Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

MODYUL SA GEC 20.

2 SINESOSYEDAD O
PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS)
ARALIN 2
Ikalawang Semestre, TP 2021-2022

ARALIN 2:

MGA DULOG AT MGA PANGUNAHING ELEMENTO SA


PAGSUSURI NG PELIKULANG PANLIPUNAN

(Pebrero 7-11)

I. PANIMULA
Sa araling ito ay ipakilala ko sainyo ang mga piling teorya o dulog at mga elemento sa
pagsusuri ng pelikulang panlipunan. Aalamin natin kung paano sumasalamin ang mga teorya o dulog
na ito sa kontekstong panlipunan at kung ano ang kahalagahan ng mga elemento sa pagsusuri ng
pelikulang panlipunan.

II. MGA LAYUNIN


Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang makamit ang sumusunod na layunin:
• Maipaliwanag ang piling teorya o dulog at ang mga pangunahing elemento sa
pagsusuri ng pelikulang panlipunan.
• Maikritik ang isang pelikula na nagpapakita ng mga napapanahong isyung panlipunan
sa ating bansa.
• Maiugnay ang kahalagahang ng mga piling teorya o dulog at mga pangunahing
elemento sa pagsusuri ng mga nilalaman ng pelikulang panlipunang napanuod sa
kontekstong Pilipino.

III. PANIMULANG PAGSUBOK


Mahilig ka bang manood ng mga pelikula? Anong genre ng pelikula ang madalas mong
panoorin?
Kung ang iyong buhay ay maisasapelikula, anong pelikula ang iyong napanood na maaari
mong iugnay sa iyong buhay? Bakit? Ilahad ang iyong kasagutan. I-comment ang iyong kasagutan sa
stream sa ating Google Classroom.
.
IV. TALAKAYIN NATIN
Libangan ng tao ang panonood ng mga pelikula – mapatelebisyon man ito o sa pinilakang-
tabing. Kahit hirap sa buhay ay gumagawa ng paraan para mapanood lamang ang kanilang mga
hinahangaang artista.
Iba-iba ang pamantayan ng mga tao sa pamimili ng panonooring pelikula kaya naman kahit
ano mang pelikula ay talagang kumikita. May sarili itong mga pamamaraan sa paghatak sa mga
manonood.

1 | was downloaded by 100000869630081 from CourseHero.com on 07-26-2023 03:29:14 GMT -05:00GEC


This study source 20.2 SINESOS Modyul 2

https://www.coursehero.com/file/131034558/Modyul-2-SineSospdf/
MODYUL SA GEC 20.2 SINESOSYEDAD O
PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS)
ARALIN 2
Ikalawang Semestre, TP 2021-2022

Ikaw, ano ang pelikulang pinakatumatak sa iyo? Bakit? Naantig ba nito ang iyong damdamin
o naisip mo ring isa ka sa mga bidang artistang nagsiganap sapagkat may kaugnayan ito sa iyong
buhay?
Dumarating din naman ang mga pagkakataong ‘di tayo nagagandahan sa ating napanood.
Depende ito sa ating pamantayan. Ito’y maaaring ‘di nakatugon sa ating panlasa at ang inaasahang
galing sa pag-arte ng mga artistang gumaganap ay hindi natin nakita sa kanila. Mayroon din namang
simple lamang ang kuwento subalit mugto ang iyong mga mata nang matapos mong panoorin ang
pelikula. ‘Di mo makalimutan ang mga eksenang napanood kaya naman puro papuri ang mga
ipinupukol mong salita sa tuwing may nagtatanong sa iyo tungkol dito.
Ngayon, gawin mong batayan ang kopya ng PowerPoint presentation sa pag-aaral
ng mga dulog at mga pangunahing elemento sa pagsusuri ng pelikulang panlipunan.

V. SAGUTAN NATIN
Batay sa tinalakay na paksa, pumili ng isang partikular na pelikula na sa tingin mo’y
nagpapakita ng mga napapanahong isyung panlipunan sa ating bansa ngayon (maaaring ito ay
pelikulang Pinoy o sa mga dayuhan). Sa unang bahagi ng pagsusuri, ipaliwanag kung anong teorya
o dulog ang nakapaloob sa pelikulang ito. Sa pangalawang bahagi ay kung ano ang iyong komento
sa nasabing pelikula batay sa mga pangunahing elementong natalakay.
Gawin ito sa isang short bond paper. Sa gawing kaliwa ng unang pahina, ilagay ang iyong
pangalan, kurso at block, bilang ng aralin, at pangalan ng inyong propesor. Isumite ang iyong
pagsusuri sa ating Google Classroom bago o sa Pebrero __. Lagyan ng label (filename) ang ilalakip
na dokumento. Tingnan ang halimbawa: Modyul 2 Kim Murillo SINESOS BSEd 4-Filipino.

VI. PAHALAGAHAN NATIN


Iugnay ang kahalagahang ng mga piling teorya o dulog at mga pangunahing elemento sa
pagsusuri ng mga nilalaman ng pelikulang panlipunang napanuod sa kontekstong Pilipino.

Karapatang ari, 2020 ng Pamantasan ng Bikol, Kolehiyo ng Arte at Letra, Departamento ng Filipino
Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring koyahin sa anomang anyo o anomang
paraan upang ipamahagi o ipagbili nang walang pahintulot ng may-akda

2 | was downloaded by 100000869630081 from CourseHero.com on 07-26-2023 03:29:14 GMT -05:00GEC


This study source 20.2 SINESOS Modyul 2

https://www.coursehero.com/file/131034558/Modyul-2-SineSospdf/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like