Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Arellano University

Jose Rizal High School


Gov. Pascual Ave. Malabon City
Tel/Fax.: #921 – 27 – 44
PACUCOA Accredited: level II
S. Y. 2020 – 2021
Name: Score: ___________________
Gr. Sec: 10 – Albert Einstein Teacher: Mrs. Realyn D. Norberte
Date: Mar. 3, 2021

Pagsipi ng Konsepto # 30
Talumpati ni Luiz Inacio Lula da Silva sa Pangkalahatang Debate ng ika- 64 na Sesyon ng
Pangkalahatang Asembleya ng United Nations
Teknikal na Salita
1. Komodipikasyon - sama-samang pagbabago para sa isang bagay. 
2. Soberanya - kapangyarihang pansarili/ panloob na estado.
3. Demonisasyon - paghihigpit, pagpapasama
4. Demokratiko - pamamahala, sa ilalim ng malayang pagpili at pagkakaisang tinig ng
bansa.
5. Espekulasyon - haka-haka, sabi-sabi
6. Regulasyon - panuntunan, paraan/proseso ng paghihigpit o pagpigil
7. Proteksiyonista - tao o samahan na naniniwala sa pag pataw ng buwis sa mga
inaangkat na produkto upang pangalagaan ang lokal na produkto.
8. Makro-ekonomiko - pagtingin sa mga usaping pang-ekonomiya sa malakihang larawan.
9. Merkado - pamilihan
10. Multilateral - pag-uusap kasangkot ang maraming panig

BRAZIL
Ito ay kasapi at isa sa pundador na bansa ng nagkakaisang Bansa o UN, Ito ang pinaka
malaking bansa sa Timog Amerika at Latino Amerika. 
Portuges ang wikang sinasalita sa bansang ito. Binubuo rin ito ng limang
pangkat etniko: White, Pardo, Black, Asyano. At Amerindia at nagtataguyod ng Pederal,
Presidensyal, Republikang Konstitusyunal. 
Sa mga repormang pang- ekonomiya na ipinatutupad ngayon sa Brazil, lumalawak ang
impluwensya nito pati na rin ang pagkilala ng internasyonal na komunidad. 
Dagdag pa ng kumikilatis sa Brazil na sa mabilis nap ag- unlad at establisadong sistemang
politikal nito, hindi maitatanggi ang papausbong na global na kapangyarihan ng bansang ito sa
mga darating na panahon.

Talumpati ni Luiz Inacio Lula da Silva sa Pangkalahatang Asembleya ng United Nations


New York, ikaw-23 ng Setyembre 2009
Salin ni Maki Lim
 Tampok sa nagkakaisang bansa o United Nations ang pagtataguyod sa kapakanan ng
lahat ng bayan. Wala itong itinatangi, mahirap man o mayaman na miyembro ng bayan.
Naging dulugan ito ng mga suliraning kinakaharap ng iba’t ibang bayan. Sa huli ay,
inaadhikang mabigyan ng angkop na solusyon.
 Kahanga-hanga sa UN na ang panukalang solusyon ay hindi lamang ginagawa ng isang
bayan, kundi ng lahat ng miyembrong bansa na nag sasaalang-alang din ng
pandaigdigang kapakanan.
 Itong adhikaing ito ang nilalaman ng talumpati ni Luiz Inacio Lula da Silva, ang dating
pangulo ng Brazil.

PAGTATALAKAY
1. Ano ang tatlong isyu ng pinagtuunan ng pansin ng talumpati ni Luiz Inacio Lula
da Silva?
Ang tatlong isyu ng pinagtuunan ng pansin Ng Talumpati ni Luiz Inacio Lula da Silva ay
ang mga sumusunod
 Krisis Pang-Ekonomiya
 Kakulangan sa matatag na representatibong pamamahalang pandaigdig
 Banta ng pagbabago ng klima sa buhay ng tao
2. Bakit nasabing ang sanhi at hindi ang epekto ang dapat tingnan sa mga krisis na
pandaigdigan?
Dahil sa mga nakaraang desisyon sa nasabing usapin,Solusyon sa ibubunga ng
problema pinagtuunan kay sa lumikha ng sa sanhi na magbubunga ng problema o
prebensyon
3. Ano ang kahinaan ng mga merkadong malaya sa interbensyon o mga ipinataw na
kontrol ayon sa manunulat?
Ito ang naging dahilan ng krisis nawawalan ng kapangyarihan ang estado ng kontrolin
ang merkado sa anumang naisisin nito sapat upang lalong maghirap ang mga mahihirap
at yumaman ang mga mayayaman na.
4. Ano ang nangyayari sa serbisyong pampubliko? Ano kaya ang kaugnayan nito sa
patakaran/ polisiyang panlipunan?
Nagaroon ng iresponsableng komodipikasyon Pagbaba ng antas ng serbisyong
pampubliko ng estado sa kanyang mamamayan. Bunga ito ng demonisasyon ng mga
patakaran/polisiyang panlipunan, paghihigpit, pagpapasama ng sistema ng pamilihan sa
lipunan.
5. Sino ang tinutukoy na dapat mamuno upang maisaayos na muli ang daigdig ayon
sa manunulat? Ano ang bigat o halaga ng kanyang magagawa?
Ang dapat mamuno ay ang mga pinuno, hindi ang mga hambog na tenokrata ang dapat
umako ng pananagutan sa pagsasaayos ng kaguluhan sa daigdig.  ang un Hawak nito
ang kapangyarihan na hikayatin ang mga bansa na gumawa ng mga polisiya na
magpapatatag sa anumang suliraning panloob ng estado.
6. Ano ang naiwasan ng Brazil? Paano ito nakabuti sa kanila?
 ang madapuan ng sistemang pinansyal nila ng sakit ng espekulasyon.
7.  Paano sinukat ng Brazil ang tagumpay nito? Ano ang pananda ng pag-unlad ng
bansang ito?
Nanumbalik ang infocus ng kanilang ekonomiya, sumigla ang pangangalakal sa ibang
bansa, ang pagbuti ng kalagayang pang-merkado ng paggawa, at pagpapanatili ng
ekwilibriyong makro-ekonomiko.
8.  Ano ang magagawa ng mga internasyonal na mga ahensya sa usapin ng
pananalapi ng bayang tulad ng Brazil?
Hayaang madagdagan ang mga ahensyang ito, ang bahagi sa kontrol sa mga ito ng
mga mahihirap at umuunlad na bansa. kailangan silang maging higit na representatibo
at demokratiko.
9.  ano ang nagawa ng kongkreto ng UN para sa daigdig? Ipaliwanag.
Pag-aayos ng hidwaan sa pagitan ng mga estado, pangangalaga sa karapatang
pantao,  pagsusulong ng kapayapaan sa pagbabawas ng nukleyar na armas,
pangangalaga sa daigdig, pagharap sa mga bansa sa pandaigdigang kapayapaan.
10.  Bakit sinabi ng manunulat na ang pagbabago ay nakasandig sa pagkukusa
politikal?
Nasa pagkilos ng estado ang kanyang pagtamo sa pag-unlad, Kaagapay ang UN,
nakalilikha ito ng mga polisiya ng pagsusulong ng kabutihan ng lahat .
11. Ano Ano ang ipinagmamalaki ng Brazil na kontribusyon nito sa kabutihan ng
daigdig?
Internasyonal na pagpapautang sa mahirap na bansa na malaya sa mga hindi
katanggap-tanggap na kondisyon; malawak ang pagsasagawa ng mga anti-cyclical na
polisiya;Reporma ng multilateral ng ahensya ng pampinansyal; paggamit ng isa sa
pinaka malinis na sangkap ng enerhiya sa mundo; pagsusulong ng agrikultural;
pagbabawal tubuhan ng planta ng alcohol sa mga lupang may pananim ng mga
katutubo.
12.  ano ang ibig sabihin ng pagkukusa ng pulitikal sa teksto ng mga pulitikal na lider
ng Brazil?
Ang manindigan sa pagpapasya sa usaping panloob ng estado na mapangalagaan ang
mga mamamayan nito kasabay ng epekto nito ang positibo sa usaping global.
13.  ano ang kondisyon na dapat na anyo ng panibagong mundo ayon sa manunulat?
Ito ay isang Moral at political na interactive o kung saan di lamang tumitingin sa
kabiguan sa nakalipas na panahon, kundi ang maging kumadrona o taga-lunas ng
kinabukasan.
14.  nakatulong na ang un sa mga bansang namroblema sa ekonomiya, pulitika,
karapatang pantao, demokrasya, at kalikasan. kung mag dudulog ang Pilipinas ng
suliraning ito sa UN, Ano ang dapat na itong ihain?
Ito ang usaping pulitikal ito ang ugat lahat ng suliraning Pambansa sa Pilipinas.
TANDAAN:
Positibong resulta ng digmaan ang United Nations - ang samahan ng nagkakaisang bansa na
naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaunlarang panlipunan noong WWII.  Ito ang
humalili sa League of Nations (nabuo pagtapos ng WWI).
May 4 itong layunin: (1) Panatilihin ang global peace and security; (2) paunlarin ang mabuting
samahan ng mga bansa; (3) makipagtulungan sa paghanap ng solusyon sa mga global conflicts
at pagtataguyod ng respeto para sa karapatang pantao; (4) at maging sentro ng pagkakasundo
ng mga bansa.
Humahanap Ito nang mga paraan upang masolusyonan ang mga global competition at
bumabalangkas ng pulisya na may epekto sa buhay ng tao. Ang lahat ng kasapi nito ay may
boses at boto sa samahan. Ito ay nagsusumikap na itaguyod ang Human Rights, bawasan ang
kahirapan, bakahin ang mga sakit at protektahan ang kapaligiran. pinamumunuan din nito ang
kampanya laban sa terorismo at Ipinagbabawal na gamot.

You might also like