Professional Documents
Culture Documents
Wika at Politika
Wika at Politika
Wika at Politika
Membro ng Pangkat:
Wika at Politika
Dahil ang Politika ay maihahalintulad natin sa salitang gobyerno, dito
nagaganap ang paggawa ng batas. Ang mga batas na ito ay humuhubog sa lahat ng
kilos sa lipunan, at ang batas mismo ang nagdudulot ng “spillover effect”, isang
termino sa pag-aaral ng agham pampolitika na kung saan ang epekto ng mga
nangyayari sa loob ng politika ay umaabot din sa ibang sektor ng lipunan. Katulad sa
Pilipinas na pina-prioritize ang importasyon ng palay kaysa sa eksportasyon ng palay
na gawa ng ating mga magsasaka, sa kabila ng agrikultura bilang isa sa mga
kalakasan ng Pilipinas. Dahil dito, may tumataas na pagkabahala ng iba’t ibang sektor
sa lipunan. Sa sektor ng agrikultura, nagpoprotesta ang mga magsasaka dahil sa
pagbaba ng presyo ng palay na kanilang pino-produce dahil sa pagbaba ng demand
ng lokal na palay, at pagtaas ng demand sa imported na palay. Bini-view ito ng Human
Rights sector na isang “insensitive” na galaw mula sa gobyerno dahil hindi lamang ito
pagbabalewala sa mga karapatan ng mga magsasaka, ito rin ay nagdudulot ng pinsala
sa ating mga lokal na negosyo. Dahil dito, tumataas ang dami ng mga nagpoprotesta
sa daan, nagiging mainit na isyu ito na pinag-uusapan sa social media, tumataas ang
consciousness ng mga tao sa mga pampolitika na mga proseso, nagpapa-apoy sa
compassion ng mga tao, at samakatuwid. Sa mga halimbawang ito, nabibigyang
pansin natin kung paano nakapwesto ang politika sa lipunan, na hindi lamang ito
limitado sa mga batas o mga legal na kaso, kundi ito rin ay tumatalakay ng isa sa mga
katangian na likas sa tao, ang “pursuit of power.” Dahil sa kapangyarihan, ang politika
ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan
ng nagsasalita.
Ayon kay Aristotle, “man is a political animal.” Ibig sabihin, ang mga tao ay
natural na mga politikal na nilalang. Sa ating kasaysayan, karahasan ang ginagamit
upang makamit ang kapangyarihan. Kaya laging talamak ang konsepto ng “might is
right,” at mga gera. Pero ngayon na umusbong na ang kultura ng mga tao sa
pakikipag-halubilo sa isa’t isa at tayo ay nagiging sibil na, “war of words” o pakikipag-
kompetisyon na gamit ang berbal na komunikasyon na ang ginagamit upang makamit
ang kapangyarihan. Dito papasok ang kahalagahan ng wika sa politika. Ayon sa aklat
nila Santos (2012), ang wika ay nagpapakita ng kapangyarihan ng isang
tagapagsalita upang ipakilala ang kanyang sarili lipunang kanyang kinabibilangan.
Dahil sa wika mismo ay ating nakikilala ang katayuan ng isang tao base sa kanyang
kagalingan sa pagbigkas ng mga salita, ang pagka-komprehensibo ng kanyang mga
salita, at iba pa. Dahil dito, maituturing natin na galing sa “elite” ang mga tao dito dahil
sila ay may mas malawak na access sa edukasyon, kaya naman ay may kakayahan
silang magsalita ng kagalingan sa wika. Kasama nito, nagiging sandata ang wika
upang mapasunod ang mga mas nakakababa sa kanya, kadalasan ay yung mga mas
mahirap at mababa ang estado sa buhay. Kaya halos sa mga telenobela sa Pilipinas,
ang napapansin natin na mga bida sa mga grupo ay yung may karisma sa pagsasalita.
Dahil sa wika, mas nararamdaman natin na tayo ay malapit sa kanila, o hindi kaya
mas naiintindihan natin ang value ng kanyang mga sinasalita.
Dito, ating binibigyang diin ang relasyon ng wika at kapangyarihan. Gamit
ang wika, nagagawa nitong maapektuhan kung ano ang nararamdaman ng tao,
kung ano dapat ang ikilos nila, at kung paano tayo mag-isip. Halimbawa na lang
sa konteksto ng magulang sa kanyang mga anak. Maaaring makakasakit ang salita
ng kanilang mga magulang dahil sa kanilang familial relationship kung kaya mas may
value ang salita ng mga magulang dahil sila ay importante sa buhay natin. Gayundin,
ang mga magulang din ay may awtoridad na mag-utos sa kanilang mga anak. Sa
halimbawang ito, ating nakikita na dinamiko ang wika sa kanyang gamit.
Maihahalintulad natin ito sa politika na may dalawang klase ng kapangyarihan sa
pagpapasya: Influential power at Authoritative power. Ang influential power ay ang
pag aapekto sa kung paano k umilos at mag-isip ang mga tao sa pamamagitan ng
kanilang influence. Sa halimbawa kanina, influential power ang familial relationship
dahil sa impluwensya ng kanilang relasyon bilang magulang at anak. Ang authoritative
power naman ay ang pag aapekto ng pagkilos at pag-iisip ng tao sa pamamagitan ng
direk o ‘di direk na pag-uutos. Sa halimbawa kanina, ang magulang ay may
kapangyarihan mag-utos. Sa konteksto ng politika, parehong klase ng kapangyarihan
ay ginagamit sa politika. Sa pamamagitan ng wika, itong dalawang klase ng
kapangyarihan ay naisasakatuparan dahil ito ay nagsisilbing midyum.
Kaya sa politika, binibigyang importansiya ang lahat ng mga sinasabi rito. Ito
ang tinatawag natin na Controlling Domains of Language (CDL). Ibig sabihin, ang
wika na ginagamit sa pampolitika at panggobyernong mga proseso ay intellectualized
language na kung saan, ginagamit siya para makapagbigay kaalaman sa mga bagay-
bagay. Kaya kung may maliit na pagkakamali sa diskusyon sa loob ng gobyerno ay
maaaring magresulta ng malaking hindi pagkakaintindihan at, kagaya ng sinabi ko
kanina, maaapektuhan ang ibang sektor sa lipunan.
Ang wika rin ay ginagamit bilang instrumento at estratehiya ng mga pulitiko
upang mahikayat ang mga tao na botohin sila. Sa pagkakampanya, ang mga pulitiko
ay todo bigay ng mga pangako, nagbibigay ng mga talumpati para
maimpluwensyahan ang mga botante, at dumadalo ng mga debate. Sa wika,
naihahatid ng mga politiko ang kanilang mga gusto ipahiwatig sa mga tao. Kung
kaya’t, sa pag-usbong ng social media, mas nabigyang importansya ang
komunikasyon. Ang mga sinasabi ng mga pulitiko ay inuulat ng mga mamamahayag,
at dahil dito, nalalaman ng tao ang mga ginagawa ng mga pulitikong kanilang binoto.
Gayon pa man, positibong katangian nga ito sa mga tao dahil sila ay mas nagkaka-
alam, ito naman ay negatibo sa parte ng mga pulitiko. Kagaya nalang ng mga
talumpati ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte. Dahil sa kanyang tono at mga
salitang pinili, ang mga tao ay may iba’t ibang interpretasyon. Dahil sa paggamit ng
dating pangulo ng mga maligasgas at hindi pormal na mga salita, maraming tao ang
hindi gusto ng ganito at sa huli, siya ay binabatikos. Maari natin itong ma-attribute sa
lugar na kinalakihan ni Duterte na kung saan, ang mga tao ay sanay sa paggamit ng
mala-galit na tono, at mga salitang maligasgas. Gayunpaman, dahil siya ay ang
pangulo ng Pilipinas, hindi lahat ng tao ay sanay sa ganitong pamamaraan. Kaya sa
Controlling Domains of Language, binibigyang diin na ang mga sinasalita sa gobyerno
ay may dalang mabigat na kahulugan at dapat ito ay eksakto at straightforward para
hindi ma-interpret ng mali.
Samakatuwid, ang wika ay importanteng katangian sa proseso ng politika.
Dahil dito ay nabibigyan ng value ang mga bagay-bagay sa lipunan. Sa patuloy na
pag aaway ng iba’t ibang sektor sa lipunan, ang wika ay patuloy rin na ginagamit, at
ang dalawang konseptong ito ay hindi man mapaghihiwalay.
Wika ng Halalan
A. Pangangampanya
Sa proseso ng pangangampanya nakapaloob dito ang Operation Dikit o ang
pagkakabit ng mga poster na mayroong mukha ng kandidato, islogan, plataporma, at
numero sa balota. Maari ring sa pamamagitan ng rekorida o pag-aanunsyo,
pagpapatugtog ng jingles. May mga politiko din na gumagamit ng motorcade, tricycle
caravan, o padyak, house-to-house at leafleteering at gift-giving. It ang mga
pamamaraan na kadalasang ginagawa o nangyayari tuwing panahon ng
pangangampanya. Sa panahon ng pangangampanya hindi rin maiiwasan ang
paggamit ng dirty tricks tulad ng vote buying.
D. Kandidato
Ang bawat kandidato ay may sariling islogan, tagline, pagmamahal ng mga
kandidato sa kanilang pangalan, at pagpapahalaga sa numero. Mahalaga ang mga
ito sa mga kandidato dahil ito ang paraan upang madali silang maalala ng tao.
Konklusyon
Hindi maipagkakaila ang ugnayang mayroon ang wika at politika. Ang politika
tulad ng wika ay ginagamit o mayroong manipestasyon sa pang araw-araw natin na
buhay. Ang simpleng pagdedesisyon ng isang magulang kung sino ang gagawa ng
isang gawaing-bahay, kung magkano ang magiging baon ng kanyang anak, at iba pa,
ay isang manipestasyon ng politika dahil sa pinakamadaling pagpapakahulugan, ang
politika ay ang paggamit ng kapangyarihan sa pagdedesisyon at sa pag-uutos di
lamang para sa kanyang sarili ngunit para din sa ibang grupo o tao. Naipapaabot ang
kabuuang konsepto nito gamit ang wika.
Sa unang bahagi ng ulat, natalakay ang iba’t-ibang depinisyon o aspeto ng wika
at politika mula sa iba’t-ibang dalubhasa. Ang mga ito ang siyang naging pundasyon
sa mas malalim pang pagdidiskusyon patungkol sa wika at politika. Ayon kay
Constantino, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin,
isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. Ang wika at politika
ay magkatambal sa usaping panlipunan.
Mahalaga ang wika sa lipunan at ang ginagampanan nito sa usaping politika.
Bagaman hindi gaanong ginagamit ang wikang Filipino sa pagtuturo o mga opisyal na
transaksyon ng gobyerno, nabibigyang empasis ang paggamit nito tuwing eleksyon o
halalan. Ang tungkulin ng pangangampanya ay para ipaabot ang nais sabihin ng mga
kandidato sa mga botante, kaya naman mahalagang isaalang-alang ang wikang
gagamitin ng sa gayon maisigurado na naiintindihan ang nais nilang ipahiwatig.
Ang wika bilang isang paraan sa pakikipagkomunikasyon ay may kakayahang
makibagay sa kung saan ito gagamitin, depende na din sa pagkakagamit nito. Kaya
naman mayroon tayo ng tinatawag na “wika ng halalan” na kung saan ang mga salita
o katagang ginagamit ay pagpapakahulugan batay sa konteksto ng eleksyon o politika
sa kabuuan.
Sanggunian:
● Fedorenko, E. (2014). The role of domain-general cognitive control in language
comprehension. National Library of Medicine.
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4009428/
● Holmes, R. (1994). Ang Dominanteng Uri ng Pulitika Sa Filipinas: Bakit Hindi
na Kailangan ang mga Dominanteng Pulitiko. Philippine E-Journals.
https://ejournals.ph/article.php?id=7818
● Inter-parliamentary Union (n.d.). Electoral System. Inter-parliamentary Union.
http://archive.ipu.org/parline-e/reports/2254_B.htm
● Sonico, R. (n.d.). Ano ang Wika. Academia.
https://www.academia.edu/33796835/Ano_ang_Wika
● Vote Pilipinas (2020). How does the Philippine Electoral System work?. Vote
Pilipinas. https://votepilipinas.com/electoral-system.html
● Bautista, Ma. Lourdes S. 1988. The parameters of intellectualization –
Applications to Filipino. Philippine Journal of Linguistics. 19.2. 35-44
● Sibayan, Bonifacio P. 1991. The intellectualization of Filipino. International
Journal of. The Sociology of Language. No. 88. 69-82