Panuto: Sagutin ang mga katanungan ng 2-3 pangungusap lamang.
Mga Tanong:
1. Ano ang mga mahahalagang mensahe na ipinararating ng bawat
patalastas? Ipaliwanag.
Sa unang patalastas, ito ay nagpaparating sa atin ng mensahe ukol sa hirap
ng buhay. Ngunit, na kahit sa kabila ng kahirapan ay marami pa rin tayong rason upang magkamit ng kaligayahan, lalo na sa pamamagitan ng pananampalataya, pagtya-tyaga at pagmamahalan. Samantala, sa pangalawang patalastas naman ay nagpapahiwatig sa atin ng mensahe ukol sa kahalagahan ng pagsasama - sama ng pamilya sa hapagkainan upang magkaroon ng komunikasyon. Ito rin ay nagbibigay mensahe patungkol sa teenage pregnancy. Sa huling patalastas, ito naman ay nagpapahiwatig sa atin patungkol sa kahalagahan ng paniniwala sa isang bagay upang makamit ito.
2. Paano mo maiuugnay ang mga sitwasyon sa patalastas sa sitwasyon
na mayroon ang pamilyang Pilipino sa kasalukuyan?
Akin itong maiuugnay sa pamamagitan ng ibang mga pamilyang Pilipino na
kapos sa salapi. Ang iba naman ay tumutukoy sa mga pamilyang Pilipino na mayroong sapat na komunikasyon. 3. Bakit mahalagang maitaguyod ang edukasyon ng mga kasapi ng
pamilya?
Para sa akin, tunay na mahalagang maitaguyod ang edukasyon ng mga
kasapi ng pamilya. Sapagkat, sa pamamagitan nito ay mas mapapaunlad ang bawat kasapi at mas mabilis na makakamit ang tagumpay.
4. Bakit mahalagang maturuan at magabayan ang mga bata sa
kanilang mga pagpapasya?
Upang magabayan sila patungo sa tamang landas. Karagdagan, mahalaga
rin ito upang magbigay suhestiyon sa anak ukol sa tamang pagpapasya.
5. Bakit mahalagang mahubog ang pananampalataya ng isang bata?
Mahalagang mahubog ang pananampalataya ng isang bata.
Sapagkat, sa pamamagitan nito ay mas magagabayan tayo ng Maykapal sa araw - araw.