Q4-MELC-4 Grade 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
7

Kuwarter : 4
MELC Blg. : 4
PAMAGAT NG ARALIN:
ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG
ADARNA
MELC: Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon
kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna (F7PU-IVa-b-18)

1
Filipino – Ikapitong Baitang
Sariling Linangan Kit (SLK)
Ikaapat na Markahan – MELC Blg. 4 – Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng
Ibong Adarna
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
SLK na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anumang gamit maliban sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng Ilocos Sur.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Ilocos Sur

Bumubuo sa Pagsulat ng SLK


Manunulat: Rezie R. Balisalisa, Banayoyo National High School

Mga Editor/Tagasuri: Maricel L. Acosta, Virginia B. Soberano, Francisco D. Arceo Jr.


Tagaguhit ng Larawan sa Paunang Pahina: Cheryl C. Cantil

Tagaguhit:

Tagapamahala: Jorge M. Reinante, CSEE, CEO VI, CESO V


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan
Nestor C. Heraña, CESO VI
Pansangay na Kawaksing Tagapamanihala ng mga Paaralan
Maria Salome R. Abero, EdD., Punong Superbisor ng Edukasyon,
Sangay sa Implementasyon ng Kurikulum
Maria Teresita R. Gapate, EdD.
Superbisor ng Programang Pang-edukasyon, Filipino at MTB-MLE

Inilimbag sa Pilipinas ng: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon I – Sangay ng Ilocos Sur


Office Address: Quirino Boulevard, Zone V, Bantay, 2727 Ilocos Sur
Telephone No.: (077) 722-2055
Telefax: : (077) 722-7400
Website: www.depedilocossur.info

2
KWARTER 4
SARILING LINANGAN KIT
4
MELC BLG.

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Layunin ng Kagawaran ng Edukasyon na makapagpatuloy ang mga mag-


aaral sa kanilang adhikaing matuto kaya naman gumawa sila ng paraan at isa dito
ang Sariling Linangan Kit. Maraming paraan para matuto at madagdagan ang
kaalaman ng mga mag-aaral, isa diyan ang kagalingan nila sa paggamit ng internet,
sa panahon ngayon, ito na ang isa sa pinakamabisang paraan para matuto ang mga
estudyante.
Pagkatapos nating tinalakay ang mga kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong
Adarna, ngayon naman ipagpatuloy nating tuklasin ang mga nakatagong lihim o ang
kasaysayan ng akdang ito. Maraming haka-haka kung saan ba talaga nagmula ito,
sino ba talaga ang sumulat nito? Mga katanungan na maaaring masagot sa
pamamagitan ng Sariling Linangan Kit na ito.
Maging handa sa mga gawain na naitang sa iyo, maging mapanuri at gawing
seryoso ang pagbabasa para madagdagan ang iyong kaalaman. Huwag umasa sa
naibigay lamang na mga impormasyon bagkus gamitin ang internet at magsaliksik
pa ng mas makakatulong sa iyong pag-aaral. Sabi nga nila, basa nang basa para sa
karagdagang kaalaman.
Sagutin nang wasto ang bawat gawaing inihanda. Panatilihing malinis ang
SLK na ito at gumamit ng kuwaderno sa pagsagot ng mga gawaing inihanda o
nakalaan para sa iyo.
Halina at samahan ninyo ako sa patuloy na paglalakbay natin sa mundo ng
mahiwagang ibon, Ang Ibong Adarna.

3
KASANAYANG PAMPAGKATUTO

MELC: Naisusulat nang sistematiko ang mga nasaliksik na


impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng
Ibong Adarna (F7PU-IVa-b-18)
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
A. Naiisa-isa ang mga impormasyon kaugnay sa
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
B. Nasasaliksik nang sistematiko ang kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
C. Nakabubuo ng timeline na naglalahad ng kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna batay sa nasaliklik.

PAGTALAKAY SA ARALIN

MOTIBASYON/PAGGANYAK

Ano ang alam mo sa mga ibon? Halina na, simulan na ang


pagtuklas sa pamamagitan ng isang gawain na siyang
tutulong sayo para sa mga susunod pang bahagi ng SLK na
ito.

4
Panuto: Tingnan at suriin mo ang mga larawan. Kilalanin kung anong klaseng ibon
ang bawat isa.

1 2

Pamilyar ka ba sa mga ibong nasa


larawan? Marahil ay nakita mo na ang mga ito
nang personal maliban sa nasa ikatlong larawan.
Nakikilala mo ba ang ibong ito? Ito ang tinatawag
na Ibong Adarna. Batay sa pagkakasuri mo rito sa
larawan, ibigay mo ang mga katangian ng Ibong
Adarna gamit ang mga kuwadro ng impormasyon
sa kabilang kabilang pahina.

5
Nalagyan mo ba ng mga impormasyon ang mga kuwadro? Kung nalagyan mo
lahat, binabati kita. Kung hindi naman, okay lang ‘yan sapagkat sa araling ito ay
bibigyan ka ng mga impormasyong kakailanganin mo sa pagkilala sa Ibong Adarna.

MAIKLING PAGTALAKAY

Mahalagang magkaroon ng kaalaman sa kaligirang


pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Maraming paraan upang
makakalap ng mga impormasyon. Sa araling ito ay inaasahang
makapagtatala ka ng mga impormasyong kaugnay ng
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ay


tumutukoy sa maikling paglalarawan o
pagpapaliwanag sa naging simulain, tunguhin ng
akda at maging ng mga taong nagbigay ng
malaking impluwensiya upang matutunan ang mga
ganitong uri ng akda.

6
Mahalagang malaman muna natin ang pinagmulan ng Ibong Adarna.

 Upang palaganapin ang


Ano ang pangunahing
Katolisismo.
layunin ng mga
 Pagpapalawak ng kapangyarihan
Espanyol sa
sa pamamagitan ng pagpaparami
pananakop sa
ng mga sakop na mga bansa.
Pilipinas?
 Paghahanap ng mga pampalasa,
masaganang likas na yaman, at
mga hilaw na materyales.

 Dahil na rin sa kagustuhan ng mga Espanyol na mapalaganap ang


Katolisismo sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng ating
mga ninuno sa halip ay pinalitan nila ito ng mga panitikang
nagbibigay diin sa pananampalatayang Kristiyanismo.
 Naging isang mabisang paraan ang panitikan upang mabilis na
mapalaganap ang relihiyong Katolisismo sa bansa.

Tulang Romansa Ito ay pumapatungkol sa pakikipagsapalaran at


kabayanihang karaniwang kinasasangkutan ng
mga prinsipe, at prinsesa at mga maharlikang
tao kung saan ang pangunahing tauhan ay
nagtatagumpay dahil sa kanyang mataimtim na
pananalig at matiyagang pagtawag sa Diyos.

SINO BA TALAGA ANG MAY AKDA O SUMULAT NG IBONG ADARNA?

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin matukoy kung sino talaga


ang sumulat ng koridong Ibong Adarna. Ayon kay Pura Santillan-Castrence,
ito ay sa dahilang ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring hinango
lamang sa kuwentong-bayan mula sa bansa sa Europa tulad ng Romania,
Denmark, Austria, Alemanya at Finland.
7
Sa maraming mga koridong nalimbag at naisulat

Paano naging sa Pilipinas, Ang Ibong adarna ang higit na tumanyag


sapagkat bukod sa ang mga sipi o kopya nito ay
tanyag ang
ipinagbibili sa mga perya na karaniwang isinasagawa
Ibong
tuwing kapistahan ng mga bayan-bayan, ito ay
Adarna?
itinatanghal sa mga entablado na tulad ng komedya o
moro-moro.

Dahil na rin sa pasalin-saling pagkopya, ang mga


sulat kamay at maging ang mga nakalimbag na
Bakit kaya may mga iba-t ibang
kopya ng Ibong Adarna ay nagkaroon ng pag-
bersyon at iba-iba ang
kakaiba-iba sa gamit at baybay ng mga salita. pagkakasulat ng akdang Ibong
Noong 1949, sa tulong ni Marcelo P. Garcia ay Adarna?

naisaayos ang pagkakasulat ng bawat saknong.

Taglay ng Ibong Adarna ang motif at cycle na matatagpuan sa mga


kwentong-bayan o folklore.

 Maysakit ang ina (isang reyna) o ama (isang hari) at kailangan ng


isang mahiwagang bagay upang gumaling, tulad ng ibong
umaawit, tubig ng buhay, halaman at iba pa.
 Maglalakbay ang mga anak ngunit ang bunso ang magtatagumpay
( dahil matulungin) na makuha ang makalulunas na bagay sa
tulong ng matandang ermitanyo.
 Pagtutulungan siya ng nakatatandang mga kapatid upang agawan
ng karangalan, at magdaranas siya ng maraming hirap, ngunit
magtatagumpay sa huli.

8
MGA HALIMBAWA

Nakatala sa ibaba ang mga kasaysayang kahawig ng Ibong


Adarna ( batay ito sa aklat ni Gng. Castrence)

1. Mula sa kwentong Scala Celi ng isang paring Dominiko, na sinasabing katha na


noon pang 1300. May isang haring maysakit na nangangailangan ng tubig ng buhay
upang gumaling. Naglakbay-dagat ang kanyang tatlong anak ngunit ang bunso na
mabait at magalang ang nakakuha ng lunas sa loob ng palasyo sapagkat tinulungan
ito ng isang matanda.

2. Mula sa Hessen ( Alemanya, 1812). Napanaginip ng isang maysakit na hari na


ang makakalunas sa kanyang sakit ay ang awit ng Phoenix. Hinanap ito ng tatlong
anak, ngunit ang pinakabata ang nagtagumpay sapagkat tinulungan ito ng isang
babaing lobo (o zorra) na ang hiningi namang ganting tulong ay barilin ito ng
prinsipe upang makabalik sa dating anyo, Sa kasamaang-palad, nang makuha na
ng prinsepe ang ibong phoenix ay nalimutan na nito ang pangako sa lobo.

3. Mula sa Denmark, 1696. Nagkasakit si Haring Eduardo ng Inglatera at ang lunas


ay ang ibong Phoenix na pag-aari ng reyna sa Arabya. Sa huli napangasawa ng
bunsong prinsepe ang reynang ito.

4. Mula sa Isang Libo’t Isang Gabi, may isang kwentong pinamagatang “Tatlong
Prinsipe sa Tsina.” Nagkasakit ang ina, at ang lunas ay ang tubig ng buhay. Ang
bunsong anak ang nakakuha nito matapos ang maraming pakikipagsapalaran, at sa
huli ang bunso ay naging isang sultan.

5. Mula sa Paderborn ( Alemanya). Isang gintong ibon ang laging nagnanakaw ng


isang bangang ginto sa punong mansanas ng hari. Isa-isang nagbantay ang tatlong
anak ng hari ngunit ang bunso lamang ang nakakita sa ibon at nakahuli rito.

9
PAGSASANAY

Ang gawaing ito ay makakatulong upang madagdagan pa ang


kaalaman tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong
Adarna.

GAWAIN A. Piliin ang mga salita na may kaugnayan sa Kaligirang


Pangakasaysayan ng Ibong Adarna. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. A. Kristiyanismo B. Judaism C. Taoism
_____2.A. Awit B. Tula C. Korido
_____3. A. Amerikano B. Kastila C. Hapon
_____4. A. Europa B. America C. Asya
_____5. A. Awiting bayan B. Kwentong Bayan D. Maikling Kuwento
GAWAIN B. TAMA O MALI
Isulat ang Tama kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at Mali
naman ang isulat kung ito ay hindi tama.

_____1. Nagpasalin-salin ang mga pampanitikan noong panahon ng mga Kastila sa


pamamagitan ng pagsulat sa mga ito.
_____2. Ayon sa kasaysayan ng Ibong Adarna, ito raw ay nagmula sa iba’t ibang
bansa sa Europa.
_____3. Ang Ibong adarna ay lumaganap noong panahon ng mga Kastila.
_____4. Dahil na rin sa pasalin-saling pagkopya, ang mga sulat kamay at maging
ang mga nakalimbag na kopya ng Ibong Adarna ay nagkaroon ng walang
pagkakaiba sa gamit at baybay ng mga salita.
_____5. Hindi lang Katolisismo ang nais palawigin ng mga Kastila pati na rin ang
pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga sakop
na mga bansa.
_____6. Nabibilang ang Ibong Adarna sa tulang romansa.
_____7.Tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig, pakikipagsapalaran, at
kababalaghan ang Ibong Adarna.
_____8. Ang mga tauhan ay mayroong pagkakatulad sa tunay na buhay.

10
_____9. Ang tagpuan sa Ibong Adarna ay karaniwang nakabase sa mga lugar sa
Europa.
_____10. Si Jose Dela Cruz ang sumulat ng Ibong Adarna.

GAWAIN C. Ilahad ang kuro-kuro o kaisipan tungkol sa Ibong Adarna. Pagkatapos


magbigay ng maikling paliwanang sa sagot.
Mga Kaisipan Sang-ayon o Di Sang- Paliwanag
ayon
1. Layunin ng mga
Espanyol sa pananakop
sa Pilipinas ay upang
palaganapin ang
Katolisismo.
2. Hindi ganap na
maituturing na bahagi ng
Panitikang Pilipino ang
Ibong Adarna.
3. Sinasabi ng maraming
kritiko na umaangkop
naman sa kalinangan at
kultura ng mga Pilipino
ang nilalaman ng Ibong
Adarna.

11
PAGLALAGOM

Ayon sa isang kritiko, ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay


maaaring hango sa mga kwentong-bayan ng iba’t ibang
bansa, tulad ng Alemanya, Denmark, Romania at iba pa.

Makikita sa Ibong Adarna na nagpapakilala sa pagka-Pilipino


ng akda, tulad ng palagiang pagtawag ni Don Juan sa Mahal
na Birhen at ang parang pinagtiyap ng pagkakataong
pagdating ng tulong matapos siyang magdasal. Nagpapakita
ito ng pagkamaka- Diyos ng mga Pilipino.

APLIKASYON

Maliban sa mga nabasa mo sa araling ito, inaasahang higit mo


pang mapapahalagahan ang korido kung malalaman mo pa
ang iba pang mga impormasyon sa likod ng Ibong Adarna.
Magsaliksik ka pa sa internet tungkol sa kaligirang
pangkasaysayaan ng Ibong Adarna. Isulat ang mga nasaliksik
na impormasyon sa sistematikong paraan. Basahin ang mga
tanong sa ibaba para makabagay sa gagawin mong
pananaliksik. Magsaliksik pa ng karagdagang kaalaman
tungkol sa mga akda pang may pagkakahawig sa akdang
Ibong Adarna. Nakalagay ang Rubric na gagamitin sa
pagmamarka sa ibabang bahagi ng gawaing ito.

1. Sa anong panahon unang lumaganap ang koridong Ibong Adarna?


2. Sino ang manunulat nito? O saan ito sinasabing nagmula?
3. Ano-anong bansa ang nakaimpluwensiya sa nilalaman, paksa at
estilo ng pagkakasulat ng korido?
4. Ano-ano ang mahahalagang impormasyon ang nalaman mo tungkol
sa Ibong Adarna?

12
5 4 3 2
NILALAMAN Mayaman sa Sapat sa May Malabo, kulang
kaalaman ang kaalaman sinaliksik, sa kaalaman
mga ang sinaliksik, may datos na ang sinaliksik,
sinaliksik, may kailangan, walang
maraming nakuhang may nalikom na
nalikom na datos na kaisipang datos na
datos na kailangan, nais kailangan para
kailangan, naipahayag patunayan patunayan ang
maliwanag ang kaisipang subalit may paksang
ang kaisipang nais kakulangan. sinaliksik.
nais patunayan.
patunayan.
PAGKABUO Nakaayos Naihayag ang Kulang o ilan Malabo,
nang mabuti datos o lang ang magulo ang
ang datos, impormasyon datos o paksang
impormasyon, , napaunlad impormasyon, tinatalakay,
maliwanag na ang paksangf bahagyang walang ayos
napaunlad may napaunlad ang
ang paksang halimbawa, ang paksa pagkakasunod-
suportado ng maayos ang dahil kulang sunod ng
angkop na diwa ng sa mga kaisipan.
mga paksa. halimbawa,
halimbawa, putol-putol
mahusay ang ang diwa ng
pagkakaayos paksa.
ng diwa ng
paksa.
PARAAN NG Napakalinis at Maayos at Bahagyang Magulo ang
PAGSULAT napakaayos malinis ang magulo at pagkakasulat,
ng pagkakasulat. marumi ang hindi na
pagkakasulat, pagkakasulat maunawaan
makikita ang at wala nang ang nakasulat
pagsisikap na iba pang at walang
maging nakitang pagsisikap
mahusay ang pagsisikap upang
ipinasa. upang mapaganda.
mapaganda.
KAGAMITANG Gumamit ng Gumamit ng Gumamit lang Isa lamang ang
PINAGKUNAN nakaraming maraming ng ilang aklat. pinagkunan ng
aklat, at iba aklat, impormasyon.
pang magasin, iba
babasahin pang
gayundin ng babasahin
kaalamang gayundin ng
mula sa kaalamang
internet. mula sa
internet.
5- Napakahusay 3- Katamtaman
4- Mahusay 2- Di- mahusay

13
PAGTATAYA

A. GAWAIN: LOOP A WORD

PANUTO: Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa Ibong Adarna at ikahon.
Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba gamit ang mga salitang nakita
sa loob ng LOOP A WORD.

A B K A T O L I S I S M O C D
E R O M A N S A F G H I J K L
M N R O P Q R N S T U V W X Y
I Z I A B C D D E F Z O R R A
N G D H I J K A L M N O P Q R
A S O P H O E N I X T U V W X
Y Z A B C D E T F G H I J K L
M N O P Q R S E D U A R D O T
U E R M I T A N Y O V W X Y Z
A B U N S O A W I T P E D R O

__________11. Ang pangunahing tauhan ay may kapangyarihang supernatural o


kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi nagagawa ng karaniwang
tao.
__________12.Ayon sa Motif at Cycle ng mga kwentong-bayan, laging ang _____
ang nagtatagumpay na makakuha ng gamot o lunas.
__________13. Ang nais ipalaganap ng mga paring Espanyol.
__________14. Ito ay isang tulang pasalaysay na naglalahad ng buhay
pakikipagsapalaran ng mga taong Maharlika.
__________15. Ayon sa kasaysayan ng Ibong Adarna, ito ang tumutulong kay Don
Juan upang magtagumpay.
__________16. Ang hari ng Inglatera na nagkasakit.
__________17. Mula sa Isang Libo’t Isang Gabi na aklat, sino ang nagkasakit?
__________18. Ito ay isang babaing lobo.
__________19. Ito ay himig na mabagal.
__________20. Ang ibon na siyang gamot o lunas sa sakit ni haring Eduardo.

14
C. Nakabubuo ng isang timeline mula sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong
Adarna. Gumawa o bumuo ng isang timeline na nagpapakita ng mga pangyayari sa
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

RUBRIK SA PAGBUO NG TIMELINE

MGA PAMANTAYAN
NAPAKAHUSA MAHUSAY KATAMTAMA KAILANGAN ISKO
Y N NG R
PAGSASANA
Y
NILALAMAN Lahat ng Walumpong Animnapung Halos lahat ng
impormasyong (80%) ng porsyento impornasyong
kinuha ay tama impormasyon (60%) ng kinuha ay
at g kinuha ay impormasyong mali.
makabuluhan tama at kinuha ay (2)
(10) makabuluhan tama at
. makabuluhan.
(8) (6)
Kaangkupan Kahanga- Mahusay ang Katamtaman Hindi angkop
ng ginamit hanga ang grapikong ang grapikong ang grapikong
na grapikong grapikong pantulong na pantulong na pantulong na
pantulong pantulong na ginamit sapat ginamit sapat ginamit kaya’t
gyundin ang ginamit sapat upang upang nahirapang
paraan ng upang madaling madaling maunawaan
pagkakalaha madaling maunawaan maunawaan ang mensahe.
d ng mga maintindihan o ang ang mensahe. (1)
ideya maunawaan mensahe. (2)
ang mensahe. (4)
(6)
KASININGA Kitang-kita ang Kita ang Bahagyang Hindi Nakita
N kalinisan at kalinisan at Nakita ang ang kalinisan
kaayusan ng kaayusan ng kalinisan at at kaayusan
timeline na timeline na kaayusan ng ng timeline
ginawa. ginawa. timeline na na ginawa.
(4) (3) ginawa. (1)
(2)

15
SANGGUNIAN

1. Garcia, Hilda N.,and Maria J. Teresa.2011.


Ibong Adarna (Sa Makabagong Pananaw).
Tarlac City: Books on Wheels Enterprises.

2. Julian, Ailene G.,Nestor S. Lontoc.,and Carmela H. Esguerra.2014.


Pinagyamang Pluma 7.Quezon City: Phoenix Publishing House.

3. www.academia.edu/35321434/85747538

16
SUSI SA PAGWAWASTO

PAGSASANAY

GAWAIN A GAWAIN B. TAMA O MALI


1. A 1. MALI 6. TAMA
2. C 2. TAMA 7. TAMA
3.B 3. TAMA 8.MALI
4.A 4. MALI 9. TAMA
5. B 5. TAMA 10. MALI

GAWAIN C
Maaaring iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral.

PAGTATAYA

A. LOOP- A- WORD

K A T O L I S I S M O
R O M A N S A
R N
I I D Z O R R A
N D A
A O P H O E N I X
T
E D U A R D O
E R M I T A N Y O
B U N S O

11. Korido
12. Bunso
13. Katolisismo
14. Romansa
15. Ermitanyo
16. Eduardo
17. Ina
18. Zorra
19. Andante
20. Phoenix

B. Maaaring iba-iba ang kasagutan ng mga mag-aaral.

17
18

You might also like