CN #23 Pagpapahayag NG Damdamin at Saloobin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Rizal High School


Gov. Pascual Ave. Malabon City
Tel. / Fax: 921 – 27 – 44
PACUCOA ACCREDITED: Level II
S.Y. 2020 – 2021

Name: __________________ Score: _________________________


Grade/Section: 10 – Albert Einstein Teacher: Mrs. Realyn D. Norberte
Date: Feb. 3, 2021

I. NILALAMAN:
Pagsipi ng Konsepto # 24 Gramatika at Retorika: Pagpapahayag ng Damdamin at Saloobin

Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin


Alam mo ba? Na ang wika ay ‘di lamang instrumento sa pagpapahayag ng kaisipan, kundi ng
saloobin, gawi at paniniwala.
Sa pamamagitan nito, naipapahayag ang nadarama natin sa ating kapwa. Ang damdamin ay
tinatawag ding isang emosyon na ang ibig sabihin ay pansariling tugon sa isang bagay tao o
pangyayari. Nararamdaman ito ng isang tao depende sa kaganapan sa kanyang buhay. Ito ay
isang kamalayan na natatanggap ng mga padamdam.
Alam nyo ba na may mga pangunahing emosyon sang ayon Kay Esther Esteban ng Education
in values What, Why, and for Whom series of 1990
 Pagmamahal  Pag-Iwas
 Paghahangad  Pagdadalamhati
 Pagkatuwa  Kawalan ng pag-asa
 Pag-asa  Pagkatakot
 Pagiging matatag  Pagkagalit
 Pagkamuhi

Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa wikang Filipino kabilang na


rito ang mga sumusunod:
1. Padamdam na Pangungusap
Ito ang pangungusap na nagpapahayag ng matinding emosyon o damdamin. Ginagamitan ito
ng tandang Padamdam (!), at kung minsan naman bantas na patanong (?).

Mga Halimbawa:
a. Paghanga: Wow! Perfect ang iskor mo. Ganda! Bilib Ako!
b. Pagkagulat: Ha? Nakakahiya. Inay! Naku po!
c. Pagkatuwa: Yahoo! Pasado Ako, Yehey! Yipee!
d. Pag- asa: Harinawa, Sana sumama ka sa group study naming.
e. Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak Ako! Kakainis!

Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa emosyong nadarama.
a. Paghanga: Wow, ang ganda n’yan, a!
b. Pagkagulat: O, ikaw pala!
c. Pagkalungkot: Naku, kawawa naman siya!
d. Pagtataka: Siyanga? Totoo bang sinabi mo?
e. Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si Mommy.
f. Pagkagalit/Pagkainis: Hmmpp! Nakaiinis ka!
g. Pag- asa: Naku, sana nga’y makapasa ka na!

2. Pahayag na Tiyakang Nagpapadama ng Damdamin


Ito ay mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit
nagpapakita naman ng tiyak na emosyon. Ginagamitan ng tuldok (.) ang pahayag bagaman
maaari ring gamitin ang padamdam (!) upang makapag hudyat ng mas matinding damdamin.

Mga Halimbawa:
a. Pagkasiya: Napakasayang isipin na may isang bata na naman ang isinilang sa mundo.
b. Pagtataka: Hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang narinig ang balitang iyan.
c. Pagkalungkot: Masakit isipin ang mag- ama pa ang nagharap sa isang pagtutunggali.
d. Pagkagalit: Hindi dapat pinaparusahan ang mga batang walang kasalanan
e. Pagkainis: Nakabubuwisit talaga ang kinalabasan ng pagsusulit
f. Pagsang- ayon: Tama ang naging desisyon ni Duterte na tumakbo siyang bilang president.
g. Pagpapasalamat: Mabuti na lamang at nakapasa ako sa pagsusulit sa Filipino.

3. Konstruksiyong Gramatikal
a. Paggamit ng mga padamdam na pahayag na karaniwang binubuo ng pariralang nominal o
adjectival. Ang pariralang nominal ay pangngalan ng panghalip, pang-uri, pandiwa at pang-abay
o pang ukol. Samantalang ang pariralang adjectival naman ay tumutukoy sa pang-uri. Ang
parirala ay ang tawag sa lipon ng mga salitang walang simuno at panaguri.

Mga Halimbawa:
Ang ganda ng tulang iyan!
Nakakapanggigil talaga ang alaga mong aso!
Ang ilap ng gansa!

Paggamit ng mga Ekspresiyong karaniwang nagpapahiwatig ng antas ng kasukdulan o


kasobrahan.
Mga Halimbawa:
a. Napakakulit ng lalaking mangingibig.
b. Sobrang bait ng mag- aaral.
c. Ang ganda- ganda niya!
d. Talagang gulat na gulat si Arvyl.

Paggamit ng negatibong ekspresiyon na binibigyang – diin kapag binibigkas, kasama


ang ano man, sino man, saan man at iba pa.
Mga Halimbawa:
a. Wala kang maaasahang ano man sa kaniya.
b. Hindi matatalo ng sino man ang marunong manuyo.
c. Saan ka man pumunta, hindi ka makakaligtas sa akin.

Paggamit ng mga tanong na retorikal


Ito ay isang uri ng tayutay kung saan ang isang pahayag na patanong ay hindi na
nangangailangan ng sagot.

Mga Halimbawa:

a. Ang ganda ng ginawa nila, di ba? b. Dahilan ba yan para malungkot ka?
(Napakaganda ng ginawa nila!) (Hindi iyan sapat na dahilan para
malungkot)

You might also like