Epp - Tle Learning Zip Pag-Aalaga NG Sariling Kasuotan Epp - Tle Learning Zip Mga Kagamitan Sa Pananahi Sa Kamay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Elementary

Elementary
Baitang
Baitang44

EPP- Sining
EPP – Sining Pantahanan
Pantahanan

EPP
EPP –– TLE
TLE LEARNING
LEARNING ZIP
ZIP
Unang Linggo
Ikalawang Linggo

Mga Kagamitan
Pag-aalaga ngsaSariling
Pananahi
sa Kamay
Kasuotan

Baitang 4 - Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan - Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay
(EPPHE4-Ob-3)
EPP – Sining Pantahanan - Baitang 4
EPP-TLE Learning Zip
Mga Kagamitan sa Pananahi sa Kamay
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang EPP-TLE Learning Zip o anumang bahagi nito ay inilathala upang


gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng
Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay higit na
ipinagbabawal.

Development Team of the EPP-TLE Learning Zip


Authors/Writers: Cherry P. Aritalla, Ariane Grace P. Copita
Dorothy Joy D. Gallo, Herma F. Azucena
Johna N. Noble

Illustrators: Rho Sablon, Francis P. Caro

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor


Cherry P. Aritalla

Division Quality Assurance Team:


Lilibeth E. Larupay, Abraham P. Imas
Remia D. Manejero, Armand Glenn S. Lapor, Rustom C. Plomillo

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Abraham P. Imas, Remia D. Manejero

Baitang 4 - Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan - Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay
(EPPHE4-Ob-3)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang EPP-TLE Baitang 4.

Ang EPP-TLE Learning Zip ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at


sinuri ng mga edukador mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo upang gabayan ang mga mag-aaral, at mga gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng EPP-TLE Learning Zip na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang.din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa learning facilitator:

Ang EPP-TLE Learning Zip na ito ay ginawa upang matugunan ang


kasalukuyang pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng
mga guro, tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano
pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain sa Learning Zip na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang EPP-TLE Learning Zip ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng
kalayaan na pag-aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob dito. Basahin
at unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Baitang 4 - Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan - Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay
(EPPHE4-Ob-3)
MGA KAGAMITAN SA PANANAHI SA KAMAY

Sa araling ito, matututuhan mo ang mga kagamitan sa pananahi sa kamay at


kung paano ito gagamitin (EPPHE4-0b-3). Ang pananahi ay isa sa mga kasanayan
na dapat mong matutuhan. Ito ay makatutulong at mapagagaan ang mga gawain at
mabawasan ang gastusin sa loob ng tahanan. Pero bago manahi dapat ay kilalanin
muna ang mga kagamitan at ang mga gamit nito. Dapat gamitin ito ng may pag-
iingat.

SURIIN MULI ANG KAALAMAN

Panuto: Tingnan at suriin ang larawan. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Isulat ang sagot sa hiwalay na sagutang papel.

Mga Tanong:
1. Ano ang ginagawa ng bata?
2. Marunong ka bang manahi gamit ang iyong mga kamay?
3. Gusto mo bang malaman kung paano ang pagtahi gamit ang kamay?
Bakit?

Baitang 4 - Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan - Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay
(EPPHE4-Ob-3)
ALAMIN AT MATUTO

Ang pagkukumpuni sa mga simpleng sira ng damit ay kayang-kayang gawin


ng isang batang tulad mo. Matutuhan mo ngayon ang pag-aayos ng damit mong
napunit o nasira, Gagawin mo ito sa pamamagitan ng pananahi. Maaaring wala
kayong pantahi na makina sa bahay kaya’t maaari mo itong ayusin sa pamamagitan
ng pagtahi gamit ang iyong kamay. Mahalaga na matutuhan mo muna ang iba’t
ibang kagamitang pantahi gamit ang kamay at kung paano ito gagamitin.

Mga Kagamitan sa Pananahi

- Ito ay maaaring kahon, lata o basket na may katamtamang


laki, sapat na lalagyan ng mga gamit panahi, higit na
mainam kung ito ay may takip. Maaaring may partisyon ito
para sa bawat uri ng kagamitan.
kahong panahian
o sewing box

- Ito ay ginagamit sa pagkuha ng sukat ng katawan at tela.


Yari ito sa makitid at matibay na tela o plastik. May haba
itong humigit-kumulang sa 60 pulgada.
medida

- Ito ay panggupit ng sinulid at tela na hindi hahaba sa anim


na pulgada at panggupit din ng maninipis na tela. May
haba itong anim na pulgada o higit pa. Ginagamit din itong
panggupit ng makakapal na tela tulad ng maong at
kurduroy.
gunting

- Ang karayom ay manipis na metal na may sukat na


dalawang pulgada. May butas ito sa dulo na pinagsusuotan
ng sinulid. May tatlong uri ito: sharp, crewel, at between.
karayom

- Ang sinulid ay manipis na hibla o pising ginagamit sa


pananahi gamit ang karayom.May iba’t ibang uri ng sinulid
gaya ng nylon, koton at linen. Dapat magkasingkulay ang
sinulid at tela o damit sa tinatahi.
sinulid

Baitang 4 - Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan - Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay
(EPPHE4-Ob-3)
- Ito ay maaaring kahon, lata o basket na may katamtamang
laki, sapat na lalagyan ng mga gamit panahi, higit na
mainam kung ito ay may takip. Maaaring may partisyon ito
para sa bawat uri ng kagamitan.
aspili

- Ang didal ay ginagamit na pananggalang sa daliri upang


hindi ito matusok ng karayom. Kadalasang gawa ito sa
lata, metal, aluminyo o plastik. Isinusuot ito sa
panggitnang daliri.
didal

- Ito ay mga pangmarka ng tahi at lupi. Ito’y kulay dalandan


na may anyong lapis, pakuwadrado o tatsulok. Kakaiba ito
sa karaniwang pangguhit sapagkat ang marka nito’y
madaling maalis sa pamamagitan ng paglalaba.

tailor’s chalk

- Tusukan ito ng mga karayom at aspile kapag hindi


ginagamit ang mga ito. May ibat’ ibang hugis ang pin
cushion at maaaring gawa sa mga piraso ng iba’t ibang uri
ng tela.
emery bag

- Panlinis o pantanggal ng kalawang ng karayom at aspile


ang emery bag. Ang laman nito ay maaaring buhangin o
pinong basag na pinggan.

pin cushion

Baitang 4 - Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan - Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay
(EPPHE4-Ob-3)
LINANGIN ANG PAGKATUTO

Panuto: Ang mga kagamitang ginagamit sa pananahi sa kamay ay makikita sa


word search puzzle. Hanaping mabuti ang bawat salita at isulat ito sa
hiwalay na sagutang papel.

P S I N U L I D O D E P
O K N L Z X C K L I M A
K A R A Y O M B I D E D
M M K R L V B X D A G I
A B A A S P I L E L A H
S A A P S Y G Z X T B N
A T U N P L O A B S Y P
D A Y U L U P M L B R A
I G U N T I N G K M E I
D E N A E T Q S X R M I
E T T O P S M A O N E P
M I P I N C U S H I O N

1. _________________ 5. __________________

2. _________________ 6. __________________

3. _________________ 7. __________________

4. _________________ 8. __________________

TANDAAN

May mga kagamitan sa pananahi sa kamay. Ang bawat isa nito ay may angkop
na gamit.
Dapat din tandaan kung paano ang mga ito itatago sa tamang paraan upang
magamit sa oras na kailangan.

Baitang 4 - Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan - Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay
(EPPHE4-Ob-3)
SUBUKAN ANG NATUTUHAN

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangugusap. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na sagutang papel.

1. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng tela.


A. didal C. gunting
B. medida D. emery bag

2. Ginagamit ito sa paggupit ng tela.


A. didal C. gunting
B. medida D. emery bag

3. Ito ay panlinis o pantanggal ng kalawang ng karayom.


A. didal C. sinulid
B. aspili D. emery bag

4. Upang hindi matusok ang daliri, inilalagay mo ito sa iyong gitnang daliri.
A. didal C. gunting
B. medida D. emery bag

5. Itinutusok dito ang karayom kapag hindi ginagamit upang hindi kalawangin.
A. didal C. pin cushion
B. emery bag D. sewing box

Gawain 2
Panuto: Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang
sagot. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

Hanay A Hanay B

___________ 1. panggupit ng tela a. didal

___________ 2. itinutusok dito ang karayom b. sinulid


kapag hindi ginagamit
c. gunting
___________ 3. pananggalang sa daliri
upang hindi matusok d. medida

___________ 4. gamit sa pagkuha ng sukat e. emery bag


ng katawan at tela
f. pin cushion
___________ 5. panlinis ng karayom at aspile

Baitang 4 - Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan - Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay
(EPPHE4-Ob-3)
Mga Sanggunian:

Batayang Aklat sa EPP 4 LM pp. 227 - 231


Paghahanda sa Pamumuhay 4 pp. 41 - 43
Mga Gawain sa pagpapaunlad ng Buhay 4 pp. 23 - 27

SUSI SA PAGWAWASTO
EPP 4 - Sining Pantahanan - Ikalawang Linggo

5. E 5. C
4. D 4. A
3. A 3. D
2. F 2. C
1. C 1. B
Gawain 2 Gawain 1
SUBUKAN AT NATUTUHAN

( sa kahit anong pagkakasunod-sunod)


4. __ASPILE__________ 8. ___PIN CUSHION____
3. __SINULID_________ 7. ___EMERY BAG_____
2. __KARAYOM_______ 6. ___DIDAL__________
1. __GUNTING _______ 5. ___MEDIDA________

LINANGIN ANG PAGKATUTO


3.
2. marami ang posibleng sagot
1.
SURIIN MULI ANG KAALAMAN

Baitang 4 - Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan - Sining Pantahanan


Kompetensi: 1.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay
(EPPHE4-Ob-3)
Baitang 4 - Edukasyong Pantahahan at Pangkabuhayan - Sining Pantahanan
Kompetensi: 1.1 Nasasabi ang gamit ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay
(EPPHE4-Ob-3)

You might also like