Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OFFICE OF CAGAYAN
APARRI SCHOOL OF ARTS AND TRADES
Aparri, Cagayan

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


DAILY LESSON PLAN in FILIPINO
Grade 8

Guro: FLORA MAY T. ESTRELLA Asignatura: FILIPINO


Petsa: Markahan: IKALAWA

I. LAYUNIN  Nakabubuo ng paghahambing tungkol sa kalagayan ng


agrikultura sa Pilipinas partikular ang pagsasaka noon sa
pagsasaka ngayon;
 Nakababasa at nakabibigkas nang wasto at may
damdamin sa tulang tatalakayin (F8PS-IIa-b-24); at
 Nakasusuri kung ang mga pahayag ay nakabubuti o
nakasasama sa bansa.
II. NILALAMAN
 TULA “Bayani ng Bukid” ni AI Q. Perez

III. KAGAMITAN  Laptop, powerpoint presentation, TV


at  Sanggunian: Pluma 9, pahina 153-160
SANGGUNIAN

IV. PAMAMARAA
N A. AKTIBIDAD:

 Pagbati
 Panalangin
 SURING-LARAWAN
Panuto: Suriin ang larawan na nagpapakita ng isang malawak na
sakahan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang pinatutunayan ng larawang ito kaugnay ng
bansang Pilipinas?
2. Bakit sinasabing ang Pilipinas ay isang agrikultural na
bansa?
3. Kung iyong susuriin ang kalagayan ng pagsasaka sa ating
bansa noon at ngayon, ano ang masasabi mo tungkol
dito?

 WORD HUNT!
Panuto: Hanapin mula sa kahon ang magkasingkahulugang
pahayag at gamitin ito sa pangungusap.
armas malinamnam nagmula nakalaan
dukha masarap nanggaling mariwasa

(078) 377-1065 Deped Tayo – Division of Cagayan Document Code: TIP-001


https://deped-sdocagayan.com.ph Rev.: 00
sdo.cagayan@deped.gov.ph As of: 07-02-2018
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OFFICE OF CAGAYAN
APARRI SCHOOL OF ARTS AND TRADES
Aparri, Cagayan

dumami matapang nakahanda nasisiyahan


hangad mayaman nais sandata
mabagsik nagagalak mahirap sumagana

B. ANALISIS:

 Pakikinig sa isang bidyo tungkol sa tulang “Bayani ng


Bukid” ni Al Q. Perez.
 PANGKATANG MADAMDAMING PAGBASA
Panuto: Bumuo ng tatlong pangkat at madamdaming bigkasin
ang tula.
Gabay na tanong:
1. Ano ang pangunahing layunin ng magsasaka sa kanyang
matiyagang pagsasaka sa bukid?
2. Ano ang maaari mong mahinuha sa sumusunod na
taludtod?
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa
3. Bakit itinuturing na bayani ang magsasakang inilarawan
sa tula?
4. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga programa o hakbang
na maaaring ilunsad ng pamahalaan upang malutas ang
suliranin ng Pilipinas hinggil sa kakulangan ng bigas?

C. ABSTRAKSYON:
Pagnilayan:
1. Ipagpalagay na ang iyong pamilya ay may pag-aaring
malawak na bukirin. Upang higit na mapagyaman ito ay
hinimok ka ng iyong magulang na kumuha ng kursong
Agrikultura sa kolehiyo. Susundin mo ba sila? Bakit oo o
bakit hindi?
2. Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating bansa?

D. APLIKASYON
 PINOY GOT TALENT
Panuto: Ipamalas ang talento sa mga sumusunod na pangkatang
gawain.
Pangkat 1. Gumuhit ng isang larawang sumisimbolo sa mga
bayani ng bukid o magsasaka.
Pangkat 2. Pumili ng tatlong saknong mula sa tula at lapatan ng
himig.
Pangkat 3. Lumikha ng tatlong saknong na tula na naglalaman ng
pasasalamat sa mga bayani ng bukid o magsasaka.

(078) 377-1065 Deped Tayo – Division of Cagayan Document Code: TIP-001


https://deped-sdocagayan.com.ph Rev.: 00
sdo.cagayan@deped.gov.ph As of: 07-02-2018
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OFFICE OF CAGAYAN
APARRI SCHOOL OF ARTS AND TRADES
Aparri, Cagayan

Pangkat 4. Bumuo ng isang maikling dula-dulaan na nagpapakita


ng kahalagahan ng pagsasaka sa ating bansa.
Pangkat 5. Isa-isahin ang mabuti at masamang naidudulot ng
teknolohiya sa ating agrikultura gamit ang fishbone organizer
(cause & effect).

PAMANTAYAN PUNTOS
Presentasyon ng awtput. 25
Kooperasyon ng bawat miyembro. 15
Disiplina ng bawat miyembro. 10
Kabuuan 50
V. EBALWASYON  GOOD OR BAD
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng
tsek(/) ang patlang kung ang pahayag ay nakabubuti sa bansa at
ekis(x) naman kung ito ay nakasasama.
___1. Ang Pilipinas ay isang agrikultural kaya’t nararapat ibigay
ng pamahalaan ang buong suporta sa magsasaka.
___2. Marami nang sakahan partikular sa Rehiyon ng
CALABARZON ang ginawang sentro ng industriyalisasyon
ngayon.
___3. Mababa ang tingin ng illang mga Pilipino sa gawaing
tinatawag na blue collar job partikular na ang pagsasaka.
___4. Bagama’t in-demand ay patuloy pa ring iniiwasan ng
kabataan ang kursong agrikultura sa kolehiyo.
___5. Patuloy ang malawakang pagko-convert ng malalawak na
sakahan upang gawing golf course o subdivision.
VI. TAKDANG-  Saliksikan ang iba’t ibang elemento ng tula.
ARALIN

Ihinanda ni:

FLORA MAY T. ESTRELLA


JHS T-III

(078) 377-1065 Deped Tayo – Division of Cagayan Document Code: TIP-001


https://deped-sdocagayan.com.ph Rev.: 00
sdo.cagayan@deped.gov.ph As of: 07-02-2018

You might also like