Pangkat2 - Neo Kolonyalismong Pag Iisip

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

Republic of the Philippines

University of Makati
J.P Rizal Extension
West Rembo Makati City
College of Governance and Public Policy

Neo-Kolonyalismong Pag-iisip:
Ang Pagpapaunlad ng Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Umak

Isang Pananaliksik na Ipinasa sa


Universidad ng Makati
Kolehiyo ng Pamamahala at Pambublikong Polisiya

Bilang bahagi ng Kinakailangan Para sa


Kursong Bachelor of Arts in Political Science

Mula Kina

Fajardo, Marial joyce


Eugenio, Wennylene
Mangaring, Adela
Moncada, Mary Anne
Panganting, Sittie

Pangawalang Semestre, Taon 2019-2020


TABLE OF CONTENTS

Pamagat i

Kabanata 1 1-7
Panimula 1-3
Paglalahan ng Suliranin 3-4
Konsepto ng Pananaliksik 5
Sakop at Limitasyon 6
Kahalagahan ng Pag-aaral 6-7

Kabanata 2 8-13
Sintesis ng Pag-aaral 8-11
Agwat ng Pag-aaral 12
Hipotesis 13

Kabata 3 14-15
Disenyo ng Pananaliksik 14
Respondente 14
Instrumento 15
Pagsusuri ng Datos 15

Reference 16

APPENDIX A. PERMISSION LETTER 17-18

APPENDIX B. TALATANUNGAN 19-22

APPENDIX C. DOKOMENTASYON NG MGA MANANALIKSIK 23-27

APPENDIX D. CURRICULUM VITAE 28-32


Kabanata 1

Paglalahad ng Suliranin

Panimula

Sa pananaliksik na ito, nakapaloob kung ano ang depenisyon ng Neo-

kolonyalismong Pag-iisip at kung paano nito napapaunlad ang wika. Ilalahad

rin ang kaugnayan at epekto ng Neo-kolonyalismong pag-iisip sa gamit ng

wika berbal man o di berbal. Ito ay sa kabila ng pagdududa sa potensyal ng

wikang Filipino bilang wika ng karunungan at wika ng pananaliksik.

Samakatuwid, ang mga mananaliksik ay naglalayon na mas paigtingin at

pagyamanin pa ang paggamit ng wikang Filipino upang mas lalo pang

umunlad ang wika. Ang panghihiram ng wika at ang neo-kolonyalismong

pag-iisip ay makatutulong at makakapag-ambag upang mas lalo pang

umunlad ang wika .

Ang mahalagang dokumento na pinagbabatayan ng mga talakayan

na may kaugnayan sa wika ay ang konstitusyon. Paulit-ulit na binabanggit

ng mga mananaliksik sa Sosyal Sayans at Humanidades na ang mga mga

dokumentong ito ay may matagal at masalimuot na kasaysayan bago

naitadhana ang Artikulo 14 ng Konstitusyong 1987 hinggil sa wika. Ito ay

ayon kay Dr. Bienvenido (2009) Lumbera na isang Pambansang Artista

mula sa kanyang akda na Saan Tutungo ang Wikang Filipino Ngayong

Binubura na Ito ng Globalisasyon? Nagsimula ang buhay ng wikang

pambansa nang itakda ang Konstitusyong 1935 upang mapunan ang isang

wika na bibigkis sa mga mamamayang tatawagin na Filipino sa ilalim ng


pamumuno Manuel L. Quezon.Napagpasyahan na ang Wikang Pambansa

ay ibabatay sa Wikang Tagalogna tinutulan naman ng taga-ibang rehiyon

na may sariling wikang katutubo. Ito ay sa kadahilanang ipinagpalagay na

pinapatay ang mga wika ng iba't-ibang rehiyon kung kaya sa layunin na

ipaangkin sa mga rehiyon ang wikang pambansa bilang wika hindi lamang

ng mga tagasentro kundi ng buong kapuluan, ang Wikang Tagalog ay

tinawag na Pilipino noong 1960. Hindi pa rin nagdulot ng katahimikan sa

pagtutol ang mga ikalawang anyo ng Wikang Pambansa ngunit sa kabila

nito, patuloy itong itinuro sa mga paaralan.Noong 1970, sa ilalim ng

Pamahalaang Marcos, nagkaroon ng bagong Kumbensiyong

Konstitusyonal at nagkaroon ng rebisyon ng orihinal na wikang pambansa

upang buksan ito sa pagpasok ng bokabularyo, gramatika, sintaks at mga

letra ng mga wika na galing sa iba't-ibang rehiyon at grupong etniko. Sa

Konstitusyong 1973 at 1987, pinagtibay ang pangatlong anyo ng wikang

pambansa na sinimulan ng kilalanin bilang Filipino. Maraming pagsubok

ang hinarap ng wika sa loob ng kasaysayan ng Pilipinas. Ang kadakilaan at

katatagan nito ay minsan ng minaliit ng mga kastila, pinagtakpan at

pinalitan ng bagong pamantayan ng pag tuturo ng mga Amerikamo sa

wikang Ingles at ang pagdating ng mga Hapon na nagbigay-daan sa

kalayaan ng paggamit ng katutubong wika. Ang bansang Pilipinas ay isang

arkipelago na binubuo ng mahigit pitong libong bilang ng mga hiwa-hiwalay

na isla kung kaya hindi na rin nakapagtataka ang pagkakaroon ng iba't-

ibang wika na ginagamit sa mga rehiyon at kapuluan. Tulad ng Wikang


Ingles na itinuturing bilang Pandaigdigang Wika, malaking bahagi ng mundo

ang malugod na tumanggap at tumangkilik dito kabilang na ang bansang

Pilipinas. Mabisa ito sa pakikipagsabayan ng mga Pilipino sa mabilis na

takbo ng globalisasyon at mabisang paraan upang ang lahat ng tao sa

alinmang panig ng mundo ay magkaroon ng pagkakaunawaan tungo sa

malawakang pag-unlad. Ayon kay Atienza, ang wikang Filipino bilang isang

Lingua Franca ay nasasalay, umuunlad, at lumalaganap sa iba't-ibang

rehiyon ng Pilipinas- kahulilip sa esensya ng tagpuan at lakipan ng iba't-

ibang wika at wikain sa bansa kasama na ang mga dayuhang wika. Ito

lamang ay nagpapatunay na ang wika ay patuloy na lumalawak, nililinang at

pinauunlad. Ang wika ay humihiram at umaangkin ng mga wika galing sa

iba't-ibang panig ng mundo upang mas lalo pang mapalawak ang wikang

Filipino. Ang mga nauusong palabas, musika, pagkain, kultura, at tradisyon

ng ibang bansa ay patuloy na nagdudulot ng impluwensya sa tao kung kaya

ang mga ito ay patuloy na umuunlad, nalilinang at natututunan.

Paglalahan ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may paksang "Neo-kolonyalismong Pag-iisip:

Ang Pagpapaunlad ng Wikang Filipino" . Nakapokus ang pananaliksik na ito

kung paano napapaunlad ng Neo-kolonyalismong Pag-iisip ang wikang Filipino

sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng Makati. Sa pamamagitan ng pagbibigay

ng sarbey sa mga mag-aaral ng naturang Unibersidad, magkakaroon ng

kaalaman ang mga mananaliksik sa lebel ng kamalayan ng mga mag-aaral


kung paano napapaunlad ang wikang Filipino sa pamamagitan ng Neo-

kolonyalismong pag-iisip. Nilalayon ng mga mananaliksik na mabigyang

kasagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano -anong paktor ang

nakapaloob sa Neo-kolonyalismong Pag-iisip mayroon ang mga mag-aaral ng

UMak? 2. Paano ito nagagamit o ginagamit sa pagpapaunlad ng Wikang

Filipino?
Konsepto ng Pananaliksik

Ang konseptwal na balangkas ng pananaliksik na ito ay gumamit Input-

process-output model kung saan ang unang kahon ay naglalahad ng isyu ng

pananaliksik o Neo-kolonyalismong pag-iisip ng mga mag-aaral ng Unibersidad

ng Makati . Ang ikalawang kahon ay nagpapakita sa mga gamit ng wika upang

patuloy ang pagpapaunlad wikang Pilipino. Ang ikatlong kahon naman ay

kinapalolooban ng Pambansang wika, ang Wikang Filipino.

Pagpapaunlad:
Neo-Kolonyalismong Wikang Filipino
Paggamit:
Pag-iisip
Pasalita

Pagsusulat
Sakop at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa epekto ng Neo-kolonyalismong

Pag-iisip sa mga Mag-aaral ng Unibersidad ng Makati at kung paano nito

napapaunlad ang wika. Nakapokus rin ito sa mga paktor na nakapaloob sa

Neo-kolonyalismong Pag-iisip mayroon ang mga mag-aaral ng naturang

Unibersidad. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey sa mga

piling eatudyante at bibigyan sila ng palatanungan (questionnaire) upang

malaman ang kanilang opinyon tungkol sa pag-papaunlad ng wika. Ang

pananaliksik na ito ay inaasahang matapos sa loob ng isang semestre

lamang, taong 2020-2021.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay may layuning magbigay ng karagdagang

kaalaman kung paano napapaunlad ng Neo-kolonyalismong Pag-iisip ang

Wikang Filipino. Ito rin ay magsisilbing gabay sa mga sumusunod:

Sa mga maag-aaral.

Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat malaki ang papel na

ginagampanan ng wika sa ating lipunan kung patuloy ito na gagamitin at

pagyayamanin. Imumulat ng pag-aaral na ito ang kamalayan ng nga mag-

aaral sa kahalagahan ng pagkakaroon ng Pambansang Wika

Sa mga manunulat.
Ang pag-aaral nito ay magbibigay-daan sa kaisipang ang pagsulat ay

isang kalagayan na huhubog sa kaalaman ninuman. Mailalahad rin ang

tunay na saloobin ng bawat indibidwal sa paraang di-berbal o pasulat.

Sa mga mananaliksik.

Ang pag-aaral nito ay magbibigay sa kanilang panibagong kaalaman

upang saliksikin pa kung paano mapapaunlad ang wikang Filipino. Sa mga

magulang. Sa panig ng magulang ,ang resulta ng pananaliksik ang

magsisilbing paalala sa kanilang malaking tungkulin sa paggabay sa pag-

aaral ng kanilang mga anak.


KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERETURA AT PAG-AARI

Sintesis ng Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay kinapalolooban ng mga kaugnay na literatura at

pag-aari na siniyasat ng mga mananaliksik upang mas maunawaan pa ang

konsepto ng pag-aaral. Ang Neo-kolonyalismo ay isang bagong paraan ng

kolonisasyon na kung saan ang isang makapangyarihang bansa ay

nagkakaroon ng impluwensya sa kalakalan at pulitika upang makontrol ang

mga hindi gaanong maunlad at industriyalisadong bansa. Ito ay may

kaugnayan sa relasyon ng dating kolonya sa bansang sumakop dito.

Tumutukoy din ito sa patuloy na impluwensya ng mga mananakop sa

bansang dati na nilang sakop kahit ito ay malaya na. Ang salitang "neo" ay

nangangahulugang bago at ang "kolonyalismo" ay nangangahulugang

anyong uri ng pananakop. Ang Neo-kolonyalismo ay ang makabagong anyo

ng pananakop sa mapayapang paraan na hindi ginagamitan ng dahas o

puwersa ang bansang gusto nilang sakupin bagkus ito ay impluwensya na

nagkakaroon ng epekto sa pag-iisip ng bawat indibidwal na nagreresulta ng

pagbabago sa pananaw at lifestyle sa pananamit, tinatangkilik na produkto,

artista, mang-aawit, sayaw, pelikula at ang pagbabago sa wikang ginagamit

pasalita man ito o pasulat. Ito ay higit na nagaganap sa kabataan. Ayon kay

Hill (2000) at Gleason (2000) ang wika ay nagbabago sapagkat ito ay

dinamiko. Ang pagbabago nito ay di maitatanggi. Ito ay maaaring

madagdagan ng mga bagong bokabularyo bunga ng pagiging malikhain ng


tao, ang paglikha ng mga bagong salita. Ang mga pinakamahusay na

halimbawa nito ay ang mga salitang balbal na madalas gamitin ng mga

kabataan. Ayon kay Cafford (1965) sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang

pinakadaynamiko. Maaari rin kasi ang mga salitang balbal na nauuso ngayon

ay laos na kinabukasan. Nakatutuwang pag-aralan kung paano ang mga

salitang balbal na ito ay nabuo bagamat napakasalimuot ang prosesong

pinagdadaanan ng isang salitang balbal at lubhang mahirap na nang ugatin

ang pinanggalingan nito. Kayrami ng kabataan na gumagamit ng salitang

balbal nang hindi nalalaman kung paano ito nabuo. Samantala, ayon naman

kay Fishman (1974), ang pagpaplanong Pangwika ay nakadepende ng

malaki sa elaborasyong lesikal. Ito ay tumutukoy sa proseso ng

intelektwalisasyon ng mga terminolohiya at naisasagawa ito sa pamamagitan

ng pagbibigay ng depenisyo , sinonim, antonym at hyperonim ng mga

bagong terminolohiya . Nakasaad naman sa Artikulo XIV, Seksyon 6 - ang

Probisyong Pangwika sa Konstitusyon na ang wikang Pambansa ng Pilipinas

ay Filipino. Samantalang ito ay nililinang, ito ay dapat payabungin at

pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga

wika. Malinaw na nakasaad sa probisyong ito na ang wikang Filipino ay nasa

proseso pa rin ng paglinang at ang wika ay may dalawang saligan:

pagpapayabong at pagpapayaman salig sa mga umiiral na wika sa bansa o

ang nga diyalekto at ang mga wika ng dayuhan na nakakaimpluwensya sa

kabihasnan tulad ng Ingles, Kastila, Intsik at iba pa. Samakatuwid, ang

Filipino (1987 Konstitusyon) ay hindi na Pilipino na batay sa tagalog.


Kinakailangan ng paglinaw na ito ang amalgamasyon o pantay-pantay na

representasyon ng lahat ng wika sa Pilipinas. Demokratiko man, imposible

ang konseptong ito ni Demetrio Quirino Jr. ( Almario, Bernales, et. al., 2006).

Malaki ang kaibahan ng Filipino sa Tagalog sapagkat ang Tagalog ay ang

wika sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro,

Marinduque at ilang bahagi ng Nueva Ecija, Puerto Princesa, at Metro

Manila. Ang Tagalog ay isang wikang natural at may mga katutubong

tagapagsalita. Isa rin itong partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga

etnolinggwistik na grupo sa bansa na tinatawag din na Tagalog. Ang

Pilipinas bilang isa sa mga bansang linguistically diverse sa daigdig

Constantino (1972) . Ito ay ayon sa pag-aaral na mayroong apat na raang

(400) wikain o diyalekto ang sinasalita ng iba't-ibang linggwistik at etnik na

pangkat sa buong kapuluan. Dahil dito, ang bansang Pilipinas ay nahaharap

sa tinatawag ni Fishman (1968) na special hurdle in development o

natatanging sagabal sa kaunlaran. Ito ay sa kadahilanang ang wika ang

itinuturing na pinakamabisang kasangkapan sa pakikipagkomunikasyon sa

kapwa pasalita man ito o pasulat ayon kay Mendoza (2004). Nakasaad

naman sa Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino ang pormal na

deskripsyon ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa na dapat ito ang

wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga

etnikong grupo. Ito ay katulad rin sa iba pang mga wikang buhay, ang wikang

Filipino at dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng

panghihiram sa mga wika sa Pilipinas, hindi katutubong wika at ebolusyon ng


iba't-ibang barayti ng wika para sa iba't-ibang saligang sosyal , paksang

talakayan at iskolarling pagpapahayag. Binigyang-diin sa Resolusyon na ang

wikang Filipino ay nanghihiram sa mga hindi katutubong wika o dayuhang

wika lalo na sa konseptong wala itong direktang katumbas na salita . Sa

paghihiram ng wika, nagaganap na rin ang pag-aari sa mga salitang nahiram

na maaaring walang pagbabago o may pagbabago sa baybay. Ilang

halimbawa sa mga hiram na salita sa Ingles ay ang kompyuter, taxi, fax,

cellphone at marami pang iba ngunit Filipino na rin ang mga ito. Gayundin

ang tsuper, kudeta mula sa Prances; pansit, siopao, lomi mula sa Intsik;

aquarium, gymnasium, modus operandi mula sa Latin; at silya, libro,

kubyertos, sibuyas mula sa Kastila. Itinuturing na rin na Filipino ang mga

salitang ito at hindi na kailangang ibalik pa sa wikang pinaghiraman sapagkat

bagamat hiram nga ay pwede na ring angkinin. Samakatuwid, mas akmang

gamitin ang salitang pag-aambag sa halip na panghihiram. Makikita sa mga

konseptong kung paano ang Neo-kolonyalismong pag-iisip ay nakatutulong

at nakapag-aambag sa pagapapaunlad ng wika bilang bahagi ng

pagpapausbong,pagpapayaman at paglilinang ng wikang Filipino.

Agwat ng Pag-aaral
Nakapaloob sa kabanatang ito ang pag-aaral at pagsisiyasat ng mga

mananaliksik sa mga kaugnay na literatura. Ang neo-kolonyalismo ay

makabagong paraan ng mapayapang pananakop. Isang makapangyarihang

bansa ay may kakayahang magkontrol sa hindi gaanong maunlad na bansa

na nagbibigay impluwensiya sa pag-iisip at sa pagbabago sa pananaw ng

indibidwal. Isang malaking impluwensiya ay ang wika. Ang wika ay dinamiko.

Nag babago bago ito at maari itong madagdagan sapagkat ang pagbabago

ay hindi maitatanggi. Ang halimbawa nito ay ang balbal na wika. Ang balbal

ay pinakadinamiko sa lahat ng antas ng wika sapagkat ito ay nauuso at

ginagamit ng mga kabataan. Samantala ang pagpaplanong pangwika ay

nakadepende ng malaki sa elaborasyong lesikal na kung saan tumutukoy ito

sa proseso ng intelektwalisasyon ng mga terminolohiya. Nakasaad sa ating

konstitusyon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Malaki ang

kaibahan ng Filipino sa Tagalog , ang Tagalog ay wikang natural na may

katutubong tagapagsalita o ng etnolinggwistik na grupo. Ang Pilipinas ay

mayroong apat naraang wikain o diyalekto ayon ito sa pag-aaral at kabilang

ang ating bansa sa linguistically diverse sa daigdig. Ang Pilipinas ay

nahaharap sa tinatawag na special hurdle in development o natatanging

sagabal sa bansa. Kayat binigyang diin ng Komisyon sa Wikang Filipino ang

pormal na Wikang Pambansa na dapat ginagamit sa buong Pilipinas.

Hipotesis
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman at maintindihan ang

kahalagahan ng impluwensya ng mga wikang banyaga sa pagpapaunald ng

Wikang Filipino. Inaasahan ng mga mananaliksik ng pag-aaral na ito na

mataas ang lebel ng kahalagahan ng pagpapaunlad ng Neo-kolonyalismong

Pag-iisip ng Wikang Filipino. Inaasahan din ang magandang resulta ng

pananaliksik sa paggamit ng mas malawak na pag-intindi at mas mas

detalyadong pagbabahagi ng impormasyon patungkol sa Neo-

kolonyalismong Pag-iisip ng Wikang Filipino.


KABANATA 3

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalayong maipaliwanag nang mabuti at

mailahad ang mga paraang gagamitin upang mabigyang katuparan ang

layunin ng pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Neo-Kolonyalismong Pag-iisip: Ang

Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa

ayon sa disenyo ng pamamaraang diskripto analitic at gagamit ng open-

ended questions upang mailarawan at mailahad ang kaalaman at opinyon ng

mga respondent kung paano napapaunlad ng neo-kolonyalismong pag-iisip

ang wika. Ang mga makakalap na datos mula sa respondente ay magagamit

at makatutulong sa pananaliksik.

Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral

sa unibersidad ng Makati: Senior High School, Kolehiyo ng Edukasyon-

Agham Panlipunan, College of Governance and Public Policy at College of

Arts and Letters. Sa taong panuruan 2019-2020. Limampung (50)

respondente ang inaasahan mula sa iba’t ibang kolehiyo ang pamamahagian

ng mga sarbey na palatanungan upang makakalap ng impormasyon.


Gagamit ang mga mananaliksik ng random sampling na pamamaraan upang

magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat kurso sa Unibersidad ng

Makati.

Instrumento

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey.

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey na palatanungan,

magkakaroon ito ng dalawang uri: checklist sa unang bahagi at open-ended

questions sa ikalawang bahagi, upang mangalap ng datos ukol sa paksa ng

pananaliksik.

Pagkalap ng Datos

Bilang basehan ng pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay

nangalap ng datos mula sa mga naunang pag-aaral na isinagawa na.

Sasangguni rin ang mga mananaliksik sa mga aklat at iba pang sanggunian.

Gagamitin rin ng mga mananaliksik ang resulta ng sarbey mula sa ginawang

palatanungan na pinasagutan sa mga piling respondent kung saan maayos,

maingat na inalisa at bibigyang interpretasyon na makatutulong bilang

suporta sa pananaliksik na ito.


Reference

Bernales, (2007) Akademikong Filipino tungo sa komunikasyon. Page 7, Mutya


Publishing House Malabon City

Bernales, (2007) Akademikong Filipino tungo sa komunikasyon. Page 81, Mutya


Publishing House Malabon City

Busto, A (2019) Constitution of the Republic of the Philippines page. 63 A.V. B


printing press, Dapitan St. Sampaloc, Manila

Bernales R. (2019). Filipino sa Iba't- ibang Disiplina, Page 3. Mutya Publishing


House , Inc. Malabon City

Bernales R. (2019). Filipino sa Iba't- ibang Disiplina, Page 7. Mutya Publishing


House , Inc. Malabon City

Decal- Mendoza , E. (2009). Pagbigkas at Pagsulat na Pakikipagtalastasan Page


24, National Basic Stare, Mandaluyong City

Bernales R. (2019). Filipino sa Iba't- ibang Disiplina, Page 2. Mutya Publishing

House Inc. Malabon City


APPENDIX A. PERMISSION LETTER

Republic of the Philippines


University of Makati
J.P Rizal Extension
West Rembo Makati City
College of Governance and Public Policy

Liham ng Pahintulot

Ika-11 ng Marso, 2020

Minamahal naming mga Respondente,

Isang mapagpalang araw po!


Ang mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Agham Panlipunan at
Pampublikong Polisiya (College of Governance and Public Policy) ay
kasalukuyang gumagawa ng pananaliksik tungkol sa Neo-koloyalismong
Pag-iisip: Ang Pagpapaunlad ng Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa
Unibersidad ng Makati. Upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito, ang
mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay humihingi ng pahintulot upang
makapagsarbey sa inyong mga piling mag-aaral ng Unibersidad ng Makati.
Mula sa mga piling Mag-aaral sa Senior High hanggang sa mga piling Mag-
aaral mula sa iba't-ibang kolehiyo. Ang inyong magiging sagot ay
makatutulong sa aming pagsisiyasat tungkol sa aming ginagawang pag-
aaral, ang pagkakakilanlan ng mga respondente ay pinapangakong hindi
ilalabas at mananatiling pribado. Ito ay may kaugnayan sa asignaturang
Filipino sa iba’t ibang Disiplina.

Malugod na inaasahan ng mga mananaliksik ang inyong pag sang-ayon


sa kahilingan na ito.

Lubos na Gumagalang,
Mga Mananaliksik:

Eugenio, Wennylene Fajardo, Marial joyce


Mangaring, Adela Moncada, Mary anne
Panganting, Sittie

Inapruba ni:
Prof. Diana Ross Gamil
Guro sa Pananaliksik
Unibersidad ng Makati
APPENDIX B. TALATANUNGAN

Republic of the Philippines


University of Makati
J.P Rizal Extension
West Rembo Makati City
College of Governance and Public Policy

Neo-Kolonyalismong Pag-iisip: Ang Pagpapaunlad ng Wikang


Filipino ng mga Mag-aaral sa UMak

I.

Ang mga Sumusunod na katanungan ay open-ended na itatanong ng mga

mananaliksik sa mg respondente.

Ang Neo-kolonyalismong pag-iisip ay isang makabagong paraan ng

pananakop na kung saan ito ay hindi ginagamitan ng dahas o puwersa ang isang

bansa bagkus ang pananakop na ito ay sa pamamagitan ng impluwensiya sa

pag-iisip ng isang indibiduwal.

1. Sa iyong palagay paano napapa-unlad ng Neo-kolonyalismong pag-iisip

ang Wikang Filipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Ano sa palagay mo ang mga hakbang na makaka-tulong sa pagpapa-

unlad ng Wikang Filipino sa Unibersidad ng Makati.


Neo-Kolonyalismong Pag-iisip: Ang Pagpapaunlad ng Wikang
Filipino ng mga Mag-aaral sa UMak

II.

Panuto: Lagyan ng Tsek (✔) ang mga paktor na nakapaloob sa Neo-


kolonyalismong pag-iisip ma sa palagay mo ay nakatulong sa pagpapaunlad ng
wika.

Madalas - ( Apat hanggang Pitong beses sa isang lingo)

Minsan – ( Isa hanggang Tatlong beses sa isang lingo)

Hindi – (0)

1. Nakikinig ka ba ng musika na nilikha at inaawit ng mga banyaga?


Madalas Minsan Hindi

2. Tumatangkilik ka ba ng mga palabas at mga pelikula na nilikha ng mga


banyaga?
Madalas Minsan Hindi

3. Nagbabasa k aba ng mga literature at mga libro na nilikha ng mga banyaga?


Madalas Minsan Hindi

4. Nag-aaral k aba ng mga leggwahe ng iba’t ibang bansa?


Madalas Minsan Hindi

5. Nakikipag-ugnayan o nakikipag-usap ka ba sa mga banyaga?


Madalas Minsan Hindi
Neo-Kolonyalismong Pag-iisip: Ang Pagpapaunlad ng Wikang
Filipino ng mga Mag-aaral sa UMak

II.

Panuto: Lagyan ng Tsek (✔) ang naa-angkop sa iyong sagot.

1. Musika ng mga banyaga na iyong pinapakinggan.

Japanese Songs

K-pop Songs (Korean Songs)

American/British (English Songs)

Tagalog/Filipino Songs

Chinese Songs

Iba pa/ Maging Ispesipiko:___________

2. Pelikula at Palabas ng mga banyaga na iyong pinapanuod

Japanese Drama

K-Drama (Korean Drama)

American/British (English Drama)

Tagalog/Filipino Drama

C-Drama (Chinese Drama)

Iba pa/ Maging Ispesipiko:____________

3. Babasahin at mga literature naa iyong binabasa

Japanese Story / Book

Korean Story / Book


American / British / English Story / Book

Tagalog / Filipino Story / Book

Chinese Story / Book

Iba pa/ Maging Ispesipiko:___________

4. Lengguahe ng mga banyaga na iyong pinag-aaralan.

Japanese Language

Korean Language

American / British / English Laguage

Tagalog/Filipino Language

Chinese Language

Iba pa/ Maging Ispesipiko:___________


APPENDIX C. DOKOMENTASYON NG MGA MANANALIKSIK

Republic of the Philippines


University of Makati
J.P Rizal Extension
West Rembo Makati City
College of Governance and Public Policy

Eugenio, Wennylene R.
Fajardo, Marial Joyce B.
Panganting, Sittie Haya Macaraya
Mangaring, Adela R.
Moncada, Mary Anne C .
NAME: Marial Joyce B.Fajardo
Address: 464 Apitong St. Brgy.Comembo Makati City
Contact Number : 09215854478
E-Mail Address : fajardojoyce99@gmail.com

BASIC INFORMATION

Birthday: July 14,2000


Skills: Writing, Computer Literate
Languages Spoken: Filipino, English
Interests: Reading Books , listen to music , playing badminton

EDUCATIONAL BACKGROUND

College School/ Attained


University Of Makati
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
2019-2020

Senior High School


University Of Makati
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
June 2018- April 2019

Junior High School


Fort Bonifacio Highschool
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
June 2013- April 2017

Elementary/Primary School
Kapitbahayan Elementary School
Dagat-dagatan NBBS Navatos City
June 2007 - April 2013

RELEVANT EXPERIENCES

 Special Program for Employment of Students (spes) 2017


Location: Comelec

 Government Internship Program (GIP) 2019


Locatioin: Counsilor’s Office
NAME: Adela R. Mangaring
Address: 162 Molave St., Brgy. Cembo, Makati City
Contact Number : 09507881349
E-Mail Address : amangaring.k11725022@umak.edu.ph

BASIC INFORMATION

Birthday: July 14,1998


Skills: Writing a poem, Cooking
Languages Spoken: Filipino, English
Interests: Reading stories with different genres

EDUCATIONAL BACKGROUND

College School/ Attained


University Of Makati
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
2019-2020

Senior High School


University Of Makati
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
June 2018- April 2019

Junior High School


Macario Molina National High School
Brgy. Sablayan, Romblon, Romblon
( 2015-2016)

Elementary/Primary School
Sablayan Elementary School
Brgy. Sablayan, Romblon, Romblon
2009-2010

RELEVANT EXPERIENCES

 Service Crew - I❤Milktea


Location: Camiling Tarlac
2016-2017
NAME: Wennylene R. Eugenio
Address: 110 Oriole st. G-2 vill. Brgy. Southside Makati city
Contact Number : 0950 238 2794
E-Mail Address : eugeniowennylene09@gmail.com

BASIC INFORMATION

Birthday: July 09, 2001


Skills: Can do multitask, easy to learn
Languages Spoken: Filipino, English
Interests: Historical films/ documentaries/ movies, writing a story or poem

EDUCATIONAL BACKGROUND

College School/ Attained


University Of Makati
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
2019-2020

Senior High School


University Of Makati
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
June 2018- April 2019

Junior High School


Fort Bonifacio Highschool
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
June 2013- April 2017

Elementary/Primary School
Kapt. Eddie T. Reyes Memorial Elementary School
Brgy. Pinagsama Village Phase 2 Taguig City
2013-2007

RELEVANT EXPERIENCES

 NA
NAME: Mary Anne C. Moncada
Address: R. Franco St. Wawa Taguig City
Contact Number : 09496245619
E-Mail Address : mmoncada.k11721115@umak.edu.ph

BASIC INFORMATION

Birthday: April 23,2000


Skills: Acting
Languages Spoken: Filipino, English
Interests: Watching Movies/Series

EDUCATIONAL BACKGROUND

College School/ Attained


University Of Makati
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
2019-2020

Senior High School


University Of Makati
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
June 2018- April 2019

Junior High School


Gen. Ricardo G. Papa Mem. High School
Col P. Cruz St, Tuktukan Taguig City
2017-2018

Elementary/Primary School
Eusebio C. Santos Elem. School
Manuel L. Quezon Ave, San Miguel, Taguig City
2012-2013

RELEVANT EXPERIENCES

 NA
NAME: Sittie Haya Macaraya Panganting
Address: 1637 Caton St. Brgy.Lapaz Makati City
Contact Number : 09308548114
E-Mail Address : picashia04@gmail.com

BASIC INFORMATION

Birthday: May 4,2001


Skills: Cooking
Languages Spoken: Filipino, English
Interests: Singing, Wattpad

EDUCATIONAL BACKGROUND

College School/ Attained


University Of Makati
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
2019-2020

Senior High School


University Of Makati
J.P Rizal Ext. West Rembo Makati City
June 2018- April 2019

Junior High School


San Antonio National High School
san antonio village mayapis St.
2017-2018

Elementary/Primary School
Lapaz Elementary School
Brgy Lapaz Makati City
2012-2013

RELEVANT EXPERIENCES

 NA

You might also like