaya, ito’y hango sa isang aklat na sinipi at ginamit na panimula sa
isang balita. Ginagamit ito kung ang sinabi o sinipi ay higit na nakakatawag ng pansin
o mas mahalaga kaysa taong nagsabi. Karaniwang ginagamit ito sa mga balitang
tungkol sa talumpati. ( speech story)
4. Tanong (Question Lead)- Ito’y ginagamit kung ang tanong ay may malaking bahagi
sa salaysay at kung ang tanong ay wala pang kasagutan.
5. Paglalarawan (Descriptive or Picture Lead)- Ito’y paglalarawan ng tao, lunan o
pangyayari. Ginagamit kung sa pamamagitan ng ilang salita ay makakabuo ng
malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa.
6. Pagkakaiba (Contrast Lead)- Ginagamit ito upang maipakita o mapalitaw ang
pagkakaiba ng dalawang bagay sa unang pangungusap ng balita.

7. Parodya o Nakatatawang Panulad (Parody Lead)- Karaniwang hango sa tanyag


na awit, tula, sipi, aklat o pamagat ng pelikula. Ginagamit lamang ito kunh angkop,
medaling makilala, ngunit hindi lubhang palasak.
8. Pontse (Punch Lead)- Isang napakaikli ngunit mabisang pamatnubay.
9. Kasabihan o kawikaan (Epigram Lead)- Sinisimulan ang pamatnubay ng kilalang
kasabihan o taludtud.
10. Isang Salita (One-word Lead) Sugod! Ito ang utos ni G. Rene Romero sa mga
batang iskaut nang tinangka nilang akyatin ang Bundok Arayat.
11. Kapaligiran (Atmosphere Lead)- Lipon ng mga salita o parirala na naghahatid sa
bumabasa ng lagay ng kalooban sa mga nagaganap. Ito’y ginagamit lamang kung
ang lagay ng kalooban ukol sa pangyayaring inilalarawan ay kawili-wili at mahalaga.
12. Tukoy mula sa Mitolohiya, Panitikan o Kasaysayan- Ginagamit lamang kung ang
pagbanggit ay natural o angkop.
13. Maikli’t Hiwahiwalay na Parirala o mga salita (Staccato Lead) Krimen, demonstrasyon,
adiksyon, polusyon! Pagsama-samahin ang mga ito ay mababatid mo kung anong uring
lungsod ang Maynila.

You might also like