Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang Ibong Uhaw

ni Estephanie Rose Cudal

Sinong huhusga sa ibong may kaagaw?


Sa tubig na umaalpas, siya’y uhaw.
Kayamanan ng iba’y kaniyang tanglaw
Pa’no babalik ang sandaling ninakaw?

Sipag at edukasyon, kelan kaya magiging sapat?


Lipad ng ibong uhaw, mababa at minsa'y di dapat.
Boto nya'y binebenta para sa tubig na madumi
Kailan pa kikilos para kalagaya'y maging mabuti?

Sa gobyerno ba'y ayos lang magtiwala?


Sa gawa nilang minsan nang nagpaluha
O sa mayamang nananakit at sumasakal
Saan ba kakapit ang ibong uhaw?

Kelan kaya titigil ang pangungulila?


Pag-asang makainom ay tila ba'y nawawala
Ang tulong kailan kaya dadating?
Kaunlaran sana'y di na uurong.

You might also like