Professional Documents
Culture Documents
Apn Ii
Apn Ii
PAGSUSURI NG PELIKULA:
MGA ELEMENTO
Sino mang kritiko ay kailangang maging maalam sa mga elemento o sangkap ng anyo ng panitikang
kanyang sinusuri. Ang kaalamang ito ang batayan ng mabuting kritisismo.
Bago talakayin ang mga elemento ng pelikula, marapat lamang na pagtuunan ng pansin ang mga
tagubiling magsisilbing gabay sa pagsusuri.
Kaugnay ng pagsusuri ng pelikula, tandaan ang sumusunod na tagubiling ang ilan ay hinalaw sa Bernales,
et al. (2017):
1. Liwanaging mabuti ang paksa at intensyon ng pelikulang sinusuri, Tukuyin ang kabuluhan sa lipunan
ng paksa ng pelikula. Iugnay naman ang intensyon sa bawat elemento ng pelikulang sinusuri.
2. Panoorin nang masinsinan ang pelikula at igawa iyon ng sinopsis. Ang sinopsis ay maikli lamang; sapat
lang ang haba upang maunawaan ng babasa ang paksang diwa ng pelikulang sinusuri. Hindi dapat pag-
ukulan ang sinopsis ng kung ilang pahina.
5. Iwasan ang pagbibigay ng ano mang kapasyahan nang walang lakip na batayan o patunay, bagamat
maaaring isama rin ang sariling pagkakakilala ayon sa matapat na paniniwala.
8. Tiyaking mailalapat sa pagsusuri ang angkop na dulog sa paksa at mga katangian ng pelikula. Sagutin
ang mga gabay na tanong sa pagsusuring tinukoy sa unang kabanata.
9. llista sa katapusan ang mga sangguniang pinaghanguan ng lahat ng siping binanggit sa pagsusuri.
Tiyaking wasto ang pormat at kumpleto ang mga kailangang datos ng bawat entri sa listahan..
10. Makailang-ulit na basahin ang pagsusuri, Iwasto ang mga pagkakamali sa pagbuo ng mga
pangungusap at talataan, maging ang mga pagkakamaling gramatikal at tipograpikal. Irebisa ang akda
hanggang sa maging karapat- dapat sa submisyon.
Para sa mga bagong manunuri o kritiko, makatutulong ang paggawa ng balangkas nang sa gayon ay hindi
maging waring padampot-dampot ang pagsusuri. Makatutulong ito sa pagkakaroon ng kaisahan at
kohirens sa pagsulat. Makatutulong din ang pagsasaalang-alang sa ilang gabay na tanong tulad ng
sumusunod:
8. Paano masusuri ang bawat elemento o sangkap ng pelikula ayon sa kaakmaan ng bawat isa sa
intensyon ng pelikula?
10. Sa aling eksena ng pelikula mamamalas ang pinakamalakas at/o pinakamahinang katangian ng
pelikula?
Balik-aralan ang mga tinalakay/tatalakaying tagubilin, elemento at gabay na tanong sa kabanatang ito
bago ang pana-panahong pagsulat ng pagsusuri ng pelikula sa mga susunod na kabanata. Lagi ring
pansinin/basahin ang mga huwarang pagsusuring inilahad sa mga kasunod na kabanata ng aklat na ito.
Sa pamamagitan ng Republic Act No. 9167, nilikha ang Film Development Council of the Philippines o
FDCP (Seksyon 2). Ang mga tungkulin ng FDCP ay 1) magtatag at magpatupad ng sistema ng ebalwasyon
ng mga pelikula; 2) luminang at magpatupad ng sistema para sa insentibo at paggagawad para sa mga
prodyuser batay sa merito upang gumanyak sa produksyon ng mga pelikulang may kalidad; at 3)
magtatag, mag-organisa, magpagana at magpanatili ng mga lokal at internasyonal na festival, eksibisyon
at katulad na gawain (Seksyon 3).
FILM
http://pistongpelikulangpilipino.ph
Kaugnay ng sistema ebalwasyon ng mga pelikula. tinukoy at binigyang kahulugan ng nasabing batas ang
mga elemento o sangkap ng pelikula. Ang mga elementong ito, ayon na rin sa mandato ng batas, ang
ginagamit ng FDCP sa pagsusuri ng pelikula: 1) direksyon, 2) screenplay o dulang pampelikula, 3)
sinematograpiya, 4) editing o pag-eedit, 5) disenyong pamproduksyon, 6) paglalapat ng musika, 7) tunog
at 8) pag arte o pagganap (Seksyon 11). Ang mga elementong ito ay magagamit din sa pagsusuri ng
pelikula para sa layuning pang-akademya, pampropesyon, pampublikasyon, pansarili at/o iba pang
layunin:
DIRECTOR
Ayon sa nasabing batas, masasabing epektibo ang direksyon kapag nagawang malinaw ang intensyon ng
pelikula at kapag naisakatuparan ang layunin sa pamamagitan ng epektibong orkestrasyon ng lahat ng
elemento ng pelikula. 2. Samantala, masasabi namang epektibo ang screenplay o dulang pampelikula
kapag naging malinaw ang intensyon ng pelikula sa pamamagitan ng karakterisasyon, diyalogo,
https://www.freepik.com banghay at naratibong estruktura ng pelikula.
3. Masasabi namang epektibo ang sinematograpiya kontent ng kapag malikhaing na-visualize ang
pelikula sa pamamagitan ng komposisyon ng pag- iilaw, galaw ng kamera at mga kaugnay na teknik ng
kamera sa paraang akma sa intensyon ng pelikula. 4. Ang editing o pag-eedit naman ay masasabing
epektibo kapag malikhaing napaikli o napalawig ang oras, espasyo at galaw, at kapag naiayos ang mga
imahen sa paraang akma sa intensyon ng pelikula. 5. Masasabing epektibo naman ang disenyong
pamprodukyon kapag matagumpay na nalikha ang oras, panahon, lokal, atmospera at anyo ng pelikula,
at kapag nakapag-ambag ang disenyo sa karakterisasyon sa pamamagitan ng paggamit ng set, kostyum,
props at make-up sa paraang akma sa intensyon ng pelikula.
https://www.freepik.com
6. Ang paglalapat ng musika ay tinatawag namang music scoring Masasabing epektibo ito kapag ang
musika ay nagamit upang paigtingin ang moodat emosyon, kapag nakatulong iyon sa pagbibigay-
kahulugan sa karakter, at kapag napatatag nito ang pace ng ritmo sa paraang akma sa intensyon ng
pelikula.
7. Samantala, ang tunog ay binubuo ng diyalogo, musika, sound effects at maging ng katahimikan.
Masasabing epektibo ang tunog ng pelikula kapag proporsyonal ang reproduksyon, orkestrasyon at
paghahalo-halo ng mga iyon upang umakma sa intensyon ng pelikula.
8. Panghuli, masasabi namang epektibo ang pag-arte o pagganap kapag nagampanan ng mga artista ang
kanilang karakter nang makatotohanan at matapat sa estilo upang umakma sa intensyon ng pelikula.
Samakatwid, sa pagsusuri ng pelikula, isa sa mga unang dapat mabatid ng tagasuri ay ang intensyon ng
pelikula - magmulat ba, umaliw o magpatawa, manakot, magpaawa, magpahiwatig ng pag-asa,
pumukaw ng kasabikan o iba pang damdamin? Mapapansin kasing dapat laging sinusuri ang kaakmaan
ng paggamit ng bawat elemento sa intensyon ng pelikula.
17