Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Rhobz Joseph P.

Cardenas V-Jasper Filipino

Talambuhay - Talambuhay ay ang pagsasalaysay tungkol sa kwento ng buhay ng isang tao. Saklaw ng
talambuhay ang kapanganakan, pamilya, pagkabata, kumusta ang kanyang pagbibinata, pag-aaral, propesyon,
mga kaugnay na gawa, katangian ng kanyang pagkatao, kung minsan isang maikling buod ng oras kung saan siya
nabuhay o nabuhay,at ang kanyang pang-adultong buhay.

Halimbawa:

Ako si Jose Delatore, isinilang ako sa Bayan ng Calamba Laguna.Noong June 30,1982.Tatlong taong gulang
palang ako ay marunong na akong umawit kaya naman tuwang tuwa sa akin ang aking mga nakatatandang
kapatid. Ang aking mga magulang ay sina Santiago Delatore at Salome Rivera.ang aking ama ay simpleng
magsasaka lamang at ang aking ina ay sa bahay lamang nag aaskikaso sa aming 6 na magkakapatid. Nag-aral ako
ng Elementarya sa Bagong Bayan Elementary School sa Calamba, noong High School ay mapalad akong nakapag
aral sa isang Pribadong eskwelahan n gaming bayan sapagkat nakapasa akong scholar libre ang aking matrikula
at iba pang gastusin sa aking paaralan pinaghusay ko ang aking pag-aaral bukod doon sumasali din ako ng ibat-
ibang patimpalak sa aming eskwelahan katulad ng pahusayan sa pag-awit at pagsayaw sumali rin ako sa
pahusayan sa paggawa ng tula at nakamit ko ang unang pwesto ng pagkapanalo.

Isa ako sa pinakamamahusay na mag aaral sa aming eskwelahan sa katunayan ay nagtapos ako ng high school sa
aming eskwelahan na mayroong mataas na karangalan.Nagdadalawang isip ako na ipagpatuloy ang pag-aaral sa
koloheyo sapagkat kapos kami sa pinansyal.Dahil mataas ang aking marka kumuha ako ng pagsusulit para
maging scholar maswerte ako dahil muli ay nakapasa ako, Tuwang tuwa ang aking mga magulang dahil
makakapag aral ako ng koleheyo ng libre.

Nag aral ako sa Unibersidad ng Santo Tomas Batangas, natapos ko ang kursong Bachelor of Elementary
Education noong Marso 15,2004. Agad akong kumuha ng board exam at sa unang subok ko ay nakapasa agad
ako. Sa wakas ay matutulungan ko narin ang aking mga magulang nagturo ako sa eskwelahang pinag aralan ko
noong elementarya masayang masaya ang mga dati kong guro doon sapagkat ang dati nilang estudyante ay
kasama na nilang magtuturo sa mga bata sa aming eskwelahan.

Lagi kong sinasabi sa aking mga estudyante na walang imposible kung gusto mong abutin ang iyong mga
pangarap basta magsikap lamang. Sa ngayon ay kumukuha ako ng aking Masteral sa UP Los Banos at isang taon
na lamang ay matatapos ko na ito. Ikinasal kami ng aking asawa noong April 22, 2011 at biniyayaan kami ng
dalawang anak na sina Maricel Delatore at Anthony Delatore ang aking magandang may bahay bagamat
nakapag tapos din ng koleheyo ay mas piniling mag negosyo sa ngayon ay nagpapatakbo siya ng aming
negosyong Hardware.
Rhobz Joseph P. Cardenas V - Jasper Filipino

Anekdota - maikling salaysay ng natatangi at kawili-wiling pangyayari, karaniwan sa búhay ng kilalá o


dakilang tao, at maaaring tunay na nangyari o hindi. Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang
makapaghatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung
ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

Halimbawa:

BUHAY NI RIZAL
Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon
lamang. Sinabi niya sa aming ina na nais niyang matutong bumasa ng abakada.
Datapuwa’t ang tugon ni Ina’y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong
hangarin. Si Pepe’y nagpumilit kaya’t sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa’titik.
Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong.
Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin.
Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni
Pepe.
Rhobz Joseph P. Cardenas V – Jasper Filipino

Tula - Ang Tula o “poem” sa wikang Ingles ay isang anyo ng panitikan nag nagpapahayag ng ideya o
kaisipan ng manunulat gamit ang matalinhagang salita. Ito ay binubuo ng mga saknong at taludtod.

Halimbawa:
Aking Ulap

Lunday ka ng aking sanlibong pangarap,


Sa dagat na langit ay lalayag-layag;
Sa lundo ng iyong dibdib na busilak,
May buhay ang aking nalantang bulaklak.

Kung nagduruyan ka sa rurok ng langit,


Kalaro ng aking mga panaginip,
Ang lupang tuntunga’y di na naiisip,
Nalilipat ako sa ibang daigdig.

Isakay mo ako, oh Ulap kong giliw,


Ibig kong mahagkan ang mga bituin;
Ang lihim ng araw at buwang maningning,
Ibig ko rin sanang malama’t malining.
Rhobz Joseph P. Cardenas V – Jasper Filipino

Taalarawan - Ang talaarawan ay kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na


nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw, na sumusunod sa porma ng kalendaryo.

Halimbawa:

Hunyo 19, 2019 Pinag-aralan namin kanina ang talambuhay ni si Dr. Jose Rizal. Lahat kami ay tahimik
na nakikinig sa aming guro at aktibo sa aming talakayan. Lubos akong humanga kay Dr. Jose Rizal. Ang
taglay niyang talino at galing sa maraming bagay ay talagang pambihira. Gusto ko rin maging
manunulat kagaya niya. Tinalakay rin namin kung paano ipinakita ni Dr. Jose Rizal ang pagmamahal sa
ating bayan maging ang kanyang ang mga nobelang isinulat niya. Sana ay marami pang Pilipinong
kagaya niya na ating maipagmamalaki at magtatanggol sa ating bansa.
Rhobz Joseph P. Cardenas V – Jasper Filipino

Alamat - Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung saan tinatalakay ang
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwentong bayan na karaniwang nagpapaliwanag
kung saan nanggaling ang isang bagay. Ito ay mga kathang-isip na nagpasalin-salin sa mga henerasyon
kung kaya’t ito ay buhay na buhay pa rin hanggang ngayon.

Halimbawa:

Buod ng Alamat ni Maria Makiling


Si Maria ay kaisang-isang anak nina Dayang Makiling at Gat Panahon, na para-parang bathala o
engkantado kung sa ngayong pakahulugan. Tanging-tanging mutya ang nabanggit na lakambini sa
kanilang tahanan pagka’t siyay’y bugtong na aliw ng kanyang ama’t ina. Siya ang liwanag ng kanilang
paningin; siya ang galak ng kanilang puso; anupa’t sa biglang pangungusap, siya ang kayamanang
impok ng kanilang buhay. Sa kanilang katandaan, si Maria ang bango at kulay ng mga araw nilang unti-
unting nawawalan ng sigla’t lakas.
Si Maria’y hindi taga-lupa, bagama’t siya’y nakiki-ulayaw sa madlang kinapal. Gaya na nga ng aking
nasabi, nang panahong yao’y maaaring makipag-usap ang mga tao sa bathala; maaari silang magkatabi
sa lilim ng isang punungkahoy. Maaaring patulong sa kanila ang isang nilikhang nasa kagipitan, at ang
mga ito naman, kung sadyang taimtim sa loob ang paghiling, ay hindi nagmamaramot. Kung ang pastol
ay humihihip ng subing o plauta habang siya’y nagpapalipas ng maligayang sandali sa piling ng mga
binabantayang hayop, sa kaginsa-ginsa’y susulpot nalamang sa kanyang harap ang isang nimpang lipos
ng alindog upang makinig at makihati sa kaligayahan.
Naging ugali na ni Maria, sa araw-araw halos, ang lumuwas sa bayan at mamili sa talipapa. Kaparis ng
ibang babae, siya’y nakasuot ng sutlang kung minsa’y may burdang bulaklak at malalapad ang guhit na
siyang kinaugalian nang panahong yaon. Ang kanyang maitim at malagong buhok na kung ilugay ay
abot hanggang sakong ay may pahiyas na sariwang bulaklak-suha. Sa kanyang dibdib ay nakayakap ang
mabangong kuwintas ng ilang-ilang. Magiliw siyang mangusap at lipos ng galang. Mahinhing kumilos na
wari bang nahihiya. Bakit ang hawas niyang mukha’y salamin ng kagandahan. Bakit ang kanyang mga
mata’y sakdal nang aamo. Maging ang kanyang kapwa babae’y naakit bumati sa kanya. Ang mga
maginoo, sa kanya’y nagyuyuko ng ulo.
Si Maria’y laging may kasamang dalawang ita sa kanyang pamimili. Ang mga nasabing utusan ay hindi
lumalayo sa likod ng kanilang panginoon. Sa kanilang dalang buslo ay maliwanag na mapapansin ang
mga luyang kulay-ginto na pinamamalit ni Maria. Nang panahong yao’y walang kuwartang katulad
ngayon na ating ibinibili ng kailangan. Noon, sa halip na bili ay palitan ang palakad ng bawa’t tao. Doon
nga sa talipapa nagtutungo ang may kailangan. Sari-saring bagay ang matatagpuan doon. Mga
pinatuyong balat ng hayop na may magagandang balahibo. Mga banig na yari sa buli’t sa pandang may
kulay salit-salit. Mga sutlang habi na may malalapad na guhit ay may patak-patak. At kung anu-ano
pang kagamitan sa loob ng bahay ang paninda roon.
May tanging araw na tinatawag nilang pagpapalitan. Sa araw na yaon lumuluwas sa bayan ang
maraming tao upang makipamalit. Palibhasa’y hindi luyang talaga ang ipinamamalit ni Maria, kundi
tunay na luyang ginto, kung kaya marami ang nagbibili sa kanya ng iba’t ibang lako. Nagkataon namang
sa araw na yao’y namamalit si Gat Dula. Bukod sa kanyang ilang kawal na lingkod na kasama’y may
kasama pa siyang mga dugong-mahal. Si Gat Dula ay taga-Bai, kaya sa kanilang pagtungo sa bayan ng
Makiling ay kinailangan nilang gumamit ng malaking bangka. May kalayuan ang agwat ng dalawang
bayang nabanggit. Kaya kung sa mga kangga sila sasakay na hila ng mga kalabaw ay tatanghaliin sila ng
pagdating.
Nawiwili ang lahat sa pagpapalitan ng kanilang dala-dalahan. Kasingkapal ng mga paninda ang tao sa
talipapa. Karaniwan nang dayuhin ang tanging araw ng pamamalitang ukol sa bawat pook. Kaya bukod
sa mga sadyang tubo sa Makiling ay may ibang mukhang mapapansin doong nangangalakal. Kabilang
sa mga lipingmahal na namamalit ay si Gat Dulang nagpapalipas lamang ng maligayang sandali sa
talipapa. Nagkataon namang nagkasabay ng padampot sina Maria at Gat Dula sa kanilang binibiling
balat ng hayop na may magagandang balahibo. Sa gayong pagkakasabay ay nagkabunggo ang kanilang
mga balikat, at nagkatama ang kanilang mga mata. Gaanong pagtataka noon ang naghari. Lalo na nang
sa di sinasadya’y nahawakan ni Gat Dula ang malasutlang daliri ng dalaga. Sandali silang nagkatinginan.
Subalit sa taglay na kayumian ni Maria’y nagyuko ng ulo ang makisig na Gat tanda ng paggalang at
paghingi ng paumanhin. Bago sila nagkalayo’y isang mahiyaing ngiti ang naitugon ng lakambini sa
mapakumbabang ‘patawad po’ ng binata.

Buhat noo’y naging malimit ang pagdalaw ni Gat Dula sa Makiling. Subali’t mula rin noo’y hindi na niya
napagmalas ang maalindog na katauhan ni Maria. Hanggang noong makalipas ang ilang panahonng
pamumulaklak ng suha, ay saka lamang niya muling napalarang mamasdan sa dating talipapaang
luwalhating bumihag sa kanyang pihikang pag-ibig. Gaanong galak niya, at tuloy na ibulong sa kanyang
loob: “Ang tiniis kong hirap nang nagdaang mga araw, marahil ngayo’y malulunasan na.” Banayad
siyang lumapit kay Maria, at nagbigay-galang. Walang kasintamis na ngiti ang isinagot naman sa kanya.
Buhat noo’y naging matalik na silang magkakilala hanggang sa nakaraan ang ilang pagbibilog ng buwan.
Sa isang tabi ng batis na umaaliw-iw sa loob ng gubat ay nahiwatigan nilang sa ubod ng puso’y may
tinitimpi silang pagmamahal. Ito’y naramdaman nila nang magtamang matagal ang kanilang mga
paningin, at hindi maibuka ng kanilang labi ang binibigkas ng dibdib. Sa gayong lihim na pag-iibigan ay
nagkayakap ang dati’y magkalayong langit at lupa. Nguni’t ang gayong pagsusuyuan, sa nilakadlakad ng
mga araw ay hindi nalihim sa kaalaman ng ama ni Maria.
Sabihin pa ang galit ni Gat Panahon; halos mayanig ang buong lawa nga Bai. Gaanong damdamin ang
nilasap ni Dayang Makiling, buhat nang matantong ang bugtong na anak niya’y may kasuyong taga-
lupa. Ang puso ng ina, palibhasa’y kadluan ng awa, kung kaya di nakatiis na tanungin si Maria. Madali’t
salita, dahil sa malabis na pagmamahal ng magulang ay pinagbawalan ang kanilang anak. Sapul noon,
hindi na nakapanaog sa lupa si Maria. Pinutol ni Gat Panahon ang pagtungu-tungo ni Maria sa talipapa.
Binawi sa kanya ng nagmamalasakit na magulang ang engkanto ng pagiging tunay na kinapal: yaon ang
pinagmulan tuloy ng pagkakahiwalay ng mga bathala at madlang tao.
Subalit kung umibig si Maria’y minsan lamang, at walang kasindakila. Kung siya ma’y hindi na
nakapapanaog sa lupa dahil sa wala na siyang kapangyarihang makihalubilo sa madlang kinapal, sa
alaala ni Gat Dula’y hindi nagkukulang ang kanyang pagdalaw. Naroong kung minsa’y pamalas siya sa
sandaling nag-iisa ang mabunying Gat, ngunit pag nilapitan nito upang yakapin ay bigla siyang
naglalaho. Naroong umawit siya nang lubhang matimyas kung nangungulila si Gat Dula ngutnit pag
hinanap nito kung saan nanggaling ang tinig ay hindi naman malaman. Anupat ang lahat sa binta’y
parang panaginip. Walang kasingwagas naman ang pagmamahal ni Gat Dula kay Maria. Ang lahat ng
pook at nayong niyapakan ni Maria, maging ang tabing-batis na madalas nilang pagtagpuan, ay hindi
nakaliligtaang dalawin.
Nang panahong yao’y malimit ang pakikipagdigma ng mga bayan sa kapwa-bayan. Di kataka-takang
lusubin ni Lakan Bunto ang kaharian ng Bai na sakop ni Gat Dula. Subali’t kung ilang kaharian na ang
nakikipaghamok sa matapang na Gat, maano man lamang na mapipilan siya o kaya’y masugatan. Ang
dahilan ay sapagkat siya’y tinangkilik ng engkanto ni Maria. Ang adhikaing pag-ibig ng paraluman ay
nagiging baluti at kalasag ng mabunying Gat. Marami na siyang napasukong kaharian; marami na
siyang napagtagumpayang tabak, ngunit ang hindi lamang niya napasusuko’t napagwawagihan ay ang
kamandag ng pangungulila sa pag-ibig. Yaon ang dahilan ng kanyang pagkakasakit, hanggang sa siya’y
naputulan ng hininga.
Ang sabi ng alamat, hinihiling ni Maria sa Bathalang Maykapal na ang kaluluwa ng kanyang irog ay
ibigay sa kanya. Noo’y yumao narin ang kanyang mga magulang kaya’t sang-ayon sa sabi sina Maria at
Gat Dula ang nag-uwi sa naiwang kayamanan at lupain. Subali’t hindi nalilimot ni Maria ang
pagkamasintahin ng kanyang inang si Dayang Makiling sa lahat ng nasasakupan. Ang pag kamahabagin
ni Dayang ay minana ni Maria sa kanyang puso. Sa bawat bakuran ng bahay ng kanyang mga sakop,
gaya rin nang dating ginagawa ng kanyang yumaong ina, ay ibinubudbud niya ang mga luyang ginto.
Ang sinumang ikakasal sa walang magamit na magarang kasuutan ay hinahandugan niya. Ang isang
mag-anak na maghahanda, ngunit walang magamit na kasangkapan ay kanyang pinahihiram. Ang lahat
nang daing at kahilingan ng kanyang mga sakop ay tinutugon niya ng mapagpalang kandili.
Ngunit ang gayong malimit na pagpapahiram ay madalas magbunga ng di-mabuti. Ang karamihan sa
tinatangkilik ni Maria’y di-marunong tumingin ng utang na loob. Hanggang sa wakas ay nakaisip ang
ibang mag-imbot sa di nila pag-aari. Ang mga kasangkapang ipinahiram sa kanila ni Maria, palibhasa’y
pawang ginto, kung kaya tikis nilang hindi ibinabalik. Bakit ang sama’y hindi lamang inaaangkin yaon ng
iba, kundi ipinagpapalit pa sa mataas na halaga sa mga taga-ibang bayan. Sa gayon nang gayo’y
nayamot si Maria. Tuloy nawika sa sariling, “nag-iba na ang panahon.”
Kaya pati pahintulot na iginawad niya upang malayang makapanguha ang sinuman ng madlang
bungang kahoy sa gubat ay kanyang binawi. Dahil sa pagmamalupit ng tao sa hayop ay ipinagbawal din
niya ang pangangaso, ang paninilo ng mga manok-labuyo, at pamamana ng mga ibon. Kung ang
kanyang utos ay sinusuway ng sinuman, ang ginagawa ni Maria’y pinagdidilim ang panahon at
pinabubuho ang malakas na ulan; pinagugulong niya ng malalaking tipak na bato sa bundok, hinahagkis
niya ng baliti ang pinawalang mababangis na kalabaw at nang manugis at lumikha ng matinding kidlat.
Ang mga yao’y panakot lamang naman ni Maria upang ang mga mangangasong gumagambalang
malabis sa katahimikan ng sakop niyang kagubatan ay magsilayo at umalis

You might also like