Panalangin NG Misyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANALANGIN NG MISYON

Diyos Amang mapagmahal,


isinugo Mo ang Iyong Anak sa mundo
upang ipahayag ang Mabuting Balita
ng kaligtasan sa lahat --
sa mga makasalanan, dukha, inaapi,
maysakit, tinalikuran at pinabayaan.
Sa Krus, inialay Niya ang Kanyang buhay para sa amin
at Siya ay nabuhay na mag-uli
para kami ay tubusin at ipagkasundo sa Iyo.
Ang Espiritu Santo ay isinugo Mo sa mga Apostol
upang ang gawain ng Iyong Anak ay maipagpatuloy
at akayin ang lahat sa kaligtasan.
Sa Iyo Ama, salamat
dahil mula sa dilim,
inakay Mo kami patungo sa liwanag.

Bigyang-lakas nawa kami ng Banal na Espiritu


nang maihatid namin ang Mabuting Balita
sa aming mga kapatid sa lahat ng panig ng mundo
lalo na sa mga hinirang sa Synod na aming gagawin.
Pagkalooban Mo kami ng marubdob na paghahangad
na makatulong sa iba na manampalataya rin sa Panginoong Hesus
upang makahati sila sa Kanyang buhay at kagalakan.
Alalayan nawa kami at ipanalangin ng Pinagpalang Ina,
ang Tala ng Ebanghelisasyon
sa pagsasabuhay at pagbabahagi sa kapwa
ng aming pananampalataya.
Ang matibay na pagmamahal at pamimintakasi sa Mahal na Ina
ang humubog nawa sa amin na maging tunay na saksi at alagad ni Hesus,
laging handang maisugo,
at maging masunurin sa anumang kanyang ibigin.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong Anak Mo
na nabubuhay at naghahari kaisa Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.
SYNOD
Kami ay nakatayo sa iyong harapan, Banal na Espiritu,
Habang kami ay natitipon sa iyong ngalan.

Gabayan mo kami habang kami’y nasa iyong piling,


Manahan ka nawa sa aming mga puso;
Turuan mo kami sa aming mga pagkilos
At kung paanong makakamit ito.

Kami ay mahina at makasalanan;


Huwag mong hayaang maging sanhi kami ng kaguluhan.
Huwag mong hayaang ang aming kamangmangan
Ay dalhin kami sa maling landas o di kaya’y
Makaapekto sa aming mga pagkilos.

Hayaan mong masumpungan ka namin sa aming pagkakabuklod


Nang sa gayo’y makapaglakbay kami tungo sa buhay na walang hanggan
At hindi malihis sa daang matuwid at tama.

Ang lahat ng ito ay aming hinihiling sa iyo,


Ikaw na kumikilos sa lahat ng dako at oras,
Sa pakikipag-isa ng Ama at Anak,
Magpasawalang hanggan.
Amen.

You might also like