Reflect

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Marinelle Palada 11-OLOG FPL

REPLEKSIYON

Ang pagbabasa at pagsusulat ay isang mahalagang gawain sa bawat tao sapagkat dito
nagsisimula ang pagkatuto. Nakakadagdag ito ng kaalaman ng isang tao at nagiging daan
upang maipahayag ang ating saloobin sa isang bagay. Sa hirap ng buhay, maraming tao
isinuko ang edukasyon. Sa panunood ko ng dokumentaryo ni Kara David, napagtanto ko kung
gaano nahuli sa daloy ng pagkatuto ang mga estudyante sa Sauyo Highschool. Ipinapakita rito,
ang mga kabataang walang kakayahang magbasa at makapagsulat. Isa na rito si Louie na
nakatuntong sa grade 7 pero hindi pa rin nakakapagbasa at nakakapagsulat. Imbis na mag-aral
siya paguwi ng bahay ay nangangalakal pa ito upang may maitulong sa kanyang pamilya. Dahil
dito, inuuna niya magtrabaho at asikasukin ang kanyang pamilya kesa sa sarili niyang
kapakanan. Kaya’t ang pagkatuto ng pagbabasa at pagsulat ay mahalagang aspeto ng ating
buhay dahil ito ang nagiging daan tungo sa magandang buhay ng isang tao. Mula sa pagkatuto,
pagkaunawa sa mga bagay at pagkakaroon ng kaalaman .Ito ay instrumento upang
makapagtapos ng pagaaral ang isang tao at mapalawak ang pag-iisip nito. Ang pagkatuto nito
ay nagsisimula dapat sa ating tahanan ngunit may ibang mga bagay na nakaka apekto dito, ang
hindi pagbibigay pansin ng magulang na kanilang responsibilidad na turuan. Kahirapan dahil
may mga magulang na hindi rin nakapagtapos ng pagaaral at ang mahinang sistema ng
edukasyon.

Sa panahon ngayon, mababa ang porsyento sa ating bansa ng mga kabataang nakapasa
sa pagbabasa at pagsulat, dahilan na rin ng paglaki ng populasyon. Kung ako ang nasa
posisyon nila, dahil sa kahirapan, uunahin ko muna ang sikmura at mabuhay. Mahirap ang
buhay na kanilang napagdaanan lalo’t na bata pa sila. Bilang isang estudyante, nalulungkot ako
para sa mga estudyanteng hindi natuto makapag sulat at makapag basa. Nagpapasalamat ako
dahil masuwerte ang isang estudyanteng tulad ko na mayroong kakayahang matutunan ang
mga bagay bagay, makapag-aral at magkaroon ng kaalaman.

You might also like