Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 7

FILIPINO 103

Retorika – Masining na Pagpapahayag

Kalikasan at Simulain ng Retorika


Maraming pagpapakahulugan ang iba’t ibang tao kung ano ang
retorika ayon sa kanilang sariling pananaw, karanasan, lawak ng
tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang kalituhan ay sinikap ng
mga manunulat na ihain sa bahaging ito ang mga baryasyon sa
depinisyon ng retorika.

1. Ito ay nagsimula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa


nangangahulugang isang guro at mananalumpati o
tagapagsalita/ orador sa isang pagpupulong. Matatandaan na
malaking papel ang ginampanan ng retorika bilang isang
mahalagang sangkap ng pagpapahayag maging sa ormal na
pananalumpati.

2. Ito’y isang bahagi o sangay ng diskurso na nauukol sa


panghihimok o persweysyon —Aristotle

3. Ito’y isang pag-aaral sa masinsinang paggamit ng lenggwahe


upang maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang
tao.

4. Ito ay nakatuon sa pagbibigay-liwanag sa mga simbolo o


lenggwaheng ginamit sa likod ng mga musika, pelikula, radio,
pahayagan at telebisyon.

5. Ito ay ang paggamit g mga simbolo na may kakayahang


pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng
ipinapahatid ng mga naturang simbolo —Kenneth Buke
6. Ito’y isang siyensya o agham ng persweysyon —Socrates

7. Ito ay tumutukoy sa pag-oorganisa ng mga salita (scheme) at


hindi literal na paggamit ng mga salita (trope) na mahalaga para
sa kalinawan, katipiran, balance at pagpapahayag ng matinding
emosyon.

8. Ang retorika ay tumutukoy sa malawak, wasto at mayamang


kaalaman sa pagpapahayag. Tumutukoy ito sa kaakit-akit ,
kaiga-igaya at magandang pagsasalita at pagsusulat. (Lorenzo,
Carmelita et. al)

9. Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa


kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan
dito ang ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at kaakit-akit
na pagpapahayag (Tumangan Sr. 13)

10. Ang retorika ay nauukol sa sining ng maganda at kaakit-akit na


pagpapahayag maging pasalita man o pasulat (Rubin, 46)

11. Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng


pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-
akit na pagsasalita at pagsulat. Kung balarila ay nauukol sa
kawastuhan— sa kaibahan ng tama sa maling pangugusap, amg
retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa,
maganda at kaakit-akit na pagpapahayag. (Sebastian 1)

12. Si Dr. Venancio L. Mendiola, sa isang pambansang seminar


tungkol sa retorika na ginanap sa PNU ay nagpahayag ng mga
sumusunod:
Anya:

a. Ayon kay Socrates (300 BC): “Ang retorika ay siyensya o


agham ng paghimok o pagpapasang-ayon.”

b. Aristotle: “Ang kakayahang maanino, mawari o makilala


sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na ng mga
paraan ng paghimok.”

c. Richard Whattley: “Ang sining ng argumento ng pagsulat.”

d. Ang retorika ay sining ng mabisang pagpili ng wika ‘pagkat


may iba’t ibang pamilian o alternatibo.

Ipinahayag pa rin ni Dr. Mendiola na ang kaayusan ng salitaay


dinidikta ng gramatika at ang pagpili ng salita ay retorika. Iniuutos
ng gramatika ang tamang paggamit ng salita upang mabuo ang
pangungusap. Iminumungkahi ng retorika ang masining na
paggamit ng mga salita upang mabuo ang pangungusap.
Iminumungkahi ng retorika ang masining na paggamit ng mga salita
upang makapaghatid ng pinakamabisang mensahe. Ang kabisaan ng
bawat kaso ay sinusukat sa labas o dating ng mensahe sa nakikinig o
nagbabasa.

Layunin ng Retorika

Hindi maikakaila na kapag tayo ay nakakatagpo o


nakaririnig ng isang taong taong mahusay magsalita ay
napapahanga niya tayo o kung hindi man ay napapatanga tayo sa
kanya at maaari ring mapatigil tayo sa ating ginagawa o sa
paglalakad. Layunin ng retorika na hikayatin ang kaniyang
tagpakinig sa pamamagitan ng masining nitong pagpapahayag. Ilan
pa sa layunin ng retorika ay ang mga sumusunod:

1. Maakit ang interes ng kausap na making sa nagsasalita.


2. Masanay sa pagsasalitang wasto ang mga ginagamit na salita at
may malinaw na bigkas.
3. Maipaunawa nang may kalinawan ang sinasabi.
4. Maitanim sa isip at damdamin ng tao o diwa ng mensahe.
5. Maipaabot ng malinaw at maisabuhay ang mensaheng
napakinggan.
6. Maging matapat at huwag tangkaing baguhin ang mga ideya.
7. Magsikap na mapag-iba-iba ang paraan ng pagpapahayag.

Kasaysayan ng Retorika

Nagsimula ang retorika bilang Sistema ng pakikipagtalo sa


isang isla sa Syracuse sa bansang Sicily noong ika-limang siglo bago
pa dumating si Cristo. Matapos bumagsak ang pamahalaang
diktatoryal, ang mga mamamayan ay binigyan ng pagkakataong
ipaglaban sa korte ang karapatan ng kanilang mga lupain na kinuka
ng mga nagdaang rehimen.

Mga Haligi sa Larangan ng Pagpapahayag

1. Corax – ang nagmungkahi kung paano nila ilalahad ang


kanilang argumento bilang batay sa limang sangkap ng
pagpapahayag:
a. Panimula o introduksyon
b. Historikal na kasaysayan na kung saan ilalahad ang
pinagmulan ng argumento
c. Ilalahad ang mga pangunahing argumento
d. Mga karagdagang argumento na makakatulong sa
pagpapatibay ng pinagtatalunan.
e. Konklusyon na bibigyan ng mahusay na solusyon sa
pinagtatalunan; na makikita sa aklat ni Badayos (2001)

2. Socrates – nagtatag ng sariling paaralang magtuturo ng istilo


ng pagtatalumpati. Binigyan niya ng kahulugan bilang isang
siyensya o agham ng panghihimok.

3. Cicero – banyagang orador ng Roma na nagsabing ang


anumang pagtalakay sa mithiin ay nakabatay sa mabuting
panlasa at pagpapasya ng mananalumpati.

4. Aristotle - lumikha siya ng ideya ng probabilidad o maaaring


mangyari sa pamamagitan ng panumbas na retorikal sa
lohikong kaisipan o ideya, ang “enthymeme” na kung saan ang
pansamantalang konklusyon ay kinuha sa medyor na batayan
na sa halip na silohismo ay magmumula sa unibersal na
katotohanan.

Mga Kanon o Batas ng Retorika

1. Imbensyon
Ito ay tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng
mga argumento na magagamit para sa isang talumpati maaaring
paraang induktibo o deduktibo. Ang induktibo ay ang pagbuo ng
pangkalahatang konklusyon mula sa partikular na linya ng
pangangatwiran. Ang deduktibo ay timutukoy sa pangangatwiran
sa pamamagitan ng paggamit ng mga analohiya o mga impormal
na anekdota.

2. Pagsasaayos
Ito ay ang proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa
pagsasaayos o pagbabalangkas ng bahagi ng isang talumpati ayos
sa sumusunod:
a. Introduksyon o Panimula
b. Narasyon o paglalahad ng mahalagang punto tungkol
sa isang isyu.
c. Paghahain ng mga patunay sa kasong tinatalakay.
d. Ang pagpapabulaan o tunggalian ng mga katuwiran.
e. Konklusyon na tumutukoy sa nabuong hinuha
matapos mailahad ang isang talumpati.

3. Istilo
Ito ay ang proseso ng masining na pagsasatitik ng mga
nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya. Nauukol ito sa
masining na pagpili ng mga salita, pagbuo ng istruktura ng mga
pangungusap, paggamit ng mga tayutay na nakadaragdag sa
kabisaan at kagandahan ng pagpapahayag.

4. Memorya
Ito ay tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o
mga mahahalagang punto ng isang talumpati upang maging
maayos ang pagbigkas nito sa harap ng publiko.

5. Deliberasyon
Tumutukoy sa aktuwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan
kinokontrol ang modulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng
mga nagkop na kumpas sa isang talumpati upang higit itong
maging mabisa.

You might also like