Parabula Alibughang Anak

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Talinghaga ng Alibughang Anak

(Lucas 15:11-32)

Sinabi niya: May isang lalaking may dalawang anak na lalaki. 12 Ang nakakabatang anak ay nagsabi sa kaniyang
11 

ama: Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng mga ari-arian na nauukol sa akin. Binahagi ng ama sa kanila ang
kaniyang kabuhayan.

Lumipas ang ilang araw, pagkatipon ng lahat ng sa kaniya, ang nakakabatang anak na lalaki ay umalis. Nagtungo
13 

siya sa isang malayong lupain at doon nilustay ang kaniyang ari-arian. Siya ay namuhay ng magulong
pamumuhay. 14 Ngunit nang magugol na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at
nagsimula siyang mangailangan. 15 Humayo siya at sumama sa isang mamamayan ng lupaing iyon. At siya ay sinugo
niya sa mga bukirin upang magpakain ng mga baboy. 16 Mahigpit niyang hinangad na kumain ng mga bunga ng
punong-kahoy[a] na ipinakakain sa mga baboy sapagkat walang sinumang nagbigay sa kaniya.

Nang manauli ang kaniyang kaisipan, sinabi niya: Ang aking ama ay maraming upahang utusan. Sagana sila sa
17 

tinapay samantalang ako ay namamatay dahil sa gutom. 18 Tatayo ako at pupunta ako sa aking ama. Sasabihin ko sa
kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. 19 Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo.
Gawin mo akong isa sa iyong mga upahang utusan. 20 Sa pagtayo niya, pumunta siya sa kaniyang ama, ngunit
malayo pa siya ay nakita na siya ng kaniyang ama at ito ay nahabag sa kaniya. Ang ama ay tumakbo at niyakap at
hinagkan siya.

Sinabi ng anak sa kaniya: Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin. Hindi na ako karapat-dapat na
21 

tawaging anak mo.

Gayunman, sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin: Dalhin ninyo ang pinakamainam na kasuotan at isuot ninyo sa
22 

kaniya. Magbigay kayo ng singsing para sa kaniyang kamay at panyapak para sa kaniyang mga paa. 23 Magdala kayo
ng pinatabang guya at katayin ito. Tayo ay kakain at magsaya. 24 Ito ay sapagkat ang anak kong ito ay namatay at
muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan. Sila ay nagsimulang magsaya.

At ang nakakatanda niyang anak ay nasa bukid. Nang siya ay dumarating at malapit na sa bahay, nakarinig siya ng
25 

tugtugin at sayawan. 26 Tinawag niya ang isa sa kaniyang mga lingkod. Tinanong niya kung ano ang ibig sabihin ng
mga bagay na ito. 27 Sinabi ng lingkod sa kaniya: Dumating ang kapatid mo. Nagpakatay ng pinatabang guya ang
iyong ama sapagkat ang kapatid mo ay natanggap niyang ligtas at malusog.

Nagalit siya at ayaw niyang pumasok. Dahil dito lumabas ang kaniyang ama at namanhik sa kaniya. 29 Sumagot
28 

siya sa kaniyang ama. Sinabi niya: Narito, naglingkod ako sa iyo ng maraming taon. Kahit minsan ay hindi ako
sumalangsang sa iyong utos. Kahit minsan ay hindi mo ako binigyan ng maliit na kambing upang makipagsaya
akong kasama ng aking mga kaibigan. 30 Nang dumating itong anak mo, nagpakatay ka para sa kaniya ng pinatabang
guya. Siya ang nag-aksaya ng iyong kabuhayan kasama ng mga patutot.

Sinabi ng ama sa kaniya: Anak, lagi kitang kasama at lahat ng akin ay sa iyo. 32 Ang magsaya at magalak ay
31 

kailangan sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay. Siya ay nawala at natagpuan.

You might also like