Professional Documents
Culture Documents
Malikhang Pagsulat: Maikling Kwento
Malikhang Pagsulat: Maikling Kwento
Ikalawang Gawain
(Malikhang Pagsulat: Maikling Kwento)
Name: RICA MAE O. RECOSANA Degree Program: MAED in FILIPINO
Subject Professor: HENRY MAR B. LAURENO Date of Submission: February 05,
2023
Subject: FIL 504 – MALIKHAING PAGSULAT
Isang Pagkakamali
May isang mala-palasyong paaralan ang makikita sa lungsod ng Kinta. Ito ay may hardin na puno ng iba’t
ibang klaseng bulaklak na doon mo lang makikita. Isang gazebo rin ang matatagpuan sa gitna ng hardin. Mayroon
itong mala-gintong kulay na pinalilibutan ng baging. Sa loob naman ng institusyon ay sasalubong agad sayo ang
engrandeng hagdanan na daraanan ng mga mag-aaral tungo sa kani-kanilang silid-aralan. Nang araw ding iyon ay
dumating sa mga mag-aaral ang balitang matagal na nilang hinihintay, at ito ay ang pag-aproba ng kanilang hiling
na magkaroon sila ng isang linggong bakasyon sa labas ng paaralan. Para kasi itong boarding school kaya
Napagpasiyahan ng magbabarkada na sila Lucia, Jona, Miko, JP at Christian na mag.ghost hunting. Hilig
kasi nila ang magtuklas ng mga bagay na kababalaghan, mga bagay na di kayang ipaliwanag ng siyensya. “Miko,
JP, Christian, Jona, tara! Ghost hunting tayo. Minsan lang tayo makalabas kaya lubus-lubusin na natin.” Ani ni
Lucia na siyang pinakamatalino sa kanila. “Pero saan naman tayo pupunta?” tanong ni Miko. “Nakapagsaliksik na
ako ng magandang puntahan. Iyong pwede sa trip natin.” Nangigislap na mga mata ni Lucia habang
nagsasalaysay sa kanyang mga kasamahan. Ipinaliwanag niya ang lokasyon ng kanilang pupuntahan at kung bakit
sa dami ng pupuntahan ay doon niya napili na pumunta. Sa kabilang dako naman, sa lugar kung saan pupunta ang
magbabarkada ay may nauna na pumunta roon. Ibang grupo naman sila na galing sa ibang lugar. Noong dumating
sila ay anim pa sila ngunit noong lumaon ay wala ng natira sa kanila ni isa. “Seryoso kaba jan, Lucia? Di naman
siguro may gusto ka lang puntahan doon kaya doon mo napiling pumunta?” panunuksong tanong ni Christian kay
Lucia. “Loko! Di ako tulad mo. Basta bukas na bukas din ay babyahe na tayo ha? Maghanda na kayo sa mga
nakatala sa inyong dadalhin. At iyon din ay naghiwa-hiwalay sila upang maghanda ng kanilang dadalhin para sa
kanilang byahe kinabukasan. Kinagabihan habang ang lahat ay mahimbing na natutulog ay bigla nalang may
bumulong sa tenga ni Jona,”huwag kayong tumuloy”. Bigla nalang siyang nagising nang marinig niya iyon hindi
niya alam kung panaginip lang ba iyon o totoo. Pawis na pawis siya at hinahabol ang kanyang hininga, natakot
siya baka totoo iyon at bakit siya sinabihan ng ganoon. Ginising niya ang katabi niya na si Lucia, “Oy! Lucia,
gising! Gising sabi ee~”. Ngunit nakalimutan pala niyang tulog mantika itong si Lucia parang hindi babae, kaya
iyon natulog ulit siya bukas nalang niya iyong sasabihin bago sila umalis papuntang Brgy. Ventura. Doon naman
sa ibang gusali kung saan nakatira ang mga lalaki ay bigla na lang nakaramdam ng panlalamig si Christian habang
palabas siya ng banyo. Pakiramdam niya may nagmamasid sa kanya sa di kalayuan kaya lingon siya nang lingon
ngunit wala naman siyang makita kaya dali-dali siyang bumalik sa kanilang kwarto. Pagliko niya sa may kanto ay
“ISANG PAGKAKAMALI!!!!!!”, napaupo nang wala sa oras si Christian ng biglang may kung anong maputi
siyang nakita ngunit di niya alam kung ano. Ang alam lang niya ay may biglang sumigaw malapit sa mukha niya,
hindi siya makatayo, gustuhin man niyang sumigaw di niya magawa dahil sa sobrang takot na kanyang
Republic of the Philippines
PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY
Palompon, Leyte
nararamdaman. Buti na lang dumating si Miko na kasunod niya galing sa banyo. “Oh Chan, anong ginagawa mo
riyan sa sahig?” takang tanong ni Miko sa kanya. di niya masabi ang naranasan niya baka pagtawanan lang siya,
kaya noong di siya sumagot ay tinulungan nalang siya ni Miko na makatayo. “hay naku Chris, kung pagod ka
huwag kang maligo ng matagal baka kung di pa kita nakita nangisay ka na roon sa sahig”. Tawang-tawang
pahayag sa kanya ni Miko. Gustuhin man niyang sabihin iyon kay Miko ngunit natatkot siyang pagtawanan at
kumalat sa buong paaralan kaya tumawa nalang din siya ng hilaw kasama ni Miko ngunit di niya pinahalata.
Kinabukasan, araw na ng kanilang pag-alis nang biglang magkasakit si JP. Mataas ang kanyang lagnat
kaya di siya nakasama sa kanila, pero sinabihan pa rin nila si JP na ipaalam lang sa kanila kung gusto nitong
sumunod at binigyan ulit ito ng mapa sa lugar. Nag-arkela sila ng van para di sila mapagod pagdating doon,
habang nasa byahe ay binunusog nila ang kanilang mga mata ng mga tanawin na minsan lang nila makita. Si Jona
naman ay malalim ang iniisip, “Oy Jona! Bakit parang pinagsakluban ka niyan ng langit at lupa? Ano ba! Mag-
relax ka naman minsan. Masyado kang nag-aalala sa mga bagay na dapat ay kinakalimutan na” saad sa kaniya ni
Lucia. “Bakit? Ano bang inaalala mo Jona?” tanong sa kanya ni Christian. “Wala naman inaalala ko lang kung
ano yung panaginip ko kagabi, di ko na kasi maalala. At di ko rin alam kung bakit ko pinipilit na gisingin si
Lucia. Ang alam ko sasabihin ko sa kanya dapat ang panaginip ko ee”. Pag-aalalang sabi naman ni Jona sa kanila.
“Baka naman kasi kung ano lang iyon, iyan kasi nanuod ka pa kasi ng pelikulang katatakutan kagabi bago
matulog, at sabi naman naming sayo kung magigising ka man dahil sa panaginip mo eh isusulat mo iyon? Pero
huwag niyo na lang iyong alalahanin dahil ANDITO NA TAYO!!!” masayang sabi ni Lucia sa kanila. Ang lahat
ay tumingin sa labas at nakita nila kung gaano sana kaganda ang lugar na ito ngunit wala masyadong nakatira.
Kung mayroon man ay halos mga matatanda na, pero naisip nila na mas mabuti itong tirhan ng mga may edad na.
malayo sa usok at ingay na dulot ng iba. Bumaba na sila ng van at sinabihan si manong drayber na susunduin sila
kinabukasan. Pumasok na sila sa loob ng sinasabi ng lahat na ghost building dahil may naririnig daw ditong mga
pagsigaw, ayon sa kanilang nasaliksik dating ospital ito ng mga taong may deperensiya sa pag-iisip. “May araw
Republic of the Philippines
PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY
Palompon, Leyte
pa pero grabe nakakatakot dito parang kahit anong oras ay may sasalubong sa iyo na kung anuman” sabi ni Miko
habang yakap-yakap ang sarili. “Boogshhhh” “teka! Ano yon?” takot na tanong ni Jona. “Sorry. May natumba
lang kasi akong upuan dito. Hehehe” paghingi umanhin ni Lucia. “Masyado kasi akong excited na dumating ang
gabi para masimulan na natin ang paghahanap ng mga kung anong kababalaghan” patuloy na sabi ni Lucia.
Nilibot muna nila ang loob ng gusali at nilagyan ng mga high end technology camera sa mga sulok upang may
ebidensiya sila. Lahat ng kanilang galaw ay kinukunan nila ito ng bidyu. Habang abala sila sa kanilang ginagawa
ay di nila namalayan na may isang pares ng mga mata ang matalim na nakatingin sa kanila. Hindi ito nakukuha sa
camera dahil sa hindi alam na dahilan. Sa paaralan naman ay nagsisisi ng sobra si JP kung bakit pa kasi siya
kumain ng isang galong sorbetes na alam naman niyang may alis sila ngayon. Nahinto lang siya sa pag-iisip ng
biglang may kumatok sa kaniyang kwarto. Bumangon siya at binuksan ang pinto“Oh! Manang, bakit po kayo
napunta rito?” takang tanong ni JP, si Manang ang taga-bantay ng kanilang dorm na tinitirhan ni Miko at
Christian. “May tao kasi sa labas at hinahanap ka” sabi ni Manang. “Ganoon ho ba? O sige po bababa na po ako
ngayon. Salamat po Manang”. Agad na nagbihis si JP dahil nakapantulog lang ito. Pagbaba niya ay nakita niya
ang drayber na pinag-aarkelahan nila ng van, si JP kasi ang nakatalaga na mag-arkela kaya kilala niya ang
magiging drayber nila. “Oh manong, bakit po bumalik kayo? Hindi po ako makakapunta roon dahil po mataas ang
Sa kabilang dako naman, sa abandonadong gusali kung saan naroroon sila Lucia ay naghahanda na para
sa pagkagat ng dilim. Dala-dala na nila ang kanilang mga apparatus na gagamitin sa kanilang pag.go-ghost
hunting. Inuna nila ang pinakaibabang bahagi ng gusali, mayroon kasi silang mapa sa buong lugar ng gusali kaya
alam nila ang kanilang pupuntahan. Nagsimula na sila kanilang paglalakad at sabik na sabik ng makakita ng mga
kababalaghan. Ngunit Malaki ang kanilang pagkadismaya ng umabot na lang sila sa panghuling bahagi ng gusali
ay wala pa rin silang nadidiskubre. “Ano ba yan Lucia, akala ko pa naman simula palang may makukuha na tayo
pero nasa pinakamataas na tayo ng gu---------“ nagulat sila ng biglang huminto sa pagsasalita si Miko. “Oy!
Republic of the Philippines
PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY
Palompon, Leyte
Lucia, nasaan na si Christian?” takang tanong ni Miko. Lumingon sila at nakita nilang pati si Jona ay wala rin.
“Oy! Jona huwag kayong magbibiro ng ganito. Lumabas na kayo ni Chris------“ “Ahhhhhhhhh!!!” naputol si
Miko sa pagsasalita at napasigaw naman si Lucia ng makita niyang nakalambitin na si Jona na wala ng mga
kamay at paa. “Takbo! Lucia, Miko!” sigaw ni Christian habang hawak ang isa niyang braso. Tumakbo naman
sila Miko at Lucia ng makita nila si Christian. Takot na takot si Lucia, halos hindi siya makapaniwala sa nangyari.
Ang kaninang masaya nilang pagsasama ay napalitan ng takot at ang masama pa neto ay wala na si Jona. Dahil sa
kaniya ay nangyari iyon sa kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya namalayan na hindi na pala niya kasama ang
dalawang lalaki. Naliligaw na siya. Hindi na siya makapag-isip ng matino, ang gusto niya lang ay makalayo sa
lugar na iyon. Napahinto siya sa pagtakbo ng may narinig siyang kumakanta “London bridge is falling down,
falling down, falling down. Group of friends are falling down, one dead body”. Hindi makagalaw si Lucia ng
marinig niya iyon, paglingon niya ay may nakita siyang maitim na nilalang na may dala-dalang palakol. Gustuhin
man niyang tumakbo ngunit di niya magawa, inuutusan na ng kanyang utak ang kanyang buong katawan upang
gumalaw ngunit hindi talaga. Wala na lang siyang ibang nagawa kundi tumayo at pilit na hindi umiyak. Ni isang
tinig sa kanya ay wala kang maririnig, hinahabol na niya ang kaniyang hininga habang nakapikit dahil alam niya
sa sarili niya na susunod na siya sa kaibigan niyang si Jona. Dumaan ang ilang minuto ng sobrang kaba at di
mabilang na pagdarasal ay iminulat ni Lucia ang kanyang mga mata at nakita niyang dinaanan lang siya noong
maitim na nilalang na sa hinala niya ay siyang pumatay sa kaibigan niya. Nang mawala na ito sa kanyang
paningin ay doon lamang siya nagpalabas ng mabigat at mahabang buntong hininga. Ngunit hahakbang pa lamang
siya ng biglang may kung anong nakatutok malapit sa mukha niya. Sa sobrang gulat ay napasigaw siya at bigla na
lamang lumabas ang puso niya mula sa kanyang dibdib. Hindi niya namalayan na bumalik pala yung maitim na
nilalang at sinaksak siya ng matulis na tubo sa kanyang kaliwang dibdib dahilan upang matamaan at lumabas ang
kanyang puso.
Republic of the Philippines
PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY
Palompon, Leyte
Nagulat si JP nang makita niya ang drayber ng kanilang pinag-arkelahang sasakyan. Kaya tinanong niya
agad ito kung bakit ito bumalik sa kanilang paaralan, dahil sa pagkakaalam niya’y sinabihan ng kanyang mga
kasama ang drayber na hindi na siya makakasama at di na siya kailangan pang bumalik pa. “Manong, bakit ho
kayo naparito? Di ho ba sinabi nila sa inyo na hindi ako makakasama? At ang bilis niyo naman pong makabalik?”
takang tanong ni JP sa drayber. “Po? Eh hihingi po sana ako ng paumanhin sa inyo dahil ngayon lang ako
nakarating. Nalate po kasi ako ng gising kaya binilisan ko na po pagpunta rito. Tsaka po nasaan na po sila, Sir?
Hindi ho ba kayo matutuloy?” tanong naman sa kanya ng drayber. “Po? Edi ho ba sinundo niyo na sila kanina?”
ani ni JP. “hindi pa po. Kakarating ko nga lang po rito. Tapos nung lumipas na po ang tatlumpong minute na wala
pa po sila eh nagtanong na po ako sa babaing tumawag sa inyo” pagpapaliwanag ni Manong drayber. “Eh sino po
yung sumundo rito sa kanila? Hindi ko naman po kasi nakita kasi natutulog ako nung mga panahong umalis sila.”
Habang tumatakbo sila Miko at Christian ay napansin nilang biglang nawala si Lucia kaya napahinto sila
at nilingon ang likod. Natatakot man ay nagtanong pa rin si Miko kung anong nangyari sa kanila ni Jona, kung
bakit siya sugatan at bakit pinatay si Jona. “May napansin kasi si Jona, pakiramdam niya kasi may iba pa tayong
kasama rito kaya nagpasama siya sakin. Nung sa bandang dumating na kami sa may women’s ward ay bigla na
lang sumarado yung pintuan sa likod namin at nawalan ng ilaw. Sisigaw na sana si Jona noon ng bigla na lang
hinablot yung dila niya tapos pinutol. Sa pagka bigla ko ay hindi ako nakagalaw at nakatayo lang habang
pinapanuod ang walang habas na pagpatay kay Jona. Nung nanghihina na si Jona ay sa akin naman siya tumingin,
di ko nakikita mukha niya di ko rin naman kayang tingnan. Bigla na lang niya akong tinali sa dingding at nilagyan
ng takip sa bibig tapos ay bumalik naman siya kay Jona. Tinalian niya ito sa magkabilang braso at paa habang
pinahiga sa parang higaan, Tapos ay pumunta siya sa parang isang makina at may pinindot maya-maya pay bigla
na lang gumalaw yung nakatali kay Jona huli na ng mamalayan kong hinihila pala nito ang braso’t paa niya.
Nagpupumiglas ako sa kagustuhang iligtas siya, ngunit huli na, huli na dahil putol na yung mga braso’t paa niya.
Naghanap ako ng paraan para makatakas at nung makatakas ako dun ko na kayo nahanap ni Lucia.” Nanginginig
Republic of the Philippines
PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY
Palompon, Leyte
na parang naiiyak na pahayag ni Christian. Di alam ni Miko kung anong mararamdaman niya kaya hinablot niya
ang kwelyo ni Christian “Gago ka Chan! Babae kasama mo di mo nakayang protektahan? Magkasama tayong
pumunta rito dapat magkasama rin tayong aalis!!!!” galit na tugon ni Miko. “Di ko naman pinabayaan si Jona pare
eh! Di ko ginusto na mangyari sa atin to!” “bakit? Sino ba ng may gusto na mangyari sa atin to? Wala naman ah!
Hindi ito yung napagplanuhan natin. Hindi ito!!!!” inis na inis si Miko dahil sa nangyayari sa kanila. Hindi nila
alam na may papunta na pala sa kanila, dahil sa sobrang inis ni Miko ay lumayo ito kay Christian nakarating siya
sa isang silid ng hindi niya namamalayan. Umupo ito sa isa sa mga higaan doon ayaw niyang isipin na si Christian
ang gumawa noon kay Jona at gawa gawa niya lang ang lahat ng iyon mas maniniwala pa siya kung may ibang
tao silang kasama pero sino? Maya maya pa ay may bigla na lang pumasok sa silid na kinaroroonan niya. Hindi
na siya nakagalaw pa kasi tinurukan siya sa leeg ng pamparalisa, napahiga nalang si Miko sa higaan na
kinauupuan niya. Nagulat siya sa nakikita niya, hindi siya makapaniwala na sa lahat siya pala ang may gawa nito.
Gusto niyang sumigaw, magwala at suntukin ang nasa harap niya kaso di niya magawa, wala siyang lakas na
gawin ang lahat ng iyon dahil kahit paggalaw ng mga daliri niya ay di niya magawa. Nagulat na lang siya ng
makita niya ang hawak hawak nitong panistis, kahit anong pagsigaw ang ginagawa niya ay walang lumalabas na
kahit konting tinig sa bibig niya. Itinuon na ng taong iyon ang panistis sa kanyang damit upang punitin ang suot
nito, tapos noon ay sinimulan na itong itusok sa kanyang katawan. Nakikita ni Miko ang dugo na dumadaloy sa
kanyang katawan ngunit wala siyang maramdamang sakit o hapdi. Nagulat na lang siya ng sunod niyang makita
ay kanya ng mga laman loob, ang mahabang bituka na dahan dahang kinukuha sa kanyang sikmura, habang
nawawalan na siya ng ulirat ay di niya makakalimutan ang mala-demonyong ngiti ng taong iyon habang sayang
Takbo ng takbo si Lucia, pilit niyang hinahanap ang dalawang lalaking kasama niya. Gusto na niyang
umalis sa lugar na iyon, kung saan saan na siya umabot, bawat silid na madaanan niya ay sinisilip niya at narating
nga niya ang silid kung saan niya nakita si Miko. Wala na itong buhay, tinanggalan ito ng mga lamang loob at
Republic of the Philippines
PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY
Palompon, Leyte
ginawang parang palamuti sa buo nitong katawan. Di mapigilan ni Lucia ang sarili sa pag-iyak, iniisip niya na
siya ang dahilan ng lahat ng ito ang lahat na nangyayari sa kanila ay kasalanan niya. Mabilis siyang tumakbo
paalis sa lugar na iyon at naghanap ng paraan upang makatakas nang marinig na naman niya ang sa kanina na
kumakanta at ngayo’y naiba na naman ang kanyang pagkakaawit. “London Bridge is falling down, falling down,
falling down. Group of friends are falling down, two dead body” habang pinapakinggan niya iyong lumalayo sa
direksyon niya ay tatakbo na ulit sana siya ng biglang may humawak ng kanyang braso muntik na siyang
mapasigaw buti na lang tinakpan nito ang kanyang bibig. “Huwag kang maingay Lucia, baka marinig ka” sambit
ng lalaki. “JP??! Bakit ka andito? Di ba nasa dorm ka lang kasi may lagnat ka?” takang tanong ni Lucia kay JP.
Ikinuwento ni JP ang nangyari kung bakit siya napunta roon. “Ano?! Huwag mong sabihin na si Manong drayber
yung salarin dito? Pero akala ko umalis na yung sasakyan kasi sinabihan namin siyang bukas na kami
magpapasundo” saad ni Lucia kay JP. “Pero nakita namin ni Manong Bong yung van na sinakyan niyo kanina
pero walang drayber, nandun lang yung van sa may masukal na daraanan nakatago” paliwanag naman ni JP. Sa
kabilang dako naman ay hinahanap ni Christian si Miko, ayaw niyang magkalayo sila dahil delikado na maglakad
mag-isa lalo na ngayong may gustong pumatay sa kanila. Di pa man siya nakakalayo ay may naririnig siyang
humuhuni na may tunog ng London Bridge biglang nanginig ang lahat ng laman niya kaya dali-dali siyang
naglakad papalayo sa lugar na iyon dahil alam niyang papunta ito sa direksyon nya. Sa pagmamadali ay di niya
namalayan ang tali sa paanan niya at natalisod siya na naging dahilan ng pagkatusok ng dalawa niyang mata sa
putol na tubo na naroon. Gumagalaw pa si Chrisian nang madatnan siya ng lalaking humuhuni kaya gamit ang
bitbit nitong palakol ay pinutol nito ang leeg ni Christian at umalis itong hila hila ang katawan ni Christian habang
Magkahawak kamay na naglalakad si Lucia at JP habang hinahanap ang daan palabas. Hindi sila
gumagawa ng anumang ingay upang di sila marinig nung lalaking may bitbit na palakol. Nakarating sila sa harap
ng isang silid kaya nagtataka si Lucia kaya natanong niya si JP kung anong gagawin nila roon dahil mas mabuti
Republic of the Philippines
PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY
Palompon, Leyte
kung magmamadali silang aalis ng gusaling iyon. “Dito muna natin palipasin ang madaling araw tutal malapit na
rin namang mag-umaga. Antayin na lng natin para di tayo mahirapan sa paghahanap ng labasan” pumayag naman
siya sa pahayag ni JP dahil mas mabuti nga naman ang naisip niyang iyon kesa magmamadali sila tapos papatayin
din sila pag nagkataong makita sila. Pagpasok nila ay bigla na lang nawalan ng ulirat si Lucia kaya sinalo naman
ito ni JP at pinahiga sa higaan sa loob ng silid. Nagising si Lucia dahil sa sobrang liwanag na naanigan niya,
pagkakita niya ay nakakita siya ng mga ilaw. Pakiramdam niya’y nasa loob siya ng operating room sa isang
ospital, nagtataka siya kung bakit siya andun. Naisip niya baka nakaalis na sila sa lugar na iyon tapos nadala
silang dalawa ni JP sa ospital. “Ano bang iniisip mo ngayon, Lucia?” isang pamilyar na boses ang sa kanyang
narinig. Di makapaniwala si Lucia sa kanyang nakikita. Gusto niyang sumigaw at magpumiglas kaso sa di
malamang dahilan ay di niya iyon magawa. “Sa ekspresyon ng iyong mukha ay parang nahuhulaan ko na ang nasa
isip mo ngayon. Nagtataka ka kung bakit? Bakit ako naririto sa harap mo? Simple lang Lucia, ako ang may gawa
ng lahat ng ito. Paghihiganti lang itong ginagawa ko. Isang pagkakamali ang dahilan ng lahat ng ito. Dahil sa
inyo, sa inyong magkakaibigan ay namatay ang kakambal ko. Ang pinakamamahal kong kapatid! Hindi niyo alam
ang pakiramdam ng namatayan ng mahal, Lucia. Pagmamahal? Wala kayo noon, nagpanggap ako bilang ang
kakambal ko,ngunit ‘di ko alam kung papaani niyo nasisikmura ang pinaggawa niyong pagmamalupit sa mga
transfer students, low class students at ng mga mahihinang mag-aaral,” paliwanag nito kay Lucia. “Hindi mo ba
inaasahan na ako ang gagawa nito sa iyo? Sa inyo? Huwag kang mag-alala ‘di naman ako nag-iisa eh! Kasama ko
si Papa rito! Pa, halika rito, pasok ka na”. tawag nito sa kanyang ama, ag lalaking may bitbit ng palakol at
humuhuni ng London Bridge. Inilibot ni Lucia ang kanyang paningin sa loob ng silid at nakita niya roon ang
katawan ng mga kaibigan niya. Ang mga wala ng buhay na katawan ng mga kaibigan niya. Ang iba ay wala ng
ulo at ang iba pang parte ng katawan. “Ganda ng koleksyon ko nu? Pinagawan ko pa talaga kayo ng frame para
mas maganda tingnan pag nasabit na. huwag kang mag-alala Lucia, ikaw na lang kulang at mako-kompleto na ang
koleksyon ko”.at lumapit na ito kay Lucia habang dala-dala ang lalagyan ng mga panistis at iba pang kagamitan.
Una ay kumuha ito ng lagari at nilagari sa bibig ni Lucia, kahit wala siyang nararamdaman ay pakiramdam pa rin
Republic of the Philippines
PALOMPON INSTITUTE OF TECHNOLOGY
Palompon, Leyte
niya’y para siyang mahihimatay. Nang malapit ng umabot ang lagari sa kanyang lalamunan ay kumuha naman ito
ng parang isang kutsara at sinalok ang isa nitong mata at nilagay sa isang baso. Sunod naman nitong ginawa ay
hiniwa ang kanyang leeg at pilit na iniiwasang maputol ang kanyang lalamunan (esophagus). Hanggang sa
binalatan ang dalawa niyang suso pati ang kanyang tiyan. Habang ginagawa ito ni Jona isinalaysay niya ang
pangyayari ng lahat na nangyari sa kanyang mga kaibigan. “At yon ang nangyari sa kanila, Lucia. Pero doon ako
mas natutuwa sa nangyari kay Christian, akalain mo ang lahat ng nakita niya ay ilusyon lang pala na dala ng
droga na itinusok ko sa kanya nung mapag-isa kaming dalawa. Yung nakita niyang Jona na pinapatay ay isa lang
palang manika. Hahahaha! Di ko talaga makalimutan ang hitsura ng kanyang mukha!” tuwang-tuwang sabi ni
Jona kay Lucia. Unti-unti namang nawawalan ng hininga si Lucia, ngunit matiim niya pa rin niyang tinitingnan si
Jona sa kanyang ginagawa. Mayroon itong mala-demonyong ngiti at dating na masisindak ka talaga pag nakita
mo. Sayang-saya ito sa pinag-gagawa sa kanya. Habang nawawalan na siya ng hininga ay tiningnan niyang muli
ang kanyang mga kaibigan na nakasabit sa dingding, iniisa-isa niya itong tiningnan at humingi ng tawad sa
kanyang isipan. At sa kanyang huling hininga ay ngumiti ito kay Jona at nawalan na siya ng buhay.
- WAKAS -