Q4 Esp Day1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

YUNIT 4 - PANANALIG AT PAGMAMAHAL SA DIYOS: PANININDIGAN SA KABUTIHAN

6:00-6:30- SILVER May 3, 2023 (Miyerkules)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling


kapayapaan (inner peace) para sa pakikitungo sa iba.

PAMANTAYAN NG PAGGANAP:

Naisasabuhay ang pagkamabuting tao na may positibong pananaw bilang


patunay sa pag-unlad ng ispiritwalidad.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: MELC

I-Layunin:Napatutunayan na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad.


(EsP6PD-IV-a-i-I6)

DAY 1- Naipapakita ang ibat-ibang paraan ng pagtulong upang mapaunlad ang


ating pagkatao.

II. PAKSA:Naipapakita ang ibat-ibang paraan ng pagtulong upang mapaunlad


ang ating pagkatao.

BATAYANG PAGPAPAHALAGA: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)

SANGGUNIAN:
Code: (EsP6PPP-IIIh-i-40)
Basic Literacy Learning Materials (BALS)

MGA KAGAMITAN: larawan , power point

Nakalaang Oras:

1 araw (30 minuto bawat araw)

III. PAMAMARAAN:
ALAMIN NATIN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pag-ulat ng bawat lider o miyembro ng bawat grupo sa mga liban
sa kanilang pangkat

B. Panlinang na Gawain

1. Balik-aral:

2. Pagganyak
Ipakita ang mga sumusunod na larawan sa mga mag-aaral.

Base sa mga larawang kanilang nakita, hikayatin ang mga mag - aaral na magbigay
ng kanilang ideya o pagkakaunawa sa bawat larawan.

B. Paglalahad/Pagtatalakay:

Nagpakita ba ng kabutihan ang mga tao na nasa larawan? Paano nila ito naipakita?

C. Isaisip:
Mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaunawaan sa lipunan sapagkat ito ay daan
sa pagkakaroon ng kapayapaamn at kaayusan.

Basahin sa mga mag - aaral ang kuwento


Si Toto, Ang Batang Likas na Matulungin ni: J. Verano

Si Toto ay batang nakatira sa masayang Barangay ng B. Titong, siya ay


kasalukuyang nag - aaral sa mababang paaralan sa nasabing barangay. Si Toto ay
kilala ng lahat bilang isang batang matulungin, makikita mo sa kaniyang mga mata
ang kagalakan tuwing siya ay tumutulong sa kaniyang kapuwa. Mga guro,
matatanda, nakakatanda sa kaniyang murang edad at maging sa kaniyang mga
kapuwa bata, wala siyang pinipili kung pagtulong ang pag - uusapan.

Natapos ang paligsahan at si Toto ang nagwagi, linapitan siya ng kaniyang


katunggali at bukal sa pusong siyang binati, “Maraming salamat sa pagpapahiram
mo ng lapis at pape! Maligaya akong ikaw ang nanalo, Toto! Matalino at napakabuti
mong tao, nararapat lamang na mapasaiyo ang titulo ng pagkapanalo!” ani ng
kaniyang katunggali

Ang kabutihan ay walang pinipiling oras o panahon, lahat tayo ay may angkin
kabutihan sa ating kalooban. L ahat tayo ay nararapat na makaramdaman ng pantay
na kabutihan sa ating buhay. Ani Toto sa kaniyang bagong kaibigan.

Sino si Toto?
Anong katangian ang nagtataglay sa kaniya?
Sa anong paraan naipapakita ni Toto ang kaniyang kabutihan?
Naranasan mo na bang makatulong sa iyong kapuwa?
Naranasan mo na bang matulungan ng iyong kapuwa?
Namimili ka na ba ng taong tutulungan?

C. Isaisip:
Hindi maitatangging nagtataglay ng mabuting kalooban ang isang tao na
gumagawa ng kabutihan sa kapuwa at sa iba pang nilikha. Hindi niya kailangang
piliting maging mabait dahil kusa itong lumalabas at mapapansin o makikita ng
kaniyang kapuwa. Kahanga - hanga mang maituturing ang mga taong ganito, may
isang bagay na higit na kahanga - hanga ito ay magawang makumbinsi ang ating
kapuwa na maging mabait din.

IV. Pagtataya:

Magbigay ng mga sitwasyon na nagpapakita ng kabutihan sa ating kapuwa.


1.
2.
3.
4.
5.

REPLEKSIYON:______________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________

You might also like