Pananaliksik Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pananaliksik

Tekstong Impormatibo –Ang Tekstong Impormatibo ay isang uri ng babasahing di pikson. Ito ay naglalayong magbigay
ng impormasyon o magpapaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa. Hindi nakabase sa kanyang
sariling opinion kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.
Karaniwang may malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat o kaya’y nagsasagawa siya ng panaliksik at pag-aaral
ukol dito. Ang tekstong impomatibo at karaniwang makkikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, sa mga
pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia, gayundin sa iba’t ibang web site sa Internet.
Elemento ng Tekstong Impormatibo

Layunin ng may akda –Ibat’t iba ang layunin ng may akda. Maaaring layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang
paksa; maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo; magsaliksik;
Gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon.
Pangunahing Ideya – Sa tekstong impormatibo ay dagliang inilahad ang mga pangunahing ideya ng mambabasa. Nagagawa ito
sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi –tinatawag din itong oraganizational markers na nakakatulong upang
agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin. Pantulong na
Kaisipan –Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na kaisapan o mga detalye upang makatulong mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin


● Paggamit ng mga nakalarawang representasyon –makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram,
tsart, talahanayan, time line, at iba pa upang higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong
impormatibo.
● Pagbibigay-diin sa mahalagang salita sa teksto –nagagamit dito ang mga estilong tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakalihis, nakasalungguhit, o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang
binibigyang-diin sa babasahin.
● Pagsulat ng mga talasanggunian –Karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat,
kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit mabigyang-diin
Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

▪ Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan –Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga totoong
pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
▪ Mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan o maari ding hindi direktag nasaksihan ng
manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan na pinatutunayan ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan
o historical account.
▪ Pag-uulat Pang-impormasyon –Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyon
patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa
paligid. Ang ilang halimbawa ay teknolihiya, global warming, cyberbullying,
▪ Pagpapaliwanag –Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanagkung paano o bakit naganap
ang isang bagay o pangayayri. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad
kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.

Subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay naglalarawan nang napakalinaw at halos madama na ng
mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang imahinasyon at hindi ito nakabatay sa isang
katotohanan sa totoong buhay.

Obhetibo ito naman ay paglalarawan na kung saan kailangan ng patunay o dapat ay makatotohanan.

Tekstong Deskriptibo –Ang Tekstong Deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit
kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa
halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang
paglalarawan sa tekstong deskriptibo. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa
imahinasyon ng mambabasa.

Karaniwang Bahagi lang ng Ibang Teksto ang Tekstong Deskriptibo


Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba pang uri ng
teksto. Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto ng
partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang
damdamin, ang tono ng pagsasalaysay at iba pa.

Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal sa Pagsulat ng Tesktong Deskriptibo


Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng
teksto o kaya’y maging mas malinaw ang anumang uri ng tekstong susulatin, kinakailangan ang paggamit ng mga
cohesive device o kohesyong gramatikal.

1. Reperensiya (Reference) – Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng
paksang pinag-uusapan sa pangungusanp.

Halimbawa:
● ANAPORA
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
(Ang ito sa ikalawang pangungusap ay tumutukoy sa aso na nasa unang pangungusap.
Kailangang balikan ang unang pangungusap upang malaman ang tinutukoy ng panghalip na
ito.)
● KATAPORA
Siya ang nagbibigay sa kin ng inspirasyong bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi.
Ang matamis niyang ngiti at mainit na yakap sa king pagdating ay sapat para mapawi sa
kapaguran hindi lang ang aking katawan kundi ng aking puso at damdamin. Siya si Bella, ang
bunso kong kapatid na magiisang taon pa lamang.
(Ang siya sa unang pangungusap ay tumutukoy kay Bella, ang bunsong kapatid. Malalaman
lamang kung sino ang tinutukoy ng siya o niya kapag ipinagpapatuloy ang Pagbasa.)

2. Substitusy (Substitution)–Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
Halimbawa: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.
(Ang salitang aklat sa unang pangungusap ay napalitan ng salitang bago sa ikalawang
pangungusap. Ang dalawang salita’y parehong tumutukoy sa iisang bagay, ang aklat.)

3. Ellipsis – May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw
pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang pahayag para matukoy ang nais
ipahiwatig ng nawalang salita.
Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y tatlo.
(Nawala ang salitang bumili gayundin ang salitang aklat para sa bahagi ni Rina subalit
naiintindihan pa rin ng mambabasa na tulad ni Gina siya’y bumili rin ng tatlong aklat dahil
nakalahad na ito sa unang bahagi.)

4. Pang-ugnay – Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay, parirala, at
pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na nauunwaan ng mambabasa o tagapakinig
ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.
Halimbawa: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa anak at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5. Kohesyong Leksikal –Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Maaari
itong nauri sa dalawa: ang reitarasyon at ang kolokasyon
a. Reiterasyon –Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses. Maaari itong mauri
sa tatlo:
(1) Pag-ulit o repetisyon –Maraming bata ang hindi nakakapasok sa paaralan. Ang
mga batang ito ay nagtratrabaho na sa murang gulang pa lang.
(2) Pag-iisa-isa –Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito
ay talong, sitaw, kalabasa, at ampalaya.
(3) Pagbibigay-kahulugan –Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa
mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naiinsantabi kapalit ng
ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
b. Kolokasyon –Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t
isa kaya’t kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaaring magkapareha o maaari ding
magkasalungat.
Halimbawa:
● nanay – tatay, guro – mag-aaral, hilaga –timong, doctor –pasyente
● puti –itim, maliit –Malaki, mayaman –mahirap

PAGLALARAWAN SA TAUHAN
Sa paglalarawan ng tauhan, hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga detalye patungkol sa tauhan
kundi kailangang maging katotohanan din ang paglalarawan dito. Hindi sapat na sabihing “Ang aking kaibigan ay
maliit, maikli at unat ang buhok, at mahilig magsuot ng pantalong mang at putting kamiseta.” Ang ganitong
paglalarawan, bagama’t tama ang mga detalye ay hindi nagmamarka sa isipan at pandama ng mambabasa.
Katunayan, kung sakali’t isang suspek na pinaghahanap ng mga pulis ang inilalarawan ay mahihirapan silang
maghanap siya gamit lang ang naunang paglalarawan.

PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN O EMOSYON


Ang paglalarawan sa damdamin ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit sa halip na sa kanyang
panlabas na anyo o katangian ito nakapokus, ang binibigyang-diin dito’y ang kanyang damdamin o emosyong
taglay. Napakahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin ng tauhan sapagkat ito ang nagbibigay dahilan
kung bakit nagagawa ng tauhan ang kanyang ginawa.

Pagsasaad sa aktuwal na nanararanasan ng tauhan. Maaaninag ng mambabasa mula sa aktuwal na


nararanasan ng tauhan ang damdamin o emosyong taglay nito.
Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang Tonyo. Nagdidilim na kanyang paningin at
nanlalambot na ang mga tuhod sa matinding gutom na nadarama. Dalawang araw na pala nang huling
masayaran ng pagkain ang nanunuyo niyang mga labi.
● Paggamit ng diyalogo o iniisip. Maipapakita sa sinasabi o iniisip ng tauhan ang emosyon o damdaming
taglay niya.
Halimbawa: sa halip na sabihing naiinis siya sa ginawang pagsingit sa pila ng babae ay maaari itong
gamitan ng sumusunod na diyalogo:
“Ale, sa likod po ang pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa hulihan kayo pumila!”
● Pagsasaad sa ginawa ng tauhan. Sa pamamagitan ng pagsasaad sa ginawa ng tauhan, minsa’y higit pang
nauunawaan ng mambabasa ang damdamin o emosyong naghahari sa kanyang puso at isipan.
Halimbawa: “Umalis ka na!” ang mariing sabi ni Aling Lena sa asawa habang tiim-bagang na nakatingin
sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa nagpapamilit bumalong muka sa kanyang mga mata.
● Paggamit ng tayutay o matatalihagang pananalita. Ang mga tayutay at matatalinghagang pananalita ay
hindi lang nagagamit sa pagbibigay ng rikit at indayog sa tuta kundi gayundin sa prosa.
Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim na sandal sa kanyang buhay. Maging ang langit ay lumuha
sa kalungkutang dulot ng pagyao ng pinakamamahal niyang si Berta.

PAGLALARAWAN SA TAGPUAN
Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar o panahon kung kakain at
saan naganap ang akda sa paraang makakaganyak sa mga mambabasa. Sa pamamagitan ng mahusay na
paglalarawan sa tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa ng akda.
● Ano ang istura ng barong-barong at kapaligiran nito? Marumi, luma kinakalawang, gumigiray, nagkalat
ang nakaririmarim na basura, naglipana ang mga lungaw, may taglay ang nakapanlulumong kahirapan at
kapangitan.
● Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid? Sigaw ng mga inang hindi magkamayaw sa mga gawai, iyakan
ng mga batang gutom at di pa nakapag-almusal.
PAGLALARAWAN SA ISANG MAHALAGANG BAGAY
● Sa maraming pagkakataon, sa isang mahalagang bagay umiikot ang mga pangyayari sa akda at ito
rin ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan dito. Hindi sapat na maglagay lamang ng larawan ng
nasabing bagay sa pahina ng akda upang mabigyang-diin ang kahalagahan nito.
Tekstong Naratibo –Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o
tauhan, nangyayari sa isang lugar at panahon o isang tagpuan nang may maayos na pagkasunod-sunod mula simula
hanggang katapusan. Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakakapagbigay-aliw o saya. Gayundin naman, ang naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-
asal, mahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan
Ang pagsasalaysay o pagkukuwento ay karaniwang nangyayari kapag nagkikita-kita o nagsasalo na ang mga-anak o
maging ang magkakaibigan subalit minsan, ang salaysay ay hindi lang basta naibabahagi nang pasalita.
Mga Katangian ng Tekstong Naratibo

May iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo
Sa pagsasalaysay o pagkukuwentoay may mga matang tumutunghay sa mga pangyayari. Ito ang ginagamit
ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay. Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang
una at ikalong panauhan. Sa mas mahahabangnaratibo tulad ng nobela ay maaaring hindi lang iisa kundi nagbabago-
bago ang ginagamit na pananaw.
1. Unang Panauhan –Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang
nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumamit ng panghalip na ako.
2. Ikalawang Panauhan –Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa
kuwento kaya’t gumamit ng siya mga paghalip na ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong
ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
3. Ikatlong Panauhan –Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinalaysay ng isang taong walang
relasyon tauhan kaya ang paghalip ng giganamit niya pagsasalaysay ay siya.

May mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo

1. Tauhan –Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan.


a. Pangunahing Tauhan.
b. Katunggaliang Tauhan.
c. Kasamang Tauhan
d. Ang May-akda
-Tauhang Bilog (Round Character) –Isang tauhang may multidimentionsiyonal o maraming saklaw ang
personalidad.
-Tauhang Lapad (Flat Chararcter) –Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang medaling
matukoy o predictable.
2. Tagpuan at Panahon –Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saaan naganap ang mga pangyayari.
3. Banghay –Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo
upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
a. Analepsis (Flashback) –Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
b. Prolepsis (Flash-forward) –Dito nama’y ipanasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa
hinaharap.
c. Ellipsis –May mga puwang o patlang may bahagi sa pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari na
nagpapakinig may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.

You might also like